1
00:00:21,565 --> 00:00:23,817
Magandang umaga. Puwede ka bang umabante?
2
00:00:23,817 --> 00:00:27,070
- Nakaharang ka sa spot ko.
- Sa iba ka pumarada.
3
00:00:28,197 --> 00:00:29,198
Ano iyon?
4
00:00:40,000 --> 00:00:44,087
Sabi ko, puwede ka bang umabante?
Nakaharang ka sa spot ko.
5
00:00:44,087 --> 00:00:46,632
- Lintik na negra.
- Ano ang tawag mo sa akin?
6
00:01:07,194 --> 00:01:08,862
{\an8}Tarantado!
7
00:01:13,659 --> 00:01:15,911
{\an8}LA WEEKLY
MAGPROTEKTA AT MAGLINGKOD?
8
00:01:15,911 --> 00:01:18,831
{\an8}DI PINAPANSIN NG LAPD
ANG ISA PANG SERIAL KILLER
9
00:02:15,429 --> 00:02:16,430
Reeve.
10
00:02:19,224 --> 00:02:21,393
Marami na akong nakitang ganito, pero...
11
00:02:21,393 --> 00:02:22,561
{\an8}MAGPROTEKTA AT MAGLINGKOD?
12
00:02:22,561 --> 00:02:26,231
{\an8}"Tumabi ka, Southside Slayer,
may makakasama ka.
13
00:02:26,231 --> 00:02:28,859
Ayon sa mga source sa Parker Center,
14
00:02:28,859 --> 00:02:32,613
isang bagong serial killer
ang naghahasik ng lagim sa mga Black,
15
00:02:32,613 --> 00:02:35,532
at ginagawa ng LAPD ang lahat
para 'wag itong pansinin."
16
00:02:36,617 --> 00:02:38,785
Reeve, nasa task force ka.
17
00:02:38,785 --> 00:02:40,954
Sa tingin mo, di natin ito pinapansin?
18
00:02:40,954 --> 00:02:43,165
- Ako, hindi.
- Alam ko rin iyan.
19
00:02:43,165 --> 00:02:46,460
Ginulpi mo ang isang mahalagang
impormante, halos nabulag siya.
20
00:02:46,460 --> 00:02:48,545
Suwerte ka, walang may video camera doon.
21
00:02:48,545 --> 00:02:50,088
Isa siyang abusadong bugaw,
22
00:02:50,088 --> 00:02:53,634
nambubugaw ng mga babae
sa mga pinakadelikado sa South Central.
23
00:02:53,634 --> 00:02:56,219
O di ba iyon mahalaga
dahil NHI na naman siya?
24
00:02:56,219 --> 00:02:58,639
Narinig mo na ba akong
gumamit ng salitang iyan?
25
00:02:58,639 --> 00:03:03,936
Di mo kailangan, sir.
Ginagamit na ito ng mga pinapamunuan mo.
26
00:03:04,478 --> 00:03:08,065
No humans involved? Hindi, kapag
sa Brentwood nakatira ang mga biktima...
27
00:03:08,065 --> 00:03:10,442
{\an8}Nagulat akong wala iyan sa artikulo mo.
28
00:03:10,442 --> 00:03:13,445
{\an8}- Di ako ang sumulat...
- Di ikaw ang source?
29
00:03:13,445 --> 00:03:15,697
Sigurado akong di iyon si McKinney.
30
00:03:15,697 --> 00:03:18,575
Hindi mo ako sinunod.
31
00:03:18,575 --> 00:03:23,205
Ang ginawa mo
ay hindi pagsunod sa direktang utos
32
00:03:23,205 --> 00:03:25,582
na 'wag munang makipag-usap sa press.
33
00:03:27,459 --> 00:03:29,044
Inaalis mo ako sa kaso?
34
00:03:29,044 --> 00:03:30,379
Para makalusot ka?
35
00:03:30,379 --> 00:03:33,215
Lintik, hindi. Si McKinney ang inaalis ko.
36
00:03:33,215 --> 00:03:35,509
Responsibilidad mo na ang kasong ito.
37
00:03:35,509 --> 00:03:39,638
Sinabi mo sa lungsod na ito
na may bagong serial killer.
38
00:03:42,015 --> 00:03:43,934
Ngayon, problema mo na iyan.
39
00:03:52,067 --> 00:03:53,360
Ang aga mo.
40
00:03:54,820 --> 00:04:00,325
Oo, gusto kong magrelaks dito
nang hindi ka bantay-sarado sa akin.
41
00:04:01,118 --> 00:04:03,704
Kukunin ko lang ang mga order form.
42
00:04:08,500 --> 00:04:10,127
Kailangan mo ba ng tulong?
43
00:04:11,253 --> 00:04:13,255
Bantay-sarado ako sa iyo.
44
00:04:13,255 --> 00:04:15,215
- Aalis na ako.
- Sige.
45
00:05:21,948 --> 00:05:23,200
Di kami bukas.
46
00:05:42,511 --> 00:05:43,512
Inihahanda lang kita.
47
00:05:43,512 --> 00:05:46,973
Gusto kang kausapin ni Lieutenant
sa opisina niya nang 2:00.
48
00:05:46,973 --> 00:05:48,767
Tungkol sa nangyari kanina?
49
00:05:49,601 --> 00:05:52,854
Di kami magkasundo ni McKinney.
Kailangan ko ng bagong partner.
50
00:05:53,396 --> 00:05:56,316
Tinanong ako kung sino ang gusto ko.
Sabi ko, ikaw.
51
00:05:56,983 --> 00:05:59,736
Oo naman. Nagbibiro ka?
52
00:05:59,736 --> 00:06:02,823
- Oo, ikararangal kong...
- Kumalma ka.
53
00:06:03,406 --> 00:06:05,367
Patawad. Nasasabik lang ako.
54
00:06:06,118 --> 00:06:09,955
Sa totoo lang, mataas ang tingin ko sa iyo
mula nang dumating ako sa RHD.
55
00:06:11,206 --> 00:06:15,377
Paano kung sabihin ko sa iyong
ako ang source ng artikulo sa Weekly?
56
00:06:15,377 --> 00:06:17,629
Problema ba iyon para sa iyo?
57
00:06:18,213 --> 00:06:20,841
Dahil kinausap mo ang press
tungkol sa isang serial?
58
00:06:22,634 --> 00:06:25,011
Ganoon nila nahuli si Night Stalker, tama?
59
00:06:25,011 --> 00:06:27,013
Kung di nakipag-ugnayan si Gil Carrillo,
60
00:06:27,013 --> 00:06:29,683
baka marami pang napatay.
61
00:06:29,683 --> 00:06:31,977
Beat cop ako noong nangyari iyon.
62
00:06:31,977 --> 00:06:34,187
Kami ni Gil, magkapitbahay kami.
63
00:06:34,187 --> 00:06:36,857
Siya ang dahilan
kung bakit gusto ko sa Homicide.
64
00:06:36,857 --> 00:06:41,069
Oo, pero magkaiba ang pagsubaybay
kay Night Stalker sa media.
65
00:06:41,653 --> 00:06:44,406
Iba ang humawak
ng serial homicide na kaso.
66
00:06:45,323 --> 00:06:46,575
Tiyak kang ayos sa iyo?
67
00:06:49,703 --> 00:06:52,789
Pumatay na siya noon.
Di ka magsisimula nang ganito kahusay.
68
00:06:52,789 --> 00:06:55,542
Oo. Walang pisikal na ebidensiya.
69
00:06:56,251 --> 00:06:58,670
- Walang print, buhok...
- Walang pagkakamali.
70
00:07:00,422 --> 00:07:02,174
- Sa tingin ko, kilala niya sila.
- Bakit?
71
00:07:03,216 --> 00:07:06,178
Dahil sa karahasan,
sobra ang ginawa niya para mapahiya sila.
72
00:07:06,178 --> 00:07:09,222
Mukha itong personal at paghihiganti.
73
00:07:09,764 --> 00:07:13,435
Puwedeng kapalit ang mga biktima
ng mga taong nanakit sa kaniya.
74
00:07:13,435 --> 00:07:16,563
Tulad ni Bundy.
Pinatay niya ang mga babaeng kamukha
75
00:07:16,563 --> 00:07:18,690
ng babaeng nanakit sa puso niya.
76
00:07:19,482 --> 00:07:23,111
Asikasuhin natin ang mga foster home
record mula sa DCFS.
77
00:07:24,487 --> 00:07:28,700
Sa tingin ko pa rin, tumira sa bahay
ni Mott bilang bata ang pumapatay.
78
00:07:28,700 --> 00:07:33,705
Tingnan mo kung may rekord,
o kung isa sa kanila si Curtis Maynard.
79
00:07:34,331 --> 00:07:35,332
Sige po.
80
00:07:36,291 --> 00:07:39,628
Bakit sila inilagay sa masisikip na lugar?
Di niya sila itinatago.
81
00:07:39,628 --> 00:07:42,839
Naglagay siya ng mga panlinis
papunta sa bangkay ni Mott.
82
00:07:42,839 --> 00:07:45,133
Sa mga kasangkapan sa kuwarto ni Maynard,
83
00:07:45,133 --> 00:07:47,219
para bang itinuturo niya iyon.
84
00:07:48,011 --> 00:07:49,304
Gusto niyang makita natin.
85
00:07:49,930 --> 00:07:53,141
- Oo. Pero, ano?
- Siya.
86
00:07:54,726 --> 00:07:56,895
Paano kung nadarama niyang nakatago siya?
87
00:07:58,021 --> 00:08:00,232
Tulad ni Zodiac at Son of Sam?
88
00:08:01,149 --> 00:08:05,153
Di ako magugulat kung makikipag-ugnayan
siya sa atin, tulad nila.
89
00:08:06,363 --> 00:08:07,822
Gusto niyang mapansin siya.
90
00:08:33,765 --> 00:08:34,766
Hi.
91
00:08:35,350 --> 00:08:36,768
Puwede ba akong pumasok?
92
00:08:38,478 --> 00:08:39,479
Oo.
93
00:08:45,652 --> 00:08:49,364
Hulaan mo ang ginawa ko kanina.
94
00:08:50,448 --> 00:08:51,616
Ano?
95
00:08:52,325 --> 00:08:55,036
Umalis na ako sa trabaho ko.
96
00:08:57,247 --> 00:08:59,249
Kailangang mas mataas ang mga mithiin ko.
97
00:09:00,458 --> 00:09:03,044
- Edmund...
- Ayos lang talaga.
98
00:09:03,795 --> 00:09:07,424
May kasabihan nga,
"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
99
00:09:08,258 --> 00:09:09,843
Ngayon, kailangan kong galingan.
100
00:09:11,428 --> 00:09:12,929
"Mas binabasbasan ang matatapang."
101
00:09:13,930 --> 00:09:16,725
Oo. Matapang talaga.
102
00:09:17,600 --> 00:09:19,019
Pero, gusto kong sabihin,
103
00:09:19,561 --> 00:09:22,439
masaya ako dahil pinagsisikapan mo
ang pangarap mo.
104
00:09:23,023 --> 00:09:24,190
Ikaw?
105
00:09:24,733 --> 00:09:25,859
Ano ang pangarap mo?
106
00:09:28,278 --> 00:09:31,281
Umaarte ako nang kaunti
noong high school, pero...
107
00:09:31,781 --> 00:09:34,075
Ewan ko, mahirap kapag may anak ka na.
108
00:09:34,075 --> 00:09:37,704
Hindi naman sa pangarap kong
maging receptionist,
109
00:09:37,704 --> 00:09:39,456
pero binubuhay kami nito.
110
00:09:39,456 --> 00:09:42,500
Nauunawaan ko. Kailangan din ng mundo
ang mga receptionist.
111
00:09:44,753 --> 00:09:48,298
Sa totoo, gusto ko ang trabaho ko.
112
00:09:49,049 --> 00:09:50,467
At gusto ko ang mga katrabaho ko.
113
00:09:51,009 --> 00:09:53,428
Alam mo, para kaming pamilya.
114
00:09:54,387 --> 00:09:58,475
At karaniwang lumalabas kami para uminom
pagkatapos ng trabaho kapag Biyernes.
115
00:09:59,184 --> 00:10:02,020
Sino, ikaw at mga kaibigan mong babae?
116
00:10:02,937 --> 00:10:08,151
Oo, kami nina Courtney, Stella at Donovan.
117
00:10:09,194 --> 00:10:11,446
Oo, masayang kasama si Donovan.
118
00:10:12,113 --> 00:10:13,323
Iyong may kamera?
119
00:10:14,074 --> 00:10:15,158
Oo.
120
00:10:16,159 --> 00:10:17,994
Ang casting assistant.
121
00:10:25,210 --> 00:10:28,797
Ayos lang bang magbanyo ako sandali?
122
00:10:54,155 --> 00:10:56,699
{\an8}ANG MASAYANG TAHANAN
PAGBUO NG PLANO SA BUHAY MO
123
00:11:24,060 --> 00:11:25,812
Edmund, ano ang ginagawa mo?
124
00:11:26,813 --> 00:11:27,814
Edmund.
125
00:11:29,190 --> 00:11:30,442
Edmund, di ito nakakatawa.
126
00:11:39,242 --> 00:11:41,411
- Edmund, tumigil ka.
- Di ko kaya.
127
00:11:48,001 --> 00:11:53,173
Di ko maalis sa isip ko ang imahe mo.
128
00:11:53,173 --> 00:11:56,176
Edmund, pakiusap, tumigil ka.
129
00:11:56,676 --> 00:11:57,886
Ikaw...
130
00:12:01,097 --> 00:12:02,307
Pira-piraso.
131
00:12:02,307 --> 00:12:05,018
Pakiusap, Edmund.
May anak ako, natatandaan mo ba?
132
00:12:05,018 --> 00:12:06,311
Natatandaan mo ba si Kenny?
133
00:12:07,604 --> 00:12:10,356
Edmund, kailangan niya ako.
'Wag mong gawin ito.
134
00:12:11,733 --> 00:12:12,942
Pakiusap.
135
00:12:23,369 --> 00:12:24,662
Wow.
136
00:12:25,413 --> 00:12:29,167
Wow, iyon ay... Ang galing mong mag-improv.
137
00:12:29,792 --> 00:12:30,919
Ibig kong sabihin...
138
00:12:30,919 --> 00:12:33,087
Nadama ko talaga ang takot mo.
139
00:12:33,671 --> 00:12:35,173
Kumusta ako? Mahusay ba ako?
140
00:12:36,299 --> 00:12:37,300
Oo.
141
00:12:37,592 --> 00:12:39,761
Oo? Ayos.
142
00:12:40,261 --> 00:12:41,513
Ayos!
143
00:12:41,804 --> 00:12:43,681
Gumagabi na. Aalis na ako.
144
00:13:03,576 --> 00:13:05,662
RHD. Si Reeve ito.
145
00:13:06,579 --> 00:13:10,667
Ikaw ba ang detective
sa mga pagpatay na iniulat sa Weekly?
146
00:13:11,501 --> 00:13:13,127
Oo. Sino ka?
147
00:13:14,045 --> 00:13:15,964
Kailangan nating magkita bukas.
148
00:13:16,714 --> 00:13:18,341
May impormasyon ako.
149
00:13:18,341 --> 00:13:19,634
At ano ang pangalan mo?
150
00:13:21,636 --> 00:13:24,514
34, North Western Avenue. 8:00 a.m.
151
00:13:25,598 --> 00:13:27,684
May dalawa pang pagpatay.
152
00:13:29,269 --> 00:13:31,062
Sige, paano mo nalaman...
153
00:13:31,062 --> 00:13:32,355
Hello?
154
00:13:33,147 --> 00:13:34,148
Hello?
155
00:13:57,463 --> 00:13:58,590
Tao po?
156
00:14:00,383 --> 00:14:01,634
May tao po ba?
157
00:14:16,899 --> 00:14:18,651
Ako si Detective Reeve ng LAPD.
158
00:14:26,784 --> 00:14:27,910
Tao po?
159
00:14:32,665 --> 00:14:34,250
Ikaw ba ang tumawag sa akin?
160
00:14:35,543 --> 00:14:36,544
Ako si Victor.
161
00:14:37,253 --> 00:14:39,589
Bakit tayo nasa dilim, Victor?
162
00:14:44,719 --> 00:14:45,928
Sa magulang mo ba ito?
163
00:14:47,555 --> 00:14:48,681
Nakatira sila sa itaas.
164
00:14:49,349 --> 00:14:51,267
May impormasyon ka sa mga pagpatay...
165
00:14:51,267 --> 00:14:53,144
Dito rin tumira ang mga kapatid ko.
166
00:14:56,356 --> 00:14:57,482
Sina Sue-Yeon at So-Young.
167
00:14:59,692 --> 00:15:00,777
Ngayon, patay na sila.
168
00:15:02,236 --> 00:15:04,238
Pinatay ang mga kapatid ko.
169
00:15:06,074 --> 00:15:08,576
- Noong isang buwan.
- Sila ang binanggit mo kagabi?
170
00:15:11,496 --> 00:15:13,039
- Paano sila namatay, Victor?
- Hindi.
171
00:15:14,415 --> 00:15:16,751
Sabihin mong di mo guguluhin
ang mga magulang ko.
172
00:15:18,002 --> 00:15:21,130
Dalawampung taon na sila sa United States.
173
00:15:23,007 --> 00:15:24,133
Mabubuti sila.
174
00:15:24,133 --> 00:15:27,637
- Kailangan mong huminahon.
- Marami na silang napagdaanan.
175
00:15:27,637 --> 00:15:29,138
Uy, huminahon ka.
176
00:15:30,264 --> 00:15:32,725
- Di ako manggugulo...
- Ang mga pulis...
177
00:15:34,852 --> 00:15:38,189
Kinuwestiyon nila ang tatay ko,
ipinahiya siya.
178
00:15:39,941 --> 00:15:41,109
Di siya ang gumawa no'n.
179
00:15:41,859 --> 00:15:44,696
- Pinakawalan siya, at ngayon, sila...
- Victor.
180
00:15:44,696 --> 00:15:47,615
- Wala silang ginagawa ngayon.
- Victor, makinig ka.
181
00:15:48,324 --> 00:15:50,034
Sa Homicide ako.
182
00:15:52,203 --> 00:15:53,788
Nauunawaan ko ang lungkot mo.
183
00:15:56,249 --> 00:15:57,500
Walang nagmamalasakit.
184
00:16:02,880 --> 00:16:04,799
At malaya pa rin ang pumatay.
185
00:16:08,261 --> 00:16:09,262
Victor.
186
00:16:11,055 --> 00:16:12,557
Ano ang nangyayari?
187
00:16:14,726 --> 00:16:15,727
Ayos lang po.
188
00:16:17,937 --> 00:16:19,313
Pulis siya.
189
00:16:20,648 --> 00:16:21,816
Mahal!
190
00:16:21,983 --> 00:16:23,234
Mahal, labas ka rito!
191
00:16:23,234 --> 00:16:25,069
Narito lang po ako para tumulong, okey?
192
00:16:25,319 --> 00:16:27,447
- Ano ito?
- Kumalma ka.
193
00:16:27,447 --> 00:16:28,823
Pulis siya.
194
00:16:29,949 --> 00:16:31,033
Labas.
195
00:16:31,284 --> 00:16:32,285
- Labas!
- Sir,
196
00:16:32,285 --> 00:16:34,579
di ko sadyang mapaiyak
ang asawa mo. Tutulong ako.
197
00:16:34,579 --> 00:16:35,538
Ayaw namin sa pulis.
198
00:16:36,164 --> 00:16:37,665
Tapos na.
199
00:16:38,040 --> 00:16:39,041
Tigilan n'yo kami!
200
00:16:39,041 --> 00:16:41,210
Di siya nandito para sa inyo!
201
00:16:41,210 --> 00:16:42,336
May tiwala ako sa kaniya.
202
00:16:43,254 --> 00:16:44,464
Matutulungan niya tayo.
203
00:16:55,266 --> 00:16:57,393
- May gumalaw ba ng...
- Wala.
204
00:16:57,393 --> 00:17:00,313
Ganito nila mismo iniwan ang lahat.
205
00:17:15,870 --> 00:17:17,580
Tinatakpan talaga nila ang salamin?
206
00:17:19,624 --> 00:17:22,752
Sinimulan nila ilang araw
bago sila mamatay.
207
00:17:26,964 --> 00:17:29,675
Ano ito? Nakatakip ng kumot ang salamin.
208
00:17:29,675 --> 00:17:31,177
Hindi, wag...
209
00:17:36,808 --> 00:17:38,434
Pinagdikit nila ang mga kama nila?
210
00:17:39,769 --> 00:17:40,853
Oo.
211
00:17:41,938 --> 00:17:45,525
Ilang araw bago sila mamatay.
Takot silang matulog nang magkahiwalay.
212
00:17:46,567 --> 00:17:49,278
Kilala mo ba siya?
Ang lalaking kinakatakutan ni Bb. Bernice?
213
00:17:50,279 --> 00:17:52,198
Ayaw niyang makatulog.
214
00:17:53,241 --> 00:17:55,952
Ayaw rin niyang makatulog kami.
215
00:17:58,621 --> 00:17:59,872
Gumagawa sila ng home videos?
216
00:18:00,581 --> 00:18:03,626
Lagi. Gustong maging artista ni Sue-Yeon.
217
00:18:03,626 --> 00:18:05,336
Alam mo ba kung nasaan ang mga iyon?
218
00:18:17,974 --> 00:18:21,310
May lumang vent doon, air conditioning.
219
00:18:22,395 --> 00:18:23,604
Gaano sila kataas?
220
00:18:25,982 --> 00:18:27,275
Halos kasintaas mo.
221
00:19:05,021 --> 00:19:06,814
Matalik na magkaibigan sila.
222
00:19:08,691 --> 00:19:09,901
Mahilig silang sumayaw.
223
00:19:22,079 --> 00:19:24,373
Biglang naging kakaiba ang kilos nila.
224
00:19:26,208 --> 00:19:29,420
Sabi nila, isang hapon,
may sumusunod sa kanila noong pauwi sila,
225
00:19:29,420 --> 00:19:31,631
pero di nila siya mailarawan.
226
00:19:36,844 --> 00:19:39,096
Akala ko, ganoon lang talaga
ang mga teenager.
227
00:19:39,096 --> 00:19:42,850
Akala ko, nagiging paranoid lang sila.
228
00:19:44,268 --> 00:19:45,269
Sue-Yeon?
229
00:19:46,354 --> 00:19:47,355
Sue-Yeon.
230
00:19:48,522 --> 00:19:49,649
Sue-Yeon.
231
00:19:53,235 --> 00:19:54,654
Takot na takot ako, Sue-Yeon.
232
00:19:57,239 --> 00:19:58,532
Nakikita mo ba siya?
233
00:19:59,617 --> 00:20:01,160
Nakatitig siya sa akin.
234
00:20:01,577 --> 00:20:03,454
Siya iyon. Siya iyon.
235
00:20:04,038 --> 00:20:06,874
- Sa may poste ng ilaw. Nakikita mo siya?
- Kita ko.
236
00:20:06,874 --> 00:20:09,627
- Naroon siya.
- Nakatingin siya sa atin.
237
00:20:10,252 --> 00:20:11,796
Ang lalaking pula ang buhok.
238
00:20:11,796 --> 00:20:13,089
Nakikita ko siya.
239
00:20:13,089 --> 00:20:15,174
- Binanggit ba nila ito sa iyo?
- Hindi.
240
00:20:15,174 --> 00:20:16,592
Naroon siya.
241
00:20:16,592 --> 00:20:17,551
Nakikita ko siya.
242
00:20:17,551 --> 00:20:18,803
Naroon siya.
243
00:20:20,805 --> 00:20:22,932
Nakatingin siya sa akin.
244
00:20:26,560 --> 00:20:28,104
Natagpuan ko sila kinabukasan.
245
00:20:32,191 --> 00:20:33,484
Takot na takot ako, Sue-Yeon.
246
00:20:38,489 --> 00:20:41,909
Maniwala ka man o hindi,
maraming tao sa labas
247
00:20:41,909 --> 00:20:46,497
ang nag-iisip ng pagpunta mo rito,
at takot talaga sila sa iyo.
248
00:20:46,497 --> 00:20:49,583
Baka wasakin ko ang lahat.
249
00:20:49,583 --> 00:20:51,544
Nakakahilakbot ang lahat.
250
00:20:51,544 --> 00:20:53,921
Isang tao lang, nakakahilakbot.
251
00:20:53,921 --> 00:20:56,799
Napaka-insecure talaga natin
bilang mga tao,
252
00:20:56,799 --> 00:21:00,261
natatakot sa isang tao,
natatakot na pakawalan siya,
253
00:21:00,261 --> 00:21:02,179
baka sirain niya ang lahat.
254
00:21:02,680 --> 00:21:05,307
Paano ka makipag-usap sa mga tao?
255
00:21:05,307 --> 00:21:08,602
Tumindig ka at pumili
ng pinakamalalang simbolo ng takot,
256
00:21:08,602 --> 00:21:10,730
"Ayan, nasa akin na ang takot ninyo.
257
00:21:10,730 --> 00:21:12,690
Nasa akin na ang takot ninyo.
258
00:21:12,690 --> 00:21:15,860
At ang kapangyarihan ang takot,
at kapangyarihan ang kontrol.
259
00:21:15,860 --> 00:21:20,031
Ako ang hari ng buong planeta.
Paghaharian ko ang buong mundo."
260
00:21:20,031 --> 00:21:23,868
Mas malaki ang mundo ng kabaliwan
kaysa mundo ng katinuan.
261
00:21:23,868 --> 00:21:26,954
Napakaliit lang ng katinuan.
262
00:21:27,747 --> 00:21:31,876
Maliit na mundo ang katinuan,
pero ang kabaliwan ang siyang uniberso.
263
00:21:48,100 --> 00:21:49,351
Hindi.
264
00:21:58,402 --> 00:22:01,238
Ikaw ang pinakamalinis na nakilala ko.
265
00:22:01,238 --> 00:22:02,323
Patawad.
266
00:22:02,323 --> 00:22:04,241
May nagpapakaba sa iyo.
267
00:22:06,535 --> 00:22:12,041
Nadama mo na ba
na parang may mangyayaring masama?
268
00:22:12,958 --> 00:22:16,712
Na parang kapag kumilos ka nang partikular
o kapag may ginawa ka...
269
00:22:18,297 --> 00:22:20,925
Mamamatay ang mga mahal mo sa buhay?
270
00:22:21,842 --> 00:22:23,636
Tulad ng galawin ang isang lapis?
271
00:22:25,513 --> 00:22:27,223
Mahirap ipaliwanag. Kalimutan mo na.
272
00:22:27,223 --> 00:22:30,184
Sandali. Hindi.
Gusto kong unawain ang sinasabi mo.
273
00:22:30,184 --> 00:22:31,977
Sa tingin mo, ang paggawa ng mga bagay
274
00:22:31,977 --> 00:22:37,191
ay magpapabago sa kalalabasan ng mga bagay
na wala namang kinalaman dito?
275
00:22:37,191 --> 00:22:39,944
Parang tanga lang, pero nadarama ko iyon.
276
00:22:39,944 --> 00:22:44,156
- Isang damdaming mayroon ako.
- Pero paano kung hindi?
277
00:22:44,865 --> 00:22:46,992
Kung ganoon,
kapag walang masamang nangyari,
278
00:22:46,992 --> 00:22:49,912
mapapatunayan mong
di mo ito dapat intindihin.
279
00:22:51,372 --> 00:22:52,414
Sandali lang.
280
00:22:52,414 --> 00:22:55,334
Nangyari ito noong isang buwan
pero wala ito sa database?
281
00:22:55,334 --> 00:22:59,588
May ginawang kalokohan
ang mga taga-divisional homicide bureau,
282
00:22:59,588 --> 00:23:01,590
kaya di umabot sa CCAD ang ulat nila
283
00:23:01,590 --> 00:23:04,260
dahil nasa record box lang ito
ng klerk nila.
284
00:23:04,260 --> 00:23:05,261
Nang 30 araw?
285
00:23:06,595 --> 00:23:10,641
Walang divisional detective ang gustong
magpasa ng kaso sa Parker Center.
286
00:23:10,641 --> 00:23:14,395
Alamin mo kung may mga bagong
naka-parole na may pulang buhok.
287
00:23:14,395 --> 00:23:16,939
- Pati ang mga pscyhiatric na ospital.
- Sige.
288
00:23:17,898 --> 00:23:19,608
Dalawang Black na adult.
289
00:23:20,776 --> 00:23:22,820
Isang lalaki, isang babae.
290
00:23:23,904 --> 00:23:25,656
At dalawang Korean na teenager.
291
00:23:26,532 --> 00:23:29,160
Ano ang koneksiyon?
Paano siya pumipili ng biktima?
292
00:23:29,160 --> 00:23:30,661
Kilala ba niya sila?
293
00:23:30,661 --> 00:23:33,873
Duda ako riyan.
Walang nakasaksi sa taong ito.
294
00:23:33,873 --> 00:23:36,709
Isang lalaking may pulang buhok
sa mga lugar na ito?
295
00:23:36,709 --> 00:23:40,129
Sino ang di pinapansin
anuman ang lahi niya?
296
00:23:40,129 --> 00:23:42,590
Kartero? Basurero?
297
00:23:46,093 --> 00:23:47,428
O pulis.
298
00:23:48,387 --> 00:23:51,056
Walang sapilitang pagpasok
sa mga crime scene.
299
00:23:51,056 --> 00:23:54,602
Bubuksan mo ang pinto mo
kapag may pulis, kahit anong oras.
300
00:24:02,818 --> 00:24:04,695
Ang lalaking may pulang buhok.
301
00:24:07,698 --> 00:24:09,408
Ang lalaking may pulang buhok.
302
00:24:11,869 --> 00:24:13,579
Ang lalaking may pulang buhok.
303
00:24:14,330 --> 00:24:16,290
Nagpupuyat ka?
304
00:24:17,499 --> 00:24:18,792
Patawad.
305
00:24:21,086 --> 00:24:23,297
Dapat, mas magsaya ka, Reeve.
306
00:24:24,548 --> 00:24:26,175
Napakasipag mong magtrabaho.
307
00:24:32,097 --> 00:24:35,184
- Ano ang pinapanood natin?
- Wala tayong pinapanood.
308
00:24:37,978 --> 00:24:40,022
Ano ang ginagawa mo rito, McKinney?
309
00:24:43,484 --> 00:24:46,195
Dalawampung minuto na
mula nang mag-last call,
310
00:24:46,195 --> 00:24:48,489
at di pa ako handang umuwi.
311
00:24:49,156 --> 00:24:53,744
Kaya naisip kong dumaan dito,
tingnan kung ano'ng mayroon.
312
00:24:54,662 --> 00:24:56,664
May problema sa desk mo?
313
00:25:01,001 --> 00:25:04,213
Puwede ba nating simulang muli
ang relasyon natin?
314
00:25:04,213 --> 00:25:06,423
Wala tayong relasyon.
315
00:25:07,466 --> 00:25:08,467
Oo.
316
00:25:09,134 --> 00:25:10,261
Buweno...
317
00:25:12,596 --> 00:25:13,806
Baka...
318
00:25:16,350 --> 00:25:18,060
Baka, magbago iyon.
319
00:25:19,311 --> 00:25:21,272
May trabaho pa ako, McKinney. Okey?
320
00:25:23,232 --> 00:25:24,650
Trabaho, trabaho.
321
00:25:25,276 --> 00:25:28,779
Iyon lang ang mahalaga sa iyo. Alam ko
namang may gusto kang patunayan.
322
00:25:28,779 --> 00:25:31,490
Gusto mong ipakita sa kanila
kung sino ka, tama?
323
00:25:34,576 --> 00:25:38,789
Ipakita sa kanilang
di lang politikal ang pagkuha sa iyo.
324
00:25:41,625 --> 00:25:42,710
Patawad.
325
00:25:46,463 --> 00:25:48,674
- Patawad.
- Para sa?
326
00:25:54,388 --> 00:25:55,389
Para sa lahat.
327
00:25:56,015 --> 00:25:58,309
Dahil sa mga ginawa ko sa iyo.
328
00:25:58,976 --> 00:26:01,812
Sa tingin ko,
di ako ang pinakamatulunging partner.
329
00:26:08,444 --> 00:26:10,988
Sana 'wag ka namang maarte.
330
00:26:23,959 --> 00:26:25,127
Kumusta ang anak mo?
331
00:26:28,088 --> 00:26:32,301
Mag-isa lang siya
kapag lagi kang nagtatrabaho?
332
00:26:33,010 --> 00:26:34,595
Umuwi ka na, McKinney.
333
00:26:36,388 --> 00:26:37,681
- Itulog mo na lang iyan.
- Ano?
334
00:26:38,390 --> 00:26:39,683
Natatakot ka ba?
335
00:26:40,309 --> 00:26:41,310
Dapat ba?
336
00:26:44,688 --> 00:26:46,023
Baliw ka.
337
00:26:53,489 --> 00:26:54,698
Medyo gusto ko iyon.
338
00:27:30,234 --> 00:27:31,568
Normal ang mga test mo.
339
00:27:31,568 --> 00:27:34,321
Baka anxiety. May problema ba sa pamilya?
340
00:27:35,280 --> 00:27:36,490
Iba ito.
341
00:27:38,200 --> 00:27:41,161
Baka altapresyon. Karaniwan ito.
342
00:27:41,787 --> 00:27:43,455
May family history ka nito?
343
00:27:44,623 --> 00:27:46,166
Inatake sa puso ang tatay ko.
344
00:27:50,546 --> 00:27:53,924
Ayos lang ba kung paiinumin kita
ng beta blockers, para ligtas,
345
00:27:53,924 --> 00:27:56,051
at patitingnan kita sa cardiologist?
346
00:27:57,803 --> 00:27:58,804
Sige.
347
00:28:11,859 --> 00:28:13,861
- Kumusta ka?
- Uy, Pa.
348
00:28:14,862 --> 00:28:16,864
Ang husay mo.
349
00:28:19,032 --> 00:28:21,869
Pero, bantayan mo
ang durmmer sa kaliwa mo.
350
00:28:21,869 --> 00:28:23,162
Wala siyang ritmo.
351
00:28:23,162 --> 00:28:25,998
Oo. Pero tatay niya
ang direktor ng banda, kaya...
352
00:28:28,459 --> 00:28:29,501
Grabe.
353
00:28:29,501 --> 00:28:31,253
Gaano ka katagal dito?
354
00:28:32,296 --> 00:28:34,339
May tugtog kami mamaya sa San Diego.
355
00:28:35,674 --> 00:28:37,801
May sound check ako
sa loob ng tatlong oras.
356
00:28:37,801 --> 00:28:42,306
Pumunta ka rito mula San Diego
para bisitahin ako nang sampung minuto?
357
00:28:42,306 --> 00:28:43,390
Oo naman.
358
00:28:44,057 --> 00:28:46,894
Sino pang magsasabi sa iyong
mas galingan mo pa?
359
00:28:48,061 --> 00:28:49,688
Sige.
360
00:28:51,857 --> 00:28:52,983
Kumusta ang mama mo?
361
00:28:55,736 --> 00:28:56,737
Ayos naman siya.
362
00:29:01,408 --> 00:29:02,701
Na-miss kita, iho.
363
00:29:03,368 --> 00:29:04,453
Tandaan mo iyan.
364
00:29:36,735 --> 00:29:39,446
- Saan ka galing?
- Sa paaralan.
365
00:29:48,497 --> 00:29:49,706
Akin na ang bag mo.
366
00:29:50,791 --> 00:29:52,543
May ginawa ba akong mali?
367
00:29:52,543 --> 00:29:54,503
Papahirapan mo ba ako?
368
00:30:10,018 --> 00:30:11,645
Saan mo nakuha iyan?
369
00:30:53,645 --> 00:30:54,730
Arestado ba ako?
370
00:30:57,816 --> 00:30:58,859
Natatakot ka ba?
371
00:31:03,905 --> 00:31:05,699
Alam ng tatay mong nagma-marijuana ka?
372
00:31:07,659 --> 00:31:10,912
Di mo man maisip, pero magkatulad tayo.
373
00:31:12,289 --> 00:31:14,541
Bihira lang din sa bahay ang tatay ko.
374
00:31:15,542 --> 00:31:19,504
Pero, sa sarili niyang paraan,
tinuruan niya ako ng ilang bagay.
375
00:31:21,256 --> 00:31:23,592
Na masakit mahampas ng belt.
376
00:31:41,902 --> 00:31:43,654
Ikumusta mo ako sa nanay mo.
377
00:33:35,432 --> 00:33:36,767
Edmund Gaines.
378
00:33:46,693 --> 00:33:48,069
Pakiusap, umalis ka na.
379
00:33:51,948 --> 00:33:52,949
Narinig mo ba ako?
380
00:33:54,576 --> 00:33:55,660
Umalis?
381
00:33:56,870 --> 00:33:58,205
Pero kararating ko lang.
382
00:33:58,997 --> 00:34:00,373
Patawad.
383
00:34:00,373 --> 00:34:02,125
Uy.
384
00:34:03,084 --> 00:34:04,252
Hindi...
385
00:34:15,305 --> 00:34:16,598
Uy.
386
00:34:16,598 --> 00:34:19,100
Hindi, Edmund, di ka
mag-o-audition para dito.
387
00:34:19,100 --> 00:34:22,771
- Ano'ng problema? Bakit hindi?
- Umuwi ka na. Di ito para sa iyo.
388
00:34:23,814 --> 00:34:26,274
Hindi. Para ito sa akin.
389
00:34:26,274 --> 00:34:28,652
Papel ko ito. Ano...
390
00:34:35,742 --> 00:34:37,244
Sabi mo, bagay ito sa akin.
391
00:34:39,204 --> 00:34:40,205
Makinig ka...
392
00:34:41,122 --> 00:34:43,250
Narinig mo si Stella. Umalis ka na.
393
00:34:44,626 --> 00:34:45,836
Tatawag ako sa pulisya.
394
00:34:47,546 --> 00:34:49,172
Sabi mo, bagay ito sa akin.
395
00:34:53,468 --> 00:34:55,804
Sabi mo, bagay ito sa akin!
396
00:34:57,889 --> 00:35:00,517
Sabi mo, bagay ito sa akin!
397
00:35:45,937 --> 00:35:47,188
{\an8}Nagbibiro ka ba?
398
00:35:49,482 --> 00:35:50,692
Ang aga mong umuwi.
399
00:35:53,236 --> 00:35:55,572
Pag-uusapan natin ito
kapag malinaw na ang isip mo.
400
00:36:05,874 --> 00:36:06,875
Gutom ka?
401
00:36:23,516 --> 00:36:25,185
Bago ka lang bang nagma-marijuana?
402
00:36:28,688 --> 00:36:29,773
Madalas kang gumamit?
403
00:36:33,109 --> 00:36:34,152
Hindi naman.
404
00:36:35,570 --> 00:36:37,072
Siguro, kapag stressed ako.
405
00:36:44,788 --> 00:36:47,791
Alam kong maraming nangyayari sa buhay mo.
406
00:36:51,878 --> 00:36:53,672
Ang paghihiwalay namin ng tatay mo.
407
00:36:56,132 --> 00:36:57,217
Mahirap ang pagbabago.
408
00:36:58,051 --> 00:36:59,052
Oo.
409
00:37:02,138 --> 00:37:06,142
Minsan, may mga ginagawa ako para kumalma.
410
00:37:06,142 --> 00:37:07,268
Tulad ng pagma-marijuana?
411
00:37:08,937 --> 00:37:10,814
Uy. Nauunawaan kita.
412
00:37:11,898 --> 00:37:14,317
Napakahirap ng buhay.
413
00:37:15,735 --> 00:37:16,778
Pati sa akin.
414
00:37:20,865 --> 00:37:23,118
Kaya gusto kong nagtatrabaho lagi.
415
00:37:24,411 --> 00:37:26,079
Kapag may gumawa ng krimen,
416
00:37:27,038 --> 00:37:29,541
dapat lutasin ko,
dahil isa lang ang sagot.
417
00:37:32,836 --> 00:37:34,546
Alam kong lagi akong nagtatrabaho.
418
00:37:36,172 --> 00:37:40,719
Pero gusto kong lapitan mo ako
kapag may inaalala ka.
419
00:37:40,719 --> 00:37:43,263
Puwede nating pag-usapan ang kahit ano.
420
00:37:43,263 --> 00:37:48,393
May nangyari kanina.
421
00:37:53,356 --> 00:37:55,900
- Nakuha mo ang badge number?
- Hindi. Puwedeng tumigil ka?
422
00:37:55,900 --> 00:37:57,485
- Ang pangalan?
- Hindi?
423
00:37:57,485 --> 00:38:00,030
- Nakuha mo ang pangalan niya?
- Natatakot ako.
424
00:38:00,030 --> 00:38:02,657
Binantaan ako
ng malaking Ronald McDonald na iyon.
425
00:38:02,657 --> 00:38:04,617
"Ronald McDonald?" Ano ang sinasabi mo?
426
00:38:04,617 --> 00:38:06,870
Inikot niya ako, nagsasabi ng mga kakaiba.
427
00:38:06,870 --> 00:38:10,790
Di ko alam kung saan kami pupunta.
Ano bang dapat kong gawin?
428
00:38:10,790 --> 00:38:12,959
- Patay siya sa akin.
- Puwede bang bagalan mo?
429
00:38:18,423 --> 00:38:20,341
Lintik.
430
00:38:22,510 --> 00:38:25,472
Ano ang problema mo? Bakit may ganito ka?
431
00:38:26,222 --> 00:38:27,974
- Diyos ko, 'wag ngayon.
- Hindi, ngayon.
432
00:38:30,935 --> 00:38:32,687
Wala iyan, Ma. Okey?
433
00:38:32,687 --> 00:38:34,522
Masama ang pakiramdam ko.
434
00:38:34,522 --> 00:38:37,817
Ibinigay iyan ng doktor bilang pag-iingat.
Ayos lang ako.
435
00:38:37,817 --> 00:38:39,319
Normal ang resulta ng mga test.
436
00:38:39,319 --> 00:38:41,696
- Iha...
- 'Wag muna ngayon, Ma.
437
00:38:42,655 --> 00:38:43,782
Pakiusap.
438
00:38:48,995 --> 00:38:53,666
Paano tayo makakahanap ng pagmamahal
kung di natin mahal ang sarili natin?
439
00:38:54,626 --> 00:38:57,253
Kapag hindi matibay ang ego mo,
440
00:38:57,253 --> 00:38:59,422
na karaniwang nabubuo noong bata tayo,
441
00:38:59,422 --> 00:39:03,676
para kang nagtatayo ng bahay
sa isang di matatag na pundasyon.
442
00:39:03,676 --> 00:39:07,305
Mahina ang kalidad ng ganoong bahay.
443
00:39:07,305 --> 00:39:10,475
Ang isang taong
may mahinang pang-unawa sa realidad,
444
00:39:10,475 --> 00:39:14,270
naaakit sa mga mapanganib
at mapanirang landas.
445
00:39:14,270 --> 00:39:17,273
Kapag sumapit
ang mga di maiiwasang unos sa buhay,
446
00:39:17,273 --> 00:39:21,277
sa isang iglap, maaaring gumuho ang bahay,
447
00:39:21,402 --> 00:39:22,570
bumagsak.
448
00:39:36,126 --> 00:39:38,628
Binantaan ako
ng malaking Ronald McDonald na iyon.
449
00:39:48,221 --> 00:39:49,639
McKinney, tumigil ka!
450
00:39:49,639 --> 00:39:52,016
Tama na! Tumigil ka!
451
00:42:04,732 --> 00:42:06,734
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Arvin James Despuig
452
00:42:06,734 --> 00:42:08,820
Mapanlikhang Superbisor
Maribeth Pierce