1 00:00:07,709 --> 00:00:10,668 ISANG SERYE MULA SA NETFLIX 2 00:00:37,668 --> 00:00:41,959 HANGO SA KAPANGALAN NA NOBELA NI ELENA FERRANTE 3 00:03:23,793 --> 00:03:25,209 Bago siya umalis, 4 00:03:25,793 --> 00:03:28,043 sinabi ni Papa kay Mama na pangit ako. 5 00:03:28,918 --> 00:03:31,084 Hindi niya 'yon sinabi nang direkta. 6 00:03:32,001 --> 00:03:35,626 Mahina ang boses niya, pero narinig ko siya. 7 00:03:53,626 --> 00:03:56,751 Ano? Saan tayo magsisimula? 8 00:03:58,793 --> 00:03:59,793 Sa Italian? 9 00:04:00,543 --> 00:04:02,209 D ang marka niya sa Italian. 10 00:04:06,959 --> 00:04:09,209 Sa PE, 'di siya nagdadala ng uniporme. 11 00:04:09,709 --> 00:04:10,709 'Di bale na. 12 00:04:11,543 --> 00:04:13,334 -Sa Greek? -E+. 13 00:04:13,418 --> 00:04:14,834 At mayabang din siya. 14 00:04:15,709 --> 00:04:17,209 Naku. Eh, Geography? 15 00:04:17,709 --> 00:04:20,876 "Geography? Ano? May nag-aaral pa ba no'n ngayon?" 16 00:04:20,959 --> 00:04:22,418 Mayabang at walang alam. 17 00:04:22,918 --> 00:04:26,584 Pero walang tatalo sa math niya. F-minus. 18 00:04:26,668 --> 00:04:28,168 May ibababa pa ba 'yon? 19 00:04:28,251 --> 00:04:31,459 F-minus. Parusa na 'yon. 20 00:04:32,251 --> 00:04:33,459 Andrea, lagot siya. 21 00:04:33,543 --> 00:04:36,209 Ayaw niya mag-aral. Babagsak talaga siya. 22 00:04:36,709 --> 00:04:37,876 Alam ko. 23 00:04:37,959 --> 00:04:40,876 Kailangan niyang mag-ayos. Sasabihan ko siya. 24 00:04:40,959 --> 00:04:42,626 Hindi, hindi lang 'yon. 25 00:04:43,876 --> 00:04:46,751 -Kasi nagdadalaga na siya? Pero-- -'Di lang 'yon. 26 00:04:46,834 --> 00:04:47,834 Alam ko na. 27 00:04:52,293 --> 00:04:54,584 Magkamukha na sila ng kapatid ko. 28 00:04:54,668 --> 00:04:55,751 Si Vittoria? 29 00:04:56,251 --> 00:04:59,001 Oo, halos magkamukha na sila ng kapatid ko. 30 00:04:59,501 --> 00:05:01,709 Ano ka ba? Napakasama ng kapatid mo! 31 00:05:02,793 --> 00:05:04,501 -Nella. -Ano? 32 00:05:04,584 --> 00:05:06,251 Magkamukha na sila. 33 00:05:07,251 --> 00:05:09,668 Pambihira. Diyos ko, 'wag naman sana. 34 00:05:12,126 --> 00:05:14,834 Isang masakit na salita lang ng tatay ko, 35 00:05:14,918 --> 00:05:16,459 napapaiyak na niya ako. 36 00:05:18,418 --> 00:05:20,418 Dati, sinasabi niyang maganda ako. 37 00:05:20,918 --> 00:05:23,668 Ano'ng nakikita niya ngayon na 'di ko makita? 38 00:05:25,543 --> 00:05:27,168 Ano'ng nangyayari sa akin? 39 00:05:34,918 --> 00:05:36,501 Huminto na ang mundo ko. 40 00:05:47,001 --> 00:05:47,876 Ang Naples. 41 00:05:49,293 --> 00:05:50,543 Ang lamig ng Pebrero. 42 00:05:55,793 --> 00:05:56,793 Ang nanay ko. 43 00:06:01,293 --> 00:06:02,793 At ang mga salitang 'yon. 44 00:06:03,501 --> 00:06:07,084 'Pag bata ka, para bang malaki ang lahat ng bagay. 45 00:06:07,168 --> 00:06:10,751 'Pag tumanda ka na, lumiliit naman ang mga bagay. 46 00:06:17,376 --> 00:06:18,334 Sa akin, hindi. 47 00:06:18,918 --> 00:06:21,543 Hindi ko istorya ang ginagalawan ko. 48 00:06:24,459 --> 00:06:26,251 Istoryang 'di nasimulan. 49 00:06:26,834 --> 00:06:28,709 At walang nagbalak na tapusin. 50 00:06:38,459 --> 00:06:41,418 Kaya nahulog na lang ako sa buhol-buhol na pasakit. 51 00:06:41,501 --> 00:06:42,751 'Di na ako makawala. 52 00:06:50,793 --> 00:06:52,793 -Magandang gabi. -Magandang gabi! 53 00:06:53,418 --> 00:06:55,209 -Ang ganda mo naman! -Salamat. 54 00:06:55,293 --> 00:06:57,918 -Magandang gabi, Professor. -Maganda nga ba? 55 00:06:58,001 --> 00:06:59,709 -Na-miss kita, Mariano. -Tara. 56 00:06:59,793 --> 00:07:02,959 -Bakit ang lungkot-lungkot mo? -Hindi ako malungkot! 57 00:07:03,043 --> 00:07:05,876 Hindi 'yon insulto, napansin ko lang. 58 00:07:05,959 --> 00:07:09,459 -'Di mo ba alam 'yon? -Mariano, kakarating mo lang. 59 00:07:09,543 --> 00:07:12,584 -Mukha ka raw galit. -Umalis na nga tayo. 60 00:07:13,543 --> 00:07:15,501 -Maninigarilyo sila. -'Di puwede! 61 00:07:15,584 --> 00:07:19,334 -Maninigarilyo sila. -Sinabi ko nang hindi puwede. 'Wag! 62 00:07:20,334 --> 00:07:24,001 Tinatawagan ako no'ng lalaki sa finance department. 63 00:07:24,084 --> 00:07:26,626 -Alam mo kung bakit? -Bakit? 64 00:07:26,709 --> 00:07:30,168 -Nirerekomenda 'yong taga-Banco di Napoli. -Pambihira! 65 00:07:30,251 --> 00:07:31,959 Kanya-kanya ang lahat. 66 00:07:32,043 --> 00:07:34,126 Walang nakakaalam. 67 00:07:34,959 --> 00:07:37,876 May mga sumasayaw ng breakdance doon kanina. 68 00:07:37,959 --> 00:07:39,626 -Talaga? -Oo. 69 00:07:39,709 --> 00:07:41,501 Guwapo ba sila? 70 00:07:42,084 --> 00:07:44,918 Magaling sila sumayaw. Ayaw ko sa lalaki. 71 00:07:51,209 --> 00:07:52,126 Bago ba 'yan? 72 00:07:53,293 --> 00:07:54,626 -'Yong sapatos ko? -Oo. 73 00:07:56,418 --> 00:07:58,543 Hindi, bakit? 74 00:07:59,168 --> 00:08:00,668 'Di pamilyar sa akin eh. 75 00:08:02,168 --> 00:08:03,793 May mali ba sa akin? 76 00:08:04,543 --> 00:08:05,543 Wala, bakit? 77 00:08:06,251 --> 00:08:10,376 Kung ngayon mo lang napansin 'tong sapatos ko, baka may mali sa akin. 78 00:08:10,459 --> 00:08:12,376 Napapraning ka na, Giovanna. 79 00:08:13,334 --> 00:08:17,501 'Wag kang makinig sa tatay ko. Magbingi-bingihan ka na lang. 80 00:08:17,584 --> 00:08:19,209 'Yon ang ginagawa namin. 81 00:08:20,709 --> 00:08:22,501 Tingnan n'yo nga ako sandali. 82 00:08:24,209 --> 00:08:26,293 Weird ba ako? Pumapangit na ba ako? 83 00:08:28,084 --> 00:08:29,501 'Yong totoo ah. 84 00:08:32,168 --> 00:08:35,084 Medyo, siguro. Pero 'di naman sa pisikal. 85 00:08:35,168 --> 00:08:36,834 Hindi, maganda ka. 86 00:08:37,751 --> 00:08:41,751 Baka pumapangit ka lang kasi marami kang iniisip. 87 00:08:42,376 --> 00:08:43,501 'Yon lang naman. 88 00:08:44,709 --> 00:08:48,334 -Girls! -Parang pinsan ko na sina Angela at Ida. 89 00:08:48,918 --> 00:08:51,918 Pareho ang pagpapalaki sa amin, 90 00:08:52,001 --> 00:08:54,084 base sa libro at kritikal din. 91 00:08:54,168 --> 00:08:57,126 Mahilig ako magbasa. Si Ida mahilig magsulat. 92 00:08:57,209 --> 00:09:00,293 Si Angela naman masayahin na kaibigan. 93 00:09:00,376 --> 00:09:05,543 Alam n'yo, sina Professor Galway at Dealer mula Harvard University 94 00:09:05,626 --> 00:09:08,459 ay naglathala ng pag-aaral na nagpapakita 95 00:09:08,543 --> 00:09:12,126 na base sa siyensiya, ang sikat na prime minister daw natin 96 00:09:12,209 --> 00:09:14,668 ay wala talagang kuwenta. 97 00:09:14,751 --> 00:09:16,376 Ang galing, 'di ba? 98 00:09:16,459 --> 00:09:20,709 'Yan. Nakapagdasal na tayo, puwede na tayong kumain. 99 00:09:21,543 --> 00:09:25,751 Umiikot ang buhay namin sa Vomero. Wala kaming alam sa siyudad. 100 00:09:26,251 --> 00:09:29,209 Pero nabibighani kami sa bawat pasikot-sikot. 101 00:09:33,959 --> 00:09:35,376 Hala, ano 'yon? 102 00:09:36,043 --> 00:09:38,084 -May problema ba? -Wala. 103 00:09:45,376 --> 00:09:46,793 Kumain lang kayo riyan. 104 00:09:57,293 --> 00:10:01,043 'Pag bata ka, para bang malaki ang lahat ng bagay. 105 00:10:01,126 --> 00:10:05,668 'Pag tumanda ka na, lumiliit naman ang mga bagay. 106 00:10:05,751 --> 00:10:08,293 Kanya-kanya ang lahat. 107 00:10:46,043 --> 00:10:49,001 -Uy, bakit? -Masakit po ang tiyan ko. 108 00:10:49,084 --> 00:10:51,501 -Baka mayroon ka? -Baka po ito na. 109 00:10:51,584 --> 00:10:52,959 May gamot sa kabinet. 110 00:10:54,043 --> 00:10:55,209 Tapos ka na? 111 00:11:33,834 --> 00:11:36,043 -Gusto mo ng hot compress? -'Di na po. 112 00:11:36,626 --> 00:11:38,334 Humiga ka muna. Sige na. 113 00:13:30,501 --> 00:13:33,834 Inis na inis siya sa pagmumukha ni Tita Vittoria, 114 00:13:33,918 --> 00:13:36,626 kaya binura niya 'yon sa lahat ng retrato niya. 115 00:13:47,876 --> 00:13:49,001 Ano'ng ginagawa mo? 116 00:13:51,793 --> 00:13:54,709 Masyasong makapal. Kailangan mo pang magsanay. 117 00:13:54,793 --> 00:13:56,584 Puwede po bang magpaturo? 118 00:13:56,668 --> 00:13:59,959 Walang makeup na babagay sa lahat. 119 00:14:00,709 --> 00:14:02,251 Magkakaiba tayo ng mukha. 120 00:14:06,626 --> 00:14:07,668 Halika. 121 00:14:16,751 --> 00:14:17,918 Lumapit ka. 122 00:14:21,501 --> 00:14:23,043 Subukan natin 'to. 123 00:14:25,126 --> 00:14:26,168 Pumikit ka. 124 00:14:27,084 --> 00:14:28,126 'Di ba? 125 00:14:28,959 --> 00:14:30,959 Dapat paunti-unti muna. 126 00:14:34,209 --> 00:14:35,293 Tapos ikalat mo. 127 00:14:38,709 --> 00:14:41,001 'Yong sa gilid, dapat sakto lang. 128 00:14:42,626 --> 00:14:43,668 'Wag sobra. 129 00:14:44,168 --> 00:14:46,668 Magbabago ang hitsura mo sa bawat galaw. 130 00:14:51,126 --> 00:14:54,501 Tapos, tingnan mo na ang hitsura mo. 131 00:15:01,459 --> 00:15:02,793 Tapos ituloy mo na. 132 00:15:03,293 --> 00:15:06,418 Aalis na ako. May pagpupulong ako tungkol kay Luther. 133 00:15:06,959 --> 00:15:08,168 Linggo talaga? 134 00:15:09,418 --> 00:15:10,793 Ang ganda n'yo pareho. 135 00:15:13,209 --> 00:15:16,126 Ngayon lang ako nakakita ng tulad ninyo. Sige na. 136 00:15:18,626 --> 00:15:19,626 Puro kalokohan. 137 00:15:24,834 --> 00:15:27,126 Bakit mo tinitingnan ang mga 'to? 138 00:15:27,209 --> 00:15:28,793 Grabe magsalita si Papa. 139 00:15:30,626 --> 00:15:31,834 Pangit daw ako. 140 00:15:32,876 --> 00:15:35,668 Nagiging kamukha ko na raw 'yong kapatid niya. 141 00:15:37,334 --> 00:15:39,126 Naghahanap ka ng retrato niya? 142 00:15:40,251 --> 00:15:42,001 Para makita ang hitsura niya. 143 00:15:43,459 --> 00:15:45,376 Hindi lang sa hitsura niya. 144 00:15:45,459 --> 00:15:49,459 Noong nandito siya, parang nasasakal ako sa kanya. 145 00:15:52,376 --> 00:15:54,418 Ibang-iba ka sa kanya. 146 00:15:54,501 --> 00:15:57,043 Sa amin, biro lang 'yong "Tita Vittoria." 147 00:15:57,126 --> 00:16:01,668 'Pag sumosobra na siya, sinasabi ko, "Oh, nagiging si Vittoria ka na." 148 00:16:02,751 --> 00:16:03,876 Masama po ba siya? 149 00:16:05,918 --> 00:16:06,959 Mainggitin siya. 150 00:16:07,043 --> 00:16:10,751 At hindi niya matanggap na malayo ang narating ng tatay mo. 151 00:16:12,043 --> 00:16:13,084 Ibig sabihin… 152 00:16:13,168 --> 00:16:17,876 Pinepersonal niya lahat ng naririnig at nakikita niya. 153 00:16:18,501 --> 00:16:21,543 Masama ang loob niya dahil nabubuhay ang tatay mo. 154 00:16:21,626 --> 00:16:24,084 -Iniligtas pa siya ng tatay mo ah. -Saan? 155 00:16:24,709 --> 00:16:26,668 'Di bale na. Sa susunod na lang. 156 00:16:28,751 --> 00:16:33,376 Baka kasi 'di niya kinailangan ng tulong. Baka dapat 'di na nakialam si Papa. 157 00:16:34,209 --> 00:16:36,834 Hindi dapat hayaan ang taong nahihirapan. 158 00:16:37,459 --> 00:16:40,084 Ang kapalit, naging malupit siya sa tatay mo. 159 00:16:40,793 --> 00:16:42,293 Bawal ba magbati? 160 00:16:42,376 --> 00:16:45,876 Kung makikita niya sigurong mababa na ang tatay mo. 161 00:16:45,959 --> 00:16:47,668 Tulad ng mga kakilala niya. 162 00:16:48,793 --> 00:16:52,334 Dahil imposible, siniraan niya ang tatay mo sa pamilya nila. 163 00:16:53,501 --> 00:16:58,543 Matagal na 'yong huling pagkikita ninyo. Pero binibisita natin siya no'ng bata ka. 164 00:16:59,084 --> 00:17:00,084 'Di mo maalala? 165 00:17:01,918 --> 00:17:05,084 -Hindi. Hindi na po. -Matagal na rin naman kasi 'yon. 166 00:17:07,418 --> 00:17:09,959 -Ano po'ng trabaho niya? -Tagapagsilbi siya. 167 00:17:10,043 --> 00:17:11,876 Kasalanan din 'yon ng tatay mo. 168 00:17:16,501 --> 00:17:18,959 -Bakit? -Gusto kong makita ang mukha niya. 169 00:17:19,834 --> 00:17:21,084 Dapat makita ko siya. 170 00:17:26,001 --> 00:17:27,001 Sige. 171 00:18:01,959 --> 00:18:04,084 -Alam mo 'yong Via Miraglia? -'Di po. 172 00:18:05,334 --> 00:18:06,459 'Yong Via Stradera? 173 00:18:07,168 --> 00:18:08,168 Hindi rin po. 174 00:18:14,501 --> 00:18:17,209 Sa Poggioreale, Piazza Nazionale. Nandoon siya. 175 00:18:18,584 --> 00:18:20,418 Sa Arenaccia, sa mga pagawaan? 176 00:18:21,459 --> 00:18:23,209 -Eh 'yong Il Pianto? -'Di po. 177 00:18:23,293 --> 00:18:25,501 -'Di mo alam 'yong Il Pianto? -'Di po. 178 00:18:25,584 --> 00:18:26,709 Kaya pag-aralan mo. 179 00:18:29,334 --> 00:18:30,959 Ito ang mapa ng siyudad. 180 00:18:31,043 --> 00:18:34,876 Kung masasabi mo na sa papa mo, mapupuntahan mo na ang tita mo. 181 00:18:37,293 --> 00:18:38,293 Kunin mo 'to. 182 00:18:46,626 --> 00:18:48,876 POGGIOREALE MONUMENTAL NA SEMENTERYO 183 00:18:48,959 --> 00:18:50,959 SEMENTERYO NG PAGKAHABAG 184 00:19:12,459 --> 00:19:16,834 Nasa isip ko pa rin 'yong pangalan ng mga kalye na sinabi sa akin ni Mama. 185 00:19:18,001 --> 00:19:19,418 Lalo na 'yong Il Pianto. 186 00:19:20,209 --> 00:19:22,501 Malungkot siguro doon, 187 00:19:22,584 --> 00:19:26,126 puro pagdurusa at pasakit siguro ang dinanas mo roon. 188 00:19:27,543 --> 00:19:29,043 Doon nakatira si Tita. 189 00:19:55,043 --> 00:20:00,793 VITTORIA, VIVIANA AT ARMANDO, VANNI 190 00:20:29,709 --> 00:20:30,709 Hello? 191 00:20:40,043 --> 00:20:42,001 -Hi, Nello. -Hi, Papa. 192 00:20:42,959 --> 00:20:43,793 Uy. 193 00:20:47,876 --> 00:20:49,043 Ano'ng ginagawa mo? 194 00:20:49,543 --> 00:20:50,584 Wala lang po. 195 00:20:51,793 --> 00:20:53,709 -Si Mama mo? -Nasa kuwarto po. 196 00:20:56,418 --> 00:20:59,084 -Tapos ka na sa takdang-aralin mo? -'Di pa po. 197 00:21:05,793 --> 00:21:08,668 -May hindi ka ba maintindihan? -Wala naman po. 198 00:21:09,209 --> 00:21:11,834 -O may gusto ka bang ipaliwanag ko? -Wala po. 199 00:21:11,918 --> 00:21:13,834 'Wag mo 'tong iwan na nakakalat. 200 00:22:04,918 --> 00:22:08,168 -'Di kayo pareho ng kapatid ko. -Iba ang sinabi ninyo. 201 00:22:09,001 --> 00:22:11,626 Tandaan mo ito, gusto niyang sinasaktan ako. 202 00:22:13,126 --> 00:22:14,334 Gagamitin ka niya. 203 00:22:15,209 --> 00:22:19,293 Susubukan niyang ilayo ang loob mo sa akin, at 'di ko kakayanin 'yon. 204 00:22:23,959 --> 00:22:24,959 Halika. 205 00:22:27,126 --> 00:22:28,334 'Pag nakita mo siya, 206 00:22:29,376 --> 00:22:32,334 gawin mo ang ginawa ni Ulysses sa mga sirena. 207 00:22:32,418 --> 00:22:34,709 Maglagay ka ng wax sa tainga. 208 00:22:35,334 --> 00:22:38,251 -Dadalhin n'yo po ako ro'n? -Oo. 209 00:22:49,793 --> 00:22:52,418 -Bakit? -Iba po kasi ang amoy ninyo. 210 00:22:55,668 --> 00:22:57,334 -Alam mo naman, 'di ba? -Opo. 211 00:22:57,418 --> 00:22:59,459 Sige. Magpakabait ka. 212 00:23:07,168 --> 00:23:08,584 'Di ko naintindihan. 213 00:23:32,668 --> 00:23:35,876 Saan kayo patungo? Sinakop na nila ang paaralan. 214 00:23:35,959 --> 00:23:38,918 -Talaga? Sino? -Sina Peppe O Dragone. 215 00:23:39,001 --> 00:23:41,793 -Peppe O Dragone? Halika na. -Ayos naman pala! 216 00:23:41,876 --> 00:23:44,584 Pupunta ako sa Officina. May konsiyerto ro'n. 217 00:23:45,084 --> 00:23:46,376 Gusto n'yong sumama? 218 00:23:48,168 --> 00:23:49,043 Sakay na. 219 00:25:10,043 --> 00:25:11,251 Sumunod kayo sa'kin. 220 00:25:14,793 --> 00:25:17,293 Sampung bag nga ng itim na hash. 221 00:25:35,501 --> 00:25:42,459 Si San Antonio ay kalaban ng demonyo 222 00:25:43,001 --> 00:25:46,751 Si San Antonio ay kalaban ng demonyo 223 00:25:46,834 --> 00:25:50,376 Si San Antonio ay kalaban ng demonyo 224 00:25:50,459 --> 00:25:54,126 Si San Antonio ay kalaban ng demonyo 225 00:25:54,209 --> 00:25:57,626 Si San Antonio ay kalaban ng demonyo 226 00:25:57,709 --> 00:25:59,876 Ang mga pasista at pulis ang demonyo 227 00:25:59,959 --> 00:26:02,084 Kunin mo sila, San Antonio 228 00:26:02,168 --> 00:26:05,251 Kunin mo sila, San Antonio 229 00:26:05,334 --> 00:26:08,376 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat 230 00:26:08,459 --> 00:26:12,501 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat 231 00:26:12,584 --> 00:26:17,876 Kailangang sunugin mo lahat 232 00:26:17,959 --> 00:26:21,834 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat… 233 00:26:23,001 --> 00:26:24,043 Humithit kayo. 234 00:26:31,209 --> 00:26:34,543 Sa siyudad na ito na puro problema 235 00:26:35,043 --> 00:26:37,501 Sa Italy, kung saan lahat ay hangal… 236 00:26:37,584 --> 00:26:41,501 Giovà, lagot tayo. 'Di tayo naninigarilyo at nagbibigay-aliw. 237 00:26:41,584 --> 00:26:45,209 -'Di nga tayo marunong maggitara. -Problema nga ang gitara. 238 00:26:45,959 --> 00:26:49,418 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat 239 00:26:49,501 --> 00:26:53,834 Parating na ang hinaharap Mga pasista at mga negosyante 240 00:26:53,918 --> 00:26:57,168 Habang lumalapit Mas nagmumukha silang mapang-api 241 00:26:57,251 --> 00:27:00,793 Mga taong nagbebenta ng sarili Para sa isang plato ng pasta 242 00:27:00,876 --> 00:27:04,834 Kailangan mong magsimula ng apoy Na katatakutan nila 243 00:27:08,418 --> 00:27:12,043 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat 244 00:27:12,126 --> 00:27:15,834 Kailangan, kailangan Kailangang sunugin mo lahat 245 00:27:15,918 --> 00:27:21,376 Kailangang sunugin mo lahat 246 00:27:21,459 --> 00:27:24,001 Kalungkutan at dugo at mapait na luha… 247 00:27:26,293 --> 00:27:27,709 Sino ba 'tong isang 'to? 248 00:27:28,918 --> 00:27:32,459 'Yang suot mo, isang taong sahod na ng mga nagtatrabaho. 249 00:27:32,543 --> 00:27:36,001 Bakit kasi sila nakasuot ng basahan? 250 00:27:36,084 --> 00:27:37,668 Bakit may pasista rito? 251 00:27:37,751 --> 00:27:40,251 Sino'ng pasista? Nabasa ko ang manifesto. 252 00:27:40,334 --> 00:27:42,584 Hanggang hiringgilya ka lang ba? 253 00:27:42,668 --> 00:27:45,084 Sino'ng nagpapasok sa'yo rito, pasista? 254 00:27:46,793 --> 00:27:49,459 -Uy! -Ano ba'ng problema mo? 255 00:27:51,709 --> 00:27:53,001 Ano'ng ginagawa mo? 256 00:27:54,793 --> 00:28:00,251 Kailangang sunugin mo lahat 257 00:28:21,209 --> 00:28:23,834 Idiin mo 'to sa mata mo para 'di mamaga. 258 00:28:25,293 --> 00:28:26,126 Salamat. 259 00:28:30,668 --> 00:28:31,709 Masakit ba? 260 00:28:32,626 --> 00:28:33,626 'Yan ba? 261 00:28:42,084 --> 00:28:43,418 Pupunta ako ro'n. 262 00:28:44,209 --> 00:28:46,376 -Bakit? -May kakatagpuin ako. 263 00:28:47,334 --> 00:28:50,251 -Ipapaliwanag ko mamaya. -Ipaliwanag mo lahat. 264 00:28:55,376 --> 00:28:56,501 Dahan-dahan. 265 00:29:03,626 --> 00:29:06,251 -Magandang gabi, Professor. -Magandang gabi. 266 00:29:15,584 --> 00:29:16,584 Sandali. 267 00:29:47,001 --> 00:29:48,709 -Masakit pa ba? -Opo. 268 00:29:51,209 --> 00:29:52,834 Ganito na lang. 269 00:29:53,418 --> 00:29:56,084 Ibigay mo sa akin 'yang mata mo, aayusin ko, 270 00:29:56,168 --> 00:29:58,001 at ibabalik ko na parang bago. 271 00:29:59,001 --> 00:30:00,001 Sige po. 272 00:30:03,543 --> 00:30:05,876 May gusto akong itanong sa'yo. 273 00:30:05,959 --> 00:30:08,126 Kanina ko pang umaga iniisip 'to. 274 00:30:09,418 --> 00:30:11,834 Sino ang pinakamagandang babae sa Naples? 275 00:30:11,918 --> 00:30:14,293 -'Di ko po alam. -Dali na! 276 00:30:14,376 --> 00:30:16,251 Alalahanin mong mabuti. Sino? 277 00:30:17,918 --> 00:30:18,918 Ako? 278 00:30:19,001 --> 00:30:21,209 Magaling. Tama ang sagot mo. 279 00:30:21,293 --> 00:30:22,668 Sabi ko na nga ba. 280 00:30:25,168 --> 00:30:28,001 Naaalala mo 'yong kanta natin sa pagpoprotesta? 281 00:30:28,793 --> 00:30:33,459 Sino ang nagsabing iiwan kita? Mas gugustuhin ko pang… 282 00:30:33,543 --> 00:30:34,876 Ikalawang gear na. 283 00:30:34,959 --> 00:30:38,543 …mamatay kaysa masaktan nang ganito… 284 00:30:38,626 --> 00:30:40,001 Ikatlong gear naman. 285 00:30:42,001 --> 00:30:43,543 -Ayos na po? -Oo. 286 00:30:43,626 --> 00:30:45,459 Namamatay ako, namamatay 287 00:30:45,543 --> 00:30:46,834 Kumanta ka. 288 00:30:47,334 --> 00:30:49,418 Hininga ng puso ko 289 00:30:49,501 --> 00:30:53,501 -Ikaw ang mahal ko -Mahal ko 290 00:30:56,876 --> 00:31:01,793 Namamatay ako, namamatay, namamatay Hininga ng puso ko 291 00:31:10,209 --> 00:31:12,584 Namamatay ako, namamatay, namamatay 292 00:31:12,668 --> 00:31:14,543 Hininga ng puso ko 293 00:31:14,626 --> 00:31:17,668 Ikaw ang mahal ko 294 00:31:17,751 --> 00:31:18,751 Magaling. 295 00:31:22,459 --> 00:31:23,501 Dito ba 'yon? 296 00:31:24,709 --> 00:31:26,501 Sandali, namali ako ng liko. 297 00:31:52,459 --> 00:31:53,876 Nakikita mo 'yan? 298 00:31:54,376 --> 00:31:57,334 Dito ako ipinanganak at lumaki. Ito ang tahanan ko. 299 00:32:12,043 --> 00:32:15,668 Dito pa rin nakatira si Vittoria. 'Yan 'yong pasukan. 300 00:32:17,668 --> 00:32:19,209 Sige na. Hihintayin kita. 301 00:32:21,834 --> 00:32:23,334 Gusto mo ng biskwit? 302 00:32:24,834 --> 00:32:25,834 Heto. 303 00:32:29,918 --> 00:32:31,084 Bakit? 304 00:32:32,001 --> 00:32:33,251 'Wag po kayong aalis. 305 00:32:33,751 --> 00:32:35,834 Sige na. 'Di ako aalis dito. 306 00:32:40,126 --> 00:32:41,876 Paano po kung tagalan niya? 307 00:32:43,876 --> 00:32:47,793 'Pag napagod ka na, sabihin mo sa kanya, "Mauuna na po ako ah?" 308 00:32:51,376 --> 00:32:53,126 Eh kung pigilan niya po ako? 309 00:32:54,418 --> 00:32:57,543 Sige. 'Pag wala ka pa nang isang oras, susunduin kita. 310 00:32:59,334 --> 00:33:02,418 'Wag na po. Dito lang kayo. Babalik ako nang mag-isa. 311 00:33:35,418 --> 00:33:38,126 Pambihira naman! Ano ba? 312 00:33:38,209 --> 00:33:39,793 'Di niya maintindihan. 313 00:33:39,876 --> 00:33:42,334 Masakit talaga ang magpaganda, 'di ba? 314 00:33:42,418 --> 00:33:43,751 -Tama naman. -'Di ba? 315 00:33:44,751 --> 00:33:48,334 -Cute siya. -Oo, para siyang manika. 316 00:33:48,418 --> 00:33:50,376 Excuse po. Trada po? 317 00:33:50,918 --> 00:33:53,126 'Yong pinto roon. Sa unang palapag. 318 00:33:53,209 --> 00:33:55,043 Sige na, hinihintay ka na niya. 319 00:34:30,376 --> 00:34:33,293 Hoy, ano ba? Nagmamadali ka ba? 320 00:34:33,376 --> 00:34:34,543 Sandali lang! 321 00:34:40,251 --> 00:34:41,501 Ano'ng nangyari? 322 00:34:41,584 --> 00:34:43,251 May sakit ka ba? Naiihi ka? 323 00:34:44,084 --> 00:34:44,959 Hindi po. 324 00:34:45,668 --> 00:34:46,584 Eh, ano? 325 00:34:47,084 --> 00:34:48,959 Bakit ang lakas mong kumatok? 326 00:34:50,584 --> 00:34:53,001 -Ako po si Giovanna, Tita. -Alam ko. 327 00:34:53,584 --> 00:34:57,251 Pero isang "tita" mo pa, mabuti pang umalis ka na lang. 328 00:35:08,209 --> 00:35:10,293 Puwede n'yo ba akong ibili ng kape? 329 00:35:11,293 --> 00:35:13,293 Ano 'yon? Sige na, maglakad ka na. 330 00:35:13,376 --> 00:35:16,751 Sabi ko na eh. Masama ang ugali nito. 331 00:35:16,834 --> 00:35:19,084 -Walang kuwenta. -Sige na, alis na! 332 00:36:04,543 --> 00:36:05,876 Kumusta naman? 333 00:36:06,376 --> 00:36:07,251 Ayos lang po. 334 00:36:18,918 --> 00:36:21,126 'Yon lang? Magkuwento ka naman. 335 00:36:22,001 --> 00:36:26,043 Inalok niya po ako ng orange juice na puro buto, kaya ibinuga ko. 336 00:36:26,126 --> 00:36:29,501 Natanong din niya kung may kaibigan ako. Sabi ko, mayroon. 337 00:36:30,709 --> 00:36:31,668 Gano'n ba? 338 00:36:32,168 --> 00:36:34,418 -Nabanggit niya ba ako? -Hindi po. 339 00:36:34,501 --> 00:36:35,918 -Hindi talaga? -Hindi po. 340 00:36:36,626 --> 00:36:37,626 Eh 'yong mama mo? 341 00:36:38,126 --> 00:36:39,293 Hindi rin po eh. 342 00:36:40,459 --> 00:36:42,709 -Ano'ng tugtog pala 'yon? -Alin po? 343 00:36:42,793 --> 00:36:45,418 May narinig akong malakas na tugtog kanina. 344 00:36:49,126 --> 00:36:50,501 Wala po akong narinig. 345 00:36:52,293 --> 00:36:53,543 Mabait ba siya? 346 00:36:54,876 --> 00:36:55,876 Puwede na rin po. 347 00:36:57,668 --> 00:36:58,959 Nagsungit ba siya? 348 00:37:00,084 --> 00:37:01,709 Parang mainit ang ulo niya. 349 00:37:02,418 --> 00:37:04,251 Ano ba'ng sabi ko sa'yo? 350 00:37:07,084 --> 00:37:09,084 Nasagot na ba ang tanong mo? 351 00:37:09,168 --> 00:37:11,501 'Di ba, hindi naman kayo magkapareho? 352 00:37:11,584 --> 00:37:13,126 -Opo. -Mabuti. 353 00:37:16,293 --> 00:37:17,418 Halik na kay Papa. 354 00:37:19,876 --> 00:37:21,084 Napatawad mo na ako? 355 00:37:22,376 --> 00:37:23,543 Napatawad na po. 356 00:37:25,334 --> 00:37:27,834 'Wag! Makati 'yong bigote mo! 357 00:37:28,543 --> 00:37:31,501 Paano pa kaya 'yong bigote ng tita mo? 358 00:37:32,459 --> 00:37:33,793 Wala po siyang bigote. 359 00:37:33,876 --> 00:37:35,293 -Mayroon. -Wala po. 360 00:37:38,751 --> 00:37:40,376 Sige na nga, wala na nga. 361 00:37:41,168 --> 00:37:45,293 Baka kasi gustuhin mong bumalik para tingnan kung may bigote siya. 362 00:37:45,376 --> 00:37:46,876 Ayaw ko na siyang makita. 363 00:38:00,168 --> 00:38:02,418 -Ako si Giovanna, Tita. -Alam ko. 364 00:38:02,501 --> 00:38:05,918 Pero isang "tita" mo pa, mabuti pang umalis ka na lang. 365 00:38:13,209 --> 00:38:14,084 Ano 'yan? 366 00:38:15,459 --> 00:38:16,876 -Masakit ba? -Hindi po. 367 00:38:18,376 --> 00:38:20,001 Gusto mo ba ng juice? 368 00:38:20,084 --> 00:38:21,959 Ayaw ko pong makaabala sa inyo. 369 00:38:22,043 --> 00:38:23,251 Gusto mo ba o hindi? 370 00:38:24,043 --> 00:38:25,126 -Sige po. -Tara. 371 00:38:31,293 --> 00:38:32,168 Halika. 372 00:38:41,834 --> 00:38:44,043 'Wag 'yan. Sira na 'yan. 373 00:38:44,126 --> 00:38:45,418 Dito ka umupo. 374 00:38:48,918 --> 00:38:52,418 Tanggalin mo na 'yang coat mo. Akala mo naman malamig dito. 375 00:38:59,626 --> 00:39:01,501 -Heto na. -Gagawa po kayo? 376 00:39:02,626 --> 00:39:04,334 Hindi, 'yong kapatid mo! 377 00:39:15,709 --> 00:39:19,834 Giannì, 'di mo isinuot 'yong pulseras mo? 378 00:39:19,918 --> 00:39:21,209 Anong pulseras po? 379 00:39:21,293 --> 00:39:23,668 'Yong regalo ko no'ng ipinanganak ka. 380 00:39:25,418 --> 00:39:27,668 Baka ipinasuot naman po ni Mama noon, 381 00:39:27,751 --> 00:39:30,043 pero naging masikip na rin po. 382 00:39:31,668 --> 00:39:33,334 Matalino kang bata, Giannì. 383 00:39:35,376 --> 00:39:36,626 Totoo po 'yan. 384 00:39:38,126 --> 00:39:39,418 Natatakot ka sa'kin? 385 00:39:40,501 --> 00:39:41,459 Opo. 386 00:39:41,543 --> 00:39:44,501 Dapat lang! Magiging mapagmatyag ka dahil sa takot. 387 00:39:47,043 --> 00:39:50,626 Nailigtas mo ang tatay mo sa kahihiyan. 388 00:39:50,709 --> 00:39:51,876 Magaling, Giannì. 389 00:39:51,959 --> 00:39:54,709 Pero 'di mo nailigtas ang sarili mo. 390 00:39:55,501 --> 00:39:58,543 Hindi pangsanggol na pulseras ang ibinigay ko sa'yo. 391 00:39:59,209 --> 00:40:02,293 Pangmatanda na pulseras 'yon. Napakahalaga no'n. 392 00:40:19,459 --> 00:40:20,459 Inumin mo na. 393 00:40:21,876 --> 00:40:23,043 Maganda 'yan sa'yo. 394 00:40:32,876 --> 00:40:34,709 Hindi ako tulad ng tatay mo. 395 00:40:35,251 --> 00:40:37,751 Puro pera at materyal na bagay ang inuuna. 396 00:40:38,918 --> 00:40:40,626 Wala akong pakialam doon. 397 00:40:41,501 --> 00:40:43,001 Tao ang mahalaga sa akin. 398 00:40:43,793 --> 00:40:47,918 May isang bagay akong pagmamay-ari dati. 'Yong pulseras na 'yon. 399 00:40:48,918 --> 00:40:51,168 At no'ng ipinanganak ka, naisip ko, 400 00:40:51,251 --> 00:40:54,501 "Maisusuot niya ito paglaki niya, 'pag dalaga na siya." 401 00:40:56,376 --> 00:40:58,209 Isinulat ko pa 'yon sa card. 402 00:40:59,626 --> 00:41:00,793 Anong card po? 403 00:41:01,834 --> 00:41:06,084 'Yong card na inilagay ko sa mailbox kasama no'ng pulseras. 404 00:41:06,751 --> 00:41:08,709 "Ibigay n'yo 'to paglaki niya." 405 00:41:10,501 --> 00:41:13,501 Dapat 'di n'yo iniwan. Baka kinuha na ng magnanakaw. 406 00:41:13,584 --> 00:41:14,501 Magnanakaw? 407 00:41:15,543 --> 00:41:17,543 Bakit nagsasalita ka ng ganyan? 408 00:41:17,626 --> 00:41:21,334 Inumin mo na 'yan. 'Di ka man lang matimplahan ng nanay mo. 409 00:41:25,043 --> 00:41:28,043 Pambihira naman oh, sumindi ka na nga! 410 00:41:29,293 --> 00:41:32,209 Sindi na. 'Yan! 411 00:41:37,501 --> 00:41:39,876 Iniwan ko 'yon sa mailbox 412 00:41:39,959 --> 00:41:43,376 dahil 'pag pumasok ako, sisipain ako palabas ng tatay mo. 413 00:41:43,459 --> 00:41:45,668 'Di po naninipa palabas ang tatay ko. 414 00:41:45,751 --> 00:41:47,918 Masama ang ugali ng tatay mo. 415 00:41:49,501 --> 00:41:51,876 Akala niya, siya lang ang magaling. 416 00:41:51,959 --> 00:41:54,543 'Di niya matanggap na kaya rin ng iba. 417 00:41:54,626 --> 00:41:57,293 'Pag sinabi mong mali siya, itatakwil ka niya. 418 00:41:57,876 --> 00:42:00,251 Itinakwil niya maging si Enzo. 419 00:42:02,793 --> 00:42:04,168 Ang mahal kong si Enzo. 420 00:42:04,251 --> 00:42:07,459 Itatakwil niya ang lahat ng mas marunong sa kanya. 421 00:42:07,543 --> 00:42:09,126 Palagi siyang gano'n. 422 00:42:09,876 --> 00:42:11,459 Kahit no'ng bata pa siya. 423 00:42:11,543 --> 00:42:15,084 Akala niya matalino siya, kahit 'di naman. 424 00:42:15,709 --> 00:42:17,334 Sira-ulo naman siya. 425 00:42:17,418 --> 00:42:21,501 Ipaparamdam niya sa'yo na 'di mo kayang mabuhay nang wala siya. 426 00:42:21,584 --> 00:42:26,209 No'ng bata pa kami, para bang lumulubog ang araw sa tuwing aalis siya. 427 00:42:26,293 --> 00:42:31,251 Tapos maiisip ko, "Mamamatay na ako." Kaya ginagawa ko na lang ang gusto niya. 428 00:42:31,793 --> 00:42:35,543 Siya ang magsasabi kung ano ang tama at kung ano ang mali. 429 00:42:38,418 --> 00:42:41,918 Gusto rin niyang maniwala ako na wala talagang Diyos. 430 00:42:43,251 --> 00:42:44,668 Humantong na sa gano'n. 431 00:42:45,584 --> 00:42:47,584 Pero nagbago agad ang isip ko 432 00:42:48,084 --> 00:42:49,751 nang makilala ko si Enzo. 433 00:42:50,793 --> 00:42:51,793 Pambihira talaga! 434 00:42:55,584 --> 00:42:58,918 Para sa tatay mo, may karapatan ka lang mabuhay 435 00:42:59,001 --> 00:43:00,876 kapag may dala ka laging libro. 436 00:43:07,834 --> 00:43:09,043 Ang bastardong 'yon. 437 00:43:09,834 --> 00:43:11,084 Isa siyang basura. 438 00:43:12,293 --> 00:43:13,543 Hayop siya. 439 00:43:17,084 --> 00:43:18,168 Pati si Enzo, 440 00:43:18,251 --> 00:43:20,793 pinaniwala niya siyang magkaibigan sila, 441 00:43:21,293 --> 00:43:22,834 tapos kinuha ang kaluluwa. 442 00:43:23,334 --> 00:43:24,793 Pinagpira-piraso niya. 443 00:43:47,001 --> 00:43:48,709 Giannì, halika rito! 444 00:43:51,293 --> 00:43:52,376 Giannì! 445 00:43:53,501 --> 00:43:55,543 Natutulog ka ba? Halika! 446 00:43:56,376 --> 00:44:00,168 Gusto kong marinig niya ang tugtog na ito, para maalala niya! 447 00:44:01,293 --> 00:44:03,293 No'ng makilala ko si Enzo, 448 00:44:03,793 --> 00:44:05,793 nasa isang sayawan kami no'n. 449 00:44:06,751 --> 00:44:09,501 Sinayaw namin nang ganito ang tugtog na ito. 450 00:44:10,126 --> 00:44:13,043 -Matagal na po ba 'yon? -Parang kahapon lang. 451 00:44:13,543 --> 00:44:16,209 -Nasaan na po si Enzo? -Dapat umayos ka. 452 00:44:16,293 --> 00:44:20,293 Mas naniniwala ka pa sa mga kasinungalingan. Tama ba? 453 00:44:20,376 --> 00:44:22,834 'Di ka rin siguro marunong sumayaw! 454 00:44:22,918 --> 00:44:26,959 -Marunong po akong mag-breakdance. -Breakdance? Pambihira ka naman! 455 00:44:34,834 --> 00:44:36,084 Akin na ang kamay mo. 456 00:44:36,584 --> 00:44:38,626 Isa, dalawa… 457 00:44:39,959 --> 00:44:41,168 Sundan mo ako. 458 00:45:01,001 --> 00:45:03,293 Sige pa, ikembot mo 'yang balakang mo! 459 00:45:15,334 --> 00:45:16,543 Bakit? 460 00:45:17,668 --> 00:45:19,709 Gusto ko pong makilala si Enzo. 461 00:45:19,793 --> 00:45:21,293 -Talaga? -Opo. 462 00:45:21,376 --> 00:45:24,251 Sige. Puntahan natin siya sa mga susunod na araw. 463 00:45:25,334 --> 00:45:26,418 Nasaan na po siya? 464 00:45:27,168 --> 00:45:29,459 Siya ay… nasa sementeryo. 465 00:46:19,501 --> 00:46:23,209 'Pag bata ka, para bang malaki ang lahat ng bagay. 466 00:46:23,293 --> 00:46:27,001 'Pag tumanda ka na, lumiliit naman ang mga bagay. 467 00:46:27,918 --> 00:46:30,251 Kanya-kanya ang lahat. 468 00:47:06,709 --> 00:47:08,918 Kanya-kanya ang lahat. 469 00:47:09,001 --> 00:47:11,001 Walang nakakaalam. 470 00:47:12,668 --> 00:47:15,251 Kanya-kanya ang lahat. 471 00:47:15,334 --> 00:47:17,668 Walang nakakaalam. 472 00:47:51,959 --> 00:47:55,626 'Pag bata ka, para bang malaki ang lahat ng bagay. 473 00:47:55,709 --> 00:47:59,418 'Pag tumanda ka na, lumiliit naman ang mga bagay. 474 00:48:00,501 --> 00:48:03,043 Kanya-kanya ang lahat. 475 00:48:04,418 --> 00:48:06,418 Walang nakakaalam. 476 00:48:07,459 --> 00:48:08,918 Walang nakakaalam. 477 00:49:09,501 --> 00:49:11,709 Kanya-kanya ang lahat. 478 00:49:11,793 --> 00:49:13,584 Walang nakakaalam. 479 00:49:15,876 --> 00:49:17,709 Kanya-kanya ang lahat. 480 00:49:18,209 --> 00:49:20,043 Walang nakakaalam. 481 00:49:20,168 --> 00:49:24,168 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: John Vincent Lunas Pernia