1 00:01:18,293 --> 00:01:19,709 Sige, anak, tulak. 2 00:01:20,293 --> 00:01:22,084 Damhin mo ang iyong lakas. 3 00:01:25,543 --> 00:01:27,918 Bakit naparito ang butihing si Baldr? 4 00:01:29,001 --> 00:01:31,584 Pinapunta ako ng ating ama. 5 00:01:32,626 --> 00:01:35,043 Ipinag-uutos niyang ika'y manatili sa iyong tahahan 6 00:01:35,043 --> 00:01:36,626 hangga't payagan kang umalis. 7 00:01:36,626 --> 00:01:40,876 At sa kaniyang katalinuha'y nagbigay ba siya ng kadahilanan? 8 00:01:41,459 --> 00:01:46,251 May isang babae na may masamang balak laban sa iyo. 9 00:01:46,251 --> 00:01:47,293 Isang dilag? 10 00:01:47,793 --> 00:01:51,168 Nagpadala si Odin ng mga tagapagbalita sa babaeng di kumikilala ng diyos. 11 00:01:53,418 --> 00:01:56,751 Doon sa kasal na ating sinira, natitiyak mo bang walang nakaligtas? 12 00:01:56,751 --> 00:02:00,209 Inubos mo ang Jötnar na naroon, mga matatanda't bata. 13 00:02:01,001 --> 00:02:01,959 Paalam na, Thor. 14 00:02:02,626 --> 00:02:03,959 Ingatan mo ang iyong mga paa. 15 00:02:33,084 --> 00:02:34,459 Pagbati, Freya. 16 00:02:35,334 --> 00:02:36,793 Walang kupas ang iyong ganda. 17 00:02:36,793 --> 00:02:38,668 Pagbati, Loki, anak ni Laufey. 18 00:02:39,626 --> 00:02:41,376 Subalit bakit ganiyon? 19 00:02:41,376 --> 00:02:43,793 Bakit pangalan ng iyong ina ang iyong dinadala? 20 00:02:43,793 --> 00:02:45,918 Sinaktan ako ng aking ama. 21 00:02:46,668 --> 00:02:48,334 Hindi iyon ginawa ni Laufey. 22 00:02:50,709 --> 00:02:52,376 Dito mo nais mag-usap? 23 00:02:52,376 --> 00:02:54,209 Napakalapit ng iyong kabiyak. 24 00:02:55,209 --> 00:02:56,084 Siya'y... 25 00:02:57,251 --> 00:03:00,334 Ako'y kaniyang bihag, hindi kabiyak. 26 00:03:00,334 --> 00:03:04,168 Tama, narito ka bilang handog kay Odin dahil siya'y nagwagi sa digmaan. 27 00:03:04,709 --> 00:03:08,209 Ngunit narito ako dahil sa iyong bayang winasak ng digmaan. 28 00:03:08,209 --> 00:03:10,001 Maganda ang iyong balita? 29 00:03:11,001 --> 00:03:13,543 Tatanggapin ng Vanir ang iyong Sigrid, 30 00:03:13,543 --> 00:03:15,584 kung ipakikita niyang siya'y karapat-dapat. 31 00:03:16,376 --> 00:03:18,001 Ngunit kung siya'y mabigo... 32 00:03:18,001 --> 00:03:19,793 Kung siya ma'y mabigo, 33 00:03:19,793 --> 00:03:21,293 maghahanap tayo ng iba. 34 00:03:21,293 --> 00:03:24,251 Nasa tiyan na ng mga bantay ang ating mga patalim. 35 00:03:24,251 --> 00:03:26,751 Malalim na ang kanilang sugat bago pa nila mapansin. 36 00:03:27,626 --> 00:03:29,918 Mula ba sa iyo mismo ang gatas na ito? 37 00:03:29,918 --> 00:03:31,668 Ang mga tipan at kasundua'y 38 00:03:32,418 --> 00:03:34,501 mainam na pinagtitibay gamit ang gatas ng ina. 39 00:03:35,084 --> 00:03:39,751 Kung gayo'y uminom tayo bilang magkaibigang magkalapit ang puso. 40 00:03:53,126 --> 00:03:56,334 At dumating ang pangkat sa pinakahanggahan ng Vanaheim. 41 00:03:57,043 --> 00:03:59,376 Doo'y mas lumala ang kanilang kalagayan, 42 00:03:59,376 --> 00:04:00,918 lupaypay sa pagod, 43 00:04:00,918 --> 00:04:03,459 mulat na mulat habang sila'y namamatay. 