1
00:00:05,631 --> 00:00:08,884
{\an8}Kami ng boys, handa na.
Payagan mo na kami?
2
00:00:08,968 --> 00:00:12,179
Walang paninira, torture,
o panununog ng kahit sino.
3
00:00:16,767 --> 00:00:18,269
'Tang ina?
4
00:00:18,269 --> 00:00:19,186
ANG NAKARAAN
5
00:00:19,270 --> 00:00:21,313
Nagbalik ka ng mabuting imahe.
6
00:00:21,397 --> 00:00:24,608
Gusto kang gawin ng board
na co-captain ng The Seven.
7
00:00:24,692 --> 00:00:27,027
Isa lang akong lalaking umibig
sa maling babae.
8
00:00:27,153 --> 00:00:29,113
{\an8}Sabik na akong makilala.
9
00:00:29,113 --> 00:00:31,198
'Di ako "katulad lang ninyong lahat."
10
00:00:31,282 --> 00:00:33,075
Mas magaling ako. Ako ang bayani.
11
00:00:33,159 --> 00:00:35,119
Nagustuhan sa Rust Belt ang speech mo.
12
00:00:35,119 --> 00:00:36,120
Ayos!
13
00:00:36,120 --> 00:00:37,496
Naglalakad lang siya pauwi.
14
00:00:37,580 --> 00:00:40,207
{\an8}Sobrang lakas ng sipa
ni Blue Hawk sa ulo niya.
15
00:00:40,291 --> 00:00:41,375
Magsalita ka.
16
00:00:41,459 --> 00:00:44,253
Ako si Michael Jordan.
'Di ako si Malcolm X.
17
00:00:44,253 --> 00:00:46,213
Magdadala ako ng mabubuti sa The Seven.
18
00:00:46,297 --> 00:00:48,215
Lumayo ka. Akin na siya ngayon.
19
00:00:48,299 --> 00:00:49,717
Nawala na siya sa sarili.
20
00:00:49,717 --> 00:00:51,427
Hangga't CEO ako, kontrolado siya.
21
00:00:53,554 --> 00:00:56,098
Si Neuman ang nagpapasabog ng ulo.
Anak ni Stan Edgar.
22
00:00:56,182 --> 00:00:57,767
'Di sila malalabanan nang tama.
23
00:00:57,767 --> 00:00:58,893
Lalaban tayo sa paraan mo.
24
00:00:58,893 --> 00:01:01,061
- Mukhang may alam ako.
- Ano ang BCL RED?
25
00:01:01,145 --> 00:01:03,147
Klase ng armas.
Kung naniniwala ka sa tsismis,
26
00:01:03,147 --> 00:01:05,232
'yon ang pumatay kay Soldier Boy.
27
00:01:05,316 --> 00:01:07,193
Ito ang tsansa nating mapatay
si Homelander.
28
00:01:07,193 --> 00:01:10,780
- Ano 'to?
- Temp V. Magiging supe ka nang 24 na oras.
29
00:01:10,780 --> 00:01:13,657
- Ano'ng pumatay kay Soldier Boy?
- Tanungin mo ang CIA.
30
00:01:14,867 --> 00:01:17,661
Alam mo, at wala kang sinabi!
31
00:01:17,745 --> 00:01:20,414
Sabi mo, lagi mo 'kong babantayan.
Galit ako sa'yo.
32
00:01:20,498 --> 00:01:22,249
Makipag-meeting tayo kay Little Nina.
33
00:01:22,333 --> 00:01:23,667
Hindi 'to magandang ideya.
34
00:01:23,751 --> 00:01:25,586
Frenchie, napakagandang ideya nito.
35
00:01:25,586 --> 00:01:26,921
Pupunta tayo sa Russia.
36
00:01:31,217 --> 00:01:32,718
'Yon ang Solid Gold,
37
00:01:32,802 --> 00:01:36,180
{\an8}pinagbibidahan ni Marilyn McCoo.
Kasama ang Solid Gold recording stars,
38
00:01:36,180 --> 00:01:38,766
{\an8}sina Kim Carnes, The Oak Ridge Boys,
39
00:01:38,766 --> 00:01:42,102
{\an8}Wayland Flowers & Madame,
The Solid Gold Dancers,
40
00:01:42,770 --> 00:01:46,273
at isang napakaespesyal na panauhin,
si Soldier Boy!
41
00:02:50,754 --> 00:02:53,048
Sige na. 'Wag kang mataranta.
42
00:02:53,132 --> 00:02:55,384
- Tumira ka ng V!
- Temporary V.
43
00:02:55,885 --> 00:02:57,636
Hanggang 24 na oras lang.
44
00:02:57,720 --> 00:02:59,221
Saan mo ba 'yan nakuha?
45
00:02:59,305 --> 00:03:01,307
Sa isang website. Ilang araw kang matigas.
46
00:03:01,307 --> 00:03:04,393
Hindi, 'wag kang mamilosopo.
47
00:03:04,894 --> 00:03:06,812
Nakaisang dose lang ako. Ha?
48
00:03:07,187 --> 00:03:10,316
Patay na si Gunpowder.
Alam natin ang kailangan natin. Tapos.
49
00:03:10,316 --> 00:03:12,151
Teka... Ikaw...
50
00:03:12,985 --> 00:03:15,321
Pinatay mo si Gunpowder?
51
00:03:16,113 --> 00:03:17,531
Gamit ang kapangyarihan?
52
00:03:18,157 --> 00:03:19,575
May superpowers ka?
53
00:03:19,909 --> 00:03:22,161
Tigilan na natin, ha?
54
00:03:22,578 --> 00:03:23,996
Tapos na. Ayos lang ako.
55
00:03:23,996 --> 00:03:25,789
Teka. Alam ba ng iba?
56
00:03:28,751 --> 00:03:29,793
Hindi, 'di nila alam.
57
00:03:31,128 --> 00:03:32,630
At kung malalaman nila,
58
00:03:33,505 --> 00:03:35,382
mako-coma ka sa'kin.
59
00:03:41,472 --> 00:03:44,558
Oo, tama ka.
Mukhang ayos na ayos ka lang.
60
00:03:49,730 --> 00:03:53,192
{\an8}Ang tindi ng atake ng The New York Times
sa birthday telecast mo,
61
00:03:53,192 --> 00:03:54,526
{\an8}- at sabi nila...
- Oo.
62
00:03:54,610 --> 00:03:57,780
{\an8}"Nakakatakot makakita ng
ganyan kalakas, na ganyan kagalit."
63
00:03:57,780 --> 00:03:59,239
{\an8}Galit nga ako.
64
00:03:59,573 --> 00:04:02,284
{\an8}Oo. Sawa na ako sa mga kasinungalingang
65
00:04:02,368 --> 00:04:04,578
{\an8}- pinapakalat ng mainstream media.
- Oo.
66
00:04:04,662 --> 00:04:08,082
{\an8}Pero ang totoong tanong, Cam,
sino ang nasa likod ng mga pag-atake?
67
00:04:08,707 --> 00:04:10,376
{\an8}Sino'ng nagpapatahimik sa'kin?
68
00:04:10,960 --> 00:04:13,128
{\an8}Baka ang mayayaman
at malalakas na nabanggit mo
69
00:04:13,212 --> 00:04:15,714
{\an8}sa speech mong matapang, sa palagay ko.
70
00:04:15,798 --> 00:04:16,632
{\an8}Salamat.
71
00:04:16,632 --> 00:04:17,549
{\an8}Sino sila?
72
00:04:17,925 --> 00:04:20,219
{\an8}Sila ay mga taong 'di mo pa naririnig.
73
00:04:20,219 --> 00:04:22,346
{\an8}Pero patago silang kumikilos.
74
00:04:22,346 --> 00:04:24,932
{\an8}At sila ang nagkokontrol ng sitwasyon.
75
00:04:25,307 --> 00:04:27,726
{\an8}At, sa kasamaang palad, nakakalat sila.
76
00:04:28,560 --> 00:04:29,895
{\an8}Kahit sa loob ng Vought.
77
00:04:31,105 --> 00:04:32,982
Pasensya na, naubusan sila ng oat milk.
78
00:04:33,440 --> 00:04:36,568
- Ano'ng ginagawa mo rito?
- 'Di ako puwedeng dumaan lang basta?
79
00:04:36,652 --> 00:04:38,487
'Di ka gumagawa basta ng kahit ano.
80
00:04:40,614 --> 00:04:42,032
'Di ka seryoso.
81
00:04:42,116 --> 00:04:45,369
'Di hinuhuli si Homelander.
Halos polisiya na 'yon ng pamahalaan.
82
00:04:45,369 --> 00:04:47,413
Walang manghuhuli ng kahit sino.
83
00:04:47,955 --> 00:04:50,582
Maikling paalala lang
kung sino'ng may kontrol.
84
00:04:51,041 --> 00:04:54,211
Napanood mo siguro siya
kay Cameron Coleman kaninang umaga?
85
00:04:54,962 --> 00:04:56,005
Nanunubok siya.
86
00:04:56,005 --> 00:04:58,257
'Pag nangyari 'yon,
dapat silang disiplinahin
87
00:04:58,257 --> 00:05:00,092
gaya ng gagawin ng magulang.
88
00:05:00,092 --> 00:05:01,176
Gaya kay Zoe.
89
00:05:01,260 --> 00:05:02,970
'Di tatanggalin ni Zoe ang gulugod ko.
90
00:05:02,970 --> 00:05:04,304
'Wag tayong mataranta.
91
00:05:04,388 --> 00:05:06,557
'Di maganda ang pananalita niya sa rant.
92
00:05:06,557 --> 00:05:08,142
Magbigay ka ng pahayag.
93
00:05:08,142 --> 00:05:11,937
Mahigpit na pagalit, ilang multa sa FCC.
Hindi seryoso.
94
00:05:12,021 --> 00:05:13,856
Paalala lang
95
00:05:13,856 --> 00:05:16,025
na 'di siya makakalusot sa kahit ano.
96
00:05:16,025 --> 00:05:17,484
Magugustuhan niya 'yon.
97
00:05:18,110 --> 00:05:19,653
Magiging ligtas ka.
98
00:05:21,530 --> 00:05:22,448
At si Zoe?
99
00:05:23,032 --> 00:05:24,408
Lalo na si Zoe.
100
00:05:24,408 --> 00:05:27,411
Baka tumahol si Homelander,
pero 'di siya mangangagat.
101
00:05:27,786 --> 00:05:29,329
Takot pa rin siya sa'kin.
102
00:05:31,040 --> 00:05:34,334
'Di ko hahayaang may mangyari sa'yo
o kay Zoe.
103
00:05:35,878 --> 00:05:37,463
Alam mo 'yon, 'di ba?
104
00:05:38,047 --> 00:05:39,339
Oo. Oo, siyempre.
105
00:05:53,437 --> 00:05:54,354
Mga ginoo.
106
00:06:03,906 --> 00:06:04,823
Kumusta, kumusta?
107
00:06:05,949 --> 00:06:07,242
Ikaw siguro si Nina.
108
00:06:07,743 --> 00:06:09,578
William Butcher.
109
00:06:10,037 --> 00:06:13,749
Sergei, ba't 'di mo sinabi sa'kin
na matipuno pala siya?
110
00:06:14,917 --> 00:06:17,461
Gumagawa ako ng pelmeni kung gusto mo.
111
00:06:17,836 --> 00:06:20,047
'Di ako kasinggaling magluto ng Sergei ko.
112
00:06:20,672 --> 00:06:23,675
Nilabasan ako sa cassoulet niya.
113
00:06:24,676 --> 00:06:27,096
Masama pa rin ang loob ko
na inagaw mo siya sa'kin.
114
00:06:27,096 --> 00:06:30,516
Binigyan namin siya
ng mas magandang tahanan, 'di ba?
115
00:06:33,185 --> 00:06:36,021
Ba't n'yo ako binisita?
116
00:06:37,397 --> 00:06:39,691
May hanap akong partikular na tech.
117
00:06:39,775 --> 00:06:42,152
Isang sandatang
'di ka masosorpresang marinig.
118
00:06:42,236 --> 00:06:45,197
Baka makatulong kayo
ng mga kaibigan mo sa Kremlin.
119
00:06:46,281 --> 00:06:48,784
- Pinupuri mo naman ako.
- Karapat-dapat ka.
120
00:06:48,784 --> 00:06:51,745
Balita ko,
may kinunan kang ilang sumusugal
121
00:06:51,829 --> 00:06:56,208
mula sa interior ministry
na nakikipaglaro sa'yo sa kama.
122
00:06:58,836 --> 00:07:00,420
Bayad 'yan sa utang ni Cherie.
123
00:07:00,921 --> 00:07:04,716
Dagdag pa ang isandaang libo
para sa abala sa'yo.
124
00:07:11,723 --> 00:07:15,477
Alam ba ng Bureau n'yo na ibinibigay n'yo
sa'kin ang malinis nilang pera?
125
00:07:15,561 --> 00:07:17,938
Gobyerno 'yon ng US, darling.
126
00:07:17,938 --> 00:07:19,481
Magpi-print lang sila ulit.
127
00:07:24,444 --> 00:07:26,905
Ayos ang perang 'yan para sa abala sa'kin.
128
00:07:27,865 --> 00:07:30,075
Pero paano naman ang pagdurusa ko?
129
00:07:30,617 --> 00:07:34,454
Tapos, nand'yan din ang panahon
at ang stress ko.
130
00:07:36,707 --> 00:07:39,209
'Di mahimbing ang tulog ko.
131
00:07:42,796 --> 00:07:45,757
At ano'ng papawi sa pananakit mo?
132
00:07:47,926 --> 00:07:49,469
- Si Cherie.
- Hindi.
133
00:07:49,553 --> 00:07:52,306
- Hindi puwede...
- 'Yon lang ang gusto ko.
134
00:07:54,099 --> 00:07:56,977
Tayong dalawa,
nagsisimula pa lang tayo, darling.
135
00:07:56,977 --> 00:08:01,440
'Wag mong sabihing 'di na mapag-uusapan.
136
00:08:04,234 --> 00:08:06,195
- M'sieur Charcutier, kasi...
- Frenchie.
137
00:08:23,337 --> 00:08:24,630
{\an8}Sabihin na natin sa mundo.
138
00:08:26,965 --> 00:08:30,052
Nagmamahalan kami ni Starlight.
139
00:08:30,594 --> 00:08:31,720
Hashtag Homelight.
140
00:08:36,975 --> 00:08:39,353
- Kailan ipapalabas?
- Mamayang gabi.
141
00:08:41,063 --> 00:08:42,356
"#Homelight"?
142
00:08:43,899 --> 00:08:47,152
- Pumayag ka rito?
- 'Yon ang sinabi mo, Hughie.
143
00:08:48,320 --> 00:08:50,322
"Kahit ano'ng kapalit." Ito...
144
00:08:52,282 --> 00:08:53,909
Ito ang kapalit.
145
00:08:55,244 --> 00:08:56,161
Uy...
146
00:08:59,915 --> 00:09:01,250
Magiging ayos lang 'to.
147
00:09:02,251 --> 00:09:03,210
Talaga.
148
00:09:04,503 --> 00:09:06,046
Hayaan mong iligtas kita.
149
00:09:11,343 --> 00:09:12,302
Hughie...
150
00:09:14,554 --> 00:09:15,931
kailangang umubra 'to.
151
00:09:20,769 --> 00:09:21,645
Uubra 'to.
152
00:09:23,021 --> 00:09:23,981
Ano ang uubra?
153
00:09:26,275 --> 00:09:31,029
Ang set-up ng VoughtSonic speaker ko.
Pasensya na, paano ka nakapasok?
154
00:09:31,113 --> 00:09:32,030
May susi ako.
155
00:09:33,365 --> 00:09:36,368
Oo, kailangan kong bantayan
ang nobya ko, 'di ba?
156
00:09:36,368 --> 00:09:38,245
Siya nga pala, ang himbing mong matulog.
157
00:09:39,830 --> 00:09:41,665
Tingnan n'yo kayo. Nagbibiro ako.
158
00:09:42,457 --> 00:09:45,168
Ano ba, mag-relax nga kayo? Nagbibiro ako.
159
00:09:45,794 --> 00:09:47,796
Pero tara na. Late na tayo.
160
00:09:49,965 --> 00:09:53,468
Rolling Stone. Cover shoot. Hot Issue.
161
00:09:53,552 --> 00:09:55,304
"Hottest Ship" tayo.
162
00:09:55,304 --> 00:09:57,139
'Wag kang mag-alala, Hughie.
163
00:09:57,139 --> 00:10:01,226
Pang-camera lang ang relasyong 'to.
164
00:10:03,228 --> 00:10:06,231
Pero gano'n kami nagsimula ni Maeve, at...
165
00:10:06,815 --> 00:10:08,317
Naging mainit-init 'yon.
166
00:10:09,860 --> 00:10:11,611
Oo, 'di ako nagbibiro, pare.
167
00:10:11,695 --> 00:10:15,615
Sabihin na lang nating kaya ni Maeve na
bumali ng tubo nang walang kamay.
168
00:10:18,702 --> 00:10:20,120
Kumusta siya?
169
00:10:20,120 --> 00:10:21,580
Magaling ba siya sa kama?
170
00:10:29,921 --> 00:10:33,175
'Pag hinawakan mo siya
o kahit sinong mahalaga sa kanya,
171
00:10:33,842 --> 00:10:34,885
aalis ako.
172
00:10:35,594 --> 00:10:38,430
At dadalhin ko ang approval points ko.
173
00:10:45,228 --> 00:10:47,189
Mga babae talaga. Nagbibiro ako.
174
00:10:47,481 --> 00:10:49,066
Kailangan n'yo talagang kumalma, guys.
175
00:10:50,192 --> 00:10:53,695
Tara na, Starlight, naghihintay si Mario.
176
00:10:54,029 --> 00:10:55,489
Tatawagan kita mamaya.
177
00:10:58,658 --> 00:11:01,078
SUMASAIYO,
HOMELANDER
178
00:11:02,496 --> 00:11:05,832
Sino'ng may paki kay Blue Hawk?
'Di hamak na mas mababa siya sa'yo.
179
00:11:05,916 --> 00:11:10,045
Pinagmamalupitan ang mga Black sa Trenton.
May pananagutan dito ang Vought.
180
00:11:11,963 --> 00:11:12,964
Tama.
181
00:11:13,882 --> 00:11:14,925
Teka, Seryoso ka?
182
00:11:15,384 --> 00:11:17,219
- Gusto ko lang kausapin.
- Siyempre.
183
00:11:17,219 --> 00:11:19,721
Mahalaga rito ang hustisya sa lipunan.
184
00:11:20,305 --> 00:11:21,556
- Kailan pa?
- A-Train,
185
00:11:21,640 --> 00:11:23,934
"Black Lives Matter"
ang paborito kong hashtag.
186
00:11:23,934 --> 00:11:26,269
Ang Insta ko? Puro itim na screen.
187
00:11:27,479 --> 00:11:28,605
At tingnan mo ikaw!
188
00:11:28,605 --> 00:11:31,858
Ang guwapo mo!
Itong bagong ginawa mo,
189
00:11:31,942 --> 00:11:35,237
'yan mismo ang nagbigay-inspirasyon
sa buong kampanyang 'to.
190
00:11:35,237 --> 00:11:37,197
Ang pananahimik ay pakikisabwat.
191
00:11:37,197 --> 00:11:39,825
Mag-shoot na tayo, mamaya na si Blue Hawk.
192
00:11:39,825 --> 00:11:42,494
- Kailan, Ashley?
- Mamaya, A-Train.
193
00:11:44,204 --> 00:11:46,164
At action sa dolly.
194
00:11:46,248 --> 00:11:48,208
Opo, sir!
195
00:11:48,208 --> 00:11:49,126
{\an8}SUMALI SA USAPAN
196
00:11:49,126 --> 00:11:51,670
{\an8}Narito tayo para sa kapayapaan,
pag-ibig at kaunlaran.
197
00:11:51,670 --> 00:11:53,338
Saan sila papunta?
198
00:11:53,422 --> 00:11:54,714
May protesta.
199
00:11:59,010 --> 00:12:01,221
A-Train, saan ka papunta?
Magsu-shoot na tayo.
200
00:12:02,013 --> 00:12:03,348
Mahalaga 'to.
201
00:12:37,799 --> 00:12:39,342
Makinig tayo sa isa't isa.
202
00:12:40,343 --> 00:12:43,013
{\an8}A-Train's Turbo Rush energy drink.
203
00:12:44,181 --> 00:12:45,849
At... cut!
204
00:12:51,980 --> 00:12:54,733
Apat o limang araw siguro.
205
00:12:54,733 --> 00:12:56,485
Ngayon ka pa nahulog sa Peloton.
206
00:12:56,485 --> 00:12:59,404
Lumalaklak ako ng Vicodin.
Ang sakit pa rin ng braso ko.
207
00:12:59,488 --> 00:13:01,865
Wala akong silbi sa'yo, Vicky. Talaga.
208
00:13:02,449 --> 00:13:05,744
Sige. Humiga ka lang,
magpahinga, magpagaling.
209
00:13:05,744 --> 00:13:08,246
'Yon mismo ang ginagawa ko.
Salamat, Vic.
210
00:13:08,330 --> 00:13:10,207
Ngayon ka pa lang lilipad nang private?
211
00:13:11,208 --> 00:13:12,709
Ngayon pa lang lalabas ng bansa.
212
00:13:13,502 --> 00:13:16,296
Limang taon akong nagtrabaho kay Nina.
23 kontrata.
213
00:13:17,005 --> 00:13:19,674
Kahit kailan, wala siyang ibinigay.
Ano 'to?
214
00:13:19,758 --> 00:13:22,969
Ngayon, ibinigay niya sa'tin
ang eroplano at mga bagong passport?
215
00:13:24,221 --> 00:13:26,014
Ipinangako kaya sa kanya si Cherie?
216
00:13:26,014 --> 00:13:27,807
Lintik 'yan, Frenchie,
217
00:13:28,308 --> 00:13:30,977
ano'ng klaseng halimaw ba 'ko
sa tingin mo?
218
00:13:31,061 --> 00:13:32,354
Mag-enjoy ka.
219
00:13:32,604 --> 00:13:33,980
Isipin mo, nasa Entourage ka.
220
00:13:39,945 --> 00:13:42,864
Ang Entourage, para sa estupido
at isinumpa.
221
00:13:52,916 --> 00:13:55,252
Hi. Puwede ba tayong mag-usap?
222
00:13:55,252 --> 00:13:57,170
- Hindi.
- Maeve, pakiusap.
223
00:14:04,469 --> 00:14:06,888
Balita ko, 'di ka na raw nagte-training.
224
00:14:07,222 --> 00:14:08,265
Talaga?
225
00:14:08,265 --> 00:14:11,560
Nabalitaan mo ring may hangover ako
anim na beses bawat linggo,
226
00:14:11,560 --> 00:14:13,812
at kung kani-kanino nakikipaglampungan?
227
00:14:16,481 --> 00:14:18,108
'Yon ang gusto kong isipin nila.
228
00:14:19,067 --> 00:14:20,443
Sige, makinig ka.
229
00:14:20,527 --> 00:14:24,406
Narinig mo na ba ang "BCL RED?"
230
00:14:26,658 --> 00:14:29,661
Ibig mong sabihin, sandatang
makakapatay kay Homelander?
231
00:14:29,661 --> 00:14:31,538
Kung mahahanap ni Butcher?
232
00:14:31,913 --> 00:14:32,789
Alam mo?
233
00:14:35,542 --> 00:14:37,627
Sino sa tingin mo ang nagturo sa kanila?
234
00:14:38,461 --> 00:14:39,921
Kaya ako nagte-training.
235
00:14:40,255 --> 00:14:44,301
O apat na buwan nang hindi umiinom.
236
00:14:44,301 --> 00:14:47,512
Baka mabigyan ko ng oras si Butcher
para makatira nang maganda.
237
00:14:47,596 --> 00:14:50,849
Kahit papaano, makakatira ako.
238
00:14:52,183 --> 00:14:53,059
Sige.
239
00:14:53,852 --> 00:14:54,686
Sige, sige.
240
00:14:54,686 --> 00:14:58,481
Nandito na tayong dalawa.
At baka makahanap pa tayo ng iba.
241
00:14:58,565 --> 00:15:00,066
Tama. Oo.
242
00:15:00,442 --> 00:15:04,738
Sigurado akong magtatagumpay talaga kayo
ng Duluth's Most Mighty.
243
00:15:04,738 --> 00:15:05,822
Problema ko 'to.
244
00:15:06,865 --> 00:15:09,200
- Ako ang nakasama ng gago.
- Maeve...
245
00:15:10,452 --> 00:15:13,580
'Di mo 'to puwedeng gawin nang mag-isa.
Papatayin ka niya.
246
00:15:17,334 --> 00:15:19,836
Wala ka talaga masyadong pakialam
sa sarili mo?
247
00:15:22,756 --> 00:15:23,715
Dapat lang sa'kin.
248
00:16:24,609 --> 00:16:25,443
Magandang balita.
249
00:16:26,236 --> 00:16:28,279
Nakausap ni Nina ang mga bataan sa Kremlin
250
00:16:28,363 --> 00:16:29,823
at nahanap na niya ang lab.
251
00:16:29,823 --> 00:16:31,157
Ayos 'yon. Nasaan?
252
00:16:31,241 --> 00:16:34,869
Bago niya sabihin, may kailangan tayong
gawin para sa kanya. Simple lang.
253
00:16:34,953 --> 00:16:37,205
Lokal na oligarka lang
na nanlamang sa kanya.
254
00:16:37,205 --> 00:16:40,792
Hindi. 'Di ko na 'to gagawin.
Lalo na para kay Nina.
255
00:16:40,792 --> 00:16:43,044
Maganda 'yon, 'di ba?
256
00:16:43,128 --> 00:16:45,046
Kasi 'di ikaw ang gagawa.
257
00:16:46,256 --> 00:16:47,173
Siya.
258
00:16:49,843 --> 00:16:52,220
Pasensya na, darling.
Biktima ka ng tagumpay mo.
259
00:16:52,846 --> 00:16:54,556
Naipasok ka na ni Nina.
260
00:16:54,931 --> 00:16:57,142
Prosti ka ng isang gago ngayong gabi.
261
00:16:57,142 --> 00:16:59,894
Papasok ka lang, dadalihin mo ang gago.
262
00:16:59,978 --> 00:17:01,730
At lumayas ka na. Sisiw.
263
00:17:04,566 --> 00:17:06,151
Nagmamakaawa ako sa'yo, 'wag.
264
00:17:07,068 --> 00:17:10,405
Frenchie, ito o ulo ni Cherie
ang pagpipilian.
265
00:17:11,531 --> 00:17:13,575
Wala na akong ginawang tama.
266
00:17:16,494 --> 00:17:18,830
'Di mo ako baril.
267
00:17:23,585 --> 00:17:25,295
'Yon ka mismo.
268
00:17:26,504 --> 00:17:27,922
Baka nakakalimutan ninyo,
269
00:17:29,340 --> 00:17:31,050
sasabihin ko sa inyo ang gagawin
270
00:17:33,303 --> 00:17:34,679
at gagawin n'yo.
271
00:17:49,778 --> 00:17:53,198
Lintik. May masama ka na namang
sasabihin sa'kin, 'no?
272
00:18:00,079 --> 00:18:01,456
Makinig ka lang sa'kin.
273
00:18:01,456 --> 00:18:03,416
Kung sakali...
274
00:18:04,918 --> 00:18:07,587
kung kailangan talaga natin
siyang labanan...
275
00:18:08,880 --> 00:18:10,173
tutulungan mo ba 'ko?
276
00:18:10,590 --> 00:18:12,842
- Seryoso ka?
- Sa ikinikilos niya...
277
00:18:12,926 --> 00:18:13,885
'Di siya matatalo.
278
00:18:13,885 --> 00:18:17,597
Baka may paraan, ha?
Mas ligtas kung 'di mo alam kung pa'no.
279
00:18:18,097 --> 00:18:19,808
Pero kailangan namin ang tulong mo.
280
00:18:20,266 --> 00:18:24,437
Kasama ako, si Maeve.
Apat o lima pa siguro ang kailangan natin.
281
00:18:24,521 --> 00:18:25,730
At may tsansa tayo.
282
00:18:27,774 --> 00:18:30,568
Pasensya na, Alex, ayoko sanang
ipagawa sa'yo 'to,
283
00:18:30,652 --> 00:18:32,987
pero 'di ko na alam kung kanino lalapit.
284
00:18:36,115 --> 00:18:36,950
Sige, sasama ako.
285
00:18:38,034 --> 00:18:38,868
Sasama ka.
286
00:18:40,078 --> 00:18:42,497
Gano'n lang. 'Di mo man lang pag-iisipan?
287
00:18:42,497 --> 00:18:43,665
Ayos lang ako.
288
00:18:45,542 --> 00:18:47,752
'Di ko naiintindihan. Bakit...
289
00:18:48,670 --> 00:18:50,046
napakabait mo sa'kin?
290
00:18:51,756 --> 00:18:52,924
'Di ba halata?
291
00:18:53,591 --> 00:18:56,386
Ikaw lang ang babaeng minahal ko,
Annie January.
292
00:18:58,012 --> 00:18:59,264
Alex, patawad.
293
00:19:00,598 --> 00:19:02,225
Hindi, kasi, kami ni Hughie...
294
00:19:02,225 --> 00:19:03,685
Niloloko lang kita.
295
00:19:05,103 --> 00:19:07,272
Tumigil ka.
Sa tingin mo, papayag ang lola ko
296
00:19:07,272 --> 00:19:10,024
na pakasalan ko
ang pinaka-White na babae sa lahat?
297
00:19:10,108 --> 00:19:11,359
Tarantado ka!
298
00:19:11,359 --> 00:19:13,152
Oo, 'yon nga ako. Makinig ka sa'kin,
299
00:19:13,236 --> 00:19:16,739
mula nang lumipat ka sa New York,
naging nakapatatag mo.
300
00:19:18,074 --> 00:19:19,200
Ang Annie na kilala ko...
301
00:19:20,368 --> 00:19:22,036
Nakikita ang kabutihan sa mga tao.
302
00:19:25,206 --> 00:19:27,709
Tutulungan kita kasi 'yon ang dapat gawin.
303
00:19:29,794 --> 00:19:30,712
'Yon lang.
304
00:19:32,881 --> 00:19:34,299
Welcome sa'yo, Supersonic.
305
00:19:34,299 --> 00:19:36,259
Masaya kaming lahat na makasama ka,
306
00:19:37,302 --> 00:19:39,095
lalo na ang dati mong nobya, si Starlight.
307
00:19:40,680 --> 00:19:43,141
Kaya para sa'yo,
may munting sorpresa kami.
308
00:19:46,185 --> 00:19:49,397
Seryoso, nasa building na 'to
ang pinakamasasarap na taco bowl.
309
00:19:49,397 --> 00:19:51,441
Dapat ma-at home ka na, 'tol.
310
00:19:53,234 --> 00:19:55,153
'Di talaga ako nagsa-Spanish, sir.
311
00:19:56,613 --> 00:19:58,197
Sir, muy delicioso 'to.
312
00:20:01,576 --> 00:20:04,954
Tapos na ang meeting. Kailangan ko
ang kuwarto, kaya umalis na kayo.
313
00:20:05,038 --> 00:20:08,082
Sa totoo lang, Homelander,
may sasabihin ako.
314
00:20:11,085 --> 00:20:14,255
A-Train, sige, magsalita ka na.
315
00:20:16,174 --> 00:20:18,843
Gusto ko sanang pag-usapan si Blue Hawk.
316
00:20:19,802 --> 00:20:21,679
- Blue Hawk?
- Sa Trenton.
317
00:20:22,597 --> 00:20:24,432
Sige. Ano?
318
00:20:25,308 --> 00:20:28,519
Sobra ang pagpatrolya niya
sa mga Black na komunidad.
319
00:20:28,603 --> 00:20:31,439
- Problema na 'yon.
- Ang sama no'n.
320
00:20:32,148 --> 00:20:34,150
Salamat, Starlight. Oo nga.
321
00:20:34,859 --> 00:20:37,695
Naisip ko,
tutal may aayusin tayo sa demo na 'yon,
322
00:20:37,779 --> 00:20:40,365
baka puwede muna natin siyang ibangko.
323
00:20:40,907 --> 00:20:43,284
Baka tumaas nang anim o pitong puntos
324
00:20:43,368 --> 00:20:44,953
sa mga African-American.
325
00:20:44,953 --> 00:20:47,372
Teka, ibabangko mo siya?
'Di ba natin kailangan
326
00:20:48,081 --> 00:20:50,124
ng mas maraming superhero, 'di mas kaunti?
327
00:20:50,792 --> 00:20:53,127
'Pag marami kayong magkaparehong base
ni Blue Hawk.
328
00:20:53,211 --> 00:20:55,463
Kaya mo ba talagang magpakampante
sa krimen?
329
00:20:57,757 --> 00:21:00,885
Tama nga 'yon, Deep.
330
00:21:01,719 --> 00:21:03,638
Magaling. 'Yon na ang sagot mo.
331
00:21:03,638 --> 00:21:05,223
Malas lang, A-Train.
332
00:21:05,223 --> 00:21:07,892
- Sige. Kailangan ko ang kuwarto. Labas.
- Lintik.
333
00:21:19,237 --> 00:21:20,154
Ano?
334
00:21:21,614 --> 00:21:24,283
May press conference si Victoria Neuman
mamayang gabi.
335
00:21:25,034 --> 00:21:27,203
- Ano naman?
- Tungkol sa'yo.
336
00:21:29,914 --> 00:21:31,624
At ngayon mo lang nalaman?
337
00:21:31,708 --> 00:21:33,084
Siguradong wala lang 'yon.
338
00:21:33,960 --> 00:21:35,670
Uy, halika sandali.
339
00:21:41,384 --> 00:21:44,220
Tinitira ba ng tanga ang bobo mong utak?
340
00:21:47,015 --> 00:21:48,266
'Di 'yon retorikal.
341
00:21:48,850 --> 00:21:49,809
Sagutin mo 'ko.
342
00:21:52,270 --> 00:21:53,187
Hindi.
343
00:21:54,188 --> 00:21:56,232
'Di tinitira ng tanga ang bobo kong utak.
344
00:21:56,232 --> 00:22:00,319
Gawin mo na ang trabaho mo
at alamin mo ang nangyayari, Ashley!
345
00:22:00,403 --> 00:22:01,487
Opo, sir.
346
00:22:05,074 --> 00:22:07,827
Deep? Pasensya na.
Sino'ng nagtanong sa'yo? Kanina.
347
00:22:07,827 --> 00:22:10,747
Sino'ng humingi ng opinyon mo?
348
00:22:10,747 --> 00:22:12,957
- Miyembro ako ng team na 'to.
- Naku naman.
349
00:22:15,334 --> 00:22:17,003
Magaling si Homelander.
350
00:22:17,003 --> 00:22:20,757
Pero ang pagsipsip mo sa kanya, kadiri.
351
00:22:21,174 --> 00:22:23,926
Uy, pare, alam mo. Naiintindihan ko, ha?
352
00:22:24,010 --> 00:22:27,221
Mahirap 'to. Pinili ako ni Homelander
para pabalikin, at ikaw,
353
00:22:27,305 --> 00:22:28,389
paalis na naman.
354
00:22:29,432 --> 00:22:32,101
At rebrand, ngayon pa?
355
00:22:32,185 --> 00:22:34,062
Aray. "Ang Bagong A-Train?"
356
00:22:34,062 --> 00:22:36,606
Paano si Eagle the Archer
na naging Eagle the Rapper?
357
00:22:36,606 --> 00:22:39,609
Tama, walang nangyari.
Nakakalungkot lang, pare.
358
00:22:39,609 --> 00:22:42,779
Para kang si Ashton Kutcher
na tumira ng clownfish.
359
00:22:42,779 --> 00:22:46,407
Wala kang kuwenta. At ang tanga-tanga mo,
ni hindi mo nga alam.
360
00:22:46,949 --> 00:22:51,412
Talaga? Eh kung sabihin ko kay Homelander
kung sino ang nag-leak kay Stormfront?
361
00:22:51,496 --> 00:22:54,749
Eh kung sabihin kong kinuha mo
ang Flight 37 video sa Atlantic
362
00:22:54,749 --> 00:22:56,292
at ibinigay mo kay Maeve?
363
00:22:57,960 --> 00:22:59,921
Sige, halika. Tumakbo ka sa'kin!
364
00:22:59,921 --> 00:23:01,172
'Di ka pala nakakatakbo.
365
00:23:04,717 --> 00:23:07,053
- Sinuntok mo 'ko sa hasang. Gago!
- Oo.
366
00:23:15,770 --> 00:23:18,189
Boys, boys, boys.
367
00:23:23,361 --> 00:23:24,362
Diyos ko...
368
00:23:26,155 --> 00:23:32,120
A-Train, d'yan ka lang at ipahinga mo
'yang walang kuwenta mong binti.
369
00:23:36,666 --> 00:23:38,626
- Uy, pare, 'wag na.
- Hindi!
370
00:23:38,626 --> 00:23:40,545
- 'Wag na.
- Bitawan mo 'ko!
371
00:23:40,545 --> 00:23:42,922
'Di mo 'yan gustong gawin. Easy lang.
372
00:23:43,422 --> 00:23:44,423
Pucha!
373
00:23:45,299 --> 00:23:47,593
- Kumalma ka lang. Easy lang, pare.
- Tumigil ka!
374
00:23:50,263 --> 00:23:51,639
Gago siya!
375
00:23:52,723 --> 00:23:54,225
- Gago si Home...
- Tigil.
376
00:23:54,976 --> 00:23:56,227
Paano kung marinig ka niya?
377
00:24:01,482 --> 00:24:04,110
Dapat na ako ngayong pumayag
na magpaapi kay Deep?
378
00:24:04,110 --> 00:24:05,611
Gagong Deep.
379
00:24:07,697 --> 00:24:09,740
Mas susuportahan siya ni Homelander?
380
00:24:09,824 --> 00:24:12,201
Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko
para sa kanya.
381
00:24:12,285 --> 00:24:15,288
Nagkaroon lang ako ng problema,
tapos, ngayon...
382
00:24:16,956 --> 00:24:18,875
Basura na 'ko.
383
00:24:26,966 --> 00:24:27,842
Paano kung...
384
00:24:30,136 --> 00:24:32,013
may magagawa tayo ro'n?
385
00:24:40,938 --> 00:24:42,440
Ano'ng naiisip mo?
386
00:24:48,946 --> 00:24:51,782
SUMASAIYO,
HOMELANDER
387
00:24:53,075 --> 00:24:55,745
Butcher, ano'ng problema mo, pare?
388
00:24:56,829 --> 00:24:59,749
- Siguradong sasabihin mo sa'kin.
- 'Yong ginawa mo kay Ryan.
389
00:24:59,749 --> 00:25:02,710
At ngayon, 'yong walang puso mong sinabi
kay Kimiko.
390
00:25:02,710 --> 00:25:05,713
Paano ka naging ganyan kagago?
391
00:25:05,713 --> 00:25:06,839
Practice.
392
00:25:06,923 --> 00:25:09,634
Ikaw ang lumapit sa'kin, gago.
393
00:25:10,635 --> 00:25:13,304
Nirerespeto ko kung sino
ang nagmamando rito, pero...
394
00:25:13,804 --> 00:25:16,557
'di ko na kukunsintihin
ang kagaguhan mo, pare.
395
00:25:18,476 --> 00:25:20,186
Tanda mo ba no'ng nagkakilala tayo?
396
00:25:21,103 --> 00:25:22,271
Mahirap makalimutan.
397
00:25:22,980 --> 00:25:24,273
Kami ng Colonel,
398
00:25:24,941 --> 00:25:27,068
pumili kami ng mga officer,
399
00:25:28,319 --> 00:25:29,570
malaki ang kaltas sa sahod.
400
00:25:30,154 --> 00:25:31,447
Naiisip mo ba
401
00:25:32,198 --> 00:25:35,159
kung bakit nakakulong na Marine
ang pinili namin?
402
00:25:35,952 --> 00:25:36,869
Tingnan natin.
403
00:25:37,703 --> 00:25:40,957
Pinatumba ko ang racist kong CO
at na-ICU siya sa isang suntok.
404
00:25:40,957 --> 00:25:42,583
Kaya alam mong malakas ako.
405
00:25:42,667 --> 00:25:44,252
At binasa mo ang file ko.
406
00:25:44,752 --> 00:25:46,420
Kaya alam mong galit ako sa Vought.
407
00:25:47,171 --> 00:25:48,673
Wala ro'n.
408
00:25:48,673 --> 00:25:51,509
'Di 'yon nakasama, pero, hindi.
409
00:25:52,301 --> 00:25:55,346
Kinausap namin
'yong mga nakasama mo sa basic.
410
00:25:55,346 --> 00:25:57,807
At sabi nila,
411
00:25:59,392 --> 00:26:03,354
ikaw ang nagbuklod sa platoon nila.
412
00:26:04,480 --> 00:26:05,940
Likas na lider.
413
00:26:12,196 --> 00:26:13,614
'Di mo 'yon sinabi sa'kin.
414
00:26:13,698 --> 00:26:14,824
Pare...
415
00:26:16,284 --> 00:26:18,953
'Di ako nag-iilusyon
tungkol sa pagkatao ko.
416
00:26:20,371 --> 00:26:22,373
Kaya ka namin kinuha.
417
00:26:22,873 --> 00:26:25,376
Kasi kahit gaano ko kailangang sumagad...
418
00:26:27,503 --> 00:26:30,172
nandito ka para bantayan ang Boys.
419
00:26:32,758 --> 00:26:33,718
Ngayon,
420
00:26:34,427 --> 00:26:35,845
kung ako ang gagawa no'n,
421
00:26:36,387 --> 00:26:38,889
'di ako puwedeng magpakatarantado.
422
00:26:39,849 --> 00:26:40,725
'Di ba?
423
00:26:44,562 --> 00:26:45,563
Tarantado lang.
424
00:27:32,651 --> 00:27:34,278
Ikaw si Irina?
425
00:27:35,446 --> 00:27:36,864
Late ka na.
426
00:28:16,070 --> 00:28:17,071
Halika.
427
00:28:17,905 --> 00:28:18,823
Mga binibini...
428
00:28:20,658 --> 00:28:23,953
Oras na para sa mga pakulo.
429
00:28:25,538 --> 00:28:29,250
Mga Contraband ito.
430
00:28:38,050 --> 00:28:40,553
"Star Spangled Banger" ni Homelander.
431
00:28:40,553 --> 00:28:42,430
"Flounder Pounder" ni Deep.
432
00:28:42,430 --> 00:28:44,598
"Silent Screamer" ni Black Noir.
433
00:28:44,682 --> 00:28:46,267
Pumili ka.
434
00:28:46,809 --> 00:28:47,810
Halika.
435
00:28:48,727 --> 00:28:49,562
Halika.
436
00:28:56,026 --> 00:28:58,404
Hubarin mo ang bestida mo.
437
00:29:10,416 --> 00:29:12,293
Tumuwad ka...
438
00:29:14,336 --> 00:29:15,671
at ang kaibigan mo...
439
00:31:13,289 --> 00:31:15,416
- Kumusta ka?
- Para akong masusuka.
440
00:31:15,833 --> 00:31:18,586
Tandaan mo lang, dapat lang 'to sa kanya.
441
00:31:20,546 --> 00:31:21,630
Good luck, anak.
442
00:31:26,385 --> 00:31:28,345
Magandang hapon. Salamat sa pagpunta.
443
00:31:28,429 --> 00:31:29,888
Ako si Congresswoman Neuman,
444
00:31:29,972 --> 00:31:32,016
Direktor ng Federal Bureau
of Superhuman Affairs.
445
00:31:32,016 --> 00:31:33,309
Ano'ng meron?
446
00:31:34,518 --> 00:31:35,978
- Sa nakaraang taon...
- Lintik.
447
00:31:35,978 --> 00:31:39,356
...nakikipagtulugan kami
sa Vought nang may isang prinsipyo,
448
00:31:39,440 --> 00:31:42,776
ang pinakamakapangyarihan sa'tin
ay 'di ligtas sa batas.
449
00:31:43,444 --> 00:31:45,988
Kasama na ang pinakamakapangyarihan
sa kumpanya.
450
00:31:51,285 --> 00:31:52,202
Si Homelander...
451
00:31:57,333 --> 00:32:01,170
ay lakas-loob na lumapit bilang
whistleblower at nagbigay ng ebidensya
452
00:32:01,170 --> 00:32:04,423
ng mga krimeng ginawa sa Vought
ng CEO na si Stan Edgar.
453
00:32:06,383 --> 00:32:11,472
At sa mga darating na araw, iimbestigahan
ng FBSA ang mga paratang ng blackmail,
454
00:32:11,472 --> 00:32:15,100
pagsisinungaling, at paghadlang
sa hustisya laban kay Mr. Edgar.
455
00:32:16,060 --> 00:32:20,773
Dapat sumunod ang Vought International
sa pinakamatataas na pamantayan...
456
00:32:21,315 --> 00:32:22,274
Ano'ng ginawa mo?
457
00:32:23,567 --> 00:32:25,361
Isang bagay na noon ko pa dapat ginawa.
458
00:32:25,361 --> 00:32:27,112
Kumpanya ng superhero 'to.
459
00:32:27,738 --> 00:32:30,324
Umpisa pa lang.
Sa atin 'to, hindi sa kanya.
460
00:32:30,991 --> 00:32:32,785
Kaya nilinaw ko ang mga bagay-bagay.
461
00:32:33,911 --> 00:32:34,828
'Yon lang.
462
00:32:38,165 --> 00:32:42,419
At sinumang nagtatago
sa ilalim ng saya niya?
463
00:32:42,795 --> 00:32:44,588
Tapos na rin 'yon.
464
00:32:45,089 --> 00:32:46,548
Bagong simula na.
465
00:32:49,176 --> 00:32:50,803
Dawn of The Seven na.
466
00:33:06,068 --> 00:33:07,069
Bakit?
467
00:33:07,069 --> 00:33:09,196
Noon pa, 'di mo ako pinoprotektahan.
468
00:33:09,196 --> 00:33:10,364
Ako'ng pumoprotekta sa'yo.
469
00:33:12,032 --> 00:33:15,119
- Kailangan kong protektahan si Zoe.
- Aalis na tayo, Mr. Edgar.
470
00:33:20,958 --> 00:33:23,627
Mula ngayon, ang mga pag-uusapan,
'di galing kay Suzanne,
471
00:33:23,711 --> 00:33:24,837
Sa'kin manggagaling.
472
00:33:25,295 --> 00:33:29,508
Aaprubahan ko ang bawat isang salita
ng copy. Malinaw ba?
473
00:33:29,508 --> 00:33:31,218
Napakalinaw, ma'am.
474
00:33:31,218 --> 00:33:34,680
Parang mga unggoy ang nagsulat ng script.
475
00:33:34,680 --> 00:33:37,057
Tama ba? Napakapangit.
476
00:33:39,685 --> 00:33:41,311
Ako ang nagsulat n'yan, ma'am.
477
00:33:44,064 --> 00:33:45,274
Pasensya na.
478
00:33:45,274 --> 00:33:48,110
Tinitira ba ng tanga ang bobo mong utak?
479
00:33:49,653 --> 00:33:51,071
Hindi, hindi 'yon retorikal.
480
00:33:52,364 --> 00:33:53,282
Sagutin mo 'ko.
481
00:33:57,786 --> 00:33:58,871
Paano kung sinabi kong...
482
00:34:00,038 --> 00:34:01,165
Oo?
483
00:34:06,295 --> 00:34:07,921
Kailangan kitang parusahan.
484
00:34:10,466 --> 00:34:13,844
Paano mo 'ko paparusahan?
485
00:34:29,234 --> 00:34:32,196
Tinitira ng tanga
ang bobo kong utak, ma'am.
486
00:34:38,327 --> 00:34:40,412
Kumusta?
487
00:34:46,084 --> 00:34:48,253
Magugustuhan 'to ni Nina.
488
00:34:48,337 --> 00:34:49,630
Kita n'yo? Sabi ko sa inyo.
489
00:34:50,297 --> 00:34:51,465
Sisiw.
490
00:35:13,278 --> 00:35:15,697
'Di ko 'to kaya.
491
00:35:18,450 --> 00:35:20,577
'Yong mga babae...
492
00:35:21,161 --> 00:35:22,788
'Yong mga babaeng bumaril sa'yo?
493
00:35:27,501 --> 00:35:29,044
Takot lang sila.
494
00:35:33,090 --> 00:35:35,551
Alam ko, 'di ko sila sinisisi.
495
00:35:36,093 --> 00:35:38,345
Binili at ibinenta sila
496
00:35:38,595 --> 00:35:40,430
tulad ko.
497
00:35:42,766 --> 00:35:43,934
Si Butcher,
498
00:35:43,934 --> 00:35:45,602
ibinenta ako.
499
00:35:47,020 --> 00:35:50,023
'Di tao ang trato niya
sa kahit sino sa'tin.
500
00:35:54,361 --> 00:35:55,404
Si Butcher...
501
00:35:56,113 --> 00:35:57,447
Si Shining Light...
502
00:35:57,865 --> 00:35:59,658
Si Little Nina.
503
00:36:00,200 --> 00:36:02,578
Pare-pareho sila.
504
00:36:05,664 --> 00:36:09,668
Ang meron lang tayo, ang isa't isa.
505
00:36:10,294 --> 00:36:11,837
Ikaw
506
00:36:11,837 --> 00:36:14,006
at ako.
507
00:36:21,763 --> 00:36:22,848
Tama ka.
508
00:36:25,142 --> 00:36:26,852
Baka oras na para umalis tayo.
509
00:36:27,603 --> 00:36:28,437
Talaga?
510
00:36:28,437 --> 00:36:29,521
Talaga.
511
00:36:30,063 --> 00:36:30,898
Kailan?
512
00:36:32,065 --> 00:36:35,485
Si Butcher. Bahala na siya.
513
00:36:37,029 --> 00:36:39,323
Pero sina Hughie at M.M.,
kailangan nila tayo.
514
00:36:39,323 --> 00:36:41,033
Kaya, gagawin natin 'to.
515
00:36:43,660 --> 00:36:45,662
Tapos, sa'n mo gustong pumunta?
516
00:36:49,875 --> 00:36:51,752
Marseilles.
517
00:36:51,960 --> 00:36:53,545
Pupunta tayo sa Marseilles.
518
00:37:15,567 --> 00:37:16,610
Uy.
519
00:37:20,280 --> 00:37:21,490
Malakas ang daloy ngayon?
520
00:37:22,908 --> 00:37:24,034
Biro lang.
521
00:37:25,953 --> 00:37:27,245
Magsabi ka ng totoo.
522
00:37:27,329 --> 00:37:29,164
Iniisip mo bang pasabugin ang ulo ko?
523
00:37:31,375 --> 00:37:33,210
Malay natin. Subukan mo.
524
00:37:37,172 --> 00:37:38,507
Bilisan natin, puwede?
525
00:37:39,091 --> 00:37:40,467
Ang haba na ng araw.
526
00:37:40,467 --> 00:37:41,510
Oo nga.
527
00:37:42,552 --> 00:37:45,472
'Di siguro madaling traydorin nang gano'n
ang matanda.
528
00:37:46,139 --> 00:37:49,059
Pero pampalubag-loob lang,
529
00:37:49,893 --> 00:37:52,270
handa siyang gawin din 'yon sa'yo.
530
00:37:53,772 --> 00:37:54,773
Ano 'to?
531
00:37:55,649 --> 00:37:59,361
Research sa oposisyon na hiniram ko
sa opisina ni Edgar.
532
00:38:01,446 --> 00:38:04,491
Sa tingin mo, pa'no ko nalaman
na katulad ka namin?
533
00:38:04,825 --> 00:38:06,994
Hindi ito sa kanya. Sa iba 'to.
534
00:38:08,078 --> 00:38:10,372
Hindi. Sa kanya 'yan.
535
00:38:12,374 --> 00:38:13,709
'Di ka niya anak.
536
00:38:15,085 --> 00:38:16,169
Sandata ka niya.
537
00:38:17,087 --> 00:38:17,921
'Yon ginagawa nila.
538
00:38:18,755 --> 00:38:19,756
Ginagawa nila lahat.
539
00:38:20,298 --> 00:38:21,216
Lahat sila.
540
00:38:22,134 --> 00:38:26,680
Ang punto, kailangan nilang
gawin sa'tin 'yon.
541
00:38:27,389 --> 00:38:29,182
Kailangan nila kasi alam nila
542
00:38:30,308 --> 00:38:33,270
- 'pag 'di sila makatulog sa gabi...
- Nasa'yo ba o wala?
543
00:38:37,149 --> 00:38:38,442
Gaya ng ipinangako.
544
00:38:40,819 --> 00:38:44,072
Orihinal na recipe.
Lahat ng 11 pampalasa.
545
00:38:55,375 --> 00:38:56,418
Vicky?
546
00:38:58,754 --> 00:39:00,756
Natutuwa akong pinili mo ang uri mo.
547
00:39:03,884 --> 00:39:04,885
Matalino 'yon.
548
00:39:49,346 --> 00:39:50,889
Butcher, puwede ba akong...
549
00:39:52,933 --> 00:39:54,017
Ano'ng ginagawa mo?
550
00:39:56,520 --> 00:39:57,979
Pansalo.
551
00:39:58,605 --> 00:40:01,233
Kung sakaling magkagulo sa lab.
552
00:40:09,032 --> 00:40:10,242
Gusto kong subukan.
553
00:40:12,619 --> 00:40:13,620
'Wag kang hunghang.
554
00:40:14,579 --> 00:40:17,290
Lason 'to, Hughie.
'Di 'to gugustuhin ng tulad mo.
555
00:40:17,374 --> 00:40:19,042
Ano, tulad kong talunan?
556
00:40:20,085 --> 00:40:21,128
Pariwara?
557
00:40:21,545 --> 00:40:22,879
'Di magtatagal,
558
00:40:23,505 --> 00:40:25,132
mahahanap ni Homelander si Ryan.
559
00:40:26,258 --> 00:40:29,761
Ha? Mangyayari 'yon.
Kailangan ko 'tong gawin, ha?
560
00:40:30,387 --> 00:40:31,263
Hindi.
561
00:40:31,263 --> 00:40:32,973
Nasa panganib din si Annie.
562
00:40:33,682 --> 00:40:37,185
Halos ni-laser ako ni Homelander
sa harap niya at...
563
00:40:37,686 --> 00:40:41,273
para akong bumalik sa lahat
ng nam-bully sa'kin. Tinanggap ko lang.
564
00:40:41,273 --> 00:40:43,525
Tapos, iniligtas na naman niya ako!
565
00:40:47,445 --> 00:40:48,822
Butcher, pakiusap.
566
00:40:49,948 --> 00:40:50,782
Pakiusap.
567
00:40:51,992 --> 00:40:55,495
Kasi ngayon, galit na galit ako,
ni hindi ako makahinga.
568
00:40:59,416 --> 00:41:00,458
Hughie...
569
00:41:03,420 --> 00:41:04,421
Ito...
570
00:41:06,089 --> 00:41:07,257
hindi ito kapangyarihan.
571
00:41:08,675 --> 00:41:09,885
Parusa 'to.
572
00:41:10,844 --> 00:41:12,637
'Di ka karapat-dapat dito.
573
00:41:15,849 --> 00:41:17,100
Ano? At ikaw, oo?
574
00:41:25,108 --> 00:41:26,651
Maghanda ka nang umalis.
575
00:41:32,407 --> 00:41:34,826
Napakaganda nga ng view mo rito.
576
00:41:35,535 --> 00:41:36,661
Tama ka.
577
00:41:38,538 --> 00:41:40,332
Dapat mo 'yang makita sa kalawakan.
578
00:41:42,500 --> 00:41:43,835
Kamangha-mangha.
579
00:41:43,919 --> 00:41:45,378
80 sa 60.
580
00:41:45,462 --> 00:41:50,634
Guguho na ang buong buhay mo, at parang
binabasa mo si John Grisham.
581
00:41:57,140 --> 00:42:00,810
Nabalitaan ko nga pala ang tungkol sa
"temporary leave of absence" mo.
582
00:42:01,061 --> 00:42:05,190
Pero kadalasan,
nagiging permanente 'yon, 'no?
583
00:42:11,947 --> 00:42:14,074
- 'Wag mong sisihin si Vicky...
- Hindi.
584
00:42:14,074 --> 00:42:18,119
Kung may itinuro ako sa kanya,
'yon ay pumanig sa lahat.
585
00:42:20,705 --> 00:42:23,208
Mas katulad ko siya kaysa sa naisip ko.
586
00:42:23,917 --> 00:42:26,127
Pero gusto kong malaman.
587
00:42:26,586 --> 00:42:29,047
- Ano'ng ibinigay mo sa kanya?
- Kaunting respeto, Stan.
588
00:42:29,756 --> 00:42:31,258
Dapat ibinigay mo sa'kin.
589
00:42:31,925 --> 00:42:33,426
Ano'ng silbi no'n?
590
00:42:34,427 --> 00:42:35,804
Saan ba mapupunta
591
00:42:36,554 --> 00:42:40,976
kung 'di sa walang hanggang balon
ng inseguridad na tinatawag mong kaluluwa?
592
00:42:44,646 --> 00:42:46,731
Diyos ko. Alam mo?
593
00:42:47,232 --> 00:42:49,192
Dati, natatakot ako sa'yo.
594
00:42:49,901 --> 00:42:53,697
Oo. At ngayon, tingnan mo ikaw...
595
00:42:53,697 --> 00:42:55,699
Wala akong ideya kung bakit.
596
00:42:56,700 --> 00:42:59,119
Totoo, hindi ka nga...
597
00:42:59,953 --> 00:43:03,707
katawa-tawa, wala ka lang.
598
00:43:03,707 --> 00:43:05,500
Ba't ka pa pala nandito?
599
00:43:05,500 --> 00:43:08,545
Naghahanap ka ng basbas ko
na parang tatay mo ako?
600
00:43:09,796 --> 00:43:11,089
At kung gano'n nga...
601
00:43:11,089 --> 00:43:13,008
Ano'ng dapat basbasan?
602
00:43:13,008 --> 00:43:14,592
Sa'yo ang kumpanya.
603
00:43:14,968 --> 00:43:16,803
Wala nang lalaban sa'yo.
604
00:43:17,345 --> 00:43:22,517
Pero sa tingin ko, pagsisisihan mo 'yon.
605
00:43:22,976 --> 00:43:25,145
At bakit naman?
606
00:43:25,145 --> 00:43:28,940
Kasi wala na ring magtatanggol sa'yo.
607
00:43:29,774 --> 00:43:31,693
Sa huli, baka malapit na,
608
00:43:31,693 --> 00:43:33,653
makikita na ng mundo
609
00:43:33,737 --> 00:43:37,240
na isa kang kaawa-awang kabiguan.
610
00:43:37,532 --> 00:43:40,201
'Di ka karapat-dapat sa respeto ko.
611
00:43:40,702 --> 00:43:42,287
'Di ka diyos.
612
00:43:42,287 --> 00:43:45,582
Isa ka lang... produktong palpak.
613
00:43:58,511 --> 00:43:59,637
Natatakot ako.
614
00:44:00,555 --> 00:44:01,389
Alam ko.
615
00:44:04,642 --> 00:44:07,812
Alam mo, no'ng bata pa ako,
gano'n din ang ginawa nila sa'kin.
616
00:44:08,897 --> 00:44:10,231
At ayos lang ako.
617
00:44:14,527 --> 00:44:15,779
Kailangan natin, ha?
618
00:44:16,488 --> 00:44:19,449
Kasi, alam mo?
Gagawin ka nitong napakalakas
619
00:44:19,449 --> 00:44:20,533
at ligtas.
620
00:44:21,451 --> 00:44:22,702
Habambuhay.
621
00:44:23,370 --> 00:44:24,829
- Ha?
- Okay.
622
00:44:25,997 --> 00:44:27,791
Sige, tumalikod ka, dumapa ka.
623
00:44:52,399 --> 00:44:53,316
Parang kurot lang.
624
00:45:05,036 --> 00:45:06,496
Sige, halika.
625
00:45:06,496 --> 00:45:07,789
Ayos lang 'yan.
626
00:45:22,637 --> 00:45:24,889
Ayos lang. Nandito ako.
627
00:45:25,557 --> 00:45:27,016
Ayos lang.
628
00:45:32,814 --> 00:45:35,108
Butcher, 'di tayo tinulungan ni Nina.
629
00:45:35,108 --> 00:45:37,652
'Di ito lab. Military compound 'to.
630
00:45:37,652 --> 00:45:39,362
Military compound ng Russia.
631
00:45:39,446 --> 00:45:41,156
Para tayong susugod sa Baja Fresh.
632
00:45:45,368 --> 00:45:48,997
'Di tayo babarilin ng Baja Fresh
ng mga AK-47 na naka-full auto, gago.
633
00:46:15,565 --> 00:46:16,983
Red Dawn, gago.
634
00:46:31,206 --> 00:46:32,749
Rocky IV, gago.
635
00:46:35,084 --> 00:46:36,920
Tara, wala tayo masyadong oras.
636
00:46:36,920 --> 00:46:39,380
May ideya ka ba kung ano'ng hitsura
nitong supe gun?
637
00:46:39,464 --> 00:46:41,424
'Di ba nasa pagtuklas ang kasiyahan?
638
00:46:57,524 --> 00:46:58,650
Ano 'to?
639
00:47:14,457 --> 00:47:16,084
Uy, meron dito.
640
00:47:16,376 --> 00:47:17,377
Tingnan n'yo.
641
00:47:18,253 --> 00:47:19,295
Tingnan n'yo.
642
00:47:24,259 --> 00:47:26,219
Uy, ano'ng nakalagay?
643
00:47:26,928 --> 00:47:28,680
"Jamie" raw ang pangalan niya.
644
00:47:29,681 --> 00:47:31,599
Jamie. Hi.
645
00:47:32,767 --> 00:47:35,645
- Ayos ka lang, Jamie?
- 'Wag mong guluhin. Pabayaan mo lang.
646
00:47:39,023 --> 00:47:39,857
Jamie.
647
00:47:40,733 --> 00:47:43,236
Sino ang guwapong gerbil?
648
00:47:44,821 --> 00:47:45,905
Hamster 'yan.
649
00:47:48,324 --> 00:47:50,326
Nakatatlo n'yan ang anak ko. Lintik!
650
00:47:50,410 --> 00:47:51,661
Lintik!
651
00:47:52,203 --> 00:47:53,621
Hamster 'yan na tinurukan ng V.
652
00:47:56,416 --> 00:47:58,835
Sabi ko sa'yo, 'wag mong guluhin eh.
Lintik 'yan!
653
00:47:58,835 --> 00:48:00,712
Gising-gising!
654
00:48:43,338 --> 00:48:44,631
Salamat, Jamie.
655
00:48:48,426 --> 00:48:49,594
Ubos na 'ko!
656
00:49:09,864 --> 00:49:10,698
Hoy!
657
00:49:13,034 --> 00:49:14,035
Magandang gabi, mga gago.
658
00:49:43,815 --> 00:49:44,816
MM!
659
00:49:51,656 --> 00:49:53,074
Lintik. Patawad.
660
00:49:53,491 --> 00:49:54,409
Patawad.
661
00:50:17,098 --> 00:50:18,766
Nakalabas ang ari mo.
662
00:50:32,280 --> 00:50:34,449
- Butcher?
- Sige. Ibalik mo.
663
00:50:34,449 --> 00:50:38,453
Nag-Compound V kayo ni Hughie?
Ano, supe na kayong dalawa ngayon?
664
00:50:38,453 --> 00:50:39,954
Temporary V 'yon.
665
00:50:44,333 --> 00:50:47,420
Sabi niya, ba't n'yo raw 'to ginawa
sa mga sarili n'yo?
666
00:50:47,420 --> 00:50:49,338
24 na oras lang ang tagal nito, ha?
667
00:50:49,422 --> 00:50:51,799
Kung sakali lang na magka-emergency
tulad nito.
668
00:50:51,883 --> 00:50:53,217
Ibinigay mo kay Petit Hughie?
669
00:50:53,301 --> 00:50:56,888
'Di ko ibinigay sa kanya. Baka
binuksan niya ang case ko at ninakaw niya.
670
00:50:58,431 --> 00:51:01,559
Hanapin na lang natin
at umalis na tayo rito, ha?
671
00:51:02,435 --> 00:51:04,228
'Di ka ganito, bata.
672
00:51:06,939 --> 00:51:08,649
Butcher,
673
00:51:09,650 --> 00:51:12,028
patawad, ha? Kasi...
674
00:52:20,680 --> 00:52:21,889
Soldier Boy?
675
00:53:06,559 --> 00:53:08,603
Hindi, pare. Ayos lang.
676
00:53:37,798 --> 00:53:38,716
Kimiko.
677
00:53:41,719 --> 00:53:44,013
Ayos lang 'yan.
678
00:53:46,724 --> 00:53:47,892
Hindi siya naghihilom.
679
00:53:48,809 --> 00:53:49,810
Ba't 'di siya naghihilom?
680
00:53:50,728 --> 00:53:52,647
Kimiko! Ba't 'di siya naghihilom?
681
00:53:55,316 --> 00:53:56,943
Si Kimiko, 'di siya naghihilom!
682
00:53:59,987 --> 00:54:02,782
Gasa, Frenchie, bagong gasa.
Pahingi ng bagong gasa.
683
00:54:02,782 --> 00:54:05,368
Dumilat ka.
Itaas mo ang ulo niya, Frenchie.
684
00:54:05,368 --> 00:54:09,246
- Mon coeur.
- Ang mata mo, Kimiko. Dumilat ka.
685
00:54:09,705 --> 00:54:11,958
- Sweetheart?
- Kimiko. Tumingin ka kay Frenchie.
686
00:54:12,875 --> 00:54:15,419
- Sweetheart?
- Dumilat ka, Kimiko. Uy.
687
00:54:15,503 --> 00:54:18,214
Tigasin si Soldier Boy no'n pa,
pero 'di gano'n.
688
00:54:19,256 --> 00:54:22,468
May ginawa siguro sila sa kanya.
Ano sa tingin mo?
689
00:54:24,887 --> 00:54:28,182
Sweetheart? Kimiko?
690
00:54:28,182 --> 00:54:29,350
Tapos na, Butcher.
691
00:54:31,185 --> 00:54:33,270
Wala na akong team na pagbubuklurin.
692
00:54:33,354 --> 00:54:35,815
Sweetheart? 'Wag, pakiusap, 'wag!
693
00:54:36,399 --> 00:54:37,900
Sinigurado mo 'yon.
694
00:54:37,984 --> 00:54:39,610
Sige na, Kimiko!
695
00:54:39,694 --> 00:54:41,320
Itaas mo ang ulo niya, Frenchie.
696
00:54:41,404 --> 00:54:43,280
- Dapat maghilom siya.
- Kimiko, dumilat ka!
697
00:54:43,364 --> 00:54:44,824
- Mon coeur!
- Dumilat ka!
698
00:54:52,331 --> 00:54:55,876
Uy, alam mo? Parang gusto kong
lumipad pauwi. Gusto mong lumipad?
699
00:54:57,420 --> 00:55:00,047
Nandito na ang kotse. Sa susunod?
700
00:55:00,131 --> 00:55:04,135
Hindi! Tara, kakargahin kita.
Sino'ng gustong makita kaming lumipad?
701
00:55:06,429 --> 00:55:07,722
Bibiguin mo ba sila?
702
00:55:08,472 --> 00:55:09,473
Hindi, sige.
703
00:55:09,557 --> 00:55:10,391
Tara, magpakarga ka.
704
00:55:11,642 --> 00:55:12,768
'Yan.
705
00:55:13,394 --> 00:55:16,689
May... May view ako
na gusto ko talagang ipakita sa'yo.
706
00:55:16,689 --> 00:55:18,691
Magugulat ka.
707
00:55:19,734 --> 00:55:20,735
Kumapit kang mabuti.
708
00:55:28,909 --> 00:55:32,580
- Ang ganda talaga nitong lungsod.
- 'Di mo 'to kailangang gawin.
709
00:55:32,580 --> 00:55:33,664
Wala nang mga camera.
710
00:55:35,458 --> 00:55:36,375
Oo.
711
00:55:37,585 --> 00:55:38,544
Pero, alam mo?
712
00:55:38,544 --> 00:55:42,339
Gano'n ako, Starlight.
Kung nangako ako, tinutupad ko.
713
00:55:42,423 --> 00:55:46,093
Walang kapantay ang view na 'yan.
714
00:55:49,513 --> 00:55:50,389
Alex.
715
00:55:54,810 --> 00:55:55,811
Alex!
716
00:55:56,353 --> 00:55:59,190
Diyos ko! Baliw ka!
717
00:56:00,441 --> 00:56:02,318
Tumigil ka. Alam mo na ang mangyayari.
718
00:56:03,527 --> 00:56:06,405
Isa pa, kasalanan mo rin 'to.
719
00:56:06,489 --> 00:56:09,617
- Ano?
- Isinumbong ni A-Train kayong mga rebelde
720
00:56:09,617 --> 00:56:11,202
at ang balak n'yo.
721
00:56:12,244 --> 00:56:14,163
'Di mo talaga naiintindihan, 'no?
722
00:56:14,163 --> 00:56:17,875
'Di mo talaga naiintindihan
ang kinalalagyan mong sitwasyon.
723
00:56:17,875 --> 00:56:18,834
'Di ba?
724
00:56:18,918 --> 00:56:20,920
Ipapaliwanag ko ulit.
725
00:56:20,920 --> 00:56:24,965
At lilinawin ko, para kahit ikaw,
maintindihan mo, ha?
726
00:56:25,049 --> 00:56:29,720
Wala nang magbabalak, magpaplano,
maglalaro. Tapos na 'yon.
727
00:56:30,304 --> 00:56:31,222
Ha?
728
00:56:31,972 --> 00:56:37,978
Mula ngayon, meron na lang masunurin
at mapagmahal kong nobya, si Starlight.
729
00:56:38,437 --> 00:56:40,940
Na sumasamba sa'kin at sa'kin lang.
730
00:56:40,940 --> 00:56:43,150
Kasi kung susuway ka kahit kaunti,
731
00:56:43,234 --> 00:56:45,653
kahit kumurap ka lang nang mali,
732
00:56:45,945 --> 00:56:46,904
magkakaganyan,
733
00:56:47,530 --> 00:56:49,490
mahal ko, si Hughie.
734
00:56:54,370 --> 00:56:56,080
Naiintindihan mo na ba ngayon?
735
00:57:00,459 --> 00:57:01,377
Mabuti.
736
00:57:03,129 --> 00:57:04,171
Sabihin mo.
737
00:57:04,922 --> 00:57:06,215
Para alam ko.
738
00:57:07,424 --> 00:57:08,634
"Magkakaganyan si Hughie."
739
00:57:13,139 --> 00:57:14,265
Magkakaganyan si Hughie.
740
00:57:14,807 --> 00:57:15,724
'Yan.
741
00:57:19,436 --> 00:57:21,105
Umuwi ka mag-isa.
742
00:59:45,749 --> 00:59:47,751
{\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Alyssa Lesaca
743
00:59:47,835 --> 00:59:49,837
{\an8}Mapanlikhang Superbisor:
Jessica Ignacio