1
00:00:12,095 --> 00:00:18,768
Movēre crūs.
2
00:00:34,701 --> 00:00:36,703
STEEL BALL RUN
JOJO'S BIZARRE ADVENTURE
3
00:01:51,027 --> 00:01:52,153
{\an8}Movēre crūs.
4
00:01:52,237 --> 00:01:54,405
{\an8}Ano 'to?
5
00:01:54,489 --> 00:01:56,491
{\an8}#08
TUSK, PART 2
6
00:02:00,370 --> 00:02:05,542
Movēre crūs.
7
00:02:06,167 --> 00:02:07,377
Movēre...
8
00:02:20,223 --> 00:02:23,768
Ang mga kuko ko... lumipad...
9
00:02:23,852 --> 00:02:26,104
mula sa mga paralisado kong paa...
10
00:02:26,646 --> 00:02:29,190
Lumipad ang mga kuko ko!
11
00:02:31,401 --> 00:02:34,529
{\an8}Ito ba ang dahilan nito?
12
00:02:34,612 --> 00:02:38,908
{\an8}Ano'ng nangyayari?
Niligtas ba talaga ako ng bagay na 'to?
13
00:02:40,577 --> 00:02:42,203
Movēre crūs.
14
00:02:42,787 --> 00:02:44,831
Ano ka ba talaga?
15
00:02:53,339 --> 00:02:55,675
Bumalik ito sa braso ko!
16
00:02:56,384 --> 00:02:57,594
May isinulat ito.
17
00:02:58,386 --> 00:02:59,929
Ano 'to?
18
00:03:02,307 --> 00:03:04,142
May sarili itong kalooban.
19
00:03:04,976 --> 00:03:06,895
Siguradong mayroon!
20
00:03:07,687 --> 00:03:11,691
Di gumagalaw ang mga binti ko ngayon, pero
gumalaw ito nang lumipad ang mga kuko ko.
21
00:03:11,774 --> 00:03:14,819
May inilabas ba itong
kung anong kapangyarihan mula sa 'kin?
22
00:03:14,903 --> 00:03:16,154
Ang bagay na 'yon...
23
00:03:16,237 --> 00:03:19,616
At ang mga letrang ito... Hindi ito Ingles.
24
00:03:19,699 --> 00:03:21,910
Walang anumang nangyayari rito
ang may katuturan.
25
00:03:22,952 --> 00:03:26,205
Ang pakay ng mga terorista...
Ang pinanggalingang bayan ni Gyro...
26
00:03:26,748 --> 00:03:27,874
At...
27
00:03:28,708 --> 00:03:32,086
Bakit nakakabit sa akin ang bagay na 'yon?
28
00:03:35,840 --> 00:03:39,135
May iba pa...
Hindi lang itong kaliwang braso.
29
00:03:40,094 --> 00:03:43,598
May iba pang mga mummified
na bahagi ng katawan...
30
00:03:44,098 --> 00:03:46,184
Kapag pinagsama-sama,
bubuo ang mga ito ng isang buong katawan!
31
00:03:47,018 --> 00:03:51,648
May bangkay ng tao na pinagputol-putol
at ikinalat sa lupaing ito.
32
00:03:52,732 --> 00:03:55,193
'Yon ang hinahanap ng mga terorista!
33
00:03:55,276 --> 00:03:58,488
Ginagamit nila ang karera
ng Steel Ball Run para mahanap 'yon!
34
00:03:59,072 --> 00:04:02,909
Kung makukuha ko silang lahat,
35
00:04:02,992 --> 00:04:05,954
mas lalakas pa ang kapangyarihan ko.
36
00:04:08,665 --> 00:04:11,960
'Yon ang isa pang Steel Ball ni Gyro.
37
00:04:16,839 --> 00:04:19,050
Lintik!
38
00:04:19,133 --> 00:04:21,511
Isa, dalawa...
39
00:04:22,845 --> 00:04:24,430
Tatlo!
40
00:04:25,390 --> 00:04:29,936
Ka-clang!
Tatlo sa mga ngipin ko ang nabasag!
41
00:04:32,146 --> 00:04:34,399
Maganda kayang kainin ang mga ngipin?
42
00:04:34,482 --> 00:04:36,943
Malamang hindi 'yon nakakain.
43
00:04:37,026 --> 00:04:39,946
Lintik! Hindi ko akalaing
gano'n ito kalakas.
44
00:04:40,029 --> 00:04:42,407
Ang lalaking 'yon...
Ano nga ulit ang pangalan niya?
45
00:04:42,490 --> 00:04:44,951
Jyohnee Jeoshter.
46
00:04:45,034 --> 00:04:48,788
Pero ngayon alam ko na
kung saan niya ito itinatago.
47
00:04:48,871 --> 00:04:51,249
Nasa kaliwang braso niya.
48
00:04:51,332 --> 00:04:54,585
Hindi niya ito dala.
Nakakabit ito sa kanya.
49
00:04:54,669 --> 00:04:58,172
Nasa loob ng braso
ni Jyohnee Jeoshter ang bangkay.
50
00:04:58,256 --> 00:05:01,884
Ibig sabihin, tapos na ang paghahanap ko.
51
00:05:01,968 --> 00:05:06,723
Papatayin ko muna si Jeoshter,
tapos kukunin ko ito!
52
00:05:09,350 --> 00:05:12,186
Saan nagpunta ang gagong 'yon?
53
00:05:12,270 --> 00:05:13,563
Ang labo.
54
00:05:14,397 --> 00:05:17,066
Nawala siya!
55
00:05:23,114 --> 00:05:26,826
Ano'ng nangyayari? Saan siya napunta?
56
00:05:26,909 --> 00:05:30,997
Hindi maaari. Kahit nakakatakbo siya,
hindi siya makakalayo.
57
00:05:37,837 --> 00:05:41,466
Hoy, tanda. Gising ka ba?
58
00:05:48,598 --> 00:05:51,017
Ginawa mo ba 'yon gamit ang paa mo?
59
00:05:51,976 --> 00:05:53,019
Ka-clang.
60
00:05:53,102 --> 00:05:54,812
Sa gitna ng lahat ng kaguluhang 'yon,
61
00:05:55,396 --> 00:05:59,484
naipasa mo ang Steel Ball mula sa plato ko
papunta kay Jeoshter.
62
00:05:59,984 --> 00:06:01,402
Pero...
63
00:06:01,486 --> 00:06:03,571
Mas lalo itong gumaganda!
64
00:06:03,654 --> 00:06:05,364
Dalawa lang ang posibilidad.
65
00:06:05,448 --> 00:06:10,536
Baka ang mga ukang 'yon ay senyales kay
Jeoshter na tumakbo sa kabilang direksyon,
66
00:06:10,620 --> 00:06:16,542
o sinasabi mong pumunta siya rito.
67
00:06:16,626 --> 00:06:18,753
Talagang nakakatuwa ka.
68
00:06:18,836 --> 00:06:21,547
Hahayaan muna kitang mabuhay,
Gyro Zeppeli.
69
00:06:21,631 --> 00:06:26,094
Hanggang sa mahanap ko
si Jyohnee Jeoshter!
70
00:06:48,199 --> 00:06:49,575
Buwisit!
71
00:06:49,659 --> 00:06:52,453
Wala siya! Wala talaga kahit saan!
72
00:06:54,622 --> 00:06:55,873
Ka-clang!
73
00:06:56,415 --> 00:07:00,169
Napaka-interesante nito, pero wala akong
ideya kung paano niya ito ginagawa!
74
00:07:00,253 --> 00:07:03,589
Nagtatago ba siya sa ilalim ng lupa?
75
00:07:03,673 --> 00:07:07,051
Ang alam ko lang,
nagtatago siya kung saan.
76
00:07:09,929 --> 00:07:11,973
Dilaan, dilaan! Lintik ka!
77
00:07:12,557 --> 00:07:16,185
Saan ka nagtago, Jeoshter?
78
00:07:18,980 --> 00:07:20,314
Tulad ng inaasahan ko.
79
00:07:20,815 --> 00:07:24,944
Nakakakita at nakakaatake lang sila
nang diretso mula sa itaas.
80
00:07:25,611 --> 00:07:27,697
Tuluyan na akong nawala sa paningin nila.
81
00:07:28,531 --> 00:07:31,868
Pero may isang bagay na naging malinaw.
82
00:07:31,951 --> 00:07:34,620
Kahit sino pa si Gyro
o ano man ang pakay niya,
83
00:07:34,704 --> 00:07:37,415
isa siyang mabuting tao.
84
00:07:38,166 --> 00:07:41,919
Ginamit niya ang Steel Ball niya para
ipakita sa akin kung nasaan ang kalaban.
85
00:07:42,003 --> 00:07:44,464
Siguradong ginawa niya 'yon
sa kabila ng napakalaking panganib.
86
00:07:44,964 --> 00:07:47,300
Dahil doon, nakatakas pa ako.
87
00:07:48,384 --> 00:07:52,013
Pero hinding-hindi ko isusuko ang bangkay!
88
00:07:52,889 --> 00:07:54,599
Ito na ang naging pag-asa ko.
89
00:07:54,682 --> 00:07:58,936
At binigyan ako ni Gyro ng lakas ng loob
na harapin ang kinabukasang isinuko ko na!
90
00:07:59,437 --> 00:08:01,981
Alam ko na kung nasaan ka, Gyro!
91
00:08:02,064 --> 00:08:04,275
Papunta ako sa mga batong 'yon!
92
00:08:09,739 --> 00:08:11,449
Slow Dancer!
93
00:08:16,746 --> 00:08:18,581
Ayos!
94
00:08:18,664 --> 00:08:21,667
Ibabalik ko siya sa 'yo, Jeoshter!
95
00:08:21,751 --> 00:08:24,670
Makukuha mo na ulit ang kabayo mo.
96
00:08:25,838 --> 00:08:27,006
Ka-clang.
97
00:08:27,089 --> 00:08:29,050
Matalino ang mga kabayo.
Nakakaramdam sila.
98
00:08:29,133 --> 00:08:30,718
Naaamoy ka nito o naririnig ka nito.
99
00:08:30,801 --> 00:08:34,972
Baka gusto na nitong makabalik
sa may-ari nito, ano?
100
00:08:35,723 --> 00:08:39,310
Masama ito. Hinahanap ako ni Slow Dancer.
101
00:08:44,273 --> 00:08:47,026
Aba, aba. Nahanap mo ba siya?
102
00:08:50,154 --> 00:08:53,533
Hindi, Slow Dancer!
Pakiusap, pumunta ka sa kabila!
103
00:08:56,911 --> 00:08:59,330
Ano 'to? Ang amoy nito ay...
104
00:09:05,044 --> 00:09:06,921
Ano?
105
00:09:09,131 --> 00:09:10,967
Nasa ilalim nga ng lupa!
106
00:09:11,050 --> 00:09:13,970
Lumabas ka na at magpakita.
107
00:09:14,053 --> 00:09:18,099
Pagpipira-pirasuhin kita gamit ang
mga kawit ko pagkatapos kitang ihawin.
108
00:09:18,182 --> 00:09:21,310
Bago pa umabot ang init
sa loob ng braso mo!
109
00:09:25,398 --> 00:09:27,108
Nandiyan ka lang pala!
110
00:09:28,317 --> 00:09:32,154
Katapusan mo na! Saluhin mo ito, Jeoshter!
111
00:09:37,159 --> 00:09:38,411
Kahoy?
112
00:09:40,246 --> 00:09:41,956
Inukit ko ito mula sa tuyong kahoy.
113
00:09:43,207 --> 00:09:47,169
Hindi na ito simpleng kuko.
Isa na itong pangil.
114
00:09:47,920 --> 00:09:50,172
Mula ngayon, tatawagin ko itong Tusk!
115
00:10:08,232 --> 00:10:10,860
Nagawa ko. Talagang nagawa ko.
116
00:10:11,861 --> 00:10:13,613
Ako pa talaga.
117
00:10:24,749 --> 00:10:25,875
Gyro...
118
00:10:26,459 --> 00:10:29,211
Gyro? Ayos ka lang, hindi ba?
119
00:10:30,254 --> 00:10:32,715
Sa karera ng Steel Ball Run na ito,
120
00:10:32,798 --> 00:10:35,134
hindi ko mapagkakatiwalaan
ang mga kalahok, si Steven Steel,
121
00:10:35,217 --> 00:10:38,179
ang mga sponsor... kahit sino.
122
00:10:38,763 --> 00:10:40,056
Maliban kay Gyro.
123
00:10:40,598 --> 00:10:42,683
Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.
124
00:10:42,767 --> 00:10:45,102
Gusto kong marinig
ang opinyon mo tungkol sa bangkay!
125
00:10:45,728 --> 00:10:48,230
Humihinga ka pa ba, Gyro?
126
00:10:48,314 --> 00:10:49,774
Gumising ka!
127
00:10:49,857 --> 00:10:52,151
Saan mo itinatago ang sinulid na pangtahi?
128
00:10:52,234 --> 00:10:53,444
Nasaan ang sinulid?
129
00:11:00,993 --> 00:11:02,578
Ano?
130
00:11:02,662 --> 00:11:04,622
Huli ka!
131
00:11:04,705 --> 00:11:07,958
Pain ko 'yon, Jeoshter!
132
00:11:08,042 --> 00:11:11,295
Ginamit ko mismo si Gyro bilang pain!
133
00:11:13,297 --> 00:11:14,965
Ka-clang!
134
00:11:16,467 --> 00:11:18,803
Kaya ko siya hinayaang mabuhay!
135
00:11:18,886 --> 00:11:21,347
Kaawa-awang mahinang nilalang!
136
00:11:22,765 --> 00:11:24,266
-Johnny?
-Gyro!
137
00:11:24,350 --> 00:11:28,229
Mukhang ako ang nanalo, Jeoshter!
138
00:11:28,312 --> 00:11:31,315
Dumaan ka mismo kay Gyro
at dumiretso ka sa akin!
139
00:11:33,984 --> 00:11:35,403
Walang saysay!
140
00:11:35,486 --> 00:11:38,572
Ibigay mo na ang bangkay
na nasa kaliwang braso mo.
141
00:11:38,656 --> 00:11:41,867
Sabi ko na nga ba.
'Yon pala talaga ang pakay mo.
142
00:11:41,951 --> 00:11:43,828
Ngayon na!
143
00:11:43,911 --> 00:11:46,288
O gusto mo bang makita na kumalat
144
00:11:46,372 --> 00:11:50,126
sa kung saan-saan ang lamang-loob
ni Gyro dahil sa mga batong ito?
145
00:11:58,801 --> 00:11:59,969
Gyro!
146
00:12:01,095 --> 00:12:03,472
Ka-clang. Ka-clang.
147
00:12:04,682 --> 00:12:07,977
Tumira ka ulit! Patayin mo si Gyro!
148
00:12:08,060 --> 00:12:10,020
Lintik ka!
149
00:12:11,647 --> 00:12:12,648
{\an8}Gyro!
150
00:12:12,731 --> 00:12:14,942
Wala ka nang magagawa ngayon!
151
00:12:15,025 --> 00:12:17,945
Ibigay mo na ang bangkay!
152
00:12:18,028 --> 00:12:19,321
Ang bangkay?
153
00:12:19,864 --> 00:12:22,825
Johnny, anong bangkay?
154
00:12:24,201 --> 00:12:27,371
Ayokong ibigay ito. Ayoko.
155
00:12:27,872 --> 00:12:29,999
Ang nasa loob ng kaliwang braso ko...
156
00:12:30,958 --> 00:12:33,752
Nakakagalaw na ang mga binti ko.
157
00:12:33,836 --> 00:12:35,838
Gyro. Nakita mo 'yon, hindi ba?
158
00:12:36,338 --> 00:12:39,800
Ang mga binti ko... Nakakagalaw na ito.
159
00:12:42,678 --> 00:12:44,430
Nagpapasalamat ako.
160
00:12:45,306 --> 00:12:48,058
Nagpapasalamat akong
sumali ako sa karerang ito.
161
00:12:48,934 --> 00:12:54,148
Dahil sa kaliwang brasong ito, puwede na
akong mamatay nang walang pagsisisi.
162
00:12:54,899 --> 00:12:56,734
Ayokong isuko ito.
163
00:12:56,817 --> 00:13:02,031
Ang isang taong walang halaga na tulad ko
ay nagkaroon din ng dahilan para mabuhay.
164
00:13:02,573 --> 00:13:04,450
Talagang taos-puso akong nagpapasalamat.
165
00:13:07,870 --> 00:13:10,956
Dala-dala mo pala ito
sa buong paglalakbay?
166
00:13:11,040 --> 00:13:13,626
Ibigay mo na!
167
00:13:13,709 --> 00:13:18,214
Kung gano'n,
ako na ang bahalang tumalo sa kanya.
168
00:13:18,297 --> 00:13:20,257
Ano ba'ng pinagsasasabi mo?
169
00:13:20,341 --> 00:13:24,678
Dumaan ka mismo kay Gyro
at pumunta ka sa akin, Jyohnee!
170
00:13:27,806 --> 00:13:30,392
Tapos na!
171
00:13:30,476 --> 00:13:34,730
Ikaw mismo ang nagpira-piraso kay Gyro!
172
00:13:38,651 --> 00:13:40,402
Hinugot niya ito?
173
00:13:43,906 --> 00:13:46,408
Tama na... Kunin mo na lang.
174
00:13:47,284 --> 00:13:51,580
Pero alisin mo muna ang mga kawit
kay Gyro.
175
00:13:51,664 --> 00:13:54,833
Kung hindi, ako mismo ang dudurog
176
00:13:54,917 --> 00:13:57,586
sa kaliwang brasong ito.
177
00:13:57,670 --> 00:13:59,255
Wag!
178
00:14:02,675 --> 00:14:04,176
Ayos!
179
00:14:04,760 --> 00:14:06,595
Ito pala ang bangkay?
180
00:14:06,679 --> 00:14:10,099
Hindi ko maintindihan kung bakit
pinag-aagawan ito ng lahat.
181
00:14:10,849 --> 00:14:12,768
Walang makakatalo sa 'kin!
182
00:14:12,851 --> 00:14:15,813
Patunay ito na walang makakatalo
sa 'kin at matalino ako.
183
00:14:15,896 --> 00:14:17,648
Ngayon, kikilalanin na ako ng lahat!
184
00:14:17,731 --> 00:14:21,569
Sa wakas, makakaangat na rin ako!
185
00:14:25,197 --> 00:14:28,409
Tumigil nang umikot ang mga kuko ko...
186
00:14:28,492 --> 00:14:30,077
Hindi ko na ito mapapaikot.
187
00:14:30,661 --> 00:14:33,873
Nawala na ang kakayahan ko.
188
00:14:36,667 --> 00:14:38,168
Nakuha ko na!
189
00:14:38,252 --> 00:14:40,504
Ngayon, ang natitira na lang
ay mamatay kayong dalawa!
190
00:14:40,588 --> 00:14:44,091
Hindi ko pa naaalis
ang mga kawit kay Gyro!
191
00:14:44,174 --> 00:14:46,802
Hindi na umiikot ang mga kuko mo?
192
00:14:46,886 --> 00:14:50,222
Johnny. Umiikot pa rin ito.
193
00:14:50,306 --> 00:14:51,849
Patuloy pa rin ang ikot nito.
194
00:14:55,144 --> 00:14:59,607
Ako ang nagpapaikot dito. Ang mga...
195
00:15:01,692 --> 00:15:03,569
Mga kuko ng bangkay!
196
00:15:08,157 --> 00:15:09,199
Sinabi ko na sa 'yo.
197
00:15:10,075 --> 00:15:12,536
Trabaho kong pabagsakin siya.
198
00:15:31,221 --> 00:15:32,181
Heto.
199
00:15:33,766 --> 00:15:36,101
Ibinabalik mo ito? Sa akin?
200
00:15:36,644 --> 00:15:39,605
Hindi mo pala alam?
201
00:15:39,688 --> 00:15:44,777
Ibig mong sabihin, hindi ka sumali
sa karerang ito para hanapin ang bangkay?
202
00:15:45,361 --> 00:15:46,779
Wala akong interes doon.
203
00:15:46,862 --> 00:15:49,114
Siguro, kaunti lang.
204
00:15:49,198 --> 00:15:51,283
Hindi, hindi talaga.
205
00:15:51,367 --> 00:15:54,495
Ang layunin ko lang ay matapos
ang karerang ito sa unang puwesto.
206
00:15:54,578 --> 00:15:55,955
At pagkatapos...
207
00:16:00,668 --> 00:16:03,212
Pero nagsisimula ko nang maintindihan
ang nangyayari.
208
00:16:03,295 --> 00:16:05,005
Mukhang iniisip ng mga teroristang 'yon
209
00:16:05,089 --> 00:16:08,550
na ako ang nagtatago ng bangkay.
210
00:16:08,634 --> 00:16:12,888
Hindi lang ito ang piraso.
Nakakalat ang buong bangkay.
211
00:16:13,389 --> 00:16:17,017
Ginagamit nila ang Steel Ball Run
para tipunin ang lahat ng bahagi nito.
212
00:16:17,601 --> 00:16:18,602
Bakit?
213
00:16:18,686 --> 00:16:21,647
Ang kaliwang braso pa lang ay nagbigay
na sa akin ng ganitong kapangyarihan.
214
00:16:21,730 --> 00:16:27,236
Di ba natural lang isipin na mas higit pa
ang kapangyarihan ng natitirang bahagi?
215
00:16:27,319 --> 00:16:30,698
Isipin mo nga. Alam mo ba kung
gaano kalawak ang kontinenteng ito?
216
00:16:30,781 --> 00:16:32,324
Paano mo mahahanap ang lahat ng 'yon?
217
00:16:32,408 --> 00:16:37,037
Paano kung pumipili rin sila ng magiging
may-ari, tulad ng pagpili nito sa akin?
218
00:16:37,621 --> 00:16:40,249
Walang duda na may sarili itong kalooban.
219
00:16:40,332 --> 00:16:41,875
Naiintindihan ko.
220
00:16:41,959 --> 00:16:44,128
Libu-libong kalahok ang narito.
221
00:16:44,211 --> 00:16:46,547
Kaya umaasa sila sa posibilidad.
222
00:16:46,630 --> 00:16:50,217
Gyro, pasensya na't itinago ko sa 'yo
ang tungkol sa bangkay,
223
00:16:50,300 --> 00:16:51,927
pero gusto kong marinig ang opinyon mo.
224
00:16:52,011 --> 00:16:55,514
Ano sa tingin mo? Kaninong bangkay ito?
225
00:16:55,597 --> 00:17:00,185
Sandali. Napagpasyahan mo na bang
tipunin ang mga natitirang bahagi?
226
00:17:00,769 --> 00:17:03,188
Oo. Nakapagpasya na ako.
227
00:17:03,272 --> 00:17:06,859
Kapag isinuko ko ito,
babalik lang ako sa pagiging talunan.
228
00:17:06,942 --> 00:17:08,110
Sa maraming dahilan.
229
00:17:08,902 --> 00:17:12,114
Hindi na ako babalik
sa pagiging duwag na palaging sumusuko.
230
00:17:12,197 --> 00:17:13,782
Tatapusin ko ito hanggang dulo!
231
00:17:15,534 --> 00:17:18,787
Linawin ko lang, wag kang umasa sa 'kin.
232
00:17:18,871 --> 00:17:20,831
Hindi ako nangongolekta
ng mga bahagi ng bangkay.
233
00:17:21,790 --> 00:17:25,127
Gayunpaman, opinyon ko lang ito.
234
00:17:25,210 --> 00:17:28,213
Kung isang mummy
ang hinahanap ng mga terorista,
235
00:17:28,297 --> 00:17:30,674
malamang may tala tungkol dito.
236
00:17:31,383 --> 00:17:34,053
Marahil labi ito ng isang santo.
237
00:17:34,887 --> 00:17:38,015
Gyro! May alam ka tungkol dito, di ba?
238
00:17:38,098 --> 00:17:40,017
Kumalma ka nga!
239
00:17:40,100 --> 00:17:42,686
Sinabi ko nang opinyon ko lang ito!
240
00:17:42,770 --> 00:17:46,523
Ikaw ang tipo ng taong kalahati lang ng
kuwento ang narinig tapos humuhusga agad.
241
00:17:47,733 --> 00:17:49,401
Movēre Crūs.
242
00:17:49,485 --> 00:17:53,030
Latin 'yan. Ang ibig sabihin ay,
"Igalaw mo ang mga binti mo."
243
00:17:53,739 --> 00:17:55,032
Latin?
244
00:17:55,115 --> 00:17:59,495
Alam mo ba kung paano
maging santo ang isang tao?
245
00:18:00,412 --> 00:18:02,956
Tulad nina Birheng Maria o San Pedro?
246
00:18:03,582 --> 00:18:07,586
Ang santo ay isang taong gumagawa
ng mga himala matapos siyang mamatay.
247
00:18:08,378 --> 00:18:10,172
Makinig ka. Uulitin ko.
248
00:18:10,255 --> 00:18:11,799
Pagkatapos nilang mamatay.
249
00:18:11,882 --> 00:18:14,802
Ganyan inilalarawan ng Vatican
ang isang santo.
250
00:18:14,885 --> 00:18:19,723
Kailangang magkaroon ang isang santo ng
dalawang himala pagkatapos niyang mamatay.
251
00:18:20,516 --> 00:18:23,143
Hindi naaagnas ang labi ng isang santo
sa loob ng daan-daang taon,
252
00:18:23,227 --> 00:18:24,937
at napakalaki
ng kapangyarihang taglay nito.
253
00:18:25,020 --> 00:18:28,398
Ang dalawang estadong umunlad
nang mahigit isang libong taon
254
00:18:28,482 --> 00:18:30,442
ay ang Venice at ang Vatican.
255
00:18:30,526 --> 00:18:33,654
Sinasabing dahil pareho itong
nagtataglay ng labi ng isang santo.
256
00:18:34,404 --> 00:18:37,658
Isang libong taon ng kasaganaan
at kapangyarihan.
257
00:18:38,158 --> 00:18:42,121
Kung ganoon, gugustuhin nga itong
mapasakamay ng kahit anong bansa.
258
00:18:42,204 --> 00:18:43,539
At kung ito ay
259
00:18:44,623 --> 00:18:47,709
isang bagay na higit pa sa isang santo...
260
00:18:49,962 --> 00:18:51,421
Hindi kaya...
261
00:18:51,505 --> 00:18:53,632
Isang santo?
262
00:18:54,466 --> 00:18:58,554
Umikot ang mga kuko ko. Gumalaw ang
mga binti kong dati'y hindi makagalaw.
263
00:18:58,637 --> 00:19:01,557
Dalawang himala na agad 'yon.
264
00:19:01,640 --> 00:19:05,936
Kung nangyari 'yan sa Vatican, agad nilang
kikilalaning santo ang mummy na 'yon.
265
00:19:06,019 --> 00:19:09,022
Pero sandali. Bagong Daigdig ito!
266
00:19:09,106 --> 00:19:11,441
May santo na bang nakarating sa America?
267
00:19:11,525 --> 00:19:13,652
At bakit nagkalat ang mga bahagi nito
sa buong lupain?
268
00:19:13,735 --> 00:19:17,322
Ipasiyasat mo 'yan sa mga
nasa bayan n'yo. Mahahanap nila ang sagot.
269
00:19:17,406 --> 00:19:20,659
Umiiral ang mga santo
para sa kapakanan ng iba.
270
00:19:20,742 --> 00:19:24,246
Hindi sila basta nawawala
sa mga pahina ng kasaysayan.
271
00:19:24,329 --> 00:19:25,998
Siguradong may mga tala tungkol sa kanila.
272
00:19:26,081 --> 00:19:30,586
Ang sinasabi ko lang, kung gusto mong
tipunin ang bangkay, nasa sa 'yo 'yan.
273
00:19:30,669 --> 00:19:34,047
Pero sa karerang ito,
ako ang mauunang makatapos.
274
00:19:34,131 --> 00:19:37,342
Ikaw ang pangalawa.
Wag mong kalilimutan ang usapan natin.
275
00:19:38,135 --> 00:19:40,179
Kung gano'n, Johnny,
276
00:19:40,262 --> 00:19:42,931
papayagan kitang sumama sa 'kin.
277
00:19:45,350 --> 00:19:50,397
Tara na! Papuntang Monument Valley
at sa ikatlong yugto!
278
00:19:56,111 --> 00:19:57,487
'Yon ay...
279
00:19:57,571 --> 00:20:00,115
Johnny, bilis! Sina Dio at Sand Man!
280
00:20:02,075 --> 00:20:04,411
Narito na sila! Malapit na
sa pagtatapos ng ikalawang yugto!
281
00:20:04,494 --> 00:20:06,413
Dito sa Monument Valley,
282
00:20:06,496 --> 00:20:10,876
nagtipon ang napakaraming tao
para masaksihan ang kahihinatnan ng laban.
283
00:20:11,376 --> 00:20:12,961
Nangunguna si Diego.
284
00:20:13,045 --> 00:20:15,172
Kasunod niya si Sand Man.
Pagkatapos ay si Gyro Zeppeli.
285
00:20:15,255 --> 00:20:18,508
At si Johnny Joestar, na nagtapos
sa ikalimang puwesto noong unang yugto.
286
00:20:19,009 --> 00:20:22,471
Ika-18 araw. Nasa 750 milya na
ang nalakbay mula sa simula.
287
00:20:22,554 --> 00:20:24,514
At habang papalapit sila
sa Monument Valley,
288
00:20:24,598 --> 00:20:27,976
ang mga nangunguna
ang lalo pang umaabante!
289
00:20:28,060 --> 00:20:30,896
Umuusad na si Gyro!
Nasa 600 yarda na lang ang natitira!
290
00:20:30,979 --> 00:20:33,148
Lalong bumibilis si Diego Brando!
291
00:20:33,232 --> 00:20:36,235
Kumakaripas si Sand Man sa disyerto
nang sobrang bilis!
292
00:20:38,278 --> 00:20:39,321
Ito ay...
293
00:20:39,404 --> 00:20:41,907
A, tama. Kaya pala...
294
00:20:41,990 --> 00:20:43,825
Gyro! Hoy, tingnan mo!
295
00:20:43,909 --> 00:20:47,037
Kaya nating manalo rito, Johnny.
Tayo ang panalo sa yugtong ito!
296
00:20:47,120 --> 00:20:49,957
Bilisan mo pa!
297
00:20:50,040 --> 00:20:51,750
Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.
Nalaman ko na.
298
00:20:51,833 --> 00:20:53,001
Ang mga simbolo sa braso...
299
00:20:53,085 --> 00:20:54,836
-Kung nasaan ang susunod na bahagi!
-Ano?
300
00:20:55,379 --> 00:20:56,797
Tumawid na sila sa finish line!
301
00:20:56,880 --> 00:20:59,758
Si Diego Brando ang nagkampeon.
Pangalawa si Johnny Joestar.
302
00:20:59,841 --> 00:21:02,928
Pangatlo si Sand Man.
Pang-apat si Gyro Zeppeli.
303
00:21:04,179 --> 00:21:08,183
Ano bang sinasabi mo?
Bakit ka tumawid sa finish line bago ako?
304
00:21:08,267 --> 00:21:10,435
Sandali... Hindi, teka muna!
305
00:21:11,103 --> 00:21:12,145
Hoy, Johnny!
306
00:21:12,229 --> 00:21:14,731
Bumalik ka rito, hayop ka!
307
00:21:17,150 --> 00:21:18,277
Ano 'to?
308
00:21:18,360 --> 00:21:22,072
Hindi mo ba nakikita?
Larawan ito ng ruta ng ikatlong yugto.
309
00:21:22,155 --> 00:21:24,533
{\an8}Kapareho ng hugis ng bundok na 'yon.
310
00:21:26,576 --> 00:21:28,745
Hindi mga letra ang mga markang ito.
311
00:21:28,829 --> 00:21:32,249
May itinuturo itong lugar.
Sinasabi nitong pumunta tayo roon.
312
00:21:33,667 --> 00:21:36,545
Sigurado akong naroon sa bundok
na 'yon ang susunod na bahagi.
313
00:21:40,090 --> 00:21:43,969
Natagpuang walang malay si Bamboo Hat Kid
habang mahigpit na hawak ang telang ito.
314
00:21:44,052 --> 00:21:49,433
Di namin alam pero nasunog ito. Nakasulat
sa Latin, "Igalaw mo ang mga binti mo."
315
00:21:49,516 --> 00:21:53,645
{\an8}Batay sa ebidensya sa pinangyarihan,
lumalabas na ang may dala ng bangkay
316
00:21:53,729 --> 00:21:55,939
{\an8}ay si Johnny Joestar, hindi si Gyro.
317
00:21:56,023 --> 00:21:58,567
{\an8}Hindi pa natin alam
kung aling bahagi ang nakuha nila.
318
00:21:59,776 --> 00:22:01,486
{\an8}-Ang braso.
-Sir?
319
00:22:01,570 --> 00:22:03,030
{\an8}Makinig kang mabuti.
320
00:22:03,113 --> 00:22:07,576
{\an8}Binalot ni Bamboo Hat Kid
ang bangkay gamit ang telang ito.
321
00:22:07,659 --> 00:22:08,702
{\an8}Ganito.
322
00:22:09,369 --> 00:22:12,914
{\an8}Batay sa kapal nito, braso lang
ang maaaring nakabalot dito.
323
00:22:12,998 --> 00:22:15,459
{\an8}Doon nasunog ang tela
324
00:22:15,542 --> 00:22:17,669
{\an8}dahil sa enerhiyang inilalabas ng bangkay.
325
00:22:18,253 --> 00:22:21,006
{\an8}Tanging ang mga labing iyon lang
ang may kakayahang gumawa no'n.
326
00:22:21,089 --> 00:22:23,425
At hindi ito mga letra.
327
00:22:23,508 --> 00:22:26,470
Posible kayang mensahe ito
na nagtuturo ng isang lokasyon?
328
00:22:27,262 --> 00:22:29,139
Matagal ko nang pinaniniwalaan 'yon.
329
00:22:29,222 --> 00:22:33,351
Pero hindi ko kailanman naunawaan
ang kahulugan ng mga simbolong ito.
330
00:22:33,435 --> 00:22:36,688
Palagi ko itong iniisip.
331
00:22:37,355 --> 00:22:39,983
Ayon sa mapa ni Jose ng Arimatea,
332
00:22:40,067 --> 00:22:44,488
hinati sa siyam na bahagi
ang mga labi at ikinalat sa buong lupain.
333
00:22:44,988 --> 00:22:47,115
Dalawa na ang bahaging natagpuan natin.
334
00:22:47,199 --> 00:22:50,535
Kasama na ang pusong
nasa loob ng katawan ko.
335
00:23:06,051 --> 00:23:08,887
{\an8}Kanina lang... Ang dibdib niya...
336
00:23:09,763 --> 00:23:14,768
Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann
337
00:23:14,851 --> 00:23:18,271
Malapit nang magsimula ang ikatlong yugto!
338
00:23:18,396 --> 00:23:22,484
Dahil napakahaba ng yugtong ito,
mas mahalaga ang tibay kaysa sa bilis!
339
00:23:22,567 --> 00:23:25,987
Dahil dito, inaasahan naming magiging
maingat ang pagsisimula ng mga kalahok.
340
00:23:26,530 --> 00:23:28,031
Gyro Zeppeli...
341
00:23:28,115 --> 00:23:31,451
Wala akong magagawa para tulungan ka.
342
00:23:32,536 --> 00:23:34,454
Tumakbo na sila!
343
00:23:34,538 --> 00:23:35,914
{\an8}ITUTULOY