1 00:00:53,293 --> 00:00:55,834 Ngayo'y pakinggan ang kuwento ni Sigrid, 2 00:00:57,251 --> 00:00:59,334 at ng una naming pagkikita. 3 00:01:01,501 --> 00:01:04,001 May mga mandirigmang nagnais sakupin ang ating lupain. 4 00:01:04,709 --> 00:01:06,251 Ang lupain ng mga Völsung. 5 00:01:07,918 --> 00:01:09,168 Kakaunti lamang kami. 6 00:01:14,459 --> 00:01:15,334 Sila nama'y... 7 00:01:18,668 --> 00:01:19,543 marami. 8 00:01:35,001 --> 00:01:35,876 Pagkatapos... 9 00:01:39,418 --> 00:01:40,668 dumating ang babae. 10 00:01:43,543 --> 00:01:44,834 Hindi ko siya kilala. 11 00:01:48,751 --> 00:01:52,209 Ngunit ang kaniyang kalasag ay katulad ng kalasag ng mga Völsung. 12 00:01:54,251 --> 00:01:56,543 Kabayo man o tao ay tinagpas niya. 13 00:01:59,376 --> 00:02:02,251 Puno ng dugo hanggang balikat ang kamay niyang hawak ang espada. 14 00:02:04,584 --> 00:02:08,126 Walang almete o baluti ang nakapigil sa kaniya nang araw na iyon. 15 00:02:09,709 --> 00:02:12,418 Ngunit, katulad ng sinabi ko... 16 00:02:12,418 --> 00:02:13,459 marami sila. 17 00:02:19,209 --> 00:02:22,501 Naghihintay na lamang ang kamatayan, natitiyak ko iyon. 18 00:02:43,751 --> 00:02:47,584 At bigla na lamang may dumating na Valkyrie. 19 00:02:48,709 --> 00:02:50,293 Ang ganda niya, 20 00:02:51,501 --> 00:02:52,793 ngunit malahalimaw. 21 00:02:55,418 --> 00:02:57,126 At namayani ang katahimikan. 22 00:02:57,959 --> 00:03:01,501 Alam ng mga naglalaban na ang nilalang na iyon ang magpapasya 23 00:03:01,501 --> 00:03:03,668 kung sino ang mabubuhay o masasawi 24 00:03:03,668 --> 00:03:04,751 sa pook na iyon. 25 00:03:06,084 --> 00:03:07,293 Kinuha nila ang iba. 26 00:03:07,834 --> 00:03:09,293 Hindi nila kami ginalaw. 27 00:03:11,084 --> 00:03:13,418 Kung bakit ganiyon ay hindi namin alam. 28 00:03:18,459 --> 00:03:20,084 Ngunit noong paalis na, 29 00:03:20,876 --> 00:03:22,543 yumuko ang Valkyrie. 30 00:03:25,043 --> 00:03:26,793 Sa aking Sigrid. 31 00:03:53,876 --> 00:03:55,418 Ganiyon pala ang pag-ibig. 32 00:04:27,084 --> 00:04:29,126 Bakit nakatingin sa akin ang iyong mga tauhan? 33 00:04:29,709 --> 00:04:32,543 Ikinuwento ng hari ang pagtatagpo ninyong itinakda ng tadhana. 34 00:04:33,668 --> 00:04:36,334 At ano naman ang ikinuwento ng hari ngayon? 35 00:04:36,334 --> 00:04:38,334 May Valkyrie raw na... 36 00:04:38,334 --> 00:04:40,084 Sige. Kayong lahat, tama na! 37 00:04:40,668 --> 00:04:43,668 Kung kuwento ang gusto ninyo, ako na ang magbibigay. 38 00:04:44,418 --> 00:04:45,543 May labanan. 39 00:04:46,376 --> 00:04:47,543 May mga mananakop. 40 00:04:47,543 --> 00:04:49,668 Lahat, nagpapalitan ng tira. 41 00:04:51,376 --> 00:04:53,709 Nakita ko ang hari mula sa malayo, 42 00:04:53,709 --> 00:04:56,001 at pinanood ko siya nang mabuti. 43 00:04:56,584 --> 00:04:58,251 Malamig noong gabing iyon. 44 00:04:58,876 --> 00:05:01,668 Nagsalo kami sa iisang kopang-sungay at sa iisang kama. 45 00:05:01,668 --> 00:05:04,668 Malaki ang ari ng aking hari, 46 00:05:04,668 --> 00:05:06,668 kaya ginalingan ko sa pagsakay. 47 00:05:06,668 --> 00:05:08,293 Ganiyon pala ang pag-ibig. 48 00:05:09,626 --> 00:05:10,834 Makata ka, Egill. 49 00:05:10,834 --> 00:05:12,751 Kung nais mo ng aawitin, 50 00:05:12,751 --> 00:05:14,959 umawit ka ng tungkol sa magandang sandata niya. 51 00:05:19,251 --> 00:05:21,251 Alis na! Lahat kayo! 52 00:05:22,501 --> 00:05:24,626 Egill, kaliskisan mo itong mga isda, 53 00:05:24,626 --> 00:05:25,918 at magluto ka. 54 00:05:25,918 --> 00:05:27,626 Masusunod po, panginoon. 55 00:05:28,626 --> 00:05:30,168 Sigrid, sumama ka sa akin. 56 00:05:31,168 --> 00:05:32,501 May ipapakita ako sa iyo. 57 00:05:37,959 --> 00:05:39,584 Saan ba tayo patungo? 58 00:05:53,418 --> 00:05:55,126 Mahirap na itago ito sa iyo. 59 00:05:55,793 --> 00:06:00,709 Ngunit kapag kasal na tayo, nais kong maramdamang may nagbago. 60 00:06:01,543 --> 00:06:03,209 Hindi na ako maghihintay. 61 00:06:04,043 --> 00:06:06,459 Kapag natapos na ang bahay na ito, 62 00:06:06,459 --> 00:06:08,459 dito ididiwang ang pag-iisang dibdib natin. 63 00:06:09,793 --> 00:06:12,584 Nais mo pa rin namang ikasal sa akin, hindi ba? 64 00:06:20,334 --> 00:06:21,168 Oo naman. 65 00:06:26,543 --> 00:06:28,793 Natutuwa ako kapag galing ka sa dagat. 66 00:06:33,043 --> 00:06:34,293 Lasang asin ka. 67 00:06:39,043 --> 00:06:41,459 Dito talaga? Mamamatay tayo sa lamig. 68 00:07:34,459 --> 00:07:35,543 Tahimik ka, a. 69 00:07:36,918 --> 00:07:38,834 May bumabagabag sa iyo. 70 00:07:40,793 --> 00:07:42,751 Nakikita mo ba ang mga bituing iyon? 71 00:07:43,584 --> 00:07:44,418 Hayun. 72 00:07:44,918 --> 00:07:46,793 Iyon ang mga mata ni Thiazi. 73 00:07:47,668 --> 00:07:49,918 Binabantayan nila ang lupain ng mga kababayan ko. 74 00:07:50,668 --> 00:07:52,501 Di mo pa nakikita ang langit sa amin. 75 00:07:53,918 --> 00:07:54,834 Ayos lamang iyon. 76 00:07:55,334 --> 00:07:56,959 Wala namang pumupunta roon. 77 00:07:56,959 --> 00:07:57,918 Ngunit... 78 00:07:58,418 --> 00:08:01,043 palagi ko pa ring iniisip na mangyayari iyon. 79 00:08:04,584 --> 00:08:06,959 {\an8}Na makararanas ng kapayapaan ang mga bayan. 80 00:08:06,959 --> 00:08:09,334 {\an8}Upang makasama ko ang mga kalahi ko sa kasal ko. 81 00:08:09,876 --> 00:08:11,876 {\an8}Maganda roon, Leif. 82 00:08:13,084 --> 00:08:13,918 {\an8}At saka... 83 00:08:15,293 --> 00:08:17,501 {\an8}nais kong makilala mo ang pamilya ko. 84 00:08:20,751 --> 00:08:22,084 Kung gayo'y kikilalanin ko. 85 00:08:23,043 --> 00:08:24,709 Aalis tayo bukas ng umaga. 