44 00:04:08,418 --> 00:04:10,376 Inakala ko na magiging... 45 00:04:10,918 --> 00:04:12,293 Malamig? 46 00:04:12,293 --> 00:04:13,751 Napakatigas? 47 00:04:13,751 --> 00:04:16,043 Nawawala ang baluti kung kinakailangan. 48 00:04:16,751 --> 00:04:18,959 Di mo kailangan ng baluti kapag kasama mo ako. 49 00:04:18,959 --> 00:04:19,876 Alam ko. 50 00:04:21,251 --> 00:04:24,751 Ilang siglo nang walang nakakakita sa hanggahan ng Vanaheim. 51 00:04:25,668 --> 00:04:28,918 Di mo naman inisip na bigla na lamang lilitaw ito sa harap natin, di ba? 52 00:04:28,918 --> 00:04:33,001 {\an8}Hindi nga, ngunit hindi ko rin inasahang magpapaikot-ikot tayo na parang mga tanga. 53 00:04:33,001 --> 00:04:34,376 {\an8}Ang akala ko, si Loki... 54 00:04:35,209 --> 00:04:37,751 Noong huli'y dumating siya sa isang salita lamang. 55 00:04:37,751 --> 00:04:39,293 At ngayon? Wala. 56 00:04:39,293 --> 00:04:42,043 Marahil ay may bugtong o lihim na pintuan, o... 57 00:04:43,126 --> 00:04:44,876 Inutusan tayong magmadali. 58 00:04:45,376 --> 00:04:50,001 Tuwing makararamdam ako ng patak ng ulan, naiisip kong susugurin na tayo ni Thor. 59 00:04:51,876 --> 00:04:53,001 Ito'y isang ilang. 60 00:04:54,084 --> 00:04:56,293 Naglaban ang Vanir at Aesir dito? 61 00:04:57,168 --> 00:04:58,001 Gayon nga. 62 00:04:58,709 --> 00:05:00,251 At may iba pa silang kasama. 63 00:05:00,876 --> 00:05:02,584 Halimbawa, ang mga kauri ko roon. 64 00:05:03,251 --> 00:05:06,293 - Dating dwarf ang mga iyan? - Kami'y nagiging bato kapag namamatay. 65 00:05:06,293 --> 00:05:08,459 Lahat ng ito'y pook ng labanan. 66 00:05:08,959 --> 00:05:10,501 Noong unang panahon. 67 00:05:11,043 --> 00:05:13,334 Noong kalilikha pa lamang ng mundo, 68 00:05:13,918 --> 00:05:16,584 umiral ang mga diyos na Vanir at Aesir. 69 00:05:17,251 --> 00:05:18,793 Halos magkahalintulad sila. 70 00:05:18,793 --> 00:05:21,459 Ngunit nakikita ng Vanir ang hinaharap. 71 00:05:22,376 --> 00:05:24,918 Dahil diya'y nainggit si Odin. 72 00:05:24,918 --> 00:05:27,876 Ipinagpalit niya ang kaniyang mata upang makita ang hinaharap, 73 00:05:27,876 --> 00:05:31,876 at hinangad niyang makuha ang mahikang Seidr ng Vanir. 74 00:05:31,876 --> 00:05:36,376 Nang hindi nila ibigay, nagsimula ang digmaan sa mundo. 75 00:05:36,376 --> 00:05:38,626 Malaki ang nawala sa Vanaheim. 76 00:05:39,168 --> 00:05:41,334 Noong nag-alok ng kapayapaan ang Asgard, 77 00:05:41,334 --> 00:05:47,626 walang nagawa ang Vanir kundi tanggapin ang tigil-alitan kahit lamang si Odin. 78 00:05:47,626 --> 00:05:50,584 Inangkin ni Odin ang kakayahan ng Vanir na makita ang hinaharap, 79 00:05:50,584 --> 00:05:53,543 pati na ang mga mansanas na nagbibigay ng walang-hanggang buhay. 80 00:05:53,543 --> 00:05:55,209 At upang mas palalain ang lahat, 81 00:05:55,709 --> 00:05:58,876 kinuha niya ang kanilang reynang si Freya upang gawing asawa. 82 00:05:59,376 --> 00:06:01,584 Dumura ang lahat ng diyos sa isang balon, 83 00:06:01,584 --> 00:06:04,293 at nagwakas na ang digmaan. 84 00:06:04,959 --> 00:06:07,584 At tuluyang nagsara ang Vanaheim. 85 00:06:12,626 --> 00:06:14,501 May tumutugis sa atin. 86 00:06:14,501 --> 00:06:16,668 Dalawampung nakakabayo. 87 00:06:16,668 --> 00:06:18,959 Mabibilis. Isang araw na lama'y maabutan na tayo. 88 00:06:18,959 --> 00:06:20,084 Sino? 89 00:06:20,084 --> 00:06:21,751 Umalis na tayo. Ngayon na. 90 00:06:21,751 --> 00:06:24,543 May mga uwak na naglipana sa kalangitan. 91 00:06:24,543 --> 00:06:26,001 Mga manunugis ni Odin. 92 00:06:27,293 --> 00:06:28,668 Mga Bolverkr. 93 00:06:42,168 --> 00:06:44,584 Sigrid. 94 00:06:48,709 --> 00:06:50,459 Duguang Kasintahan... 95 00:07:12,126 --> 00:07:15,209 Pulupot dito ang mga ugat ng punongkahoy ng mundo. 96 00:07:16,418 --> 00:07:17,501 Nararamdaman ko. 97 00:07:17,501 --> 00:07:19,793 Aba, nararamdaman niya ang punongkahoy ng mundo, 98 00:07:19,793 --> 00:07:21,959 ngunit hindi niya maituro ang daan sa atin. 99 00:07:21,959 --> 00:07:25,084 Tumahimik ka o matitikman mo ang lupit ng aking kamay. 100 00:07:29,876 --> 00:07:31,209 Tama siya. 101 00:07:31,793 --> 00:07:33,501 Hindi natin sila matatakasan. 102 00:07:34,084 --> 00:07:37,626 Kung hindi natin mahahanap ang hanggahan, mapipilitan tayong lumaban. 103 00:07:38,126 --> 00:07:39,959 Sa tingin ko'y dapat mong subukan muli. 104 00:07:44,459 --> 00:07:45,376 Loki... 105 00:07:46,293 --> 00:07:47,293 dinggin mo ako. 106 00:07:48,501 --> 00:07:52,418 Hindi ko alam kung bakit ka nananahimik, ngunit ika'y kailangan ko ngayon. 107 00:07:53,626 --> 00:07:55,418 Kung ito'y pagsubok, 108 00:07:55,418 --> 00:07:57,709 sabihin mo ang kailangan kong gawin. 109 00:07:57,709 --> 00:07:58,626 Pakiusap. 110 00:07:59,543 --> 00:08:00,376 Magsalita ka. 111 00:08:06,959 --> 00:08:07,876 Loki. 112 00:08:09,668 --> 00:08:11,709 Huwag kang magtitiwala doon sa manlalansi. 113 00:08:13,709 --> 00:08:14,793 Dati pa'y alam mo na? 114 00:08:15,376 --> 00:08:18,168 Na kasabwat mo si Loki? Mula pa noong umpisa. 115 00:08:18,168 --> 00:08:19,459 At sumama ka pa rin. 116 00:08:20,001 --> 00:08:22,126 Kailangang makita ko ito mismo. 117 00:08:22,126 --> 00:08:24,376 Sa ngayo'y mapakikinabangan si Loki... 118 00:08:24,376 --> 00:08:26,251 Hindi siya naiiba kay Thor! 119 00:08:26,834 --> 00:08:29,418 O sa Vanir kung kanino ka makikapagkasundo. 120 00:08:29,418 --> 00:08:33,334 Ang mga diyos ay mga diyos. Lahat sila'y may lihim na balak. 121 00:08:34,001 --> 00:08:36,543 Nais mong baguhin ang kaayusan ng mga bagay-bagay? 122 00:08:37,043 --> 00:08:40,043 Kung gayo'y dapat gawin natin nang tayo lamang. 123 00:08:40,043 --> 00:08:42,334 Dapat paglabanin natin sila sa isa't isa. 124 00:08:43,001 --> 00:08:44,584 Pati na si Loki. 125 00:08:44,584 --> 00:08:46,168 Laro nila iyon. 126 00:08:46,751 --> 00:08:48,459 At ika'y kasali! 127 00:08:48,959 --> 00:08:51,709 Sa iyong tingin, bakit hindi nagpapakita si Loki? 128 00:08:51,709 --> 00:08:56,793 Magiging mitsa ng digmaan ang pagpasok ng isang diyos ng Asgard sa Vanaheim. 129 00:08:56,793 --> 00:09:00,001 May mga patakaran ang mahika. Gamitin mo ang mga iyon. 130 00:09:00,584 --> 00:09:03,293 Magpapagamit ka ba o maglalaro, Sigrid na Lumuluha? 131 00:09:03,293 --> 00:09:06,376 Dapat ay piliin mo muna kung magiging ano ka. 132 00:09:47,501 --> 00:09:48,334 Egill! 133 00:10:01,751 --> 00:10:04,126 Binabawi ko ang aking sinabi tungkol sa iyong mahika. 134 00:10:28,876 --> 00:10:29,876 Si Ulfr! 135 00:10:30,459 --> 00:10:32,001 Papatayin ba niya tayo? 136 00:10:52,543 --> 00:10:55,251 Mahihilom ng aking sining ang mga sugat na iyan. 137 00:10:56,209 --> 00:10:59,459 Para ito lamang, e. Mainam makaramdam ng kaunting sakit. 138 00:10:59,459 --> 00:11:03,043 Kung sakit ang nais mo, subukan mong magluwal ng sanggol. 139 00:11:03,043 --> 00:11:05,001 Ang pakiramda'y tila nakaupo ka sa apoy. 140 00:11:05,501 --> 00:11:07,834 May mga anak ka? 141 00:11:07,834 --> 00:11:08,834 Tatlong lalaki. 142 00:11:09,543 --> 00:11:10,793 Nasaan na sila? 143 00:11:12,751 --> 00:11:13,709 Nasa Valhalla. 144 00:11:20,501 --> 00:11:22,126 Kapag napatay mo si Thor, 145 00:11:23,626 --> 00:11:24,918 ano na ang mangyayari? 146 00:11:25,418 --> 00:11:27,751 Ang mararamdaman ko ba ang iyong tinutukoy? 147 00:11:27,751 --> 00:11:30,001 Hindi, hindi iyon. Ang ibig kong sabihin... 148 00:11:30,709 --> 00:11:32,418 hindi na ba uulan kailanman? 149 00:11:33,001 --> 00:11:33,918 Hindi ko alam. 150 00:11:34,959 --> 00:11:37,918 Noong mga bata pa tayo, lagi nating sinasabi... 151 00:11:37,918 --> 00:11:40,668 na mamamatay tayo sa labanan, magiging banal, 152 00:11:40,668 --> 00:11:42,793 at babatiin ni Thor sa Valhalla. 153 00:11:42,793 --> 00:11:43,876 Subalit... 154 00:11:43,876 --> 00:11:45,584 kung papaslangin natin si Thor, 155 00:11:46,543 --> 00:11:48,668 saan tayo mapupunta kapag tayo'y namatay? 156 00:11:50,293 --> 00:11:52,793 Nais kong makitang muli ang aking mga anak. 157 00:11:54,876 --> 00:11:55,959 Dito. 158 00:11:57,918 --> 00:11:58,751 Tingnan ninyo. 159 00:12:17,543 --> 00:12:19,001 May tao ba riyan? 160 00:12:31,793 --> 00:12:35,501 - Hindi kami narito upang ika'y saktan. - Frode! Pabayaan mo sila. 161 00:12:37,793 --> 00:12:39,293 Pagbati, mga mandirigma. 162 00:12:39,959 --> 00:12:43,751 Ang pangalan ko'y Hrafnkel. Pasok. May pagkain dito. 163 00:12:50,209 --> 00:12:53,251 Nagtago kami noong dumating ang mga nangangabayo. 164 00:12:53,751 --> 00:12:55,459 Ginawa mo ang iyong makakaya. 165 00:12:56,334 --> 00:12:57,668 Para sa iyong pamilya. 166 00:12:57,668 --> 00:13:01,376 Inilagay ko ang mga kuliling upang dinig namin ang kanilang pagdating. 167 00:13:01,876 --> 00:13:04,626 Wala kayong watawat. Walang sagisag. 168 00:13:05,709 --> 00:13:07,918 Alam ba ninyo ang habol ng mga kabayuhan? 169 00:13:09,793 --> 00:13:10,834 Hindi. 170 00:13:13,876 --> 00:13:16,459 Kumain kayo. Umalis kayo kung kaya na ninyo. 171 00:13:17,084 --> 00:13:18,126 Paano kayo? 172 00:13:19,001 --> 00:13:21,043 Hindi kayo maililigtas ng mga kuliling. 173 00:13:21,043 --> 00:13:22,459 Ano ang inyong gagawin? 174 00:13:22,959 --> 00:13:23,918 Magdadasal kami. 175 00:13:28,168 --> 00:13:29,751 Galugarin ninyo ang lambak. 176 00:13:33,584 --> 00:13:36,251 Ipinaalam sa akin ni Baldr ang inyong babala. 177 00:13:38,168 --> 00:13:39,793 Itinatago ninyo ako, Ama, 178 00:13:40,418 --> 00:13:42,334 na parang mahinang duwag. 179 00:13:42,334 --> 00:13:44,501 Nakakulong dito, parang bilanggo. 180 00:13:44,501 --> 00:13:47,626 Ako lamang ang habol ng dilag na iyon. 181 00:13:48,251 --> 00:13:50,751 Dapat ako ang pumatay kaniya! 182 00:13:53,793 --> 00:13:57,584 May sarili kang mga tiktik at pangkat ng manunugis. 183 00:13:57,584 --> 00:14:02,168 Subalit may sarili akong mga mata! 184 00:14:03,084 --> 00:14:05,668 Ang mga ulap sa kalangitan! 185 00:14:06,251 --> 00:14:08,668 Ang tumatagaktak na ulan! 186 00:14:32,459 --> 00:14:33,918 Isa na lamang ang mata. 187 00:14:33,918 --> 00:14:35,084 Lahat sila. 188 00:14:38,126 --> 00:14:41,376 Nasa unahan at likuran natin ang mga nangangabayo. 189 00:14:41,376 --> 00:14:43,793 Di maaaring hindi nila nakita ang mga magsasaka 190 00:14:43,793 --> 00:14:45,418 kung nakarating na sila rito. 191 00:14:45,418 --> 00:14:48,043 Maliban na lamang kung nakipagkasundo ang mga magsasaka. 192 00:14:50,084 --> 00:14:53,043 Ang mga kuliling, hindi babala ang mga iyon. 193 00:14:53,043 --> 00:14:54,459 Pain ang mga iyon. 194 00:14:55,043 --> 00:14:56,459 Binibitag tayo. 195 00:14:56,459 --> 00:14:57,959 Kailangan nating bumalik. 196 00:14:58,459 --> 00:14:59,376 Ngayon na! 197 00:15:12,626 --> 00:15:14,126 Ano ang inyong itinatago? 198 00:15:20,501 --> 00:15:21,793 Tigil! 199 00:15:22,501 --> 00:15:24,751 - Di ka puwedeng pumasok diyan! - Leif! 200 00:15:26,334 --> 00:15:27,501 Pabayaan mo siya! 201 00:15:27,501 --> 00:15:28,751 Amin siya. 202 00:15:33,126 --> 00:15:34,626 Ano ang kahibangang ito? 203 00:15:35,209 --> 00:15:38,793 Natagpuan namin siya sa sinunog na bayan at kinuha. 204 00:15:38,793 --> 00:15:40,126 Bakit ninyo kinuha? 205 00:15:40,126 --> 00:15:41,459 Para kay Odin. 206 00:15:42,459 --> 00:15:43,709 Hindi mo ba nakikita? 207 00:15:44,209 --> 00:15:48,501 Iniwan siya sa amin upang mapatunayan ang aming pananampalataya. 208 00:15:48,501 --> 00:15:50,751 - Iaalay ninyo siya? - Oo! 209 00:15:51,709 --> 00:15:53,501 Kung iuutos ng mga diyos. 210 00:15:54,459 --> 00:15:55,334 Oo. 211 00:15:56,876 --> 00:15:59,209 Sigrid, gumawa sila ng bitag. Sila'y... 212 00:16:01,918 --> 00:16:03,293 Inge, ngayon na! 213 00:16:06,209 --> 00:16:07,584 Nasaan ang inyong anak? 214 00:16:08,709 --> 00:16:10,168 Nasa malapit lang siya. 215 00:16:10,959 --> 00:16:12,959 Umalis siya para papuntahin sila rito. 216 00:16:14,709 --> 00:16:18,418 Matutuwa ang kaniyang mga uwak dahil sa inyong patay na katawan, 217 00:16:18,418 --> 00:16:20,834 at hahayaan na kami ni Odin. 218 00:16:32,543 --> 00:16:33,418 Inge! 219 00:16:47,543 --> 00:16:48,626 Ayos ka lamang ba? 220 00:16:49,959 --> 00:16:51,751 May pakinabang ka rin pala. 221 00:17:00,543 --> 00:17:01,751 Takbo! 