1 00:00:05,958 --> 00:00:08,916 -Ano iyon? -Ha, si Mom? 2 00:00:16,958 --> 00:00:19,333 'Di ako makapaniwalang aalis siya ng ganun lang. 3 00:00:20,125 --> 00:00:22,166 Ano'ng nangyayari sa kanya? 4 00:00:22,958 --> 00:00:24,791 Alma, ano'ng ginawa mo? 5 00:00:25,375 --> 00:00:27,041 Gumuguho ang mundo. 6 00:00:33,541 --> 00:00:36,500 Bakit tayo nandito? Becca, ginagawa mo ba ito? 7 00:00:36,916 --> 00:00:39,083 Hindi! Hindi ko alam kung ano ito. 8 00:00:39,166 --> 00:00:43,166 Hindi ito ang aking alaala. Hindi pa ako nakalabas sa sarili kong mga alaala. 9 00:00:47,458 --> 00:00:48,958 Sandali, Dad? 10 00:00:49,916 --> 00:00:51,416 Napakaraming kalungkutan. 11 00:00:51,500 --> 00:00:53,833 Hayaan mo lang na balutin ka ng damdamin mo. 12 00:00:55,208 --> 00:00:57,416 Kailangan nating umalis na rito. Ngayon na! 13 00:00:57,500 --> 00:00:58,875 -Becca. -Ngayon na! 14 00:00:58,958 --> 00:01:00,291 Becca! Lintik! 15 00:01:08,000 --> 00:01:09,583 Okey ka lang. 16 00:01:11,208 --> 00:01:13,375 Dad, alaala mo ba iyon? 17 00:01:14,458 --> 00:01:16,958 Hindi. Hindi niya alaala 'yon. 18 00:01:17,583 --> 00:01:20,583 Nakuha mo lang ang takot ni Dad nang iniwan siya ni Mom. 19 00:01:20,666 --> 00:01:22,291 Parang tunay na tunay. 20 00:01:23,500 --> 00:01:26,416 Becca, ang mga pangitaing ito, 21 00:01:27,375 --> 00:01:30,458 pwedeng maging exciting, pero pwede ring maging napakalaki 22 00:01:30,541 --> 00:01:34,416 na hindi mo namamalayan, kaya iwanan mo sila. 23 00:01:34,500 --> 00:01:37,583 -Okey. Susubukan ko. -Ano'ng gagawin natin tungkol kay Mom? 24 00:01:37,666 --> 00:01:40,166 Ano man ang pinagdaraanan niya, problema niya 'yon. 25 00:01:40,250 --> 00:01:42,416 Problema mo ang tapusin ang dissertation mo. 26 00:01:42,500 --> 00:01:44,791 Dad, naman! 'Di natin alam saan siya pumunta. 27 00:01:44,875 --> 00:01:48,416 -Baka nagkaproblema siya -Sige! Titingnan ko ang mga credit card. 28 00:01:52,166 --> 00:01:55,500 Bumili siya ng plane ticket papuntang Mexico. 29 00:01:57,333 --> 00:01:59,125 Pupuntahan niya ang pamilya niya. 30 00:01:59,208 --> 00:02:02,416 Umalis siya sa kalagitnaan ng gabi para bisitahin ang pamilya? 31 00:02:02,500 --> 00:02:03,750 Parang gano'n na nga. 32 00:02:03,833 --> 00:02:07,291 Kaya umuwi na kayong dalawa at matulog na, 33 00:02:07,666 --> 00:02:11,291 at mahimasmasan, kayong mga lasenggera, okey? 34 00:02:11,750 --> 00:02:14,708 At ang nanay n'yo, uuwi siya kapag handa na siya, 35 00:02:14,791 --> 00:02:16,750 at magiging maayos ang lahat. 36 00:02:16,833 --> 00:02:18,375 Makikita n'yo. 37 00:02:28,041 --> 00:02:32,875 Dumaan ako para kunin ang mga gamit. 'Di ko pa alam kung ano'ng paniniwalaan. 38 00:02:34,125 --> 00:02:35,625 Sana mapagkatiwalaan kita. 39 00:02:54,125 --> 00:02:58,333 Hello. Ito si Camila Diaz. Mangyaring mag-iwan ang mensahe. 40 00:02:59,625 --> 00:03:01,500 Okey, ngayon ano'ng gagawin ko? 41 00:03:02,958 --> 00:03:04,458 Hi, Mom, ako ito. 42 00:03:05,541 --> 00:03:08,541 Patawad talaga kung nakialam kami nang gano'n. 43 00:03:08,625 --> 00:03:10,750 Nag-aalala lang talaga kami sa'yo. 44 00:03:11,666 --> 00:03:14,083 Tatawagan kita palagi hanggang sagutin mo, okey? 45 00:03:14,166 --> 00:03:16,250 Kaya baka dapat sagutin mo na lang. 46 00:03:27,625 --> 00:03:28,958 Pindutin ang button. 47 00:03:29,791 --> 00:03:32,791 Bakit mo naisip na magiging masaya ka sa anumang katotohanan? 48 00:03:34,208 --> 00:03:35,750 Alma. Gising. 49 00:03:37,208 --> 00:03:39,125 Alma. Gising. 50 00:03:40,583 --> 00:03:43,000 Mahalaga ito. Halika na. 51 00:03:46,208 --> 00:03:47,875 Wow, ganda naman ng gising ko. 52 00:03:47,958 --> 00:03:51,833 'Di sumasagot si Mom sa mga tawag ko. Ngayon puno na ang mailbox niya. 53 00:03:51,916 --> 00:03:53,875 Ilang voicemail ang iniwan mo? 54 00:03:53,958 --> 00:03:57,208 -'Di na mahalaga 'yon. Parang, 27. -Dalawampu't... 55 00:03:57,291 --> 00:04:00,041 Paano kung hiniwalayan niya si Alejandro, at ayaw nito, 56 00:04:00,125 --> 00:04:03,416 kaya kailangan niyang i-wire ang pera sa isang safe-house? 57 00:04:03,500 --> 00:04:05,916 Oo. Baka nasa panganib si Mom. 58 00:04:06,000 --> 00:04:09,125 -'Yan na nga ang sinasabi ko. -Ano ang gagawin natin ngayon? 59 00:04:09,208 --> 00:04:12,916 Iniisip ni Dad na binisita niya ang pamilya niya. 60 00:04:13,000 --> 00:04:15,791 -Tawagan natin, tingnan kung 'andun siya. -Sige. 61 00:04:17,500 --> 00:04:18,750 Upo ka rito, partner. 62 00:04:19,500 --> 00:04:20,875 Kumusta, mga mahal ko! 63 00:04:21,000 --> 00:04:21,833 Sino to? 64 00:04:21,916 --> 00:04:23,833 Sina Alma at Becca. 65 00:04:23,916 --> 00:04:27,625 Naku, akala ko manliligaw mo. 66 00:04:27,708 --> 00:04:31,208 Ay hindi! Tumigil ka! 67 00:04:31,291 --> 00:04:33,416 May manliligaw ka ba, Lola? 68 00:04:33,500 --> 00:04:38,541 Pwede ba. May kaibigan akong kasama kong nagsisimba. Iyon lang. 69 00:04:39,416 --> 00:04:42,583 Okey, mga anghel ko. Gustung-gusto kong nakikita kayo. 70 00:04:42,666 --> 00:04:45,083 Sabihin n'yo sa'kin. Ano'ng balita? 71 00:04:45,166 --> 00:04:47,125 Hinahanap namin si Mom. 72 00:04:47,208 --> 00:04:48,916 Nag-flight siya papuntang Mexico kagabi. 73 00:04:49,000 --> 00:04:52,125 Naisip namin na baka nandiyan. 74 00:04:52,208 --> 00:04:54,750 Nasa Mexico siya at hindi siya tumawag? 75 00:04:54,833 --> 00:04:57,583 May ideya ka ba kung saan siya pwedeng pumunta? 76 00:04:57,666 --> 00:04:59,625 Dito lang naman siya pwedeng pumunta. 77 00:04:59,708 --> 00:05:02,125 Tulad n'yong dalawa. Dapat nandito kayo. 78 00:05:02,208 --> 00:05:05,208 Dapat nandito kayong lahat kasama ko. 79 00:05:05,291 --> 00:05:06,750 Punta kami riyan? 80 00:05:06,833 --> 00:05:09,250 Oo! Sige! Puntahan n'yo ako! 81 00:05:09,333 --> 00:05:11,041 Baka papunta na ang nanay n'yo rito. 82 00:05:11,125 --> 00:05:11,958 Sige. 83 00:05:12,041 --> 00:05:12,916 Nakakatuwa. 84 00:05:13,000 --> 00:05:14,500 Ba-bye, mga mahal ko! 85 00:05:14,583 --> 00:05:16,666 -Bye. Miss ka namin! -Ba-bye! 86 00:05:16,750 --> 00:05:18,333 Pupunta tayo nang ilang araw, 87 00:05:18,416 --> 00:05:21,833 siguraduhing okey si Mom, at pagkatapos babalik agad. 88 00:05:21,916 --> 00:05:23,458 Gusto ko ang planong ito. 89 00:05:24,541 --> 00:05:27,333 Uy, ang galing natin parehong mag-Espanyol? 90 00:05:27,791 --> 00:05:29,291 Ang wirdo mo. 91 00:05:50,125 --> 00:05:53,791 Ayyy! Gustung-gusto kong makita ang dalawang apo kong babae! 92 00:05:53,875 --> 00:05:57,958 Diyos ko, tingnan mo. Mga supermodel ba kayo? 93 00:05:58,041 --> 00:06:00,250 Hindi, Lola. 94 00:06:00,333 --> 00:06:01,833 Ako. 95 00:06:02,208 --> 00:06:03,041 Uy! 96 00:06:03,125 --> 00:06:05,250 Hi, Tíya Monse! Kumusta ka na? 97 00:06:05,333 --> 00:06:07,708 Alma at Becca! Diyos ko! 98 00:06:07,791 --> 00:06:11,708 Ang mga paborito kong mga pamangkin! Kumusta na kayo? 99 00:06:11,791 --> 00:06:14,041 May alam akong bar na may masarap na cocktail. 100 00:06:14,125 --> 00:06:15,833 Nasa trabaho si Tíyo Oscar, 101 00:06:15,916 --> 00:06:18,250 pero gusto niya kayong yakapin at halikan. 102 00:06:18,333 --> 00:06:20,875 Ay! Gusto namin ang yakap at halik ni Tíyo Oscar. 103 00:06:20,958 --> 00:06:24,041 Oo, napakapalakaibigan niya. 104 00:06:26,208 --> 00:06:30,416 Aba, hindi pa rin sumasagot ang nanay n'yo sa mga tawag namin. 105 00:06:30,500 --> 00:06:31,916 'Di ko alam kung nasaan na siya. 106 00:06:32,000 --> 00:06:34,375 Napakapribado niyang tao. 107 00:06:34,458 --> 00:06:35,833 Maraming sikreto, siguro. 108 00:06:35,916 --> 00:06:39,666 Becca, kailan darating si baby Reed o baby Becca? 109 00:06:39,750 --> 00:06:42,208 Tingnan natin! 110 00:06:42,291 --> 00:06:45,333 Pero may ipapakita kami sa inyo. 111 00:06:47,041 --> 00:06:48,416 Mukhang pamilyar ba ito sa inyo? 112 00:06:48,500 --> 00:06:50,666 Nakita namin itong painting ni mom. 113 00:06:50,750 --> 00:06:53,416 Pinirmahan ito ng isang nagngangalang Alejandro. 114 00:06:53,500 --> 00:06:56,333 Hindi. Wala kaming kilalang Alejandro. 115 00:06:56,416 --> 00:07:00,000 Maliban sa anak ni Vicente Fernández, si Alejandro Fernández. 116 00:07:00,083 --> 00:07:01,291 Sino 'yon? 117 00:07:01,375 --> 00:07:03,958 Sikat na sikat na mang-aawit. 118 00:07:04,041 --> 00:07:05,916 Hindi namin siya kilala talaga. 119 00:07:06,000 --> 00:07:09,958 Ang galing kumanta ng rancheras ang tatay niya. 120 00:07:11,833 --> 00:07:13,416 Teka lang, Lola. 121 00:07:13,500 --> 00:07:18,958 May kilala ka bang dating boyfriend na binibisita ng mom namin? 122 00:07:19,041 --> 00:07:20,416 Boyfriend? Wala! 123 00:07:20,500 --> 00:07:22,416 Hindi, wala siyang dating boyfriend! 124 00:07:22,500 --> 00:07:24,500 May dating boyfriend ang mom n'yo, pero... 125 00:07:24,583 --> 00:07:26,625 Tama na, Monse! 126 00:07:26,708 --> 00:07:30,333 Wala kaming alam na dating boyfriend niya! 127 00:07:30,416 --> 00:07:33,291 Tingnan mo nga nang malapitan ito? 128 00:07:33,375 --> 00:07:36,041 Para lang siguradong hindi pamilyar ito. 129 00:07:38,375 --> 00:07:41,166 Hindi. Hindi pamilyar. 130 00:07:41,833 --> 00:07:42,875 Pasensya na. 131 00:07:54,500 --> 00:07:57,750 Becca! Dinala mo kami sa alaala ni lola. 132 00:07:58,625 --> 00:07:59,833 'Yon si Mom. 133 00:08:02,083 --> 00:08:03,833 Parang may mali. 134 00:08:03,916 --> 00:08:04,791 Pasensya na. 135 00:08:04,875 --> 00:08:07,000 Hindi ko alam ang painting na ito. 136 00:08:07,708 --> 00:08:08,791 Naiintindihan n'yo ba? 137 00:08:09,833 --> 00:08:11,458 Galit kayo, Lola? 138 00:08:11,541 --> 00:08:16,166 Hindi! Ayaw ko lang pag-usapan pa 'yan. 139 00:08:19,125 --> 00:08:20,291 -Sige. -Sige. 140 00:08:24,625 --> 00:08:28,375 Tingnan mo, Becca, nakarating ka na sa Great Wall of Matrimony. Congrats. 141 00:08:28,458 --> 00:08:29,666 Oo nga. 142 00:08:30,916 --> 00:08:33,041 Gusto ko ang litratong 'yon ni Mom at Dad. 143 00:08:33,125 --> 00:08:36,041 Oo. Mukhang masaya sila. 144 00:08:39,000 --> 00:08:41,416 Ano sa palagay mo ang tinatago ni lola? 145 00:08:41,500 --> 00:08:45,166 Hindi ko alam. Sobrang wirdo no'ng pangitaing pinuntahan natin. 146 00:08:45,250 --> 00:08:48,083 Parang nilalabanan niya ito. 147 00:08:48,166 --> 00:08:51,291 Pero siguro takot niya lang 'yon, tulad no'ng kay Dad? 148 00:08:53,291 --> 00:08:55,000 Sa tingin ko totoong alaala 'yon. 149 00:08:55,083 --> 00:08:57,875 Anuman iyon, ayaw niyang tumingin tayo ro'n. 150 00:08:58,416 --> 00:09:00,250 Siguro dapat ka pang maging open. 151 00:09:00,583 --> 00:09:02,958 -Ano'ng ibig mong sabihin? -Maawain ka. 152 00:09:03,041 --> 00:09:07,708 Kapag in-access mo ang alaala ng isang tao. dinadamayan mo lahat ng emosyon. 153 00:09:07,791 --> 00:09:10,458 Pero 'pag natutunan mong maging open at walang halaga, 154 00:09:10,541 --> 00:09:15,166 dadaloy ang emosyon sa'yo, at mararanasan ang mas malinaw na katotohanan. 155 00:09:15,250 --> 00:09:17,916 Tama talaga 'yang sinabi mo at parang ang dali-dali. 156 00:09:18,000 --> 00:09:21,291 Subok nang subok. Makukuha mo rin 'to. Kausapin natin uli si lola, 157 00:09:21,375 --> 00:09:23,583 -Eh si Tiya Monse? -Ano si Tiya? 158 00:09:23,666 --> 00:09:25,875 May alam siya. Pwede natin siyang tanungin. 159 00:09:25,958 --> 00:09:27,458 Sige. Mag-umpisa tayo ro'n. 160 00:09:29,500 --> 00:09:31,083 Naku, si Dad. 161 00:09:34,500 --> 00:09:36,916 Alamin muna natin ang sasabihin bago bumalik. 162 00:09:40,875 --> 00:09:44,125 Dalawa pang paloma at isang whiskey. Salamat. 163 00:09:44,208 --> 00:09:48,541 Sobrang saya ko! Salamat sa pag-imbita sa akin na uminom. 164 00:09:48,625 --> 00:09:52,666 Pakiramdam ko, ako 'yong batang babae na tumatakas papuntang party. 165 00:09:52,750 --> 00:09:56,166 Parang si Becca! Noon lumalabas at nanghahalik siya ng mga lalaki. 166 00:09:56,250 --> 00:10:00,500 Hindi ah! Nagsisinungaling ka! Laging behave si Becca noon. 167 00:10:00,583 --> 00:10:03,083 Alma, ikaw 'yong tumitira ng damo noon sa attic! 168 00:10:04,958 --> 00:10:10,083 Nakakaloko. Kung makaarte si Camila noon parang napakababait ninyong anghel. 169 00:10:10,166 --> 00:10:14,333 -Maliban kay Alma na hindi gaanong mabait. -Hindi, hindi gaano si Alma. 170 00:10:14,416 --> 00:10:15,791 Eh ikaw, Tíya? 171 00:10:15,875 --> 00:10:18,250 -Ako? Ay, ay, ay! -Oo, ikaw? 172 00:10:18,333 --> 00:10:22,625 Noong nasa sekondarya ako, sa eskwelahan, 173 00:10:22,708 --> 00:10:27,125 nagtitinda ako... Paano mo sasabihin sa English yung... 174 00:10:28,416 --> 00:10:29,541 -Cocaine? -Ano? 175 00:10:29,625 --> 00:10:32,833 -Putragis. -Hindi ko yun inaasahan! Ano? 176 00:10:32,916 --> 00:10:35,958 '80s iyon. Kailangan ko ng pera para sa magandang fashion ko. 177 00:10:36,041 --> 00:10:40,125 Diyos ko. Gumawa rin ba ng ganyan si mom? Mga astig at nakakatuwa? 178 00:10:40,208 --> 00:10:41,958 Hindi. Sus. 179 00:10:43,041 --> 00:10:45,916 Hindi. 180 00:10:46,000 --> 00:10:47,708 Ba't ka napatigil? 181 00:10:47,791 --> 00:10:49,750 -Anong napatigil? -Hindi. Napatigil ka! 182 00:10:49,833 --> 00:10:52,166 -Hindi! -Oo. 183 00:10:52,250 --> 00:10:53,916 'Di ko sikreto ito para sabihin. 184 00:10:54,000 --> 00:10:58,125 Sige na, please, Tiya. Sabihin mo na. Alam mo naman kung gaano kasikreto si Mom. 185 00:10:58,208 --> 00:11:00,708 'Di yun magkukwento. Kilalanin lang naming maigi. 186 00:11:00,791 --> 00:11:03,666 Ano sasabihin ni Camila 'pag nalamang sinabi ko ito? 187 00:11:03,750 --> 00:11:08,208 Wala kaming sasabihin sa kanya. Tíya! 188 00:11:08,458 --> 00:11:10,833 -Tíya! -Okey, sige! Ah... 189 00:11:11,791 --> 00:11:14,791 Kanina, no'ng nagtatanong kayo tungkol sa boyfriend... 190 00:11:15,875 --> 00:11:18,750 No'ng bata pa kami, nagkaroon ng boyfriend ang nanay n'yo. 191 00:11:19,333 --> 00:11:21,125 Nag-aaral siya sa simbahan, 192 00:11:21,208 --> 00:11:24,333 sa seminaryo, para maging pari, 193 00:11:24,416 --> 00:11:28,125 at talagang nagmamahalan sila. 194 00:11:30,791 --> 00:11:33,541 Madali nating malalaman sa ganito. 195 00:11:33,625 --> 00:11:35,666 Tingnan mo. Si Tíya Monse. 196 00:11:39,208 --> 00:11:41,416 Nakita ko sila noong bata pa ako. 197 00:11:42,208 --> 00:11:45,791 Sa edad na 'yon, nakakita na ako ng halikan sa pelikula at telebisyon, 198 00:11:46,291 --> 00:11:48,250 pero ito hindi pekeng tulad no'n. 199 00:11:48,708 --> 00:11:52,833 Ang pagmamahalan nila sa isa't isa siguro ang hinahanap ko 200 00:11:52,916 --> 00:11:54,916 mula pa noon, at hindi ko nakita. 201 00:11:55,833 --> 00:11:58,416 Ito 'yong oras na nag-iba na si Camila. 202 00:11:58,875 --> 00:12:00,500 Wala na siyang inaalala. 203 00:12:00,583 --> 00:12:02,625 Gusto kong makilala mo ang boyfriend ko. 204 00:12:03,041 --> 00:12:06,750 Pero kailangan mong ilihim, okey? 205 00:12:09,625 --> 00:12:13,375 Dinala nila ako sa mundo nila, at parang pangalawang pamilya na niya kami 206 00:12:13,458 --> 00:12:14,916 sa aming sariling pamilya. 207 00:12:16,625 --> 00:12:18,666 Ngunit kailangan naming mag-ingat. 208 00:12:27,041 --> 00:12:30,875 Nagpapadala sa'kin ng mga sikretong mensahe para sa isa't isa ang nanay n'yo. 209 00:12:35,500 --> 00:12:38,291 Gumagamit sila ng pekeng pangalan at sikretong lugar. 210 00:12:38,375 --> 00:12:40,000 Magkita tayo sa nagniningning na bundok. Nagmamahal, Maria. 211 00:12:40,083 --> 00:12:42,083 Para akong isang maliit na espiya. 212 00:12:43,041 --> 00:12:47,541 Pero nagkaproblema si Camila, at pinadala ang nobyo niya sa ibang simbahan. 213 00:12:48,000 --> 00:12:49,708 Nadurog ang puso niya. 214 00:12:50,250 --> 00:12:51,125 Pasensya na. 215 00:12:51,458 --> 00:12:55,500 At pagkatapos noon, parang nag-iba na ang nanay n'yo. 216 00:12:56,458 --> 00:12:58,916 Lumayas siya sa bahay, at hindi na naibalik 217 00:12:59,000 --> 00:13:01,250 ang dati naming relasyon ng nanay n'yo. 218 00:13:02,083 --> 00:13:03,625 Kailangan kong lumayo ngayon. 219 00:13:05,958 --> 00:13:08,625 Hindi ko alam kung sinisisi niya ako sa note. 220 00:13:11,333 --> 00:13:14,041 Pero may higit pa sa kwentong ito. 221 00:13:14,708 --> 00:13:16,875 Noong 12 taong gulang ako, 222 00:13:16,958 --> 00:13:19,916 sabi sa'kin ng nanay ko pumasok si Camila sa unibersidad, 223 00:13:20,000 --> 00:13:23,166 pero kalaunan, narinig kong iba ang sinabi niya sa tatay ko. 224 00:13:23,250 --> 00:13:25,375 No'ng naging pari na raw 'yong lalaki, 225 00:13:25,458 --> 00:13:28,666 nakipag-live in daw si Camila sa kanya. Sa kasalanan. 226 00:13:28,750 --> 00:13:32,416 Diyos ko. Nakatira siya sa lalaki kahit nalipat na siya? 227 00:13:32,500 --> 00:13:34,166 Sinasabi ko iyon sa sarili ko 228 00:13:34,250 --> 00:13:37,125 dahil hindi gaanong malungkot 'pag gano'n ang paniwala mo. 229 00:13:37,208 --> 00:13:38,958 Naaalala mo ba ang pangalan niya? 230 00:13:39,041 --> 00:13:42,333 Alejandro ba? At nagpinta ba siya ng portrait ni mom? 231 00:13:42,416 --> 00:13:47,750 Hindi, hindi 'yan ang pangalan niya, pero mga code nga ang gamit nila. 232 00:13:47,833 --> 00:13:50,291 Siya lang siguro ang nakakaintindi nito. 233 00:13:50,375 --> 00:13:51,875 Saan siya ngayon? 234 00:13:51,958 --> 00:13:54,750 Hindi. Hindi ko sasabihin sa inyo. 235 00:13:54,833 --> 00:13:57,291 Sige na Tiya. Gusto lang naming tulungan siya. 236 00:13:57,375 --> 00:14:00,583 Inaayos lang namin mga bagay sa amin. Sige na. 237 00:14:01,000 --> 00:14:02,708 Iyan lang. Ipinapangako ko. 238 00:14:15,208 --> 00:14:16,375 'Yon siya. 239 00:14:16,500 --> 00:14:18,250 Tara. Kaya ko 'to. 240 00:14:20,541 --> 00:14:24,708 Hello. Welcome sa La Iglesia de la Virgen de Guadalupe. 241 00:14:24,791 --> 00:14:29,125 Okey. Hinahanap namin ang nanay namin. Ang pangalan niya ay Camila Diaz. 242 00:14:29,208 --> 00:14:33,041 Umalis siya sa bayan ng ilang araw na, at wala pa kaming naririnig sa kanya. 243 00:14:34,166 --> 00:14:35,958 Ikinalulungkot kong marinig ito. 244 00:14:36,041 --> 00:14:39,333 Ano ba sa'yo ang pangalang Alejandro? 245 00:14:42,833 --> 00:14:44,333 Wala sa tingin ko kaya... 246 00:14:44,416 --> 00:14:47,083 Alam naming nagkaroon ka ng affair sa mom namin. 247 00:14:47,166 --> 00:14:48,750 Alam naming mahal ka niya. 248 00:14:48,833 --> 00:14:52,833 'Di namin talaga alam 'yan. 'Di kami sigurado. 249 00:14:52,916 --> 00:14:54,833 Napakalaking akusasyon nito. 250 00:14:54,916 --> 00:14:58,083 Padre, patawarin mo ang kapatid ko Humihingi siya ng paumanhin. 251 00:14:58,916 --> 00:15:01,000 Nag-aalala lang kami nang sobra sa kanya. 252 00:15:01,083 --> 00:15:04,083 At naghahanap kami ng impormasyon kung nasaan na siya. 253 00:15:04,166 --> 00:15:06,708 Ikinalulungkot kong nawawala ang nanay n'yo, 254 00:15:07,333 --> 00:15:11,833 pero hindi ko pa nakita si Camila sa maraming taon. 255 00:15:11,916 --> 00:15:14,625 Nasa panalangin ko kayo ng nanay n'yo. 256 00:15:14,708 --> 00:15:17,416 Maraming salamat sa oras mo, Father. 257 00:15:17,500 --> 00:15:19,750 -Tara na. -Sinungaling ang lalaking 'yan. 258 00:15:19,833 --> 00:15:22,333 -Tumigil ka. -Sinungaling siya! Alamin mo'ng totoo. 259 00:15:22,416 --> 00:15:26,333 Gusto mo bang mahanap si Mom o hindi? Ikaw lang ang makakagawa nito. 260 00:15:26,541 --> 00:15:28,541 Kung ako gagawa, mapupunta tayo sa fog. 261 00:15:28,625 --> 00:15:31,291 -Ayaw niyang malaman natin. -Subukan lang. 262 00:15:47,333 --> 00:15:49,875 -Naku. -Hindi namin dapat ginagawa ito. 263 00:15:49,958 --> 00:15:51,500 Alam mo ba kung ano ang pangarap ko? 264 00:15:51,583 --> 00:15:53,166 Na makikipagtalik uli ako sa'yo. 265 00:15:53,250 --> 00:15:56,875 Camila, pakiusap. Pagod na ako. 266 00:15:56,958 --> 00:15:58,333 Hindi! 267 00:15:59,000 --> 00:15:59,875 Ang ikasal, 268 00:16:00,583 --> 00:16:02,666 at magkaroon ng pamilya. 269 00:16:02,750 --> 00:16:03,833 Sa iyo. 270 00:16:07,750 --> 00:16:10,875 Oo, masisiyahan ako sa buhay na gano'n. 271 00:16:16,375 --> 00:16:20,166 Nahihiya na ang pamilya ko na inilipat ako. 272 00:16:20,250 --> 00:16:21,666 Kung ititiwalag ako, 273 00:16:21,750 --> 00:16:23,291 hindi nila ako patatawarin. 274 00:16:25,625 --> 00:16:26,833 Camila. 275 00:16:29,125 --> 00:16:31,708 'Di natin dapat sirain ang buhay natin. 276 00:16:31,791 --> 00:16:34,083 Ayokong sirain din ang pamilya mo, 277 00:16:34,958 --> 00:16:38,875 May mga pangako tayong mas mahalaga kaysa sa atin. 278 00:16:40,375 --> 00:16:41,750 Ikinalulungkot ko, pero... 279 00:16:44,166 --> 00:16:45,375 Hindi ko magagawa. 280 00:16:47,750 --> 00:16:49,250 Kaya nag-break sila. 281 00:16:49,833 --> 00:16:52,875 Hindi tama ito. Ayoko 'to. Parang mali... 282 00:16:52,958 --> 00:16:54,625 Okey lang. Tara na. 283 00:16:58,791 --> 00:17:01,208 Alam ko mahirap, pero di sa'yo ang sakit na 'yon. 284 00:17:01,291 --> 00:17:04,125 Kung ayaw ng taong kilalanin natin sila... 285 00:17:04,208 --> 00:17:05,500 Tinutulungan natin si Mom. 286 00:17:05,625 --> 00:17:07,875 Ba't takot si Dad na gawin ko 'to? 287 00:17:09,500 --> 00:17:12,166 Siguro sa tingin niya hindi mo kaya 288 00:17:12,250 --> 00:17:14,458 -ang ibang aspeto nito. -Siguro tama siya. 289 00:17:14,541 --> 00:17:19,333 Kalimutan mo si Dad! Alam kong kaya mo! At ginagawa natin ito sa magandang rason. 290 00:17:19,750 --> 00:17:21,166 -Okey. -Okey. 291 00:17:21,250 --> 00:17:24,666 Si lola. May alam siyang ayaw sabihin sa atin, 292 00:17:24,750 --> 00:17:26,125 o kahit aminin sa sarili. 293 00:17:26,208 --> 00:17:28,250 Ayokong makaabala kay lola. 294 00:17:28,333 --> 00:17:31,541 Kung io-open mo ang sarili mo sa mga alaala niya gaya ng ginawa, 295 00:17:31,625 --> 00:17:34,125 pwede mo siyang malusutan at alamin ang itinatago. 296 00:17:34,208 --> 00:17:37,708 Sige. Umalis na tayo at gawin ito, at umasa na 297 00:17:38,041 --> 00:17:41,375 siya ang sagot para mahanap na natin si Mom at makauwi na tayo. 298 00:17:41,458 --> 00:17:43,958 -Becca, ma... -Ayos lang. Umalis na lang tayo. 299 00:17:50,333 --> 00:17:51,708 -Lola? -Ano 'yon? 300 00:17:51,791 --> 00:17:52,958 Pwede tayong mag-usap? 301 00:17:53,416 --> 00:17:54,875 Siyempre. Ano 'yon, apo ko? 302 00:17:55,541 --> 00:17:58,458 Alam namin ang relasyon ng nanay namin kay Father Reyes. 303 00:17:58,541 --> 00:18:00,000 Ano'ng pinagsasasabi n'yo? 304 00:18:00,666 --> 00:18:02,250 Wala akong alam tungkol d'yan. 305 00:18:02,333 --> 00:18:06,583 Sigurado kang wala kang alam sa painting o kay Alejandro? 306 00:18:06,666 --> 00:18:09,916 Itigil n'yo nga ang pag-istorbo sa'kin tungkol dito. 307 00:18:10,000 --> 00:18:11,166 Hindi ko alam. 308 00:18:11,250 --> 00:18:13,500 -Gawin mo. Gawin mo na. -Okey. 309 00:18:25,125 --> 00:18:27,333 Ito ang alaalang hinaharang niya. 310 00:18:30,208 --> 00:18:31,541 'Ayun si Mom. 311 00:19:10,041 --> 00:19:11,708 Ang bahay sa painting. 312 00:19:14,208 --> 00:19:15,458 Ano'ng ginagawa mo rito? 313 00:19:16,750 --> 00:19:19,250 Mom, paano mo ako nakita? 314 00:19:19,333 --> 00:19:20,416 Dito ka ba nakatira? 315 00:19:21,333 --> 00:19:23,041 Sino'ng kasama mo? 316 00:19:23,125 --> 00:19:25,458 Alam kong wala ka na kay Father Reyes ngayon. 317 00:19:25,541 --> 00:19:27,375 Dumaan siya sa bahay hinahanap ka. 318 00:19:27,791 --> 00:19:30,708 May kinakasama ka sigurong bago rito. 319 00:19:30,791 --> 00:19:32,666 Mom, sumusumpa ako, hindi... 320 00:19:32,750 --> 00:19:34,458 Ganito ka na ngayon? 321 00:19:34,541 --> 00:19:37,125 Nakikisiping sa sinumang dumating. 322 00:19:37,208 --> 00:19:40,291 Mom, bakit mo sinasabi ito? 323 00:19:40,375 --> 00:19:43,333 Ano ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila... 324 00:19:43,416 --> 00:19:45,541 Mom, hayaan mo akong magpaliwanag. 325 00:19:45,625 --> 00:19:47,666 Pwede mong gawin ang anumang gusto mo, 326 00:19:47,750 --> 00:19:49,750 pero huwag kang babalik sa bahay ko. 327 00:19:50,833 --> 00:19:53,583 Ipinahiya mo ang pamilya natin. 328 00:19:54,250 --> 00:19:56,250 Mom, pakiusap... 329 00:19:56,333 --> 00:19:58,125 Mom! 330 00:19:58,458 --> 00:20:01,541 Diyos ko. Tinrato ni lola si Mom nang gano'n? 331 00:20:03,541 --> 00:20:06,416 Masyadong matindi. Hindi ko... 332 00:20:07,125 --> 00:20:08,416 Ilabas mo na tayo rito. 333 00:20:13,375 --> 00:20:15,208 Grabeng nanay ako. 334 00:20:17,041 --> 00:20:19,000 Hindi ko alam kung saan pumunta si Camila, 335 00:20:21,000 --> 00:20:22,375 pero matanda na siya. 336 00:20:23,166 --> 00:20:25,875 'Di ko pwedeng pakialaman ang buhay niya. 337 00:20:31,125 --> 00:20:35,625 Sige na, hihiga lang ako. 338 00:20:39,541 --> 00:20:41,458 Nakakatakot naman 'yon. 339 00:20:42,708 --> 00:20:44,541 Patawad Becca, 340 00:20:44,625 --> 00:20:47,791 aayusin natin lahat nang mali sa pamilya natin. 341 00:20:47,916 --> 00:20:49,125 Ipinapangako ko. 342 00:20:49,208 --> 00:20:52,541 Di ko lang alam kung paano ito gagana. Di ko alam ang ginagawa ko. 343 00:20:52,625 --> 00:20:54,916 Oo. Nagagawa mo. 344 00:20:56,833 --> 00:20:58,708 Tara. Hanapin natin si Mom. 345 00:21:10,041 --> 00:21:11,541 Sige. 346 00:21:24,666 --> 00:21:27,875 Ito 'yon. Ito ang bahay sa painting. 347 00:21:30,958 --> 00:21:33,333 Si Dad. Baka nag-aalala na siya. 348 00:21:33,791 --> 00:21:38,041 Maaayos lahat ito. May kapangyarihan kang ayusin ang anumang ginagawa natin 349 00:21:38,416 --> 00:21:39,666 Ito ang daan. 350 00:21:40,250 --> 00:21:43,333 Di natin alam, Alma, kung sino ang nasa likod ng pintong 'yan. 351 00:21:43,916 --> 00:21:46,000 At ayaw ni Mom na malaman natin. 352 00:21:46,083 --> 00:21:49,791 Ito ang huling tyansa nating 'wag gawin ito. 353 00:21:51,250 --> 00:21:52,833 Ayos lang ito, okey? 354 00:21:56,416 --> 00:21:58,500 Alma, Na... 355 00:22:52,875 --> 00:22:54,875 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Maribeth Pierce 356 00:22:54,958 --> 00:22:56,958 Mapanlikhang Superbisor Reyselle Aura Ruth Revita