86 00:08:30,168 --> 00:08:32,209 Nabalitaan kong aalis daw kayo. 87 00:08:32,209 --> 00:08:35,043 Wala ka bang masasabing maganda sa iyong kaibigan? 88 00:08:35,043 --> 00:08:36,584 Ikakasal na ako. 89 00:08:36,584 --> 00:08:39,793 Inakala kong sa iba siya magpapakasal at makikiapid ka na lamang. 90 00:08:41,626 --> 00:08:43,293 Hindi ka pa nagkakaanak. 91 00:08:44,751 --> 00:08:48,543 Iniisip ko lamang na mas mahalaga ako kaysa sa ninanais niyang tagapagmana. 92 00:08:48,543 --> 00:08:51,168 Di ko nais makapanakit. Mapalad ka. 93 00:08:51,751 --> 00:08:54,001 Nilalayo tayo ng mga bata sa digmaan. 94 00:08:54,501 --> 00:08:56,376 Ngunit iba ang pananaw ng angkan. 95 00:08:57,376 --> 00:09:00,418 Ang bulung-bulunga'y dahil sa kasal ninyo, magagalit ang mga diyos. 96 00:09:00,418 --> 00:09:01,584 Magagalit ang mga... 97 00:09:02,501 --> 00:09:04,376 Unawain mo nga ako, Hervor. 98 00:09:04,376 --> 00:09:07,084 Sa susunod nating pagkikita'y ako na ang iyong reyna. 99 00:09:13,459 --> 00:09:16,043 Hangad ninyong magpatuloy ang inyong lahi. 100 00:09:17,126 --> 00:09:18,293 Alam ko iyon. 101 00:09:19,834 --> 00:09:22,043 Hindi pa niya kayo binibigyan ng lalaking apo. 102 00:09:23,751 --> 00:09:24,751 O baka hindi na. 103 00:09:28,168 --> 00:09:30,626 Ngunit siya'y pakakasalan ko, Ama. 104 00:09:31,459 --> 00:09:33,126 At nais ko ng inyong basbas. 105 00:09:48,084 --> 00:09:50,876 Kung ayaw ninyo, sa inyo na itong inyong espada. 106 00:12:08,501 --> 00:12:11,501 Mas mabuting itago mo iyang espada mo, manlalakbay. 107 00:12:11,501 --> 00:12:12,959 Hindi mo ba nabalitaan? 108 00:12:13,459 --> 00:12:15,459 Kinakain namin ang mga kalahi mo. 109 00:12:16,043 --> 00:12:17,334 Pagbantaan mo uli siya. 110 00:12:17,334 --> 00:12:19,459 Mauubos ang ipin mo, wala ka nang ipangkakain. 111 00:12:33,626 --> 00:12:37,376 Bangon na riyan, Sómr! Nagbalik na ang ating kapatid! 112 00:12:39,084 --> 00:12:39,918 Sigrid? 113 00:12:43,376 --> 00:12:45,126 Nasa Jötunheim na tayo. 114 00:13:11,959 --> 00:13:13,126 Anak ko. 115 00:13:15,584 --> 00:13:17,251 Nagbalik ka na! 116 00:13:18,876 --> 00:13:19,709 Ngunit... 117 00:13:20,459 --> 00:13:21,793 tila may kasama ka. 118 00:13:25,334 --> 00:13:27,126 Mga higante kami. 119 00:13:28,501 --> 00:13:29,959 Mga anak ni Suttung. 120 00:13:30,543 --> 00:13:32,793 Hindi kami nakikisalo sa mga tao. 121 00:13:33,293 --> 00:13:35,126 Kasama siya ni Sigrid, Ama. 122 00:13:35,126 --> 00:13:37,918 May dugong higante si Sigrid. 123 00:13:37,918 --> 00:13:41,251 Fjölverkr, matagal na rin, a. 124 00:13:41,251 --> 00:13:43,959 Ipaalala mo nga sa akin ang pangalan ng kaharian ni Ama? 125 00:13:45,209 --> 00:13:48,376 Ang tawag ay... 126 00:13:48,376 --> 00:13:49,668 "Bukas na Palad". 127 00:13:49,668 --> 00:13:51,751 Salamat, Munting Ugat. 128 00:13:53,334 --> 00:13:55,376 Napapangatawanan ba nito ang pangalan? 129 00:13:55,376 --> 00:13:58,043 O kamao ba ang iaalok ng aking pamilya? 130 00:13:58,043 --> 00:14:01,001 Malinaw ang mga batas natin, aking anak. 131 00:14:01,001 --> 00:14:03,084 Bawal ang mga dayo rito. 132 00:14:03,751 --> 00:14:05,959 Kung ganoo'y ibahin natin ang turingan! 133 00:14:06,584 --> 00:14:08,376 Mag-usap tayo bilang mga hari. 134 00:14:08,959 --> 00:14:11,834 Kapag may dalawang hari sa iisang bulwagan, 135 00:14:12,334 --> 00:14:14,584 madalas ay may nangyayaring karahasan. 136 00:14:14,584 --> 00:14:17,459 Matagal na akong nagsawa sa pakikipaglaban. 137 00:14:17,459 --> 00:14:20,084 Walang tiwala ang aking Ama sa mga kapayapaan ang hangad. 138 00:14:20,084 --> 00:14:23,459 Kahit papaano, ang mga palaba'y sasaksakin ka nang harapan. 139 00:14:25,334 --> 00:14:27,709 Ngunit nakatitiyak akong hindi lahat ay ganiyon. 140 00:14:28,334 --> 00:14:32,251 Ang tangi kong sandata ay ang espada ng aking ama. 141 00:14:32,251 --> 00:14:35,334 Balak kong ihandog ito bilang tanda ng pag-iisang dibdib namin. 142 00:14:36,918 --> 00:14:40,459 At ang bigay-kaya kapalit ng anak ko? Ano ang ibibigay mo? 143 00:14:44,168 --> 00:14:46,251 Ang kamkam na yaman ng mga Völsung. 144 00:14:51,501 --> 00:14:54,709 Bawat barya'y nagmula sa iba't ibang masasamang tao. 145 00:14:55,293 --> 00:14:57,876 Hindi ba manghihinayang diyan ang angkan mo? 146 00:14:58,876 --> 00:15:00,293 Di naman namin makakain. 147 00:15:01,126 --> 00:15:02,376 Kayo rin naman. 148 00:15:06,918 --> 00:15:08,918 Kaya may handog akong pilak... 149 00:15:12,126 --> 00:15:13,918 at mga buto. 150 00:15:16,168 --> 00:15:18,751 Panahon ng taghirap ngayon, aking mahal. 151 00:15:21,001 --> 00:15:23,001 Dahil iyon sa mga diyos. 152 00:15:23,001 --> 00:15:25,709 Bago pa sinalasa't pinagnakawan ni Odin ang lupain natin, 153 00:15:25,709 --> 00:15:27,751 marangal tayong mga higante. 154 00:15:27,751 --> 00:15:29,793 Mga karapat-dapat na tawaging bayani. 155 00:15:29,793 --> 00:15:31,334 Sagana tayo. 156 00:15:31,334 --> 00:15:35,959 Sino ang may pakialam sa mga diyos? Maraming ulit na nila tayong pinahirapan. 157 00:15:43,334 --> 00:15:45,001 Handa na ba kayo sa kasalan? 158 00:15:50,751 --> 00:15:55,876 Bukas, Leif ng mga Völsung, isa ka na sa mga higante. 159 00:15:55,876 --> 00:15:58,293 Kaya uminom ka tulad namin! 160 00:16:03,543 --> 00:16:04,709 Inom! 161 00:16:04,709 --> 00:16:05,626 Tingnan mo, o! 162 00:16:12,584 --> 00:16:16,751 Sa Bukas na Palad, wala tayong kinatatakutang diyos. 163 00:16:16,751 --> 00:16:21,293 Wala tayong kinatatakutang diyos! 164 00:16:22,001 --> 00:16:23,876 Wala tayong kinatatakutang diyos! 165 00:16:23,876 --> 00:16:28,084 May puti na ang balbas niya, at hindi ka na rin dalaga. 166 00:16:28,084 --> 00:16:30,751 Pabago-bago ba ang kaniyang isip? 167 00:16:31,834 --> 00:16:36,043 Hindi. Wala ka nang makikitang makapapantay sa paninindigan ni Leif. 168 00:16:36,543 --> 00:16:39,168 Kung ganoon, bakit siya naghintay nang matagal? 169 00:16:39,168 --> 00:16:40,709 Naging mabuti ang ibang angkan, 170 00:16:40,709 --> 00:16:43,709 iniisip nilang bagay si Leif sa mga anak nila. 171 00:16:43,709 --> 00:16:45,501 Nakatulong iyon sa kapayapaan. 172 00:16:45,501 --> 00:16:46,793 E, ngayon? 173 00:16:47,418 --> 00:16:49,584 Ginawa niya iyon dahil siya ang hari. 174 00:16:49,584 --> 00:16:51,793 Ito naman, dahil sa isa siyang lalaki. 175 00:16:51,793 --> 00:16:54,543 Magkatulad ba ang kinatutuwaan ninyo? 176 00:16:55,251 --> 00:16:56,168 Oho. 177 00:16:56,168 --> 00:16:58,043 Kung ganoon, gusto ko na siya! 178 00:16:58,668 --> 00:17:00,043 Kahil pa maliit siya. 179 00:17:01,209 --> 00:17:03,876 Maliit ba ang lahat ng bahagi ng katawan niya? 180 00:17:05,001 --> 00:17:07,584 Madali lamang sagutin iyon! 181 00:17:12,251 --> 00:17:14,334 Walang nagmamasid sa toreng bantayan ni Hafli 182 00:17:14,334 --> 00:17:16,084 noong papasok kami sa Jötunheim. 183 00:17:16,084 --> 00:17:17,876 Bakit hindi kayo nag-aalala? 184 00:17:18,876 --> 00:17:21,418 Wala nang gaanong nangyayari sa digmaan. 185 00:17:21,418 --> 00:17:23,626 Hindi nagtutungo ang mga diyos dito. 186 00:17:23,626 --> 00:17:26,376 Hindi na katulad noon kahit papaano. 187 00:17:26,376 --> 00:17:28,918 At may pinabalik kaming mga mandirigma upang... 188 00:17:32,751 --> 00:17:33,959 Huwag kang matakot. 189 00:17:34,584 --> 00:17:37,209 Ligtas kayo ng hari mo rito. 190 00:17:40,251 --> 00:17:41,459 Ayaw mong ikasal kami. 191 00:17:41,459 --> 00:17:44,001 Hindi sa ganoon. Ano... 192 00:17:46,126 --> 00:17:48,834 Ang iyong ina, mabuti siyang babae. 193 00:17:49,584 --> 00:17:51,543 Maliit nga siya, ngunit mabuti. 194 00:17:52,543 --> 00:17:56,043 Noong namatay siya, inakala kong babalik ka. 195 00:17:57,209 --> 00:17:58,459 Ngunit di ka bumalik. 196 00:17:59,168 --> 00:18:01,668 Pinili mo ang Tao sa halip na mga Higante. 197 00:18:01,668 --> 00:18:06,126 Ama, hindi umaabot ang mga paa ko sa lupa tuwing kumakain ako sa hapag ninyo. 198 00:18:07,626 --> 00:18:10,501 Alam mong lalagariin ko ang mga paa ng bawat upuan 199 00:18:10,501 --> 00:18:12,584 sa Bukas na Palad upang dumito ka lamang. 200 00:18:16,501 --> 00:18:19,334 Hindi ka man palaging maligaya rito, 201 00:18:20,084 --> 00:18:21,793 higante ka pa rin. 202 00:18:23,459 --> 00:18:25,084 Hindi magbabago iyon. 203 00:18:38,334 --> 00:18:40,793 Purihin ang umaga kapag gabi. 204 00:18:40,793 --> 00:18:43,251 Ang babae sa libingang apoy. 205 00:18:44,501 --> 00:18:46,376 Ang sandatang nasubok. 206 00:18:54,668 --> 00:18:56,918 Ang babaeng ikakasal. 207 00:19:09,793 --> 00:19:14,084 Ikay' tila kumikinang na ginto sa tabi ng nakakasuyang bakal. 208 00:19:15,376 --> 00:19:17,584 Hindi nakakasuya ang bakal, Amma. 209 00:19:17,584 --> 00:19:18,959 Ngunit salamat. 210 00:19:22,751 --> 00:19:25,918 Purihin ang yelong natawid 211 00:19:25,918 --> 00:19:28,709 at ang mead na nainom! 212 00:19:32,834 --> 00:19:36,501 Sa kopita ng pagmamahal na kayo susunod na iinom. 213 00:19:37,251 --> 00:19:40,959 Ngunit sa ngayon, magbibigayan muna kayo ng mga handog. 214 00:19:43,251 --> 00:19:45,834 Alam kong ayaw mo sa mga palamuti, 215 00:19:45,834 --> 00:19:49,793 ngunit lagi mong susuotin ito kung ayaw mong matikman ang aking galit. 216 00:19:51,376 --> 00:19:54,793 Sa pamamagitan nito'y mag-iisa na ang ating mga angkan. 217 00:20:22,834 --> 00:20:27,459 Ako si Glaumar, ang Hari ng Bukas na Palad. 218 00:20:27,459 --> 00:20:29,876 Kinakatawan ko ang aking mga nasasakupan. 219 00:20:29,876 --> 00:20:32,293 Baka maaari tayong mag-usap sa ibang pook. 220 00:20:34,418 --> 00:20:38,168 Ilabas mo ang babaeng ikinakasal. Sige na, ilabas mo siya. 221 00:20:38,168 --> 00:20:40,418 Kaninong araw ba ang aking sinisira? 222 00:20:41,001 --> 00:20:44,334 Hindi ka pa nagpakilala o nagsabi kung bakit ka naparito. 223 00:20:45,334 --> 00:20:47,584 {\an8}Wala ka ring paanyaya. 224 00:20:50,418 --> 00:20:53,043 Di kinakailangan ng bagyo ang paanyaya. 225 00:20:53,043 --> 00:20:57,334 At hindi rin ito nasisiyahan sa pagkain sa kasal lamang. 226 00:20:59,918 --> 00:21:01,584 Basa ka na, babae. 227 00:21:02,959 --> 00:21:05,251 At nandito ka nang walang paalam. 228 00:21:06,793 --> 00:21:11,834 Mabilis magalit ang aking kapatid kaya palagi na niya akong isinasama. 229 00:21:11,834 --> 00:21:14,126 Hanap namin ang duwag na tumakas sa amin. 230 00:21:14,709 --> 00:21:17,084 Hanap namin ang walang-hiyang si Loki. 231 00:21:17,084 --> 00:21:20,584 Kayo lamang ang mga diyos na narito. 232 00:21:20,584 --> 00:21:22,168 Ngunit nagtataka ako, 233 00:21:22,168 --> 00:21:26,084 ano ba ang ginawa ni Loki na nasaktan ka nang ganito? 