1
00:00:22,043 --> 00:00:25,001
Ngayo'y pakinggan ang mga alamat.
2
00:00:25,001 --> 00:00:26,418
At kuwento ng mga tao.
3
00:00:27,626 --> 00:00:28,626
At mga alaala.
4
00:00:30,084 --> 00:00:32,959
Mga kuwentong ibinabahagi sa dilim.
5
00:01:08,876 --> 00:01:11,001
Ika'y kaniyang pinupuri, Lumuluha.
6
00:01:11,001 --> 00:01:14,251
Nagpamalas ka raw ng husay sa labanan
sa dambana ni Hoenir,
7
00:01:15,251 --> 00:01:18,209
at mas mainam na ika'y maging kakampi.
8
00:01:36,959 --> 00:01:39,501
Makikita kaya natin
ang mga Sumasayaw na Liwanag?
9
00:01:39,501 --> 00:01:40,668
Oo.
10
00:01:40,668 --> 00:01:44,584
Kung ito'y iyong kakainin,
higit pa roon ang iyong makikita.
11
00:01:56,001 --> 00:01:57,001
Maghinay-hinay ka.
12
00:01:57,001 --> 00:02:00,376
Hindi na kailangan. Kaming mga dwarf
ay lumaking kinakain ito.
13
00:02:00,376 --> 00:02:02,626
Mayroon bang magbabahagi ng kuwento?
14
00:02:02,626 --> 00:02:04,251
Magkuwento ka, kuwentista.
15
00:02:04,251 --> 00:02:05,709
Sino ang magkukuwento?
16
00:02:06,293 --> 00:02:09,459
Magdadala ng magandang kapalaran
ang kuwentuhan bago ang laban.
17
00:02:09,459 --> 00:02:12,918
Kung gayo'y magsalitan tayo
sa pagbahagi ng maraming kuwento.
18
00:02:14,043 --> 00:02:18,209
Ngayo'y pakinggan ang pabula
tungkol kina Fenja at Menja.
19
00:02:19,376 --> 00:02:22,293
Magkapatid na babaeng ibinenta
sa isang haring-dagat.
20
00:02:22,876 --> 00:02:26,334
Nakagapos silang isinakay sa barko ng hari
21
00:02:26,334 --> 00:02:29,584
at ikinadena
sa isang mahiwagang batong gilingan.
22
00:02:31,626 --> 00:02:36,209
Sila'y walang tigil na pinagiling ng asin.
23
00:02:38,251 --> 00:02:40,709
Kaya ginawa nila
ang ginagawa ng mga mortal.
24
00:02:40,709 --> 00:02:44,126
Sila'y umawit
sa panahon ng kanilang kalungkutan,
25
00:02:44,793 --> 00:02:46,751
at nagsalaysay ng tunay na kuwento.
26
00:02:48,043 --> 00:02:51,793
Umawit sila tungkol sa kabundukan,
ang kanilang pinagmulan.
27
00:02:51,793 --> 00:02:54,834
Sila'y pinalaki at ipinanganak na higante.
28
00:02:56,793 --> 00:03:00,626
May imbak nang asin ang hari
upang magamit sa panahon ng taggutom
29
00:03:01,626 --> 00:03:03,959
ngunit siya'y humingi pa ng karagdagan.
30
00:03:04,668 --> 00:03:06,584
Hindi iyon gagamitin sa pagkain
31
00:03:07,168 --> 00:03:09,334
kundi sa pag-asin ng lupa
32
00:03:09,918 --> 00:03:13,126
upang sirain ang kaharian
ng kaniyang mga kalaban.
33
00:03:13,126 --> 00:03:15,959
Habang tuloy ang mga babae
sa nakapapagod nilang gawain,
34
00:03:15,959 --> 00:03:19,543
ang karagata'y bumula nang bumula.
35
00:03:19,543 --> 00:03:22,918
Sinira ng alon ang mahabang barko!
36
00:03:22,918 --> 00:03:25,834
Ngunit patuloy pa rin
sa paggiling ang makapatid!
37
00:03:26,626 --> 00:03:30,001
Ang umiikot nilang gilinga'y
hinalo ang mga alon,
38
00:03:30,001 --> 00:03:31,709
at ang haring nang-aalipi'y...
39
00:03:33,959 --> 00:03:35,209
nalunod.
40
00:03:37,043 --> 00:03:39,709
{\an8}Ang barko'y lumubog.
41
00:03:40,334 --> 00:03:42,626
Ang mga babae'y umawit.
42
00:03:43,376 --> 00:03:46,209
Dahil sila'y nakalaya na.
43
00:03:46,918 --> 00:03:52,043
Ang sabi'y ang malaking gilingan
ay gumigiling pa rin,
44
00:03:52,584 --> 00:03:56,293
at dahil doo'y may asin sa dagat.
45
00:04:01,293 --> 00:04:02,418
Aba.
46
00:04:03,584 --> 00:04:06,626
Lagi iyang ikinukuwento ng aking ama
bago ako matulog.
47
00:04:07,126 --> 00:04:09,209
Sino pa ang may kuwentong-higante?
48
00:04:09,209 --> 00:04:10,126
Ako.
49
00:04:11,376 --> 00:04:12,209
Heto.
50
00:04:12,876 --> 00:04:14,959
Pakinggan ninyo ang kuwento
ng pader ni Odin!
51
00:04:14,959 --> 00:04:17,501
Ang pader na ating gigibain bukas!
52
00:04:17,501 --> 00:04:21,126
Dahil ang gawang higante'y
matitibag din ng higante!
53
00:04:21,834 --> 00:04:23,709
Noong unang panahon,
54
00:04:23,709 --> 00:04:28,751
pagkatapos magiba ng mga ginintuang Vanir
ang unang tanggulan ni Odin.
55
00:04:31,418 --> 00:04:33,709
Kinailangan ng Aesir ng panibagong pader.
56
00:04:36,293 --> 00:04:38,376
May mason na lumapit sa mga diyos.
57
00:04:39,001 --> 00:04:43,459
Gagawa raw siya ng pader
na walang makagigiba o makaaakyat.
58
00:04:44,209 --> 00:04:46,251
Kanilang itinanong ang kabayaran.
59
00:04:46,251 --> 00:04:49,793
Kaniyang hiningi ang araw, ang buwan,
60
00:04:49,793 --> 00:04:52,126
at ang kamay ni Freya upang pakasalan.
61
00:04:52,918 --> 00:04:54,918
Nanghimasok si Loki.
62
00:04:55,543 --> 00:04:58,876
Siya'y nakipagkasundo
at ang kasundua'y ganito.
63
00:04:59,418 --> 00:05:01,626
Tapusin ang pader nang walang tulong,
64
00:05:01,626 --> 00:05:04,209
sa isang katlo ng panahong panukala,
65
00:05:04,209 --> 00:05:06,418
at ang araw, buwan,
66
00:05:07,126 --> 00:05:10,126
at si Freya'y ibibigay.
67
00:05:11,001 --> 00:05:14,793
Buong taglamig, ang mason ay naghakot
ng mga tipak ng bundok.
68
00:05:15,876 --> 00:05:19,376
Ang kaniyang kabayong si Svadilfari lamang
ang pinayagang tumulong sa kaniya.
69
00:05:21,334 --> 00:05:24,501
Subalit sa bilis niya'y
nagulantang sa takot ang Aesir.
70
00:05:25,876 --> 00:05:28,209
Si Freya'y nanggalaiti.
71
00:05:28,209 --> 00:05:30,918
Hindi siya makapapayag
na muling ipamigay bilang kaasawa.
72
00:05:30,918 --> 00:05:32,043
Hindi na.
73
00:05:32,543 --> 00:05:35,126
Ngunit ipinarating sa kaniya ni Baldr
ang kaniyang hinala.
