1 00:00:25,668 --> 00:00:26,751 Sigrid! 2 00:00:27,584 --> 00:00:28,918 Sigrid! 3 00:00:31,501 --> 00:00:32,501 Sigrid. 4 00:00:37,626 --> 00:00:39,001 Sigrid! 5 00:00:44,668 --> 00:00:46,876 Si Sigrid, ang Di Naikasal. 6 00:00:47,709 --> 00:00:50,418 Siyang matibay ang hangarin at puno ng hinanakit. 7 00:00:50,418 --> 00:00:52,126 Ano ang iyong nais mula sa akin? 8 00:00:52,126 --> 00:00:55,334 Matagal na akong namumuhay kasama ng mga diyos, 9 00:00:56,001 --> 00:00:59,501 subalit mas mahalaga ang aking pagiging dugong-higante. 10 00:01:00,168 --> 00:01:02,043 {\an8}Kamamatay lamang ng ilang higante. 11 00:01:02,043 --> 00:01:04,251 {\an8}Wala akong pakialam kung ano ang lahi mo. 12 00:01:04,251 --> 00:01:07,459 {\an8}Ang mahalaga sa aki'y nagtago ka habang dumadanak ang dugo nila. 13 00:01:07,459 --> 00:01:08,834 At paano naman ako? 14 00:01:09,459 --> 00:01:11,293 Namatay rin ba ako para sa iyo? 15 00:01:11,918 --> 00:01:13,501 Ika'y nasa Hel, 16 00:01:14,209 --> 00:01:15,584 ngunit ika'y mabubuhay. 17 00:01:16,501 --> 00:01:20,293 Panauhin ka lamang sa naaagnas na kahariang ako ang reyna. 18 00:01:20,793 --> 00:01:22,918 Ang Hel ay pook, 19 00:01:23,626 --> 00:01:25,834 at ito'y isa ring nilalang, 20 00:01:26,709 --> 00:01:30,293 ang babae kong anak na habambuhay namamatay. 21 00:01:30,876 --> 00:01:33,209 Napupunta sa Valhalla ang mga namatay sa digmaan, 22 00:01:33,209 --> 00:01:35,459 binibitbit ng mga Valkyrie. 23 00:01:36,084 --> 00:01:40,126 Si Hel, kinukuha niya ang mga magnanakaw at mga taksil... 24 00:01:40,126 --> 00:01:43,459 Ang mga sinungaling, mga duwag, at ang mga walang-hiya. 25 00:01:44,043 --> 00:01:45,709 Iisa lamang ako riyan. 26 00:01:46,251 --> 00:01:49,876 At sinabi mong panauhin ako. Makaaalis na ba ang iyong panauhin? 27 00:01:50,376 --> 00:01:51,751 Maaari, Duguang Kasintahan. 28 00:01:51,751 --> 00:01:55,584 Ngunit ang nais mo ay ang maghiganti, hindi ang makaalis. 29 00:01:55,584 --> 00:01:57,584 Sinabi mong ibibigay mo si Thor. 30 00:01:58,376 --> 00:02:00,043 May sandatang makapapatay sa kaniya? 31 00:02:00,043 --> 00:02:02,834 Madali lamang makakuha ng bakal na makapapatay sa mga diyos. 32 00:02:02,834 --> 00:02:05,459 Mabibigyan ka ng sandata ng dwarf na si Andvari, 33 00:02:05,959 --> 00:02:09,126 ngunit mahihirapan ka sa pagtibag sa Asgard. 34 00:02:09,126 --> 00:02:12,543 Minsan lamang kamuntik mabigo ang mga tanggulan niyon. 35 00:02:13,709 --> 00:02:17,293 Kinubkob at pinasok iyon ng alingasngas na mga diyos 36 00:02:17,293 --> 00:02:20,459 nang sila'y nakipagdigma kay Odin noon. 37 00:02:22,751 --> 00:02:23,751 Ang Vanir? 38 00:02:24,668 --> 00:02:27,334 Nais mong makipagkasundo ako sa mga sinaunang diyos 39 00:02:27,334 --> 00:02:29,209 upang muling simulan ang unang digmaan? 40 00:02:29,209 --> 00:02:31,084 Hindi mangyayari ang nais mo. 41 00:02:31,584 --> 00:02:32,626 Kahibangan iyon. 42 00:02:33,209 --> 00:02:35,084 Ang ating kahibangan 43 00:02:35,709 --> 00:02:37,959 ang babago sa mundo. 44 00:02:38,543 --> 00:02:41,876 Dapat nang magwakas ang panahon ng mga diyos na mababang uri. 45 00:02:41,876 --> 00:02:44,584 Tuluyang maghahanggan pagdating ng Ragnarök. 46 00:02:44,584 --> 00:02:46,459 {\an8}Tulungan mo akong patayin si Thor, 47 00:02:46,959 --> 00:02:49,543 {\an8}at bahala ka nang gawin ang nais mo sa daigdig. 48 00:02:49,543 --> 00:02:52,543 Lumikom ka ng mga mandirigma at magtungo kayo sa Vanaheim. 49 00:02:52,543 --> 00:02:54,876 Pangako, tutulong ako sa inyong paglalakbay. 50 00:02:54,876 --> 00:02:57,043 Piliin mo nang mabuti ang iyong mga kawal. 51 00:02:57,043 --> 00:02:59,084 Piliin mo ang mga may hinanakit. 52 00:02:59,084 --> 00:03:01,751 Iyong mga pagkatao'y nararapat sa Hel. 53 00:03:01,751 --> 00:03:05,168 Ngayo'y humayo ka na. Bilisan mo't huwag kang mag-iingay. 54 00:03:05,168 --> 00:03:08,293 Bago pa kumilos si Odin. 55 00:03:19,251 --> 00:03:20,168 Sigrid! 56 00:03:23,834 --> 00:03:25,043 Sigrid! 57 00:03:25,043 --> 00:03:27,543 Ano ba ang nangyari? Saan ka nanggaling? 58 00:03:30,293 --> 00:03:31,168 Sa Hel. 59 00:03:32,126 --> 00:03:34,709 {\an8}Nanggaling ako sa Hel. 60 00:03:36,001 --> 00:03:37,876 {\an8}Inalok niya ako ng tulong. 61 00:03:37,876 --> 00:03:40,043 Niya? Sinong "niya"? 62 00:03:47,501 --> 00:03:49,001 Si Loki ng Asgard. 63 00:04:07,293 --> 00:04:09,001 Kailangan mong magluksa. 64 00:04:12,168 --> 00:04:16,209 Sigrid, hindi mo kaibigan si Loki. 65 00:04:16,209 --> 00:04:17,168 Siya'y... 66 00:04:20,168 --> 00:04:21,251 Iuuwi na kita. 67 00:04:21,834 --> 00:04:23,251 Nais mong umiyak ako? 68 00:04:24,334 --> 00:04:25,751 Wala na akong mailuluha. 69 00:04:26,584 --> 00:04:29,084 - Ang maghiganti ang kailangan ko. - Sigrid... 70 00:04:29,084 --> 00:04:31,584 Ako na lamang ang natitira sa aking pamilya. 71 00:04:32,168 --> 00:04:33,751 Para ito sa aming karangalan. 72 00:04:34,459 --> 00:04:36,793 Kailangan kong patayin si Thor. 73 00:04:36,793 --> 00:04:39,626 Walang halaga sa kaniya ang ating mga batas o ang karangalan. 74 00:04:39,626 --> 00:04:40,959 Siya si Thor. 75 00:04:41,959 --> 00:04:45,584 Wala kaming kinatatakutang diyos. 76 00:04:48,126 --> 00:04:49,751 Wala akong tiwala kay Loki. 77 00:04:51,376 --> 00:04:52,709 Digmaan ang nais niya? 78 00:04:53,709 --> 00:04:55,043 Ibibigay ko sa kaniya. 79 00:04:56,834 --> 00:04:58,834 Makuha ko lamang ang aking pakay. 80 00:05:02,168 --> 00:05:04,793 Magsasama tayo ng limang mandirigma sa ating paglalakbay. 81 00:05:05,751 --> 00:05:08,293 Isa para sa bawat daliri ng Bukas na Palad 82 00:05:08,293 --> 00:05:11,001 na kapag nagsama-sama'y magiging kamao. 83 00:05:15,126 --> 00:05:17,251 Kailangan natin ng mga walang patutunguhan. 84 00:05:17,834 --> 00:05:19,918 Iyong mga hindi na mawawalan. 85 00:05:19,918 --> 00:05:22,709 At sino ang una mong ipadadala sa kaniyang kamatayan? 86 00:05:23,751 --> 00:05:26,668 Isang mabangis na mandirigma na walang ibang nais kundi iyon. 87 00:05:29,376 --> 00:05:32,793 Hindi naman ganiyan karami ang dugo noong una akong tinuhog. 88 00:05:32,793 --> 00:05:36,668 Wala na ang aking pamilya, pinaslang ni Thor na anak ni Odin. 89 00:05:37,293 --> 00:05:39,043 Titiyakin kong mamamatay siya. 90 00:05:39,043 --> 00:05:41,543 Kailangan kita upang ako'y magtagumpay. 91 00:05:41,543 --> 00:05:43,126 Walang batas o mga pangalan, 92 00:05:43,126 --> 00:05:47,626 walang bitbit na watawat, at maaari tayong mamatay. 93 00:05:51,459 --> 00:05:53,584 Iihi muna ako, pagkatapos umalis na tayo. 94 00:05:57,334 --> 00:05:58,293 Egill... 95 00:05:59,043 --> 00:06:02,459 Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang bumibigkas, Marja. 96 00:06:03,001 --> 00:06:06,084 Alam mo ba kung bakit Egill ang ipinangalan sa akin ng aking ina? 97 00:06:06,084 --> 00:06:07,293 Bakit? 98 00:06:08,376 --> 00:06:10,918 Ipinangalan ako kay Egill "Isang-Kamay". 99 00:06:10,918 --> 00:06:13,959 Nawalan siya ng isang kamay subalit napalitan iyon ng espada. 100 00:06:13,959 --> 00:06:17,876 Malamang alam ng aking ina kung gaano kalaki ang mawawala sa akin. 101 00:06:17,876 --> 00:06:20,626 Ngunit marahil ay alam niya ang aking magagawa 102 00:06:20,626 --> 00:06:22,418 gamit ang isang kamay lamang. 103 00:06:24,501 --> 00:06:28,751 Ngunit... dalawa naman ang iyong kamay. 104 00:06:28,751 --> 00:06:30,209 Tama ka nga riyan. 105 00:06:31,918 --> 00:06:34,043 Isa siyang mapagbigay na alipin. 106 00:06:34,043 --> 00:06:37,084 Nakatadhana akong maglingkod at paglingkuran. 107 00:06:37,084 --> 00:06:38,501 Tama na ang daldal! 108 00:06:38,501 --> 00:06:40,209 Ngunit huwag ninyong tigilan ito! 109 00:06:41,334 --> 00:06:42,209 Ama! 110 00:06:42,959 --> 00:06:44,959 Hayop ka! 111 00:06:44,959 --> 00:06:47,126 Nilinlang kami ng makata. 112 00:06:47,126 --> 00:06:51,209 Hinalina niya kami ng maruruming salita at wala kaming nagawa. 113 00:06:55,751 --> 00:06:57,501 Patayin ang makata! 114 00:06:58,126 --> 00:06:59,001 Hulihin siya! 115 00:07:01,126 --> 00:07:02,251 Hayun siya! 116 00:07:04,126 --> 00:07:05,376 Saan siya pumunta? 117 00:07:10,001 --> 00:07:11,043 Nasaan siya? 118 00:07:12,876 --> 00:07:15,334 - Huwag kayong tumayo na lamang... - Doon. 119 00:07:19,959 --> 00:07:21,001 Sino ang kinarat mo? 120 00:07:22,334 --> 00:07:23,543 Sino ang pinatay mo? 121 00:07:24,084 --> 00:07:25,043 Wala pa. 122 00:07:27,668 --> 00:07:30,168 Ayaw kong mamatay sa ganitong paraan. 123 00:07:31,209 --> 00:07:32,751 Hindi ninyo ako kailangan. 124 00:07:33,668 --> 00:07:35,126 Ano ba itong ginagawa natin? 125 00:07:36,584 --> 00:07:39,751 Kung kailangan mo talagang dumaldal, makata, magkuwento ka. 126 00:07:39,751 --> 00:07:41,793 Sige, bakit nga ba hindi? 127 00:07:41,793 --> 00:07:44,626 Isang kuwentong nararapat sa ating pupuntahan. 128 00:07:45,293 --> 00:07:47,251 Kung alam ko lamang sana kung saan. 129 00:07:47,251 --> 00:07:50,501 Higit pa sa mahikang taglay ng iyong mga patpat ang kailangan natin. 130 00:07:50,501 --> 00:07:51,751 Isasama ko ang Seid-Kona. 131 00:07:51,751 --> 00:07:57,043 Kung gayo'y sasabihin ko kung bakit di maganda itong gagawin natin. 132 00:07:57,751 --> 00:08:00,626 Pakinggan ninyo ang kuwento ng Seid-Kona, 133 00:08:01,918 --> 00:08:05,334 na alam na siya'y laman ng aking kuwento sapagkat ang lahat ay alam niya, 134 00:08:05,334 --> 00:08:09,043 kabilang na ang ating mga iniisip habang naglalakbay tayo sa lupain niya. 135 00:08:10,418 --> 00:08:12,709 Dati'y katulad natin ang Seid-Kona. 136 00:08:12,709 --> 00:08:14,459 Ngunit kapalit ng kapangyarihan 137 00:08:14,459 --> 00:08:17,293 ay inialay niya ang pinakamahalaga sa kaniyang pagkatao. 138 00:08:17,293 --> 00:08:18,668 Ang kaniyang anak na lalaki. 139 00:08:19,251 --> 00:08:23,001 Kinain niya ang kaniyang anak nang buhay habang nagsisisigaw 140 00:08:23,793 --> 00:08:26,584 na ibigay ni Freya ang kaniyang hiling, 141 00:08:27,084 --> 00:08:28,918 ang matang nakikita ang lahat. 142 00:08:31,501 --> 00:08:35,043 Ang siyang nagpira-piraso ng kaniyang anak gamit ang kaniyang ngipin 143 00:08:35,043 --> 00:08:36,251 para sa kapangyarihan 144 00:08:36,834 --> 00:08:38,918 ay siya ring mas masahol ang sa ati'y gagawin 145 00:08:38,918 --> 00:08:41,543 kapag tayo'y lumapit nang walang paanyaya. 146 00:08:41,543 --> 00:08:43,793 Bakit nga uli tayo hihingi ng tulong niya? 147 00:08:45,918 --> 00:08:48,793 Sapagkat kahit mga diyos ay takot sa hinaharap. 148 00:09:07,168 --> 00:09:09,584 Inayos niya na tila punongkahoy ng mundo. 149 00:09:10,376 --> 00:09:12,084 Inay ko! Nakasusulasok! 150 00:09:17,334 --> 00:09:18,918 May kasama tayo. 151 00:09:27,626 --> 00:09:28,501 Lobo! 152 00:09:29,959 --> 00:09:33,168 Hindi, isa lamang hunghang na nakasuot ng balat ng lobo. 153 00:09:41,084 --> 00:09:42,418 Halika rito, tuta. 154 00:10:22,543 --> 00:10:24,543 Sundin mo ako, Ulfr. 155 00:10:35,126 --> 00:10:36,501 Isang pagtatanghal. 156 00:10:37,084 --> 00:10:39,876 Mas nararapat sa mga pangil niya ang lalamunan ng isang diyos. 157 00:10:40,834 --> 00:10:41,709 Hindi ba? 158 00:10:44,959 --> 00:10:45,834 Alam niya! 159 00:10:46,334 --> 00:10:47,626 Alam na niya. 160 00:10:48,334 --> 00:10:51,084 Tiningnan niya ang bituka ng kaniyang anak na sanggol, 161 00:10:51,084 --> 00:10:53,459 at inilahad niyon ang ating mga balak! 162 00:10:54,751 --> 00:10:57,501 Iyong anak ba na kinain ko upang matuwa sa akin si Freya? 163 00:10:57,501 --> 00:10:59,334 Iyon pa rin ba ang kuwento? 164 00:11:00,376 --> 00:11:01,959 Matutulungan ko ang inyong alipin. 165 00:11:02,668 --> 00:11:03,501 Tumuloy kayo. 166 00:11:04,376 --> 00:11:05,418 Tumuloy saan? 167 00:11:17,626 --> 00:11:18,459 Sino siya? 168 00:11:19,209 --> 00:11:23,793 Walang mga magulang si Ulfr kaya ganiyon din siyang kumilos. 169 00:11:23,793 --> 00:11:25,959 Nahuli ko siyang may ginagawang karumal-dumal, 170 00:11:25,959 --> 00:11:27,251 at akin siyang inalipin. 171 00:11:27,251 --> 00:11:29,376 Ipinagtatapat niya sa akin ang kaniyang lihim. 172 00:11:29,376 --> 00:11:32,418 At ang kaniyang mga sala ang aking kapangyarihan. 173 00:11:34,876 --> 00:11:37,834 Gagamutin ko ang kamay niya kung papayag kayo. 174 00:11:37,834 --> 00:11:39,959 Bakit ka namin pagkatitiwalaan, mangkukulam? 175 00:11:39,959 --> 00:11:42,751 Magtitiwala kayo dahil gagawin ninyo. 176 00:11:42,751 --> 00:11:45,959 - Hindi iyan... - Sige na! Kung ano man iyon, gawin mo na! 177 00:11:49,626 --> 00:11:51,626 - Huwag mo siyang hawakan. - Sandali. 178 00:11:52,126 --> 00:11:56,459 Hahayaan mong kami'y mamatay basta't ika'y aming masunod! 179 00:12:08,584 --> 00:12:10,126 May katotohanan ang iyong kuwento. 180 00:12:10,626 --> 00:12:14,084 May Seid-Kona na nagluwal ng sanggol na lalaki. 181 00:12:14,084 --> 00:12:15,584 Ngunit ako'y kaniyang tiningnan 182 00:12:15,584 --> 00:12:18,584 at nabatid niyang ako'y mabubuhay bilang babae sa hinaharap. 183 00:12:21,001 --> 00:12:22,126 Ako'y minahal niya 184 00:12:22,834 --> 00:12:25,168 at ginawa niyang sunod na Seid-Kona. 185 00:12:25,709 --> 00:12:30,334 Ngayo'y suot-suot ko ang baro ng aking ina at ipinagpapatuloy ko ang kaniyang gawain. 186 00:12:30,334 --> 00:12:33,876 Nabago ang katotohanan nang pakialaman iyon ng mga makata. 187 00:12:35,418 --> 00:12:36,459 Aayusin ko iyon. 188 00:12:37,543 --> 00:12:41,376 Ang iyong lobo ang ibinibigay mo. Mangkukulam ang aking pinunta. 189 00:12:41,376 --> 00:12:42,626 Mayroon ka na. 190 00:12:42,626 --> 00:12:45,251 Inilahad na sa akin ng mga usang reno sa labas. 191 00:12:45,251 --> 00:12:46,959 Tayo'y nakatali sa isa't isa. 192 00:12:47,626 --> 00:12:49,751 Naisin ko man o hindi. 193 00:12:50,876 --> 00:12:53,459 Muntik na kaming patayin ng halimaw na iyon, 194 00:12:53,459 --> 00:12:55,168 ngunit wala ka man lamang pakialam. 195 00:12:55,168 --> 00:12:57,584 Kailangan ng kahibangan sa hibang na hangarin. 196 00:12:57,584 --> 00:12:58,793 Hindi ka sang-ayon? 197 00:12:58,793 --> 00:13:00,584 Iisa lamang ang nais nating dalawa, 198 00:13:00,584 --> 00:13:04,126 ngunit nakikialam ka sa mga bagay na hindi mo mapipigilan. 199 00:13:04,126 --> 00:13:05,959 Saan tayo tutungo? 200 00:13:05,959 --> 00:13:07,751 Hindi mo pa ba alam? 201 00:13:08,376 --> 00:13:12,209 Kahit magtulungan pa tayo'y mga langgam lamang tayo kay Thor, 202 00:13:12,209 --> 00:13:15,876 ngunit ang sabi sa akin ay may dwarf na makapagbibigay sa atin ng kalamangan. 203 00:13:15,876 --> 00:13:17,209 Tutungo tayo sa Nidavellir. 204 00:13:26,376 --> 00:13:27,251 Ingat. 205 00:13:28,459 --> 00:13:30,668 Metal ang kumikinang sa mukha ng lawa. 206 00:13:31,584 --> 00:13:34,126 Narito ang pandayan ng mga dwarf. 207 00:13:34,126 --> 00:13:36,168 Nagmumula sa latian ang kanilang bakal. 208 00:13:36,168 --> 00:13:38,251 May iba pang pinaggamitan ito. 209 00:13:38,251 --> 00:13:41,668 Ang mga hari't pari, nilulunod nila ang mga babae rito. 210 00:13:42,251 --> 00:13:43,084 Mga babae? 211 00:13:43,084 --> 00:13:46,209 Mga babaeng umibig at binansagang "pakawala". 212 00:13:46,209 --> 00:13:48,834 Mga babaeng matabil ang dila kaya pinaslang. 213 00:13:49,376 --> 00:13:51,001 Itinapon sila sa lawa, 214 00:13:51,001 --> 00:13:53,334 at naging bato dahil sa malaapoy nitong tubig. 215 00:13:54,334 --> 00:13:56,918 Nakapaloob ang pagdurusa nila sa mga sandata ng mga dwarf. 216 00:13:56,918 --> 00:13:59,459 Ang kanilang poot ay aakuin ko. 217 00:14:41,043 --> 00:14:42,668 Wikang-Patay. 218 00:14:42,668 --> 00:14:46,418 At dapat may makasagot sa kaniya bago niya tayo papasukin. 219 00:14:53,543 --> 00:14:55,168 E di, makikipagkasundo ako. 220 00:15:17,793 --> 00:15:20,959 Gagambang Loki, tuparin mo ang iyong ipinangako. 221 00:15:35,668 --> 00:15:37,876 Pagbati, Sigrid. 222 00:15:38,418 --> 00:15:41,584 Kung gayon, siya pala ang iyong iniibig. 223 00:15:41,584 --> 00:15:44,709 Ang tapang niya upang sumali sa labanang ito. 224 00:15:51,626 --> 00:15:55,459 Ako'y tinatawag na Sabik-na-Kumislap, 225 00:15:55,459 --> 00:15:57,126 ang nag-iisa. 226 00:15:57,709 --> 00:16:00,376 Wala akong ama o ina. 227 00:16:00,959 --> 00:16:05,084 Ako'y nagmula sa bato at naninirahan sa apuyan. 228 00:16:05,709 --> 00:16:08,626 At doon ko gugugulin ang aking buhay. 229 00:16:09,209 --> 00:16:11,334 Isang bugtong ang hadlang sa tarangkahan. 230 00:16:11,334 --> 00:16:12,543 Humbad. 231 00:16:12,543 --> 00:16:14,751 Humbad ang kasagutan. 232 00:16:17,418 --> 00:16:20,251 Ang itinatanging siklab ng mga dwarf. 233 00:17:17,959 --> 00:17:19,459 Nasaan ba ang Andvari na iyon? 234 00:17:19,459 --> 00:17:20,501 Darating siya. 235 00:17:21,043 --> 00:17:25,293 Iyon ay kung hindi tayo dinala rito ng iyong "kaibigan" para pagkatuwaan. 236 00:17:25,293 --> 00:17:27,626 Marahil ay nagtatago iyon kung saan. 237 00:17:33,418 --> 00:17:36,584 Andvari, ang panginoon ng kaniyang pandayan. 238 00:17:36,584 --> 00:17:40,709 Ako si Leif, anak ni Gorm at Hari ng mga Völsung. 239 00:17:40,709 --> 00:17:44,793 - Malayo pa ang inilakbay namin... - Alam ko kung bakit kayo naparito. 240 00:17:49,501 --> 00:17:50,751 Alam ko ang dugong ito. 241 00:17:50,751 --> 00:17:53,584 Nagpunta ka sa Hel at nakabalik. 242 00:17:53,584 --> 00:17:56,293 Pakay mo ang metal na makapapatay ng diyos. 243 00:17:56,918 --> 00:17:57,918 Sumunod kayo. 244 00:18:11,834 --> 00:18:15,751 Matagal na mula nang magkaroon ako ng mamimili na sapat ang tapang. 245 00:18:16,251 --> 00:18:18,043 Sabihin mo kung magkano. 246 00:18:18,626 --> 00:18:20,251 Kayo'y nalinlang. 247 00:18:20,251 --> 00:18:22,043 Hindi ginto ang ibinabayad sa akin. 248 00:18:22,793 --> 00:18:23,834 Ano ang kapalit? 249 00:18:23,834 --> 00:18:24,793 Mga kaluluwa. 250 00:18:26,793 --> 00:18:29,834 "Maraming buhay akong kikitilin subalit... 251 00:18:30,793 --> 00:18:32,709 ang iyong buhay ang kapalit." 252 00:18:32,709 --> 00:18:35,543 Pinuputol ng aking metal ang mga sinulid ng tadhana. 253 00:18:35,543 --> 00:18:37,251 Nagdadala rin ito ng kamalasan. 254 00:18:37,251 --> 00:18:40,001 Kung paano man o kailan, walang makapagsasabi. 255 00:18:40,751 --> 00:18:43,334 Iyon ang aking panakot sa mga magnanakaw. 256 00:18:43,334 --> 00:18:45,168 Lalo na sa isa sa kanila. 257 00:18:45,168 --> 00:18:46,751 Marahil ay kilala ninyo siya. 258 00:18:47,251 --> 00:18:48,084 Si Loki. 259 00:18:49,834 --> 00:18:51,334 Hindi ko pa siya nakikilala. 260 00:18:51,334 --> 00:18:53,001 Si Thor ang aking habol. 261 00:18:53,001 --> 00:18:56,501 At hindi ako magnanakaw. Ibibigay ko ang anumang hihingin ng sandata. 262 00:18:56,501 --> 00:18:58,584 Sandali. Hindi mo alam ang iyong ginagawa. 263 00:18:59,376 --> 00:19:00,334 Sigrid. 264 00:19:04,501 --> 00:19:06,584 Sungay ng Usa ang tawag diyan. 265 00:19:07,168 --> 00:19:08,376 At sa iyo na iyan... 266 00:19:08,959 --> 00:19:09,918 ngayon. 267 00:19:11,126 --> 00:19:13,376 Makikinabang ka at sumpa naman ang mapapasakaniya? 268 00:19:13,376 --> 00:19:16,043 Ako'y mas matanda kaysa sa iyong nakikita. 269 00:19:16,043 --> 00:19:17,834 Hindi lamang nagkataon iyon. 270 00:19:17,834 --> 00:19:21,584 Kung ang tadhana niya'y matutupad, ang akin nama'y hindi. 271 00:19:24,751 --> 00:19:26,751 Tapos na tayo rito. Wala nang ibang... 272 00:19:26,751 --> 00:19:28,834 Sa akin na itong mga sanggot. 273 00:19:28,834 --> 00:19:31,626 Nawala ang aking palakol doon sa lintik na latian. 274 00:19:33,126 --> 00:19:35,584 Ako'y isa nang sandata 275 00:19:36,293 --> 00:19:38,251 at ako'y isinumpa na rin. 276 00:19:41,626 --> 00:19:43,751 Dapat kong sabihin ito. 277 00:19:44,293 --> 00:19:46,001 Sinubukan kong sabihin doon sa babae. 278 00:19:46,001 --> 00:19:49,293 Ang aking mga sandata'y magagamit lamang ng mga matibay ang hangarin. 279 00:19:49,293 --> 00:19:52,418 Kung ang sandata'y makabatid ng pag-aalinlangan sa may hawak nito, 280 00:19:52,418 --> 00:19:54,543 siya ay masusunog nang buhay. 281 00:19:54,543 --> 00:19:57,126 Nakita ko ang kaniyang malakas na pagnanais, 282 00:19:57,626 --> 00:19:59,959 ngunit ikaw, kaibigan ko, 283 00:20:01,209 --> 00:20:03,334 nakikita kong ika'y may pag-aalinlangan. 284 00:20:04,043 --> 00:20:04,918 Huwag. 285 00:20:05,418 --> 00:20:07,376 Wala kang dapat patunayan. 286 00:20:07,376 --> 00:20:08,834 Subalit mukhang mayroon. 287 00:20:10,084 --> 00:20:12,709 - Kung di mo kayang maniwala sa akin... - Ayaw kong mawala ka. 288 00:20:20,668 --> 00:20:22,001 Ako'y sa iyo. 289 00:20:23,626 --> 00:20:26,084 Maganap man ang Ragnarök o hindi. 290 00:20:36,001 --> 00:20:37,584 Hindi ka pa tapos. 291 00:20:38,251 --> 00:20:42,334 Limang mandirigma ang hanap mo, ngunit apat lamang ang aking nabibilang. 292 00:20:42,918 --> 00:20:43,834 Sandali! 293 00:20:45,126 --> 00:20:46,376 Sasama ako sa inyo. 294 00:20:47,001 --> 00:20:48,043 Bakit ka sasama? 295 00:20:48,043 --> 00:20:50,043 May sarili akong dahilan. 296 00:20:50,043 --> 00:20:51,459 Tatanggihan mo ba ako? 297 00:20:59,668 --> 00:21:02,376 Magagawa kong kapangyarihan ang dugong iyan 298 00:21:02,376 --> 00:21:04,084 kung handa kang masaktan. 299 00:21:04,626 --> 00:21:05,668 Paano? 300 00:21:10,501 --> 00:21:12,293 Patitigasin ng bakal ang dugo. 301 00:21:13,751 --> 00:21:17,334 Wala nang mas sasakit pa kaysa sa pagsunog sa aking mga kalahi. 302 00:21:17,918 --> 00:21:19,209 Tandaan mong sinabi mo iyan. 303 00:21:24,751 --> 00:21:26,043 Sigrid! 304 00:21:31,876 --> 00:21:34,251 Ang mga babae'y babalutin siya ng bakal. 305 00:21:40,043 --> 00:21:43,209 Ang aming poot ay iyo. 306 00:21:44,251 --> 00:21:47,543 Ang aming dalamhati ay iyo. 307 00:21:48,876 --> 00:21:52,626 Ang aming bakal ay iyo. 308 00:21:52,626 --> 00:21:53,626 Sigrid! 309 00:21:54,918 --> 00:21:55,751 Sigrid. 310 00:22:01,001 --> 00:22:03,168 Ayos lamang iyan. 311 00:22:06,959 --> 00:22:09,334 Hindi ako makaiyak para sa kanila, Leif. 312 00:22:10,959 --> 00:22:12,501 Di man lamang ako makaiyak. 313 00:22:12,501 --> 00:22:13,626 Alam ko. 314 00:22:20,751 --> 00:22:22,543 Ito ang magsisilbing luha mo. 315 00:22:23,334 --> 00:22:24,751 Kung nanaisin mo, 316 00:22:26,001 --> 00:22:27,959 mawawasak mo kahit ang langit. 317 00:22:34,709 --> 00:22:36,543 Mga matagal ko nang kaibigan. 318 00:22:36,543 --> 00:22:38,543 Isip at Alaala. 319 00:22:39,376 --> 00:22:42,293 Ipakita ninyo sa akin ang mga balak ni Sigrid. 320 00:22:47,876 --> 00:22:49,084 Sigrid. 321 00:22:50,126 --> 00:22:51,043 Kagandahan. 322 00:22:51,626 --> 00:22:53,043 Duguang Kasintahan. 323 00:22:53,584 --> 00:22:56,626 Nais makipagdigma laban sa aking anak. 324 00:22:57,209 --> 00:22:59,793 Ang mata ni Odin ay nakatuon... 325 00:23:00,376 --> 00:23:01,293 sa iyo. 326 00:25:30,459 --> 00:25:35,459 Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso