1 00:00:20,920 --> 00:00:22,520 Nam. 2 00:00:23,480 --> 00:00:25,160 Naririnig mo ba ako, ha? 3 00:00:25,240 --> 00:00:27,000 Gising. Sagutin mo ako. 4 00:00:27,080 --> 00:00:30,080 Nasaan ang kayamanan? Nam! 5 00:00:30,160 --> 00:00:31,960 Nam! Nasaan ang kayamanan? 6 00:00:32,040 --> 00:00:34,160 Narinig mo ako? Nam! 7 00:00:38,120 --> 00:00:40,320 Patay na siya! 8 00:00:45,160 --> 00:00:46,680 Ano'ng gagawin natin ngayon? 9 00:00:46,760 --> 00:00:48,880 -Patay na ang dalawang iyan! -Tumahimik ka! 10 00:00:55,600 --> 00:00:59,360 Sigurado kang… nahulog si Yen at namatay? 11 00:00:59,440 --> 00:01:02,320 Naghanap ako kung saan-saan. Imposibleng mabuhay pa siya. 12 00:01:03,240 --> 00:01:04,480 Isang sapatos lang ang natira. 13 00:01:04,560 --> 00:01:07,720 -Tatlo na silang patay! -Pare-pareho lang sila! 14 00:01:07,800 --> 00:01:08,920 Ano'ng problema ninyo? 15 00:01:10,520 --> 00:01:12,640 Sabik din kayong mahanap ang ginto. 16 00:01:12,720 --> 00:01:14,960 Ngayon, mga naduduwag kayo! 17 00:01:15,040 --> 00:01:16,480 Ano'ng problema ninyong lahat? 18 00:01:19,760 --> 00:01:20,600 Ngayon, 19 00:01:21,680 --> 00:01:23,960 si Yen na lang ang nag-iisang nakaaalam kung nasaan ang ginto. 20 00:01:28,640 --> 00:01:29,480 Ikaw! 21 00:01:30,320 --> 00:01:31,600 Dalhin mo ako roon! 22 00:01:35,320 --> 00:01:37,280 Naipit ang sapatos sa mga bato. 23 00:01:37,360 --> 00:01:39,120 Nang sinundan ko sila rito, 24 00:01:39,200 --> 00:01:42,080 may isinisigaw na pangalan ng babae si Thuy. 25 00:01:43,560 --> 00:01:45,560 Nadulas siguro siya sa dilim 26 00:01:45,640 --> 00:01:46,960 at nahulog sa talon. 27 00:01:48,240 --> 00:01:49,520 Maliit lang si Yen, 28 00:01:49,600 --> 00:01:52,240 'di siya makaliligtas sa ganitong kataas. 29 00:01:53,280 --> 00:01:54,440 Kailangan kong makita ang bangkay. 30 00:01:55,920 --> 00:01:57,720 Hindi lang dahil sa ginto. 31 00:01:57,800 --> 00:02:01,560 Alam niyang hinahabol natin ang mga magulang niya. 32 00:02:01,640 --> 00:02:05,000 Kung may lalabas na balita tungkol dito, mabubulok tayo sa kulungan. 33 00:02:06,240 --> 00:02:07,280 Sa tatlong patay, 34 00:02:08,199 --> 00:02:10,160 mahaharap tayo sa parusang kamatayan! 35 00:02:10,240 --> 00:02:12,240 Ano'ng gagawin natin sa mga bangkay. 36 00:02:12,320 --> 00:02:13,440 Dalhin ninyo sa lihim na lagusan. 37 00:02:14,400 --> 00:02:16,760 Tanging ang pamilya lang natin ang nakaaalam ng lugar na iyon. 38 00:02:16,840 --> 00:02:19,720 Pero may mga taong makapapansin sa pagkawala nila kapag lumaon. 39 00:02:21,360 --> 00:02:24,880 Sabihin niyo lang… na may relasyon sina Nam at Thuy. 40 00:02:24,960 --> 00:02:25,960 Natatakot silang mahuli, 41 00:02:26,040 --> 00:02:28,080 -kaya tumakas sila kasama ang anak nila. -Sige. 42 00:02:28,160 --> 00:02:30,400 Tinangay pa nila ang ibang pera natin. 43 00:02:31,560 --> 00:02:33,680 Sumama kayo sa akin para hanapin si Yen. 44 00:02:33,760 --> 00:02:36,600 Ililihim ko ito, pero iyon lang! 45 00:02:36,680 --> 00:02:39,120 Hindi ko na kailangan ang ginto. Gawin ninyo na ang gusto ninyo. 46 00:02:45,520 --> 00:02:46,360 Halina kayo. 47 00:02:58,760 --> 00:03:01,280 Mawalang-galang na, pwede ba akong magtanong? 48 00:03:01,360 --> 00:03:04,880 May nakita ba kayong kakaiba mula kahapon? 49 00:03:05,520 --> 00:03:06,360 Ano'ng ibig mong sabihing kakaiba? 50 00:03:07,600 --> 00:03:09,160 May nakita ka bang bangkay na palutang-lutang? 51 00:03:09,240 --> 00:03:10,520 Ano? 52 00:03:11,960 --> 00:03:13,560 Tagtuyot na ngayon. 53 00:03:13,640 --> 00:03:15,440 Dumadaan ako rito sa sapa araw-araw. Pero wala naman akong nakitang kakaiba. 54 00:03:16,360 --> 00:03:18,360 Gano'n ba? Salamat. 55 00:03:18,440 --> 00:03:19,400 Sinabi niyo na ba sa pulis ang tungkol dito? 56 00:03:19,480 --> 00:03:22,560 Hindi! Ayos lang. Hindi na kailangan! 57 00:03:24,120 --> 00:03:27,160 Nakarinig kasi kami ng tsismis… at gusto ko lang malaman, iyon lang. 58 00:03:27,240 --> 00:03:30,040 Malamang mga kuwentong bayan. Salamat na rin. 59 00:03:30,120 --> 00:03:32,240 Hindi ba't kayo iyong mula sa pamilya Quach? 60 00:03:32,320 --> 00:03:34,200 Pumunta kayo dito sa ibaba dahil lang sa tsismis? 61 00:03:35,000 --> 00:03:36,960 Hindi, hindi naman. 62 00:03:37,040 --> 00:03:38,120 Mali siguro iyong balita. 63 00:03:38,200 --> 00:03:39,520 Mukang pamilyar kasi kayo. 64 00:03:39,600 --> 00:03:40,840 Gano'n pa man, mauna na ako. 65 00:03:45,400 --> 00:03:46,720 Tanga! 66 00:03:46,800 --> 00:03:49,040 Bakit hindi mo isigaw para malaman ng buong mundo? 67 00:03:49,120 --> 00:03:51,400 Paano pa natin siya mahahanap kung gano'n? 68 00:03:53,320 --> 00:03:54,400 Hindi ito uubra. 69 00:03:55,440 --> 00:03:58,600 Kumakalat ang tsismis na tumakas sila. 70 00:03:58,680 --> 00:04:00,680 Kung patuloy tayong maghahanap ng katawan katulad nito, 71 00:04:00,760 --> 00:04:02,280 magiging kahina-hinala ito. 72 00:04:02,360 --> 00:04:03,920 Kung nakaligtas si Yen, 73 00:04:04,000 --> 00:04:06,240 hinuli na sana tayo ng mga pulis ngayon. 74 00:04:06,320 --> 00:04:07,480 Pero ngayong patay na siya, 75 00:04:07,560 --> 00:04:09,720 mas kaunti ang alam natin mas maganda. 76 00:04:40,520 --> 00:04:45,200 KASALUKUYAN 77 00:04:45,280 --> 00:04:47,280 Bakit ka nakipagtalo kay Van kahapon? 78 00:04:48,120 --> 00:04:50,160 Gusto ko lang makita ang kuwarto ni Truc 79 00:04:50,240 --> 00:04:53,080 para makakita ng bakas tungkol sa hinahanap niyang kayamanan. 80 00:04:53,160 --> 00:04:57,000 Pero hindi niya ako pinapasok at ininsulto niya pa ako. 81 00:04:59,200 --> 00:05:00,040 Ano'ng ginawa mo? 82 00:05:00,120 --> 00:05:03,920 Lu… Lumakad ako palayo dahil ayaw kong maging komplikado ang lahat. 83 00:05:04,000 --> 00:05:05,240 Tapos ay umuwi na ako. 84 00:05:06,000 --> 00:05:07,960 May magpapatunay bang umuwi ka pagkatapos ninyong magkita ni Van? 85 00:05:08,560 --> 00:05:09,600 Nakita ka ba ni Luu? 86 00:05:14,240 --> 00:05:16,400 Ser! Nakakita kami ng mga bakas sa gilid ng kagubatan. 87 00:05:31,680 --> 00:05:34,680 Sabi ni Gng. Hong, pumunta si Van kahapon para magbigay ng pahayag. 88 00:05:34,760 --> 00:05:36,000 Pero mukhang hindi ito nangyari. 89 00:05:37,880 --> 00:05:40,920 Samahan ninyong tatlo si Bach para suriin ang kagubatan. 90 00:05:41,000 --> 00:05:42,280 Sige! Halina kayo. 91 00:05:51,440 --> 00:05:54,520 DAANG TAON NG KALIGAYAHAN 92 00:06:03,440 --> 00:06:04,840 Ser, bukas na ang kaha. 93 00:06:04,920 --> 00:06:06,760 Walang mahalagang bagay sa loob. 94 00:06:24,800 --> 00:06:27,680 Huwag kayong mag-alala, wala akong planong umalis. 95 00:06:27,760 --> 00:06:30,680 Nasa kalagitnaan kami ng imbestigasyon, umuwi na kayo. 96 00:06:32,320 --> 00:06:34,360 Gusto ko lang magpasalamat 97 00:06:34,440 --> 00:06:36,280 sa pagtulong kay Luu sa paghahanap ng mga ahas. 98 00:06:37,800 --> 00:06:38,840 Ano'ng ibig mong sabihin? 99 00:06:42,320 --> 00:06:46,520 Hindi mo siya dinala sa kabilang nayon para maghanap ng mga ahas? 100 00:06:46,600 --> 00:06:49,000 Inutusan kami na bantayan ang mga pasukan sa lugar na ito. 101 00:06:49,080 --> 00:06:50,160 Hindi kami pwedeng umalis sa puwesto. 102 00:06:55,720 --> 00:06:56,680 Salamat. 103 00:07:50,000 --> 00:07:51,240 EBIDENSYA 104 00:07:53,600 --> 00:07:55,600 Naniniwala ka na sa akin? Alam kong tatakas siya! 105 00:07:55,680 --> 00:07:57,680 Pakiusap. Hayaan mo kaming gawin ang trabaho namin. 106 00:07:57,760 --> 00:07:59,640 Hindi ako sigurado sa pagtakas ni Van. 107 00:08:01,720 --> 00:08:05,400 Nakita namin ang alahas na ito sa ilalim ng mga damit niya sa aparador. 108 00:08:05,960 --> 00:08:09,040 Gano'n pa man, walang laman ang kaha. 109 00:08:09,120 --> 00:08:10,640 Imposibleng nakaligtaan niya. 110 00:08:10,720 --> 00:08:12,440 Ilang segundo lang ang kailangan para hablutin ang mga iyan. 111 00:08:19,240 --> 00:08:20,360 Kumusta. 112 00:08:20,440 --> 00:08:23,360 Kailangan sumama ni Vy sa istasyon at tulungan kami sa imbestigasyon. 113 00:08:25,120 --> 00:08:25,960 Tatawagan ko ang abogado namin. 114 00:08:31,600 --> 00:08:32,440 Huwag kang mag-alala. 115 00:08:33,919 --> 00:08:35,280 Alam ko kung ano'ng sasabihin. 116 00:08:35,360 --> 00:08:37,240 Hindi. Paano kung-- 117 00:08:37,320 --> 00:08:38,600 Kung may mali, tatawag tayo ng abogado. 118 00:08:38,679 --> 00:08:39,919 Vy. 119 00:08:51,080 --> 00:08:53,000 Mukhang hindi naman ito ang nasa mapa. 120 00:08:53,080 --> 00:08:53,960 Sigurado ka ba rito? 121 00:08:54,040 --> 00:08:56,440 Ito lang ang nag-iisang kuweba sa lugar. 122 00:08:56,520 --> 00:08:57,920 Mukhang ito nga. 123 00:08:58,000 --> 00:09:00,680 Heto ang mga puno… ang kuweba… 124 00:09:00,760 --> 00:09:01,920 at ang hagdan. 125 00:09:03,080 --> 00:09:05,440 Ang pangit ng guhit ni Luu! Hindi ko talaga maintindihan. 126 00:09:06,720 --> 00:09:08,680 Napakatuso talaga niya! 127 00:09:08,760 --> 00:09:10,160 Siya lang ang makaiintindi nito! 128 00:09:10,240 --> 00:09:13,880 Kahit may makakita pa ng mapa, ligtas pa rin ang ginto niya. 129 00:09:47,960 --> 00:09:49,880 Noong matagpuan namin si Bao sa abandonadong mansiyon, 130 00:09:49,960 --> 00:09:51,720 kataka-taka ang pagod niya. 131 00:09:55,760 --> 00:09:58,000 Pagod na ako. Gusto ko nang matulog. 132 00:09:58,080 --> 00:09:59,920 Huwag kang malikot. Huli na itong gagawin ko, okey? 133 00:10:00,520 --> 00:10:02,800 Kaya humiling ako ng sampol ng dugo. 134 00:10:06,000 --> 00:10:06,960 ULAT NG MEDIKAL NA PAGSUSURI 135 00:10:07,040 --> 00:10:10,160 Phenobarbital, aktibong sangkap sa Xuminal. 136 00:10:15,440 --> 00:10:18,200 Parang… pamilyar iyan. 137 00:10:18,280 --> 00:10:19,720 Iyon ang gamot na nakita namin sa tokador mo. 138 00:10:22,840 --> 00:10:25,280 Ito ang pampakalmang inireseta ni Dra. Hoa sa akin. 139 00:10:25,360 --> 00:10:26,760 Binigyan ka ba niya ng anomang paalala? 140 00:10:27,840 --> 00:10:31,280 Sinabi ni Luu na isang beses lang ang inom kada anim na oras. 141 00:10:31,360 --> 00:10:32,200 Mukhang tama naman. 142 00:10:32,280 --> 00:10:36,040 Para sa matatanda, napakatapang ng gamot na ito. 143 00:10:36,120 --> 00:10:39,440 Para sa mga bata, isa itong makapangyarihang pampamanhid. 144 00:10:46,280 --> 00:10:47,120 Ang juice… 145 00:10:48,120 --> 00:10:49,080 Anong juice? 146 00:10:49,720 --> 00:10:50,560 Noong gabing iyon, 147 00:10:50,640 --> 00:10:53,560 Binigyan ni Luu si Bao ng isang basong juice. 148 00:10:53,640 --> 00:10:55,400 Nawala siya kinaumagahan. 149 00:10:56,640 --> 00:10:58,560 Pagbibigay ng pampakalma sa bata… 150 00:11:01,080 --> 00:11:03,200 Pwede bang tapusin mo ang pangungusap mo? 151 00:11:05,960 --> 00:11:07,680 Ang paggamit ng pampamanhid sa mga bata 152 00:11:07,760 --> 00:11:10,960 ay maaaring humantong sa pangmatagalang epekto sa kanilang nervous system. 153 00:11:24,920 --> 00:11:26,680 Bakit niya gagawin iyon sa anak ko? 154 00:11:26,760 --> 00:11:29,720 Isang lalaking… maraming mukha. 155 00:11:32,320 --> 00:11:34,080 Hindi ko maintindihan. 156 00:11:34,160 --> 00:11:37,600 Mula nang magpunta kami sa Scarlet Hill, parang ibang tao na siya. 157 00:11:38,320 --> 00:11:39,160 Paano mo nasabi? 158 00:11:40,320 --> 00:11:41,520 Talagang kahina-hinala. 159 00:11:42,440 --> 00:11:44,680 Bawat araw, parami ng parami ang tanong ko tungkol sa kanya. 160 00:11:49,480 --> 00:11:51,840 Maydoon din akong malaking tanong tungkol sa'yo. 161 00:11:57,840 --> 00:11:59,960 TALA SA PAG-AAMPON 162 00:12:00,040 --> 00:12:01,520 Ito ang tala ko sa ampunan. 163 00:12:02,160 --> 00:12:03,480 Ano'ng gusto mong itanong? 164 00:12:03,560 --> 00:12:05,360 Noong hiniling kong tingnan ang tala mo, 165 00:12:05,440 --> 00:12:06,960 kinailangan ko pang magbigay ng kopya ng pagkakakilanlan ko 166 00:12:07,560 --> 00:12:09,120 at lumagda at isulat ang petsa. 167 00:12:15,360 --> 00:12:17,600 TALA SA AMPUNAN NI VY 168 00:12:25,400 --> 00:12:26,240 Halos dalawang taon na ang nakalilipas, 169 00:12:26,320 --> 00:12:28,840 Pumunta rin doon si Luu para maghanap ng impormasyon tungkol sa'yo. 170 00:12:29,440 --> 00:12:31,480 Tingnan mo. Ikalima ng Setyembre. 171 00:12:31,560 --> 00:12:33,640 IKALIMA NG SETYEMBRE, 2019 TRAN HOANG LUU 172 00:12:34,480 --> 00:12:36,560 TRAN HOANG LUU KARD NG PAGKAKAKILANLAN 173 00:12:39,360 --> 00:12:40,400 Ikalima ng Setyembre. 174 00:12:42,320 --> 00:12:46,200 Iyon ay… isang linggo bago kami nagkakilala. 175 00:12:50,400 --> 00:12:52,920 Parang itinadhana, ano? Bakit? 176 00:12:55,120 --> 00:12:56,200 Bach! 177 00:12:57,120 --> 00:12:58,920 Pwede bang lumabas ka sandali? 178 00:12:59,000 --> 00:12:59,840 Sige. 179 00:13:11,520 --> 00:13:13,600 KAYAMANAN 180 00:13:20,240 --> 00:13:22,040 Sa palagay mo ba ay umaarte lang si Vy? 181 00:13:23,880 --> 00:13:25,400 Hindi natin maitatanggi ang posibilidad na iyon. 182 00:13:26,760 --> 00:13:28,520 Pero ang reaksyon niya ngayon… 183 00:13:29,200 --> 00:13:30,040 Reaksyon niya? 184 00:13:31,240 --> 00:13:32,400 Takot na takot. 185 00:13:34,680 --> 00:13:37,840 Lalo na noong narinig niyang si Bao binigyan ni Luu ng droga. 186 00:13:40,320 --> 00:13:41,520 Ang mga mata niya… 187 00:13:42,960 --> 00:13:44,160 tulad ng sa mama ko. 188 00:13:47,360 --> 00:13:49,920 Alam kong sasabihin mong huwag akong magpadala sa emosyon ko, 189 00:13:50,000 --> 00:13:53,120 pero tingin ko ay dapat nating bigyan si Vy ng pagkakataon. 190 00:13:54,080 --> 00:13:55,120 Kung gagamitin nang maayos, 191 00:13:56,000 --> 00:13:59,440 maaaring magsilbi ang emosyon bilang susi sa imbestigasyon. 192 00:14:09,320 --> 00:14:10,760 METAL - NATAGPUAN 193 00:14:14,080 --> 00:14:15,880 METAL - NATAGPUAN 194 00:15:11,320 --> 00:15:14,360 Napansin kong pamilyar ka… noong una tayong nagkita. 195 00:15:19,440 --> 00:15:20,280 Tama. 196 00:15:21,200 --> 00:15:22,400 Pamangkin mo ako, Bo. 197 00:15:38,480 --> 00:15:42,040 Ito ang album ng litratong nakuha ko kay Gng. Loan, nanay ni Luu. 198 00:15:42,760 --> 00:15:44,360 Maraming litrato dito. 199 00:15:46,920 --> 00:15:48,880 Kailangan mo lang tingnan ang mga ito. 200 00:15:50,720 --> 00:15:51,640 Heto. 201 00:16:01,920 --> 00:16:03,800 -Hindi ko alam. Nagmamakaawa ako! -Ikaw! 202 00:16:04,800 --> 00:16:06,440 Vy. Ano'ng problema? 203 00:16:21,360 --> 00:16:22,200 Pasensya na. 204 00:16:24,480 --> 00:16:26,560 Ano ang litratong ito? 205 00:16:33,160 --> 00:16:35,040 Si Gng. Loan ang nakababatang kapatid ni Gng. Hong. 206 00:16:35,960 --> 00:16:37,520 Ang ibig sabihin din nito 207 00:16:37,600 --> 00:16:40,120 na si Luu ay ang supling ng pamilya Quach. 208 00:16:50,240 --> 00:16:51,600 Kinumpirma rin ni Gng. Loan 209 00:16:52,400 --> 00:16:54,360 na ito si Thuy, ang accountant… 210 00:16:55,400 --> 00:16:57,000 at ang kanyang anak na babae. 211 00:18:07,760 --> 00:18:08,680 Si Yen… 212 00:18:11,240 --> 00:18:12,400 ay ako. 213 00:18:22,680 --> 00:18:24,000 Sa mga mata mong mapupurol 214 00:18:25,160 --> 00:18:29,000 hindi nakagugulat… na hindi mo matagpu-tagpuan si Yen. 215 00:18:32,440 --> 00:18:33,280 Si Vy? 216 00:18:38,440 --> 00:18:42,120 Kaya pala… alam niyang pinatay ko ang nanay niya. 217 00:18:42,200 --> 00:18:43,560 Ginawa itong napakalinaw ni Tiyo Nam. 218 00:18:44,520 --> 00:18:45,680 Bakit hindi mo hinanap si Yen? 219 00:18:46,560 --> 00:18:48,160 Hinanap namin siya kung saan-saan. 220 00:18:49,080 --> 00:18:51,240 Pero nagsisimula nang maghinala ang mga tao, kaya tumigil kami. 221 00:18:52,520 --> 00:18:53,800 Humupa rin ang mga bagay noong lumaon, 222 00:18:53,880 --> 00:18:56,840 kaya ipinagpalagay naming patay na siya. 223 00:18:56,920 --> 00:18:58,280 Nagawa kong mahanap ang hindi mo nahanap. 224 00:18:59,400 --> 00:19:01,080 -Nararapat mapunta sa akin ito-- -Manahimik ka! 225 00:19:02,200 --> 00:19:05,120 Ako ang panganay, ang gintong ito ay sa akin. 226 00:19:05,760 --> 00:19:08,840 Walang binanggit na ganyan ang habilin. Pagmamay-ari ito ng makakakita. 227 00:19:13,640 --> 00:19:14,720 Alamin mo ang lugar mo… 228 00:19:15,320 --> 00:19:18,360 at baka itago ko pa sa mga pulis ang katotohang pinatay mo si Van. 229 00:19:33,240 --> 00:19:36,160 Ang tungkol sa pagpatay mo kay Thuy? Gusto mo rin bang iulat? 230 00:19:42,240 --> 00:19:43,120 Sige. 231 00:19:44,800 --> 00:19:46,440 Hukayin na lang natin at tignan kung magkano ang nandiyan. 232 00:19:47,640 --> 00:19:48,600 Pagkatapos… 233 00:19:49,800 --> 00:19:51,600 Tatanggapin ko anoman ang ititira mo. 234 00:20:07,400 --> 00:20:11,160 At doon din nalaman ni Luu na ikaw ang hinahanap niya. 235 00:20:17,760 --> 00:20:19,280 Bakit niya ako ibinalik rito? 236 00:20:20,160 --> 00:20:21,360 Para sa gamutan mo? 237 00:20:22,600 --> 00:20:23,440 Hindi. 238 00:20:24,640 --> 00:20:26,680 Halata namang hindi. 239 00:20:26,760 --> 00:20:27,840 Parte ito ng plano. 240 00:20:29,240 --> 00:20:32,400 Hindi naman bumuti ang kalagayan ko, mas lalo lang itong lumala. 241 00:20:32,480 --> 00:20:34,480 Sino'ng nagrekomenda kay Dra. Hoa sa'yo? 242 00:20:35,440 --> 00:20:36,280 Si Luu. 243 00:20:37,400 --> 00:20:38,480 Bakit mo itinatanong iyan? 244 00:20:39,600 --> 00:20:41,800 Si Dra. Hoa ay nasangkot sa mga iskandalo na may kinalaman sa etika. 245 00:20:42,720 --> 00:20:44,520 Dalawang taong nasuspinde ang lisensya niya. 246 00:20:45,880 --> 00:20:48,400 Hindi ka ba gumagamit ng internet? 247 00:20:58,200 --> 00:21:00,040 ANG SIKOLOGONG LUMABAG SA CODE OF ETHICS 248 00:21:01,640 --> 00:21:04,160 Sinabi ni Luu na hahanapan niya raw ako ng magaling na doktor. 249 00:21:06,040 --> 00:21:10,720 Hindi ko naisip na mayroon siyang kinalaman sa pagkamatay ni Chinh. 250 00:21:11,960 --> 00:21:13,200 Pero ngayon, 251 00:21:14,760 --> 00:21:17,920 mukhang si Dra. Hoa ang alas ni Luu. 252 00:21:56,080 --> 00:21:57,200 Ikaw na matandang puta! 253 00:21:57,280 --> 00:22:00,720 Sa akin ang kayamanan! Hawakan mo iyan at tapos ka! 254 00:22:03,640 --> 00:22:04,960 Lintik! Ikaw… 255 00:22:06,760 --> 00:22:07,880 Bitiwan mo ako! Lintik! 256 00:22:24,280 --> 00:22:26,480 Maaaring ang kliyente mo ang salarin sa dalawang pagpatay. 257 00:22:26,560 --> 00:22:29,560 Naibigay ko na sa'yo ang talang medikal ni Vy. 258 00:22:30,480 --> 00:22:31,320 Hindi si Vy ang tinutukoy ko. 259 00:22:31,920 --> 00:22:34,520 Ang tinutukoy ko ay ang taong binayaran ka para magsinungaling. 260 00:22:38,680 --> 00:22:42,160 Hindi pala ako dinala ni Luu sa Scarlet Hill… 261 00:22:42,240 --> 00:22:43,400 para gamutin ang kalagayan ko? 262 00:23:05,720 --> 00:23:09,560 Saan ka man magpunta para sa gamutan mo… ay wala sa kamay ko. 263 00:23:09,640 --> 00:23:12,480 Pag-isipan mong mabuti ang sunod mong sasabihin, 264 00:23:12,560 --> 00:23:15,880 dahil maaari kang maging gawin nitong… kasabwat ni Luu. 265 00:23:15,960 --> 00:23:18,600 Wala akong kinalaman doon! 266 00:23:19,560 --> 00:23:21,480 Kinuha ko lang ang pera ni Luu… 267 00:23:21,560 --> 00:23:24,240 para maibalik ang mga nawalang alaala ni Vy. 268 00:23:24,320 --> 00:23:25,200 Iyon lang. 269 00:23:25,280 --> 00:23:27,360 Paano naman ang mga kababalaghang naranasan ko sa Scarlet Hill? 270 00:23:28,120 --> 00:23:30,440 Hinarang ng matinding troma ang mga alaalang iyon. 271 00:23:31,040 --> 00:23:32,640 Ang pagdala sa'yo sa lugar mula sa'yong nakaraan 272 00:23:32,720 --> 00:23:35,440 at ang paglantad sa'yo sa mga pamilyar na bagay 273 00:23:35,520 --> 00:23:38,200 ay ang pinakamabilis na paraan para ibalik ang mga alaala mo. 274 00:23:39,400 --> 00:23:42,320 At ang paggamot sa genophobia niya ay isang palusot lamang? 275 00:23:43,680 --> 00:23:45,560 Ayon sa pagsusuri ko, 276 00:23:45,640 --> 00:23:48,520 may kinalaman ito sa tromatikong pangyayaring naranasan ni Vy 277 00:23:48,600 --> 00:23:50,520 noong bata pa siya. 278 00:23:53,160 --> 00:23:55,440 Nakita ko ang nanay ko… 279 00:23:55,520 --> 00:23:57,000 na ginigipit ng dalawang lalaki… 280 00:23:57,760 --> 00:24:00,880 kaya noong una, akala ko ay hinahalay siya. 281 00:25:00,720 --> 00:25:02,200 Bakit ginagawa ni Luu ang lahat ng ito? 282 00:25:08,400 --> 00:25:11,080 Ayon kay Tiyo Mung, gusto ni Luu na hanapin ang yaman ng pamilya Quach. 283 00:25:16,280 --> 00:25:17,960 Ano'ng lugar ito? 284 00:25:18,040 --> 00:25:19,840 Noong una, ito ay isang labasan sa oras ng kagipitan. 285 00:25:19,920 --> 00:25:23,040 Kalaunan, pinalaki ito upang gawing imbakan ng kanilang kayamanan. 286 00:26:18,880 --> 00:26:19,960 Bakit napakatagal ka nilang kinausap? 287 00:26:20,960 --> 00:26:22,400 Naghintay ako sa tawag mo. 288 00:26:25,080 --> 00:26:28,360 Medyo pagod na kasi ako… kaya nagpahinga ako sa bahay ng nanay ko. 289 00:26:30,360 --> 00:26:32,960 Maligo ka na para makakain na tayo ng hapunan. 290 00:26:33,040 --> 00:26:35,080 Gutom na ako. Kumain muna tayo. 291 00:26:53,160 --> 00:26:54,000 Salamat. 292 00:27:05,960 --> 00:27:07,000 Ano'ng problema? 293 00:27:07,720 --> 00:27:10,400 Wala lang ito. Mali lang siguro ang posisyon ko sa pag-idlip kanina. 294 00:27:11,920 --> 00:27:14,400 Siya nga pala, ano'ng itinanong ng mga pulis sa'yo? 295 00:27:14,480 --> 00:27:17,560 Ah. Nagtanong sila tungkol sa away namin ni Van. 296 00:27:20,000 --> 00:27:23,760 Nagtanong din sila kung nasaan ka raw buong tanghali kahapon. 297 00:27:26,440 --> 00:27:27,280 Sinabi ko sa kanila 298 00:27:27,360 --> 00:27:29,680 na kasama kita buong oras na iyon. 299 00:27:30,960 --> 00:27:33,240 At… totoo naman. 300 00:27:35,320 --> 00:27:37,720 Kinausap ko ang mga opisyal na nagbabantay sa pasukan. 301 00:27:38,320 --> 00:27:42,120 Hindi raw sila umalis sa puwesto nila buong hapon kahapon. 302 00:27:42,200 --> 00:27:44,600 Hindi ka naghanap ng mga ahas kasama ang mga opisyal ano? 303 00:27:48,040 --> 00:27:49,600 -Kasi… -Nagsinungaling ka sa akin. 304 00:27:56,480 --> 00:27:58,360 Pero hindi ko na itatanong kung bakit. 305 00:27:59,440 --> 00:28:02,960 Nagkataon lang na… nawala si Van noong mga oras na iyon. 306 00:28:10,800 --> 00:28:12,880 Magulo lang ang lahat ngayon. 307 00:28:14,400 --> 00:28:15,600 Kung nagmamahalan tayong dalawa, 308 00:28:16,560 --> 00:28:19,840 dapat ay protektahan natin at isipin ang kapakanan ng isa't isa. 309 00:28:21,200 --> 00:28:23,360 -Palagi akong-- -Huwag ka munang magsalita. 310 00:28:28,600 --> 00:28:29,720 Ako si Yen. 311 00:28:30,640 --> 00:28:32,160 Anak nina Nam at Thuy. 312 00:28:36,600 --> 00:28:38,080 Bumalik na ang alaala ko. 313 00:28:45,440 --> 00:28:48,600 Alinman doon, ginamit mo ako… 314 00:28:48,680 --> 00:28:51,200 Kaya kung makatutulong iyon na mahanap ang kayaman, sulit na rin. 315 00:28:52,280 --> 00:28:54,320 Makasisiguro akong maganda ang kinabukasan para kay Bao. 316 00:28:57,160 --> 00:28:58,000 Vy. 317 00:28:58,960 --> 00:28:59,880 Ano'ng pinagsasabi mo? 318 00:29:00,520 --> 00:29:04,240 Pagtulungan natin ang paghahanap at paghatian ang ginto. 319 00:29:18,960 --> 00:29:20,360 May isang bagay lang akong hindi maintindihan. 320 00:29:22,760 --> 00:29:24,720 Kung alam mo na kung nasaan ang kayamanan, 321 00:29:25,840 --> 00:29:27,440 bakit nandito ka pa rin at nakikipagkasundo sa akin? 322 00:29:29,360 --> 00:29:32,640 Kaunti pa lang ang naaalala ko tungkol sa kayamanan. 323 00:29:34,320 --> 00:29:35,160 A. 324 00:29:36,640 --> 00:29:39,880 Kaya maaaring may mga bagay akong alam… pero hindi mo alam? 325 00:29:48,240 --> 00:29:50,000 Ayos lang kung ayaw mong maniwala sa akin. 326 00:29:50,080 --> 00:29:52,080 Pero tigilan mo na ang pag-aaksaya ng oras sa lagusang iyon. 327 00:29:53,600 --> 00:29:54,640 Bakit? 328 00:29:54,720 --> 00:29:56,440 Nagawa mo na bang buksan ang lihim na lagusan? 329 00:29:58,280 --> 00:29:59,560 Maging mas partikular ka. 330 00:30:00,720 --> 00:30:03,800 Doon nila itinago ang kayamanan nila. 331 00:30:03,880 --> 00:30:06,200 Mayroon iyong labasan papunta sa kagubatan. 332 00:30:07,120 --> 00:30:10,080 Noong dinala ako nina Papa at Mama doon sa lihim na silid, 333 00:30:10,840 --> 00:30:12,400 palaging may dalang bag si Papa. 334 00:30:15,320 --> 00:30:18,400 Pumunta kami doon para tumakas… 335 00:30:18,480 --> 00:30:20,080 at hindi para humanap ng kayamanan. 336 00:30:27,760 --> 00:30:29,280 Masyado na akong maraming paghihirap dito. 337 00:30:30,680 --> 00:30:32,440 Sa akin ang 70 porsiyento, sa'yo ang 30? 338 00:30:35,400 --> 00:30:36,640 Gawin mong 60 at 40. 339 00:30:40,000 --> 00:30:42,120 -Sige. -Sandali lang. 340 00:30:42,200 --> 00:30:43,320 Mayroon akong isang kondisyon. 341 00:30:52,360 --> 00:30:53,880 Magsalita ka rito. 342 00:30:55,160 --> 00:30:58,720 Si Vy at ako ay nagtulungan lang sa paghahanap ng kayamanan. 343 00:30:59,920 --> 00:31:02,160 Si Vy ay walang anomang kinalaman sa kahit anong pagpatay 344 00:31:02,240 --> 00:31:05,000 na hindi ko sinadya o sinadya kong gawin. 345 00:31:16,720 --> 00:31:19,960 Hindi ko talaga maintindihan… kung ano'ng sinasabi mo. 346 00:31:28,600 --> 00:31:31,680 Masyadong maingat si Luu. Mukhang alisto siya. 347 00:31:33,280 --> 00:31:39,120 ‎MOBIL NA PULIS 348 00:31:39,760 --> 00:31:40,600 Lahat kayo, sandali lang. 349 00:31:44,240 --> 00:31:45,760 Bantayan ninyo ang silid sa taas. 350 00:31:45,840 --> 00:31:47,560 Anoman ang mangyari, panatilihin ninyong ligtas si Bao. 351 00:31:50,920 --> 00:31:53,480 Noong hapong nawala si Van, 352 00:31:53,560 --> 00:31:55,400 ilang oras kang nawala. 353 00:31:56,960 --> 00:31:59,600 Pagdating mo sa bahay, may mga galos sa kamay mo. 354 00:32:01,480 --> 00:32:03,960 Sinabi ko na sa'yo. Nadulas ako. 355 00:32:05,480 --> 00:32:07,800 Saan mo itinatago si Van? 356 00:32:10,080 --> 00:32:12,080 O… pinatay mo na siya? 357 00:32:16,320 --> 00:32:17,520 Pagkatapos… 358 00:32:17,600 --> 00:32:19,960 May kinalaman ka rin ba sa pagkamatay ni Chinh? 359 00:32:23,880 --> 00:32:24,720 Pumuwesto na kayo. 360 00:32:38,080 --> 00:32:39,520 Sinusubukan mo ba akong paaminin? 361 00:32:40,320 --> 00:32:42,280 Gusto ko lang protektahan ang sarili ko. 362 00:32:43,160 --> 00:32:45,600 Walang makaaalam kung hindi ka magkakamali. 363 00:32:51,880 --> 00:32:53,840 May nakakabit ba sa'yong mikropono? 364 00:32:58,240 --> 00:33:01,080 Kung magtutulungan tayo, dapat ay may tiwala tayo sa isa't isa. 365 00:33:10,160 --> 00:33:12,640 Heto. Suriin mo ako. 366 00:33:12,720 --> 00:33:14,560 -Makinig ang lahat… -Sandali. 367 00:33:17,240 --> 00:33:19,280 Dahil umabot na sa puntong ito, ipakita na rin natin ang alas niya. 368 00:33:47,000 --> 00:33:48,160 Pulis, damputin niyo na siya! 369 00:33:49,280 --> 00:33:50,120 Ano'ng nangyayari? 370 00:34:03,600 --> 00:34:05,120 Nakita mo sana ang hitsura mo! 371 00:34:05,200 --> 00:34:07,160 -Kaawa-awa! -Nasisiraan ka na ba ng ulo? 372 00:34:07,760 --> 00:34:08,760 Ikaw-- 373 00:34:26,960 --> 00:34:29,920 Wala akong mapapala kapag nahuli ka. 374 00:34:31,400 --> 00:34:33,239 Gano'n pa man, kailangan mong magdesisyon agad. 375 00:34:35,280 --> 00:34:36,800 Bakit ko gagawin iyon? 376 00:34:36,880 --> 00:34:39,600 Sa kantina sa istasyon ng pulis kaninang umaga, 377 00:34:39,679 --> 00:34:41,719 narinig ko ang ilang mga teknisyan na nag-uusap. 378 00:34:44,120 --> 00:34:46,040 -Mga porensiko? -Sa tingin ko. 379 00:34:46,120 --> 00:34:49,960 Sabi nila, may hinihintay silang ilang kagamitan mula Hanoi. 380 00:34:50,040 --> 00:34:51,280 Darating sa loob ng tatlo o apat na araw. 381 00:34:52,280 --> 00:34:53,120 Anong kagamitan? 382 00:34:54,040 --> 00:34:55,600 Ano'ng kinalaman noon sa akin? 383 00:34:55,679 --> 00:34:56,920 Hindi ko sigurado. 384 00:34:57,000 --> 00:34:59,200 Ang narinig ko lang ay masyado itong makabago at mahal. 385 00:35:00,000 --> 00:35:03,440 Maaari nitong matuton ang lokasyon ni Van gamit ang signal ng telepono niya. 386 00:35:08,040 --> 00:35:08,960 Maaaring… 387 00:35:10,000 --> 00:35:11,480 pinatay ni Van ang telepono niya habang tumatakas. 388 00:35:11,560 --> 00:35:13,440 Ipinagmamayabang nila ang tungkol sa makabagong teknolohiyang iyon 389 00:35:14,440 --> 00:35:18,120 dahil kaya raw matukoy ang paligid kung saan huling lumitaw ang signal. 390 00:35:18,200 --> 00:35:20,120 Mula doon, magagamit nila ang mga aso para amuyin kung nasaan siya. 391 00:35:40,120 --> 00:35:40,960 Parang… 392 00:35:42,040 --> 00:35:43,960 walang takas si Van. 393 00:35:45,680 --> 00:35:48,760 Tiyo. Ang tusong ito ay hindi mahuhulog sa patibong. 394 00:35:50,560 --> 00:35:52,040 Sino ba ang may pakialam sa kanya? 395 00:35:52,120 --> 00:35:54,800 Hanapin na lang natin ang kayamanan. 396 00:35:54,880 --> 00:35:55,720 Tama, mahal? 397 00:36:00,560 --> 00:36:01,400 Siyempre naman. 398 00:36:03,040 --> 00:36:04,400 Mag-uumpisa tayo bukas. 399 00:36:04,480 --> 00:36:05,720 Bakit hindi ngayong gabi? 400 00:36:06,840 --> 00:36:07,680 Pagod na ako ngayong araw. 401 00:36:08,720 --> 00:36:09,560 Sige. 402 00:36:10,680 --> 00:36:12,920 Matutulog ako kasama ni Bao ngayong gabi. 403 00:36:13,000 --> 00:36:15,360 Hindi pa tayo kasal, 404 00:36:15,440 --> 00:36:16,840 hindi tayo dapat nagtatabi sa kama. 405 00:36:24,440 --> 00:36:25,960 Kailan bumalik ang mga alaala mo? 406 00:36:30,400 --> 00:36:31,440 Kailan ka nagsimula? 407 00:36:32,640 --> 00:36:36,240 Paano mo natunton si Yen at paano ka humantong sa akin? 408 00:36:41,720 --> 00:36:44,320 Pinilit kong paaminin ang nanay ko 409 00:36:44,400 --> 00:36:45,760 na sina G. Nam at Thuy… 410 00:36:46,760 --> 00:36:49,280 Ay. Na patay na ang mga magulang mo. 411 00:36:50,440 --> 00:36:51,920 E ikaw naman? 412 00:36:52,000 --> 00:36:54,640 Kung nakaligtas ka noon, bakit hindi naaresto ang pamilya Quach? 413 00:36:57,400 --> 00:37:01,200 Hindi nila alam na nawala ang mga alaala ko. 414 00:37:01,280 --> 00:37:03,600 Ang akala nila ay patay na ako, kaya hindi na sila naghanap. 415 00:37:04,800 --> 00:37:06,120 Dahil hindi "Quach" ang apelyido ko, 416 00:37:07,000 --> 00:37:10,320 madali kitang mahahanap nang walang paghihinala. 417 00:37:12,600 --> 00:37:14,680 Pero walang ulat ng pulis 418 00:37:14,760 --> 00:37:18,520 tungkol sa anomang bangkay o pagkawala ni Yen noong 1997. 419 00:37:22,360 --> 00:37:25,200 Matapos ang ilang linggo paghahanap sa mga lumang pahayagan, 420 00:37:26,040 --> 00:37:29,120 Sa wakas, may nakita akong ng kawili-wiling patalastas… 421 00:37:29,200 --> 00:37:30,400 NAGHAHANAP NG MGA KAMAG-ANAK SENTRO NG LINGKOD-BAYAN 422 00:37:30,480 --> 00:37:32,800 …na ipinalathala ng isang sentro ng lingkod-bayan. 423 00:37:34,480 --> 00:37:38,280 Hinahanap ang mga kamag-anak ng batang 'di alam ang pangalan at walang alaala. 424 00:37:38,360 --> 00:37:40,480 BAHAY-AMPUNAN 425 00:37:40,560 --> 00:37:42,440 Dinala ako nito sa isang bahay-ampunan. 426 00:37:44,040 --> 00:37:44,880 Paumanhin. 427 00:37:46,160 --> 00:37:47,480 Saan ang tanggapan ng impormasyon? 428 00:37:48,120 --> 00:37:49,240 Dito ang daan. 429 00:37:49,320 --> 00:37:50,480 Salamat. 430 00:37:57,880 --> 00:38:00,280 Doon ko natuklasan… 431 00:38:00,360 --> 00:38:02,680 na ang huling bakas sa kayamanan ng pamilya Quach 432 00:38:03,760 --> 00:38:05,200 ay hindi na nagngangalang Yen. 433 00:38:21,760 --> 00:38:26,360 Walang duda, ikaw lang makakaisip ng ganoong kalupit na plano. 434 00:38:26,440 --> 00:38:28,000 Kahanga-hanga rin ang pag-arte mo. 435 00:38:51,480 --> 00:38:53,440 Gusto kong ilantad si Luu at ang mga krimen niya. 436 00:38:56,000 --> 00:38:57,680 Bakit mo gustong gawin iyon? 437 00:38:59,040 --> 00:39:02,720 Ang pagkamatay ni Chinh at ang pagkawala ni Van… 438 00:39:02,800 --> 00:39:04,080 siguradong may kinalaman si Luu. 439 00:39:05,000 --> 00:39:08,080 Makatutulong din iyon upang linisn ang pangalan ko. 440 00:39:08,160 --> 00:39:11,080 Gusto kong ibalik ang normal na buhay ni Bao. 441 00:39:11,160 --> 00:39:13,640 Kung gano'n… may plano ka na ba? 442 00:39:16,120 --> 00:39:20,120 -Gagamitin nating pain ang gusto ni Luu. -Ang kayamanan? 443 00:39:20,200 --> 00:39:24,000 O kaya ang pinakamatindi niyang takot para bumigay siya? 444 00:39:24,080 --> 00:39:25,840 Gagamitin natin ang dalawang iyan. 445 00:39:25,920 --> 00:39:28,200 Kailangang maipahiwatig mo sa kanya 446 00:39:28,280 --> 00:39:31,920 na tinutunton ng mga pulis ang telepono ni Van para malaman kung nasaan siya. 447 00:39:32,000 --> 00:39:33,800 Tiyak na matataranta siya. 448 00:39:33,880 --> 00:39:34,720 Pero… 449 00:39:34,800 --> 00:39:38,320 paano kung pinatay na niya o sinira ang telepono ni Van? 450 00:39:39,840 --> 00:39:40,880 Sinubukang tawagan ni Bach, 451 00:39:40,960 --> 00:39:43,040 pero hindi na ito matawagan. 452 00:39:43,120 --> 00:39:43,960 Huwag kang mag-alala. 453 00:39:44,040 --> 00:39:46,880 Basta gumawa ka lang ng kuwento tungkol sa bagong teknolohiya. 454 00:39:46,960 --> 00:39:50,000 Makinarya na kayang tukuyin kung saan huling lumitaw ang signal ng telepono. 455 00:39:51,440 --> 00:39:55,720 Kailangang isipin niya na matutulungan ng teknolohiyang ito ang pulis 456 00:39:55,800 --> 00:39:58,360 na matunton ang paligid na paghahanapan. 457 00:39:58,440 --> 00:40:01,840 At mula doon, bahala na ang pangkat ng K9. 458 00:40:01,920 --> 00:40:03,720 Sa oras na mataranta si Luu at bumigay… 459 00:40:04,720 --> 00:40:07,600 ipapasok ko sa usapan ang kayamanan. 460 00:40:08,200 --> 00:40:09,600 Mag-iingat kang mabuti. 461 00:40:09,680 --> 00:40:12,000 Parang ginamit mo na rin ang sarili mo bilang isang pain. 462 00:40:13,760 --> 00:40:14,880 At mayroon kang anak. 463 00:41:14,200 --> 00:41:15,760 Maghanda na kayong pumuwesto. 464 00:41:25,920 --> 00:41:27,440 Panatilihin ang distansya, manatiling wala sa paningin. 465 00:41:41,000 --> 00:41:42,280 Ang target ay papunta sa abandonadong mansiyon. 466 00:41:42,920 --> 00:41:44,200 Hinihiling sa mga yunit na… 467 00:42:14,920 --> 00:42:16,200 Nagpapaikot-ikot siya! 468 00:42:16,280 --> 00:42:17,680 Huwag mong hayaang guluhin ka niya. 469 00:42:17,760 --> 00:42:19,800 -Hindi ko siya makita. -Nasaan siya? 470 00:42:20,760 --> 00:42:21,960 Yunit 4, sa kanan mo. 471 00:42:22,040 --> 00:42:23,600 -Ang bato. -Ayos na. 472 00:42:26,000 --> 00:42:27,960 Nawala siya! May nakakita ba sa kanya? 473 00:42:31,280 --> 00:42:32,520 Pakibantayan si Bao para sa akin! 474 00:42:32,600 --> 00:42:34,360 -Hoy… -Ma! 475 00:42:45,120 --> 00:42:45,960 Uy! 476 00:42:47,800 --> 00:42:50,480 May nangyayari sa bahay ni Luu. May natatanaw akong pulis. 477 00:43:04,280 --> 00:43:06,720 -Ano iyon? -Bach… ang abandonadong mansiyon… 478 00:43:07,400 --> 00:43:08,280 Sinusundan ko si Luu. 479 00:43:09,080 --> 00:43:11,320 Vy, mapanganib! Huwag kang padalos-dalos! 480 00:43:17,920 --> 00:43:19,840 Ang lumang kuwadra… iyong kahoy… 481 00:43:19,920 --> 00:43:21,280 -Ano? -…na eskotilya… 482 00:43:21,360 --> 00:43:22,680 -sa ilalim ay mayroong… -Hello? 483 00:43:22,760 --> 00:43:25,120 Hello! Vy? 484 00:45:11,960 --> 00:45:12,960 Umalis ka na! 485 00:45:15,160 --> 00:45:16,280 Sige na! 486 00:45:32,760 --> 00:45:35,600 Mag-ingat ka! Yen! 487 00:45:51,760 --> 00:45:52,880 Halika ka rito! 488 00:46:08,880 --> 00:46:09,920 Mahal! 489 00:46:10,000 --> 00:46:11,440 Uy, mahal! 490 00:46:11,520 --> 00:46:13,240 Ayos ka lang ba? 491 00:46:13,320 --> 00:46:14,600 Umalis na kayong dalawa. Huwag ninyo kong alalahanin! 492 00:46:14,680 --> 00:46:16,760 Hindi, hindi kita iiwan! 493 00:46:16,840 --> 00:46:18,160 -Pa! -Huwag kayong mag-alala 494 00:46:18,240 --> 00:46:20,840 Ang alam nila ay alam ko kung nasaan ang ginto. Hindi nila ako sasaktan. 495 00:46:20,920 --> 00:46:23,240 Siya muna ang alalahanin mo! Umalis na kayo. 496 00:46:23,320 --> 00:46:24,680 -Patawad. -Bilisan niyo na! 497 00:46:24,760 --> 00:46:26,600 Bilisan ninyo, hindi sila pwedeng makatakas! 498 00:46:26,680 --> 00:46:28,000 Hayun sila! 499 00:46:28,080 --> 00:46:29,120 Halika na! 500 00:46:31,480 --> 00:46:33,880 -Dali! Sundan ninyo! Bilis! -Tumigil kayo! 501 00:46:35,000 --> 00:46:36,320 Hanggang diyan lang kayo! 502 00:46:36,400 --> 00:46:38,000 Mauna ka! Bilis! 503 00:46:44,880 --> 00:46:45,880 Tumatakbo sila! 504 00:46:45,960 --> 00:46:47,640 -Bilis! -Saan ang daan? 505 00:46:47,720 --> 00:46:48,760 Saang daan sila nagtungo? 506 00:46:49,360 --> 00:46:50,640 Saang daan sila nagtungo? 507 00:46:52,320 --> 00:46:53,960 Magtago ka roon! 508 00:47:00,560 --> 00:47:01,840 Yen, makinig ka sa akin. 509 00:47:01,920 --> 00:47:03,880 Aagawin ko ang pansin nila. 510 00:47:03,960 --> 00:47:06,080 Manatili ka rito. Huwag kang mag-iingay. 511 00:47:06,160 --> 00:47:08,760 Huwag kang lalabas, anoman ang marinig mo. Naiintindihan mo? 512 00:47:11,800 --> 00:47:14,080 Magbilang ka mula isa hanggang 100 sa ulo mo. 513 00:47:14,160 --> 00:47:15,880 Pagtapos ka na, tumakbo ka doon. 514 00:47:16,800 --> 00:47:19,360 Magtungo ka sa batuhang tinatawag ninyo ni Truc na Diyos ng Bundok. 515 00:47:19,440 --> 00:47:22,000 Pagdating mo sa gilid ng bundok, pumunta ka sa kalsada 516 00:47:22,080 --> 00:47:23,400 at humanap ka ng tulong, narinig mo? 517 00:47:25,400 --> 00:47:27,360 Narinig mo ba ko? 518 00:47:28,880 --> 00:47:30,640 Ma! Hindi… hindi ko po kaya! 519 00:47:30,720 --> 00:47:32,520 Hindi ko po kayo kayang iwan! 520 00:47:32,600 --> 00:47:33,800 Alis na! 521 00:47:45,720 --> 00:47:47,800 Patawad! 522 00:47:47,880 --> 00:47:50,720 Patawad. Patawarin mo ko! 523 00:47:50,800 --> 00:47:53,240 Makinig ka. Makinig ka sa akin. 524 00:47:53,320 --> 00:47:55,280 Tumakbo ka papunta sa bundok at humingi ka ng tulong. Naiintindihan mo? 525 00:47:55,880 --> 00:47:57,800 -Naiintindihan mo? -Opo. 526 00:48:01,720 --> 00:48:03,120 Ibigay mo sa akin ang isang sapatos mo. 527 00:48:17,880 --> 00:48:20,760 Yen! Mag-ingat ka! Yen! 528 00:48:20,840 --> 00:48:21,680 Tigil! 529 00:48:22,480 --> 00:48:23,320 Hayun sila! 530 00:48:24,720 --> 00:48:25,560 Kunin siya! 531 00:48:28,200 --> 00:48:30,960 Hayun siya! Bilis! Kunin siya! Hanggang diyan ka lang! 532 00:48:32,280 --> 00:48:33,800 Huwag mong hayaang makatakas! 533 00:48:35,600 --> 00:48:37,440 Huwag ninyong hayaang makatakas! Bilis! 534 00:48:44,520 --> 00:48:46,200 Hanggang diyan ka lang! 535 00:48:49,640 --> 00:48:50,560 Hulihin siya! 536 00:48:54,560 --> 00:48:56,880 -Iniisip mo na makatatakas ka? -Bitiw! Bitiwan ninyo ako! 537 00:48:56,960 --> 00:48:57,800 Hawakan mo! 538 00:48:58,720 --> 00:49:00,200 Pakawalan ninyo ako! 539 00:49:05,040 --> 00:49:06,200 -Thuy! -Pakawalan ninyo ako! 540 00:49:06,280 --> 00:49:08,040 Pakawalan ninyo siya! 541 00:49:08,120 --> 00:49:08,960 Pakawalan ninyo ako! 542 00:49:09,920 --> 00:49:13,760 Tingnan natin kung alin ang mas matibay, ang alaala mo o siya. 543 00:49:13,840 --> 00:49:14,680 Ano'ng ginagawa mo? 544 00:49:16,120 --> 00:49:17,000 -Heto? -Pakiusap, itigil mo iyan! 545 00:49:17,080 --> 00:49:19,760 Naaalala mo na ba? 546 00:49:27,120 --> 00:49:29,960 Kinuha mo sa akin ang kayamanan ko! 547 00:49:38,400 --> 00:49:39,680 Bilis! 548 00:49:41,720 --> 00:49:42,680 Ang ginto ko. 549 00:50:08,160 --> 00:50:10,800 Hello? Vy. Hello? 550 00:50:10,880 --> 00:50:12,360 Hello? Naririnig mo ba ako? 551 00:50:14,480 --> 00:50:15,760 Naaalala ko na… 552 00:50:17,120 --> 00:50:18,520 Naaalala ko na ang lahat. 553 00:50:19,480 --> 00:50:20,600 Hello, Vy? 554 00:50:20,680 --> 00:50:22,520 Nakatingin ako sa isang pinto ngayon. Paano ko ito bubuksan? 555 00:50:24,280 --> 00:50:25,280 Nasa loob ako ng lagusan. 556 00:50:25,360 --> 00:50:27,560 Ang nakikita ko lang ay ang hagdan paakyat sa mansiyon. 557 00:50:27,640 --> 00:50:31,200 May lihim na pinto riyan… 558 00:50:31,280 --> 00:50:33,360 -Hello? Ano iyon? -…malapit… sa sulo… 559 00:50:33,960 --> 00:50:36,120 Tumalikod ka… humakbang nang tatlong beses… 560 00:50:36,200 --> 00:50:38,840 -Hello? Vy? Hello? -Dalawa… 561 00:50:40,280 --> 00:50:41,520 Ano'ng sinabi mo? 562 00:50:41,600 --> 00:50:42,440 -Hello… -Hello? 563 00:50:43,240 --> 00:50:44,600 -Hello? -Hello? 564 00:51:03,840 --> 00:51:06,720 Ano ang sinabi sa'yo ni Nam tungkol sa kayamanan? 565 00:51:08,120 --> 00:51:10,080 Walang kayamanan! 566 00:51:14,840 --> 00:51:15,960 Sabihin mo na. 567 00:51:17,120 --> 00:51:19,800 -Huwag mo akong piliting gawin ito. -Wala akong alam! 568 00:51:20,480 --> 00:51:24,400 Walang kahit anong sinabi si Papa tungkol sa kayamanan! 569 00:51:44,720 --> 00:51:46,080 Kung sasabihin mo, 570 00:51:46,840 --> 00:51:49,440 Hahayaan kong dalhin ka ng mga pulis sa ospital. 571 00:51:50,880 --> 00:51:54,680 Kung hindi, mauulila si Bao. 572 00:51:56,360 --> 00:51:57,800 Magsalita ka! 573 00:51:58,920 --> 00:52:00,120 Sabihin mo na! 574 00:52:13,160 --> 00:52:14,000 May lihim na lagusan. 575 00:52:14,080 --> 00:52:16,040 Magdala kayo ng gamit pambuwag ng pinto at maliliwanag na ilaw! 576 00:52:16,120 --> 00:52:16,960 Kopya! 577 00:52:27,480 --> 00:52:30,680 Hindi pala mga puno iyon kundi isang lumang kuwadra. 578 00:52:31,600 --> 00:52:33,560 Ray! Tingnan mo ito. 579 00:52:41,000 --> 00:52:41,840 Mahal. 580 00:52:42,720 --> 00:52:45,640 Kailangan nating ibigay ang mapa sa mga pulis para mapigilan si Luu. 581 00:52:46,200 --> 00:52:47,400 Huwag kang mag-alala. 582 00:52:47,480 --> 00:52:49,600 Hinabol nila si Luu hanggang dito. Siguradong mahuhuli nila si Luu. 583 00:52:49,680 --> 00:52:51,680 Paano kung makatakas si Luu? 584 00:52:51,760 --> 00:52:52,800 Hindi na matatapos ang imbestigasyong ito. 585 00:52:53,800 --> 00:52:55,280 Hindi na bata ang papa ko. 586 00:52:55,360 --> 00:52:56,880 Hindi siya tatagal sa kulungan! 587 00:52:57,720 --> 00:52:58,720 Pero… 588 00:53:00,160 --> 00:53:01,280 mawawala sa atin ang ginto! 589 00:53:14,040 --> 00:53:14,880 Uy, kayo! 590 00:54:10,760 --> 00:54:12,240 IMBESTIGADOR BACH 591 00:54:12,320 --> 00:54:13,880 Bach… 592 00:54:17,480 --> 00:54:19,320 Ang ginto… 593 00:54:24,520 --> 00:54:26,200 Vy, Mahal kita. 594 00:54:28,240 --> 00:54:30,160 Mamatay ka na… 595 00:54:30,240 --> 00:54:33,440 Mamatay… Kailangan mamatay! 596 00:54:44,760 --> 00:54:46,440 Vy… Bao… 597 00:54:46,520 --> 00:54:48,200 Ray… 598 00:54:48,280 --> 00:54:50,480 Mamatay… Kailangan mamatay! 599 00:54:50,560 --> 00:54:52,360 Mamatay. Kailangan mamatay! 600 00:54:52,440 --> 00:54:55,800 Vy… Vy, Mahal kita… 601 00:54:58,000 --> 00:54:59,200 Lubayan mo ako! 602 00:55:06,800 --> 00:55:08,200 Tigil! 603 00:55:21,240 --> 00:55:22,600 Bach! 604 00:55:33,040 --> 00:55:35,720 Kagipitan! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis! 605 00:55:44,240 --> 00:55:46,000 Vy! 606 00:56:18,000 --> 00:56:18,840 Nagsisisi ka pa rin? 607 00:56:20,880 --> 00:56:21,720 Oo. 608 00:56:26,400 --> 00:56:27,880 Pero ang mga magulang mo ay mga magulang mo rin. 609 00:56:29,680 --> 00:56:30,760 At ikaw… 610 00:56:31,840 --> 00:56:33,000 ang ginto ko. 611 00:56:36,040 --> 00:56:39,400 Simula ng nagtapos ka, 612 00:56:39,480 --> 00:56:41,720 ito ang una mong kasong pagpatay, tama? 613 00:56:41,800 --> 00:56:42,640 Oo. 614 00:56:44,840 --> 00:56:46,200 Mahirap ang napunta sa'yo. 615 00:56:47,400 --> 00:56:50,200 Kaya naman napakaraming kahinaan ang naipakita ko. 616 00:56:50,280 --> 00:56:53,000 Magaling ka. Mas magaling kaysa sa akin noon. 617 00:56:53,800 --> 00:56:56,160 Sa totoo lang, noong una… 618 00:56:56,800 --> 00:56:57,960 ang akala ko… 619 00:56:58,720 --> 00:57:00,880 ikaw iyong tipong bumabase sa libro. 620 00:57:00,960 --> 00:57:02,960 Pero matapos kitang makasama sa trabaho, 621 00:57:03,040 --> 00:57:05,440 nakikita ko na kung bakit ikaw ang pinakamahusay sa klase mo. 622 00:57:06,600 --> 00:57:07,520 Mahusay! 623 00:57:07,600 --> 00:57:09,720 Pakiusap, tigilan mo na ang pang-aasar sa akin! 624 00:57:09,800 --> 00:57:12,200 Alam kong marami pa akong pagdaraanan. 625 00:57:17,400 --> 00:57:20,720 Ma, gumising ka! Ma! 626 00:57:20,800 --> 00:57:22,440 Ma! 627 00:57:22,520 --> 00:57:24,520 Gumising ka! 628 00:57:25,160 --> 00:57:26,920 Gumising ka, Ma! 629 00:57:27,800 --> 00:57:29,520 Ma! 630 00:57:31,200 --> 00:57:32,760 Ma! 631 00:57:34,600 --> 00:57:36,720 Pakiusap, gumising ka! 632 00:57:38,320 --> 00:57:41,040 Ma! 633 00:57:41,120 --> 00:57:42,640 ‎AMBULANSYA 634 00:58:05,920 --> 00:58:12,320 SAKAYAN NG BUS 635 00:58:26,840 --> 00:58:29,400 DA LAT - DUC TRONG BUS 636 00:58:51,480 --> 00:58:54,640 ISTASYONG DUC TRONG 637 00:59:06,520 --> 00:59:07,680 Uy, bata! 638 00:59:08,720 --> 00:59:11,440 Bakit nag-iisa ka? Nasaan ang mama mo? 639 00:59:15,640 --> 00:59:16,720 Bakit hindi mo ako sinasagot? 640 00:59:18,080 --> 00:59:20,920 Ano'ng pangalan mo? Saan ka nakatira? 641 00:59:36,160 --> 00:59:37,560 Ma! 642 00:59:41,720 --> 00:59:43,360 Maraming dugo ang nawala sa'yo. 643 00:59:43,440 --> 00:59:45,240 Mabuti na lang at binigyan ka ni Bao. 644 00:59:45,920 --> 00:59:46,840 Kahanga-hanga 645 00:59:46,920 --> 00:59:49,720 na ang batang ito ay 'di man lang umingit noong tinurukan siya ng karayom. 646 00:59:55,880 --> 00:59:57,200 -Bao. -Po? 647 00:59:57,280 --> 00:59:59,000 Pwede ko bang kausapin ang mama mo sandali? 648 00:59:59,080 --> 00:59:59,920 Sige. 649 01:00:07,080 --> 01:00:10,400 Nagtingin ako ng ilang mga lokal na rekord ng pulis. 650 01:00:10,480 --> 01:00:13,880 May ulat talaga na may isang maliit na batang may amnesia, 651 01:00:13,960 --> 01:00:15,960 pero walang dumating para sa kanya. 652 01:00:16,760 --> 01:00:19,720 Mukhang takot malantad ang grupo ni Gng. Hong… 653 01:00:19,800 --> 01:00:21,160 kaya hindi ka nila hinanap. 654 01:00:21,240 --> 01:00:22,560 Iba para kay Luu. 655 01:00:23,960 --> 01:00:28,280 Pagkaraan ng ilang dekada, tila humupa na ang mga bagay. 656 01:00:28,360 --> 01:00:31,880 Kaya… mas madali na niya akong natunton. 657 01:00:31,960 --> 01:00:33,880 Mula sa bahay-ampunan, natagpuan niya ang kapehan mo. 658 01:00:33,960 --> 01:00:37,280 Napagtanto ni Luu na ikaw ang susi sa kayamanan niya. 659 01:00:38,080 --> 01:00:40,800 Maliban sa katotohanang nawalan ka ng alaala. 660 01:00:44,520 --> 01:00:46,080 Mga snapdragon. 661 01:00:49,400 --> 01:00:51,200 Noong una akong nakarating sa Scarlet Hill, 662 01:00:52,000 --> 01:00:54,080 akala ko ay nahanap ko na ang kapayapaan. 663 01:00:57,880 --> 01:00:59,680 Hindi ko akalaing… 664 01:00:59,760 --> 01:01:01,600 naglalakad pala ako papunta sa isang patibong. 665 01:01:03,200 --> 01:01:05,400 Alam mo ba na ang mga lantang snapdragon 666 01:01:05,480 --> 01:01:08,520 ay nag-iiwan ng mga tuyong buto na mukhang mga bungo? 667 01:01:11,280 --> 01:01:12,920 Mukha silang maganda sa umpisa… 668 01:01:14,840 --> 01:01:17,440 pero sa huli'y ipinakikita ang tunay na anyo nila. 669 01:01:22,360 --> 01:01:23,640 Katulad ni Luu. 670 01:01:26,680 --> 01:01:27,880 Pero sa kabutihang-palad, 671 01:01:27,960 --> 01:01:31,440 tinulungan niya akong maibalik ang mga nawala kong alaala. 672 01:01:33,200 --> 01:01:34,600 Ang mga magulang ko… 673 01:01:34,680 --> 01:01:37,960 ang pinakamahalagang alaala sa akin. 674 01:01:41,320 --> 01:01:44,640 Natagpuan na namin ang bangkay ni Van… 675 01:01:44,720 --> 01:01:46,920 sa loob ng tangke ng tubig na nasa abandonadong mansiyon. 676 01:01:47,840 --> 01:01:51,720 Tugma sa DNA ni Luu ang balat sa ilalim ng mga kuko niya. 677 01:01:53,400 --> 01:01:56,760 Ibinili ni Luu si Van ng panloob na bestida bilang regalo. 678 01:01:59,760 --> 01:02:01,840 Walang sinomang minahal si Luu. 679 01:02:03,000 --> 01:02:05,520 Marahil ay biktima rin si Van tulad ko. 680 01:02:06,120 --> 01:02:07,960 Isang gamit para kay Luu para mahanap ang ginto niya. 681 01:02:09,840 --> 01:02:11,480 Ano'ng gagawin mo tungkol sa kayamanan? 682 01:02:13,440 --> 01:02:15,680 Iyang bali-balitang kayamanan… 683 01:02:15,760 --> 01:02:18,200 ang dahilan ng pagkawala ng maraming buhay. 684 01:02:18,280 --> 01:02:19,600 Ayaw ko nang pag-usapan pa iyan. 685 01:02:22,320 --> 01:02:25,160 Magpahinga ka na. Aalis na ako. 686 01:02:27,920 --> 01:02:30,000 -Bach! -O? 687 01:02:30,960 --> 01:02:32,360 Pwede ba akong humingi ng pabor? 688 01:02:33,440 --> 01:02:34,280 Sige lang. 689 01:02:35,120 --> 01:02:36,960 Gusto kong isama si Truc. 690 01:02:38,640 --> 01:02:42,200 Kapatid ko pa rin siya sa ama. 691 01:02:43,200 --> 01:02:45,120 Mag-isa na lang siya ngayon. 692 01:02:45,200 --> 01:02:47,960 Pareho kayo ni Truc na biktima ng kasakiman. 693 01:02:48,040 --> 01:02:50,000 O, sige! Titingnan ko kung ano ang magagawa ko. 694 01:02:50,080 --> 01:02:51,560 Magpahinga ka. 695 01:02:56,760 --> 01:03:00,920 ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS 696 01:03:11,920 --> 01:03:13,800 Patingin ako ng kamay mo. 697 01:03:18,560 --> 01:03:20,680 Malas! Sobrang malas! 698 01:03:21,480 --> 01:03:23,480 Hindi maganda ang linya ng pera mo. 699 01:03:23,560 --> 01:03:25,880 Dapat mo ring alagaan ang kalusugan mo. 700 01:03:27,040 --> 01:03:28,960 Ibigay mo sa akin ang kamay mo. Babasahin ko. 701 01:03:29,800 --> 01:03:32,600 Dito. Mukang maganda ang linyang ito. 702 01:03:32,680 --> 01:03:34,600 Dadalhin ka nito… deretso sa bilangguan! 703 01:03:35,280 --> 01:03:36,600 Mas maganda pa ang linyang ito. 704 01:03:36,680 --> 01:03:39,120 Ipinakikita nito ang mismong araw kung kailan ka ikukulong. 705 01:03:39,200 --> 01:03:40,120 Ngayong araw! 706 01:03:43,320 --> 01:03:45,080 Wala akong kinalaman sa Scarlet Hill. 707 01:03:46,320 --> 01:03:47,280 Kahapon, 708 01:03:47,360 --> 01:03:50,720 may ibinenta kang pampabatang gamot sa nanay nitong isang babae. 709 01:03:50,800 --> 01:03:53,400 Pagkatapos niyang inumin, naospital siya. 710 01:04:47,120 --> 01:04:48,800 Uy! G. Bach! 711 01:04:50,400 --> 01:04:52,240 Nahuli na kita, Bao! 712 01:04:59,040 --> 01:05:00,200 Bach? 713 01:05:02,160 --> 01:05:04,400 Hala? Ano'ng ginagawa mo sa lugar na ito? 714 01:05:04,480 --> 01:05:06,120 Ano? Magkakilala ba tayo? 715 01:05:11,840 --> 01:05:14,080 Napakaaliwalas… at kyut na kapehan! 716 01:05:17,840 --> 01:05:18,880 Mabango rin ang kape! 717 01:05:21,160 --> 01:05:23,120 At ang may-ari… 718 01:05:23,200 --> 01:05:24,800 paniguradong… 719 01:05:26,200 --> 01:05:27,640 ganoon din! 720 01:05:54,160 --> 01:05:57,480 ‎HANGO SA NOBELANG ‎SCARLET HILL‎ NI DI LI 721 01:07:52,200 --> 01:07:55,120 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Rose H.