234 00:21:27,501 --> 00:21:30,293 Sasaktan mo ba ang mababait na tumanggap sa iyo? 235 00:21:30,793 --> 00:21:33,043 Itong pinagpala kong kapatid na si Baldr. 236 00:21:33,043 --> 00:21:36,418 Nagtataguyod siya ng kapayapaan gamit ang mga mabulaklak na salita 237 00:21:36,418 --> 00:21:38,626 kapag nais kong makipagdigma. 238 00:21:38,626 --> 00:21:40,418 Huwag mong gawin ito. 239 00:21:40,418 --> 00:21:43,876 Aalis akong kasama si Loki o magtitiis na lamang sa kahihiyan. 240 00:21:43,876 --> 00:21:46,293 Ilabas ninyo ang tarantadong iyon! 241 00:21:46,293 --> 00:21:47,626 Ngayon na! 242 00:21:47,626 --> 00:21:53,418 Wala rito ang Loki na hinahanap mo. At aalis ka na. Ngayon mismo. 243 00:21:53,918 --> 00:21:56,626 Ang galit na ako mismo ang maglalabas. 244 00:21:56,626 --> 00:21:58,876 Aba'y alam mo ang aking pangalan! 245 00:21:59,918 --> 00:22:04,001 Ako ang tagapagdala ng kulog. Si Thor, anak ni Odin. 246 00:22:04,001 --> 00:22:08,584 At ikagagalak kong padanakin ang dugo ng mga higante! 247 00:22:18,709 --> 00:22:20,126 Amma! 248 00:22:23,834 --> 00:22:25,501 Ang mga bata... Alis na! 249 00:22:25,501 --> 00:22:27,084 Dalhin mo sila sa imbakan! 250 00:23:04,918 --> 00:23:05,918 Sigrid, bilis! 251 00:24:03,501 --> 00:24:04,334 Hindi. 252 00:24:10,251 --> 00:24:12,376 Ipagtanggol mo ang mga kapatid natin. 253 00:24:12,376 --> 00:24:14,793 Wala tayong kinatatakutang diyos. 254 00:25:01,418 --> 00:25:03,251 May nakaligtas ba? 255 00:25:03,876 --> 00:25:05,626 Patay na sila, Thor. 256 00:25:06,793 --> 00:25:08,418 Tapos na ang iyong tungkulin. 257 00:26:05,209 --> 00:26:07,876 {\an8}Nangako tayong sasamahan ang isa't isa kahit saan. 258 00:26:07,876 --> 00:26:09,293 {\an8}Totoo ba iyong sinabi? 259 00:26:09,293 --> 00:26:11,959 {\an8}- Sigrid, ano ba ang sinasabi mo? - Totoo ba iyong sinabi? 260 00:26:13,709 --> 00:26:14,834 Sana nga'y totoo. 261 00:26:17,334 --> 00:26:21,084 Dahil bago ako malagutan ng hininga, papatayin ko siya. 262 00:26:22,834 --> 00:26:25,668 Ipinapangako ko. Papatayin ko si Thor. 263 00:26:35,418 --> 00:26:36,334 Sigrid! 264 00:26:43,626 --> 00:26:45,168 Sigrid! 265 00:27:06,459 --> 00:27:08,376 Sino ka ba? 266 00:27:15,209 --> 00:27:19,751 Ako si Loki, anak ni Laufey. 267 00:27:19,751 --> 00:27:22,626 Nandito ka sa pulang pintuan ng Hel. 268 00:27:23,293 --> 00:27:26,418 Mabuting uhaw ka sa dugo. 269 00:27:27,251 --> 00:27:28,334 Uminom ka nang marami... 270 00:27:29,459 --> 00:27:30,418 Inihahandog ko... 271 00:27:31,751 --> 00:27:33,126 ang dugo ni Thor. 272 00:30:06,084 --> 00:30:11,084 Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso