1
00:00:14,291 --> 00:00:15,374
Hindi ba nakakatawa?
2
00:00:15,375 --> 00:00:17,499
Lahat ng tao, lumalayo sa Nilfgaard,
3
00:00:17,500 --> 00:00:20,540
samantalang ginagawa natin ang lahat
para makarating doon.
4
00:00:20,541 --> 00:00:22,790
Iyon lamang ang daan papuntang Caed Dhu.
5
00:00:22,791 --> 00:00:24,915
Kahit ano'ng paraan,
mailigtas lang si Ciri.
6
00:00:24,916 --> 00:00:26,249
Kailangan nating makatawid.
7
00:00:26,250 --> 00:00:27,957
- Alam ni Milva ang rutang ito.
- Oo.
8
00:00:27,958 --> 00:00:29,707
Mas mabuti kung naririto siya.
9
00:00:29,708 --> 00:00:31,457
Oy, alam ko rin naman ito.
10
00:00:31,458 --> 00:00:32,832
Noong Sandpiper pa ako,
11
00:00:32,833 --> 00:00:37,540
hindi lamang ako sa katapangan kilala,
pati sa pagiging mapanuri sa detalye.
12
00:00:37,541 --> 00:00:39,291
At talas ng mata sa—
13
00:00:43,208 --> 00:00:44,666
- Ayos ka lang?
- Oo, may...
14
00:00:45,208 --> 00:00:47,250
Mayroon lamang ugat doon.
15
00:00:47,916 --> 00:00:50,207
May kailangang magpasuri
ng "matalas na mata".
16
00:00:50,208 --> 00:00:52,374
Inaalipusta mo pa ang nagdurusa.
17
00:00:52,375 --> 00:00:54,624
Hindi ito ugat. Lubid ito.
18
00:00:54,625 --> 00:00:56,083
Kung gayon, maaaring...
19
00:01:00,666 --> 00:01:03,207
Ayos! Geralt, matutuwa ka sa makikita mo.
20
00:01:03,208 --> 00:01:05,957
Mahusay, Jaskier.
Nakahanap ka ng abandonadong lantsa.
21
00:01:05,958 --> 00:01:07,208
Hindi iyan abandonado.
22
00:01:09,583 --> 00:01:11,250
Nagtatago ang mga ito sa halamanan.
23
00:01:14,208 --> 00:01:16,666
- Tatawirin namin ang ilog.
- Papunta sa Nilfgaard?
24
00:01:17,166 --> 00:01:19,499
Patawad, ngunit hindi kakayanin
ng batyang ito.
25
00:01:19,500 --> 00:01:21,290
Mukha pa naman itong maayos.
26
00:01:21,291 --> 00:01:24,707
Sarado na kami, hindi ba?
May nangyayaring digmaan.
27
00:01:24,708 --> 00:01:26,874
At may mga umaatakeng tsonggo.
28
00:01:26,875 --> 00:01:30,207
Tsonggo? Wala pa akong nakitang unggoy
sa paglalakbay ko rito.
29
00:01:30,208 --> 00:01:33,207
Malamang hindi kayo tatanggi sa biyahe
para sa tamang presyo.
30
00:01:33,208 --> 00:01:34,333
Mayroon ba kayong
31
00:01:34,833 --> 00:01:36,291
pambayad?
32
00:01:37,083 --> 00:01:39,499
Sabi ko na nga ba. Hindi tayo aalis.
33
00:01:39,500 --> 00:01:43,000
Ihatid ninyo kami
o kami na lang ang aalis.
34
00:01:51,791 --> 00:01:54,582
Pagkatapos ng lahat ng pasikot-sikot,
kamatayan at labanan,
35
00:01:54,583 --> 00:01:57,000
akalain ninyong ganito tayo darating
sa Nilfgaard?
36
00:01:57,875 --> 00:02:00,708
Mas matagal pa akong tumae
kaysa sa biyaheng ito.
37
00:02:01,416 --> 00:02:03,916
Hindi lang ikaw
ang magaling magsalita, Bard.
38
00:02:06,333 --> 00:02:09,874
Matapos ang mahabang panahon,
mukhang normal na lupain ang Nilfgaard.
39
00:02:09,875 --> 00:02:13,415
Oo, para lang pag-awayan
at ikamatay ng mga tao.
40
00:02:13,416 --> 00:02:14,665
Walang espesyal dito.
41
00:02:14,666 --> 00:02:16,708
Wari ko, hindi lahat sasang-ayon.
42
00:02:18,500 --> 00:02:22,082
Mga tsonggo!
43
00:02:22,083 --> 00:02:23,125
Tumigil ka riyan!
44
00:02:25,083 --> 00:02:26,165
Mga tagahilaga.
45
00:02:26,166 --> 00:02:29,040
- Ang lantsa! Bilis!
- Ano ang ginagawa nila sa Nilfgaard?
46
00:02:29,041 --> 00:02:30,208
Hindi sila tsonggo.
47
00:02:30,708 --> 00:02:32,790
Mga gerilyang lumalaban sa kuta ng kaaway!
48
00:02:32,791 --> 00:02:35,165
Ibalik ang bangkang iyon sa pampang!
49
00:02:35,166 --> 00:02:37,165
Lintik! Mga Nilfgaardian!
50
00:02:37,166 --> 00:02:38,249
- Nilfgaard!
- Atras!
51
00:02:38,250 --> 00:02:40,290
- Walang aatras!
- Manatili!
52
00:02:40,291 --> 00:02:43,249
- Para sa Nilfgaard!
- Hindi sila tatagal sa Nilfgaard.
53
00:02:43,250 --> 00:02:45,165
Ibinalik natin ang sasakyan nila.
54
00:02:45,166 --> 00:02:46,375
Pag-asa natin ang lantsa!
55
00:02:47,791 --> 00:02:49,999
- Anak ng...
- Hinihila nila tayo!
56
00:02:50,000 --> 00:02:52,540
- Papunta sa laban nila.
- Ano ang ginagawa... Huwag!
57
00:02:52,541 --> 00:02:55,583
Hindi! Bakit mo ginawa iyon, tanga?
58
00:02:56,916 --> 00:02:58,749
Mas lalo silang magagalit!
59
00:02:58,750 --> 00:03:00,582
- Bumalik kayo!
- Pasensiya na!
60
00:03:00,583 --> 00:03:03,415
Hulihin ang bangkang iyon!
Mga espiya sila ng Nilfgaard!
61
00:03:03,416 --> 00:03:05,457
Kailangan na nating makatawid!
62
00:03:05,458 --> 00:03:08,041
- Tira!
- May paparating!
63
00:03:08,541 --> 00:03:10,290
- Buwisit.
- Ano ang ginagawa nila?
64
00:03:10,291 --> 00:03:12,165
- Magsagwan kayo!
- Papunta saan?
65
00:03:12,166 --> 00:03:13,374
Bilis na!
66
00:03:13,375 --> 00:03:14,791
Sagwan!
67
00:03:16,416 --> 00:03:17,791
Kakampi ninyo kami.
68
00:03:51,291 --> 00:03:55,124
Habang naglalayag sa ilog
at naiipit sa dalawang naglalabang hukbo,
69
00:03:55,125 --> 00:03:58,541
alam ng ating witcher na nanganganib
ang paghahanap niya kay Ciri.
70
00:03:59,041 --> 00:03:59,957
Sa panahong iyon,
71
00:03:59,958 --> 00:04:01,832
dahil nagtitiwala sila sa isa't isa,
72
00:04:01,833 --> 00:04:03,957
ang kakaibang grupo ni Geralt—
73
00:04:03,958 --> 00:04:05,291
- Ang Hansa.
- At—
74
00:04:07,208 --> 00:04:09,791
Nakilala sila bilang Hansa.
75
00:04:10,375 --> 00:04:12,457
- Si Angoulême ang nakaisip noon.
- Sino?
76
00:04:12,458 --> 00:04:14,665
Huwag kayong mag-alala.
Makikilala ninyo siya.
77
00:04:14,666 --> 00:04:16,165
Munting Nimue.
78
00:04:16,166 --> 00:04:18,041
Tingnan mo nga naman.
79
00:04:18,541 --> 00:04:23,125
Malaki ka na, ngunit itinatama mo pa rin
ang matandang si Stribog.
80
00:04:24,541 --> 00:04:26,249
Kadalasan, ako ang umaalis.
81
00:04:26,250 --> 00:04:30,291
Sinabi ko nang mangyayari rin ito.
May hahanapin akong tadhana.
82
00:04:31,208 --> 00:04:32,415
Paano na?
83
00:04:32,416 --> 00:04:33,874
Huling kuwento?
84
00:04:33,875 --> 00:04:36,332
Oo nga, Stribog! Ano ang ginawa ng Hansa?
85
00:04:36,333 --> 00:04:39,207
- Ikuwento mo sa amin!
- Sige na nga.
86
00:04:39,208 --> 00:04:43,290
- Nasaan na ba ako?
- Pinamamaril ng mga tsonggo ang lantsa.
87
00:04:43,291 --> 00:04:44,457
A, tama.
88
00:04:44,458 --> 00:04:47,624
Nakaligtas ang Hansa.
89
00:04:47,625 --> 00:04:49,125
Sa panahong iyon.
90
00:04:49,625 --> 00:04:51,874
Mukhang nalampasan na natin ang panganib.
91
00:04:51,875 --> 00:04:54,999
Siya nga! Sa ilog na ginawa tayong
kaaway ng lahat.
92
00:04:55,000 --> 00:04:56,625
Wala tayong madadaungan.
93
00:04:58,541 --> 00:05:00,374
Maglayag pa tayo pababa.
94
00:05:00,375 --> 00:05:03,374
Saan sa hilaga nagmula
ang mga nakaputing iyon?
95
00:05:03,375 --> 00:05:07,457
Pinaghalo ang sagisag nila.
Mukhang mga hukbong nagsanib.
96
00:05:07,458 --> 00:05:09,374
Huwag na ninyo silang kilalanin.
97
00:05:09,375 --> 00:05:11,957
Pasalamat na lamang tayong
hindi tayo napuruhan.
98
00:05:11,958 --> 00:05:13,333
Mga mamamana, sa may hilaga!
99
00:05:15,166 --> 00:05:16,375
Tira!
100
00:05:17,083 --> 00:05:18,707
Dumapa kayo!
101
00:05:18,708 --> 00:05:21,290
- Mga Nilfy ba iyon?
- Hindi ko naiintindihan.
102
00:05:21,291 --> 00:05:24,207
Sa timog ang mga tagahilaga,
sa hilaga ang mga Nilfgaardian.
103
00:05:24,208 --> 00:05:26,832
Huwag mo nang bigyang katuwiran ang gera!
104
00:05:26,833 --> 00:05:27,875
Tira!
105
00:05:29,000 --> 00:05:30,999
- Magtago kayo!
- Wala tayong laban dito!
106
00:05:31,000 --> 00:05:32,207
Ang bangka ko!
107
00:05:32,208 --> 00:05:35,832
Hindi kita gustong pangunahan sa trabaho,
ngunit maaari bang—
108
00:05:35,833 --> 00:05:37,333
Hindi. Patay na siya.
109
00:05:37,833 --> 00:05:39,416
Patay na siya. Punyeta!
110
00:05:40,083 --> 00:05:41,208
Pinatay ninyo siya.
111
00:05:44,291 --> 00:05:45,749
Tama na ang pamamana!
112
00:05:45,750 --> 00:05:48,457
Kinukulang sila sa pagkamalikhain, ano?
113
00:05:48,458 --> 00:05:51,499
- Lintik.
- Ihinto ang pamamana!
114
00:05:51,500 --> 00:05:54,000
- Narinig ka yata nila.
- Ingat.
115
00:05:56,375 --> 00:05:58,790
- Hintayin ninyo!
- Ano naman iyan?
116
00:05:58,791 --> 00:05:59,625
Tutok.
117
00:06:00,750 --> 00:06:01,665
Asinta.
118
00:06:01,666 --> 00:06:03,375
Nakatutok na!
119
00:06:04,541 --> 00:06:05,790
Ang pagkamalikhain nila.
120
00:06:05,791 --> 00:06:07,791
- Tira!
- Diyos ko, mamamatay tayo!
121
00:06:10,708 --> 00:06:11,665
Bilisan ninyo!
122
00:06:11,666 --> 00:06:13,624
Bilis, apulahin ninyo!
123
00:06:13,625 --> 00:06:14,666
Ano ang nangyayari?
124
00:06:21,083 --> 00:06:22,166
Milva!
125
00:06:25,250 --> 00:06:26,833
Dali!
126
00:06:32,333 --> 00:06:33,416
Bubwit!
127
00:06:33,916 --> 00:06:35,165
Halika na!
128
00:06:35,166 --> 00:06:36,625
Langoy pa!
129
00:06:41,583 --> 00:06:44,833
- Pambihira ang pasok mo.
- Kailangan kayong iligtas.
130
00:06:45,916 --> 00:06:46,875
Ayos ka lang ba?
131
00:06:47,875 --> 00:06:49,249
Ayos lang.
132
00:06:49,250 --> 00:06:50,291
Totoo iyon.
133
00:06:51,000 --> 00:06:52,250
- Regis!
- Naroon!
134
00:07:00,500 --> 00:07:02,874
Mahusay na pagpana.
135
00:07:02,875 --> 00:07:04,499
Tinamaan ka sa puso.
136
00:07:04,500 --> 00:07:05,458
Ay, iha.
137
00:07:05,958 --> 00:07:09,416
Hindi ko pa rin ba kayo naimumulat
sa maling paniniwala ng tao?
138
00:07:12,833 --> 00:07:16,290
Hindi lamang isang piraso ng kahoy
ang magiging katapusan ko.
139
00:07:16,291 --> 00:07:19,708
Kalokohan iyon gaya ng walang ngipin
ang tatapos sa iyo.
140
00:07:20,208 --> 00:07:22,500
Umasa na lamang tayo
na walang ganyan sa hinaharap.
141
00:07:24,291 --> 00:07:28,166
- Nagbalik ka. Nangulila kami sa iyo.
- Naalala mo no'ng gusto mo kaming mawala?
142
00:07:29,250 --> 00:07:30,166
Kailan iyon?
143
00:07:47,958 --> 00:07:49,583
Ilang siglo ng katalinuhan.
144
00:07:51,500 --> 00:07:52,583
Istredd.
145
00:07:54,333 --> 00:07:55,250
Rita.
146
00:07:56,458 --> 00:07:57,291
Vesemir.
147
00:07:59,083 --> 00:08:00,166
Ang mga baguhan.
148
00:08:00,958 --> 00:08:03,208
Wala nang lahat. Dahil sa iisang lalaki.
149
00:08:04,916 --> 00:08:06,375
Alam mo kung ano ang nakakatawa?
150
00:08:08,166 --> 00:08:10,250
Inakala ko talagang magagawa natin.
151
00:08:12,708 --> 00:08:15,499
Naniwala talaga ako sapagkat ginusto natin
152
00:08:15,500 --> 00:08:18,166
na pabagsakin na sa wakas si Vilgefortz.
153
00:08:21,958 --> 00:08:23,333
Sandali. Nasaan si Ciri?
154
00:08:24,833 --> 00:08:26,666
Wala siya kay Emhyr, Philippa.
155
00:08:30,083 --> 00:08:31,041
Nariyan lang siya.
156
00:08:31,750 --> 00:08:34,000
Nariyan, ngunit hindi ko alam kung saan.
157
00:08:34,500 --> 00:08:36,124
Patawarin mo ako.
158
00:08:36,125 --> 00:08:38,250
Hindi, naiintindihan kita.
159
00:08:39,458 --> 00:08:41,208
Alam kong anak mo siya.
160
00:08:43,875 --> 00:08:45,750
Ngunit siya na lang ang pag-asa natin.
161
00:08:47,791 --> 00:08:50,458
Dama ko na talagang ito ang katapusan.
162
00:08:51,458 --> 00:08:52,291
Lahat ng ito.
163
00:08:53,666 --> 00:08:54,708
Lahat tayo.
164
00:08:56,375 --> 00:08:57,708
Noong mahanap kita...
165
00:09:00,083 --> 00:09:01,375
Tinanong kita,
166
00:09:02,416 --> 00:09:04,290
"Paano mo gustong mabuhay muli?"
167
00:09:04,291 --> 00:09:05,375
Naaalala mo ba?
168
00:09:06,750 --> 00:09:09,666
Noong panahong iyon,
hindi ko lubusang naintindihan.
169
00:09:10,166 --> 00:09:11,874
Bumubuo ako ng hukbo.
170
00:09:11,875 --> 00:09:14,207
Naisip ko, upang makaligtas tayo,
171
00:09:14,208 --> 00:09:16,125
kailangan nating mga sorceress
172
00:09:17,166 --> 00:09:18,250
na maging sundalo.
173
00:09:18,958 --> 00:09:20,541
Maling-mali ako.
174
00:09:21,916 --> 00:09:23,165
At bakit naman?
175
00:09:23,166 --> 00:09:27,333
Buong panahon, mayroong isang bagay
na hindi ko napansing nasa harapan ko na.
176
00:09:28,916 --> 00:09:32,625
Ang pinakamatibay nating sandigan
mula ngayon.
177
00:09:36,583 --> 00:09:37,666
Ang ating kapatiran.
178
00:09:39,333 --> 00:09:40,541
Tipunin mo ang iba.
179
00:09:42,666 --> 00:09:44,957
Takot ang lahat kay Leo Bonhart.
180
00:09:44,958 --> 00:09:47,832
Nais ko nang makita ang mukha niya
kapag binigla natin siya.
181
00:09:47,833 --> 00:09:49,541
Hindi siya ordinaryong tao.
182
00:09:50,041 --> 00:09:51,665
Sana kasama pa natin si Falka.
183
00:09:51,666 --> 00:09:54,749
- Sana alam ko kung bakit siya umalis.
- Wala siya sa sarili.
184
00:09:54,750 --> 00:09:57,332
Babalik siya sa atin. Nararamdaman ko.
185
00:09:57,333 --> 00:09:59,415
- Marahil.
- Umaasa ka naman.
186
00:09:59,416 --> 00:10:02,749
Hindi na muna ako aasa.
Pagtutuunan ko na lang kung ano ang totoo.
187
00:10:02,750 --> 00:10:04,249
Tulad ni Leo Bonhart.
188
00:10:04,250 --> 00:10:05,749
Tama si Mistle.
189
00:10:05,750 --> 00:10:07,957
Pumili si Falka.
Mas maayos lang ang sa atin.
190
00:10:07,958 --> 00:10:10,832
Sige lang.
Upang maging alamat, pumatay ka ng alamat.
191
00:10:10,833 --> 00:10:12,416
Tama!
192
00:10:16,958 --> 00:10:20,125
PINAGHAHANAP
193
00:10:22,750 --> 00:10:27,250
BUHAY - OLANDES - BERDE ANG MATA
MAPANGANIB - MALAKING PABUYA
194
00:10:51,625 --> 00:10:53,916
Bilisan mo, Kelpie. Dali.
195
00:10:55,166 --> 00:10:56,000
Sige!
196
00:10:56,833 --> 00:10:57,875
Bilis.
197
00:10:59,000 --> 00:11:00,249
Wala nang kalaban.
198
00:11:00,250 --> 00:11:03,375
Mas ligtas kung lalakarin natin
ang paglalakbay tungo sa mga druid.
199
00:11:04,875 --> 00:11:06,290
Sila na naman?
200
00:11:06,291 --> 00:11:07,707
A, sumpain na.
201
00:11:07,708 --> 00:11:10,624
- Hinahabol ba nila tayo?
- Mukhang sila ang hinahabol.
202
00:11:10,625 --> 00:11:12,249
Doon sa bangka!
203
00:11:12,250 --> 00:11:16,040
- Tila naipit tayo sa gitna ng mga sunog.
- Lintik na bangungot ito.
204
00:11:16,041 --> 00:11:17,415
Anak ka ng puta!
205
00:11:17,416 --> 00:11:18,499
Ano'ng sinasabi nila?
206
00:11:18,500 --> 00:11:22,082
Wala akong ibang maintindihan,
puro "anak ng puta" at "putok sa buho".
207
00:11:22,083 --> 00:11:23,624
Sinabi nang tigil!
208
00:11:23,625 --> 00:11:24,957
Ibalik ninyo ang bangka!
209
00:11:24,958 --> 00:11:26,999
Parating na ang Nilfgaard!
210
00:11:27,000 --> 00:11:27,915
Iyon ay...
211
00:11:27,916 --> 00:11:29,499
Dalhin ninyo rito 'yang lantsa!
212
00:11:29,500 --> 00:11:30,832
...si Reyna Meve.
213
00:11:30,833 --> 00:11:33,415
Ang lakas ng apog nilang magliwaliw
sa Nilfgaard.
214
00:11:33,416 --> 00:11:34,583
Wala na siyang sasakyan.
215
00:11:36,666 --> 00:11:38,624
Mga espiya ng Nilfgaard,
216
00:11:38,625 --> 00:11:41,582
inuutusan kayo ng Mahal na Reyna
217
00:11:41,583 --> 00:11:43,957
na ibalik ang bangkang iyan sa pampang!
218
00:11:43,958 --> 00:11:47,624
Bibitayin kayo kapag hindi kayo sumunod!
219
00:11:47,625 --> 00:11:49,999
Pasintabi lang sa paniniwala ninyo,
220
00:11:50,000 --> 00:11:52,082
ngunit hindi kami Nilfgaardian!
221
00:11:52,083 --> 00:11:53,291
Kakampi ninyo kami.
222
00:11:54,166 --> 00:11:55,749
Ituloy na natin ang pagsasagwan.
223
00:11:55,750 --> 00:11:57,290
Hindi magandang ideya iyon.
224
00:11:57,291 --> 00:11:59,665
Kaunti na lamang nasa dagat na tayo.
225
00:11:59,666 --> 00:12:01,082
Sa tubig-alat?
226
00:12:01,083 --> 00:12:03,040
Bakit? Maling paniniwala na naman?
227
00:12:03,041 --> 00:12:05,040
Hindi, sinisira noon ang balat ko.
228
00:12:05,041 --> 00:12:07,082
Sa utos ng reyna!
229
00:12:07,083 --> 00:12:08,083
Bampira ako.
230
00:12:15,583 --> 00:12:16,874
Paalam!
231
00:12:16,875 --> 00:12:18,040
Bumalik kayo rito...
232
00:12:18,041 --> 00:12:21,457
Alam ba ninyo kung paano tayo makaliligtas
sa biyaheng ito sa ilog?
233
00:12:21,458 --> 00:12:22,749
Dapat tapusin na ito.
234
00:12:22,750 --> 00:12:24,500
Kailangan na nating umalis sa tubig.
235
00:12:41,083 --> 00:12:42,916
Maging sa pagsisimula nito,
236
00:12:44,083 --> 00:12:46,958
pagsasanay sa pagsalungat ang Kapatiran.
237
00:12:47,500 --> 00:12:50,833
Ginagamit ang mga kapangyarihang
ibinigay sa atin ng mga diyos
238
00:12:51,333 --> 00:12:53,000
upang magdulot ng galit
239
00:12:53,750 --> 00:12:56,375
at kawalan ng tiwala sa sinumang naiiba.
240
00:12:58,666 --> 00:13:00,791
Itinutulak tayong makipag-alyansa
sa maharlika.
241
00:13:01,291 --> 00:13:02,833
Upang maglaban-laban tayo.
242
00:13:04,000 --> 00:13:05,708
Ngunit sa nakalipas na ilang linggo,
243
00:13:06,583 --> 00:13:09,541
tayong mga babae sa silid na ito
244
00:13:10,041 --> 00:13:13,083
ay kinayang pagsamahin ang ating mahika
at mga pamamaraan,
245
00:13:13,583 --> 00:13:15,749
at gawing kakampi ang mga dating kaaway,
246
00:13:15,750 --> 00:13:17,790
sapagkat may iisa tayong layunin.
247
00:13:17,791 --> 00:13:21,249
Protektahan ang mahika
laban sa pananakop ni Vilgefortz.
248
00:13:21,250 --> 00:13:23,375
Fringilla, ikaw ang pinakamalakas sa atin.
249
00:13:24,375 --> 00:13:26,958
Nagawa mong lampasan
ang pinagdaanan mo kay Vilgefortz.
250
00:13:29,541 --> 00:13:33,333
Buong buhay ko,
isa lang ang likas na damdaming alam ko.
251
00:13:34,750 --> 00:13:37,250
Hanapin at kumapit sa makapangyarihan.
252
00:13:40,208 --> 00:13:43,250
- Hanggang sa nagpakita ka sa tahanan ko.
- Sa iyong lungga.
253
00:13:48,125 --> 00:13:51,125
Alam ninyo, lumalabas na ang lakas natin,
254
00:13:52,791 --> 00:13:54,041
lahat ng lakas natin...
255
00:13:56,000 --> 00:13:56,915
ay likas sa atin.
256
00:13:56,916 --> 00:13:58,041
At mas malakas
257
00:13:59,000 --> 00:13:59,957
kapag magkasama.
258
00:13:59,958 --> 00:14:03,290
Kaya nating ayusin ang gulong ito
nang magkakasama.
259
00:14:03,291 --> 00:14:06,374
Magkasundo rin tayong kasalanan ito
ni Vilgefortz.
260
00:14:06,375 --> 00:14:07,625
Malaya pa rin siya.
261
00:14:08,125 --> 00:14:09,333
Hindi pa tayo tapos.
262
00:14:09,833 --> 00:14:11,915
Nanganganib pa rin
ang kinabukasan ng mahika.
263
00:14:11,916 --> 00:14:14,040
Nanganganib pa rin si Ciri.
264
00:14:14,041 --> 00:14:15,415
Mahahanap natin siya.
265
00:14:15,416 --> 00:14:16,957
Pansamantala,
266
00:14:16,958 --> 00:14:19,875
titiyakin nating
may tahanan pa rin siyang uuwian.
267
00:14:20,375 --> 00:14:22,832
Ibalik natin sina Assire, Ida,
268
00:14:22,833 --> 00:14:25,540
Ximer, Alaina, ang mga baguhan,
269
00:14:25,541 --> 00:14:28,750
at magtatayo tayo
ng Lodge ng mga Sorceress.
270
00:14:29,708 --> 00:14:31,291
Gagawin natin sa paraan natin.
271
00:14:43,500 --> 00:14:45,540
A, lumantad na.
272
00:14:45,541 --> 00:14:49,040
- Ang unang tawirang nakita natin.
- Marahil ang huli na rin.
273
00:14:49,041 --> 00:14:51,832
Hindi nakapagtatakang
maraming sundalo sa paligid.
274
00:14:51,833 --> 00:14:53,624
Kung sino ang may hawak ng tulay...
275
00:14:53,625 --> 00:14:55,749
...ang mamumuno sa buong teritoryo.
276
00:14:55,750 --> 00:14:59,250
Linisin natin ang tulay na iyan,
dumaong, at burahin ang ating bakas.
277
00:14:59,958 --> 00:15:02,916
Saka tayo bumalik sa tunay na misyon
at hanapin ang mga druid.
278
00:15:03,625 --> 00:15:06,166
Ganyan nga. Huwag ninyo kaming pansinin.
279
00:15:06,666 --> 00:15:09,457
Isang grupo lang kami
ng mga masayahing palaboy
280
00:15:09,458 --> 00:15:12,333
na magliligtas sa prinsesa
sa kahindik-hindik na kapalaran.
281
00:15:12,875 --> 00:15:13,833
Huwag kayong...
282
00:15:15,083 --> 00:15:18,124
titingin sa ibaba.
283
00:15:18,125 --> 00:15:20,041
- Sa ibaba!
- May parating na lantsa!
284
00:15:21,625 --> 00:15:23,165
- Dumapa kayo!
- Heto na naman!
285
00:15:23,166 --> 00:15:24,499
- Karga!
- Karga pa.
286
00:15:24,500 --> 00:15:26,540
- Tumigil kayo riyan!
- May bangka sa ibaba!
287
00:15:26,541 --> 00:15:29,124
- Sumadsad na tayo! Lumabas na kayo!
- Kilos!
288
00:15:29,125 --> 00:15:30,833
- Patayin silang lahat!
- Bilis!
289
00:15:32,666 --> 00:15:33,625
Pakawalan!
290
00:15:34,208 --> 00:15:35,125
Kilos!
291
00:15:36,375 --> 00:15:38,000
Sige, tayo na!
292
00:15:42,041 --> 00:15:43,375
Tinamaan ka.
293
00:15:45,583 --> 00:15:46,915
Hindi ako tinamaan.
294
00:15:46,916 --> 00:15:48,665
Ihiga ninyo siya. Bilis.
295
00:15:48,666 --> 00:15:52,082
Dahan-dahan. Dali.
Hindi maganda ang lagay mo.
296
00:15:52,083 --> 00:15:53,457
Malinaw ang mga sintomas.
297
00:15:53,458 --> 00:15:55,165
Nakukunan siya.
298
00:15:55,166 --> 00:15:56,958
Salamat sa pag-aanunsiyo.
299
00:15:57,458 --> 00:15:59,040
Milva, ano ang magagawa ko?
300
00:15:59,041 --> 00:16:00,625
Huwag kang makialam.
301
00:16:01,166 --> 00:16:03,582
- May mga paparating na kabayo.
- Mabuti o masama?
302
00:16:03,583 --> 00:16:04,665
Nilfgaard!
303
00:16:04,666 --> 00:16:06,290
- Protektahan ang tulay!
- Bilis!
304
00:16:06,291 --> 00:16:08,916
Huwag kang gagalaw
hangga't hindi humuhupa ang pagdurugo.
305
00:16:09,416 --> 00:16:11,374
- Cahir, ano ang nangyayari?
- Sige na!
306
00:16:11,375 --> 00:16:14,833
- Bilisan ninyo!
- Nasa hilagang bahagi ang Nilfgaard!
307
00:16:18,333 --> 00:16:20,874
Kapag naagaw ng Nilfgaard ang tulay,
308
00:16:20,875 --> 00:16:23,082
papatayin nila lahat ng makita nila
sa ibaba.
309
00:16:23,083 --> 00:16:25,124
- Hindi natin laban ito.
- Para sa kanya!
310
00:16:25,125 --> 00:16:27,415
Bakit hindi ka nakikinig?
Iwanan na ninyo ako!
311
00:16:27,416 --> 00:16:29,707
Hindi kami makikialam.
Hindi ka namin iiwan.
312
00:16:29,708 --> 00:16:31,040
Matutulungan ko siya,
313
00:16:31,041 --> 00:16:33,416
tulungan ninyo kaming makahanap
ng ligtas na daan.
314
00:16:34,250 --> 00:16:38,582
Bubwit, iniligtas mo kami.
Laging nagbabayad ng utang ang duwende.
315
00:16:38,583 --> 00:16:40,082
Itatakas ka namin dito
316
00:16:40,083 --> 00:16:43,624
kahit na hindi ko alam
kung paano tatawid sa gera.
317
00:16:43,625 --> 00:16:45,874
Ano ang ranggo mo sa hukbo ng Nilfgaard?
318
00:16:45,875 --> 00:16:46,957
Dati akong opisyal.
319
00:16:46,958 --> 00:16:49,041
Handa kang pumatay
ng mga dati mong kasamahan?
320
00:16:49,958 --> 00:16:52,207
Naiintindihan mo na rin
na hindi na ako ganoon.
321
00:16:52,208 --> 00:16:53,916
Ano ang mungkahi mong diskarte?
322
00:16:54,416 --> 00:16:55,458
Sumabay ka.
323
00:16:56,916 --> 00:16:57,875
Geralt!
324
00:16:59,000 --> 00:17:00,541
Huwag kang mag-alala, Maria.
325
00:17:05,541 --> 00:17:07,208
Bilis. Sugod!
326
00:17:08,125 --> 00:17:09,333
Sugod!
327
00:17:10,458 --> 00:17:13,374
Pareho ba silang nabagok
noong bata pa sila?
328
00:17:13,375 --> 00:17:17,165
Hindi nila matatalo ang hukbo ng mga gago
kahit opisyal at witcher pa sila!
329
00:17:17,166 --> 00:17:19,041
Jaskier. Sige na.
330
00:17:20,583 --> 00:17:21,750
Babalik kami.
331
00:17:22,250 --> 00:17:23,416
Pangako.
332
00:17:24,125 --> 00:17:26,166
Hindi maaaring sila lang ang magsaya, ano?
333
00:17:27,833 --> 00:17:31,165
- Hindi ako magtatagal.
- Managa na tayo ng mga tarantadong Nilfie.
334
00:17:31,166 --> 00:17:32,500
Ay, hala.
335
00:17:35,458 --> 00:17:38,374
- Bilisan mo, tanda.
- Hindi mo ako kailangang udyukan!
336
00:17:38,375 --> 00:17:40,832
- Umatras na kayo!
- Iligtas ang inyong mga sarili!
337
00:17:40,833 --> 00:17:43,874
Isang hakbang pa,
ako mismo ang papatay sa inyo!
338
00:17:43,875 --> 00:17:45,999
Masyado silang marami!
Maaagaw na ang tulay!
339
00:17:46,000 --> 00:17:48,624
- Sasabihin ko kung naagaw na!
- Kilos. Kumilos ka.
340
00:17:48,625 --> 00:17:52,165
Kaya bumalik kayo at lumaban!
341
00:17:52,166 --> 00:17:54,749
- Ano ang utos?
- Protektahan ang tulay para sa reyna.
342
00:17:54,750 --> 00:17:58,124
Kaya protektahan mo ang tulay
o mamamatay ang reyna mo!
343
00:17:58,125 --> 00:17:59,082
Malapit na sila!
344
00:17:59,083 --> 00:18:01,874
Sana gusto ninyo
ang lasa ng balat, mga kaibigan,
345
00:18:01,875 --> 00:18:06,999
dahil aabot ang bota ko
hanggang sa lalamunan ninyo
346
00:18:07,000 --> 00:18:09,915
kapag tinadyakan ko kayo sa likuran!
347
00:18:09,916 --> 00:18:11,583
Makinig kayo sa kanya
348
00:18:12,083 --> 00:18:13,708
at manatili kayo rito!
349
00:18:14,958 --> 00:18:16,166
May idadagdag ka pa ba...
350
00:18:17,500 --> 00:18:19,040
Kumilos na tayo!
351
00:18:19,041 --> 00:18:19,958
Bilisan ninyo!
352
00:18:20,500 --> 00:18:21,958
Tayo na!
353
00:18:32,625 --> 00:18:34,125
- Iyan ang daan!
- Dali!
354
00:18:47,458 --> 00:18:48,583
Para sa Nilfgaard!
355
00:18:50,291 --> 00:18:51,500
Tayo na!
356
00:18:56,125 --> 00:18:57,500
- Bilis!
- Geralt!
357
00:18:59,833 --> 00:19:02,290
Tama na ang paligoy-ligoy.
Tapusin na natin ito!
358
00:19:02,291 --> 00:19:03,208
Walang aalis!
359
00:19:06,791 --> 00:19:09,249
Mas kinakailangan yata ang tulong ko rito.
360
00:19:09,250 --> 00:19:11,457
Ano ang nangyayari? Sabihin mo.
361
00:19:11,458 --> 00:19:14,208
Magulo, ngunit lumalaban sila.
362
00:19:15,083 --> 00:19:17,791
Milva, lumalaban ang Hilaga.
363
00:19:18,291 --> 00:19:22,332
Kinailangan lang nila ng Nilfgaardian,
witcher, at duwende para pamunuan sila.
364
00:19:22,333 --> 00:19:24,791
Ngunit hahawanin nila ang daan
patungong Caed Dhu.
365
00:19:26,291 --> 00:19:27,333
Kailangan ko
366
00:19:28,625 --> 00:19:29,833
ng magandang balita.
367
00:19:31,041 --> 00:19:32,749
Manatili sa puwesto!
368
00:19:32,750 --> 00:19:33,625
Walang aatras!
369
00:19:40,000 --> 00:19:41,375
Tayo na!
370
00:19:42,083 --> 00:19:43,957
Akala ko hangal ka para subukan ito.
371
00:19:43,958 --> 00:19:47,666
Ngunit sumama ka pa rin.
Masaya ka na bang hindi mo ako pinatay?
372
00:19:48,291 --> 00:19:49,375
Sasabihan kita.
373
00:19:49,875 --> 00:19:51,583
Paatrasin sila!
374
00:19:53,833 --> 00:19:54,957
Kumapit lang kayo!
375
00:19:54,958 --> 00:19:57,041
- Huwag magpapasindak!
- Matatalo natin sila!
376
00:20:15,583 --> 00:20:17,458
Para sa Nilfgaard!
377
00:20:19,666 --> 00:20:21,415
Kabalyero!
378
00:20:21,416 --> 00:20:23,083
Asintahin ninyo. Tira!
379
00:20:24,375 --> 00:20:25,625
Magtago kayo!
380
00:20:28,916 --> 00:20:30,249
Urong!
381
00:20:30,250 --> 00:20:32,041
Magtago kayo!
382
00:20:35,708 --> 00:20:37,040
Urong!
383
00:20:37,041 --> 00:20:38,040
Atras!
384
00:20:38,041 --> 00:20:39,833
Tabi!
385
00:20:40,458 --> 00:20:42,791
Akin siya!
386
00:20:51,875 --> 00:20:53,957
Takbo! Bilis!
387
00:20:53,958 --> 00:20:56,583
Bilisan ninyo!
388
00:21:19,291 --> 00:21:20,625
Sige, talunin ninyo!
389
00:21:21,375 --> 00:21:22,625
Paatrasin ninyo sila!
390
00:21:45,125 --> 00:21:47,166
Tuloy lang! Paatrasin pa sila!
391
00:21:47,666 --> 00:21:49,625
Mga kawal, sugod!
392
00:21:52,833 --> 00:21:54,291
Tayo na!
393
00:22:08,125 --> 00:22:09,124
Balik sa kampo!
394
00:22:09,125 --> 00:22:10,415
Balik—
395
00:22:10,416 --> 00:22:11,875
Atras na tayo!
396
00:22:13,458 --> 00:22:16,082
Umaatras na sila!
397
00:22:16,083 --> 00:22:17,582
Umaatras sila!
398
00:22:17,583 --> 00:22:18,916
Ayos!
399
00:22:21,833 --> 00:22:23,625
Umaatras na sila!
400
00:22:24,416 --> 00:22:25,874
Tapusin na natin ito!
401
00:22:25,875 --> 00:22:26,875
Tayo na!
402
00:22:28,125 --> 00:22:29,374
Bilis, tayo na!
403
00:22:29,375 --> 00:22:31,458
- Sige!
- Halika na!
404
00:22:33,708 --> 00:22:35,000
Ang reyna!
405
00:22:37,458 --> 00:22:39,582
- Parating na siya!
- Para sa reyna!
406
00:22:39,583 --> 00:22:41,582
- Protektahan ang reyna!
- Dali!
407
00:22:41,583 --> 00:22:42,833
Sundan ninyo ako!
408
00:22:55,333 --> 00:22:56,832
Balik sa Nilfgaard!
409
00:22:56,833 --> 00:22:57,790
Huwag!
410
00:22:57,791 --> 00:22:59,374
Tumayo ka!
411
00:22:59,375 --> 00:23:00,791
Anong nilalang iyon?
412
00:23:01,375 --> 00:23:03,540
Hindi na nila kailangan ng opisyal.
413
00:23:03,541 --> 00:23:04,707
Huwag! Tumigil ka!
414
00:23:04,708 --> 00:23:06,083
Kailangan na nila ng witcher.
415
00:23:11,416 --> 00:23:13,208
- Atras!
- Ano iyan?
416
00:23:26,833 --> 00:23:28,207
Tumabi kayo sa daan!
417
00:23:28,208 --> 00:23:29,458
Atras na!
418
00:25:23,416 --> 00:25:24,791
Sundan ninyo ako!
419
00:26:03,625 --> 00:26:06,165
Nariyan pa pala kayo
at buo pa ang mga ulo ninyo.
420
00:26:06,166 --> 00:26:07,458
Muntik lang masunog.
421
00:26:09,916 --> 00:26:10,915
Salamat.
422
00:26:10,916 --> 00:26:15,041
Kita ninyo? May lamang din ang minamaliit.
423
00:26:18,250 --> 00:26:19,125
Atin ang tulay.
424
00:26:20,708 --> 00:26:21,583
Tama ka.
425
00:26:23,291 --> 00:26:25,250
- Hanapin na natin si Milva.
- Sige.
426
00:26:40,458 --> 00:26:42,541
Triss? Kailangan ko ang tulong mo.
427
00:26:43,458 --> 00:26:45,541
Maliban sa pagwawalis?
428
00:26:48,125 --> 00:26:49,207
Ano iyan?
429
00:26:49,208 --> 00:26:51,624
Ang punyal na ginamit ni Vesemir
kay Vilgefortz.
430
00:26:51,625 --> 00:26:52,707
Bakit nasa iyo iyan?
431
00:26:52,708 --> 00:26:55,625
Gamitin mo ito para matukoy
kung nasaan si Vilgefortz sa Stygga.
432
00:26:56,166 --> 00:26:57,790
- Huwag, Yen.
- Mahina siya.
433
00:26:57,791 --> 00:27:01,165
- Mapapatay ko siya kapag nahanap ko.
- Ngunit ang Lodge ng mga Sorceress.
434
00:27:01,166 --> 00:27:02,583
Sinimulan mo iyon.
435
00:27:03,583 --> 00:27:05,125
Binigyan ko lang kayo ng ideya.
436
00:27:06,125 --> 00:27:08,165
Kaya na ninyong ituloy iyon.
437
00:27:08,166 --> 00:27:09,416
Hindi ko naiintindihan.
438
00:27:10,625 --> 00:27:14,457
Kailangan kong protektahan si Ciri.
Ayaw ko nang may iba pang mapahamak.
439
00:27:14,458 --> 00:27:16,165
- Para kang si Geralt.
- Salamat.
440
00:27:16,166 --> 00:27:17,874
Hindi papuri iyon.
441
00:27:17,875 --> 00:27:19,625
Hindi sa pagkakataong ito.
442
00:27:20,166 --> 00:27:22,415
Kahit makalusot ka sa portal matrix niya,
443
00:27:22,416 --> 00:27:24,957
mapupunta ka sa lugar na kabisado niya
at di mo alam.
444
00:27:24,958 --> 00:27:28,333
Tama ka. Nangako ako sa kanya.
At tutuparin ko iyon.
445
00:27:29,083 --> 00:27:31,500
Para kay Istredd. Kay Geralt. Sa mahika.
446
00:27:32,541 --> 00:27:33,375
Para sa akin.
447
00:28:04,083 --> 00:28:05,415
Kapag hindi ako bumalik...
448
00:28:05,416 --> 00:28:06,665
Huwag mong sabihin iyan.
449
00:28:06,666 --> 00:28:09,125
Kasama mas ninyo ako o hindi,
450
00:28:10,041 --> 00:28:11,500
itayo ninyo muli ang Aretuza.
451
00:28:13,291 --> 00:28:14,375
Pangako?
452
00:28:19,000 --> 00:28:20,125
Pangako.
453
00:29:04,125 --> 00:29:07,250
Mga natitirang nakaligtas
sa Labanan sa Montecalvo.
454
00:29:08,833 --> 00:29:09,666
Nakauwi na kayo.
455
00:29:19,291 --> 00:29:22,458
Isa lamang ang paraan
kaya kayo nakaligtas nang buhay.
456
00:29:25,458 --> 00:29:26,291
Karuwagan.
457
00:29:27,583 --> 00:29:28,791
Ang tunay na naniniwala,
458
00:29:29,375 --> 00:29:32,166
nasunog na hanggang maging abo
sa pagpatay sa mga witch.
459
00:29:33,416 --> 00:29:34,333
Gayunpaman...
460
00:29:37,083 --> 00:29:38,541
may pangalawa kayong pagkakataon
461
00:29:39,500 --> 00:29:42,666
na maging kapaki-pakinabang sa kamatayan
kaysa noong nabubuhay pa.
462
00:29:59,708 --> 00:30:01,916
Mahusay ang mga kamay mo.
463
00:30:03,000 --> 00:30:04,208
Naaalala ko.
464
00:30:13,166 --> 00:30:15,208
Matalas ang dila mo.
465
00:30:25,750 --> 00:30:27,000
Hindi kita kilala.
466
00:30:28,750 --> 00:30:32,750
Sa iyo ang pinakamagandang mata
na nakita ko,
467
00:30:33,833 --> 00:30:36,958
at masasaksihan ng mga iyan
ang aking huling tagumpay.
468
00:30:41,708 --> 00:30:44,582
Alam ni Vilgefortz na pupuntahan siya
ni Yennefer,
469
00:30:44,583 --> 00:30:46,165
ngunit ibang kuwento na iyon.
470
00:30:46,166 --> 00:30:48,249
Sige na. Humayo na kayo.
471
00:30:48,250 --> 00:30:49,958
Sige na.
472
00:30:51,875 --> 00:30:53,916
- Tara sa ilog?
- Maglaro tayo roon!
473
00:30:54,583 --> 00:30:57,541
Mag-aaral ako sa Aretuza.
474
00:30:58,250 --> 00:30:59,833
Sa Aretuza ba ika mo?
475
00:31:00,958 --> 00:31:04,582
Matapos ang lahat ng henerasyong iyon?
Bukas na pala iyon ulit.
476
00:31:04,583 --> 00:31:08,957
Hindi ako makapaniwalang malalakaran ko
ang mga nilakaran ni Ginang Yennefer.
477
00:31:08,958 --> 00:31:11,500
Matututunan ko ang lahat
ng tungkol sa kanila.
478
00:31:12,000 --> 00:31:13,708
- Lalo na kay...
- Ciri.
479
00:31:14,625 --> 00:31:15,541
Natatandaan ko.
480
00:31:16,916 --> 00:31:19,165
Nakakaramdam pa rin ako
ng koneksiyon sa kanya.
481
00:31:19,166 --> 00:31:20,957
Pinag-ugnay ng...
482
00:31:20,958 --> 00:31:22,625
Tadhana.
483
00:31:26,375 --> 00:31:28,291
Makapangyarihan ang mga kuwento.
484
00:31:29,250 --> 00:31:30,458
Binabago nila tayo.
485
00:31:31,750 --> 00:31:32,833
At tayo naman,
486
00:31:33,458 --> 00:31:34,791
sa kabila noon,
487
00:31:35,500 --> 00:31:38,000
ay binabago rin ang mga kuwento.
488
00:31:50,375 --> 00:31:51,666
Para sa pag-aaral mo.
489
00:31:52,625 --> 00:31:54,958
Hindi mo na kailangang nakawin ngayon.
490
00:31:57,583 --> 00:31:59,457
- Hindi ko matatanggap.
- Kalokohan.
491
00:31:59,458 --> 00:32:02,083
Lumalabo na ang mga mata ko.
Kailangan nito ng tahanan.
492
00:32:02,583 --> 00:32:05,083
Malay ba natin kung tunay nga ang mga ito?
493
00:32:05,958 --> 00:32:08,166
Ngunit sinabi mo na rin.
494
00:32:09,375 --> 00:32:12,499
Maaaring nakasalalay sa iyo
ang pagtatapos ng epikong ito.
495
00:32:12,500 --> 00:32:14,333
Ngunit paano?
496
00:32:16,333 --> 00:32:17,583
Ano ang nangyari sa kanya?
497
00:32:19,250 --> 00:32:20,208
Kay Ciri?
498
00:32:21,958 --> 00:32:24,957
Niligtas ni Geralt si Reyna Meve.
Hinahanap ni Yen si Vilgefortz.
499
00:32:24,958 --> 00:32:26,875
Hindi mo tinapos ang kuwento ni Ciri.
500
00:32:30,541 --> 00:32:32,791
Mali ang taong tinatanong mo.
501
00:32:34,791 --> 00:32:37,000
Pagpalain ka nawa sa paghahabol mo
sa tadhana.
502
00:32:48,916 --> 00:32:50,166
Tama si Iskra.
503
00:32:50,750 --> 00:32:54,125
Babalikan sila ni Ciri.
Ngunit ano ang sumunod na nangyari?
504
00:32:57,416 --> 00:32:58,708
Mayroong nagsimula.
505
00:33:00,541 --> 00:33:02,333
Mayroon ding nagtapos.
506
00:33:02,958 --> 00:33:04,290
Ang mga Rat!
507
00:33:04,291 --> 00:33:05,290
Walang lalabas!
508
00:33:05,291 --> 00:33:06,708
Tingnan ninyo. Ang mga Rat.
509
00:33:07,750 --> 00:33:10,457
- Tingnan mo ang manika kong si Iskra.
- Pasok!
510
00:33:10,458 --> 00:33:12,250
Pumasok na kayo!
511
00:33:12,750 --> 00:33:14,332
- Lyla!
- Pasok na!
512
00:33:14,333 --> 00:33:16,250
Pumasok ka na!
513
00:33:17,000 --> 00:33:18,957
Hindi namin kayo guguluhin.
514
00:33:18,958 --> 00:33:21,665
Basta't huwag ninyong ipagsasabi
na narito kami.
515
00:33:21,666 --> 00:33:23,125
Nasaan ang Chimera's Head?
516
00:33:24,916 --> 00:33:26,875
Hoy! Huwag mong ipagsasabi.
517
00:33:28,791 --> 00:33:31,166
Narito ang mga Rat! Pumasok na kayo!
518
00:33:34,375 --> 00:33:35,375
Bonhart?
519
00:33:35,958 --> 00:33:38,540
- Leo!
- Leo Bonhart, lumabas ka na riyan!
520
00:33:38,541 --> 00:33:40,374
- Bonhart!
- Halika na, Leo.
521
00:33:40,375 --> 00:33:42,625
- Alam naming nariyan ka.
- Lumabas ka na!
522
00:33:43,125 --> 00:33:44,582
Naaalala mo pa ba kami, tanda?
523
00:33:44,583 --> 00:33:46,500
Huwag kang matakot. Halika na.
524
00:33:49,208 --> 00:33:50,125
Sa wakas.
525
00:33:51,041 --> 00:33:52,125
Tara na, Leo.
526
00:33:52,708 --> 00:33:53,916
Dali, bilisan mo.
527
00:33:57,583 --> 00:33:59,374
Magandang umaga, maliliit na daga.
528
00:33:59,375 --> 00:34:00,332
Ako'y—
529
00:34:00,333 --> 00:34:01,416
Pinana mo ba—
530
00:34:02,291 --> 00:34:03,541
Tumigil ka na!
531
00:34:04,125 --> 00:34:06,249
Kung magkakatuwaan tayo,
magkatuwaan na tayo.
532
00:34:06,250 --> 00:34:08,249
Hayaan muna ninyong alukin ko kayo.
533
00:34:08,250 --> 00:34:10,500
Sipain ko na lang kaya iyang mukha mo?
534
00:34:14,125 --> 00:34:15,708
Habang pinag-iisipan ko iyan,
535
00:34:16,833 --> 00:34:18,000
pakinggan mo ako.
536
00:34:18,541 --> 00:34:20,915
May malaking pabuya sa kamatayan ninyo.
537
00:34:20,916 --> 00:34:24,125
Ngunit obligado akong sabihin sa inyo
538
00:34:24,625 --> 00:34:27,165
na may mas malaking pabuya
539
00:34:27,166 --> 00:34:28,665
kapag buhay kayo.
540
00:34:28,666 --> 00:34:30,124
Ano ang mas mabuti?
541
00:34:30,125 --> 00:34:33,457
Mas madali o mas mahirap na paraan?
Hindi gaanong masakit iyong madali.
542
00:34:33,458 --> 00:34:36,332
Tama na iyang kadaldalan mo.
Bumaba ka na rito, gago!
543
00:34:36,333 --> 00:34:38,833
Sige! Sa mas mahirap tayo!
544
00:34:39,333 --> 00:34:41,000
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...
545
00:34:43,250 --> 00:34:44,291
Nasaan si Falka?
546
00:34:45,125 --> 00:34:47,500
Si Falka, iyong mahusay. Nasaan siya?
547
00:34:48,375 --> 00:34:49,333
Wala?
548
00:34:50,708 --> 00:34:51,708
Nagtatago ba?
549
00:34:54,291 --> 00:34:55,500
Pababa na ako.
550
00:34:58,458 --> 00:34:59,791
Patayin na natin ito.
551
00:35:03,750 --> 00:35:06,625
Malapit na tayo roon, Kelpie. Tuloy lang!
552
00:35:23,208 --> 00:35:25,625
Patugtugin ang musika.
553
00:35:38,416 --> 00:35:39,250
Reef!
554
00:35:39,750 --> 00:35:40,665
Halika.
555
00:35:40,666 --> 00:35:42,541
Dadaan ka muna sa akin.
556
00:35:43,333 --> 00:35:44,625
Ang laki mong sagabal.
557
00:35:56,916 --> 00:35:58,207
Reef!
558
00:35:58,208 --> 00:36:00,332
Asse! Hindi.
559
00:36:00,333 --> 00:36:02,166
Halina kayo, maliliit na daga.
560
00:36:02,875 --> 00:36:05,416
Isipin ninyo si Brehen. Ha?
561
00:36:06,458 --> 00:36:08,915
Gugustuhin niyang galingan ninyo, di ba?
562
00:36:08,916 --> 00:36:10,791
Huwag kayong mamatay na parang aso!
563
00:36:25,791 --> 00:36:27,000
Giz!
564
00:36:33,375 --> 00:36:34,208
Giz!
565
00:36:41,333 --> 00:36:42,500
Ayos lang.
566
00:36:44,291 --> 00:36:46,375
Ayos lang. Tapos na.
567
00:36:50,000 --> 00:36:50,833
Sige lang.
568
00:36:51,500 --> 00:36:52,916
Nasaan si Falka?
569
00:36:54,750 --> 00:36:57,457
Sabihin mo kung nasaan siya
at bubuhayin kita.
570
00:36:57,458 --> 00:37:00,541
Kami ang mga Rat ng latian
571
00:37:01,333 --> 00:37:03,082
- Sige na.
- Kami
572
00:37:03,083 --> 00:37:06,291
- ang mga Rat ng latian, kami ang...
- Patay na sila. Wala nang makakaalam.
573
00:37:09,416 --> 00:37:10,291
Ano?
574
00:37:28,208 --> 00:37:29,458
Anong kalokohan iyon?
575
00:37:30,041 --> 00:37:31,040
Ha?
576
00:37:31,041 --> 00:37:32,458
Nasaan si Falka?
577
00:37:32,958 --> 00:37:33,875
Ha?
578
00:37:37,416 --> 00:37:38,500
Nasaan
579
00:37:40,000 --> 00:37:41,833
ang munting kaibigan mo?
580
00:37:48,125 --> 00:37:49,583
Alam mo bang mamamatay ka na?
581
00:37:50,166 --> 00:37:51,625
Sasaklolohan ka ba niya?
582
00:37:56,500 --> 00:37:58,833
Siya na pala iyon.
Makukumpleto ko na ang grupo.
583
00:38:01,375 --> 00:38:02,208
Falka.
584
00:38:02,916 --> 00:38:04,583
Nagkita rin tayo sa wakas.
585
00:38:09,291 --> 00:38:10,208
Halika na rito.
586
00:38:24,791 --> 00:38:25,833
Hala.
587
00:38:27,000 --> 00:38:27,833
Malapit na.
588
00:38:29,166 --> 00:38:32,958
Buhay pa sana ang mga kaibigan mo
kung lumaban silang gaya mo.
589
00:38:33,583 --> 00:38:34,458
Oo!
590
00:38:40,833 --> 00:38:42,333
Mamamatay ka na rito,
591
00:38:43,166 --> 00:38:45,125
ngunit hindi ka natatakot, ano?
592
00:38:46,125 --> 00:38:48,707
Sino ang Falka na ito
593
00:38:48,708 --> 00:38:50,375
na hindi takot sa kamatayan?
594
00:39:07,875 --> 00:39:10,458
Cirilla...
595
00:39:12,416 --> 00:39:13,875
Patawad.
596
00:39:16,125 --> 00:39:17,333
Patawarin mo ako.
597
00:39:17,833 --> 00:39:20,666
Hoy. Huwag ka munang bibigay.
598
00:39:22,541 --> 00:39:26,083
Mahusay ang kakayahan mo,
ngunit wala kang sikmurang lumaban.
599
00:39:27,291 --> 00:39:29,832
Ganito ka mamamatay.
600
00:39:29,833 --> 00:39:32,707
Sa sarili mong ihi at dumi,
601
00:39:32,708 --> 00:39:34,750
dugo at lamanloob.
602
00:39:42,916 --> 00:39:44,833
Makasalanan lamang ang nagpapahinga!
603
00:39:45,333 --> 00:39:47,332
- Mahusay kang lumaban, kaibigan.
- Tayo na.
604
00:39:47,333 --> 00:39:49,458
- Subukan mong magpahinga.
- Sige.
605
00:40:01,166 --> 00:40:02,208
Kumusta siya?
606
00:40:02,916 --> 00:40:04,291
Nawala ang bata.
607
00:40:06,250 --> 00:40:07,374
Kumusta siya?
608
00:40:07,375 --> 00:40:08,707
Makakabawi rin siya.
609
00:40:08,708 --> 00:40:09,666
Buong-buo.
610
00:40:10,416 --> 00:40:11,874
Kasama ninyo siya?
611
00:40:11,875 --> 00:40:13,625
Hangga't gusto niya.
612
00:40:14,958 --> 00:40:16,040
Salamat.
613
00:40:16,041 --> 00:40:17,625
Kami dapat ang magpasalamat.
614
00:40:18,250 --> 00:40:20,791
Kung di dahil sa inyo ng mga kaibigan mo,
patay na kami.
615
00:40:21,375 --> 00:40:23,041
O may suot nang itim at ginto.
616
00:40:24,750 --> 00:40:27,416
Hindi lang ako ang iniligtas ninyo,
pati ang reyna.
617
00:40:30,583 --> 00:40:31,916
Reyna Meve ng ano?
618
00:40:33,458 --> 00:40:35,625
Kaharian ng Lyria at Rivia.
619
00:40:37,083 --> 00:40:40,208
Sino ang nagbubuwis ng buhay
na hindi alam ang ipinaglalaban?
620
00:41:07,375 --> 00:41:09,083
- Ito ba siya?
- Oho, Kamahalan.
621
00:41:09,875 --> 00:41:12,541
Tumayo kayo para kay Reyna Meve.
622
00:41:17,708 --> 00:41:18,833
Huwag.
623
00:41:19,666 --> 00:41:22,583
Anuman ang mangyari, kasama ko sila.
624
00:41:29,416 --> 00:41:31,416
Ikaw ang namuno sa pagtatanggol sa tulay?
625
00:41:32,208 --> 00:41:33,415
Kami iyon.
626
00:41:33,416 --> 00:41:36,166
Ano ang nag-udyok sa iyo?
Hindi ko makumbinsi ang mga tao ko.
627
00:41:37,375 --> 00:41:38,875
Basta na lamang nangyari.
628
00:41:40,458 --> 00:41:41,708
"Basta nangyari?"
629
00:41:44,333 --> 00:41:45,415
Alam ko na iyan.
630
00:41:45,416 --> 00:41:48,375
May hayop na sumuntok sa mukha ko.
Basta na lang nangyari.
631
00:41:49,833 --> 00:41:51,082
Ano ang pangalan mo?
632
00:41:51,083 --> 00:41:52,125
Geralt.
633
00:41:52,875 --> 00:41:54,083
Geralt mula saan?
634
00:41:55,375 --> 00:41:56,500
Wala akong pinagmulan.
635
00:41:57,666 --> 00:41:59,041
Hindi maaari iyan.
636
00:42:02,666 --> 00:42:04,458
Sabihin mo ang panunumpa. Bungal ako.
637
00:42:09,041 --> 00:42:09,875
Lumuhod ka.
638
00:42:13,208 --> 00:42:14,083
Ayos.
639
00:42:17,208 --> 00:42:21,250
Sa natatanging tapang na ipinamalas mo
para sa makatarungang layunin, ako...
640
00:42:22,708 --> 00:42:23,625
si Meve,
641
00:42:24,583 --> 00:42:27,624
sa kaloob ng mga bathala,
ang reyna ng Lyria at Rivia,
642
00:42:27,625 --> 00:42:31,083
sa aking kapangyarihan, karapatan,
at pribilehiyo itinatalaga kang kabalyero.
643
00:42:32,250 --> 00:42:33,207
Pasanin mo ito.
644
00:42:33,208 --> 00:42:35,874
- Sa kanya ka tumingin.
- Huwag kang umurong sa sakit.
645
00:42:35,875 --> 00:42:38,207
- Gaya ng pagharap mo sa dangal.
- Ako na nga.
646
00:42:38,208 --> 00:42:39,333
Pinakamaganda iyan.
647
00:42:39,833 --> 00:42:43,415
Umpisa pa lang,
gusto na niyang maging kabalyero.
648
00:42:43,416 --> 00:42:47,165
- Puting kabalyero na siya ngayon.
- Palagay ko, dati pa man.
649
00:42:47,166 --> 00:42:48,999
Namnamin ninyo ang sandali, mga tanga.
650
00:42:49,000 --> 00:42:51,750
Nawa'y lagi mong tatandaan
ang ipinaglalaban mong layunin,
651
00:42:52,791 --> 00:42:54,833
at ang mga pinangakuan mong protektahan.
652
00:42:55,416 --> 00:42:59,250
Paglingkuran mo kami nang tapat,
Ginoong Geralt ng Rivia,
653
00:42:59,833 --> 00:43:01,916
May tapang at giting,
654
00:43:02,416 --> 00:43:03,916
at may katapatan sa akin
655
00:43:04,583 --> 00:43:06,083
at sa akin lamang.
656
00:43:07,750 --> 00:43:09,125
Sa mga susunod na araw...
657
00:43:11,791 --> 00:43:13,458
at sa habang panahon.
658
00:43:20,750 --> 00:43:21,833
Lintik.
659
00:43:41,333 --> 00:43:42,291
Mistle?
660
00:43:43,291 --> 00:43:44,291
Mistle?
661
00:43:46,625 --> 00:43:47,833
Atsarang Rat!
662
00:43:50,500 --> 00:43:53,375
Hoy, bantayan mo iyan.
663
00:43:54,166 --> 00:43:56,083
Kung di, ulo mo ang ilalagay ko sa timba.
664
00:43:59,666 --> 00:44:01,375
Hindi!
665
00:44:10,333 --> 00:44:11,375
Ang huli.
666
00:44:17,583 --> 00:44:19,958
Huwag!
667
00:44:27,125 --> 00:44:28,749
May paraan pa, Panginoon,
668
00:44:28,750 --> 00:44:31,957
upang pabilisin ang landas natin
sa propesiya ni Ithlinne.
669
00:44:31,958 --> 00:44:33,582
Ngunit mapanganib ito.
670
00:44:33,583 --> 00:44:36,415
Napapagod na ako
sa mga palabas mo, Xarthisius.
671
00:44:36,416 --> 00:44:37,750
Ipakita mo na sa akin.
672
00:44:39,875 --> 00:44:42,666
Isang tunay na kahanga-hangang nilalang
para sa iyo.
673
00:44:44,166 --> 00:44:48,000
Pinakamalaki at pinakamabangis
sa lahat ng nakita ko.
674
00:44:50,708 --> 00:44:51,708
Tama ka.
675
00:44:52,833 --> 00:44:54,250
Mahusay nga ito.
676
00:44:56,375 --> 00:44:58,750
May kailangan kang hanapin para sa akin.
677
00:44:59,750 --> 00:45:02,791
Isang taong sagabal
sa pagitan namin ng anak ko.
678
00:45:03,875 --> 00:45:05,041
Sa aking tadhana.
679
00:45:06,250 --> 00:45:08,250
Na kasingtibay ng kalooban ko.
680
00:45:09,833 --> 00:45:12,540
Bibigyan kita ng halimbawa ng amoy niya.
681
00:45:12,541 --> 00:45:13,541
Ibigay mo sa akin.
682
00:45:17,000 --> 00:45:17,875
Heto.
683
00:45:20,083 --> 00:45:20,916
Hayan.
684
00:45:24,416 --> 00:45:27,291
Hanapin mo si Geralt ng Rivia.
685
00:47:00,291 --> 00:47:03,374
Wala akong tiwala sa tao, hayop, o diyos
686
00:47:03,375 --> 00:47:05,707
Tanging sa liwanag ng pilak na espada
687
00:47:05,708 --> 00:47:07,999
Mga nasirang portal
At bumagsak na kaharian
688
00:47:08,000 --> 00:47:10,582
Sa kinaroroonan ng anino ako nangangaso
689
00:47:10,583 --> 00:47:13,415
Walang nakaliligtas na tiwala
Sa korona o salapi
690
00:47:13,416 --> 00:47:16,208
Pinapanday sa apoy
Ang natatanging katotohanan
691
00:47:18,291 --> 00:47:21,166
Pinapanday sa apoy
Ang natatanging katotohanan
692
00:47:57,666 --> 00:48:01,166
Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna