1 00:00:15,291 --> 00:00:17,250 May sasabihin lang kami. 2 00:00:17,333 --> 00:00:20,000 Alejandro, ipinagmamalaki ka namin. 3 00:00:20,083 --> 00:00:23,458 At masaya kami dahil parte na ng buhay natin si Malik. 4 00:00:23,541 --> 00:00:24,750 Salamat, Mom at Dad. 5 00:00:25,208 --> 00:00:27,708 Ngayon, sumayaw na tayo! 6 00:01:00,958 --> 00:01:02,291 Okey ka lang? 7 00:01:02,750 --> 00:01:03,916 Oo. 8 00:01:04,583 --> 00:01:06,000 Oo. Okey lang ako. 9 00:01:07,500 --> 00:01:09,583 -Pwede ba akong magtanong? -Siyempre. 10 00:01:10,125 --> 00:01:13,500 Alam mong ang ganda na ng lahat dito, 11 00:01:14,333 --> 00:01:16,000 at mahal natin ang isa't isa. 12 00:01:16,083 --> 00:01:17,208 Oo. 13 00:01:17,791 --> 00:01:21,916 'Di mo ba nararamdamang may dapat pa tayong ayusin? 14 00:01:22,000 --> 00:01:24,041 Nagbibiro ka, 'di ba? Biro 'yan. 15 00:01:24,125 --> 00:01:25,958 Parang, malakas na kutob? 16 00:01:26,833 --> 00:01:31,291 Hindi. Alma, kailangang pagtiwalaan mo 'to, okey? 17 00:01:31,416 --> 00:01:33,041 -Tiwala ako. -Okey. 18 00:01:33,125 --> 00:01:34,208 Tiwala ako rito. 19 00:01:49,500 --> 00:01:50,833 Pindutin mo ang button. 20 00:01:51,250 --> 00:01:52,625 Bakit? Masaya tayo rito. 21 00:01:52,708 --> 00:01:55,208 -Pero ako hindi. -Ano'ng hindi? 22 00:01:55,291 --> 00:01:56,500 Lintik. 23 00:02:08,291 --> 00:02:10,625 Ano 'yon? Mom? 24 00:02:11,250 --> 00:02:14,125 Na-stroke ang tatay mo. Nasa ospital kami. 25 00:02:14,666 --> 00:02:16,375 Diyos ko. Pupunta ako r'yan. 26 00:02:18,125 --> 00:02:19,958 May mali sa katotohanang ito. 27 00:02:20,041 --> 00:02:22,708 -Maaring mangyari ito sa ibang reyalidad. -Di ko alam. 28 00:02:25,375 --> 00:02:26,875 -Dumating din kayo. -Siyempre. 29 00:02:26,958 --> 00:02:29,500 -Nasaan siya? -Ano'ng nangyayari? Nasaan si Dad? 30 00:02:29,583 --> 00:02:31,333 Dinala siya sa surgery. 31 00:02:31,416 --> 00:02:33,083 Nagka-blood clot siya. 32 00:02:33,166 --> 00:02:35,458 Paralisado ang kanang bahagi niya. 33 00:02:35,958 --> 00:02:37,000 'Di makapagsalita. 34 00:02:37,791 --> 00:02:39,416 Paano niya nagawa ito sa akin? 35 00:02:39,958 --> 00:02:41,791 -Okey lang. Gagaling din siya. -Mom. 36 00:02:41,875 --> 00:02:43,666 Aayusin natin 'to. 37 00:02:43,750 --> 00:02:46,041 Tawagin si Rosario. Alam niya ang gagawin. 38 00:02:46,125 --> 00:02:47,541 Oo. Mag-umpisa tayo ro'n. 39 00:02:47,625 --> 00:02:49,208 Natutuwa ako nandito kayo. 40 00:02:50,333 --> 00:02:51,708 Magiging okey 'to. 41 00:03:18,208 --> 00:03:19,875 Patawad, Dad. 42 00:03:21,666 --> 00:03:23,041 Kasalanan ko ito. 43 00:03:24,458 --> 00:03:26,416 'Di sana kita pinilit. 44 00:03:26,750 --> 00:03:30,000 Kung 'di mo pinagod ang sarili mo sa pagligtas kay Lola Ruchel... 45 00:03:33,541 --> 00:03:34,708 "Huwag mong 46 00:03:35,750 --> 00:03:37,000 "sisihin ang sarili mo." 47 00:03:40,083 --> 00:03:41,875 Pero pinagod ka nito, Dad. 48 00:03:42,916 --> 00:03:48,916 Ang pagtulong ko sa nanay ko 49 00:03:49,333 --> 00:03:54,208 ay ang pinakamagandang regalong maibibigay mo sa'kin. 50 00:03:54,291 --> 00:03:56,250 'Wag mong alisin 'yon. 51 00:03:56,333 --> 00:03:58,750 Pero maaaring may magagawa tayo. 52 00:03:59,416 --> 00:04:00,916 Bagay na magbabago nito. 53 00:04:01,000 --> 00:04:07,000 Kailangan kong magpahinga na muna. 54 00:04:09,375 --> 00:04:10,500 Sige. 55 00:04:12,958 --> 00:04:15,416 Ang ganda ng bahay mo. 56 00:04:15,500 --> 00:04:17,125 -Sa tingin mo? -Oo. 57 00:04:17,208 --> 00:04:20,375 Ang galing ng enerhiya. Nagpapagaling ka ng mga tao rito. 58 00:04:21,958 --> 00:04:24,458 Parang naririnig ko sina Mom at Dad. Sandali. 59 00:04:25,625 --> 00:04:28,500 Ano'ng nangyari sa pinto? 60 00:04:28,583 --> 00:04:30,541 'Yong hindi n'yo mapasok? 61 00:04:33,958 --> 00:04:37,083 Ang pagkabata ng lola namin ay naipit sa likod nun. 62 00:04:37,791 --> 00:04:41,000 Nung tinulungan namin siyang patawarin ang sarili, bumukas 'yon, 63 00:04:41,083 --> 00:04:43,541 at nagpagaling sa buong pamilya. 64 00:04:43,625 --> 00:04:45,208 Gano'n lang. 65 00:04:45,291 --> 00:04:47,333 Para ngang "gano'n lang." 66 00:04:47,416 --> 00:04:48,875 Mahirap paniwalaan 'to. 67 00:04:49,958 --> 00:04:52,166 Hanggang ngayon. 68 00:04:53,583 --> 00:04:54,833 Huwag kang mag-alala. 69 00:04:55,791 --> 00:04:57,166 Tutulungan natin siya. 70 00:05:04,791 --> 00:05:07,208 Sigurado kang wala nang iba pa sa likod ng pinto? 71 00:05:07,291 --> 00:05:08,666 Oo... 72 00:05:09,958 --> 00:05:12,000 -Bakit? -Wala naman. 73 00:05:13,000 --> 00:05:14,291 May bisita tayo. 74 00:05:14,916 --> 00:05:17,875 Tingnan mo nga. Okey ka na. 75 00:05:17,958 --> 00:05:19,000 Kumusta, mahal. 76 00:05:19,291 --> 00:05:20,416 Salamat sa pagdating. 77 00:05:20,625 --> 00:05:21,708 Siyempre. 78 00:05:24,875 --> 00:05:27,250 -Kukuha ako ng mga tuwalya. -Okey. 79 00:05:27,833 --> 00:05:29,250 Kita tayo ro'n. 80 00:05:39,625 --> 00:05:41,375 Ni-lock n'yo ba ang kabinet? 81 00:06:31,791 --> 00:06:35,416 Hindi na siya mawawala ulit, Becca. Maaasahan mo 'yan. 82 00:06:35,500 --> 00:06:39,250 Hindi natin alam kung ano'ng mangyayari. Maaaring magagamot siya nito. 83 00:06:39,333 --> 00:06:42,375 -Kung hindi? -Walang pagbabalik ang makakapagbago nito. 84 00:06:42,458 --> 00:06:46,083 Ikaw mismo nagsabi na sinabi sa'yo ni Dad na hindi mo mababago ito. 85 00:06:46,166 --> 00:06:49,333 'Di tayo pwedeng bumalik do'n no'ng inabandona si Alejandro. 86 00:06:49,416 --> 00:06:51,791 Tama, bago na ang timeline ngayon. 87 00:06:51,875 --> 00:06:55,291 Pwede nating hanapin ang sanhi ng stroke at patigilin 'yon. 88 00:06:55,375 --> 00:06:58,916 Kahit na mapatigil nating manigarilyo at kumain ng matatamis si Dad, 89 00:06:59,000 --> 00:07:01,375 'di tayo sigurado kung mapipigil nun ang stroke. 90 00:07:01,458 --> 00:07:03,666 -Gumawa tayo ng time loop. -Time loop? 91 00:07:03,750 --> 00:07:08,333 Mabubuhay tayo mula nang binago natin ang timeline, hanggang ma-stroke siya. 92 00:07:08,416 --> 00:07:11,041 Doon lang tayo mananatili sa happy zone habambuhay. 93 00:07:11,125 --> 00:07:15,958 Pero hindi na lalaki kahit kailan si Nicolás, at maiipit lang tayo sa... 94 00:07:17,833 --> 00:07:21,333 Alma, 'di ba dapat nating tanggapin na mangyayari ang mga paghihirap. 95 00:07:21,416 --> 00:07:24,875 Na ang dumaan ka sa ganitong uri ng pamumuhay, iyon ang buhay. 96 00:07:24,958 --> 00:07:26,375 Pero 'di ang mamatay si Dad. 97 00:07:26,791 --> 00:07:29,666 Ba't 'di natin tanungin si Dad? Baka marami siyang ideya. 98 00:07:29,750 --> 00:07:31,791 Ayaw niyang mamuhay nang ganito. 99 00:07:33,916 --> 00:07:35,083 Sige. 100 00:07:36,541 --> 00:07:39,666 Maaaring may pwede tayong gawin para baguhin ito. 101 00:07:39,750 --> 00:07:41,166 Paano ka namin matutulungan? 102 00:07:45,208 --> 00:07:47,000 "No'ng minamasahe ako, 103 00:07:49,000 --> 00:07:52,166 "lumapit sa akin ang nanay ko at sinabi sa aking 104 00:07:54,833 --> 00:07:56,833 "Sasama ako sa kanya malapit na. 105 00:08:01,291 --> 00:08:03,125 "May bahagi sa akin na natatakot. 106 00:08:07,208 --> 00:08:09,000 "Pero 'di katapusan ang kamatayan. 107 00:08:12,500 --> 00:08:13,625 "Handa na ako. 108 00:08:15,000 --> 00:08:16,291 "Sa tingin ko 109 00:08:17,083 --> 00:08:18,500 "siguro 110 00:08:19,750 --> 00:08:21,166 "handa na ako." 111 00:08:39,375 --> 00:08:42,291 Sabi mo mas masama ako sa masasamang desisyong ginawa ko. 112 00:08:42,375 --> 00:08:45,958 Sa loob ko, gusto kong tumulong. Sa tingin mo saan ko nakukuha yan? 113 00:08:46,041 --> 00:08:48,166 Sandali. Nasaan si Dad? 114 00:08:48,250 --> 00:08:49,750 Dapat may paraan. 115 00:08:49,833 --> 00:08:52,375 Matutulungan ba ng sarili mo ngayon ang siya noon? 116 00:08:52,458 --> 00:08:53,916 -Sino? -Ibig kong sabihin... 117 00:08:55,041 --> 00:08:57,416 Kailangan ko ba talagang tanggapin ito? 118 00:08:57,500 --> 00:08:58,583 Kailangan ba? 119 00:09:00,500 --> 00:09:01,958 May tumatawag. 120 00:09:03,666 --> 00:09:04,583 Siyempre. 121 00:10:14,125 --> 00:10:16,125 Sinikap ni Dad na gawin ang tama. 122 00:10:17,125 --> 00:10:18,750 Minsan, nagkakamali siya. 123 00:10:19,541 --> 00:10:24,583 Pero kapag gano'n, natatanto niya 'yon sa sarili n'ya at sinusubukan ulit. 124 00:10:25,958 --> 00:10:27,500 At hindi lang para sa kanya, 125 00:10:27,916 --> 00:10:30,875 para sa mga tao sa buhay niya, para gumanda ang buhay natin. 126 00:10:31,666 --> 00:10:34,708 Baka 'yon ang talagang mga sadyang pakay nating gawin dito. 127 00:10:36,041 --> 00:10:40,000 Harapin ang ating sarili, para sa kapakanan ng mga relasyon natin. 128 00:10:40,541 --> 00:10:42,333 Para sa mga taong mahal natin. 129 00:10:42,416 --> 00:10:44,208 Siguro 'yon lang ang mahalaga, 130 00:10:44,291 --> 00:10:50,250 itong mga invisible thread na tumatakbo sa pagitan namin at sa amin, ng buong oras. 131 00:10:50,333 --> 00:10:54,333 Ang mga hindi nakikitang linyang ito na nagbubuklod at nagpapalaya sa atin. 132 00:10:57,750 --> 00:11:00,666 Napakasaya ko na nakatali sa inyong lahat. 133 00:11:01,125 --> 00:11:02,875 At alam kong ganoon din si Dad. 134 00:11:04,708 --> 00:11:06,625 Hindi ako makapaniwalang wala na siya, 135 00:11:06,708 --> 00:11:09,333 dahil ramdam ko pa rin ang paghatak ng taling 'yon. 136 00:11:10,375 --> 00:11:13,541 Pero may nagsabi sa'king napakakalmadong tao 137 00:11:15,000 --> 00:11:20,208 na parte ng buhay ang pagtanggap na mangyayari ang masasamang bagay, 138 00:11:23,708 --> 00:11:26,208 at paghahanap ng mga paraan 139 00:11:28,291 --> 00:11:29,666 para kayanin ang mga ito, 140 00:11:30,791 --> 00:11:31,708 nang sama-sama. 141 00:11:56,208 --> 00:12:00,250 -May problema na naman sa pinto mo? -Wala, ayos lang ako. Kaya ko na. 142 00:12:03,916 --> 00:12:05,666 Ano ang nakita mo ro'n? 143 00:12:06,500 --> 00:12:08,291 Ano'ng kinakatakutan mo? 144 00:12:12,958 --> 00:12:14,875 Nakita ko lola ko noong bata pa siya. 145 00:12:16,875 --> 00:12:19,625 At ang kapatid ko sa orphanage... 146 00:12:22,916 --> 00:12:24,166 At ang sarili ko. 147 00:12:25,375 --> 00:12:28,083 Mula sa kabilang timeline, bago ako dumating. 148 00:12:28,916 --> 00:12:31,708 Nung hindi ako sigurado kung nailigtas ko ang dad ko. 149 00:12:32,916 --> 00:12:34,666 Kung baliw ako o hindi. 150 00:12:35,958 --> 00:12:38,250 Nakaupo lang siya ro'n, 151 00:12:39,000 --> 00:12:40,625 naghihintay ng sagot. 152 00:12:42,541 --> 00:12:46,000 -At natatakot ka ro'n? -Hindi na ako makakabalik sa kanya. 153 00:12:46,500 --> 00:12:48,208 Pero tingin mo kailangan mo? 154 00:12:49,166 --> 00:12:51,916 Naiwan ang lola ko at kapatid ko. 155 00:12:53,458 --> 00:12:56,250 -Kaya, iniwan mo ang sarili mo? -Hindi. 156 00:12:57,625 --> 00:12:59,375 Hindi, wala akong utang sa kanya. 157 00:13:00,500 --> 00:13:01,750 Sige. 158 00:13:06,000 --> 00:13:07,416 Marumi na ang mga 'to. 159 00:13:08,916 --> 00:13:12,166 Uy. "Anong tawag mo sa unggoy na may saging sa tenga?" 160 00:13:12,250 --> 00:13:14,958 -Ano? -Kung ano gusto mo, 'di ka niya naririnig. 161 00:13:15,416 --> 00:13:16,750 Ano'ng ginagawa mo? 162 00:13:16,833 --> 00:13:18,625 Naghahanap ng biro kay Nicolás. 163 00:13:18,708 --> 00:13:21,166 Mahilig siya sa mga unggoy. 164 00:13:21,250 --> 00:13:24,000 Sige. "Ano ang pula, pero amoy asul na pintura?" 165 00:13:24,916 --> 00:13:26,791 -Ano? -Pulang pintura. 166 00:13:27,916 --> 00:13:31,833 Ano? Parang lahat ng pintura? Ano'ng ibig sabihin no'n? 167 00:13:32,875 --> 00:13:33,916 Alma... 168 00:13:34,333 --> 00:13:36,000 Akala ko malilinaw na visions mo? 169 00:13:36,083 --> 00:13:38,375 Maaaring hindi pa. 170 00:13:46,708 --> 00:13:48,500 Alma, kailangan mong makita 'to. 171 00:13:54,166 --> 00:13:55,416 Halika. 172 00:14:04,083 --> 00:14:05,166 Ikaw 'yan. 173 00:14:05,916 --> 00:14:07,750 -Mula sa lumang buhay ko. -Tama. 174 00:14:12,875 --> 00:14:14,041 Alma. 175 00:14:15,208 --> 00:14:17,125 Alma, bumibisita kami. 176 00:14:19,416 --> 00:14:21,000 Kausapin mo kami? 177 00:14:21,458 --> 00:14:23,375 Hindi n'yo kailangang magpunta rito. 178 00:14:23,458 --> 00:14:24,833 Gusto namin. 179 00:14:27,541 --> 00:14:29,791 -Tingin n'yo sira na buhay ko. -Anak... 180 00:14:33,458 --> 00:14:35,375 Gusto naming mapabuti ka. 181 00:14:35,958 --> 00:14:37,375 'Wag. 182 00:14:37,458 --> 00:14:38,958 Diyos ko! 183 00:14:39,041 --> 00:14:40,791 Bakit ba? 184 00:14:40,875 --> 00:14:43,500 -Sinasaktan mo ang sarili mo? -Lumabas kayo. 185 00:14:44,291 --> 00:14:46,541 Labas. 186 00:14:47,000 --> 00:14:49,250 Labas! 187 00:14:56,291 --> 00:14:58,833 Lintik! Kailangan kong bumalik. 188 00:14:59,375 --> 00:15:01,291 Sa lumang timeline mo? 189 00:15:02,500 --> 00:15:04,666 Kinabukasan niya ito na wala ako. 190 00:15:04,750 --> 00:15:08,458 Ito ang nararamdaman kong kailangang maayos. Siya. 191 00:15:09,416 --> 00:15:10,666 Ako. 192 00:15:10,750 --> 00:15:12,291 Bakit sobrang lungkot niya? 193 00:15:13,708 --> 00:15:15,708 Hindi niya alam na mapapabuti 'to. 194 00:15:15,791 --> 00:15:18,416 -Ayaw kong umalis ka. -Ayaw ko rin. 195 00:15:18,500 --> 00:15:22,625 Pero ako ang nagsasabi sa mga tao na harapin ang katotohanan, at ngayon... 196 00:15:23,708 --> 00:15:25,375 Ito ang katotohanan ko. 197 00:15:25,458 --> 00:15:27,666 Okey, pero paano mo siya matutulungan? 198 00:15:29,625 --> 00:15:32,541 Hindi ko akalaing matatanggap ko ang pagkamatay ni Dad. 199 00:15:32,958 --> 00:15:35,125 Pero sa karanasang ito na kasama ka, 200 00:15:36,125 --> 00:15:37,541 iba ang pakiramdam ko. 201 00:15:38,083 --> 00:15:39,000 Mas malakas. 202 00:15:39,500 --> 00:15:41,500 Mas malakas ang relasyon natin. 203 00:15:44,000 --> 00:15:45,916 Kailangang iparating ko 'yan sa kanya. 204 00:16:19,500 --> 00:16:22,666 Gusto ko lang sabihing ang sarap makita kang masaya. 205 00:16:24,625 --> 00:16:28,875 Mahirap mawala ang tatay n'yo, 206 00:16:29,458 --> 00:16:30,875 pero kakayanin ko. 207 00:16:31,625 --> 00:16:33,416 Ibig kong sabihin, ang buhay natin. 208 00:16:35,041 --> 00:16:37,000 Ang makita kayong magkasama ni Dad, 209 00:16:38,875 --> 00:16:41,750 na nagmamahalan, at nasa atin si Alejandro. 210 00:16:42,458 --> 00:16:44,500 Ang makita ang saya mo na dulot niya. 211 00:16:45,041 --> 00:16:46,708 na dulot niya sa ating lahat. 212 00:16:47,208 --> 00:16:48,541 Napakaganda talaga. 213 00:16:50,375 --> 00:16:51,500 Oo. 214 00:16:52,458 --> 00:16:54,625 Sa tingin ko ang ganda ng buhay. 215 00:16:58,375 --> 00:17:00,708 Mahal na mahal kita, Mom. 216 00:17:01,916 --> 00:17:03,625 Alam mo 'yan, 'di ba? 217 00:17:04,875 --> 00:17:07,375 Patawad po kung naging masama ako sa'yo. 218 00:17:07,833 --> 00:17:11,125 Hindi ko lang naintindihan ang pinagdaraanan mo. 219 00:17:14,666 --> 00:17:16,500 Mahal din kita. 220 00:17:19,500 --> 00:17:21,625 Grabe, basang-basa ang mga gwantes mo. 221 00:17:22,375 --> 00:17:23,541 Alam ko. 222 00:17:34,000 --> 00:17:35,250 Sige. 223 00:17:36,041 --> 00:17:37,166 'Eto na. 224 00:18:06,583 --> 00:18:07,791 Uy. 225 00:18:10,750 --> 00:18:12,125 Huwag mo akong kalilimutan. 226 00:18:16,750 --> 00:18:18,416 Paano kita kalilimutan? 227 00:18:55,041 --> 00:18:57,541 Oo, Mom, siyempre ligtas kami. 228 00:18:58,000 --> 00:19:01,250 Kaya 'wag nang hihinto, pero kung daraan ng Saltillo, 229 00:19:01,333 --> 00:19:03,416 hihinto at bibili ng tile para sa'yo. 230 00:19:03,500 --> 00:19:04,875 Okey, nakuha ko. 231 00:19:05,541 --> 00:19:07,250 'Andito na si Alma, sige na. 232 00:19:07,958 --> 00:19:10,041 Gusto ka niyang kausapin. Si Mom 'to. 233 00:19:13,791 --> 00:19:17,166 -Hi, Mom. -Anak, nag-aalala ako sa'yo. 234 00:19:17,250 --> 00:19:19,125 -Si Sam din. -'Andiyan si Sam? 235 00:19:19,208 --> 00:19:20,750 Natutuwa kaming uuwi ka. 236 00:19:20,833 --> 00:19:23,541 At kukuha tayo ng tutulong sa'yo, okey, anak? 237 00:19:25,166 --> 00:19:26,375 Sige. 238 00:19:28,125 --> 00:19:29,500 Pwede nating subukan. 239 00:19:29,583 --> 00:19:31,000 'Yan ang mabait na anak ko. 240 00:19:31,541 --> 00:19:33,541 Sige. Gusto kang kausapin ni Sam. 241 00:19:35,791 --> 00:19:37,000 Kumusta, Alma. 242 00:19:37,541 --> 00:19:38,666 Uy. 243 00:19:38,750 --> 00:19:41,250 Patawad talaga sa mga nangyari. 244 00:19:42,291 --> 00:19:45,041 -Oo nga. -Pag-usapan natin pagbalik mo 245 00:19:45,125 --> 00:19:48,375 Ibig kong sabihin, kung gusto mo lang, o anuman. 'Di sapilitan. 246 00:19:49,791 --> 00:19:51,500 -Tingnan natin. -Okey. 247 00:19:51,583 --> 00:19:53,833 Enjoy kayo sa pagmamaneho pabalik. 248 00:19:53,916 --> 00:19:55,541 Hindi enjoy. Mag-ingat. 249 00:19:55,625 --> 00:19:58,791 Tama. Sabi ng mom mo, "'Wag mag-enjoy. Mag-ingat" 250 00:19:58,875 --> 00:20:01,875 Hindi ko sinabing 'wag mag-enjoy. Mag-ingat lang muna. 251 00:20:02,541 --> 00:20:04,291 Oo, narinig ko siya. Bye, Sam. 252 00:20:05,041 --> 00:20:06,041 Ba-bye. 253 00:20:32,250 --> 00:20:33,833 May nakikita ka? 254 00:20:34,375 --> 00:20:36,958 Akala ko, pero hindi na ako sigurado. 255 00:20:39,166 --> 00:20:40,541 Gusto mong bumalik? 256 00:20:41,250 --> 00:20:42,291 Hindi. 257 00:20:42,833 --> 00:20:44,166 Uwi na tayo. 258 00:22:05,958 --> 00:22:07,958 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Maribeth Pierce 259 00:22:08,041 --> 00:22:10,041 Mapanlikhang Superbisor Reyselle Aura Ruth Revita