1 00:00:54,637 --> 00:00:56,427 Anong gusto mo? Pera? 2 00:00:56,514 --> 00:00:58,434 Mayaman ako, mayaman ang tatay ko. 3 00:00:59,642 --> 00:01:04,022 'Yan ang problema niyong mga lalaki, akala niyo nadadaan sa pera ang lahat. 4 00:01:05,231 --> 00:01:09,691 Kapangyarihan ang hinahanap ko. at ang hinahanap ko 5 00:01:09,778 --> 00:01:11,398 ay wala sa 'yo. 6 00:01:11,488 --> 00:01:12,608 Sandali… 7 00:01:27,212 --> 00:01:28,632 Abalang-abala ka, Sergeant Guerrero. 8 00:01:28,713 --> 00:01:32,383 Sinabi mo pa. Ang brutal ng nangyari dito. 9 00:01:32,467 --> 00:01:35,257 Pero ang mga guwardya lang ang kinuhanan ng mga puso. 10 00:01:35,845 --> 00:01:37,965 At lumalabas na sila'y dating mga militar, 11 00:01:38,056 --> 00:01:39,966 lahat ay mula sa isang pangkat. 12 00:01:41,976 --> 00:01:43,686 Ang Skeleton Crew. 13 00:01:43,770 --> 00:01:45,900 Kilala namin ang mga tattoo na 'yan, boss. 14 00:01:46,606 --> 00:01:48,526 Madalas silang ipinapadala sa timog. 15 00:01:49,484 --> 00:01:51,574 Isang lokong grupo at mayroong mas lokong CO. 16 00:01:52,320 --> 00:01:55,780 Ang sabi ay marangal siyang ipinagbitiw matapos na pumalya ang isang operasyon. 17 00:01:55,865 --> 00:01:59,405 Tingnan mo kung mahahanap siya ng mga kakilala mo sa militar. 18 00:01:59,494 --> 00:02:01,414 Dapat natin siyang bisitahin. 19 00:02:01,496 --> 00:02:04,866 Opo, boss. Dadalhin namin ang impormasyon sa iyo oras na makuha namin ito. 20 00:02:05,917 --> 00:02:08,377 Sa tingin mo ba ang mga guwardya ang target? 21 00:02:10,505 --> 00:02:11,415 Makikita natin. 22 00:02:16,052 --> 00:02:17,802 Puwede ko bang gawin iyon, Papa? 23 00:02:39,200 --> 00:02:40,660 Ang ating pangunahing suspek. 24 00:02:43,746 --> 00:02:44,956 Pamilyar ba siya? 25 00:02:45,456 --> 00:02:48,206 Maaari kong tingnan ang mga dokumento, pero baka matagalan. 26 00:02:48,293 --> 00:02:49,963 Bantay, Puti. 27 00:02:52,338 --> 00:02:55,088 Naaamoy ko pa siya. Hahabulin namin. 28 00:03:00,013 --> 00:03:01,603 Kailangan ko yata ng alak. 29 00:03:06,644 --> 00:03:07,904 Koronel Hidalgo. 30 00:03:09,355 --> 00:03:10,355 Ayos ka lang ba? 31 00:03:17,363 --> 00:03:18,413 Koronel. 32 00:03:18,489 --> 00:03:21,989 Sa tingin namin ay may pumapatay sa mga sundalo mula sa iyong pangkat. 33 00:03:22,076 --> 00:03:23,196 Wala na sila. 34 00:03:23,286 --> 00:03:24,746 Kung nasa peligro ang buhay mo… 35 00:03:24,829 --> 00:03:27,539 Ang asawa at pamilya ko ay wala na. 36 00:03:29,500 --> 00:03:33,710 Sasabihin ng mga taong iniwanan nila ako, pero alam ko ang katotohanan. 37 00:03:34,631 --> 00:03:35,761 Si Ramona iyon. 38 00:03:36,591 --> 00:03:37,801 Ang babaeng ito ba? 39 00:03:40,678 --> 00:03:43,008 Ang mukha ng demonyo mismo. 40 00:03:44,224 --> 00:03:48,194 Ang kaniyang pangkat ng rebelde ay ilang buwan nang pinapatay ang mga tao ko 41 00:03:48,269 --> 00:03:50,439 bago pa namin siya masundan sa kanilang kampo. 42 00:03:51,397 --> 00:03:54,477 Pero katulad ng iba pang mga rebelde, mayroon silang pamahiin. 43 00:03:55,276 --> 00:03:58,816 PInaniniwalaan nilang matatawag nila ang kapangyarihan ng digmaan. 44 00:03:59,405 --> 00:04:00,865 Isang ritwal ng dugo. 45 00:04:01,783 --> 00:04:03,453 Isang ritwal ng kamatayan. 46 00:04:04,077 --> 00:04:06,327 Kaya ginawa mo siyang tropeo. 47 00:04:06,412 --> 00:04:09,962 Isang gantimpala para sa mga kalalakihang nahuhumaling, 48 00:04:10,041 --> 00:04:14,551 nahuhumaling sa dugo, sa kasakiman, sa digmaan. 49 00:04:15,672 --> 00:04:18,592 Hindi namin alam kung ano ang nagawa namin hanggang sa kami ay… 50 00:04:21,052 --> 00:04:23,052 Siya ay naging preso. 51 00:04:23,137 --> 00:04:25,427 Hindi iyon ang nagpapatunay ng pagiging sundalo niyo, 52 00:04:25,515 --> 00:04:27,055 iyon ay patunay na kayo ay mga duwag. 53 00:04:27,767 --> 00:04:29,227 Hindi mo naiintindihan! 54 00:04:30,061 --> 00:04:33,481 Ang kapangyarihan ng ritwal ang siyang lumason sa aming mga isipan, 55 00:04:33,564 --> 00:04:36,034 ang kumontrol sa aming kalooban. 56 00:04:36,109 --> 00:04:39,649 At noong kami ay natauhan na, nakatakas na siya. 57 00:04:39,737 --> 00:04:41,607 Koronel, patay na ang mga tao mo. 58 00:04:42,699 --> 00:04:46,489 Pinatay ng isang babae na ang nais ay gumanti sa mga ginawa niyo. 59 00:04:46,577 --> 00:04:48,867 Kung ikaw na ang susunod… 60 00:04:48,955 --> 00:04:50,205 E 'di hayaan niyo siya! 61 00:04:51,332 --> 00:04:54,712 Pinatay ko ang mga tao niya at pinatay niya ang sa akin. 62 00:04:55,503 --> 00:04:58,093 Pero ang kamatayan ay sumasapit para sa ating lahat. 63 00:04:58,172 --> 00:05:00,222 Kalaunan, ito ay sasapitin mo rin. 64 00:05:01,050 --> 00:05:02,510 Ninyong dalawa. 65 00:05:03,136 --> 00:05:04,216 Papa? 66 00:05:05,221 --> 00:05:07,721 'Wag kang mag-alala, Alex. Tapos na tayo rito. 67 00:05:15,356 --> 00:05:18,316 ISANG ORIHINAL NA ANIME NA SERIES MULA SA NETFLIX 68 00:05:24,907 --> 00:05:26,827 MULA SA ORIHINAL NA FILIPINO COMIC BOOK SERIES "TRESE" 69 00:05:26,909 --> 00:05:28,789 ISINULAT NI BUDJETTE TAN AT IGINUHIT NI KAJO BALDISIMO 70 00:06:36,479 --> 00:06:37,859 Dahan-dahan sa ulo niya. 71 00:06:50,868 --> 00:06:53,698 Alexandra, salamat sa pagpunta. 72 00:06:54,247 --> 00:06:56,247 Walang anuman, Kapitan, 73 00:06:56,332 --> 00:06:59,922 pero ang banggaan ay walang masyadong kinalaman sa trabaho ko. 74 00:07:01,212 --> 00:07:04,672 Pangatlong karera na 'to ngayong buwan na nauwi sa banggaan. 75 00:07:04,757 --> 00:07:06,217 At pangatlong beses na itong naulit 76 00:07:06,300 --> 00:07:09,550 kung saan nawalang parang bula ang nanalong sasakyan. 77 00:07:11,472 --> 00:07:16,852 Walang nakuha sa mga checkpoint, sa mga nagpapatrol, basta na lang nawala. 78 00:07:16,936 --> 00:07:19,516 Hindi ko lubos maisip na may nagkakarera pa rin dito. 79 00:07:19,605 --> 00:07:21,145 Sana nga ay wala na lang. 80 00:07:21,232 --> 00:07:23,192 Ganoon din si tito. 81 00:07:23,276 --> 00:07:26,736 Alexandra, ito ang pamangkin ko, si Marco. 82 00:07:26,821 --> 00:07:29,321 Mula sa Philippine 5th Infantry Division. 83 00:07:29,949 --> 00:07:32,989 Dati niyang kaibigan ang biktima, si JP Llorca. 84 00:07:33,077 --> 00:07:35,287 Parang ang labo kasi. 85 00:07:35,371 --> 00:07:37,671 Bata pa lamang si JP ay nangangarera na siya. 86 00:07:37,748 --> 00:07:39,918 Hindi siya mawawala ng gano'n lang. 87 00:07:49,010 --> 00:07:50,470 May mga bakas. 88 00:08:00,771 --> 00:08:03,861 Mukhang mayroon siyang pasahero, isang babae. 89 00:08:04,734 --> 00:08:07,074 Palaging kasama ni JP ang kaniyang nobyang si Coreen. 90 00:08:07,153 --> 00:08:09,993 Sinubukan ko siyang tawagan, pero parang pati siya ay nawala rin. 91 00:08:10,072 --> 00:08:13,282 Sabi ng mga saksi ay may kasamang babae ang biktima bago magsimula ang karera. 92 00:08:13,367 --> 00:08:17,867 Hindi iiwanan ni Coreen si JP, lalo na bago magsimula ang karera. 93 00:08:17,955 --> 00:08:19,745 Walang bakas, walang katawan. 94 00:08:20,291 --> 00:08:21,631 Maaaring siya ay na-kidnap. 95 00:08:25,713 --> 00:08:29,183 Kayong dalawa, hindi ito ang oras para makipagkilala. 96 00:08:29,258 --> 00:08:31,678 Hindi lang sila basta mga babae, bossing, 97 00:08:31,761 --> 00:08:33,391 mga saksi sila. 98 00:08:33,471 --> 00:08:34,471 Ako si Hannah. 99 00:08:34,555 --> 00:08:35,845 Ako naman si Amie. 100 00:08:39,852 --> 00:08:41,102 Kayo ay ang mga taong hangin. 101 00:08:41,187 --> 00:08:42,477 -Oo! -Oo! 102 00:08:42,563 --> 00:08:46,613 Kami ay tagahanga ng mga karera, kapag mas mabilis ang sasakyan, mas mabuti. 103 00:08:47,235 --> 00:08:50,525 Lalo na iyong kareristang bright blue. 104 00:08:51,155 --> 00:08:53,065 -Nakita niyo 'yung isang drayber? -Oo. 105 00:08:53,157 --> 00:08:57,327 Matangkad, misteryoso, matikas. 106 00:08:57,411 --> 00:09:00,121 May pambihirang bilis at lakas kung nakukuha mo ang ibig naming sabihin. 107 00:09:03,459 --> 00:09:05,999 Sa tingin ko'y alam ko na kung saan tayo magsisimulang maghanap. 108 00:09:23,938 --> 00:09:27,438 Pasensya na, ma'am, tingin ko ay nasa mali kayong palapag, 109 00:09:27,525 --> 00:09:29,565 nakareserba po ito para sa mga executive. 110 00:09:29,652 --> 00:09:31,612 Nandito kami para makipagkita kay Señor Armanaz. 111 00:09:31,696 --> 00:09:34,116 -Mayroon po ba kayong appointment? -Importante ito. 112 00:09:35,408 --> 00:09:38,038 Lahat ng ginagawa ng Señor ay importante. 113 00:09:38,661 --> 00:09:41,911 Kaya kung wala kayong appointment, ang mga guwardya na ang… 114 00:09:46,877 --> 00:09:48,957 Makikipagkita na sa inyo ngayon ang Señor. 115 00:09:49,755 --> 00:09:50,715 Salamat. 116 00:09:51,340 --> 00:09:53,220 Ikaw lang, ma'am. 117 00:10:52,902 --> 00:10:57,622 Señor Armanaz, ang Dakilang Kabayo at ang Diyos ng mga Tikbalang, 118 00:10:57,698 --> 00:11:00,528 maraming salamat sa pagpapahintulot na makita kayo. 119 00:11:01,285 --> 00:11:04,325 Determinado ka, Trese. 120 00:11:04,413 --> 00:11:06,173 Katulad ng iyong ama. 121 00:11:06,707 --> 00:11:11,627 Sana lang ay hindi masayang ang oras ko sa pakay mo ngayon dito 122 00:11:12,296 --> 00:11:13,506 para sa kabutihan mo. 123 00:11:15,049 --> 00:11:18,339 Humihingi ako ng paumanhin, Señor, pero may rason ako upang paniwalaan 124 00:11:18,427 --> 00:11:21,307 na isa sa lalaki sa inyong tribo ay maaaring kumuha ng tropeo, 125 00:11:21,806 --> 00:11:22,846 isang batang babae. 126 00:11:22,932 --> 00:11:25,272 Ang kailangan ko lamang ay maibalik siya nang ligtas. 127 00:11:26,060 --> 00:11:32,270 Kung ang hinahanap mo ay talagang nagmula sa aming tribo, ako na ang bahala roon. 128 00:11:34,735 --> 00:11:39,065 Kung totoong kinukuha ang mga tao, masisira nito ang balanse 129 00:11:39,156 --> 00:11:41,276 sa pagitan ng mundo ng mga tao at ng mundong ilalim. 130 00:11:42,201 --> 00:11:46,331 Matagal na akong namumuno rito 131 00:11:46,914 --> 00:11:49,754 pero ngayo'y nangangahas kang pangaralan ako? 132 00:11:50,751 --> 00:11:52,421 Hindi ko ibig ang insultuhin ka, dakila, 133 00:11:52,503 --> 00:11:55,013 pero tulad ng pagpapanatili mo ng kaayusan sa inyong tribo 134 00:11:55,089 --> 00:11:57,129 ay gano'n din ako. 135 00:11:58,717 --> 00:12:00,967 Maipagmamalaki ka ng iyong ama 136 00:12:01,053 --> 00:12:03,683 na sumusunod ka sa kaniyang mga yapak, Alexandra. 137 00:12:04,390 --> 00:12:08,440 Malas lang na hindi ko masasabi ang kaparehas sa aking anak, si Maliksi. 138 00:12:09,687 --> 00:12:11,557 Ilang linggo na siyang nawawala. 139 00:12:13,441 --> 00:12:15,611 Ibabalik mo siya sa akin, tama ba? 140 00:12:16,944 --> 00:12:18,364 Ipinapangako ko, Señor, 141 00:12:18,446 --> 00:12:21,866 kapag nahanap ko ang babae, ibabalik kong ligtas ang inyong anak. 142 00:12:25,453 --> 00:12:26,623 Tumawag ulit si Guerrero. 143 00:12:26,704 --> 00:12:28,124 Ang daming yatang nangyayari, bossing. 144 00:12:28,205 --> 00:12:30,115 Sa tingin ko ay sinsubukan ako ng mundong ilalim. 145 00:12:33,252 --> 00:12:37,172 Kapitan Guerrero, hindi namin inaasahan na makikita ka namin kaagad. 146 00:12:37,256 --> 00:12:41,546 Oo, nakatanggap kami ng tawag tungkol sa repairman na tinamaan ng kidlat 147 00:12:41,635 --> 00:12:43,465 habang nag-aayos ng kuryente. 148 00:12:44,180 --> 00:12:47,310 Ordinaryo lang naman ang lahat hanggang sa makita mo ito. 149 00:12:48,184 --> 00:12:51,604 Apat na magkakahiwalay na insidente ng pagkakuryente. 150 00:12:51,687 --> 00:12:54,767 Lahat ay aksidente, lahat ay sa loob ng apat na buwan. 151 00:12:54,857 --> 00:12:57,067 Dito mismo sa parehas na nayon. 152 00:12:57,735 --> 00:13:00,145 Mukhang hindi lang ito pagkakataon. 153 00:13:08,787 --> 00:13:12,457 Alam kong lilibot ka rito, Trese. 154 00:13:12,541 --> 00:13:15,041 Nuno, 'yong mga aksidente dito sa Livewell… 155 00:13:15,127 --> 00:13:19,217 Hindi lahat ay kaso ng mga cross circuit, kung tatanungin mo ako. 156 00:13:19,298 --> 00:13:21,628 May narinig akong sabi-sabi tungkol sa mga tao rito 157 00:13:21,717 --> 00:13:24,597 na nagiging mas madasalin nitong mga nakaraan. 158 00:13:24,678 --> 00:13:27,058 Hindi ko rin ibig sabihin na sa simbahan. 159 00:13:27,139 --> 00:13:29,639 Sinusubukan nilang manatiling masaya ang pamumuhay rito at mamuhay 160 00:13:29,725 --> 00:13:32,135 habang pinagpapatuloy ito. 161 00:13:32,228 --> 00:13:33,848 At kanino naman sila nagdarasal? 162 00:13:34,897 --> 00:13:36,067 Sabihin na lang nating 163 00:13:36,148 --> 00:13:39,898 patuloy pa rin silang naghahanap ng mga kasagutan mula sa kalangitan. 164 00:13:39,985 --> 00:13:44,235 Kaya baka kailanganin mo ng mahika para hawiin ang mga ulap. 165 00:13:44,949 --> 00:13:48,329 Huwag ka masyadong lumayo, Nuno at baka sakaling tawagin kita ulit. 166 00:13:51,121 --> 00:13:52,291 Nasa paligid lang naman ako. 167 00:14:01,006 --> 00:14:04,006 Mga dating nakakubli, ngayo'y ibunyag. 168 00:14:10,474 --> 00:14:12,814 May ganito rin bang marka ang ibang mga biktima, Kapitan? 169 00:14:14,144 --> 00:14:16,154 Wala iyan sa ulat ng koronel. 170 00:14:16,230 --> 00:14:17,610 Tatanungin ko. 171 00:14:17,690 --> 00:14:19,070 Huwag na. 172 00:14:19,149 --> 00:14:22,569 Matagal ko na rin namang iniisip na magreklamo tungkol sa singil ng kuryente. 173 00:14:26,282 --> 00:14:31,292 Alexandra Trese, hindi ko inaasahang makita ka ng ganitong oras. 174 00:14:31,954 --> 00:14:36,634 Pero oo nga pala, iyan nga pala ang trabaho mo. 175 00:14:37,209 --> 00:14:39,379 Ikaw rin, Bagyon Lektro. 176 00:14:39,461 --> 00:14:43,631 Lalo na at natagpuan ang tatak ng iyong anak sa isang bangkay sa Livewell Village. 177 00:14:44,341 --> 00:14:47,601 Hindi ko yata gusto ang ipinaparating mo, Bb. Trese. 178 00:14:48,596 --> 00:14:50,256 Alam ko ang kautusan. 179 00:14:50,347 --> 00:14:54,847 Walang kinalaman ang pamilya namin sa trafficking ng mga kaluluwa. 180 00:14:54,935 --> 00:14:57,805 Kahit na isinakripisyo sila gamit ang pangalan niyo? 181 00:14:57,897 --> 00:15:00,357 Alam ko ang kalakaran ng pamilya niyo, Bagyon Lektro. 182 00:15:00,441 --> 00:15:02,741 Wala kayong karapatan pagharian ang mga buhay sa siyudad na 'to. 183 00:15:02,818 --> 00:15:03,738 Lalo na't nandito ako. 184 00:15:04,361 --> 00:15:08,741 Hindi ako tulad ng tikbalang, Alexandra. 185 00:15:08,824 --> 00:15:11,874 Ang kapayapaang pilit na itinataguyod mo 186 00:15:11,952 --> 00:15:15,292 at ng iyong ama ay unti-unti nang gumuguho. 187 00:15:15,789 --> 00:15:17,789 Iyon ba ang dahilan para bumalik kayong mag-ama 188 00:15:17,875 --> 00:15:19,955 sa panghihingi ng mga sakripisyo sa kabila ng mga lahat? 189 00:15:21,712 --> 00:15:28,642 Wag mong pakialaman ang anak ko, tribo ko at pamilya ko. 190 00:15:29,929 --> 00:15:31,389 Kung ganon ay layuan mo ang sa akin 191 00:15:31,472 --> 00:15:34,932 o ang susunod na bangkay na may tatak ay ang sa anak mo. 192 00:15:37,061 --> 00:15:40,901 Mapangahas ka, Trese. 193 00:15:40,981 --> 00:15:44,821 Kung nandito ang ama mo, rerespetuhin niya ang awtoridad ko. 194 00:15:44,902 --> 00:15:47,572 Samantala, hinahayaan mo ang anak ni Armanaz 195 00:15:47,655 --> 00:15:49,865 na magpagala-gala sa Maynila. 196 00:15:58,749 --> 00:16:00,079 -Ayan na! -Ayan! 197 00:16:19,561 --> 00:16:21,111 Sigurado ba kayong darating siya? 198 00:16:22,231 --> 00:16:24,231 Basta't karapat-dapat ang makakalaban niya… 199 00:16:24,316 --> 00:16:26,106 Hindi niya papalampasin ito. 200 00:16:26,193 --> 00:16:28,363 Basta huwag niyong kalimutan ang kasunduan natin. 201 00:16:28,445 --> 00:16:31,655 'Wag kang mag-alala sa amin. Tumingin ka lang sa kalsada. 202 00:16:31,740 --> 00:16:35,290 At siguraduhin mong makukuha ang premyo pagdating sa dulo. 203 00:16:42,126 --> 00:16:43,956 Hoy. Gusto mo bang makipagkarera? 204 00:16:45,004 --> 00:16:46,094 Depende. 205 00:16:46,588 --> 00:16:47,798 Gusto mo ba ng hamon? 206 00:16:47,881 --> 00:16:49,841 Wala pa akong tinanggihan kahit isa. 207 00:16:50,426 --> 00:16:52,046 Ang mananalo ay makakakuha ng tropeo. 208 00:16:53,887 --> 00:16:55,387 Ang tagal ko nang hindi narinig 'yan. 209 00:16:56,432 --> 00:16:57,812 Kailangan mo munang manalo. 210 00:17:01,687 --> 00:17:03,437 Ready, set… 211 00:18:10,422 --> 00:18:12,262 Simulan na natin 'to. 212 00:18:13,175 --> 00:18:15,255 Kumapit ka ng mahigpit. 213 00:18:15,344 --> 00:18:17,974 Wala nang balikan 'to. 214 00:18:19,056 --> 00:18:20,216 Ngayon na! 215 00:18:28,982 --> 00:18:30,032 -Ayan! -Ayan! 216 00:18:36,323 --> 00:18:37,623 Nandaya ka! 217 00:18:37,699 --> 00:18:40,409 Gumamit ka ng mahika, gumamit ako ng mahika. 218 00:18:40,494 --> 00:18:42,044 Patas lang ang karera. 219 00:18:42,121 --> 00:18:45,501 Hindi ako natatalo ng mga tao! 220 00:18:45,582 --> 00:18:48,962 Natalo ka pa rin, ibig sabihin ay may utang kang tropeo sa akin. 221 00:18:49,545 --> 00:18:53,625 Ako si Maliksi, ang prinsipe ng mga Tikbalang. 222 00:18:53,715 --> 00:18:56,545 Wala akong utang sa 'yo. 223 00:18:56,635 --> 00:18:58,135 At nagkamali akong isipin 224 00:18:58,220 --> 00:19:01,520 na tutupad ang prinsipe ng mga Tikbalang sa napagkasunduan. 225 00:19:01,598 --> 00:19:03,638 Mabibigo ang iyong ama. 226 00:19:06,854 --> 00:19:09,234 Kung ito ay para lang sa alituntunin ng lahi ko… 227 00:19:10,023 --> 00:19:11,733 Maaari mo nang kuhanin ang tropeo mo. 228 00:19:12,401 --> 00:19:14,361 Maliit na bagay lang siya sa 'kin. 229 00:19:21,910 --> 00:19:23,450 Tumawag si Lektro. 230 00:19:23,537 --> 00:19:25,497 Gusto niyang makipagkasundo. 231 00:19:25,581 --> 00:19:28,171 Pupuntahan natin siya pagkatapos nating ihatid si Coreen. 232 00:19:33,589 --> 00:19:35,469 May naaalala ka ba? 233 00:19:36,049 --> 00:19:37,049 Wala. 234 00:19:38,135 --> 00:19:40,675 Ang naaalala ko lang ay pumayag si JP makipagkarera sa asul na sasakyan. 235 00:19:40,762 --> 00:19:44,352 At pagkatapos, ayon, ikaw na ang nakita ko. 236 00:19:45,726 --> 00:19:47,636 Hindi ko alam. Para bang… 237 00:19:48,228 --> 00:19:49,938 Para kang ginayuma? 238 00:19:50,731 --> 00:19:52,941 Parang gano'n na nga, oo. 239 00:19:54,610 --> 00:19:57,110 Aayos ba ang kalagayan ni JP? 240 00:19:58,322 --> 00:20:00,952 Sabi ng ospital ay gagaling din siya. 241 00:20:01,033 --> 00:20:03,243 Maaari mo siyang bisitahin pagkahatid namin sa iyo. 242 00:20:18,842 --> 00:20:20,512 May mabuti bang balita, bossing? 243 00:20:20,594 --> 00:20:23,224 Oo nga, nangangati na kami sa aksyon dito. 244 00:20:23,305 --> 00:20:25,305 Wala roon si Bagyon Lektro. 245 00:20:25,390 --> 00:20:28,350 Kung sa tingin niya'y mapapaikot niya 'ko, nagkakamali siya. 246 00:20:30,687 --> 00:20:33,067 Mukhang kumikilos na siya, bossing. 247 00:20:40,781 --> 00:20:41,871 Naku, ang sasakyan. 248 00:21:10,560 --> 00:21:15,020 Alexandra Trese, ang lakas mong hamunin ang tatay ko, ang pamilya ko? 249 00:21:15,107 --> 00:21:17,067 Bagyon Kulimlim. 250 00:21:17,150 --> 00:21:19,440 Laki ka pa rin sa layaw. 251 00:21:21,655 --> 00:21:24,735 Tingnan natin kung may masasabi ka pa pagkatapos kitang sunugin, Trese. 252 00:21:36,086 --> 00:21:38,046 Tapos na ang laban, Alexandra. 253 00:21:39,381 --> 00:21:41,591 Wala ang tatay mo rito para protektahan ka. 254 00:21:53,562 --> 00:21:55,522 Kumusta, Trese? 255 00:21:55,605 --> 00:21:58,525 Pasensya na nahuli ako. Ang lala ng trapiko. 256 00:21:59,443 --> 00:22:01,153 Mas mabuti nang huli kaysa sa hindi dumating, Nuno. 257 00:22:12,414 --> 00:22:13,464 Kuryentehin siya! 258 00:22:32,893 --> 00:22:34,393 Salamat sa pag-alalay, Nuno. 259 00:22:35,103 --> 00:22:36,233 Kilala mo naman ako. 260 00:22:36,313 --> 00:22:39,523 Hindi ko pinapalagpas ang pagkakataon sa pagkampi sa malalaking tao. 261 00:22:39,608 --> 00:22:41,898 Pero mag-iingat ka sa mga kinakalaban mo. 262 00:22:41,985 --> 00:22:45,565 Wala nang kasiguruhan ang nasa mundong ilalim ngayon. 263 00:22:48,784 --> 00:22:50,244 Mayroon ba kayong barya? 264 00:22:50,327 --> 00:22:52,577 Kasi mukhang sasakay tayo sa tren. 265 00:23:01,171 --> 00:23:02,421 Kape, bossing? 266 00:23:03,799 --> 00:23:05,179 Salamat, Hank. 267 00:23:08,345 --> 00:23:11,175 Magandang umaga, girls. Natuwa ba kayo sa premyo? 268 00:23:13,350 --> 00:23:16,100 -Oo. -Parang ganoon na nga. 269 00:23:16,686 --> 00:23:20,226 Sandali lang, kami ang premyo sa pagkapanalo sa karera? 270 00:23:20,315 --> 00:23:22,025 Pakiramdam ko ay ginamit ako. 271 00:23:22,526 --> 00:23:25,606 Tungkol sa premyo, pinapaabot noong Marco ang pasasalamat niya. 272 00:23:26,196 --> 00:23:29,366 Gusto ka niyang pasalamatan para sa pagbalik ng nobya ng kaibigan niya. 273 00:23:29,449 --> 00:23:32,449 Hiningi pa nga ang numero mo para personal kang pasalamatan. 274 00:23:32,536 --> 00:23:35,326 Naku, parang may gusto siya sa 'yo, bossing. 275 00:23:46,550 --> 00:23:49,970 Binalaan na kitang huwag makialam, Alexandra. 276 00:23:50,053 --> 00:23:52,143 Magandang umaga, Bagyon Lektro. 277 00:23:52,222 --> 00:23:53,852 Dumaan ka sana sa may pintuan. 278 00:23:54,516 --> 00:23:57,186 Nagpakita ka ng paggalang sa Tikbalang, 279 00:23:57,269 --> 00:23:59,769 pero hindi sa akin, hindi sa anak ko? 280 00:23:59,855 --> 00:24:03,565 Paano ko gagalangin si Bagyon Kulimlim pagkatapos niya akong atakihin? 281 00:24:04,276 --> 00:24:08,696 Kung gano'n ay pagbabayaran mo ito, Alexandra Trese. 282 00:24:08,780 --> 00:24:11,320 May bagyong paparating. 283 00:24:11,408 --> 00:24:15,748 At sa pagdating nito, huwag mong asahan ang tulong mula sa tribo ko. 284 00:24:20,500 --> 00:24:22,500 Hindi ako umaasa sa 'yo, Lektro. 285 00:24:22,586 --> 00:24:23,876 Anumang bagyo 'yan, 286 00:24:24,671 --> 00:24:26,011 magiging handa kami. 287 00:25:25,148 --> 00:25:30,148 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Raven Bunag