222 00:17:01,751 --> 00:17:03,126 Ngayon na! 223 00:17:03,709 --> 00:17:04,709 Tayo na! 224 00:17:07,751 --> 00:17:09,001 - Di ako aalis. - Leif! 225 00:17:09,584 --> 00:17:10,543 Wala nang oras. 226 00:17:11,043 --> 00:17:12,168 Iwanan mo na siya! 227 00:17:14,751 --> 00:17:15,793 Makatatayo ka ba? 228 00:17:27,168 --> 00:17:28,084 Leif! 229 00:17:29,543 --> 00:17:30,626 Halika na! 230 00:17:38,293 --> 00:17:40,418 Ina, Ama, isinama ko na sila! 231 00:17:41,793 --> 00:17:43,376 Ina? Ama? 232 00:18:08,584 --> 00:18:09,834 Sa akin ang dilag! 233 00:18:22,126 --> 00:18:23,209 Leif! 234 00:18:23,209 --> 00:18:24,543 Ang Vanaheim! 235 00:18:57,376 --> 00:18:58,209 Sigrid! 236 00:19:04,334 --> 00:19:05,168 Sigrid! 237 00:19:05,959 --> 00:19:06,793 Sigrid? 238 00:19:07,584 --> 00:19:08,751 Sigrid, nasaan ka? 239 00:19:31,043 --> 00:19:32,918 Ang dilag na dapat kong katakutan. 240 00:19:33,709 --> 00:19:35,959 Ano ang pangalan ng aking tagatugis? 241 00:19:37,168 --> 00:19:38,709 Hindi mo ako kilala? 242 00:19:39,876 --> 00:19:43,709 Dahil sa aki'y marami nang nabalo at isang katutak na ang naulila. 243 00:19:44,293 --> 00:19:46,751 Ano ang itatawag ko sa iyo, babaeng mandirigma? 244 00:19:52,293 --> 00:19:55,959 Ako ay Ang Lumuluha. 245 00:20:30,168 --> 00:20:31,251 Sigrid! 246 00:20:31,918 --> 00:20:34,668 Dapat magwakas na ang hangarin mong bunga ng iyong katigasan. 247 00:20:35,168 --> 00:20:37,334 Nakikita ko ang iyong sibat at paninindigan. 248 00:20:37,918 --> 00:20:41,418 Ika'y mag-isip at ika'y gagantimpalaan. 249 00:20:42,126 --> 00:20:44,293 Kahit ano'ng nais mo'y ibibigay ko. 250 00:20:44,876 --> 00:20:45,834 Ang mga bagyo'y... 251 00:20:46,626 --> 00:20:47,459 nakakapanakit. 252 00:20:48,668 --> 00:20:50,376 Ngunit nakapagpapagaling din. 253 00:20:51,793 --> 00:20:53,793 Hayaan mong gumawa ako ng himala para sa iyo. 254 00:20:53,793 --> 00:20:56,584 Kaya kong bigyang buhay ang mga lupang tigang. 255 00:20:57,501 --> 00:21:00,209 O ikaw ba mismo ang mamumulaklak para sa akin? 256 00:21:07,209 --> 00:21:10,334 Akala mo'y ako'y hamak na nagbebenta ng isda 257 00:21:10,334 --> 00:21:12,084 na nagnanasang magkaanak? 258 00:21:13,251 --> 00:21:15,459 Wala kang maibibigay sa akin 259 00:21:15,459 --> 00:21:16,793 kundi ang iyong ulo! 260 00:21:37,459 --> 00:21:39,126 Hanggahan ito ng Vanaheim. 261 00:21:45,251 --> 00:21:47,001 Lumabag ka sa kasunduan. 262 00:21:47,001 --> 00:21:49,668 Kung susugurin mo ako, magsisimula ka ng digmaan. 263 00:21:53,168 --> 00:21:54,834 Sa susunod nating pagkikita, 264 00:21:54,834 --> 00:21:56,959 luluhod ka na sa aking harapan 265 00:21:56,959 --> 00:21:59,584 at hihingin ang awa ng aking maso. 266 00:22:18,043 --> 00:22:19,834 Patawad kung nilinlang ko kayo. 267 00:22:23,793 --> 00:22:26,709 Walang makapapasok sa Vanaheim. 268 00:22:27,376 --> 00:22:29,709 Walang iba kundi ang karapat-dapat. 269 00:25:05,334 --> 00:25:10,334 Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso