1
00:00:28,960 --> 00:00:29,800
Salamat, pare.
2
00:01:56,600 --> 00:01:57,840
Pagkamatay ni Eli,
3
00:01:59,640 --> 00:02:01,720
dinala nila ako sa isang baryo, at…
4
00:02:02,280 --> 00:02:04,200
itinali ako sa isang kuwarto.
5
00:02:11,640 --> 00:02:14,240
Nagkaroon ako ng oras para mag-isip…
6
00:02:17,400 --> 00:02:19,359
at biglang nagkaroon ng saysay.
7
00:02:19,360 --> 00:02:20,520
Nangyari na lang.
8
00:02:22,000 --> 00:02:22,840
Ang alin?
9
00:02:24,080 --> 00:02:25,520
Naalala ko lahat.
10
00:02:26,040 --> 00:02:28,680
Lahat ng oras na nabura sa akin…
11
00:02:30,120 --> 00:02:31,880
'Yong mga bagay-bagay, nagtugma.
12
00:02:38,640 --> 00:02:40,160
'Yong tawag ni Eli…
13
00:02:41,480 --> 00:02:42,560
'Yong pagmamaneho…
14
00:02:45,080 --> 00:02:46,280
'Yong party.
15
00:02:49,720 --> 00:02:51,640
'Yong babaeng di ko nailigtas.
16
00:02:58,480 --> 00:02:59,800
Bahay ni Hagit.
17
00:03:11,360 --> 00:03:12,560
Naintindihan ko na.
18
00:03:15,200 --> 00:03:17,160
Dalawang taon nang patay si Eli.
19
00:03:20,840 --> 00:03:23,120
Ngayon, iniwan na rin tayo
ng katawan niya.
20
00:03:26,360 --> 00:03:27,640
Binitiwan ko na siya.
21
00:03:40,480 --> 00:03:44,880
Tulungan mo akong maintindihan,
dahil parang hindi nagtutugma.
22
00:03:45,640 --> 00:03:48,999
Kailangan kong maintindihan
kung bakit ang isang tulad mo,
23
00:03:49,000 --> 00:03:50,559
isang upper-middle class,
24
00:03:50,560 --> 00:03:52,399
Katoliko, babaeng French,
25
00:03:52,400 --> 00:03:56,360
ay magpapaka-suicide bomber sa Israel.
26
00:03:59,880 --> 00:04:01,959
No'ng namatay ang asawa ko—
27
00:04:01,960 --> 00:04:05,440
Sawa na ako sa kuwento ng asawa mo.
28
00:04:06,360 --> 00:04:08,159
Ikaw ang pinag-uusapan.
29
00:04:08,160 --> 00:04:10,239
Munting, blonde na Anne Zeytoun,
30
00:04:10,240 --> 00:04:12,199
na gumigising sa umaga,
31
00:04:12,200 --> 00:04:15,080
naglagay sa sarili
ng 10 kilo ng pampasabog,
32
00:04:15,840 --> 00:04:17,560
at nagpaplanong pumatay
33
00:04:18,080 --> 00:04:20,279
ng mga inosenteng sibilyang Israeli.
34
00:04:20,280 --> 00:04:23,919
Ang misson ko,
patayin ang agent n'yo, si Amir.
35
00:04:23,920 --> 00:04:26,080
O kung anuman ang pangalan niya.
36
00:04:26,640 --> 00:04:28,360
At hindi siya inosente.
37
00:04:29,040 --> 00:04:31,519
At ano ba ang pinaplano
ng mga kaibigan mo?
38
00:04:31,520 --> 00:04:33,360
Hindi ko alam.
39
00:04:33,840 --> 00:04:35,199
Alam na alam mo
40
00:04:35,200 --> 00:04:38,520
na papunta na sila sa Israel para umatake.
41
00:04:39,680 --> 00:04:42,600
Hindi ka ba nagtataka do'n?
42
00:04:43,360 --> 00:04:46,279
Walang "hindi kasali"
sa conflict tulad nito.
43
00:04:46,280 --> 00:04:48,480
'Yon ang sinabi mo
tungkol sa mga Palestinian.
44
00:04:49,240 --> 00:04:53,200
Bakit ka ba nagugulat
kapag nakadirekta na sa 'yo?
45
00:04:53,800 --> 00:04:56,119
Saan mo hinuhugot
'yong sense of justice mo?
46
00:04:56,120 --> 00:04:58,399
Mahusay. E di, sang-ayon ka?
47
00:04:58,400 --> 00:05:01,319
Hindi, sinasabi ko lang
na pareho lang ang ginagawa n'yo.
48
00:05:01,320 --> 00:05:03,319
Saka hindi, di ako sang-ayon
49
00:05:03,320 --> 00:05:05,039
sa pagpatay ng mga inosente
50
00:05:05,040 --> 00:05:07,679
para sa parehong panig.
51
00:05:07,680 --> 00:05:08,920
Kung gayon, patunayan mo.
52
00:05:09,880 --> 00:05:11,320
Dahil saglit na lang…
53
00:05:12,680 --> 00:05:13,680
mga babae…
54
00:05:14,400 --> 00:05:15,680
at mga bata…
55
00:05:16,240 --> 00:05:19,080
na wala namang ginawa kahit kanino…
56
00:05:19,960 --> 00:05:23,920
ay pagpapapatayin,
habang sumisigaw, umiiyak.
57
00:05:24,440 --> 00:05:26,440
May option ka para mapigilan 'yon.
58
00:05:27,520 --> 00:05:30,240
Kung magtatagumpay ang mga kaibigan mo
sa pag-atake na 'to…
59
00:05:32,560 --> 00:05:34,880
Mabubulok ka na sa kulungan.
60
00:05:36,320 --> 00:05:37,759
Walang magliligtas sa 'yo.
61
00:05:37,760 --> 00:05:40,639
Hindi makikipagkasundo
ang Hamas para palayain ka.
62
00:05:40,640 --> 00:05:42,280
Wala kang halaga sa kanila.
63
00:05:43,960 --> 00:05:45,800
May hawak kang alas.
64
00:05:46,480 --> 00:05:47,400
Gamitin mo na.
65
00:05:49,200 --> 00:05:51,080
Ano ang plano?
66
00:05:51,640 --> 00:05:53,480
Saan mangyayari?
67
00:05:54,000 --> 00:05:55,680
Hindi ko alam.
68
00:05:59,560 --> 00:06:03,520
EASTERN JERUSALEM
69
00:06:48,960 --> 00:06:50,000
Si Gabi.
70
00:06:51,480 --> 00:06:52,919
Gabi, nagsasalita ba siya?
71
00:06:52,920 --> 00:06:55,919
- Alam nila lahat.
- Anong ibig mong sabihin?
72
00:06:55,920 --> 00:06:59,400
Ang mission, patayin ka. Alam niyang
konektado ka sa pagpatay sa asawa niya.
73
00:07:00,280 --> 00:07:02,279
- Paano?
- Doron, di sila tanga.
74
00:07:02,280 --> 00:07:04,279
Nalaman nila 'yon.
75
00:07:04,280 --> 00:07:08,199
Lahat ng sangkot,
dapat mamatay, ayon sa kanya.
76
00:07:08,200 --> 00:07:09,719
Balikan natin.
77
00:07:09,720 --> 00:07:13,239
Bago nahuli si Eli,
pinapaalam sa inyo ang plano, di ba?
78
00:07:13,240 --> 00:07:14,400
Medyo.
79
00:07:15,400 --> 00:07:17,679
Ibig sabihin, Kotel 'yong original plan.
80
00:07:17,680 --> 00:07:21,559
Tugma sa training,
pero baka binago ni Saeed ang target.
81
00:07:21,560 --> 00:07:22,559
Siguro.
82
00:07:22,560 --> 00:07:27,279
Kahit ano pa 'yon,
mahigpit ang seguridad sa Kotel.
83
00:07:27,280 --> 00:07:29,280
Naniniwala kang wala siyang alam?
84
00:07:30,280 --> 00:07:33,239
Ewan ko, di ko mabasa 'tong mga European.
85
00:07:33,240 --> 00:07:36,359
Isang tingin sa Palestinian,
alam kong may kasalanan o wala.
86
00:07:36,360 --> 00:07:40,080
- Ano'ng hinahanap niya rito?
- Paghihiganti. Di ba niya sinabi?
87
00:07:40,600 --> 00:07:43,080
Alam ba niya ang ginawa ng asawa niya?
88
00:07:44,080 --> 00:07:44,920
Medyo.
89
00:07:45,480 --> 00:07:46,959
Ano'ng medyo?
90
00:07:46,960 --> 00:07:50,080
- Di niya alam?
- Di siya sinabihan.
91
00:07:51,360 --> 00:07:54,920
Sige. Doron, pumunta ka sa facility,
kailangan kita dito.
92
00:07:55,760 --> 00:07:56,600
Okay.
93
00:08:04,360 --> 00:08:05,720
Kailangan kong umalis.
94
00:08:06,960 --> 00:08:08,440
Di pa ba tapos?
95
00:08:19,800 --> 00:08:20,960
- Bye.
- Bye.
96
00:08:30,480 --> 00:08:33,360
- Yes.
- Dana, may kailangan ako, urgent.
97
00:08:34,000 --> 00:08:36,959
- Ano?
- 'Yong recording ng testimony ni Maher.
98
00:08:36,960 --> 00:08:39,319
Walang problema,
tatawagan ko ang archives.
99
00:08:39,320 --> 00:08:41,359
Kumanta na ba 'yong French woman?
100
00:08:41,360 --> 00:08:44,159
Malapit na, wag kang mag-alala.
101
00:08:44,160 --> 00:08:46,920
- Ipadala mo sa 'kin agad.
- Sige.
102
00:08:50,160 --> 00:08:51,120
May balita?
103
00:08:51,640 --> 00:08:52,680
Wala pa.
104
00:08:57,920 --> 00:09:00,480
Di ko alam kung ano'ng iniisip ko noon.
105
00:09:02,880 --> 00:09:06,960
Siguro naisip ko na makakabawi ako
kung i-recruit ko si Maher…
106
00:09:07,960 --> 00:09:09,040
Bawi sa ano?
107
00:09:11,240 --> 00:09:12,720
Sa pagkatalo natin.
108
00:09:14,720 --> 00:09:16,800
Kung paano nila tayo niloko.
109
00:09:19,240 --> 00:09:20,320
Di ko makalimutan.
110
00:09:21,320 --> 00:09:23,840
Ako pa naman dapat ang nakakita.
111
00:09:24,320 --> 00:09:26,919
Dana, di nakita 'yon ng buong bansa.
112
00:09:26,920 --> 00:09:28,600
Hindi ako buong bansa.
113
00:09:29,920 --> 00:09:30,960
Hindi rin tayo.
114
00:09:33,800 --> 00:09:35,560
Winasak nila tayo.
115
00:09:37,840 --> 00:09:42,640
Akala mo ba ikaw lang
ang nakakaramdam ng pagkabigo at guilt?
116
00:09:43,400 --> 00:09:47,600
Lahat tayo, dala-dala 'yon.
Nasa bawat hinga na natin mula noon.
117
00:09:49,440 --> 00:09:51,800
Hindi plan of action ang self-pity.
118
00:09:53,600 --> 00:09:57,400
Kailangan mong isantabi lahat 'yon
at mag-focus sa ngayon.
119
00:09:59,640 --> 00:10:00,800
Dito at ngayon.
120
00:10:01,440 --> 00:10:02,400
Eksakto.
121
00:10:03,520 --> 00:10:05,880
Di ko yata kaya 'yon, Naama.
122
00:10:09,200 --> 00:10:13,440
Anong klaseng tao ang magre-recruit
sa pumatay sa pamilya ng kaibigan niya?
123
00:10:15,920 --> 00:10:17,040
Mali talaga.
124
00:10:18,360 --> 00:10:21,840
Dapat di ko na pinilit
na patunayan ang sarili ko sa mundo.
125
00:10:23,080 --> 00:10:26,640
Dahil lang ba nagi-guilty ako
at may shrapnel sa bungo ko?
126
00:10:31,840 --> 00:10:32,880
Tapos ka na?
127
00:10:35,640 --> 00:10:37,120
May tiwala ako sa 'yo.
128
00:10:38,280 --> 00:10:40,640
Naniwala ako sa 'yo
no'ng ni-recruit mo si Maher,
129
00:10:41,120 --> 00:10:42,880
pati 'yong tatlong baliw…
130
00:10:44,240 --> 00:10:47,120
kahit nagsinungaling ka sa 'kin
tungkol sa pagkamatay ni Maher.
131
00:10:50,120 --> 00:10:51,000
Alam mo?
132
00:10:51,760 --> 00:10:52,960
Ano sa tingin mo?
133
00:10:53,440 --> 00:10:56,440
Tingin mo nakarating ako dito
dahil sa malungkot kong mata?
134
00:10:59,080 --> 00:11:00,800
Dana, alam ko lahat.
135
00:11:01,880 --> 00:11:03,280
Trabaho ko 'yon.
136
00:11:03,800 --> 00:11:05,920
At kapag nagsisinungaling ang ahente ko,
137
00:11:06,640 --> 00:11:08,560
naaamoy ko 'yon kahit malayo.
138
00:11:10,160 --> 00:11:11,280
Ba't di mo sinabi?
139
00:11:13,440 --> 00:11:17,560
Dahil sa trabaho, di ako puwedeng
makipagtulungan sa gano'ng bagay.
140
00:11:18,600 --> 00:11:22,520
Pero maniwala ka,
kung ako, 'yon din ang gagawin ko.
141
00:11:24,280 --> 00:11:26,080
Gusto mong magligtas ng buhay.
142
00:11:26,680 --> 00:11:28,400
'Yong iba, di mahalaga.
143
00:11:29,320 --> 00:11:33,519
Ayusin mo ang sarili mo.
Habang naaawa ka sa sarili mo,
144
00:11:33,520 --> 00:11:36,320
marami pang problema diyan
na dapat ayusin.
145
00:11:37,680 --> 00:11:38,560
Kuha mo?
146
00:11:40,840 --> 00:11:41,760
Kuha ko.
147
00:11:57,640 --> 00:11:58,720
Ano'ng balita?
148
00:11:59,520 --> 00:12:00,600
Kumusta?
149
00:12:09,960 --> 00:12:12,000
Di ko maisip na wala na siya.
150
00:12:16,360 --> 00:12:17,560
Ano? Magsalita ka.
151
00:12:19,440 --> 00:12:20,600
Ano'ng sasabihin ko?
152
00:12:22,520 --> 00:12:25,280
Ano'ng nangyari doon?
Paano nangyari 'yon?
153
00:12:25,800 --> 00:12:27,239
Di pa tapos, pare.
154
00:12:27,240 --> 00:12:29,800
Pag tapos na, pag-uusapan natin lahat.
155
00:12:30,360 --> 00:12:31,280
Okay?
156
00:12:32,000 --> 00:12:33,120
Sige, oo.
157
00:12:34,240 --> 00:12:35,560
Kumusta sa kulungan?
158
00:12:38,200 --> 00:12:39,760
Wala, hayaan mo na 'yon.
159
00:12:41,000 --> 00:12:42,000
Tapos na 'yon.
160
00:12:45,360 --> 00:12:46,600
Ayos ba tayo?
161
00:12:48,440 --> 00:12:49,480
Bakit hindi?
162
00:12:50,000 --> 00:12:51,560
Lahat ng nangyari…
163
00:12:54,520 --> 00:12:55,560
Ano ba'ng nangyari?
164
00:13:06,280 --> 00:13:07,320
Ayos lang.
165
00:13:23,680 --> 00:13:26,080
- Ready na lahat?
- Ready na.
166
00:13:32,120 --> 00:13:33,760
Wala pang contact si Anne.
167
00:13:36,400 --> 00:13:37,520
Alam ko.
168
00:13:38,720 --> 00:13:41,040
Sa tingin mo ba
inaresto siya ng mga Israeli?
169
00:13:43,160 --> 00:13:45,640
Pinaghandaan na natin
ang polibilidad na 'yan.
170
00:13:46,680 --> 00:13:48,800
Ang mission niya, patayin ang traydor.
171
00:13:49,480 --> 00:13:51,040
Alam nating mapanganib.
172
00:13:52,240 --> 00:13:53,440
Paano kung magsalita siya?
173
00:13:57,080 --> 00:13:58,640
Naniniwala ako sa kanya.
174
00:14:00,360 --> 00:14:02,120
Napatunayan na niya ang sarili niya.
175
00:14:03,800 --> 00:14:06,720
Kahit na nabigo siya sa misson,
sigurado akong…
176
00:14:07,480 --> 00:14:09,120
committed siya tulad natin.
177
00:14:09,720 --> 00:14:10,720
Sana nga.
178
00:14:13,480 --> 00:14:14,760
Matulog ka na.
179
00:14:15,760 --> 00:14:17,800
Mahalagang araw bukas.
180
00:14:25,240 --> 00:14:27,799
Saeed, hindi mo kailangang sumama sa amin.
181
00:14:27,800 --> 00:14:30,280
Delikado, at masyado kang mahalaga.
182
00:14:40,440 --> 00:14:41,840
Gusto kong nando'n ako.
183
00:14:43,400 --> 00:14:45,999
Gusto kong maging bahagi
ng tagumpay natin.
184
00:14:46,000 --> 00:14:47,320
Naiintindihan mo ba?
185
00:14:50,320 --> 00:14:51,160
Sigurado ka?
186
00:14:51,760 --> 00:14:52,760
Matulog ka na.
187
00:14:53,600 --> 00:14:54,440
Sige.
188
00:15:02,720 --> 00:15:05,800
Ano, ano'ng ginagawa mo noong October 7?
189
00:15:06,640 --> 00:15:10,599
Company Commander ako noon
sa central camps.
190
00:15:10,600 --> 00:15:13,080
Ang mission namin,
pasukin ang kibbutz sa paligid.
191
00:15:13,600 --> 00:15:15,680
Pumasok ako kasama ang fighters ko.
192
00:15:16,960 --> 00:15:19,719
Pinatay namin ang mga bantay sa pasukan.
193
00:15:19,720 --> 00:15:22,240
Tapos inisa-isa ang mga bahay,
194
00:15:22,840 --> 00:15:25,200
hinostage ang pwedeng i-hostage.
195
00:15:25,720 --> 00:15:28,240
- At 'yong mga hindi hinostage?
- Pinatay namin.
196
00:15:31,040 --> 00:15:34,120
Ilan ang mga taong napatay mo doon?
197
00:15:35,000 --> 00:15:36,680
Hindi ko alam nang eksakto.
198
00:15:37,800 --> 00:15:39,720
Mga dalawampu.
199
00:15:40,240 --> 00:15:43,279
May ilan pa kaming hinostage.
At may ilan na namatay sa daan.
200
00:15:43,280 --> 00:15:45,679
Ilan sa kanila ang napatay mo mismo?
201
00:15:45,680 --> 00:15:47,160
Mga sundalo o sibilyan?
202
00:15:48,000 --> 00:15:51,760
Pag-usapan natin ang mga matatanda,
mga babae, mga bata.
203
00:15:53,760 --> 00:15:54,600
Lima.
204
00:15:56,040 --> 00:15:57,160
Magkuwento ka.
205
00:15:58,880 --> 00:16:03,040
Sa unang bahay, sinalubong kami
ng lalaking may kutsilyo, kaya binaril ko.
206
00:16:11,120 --> 00:16:14,119
Sa pang-apat na bahay,
pinatay ko ang panganay na anak na lalaki.
207
00:16:14,120 --> 00:16:17,800
Tatakas siya, e.
Kinailangan ko siyang barilin.
208
00:16:19,840 --> 00:16:21,120
Ilang taon na siya?
209
00:16:22,600 --> 00:16:24,399
Labing-apat, labing-lima.
210
00:16:24,400 --> 00:16:26,680
Ituloy mo.
211
00:16:28,640 --> 00:16:33,079
Sa huling bahay, sundalo 'yong lalaki.
212
00:16:33,080 --> 00:16:34,719
Wala siya sa bahay.
213
00:16:34,720 --> 00:16:39,000
Nagtago ang babae sa safe room
kasama ang mga bata, at…
214
00:16:39,520 --> 00:16:43,040
isa pang lalaking Bedouin
na dating nagtatrabaho sa kanila.
215
00:16:44,720 --> 00:16:47,520
Sabi namin lumabas sila, pero ayaw nila.
216
00:16:48,760 --> 00:16:51,440
Sa huli, kinailangan naming
buksan ang pinto.
217
00:16:52,520 --> 00:16:55,559
Pero nakatakas 'yong ina
kasama ang mga anak mula sa bintana.
218
00:16:55,560 --> 00:16:57,560
Pero nahuli namin, naibalik namin sa loob.
219
00:16:58,880 --> 00:17:03,720
Lumaban siya.
Sinaksak ang isa sa mga sundalo ko.
220
00:17:05,240 --> 00:17:06,320
Ituloy mo.
221
00:17:07,800 --> 00:17:10,040
Isa sa mga tao ko ang pumatay sa mga bata.
222
00:17:12,800 --> 00:17:15,120
At ikaw, ano ang ginawa mo?
223
00:17:16,800 --> 00:17:19,840
Dinala ko 'yong babae sa kuwarto.
224
00:17:22,080 --> 00:17:25,000
At ano ang ginawa mo sa kanya doon?
225
00:17:28,960 --> 00:17:30,080
Hinawakan ko siya.
226
00:17:33,040 --> 00:17:36,640
Hinawakan mo lang siya?
O nakipagtalik ka rin sa kanya?
227
00:17:46,080 --> 00:17:49,560
Ginahasa mo siya. Hindi ba?
228
00:17:51,080 --> 00:17:52,480
Halimaw na 'to.
229
00:17:54,600 --> 00:17:57,240
At ikaw, tarantado ka,
ano'ng ginawa mo sa kanya?
230
00:17:59,760 --> 00:18:00,920
Pinatay ko siya.
231
00:18:10,400 --> 00:18:11,320
Uminom ka.
232
00:18:20,960 --> 00:18:22,600
Ito ang asawa ni Ali.
233
00:18:23,400 --> 00:18:25,520
Ang tunay niyang pangalan ay Eli.
234
00:18:27,640 --> 00:18:29,440
Hagit ang pangalan ng asawa niya.
235
00:18:33,520 --> 00:18:35,960
Alam kong hindi ka sang-ayon dito.
236
00:18:39,840 --> 00:18:44,920
Kaya hinihiling ko sa iyo, nagmamakaawa.
Kung may alam kang impormasyon…
237
00:18:45,800 --> 00:18:47,200
na makakatulong…
238
00:18:47,960 --> 00:18:51,720
pigilan ang kakila-kilabot na plano
ni Saeed, pakiusap, magsalita ka.
239
00:18:54,440 --> 00:18:55,440
Pakiusap.
240
00:19:07,800 --> 00:19:10,520
No'ng… no'ng makatakas kami sa kampo,
241
00:19:11,440 --> 00:19:13,840
nasa village kami,
242
00:19:14,600 --> 00:19:18,120
pinag-iisipan ni Saeed ang plano,
243
00:19:18,760 --> 00:19:20,880
may nakita akong mga picture.
244
00:19:21,920 --> 00:19:24,360
- Pictures ng?
- Isang sementeryo.
245
00:19:27,760 --> 00:19:28,920
Anong sementeryo?
246
00:19:29,520 --> 00:19:31,040
May sinabi si Saeed na…
247
00:19:31,960 --> 00:19:35,200
'Yong araw daw
na inaalala n'yo ang mga patay.
248
00:19:36,640 --> 00:19:40,040
'Yong tumatayo daw kayo para igalang sila.
249
00:19:40,640 --> 00:19:43,080
Kinuwento niya 'yon nang may inggit.
250
00:19:45,600 --> 00:19:47,760
Sinabi niya na iginagalang sila
ng mga Hudyo
251
00:19:48,320 --> 00:19:50,280
na parang buhay pa sila.
252
00:20:01,640 --> 00:20:02,680
Salamat.
253
00:20:10,440 --> 00:20:11,280
Ano?
254
00:20:13,240 --> 00:20:14,760
Remembrance Day.
255
00:20:31,840 --> 00:20:35,919
REMEMBRANCE DAY NG MGA NASAWING SUNDALO
AT MGA BIKTIMA NG MGA TERORISMO
256
00:20:35,920 --> 00:20:39,039
Ilang oras na lang,
daan-daang libong sibilyan
257
00:20:39,040 --> 00:20:42,119
ang inaasahang bibisita
sa mga sementeryo at libingan
258
00:20:42,120 --> 00:20:43,680
sa buong bansa.
259
00:20:44,720 --> 00:20:47,399
Mga bata, matatanda,
pamilya, at indibidwal
260
00:20:47,400 --> 00:20:51,839
ang pupunta para magbigay-pugay
sa mga nagbuwis ng buhay para sa atin.
261
00:20:51,840 --> 00:20:54,439
Sa ngayon, may immediate alert
262
00:20:54,440 --> 00:20:57,999
ng planong pag-atake
sa isa sa mga target na ito ngayon.
263
00:20:58,000 --> 00:21:01,959
Inaasahan naming
tinarget ng mga terorista ang mga sentro.
264
00:21:01,960 --> 00:21:04,439
Pero hindi tayo magpapabaya,
265
00:21:04,440 --> 00:21:08,159
at nakadeploy na ang mga puwersa
sa lahat ng sementeryo.
266
00:21:08,160 --> 00:21:10,560
Lahat ng may armas, nandoon na.
267
00:21:11,080 --> 00:21:15,000
Di natin alam ang target,
pero di natin puwedeng kanselahin.
268
00:21:15,600 --> 00:21:18,679
Kung isasara natin ang mga sementeryo,
parang sumuko na tayo.
269
00:21:18,680 --> 00:21:20,640
Banal na araw ito para sa lahat.
270
00:21:21,800 --> 00:21:25,040
Alam 'yon ng mga kalaban natin,
at susubukan nilang lapastanganin.
271
00:21:25,560 --> 00:21:28,120
Hindi natin hahayaan 'yon.
272
00:21:28,720 --> 00:21:29,560
Umpisahan n'yo na.
273
00:21:31,120 --> 00:21:34,120
Nesher to Beer Sheva Two,
nakapuwesto na ang sniper.
274
00:21:38,360 --> 00:21:39,200
Okay.
275
00:21:39,920 --> 00:21:41,040
Sasabihin ko.
276
00:21:44,880 --> 00:21:45,720
Naama.
277
00:21:46,240 --> 00:21:48,279
Di ko alam kung relevant,
pero may tumawag
278
00:21:48,280 --> 00:21:50,279
mula sa taxi station sa Jerusalem.
279
00:21:50,280 --> 00:21:52,919
- Okay.
- Sabi nila, one hour ago…
280
00:21:52,920 --> 00:21:55,319
dalawang kahina-hinalang European
281
00:21:55,320 --> 00:21:58,679
ang nag-book ng biyahe papuntang
Kiryat Shaul Cemetery sa Tel Aviv.
282
00:21:58,680 --> 00:22:01,359
Apat pa, na tugma sa parehong description,
283
00:22:01,360 --> 00:22:04,839
ang nag-book ng rides sa mga sementeryo
sa Hod HaSharon at Holon.
284
00:22:04,840 --> 00:22:07,439
Sinubukan niyang alamin
kung bakit sila pupunta roon,
285
00:22:07,440 --> 00:22:09,119
pero umiiwas sila.
286
00:22:09,120 --> 00:22:12,399
May mga driver na nag-report
na ibinaba sila.
287
00:22:12,400 --> 00:22:13,400
Sila 'yon, Naama.
288
00:22:14,240 --> 00:22:15,679
Sila 'yon. Ako na.
289
00:22:15,680 --> 00:22:19,040
Palatandaan 'to. Nagkamali sila
na sa iisang istasyon sila sumakay.
290
00:22:20,200 --> 00:22:23,599
Maghanap ng taxi mula Jerusalem.
Maghanap ng iba pang target.
291
00:22:23,600 --> 00:22:26,039
I-update natin
'yong mga sundalo sa Kiryat Shaul,
292
00:22:26,040 --> 00:22:27,319
Hod HaSharon, at Holon.
293
00:22:27,320 --> 00:22:30,120
Magpadala ng backup
sa mga sementeryo na 'yon.
294
00:22:39,000 --> 00:22:41,719
Isang oras at kalahati na.
Nandoon na siguro sila.
295
00:22:41,720 --> 00:22:44,279
- Gabi, sigurado ka bang sila 'yon?
- Oo.
296
00:22:44,280 --> 00:22:47,519
May ilang grupo na papunta sa ibang lugar.
297
00:22:47,520 --> 00:22:49,679
Magpapadala kami ng backup.
298
00:22:49,680 --> 00:22:52,039
Huli na para mag-evacuate,
baka nasa loob na sila.
299
00:22:52,040 --> 00:22:52,960
Roger.
300
00:22:53,880 --> 00:22:57,719
Attention, Gordon stations.
Hinala namin, nandito na sila.
301
00:22:57,720 --> 00:22:58,560
Maging alerto.
302
00:23:41,560 --> 00:23:42,880
Mabuti at nandito ka.
303
00:23:54,880 --> 00:23:58,360
- Tatayo lang ba tayo?
- Maghiwalay tayo.
304
00:23:58,840 --> 00:23:59,759
Pumasok ka.
305
00:23:59,760 --> 00:24:02,999
Pumunta kayo sa mga libingan
at sa inner parking lot.
306
00:24:03,000 --> 00:24:06,680
- Maghanap ng mga European na nasa 30s.
- Sige. Tara.
307
00:24:22,520 --> 00:24:23,880
Dito tayo.
308
00:24:38,080 --> 00:24:41,559
Dear audience,
sa ilang minuto, may maririnig na sirena,
309
00:24:41,560 --> 00:24:45,280
pagkatapos ay magsisimula na
ang Remembrance Day ceremony.
310
00:25:16,440 --> 00:25:19,560
Dana, nandito sila.
Namumukhaan ko 'yong dalawa.
311
00:25:24,400 --> 00:25:25,240
Steve.
312
00:25:25,800 --> 00:25:29,240
Sa one o'clock mo,
dalawang suspek sa tabi ng bulaklak.
313
00:25:30,440 --> 00:25:31,359
Nakikita ko sila.
314
00:25:31,360 --> 00:25:33,279
Doron, positive ID ba 'to?
315
00:25:33,280 --> 00:25:34,520
Isang daang porsiyento.
316
00:25:35,400 --> 00:25:37,400
Hihintayin nila 'yong sirena.
317
00:25:39,040 --> 00:25:40,760
Dana, kailangan na natin kumilos.
318
00:25:46,360 --> 00:25:49,159
Di ko sila maasinta. Maraming sibilyan.
319
00:25:49,160 --> 00:25:52,559
Steve, Doron, lapitan n'yo sila
hangga't maaari. Mag-ingat.
320
00:25:52,560 --> 00:25:54,200
Baka may iba pa.
321
00:26:52,840 --> 00:26:53,960
Lahat, baba!
322
00:27:03,440 --> 00:27:04,639
Takbo!
323
00:27:04,640 --> 00:27:07,879
Nasa loob sila! Buksan ang gate!
Ilabas ang mga sibilyan!
324
00:27:07,880 --> 00:27:10,399
- May terorista sa mga tao.
- May putukan.
325
00:27:10,400 --> 00:27:13,399
- Ilalabas namin 'yong entourage.
- Dana!
326
00:27:13,400 --> 00:27:16,320
Hinahabol namin ni Danino, pababa na siya!
327
00:27:17,800 --> 00:27:19,600
Tabi! Ayan siya!
328
00:27:28,200 --> 00:27:31,119
Bilis!
329
00:27:31,120 --> 00:27:33,240
- Dito, Dana!
- Doron!
330
00:27:36,240 --> 00:27:37,480
Takpan mo ako!
331
00:27:42,520 --> 00:27:43,360
Sa kaliwa mo!
332
00:27:45,400 --> 00:27:46,920
Dalawa sa kanan!
333
00:27:55,480 --> 00:27:58,080
Galing sila sa gate, pipigilan ko.
334
00:27:59,440 --> 00:28:00,840
- Cover mo ako.
- Sige.
335
00:28:30,920 --> 00:28:34,280
Kailangan pa ng tao sa main gate!
Dumarami sila!
336
00:28:46,440 --> 00:28:48,640
Diyan lang kayo! Lahat sa sahig!
337
00:28:49,160 --> 00:28:51,480
Dana, pigilan mo sila! Trap 'yan!
338
00:28:52,720 --> 00:28:53,720
Sa entrance!
339
00:28:54,280 --> 00:28:57,040
Paalisin lahat! Huwag silang magtakbuhan!
340
00:28:58,880 --> 00:29:01,519
Huwag silang magtakbuhan,
nagpapaputok sila!
341
00:29:01,520 --> 00:29:02,520
Doron!
342
00:29:03,040 --> 00:29:03,880
Bilis!
343
00:29:06,960 --> 00:29:09,280
Ayos ka lang? Tara na.
344
00:29:27,480 --> 00:29:28,320
Saeed!
345
00:29:31,440 --> 00:29:32,280
Saeed!
346
00:29:33,480 --> 00:29:34,320
Hinto!
347
00:29:39,480 --> 00:29:40,520
Tumigil ka!
348
00:29:47,200 --> 00:29:49,720
Si Hatib! Dito tayo.
349
00:30:00,320 --> 00:30:01,280
Saeed!
350
00:30:05,240 --> 00:30:06,280
Saeed!
351
00:30:29,080 --> 00:30:30,240
Amir…
352
00:30:34,360 --> 00:30:36,720
Para kay Ali 'to at sa kanyang pamilya.
353
00:30:37,440 --> 00:30:38,560
Ano'ng ginagawa niya?
354
00:30:40,960 --> 00:30:42,400
Para sa October 7.
355
00:30:50,320 --> 00:30:51,280
Th'ar.
356
00:30:56,280 --> 00:30:59,479
Clear sa Holon. Pitong sugatan.
Limang terorista ang na-neutralize.
357
00:30:59,480 --> 00:31:02,599
Apat na terorista
ang na-neutralize sa Hadera.
358
00:31:02,600 --> 00:31:06,519
Sa Kfar Saba, tapos na ang insidente.
Anim na terorista ang na-neutralize.
359
00:31:06,520 --> 00:31:08,840
Patuloy pa ang pag-scan.
360
00:31:12,880 --> 00:31:13,720
Dana.
361
00:31:15,800 --> 00:31:17,120
Dana, naririnig mo ba ako?
362
00:31:17,920 --> 00:31:19,880
Dana, kailangan ko ng update ngayon.
363
00:31:20,520 --> 00:31:23,320
Tapos na ang insidente.
May mga nasawi.
364
00:31:23,840 --> 00:31:26,200
Mga 15 terorista ang neutralized.
365
00:32:00,880 --> 00:32:02,960
Masyado na akong matanda para dito.
366
00:32:39,400 --> 00:32:40,320
Pwedeng tumabi?
367
00:32:46,240 --> 00:32:47,080
Kumusta ka?
368
00:32:47,800 --> 00:32:48,760
Okay lang naman.
369
00:32:49,520 --> 00:32:51,080
Gusto ko lang bumalik sa bahay.
370
00:32:52,200 --> 00:32:54,040
May gusto ka bang pag-usapan?
371
00:32:55,000 --> 00:32:57,240
Gusto ko lang makita na ayos ka.
372
00:32:57,920 --> 00:32:59,240
At magpasalamat.
373
00:33:01,480 --> 00:33:02,400
Para saan?
374
00:33:04,880 --> 00:33:06,760
Para sa paggawa ng tamang desisyon.
375
00:33:07,640 --> 00:33:09,120
Marami kang nailigtas.
376
00:33:10,080 --> 00:33:11,160
Niligtas mo rin ako.
377
00:33:15,000 --> 00:33:16,120
Walang anuman.
378
00:33:21,280 --> 00:33:23,800
Pwede ako magtanong?
Magiging honest ka ba?
379
00:33:24,400 --> 00:33:26,200
Oo. Susubukan ko.
380
00:33:32,320 --> 00:33:34,280
Ikaw ba ang pumatay kay Maher?
381
00:33:41,920 --> 00:33:42,920
Sabi ko na.
382
00:33:48,840 --> 00:33:52,479
Siguro kaya ka naging mabait sa akin,
sinubukan akong patakasin?
383
00:33:52,480 --> 00:33:53,680
Dahil pakiramdam mo…
384
00:33:54,400 --> 00:33:55,319
guilty ka?
385
00:33:55,320 --> 00:33:56,600
Guilty? Hindi.
386
00:33:57,120 --> 00:33:58,239
Hindi ba?
387
00:33:58,240 --> 00:33:59,360
E, bakit?
388
00:34:00,880 --> 00:34:02,440
Naawa ako sa 'yo.
389
00:34:04,040 --> 00:34:06,880
Mukha kang mabuting tao na naligaw lang.
390
00:34:07,560 --> 00:34:10,000
At alam ko kung gaano kahirap
mawalan ng pamilya.
391
00:34:12,720 --> 00:34:14,800
Makakagawa ka ng kung anu-ano.
392
00:34:16,200 --> 00:34:18,840
Pagpatay, paghihiganti, mga ganoong bagay?
393
00:34:21,360 --> 00:34:23,800
Dapat pala maawa rin ako sa 'yo?
394
00:34:24,320 --> 00:34:27,199
Dahil nandiyan ka pa rin,
at hindi mo nga nakikita.
395
00:34:27,200 --> 00:34:29,080
- Magkaiba 'yon.
- Pareho lang.
396
00:34:31,360 --> 00:34:35,600
No'ng nasa kotse ako,
kaya lang ako hindi nakapindot…
397
00:34:36,520 --> 00:34:39,560
dahil sa isang batang babae
sa tabi natin. Naka…
398
00:34:41,200 --> 00:34:42,960
nakatingin sa akin, at…
399
00:34:43,480 --> 00:34:44,919
at sinabi ko sa 'yo sa kampo,
400
00:34:44,920 --> 00:34:47,439
ang tanging takot ko,
makagawa ng di ko mapanindigan,
401
00:34:47,440 --> 00:34:49,399
at mga inosente, hindi nila dapat…
402
00:34:49,400 --> 00:34:51,759
bayaran ang mga kasalanan natin.
Agree ka ba?
403
00:34:51,760 --> 00:34:52,680
Oo.
404
00:34:54,560 --> 00:34:58,280
Kaya kung nagpapasalamat ka nga
sa mga desisyon ko, gaya ng sinabi mo,
405
00:34:59,560 --> 00:35:00,760
pwede ka bang huminto?
406
00:35:05,720 --> 00:35:06,960
Gagawin ko ang makakaya ko.
407
00:35:08,880 --> 00:35:10,040
Sana nga.
408
00:35:11,080 --> 00:35:13,120
Ma'am, kailangan nating bumalik.
409
00:35:24,200 --> 00:35:30,519
O Diyos, puspos ng habag,
410
00:35:30,520 --> 00:35:34,919
na nananahan sa kaitaasan,
411
00:35:34,920 --> 00:35:39,919
ipagkaloob ang tunay na kapahingahan
412
00:35:39,920 --> 00:35:42,679
sa mga pakpak ng Shechinah
413
00:35:42,680 --> 00:35:47,239
sa mga dakilang kalagayan
ng mga banal at dalisay
414
00:35:47,240 --> 00:35:54,039
na nagliliwanag bilang kaningningan
ng kalawakan sa kaluluwa
415
00:35:54,040 --> 00:35:59,439
ni Eliyahu, anak nina Shalom at Geula,
416
00:35:59,440 --> 00:36:01,999
na pumanaw na
sa kanyang makalangit na mundo,
417
00:36:02,000 --> 00:36:04,599
alang-alang
418
00:36:04,600 --> 00:36:09,519
kay Eliyahu, anak nina Shalom at Geula,
419
00:36:09,520 --> 00:36:15,119
dahil may donasyong ibinigay
bilang alaala sa kanyang kaluluwa.
420
00:36:15,120 --> 00:36:17,999
Kaya, nawa'y ang Maawain
421
00:36:18,000 --> 00:36:23,719
ay kubkubin siya sa ilalim
ng Kanyang mga pakpak magpakailanman,
422
00:36:23,720 --> 00:36:30,199
at itali ang kanyang kaluluwa
sa bigkis ng buhay.
423
00:36:30,200 --> 00:36:34,319
Ang Panginoon ang kanyang pamana,
424
00:36:34,320 --> 00:36:40,879
nawa'y magpahinga siya
sa kanyang pahingahan nang payapa
425
00:36:40,880 --> 00:36:42,799
at sabihin natin. Amen…
426
00:36:42,800 --> 00:36:44,279
Salamat sa Diyos.
427
00:36:44,280 --> 00:36:45,319
- Amen.
- Halika.
428
00:36:45,320 --> 00:36:46,240
Salamat sa Diyos.
429
00:36:47,640 --> 00:36:48,520
Congrats.
430
00:37:08,000 --> 00:37:10,759
Nawa'y itaas at gawing banal
ang dakilang pangalan ng Diyos,
431
00:37:10,760 --> 00:37:15,399
sa buong mundo, na nilikha Niya
ayon sa Kanyang kalooban.
432
00:37:15,400 --> 00:37:20,160
Sa buhay mo at sa buhay
ng buong sambahayan ng Israel.
433
00:37:20,840 --> 00:37:23,759
Nawa'y pagpalain ang Kanyang dakilang
pangalan, magpakailanman.
434
00:37:23,760 --> 00:37:26,519
Pagpalain, purihin, luwalhatiin, itaas,
435
00:37:26,520 --> 00:37:28,439
parangalan, itaas,
436
00:37:28,440 --> 00:37:30,839
at purihin ang pangalan ng Banal.
437
00:37:30,840 --> 00:37:33,399
Pinagpala Siya sa kabila ng mga awit,
438
00:37:33,400 --> 00:37:36,640
Papuri at mga dasal na sinasabi
at sinasabi, Amen.
439
00:37:38,200 --> 00:37:40,599
Nawa'y magkaroon ng masaganang kapayapaan
440
00:37:40,600 --> 00:37:43,600
at buhay, sa atin at sa lahat ng Israel
at sabihin, Amen.
441
00:37:50,880 --> 00:37:53,880
Siya na gumagawa ng kapayapaan
sa Kanyang banal na lugar…
442
00:37:56,320 --> 00:38:00,119
nawa'y magdala Siya ng kapayapaan sa amin,
at sa lahat ng Israel, at sabihin Amen.
443
00:38:00,120 --> 00:38:00,960
Amen.
444
00:40:59,200 --> 00:41:01,960
Nagsalin ng Subtitle: Donna Escuin