1 00:01:11,459 --> 00:01:14,293 Wala bang anuman sa langit ang nakapagpaliligaya sa kabiyak ko? 2 00:01:15,001 --> 00:01:16,959 Mapagsisilbihan ka ba ng iyong Sif? 3 00:01:51,251 --> 00:01:53,959 Pumarito ka sa aking dalampasigan habang ika'y nagdurugo? 4 00:01:53,959 --> 00:01:55,834 Ayaw ko sa babaeng nagkakalat. 5 00:01:57,376 --> 00:02:00,918 Dumalo ako sa iyong kasiyahan na masarap ang pagkababae. 6 00:02:00,918 --> 00:02:03,543 Mga yapak ko lamang ang duguan. 7 00:02:03,543 --> 00:02:07,209 Ibigay mo ang iyong pangalan, babae, o lumisan ka na lamang. 8 00:02:08,959 --> 00:02:12,543 Ako ang diyosa na pula ang mga yapak. 9 00:02:12,543 --> 00:02:15,084 Sinasamahan kong maglakad ang mga talunan at lugmok. 10 00:02:15,084 --> 00:02:18,126 Ako'y ang iyong sapilitang pag-uwi dahil sa pagkatalo. 11 00:02:18,126 --> 00:02:20,709 Ako si Sandraudiga, ang Lagim. 12 00:02:24,084 --> 00:02:25,834 Ang hibang na tampalasang iyon. 13 00:02:26,334 --> 00:02:28,209 Ginapi niya ako. 14 00:02:28,209 --> 00:02:34,084 Ngayon lamang... kita nakilala... pagkatalo. 15 00:02:34,084 --> 00:02:37,043 Maaari mo akong kilalanin hangga't gusto mo. 16 00:02:39,209 --> 00:02:41,709 Ano ba ang aking maiaalok sa anak ni Odin? 17 00:02:50,418 --> 00:02:51,751 Maaari ka bang lumuha? 18 00:03:08,126 --> 00:03:10,001 Nauupos pala ang mga diyos. 19 00:03:10,001 --> 00:03:12,293 Sila'y hindi sinasamba, pinababayaan. 20 00:03:12,918 --> 00:03:16,668 Subalit sila'y mga diyos pa rin. Papatayin ka nila kung kanilang nanaisin. 21 00:03:18,501 --> 00:03:22,293 May mga mata sa Asgard si Haring Tiwaz at ang kaniyang banal na angkan. 22 00:03:22,918 --> 00:03:24,626 Sinabi nilang asahan kayo. 23 00:03:25,209 --> 00:03:27,501 Sinubok niya kayo gamit ang natagpuan niyang ulila. 24 00:03:27,501 --> 00:03:28,751 Siya'y iniligtas ninyo. 25 00:03:28,751 --> 00:03:32,418 Dahil doo'y bibigyan kayo ng Vanir ng pagkakataong magsalita. 26 00:03:33,293 --> 00:03:37,001 Haring Tiwaz, salamat sa inyong magiliw na pagtanggap. 27 00:03:38,001 --> 00:03:40,918 Ako'y si Leif, Hari ng Angkang Völsung, 28 00:03:41,459 --> 00:03:45,084 at narito ako bilang katuwang ng aking magiging reyna na si Sigrid. 29 00:03:48,834 --> 00:03:51,543 Batid naming maghihiganti ng iyong Duguang Kasintahan. 30 00:03:51,543 --> 00:03:53,543 Alam na ninyong kailangan namin ng tulong. 31 00:03:53,543 --> 00:03:56,376 Hindi namin hinihiling na inyong pagalawin ang inyong hukbo. 32 00:03:56,376 --> 00:03:58,418 Tulong lamang ang hiling namin. 33 00:03:59,084 --> 00:04:01,918 Hindi namin mapapasok ang Asgard kung wala iyon. 34 00:04:05,501 --> 00:04:09,126 Pinaghalo namin ng mga kadugo ni Odin ang aming mga laway. 35 00:04:10,334 --> 00:04:13,126 Di namin sisirain ang kasunduang napagtibay na ng aming laway. 36 00:04:13,126 --> 00:04:15,668 Ngunit hindi ba si Thor ang unang sumira ng kasunduan? 37 00:04:20,293 --> 00:04:23,793 Hindi namin wawasakin ang daigdig dahil lamang sa isang yabag. 38 00:04:24,293 --> 00:04:26,418 Lubhang malaki ang iyong hinihingi. 39 00:04:27,418 --> 00:04:29,209 Kung gayo'y hindi ako hihingi. 40 00:04:30,084 --> 00:04:31,459 Magmamakaawa ako. 41 00:04:36,251 --> 00:04:40,251 Pinalaki ako ng aking ama na nasa puso ang Vanir. 42 00:04:41,001 --> 00:04:44,001 Ang aming angka'y matagal nang nag-alay ng masarap na mead 43 00:04:44,001 --> 00:04:46,459 at magigiting na mandirigma bilang pagsamba sa inyo. 44 00:04:46,459 --> 00:04:47,668 Pakiusap... 45 00:04:48,459 --> 00:04:49,668 tulungan ninyo kami. 46 00:04:52,334 --> 00:04:54,709 Hindi maaari. 47 00:05:03,876 --> 00:05:06,959 At kung ihandog namin ang mga mansanas ng buhay na walang hanggan? 48 00:05:10,043 --> 00:05:12,501 Nagbigay ang mga iyon ng buhay sa inyong mga bulwagan 49 00:05:12,501 --> 00:05:14,293 hanggang kunin ni Odin ang mga iyon. 50 00:05:14,293 --> 00:05:17,918 Kayo'y nalalanta habang ang Aesir ay nananatiling bata. 51 00:05:21,751 --> 00:05:24,001 Pinagbawalan kaming pumasok sa tanimang ginto. 52 00:05:24,751 --> 00:05:28,209 Ngunit kung kayong mga mortal ang tutungo sa pook na pinagbawalan ang Vanir, 53 00:05:28,209 --> 00:05:30,918 kung inyong magagapi si Fafnir, ang dragon ng niyebe... 54 00:05:30,918 --> 00:05:32,001 Si Fafnir? 55 00:05:32,001 --> 00:05:35,709 At makakuha kayo ng kahit isang mansanas mula sa kanyang binabantayan, 56 00:05:35,709 --> 00:05:38,876 kung magagawa ninyo ang di maaari, ay oo, 57 00:05:39,876 --> 00:05:41,834 tutulong ang Vanir. 58 00:05:41,834 --> 00:05:46,001 Pag nakabalik akong may dalang napakarami, aasahan kong tutuparin ninyo iyan. 59 00:05:49,959 --> 00:05:52,126 Isasama ninyo ang aming mortal. 60 00:05:52,126 --> 00:05:55,418 Ang tagapaglingkod naming si Thyra ay tutulong sa inyo. 61 00:05:57,043 --> 00:05:58,959 At magbabalita sa amin ng inyong pagkasawi. 62 00:05:59,543 --> 00:06:01,918 Papatay tayo ng dragon! 63 00:06:01,918 --> 00:06:05,043 Hindi, ako ang papatay ng dragon. 64 00:06:08,876 --> 00:06:10,418 Magkakaroon tayo ng piging 65 00:06:10,418 --> 00:06:13,001 upang bigyang-pugay ang mga malapit nang masawi. 66 00:06:29,209 --> 00:06:31,209 Gaano ka na katagal namumuhay kasama nila? 67 00:06:31,209 --> 00:06:33,751 Natagpuan ako ng Vanir malapit sa hanggahan, 68 00:06:34,251 --> 00:06:36,334 isang sanggol na iniwan sa mataong daan. 69 00:06:36,334 --> 00:06:37,834 Pinaglingkuran ko sila. 70 00:06:37,834 --> 00:06:40,543 Pinalaki nila ako at sila'y naging mabuti sa akin. 71 00:06:40,543 --> 00:06:43,834 Mabuti? Nasa panganib ka noong natagpuan ka namin. 72 00:06:43,834 --> 00:06:45,501 Pagsubok lamang iyon. 73 00:06:45,501 --> 00:06:47,751 Ipinadala ako sa mga magsasaka nang nakagapos. 74 00:06:47,751 --> 00:06:50,084 Alam ng Vanir ang ibig nilang gawin sa akin, 75 00:06:50,084 --> 00:06:51,626 ang laman ng kanilang mga puso. 76 00:06:52,126 --> 00:06:55,251 Ngunit ibig nilang malaman kung ano ang laman ng sa inyo. 77 00:07:04,293 --> 00:07:05,626 Egill, may dala akong... 78 00:07:18,668 --> 00:07:19,918 Ang mga mansanas... 79 00:07:20,709 --> 00:07:21,918 Paano mo naisip iyon? 80 00:07:21,918 --> 00:07:25,251 Kailangang may gawin ako habang nakaluhod ka. 81 00:07:25,251 --> 00:07:27,126 Lakas ang kailangan natin. 82 00:07:27,126 --> 00:07:28,876 Lumuhod ka kanina. 83 00:07:28,876 --> 00:07:32,168 At bago pa man iyo'y lumuhod ka kay Ama, pati kay Andvari. 84 00:07:32,168 --> 00:07:33,751 Kanino ka ba hindi luluhod? 85 00:07:33,751 --> 00:07:38,084 - Hindi mo dapat basta ipamigay ang awa. - Dahil doo'y nakapasok tayo rito. 86 00:07:38,834 --> 00:07:42,084 Mas nanaisin mong sunugin ko ang mundo hanggang damo na lang ang matira, 87 00:07:42,084 --> 00:07:44,751 na kamkamin ko ang yaman ng iba't ilagay sa aking barko 88 00:07:44,751 --> 00:07:46,793 habang nagsisisigaw ang kanilang kababaihan? 89 00:07:46,793 --> 00:07:49,043 Hindi ako ganoon, Sigrid. 90 00:07:49,043 --> 00:07:53,293 Pinaslang mo ang ama ni Egill sa harapan niya noong 15 pa lamang siya, 91 00:07:53,293 --> 00:07:56,626 ginawa mo siyang alipin, bagaman gayo'y minahal ka niya. 92 00:07:57,376 --> 00:07:59,668 Si Leif na Walang Awa. 93 00:07:59,668 --> 00:08:01,626 Iyon ang lalaking nagpaibig sa akin. 94 00:08:04,584 --> 00:08:05,418 Leif. 95 00:08:07,584 --> 00:08:08,626 Panginoon. 96 00:08:08,626 --> 00:08:11,334 Egill, sampung taon ka nang naglilingkod. 97 00:08:11,334 --> 00:08:13,834 Mas malayo ang iyong inilakbay kaysa kailangan. 98 00:08:13,834 --> 00:08:16,459 Ikaw na ang magpapasya ng mga susunod mong hakbang. 99 00:08:17,251 --> 00:08:18,168 Ika'y malaya na. 100 00:08:20,418 --> 00:08:23,293 Ano? Kailangan natin ang bawat taong ating maisasama. 101 00:08:23,293 --> 00:08:24,209 Ma... 102 00:08:24,918 --> 00:08:25,751 Malaya na ako? 103 00:08:28,959 --> 00:08:29,793 Makaaalis na ako? 104 00:08:29,793 --> 00:08:31,251 Bayad na ang iyong utang. 105 00:08:32,001 --> 00:08:34,751 Iyan ang itinatakda ni Leif na Maawain. 106 00:08:40,043 --> 00:08:42,668 Mangkukulam, may kailangan ako sa iyo. 107 00:08:43,293 --> 00:08:45,626 Ano ba sa iyong tingin ang iyong kailangan, alipin? 108 00:08:47,251 --> 00:08:49,168 Hindi na ako alipin. 109 00:08:50,126 --> 00:08:51,918 Pinalaya na ako ng aking hari. 110 00:08:52,834 --> 00:08:54,209 Hihingi sana ako ng payo. 111 00:08:54,209 --> 00:08:57,376 Di mo ba magamit ang iyong mga patpat upang ikaw mismo ang makasaksi? 112 00:08:57,376 --> 00:08:58,584 Ikuwento mo... 113 00:09:00,918 --> 00:09:04,168 Ngayo'y pakinggan ang kuwento ni Egill na Alipin. 114 00:09:05,209 --> 00:09:07,876 Na kailanma'y di nagmay-ari ng kaniyang hinaharap. 115 00:09:07,876 --> 00:09:10,001 At hindi na nagtangkang tingnan iyon 116 00:09:10,501 --> 00:09:12,751 dahil ang aliping nagtataglay ng pag-asa 117 00:09:13,251 --> 00:09:14,418 ay isang hangal. 118 00:09:14,918 --> 00:09:16,293 Saan na ba ako tutungo? 119 00:09:18,376 --> 00:09:19,459 Dapat ba akong umalis? 120 00:09:21,084 --> 00:09:23,126 Dalawang landas ang aking nakikita. 121 00:09:23,626 --> 00:09:25,334 Maaari kang pumili. 122 00:09:25,334 --> 00:09:29,001 Kung tutungo ka sa Asgard ay mabilis na matatapos ang iyong kuwento. 123 00:09:29,626 --> 00:09:33,168 Kung uuwi ka, ika'y makapagsusulat pa ng maraming kabanata. 124 00:09:35,501 --> 00:09:37,126 Nais mo bang manatili ako? 125 00:09:38,084 --> 00:09:40,334 Makikipagsiping ka sa akin upang iyong malaman? 126 00:09:40,959 --> 00:09:43,876 Upang maikuwento mong nakipagsiping ka sa mangkukulam at nabuhay? 127 00:09:43,876 --> 00:09:45,709 Hindi, pakiusap... 128 00:09:46,459 --> 00:09:48,959 Mahabaging mga diyos, sana'y alam ko ang iyong pangalan. 129 00:09:49,834 --> 00:09:51,626 Subukan mo si Haring Tiwaz. 130 00:09:51,626 --> 00:09:53,751 Mas nakamamangha iyon. 131 00:09:54,251 --> 00:09:57,334 Si Egill na malayo ang narating, nakamit ang kaniyang kalayaa't 132 00:09:57,334 --> 00:10:00,126 nakipagsiping sa isang diyos sa iisang araw lamang. 133 00:10:02,043 --> 00:10:03,459 Paumanhin kung pinuntahan kita. 134 00:10:09,626 --> 00:10:12,084 Kamumuhian ka na niya ngayon. 135 00:10:12,918 --> 00:10:14,168 Mabubuhay naman siya. 136 00:10:15,126 --> 00:10:16,209 Fafnir! 137 00:10:27,834 --> 00:10:29,293 Palarin ka sana, Kamahalan. 138 00:10:30,709 --> 00:10:36,543 Sana kung magtagpo uli tayo'y maging mabuti ang ating samahan. 139 00:10:36,543 --> 00:10:38,918 Sa tingin mo'y magkikita pa tayo? 140 00:10:39,418 --> 00:10:40,376 Fafnir! 141 00:10:40,376 --> 00:10:42,751 Babasagin ko ang iyong bungo! 142 00:10:44,209 --> 00:10:46,209 May kuwento sa likod niyan. 143 00:10:46,793 --> 00:10:50,168 Kagabi'y lasing na lasing si Andvari. 144 00:10:50,168 --> 00:10:52,334 Kagila-gilalas ang kaniyang kuwento. 145 00:10:52,334 --> 00:10:53,918 Panghuling kuwento? 146 00:10:54,751 --> 00:10:56,168 Upang palarin tayo. 147 00:10:56,168 --> 00:11:00,334 Ngayo'y pakinggan ang kuwento ni Andvari na may kimkim na galit. 148 00:11:01,543 --> 00:11:04,418 Noong unang panaho'y may dalawang dwarf na prinsipe 149 00:11:04,418 --> 00:11:07,501 na nag-aanyong hayop upang mag-ikot sa kanilang kaharian. 150 00:11:08,001 --> 00:11:11,793 Kinaibigan nila ang isa pang batang dwarf na nakapagpapalit-anyo. 151 00:11:11,793 --> 00:11:12,751 Si Andvari. 152 00:11:13,293 --> 00:11:15,459 Naging mahigpit ang kanilang samahan, 153 00:11:15,459 --> 00:11:17,209 hanggang dumating si Loki. 154 00:11:18,584 --> 00:11:20,584 Sinabi niyang hindi niya sinadya. 155 00:11:21,293 --> 00:11:26,626 Bagaman sinabi niya iyo'y may malalim pa siyang mga balak. 156 00:11:28,543 --> 00:11:32,543 Ang ama ng dwarf, ang hari, ay humingi ng kabayaran mula sa Asgard. 157 00:11:33,126 --> 00:11:34,834 Isang pagtutubos. 158 00:11:34,834 --> 00:11:36,084 Pumayag si Loki. 159 00:11:36,751 --> 00:11:40,084 Nag-alok siya ng napakalaking kayamanan at kaniya itong inihatid. 160 00:11:40,084 --> 00:11:42,293 Ngunit ang ginto'y di niya pagmamay-ari. 161 00:11:42,293 --> 00:11:44,126 Iyo'y kaniyang ninakaw... 162 00:11:44,126 --> 00:11:45,334 mula kay Andvari. 163 00:11:46,626 --> 00:11:50,543 Noon lamang napagtanto ni Andvari na sa pagkawala ng itinakdang prinsipe 164 00:11:52,001 --> 00:11:53,959 ay may bagong hahalili sa trono. 165 00:11:54,543 --> 00:11:56,668 Ang mismong kapatid ng prinsipe. 166 00:11:59,626 --> 00:12:00,793 Si Fafnir. 167 00:12:05,751 --> 00:12:07,293 Ngunit hindi alam ng mang-aagaw 168 00:12:07,293 --> 00:12:09,834 na nilagyan ni Andvari ng makapangyarihang sumpa 169 00:12:09,834 --> 00:12:10,834 ang kaniyang ginto, 170 00:12:10,834 --> 00:12:12,334 at hindi nagtagal, 171 00:12:13,126 --> 00:12:16,834 nagbago ang anyo ni Fafnir at naging kawangis ng isang ibon. 172 00:12:17,918 --> 00:12:21,001 Hindi na maaangkin ni Fafnir ang trono. Wala nang natira sa kaniya. 173 00:12:21,001 --> 00:12:24,668 {\an8}Maliban sa kabayaran sa pagkitil sa otter at ang kaniyang kasabwat na si Loki, 174 00:12:24,668 --> 00:12:28,001 {\an8}na sa panahong iyo'y may mga bagay na kailangang pabantayan. 175 00:12:29,334 --> 00:12:31,876 Ang mga mansanas ng buhay na walang hanggan. 176 00:12:40,501 --> 00:12:43,043 Narinig kong ika'y maghihiganti rin. 177 00:12:43,584 --> 00:12:45,584 - Hindi ko alam iyon. - Alam ni Loki. 178 00:12:46,209 --> 00:12:49,293 Wari ko'y alam niya na haharapin natin si Fafnir, 179 00:12:49,293 --> 00:12:51,209 at naisip niyang ako'y mapakikinabangan. 180 00:12:51,209 --> 00:12:54,709 Dati'y kapanday ko si Fafnir. 181 00:12:55,626 --> 00:12:58,251 Ginamit siya ni Loki at sinira siya. 182 00:12:58,251 --> 00:13:01,126 Sa ginawa niyang iyo'y nasira rin ako. 183 00:13:01,126 --> 00:13:03,501 Ika'y sisirain din niya. 184 00:13:03,501 --> 00:13:07,876 Maliban na lamang kung magising ka at tumulong sa aking paghihiganti... 185 00:13:07,876 --> 00:13:09,501 Di mo maaaring patayin si Loki. 186 00:13:10,001 --> 00:13:12,293 Hindi hangga't hindi ko nakakamit ang aking hangad... 187 00:13:12,293 --> 00:13:13,626 ngunit pagkatapos nito, 188 00:13:13,626 --> 00:13:16,334 kung mapatay mo si Loki bago niya ako mapatay, 189 00:13:16,834 --> 00:13:18,251 hindi ako magluluksa. 190 00:13:33,293 --> 00:13:38,001 Bihirang makakita ng mga uod sa malalim na tubig, Loki. 191 00:13:40,418 --> 00:13:43,001 Hinaan mo lamang, aking Sigrid. 192 00:13:43,001 --> 00:13:45,793 Nakagugulat namang kinakausap mo ako ngayon. 193 00:13:45,793 --> 00:13:49,084 Tinawag kita roon sa ilang. Hindi mo ako pinakinggan. 194 00:13:49,626 --> 00:13:52,959 At dinala ka pa rin ni Thor sa Vanaheim. 195 00:13:53,626 --> 00:13:57,126 Kumikilos ako, mapansin mo man o hindi. 196 00:13:57,709 --> 00:14:00,334 Kaunti ang aking nasaksihan sa maalamat mong mga "kilos". 197 00:14:00,334 --> 00:14:01,876 Si Thor ang iyong pinangako. 198 00:14:01,876 --> 00:14:04,584 Ibigay mo man lamang kahit iyong mga lintik na mansanas. 199 00:14:04,584 --> 00:14:06,793 Hindi ba tagpaglingkod mo si Fafnir dati? 200 00:14:06,793 --> 00:14:09,209 Inyo ring tagapaglingkod si Egill dati. 201 00:14:10,084 --> 00:14:13,418 Kung tutulungan kita ngayo'y malalaman iyon ni Odin. 202 00:14:14,251 --> 00:14:16,251 Saan ka mas nasaktan? 203 00:14:16,793 --> 00:14:18,626 Sa pakubli kong pagkilos? 204 00:14:18,626 --> 00:14:21,584 O sa pagluhod ng iyong irog na nagmistula siyang pulubi? 205 00:14:22,959 --> 00:14:25,668 Malamang ikaw ang mas makasasakit sa akin. 206 00:14:26,251 --> 00:14:28,084 Ngunit natatakot ako para kay Leif. 207 00:14:28,584 --> 00:14:30,834 Nais kong mabuhay siya pakatapos nito. 208 00:14:30,834 --> 00:14:32,751 Siya'y mabuting hari. 209 00:14:33,251 --> 00:14:35,418 Mabait at makatarungan. 210 00:15:07,084 --> 00:15:08,543 {\an8}Hindi, huwag kang malambing. 211 00:15:08,543 --> 00:15:10,251 {\an8}Isa kang hari. 212 00:15:10,251 --> 00:15:13,126 {\an8}Angkinin mo ako't huwag kang magpigil! 213 00:15:53,084 --> 00:15:54,918 Lason ni Fafnir, walang duda. 214 00:15:55,543 --> 00:15:58,543 Ang mga ilog na ito'y laway noong walang-hiya. 215 00:16:09,918 --> 00:16:12,418 Binibini, nais kong sabihin sa iyo, 216 00:16:13,751 --> 00:16:18,251 noong nasa dagat tayo'y madilim, at kaunti lamang ang aking nakikita at... 217 00:16:18,251 --> 00:16:19,543 Nakalulungkot naman. 218 00:16:19,543 --> 00:16:22,709 Nais kong matalas ang mga mata ng aking mga tagapana. 219 00:16:37,959 --> 00:16:39,334 Akin na ang iyong pana. 220 00:16:40,209 --> 00:16:41,584 Hindi kita pinaglalaruan. 221 00:16:43,418 --> 00:16:45,918 Ang aking mahika'y mahika ng mga bituka. 222 00:16:45,918 --> 00:16:48,543 At gawa ba sa ano ang tali ng iyong pana? 223 00:16:48,543 --> 00:16:50,251 Bitukang binanat. 224 00:16:50,959 --> 00:16:54,459 - Ano na ang magagawa nito? - Mabubutas na niyan ang balat ng dragon. 225 00:16:54,459 --> 00:16:55,793 Kung ika'y papalarin. 226 00:16:56,626 --> 00:17:00,043 Huwag kang matakot, babae. Hindi ka mamamatay ngayong araw. 227 00:17:41,209 --> 00:17:42,334 Tago! 228 00:17:53,084 --> 00:17:54,001 Tago! 229 00:18:04,834 --> 00:18:05,751 Fafnir! 230 00:18:16,126 --> 00:18:20,543 Kung iyo nang nakalimutan ang wikang-tao, mag-usap tayo gamit ang Wikang-Dwarf. 231 00:18:21,043 --> 00:18:24,501 Ating gamitin ang alingayngay ng bundok! 232 00:18:24,501 --> 00:18:28,668 Andvari, anak ni Oin. 233 00:18:29,251 --> 00:18:33,626 Malayo ang iyong nilakbay upang makamit ang buhay na walang hanggan, 234 00:18:33,626 --> 00:18:38,668 subalit kamatayan lamang ang aking maibibigay sa iyo. 235 00:18:39,376 --> 00:18:43,834 Matanda na ako. Hindi ko kailangan ang iyong mga mansanas. 236 00:18:44,501 --> 00:18:48,418 Hindi kailangan ng mga nilalang ang buhay na walang hanggan, 237 00:18:48,418 --> 00:18:50,459 ngunit ito'y kanilang hinahangad. 238 00:18:51,251 --> 00:18:55,043 Batid kong iyon ang nais mo, 239 00:18:55,043 --> 00:18:59,043 kinapong anak ng pakawala. 240 00:19:06,834 --> 00:19:11,376 Nagsama ka ng mga dayong mandirigma sa aking taniman! 241 00:23:18,709 --> 00:23:21,668 Ikaw ang may kasalanan nito, Andvari. 242 00:23:23,376 --> 00:23:25,001 Walang-hiyang pike! 243 00:23:25,001 --> 00:23:26,959 Anak-isda! 244 00:23:36,626 --> 00:23:38,709 Natutuwa akong ako'y nagiging isda. 245 00:23:39,959 --> 00:23:41,959 Mas mainam kaysa sa kung naging ano ka. 246 00:23:45,001 --> 00:23:47,126 Kumain ka. Magpagaling ka. 247 00:23:51,126 --> 00:23:52,584 Kapanday ko siya dati. 248 00:23:53,418 --> 00:23:54,709 Hayaan ninyo siyang mabuhay. 249 00:24:10,084 --> 00:24:11,668 Ito ba ang iyong ninais? 250 00:25:07,293 --> 00:25:10,626 Mga manlalason! 251 00:25:29,709 --> 00:25:30,793 Leif! 252 00:26:05,793 --> 00:26:06,918 Loki. 253 00:28:34,168 --> 00:28:39,168 Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso