1 00:00:12,421 --> 00:00:18,421 KABANATA 4 PAPUTOK 2 00:00:20,821 --> 00:00:26,541 SA ISANG LUGAR SA KARAGATANG PASIPIKO 3 00:00:33,341 --> 00:00:35,341 Hindi ko maintindihan. 4 00:00:35,421 --> 00:00:39,741 Tory, gusto kong klaruhin na hindi ako palaging natutuwa kapag tama ako. 5 00:00:39,781 --> 00:00:43,461 Walang darating na barko, at sinabi ko nang tama ako. 6 00:00:43,901 --> 00:00:45,741 Pero tama ang mga kalkulasyon ko! 7 00:00:46,061 --> 00:00:48,821 Dapat mayroon nang kahit dalawang bangka. 8 00:00:48,901 --> 00:00:53,141 Hindi. Puro kabaliwang guhit ang mga kalkulasyon mo. 9 00:00:53,221 --> 00:00:56,701 Walang darating na bangka at ngayon naipit tayo rito, 10 00:00:56,781 --> 00:00:58,861 ikaw, ako at si Clarkson, 11 00:00:58,941 --> 00:01:03,341 na walang pagkain, tubig, walang layag, 12 00:01:03,421 --> 00:01:05,821 walang panggatong, at walang pagasa. 13 00:01:09,861 --> 00:01:12,701 Ang totoo ay, mamamatay na tayo. 14 00:01:42,741 --> 00:01:43,581 Tama! 15 00:01:50,901 --> 00:01:51,981 Ano'ng ginagawa mo? 16 00:01:52,061 --> 00:01:56,021 Kokontrolin ko ang sitwasyon at ang tadhana natin. 17 00:01:56,101 --> 00:01:57,621 sa pagbaklas ng balsa? 18 00:01:57,701 --> 00:02:01,941 Maraming bahagi itong balsa na maaaring sunugin 19 00:02:02,021 --> 00:02:04,141 at gamiting panggatong para makabalik. 20 00:02:04,221 --> 00:02:06,821 Tingnan mo kung sino ang nabaliw na ngayon. 21 00:02:06,901 --> 00:02:09,141 Lahat kabaliwan. Puwedeng sunugin lahat ito. 22 00:02:09,221 --> 00:02:11,341 Tama, isunod natin si Clarkson. 23 00:02:11,421 --> 00:02:12,901 Hindi. Kahoy lang. 24 00:02:13,821 --> 00:02:14,981 O ayan. 25 00:02:16,821 --> 00:02:19,581 Naisip ko na kung magagawa nating, ewan ko, 26 00:02:20,261 --> 00:02:22,901 isang kilometro kada oras, makakabalik tayo. 27 00:02:24,741 --> 00:02:28,581 Kahit pa mapagana natin ito, paano natin mahahanap ang daan pabalik? 28 00:02:28,621 --> 00:02:33,101 Nataon lang, may mapa akong iginuhit habang papaalis tayo. 29 00:02:33,741 --> 00:02:35,821 Ito ang lokasyon natin, 2-9-0. 30 00:02:35,901 --> 00:02:39,381 Kailangan lang nating umikot ng 180 degrees sa kabilang direksyon, 31 00:02:39,461 --> 00:02:41,981 kaya, ibawas ang 180 sa 290 at ano ang sagot? 32 00:02:42,061 --> 00:02:42,901 110. 33 00:02:43,021 --> 00:02:46,421 Tama! Na maaari kong sukatin sa aking telepono, at ligtas na tayo! 34 00:02:46,461 --> 00:02:48,581 Sunugin ang lahat ng puwede sa balsa. 35 00:02:48,621 --> 00:02:51,901 Sige na, kahit anong mahanap mo, pati na bahagi ng sarili mo. 36 00:02:51,981 --> 00:02:53,021 Kailangan ito. 37 00:03:05,941 --> 00:03:07,341 Sige, heto na tayo. 38 00:03:22,141 --> 00:03:28,021 Tama, delikadong istratehiya ang pagsunog sa bangka para makabalik sa isla. 39 00:03:28,661 --> 00:03:31,061 Pero, mas pinapalad ang mga matatapang. 40 00:03:31,421 --> 00:03:32,701 O ang hangal. 41 00:03:33,261 --> 00:03:34,741 Tingnan mo, nakarating kami. 42 00:03:35,261 --> 00:03:36,461 Halos. 43 00:03:48,981 --> 00:03:51,901 Hindi! naubusan ulit tayo ng kahoy. 44 00:03:51,981 --> 00:03:53,941 -Ang lapit na sana! -Alam ko! 45 00:03:57,061 --> 00:03:59,741 Ayun na nga, naubusan kami ng susunugin sa bangka. 46 00:03:59,821 --> 00:04:02,061 Iyan ang unang mali sa plano ni Richard. 47 00:04:02,581 --> 00:04:04,381 Tapos nakita namin ang pangalawa. 48 00:04:05,421 --> 00:04:07,581 Richard, lumulubog na ito. 49 00:04:08,301 --> 00:04:11,461 -O hindi. -Tory, medyo mabilis ang paglubog natin. 50 00:04:18,541 --> 00:04:19,981 Masamang ideya iyan. 51 00:04:21,061 --> 00:04:23,501 -Tingin ko dapat na tayong umalis! -Ay, naku! 52 00:04:23,581 --> 00:04:26,261 O, hindi! Iligtas mo ako, Clarkson! 53 00:04:33,821 --> 00:04:34,701 Wala na! 54 00:04:36,941 --> 00:04:38,381 Wala na nga! 55 00:04:42,661 --> 00:04:45,061 Richard! Richard, ayos ka lang ba? 56 00:04:45,141 --> 00:04:45,941 Oo. 57 00:04:48,141 --> 00:04:49,261 Para akong nawasak. 58 00:04:49,941 --> 00:04:52,381 Iyon ang pinakamahusay na paraan sa pagalis. 59 00:04:52,901 --> 00:04:54,341 Ang sakit lang sa dibdib. 60 00:05:21,941 --> 00:05:24,741 Huwag kayong magalala, nakaligtas kami. Halata naman. 61 00:05:24,821 --> 00:05:27,341 Paano naman iyong isa? Si Se単or... 62 00:05:29,381 --> 00:05:30,221 Clarkson? 63 00:05:30,261 --> 00:05:31,941 Sabi nga nila. 64 00:05:32,061 --> 00:05:33,701 Walang iwanan. 65 00:05:34,181 --> 00:05:35,941 Kahit pa si Clarkson. 66 00:05:41,141 --> 00:05:44,941 O, Clarkson! Clarkson! 67 00:06:07,541 --> 00:06:11,781 MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO... 68 00:06:27,581 --> 00:06:29,101 Alam mo ba 69 00:06:29,181 --> 00:06:33,981 na kailangan ng isang 85 kilong tao ng 65 gramong protina kada araw? 70 00:06:34,661 --> 00:06:38,301 At ang isang maya-maya ay may 100 gramong protina, 71 00:06:38,381 --> 00:06:42,501 kaya, kailangan lang nating manghuli ng 10 isda kada linggo para mabuhay. 72 00:06:42,581 --> 00:06:45,021 10 lang? Iyon lang? 73 00:06:45,101 --> 00:06:46,341 Nang-aasar ka ba? 74 00:06:46,421 --> 00:06:50,141 Hindi, mahilig akong mangisda. Ako lang ang mag-isang gumagawa. 75 00:06:50,221 --> 00:06:52,901 Mangingisda ka lang naman. Kalma! 76 00:06:53,261 --> 00:06:56,901 Salamat, kasi napapagod ako, pero ngayong sinabi mong "kalma", 77 00:06:56,981 --> 00:06:58,221 kalmado na ako. 78 00:06:58,301 --> 00:07:00,341 Bakit hindi ikaw ang mangisda? 79 00:07:00,901 --> 00:07:03,061 O heto. Subukan mo. 80 00:07:03,341 --> 00:07:04,181 Magsaya ka. 81 00:07:04,261 --> 00:07:07,981 Mukhang may isa rito na masama ang gising, Clarkson. 82 00:07:26,701 --> 00:07:29,781 Malaki ang epekto sa akin ng paglubog ng bapor namin. 83 00:07:29,861 --> 00:07:32,741 Namimis ko ang bahay. Namimis ko ang pamilya ko. 84 00:07:32,821 --> 00:07:33,821 Desperado ako. 85 00:07:34,301 --> 00:07:37,941 Kailangan kong makaisip ng paraan para malaman nila kung nasaan kami. 86 00:07:38,541 --> 00:07:41,581 At hindi sa pamamagitan ng paglagay ng mensahe sa bote. 87 00:07:50,621 --> 00:07:54,141 Anong gagawin natin, Clarkson? Halatang nahihirapan siya. 88 00:07:55,061 --> 00:07:57,021 At naaapektuhan ang paligid. 89 00:07:57,101 --> 00:07:59,141 Kailangan ko siyang pasayahin. 90 00:08:00,621 --> 00:08:01,701 Sandali lang. 91 00:08:01,781 --> 00:08:04,341 Malapit na ang Ikaapat ng Hulyo. 92 00:08:04,421 --> 00:08:06,661 Gustung-gusto ng mga Amerikano iyon. 93 00:08:06,741 --> 00:08:08,981 Iyon na ang solusyon. Mahusay! 94 00:08:09,061 --> 00:08:10,261 Salamat, Clarkson. 95 00:08:15,661 --> 00:08:16,621 Ganda ng kulay mo. 96 00:08:17,661 --> 00:08:19,341 Kumusta. Si Richard Hammond ito, 97 00:08:19,421 --> 00:08:22,021 narito pa rin sa isang isla dito sa Pasipiko, 98 00:08:22,101 --> 00:08:26,141 kasama ang kaibigan kong napadpad rito, si Tory Belleci, na miserable ngayon. 99 00:08:26,221 --> 00:08:28,701 Malungkot siya. Naaapektuhan na siya ng pag-iisa. 100 00:08:28,781 --> 00:08:30,461 Kaya, pasasayahin ko siya. 101 00:08:30,541 --> 00:08:32,621 Wala ka namang ibang inaasahan, tama? 102 00:08:32,701 --> 00:08:37,061 Ang gagawin ko, ipaghahanda ko siya ng kasiyahan para sa Ikaapat ng Hulyo. 103 00:08:37,141 --> 00:08:38,981 Gusto talaga ng mga Amerikano iyon. 104 00:08:39,061 --> 00:08:41,341 Kanina pa siya dumadaing sa pangingisda, 105 00:08:41,421 --> 00:08:44,261 kaya, igagawa ko siya... Isang maliit na modelo ito. 106 00:08:44,341 --> 00:08:48,221 Igagawa ko siya ng malaking bersyon, isang awtomatikong pangisda. 107 00:08:48,301 --> 00:08:49,861 Ako naman sa susunod Kapitan... 108 00:08:51,261 --> 00:08:53,661 Ang ganda ng pagka-tan. Ayos. 109 00:08:56,061 --> 00:09:00,381 Se単or Hammond, anong kinalaman ng pangingisda sa Ikaapat ng Hulyo? 110 00:09:00,901 --> 00:09:02,061 Isdang burger. 111 00:09:03,901 --> 00:09:06,781 Dapat may burger sa bawat party sa Ikaapat ng Hulyo, tama? 112 00:09:06,901 --> 00:09:10,221 Pero walang nagbebenta ng karne sa isla. Nagtingin ako. 113 00:09:10,301 --> 00:09:13,061 Kaya, nagpasya ako na gumawa na lang ng isdang burger. 114 00:09:13,141 --> 00:09:15,781 Na kakailanganin ng maraming isda. 115 00:09:15,861 --> 00:09:18,301 Kaya, palihim akong gumagawa 116 00:09:18,381 --> 00:09:21,061 ng isa na namang mahusay at kakaibang imbensyon. 117 00:09:48,981 --> 00:09:50,181 Ano ang ginagawa mo? 118 00:09:50,261 --> 00:09:53,101 Gumagawa ako ng awtomatikong pangisda para sa iyo. 119 00:09:53,181 --> 00:09:56,781 -Para ba riyan iyong mga iyon? -Para mas gumaan ang buhay mo. 120 00:09:56,901 --> 00:09:58,381 Ipaliliwanag ko sa iyo. 121 00:09:58,461 --> 00:10:02,541 Mayroon tayo ng sa tingin ko ay ang unang pinapatakbo ng lagumba, 122 00:10:02,621 --> 00:10:04,141 Doble-bobina, de pain, 123 00:10:04,221 --> 00:10:07,101 walang katapusang pamingwit, na awtomatikong pangisda. 124 00:10:07,181 --> 00:10:09,901 -Paano gumagana ito? -Kumuha ka ng tali sa lagumba 125 00:10:09,981 --> 00:10:12,621 na dadaan sa bobina, iyan ang driveline. 126 00:10:12,661 --> 00:10:14,621 Na magpapagana sa ikalawang bobina, 127 00:10:14,661 --> 00:10:16,861 na magpapatakbo sa ating pamingwit 128 00:10:16,901 --> 00:10:20,741 kaya patuloy lang ito sa pag-andar, pagdala ng pain, pagikot. Isda... 129 00:10:20,781 --> 00:10:23,141 -Ginawa mo lahat ito para sa'kin? -Para sa'yo. 130 00:10:23,221 --> 00:10:26,661 -Maalalahanin ka pala. -Mabait lang ako. Ngayon tulungan mo ako. 131 00:10:26,781 --> 00:10:28,661 -Maaari mo bang hawakan iyan? -Sige. 132 00:10:28,781 --> 00:10:31,341 Itatali ko ito doon sa mga gulong. 133 00:10:31,421 --> 00:10:32,301 -Ayos ba? -Sige. 134 00:10:32,381 --> 00:10:34,661 -Magiging maganda ito. -Kahanga-hanga ito. 135 00:10:34,781 --> 00:10:37,061 Kahanga-hanga ito. Sabi ko, "kahanga-hanga." 136 00:10:37,141 --> 00:10:39,781 -Kahanga-hanga. -Hindi ako magiging Amerikano paguwi. 137 00:10:39,901 --> 00:10:40,981 Mag-ingat ka. 138 00:10:45,461 --> 00:10:46,421 Ayos ka lang ba? 139 00:10:46,501 --> 00:10:47,341 Oo! 140 00:10:48,781 --> 00:10:50,901 Hindi ko rin naman kailangan ang mga ito! 141 00:10:51,021 --> 00:10:52,181 May punto ka. 142 00:10:53,901 --> 00:10:56,781 Ito ang mas maliit na makinang panghatak 143 00:10:56,861 --> 00:10:59,381 na magsisilbing pang-igting. 144 00:10:59,461 --> 00:11:02,221 Pakuha nga ng dulo? Basta... 145 00:11:02,301 --> 00:11:03,701 Ayan. Nakuha ko na. 146 00:11:03,781 --> 00:11:05,621 Ayos. Ngayon, itali mo iyan. 147 00:11:05,701 --> 00:11:08,741 -Pag-iigtingin natin iyan. -Oo. Tama. 148 00:11:09,101 --> 00:11:12,341 Dapat nating kontrahin dito ang tinatawag na catenary effect. 149 00:11:12,421 --> 00:11:15,781 Kasi ito ang mismong bigat ng lubid, lalawlaw ito, 150 00:11:15,861 --> 00:11:18,741 dahil sa grabidad na umeepekto sa mas mahabang lubid. 151 00:11:18,821 --> 00:11:21,381 Mas maraming lubid, mas malakas ang grabidad. 152 00:11:21,461 --> 00:11:22,941 Tama. Iyan ay... 153 00:11:24,861 --> 00:11:28,581 mapupunta sa ilalim para manatiling maigting, at para hindi lumawlaw. 154 00:11:28,661 --> 00:11:31,421 -Sige. -Ngayon, itong lahat ang pain natin. 155 00:11:36,021 --> 00:11:37,461 Alam kong alam mo na, 156 00:11:37,541 --> 00:11:41,301 pero naisaalang-alang mo naman ang pagtaas ng tubig sa paggawa nito, tama? 157 00:11:41,381 --> 00:11:43,461 Tama, mababa pa ang tubig ngayon. 158 00:11:43,541 --> 00:11:46,021 Kapag tumaas na ang tubig, lulubog ito. 159 00:11:49,101 --> 00:11:51,061 Bilisan natin. Tataas na ang tubig. 160 00:12:01,981 --> 00:12:05,981 Magugustuhan mo ito kasi mukhang simple lang pero maganda ito. 161 00:12:06,061 --> 00:12:08,741 -Naging abala ka. -Para buksan, kailangan ng clutch. 162 00:12:08,821 --> 00:12:12,421 Hindi puwedeng iwan lang ito ng nakabukas, mauubos ang isda sa dagat. 163 00:12:12,501 --> 00:12:13,861 Sa ngayon, nakapatay ito. 164 00:12:13,941 --> 00:12:16,981 Makikita mo ang output shaft sa labas ng lagumba. 165 00:12:17,061 --> 00:12:20,821 May nakalabas na kunsi, iyan ang dog clutch. 166 00:12:20,901 --> 00:12:23,501 May isang baras sa loob ng bobina na may puwang. 167 00:12:23,581 --> 00:12:26,661 Kapag kumaliwa ang bobina, tatapat ang puwang sa klats, 168 00:12:26,741 --> 00:12:28,901 iikot ito, at magkasama itong masasara. 169 00:12:28,981 --> 00:12:31,821 Ito ang perkpetong clutch para rito. Maraming salamat po. 170 00:12:31,901 --> 00:12:33,981 -Paano buksan? -Hilahin mo ang pingga. 171 00:12:34,061 --> 00:12:35,421 Iyon lang ang kailangan ko. 172 00:12:35,501 --> 00:12:37,941 Naisip kong magka-interes ka, mahusay ito. 173 00:12:38,021 --> 00:12:39,541 Hihilain ko lang itong pingga? 174 00:12:39,621 --> 00:12:40,701 Isa itong pingga. 175 00:12:40,781 --> 00:12:43,581 -Sige. -Hilahin mo at mararamdaman ang puwersa. 176 00:12:45,061 --> 00:12:46,021 Mayroon nga. 177 00:12:48,181 --> 00:12:49,181 Tingnan mo! 178 00:12:49,261 --> 00:12:51,181 -Astig naman! -Gumagana. 179 00:12:52,741 --> 00:12:54,621 Isang kasiya-siyang kalampag. 180 00:12:54,701 --> 00:12:55,661 Ang astig nito. 181 00:12:55,741 --> 00:12:58,101 Ngayon umaandar na, nangingisda na tayo. 182 00:13:14,061 --> 00:13:15,901 -Sandali. -Nakakahuli na ng isda. 183 00:13:15,981 --> 00:13:17,461 Gumagana! Agad-agad! 184 00:13:23,541 --> 00:13:24,701 Mahusay! 185 00:13:24,781 --> 00:13:25,861 Ang daming nahuhuli! 186 00:13:27,061 --> 00:13:28,981 Hindi mo na kailangang mangisda ulit. 187 00:13:30,741 --> 00:13:32,581 Mahusay. Magaling. 188 00:13:32,661 --> 00:13:35,581 -Malaki ang matitipid sa oras natin. -Oo nga. 189 00:13:35,661 --> 00:13:38,821 Maaari tayong makapag-isip ng ibang paraan para makaalis rito. 190 00:13:38,901 --> 00:13:44,181 Puwede, o maaari rin tayong mag-imbento ng mga laro, o magpahinga sa ngayon. 191 00:13:48,101 --> 00:13:51,661 Lilinawin ko lang, hindi ako nagpapahinga. 192 00:13:51,741 --> 00:13:55,101 Nag-iisip ako ng isa pang paraan para makaalis kami sa isla. 193 00:14:09,301 --> 00:14:11,861 Pare, may dalawang tanong ako. 194 00:14:12,621 --> 00:14:14,021 Una, anong ginagawa mo? 195 00:14:14,101 --> 00:14:17,901 At pangalawa, bakit amoy nakatiwangwang na kubeta rito? 196 00:14:17,981 --> 00:14:19,941 Kasi nangungulekta ako ng ihi. 197 00:14:20,021 --> 00:14:22,461 Kung gusto mong tumulong, kailangan ko pa. 198 00:14:22,541 --> 00:14:24,941 Hindi ako naiihi. Aanhin mo naman iyon? 199 00:14:25,021 --> 00:14:27,861 Gumagawa ako ng mga reaktibong kompuwesto. 200 00:14:27,941 --> 00:14:31,541 Sandali. gumagawa ka ba ng mga pampasabog? 201 00:14:31,621 --> 00:14:32,781 Posible. 202 00:14:33,381 --> 00:14:37,461 Ayos iyan! Iyan ang magiging panghatak sa Hammondland TV, kaibigan. 203 00:14:37,541 --> 00:14:39,101 Huminto ka. Mag-aayos lang ako. 204 00:14:39,181 --> 00:14:41,061 Ano naman ang Hammondland TV? 205 00:14:41,141 --> 00:14:42,821 Kailangan ko ito, sisikat iyan. 206 00:14:42,901 --> 00:14:45,581 Ano ang Hammondland TV? Wala namang ganoon. 207 00:14:45,661 --> 00:14:47,661 Ayun nga. Mahilig ako sa pampasabog. 208 00:14:47,741 --> 00:14:49,701 Pero kita naman sa palabas ko, tama? 209 00:14:50,741 --> 00:14:53,141 Hindi? Gayunpaman, 210 00:14:53,221 --> 00:14:56,741 Naisip ko na kung gagamitin ko ang kakayahan ko para gumawa ng pailaw. 211 00:14:56,821 --> 00:14:58,021 Kung sasapat ito, 212 00:14:58,101 --> 00:15:00,741 Maaari akong magpailaw gabi-gabi sa loob ng 2 buwan. 213 00:15:00,821 --> 00:15:02,701 Siguradong may makakakita sa atin. 214 00:15:02,781 --> 00:15:05,381 At si Se単or Hammond, tinulungan ka niya rito? 215 00:15:06,021 --> 00:15:08,181 Anong klaseng "tulong"? 216 00:15:08,261 --> 00:15:10,621 Tory! Tory, Tory. 217 00:15:11,701 --> 00:15:13,461 Maligayang pagdating sa pagsikat. 218 00:15:14,261 --> 00:15:18,101 -Ano iyan? -Ito ang aking kamerang pang telebisyon. 219 00:15:18,181 --> 00:15:21,621 Hirap na tayong mabuhay pero puro paggawa ng palabas ang iniisip mo? 220 00:15:21,701 --> 00:15:23,741 Ilagay na natin ang kamera. 221 00:15:24,341 --> 00:15:25,981 Nasisiraan ka na! 222 00:15:26,261 --> 00:15:28,901 Naghahanda na ako magpalabas. Antabay lang, studio. 223 00:15:28,981 --> 00:15:31,021 Palarin ka, gandahan natin ang palabas! 224 00:15:31,101 --> 00:15:34,061 Sabik na ako! Kumusta! Narito tayo sa Hammondland TV. 225 00:15:34,141 --> 00:15:37,901 Ako si Richard Hammond, kasama ko si Tory Belleci, na bihasa sa mga bomba, 226 00:15:37,981 --> 00:15:40,181 na tuturuan tayo kung paano magpasabog! 227 00:15:40,261 --> 00:15:42,261 Hindi, hindi tayo magpapasabog ngayon. 228 00:15:42,341 --> 00:15:44,381 Hinto. Simula uli. 229 00:15:45,541 --> 00:15:48,021 Ang gagawin natin ngayon ay paggawa ng pailaw. 230 00:15:48,101 --> 00:15:51,061 Lilipad ito, magbibigay ng malaki at maliwanag na ilaw. 231 00:15:51,141 --> 00:15:54,461 Usok, malakas na ingay, na tutulong sa atin para maligtas tayo. 232 00:15:54,541 --> 00:15:56,541 Bale, isang uri iyan ng pasabog? 233 00:15:56,621 --> 00:15:58,821 Oo. Medyo may kaunting pasabog, 234 00:15:58,901 --> 00:16:01,821 Pero hindi tayo gagawa ng bomba. 235 00:16:01,901 --> 00:16:03,501 Pailaw ang gagawin natin. 236 00:16:03,581 --> 00:16:05,421 -Malaking pasabog. -Distress flares. 237 00:16:13,901 --> 00:16:15,301 O sige. 238 00:16:15,381 --> 00:16:17,621 Nagiipon ako ng ihi 239 00:16:17,701 --> 00:16:20,501 kasi gumagawa ako nito. Hayaan mong ipakita ko sa'yo. 240 00:16:20,581 --> 00:16:23,781 Sa ilalim, ang ginawa ko ay, nangulekta ako ng... 241 00:16:23,861 --> 00:16:25,661 -Ang baho! -Oo. 242 00:16:26,901 --> 00:16:28,341 O, napakabaho! 243 00:16:28,421 --> 00:16:31,421 Kumuha ako ng dayami, ipot, 244 00:16:31,501 --> 00:16:34,461 at sinabuyan ko ng ihi natin. 245 00:16:34,541 --> 00:16:36,661 Alam kong nakakadiri pakinggan, 246 00:16:36,741 --> 00:16:39,661 pero matapos nitong matuyo, 247 00:16:39,741 --> 00:16:44,421 nakagawa tayo ng maliliit na butil ng potassium nitrate. 248 00:16:44,501 --> 00:16:47,061 Ipot, ihi natin... 249 00:16:47,141 --> 00:16:49,101 At dayami. at hinayaan mo lang diyan. 250 00:16:49,181 --> 00:16:51,981 -Kaya pala sobrang baho. -Mabaho talaga. 251 00:16:52,061 --> 00:16:55,261 Pero ngayon may mga butil na tayo ng potassium nitrate. 252 00:16:55,341 --> 00:16:58,141 Ito ang magiging oksidayser sa gasolina ng kwitis. 253 00:16:58,221 --> 00:17:01,661 Kailangan ng oxygen dahil ito ang magpapaliyab, tama? 254 00:17:01,741 --> 00:17:03,741 Mas maraming oxygen, mas magliliyab. 255 00:17:03,821 --> 00:17:06,261 -Sasabog kaya kung sisindihan ng palito? -Hindi. 256 00:17:06,341 --> 00:17:08,381 Pero kailangan dagdagan ng gasolina. 257 00:17:08,461 --> 00:17:12,061 Ang gawin mo ay kunin mo iyang tubo 258 00:17:12,101 --> 00:17:13,501 at ihampas mo sa bato. 259 00:17:13,581 --> 00:17:18,821 Kasi kapag nagdagdag tayo ng asukal sa potassium nitrate, 260 00:17:18,901 --> 00:17:21,781 doon ito magiging pabagu-bago. 261 00:17:22,501 --> 00:17:24,341 Gumagawa ba ako ngayon ng asukal? 262 00:17:26,301 --> 00:17:29,781 Lahat ng katas na lumalabas diyan, kapag natuyo na, 263 00:17:29,821 --> 00:17:32,101 ito ay nakagagawa ng mga butil ng asukal. 264 00:17:32,221 --> 00:17:33,901 At iyan ay, iyan ay... 265 00:17:34,581 --> 00:17:36,821 Mahusay ang ginagawa mo. Magaling. 266 00:17:36,941 --> 00:17:40,341 Ang husay niya, hindi ba? Hindi ako makapaniwala. Ang dedikasyon. 267 00:17:41,421 --> 00:17:44,181 Tama na. Tama na ito. Perpekto. Ayos. 268 00:17:44,261 --> 00:17:46,061 Nakaipon na ako ng katas ng tubo, 269 00:17:46,101 --> 00:17:49,101 natuyo na, at mayroon na tayong mga butil ng asukal. 270 00:17:49,221 --> 00:17:53,541 At ngayon, kailangan mong ilagay ang asukal dito 271 00:17:53,581 --> 00:17:56,941 at ihahalo natin ang potassium nitrate, dito 272 00:17:57,021 --> 00:17:59,821 at ngayon may gasolinang pangkwitis na tayo. 273 00:18:00,461 --> 00:18:02,341 -Nakasasabik, hindi ba? -Tama! 274 00:18:02,421 --> 00:18:05,741 Ayun na nga, nakagawa kami ng gasolina na pangkwitis. Madali lang. 275 00:18:05,821 --> 00:18:09,821 Pero nakakapagpalipad lang ng kwitis ang gasolina. 276 00:18:09,941 --> 00:18:13,501 Kung nais mong mapansin, kailangang sumabog ng mga kwitis. 277 00:18:13,581 --> 00:18:17,341 Mayroon ako ritong mga reaktibong metal. 278 00:18:17,421 --> 00:18:19,461 Ang maganda rito ay itong mga metal, 279 00:18:19,541 --> 00:18:21,981 iyong isa ay magbibigay ng maliwanag na ilaw, 280 00:18:22,061 --> 00:18:25,901 iyong isa ang magbibigay ng pulang ilaw, at isa na magbibigay ng usok. 281 00:18:25,981 --> 00:18:28,981 Sa ganoon, kapag lumipad ito, at sumabog, 282 00:18:29,061 --> 00:18:30,701 makakukuha ito ang atensyon. 283 00:18:31,581 --> 00:18:35,661 Kaya, ang tanong, at ang gusto nating malaman, ay ano itong mga metal na ito? 284 00:18:35,741 --> 00:18:38,021 Hindi ko puwedeng sabihin. Delikado iyon. 285 00:18:38,101 --> 00:18:42,061 Hindi natin puwedeng ipaalam kasi, mga kaibigan, ito ay... 286 00:18:42,101 --> 00:18:44,541 BAWAL 287 00:18:44,581 --> 00:18:46,541 'Di mo puwedeng malaman, sikreto ito. 288 00:18:46,581 --> 00:18:49,061 Sikretong bagay. Dito sa HLTV. 289 00:18:49,101 --> 00:18:50,901 Hindi, mapanganib talaga ito. 290 00:18:50,981 --> 00:18:55,701 Puwede tayong masabugan kapag nagkamali tayo ng paghalo. 291 00:18:55,781 --> 00:18:57,341 -Talaga? -Oo. 292 00:18:57,421 --> 00:18:59,941 -Talaga? -Kaya, dapat tayong... 293 00:19:00,021 --> 00:19:03,101 mag-pokus. Delikadong bagay ito. 294 00:19:03,181 --> 00:19:05,021 Sige. Tama. Tuloy lang. 295 00:19:05,101 --> 00:19:06,581 -Sige. -Ayokong masabugan. 296 00:19:14,661 --> 00:19:17,501 Kapag gumana ito, at nahalo natin ang mga kemikal, 297 00:19:17,581 --> 00:19:19,661 'pag sinindihan natin, dapat makita natin 298 00:19:19,741 --> 00:19:23,581 ang isang higanteng pula, maliwanag at mausok na bolang apoy. 299 00:19:23,701 --> 00:19:26,021 Magmumukha kang tanga kapag hindi ito gumana. 300 00:19:26,101 --> 00:19:27,821 -Handa ka na? -Oo. Isuot mo na. 301 00:19:28,661 --> 00:19:30,741 Sandali, gaano dapat ako kalayo? 302 00:19:31,701 --> 00:19:33,981 -Tatayo ako sa likod mo. -Heto na. 303 00:19:34,061 --> 00:19:35,461 Handa ka na? 304 00:19:37,021 --> 00:19:38,421 Wala akong makita. 305 00:19:52,821 --> 00:19:55,181 Iyan ay, masasabi kong, isang tagumpay. 306 00:19:55,261 --> 00:19:56,261 Tama. 307 00:19:57,821 --> 00:19:59,061 -Tama! -Ayos! 308 00:20:09,101 --> 00:20:13,261 Bale, gumawa ng gasolina at pampasabog. Ano na ang sunod? 309 00:20:13,341 --> 00:20:16,021 Ang susunod ay ang paggawa ng mga sampol na kwitis. 310 00:20:16,101 --> 00:20:19,941 Pero bago iyan, kailangan ko ng dagdag na potassium nitrate, na matagal gawin. 311 00:20:20,021 --> 00:20:22,341 Kaya, medyo nagpahinga muna kami. 312 00:20:34,941 --> 00:20:36,221 Diyos ko, mainit. 313 00:20:36,661 --> 00:20:38,821 -Oo nga. -Mas mainit ngayon kaysa kahapon. 314 00:20:38,941 --> 00:20:40,661 Oo, napansin ko iyan. 315 00:20:42,181 --> 00:20:43,581 -Tory? -Ano iyon? 316 00:20:43,661 --> 00:20:45,061 Bakit tayo pinagpapawisan? 317 00:20:45,101 --> 00:20:48,101 Kasi nawawalan tayo ng lamig sa katawan kapag kailangan 318 00:20:48,221 --> 00:20:49,261 dahil sa init. 319 00:20:49,781 --> 00:20:51,981 Para magpalamig? 320 00:20:52,061 --> 00:20:55,461 Kapag nahanginan ang pawis, 321 00:20:55,541 --> 00:20:57,101 mas presko sa pakiramdam mo. 322 00:20:57,221 --> 00:21:01,061 Dahil inaalis nito ang init. Tinatawag iyang evaporative cooling. 323 00:21:02,061 --> 00:21:05,421 Tama. Puro ganyan ang ginagawa ko ngayon. 324 00:21:05,501 --> 00:21:07,341 -Ako rin. -Matutuyuan na ako. 325 00:21:07,421 --> 00:21:09,421 -Oo nga. -Magiging parang bacon ako 326 00:21:09,501 --> 00:21:10,981 dito sa upuan. 327 00:21:13,341 --> 00:21:15,701 Ano ang nami-mis mo sa inyo ngayon? 328 00:21:17,461 --> 00:21:19,941 Alam mo na, mga mahal ko sa buhay. 329 00:21:20,021 --> 00:21:22,341 mga taong malalapit sa'yo, tingin ko. 330 00:21:22,461 --> 00:21:23,821 May iba ka pang namimis? 331 00:21:26,261 --> 00:21:29,061 Diyos ko, tulad ng isang malamig na serbesa. 332 00:21:29,101 --> 00:21:31,341 Gagawin ko lahat para sa malamig na serbesa. 333 00:21:31,821 --> 00:21:33,341 Sang-ayon ako riyan. 334 00:21:33,781 --> 00:21:35,941 Kaso, wala akong malamig na serbesa, 335 00:21:36,021 --> 00:21:38,581 pero mayroon akong gawa na Hammondland Hooch. 336 00:22:02,221 --> 00:22:04,741 Ay naku, huwag ka nang gumawa pa ng hooch. 337 00:22:04,821 --> 00:22:07,821 tinatapos ko lang lagyan ng wax na takip ang huling antigo. 338 00:22:07,901 --> 00:22:10,981 Iyong nakaraan, ay ang pinakamagandang gabing 'di ko maalala. 339 00:22:11,061 --> 00:22:14,581 Naisip ko lang kung masarap kaya iyan kung malamig? 340 00:22:14,661 --> 00:22:17,541 Iyon rin ang eksaktong iniisip ko ngayon. 341 00:22:17,621 --> 00:22:20,861 At sinagot mo ako noong napag-usapan natin ang pagpapawis. 342 00:22:20,941 --> 00:22:24,581 Pagsingaw. Iyon ang sagot, pagsingaw. 343 00:22:24,661 --> 00:22:26,741 Hindi, isipin mo ito, tama? 344 00:22:26,821 --> 00:22:29,061 Pinagpapawisan tayo para mawala ang init, 345 00:22:29,141 --> 00:22:33,181 kaya, lumalabas ang pawis sa balat bilang likido, 346 00:22:33,261 --> 00:22:37,381 at natutuyo ito, nagiging gas. Iyon ang pagsingaw. 347 00:22:37,461 --> 00:22:39,741 Ganoon din ang mangyayari sa bote ng hooch. 348 00:22:39,821 --> 00:22:44,421 Kung babasain ko ito sa labas, kapag sumingaw iyong tubig, 349 00:22:44,501 --> 00:22:47,901 ay magbabago mula likido sa gas at tatanggalin ang init sa bote. 350 00:22:47,981 --> 00:22:49,821 Sinusubukan mo ba iyang hooch? 351 00:22:49,901 --> 00:22:53,581 Maghintay ka lang, magandang ideya ito. Gagana ito, lalamig ang bote. 352 00:22:53,661 --> 00:22:55,821 Maaari mo iyang pasingawin ng ilang oras, 353 00:22:55,901 --> 00:22:57,981 pero ilang degrees lang ang ibababa nito. 354 00:22:58,621 --> 00:23:01,581 Posible ito, maliwanag? Sandali lang. 355 00:23:03,221 --> 00:23:04,821 Inimbak ko ang mga ito. 356 00:23:09,621 --> 00:23:10,541 Sa medyas? 357 00:23:10,621 --> 00:23:12,541 Medyas. Heto ang galing ko. 358 00:23:12,621 --> 00:23:14,581 -Heto na. -Isipin mo ang mulino. 359 00:23:14,661 --> 00:23:17,821 -Sige? -Isang mulinong umiikot na may mga ganito. 360 00:23:17,901 --> 00:23:21,141 -Parang isang mulinong pang-alak. -Isang mulak. 361 00:23:21,221 --> 00:23:22,141 Gusto ko iyan! 362 00:23:22,221 --> 00:23:25,021 Iikot ito, babasain ang medyas, 363 00:23:25,101 --> 00:23:28,941 sisingaw ang tubig sa medyas paakyat sa ere sa tulong ng hangin. 364 00:23:29,021 --> 00:23:31,541 Dahil dito, mababawasan ng isang degree ang bote, 365 00:23:31,621 --> 00:23:34,181 Mababasa ulit, at maguulit-ulit. 366 00:23:34,261 --> 00:23:36,421 Tapos ay may malamig na hooch ka na. 367 00:23:36,501 --> 00:23:38,261 Isipin mo, malamig! 368 00:23:38,341 --> 00:23:40,421 -Tama. -Malamig na hooch, ayos ba? 369 00:23:41,301 --> 00:23:43,341 Aasahan kong magdilim ulit paningin ko. 370 00:23:44,741 --> 00:23:48,101 Tama, iyon ang gagawin ko. Kailangan ko ng tulong mo. 371 00:23:48,181 --> 00:23:49,261 Sige, tutulong ako. 372 00:24:00,341 --> 00:24:05,741 Tuluy-tuloy ang paghahanda para sa kasiyahang pang-Ikaapat ng Hulyo ni Tory. 373 00:24:05,821 --> 00:24:09,501 At walang makakapaglarawan pa sa Araw ng Kalayaan gaya ng isdang burger. 374 00:24:09,581 --> 00:24:11,501 Kailangan ko lang ng tinapay. 375 00:24:11,581 --> 00:24:16,261 Maraming magsasabi na imposibleng makagawa ng tinapay sa isang malayong isla. 376 00:24:16,341 --> 00:24:19,421 Pero iyon ay dahil hindi nila alam ang Pan de Kamote. 377 00:24:20,181 --> 00:24:22,301 Mabuti na lang, alam ko. 378 00:24:22,381 --> 00:24:26,061 Maganda iyon, at mahusay na materyales din ito para sa Hammondland TV. 379 00:24:26,581 --> 00:24:28,061 Siyempre naman. 380 00:24:28,141 --> 00:24:32,141 Kumusta, at maligayang pagdating sa Hammondland TV. Ayos! 381 00:24:32,221 --> 00:24:36,381 Salamat, salamat. Ako si Richard Hammond, na nasa harap ng mga aktwal na manonood. 382 00:24:36,461 --> 00:24:39,381 Una sa lahat, 383 00:24:39,461 --> 00:24:41,821 Ito ang oras kung saan, ang kamote, ay papasok. 384 00:24:41,901 --> 00:24:45,861 Kukuha ng kapirasong kamote, basain ang bato, puno ng tubig itong mangkok. 385 00:24:45,941 --> 00:24:47,421 At gigilingin ko ito. 386 00:24:47,501 --> 00:24:49,301 makikita ninyong lalagkit ang tubig 387 00:24:49,381 --> 00:24:52,541 habang ginigiling ko ang mas maraming piraso ng kamote 388 00:24:52,621 --> 00:24:55,781 sa panggiling ko rito sa tubig. 389 00:24:55,861 --> 00:24:58,941 Ito ang simula ng aking arinang kamote. 390 00:24:59,021 --> 00:25:01,301 Mala-gatas na ang tubig. Kaya... 391 00:25:02,821 --> 00:25:05,461 ngayon naman ay pakukuluan ko itong tubig. 392 00:25:05,541 --> 00:25:09,141 ang matitira ay ang ating arina na gagamitin sa paggawa ng tinapay. 393 00:25:09,221 --> 00:25:12,261 Ang susunod na problema natin ay ang pampaalsa. 394 00:25:12,341 --> 00:25:14,421 Wala akong lebadura o baking soda. 395 00:25:14,501 --> 00:25:16,061 Gagawa ako ng sarili ko. 396 00:25:16,141 --> 00:25:19,861 Nakakuha ako ng maraming damong-dagat. At sinunog ko ito. 397 00:25:19,941 --> 00:25:22,661 Isang mangkok iyan ng sunog na damong-dagat. 398 00:25:22,741 --> 00:25:25,021 Ito ang nakakamangha sa damong-dagat na ito. 399 00:25:25,101 --> 00:25:28,021 Sa dami ng sosa nito habang nakababad sa dagat, 400 00:25:28,101 --> 00:25:31,861 ngayong sunog na ito, may sodium carbonate na tayo, 401 00:25:31,941 --> 00:25:36,741 at kapag kumuha ako ng dayap, na puno ng asidong sitriko, 402 00:25:37,781 --> 00:25:39,901 at piniga ko ang asidong sitriko rito, 403 00:25:39,981 --> 00:25:43,941 maririnig mo ang pagbul habang naglalabas ito ng carbon dioxide. 404 00:25:44,021 --> 00:25:46,861 At ito ang magpapaalsa sa tinapay ko. 405 00:25:46,941 --> 00:25:49,781 Ngayon natuyo na ang tubig sa aking kamoteng arina, 406 00:25:49,861 --> 00:25:53,021 purong arina na lang ang natira, na gagamitin sa tinapay ko. 407 00:25:53,101 --> 00:25:56,061 Ngayon ay pagsasama-samahin ko lahat ng sangkap. 408 00:25:57,261 --> 00:25:58,421 Heto na. 409 00:25:59,461 --> 00:26:02,261 Magdagdag ng tubig sa kamoteng arina, 410 00:26:02,341 --> 00:26:05,621 pampaalsang damong-dagat, at puti ng itlog, 411 00:26:05,701 --> 00:26:06,741 at paghaluin. 412 00:26:06,821 --> 00:26:08,741 Iyan na. Ito ang masa ko. 413 00:26:08,821 --> 00:26:10,941 Gagamitin ko ito para sa isdang burger, 414 00:26:11,021 --> 00:26:14,661 kaya gusto natin ng maliliit na hugis bilog gaya nito. 415 00:26:14,741 --> 00:26:17,261 Ilalagay natin iyan dito. 416 00:26:18,181 --> 00:26:19,541 At hahayaang maluto. 417 00:26:21,021 --> 00:26:24,741 Maligayang pagbalik sa Hammondland TV, sa harap ng aktwal na manonood. 418 00:26:25,381 --> 00:26:27,101 Salamat, salamat. 419 00:26:27,181 --> 00:26:29,621 Heto na. Ang hinihintay natin. 420 00:26:30,461 --> 00:26:32,701 Ayos, gumana! 421 00:26:32,781 --> 00:26:33,701 Umalsa na ito. 422 00:26:34,621 --> 00:26:37,381 Heto na, ang aking masarap na kamoteng tinapay. 423 00:26:41,021 --> 00:26:43,461 Ito ay sadyang... Oo. 424 00:26:43,541 --> 00:26:45,381 Talagang masarap. 425 00:26:46,861 --> 00:26:49,981 Tigil, mga kasama. Magandang palabas. Mahusay ang lahat. 426 00:26:50,061 --> 00:26:51,861 Salamat. Mahusay. 427 00:26:52,581 --> 00:26:53,661 At tapos na. 428 00:26:55,781 --> 00:26:58,781 Masusuka ako. Magugustuhan niya ito. 429 00:27:13,581 --> 00:27:15,141 Handa kang gumawa ng kuwitis? 430 00:27:15,221 --> 00:27:16,581 Oo naman. 431 00:27:16,661 --> 00:27:19,061 -Gasolina, pampakislap! -Tama. 432 00:27:19,141 --> 00:27:20,061 -Kaya... -Sige na. 433 00:27:20,141 --> 00:27:23,341 Sisimulan natin sa luwad, hahaluan natin ng asukal, 434 00:27:23,421 --> 00:27:27,021 at tapos, sa pinakadulo, ilalagay natin ang hinalong reaktibong metal. 435 00:27:28,941 --> 00:27:30,541 Gaano karaming enerhiya rito? 436 00:27:30,621 --> 00:27:34,861 Sana, baka sapat ang enerhiya nito para lumipad ng 100 talampakan sa ere? 437 00:27:34,941 --> 00:27:37,541 Ngayon naman, isiksik mo iyan. 438 00:27:37,621 --> 00:27:39,061 Gaano kadiin? 439 00:27:39,741 --> 00:27:41,101 Huwag masyado! 440 00:27:42,301 --> 00:27:43,741 Hay, halos maihi na ko, 441 00:27:43,821 --> 00:27:45,461 Mapuputol ba braso ko? 442 00:27:45,541 --> 00:27:48,981 Marahan lang dapat. Huwag mong lalakasan masyado. 443 00:27:50,101 --> 00:27:51,861 Mag-ingat ka lang. 444 00:27:51,941 --> 00:27:55,901 Kaya, iyang tatlong mga metal kasama 445 00:27:55,981 --> 00:27:58,061 ng potassium nitrate sa ibabaw... 446 00:27:58,141 --> 00:28:01,301 ang magbibigay sa atin ng malaki at mapulang bolang apoy. 447 00:28:01,381 --> 00:28:04,141 -Ito ang magdadala ng usok, ilaw at putok? -Oo. 448 00:28:04,221 --> 00:28:06,381 At ang gasolina sa ilalim... 449 00:28:06,461 --> 00:28:08,741 -Ang magaangat rito. -Baka sabihin ni Newton, 450 00:28:08,821 --> 00:28:11,021 -"Sirain ninyo ang ikatlo, puwede?" -Tama. 451 00:28:11,101 --> 00:28:14,061 Pantay at magkasalungat na reaksyon sa bagay at pagtulak. 452 00:28:14,141 --> 00:28:15,581 Pero isipin mo na lang. 453 00:28:15,661 --> 00:28:18,421 Magkakaroon tayo ng sariling pailaw. 454 00:28:18,501 --> 00:28:20,781 Ito ang makakapagpaalis sa atin sa isla. 455 00:28:20,861 --> 00:28:22,621 Naisip mo ba iyon? 456 00:28:22,701 --> 00:28:26,781 Ngayon, itali ang patpat sa kawayan... 457 00:28:28,341 --> 00:28:32,821 at heto na, ang ating mga pailaw. 458 00:28:33,501 --> 00:28:35,821 Bale, kailan natin susubukan ang mga ito? 459 00:28:36,181 --> 00:28:37,581 Puwede na ngayon. 460 00:28:51,421 --> 00:28:52,941 Sobrang nakakapanabik naman. 461 00:28:53,021 --> 00:28:55,181 -Nasasabik ka. -Sobrang nasasabik ako. 462 00:28:55,821 --> 00:28:59,381 Pare, kapag gumana ito, alam mo ba kung gaano kaastig iyon? 463 00:29:03,341 --> 00:29:04,181 Gusto mo ito. 464 00:29:04,261 --> 00:29:06,941 -Oo. -Ngayon ka lang sumaya sa ilang linggo. 465 00:29:07,021 --> 00:29:10,421 Nagpapasabog tayo. Mahirap hindi ngumiti. 466 00:29:10,501 --> 00:29:11,781 Sana lang gumana ito. 467 00:29:11,861 --> 00:29:13,941 -Mamamatay ba tayo? -Hindi. 468 00:29:14,581 --> 00:29:15,421 Mabuti naman. 469 00:29:18,901 --> 00:29:21,781 Gusto mong sindihan? Kinakabahan ka? 470 00:29:21,861 --> 00:29:23,661 Ikaw ang magsindi, tatakbo ako. 471 00:29:28,101 --> 00:29:30,341 Heto na. Sasabog na! 472 00:29:30,981 --> 00:29:31,821 Takbo! 473 00:29:32,861 --> 00:29:34,741 Tingnan natin kung gumana ang kwitis. 474 00:29:40,141 --> 00:29:42,421 -Nakakasabik naman. -Kaya nga, hindi ba? 475 00:29:42,501 --> 00:29:44,301 Maaari tayong maligtas dahil dito. 476 00:29:58,861 --> 00:29:59,701 Ayos! 477 00:29:59,781 --> 00:30:01,701 Astig! Kahanga-hanga iyon! 478 00:30:01,781 --> 00:30:03,261 -Nagawa natin. -Gumana. 479 00:30:03,341 --> 00:30:06,101 Naku. Magandang balita ito. 480 00:30:06,181 --> 00:30:08,741 -Kailangan na lang nating gumawa ng 50. -Ano? 481 00:30:09,541 --> 00:30:11,621 -Oo. Kailangan natin ng marami. -Limampu? 482 00:30:11,741 --> 00:30:14,421 -Oo. May problema ba? -Malaking trabaho iyan. 483 00:30:14,501 --> 00:30:17,381 Makatutulong ang mga ito sa pagalis natin, Naisip mo ba? 484 00:30:22,461 --> 00:30:25,461 Oo. Ito ang pinakamagandang balita ngayon. 485 00:30:25,541 --> 00:30:27,461 Gumawa ako ng pailaw at gumana! 486 00:30:27,541 --> 00:30:31,021 Ang ganda tingnan at matatanaw pa kahit ilang milya ang layo. 487 00:30:31,101 --> 00:30:33,381 Ang sarap sa pakiramdam na magpasabog ulit. 488 00:30:33,461 --> 00:30:37,421 Makakaalis kami sa islang ito, maghintay lang kayo! 489 00:30:42,501 --> 00:30:46,981 IKAAPAT NG HULYO 490 00:30:47,061 --> 00:30:50,781 Tama. Ikaapat na ng Hulyo noon at may dalawa akong prayoridad. 491 00:30:50,861 --> 00:30:53,061 Una, gumawa ng malamig na serbesa. 492 00:30:53,141 --> 00:30:57,501 Ikalawa, siguraduhing hindi malaman ni Tory na nagpaplano ako ng kasiyahan. 493 00:30:59,541 --> 00:31:01,141 Handa nang tumanggap. 494 00:31:01,221 --> 00:31:03,301 Handa nang ipasok. 495 00:31:05,021 --> 00:31:06,781 Tulak. Diretso lang. 496 00:31:06,861 --> 00:31:08,381 Masyadong malayo. Ibalik mo. 497 00:31:10,341 --> 00:31:11,701 -Sige. -Tulak mo ng kaunti. 498 00:31:11,781 --> 00:31:14,101 Tingin ko kailangan mong iangat. Tama. 499 00:31:14,501 --> 00:31:16,821 -Hindi. Ikaw naman. -Lakasan mo. 500 00:31:16,901 --> 00:31:17,981 Salamat, propesor. 501 00:31:19,061 --> 00:31:21,741 Hindi ka naman gumagamit ng parisukat na peg, tama? 502 00:31:22,421 --> 00:31:24,341 Parisukat na peg, bilugang butas... 503 00:31:28,461 --> 00:31:29,301 -Ayos. -Ayos. 504 00:31:30,101 --> 00:31:31,541 Malapit na tayo. 505 00:31:32,341 --> 00:31:33,981 O sige, isa na lang. 506 00:31:36,501 --> 00:31:37,341 Boom. 507 00:31:38,661 --> 00:31:41,421 Ngayon, ikakabit natin ang mga bote, 508 00:31:41,501 --> 00:31:44,541 Salamat sa henyong bagay na ito, 509 00:31:44,621 --> 00:31:47,781 manood ka, habang umiikot ito. May munting kamera sa itaas. 510 00:31:47,861 --> 00:31:49,541 Pupulandit iyan pagdaan dito! 511 00:31:49,621 --> 00:31:50,821 Ang astig naman! 512 00:31:50,901 --> 00:31:53,221 Sa bawat ikot, mas mababasa ito. 513 00:31:53,301 --> 00:31:55,461 Maglalabas ito ng tubig papunta sa medyas. 514 00:31:55,541 --> 00:31:56,501 Iikot. 515 00:31:57,981 --> 00:32:02,181 Kaya mas epektibo ito kaysa ilagay ito sa isang timba ng malamig na tubig. 516 00:32:02,261 --> 00:32:04,821 Ang gagawin mo lang ay pagpantayin ang temperatura. 517 00:32:04,901 --> 00:32:07,381 Tatanggalin nito ang init hanggang magtugma sila. 518 00:32:07,461 --> 00:32:10,341 Ang gagawin lang ay initin unti-unti ang timba ng tubig 519 00:32:10,421 --> 00:32:15,421 at unti-unting palamigin ito. Tama, nakapuwesto lang iyan diyan. 520 00:32:15,501 --> 00:32:17,101 Tingnan natin kung gumagana. 521 00:32:17,181 --> 00:32:18,021 Sige. 522 00:32:25,341 --> 00:32:28,861 Uy akalain mo! Nakagawa tayong mulino! 523 00:32:31,341 --> 00:32:33,981 Hindi kapani-paniwala. 524 00:32:34,061 --> 00:32:36,261 Umaandar na talaga. Ayos. 525 00:32:38,781 --> 00:32:41,181 Sabik na akong uminom pa ng hooch mo. 526 00:32:41,261 --> 00:32:43,861 -Tama! -Aabangan ko ang pagsakit ng ulo ko. 527 00:32:44,661 --> 00:32:48,621 Isasabit ko ang ibang mga bote. Magpahinga ka muna. 528 00:32:48,701 --> 00:32:51,701 Nahulaan ko na dapat na may kakaibang nangyayari. 529 00:32:51,781 --> 00:32:54,061 'Di pa ako pinatuloy ni Richard sa kuwarto 530 00:32:54,141 --> 00:32:57,061 pero ngayon pinipilit pa niya akong gamitin ang kama niya. 531 00:33:01,901 --> 00:33:04,621 -Bakit ang bait mo sa akin? -Kasi may malasakit ako. 532 00:33:05,341 --> 00:33:07,661 -Sige. -Kitang-kita ko na napapagod ka. 533 00:33:07,741 --> 00:33:09,781 Hindi ako nakakatulog ng maayos. 534 00:33:09,861 --> 00:33:13,021 Basta matulog ka nang mahimbing. 535 00:33:13,101 --> 00:33:15,061 -Talaga? -Komportable sa loob. 536 00:33:16,021 --> 00:33:18,621 Gusto ko ang pagkakaayos mo rito. 537 00:33:18,701 --> 00:33:20,541 Higa ka lang. Ihiga mo ang ulo mo. 538 00:33:20,621 --> 00:33:22,741 Ayan, mas gagaan ang pakiramdam mo. 539 00:33:22,821 --> 00:33:26,741 Diyos ko, mas komportable rito kaysa sa duyan. 540 00:33:26,821 --> 00:33:27,661 Ayos ba? 541 00:33:28,381 --> 00:33:31,661 -Tulog ka na, aking Amerikanong kaibigan. -Kay lambot. 542 00:33:33,021 --> 00:33:34,461 Napakalambot. 543 00:33:36,501 --> 00:33:38,021 Magandang gabi. 544 00:33:42,061 --> 00:33:45,661 Magiging mahusay ang mulak. Gagana iyon. 545 00:33:45,741 --> 00:33:49,381 At ang tagal na naming hindi nakakainom ng malamig. 546 00:33:49,461 --> 00:33:51,981 Ang totoo nito ay, sumama kayo sa akin. 547 00:33:52,781 --> 00:33:54,941 Nasa kama na siya. 548 00:33:55,021 --> 00:33:58,101 Matutulog na siya ngayon at wala siyang ideya, 549 00:33:58,181 --> 00:34:00,821 kung bakit ko ginagawa lahat ng ito para sa kaniya. 550 00:34:00,901 --> 00:34:05,701 Kaya, kailangan kong ihanda ang lahat para sa malaking sorpresa sa Araw ng Kalayaan. 551 00:34:05,781 --> 00:34:06,821 Matutuwa siya! 552 00:34:16,061 --> 00:34:18,981 HOOPLA NI HAMMOND. 553 00:34:26,221 --> 00:34:29,101 Sorpresang kasiyahan! 554 00:34:29,581 --> 00:34:31,821 Bakit ganyan ka magsalita? 555 00:34:31,901 --> 00:34:35,101 Ngayon ay Ikaapat ng Hulyo! Maligayang Araw ng Kalayaan! 556 00:34:35,181 --> 00:34:37,581 Ayos! Alam kong mahalaga ito sa inyo 557 00:34:37,661 --> 00:34:40,381 at namimis mong umuwi, kaya nagdala ako ng kaunting 558 00:34:40,461 --> 00:34:43,421 bahagi ng Amerika dito sa isla. 559 00:34:43,501 --> 00:34:44,541 Tinatakot mo ako. 560 00:34:44,621 --> 00:34:46,581 Tingnan mo ang ginawa ko! Sumilip ka. 561 00:34:46,661 --> 00:34:50,221 Masdan! Lahat ito ay para sa iyo. Halika. Halika. 562 00:34:51,341 --> 00:34:52,701 O, Diyos ko! 563 00:34:52,821 --> 00:34:55,541 O ha! Ang sarili mong parke para sa Araw ng Kalayaan. 564 00:34:59,421 --> 00:35:02,021 -O, Diyos ko! -Parang buhay na buhay, hindi ba? 565 00:35:02,101 --> 00:35:04,661 -Nakakabaliw ito! -Tama ka! 566 00:35:04,781 --> 00:35:05,901 Ginawa mo lahat ito? 567 00:35:05,981 --> 00:35:06,821 Para sa iyo. 568 00:35:06,901 --> 00:35:10,501 Mag-serbesa ka, kaibigan, mag-ikot tayo, marami kang makikita. 569 00:35:14,861 --> 00:35:16,981 Dito ang daan sa unang atraksyon. 570 00:35:17,501 --> 00:35:20,221 Heto na. Ang katumbas ng ahedres sa US. 571 00:35:20,341 --> 00:35:23,621 Una sa lahat, bibigyan kita ng malamig na inumin. 572 00:35:24,621 --> 00:35:25,821 -Uy, gumana. -Oo. 573 00:35:25,901 --> 00:35:29,101 -At talagang malamig. -Oo. Kumusta ang lasa? 574 00:35:30,421 --> 00:35:32,101 Banayad sa lalamunan. 575 00:35:32,181 --> 00:35:33,541 Madalas mong malaro iyan. 576 00:35:33,621 --> 00:35:35,541 -Ihagis mo iyan doon. -Gusto ko ito. 577 00:35:36,901 --> 00:35:39,101 Mahusay! Pinakamataas na puntos! 578 00:35:42,181 --> 00:35:45,901 Hindi makukumpleto ang karnabal na pang Ikaapat ng Hulyo 579 00:35:45,981 --> 00:35:48,421 kung walang makina ng "pagsubok ng lakas". 580 00:35:48,501 --> 00:35:50,981 -Malakas ka ba? -O, ang galing naman! 581 00:35:51,061 --> 00:35:53,381 Paluin ang tabla. Tatama ang niyog sa kawali. 582 00:35:54,301 --> 00:35:55,701 Hahangaan ka ng lahat. 583 00:35:55,821 --> 00:35:57,461 -Tama. -Umatras ka. Heto na ako. 584 00:35:57,541 --> 00:35:58,381 Sige. 585 00:35:58,461 --> 00:35:59,381 Bang! 586 00:36:03,981 --> 00:36:07,061 -Ito, G. Belleci, isang laro ng husay... -Ano ito? 587 00:36:07,141 --> 00:36:08,661 ...paghatol at katusuhan. 588 00:36:08,701 --> 00:36:11,061 Ang mahiyaing niyog! Gawin mo na! 589 00:36:12,661 --> 00:36:15,861 Ang pagtayo mo! Pang Amerikano talaga! 590 00:36:16,701 --> 00:36:19,941 -Panalo ang lahat! -Ano ang premyo ko? 591 00:36:20,021 --> 00:36:22,661 Nanalo ka... ng isdang burger! 592 00:36:22,781 --> 00:36:24,461 FISHWICH NI KAPITAN HAMMOND 593 00:36:24,541 --> 00:36:29,181 Lapit lang! Isdang burger! 1 dolyar bawat isa o libre sa nanalo! Kumusta, ginoo. 594 00:36:29,221 --> 00:36:32,181 Kumusta, nanalo ako sa paghagis ng niyog. 595 00:36:32,221 --> 00:36:35,781 Nanalo ka? Kung gayon, ginoo, kailangan mo ng isda na burger. 596 00:36:35,861 --> 00:36:36,661 Ano? 597 00:36:37,941 --> 00:36:41,981 Isang malaking kagat, tama? Tama. Ayos. Malaman iyan. 598 00:36:47,181 --> 00:36:48,501 May lasa ito. 599 00:36:50,341 --> 00:36:52,781 Talaga? Masarap ba? 600 00:36:52,861 --> 00:36:55,341 Ito ang pinakamasamang lasa na natikman ko. 601 00:36:56,181 --> 00:36:58,461 At sunud-sunod lang ang pagdating. 602 00:37:04,981 --> 00:37:09,221 Susuka na dapat ako bago niya ipakita ang huling sorpresa niya. 603 00:37:14,701 --> 00:37:17,661 -Pasok lang! -O, Diyos ko, ano ito? 604 00:37:17,781 --> 00:37:18,701 Masdan mo! 605 00:37:19,461 --> 00:37:23,541 Kaibigan, iyan, ay ang pangunahing atraksyon ng karnabal na ito, 606 00:37:23,621 --> 00:37:26,301 ang pinakamalaki, ang pangunahing kaganapan! 607 00:37:26,381 --> 00:37:28,421 -Isang ride ba iyan? -Tama ka. 608 00:37:28,501 --> 00:37:31,581 Isa itong 360-degree na ugoy. 609 00:37:32,141 --> 00:37:34,661 Hanep! Kamukha ng ugoy ng mga Ruso. 610 00:37:34,701 --> 00:37:39,341 Dito, nagdagdag ako ng panimbang na may pantay na layo mula sa suhay, 611 00:37:39,421 --> 00:37:43,821 sa gayon kapag naubos na ang bilis, papalit ang bigat ng panimbang, 612 00:37:43,901 --> 00:37:47,821 at, ping, babaliktad ka! O, anong pakiramdam! 613 00:37:47,901 --> 00:37:50,101 -Gaano kabilis iyan? -Depende sa iyo. 614 00:37:50,181 --> 00:37:51,181 -Ano? -Oo. 615 00:37:51,301 --> 00:37:53,381 Sumigaw ka kung gaano kabilis mo gusto. 616 00:37:53,461 --> 00:37:54,821 -Sige. -Ligtas ba ito? 617 00:37:54,901 --> 00:37:55,901 Oo, siyempre. 618 00:37:55,981 --> 00:37:58,821 Sige. Kung sakaling, kapag... 619 00:37:58,901 --> 00:38:00,181 Kung gusto kong bumaba? 620 00:38:00,301 --> 00:38:03,101 May sistem ka ba ng pang-preno? Paano ako bababa? 621 00:38:03,181 --> 00:38:05,421 Kalimutan mo ang paghinto, sumakay ka muna. 622 00:38:05,501 --> 00:38:07,141 -Kalayaan! -Nakakamangha ito. 623 00:38:07,181 --> 00:38:09,501 -Gawin natin ito bukas. -Hindi, ngayon na. 624 00:38:09,581 --> 00:38:12,101 Hindi maganda pakiramdam ko. 625 00:38:12,181 --> 00:38:15,061 -Natatakot ka? -Hindi lang maganda pakiramdam ko. 626 00:38:15,141 --> 00:38:16,941 Medyo natatakot? 627 00:38:17,021 --> 00:38:19,021 Dapat talaga. Ride kasi iyan. 628 00:38:19,101 --> 00:38:20,941 O sige, sumakay na tayo. 629 00:38:21,021 --> 00:38:23,581 -Hindi mo ako papatayin? -Hindi! 630 00:38:23,661 --> 00:38:25,461 Pakiramdam ko papatayin mo ako. 631 00:38:25,981 --> 00:38:28,661 -Bale, itatali ko lang dito? -Tama, itali mo riyan, 632 00:38:28,701 --> 00:38:31,981 at kumapit kang mabuti. 633 00:38:32,701 --> 00:38:34,061 Tama. 634 00:38:34,141 --> 00:38:36,861 Nanginginig na sa takot ang uugud-ugod kong binti. 635 00:38:36,941 --> 00:38:38,461 -Natatakot ka. -Hindi. 636 00:38:38,541 --> 00:38:40,381 Gaya ng bago mag roller-coaster. 637 00:38:40,461 --> 00:38:42,781 -Iyong hooch ito. Tahimik. -"Ligtas kaya ako?" 638 00:38:43,501 --> 00:38:47,581 Kamahalan, handa ka na ba sa ride ng iyong buhay? 639 00:38:49,461 --> 00:38:50,301 -Handa ka? -Oo. 640 00:38:50,381 --> 00:38:55,381 Matutuwa sa iyo ang lahat. Magsaya ka. Sakay! Ayos! 641 00:38:56,941 --> 00:38:59,581 Kaaya-aya! Tingnan mo iyan! 642 00:39:02,621 --> 00:39:03,981 Mamamatay na ako! 643 00:39:04,941 --> 00:39:06,421 At heto na siya! 644 00:39:07,661 --> 00:39:10,181 Nasaan ang preno? Puwede mo bang pabagalin? 645 00:39:10,941 --> 00:39:13,621 Hindi talaga. Malapit na, 646 00:39:13,661 --> 00:39:15,941 ang bilis mo dagdag ang panimbang 647 00:39:16,021 --> 00:39:18,581 ay kokontra sa grabidad at mapupunta ka sa taas. 648 00:39:19,421 --> 00:39:21,581 Ramdam kong malapit na. 649 00:39:21,661 --> 00:39:24,821 Heto na! Nakaikot ka na! 650 00:39:24,901 --> 00:39:26,181 Ayos! 651 00:39:27,501 --> 00:39:29,181 Ang sarap siguro sa pakiramdam! 652 00:39:29,301 --> 00:39:33,181 O, Diyos ko! Puwede mo ba akong pababain? Ibaba mo ako! 653 00:39:33,301 --> 00:39:35,781 May isa pa akong sorpresa. 654 00:39:35,861 --> 00:39:38,901 -Isang engrandeng pangwakas. Matutuwa ka! -Richard! Richard. 655 00:39:38,981 --> 00:39:41,061 Seryoso, puwede mo bang pabagalin ito? 656 00:39:41,141 --> 00:39:42,501 Masyadong mabilis. 657 00:39:43,901 --> 00:39:45,181 Tingnan mo iyan! 658 00:39:48,661 --> 00:39:52,421 Mga pailaw ko! Mga pailaw ko! Richard! 659 00:39:52,501 --> 00:39:54,621 Maligayang Araw ng Kalayaan! 660 00:39:54,661 --> 00:39:56,861 -Anong ginagawa mo? -Ang ganda! 661 00:39:57,341 --> 00:39:58,981 Mga pailaw ko iyan! 662 00:39:59,661 --> 00:40:01,581 Ibaba mo ako rito! 663 00:40:01,661 --> 00:40:04,781 Pambihirang palabas! Pambihirang gabi! 664 00:40:05,501 --> 00:40:07,821 Iniisip ko pa lang naluluha na ako. 665 00:40:07,901 --> 00:40:10,461 At Se単or Belleci? Nagustuhan ba niya? 666 00:40:13,381 --> 00:40:18,701 Bakit? Alam mo na matagal kong ginawa ang mga pailaw na iyon! Bakit, Richard? 667 00:40:18,821 --> 00:40:20,901 Ngiiti na. Pinakamasayang araw ng buhay! 668 00:40:20,981 --> 00:40:22,301 Isa kang... 669 00:40:23,461 --> 00:40:24,981 Kamangha-mangha! 670 00:40:25,061 --> 00:40:26,181 Anak ka ng... 671 00:40:27,381 --> 00:40:28,701 Isang masayang suki. 672 00:40:28,821 --> 00:40:31,861 Mangako kang sasabihin mo sa iba kung gaano kasaya ito! 673 00:40:31,941 --> 00:40:33,341 Ikaw... 674 00:40:35,541 --> 00:40:37,341 Bakit mo ginawa iyon, Richard? 675 00:40:37,421 --> 00:40:39,461 Hindi mo ito makakalimutan! 676 00:40:39,541 --> 00:40:44,221 Pagbaba ko rito, papatayin kita. Papatayin kita! 677 00:41:46,941 --> 00:41:48,941 Mapanlikhang Superbisor Maribeth Pierce