74
00:05:35,126 --> 00:05:38,168
Marahil ang lalaki'y higit pa
sa kanilang inaakala.
75
00:05:39,543 --> 00:05:40,834
Marahil...
76
00:05:41,334 --> 00:05:43,001
siya'y isang higante.
77
00:05:45,543 --> 00:05:47,959
Nanghimasok si Loki.
78
00:05:47,959 --> 00:05:50,376
Nag-alok siyang mandaya.
79
00:05:50,959 --> 00:05:54,834
Nararapat lamang iyon, sabi ng mga diyos,
dahil siya ang nakipagkasundo.
80
00:05:55,584 --> 00:05:59,709
At kung mawala sa kanila
ang araw, buwan, at si Freya,
81
00:05:59,709 --> 00:06:02,668
isasalang nila sa apoy
ang pugot na ulo ni Loki.
82
00:06:03,293 --> 00:06:05,709
Nanghimasok si Loki.
83
00:06:05,709 --> 00:06:09,709
Siya'y nagpakita kay Svadilfari
bilang maalindog na babaeng kabayo.
84
00:06:10,334 --> 00:06:15,209
Nabatid ng barakong kabayo
na siya'y nag-iinit, kaya...
85
00:06:15,876 --> 00:06:17,668
kaniyang pinasok si Loki.
86
00:06:21,876 --> 00:06:23,001
Ang higante,
87
00:06:23,543 --> 00:06:27,251
sapagkat iyong mason ay isa ngang higante,
88
00:06:27,251 --> 00:06:30,043
ay hindi nakatapos
nang wala ang kaniyang kabayo.
89
00:06:31,043 --> 00:06:32,751
Humalakhak ang Aesir,
90
00:06:32,751 --> 00:06:35,834
natutuwang nakuha nila ang pader
nang walang kabayaran.
91
00:06:35,834 --> 00:06:38,876
At nang umangal ang higante
sa kanilang panlilinlang,
92
00:06:38,876 --> 00:06:40,709
pinatay siya gamit ang maso,
93
00:06:41,459 --> 00:06:43,668
katulad ng iba pang higante.
94
00:06:45,126 --> 00:06:47,001
Dumating si Loki,
95
00:06:47,626 --> 00:06:49,126
na pagkatapos ng ilang buwa'y
96
00:06:49,126 --> 00:06:52,709
bumalik kasama ang kakaibang
batang kabayong kaniyang iniluwal.
97
00:06:52,709 --> 00:06:55,209
Inihandog niya ang kabayo kay Odin.
98
00:06:55,209 --> 00:06:57,168
At napagtanto ng mga diyos
99
00:06:57,168 --> 00:07:02,418
na si Loki'y
handang ihamak ang kaniyang sarili
100
00:07:02,418 --> 00:07:04,584
kung siya'y makalalamang.
101
00:07:10,334 --> 00:07:13,501
May sinasamba palang diyos
ang ating si Egill!
102
00:07:14,168 --> 00:07:19,251
Egill, tuwing nakikipagtalik ka ba,
ikaw ba'y ang barako o babaeng kabayo?
103
00:07:19,251 --> 00:07:22,084
Ibig mong malaman
kung natutuwa akong may tumitira sa akin?
104
00:07:22,084 --> 00:07:24,168
Nais mong malaman ang pakiramdam?
105
00:07:24,168 --> 00:07:26,043
Kung gayon, sasabihin ko.
106
00:07:27,959 --> 00:07:31,668
Ngayo'y pakinggan ang kuwento ni Egill
at ng kaniyang laban.
107
00:07:32,751 --> 00:07:34,334
Mga inukit po!
108
00:07:34,334 --> 00:07:36,668
Mga inukit na diyos!
Mga piyesa sa ahedres!
109
00:07:36,668 --> 00:07:39,043
Mga anitong dala
ang magandang kapalara't pag-ibig!
110
00:07:39,043 --> 00:07:41,043
Bawat isa'y may kuwento!
111
00:08:09,126 --> 00:08:10,168
Saklolo! Pakiusap!
112
00:08:10,751 --> 00:08:11,918
Tulungan ninyo ako!
113
00:08:12,626 --> 00:08:14,959
Tama na, nagmamakaawa ako! Tama na!
114
00:08:28,626 --> 00:08:30,418
Huwag kang mag-alala. Umalis na sila.
115
00:08:31,001 --> 00:08:31,834
Ako si Odric.
116
00:08:32,626 --> 00:08:33,626
Odd na lamang.
117
00:08:41,334 --> 00:08:42,501
Kopang pampagaling.
118
00:08:42,501 --> 00:08:44,251
Makatutulong ang mga rune.
119
00:08:44,251 --> 00:08:46,084
Iyon ang sabi ng aking lolo.
120
00:08:46,084 --> 00:08:48,834
Namatay siya noong nakaraang taon.
Mahiwaga ba ang mga ito?
121
00:08:48,834 --> 00:08:52,126
Kahoy na lumulutang sa dagat daw
ang pinakamainam gamitin sa mahika.
122
00:08:52,126 --> 00:08:55,126
Pag may dalawang sabay inanod
sa dalampasigan, palatandaan iyon.
123
00:08:55,126 --> 00:08:58,543
Gawa kasi sa inanod na kahoy
ang lalaki't babae. Noong pasimula.
124
00:09:00,959 --> 00:09:02,543
Kuwento lamang iyon.
125
00:09:05,959 --> 00:09:07,209
Magkaibigan kami.
126
00:09:08,334 --> 00:09:10,876
Pagkatapos, pagkalipas ng ilang linggo,
127
00:09:12,334 --> 00:09:13,334
ay naging higit pa.
128
00:09:22,709 --> 00:09:25,043
Kapatid ni Odd ang nagparatang sa akin.
129
00:09:26,084 --> 00:09:29,001
Inakit ko raw ang kaniyang kapatid.
130
00:09:29,001 --> 00:09:33,168
Ayon sa mga mambabatas, makapagsisiping
ang dalawang lalaki kung may nais lumamang
131
00:09:33,168 --> 00:09:34,793
ngunit hindi dahil sa pag-ibig.
132
00:09:35,751 --> 00:09:38,459
At kutya ang aabutin ng talunan.
133
00:09:39,251 --> 00:09:41,126
Ergi ang sa aki'y binansag.
134
00:09:42,126 --> 00:09:43,001
Binabae.
135
00:09:44,876 --> 00:09:47,751
Nagsisinungaling siya,
at tatawagin ko siyang sinungaling!
136
00:09:47,751 --> 00:09:51,751
Patutunayan ko gamit ang aking espada't
titigil ang kaniyang mga kasinungalingan!
137
00:09:55,584 --> 00:09:58,376
Ang labana'y isang holmgang.
138
00:09:59,293 --> 00:10:03,376
Sa malapit ay may islang inilaan
sa mga ganitong uri ng labanan.
139
00:10:03,376 --> 00:10:05,584
Ang aking ama ang aking kahalili.
140
00:10:06,376 --> 00:10:07,501
Ipinagmalaki niya ako.
141
00:10:10,876 --> 00:10:12,626
Ipakita mo ang iyong kakayahan.
142
00:10:12,626 --> 00:10:14,793
Iyan ang tamang gawin.
143
00:10:14,793 --> 00:10:15,876
Hayan na.
144
00:10:36,501 --> 00:10:38,334
Ano ba! Tayo!
145
00:10:39,626 --> 00:10:40,918
Lumaban ka na!
146
00:10:46,293 --> 00:10:47,668
Parusahan mo siya!
147
00:10:48,376 --> 00:10:49,459
Tapusin mo na!
148
00:10:59,626 --> 00:11:01,293
- Mahusay!
- Nakita ba ninyo iyon?
149
00:11:12,459 --> 00:11:14,751
Sapul ang tama.
150
00:11:14,751 --> 00:11:15,959
Palagi naman.
151
00:11:17,043 --> 00:11:20,876
At napatunayan kong ako'y walang sala.
152
00:11:22,543 --> 00:11:24,001
Paumanhin, kaibigan.
153
00:11:39,418 --> 00:11:40,876
Ngayon na ang panahon.
154
00:11:41,543 --> 00:11:43,501
Ang panaho'y ngayon na.
155
00:11:44,209 --> 00:11:45,376
Nakatitiyak ka ba?
156
00:11:45,959 --> 00:11:49,709
Malapit nang magpalitan ng dahas.
157
00:11:49,709 --> 00:11:51,959
Kakailanganin mo ng lakas.
158
00:11:51,959 --> 00:11:55,001
- Maibibigay ko iyon.
- Kung gayo'y ibigay mo.
159
00:11:55,001 --> 00:11:57,751
Isalaysay mo ang kuwento
na iyong itinatago.
160
00:12:00,251 --> 00:12:01,376
{\an8}Ang lamig.
161
00:12:01,376 --> 00:12:06,459
{\an8}Ang hangi'y malamig, ang bata'y nilalamig,
at ang dugo niya'y malamig.
162
00:12:07,043 --> 00:12:11,168
Iniligtas ni Ulfr ang batang lalaki,
iniligtas niya mula sa isang lobo.
163
00:12:11,168 --> 00:12:13,501
Na kay Ulfr ang balat niyong lobo,
164
00:12:13,501 --> 00:12:15,584
at ibinigay niya iyon sa bata.
165
00:12:15,584 --> 00:12:21,834
Gumawa ng apoy si Ulfr,
ang bata'y napatingin at napangiti,
166
00:12:22,584 --> 00:12:26,834
subalit nanaig pa rin ang lamig,
at lumamig ang apoy,
167
00:12:26,834 --> 00:12:29,959
at ang lamig, at nilamig si Ulfr!
168
00:12:30,834 --> 00:12:34,168
Ngunit ang dugo ng bata'y mainit.
169
00:12:35,126 --> 00:12:39,293
At ang dugo niya'y tumilamsik sa apoy
at ang dugo'y umusok nang kulay ginto.
170
00:12:39,293 --> 00:12:40,709
Kumain si Ulfr,
171
00:12:40,709 --> 00:12:45,043
at ang balat ng lobo'y
bumalik sa mga balikat ni Ulfr,
172
00:12:45,043 --> 00:12:48,668
Mainit ang pakiramdam ni Ulfr,
at mainit din ang laman.
173
00:12:48,668 --> 00:12:52,668
Mainit iyon sa bibig ni Ulfr
at sa kaniyang tiyan,
174
00:12:52,668 --> 00:12:55,626
at ang init ay ginto,
175
00:12:55,626 --> 00:12:59,751
at ito'y ginto.
176
00:13:01,793 --> 00:13:04,126
Ngunit ang ginto'y dugo,
177
00:13:04,876 --> 00:13:07,293
at ang ginto'y kamatayan,
178
00:13:07,959 --> 00:13:11,001
at kinain ng balat ng lobo si Ulfr.
179
00:13:11,668 --> 00:13:15,209
Kinain ni Ulfr ang bata!
180
00:13:15,209 --> 00:13:16,543
Si Ulfr...
181
00:13:16,543 --> 00:13:19,251
ay isang lobo!
182
00:13:28,668 --> 00:13:29,709
Egill.
183
00:13:34,001 --> 00:13:35,293
Ang buhay ko'y...
184
00:13:36,043 --> 00:13:37,626
hindi makabuluhan.
185
00:13:38,626 --> 00:13:40,543
Ibig kong mamatay
na may magandang dahilan.
186
00:13:40,543 --> 00:13:42,251
Magkakaroon ka ng pagkakataon.
187
00:13:46,168 --> 00:13:47,334
Hindi ko na kaya!
188
00:13:48,459 --> 00:13:49,376
Hervor!
189
00:13:56,209 --> 00:13:57,293
Hervor.
190
00:13:57,293 --> 00:13:58,834
Ligtas ka.
191
00:13:58,834 --> 00:13:59,959
Ayos lamang iyan.
192
00:14:00,584 --> 00:14:01,418
Maraming...
193
00:14:02,334 --> 00:14:04,251
bagay sa paligid.
194
00:14:04,959 --> 00:14:07,709
Bakit ka mahinahon lamang?
195
00:14:09,001 --> 00:14:11,709
Sanay na ang mga dwarf
sa mga ganoong kabute.
196
00:14:12,209 --> 00:14:13,418
Ano ang iyong tinitingnan?
197
00:14:42,584 --> 00:14:43,834
Kailangan kong tumakbo.
198
00:14:55,834 --> 00:14:57,043
At ikaw naman?
199
00:14:57,876 --> 00:14:58,959
Magkukuwento ka rin ba?
200
00:14:58,959 --> 00:15:00,501
Wala akong kuwento.
201
00:15:01,001 --> 00:15:04,543
Dalawampung taglamig ang aking nasaksihan.
Nakakita na ako ng mga halimaw.
202
00:15:04,543 --> 00:15:06,918
Nakita ko na nang malapitan
ang mga diyos, ngunit...
203
00:15:06,918 --> 00:15:08,293
sa mga kuwento,
204
00:15:08,876 --> 00:15:10,043
hindi ako mahalaga.
205
00:15:10,543 --> 00:15:12,251
Ibig kong makarinig ng kuwento ninyo.
206
00:15:12,251 --> 00:15:16,168
Iyong magsasabi kung bakit
ang aking kapalara'y kaugnay
207
00:15:16,168 --> 00:15:18,084
ng mga hangal at walang pakundangan.
208
00:15:18,959 --> 00:15:19,793
Nauunawaan ko.
209
00:15:20,459 --> 00:15:22,001
Magkukuwento ako ng isa.
210
00:15:22,001 --> 00:15:26,168
Heto ang kuwento ng batang babae
na ang mga paa'y di abot ang sahig.
211
00:15:29,876 --> 00:15:31,876
Siya'y kalahating higante,
212
00:15:31,876 --> 00:15:33,543
sa panig ng kaniyang ama.
213
00:15:34,793 --> 00:15:38,209
At makikitang namana niya
ang mga katangian ng kaniyang ama
214
00:15:38,876 --> 00:15:40,876
maliban sa isang mahalagang bagay.
215
00:15:41,626 --> 00:15:44,209
Mas maliit siya kaysa sa isang higante.
216
00:15:44,209 --> 00:15:45,293
Ayan.
217
00:15:46,293 --> 00:15:48,626
Tirintas na akma sa babaeng Jötun.
218
00:15:50,084 --> 00:15:52,626
Kapag umuupo siya
sa upuan ng kanilang pamilya'y
219
00:15:52,626 --> 00:15:54,751
hindi abot ng kaniyang mga paa ang sahig.
220
00:15:55,418 --> 00:15:58,793
Hindi abot ng kaniyang mga paa ang sahig
tuwing sila'y kumakain.
221
00:16:00,251 --> 00:16:03,793
Hindi abot ng kaniyang mga paa ang sahig
tuwing siya'y umuupo sa kama.
222
00:16:15,626 --> 00:16:18,501
O kaya'y kapag siya'y nasa palikuran.
223
00:16:23,626 --> 00:16:25,084
{\an8}Noong siya'y mas lumaki na,
224
00:16:25,084 --> 00:16:28,251
{\an8}madali lamang siyang natatalo
ng kaniyang mga kapatid sa inuman
225
00:16:29,834 --> 00:16:32,168
dahil kasingtaas lamang niya ang hapag.
226
00:16:33,168 --> 00:16:35,709
At pagkatapos ng maraming taon,
227
00:16:36,876 --> 00:16:38,334
nilapitan niya ang kaniyang ama...
228
00:16:40,709 --> 00:16:42,209
at humingi ng pahintulot.
229
00:16:45,168 --> 00:16:47,876
Inibig niyang makita
ang pinagmulan ng kaniyang ina.
230
00:16:49,209 --> 00:16:53,251
Minahal niya ang kanilang pook, pamilya,
at ang napakahangal niyang mga kapatid...
231
00:16:55,376 --> 00:16:57,043
Ngunit siya'y iba sa kanila.
232
00:17:01,751 --> 00:17:03,501
Pakiramdam niya, siya'y nag-iisa.
233
00:17:36,876 --> 00:17:37,959
Ano ang nangyari?
234
00:17:37,959 --> 00:17:39,918
May digmaan.
235
00:17:39,918 --> 00:17:42,251
Mula sa nayong ito ang aking ina.
236
00:17:43,459 --> 00:17:45,376
Kung gayo'y kabilang ka
sa Angkang Völsung.
237
00:17:46,084 --> 00:17:47,668
Nakipaglaban ang babae.
238
00:18:49,209 --> 00:18:51,376
Mukhang utang ko sa iyo ang aking buhay.
239
00:18:57,501 --> 00:18:58,668
Sapat na iyang inumin.
240
00:19:00,001 --> 00:19:02,584
Ang iyong tirintas at mga marka...
241
00:19:03,918 --> 00:19:06,459
Nagmula ka sa ibang pook, babae.
242
00:19:07,626 --> 00:19:08,459
Saan?
243
00:19:09,334 --> 00:19:13,209
Sa pook kung saan
kasingtaas ng mga kabayo ang mga upuan.
244
00:19:13,209 --> 00:19:15,668
Pook na masyadong malaki upang ilarawan.
245
00:19:15,668 --> 00:19:17,459
Masyadong malaki sa akin.
246
00:19:19,793 --> 00:19:22,001
Hindi ko alam ang ibig sabihin niyan.
247
00:19:25,501 --> 00:19:28,584
Ayaw kong magkaroon ng utang
sa isang babaeng hindi tagarito.
248
00:19:29,751 --> 00:19:31,918
Ano ba ang maibibigay sa iyo
ng isang prinsipe?
249
00:19:36,626 --> 00:19:38,376
Nanatili roon ang babae.
250
00:19:38,376 --> 00:19:40,376
Marami siyang labang sinalihan.
251
00:19:41,918 --> 00:19:43,376
At lumipas ang mga taon.
252
00:19:52,043 --> 00:19:53,209
Leif, akala ko ba...
253
00:19:55,668 --> 00:19:56,584
Ano ba iyan?
254
00:19:56,584 --> 00:19:58,584
May ginawa ako para sa iyo.
255
00:20:08,668 --> 00:20:10,126
Iginawa mo ako ng upuan.
256
00:20:10,126 --> 00:20:12,084
Hindi, ano...
257
00:20:12,709 --> 00:20:14,209
Iginawa kita ng trono.
258
00:20:16,959 --> 00:20:21,584
Umaasa akong papayag ka.
Ayaw ko kasing pangunahan ka, ngunit...
259
00:20:28,876 --> 00:20:29,709
Magpakasal tayo.
260
00:20:34,709 --> 00:20:35,584
Nakatutuwa.
261
00:20:37,209 --> 00:20:39,459
Mauupo muna ako at pag-iisipan iyan.
262
00:20:45,459 --> 00:20:49,126
Napagtanto niya,
pagkalapat ng kaniyang mga paa sa lupa,
263
00:20:50,043 --> 00:20:51,543
na ito na ang kaniyang tahanan.
264
00:21:06,501 --> 00:21:08,168
- Egill, ano...
- Tahimik.
265
00:21:09,959 --> 00:21:12,126
Mula noong iyong hinilom ang aking kamay,
266
00:21:12,626 --> 00:21:15,668
ako'y naging si Egill Isang-Kamay na.
267
00:21:16,168 --> 00:21:17,001
Ito?
268
00:21:17,751 --> 00:21:19,584
Hindi na ito akin.
269
00:21:20,334 --> 00:21:22,126
Ito'y amoy mahika mo,
270
00:21:22,626 --> 00:21:24,709
at kapag hinahaplos ko ang aking mukha'y
271
00:21:25,793 --> 00:21:29,043
kamay mo ang humahaplos sa akin.
272
00:21:30,459 --> 00:21:31,626
Egill...
273
00:21:33,126 --> 00:21:34,376
Dapat malaman mo ito.
274
00:21:35,626 --> 00:21:36,668
Bukas...
275
00:21:37,834 --> 00:21:39,543
Huwag mong sabihin ang hinaharap.
276
00:21:41,043 --> 00:21:42,459
Ang pangalan mo ang sabihin mo.
277
00:21:44,876 --> 00:21:45,876
Áile.
278
00:21:48,001 --> 00:21:48,959
Áile.
279
00:21:49,626 --> 00:21:51,334
Saan ko ilalagay ang iyong kamay?
280
00:22:07,084 --> 00:22:09,584
Ibig mo bang magkaroon
ng sarili mong kuwento?
281
00:22:11,918 --> 00:22:12,834
Oo.
282
00:22:16,459 --> 00:22:18,251
Ngayo'y pakinggan ang kuwento ni Thyra,
283
00:22:18,834 --> 00:22:20,584
ang dalaga sa sangandaan.
284
00:22:21,126 --> 00:22:24,334
Mabangis, maganda, at birhen...
285
00:22:27,418 --> 00:22:29,043
Noong gabi bago ang labanan
286
00:22:29,043 --> 00:22:32,834
ay kaniyang pinaluhod
ang mga pinuno ng Völsung.
287
00:23:41,293 --> 00:23:44,459
Matalim ang ulo nito,
pinatalas nang mabuti.
288
00:23:45,459 --> 00:23:47,334
At ang hawaka'y gawa sa...
289
00:23:47,334 --> 00:23:48,959
Puno ng Mundo.
290
00:23:49,501 --> 00:23:52,043
Mainam gamiting pantuhog ng ulo.
291
00:23:53,126 --> 00:23:56,834
Ang panganay kong lalaki'y nahulog sa iyo.
292
00:23:56,834 --> 00:23:58,168
"Lumuluha."
293
00:23:59,209 --> 00:24:00,584
Nakikita ko kung bakit.
294
00:24:01,084 --> 00:24:02,293
Sino ka?
295
00:24:02,959 --> 00:24:05,876
Ang nagbigay
ng mead ng panulaan sa mga tao.
296
00:24:08,834 --> 00:24:10,793
Ako ang Panginoon ng mga Kuwento.
297
00:24:11,376 --> 00:24:14,709
Ang anak ko'y ang Panginoon ng mga Bagyo...
298
00:24:22,918 --> 00:24:27,293
Ako'y isang mandirigma,
manlalakbay, at madunong.
299
00:24:31,293 --> 00:24:32,376
Odin.
300
00:24:32,376 --> 00:24:36,001
Alalahanin mo ang nangyari
kina Menja at Fenja,
301
00:24:36,001 --> 00:24:38,584
na pinalubog ang kanilang barko
gamit ang asin.
302
00:24:39,293 --> 00:24:41,126
Nakapatay nga sila.
303
00:24:42,251 --> 00:24:43,626
Subalit...
304
00:24:45,834 --> 00:24:47,418
{\an8}sila'y namatay rin.
305
00:27:15,418 --> 00:27:20,293
Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso