1 00:00:17,518 --> 00:00:20,146 Ang nakaraan sa The Dragon Prince. 2 00:00:20,229 --> 00:00:25,568 Dalawang itim na mago ang nasa Xadia para pakawalan ang sinaunang kasamaan. 3 00:00:26,152 --> 00:00:29,739 Mga dakilang dragon, nakikiusap ako. Hanapin natin sila. 4 00:00:33,826 --> 00:00:38,164 Tara sa Great Bookery, hanapin ang Scrolls ng Unang mga Duwende, 5 00:00:38,247 --> 00:00:40,958 at pag-aralan si Aaravos bago siya makabalik. 6 00:00:41,959 --> 00:00:43,461 Sasama ako. 7 00:00:43,544 --> 00:00:48,091 At ikaw ay itinataboy, hindi na kailanman makakabalik. 8 00:00:48,841 --> 00:00:52,970 Pakiusap, ipakita sa akin na hindi lahat ay nawala. 9 00:00:54,097 --> 00:00:57,391 Ikaw ang tanging pag-asa namin, Prinsipe Karim. 10 00:00:58,059 --> 00:01:01,479 Akayin mo kami pabalik sa kaluwalhatian. 11 00:01:58,661 --> 00:02:03,583 LIBRO 5 KARAGATAN KABANATA 4 ANG GREAT BOOKERY 12 00:02:24,604 --> 00:02:26,022 Mapayapa. 13 00:02:26,105 --> 00:02:32,695 Sobrang nakakasindak, medyo nakakatakot, at nakakapangilabot din. Pero mapayapa. 14 00:02:33,988 --> 00:02:36,407 "Puno ito ng nakatagong panganib. 15 00:02:36,490 --> 00:02:40,953 Nahawa ang mga inosente sa kasamaan ng Sun Orb at binago sila." 16 00:02:42,830 --> 00:02:46,292 Siyempre. 'Yon siguro ang umatake sa atin, 17 00:02:46,375 --> 00:02:48,669 isang nahawang banther. 18 00:02:48,753 --> 00:02:50,046 Kakila-kilabot. 19 00:02:50,796 --> 00:02:55,509 "Gusto ni Janai na linisin ang Lux Aurea, pero nabigo kami. 20 00:02:55,593 --> 00:02:59,639 Mapanganib na pumapatay ang mga shadowmonster. Ang masaklap, 21 00:02:59,722 --> 00:03:05,061 isang kalmot lang ay mahahawa na ang mga duwende, tao, at kabayo. 22 00:03:05,144 --> 00:03:08,981 Magiging masama ang nahawang shadows sa loob ng ilang araw. 23 00:03:09,523 --> 00:03:12,777 Nagtatago sila sa anino para maiwasan ang araw. 24 00:03:12,860 --> 00:03:15,238 May limang oras tayo bago dumilim. 25 00:03:16,948 --> 00:03:19,450 Para tapusin ang ating misyon." 26 00:03:23,913 --> 00:03:28,668 Ito na, ang Great Bookery ng Lux Aurea. 27 00:03:59,782 --> 00:04:04,370 Ang dami kong masasayang alaala dito sa unibersidad. 28 00:04:04,453 --> 00:04:08,457 Gusto mo bang makita ang paborito kong lugar dito? 29 00:04:14,880 --> 00:04:17,300 Book drop ba 'yan? 30 00:04:18,509 --> 00:04:22,179 Maari sa di sanay na mata mo ay isa lang itong book drop. 31 00:04:22,263 --> 00:04:25,808 Pero para sa akin, ito ay di mapasok na kuta. 32 00:04:25,891 --> 00:04:30,354 Sa panonood sa mga librarian, nalaman ko paano ito buksan. 33 00:04:33,482 --> 00:04:38,988 Diyan ako nagtatago 'pag sarado na dito para makapagbasa ako magdamag. 34 00:04:40,072 --> 00:04:42,283 Mukhang komportable. 35 00:04:42,366 --> 00:04:48,080 May librong nahuhulog sa ulo ko minsan, pero karamihan sa mga ito ay kawili-wili. 36 00:04:48,164 --> 00:04:51,834 "Tama na ang pagbabalik-tanaw noong mag-aaral ka pa lang. 37 00:04:51,917 --> 00:04:54,879 May hanggang sa paglubog ng araw lang tayo." 38 00:05:59,235 --> 00:06:02,405 Umalis ka na. 39 00:06:08,160 --> 00:06:13,124 Ano ang hinahanap natin? Mga kasanayang pangkultura ng Startouch elf? 40 00:06:13,207 --> 00:06:15,918 O isa sa propesiyang Startouch? 41 00:06:16,001 --> 00:06:20,172 - Ano ang kailangang malaman? - Paano patayin ang Startouch elf. 42 00:06:22,133 --> 00:06:25,970 Sa tingin ko walang nilagay na lugar para diyan. 43 00:06:34,645 --> 00:06:38,065 "Rayla, may gusto akong sabihin sa 'yo. 44 00:06:38,149 --> 00:06:43,487 Noong nakilala kita sa Banther Lodge, hindi tama ang pakikitungo ko sa 'yo." 45 00:06:43,571 --> 00:06:46,407 Nang tinangka mo akong patayin? 46 00:06:47,616 --> 00:06:50,286 "Hinusgahan kita dahil duwende ka. 47 00:06:50,786 --> 00:06:54,123 Alam ko na na nagkamali ako sa mga duwende. 48 00:06:55,791 --> 00:06:57,626 Umiibig ako sa isa. 49 00:06:57,710 --> 00:07:01,672 Nagsisisi ako na pinagbantaan kita." 50 00:07:03,340 --> 00:07:06,010 Walang problema. Tinatanggap ko. 51 00:07:08,179 --> 00:07:10,055 "Napakahalaga nito sa akin. 52 00:07:14,435 --> 00:07:19,231 Ngayong tapos na 'yan, 'pag sinaktan mo ulit si Callum... 53 00:07:21,150 --> 00:07:22,610 papatayin kita." 54 00:07:29,992 --> 00:07:31,994 Ako si Prinsipe Karim. 55 00:07:33,329 --> 00:07:36,749 Nahawa ang Xadia ng katiwalian at kataksilan. 56 00:07:36,832 --> 00:07:40,252 Libong taon na ang sugat na ito. 57 00:07:40,753 --> 00:07:43,422 Sa kahinaan ng mga tao, lumaki ang kasamaan. 58 00:07:43,506 --> 00:07:48,427 At kahit hati ang lupain, bumalik na ang mga tao sa Xadia. 59 00:07:48,511 --> 00:07:54,975 Ang Sunfire Kingdom ay nawala sa dilim. Hinihintay nilang bumalik ang liwanag. 60 00:08:03,984 --> 00:08:10,533 Hinihintay ka nila, ang tunay na Hari ng mga Dragon. 61 00:08:37,518 --> 00:08:40,271 Uy, interesante ito. Isang tula. 62 00:08:40,354 --> 00:08:44,316 Kazi, gusto ko rin ng mga tula, pero kailangan nating mag-focus. 63 00:08:44,400 --> 00:08:49,363 Hindi. Ang tulang ito ay tinatawag na "Ang Kamatayan ng Imortal." 64 00:08:50,281 --> 00:08:55,411 Tingin mo sinadya kong saktan si Callum? 'Yan ang huli kong gusto. 65 00:08:57,037 --> 00:09:01,917 - "Iniwan mo siya. Dinurog ang puso niya." - Pinoprotektahan ko siya. 66 00:09:02,001 --> 00:09:06,338 Umalis ako nang wala siya dahil ayokong ilagay siya sa panganib. 67 00:09:06,422 --> 00:09:09,133 Kailangang maging malakas ako mag-isa. 68 00:09:11,510 --> 00:09:13,804 - "Alam mo sino ang katunog mo?" - Sino? 69 00:09:14,430 --> 00:09:15,264 "Ako." 70 00:09:18,892 --> 00:09:20,894 Salamat, sa tingin ko. 71 00:09:23,230 --> 00:09:27,735 "Noong lumalaki ako, ang kapatid kong si Sarai ang pinakamatalino, 72 00:09:27,818 --> 00:09:30,946 pinakamalakas, pinakamatapang na kilala ko. 73 00:09:31,447 --> 00:09:34,992 Nang namatay siya, nawala at nanghina ako nang wala siya. 74 00:09:36,410 --> 00:09:41,832 Ayaw kong maramdaman iyon, kaya natuto akong maging matatag mag-isa. 75 00:09:41,915 --> 00:09:45,919 Manhid, malakas, at malungkot." 76 00:09:48,255 --> 00:09:50,799 Parang ako iyan minsan. 77 00:09:52,551 --> 00:09:55,179 "Nagbago lahat nitong huling dalawang taon. 78 00:09:55,262 --> 00:10:00,726 Nakilala ko si Janai, umibig, mas malakas ako kaysa dati. 79 00:10:01,810 --> 00:10:04,146 Dahil mas malakas kami nang magkasama. 80 00:10:04,688 --> 00:10:09,109 At napagtanto ko na iyon ang katotohanan sa amin ni Sarai. 81 00:10:09,193 --> 00:10:14,573 Ang pag-ibig at tiwala ay nagpapalaki ng lakas na taglay namin. 82 00:10:14,657 --> 00:10:18,702 Ang magkaroon ng ganoong lakas, di iyon sapat para magmahal. 83 00:10:20,829 --> 00:10:24,375 Kailangang magtiwala para maibahagi mo ang mga pasanin." 84 00:11:00,244 --> 00:11:01,078 Salamat. 85 00:11:02,955 --> 00:11:05,040 Ayos lang ba kung ako ay... 86 00:11:12,381 --> 00:11:14,091 Kailangan ka ng Xadia. 87 00:11:14,717 --> 00:11:17,010 Sol Regem, ang Hari ng Araw. 88 00:11:17,803 --> 00:11:21,348 Mapapaniwala mo sila na muling liliwanag ang araw. 89 00:11:21,432 --> 00:11:24,309 Kung ganoon ay pagmasdan ninyo, 90 00:11:24,393 --> 00:11:28,480 ang minsang dakilang Haring Araw. 91 00:11:29,314 --> 00:11:32,401 Mainitan sa maningning na sinag ng liwanag 92 00:11:32,985 --> 00:11:37,489 na liliwanag sa butas ng gutay-gutay kong pakpak. 93 00:11:37,573 --> 00:11:43,620 Masdan mo ang makapangyarihang mukha ng aking ginintuang kaluwalhatian, 94 00:11:43,704 --> 00:11:46,665 na pumapatak ang sunog na laman 95 00:11:46,749 --> 00:11:51,670 na natunaw ng masamang mahika. 96 00:11:51,754 --> 00:11:57,009 Yumuko sa namamaga at tumutulong bedsores 97 00:11:57,092 --> 00:12:00,679 ng kahanga-hangang Archdragon, 98 00:12:00,763 --> 00:12:06,769 na di gumagalaw na nakahiga at nanlulumo nang ilang dekada. 99 00:12:16,570 --> 00:12:21,450 Matagal akong nawalan ng pag-asa bago ako nawalan ng paningin. 100 00:12:22,201 --> 00:12:26,413 Hindi na muling sisikat ang araw para sa akin. 101 00:12:35,798 --> 00:12:41,303 Ilang siglo na akong nabuhay sa walang katapusang gabi. 102 00:12:45,599 --> 00:12:48,644 Umalis na kayo. 103 00:12:57,861 --> 00:13:03,408 "Kahit di namamatay, ang huling hininga ni Imortal Larrelion ay wala na" 104 00:13:03,492 --> 00:13:07,663 Maganda iyan, tama? Kapag "wala na," patay na, di ba? 105 00:13:07,746 --> 00:13:12,960 Medyo nakakalito. Pero iyon ang pinakamalinaw na implikasyon. 106 00:13:13,043 --> 00:13:17,422 Kahit na medyo kakaiba, tinatawag silang di namamatay at imortal. 107 00:13:17,506 --> 00:13:22,052 Mukhang hindi imortal 'yon. Wala na si Larrelion. 108 00:13:23,095 --> 00:13:25,347 - Tama. - Pero paano? Paanong sila... 109 00:13:25,430 --> 00:13:26,765 Dito. 110 00:13:26,849 --> 00:13:31,728 "Puti ang puso ng bituin na tinusok nito Kagat ng kamatayan dala ng ivory draconic 111 00:13:32,479 --> 00:13:34,565 Kilala bilang Novablade" 112 00:13:37,609 --> 00:13:38,485 Espada ito. 113 00:13:39,444 --> 00:13:45,951 Sandata na magwawakas sa mortal na buhay ng Startouch elf. Sandata. Nagawa natin. 114 00:13:46,702 --> 00:13:49,538 - Natagpuan natin ang sagot. - Pagsaliksik. 115 00:13:49,621 --> 00:13:52,833 Masaya at inililigtas nito ang mundo minsan. 116 00:13:54,793 --> 00:13:56,378 Uy, Callum? 117 00:13:58,839 --> 00:13:59,923 Mag-usap tayo. 118 00:14:08,974 --> 00:14:14,354 Callum, may dinadala akong pasanin, at inilihim ko ito. 119 00:14:14,438 --> 00:14:20,152 At siguro parte iyon kaya kakaiba ang mga bagay sa atin. 120 00:14:21,153 --> 00:14:25,908 Pero alam kong may tiwala ako sa iyo na tutulungan mo akong dalhin ito. 121 00:14:26,575 --> 00:14:28,452 Kung ayos lang sa 'yo. 122 00:14:29,077 --> 00:14:34,207 Rayla, marami na tayong pinagdaanan. At marami na ang nagbago. 123 00:14:35,459 --> 00:14:39,254 May mga bagay na nagbago, pero hindi lahat. 124 00:14:41,590 --> 00:14:42,925 Gagawin ko ang lahat. 125 00:14:54,311 --> 00:15:00,442 Hindi patay si Runaan at mga magulang ko. May ginawa si Lord Viren sa kanila. 126 00:15:00,525 --> 00:15:04,154 Ikinulong niya ang espiritu nila sa isinumpang baryang ito. 127 00:15:04,237 --> 00:15:09,409 Nasasaktan akong malaman na nakulong sila nang ganito. Ang sakit. 128 00:15:09,493 --> 00:15:13,121 Pero alam kong una ang misyon natin. 129 00:15:13,205 --> 00:15:18,627 Nanganganib ang mundo. At magtiwala kang mananatili akong naka-focus. 130 00:15:23,715 --> 00:15:26,593 Tulungan natin sila. Kalasain natin ang spell. 131 00:15:26,677 --> 00:15:30,305 Hindi pa, Callum. Maniwala ka, may gusto akong gawin. Pero... 132 00:15:30,389 --> 00:15:34,643 May nakita ako sa scroll na binasa natin. Sigurado ako. 133 00:15:34,726 --> 00:15:38,563 Spell na kayang ibalik ang katawan sa nahiwalay na espiritu. 134 00:15:39,398 --> 00:15:41,316 "Palubog na ang araw. 135 00:15:42,484 --> 00:15:43,860 Oras na para umalis." 136 00:15:47,572 --> 00:15:51,535 - Callum, umalis na tayo. - Dalawang minuto lang ang kailangan ko. 137 00:15:51,618 --> 00:15:55,247 Isang minuto lang. Dalawang minuto pala. 138 00:15:57,624 --> 00:16:00,961 Pagkakataon na natin, at nabigo tayo. 139 00:16:01,920 --> 00:16:05,924 Hindi. Maaaring isinara niya ang pinto... 140 00:16:07,259 --> 00:16:09,011 pero ibinigay niya ang susi. 141 00:16:10,095 --> 00:16:14,307 - Anong susi? - Naging bitter siya dahil sa pagkabulag. 142 00:16:14,391 --> 00:16:20,480 Gagawa tayo ng paraan para gumaling ang mata ng Dakilang Archdragon. 143 00:16:28,030 --> 00:16:31,783 "Palubog na ang araw. Kailangan mong makalabas agad sa lungsod. 144 00:16:32,784 --> 00:16:35,287 Kukunin ko si Callum, at hahabol kami." 145 00:16:49,593 --> 00:16:50,969 May nahanap ako. 146 00:16:55,223 --> 00:16:58,226 Kailangan ko 'yon para mailigtas sila. 147 00:17:02,397 --> 00:17:03,565 Ayos! 148 00:17:05,859 --> 00:17:11,156 Complex ang spell at may Star magic kaya para magawa, kailangan ito. 149 00:17:11,239 --> 00:17:14,868 Diyamanteng Quasar. Tatlo lang sa buong mundo, 150 00:17:14,951 --> 00:17:16,995 at di mo mahuhulaan kung nasaan. 151 00:17:17,496 --> 00:17:20,290 - Ang Star Scraper. - Di ko pa narinig. 152 00:17:20,791 --> 00:17:23,752 Doon din nila itinago ng Novablade. 153 00:17:23,835 --> 00:17:26,588 Mahusay. Ano ang Novablade? 154 00:17:38,100 --> 00:17:40,227 "May pangalawang labasan. Tara." 155 00:18:37,993 --> 00:18:38,827 Ano na? 156 00:18:42,205 --> 00:18:43,456 "Lalaban tayo." 157 00:18:44,457 --> 00:18:47,419 Tandaan, isang kalmot, at mahahawa ka. 158 00:19:01,975 --> 00:19:03,935 Aspiro Frigis! 159 00:20:14,422 --> 00:20:17,384 Tira, Rayla. Ventum Angulus! 160 00:20:38,697 --> 00:20:40,240 Nagawa natin. Halos. 161 00:20:41,783 --> 00:20:45,203 Ang galing natin. Mas malakas nang magkasama. 162 00:20:49,416 --> 00:20:53,837 Mas ligtas bang piliin ang unang labasan o pangalawa? 163 00:20:54,796 --> 00:20:56,881 Maaga ka yatang nagsalita. 164 00:21:12,647 --> 00:21:14,733 Masyadong marami na ngayon. 165 00:21:30,248 --> 00:21:34,544 Rayla, mali ako. Naghintay ako nang matagal. 166 00:21:34,627 --> 00:21:36,504 - Sana alam mo... - Alam ko. 167 00:22:13,291 --> 00:22:15,794 Lahat ng aksyon ay kakayanin mo! 168 00:22:15,877 --> 00:22:18,963 - Sa aklatan. - Halina kayo. Akyat na. 169 00:22:27,722 --> 00:22:29,557 Bait! Naiwan si Bait! 170 00:23:12,725 --> 00:23:15,186 Di kami aalis nang wala ka, Tita Amaya. 171 00:23:22,694 --> 00:23:24,070 Umalis na kayo! 172 00:24:08,865 --> 00:24:12,243 Pinakamalaking karangalan ang maglingkod sa ilalim mo. 173 00:24:37,227 --> 00:24:40,230 Ang book drop! Nagawa nila. Ligtas sila. 174 00:25:23,982 --> 00:25:27,610 Tagapagsalin ng Subtitle: Juneden Love Grande