1 00:00:53,251 --> 00:00:54,168 Manlilinlang. 2 00:00:54,668 --> 00:00:57,418 Banggitin mo si Loki't maging alisto sa kaniya. 3 00:00:57,418 --> 00:01:01,668 Mula pa noong simula, itinutututok mo kami at pinakakawalan na tila mga palaso. 4 00:01:01,668 --> 00:01:02,626 Tapos na iyon. 5 00:01:03,293 --> 00:01:06,126 Hindi ba huli na upang ika'y magparatang? 6 00:01:06,626 --> 00:01:07,834 Hindi iyon paratang. 7 00:01:08,501 --> 00:01:10,584 Nagsimula na ang iyong digmaan. 8 00:01:11,126 --> 00:01:12,543 Hindi mo na kailangang magtago. 9 00:01:12,543 --> 00:01:15,584 Kaya ang aking masasabi'y tama na bulungan. 10 00:01:15,584 --> 00:01:17,584 Kung nais mong mamatay si Thor, 11 00:01:17,584 --> 00:01:19,334 sumali ka sa labanan. 12 00:01:28,834 --> 00:01:31,918 Iniwan niya tayo. Hindi man lamang siya nag-iwan ng salita. 13 00:01:31,918 --> 00:01:35,959 Nag-usap kami. Higit pa sa salita ang kaniyang binitawan. 14 00:01:36,959 --> 00:01:38,626 Nagawa iyan ni Sigrid? 15 00:01:38,626 --> 00:01:40,543 Upang ilayo ako sa kapahamakan. 16 00:01:42,001 --> 00:01:44,918 Nais niyang mabuhay tayo sa kabila nito. 17 00:01:45,751 --> 00:01:50,293 Na bigyan natin ang isa't isa ng tahanang nararapat sa atin. 18 00:01:51,918 --> 00:01:54,959 Na ikakasal tayo, iyon ang kaniyang naisip. 19 00:01:56,084 --> 00:01:58,959 At ako'y magiging mabuting asawa sa iyo. 20 00:02:00,834 --> 00:02:02,209 Nagsiping tayong tatlo. 21 00:02:03,251 --> 00:02:04,084 Ngunit... 22 00:02:05,084 --> 00:02:07,376 hindi ikaw ang aking nais makasama. 23 00:02:13,334 --> 00:02:15,501 Aba'y tama lamang na pinagsama tayo. 24 00:02:16,084 --> 00:02:19,459 Hamak na pangarap lamang ang matagal ko nang ipinaglalaban. 25 00:02:19,459 --> 00:02:22,251 Ngayo'y aking ipaglalaban ang kaniyang pagkatao. 26 00:02:23,376 --> 00:02:24,626 Ikaw ba'y sasama sa akin? 27 00:02:26,501 --> 00:02:28,459 Makaaalis ka bang ganiyan ang iyong binti? 28 00:02:29,251 --> 00:02:31,209 Kung itatali mo ako sa inuupuan. 29 00:03:14,293 --> 00:03:16,251 Pagpira-pirasuhin ninyo sila! 30 00:04:03,584 --> 00:04:04,834 Thor, pakiusap... 31 00:04:36,001 --> 00:04:37,126 Wala na si Tiwaz. 32 00:05:08,793 --> 00:05:10,793 Binubulag ng labanan ang iyong kapatid. 33 00:05:12,001 --> 00:05:14,251 Sinabi ko sa kaniyang hahayaan ko siyang masawi. 34 00:05:14,834 --> 00:05:17,334 Kung gayo'y bakit ka pa humihingi ng payo? 35 00:05:17,334 --> 00:05:20,668 Ako ang diyosa ng mga butil, at siya'y ang diyos ng ulan. 36 00:05:21,418 --> 00:05:22,668 Si Thor... 37 00:05:23,668 --> 00:05:25,626 ang kalahati ng aking ani. 38 00:05:26,209 --> 00:05:29,626 Hindi ako makapapayag na mawalan ng silbi. Hindi siya ang magpapasya. 39 00:05:29,626 --> 00:05:33,168 Noong natuyot ang inyong pagmamahala'y gayon din ang mundo. 40 00:05:33,168 --> 00:05:35,709 Ngunit di mo siya maililigtas mula sa kaniyang sarili. 41 00:05:35,709 --> 00:05:38,626 - Hahayaan mong saktan siya ng lapastangan? - Oo. 42 00:05:39,168 --> 00:05:40,834 Kung iyon ang kaniyang nais. 43 00:05:41,876 --> 00:05:44,918 Buong buhay ko, ako'y pinaliguan ng pagmamahal at papuri. 44 00:05:45,459 --> 00:05:48,293 Kanilang inawit ang kagandahan ni Baldr. 45 00:05:48,293 --> 00:05:51,543 Napakaliwanag, wika nila. Nagluluningning. 46 00:05:51,543 --> 00:05:53,751 Kay gandang pagmasdan ng araw ng tag-init. 47 00:05:54,709 --> 00:05:57,501 Ngunit walang gandang panghabambuhay. 48 00:05:58,168 --> 00:06:01,709 Ang buhay na maikli't may hangganan. Iyon ang kaluwalhatian. 49 00:06:02,209 --> 00:06:03,876 Iyon ang biyaya. 50 00:06:03,876 --> 00:06:06,459 Wari mo'y nais niyang maging mortal? 51 00:06:06,459 --> 00:06:09,168 May kabuluhan ang pagiging mortal. 52 00:06:09,876 --> 00:06:13,876 Tayo'y magpakailanman, at dahil doo'y tayo ang mas mababang uri. 53 00:06:13,876 --> 00:06:16,459 Hindi mga katawan, kundi kumakatawan. 54 00:06:16,459 --> 00:06:19,001 Nandidiri si Thor sa mga tribu ng tao. 55 00:06:19,001 --> 00:06:20,001 Hindi. 56 00:06:20,584 --> 00:06:21,876 Siya'y naiinggit. 57 00:06:22,918 --> 00:06:24,584 Dahil nagwawakas ang kanilang buhay. 58 00:06:24,584 --> 00:06:27,918 Nagsusumamo ako. Iyong bantayan ang iyong kapatid. 59 00:06:28,793 --> 00:06:30,834 Panatilihin mo ang kaayusan ng ating mundo. 60 00:06:32,293 --> 00:06:33,918 Patagalin mo nang kahit kaunti. 61 00:07:10,626 --> 00:07:11,459 Kamahalan. 62 00:07:29,459 --> 00:07:30,376 Ang einherjar. 63 00:07:31,584 --> 00:07:33,459 Mula sila sa Valhalla. 64 00:07:33,459 --> 00:07:35,251 At pababalikin natin sila! 65 00:08:03,543 --> 00:08:04,918 Babaylan. 66 00:08:06,626 --> 00:08:08,751 Maaari naman kitang kunin habang ika'y tulog. 67 00:08:08,751 --> 00:08:09,959 Alam ko. 68 00:08:10,501 --> 00:08:13,751 At malamang ay iyong papaslangin ang lalaking katabi ko. 69 00:08:13,751 --> 00:08:17,168 Upang mailigtas ang kaniyang buhay ay ako na ang tumungo sa iyo. 70 00:08:17,709 --> 00:08:19,251 May katanungan ka. 71 00:08:19,251 --> 00:08:20,584 Iyo nang itanong. 72 00:08:21,418 --> 00:08:25,501 Ang daigdig ay pagliliyabin ng labanan ngayong araw. 73 00:08:25,501 --> 00:08:28,918 At ang sibat ng Duguang Kasintahan ang magsasanhi. 74 00:08:28,918 --> 00:08:31,668 Ang kahahantungan ba'y ang lobo? Ang huling digmaan? 75 00:08:31,668 --> 00:08:34,376 Maghaharap ba ang aking anak at ang Ahas? 76 00:08:34,376 --> 00:08:37,709 Ibig kong makita ang wakas ng aking kuwento. 77 00:08:38,293 --> 00:08:41,626 Iyong inalipin si Freya upang makuha ang kaniyang kapangyarihan. 78 00:08:42,209 --> 00:08:43,751 Bakit di siya ang iyong tanungin? 79 00:08:43,751 --> 00:08:46,834 Wala nang maibigay ang aking asawa noong siya'y aking inuwi. 80 00:08:46,834 --> 00:08:50,293 Ipinasa niya ang kaniyang kakayahan sa mga mortal na naghahabi ng bituka 81 00:08:50,293 --> 00:08:53,043 sa mga mangkukulam sa gubat na sakay ng mga lobo. 82 00:08:53,043 --> 00:08:57,043 Ipinasa mula sa ina tungo sa anak. Mula sa ina tungo sa anak. 83 00:08:57,043 --> 00:08:58,793 At ang kaniyang paningin 84 00:08:59,376 --> 00:09:01,168 ay iyo nang taglay. 85 00:09:57,293 --> 00:10:00,293 Ibigay mo ang aking nais, Seid-Kona. 86 00:10:00,293 --> 00:10:01,834 Maaari kong ipakita. 87 00:10:02,751 --> 00:10:05,293 Ngunit ang mahika'y may kapalit. 88 00:10:05,293 --> 00:10:08,793 At ang iyong hinihingi'y mahalaga ang kukunin mula sa atin. 89 00:10:08,793 --> 00:10:12,168 Alam ko ang kapalit ng pagtingin sa hinaharap. 90 00:10:12,168 --> 00:10:15,793 Minsan ko nang binitay ang aking sarili sa Puno ng Mundo. 91 00:10:15,793 --> 00:10:20,584 Ako'y nakabitay nang siyam na gabi, may sugat dulot ng sarili kong sibat. 92 00:10:21,626 --> 00:10:23,543 At ako'y inialay. 93 00:10:23,543 --> 00:10:26,584 Handog kay Odin, handog sa aking sarili mula sa aking sarili. 94 00:10:26,584 --> 00:10:30,376 Isang mata kapalit ng isang sulyap. 95 00:11:00,001 --> 00:11:00,876 Dito ang daan. 96 00:11:08,209 --> 00:11:09,626 Dalhin mo ako sa kaniya. 97 00:12:12,501 --> 00:12:16,709 Aking kinatakutan ang nasa loob ko, ang nasa ilalim ng aking balat. 98 00:12:17,334 --> 00:12:18,709 At iyon ay aking pinigilan. 99 00:12:19,959 --> 00:12:21,668 Ngunit may lumang kasabihan, 100 00:12:21,668 --> 00:12:24,626 "Kung may nakikita kang tainga ng lobo... 101 00:12:30,043 --> 00:12:31,584 asahan mong iyon ay lobo." 102 00:13:58,793 --> 00:14:02,751 Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Sabihin mo man lamang ang dahilan. 103 00:14:05,834 --> 00:14:09,418 Isa sa aking mga anak na babae ang nakatakdang mamatay, 104 00:14:10,168 --> 00:14:13,084 papaslangin ng anak ni Odin. 105 00:14:16,709 --> 00:14:19,084 At hindi matutuloy iyon kung mapapaslang ko si Thor. 106 00:14:22,793 --> 00:14:24,876 Iyong inaalagaan ang iyong pamilya. 107 00:14:26,293 --> 00:14:28,751 Ninakawan nila ng kalayaan ang aking mga anak. 108 00:14:29,876 --> 00:14:32,501 Buong buhay ko ang aking inilaan dito. 109 00:14:33,459 --> 00:14:35,459 Hangad kong sila'y makalaya. 110 00:14:39,751 --> 00:14:42,543 {\an8}Maaari mo namang gilitan ng leeg si Thor habang siya'y tulog. 111 00:14:42,543 --> 00:14:44,918 Higit pa riyan ang dapat kong gawin. 112 00:14:45,751 --> 00:14:48,418 Hindi bibigyang-pansin ang patayan ng mga diyos. 113 00:14:48,418 --> 00:14:51,084 Malamang sa malamang ay walang magbabago. 114 00:14:51,959 --> 00:14:55,084 Subalit kung isang mortal ang gumawa? 115 00:14:55,876 --> 00:14:59,126 Nakasisira iyon ng tuktok. 116 00:14:59,126 --> 00:15:01,043 Ang ganoong kahibangan... 117 00:15:02,793 --> 00:15:04,834 ang babago sa daigdig. 118 00:15:18,084 --> 00:15:21,126 Ibigay mo na ang aking nais, Seid-Kona! 119 00:15:21,751 --> 00:15:24,709 Katulad ng aking sinabi, iyon ay may kapalit. 120 00:15:27,459 --> 00:15:28,584 Hindi! 121 00:15:33,293 --> 00:15:35,793 Itong uwak na aking pinatay ay tinatawag na Alaala, 122 00:15:35,793 --> 00:15:38,668 at ito ang iyong magiging alay. 123 00:15:38,668 --> 00:15:43,584 Hindi mo na mababalikan ang nakaraan. Iyon ang kapalit ng pagtanaw sa hinaharap! 124 00:15:43,584 --> 00:15:44,793 Hindi! 125 00:16:55,293 --> 00:16:56,126 Hindi. 126 00:17:47,876 --> 00:17:49,793 Ngayong araw magsisimula ang iyong nakita. 127 00:17:52,751 --> 00:17:56,709 Ika'y hindi na sasambahin o mamahalin. 128 00:18:51,418 --> 00:18:52,293 Aking nakita... 129 00:18:53,793 --> 00:18:54,751 ang araw na ito. 130 00:18:56,084 --> 00:18:57,168 Aking nakita... 131 00:18:58,001 --> 00:18:58,876 ang katapusan. 132 00:19:00,251 --> 00:19:03,168 Napakarami kong hindi naaalala. 133 00:19:28,918 --> 00:19:29,918 Aile! 134 00:19:33,459 --> 00:19:34,418 Egill. 135 00:19:35,501 --> 00:19:37,918 Hanggang dito na lamang... 136 00:19:39,376 --> 00:19:40,543 ang aking nakita. 137 00:19:41,043 --> 00:19:42,376 Ako dapat. 138 00:19:43,251 --> 00:19:45,334 Sinabi mong ako ang mamamatay. 139 00:19:45,334 --> 00:19:46,251 Hindi ikaw. 140 00:19:47,084 --> 00:19:48,334 Hindi mo sinabing ikaw. 141 00:20:31,251 --> 00:20:33,668 Nakilala na kita, hindi ba? 142 00:20:37,001 --> 00:20:38,626 Ang pangalan mo'y Egill. 143 00:20:39,209 --> 00:20:41,043 Egill Isang-Kamay. 144 00:20:43,001 --> 00:20:43,918 Aile. 145 00:21:12,251 --> 00:21:13,168 Lumuluha... 146 00:21:14,793 --> 00:21:17,209 Heto na ang iyong baboy-ramo. 147 00:21:21,251 --> 00:21:23,043 Masdan mo ang idinulot mong pagkawasak. 148 00:21:23,626 --> 00:21:25,584 Bago matapos ang araw na ito, 149 00:21:26,293 --> 00:21:29,168 papupulahin ng iyong dugo ang dulo ng aking sibat. 150 00:21:29,168 --> 00:21:31,876 Pumapanig ka sa sinungaling na diyos. 151 00:21:33,668 --> 00:21:35,834 Nakipagtutulungan sa nagtaksil sa akin. 152 00:21:37,793 --> 00:21:39,084 Ang iyong paniniwala... 153 00:21:40,418 --> 00:21:42,376 pinagmumukha kang hangal niyon. 154 00:22:46,709 --> 00:22:49,418 Pinuntahan mo ako. Pagkatapos ng lahat. 155 00:22:53,084 --> 00:22:54,501 Walang pagkatapos. 156 00:22:55,209 --> 00:22:56,709 Wala kung tayong dalawa. 157 00:22:58,959 --> 00:23:00,793 Ngayo'y maghiganti ka na. 158 00:23:02,459 --> 00:23:05,043 Kahit si Loki'y higit pa riyan ang ipinaglalaban. 159 00:23:05,709 --> 00:23:07,501 Ginagawa niya ito para sa mga buhay. 160 00:23:08,668 --> 00:23:10,459 Ako naman, para sa mga patay. 161 00:23:11,709 --> 00:23:13,918 Dalawa ang magiging silbi ng kaniyang kamatayan. 162 00:25:48,584 --> 00:25:50,418 Hindi! 163 00:26:06,251 --> 00:26:07,793 Sigrid... 164 00:26:08,793 --> 00:26:10,043 Huwag kang magluksa. 165 00:26:13,918 --> 00:26:18,251 Tutungo ako sa pook kung saan umuulan ng mead mula sa barakilan. 166 00:26:20,501 --> 00:26:23,543 Kung saan busog ang bawat tiyan. 167 00:26:28,293 --> 00:26:32,834 Ipagtabi mo ako ng upuan sa inuman ng alak, matalik kong kakalasag. 168 00:26:54,751 --> 00:26:56,793 Halikayo! Kayo'y aking ihahatid. 169 00:26:56,793 --> 00:26:58,709 Ano ang nangyari sa kaniya? 170 00:26:58,709 --> 00:27:00,543 Nakikita niya ako, ngunit... 171 00:27:00,543 --> 00:27:02,709 Isa na siyang bagong diyosa. 172 00:27:04,251 --> 00:27:07,876 Taglay niya ang aking kakayahang makita ang hinaharap at ang alaala ni Odin. 173 00:27:09,751 --> 00:27:11,959 Siya'y magkahalong Vanir at Aesir. 174 00:27:13,418 --> 00:27:14,668 Magsisimula uli kami... 175 00:27:15,626 --> 00:27:16,793 kung kinakailangan. 176 00:27:21,418 --> 00:27:22,251 Heto na siya. 177 00:27:24,668 --> 00:27:25,584 Heto na siya. 178 00:27:28,459 --> 00:27:29,751 Ano ang ginagawa ninyo? 179 00:27:30,918 --> 00:27:32,376 Kailangan ninyo siyang kunin. 180 00:27:37,959 --> 00:27:39,376 Nasawi siya sa labanan! 181 00:27:41,001 --> 00:27:43,918 Karapatan niya iyon! Kailangan ninyo siyang kunin! 182 00:27:45,918 --> 00:27:46,751 Ikaw... 183 00:27:48,793 --> 00:27:50,334 Kunin mo siya. 184 00:27:51,126 --> 00:27:52,084 Pakiusap. 185 00:27:54,209 --> 00:27:55,543 Pakiusap. 186 00:27:57,543 --> 00:27:58,751 Pakiusap. 187 00:28:14,001 --> 00:28:15,084 Hindi. 188 00:28:15,876 --> 00:28:16,751 Huwag. 189 00:28:17,543 --> 00:28:18,626 Hindi, hindi ikaw. 190 00:28:20,043 --> 00:28:21,168 Hindi ikaw! 191 00:28:22,918 --> 00:28:26,668 Dahil sa kaniyang isinumpang sandata'y hindi siya makapapasok sa kalangitan. 192 00:28:26,668 --> 00:28:29,626 May ibang kahahantungan ang paggamit ng Sungay ng Usa. 193 00:28:29,626 --> 00:28:32,501 Nasa Valhalla ang mga anak ni Hervor. 194 00:28:33,793 --> 00:28:36,209 Ibig niyang mabuo ang kaniyang pamilya. 195 00:28:37,501 --> 00:28:40,584 Ang Valhalla'y hindi gantimpala sa mga bayani. 196 00:28:41,709 --> 00:28:44,501 Kumukuha si Odin ng mga kaluluwa upang gawing kawal. 197 00:28:45,501 --> 00:28:49,168 Pinupuno niya ang kaniyang sibat-gubat ng malakas na hukbo. 198 00:28:51,418 --> 00:28:53,376 Tulungan mo siyang makatawid. 199 00:28:54,334 --> 00:28:56,293 Isara mo ang kaniyang mga mata. 200 00:28:56,876 --> 00:28:58,918 Hayaan mo na siyang lumisan. 201 00:28:59,918 --> 00:29:03,543 Katapusan na ng kaniyang paglilingkod sa mga diyos na walang utang na loob. 202 00:29:09,668 --> 00:29:13,376 Sa Hel, si Hervor ay magiging malaya. 203 00:29:34,043 --> 00:29:35,959 Si Odin ay digmaan. 204 00:29:36,626 --> 00:29:38,001 At siya'y kaalaman din. 205 00:29:38,668 --> 00:29:40,709 Bakit niya nanaising mamatay ang babae? 206 00:29:41,751 --> 00:29:44,876 Masasagot niya mismo iyan kung aalis siya sa kaniyang tore. 207 00:29:44,876 --> 00:29:47,209 Wala siyang karangalang dala-dala 208 00:29:47,209 --> 00:29:49,793 maliban na lamang kung gagawin mo siyang bayani. 209 00:29:51,793 --> 00:29:55,084 Totoo ang iyong sinabi, at ika'y aking pagkatitiwalaan. 210 00:29:55,793 --> 00:29:59,001 Sandraudiga, ika'y aking tinatawag. 211 00:30:13,543 --> 00:30:15,334 Hinangad mo ang aking pagkasawi. 212 00:30:15,334 --> 00:30:17,126 At nauwi iyon sa iyong pagsuko. 213 00:30:18,668 --> 00:30:21,043 Kung puting kalasag ang iyong ipakikita, 214 00:30:21,918 --> 00:30:24,751 tatanggapin ng buong Asgard ang iyong pagsuko. 215 00:30:26,543 --> 00:30:29,793 Gagabayan kita sa landas ng mga talunan. 216 00:30:30,418 --> 00:30:32,709 Ngunit makapaglalakad kang pauwi nang kasama ako. 217 00:30:37,168 --> 00:30:39,584 Isa lamang ang aking hinihingi. 218 00:30:41,543 --> 00:30:43,459 Ibigay mo sa akin ang tunay mong pangalan. 219 00:30:54,043 --> 00:30:56,501 Inakala kong paghihiganti lamang ang aking hangad. 220 00:30:57,793 --> 00:31:00,918 Ngunit higit pa riyon ang aking nais. 221 00:31:03,168 --> 00:31:06,668 Ang hangad ko'y isang daigdig na wala ang iyong kauri, 222 00:31:07,584 --> 00:31:09,043 isang mas magandang kinabukasan, 223 00:31:09,626 --> 00:31:11,918 kahit pa hindi ko na iyon maranasan. 224 00:31:12,834 --> 00:31:15,334 Hinihingi mo ang aking pangalan? 225 00:31:15,334 --> 00:31:18,418 Marami nang naging bansag sa akin. 226 00:31:18,418 --> 00:31:22,084 Ako ang Lumuluha at ang Duguang Kasintahan. 227 00:31:23,293 --> 00:31:27,293 Ako ang may-ari ng Sungay ng Usa at ang pumaslang kay Hoenir. 228 00:31:28,376 --> 00:31:30,876 Ako ang anak ni Haring Glaumar. 229 00:31:31,668 --> 00:31:34,959 Ako ang huling higante ng Bukas na Palad. 230 00:31:35,834 --> 00:31:37,501 Noong araw ng aking kasal, 231 00:31:38,084 --> 00:31:43,668 iyong pinaslang ang aking pamilya kahit pa nagtaas sila ng puting kalasag! 232 00:31:43,668 --> 00:31:45,959 Pagsuko ang iyong alok? 233 00:31:46,584 --> 00:31:49,418 Heto ang aking sagot! 234 00:31:58,376 --> 00:32:00,584 Ang pangalan ko'y Sigrid. 235 00:32:02,168 --> 00:32:08,168 At wala akong kinatatakutang mga diyos! 236 00:32:18,834 --> 00:32:22,084 Nagsinungaling ka sa akin upang mabuhay siya? 237 00:32:59,418 --> 00:33:00,418 Hindi. 238 00:33:02,626 --> 00:33:05,334 Halika, Hödr! Tulungan mo ako sa kaniya! 239 00:33:16,418 --> 00:33:18,751 Bugto ang tumapos ng kaniyang buhay! 240 00:34:19,501 --> 00:34:22,668 Saan siya dinala ni Freya? Nasaan si Thor? 241 00:34:23,543 --> 00:34:25,709 Dinala niya sa pitagang Valhalla. 242 00:34:26,584 --> 00:34:29,001 Subalit iyon ay makabubuti sa iyo, Duguang Kasintahan. 243 00:34:35,876 --> 00:34:38,501 May isa ka pang pagkakataon na masibat siya. 244 00:34:39,418 --> 00:34:42,501 Sinunog mo ang daigdig upang mapasok ang Asgard. 245 00:34:46,043 --> 00:34:49,043 Ang pagpasok sa Valhalla'y mas madali. 246 00:34:50,501 --> 00:34:53,501 Kailangan mo lamang masawi sa pook ng labanan. 247 00:34:54,043 --> 00:34:55,043 Sigrid. 248 00:34:55,709 --> 00:34:57,168 Sigrid! 249 00:35:03,918 --> 00:35:07,334 Maging alamat ka, munting higante. 250 00:35:18,168 --> 00:35:20,793 Sigrid. Sigrid! 251 00:35:21,668 --> 00:35:23,126 Sigrid! 252 00:35:24,584 --> 00:35:25,418 Sigrid! 253 00:36:22,876 --> 00:36:24,209 - Oo! - Tama na iyang nainom mo. 254 00:36:24,209 --> 00:36:26,084 - Oo. - Nahuli na kita. 255 00:36:26,084 --> 00:36:27,043 Sino ang susunod? 256 00:36:30,959 --> 00:36:32,834 Basa ka, babae. 257 00:36:35,209 --> 00:36:38,209 Alam nila ang tungkol sa iyo, ngunit walang nagsabi sa akin. 258 00:36:38,209 --> 00:36:41,209 Itinuring nila akong sanggol nang labag sa aking kalooban. 259 00:36:42,626 --> 00:36:45,251 Tayo'y pinaglaruan at dinala kung saan-saan 260 00:36:46,043 --> 00:36:48,626 ng mga hangin at ng hangad ng iba. 261 00:36:49,668 --> 00:36:53,043 Ngunit ngayon, nasa iisang pook na tayo. 262 00:36:55,834 --> 00:36:58,001 At ngayo'y magsisimula... 263 00:37:00,834 --> 00:37:02,751 ang Awit tungkol kay Sigrid. 264 00:39:36,834 --> 00:39:41,834 Nagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso