1 00:00:32,991 --> 00:00:36,537 Basta't magbayad ang mga tao, hindi na tayo magtatanong. 2 00:00:36,620 --> 00:00:39,373 Ano lang kasi, ano ba ang ginagawa ng taga-Nazaret dito? 3 00:00:39,456 --> 00:00:42,125 Ibig mong sabihin, maliban sa di puwedeng maglakbay mag-isa ang babae? 4 00:00:43,377 --> 00:00:45,796 Pinakiusapan tayo ng mga magulang niya na huwag maingay. 5 00:00:45,879 --> 00:00:47,881 Kaya hinaan mo 'yang boses mo, Tzofi. 6 00:00:47,965 --> 00:00:51,927 Bakit kailangang mag-ingat? Bakit tayo ang pinili sa paglalakbay? 7 00:00:52,010 --> 00:00:55,305 -Basta nagbabayad ang mga tao, hindi tayo… -Minsan… 8 00:00:55,389 --> 00:01:01,895 Minsan, kapag pinapupunta ang birhen para tumira sandali sa mga kamag-anak, 9 00:01:01,979 --> 00:01:03,146 dahil 'yon… 10 00:01:04,231 --> 00:01:05,607 sa hindi na siya birhen. 11 00:01:05,691 --> 00:01:07,234 Napakabulgar mo. 12 00:01:12,823 --> 00:01:15,576 Dito ka na bababa. 13 00:01:15,659 --> 00:01:17,452 Sa mga burol. 14 00:01:17,536 --> 00:01:18,620 Salamat. 15 00:01:20,622 --> 00:01:22,541 Gabayan kayo ng Panginoon sa inyong paglalakbay. 16 00:01:23,375 --> 00:01:24,293 Sumaiyo ang Panginoon. 17 00:01:24,376 --> 00:01:25,794 Sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay. 18 00:01:26,628 --> 00:01:28,255 -Paalam. -Paalam. 19 00:01:47,191 --> 00:01:48,275 Elizabeth! 20 00:01:50,110 --> 00:01:52,237 Sakarias! Magandang araw! 21 00:01:52,821 --> 00:01:54,448 Elizabeth, nandito na 'ko! 22 00:02:00,829 --> 00:02:02,831 Sakarias! 23 00:02:05,209 --> 00:02:06,043 Tiyo? 24 00:02:11,840 --> 00:02:14,301 Naku, Elizabeth! 25 00:02:15,177 --> 00:02:17,763 -Tingnan mo nga naman. -Hindi siya nakakapagsalita ngayon. 26 00:02:17,846 --> 00:02:18,847 Ipapaliwanag ko mamaya. 27 00:02:18,931 --> 00:02:21,391 Sige. Ingat. Mag-ingat ka. 28 00:02:21,475 --> 00:02:23,602 Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin. Maupo ka. 29 00:02:23,685 --> 00:02:27,648 -Maupo ka. Upo. -Sige. Mauupo na. 30 00:02:31,652 --> 00:02:34,279 Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. 31 00:02:34,363 --> 00:02:37,866 At pinagpala naman ang 'yong anak. 32 00:02:37,950 --> 00:02:39,785 Sandali. Paano mo nalaman? 33 00:02:42,162 --> 00:02:44,164 Hindi na siguro ako dapat pang magulat. 34 00:02:44,248 --> 00:02:46,291 May nangyayaring mas mabuti pa kaysa riyan. 35 00:02:46,375 --> 00:02:47,751 Nakapapagpakumbaba. 36 00:02:47,835 --> 00:02:51,588 Bakit ako pinagpala na dinalaw ako ng ina ng Panginoon ko? 37 00:02:51,672 --> 00:02:53,173 May mensaherong nagkuwento tungkol sa akin? 38 00:02:53,257 --> 00:02:54,508 Nang marinig ko ang boses mo, 39 00:02:54,591 --> 00:02:58,053 sa tunog lang ng pagbati mo, tuwang-tuwa na ang anak ko. 40 00:02:58,846 --> 00:03:02,891 At pinagpala ka dahil naniwala kang magkakatotoo 41 00:03:02,975 --> 00:03:05,185 ang sinabi sa iyo galing sa Panginoon. 42 00:03:05,269 --> 00:03:06,937 May mensahero ngang nagkuwento tungkol sa akin. 43 00:03:07,020 --> 00:03:08,438 Sa asawa ko nagpunta ang mensahero. 44 00:03:08,522 --> 00:03:12,067 -Sabi ni Sakarias, "Di ako naniniwala." -Dahan-dahan lang. 45 00:03:12,150 --> 00:03:14,862 Hindi ka dapat hingalin sa kondisyon mo. 46 00:03:17,614 --> 00:03:20,784 Noong sinabi sa akin ng mensahero ko ang balita sa iyo, tuwang-tuwa ako. 47 00:03:20,868 --> 00:03:24,746 Alam ko kung gaano ka katagal nagdusa. Gusto kong marinig lahat. 48 00:03:24,830 --> 00:03:28,709 Ang dahilan kaya hindi makapagsalita si Sakarias, 49 00:03:28,792 --> 00:03:32,963 hindi siya naniwala sa mensahe ng Diyos tungkol sa akin. 50 00:03:33,046 --> 00:03:34,506 Hindi rin ako sigurado noong una. 51 00:03:34,590 --> 00:03:36,925 Naaawa akong kailangan niyang pagdaanan ito. 52 00:03:37,009 --> 00:03:41,680 Pero aaminin ko, minsan… gusto ko ang katahimikan. 53 00:03:41,763 --> 00:03:43,015 Tumigil ka nga. 54 00:03:43,098 --> 00:03:45,642 Pero sinulat niya kung ano ang sinabi, 55 00:03:45,726 --> 00:03:50,105 at kinabisado ko ang bawat salita, na Juan ang magiging pangalan niya. 56 00:03:50,189 --> 00:03:52,983 Hindi Sakarias? Bakit Juan? 57 00:03:53,066 --> 00:03:55,652 Baka hindi siya magiging pari tulad ng ama niya. 58 00:03:55,736 --> 00:03:59,323 May ibang gagawin para sa Diyos, dahil sinabi rin kay Sak, 59 00:03:59,406 --> 00:04:03,619 ilalapit ni Juan ang mga anak ng Israel sa Panginoong Diyos nila. 60 00:04:03,702 --> 00:04:08,123 Mauuna siya sa Panginoon na taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, 61 00:04:08,207 --> 00:04:11,335 upang pagkasunduin ang mga ama at ang kanilang mga anak, 62 00:04:11,418 --> 00:04:14,004 at panumbalikin ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid. 63 00:04:14,671 --> 00:04:18,008 Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon. 64 00:04:19,301 --> 00:04:21,261 Para ihanda ang daan para sa… 65 00:04:28,560 --> 00:04:29,978 Ayan na naman siya. 66 00:04:31,480 --> 00:04:32,689 Hawakan mo. 67 00:04:34,858 --> 00:04:35,859 Oo nga. 68 00:04:37,236 --> 00:04:40,072 Mukhang di na siya makapaghintay na magsimula na. 69 00:05:47,973 --> 00:05:51,310 Nakasara ang apat na mahahabang daliri. 70 00:05:51,393 --> 00:05:52,394 Ganiyan. 71 00:05:52,978 --> 00:05:56,148 Nakasandal ang hinlalaki sa unang buko ng daliri. 72 00:05:56,231 --> 00:05:58,901 Oo. Mas parang babae. 73 00:05:58,984 --> 00:06:00,527 Mas determinado. 74 00:06:01,695 --> 00:06:04,072 Itaas ang palad, pero hindi pantay. 75 00:06:04,156 --> 00:06:06,700 Nakasalo na parang sasahurin ang ulan. 76 00:06:07,618 --> 00:06:08,869 Oo. 77 00:06:11,413 --> 00:06:13,373 Masyadong nakababa. Itaas mo ang sakong mo. 78 00:06:13,457 --> 00:06:15,542 Taas. Taas pa. 79 00:06:15,626 --> 00:06:17,085 Taas. Nakatingkayad. 80 00:06:21,632 --> 00:06:24,343 Pag naramdaman mong matutumba ka na, 81 00:06:24,426 --> 00:06:28,931 ibaba mo ang tuhod mo at iikot ang baywang para masalo ka ng kaliwang paa mo. 82 00:06:31,266 --> 00:06:32,100 Hindi. 83 00:06:33,268 --> 00:06:35,103 Hindi dapat mukhang nagkamali. 84 00:06:35,187 --> 00:06:38,690 Dapag laging mukhang kontrolado mo, kahit hindi. 85 00:06:38,774 --> 00:06:39,733 Ulit. 86 00:06:43,820 --> 00:06:44,655 Ulit! 87 00:06:49,743 --> 00:06:51,036 Ulit. 88 00:06:53,205 --> 00:06:54,206 Ulit. 89 00:06:54,790 --> 00:06:55,999 Hindi! 90 00:06:58,669 --> 00:06:59,586 Ulit! 91 00:07:02,798 --> 00:07:03,799 Ulit! 92 00:07:08,762 --> 00:07:10,055 Malapit-lapit na. 93 00:07:10,597 --> 00:07:13,433 Pero hindi mo pa talaga nakukuha. 94 00:07:17,604 --> 00:07:22,484 Ang markang ito ang huling hahawakan mo sa sahig bago ang huling sirko. 95 00:07:22,568 --> 00:07:24,486 -Naiintindihan mo ba? -Opo. 96 00:07:24,570 --> 00:07:27,573 Mula sa katapusan ng pangalawang seksiyon hanggang sa pinakadulo. 97 00:07:30,033 --> 00:07:31,368 At sayaw. 98 00:07:37,916 --> 00:07:39,376 Masyadong malayo. Ulit. 99 00:07:44,715 --> 00:07:46,091 May tugtog na ngayon. 100 00:07:46,175 --> 00:07:48,343 Dapat tama ang tiyempo. 101 00:07:52,764 --> 00:07:54,391 At sayaw. 102 00:08:09,615 --> 00:08:11,158 'Yan ang sinasabi ko. 103 00:08:12,159 --> 00:08:13,368 Sukatan n'yo na. 104 00:08:15,996 --> 00:08:17,497 At ngayon… 105 00:08:18,540 --> 00:08:23,086 baba pa, baba, atras ang balakang. 106 00:08:30,469 --> 00:08:31,553 Dahan-dahan pa. 107 00:08:32,846 --> 00:08:34,765 Paghintayin mo siya. 108 00:08:34,848 --> 00:08:36,600 Hanggang sa sumakit. 109 00:08:40,646 --> 00:08:42,064 Ayan. 110 00:08:43,565 --> 00:08:45,484 Hindi naman gano'n kahirap. 111 00:08:45,567 --> 00:08:47,861 Ngayon, pinturahan na natin ang mukha mo. 112 00:08:47,945 --> 00:08:48,904 Hindi pa. 113 00:08:49,863 --> 00:08:51,114 Ulitin mo. 114 00:08:51,198 --> 00:08:53,575 -Ang pagyukod? -'Yong buong sayaw. 115 00:08:53,659 --> 00:08:55,494 -Mula sa simula. -Mahal na reyna. 116 00:08:55,577 --> 00:08:56,495 Narinig mo 'ko. 117 00:08:57,120 --> 00:08:58,413 Dapat perpekto. 118 00:09:08,715 --> 00:09:11,134 Di puwedeng mabasag ang mga bangang ito, naiintindihan mo? 119 00:09:11,218 --> 00:09:12,177 -Opo. -Opo. 120 00:09:12,261 --> 00:09:13,887 Ang pinakauna nating katas. 121 00:09:13,971 --> 00:09:16,056 Ang sagradong unang bunga, banal para sa Panginoon. 122 00:09:16,139 --> 00:09:18,225 'Yang pagkakalagay ni Santiago sa mga banga, 123 00:09:18,308 --> 00:09:21,019 hindi makakarating nang buo ang mga 'yan para sa pagpapatikim sa sinagoga. 124 00:09:21,103 --> 00:09:23,063 Ako sana ang magsasalansan pero nagrereklamo ka agad. 125 00:09:23,146 --> 00:09:25,148 Oo, pero hindi matibay. Mababasag ang mga 'yan. 126 00:09:25,232 --> 00:09:26,859 Ba't di maghintay na lang hanggang sa kalye? 127 00:09:26,942 --> 00:09:28,902 Puro lubak ang lahat ng kalye. 128 00:09:28,986 --> 00:09:31,154 Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga buwis natin. 129 00:09:31,238 --> 00:09:33,282 Tama ba ang nakikita ko? 130 00:09:36,201 --> 00:09:38,036 Naku, mabuti nandito ka na. 131 00:09:38,120 --> 00:09:39,413 Ay, oo nga. 132 00:09:39,496 --> 00:09:41,999 -Pero gusto kong marinig lahat. -May mga dayami sa pagitan nila, ha? 133 00:09:42,082 --> 00:09:43,166 Hindi 'yan magbabanggaan. 134 00:09:43,250 --> 00:09:46,420 Balewala ang dayami kung mahuhulog ang mga 'yan sa kariton. 135 00:09:46,503 --> 00:09:47,880 HIndi mangyayari 'yan. 136 00:09:47,963 --> 00:09:49,339 Itali mo ng lubid. 137 00:09:49,840 --> 00:09:50,674 Sige. 138 00:09:52,342 --> 00:09:53,302 May lubid ka ba? 139 00:09:56,471 --> 00:09:58,223 Wala. Sabi na nga ba. 140 00:09:58,307 --> 00:09:59,683 Hindi na tayo mga mangingisda. 141 00:09:59,766 --> 00:10:02,603 -Wala pa ring nagbabago, ano? -Ganiyan na sila mula nang umalis ka. 142 00:10:02,686 --> 00:10:05,355 Ramah! Wala ka namang ginagawa. Halika't tumulong ka rito. 143 00:10:05,439 --> 00:10:07,399 -Ramah! -Kailan ka dumating? 144 00:10:07,482 --> 00:10:11,069 Kanina pa ako rito. Pero abala kayo. 145 00:10:11,153 --> 00:10:14,114 Alam n'yo, hindi maganda para sa langis ang ganitong pagtatalo. 146 00:10:14,198 --> 00:10:15,199 Ano 'yon? 147 00:10:15,282 --> 00:10:19,494 Gagamitin itong pampabango ng alay sa Panginoon. 148 00:10:19,578 --> 00:10:21,705 Para ipahid sa punong saserdote at mga anak niyang lalaki. 149 00:10:21,788 --> 00:10:24,416 Hindi kung tumatagas na ito sa mga bitak ng kalye ng Capernaum. 150 00:10:24,499 --> 00:10:27,252 -Ano ba'ng dapat gawin? Buhatin ito? -Madadapa ka. 151 00:10:28,253 --> 00:10:29,963 Ama, hindi ako si Andres. 152 00:10:30,047 --> 00:10:33,383 -Matibay ang mga paa ko. -Oo, pero marumi ang mga kamay mo. 153 00:10:35,427 --> 00:10:36,261 Lubid. 154 00:10:38,805 --> 00:10:40,557 Ang daming gagawin, ang daming ikukuwento sa 'yo. 155 00:10:40,641 --> 00:10:41,517 Ay, grabe. 156 00:10:41,600 --> 00:10:42,684 Puwede palang pakibasa nito? 157 00:10:42,768 --> 00:10:44,311 Ama, ang basbas. 158 00:10:44,394 --> 00:10:46,063 Inaasahan nilang darating kami sa tamang oras. 159 00:10:46,688 --> 00:10:47,689 Oo nga. 160 00:10:49,566 --> 00:10:51,318 Ito ang naaalala ko. 161 00:10:52,903 --> 00:10:56,198 Mapagpala ka, Panginoon naming Diyos. 162 00:10:56,281 --> 00:10:57,449 Hari ng Sansinukob, 163 00:10:57,533 --> 00:10:59,993 na may magandang kalooban at nagkakaloob ng kabutihan. 164 00:11:02,162 --> 00:11:04,790 Kami sana'y pagpalain, Panginoon naming Diyos, 165 00:11:04,873 --> 00:11:07,417 magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin. 166 00:11:08,335 --> 00:11:11,004 Opo. Pagtagumpayin ang aming gawain. 167 00:11:16,218 --> 00:11:19,596 Ano? Ano ang tinitingin-tingin ninyo? Pangit ba ang panalangin ko? 168 00:11:19,680 --> 00:11:21,598 Hindi. Hindi po 'yon. Ano lang kasi… 169 00:11:22,766 --> 00:11:25,018 Ang mga Griyego. May dula sila, di ba? 170 00:11:25,102 --> 00:11:27,229 Di binabanggit ang ganiyang maruming salita sa bahay na ito. 171 00:11:27,312 --> 00:11:28,146 Opo, alam ko. 172 00:11:28,230 --> 00:11:31,817 Pero ang punto ko, hinahati nila sa mga yugto ang dula at… 173 00:11:32,568 --> 00:11:34,278 at ikaw, Ama, para kang… 174 00:11:35,404 --> 00:11:37,072 Parang nagsisimula ka ng bagong yugto. 175 00:11:39,074 --> 00:11:41,076 Komedya o trahedya? 176 00:11:42,119 --> 00:11:43,370 Tingnan na lang natin. 177 00:11:44,162 --> 00:11:46,957 Pasensiya na sa abala, pero balita namin dumating na si Ramah. 178 00:11:47,040 --> 00:11:48,292 Paano n'yo nalaman 'yan? 179 00:11:48,375 --> 00:11:50,460 Nababalitaan namin lahat. 'Yan ang gawain namin. 180 00:11:50,544 --> 00:11:53,422 At alam din namin na kung nakabalik na siya, 181 00:11:53,505 --> 00:11:54,715 gusto siyang makita ni Tomas. 182 00:11:54,798 --> 00:11:58,510 -Di sila puwedeng magkita nang sila lang. -Sasamahan namin sila ni Bernabe. 183 00:11:58,594 --> 00:12:00,679 Nasa bahay misyon siya. 184 00:12:06,977 --> 00:12:08,687 Sige, tayo na. 185 00:12:09,521 --> 00:12:11,064 -Mag-ingat kayo. -Opo. 186 00:12:11,148 --> 00:12:13,150 -Huwag masyadong mabilis ang takbo. -Opo, Ama. 187 00:12:13,233 --> 00:12:15,152 -Huwag masyadong mabagal. -Ama. 188 00:13:02,783 --> 00:13:03,742 Joanna? 189 00:13:07,621 --> 00:13:08,830 Nandito ako, Chuza. 190 00:13:12,626 --> 00:13:15,254 Ano ang ginagawa mo rito? Tanghaling tapat na. 191 00:13:15,337 --> 00:13:18,757 Kailangang magpaliwanag ng lalaki kung ano ang ginagawa niya sa silid niya? 192 00:13:19,925 --> 00:13:20,968 Ano ang ginagawa mo rito? 193 00:13:21,051 --> 00:13:24,012 Kailangang magpaliwanag ng babae kung ano ang ginagawa niya sa silid niya? 194 00:13:24,972 --> 00:13:28,767 Hinahanap kita pero di ko inaasahang nandito ka. 195 00:13:28,851 --> 00:13:30,602 Ilang linggo ka nang di natutulog dito. 196 00:13:30,686 --> 00:13:32,104 Bakit kaya? 197 00:13:32,813 --> 00:13:34,940 Alam mo, ayokong makipag-away. 198 00:13:36,400 --> 00:13:39,194 Nandito ako para siguruhing maayos ka para sa piging ngayong gabi. 199 00:13:39,278 --> 00:13:40,404 Bakit di ako magiging maayos? 200 00:13:41,572 --> 00:13:42,906 Wala naman. 201 00:13:44,908 --> 00:13:46,910 'Yan ba ang isusuot mo? Ang ganda. 202 00:13:47,911 --> 00:13:49,830 Iba na lang ang isusuot ko. 203 00:13:52,040 --> 00:13:52,875 Sige. 204 00:13:55,419 --> 00:14:00,507 Siguruhin na lang nating magsasaya tayo ngayong gabi at… 205 00:14:03,010 --> 00:14:04,303 At? 206 00:14:05,095 --> 00:14:06,430 At wala. 207 00:14:06,930 --> 00:14:08,015 Magsaya ka. 208 00:14:08,098 --> 00:14:11,727 Makisama, anuman ang mangyari ngayong gabi, magsaya tayo. 209 00:14:11,810 --> 00:14:14,271 Makisama? Tungkol saan ito, Chuza? 210 00:14:15,189 --> 00:14:16,190 Ano'ng ibig mong sabihin? 211 00:14:17,441 --> 00:14:20,402 Gusto ko lang na magsaya tayo… 212 00:14:20,485 --> 00:14:22,154 Hindi ka magaling magsinungaling. 213 00:14:23,947 --> 00:14:26,658 Di ka rin magaling magsinungaling, Joanna. 214 00:14:26,742 --> 00:14:29,953 Alam nating nakikipag-usap ka sa Tagapagbawtismo. 215 00:14:30,037 --> 00:14:32,414 Ano'ng kinalaman niyan dito? 216 00:14:36,919 --> 00:14:39,087 -Sino'ng nag-utos sa 'yong kausapin ako? -Wala. 217 00:14:39,671 --> 00:14:41,798 Hayaan mo na. Gusto ko lang na ang asawa ko… 218 00:14:41,882 --> 00:14:44,343 Huwag mo ulit sabihing "magsaya." 219 00:14:44,426 --> 00:14:46,470 Pareho nating alam na mula nang makilala mo si Cassandra, 220 00:14:46,553 --> 00:14:48,055 wala ka nang pakialam sa ganiyan. 221 00:14:49,097 --> 00:14:51,642 -May gagawin ba si Herodes kay Juan? -Wala. 222 00:14:53,519 --> 00:14:54,728 Wala. 223 00:14:55,687 --> 00:14:58,482 Naaaliw at natutuwa si Herodes kay Juan. 224 00:14:58,565 --> 00:14:59,858 -Alam mo 'yan. -Oo. 225 00:15:00,484 --> 00:15:03,862 At alam kong di magiging maganda para sa kaniya ang magpadalos-dalos 226 00:15:03,946 --> 00:15:06,114 dahil tinuturing siyang propeta ng mga tao. 227 00:15:06,198 --> 00:15:07,783 Kailangan niyang mag-ingat. 228 00:15:07,866 --> 00:15:10,118 Alam kong sinusuportahan mo siya. 229 00:15:11,495 --> 00:15:13,664 Ngumiti ka na lang at magkunwari ngayong gabi. 230 00:15:13,747 --> 00:15:14,915 'Yan lang ang hinihiling ko. 231 00:15:14,998 --> 00:15:17,960 Alam ko ang pagngiti at pagkukunwari, Chuza. 232 00:15:19,127 --> 00:15:21,839 Matagal ko nang ginagawa ang dalawang 'yan. 233 00:15:25,300 --> 00:15:27,302 Ngayon mo pa lang ba gagawin 'to? 234 00:15:28,512 --> 00:15:30,681 Lagi kaming nagpapalaba ni Hadad. 235 00:15:33,934 --> 00:15:35,978 At walang natira sa ipon mo. 236 00:15:38,480 --> 00:15:42,234 Binenta ko na ang parte ko sa kompanya para sumunod kay Hesus. 237 00:15:43,110 --> 00:15:44,236 Magandang desisyon. 238 00:15:44,319 --> 00:15:46,280 Oo naman. Di lang maganda, napakaganda. 239 00:15:46,363 --> 00:15:47,906 Pero dahil sa magandang desisyon, 240 00:15:47,990 --> 00:15:50,868 kitang-kita na wala akong alam sa ibang mga gawain. 241 00:15:50,951 --> 00:15:53,537 Tulad ng paglalaba. 242 00:15:53,620 --> 00:15:55,664 Buti na lang hindi ito gano'n kahirap. 243 00:15:56,623 --> 00:15:57,666 Ano 'yan? 244 00:15:58,709 --> 00:16:03,589 Kaunting asin, langis galing sa halaman at taba ng hayop. 245 00:16:07,342 --> 00:16:09,428 Sana hindi na lang ako nagtanong. 246 00:16:13,182 --> 00:16:14,266 Kailangang haluin nang mabuti. 247 00:16:19,605 --> 00:16:20,731 Kita mo, basang-basa na? 248 00:16:21,231 --> 00:16:22,191 Magaling. 249 00:16:22,274 --> 00:16:26,403 Ngayon, tanggalin mo ang damit at ibabad mo sa tubig. 250 00:16:34,703 --> 00:16:37,331 Alam mo, kung may pera lang tayo, puwede tayong magbayad ng tagalaba, 251 00:16:37,414 --> 00:16:39,166 para mas marami tayong oras sa totoong trabaho, 252 00:16:39,249 --> 00:16:40,709 at mapapalawak natin ang pagtuturo. 253 00:16:40,792 --> 00:16:42,127 Ano naman ang sasabihin ng mga tao? 254 00:16:42,211 --> 00:16:45,255 Na sinusulit natin ang oras at kagamitan ng trabaho natin 255 00:16:45,339 --> 00:16:46,715 para palaguin ang Kaharian ng Messias. 256 00:16:46,798 --> 00:16:48,509 Sa tingin mo di gagawa ng pangkaraniwang gawain 257 00:16:48,592 --> 00:16:49,510 ang mga alagad ni Hesus? 258 00:16:49,593 --> 00:16:51,970 Nag-iisip ka ng dapat gawin sa hindi pa naman nangyayari. 259 00:16:52,679 --> 00:16:55,432 Walang bumubusisi sa mga ginagawa ni Hesus, Zee. 260 00:16:55,516 --> 00:16:56,767 Dapat nasa labas tayo, 261 00:16:56,850 --> 00:16:58,852 tinuturo ang salita, nagtitipon ng maraming tagasunod. 262 00:16:58,936 --> 00:17:02,147 Ito ang ginagawa ng mga taong kinakausap natin, naglalaba. 263 00:17:02,814 --> 00:17:05,400 Kung mukha tayong mapagmataas at pa-importante 264 00:17:05,484 --> 00:17:08,820 para sa araw-araw na gawain, hindi na tayo madaling pakisamahan. 265 00:17:09,905 --> 00:17:15,410 Ngayon, ibalumbon mo ang damit at pigain nang madiin sa bato. 266 00:17:19,122 --> 00:17:20,082 Pigain mo. 267 00:17:21,792 --> 00:17:22,626 Diinan mo pa. 268 00:17:23,585 --> 00:17:27,965 Mapipiga nito ang tubig at matatanggal ang duming nasa tela. 269 00:17:29,216 --> 00:17:31,552 Alam mo, di ko sinasabing baka iba ang maging tingin sa atin. 270 00:17:31,635 --> 00:17:34,179 Ang sinasabi ko lang, gawan natin ng paraan pag nandiyan na. 271 00:17:35,055 --> 00:17:37,057 Sa ngayon, marami tayong magagawa kung may pondo tayo. 272 00:17:37,140 --> 00:17:39,101 Nandiyan ang langis ng oliba na negosyo ni Zebedeo. 273 00:17:39,184 --> 00:17:41,895 -Na walang naipapasok kahit isang shekel. -Wala pa. 274 00:17:43,188 --> 00:17:44,314 Wala pa. 275 00:17:45,148 --> 00:17:47,734 Hudas, may pinag-aralan ka. 276 00:17:48,443 --> 00:17:49,570 Salamat. 277 00:17:49,653 --> 00:17:50,696 Pero hindi ka matalino. 278 00:17:52,197 --> 00:17:53,949 A, sige. 279 00:17:54,575 --> 00:17:55,576 Salamat, ha. 280 00:17:56,493 --> 00:17:57,995 Gusto ko 'yong parteng may pinag-aralan. 281 00:17:58,078 --> 00:18:00,622 Inalay mo na ang buhay mo sa isang guro, di ba? 282 00:18:00,706 --> 00:18:03,292 Naglalakad siya sa ibabaw ng tubig at inuutusan ang hangin at mga alon. 283 00:18:03,375 --> 00:18:05,169 Pero, oo, isa siyang guro. 284 00:18:05,252 --> 00:18:07,713 Pero hindi mo nakikita ang tinuturo niya 285 00:18:08,213 --> 00:18:10,799 dahil naghahanap ka ng mali sa hindi mo naiintindihan. 286 00:18:11,925 --> 00:18:15,846 May aral sa lahat ng ibinabahagi niya at tinatanong. 287 00:18:18,098 --> 00:18:18,932 O, sige. 288 00:18:20,434 --> 00:18:21,852 Saan ako magsisimula? 289 00:18:22,603 --> 00:18:25,856 Banlawan mo ang natanggal na dumi. 290 00:18:25,939 --> 00:18:27,733 Ginagawa mong parang bago ulit ang damit. 291 00:18:28,483 --> 00:18:30,110 Ngayon, ang pinakagusto ko sa lahat. 292 00:18:38,327 --> 00:18:42,873 Para ito sa duming mahirap tanggalin. 293 00:18:45,667 --> 00:18:47,920 Nakakatulong din itong pabilisin ang pagpapatuyo. 294 00:18:48,003 --> 00:18:50,756 Alam mo, dati ko pang naiisip kung bakit hindi ka mabaho, 295 00:18:50,839 --> 00:18:52,674 kahit na, alam mo 'yon, parati kang… 296 00:18:54,301 --> 00:18:55,886 parati kang nag-e-ehersisyo. 297 00:18:55,969 --> 00:19:00,182 Kahit pawis walang binatbat sa lakas mo pagdating sa ganito. 298 00:19:00,849 --> 00:19:06,021 Dapat may mapaggamitan ako ng lakas ko ngayong di ko na ito kailangan. 299 00:19:06,104 --> 00:19:08,232 O hindi sa paraan na akala kong paggagamitan nito. 300 00:19:08,315 --> 00:19:10,651 Kita mo? Ganiyan ka rin. 301 00:19:11,652 --> 00:19:14,613 -Anong ganiyan? -'Yong dati mong buhay. 302 00:19:14,696 --> 00:19:18,283 At iniwan mo na 'yon. Pero hindi mo lubusang maalis. 303 00:19:18,367 --> 00:19:20,035 Kaya hinanapan mo ng ibang paggagamitan. 304 00:19:20,661 --> 00:19:22,204 Pangatlo at huling banlaw. 305 00:19:23,580 --> 00:19:26,500 -Hindi ko yata naiintindihan. -May iniwanan akong buhay. 306 00:19:27,125 --> 00:19:30,796 At kahit ibang-iba na ang pamumuhay ko ngayon kaysa dati… 307 00:19:32,297 --> 00:19:35,259 di ko maiwasang isipin kung paano niya magagawa nang mas mabilis 308 00:19:35,342 --> 00:19:36,635 at mas mahusay. 309 00:19:36,718 --> 00:19:38,428 Sinabihan kang patakbuhin ito nang mas mahusay? 310 00:19:38,512 --> 00:19:40,013 Hindi, hawakan lang ang pera. 311 00:19:40,097 --> 00:19:41,098 E di hawakan mo ang pera. 312 00:19:42,432 --> 00:19:43,267 Pero, Zee… 313 00:19:44,601 --> 00:19:47,437 'yong mga taong pinakain niya sa Decapolis, hindi sila lahat mahirap. 314 00:19:48,146 --> 00:19:50,732 Malayo lang sila sa mga bahay nila at walang makain. 315 00:19:50,816 --> 00:19:55,070 Kung nangolekta lang tayo ng sampung porsiyento ng limang libo, 316 00:19:55,153 --> 00:19:56,029 sampung porsiyento. 317 00:19:56,822 --> 00:19:58,156 Tumanggap ng maliit na bahagi 318 00:19:58,740 --> 00:20:01,618 ng alay ng pasasalamat ng mga tao, 'yong mga may kakayahan, 319 00:20:02,369 --> 00:20:04,496 hindi sana tayo nahihirapan nang husto, 320 00:20:04,580 --> 00:20:06,498 naghihintay magawa ang mahalagang trabaho hanggang… 321 00:20:07,624 --> 00:20:09,710 sa kumita ang langis ng oliba ni Zebedeo. 322 00:20:10,878 --> 00:20:15,174 Kung gusto niyang tumanggap ng alay, ginawa na sana niya. 323 00:20:15,257 --> 00:20:16,633 Pero di niya ginawa. 324 00:20:18,177 --> 00:20:19,845 Tinatanong mo kung bakit di niya ginawa 325 00:20:19,928 --> 00:20:22,222 sa paraang gagawin mo sana bago mo siya nakilala? 326 00:20:22,306 --> 00:20:24,224 Ibebenta ng dating ako 'yong mga tinapay. 327 00:20:24,850 --> 00:20:26,602 Dapat tinatanong mo kung sino ang tinuturan niya 328 00:20:26,685 --> 00:20:27,644 sa pagkakawanggawa niya. 329 00:20:27,728 --> 00:20:30,189 Naniniwala ako sa mga sinasabi niya at sa mga tinuturo niya. 330 00:20:30,272 --> 00:20:33,317 Binago n'on ang buhay ko. Pero hindi ito roon magtatapos. 331 00:20:33,400 --> 00:20:35,027 Siya ang Messias, Zee. 332 00:20:35,944 --> 00:20:37,738 -Alam ko. -Talaga ba? 333 00:20:39,031 --> 00:20:42,701 Kung anak siya ni David, at tutuparin niya ang propesiya ni Isaias na, 334 00:20:42,784 --> 00:20:45,829 "Ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, 335 00:20:45,913 --> 00:20:49,416 at magiging mataas sa mga burol, at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon." 336 00:20:50,667 --> 00:20:52,002 Oras na para kumilos nang mabilis. 337 00:20:52,085 --> 00:20:55,464 Hindi siya magiging hari kung di mag-iipon ng kayamanan o kapangyarihan. 338 00:20:56,256 --> 00:20:58,800 -Walang hindi ganoon. -Hindi siya ganoon. 339 00:20:59,843 --> 00:21:01,553 Nahulaan, pero di pa nakikita. 340 00:21:04,598 --> 00:21:06,058 Marumi pa 'yan, Hudas. 341 00:21:08,435 --> 00:21:11,063 Ano ba, Zee. Ngayon ko lang ginawa 'to. 342 00:21:11,688 --> 00:21:12,856 At saka, hindi ako kasing… 343 00:21:13,607 --> 00:21:14,858 kasinlakas mo. 344 00:21:15,400 --> 00:21:17,569 E di paganahin mo ang katalinuhan mo. 345 00:21:18,487 --> 00:21:20,864 Sinabi sa atin ni Hesus na gawin natin. May dahilan 'yon. 346 00:21:20,948 --> 00:21:21,949 Sigurado ka ba? 347 00:21:22,658 --> 00:21:25,369 Dahil sigurado akong tanda ng kabutihan ang malinis na pananamit. 348 00:21:25,452 --> 00:21:26,787 Magiging mas malinaw ito. 349 00:21:27,412 --> 00:21:28,539 Noong bago lang ako sa ganito, 350 00:21:28,622 --> 00:21:31,792 may matitinding aral akong natutuhan, maniwala ka sa akin. 351 00:21:35,546 --> 00:21:36,547 Taba ng hayop. 352 00:21:37,047 --> 00:21:38,799 Paano? E di may buo-buo 'yon? 353 00:21:38,882 --> 00:21:42,135 Hindi, pinapainitan 'yon at tinutunaw at sinasala 354 00:21:42,219 --> 00:21:44,596 para paghiwalayin ang mga buo-buo sa likidong taba. 355 00:21:45,514 --> 00:21:48,892 Parang pag nagsasala ng trigo para alisin ang dumi 356 00:21:48,976 --> 00:21:51,061 at ihiwalay ang magandang butil sa pangit. 357 00:21:57,442 --> 00:21:58,569 Magandang araw. 358 00:22:01,697 --> 00:22:03,532 Tamang-tama sa oras na pinag-usapan. 359 00:22:04,157 --> 00:22:05,534 Magandang senyales na ito. 360 00:22:14,793 --> 00:22:18,046 Siyempre, ito dapat ang asahan ko sa mga alagad niya. 361 00:22:19,089 --> 00:22:20,883 Wala tayong panahon para sa kuwentuhan. 362 00:22:27,681 --> 00:22:29,057 Sa labas maghihintay ang babae. 363 00:22:33,061 --> 00:22:35,147 -Pero tumulong ako sa paggawa ng… -Tamar. 364 00:22:35,230 --> 00:22:36,815 Para lang sa usapan na 'to, ha? 365 00:22:38,567 --> 00:22:41,904 Dito na lang ako at sasamahan ka sa pagbantay ng kariton. 366 00:22:58,504 --> 00:23:01,798 Una, makukumpirma n'yo ba na tinimpla ng tagagawa ng pabango ang langis na ito 367 00:23:01,882 --> 00:23:04,551 ayon sa pormulang inilahad sa Aklat ni Moises? 368 00:23:04,635 --> 00:23:06,178 Tamang-tama, Guro. 369 00:23:06,261 --> 00:23:08,055 Pakibigkas nga. 370 00:23:09,515 --> 00:23:14,269 Ang likidong mira, 500 shekel, at ang mabangong kanela, kalahati nito. 371 00:23:14,353 --> 00:23:19,691 Nasa 250 'yan at 250 ng mabangong lubigan at 500 ng kasia, 372 00:23:19,775 --> 00:23:24,029 ayon sa timbang ng santuwaryo, at kaunting langis ng oliba. 373 00:23:28,200 --> 00:23:29,576 Tamng-tama nga. 374 00:23:29,660 --> 00:23:32,120 Maayos ang pagkakapiga at pagtanggal ng latak. 375 00:23:32,204 --> 00:23:33,830 Malinaw at malinis. 376 00:23:33,914 --> 00:23:35,958 Hindi natatanggal sa daliri ko. 377 00:23:36,041 --> 00:23:37,167 Kung mamarapatin n'yo po, Guro, 378 00:23:37,251 --> 00:23:40,796 naniniwala kaming malapot ito dahil sa tamang dami ng mira. 379 00:23:40,879 --> 00:23:42,798 Mahal ang dagta. 380 00:23:42,881 --> 00:23:44,341 May pambuklod ito na kailangan… 381 00:23:44,424 --> 00:23:47,344 Jairus, bakit may kinakausap tayong bagong tagahatid ng langis? 382 00:23:47,970 --> 00:23:51,139 Malayo ang inilalakbay ng tagahatid natin ngayon, 383 00:23:51,223 --> 00:23:52,224 mula Hudea. 384 00:23:52,307 --> 00:23:55,352 Mula sa kakahuyan ng Getsemani na pinakamalapit sa Banal na Siyudad. 385 00:23:55,435 --> 00:23:56,812 Wala nang gaganda pa ro'n. 386 00:23:56,895 --> 00:24:00,691 Minarkahan na ng Roma ang Hudea bilang hiwalay na probinsiya sa Galilea. 387 00:24:00,774 --> 00:24:03,026 Nagpataw sila ng buwis sa pag-angkat ng kalakal galing Hudea. 388 00:24:03,110 --> 00:24:07,239 Dagdag pa sa taripa, nagbabayad din tayo ng gastos sa biyahe at mga trabahador. 389 00:24:07,322 --> 00:24:08,574 Tagarito si Zebedeo. 390 00:24:09,157 --> 00:24:11,159 Hindi n'yo kami sisingilin ng gastos sa pagbiyahe? 391 00:24:11,243 --> 00:24:13,787 Hindi po, Guro. Gagawa po ako ng kasulatan. 392 00:24:14,454 --> 00:24:16,915 Wala akong masyadong alam sa pangangalakal, Guro, 393 00:24:16,999 --> 00:24:20,752 pero makatutulong sa Capernaum ang pagsuporta sa lokal na negosyo… 394 00:24:20,836 --> 00:24:22,671 Itigil mo na 'yang pagkukunwari, Yussif. 395 00:24:22,754 --> 00:24:24,882 Akala mo ba talaga hindi ko alam kung sino ang tatay mo? 396 00:24:28,343 --> 00:24:30,012 May punto si Yussif. 397 00:24:30,095 --> 00:24:32,431 Tungkol ito sa pagiging responsable sa ipinagkaloob sa kaniya. 398 00:24:32,514 --> 00:24:36,018 Ako ang punong administrador ng sinagoga. 399 00:24:36,101 --> 00:24:37,686 Tapos na ang usapan. 400 00:24:37,769 --> 00:24:41,023 Zebedeo, binabati kita sa magandang kalidad. 401 00:24:42,107 --> 00:24:43,942 Ilagay ninyo sa talaan na hindi ako umimik 402 00:24:44,026 --> 00:24:46,737 sa pahiwatig na palitan ang tinderong taga-Getsemani, 403 00:24:46,820 --> 00:24:49,781 para malaman ng mga susunod na henerasyon na may isang tao man lang 404 00:24:49,865 --> 00:24:55,787 na sumuporta sa kahalagahan ng tradisyon kaysa sa gastos at pagiging praktikal. 405 00:24:56,413 --> 00:24:59,291 Pakisulat ninyo sa talaan ang hindi pag sang-ayon ng Guro. 406 00:24:59,374 --> 00:25:00,501 Nakasulat na po. 407 00:25:01,335 --> 00:25:06,507 Zebedeo, sumama ka sa opisina ko para pag-usapan kung paano ang bayaran. 408 00:25:36,453 --> 00:25:39,581 Reyna Herodias. Mukhang handa po kami. 409 00:25:40,165 --> 00:25:41,667 Sigurado akong handa na kayo. 410 00:25:41,750 --> 00:25:44,127 Kailangang siguraduhin natin na si Salome rin. 411 00:25:44,211 --> 00:25:46,171 Sige na, pasayawin mo ulit siya. 412 00:25:46,255 --> 00:25:47,297 Sandali lang po. 413 00:25:47,923 --> 00:25:49,424 Masyado natin siyang pinapagod. 414 00:25:49,508 --> 00:25:52,344 -Dapat pagpahingahin siya bago… -Dapat maging perpekto. 415 00:25:52,427 --> 00:25:54,221 Dapat mapahanga natin siya nang husto. 416 00:25:54,304 --> 00:25:57,266 Gagamitin ko ang alak, pasasayawin mo siya. 417 00:25:57,349 --> 00:26:01,103 Mahal na reyna, alam kong ininsulto ka ng Tagapagbawtismo, pero may mga… 418 00:26:01,186 --> 00:26:02,187 Ininsulto? 419 00:26:03,605 --> 00:26:04,857 Ininsulto. 420 00:26:06,650 --> 00:26:09,152 Naniniwala ka bang masama ang pagpapakasal ko sa hari? 421 00:26:09,236 --> 00:26:10,404 Siyempre hindi. Ako… 422 00:26:10,487 --> 00:26:12,990 Naniniwala ka bang dapat akong ibalik sa pulubing 'yon, si Felipe, 423 00:26:13,073 --> 00:26:15,701 at sa maliit niyang teritoryo sa Hudea? 424 00:26:15,784 --> 00:26:18,662 At talikuran ang kasal ko kay Antipas na namumuno sa buong rehiyon? 425 00:26:18,745 --> 00:26:20,205 -Hindi po, mahal na reyna. -Bakit hindi? 426 00:26:21,665 --> 00:26:25,669 Kung insulto lang ang sinabi ng Tagapagbawtismo sa harap ng Korte, 427 00:26:25,752 --> 00:26:28,422 tulad ng sinabi mo, bakit hindi mo siya suportahan? 428 00:26:30,007 --> 00:26:33,135 Marahil dapat balewalain ko na lang ang munting insultong ito 429 00:26:33,218 --> 00:26:37,264 at hayaan ang buong rehiyon na hayagang sumbatan ang mga desisyon ko. 430 00:26:37,347 --> 00:26:38,932 Patawarin n'yo ako, mahal na reyna. 431 00:26:39,016 --> 00:26:40,893 Pasasayawin ko na po si Salome. 432 00:26:43,103 --> 00:26:44,104 Halika. 433 00:27:04,333 --> 00:27:05,417 Bawal ang mga bisita ngayon. 434 00:27:06,126 --> 00:27:07,127 Bakit? 435 00:27:08,212 --> 00:27:13,217 May mahalagang bihag na ililipat sa piitan malapit sa unang palapag. 436 00:27:13,300 --> 00:27:15,844 Para mabilis kaming makakakilos anumang oras. 437 00:27:15,928 --> 00:27:18,263 -Makakakilos? -Bingi ka ba? 438 00:27:21,558 --> 00:27:24,019 Pasensiya na, di 'yan uubra ngayon. 439 00:27:27,898 --> 00:27:30,901 Ano'ng ibig mong sabihin sa, "Mabilis na makakakilos anumang oras"? 440 00:27:31,818 --> 00:27:33,987 -Ano'ng nangyayari? -Hindi ako sigurado, 441 00:27:34,071 --> 00:27:36,990 pero ang karaniwang ibig sabihin nito, palalayain ang bihag… 442 00:27:38,825 --> 00:27:39,785 o papaslangin. 443 00:27:42,037 --> 00:27:43,121 Sino'ng nag-utos? 444 00:27:47,751 --> 00:27:49,419 Sino'ng nag-utos? 445 00:27:51,880 --> 00:27:52,923 Si Herodias. 446 00:27:54,341 --> 00:27:55,342 Juan! 447 00:27:58,220 --> 00:27:59,638 -Juan, may nangyayari! -Tumigil ka! 448 00:27:59,721 --> 00:28:01,682 -Juan, may sabuwatan. Papatayin ka nila. -Tumigil ka! 449 00:28:02,182 --> 00:28:05,394 Nakakakita ang bulag. Nakakalakad ang pilay. 450 00:28:06,812 --> 00:28:08,313 Nalilinisan ang may ketong. 451 00:28:09,481 --> 00:28:11,358 May magandang balitang tinuturo sa mahihirap. 452 00:28:11,441 --> 00:28:13,068 Hindi! 453 00:28:13,151 --> 00:28:16,238 Pagkakasunduin ang mga ama at kanilang mga anak, 454 00:28:16,321 --> 00:28:19,157 at panumbalikin ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid. 455 00:28:21,159 --> 00:28:23,287 Nakahanda na ang daan ng Panginoon. 456 00:28:39,511 --> 00:28:41,972 Sa wakas, nabukod tayo para magkausap. 457 00:28:43,307 --> 00:28:45,142 Salamat kina Bernabe at Shula. 458 00:28:49,521 --> 00:28:55,694 Bago kami pumunta sa Decapolis, at ang daming nangyari doon, 459 00:28:55,777 --> 00:28:57,362 na, sa totoo lang… 460 00:28:57,446 --> 00:28:59,198 Ayon sa nabalitaan ko, 461 00:28:59,281 --> 00:29:01,950 nahihirapan ka pa rin sigurong tanggapin. 462 00:29:03,702 --> 00:29:05,078 Mas kaya ko na, di ba? 463 00:29:05,746 --> 00:29:07,664 Na tanggapin ang mga bagay na di ko maipaliwanag? 464 00:29:07,748 --> 00:29:08,582 Oo. 465 00:29:10,334 --> 00:29:12,503 Hindi na ikaw 'yong lalaki sa kasalan sa Cana. 466 00:29:19,343 --> 00:29:20,385 E di… 467 00:29:21,887 --> 00:29:25,432 may lalaking hindi pa rin nagbabago? 468 00:29:28,685 --> 00:29:29,811 Si Ama. 469 00:29:29,895 --> 00:29:33,148 Ikuwento mo sa akin, kumusta naman? Noong kinausap mo siya pagkaalis ko. 470 00:29:39,530 --> 00:29:40,656 Ganoon kaganda, ha? 471 00:29:46,828 --> 00:29:49,581 Mahal na mahal ka niya. Di maipagkakaila 'yon. 472 00:29:50,791 --> 00:29:52,000 Hindi maipagkakaila 'yon. 473 00:29:52,918 --> 00:29:56,880 At alam niya ang hihilingin ko sa kaniya, bago ko pa nga nasabi. 474 00:29:58,048 --> 00:30:00,467 Nilinaw niya sa akin 'yon sa Samaria. 475 00:30:00,551 --> 00:30:02,261 Walang nakakalusot sa kaniya. 476 00:30:02,344 --> 00:30:06,223 -Mahirap kausap si Kafni, Ramah. -Umaasa akong maiintindihan niya. 477 00:30:06,306 --> 00:30:08,559 Akala ko magagawa niya ito. Hayaan akong maging ako. 478 00:30:08,642 --> 00:30:10,227 Ayaw niya kay Hesus, 479 00:30:11,019 --> 00:30:14,690 at tutol siya sa desisyon nating iwan ang propesyon natin at sumunod kay Hesus. 480 00:30:20,195 --> 00:30:21,822 Mahal talaga kita, Ramah. 481 00:30:22,489 --> 00:30:24,408 May paraan siguro para maging maayos ito. 482 00:30:26,159 --> 00:30:27,828 Umaasa ako na sasabihin mo 'yan. 483 00:30:27,911 --> 00:30:28,996 -Talaga? -Siyempre. 484 00:30:29,079 --> 00:30:30,455 -May naisip ako. -Talaga? 485 00:30:31,290 --> 00:30:33,542 Masusi kong inaral ang bawat detalye, 486 00:30:33,625 --> 00:30:35,669 bawat tradisyon, hanggang sa pinakamaliit. 487 00:30:36,253 --> 00:30:37,087 Talaga? 488 00:30:37,588 --> 00:30:38,755 Ayon sa Halakhah, 489 00:30:38,839 --> 00:30:43,051 kung sakaling wala ang ama o may talagang kakaibang sitwasyon, 490 00:30:43,135 --> 00:30:45,929 na tingin ko gano'n ang pagsunod natin kay Hesus, 491 00:30:46,013 --> 00:30:49,558 may espesyal na pahintulot para pagtibayin ang kasal. 492 00:30:49,641 --> 00:30:52,102 Sasabihin ng lalaking 13 taong gulang pataas 493 00:30:52,811 --> 00:30:54,438 ang kataga. 494 00:30:59,067 --> 00:31:02,487 "Inihandog ka na sa akin ayon sa batas ni Moises at ng Israel." 495 00:31:02,571 --> 00:31:06,116 Pagkasabi n'on, bibigyan ng lalaki ang babae 496 00:31:06,200 --> 00:31:08,368 ng mahalagang bagay. 497 00:31:08,452 --> 00:31:12,122 Kapag tinanggap niya 'yon, pinapatunayan niyang legal ang kiddushin 498 00:31:12,206 --> 00:31:15,959 at ituturing na magkatipan na sila, inihandog siya para lang sa lalaking iyon. 499 00:31:18,879 --> 00:31:20,255 Teka. 500 00:31:21,048 --> 00:31:23,342 'Yon na 'yon? 'Yon lang ang kailangan mong… 501 00:31:23,425 --> 00:31:26,970 Dapat sabihin ang kataga sa harap ng dalawang maaasahang lalaking saksi, 502 00:31:27,054 --> 00:31:30,307 isang kumakatawan sa lalaki at isang kumakatawan sa babae. 503 00:31:31,099 --> 00:31:32,601 Kakausapin ko si Juan na maging saksi ko. 504 00:31:32,684 --> 00:31:37,356 At pareho nating alam na isang lalaki lang ang puwedeng kumatawan sa akin. 505 00:31:37,981 --> 00:31:39,233 -Si Hesus. -Si Hesus. 506 00:31:39,900 --> 00:31:41,860 Ang tanging puwedeng maghatid sa akin sa altar. 507 00:31:43,278 --> 00:31:45,697 -Kaakausapin natin siya. -Tapos, tapos na. 508 00:31:45,781 --> 00:31:48,116 Medyo matatagalan bago magawa ang kontrata. 509 00:31:48,200 --> 00:31:50,827 Pipirmahan siguro 'yon ng opisyal na guro 510 00:31:50,911 --> 00:31:54,790 na makakapagkumpirmang may basehan at kakaiba ang sitwasyon. 511 00:31:54,873 --> 00:31:55,874 Oo. 512 00:31:55,958 --> 00:31:59,211 Kung alam lang natin kung saan makakahanap ng gano'ng guro. 513 00:32:06,426 --> 00:32:08,804 Puwede ba talaga itong mangyari sa pananampalataya natin? 514 00:32:08,887 --> 00:32:10,764 Parang tama. Pero talaga ba? 515 00:32:10,848 --> 00:32:12,891 Hindi naman siguro ito ang unang kakaibang pagpapakasal 516 00:32:12,975 --> 00:32:14,351 sa kasaysayan natin. 517 00:32:14,852 --> 00:32:17,479 Nagpakasal si Esther sa haring Hentil para iligtas ang Israel, 518 00:32:17,563 --> 00:32:20,107 hindi hinintay ni David ang ama niya na piliin ang mapapangasawa niya. 519 00:32:20,190 --> 00:32:21,149 Kahit si Hesus, kinuwento 520 00:32:21,233 --> 00:32:22,860 ang kakaibang kasunduan ng mga magulang niya. 521 00:32:22,943 --> 00:32:24,319 -Puwede siyang… -Tomas. 522 00:32:24,820 --> 00:32:25,654 Ano 'yon? 523 00:32:26,154 --> 00:32:29,575 Di tayo maikukumpara sa kanila, pero kakausapin natin si Hesus. 524 00:32:29,658 --> 00:32:30,492 Siya ang magpapasiya. 525 00:32:32,953 --> 00:32:34,621 Oo nga. 526 00:32:40,210 --> 00:32:44,840 Puwes, may isang kakaibang kasunduan na hindi magiging atin. 527 00:32:48,343 --> 00:32:52,931 Isang Hentil si Ruth at pumuslit siya sa palasyo kung saan natutulog si Boaz. 528 00:32:54,600 --> 00:32:56,143 Hindi natin gagawin 'yon. 529 00:32:57,060 --> 00:32:58,896 Hihilingin ko. 530 00:32:59,980 --> 00:33:01,190 Nakalimutan ko nga 'yan. 531 00:33:02,316 --> 00:33:05,736 Puwes, tingnan natin ang mangyayari. 532 00:33:11,909 --> 00:33:13,827 Habambuhay mo ba akong sasamahang maglakad, 533 00:33:14,828 --> 00:33:16,121 at sasamahang magbasa, 534 00:33:16,705 --> 00:33:21,043 at bibigkas ng walang katapusang patakaran at mga may basehang sitwasyon kasama ako? 535 00:33:28,800 --> 00:33:29,927 Oo! 536 00:33:38,227 --> 00:33:39,269 Hoy, iho. 537 00:33:39,353 --> 00:33:41,480 Ngayon ko hinihiling na sana di pa siya nakakakita. 538 00:33:42,648 --> 00:33:44,358 Ikakasal na kami! Ayos lang 'yan! 539 00:33:45,484 --> 00:33:47,736 Isa na nga lang ang trabaho ko. 540 00:34:03,085 --> 00:34:05,337 Makinig ka sa 'kin, ha? 541 00:34:06,797 --> 00:34:09,967 Ang una nating gagawin, ang una… 542 00:34:10,050 --> 00:34:15,639 Gusto kong makitang kinakain mo nang buo ang butong 'yan. 543 00:34:26,984 --> 00:34:28,360 Ang babaeng 'yon. 544 00:34:39,580 --> 00:34:41,957 -Ay, naku. -Inumin mo 'to. 545 00:34:47,963 --> 00:34:49,923 Ikaw lang. Sige na. 546 00:34:53,927 --> 00:34:56,305 Kung di ko nakita, di 'yon nangyari. 547 00:35:30,422 --> 00:35:35,052 Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan Mo. 548 00:35:35,594 --> 00:35:37,012 Mapasaamin ang kaharian Mo, 549 00:35:37,846 --> 00:35:40,349 Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit. 550 00:35:44,144 --> 00:35:47,064 …sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. 551 00:36:09,294 --> 00:36:10,921 -Ginoo? -Sige lang. 552 00:36:11,004 --> 00:36:12,798 -Tama ka. -Mahal ko. 553 00:36:14,299 --> 00:36:15,717 Makikita mo. 554 00:36:19,012 --> 00:36:22,224 Ayos lang ako. Kaya ko 'to mag-isa. 555 00:36:22,307 --> 00:36:24,768 Mga kagalang-galang na panauhin, mga maharlika, 556 00:36:25,561 --> 00:36:30,399 mga heneral, mga komandante, at mga pinuno ng Galilea. 557 00:36:30,482 --> 00:36:32,776 Inihahandog ko sa inyo, para sa kasiyahan ng hari, 558 00:36:33,360 --> 00:36:35,195 at sa iginagalang na tradisyon, 559 00:36:35,904 --> 00:36:37,906 isang espesyal na alay ni Salome, 560 00:36:38,991 --> 00:36:42,661 anak ng ating kataas-taasang reyna, si Herodias. 561 00:37:00,637 --> 00:37:03,640 Nakakapanabik. Ano na naman kaya ang binabalak ni Herodias? 562 00:37:04,558 --> 00:37:07,936 Parang alam ko na kung ano, pero tingnan natin. 563 00:37:08,020 --> 00:37:13,358 Alam mong pag natuwa si Herodes, hindi niya tatanggihan ang kahit ano. 564 00:40:04,112 --> 00:40:09,868 Hilingin mo anuman ang gusto mo, at tutuparin ko. 565 00:40:11,870 --> 00:40:12,996 Kahit ano? 566 00:40:13,080 --> 00:40:14,706 Hanggang sa kalahati ng kaharian ko. 567 00:40:38,647 --> 00:40:43,527 Mapagpala ka, Panginoon naming Diyos, Hari ng Sansinukob, 568 00:40:43,610 --> 00:40:46,488 nilinis Mo kami ng Iyong mga kautusan. 569 00:40:47,030 --> 00:40:49,575 at inutusan kaming dalhin ang aming mga anak 570 00:40:49,658 --> 00:40:52,452 sa tipan ni Abraham, aming ama. 571 00:40:52,536 --> 00:40:55,539 Nawa'y maging dakila ang munting batang ito. 572 00:41:07,885 --> 00:41:12,014 Diyos ng aming mga ninuno, itaguyod Mo ang batang ito. 573 00:41:12,681 --> 00:41:16,393 Makikilala siya ng mga tao at sa lugar na ito, 574 00:41:16,476 --> 00:41:20,230 bilang si Sakarias, anak ni Sakarias at Elizabeth. 575 00:41:20,314 --> 00:41:24,651 Hindi po, Guro. Ayon sa utos ng Diyos, Juan ang magiging pangalan niya. 576 00:42:32,094 --> 00:42:33,470 Ang gandang pinggan 'yan. 577 00:42:34,471 --> 00:42:35,389 Pilak? 578 00:42:36,807 --> 00:42:38,267 Ang pinakamaganda sa lahat. 579 00:42:38,350 --> 00:42:40,853 Para lang ito sa piging ng kasal ng mga dugong-bughaw, 580 00:42:41,854 --> 00:42:44,189 hiniling mismo ni Haring Herodes. 581 00:42:49,361 --> 00:42:50,612 Bakit ka tumatawa? 582 00:42:54,366 --> 00:42:56,785 Hindi pa ako nakakadalo sa kasalan. 583 00:43:01,290 --> 00:43:02,749 Pero pupunta ako sa isa. 584 00:43:03,876 --> 00:43:04,918 Ano'ng ibig sabihin niyan? 585 00:43:06,545 --> 00:43:09,590 A, wala 'yon. 586 00:43:11,133 --> 00:43:12,217 Di mo naman maiintindihan. 587 00:43:14,511 --> 00:43:15,804 'Yan na ba ang mga huling salita mo? 588 00:43:24,438 --> 00:43:28,317 "Di mo naman maiintindihan." 589 00:43:42,581 --> 00:43:44,082 Malapit-lapit na. 590 00:43:49,463 --> 00:43:52,841 Elizabeth, wala sa mga kamag-anak mo ang may pangalang Juan. 591 00:43:52,925 --> 00:43:55,344 -Alam ko. -Sakarias, tungkol ba saan ito? 592 00:43:56,011 --> 00:43:58,347 Ginagawa niya ba ito dahil sa nangyari sa 'yo? 593 00:44:12,778 --> 00:44:14,279 Hesus ang Nazareno. 594 00:44:18,200 --> 00:44:19,076 Avner. 595 00:44:20,577 --> 00:44:21,662 Magandang araw. 596 00:44:33,173 --> 00:44:34,842 Juan ang pangalan niya. 597 00:44:46,311 --> 00:44:48,647 Mapagpala ka… 598 00:44:50,649 --> 00:44:55,112 Mapagpala ka, Panginoon naming Diyos, 599 00:44:55,195 --> 00:44:58,115 Hari ng Sansinukob. 600 00:45:25,893 --> 00:45:29,146 Juan, anak ni Sakarias at Elizabeth ng Hudea, 601 00:45:29,229 --> 00:45:32,691 ngayong araw na ito, sa utos ni Herodes Antipas, ang tetrarka, 602 00:45:32,774 --> 00:45:35,485 ikaw ay pinapatawan ka ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot… 603 00:46:15,609 --> 00:46:16,693 Salamat. 604 00:46:35,587 --> 00:46:36,964 Juan… 605 00:46:54,189 --> 00:46:55,440 -Mamaya na. -Ano? 606 00:46:55,524 --> 00:46:57,442 Para sa kamelyo. 'Yan lang. 607 00:46:57,526 --> 00:46:58,986 Ano ang balita ngayong umaga? 608 00:46:59,862 --> 00:47:01,530 Wala pa 'yong mga magbabalita. 609 00:47:01,613 --> 00:47:04,533 -Baka magandang senyales 'yan. -Baka may mga detalyeng kailangan ayusin. 610 00:47:04,616 --> 00:47:06,869 O tinanggihan sila kahapon 611 00:47:06,952 --> 00:47:09,830 at nilulunod nila ang lungkot sa inuman. 612 00:47:10,372 --> 00:47:11,874 Nagpapalipas ng kalasingan. Sana hindi. 613 00:47:13,375 --> 00:47:14,418 Uy, ayan na sila. 614 00:47:16,670 --> 00:47:18,130 Ano itong nakikita ko? 615 00:47:21,091 --> 00:47:22,134 May kliyente na tayo. 616 00:47:23,218 --> 00:47:26,722 -Binili nila lahat ng banga, ha! -Nagtagumpay ang matanda, ano? 617 00:47:26,805 --> 00:47:27,890 Mahirap silang bentahan. 618 00:47:27,973 --> 00:47:30,058 Nagawa lang namin dahil sa Panginoon. 619 00:47:30,142 --> 00:47:33,770 Oo, pero hindi lang si Ama ang may inaayos na transaksiyon kahapon. 620 00:47:35,689 --> 00:47:36,773 Puwede n'yo siyang tanungin. 621 00:47:37,816 --> 00:47:39,484 A, oo. 622 00:47:39,568 --> 00:47:41,445 Gusto kong makiusisa sa mga mang-aawit. 623 00:47:42,321 --> 00:47:44,323 -Mga nagmamahalan. -Mga mang-aawit. 624 00:47:44,406 --> 00:47:45,782 Dati pang mga mang-aawit. 625 00:47:45,866 --> 00:47:48,994 -Ano'ng sinasabi mo? -Puwes, sabihin mo na. Kumusta ba? 626 00:47:53,832 --> 00:47:54,917 Oo? 627 00:47:55,542 --> 00:47:57,002 -Ayos! -Binabati ko kayo! 628 00:47:57,961 --> 00:47:58,879 Binabati ko kayo! 629 00:48:00,214 --> 00:48:01,715 Binabati ko kayo! 630 00:48:01,798 --> 00:48:03,342 Matutuloy na pala talaga. 631 00:48:03,425 --> 00:48:06,136 May mga dapat pa kaming ayusin, 632 00:48:06,220 --> 00:48:07,554 kasali ka sa isa ro'n. 633 00:48:07,638 --> 00:48:10,182 Uy, basta 'wag mo lang ipatahi sa akin ang chuppah, ha? 634 00:48:10,265 --> 00:48:11,558 Ayoko ring gawin 'yon. 635 00:48:11,642 --> 00:48:12,893 Binabati kita, Tomas. 636 00:48:13,644 --> 00:48:16,480 -Ang ganda ng balitang ito. -Oo. 637 00:48:19,316 --> 00:48:21,527 Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel, 638 00:48:22,402 --> 00:48:25,656 sapagkat inalala niya at tinubos ang Kaniyang bayan 639 00:48:26,323 --> 00:48:30,327 at sinugo Niya sa atin ang makapangyarihang Tagapagligtas 640 00:48:30,410 --> 00:48:32,496 mula sa angkan ng lingkod Niyang si David. 641 00:49:03,235 --> 00:49:04,152 Andres! 642 00:49:05,863 --> 00:49:07,322 Ayon sa ipinangako Niya noong panahon, 643 00:49:07,406 --> 00:49:08,782 sa pamamagitan ng banal na propeta, 644 00:49:08,866 --> 00:49:14,872 na ililigtas Niya tayo sa ating mga kaaway at sa lahat ng napopoot sa atin. 645 00:49:15,664 --> 00:49:16,748 Andres, nandiyan ka ba? 646 00:49:21,920 --> 00:49:23,088 Joanna. 647 00:49:37,269 --> 00:49:38,562 Hindi. 648 00:49:39,521 --> 00:49:41,815 -Hindi. -Ikinalulungkot ko. 649 00:49:41,899 --> 00:49:44,109 -Andres, ano'ng problema? -Hindi. Kasi… si Juan. 650 00:49:45,152 --> 00:49:46,695 -Ikaw ba si Felipe? -Hindi. 651 00:49:47,279 --> 00:49:50,199 Ako si Hudas. Wala si Felipe. 652 00:49:50,282 --> 00:49:52,659 -Sasabihin ko kay Felipe. -Sige. 653 00:49:52,743 --> 00:49:54,703 -Si Juan… -Huminga ka, Andres. 654 00:49:54,786 --> 00:49:57,247 Upang tuparin ang Kaniyang kahabagan sa ating mga magulang 655 00:49:57,331 --> 00:50:00,584 at alalahanin ang Kaniyang banal na tipan, 656 00:50:00,667 --> 00:50:04,421 ang panunumpa na Kaniyang sinumpaan sa ating amang si Abraham. 657 00:50:04,505 --> 00:50:05,964 Andres. 658 00:50:07,090 --> 00:50:08,383 Naku. 659 00:50:34,034 --> 00:50:35,536 Alam nating darating ang araw na ito. 660 00:50:36,870 --> 00:50:38,372 Dapat naghanda tayo. 661 00:50:43,418 --> 00:50:44,586 Naghanda nga tayo. 662 00:50:47,589 --> 00:50:49,716 Dumating si Juan para ihanda ang daan. 663 00:50:51,635 --> 00:50:52,678 At ginawa niya. 664 00:50:57,307 --> 00:50:58,767 Hindi siya ang Messias, 665 00:51:00,018 --> 00:51:03,605 pero pinatunayan ni Juan na malapit na siyang dumating. 666 00:51:09,027 --> 00:51:09,987 Ngayon kailangan nating… 667 00:51:11,405 --> 00:51:14,157 Kailangan nating mahanap si Hesus at sabihin sa kaniya. 668 00:51:16,743 --> 00:51:17,870 Sasamahan kita. 669 00:51:19,121 --> 00:51:20,247 Hindi na kailangan. 670 00:51:20,330 --> 00:51:22,374 Ginawa Niya ito upang tayo 671 00:51:22,457 --> 00:51:25,210 ay maglingkod sa Kaniya nang walang takot 672 00:51:25,294 --> 00:51:27,671 pagkatapos Niya tayong iligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway, 673 00:51:27,754 --> 00:51:33,010 sa kabanalan at katuwiran sa harapan Niya habang tayo ay nabubuhay. 674 00:51:37,097 --> 00:51:38,765 At ikaw, munting musmos, 675 00:51:40,058 --> 00:51:42,519 kikilalanin kang propeta ng Kataas-taasan. 676 00:51:43,020 --> 00:51:46,481 Sapagkat pupunta ka sa harap ng Panginoon upang ihanda ang Kaniyang mga daan, 677 00:51:47,399 --> 00:51:50,360 upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa Kaniyang mga tao 678 00:51:50,444 --> 00:51:52,905 para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, 679 00:51:53,780 --> 00:51:56,700 dahil sa walang hanggang kahabagan ng ating Diyos. 680 00:52:21,475 --> 00:52:24,269 Kung saan ang bukang-liwayway sa kataasan ay dumating sa atin, 681 00:52:25,187 --> 00:52:29,149 upang bigyan ng liwanag ang nasadlak sa kadiliman at anino ng kamatayan, 682 00:52:30,400 --> 00:52:33,820 upang gabayan tayo patungo sa daan… 683 00:52:36,156 --> 00:52:37,491 ng kapayapaan.