1 00:00:06,043 --> 00:00:10,084 ISANG SERYE MULA SA NETFLIX 2 00:00:42,043 --> 00:00:43,043 'Yon. 3 00:02:10,584 --> 00:02:13,001 Pupunta ka ba sa Flegrea bukas? 4 00:02:13,084 --> 00:02:14,751 Tutugtog ang Massive Attack. 5 00:02:15,251 --> 00:02:18,751 -Saan naman ako kukuha ng pera? -Ano? Aakyatin natin 'yon. 6 00:02:19,293 --> 00:02:21,501 -Wala akong balak. -Ayaw mo sa kanila? 7 00:02:21,584 --> 00:02:23,459 Wala nga akong balak pumunta. 8 00:02:23,543 --> 00:02:24,626 Sandali lang. 9 00:02:24,709 --> 00:02:26,209 Bitawan mo siya, Don. 10 00:02:26,293 --> 00:02:30,126 'Di pa ba halata? Baka magparaos lang 'yan ng mga lalaki ro'n. 11 00:02:30,793 --> 00:02:33,793 Bakit? Nasaktan ka ba sa sinabi kong nagpaparaos ka? 12 00:02:33,876 --> 00:02:35,209 Ano ba'ng sinasabi mo? 13 00:02:35,293 --> 00:02:39,376 Paano mo ba ginagawa 'yon? Dalawang kamay ba? Umamin ka. 14 00:02:40,251 --> 00:02:42,418 -Bayarang babae! -Nakakadiri kayo. 15 00:02:42,501 --> 00:02:44,084 Kayong dalawa. 16 00:02:44,168 --> 00:02:45,459 Nakakadiri kayo. 17 00:02:46,709 --> 00:02:53,709 KABANATA 3 GALIT 18 00:03:16,126 --> 00:03:20,376 NILULUSOB 19 00:03:26,251 --> 00:03:28,001 -Hi, Vincenzo. -Hello. 20 00:03:46,751 --> 00:03:47,959 -Uy. -Uy. 21 00:03:51,084 --> 00:03:54,376 -Bakit lagi mo akong hinihintay? -Gusto kitang makasama. 22 00:03:54,459 --> 00:03:56,293 -Ano'ng problema? -Wala po. 23 00:03:57,751 --> 00:03:59,334 Punta tayo kina Rosanna? 24 00:03:59,834 --> 00:04:02,209 -Bukas pa po 'yon? -Hinihintay niya tayo. 25 00:04:02,293 --> 00:04:05,334 -Pero gutom na po ako. -Limang minuto lang tayo. 26 00:04:05,418 --> 00:04:07,668 PAMBANSANG INSTITUSYON NG SINING 27 00:04:16,126 --> 00:04:17,959 -Kanino 'yan? -Sa akin po. 28 00:04:21,709 --> 00:04:23,793 -Marunong ka? -Inaaral ko pa po. 29 00:04:42,626 --> 00:04:46,293 'Pag bata ka, para bang malaki ang lahat ng bagay. 30 00:04:46,376 --> 00:04:50,584 'Pag tumanda ka na, lumiliit naman ang mga bagay. 31 00:04:50,668 --> 00:04:52,751 Kanya-kanya ang lahat. 32 00:04:54,834 --> 00:04:56,959 Kumusta? Ano sa tingin mo? 33 00:04:57,834 --> 00:04:59,084 Katawa-tawa kayo. 34 00:05:01,376 --> 00:05:03,334 Kaunting pag-aayos lang 'to. 35 00:05:05,334 --> 00:05:06,876 Sino'ng kakatagpuin ninyo? 36 00:05:08,834 --> 00:05:10,376 Sino'ng kakatagpuin ko? 37 00:05:11,168 --> 00:05:13,793 Wala. Namimili lang ako ng damit. 38 00:05:15,126 --> 00:05:16,209 Para kayong baliw. 39 00:05:17,501 --> 00:05:19,293 Heto na. Nahanap ko rin. 40 00:05:19,376 --> 00:05:22,626 Lumilikha ng magandang silweta ang telang ito. 41 00:05:23,126 --> 00:05:24,209 -Maganda. -'Di ba? 42 00:05:25,376 --> 00:05:27,209 Babalik na lang ako sa susunod. 43 00:05:27,751 --> 00:05:30,459 Sige, hayaan mo. Itatabi ko 'to para sa'yo. 44 00:05:30,543 --> 00:05:31,501 Sige. 45 00:05:33,376 --> 00:05:35,584 Palagi ka bang nang-iinis? 46 00:05:46,293 --> 00:05:47,876 Ba't mo ba ako ginaganito? 47 00:05:50,418 --> 00:05:51,668 Dahil mahal ko kayo. 48 00:05:59,918 --> 00:06:01,626 Kanya-kanya ang lahat. 49 00:06:02,376 --> 00:06:04,001 Walang nakakaalam. 50 00:06:06,334 --> 00:06:08,376 Kanya-kanya ang lahat. 51 00:06:08,459 --> 00:06:09,751 Walang nakakaalam. 52 00:06:23,293 --> 00:06:24,459 Bale, 53 00:06:25,501 --> 00:06:29,876 kailangan nating maintindihan na ang kalayaan ay parang sirang Vespa. 54 00:06:32,043 --> 00:06:34,876 Kalayaan ang bukang-bibig ng lahat ng tao. 55 00:06:34,959 --> 00:06:36,293 Kahit saan. 56 00:06:36,793 --> 00:06:38,834 Kalayaan dito, kalayaan doon. 57 00:06:40,584 --> 00:06:43,459 -May tinatawag pa ngang Freedom Party. -Ayos. 58 00:06:44,043 --> 00:06:47,751 Sabihin n'yo sa akin. Ano ang gagawin n'yo sa kalayaan? 59 00:06:48,376 --> 00:06:49,876 Patatakbuhin mo ang Vespa 60 00:06:51,001 --> 00:06:52,126 papunta saan? 61 00:06:52,209 --> 00:06:53,126 Sa paaralan? 62 00:06:53,793 --> 00:06:55,168 Sa sentro ng komunidad. 63 00:06:55,251 --> 00:06:56,251 Kay Vittoria. 64 00:06:56,793 --> 00:06:58,334 Kay Tita Vittoria. 65 00:06:59,793 --> 00:07:02,668 -Andrea, kumalma ka. -Sabi ko na nga ba. 66 00:07:04,001 --> 00:07:05,959 Ipapakilala ko siya kina Angela. 67 00:07:07,751 --> 00:07:12,501 Anak, sigurado ka ba riyan? Hindi kaaya-aya si Tita Vittoria mo. 68 00:07:12,584 --> 00:07:13,793 Hindi "kaaya-aya"? 69 00:07:14,918 --> 00:07:18,876 Ano 'yon? Linyahan sa mga basurang nobela na iwinawasto ninyo. 70 00:07:20,459 --> 00:07:22,626 Hindi kayo kaaya-aya! 71 00:07:24,418 --> 00:07:25,501 Giovanna, 72 00:07:25,584 --> 00:07:28,043 sa gitna ng kalayaan mo, 73 00:07:28,126 --> 00:07:31,918 nagdesisyon kang bisitahin ang babaeng nagngangalang Vittoria, 74 00:07:32,709 --> 00:07:35,584 na nagkataon ay tita mo. 75 00:07:36,793 --> 00:07:37,918 Totoong tita mo. 76 00:07:38,418 --> 00:07:42,918 Nagdesisyon kang ibahagi ang karanasan sa mga kaibigan mo. 77 00:07:44,251 --> 00:07:46,876 Pero 'di ko alam kung tama ang narinig ko. 78 00:07:48,543 --> 00:07:51,334 Ano'ng sabi mo sa nanay mo? 'Yong linyahan niya… 79 00:07:52,293 --> 00:07:54,668 "sa basurang nobela na iwinawasto niya"? 80 00:07:55,334 --> 00:07:56,168 'Yon nga po. 81 00:07:56,668 --> 00:08:00,501 'Wag mong sasagut-sagutin ang nanay mo dahil sinasabi ko sa'yo, 82 00:08:00,584 --> 00:08:03,709 makakalimutan kong propesor ako at masasaktan kita. 83 00:08:06,584 --> 00:08:07,918 Doon ka sa kuwarto mo. 84 00:08:33,501 --> 00:08:38,084 Sumosobra naman yata ang reaksyon mo sa tuwing nababanggit niya si Vittoria. 85 00:08:41,418 --> 00:08:42,751 Bata pa si Giovanna. 86 00:08:44,876 --> 00:08:47,501 Normal lang na maging bastos siya minsan. 87 00:08:49,376 --> 00:08:51,793 -Ngayon talaga, Nella? -Oo naman. 88 00:08:53,251 --> 00:08:55,459 Bakit ka ba natatakot sa kanya? 89 00:09:00,376 --> 00:09:02,001 'Di ako natatakot sa kanya. 90 00:09:03,418 --> 00:09:04,751 Isa siyang ahas. 91 00:09:09,501 --> 00:09:13,418 Andrea, iniisip ko pa rin 'yon. May hindi ako maintindihan. 92 00:09:13,959 --> 00:09:16,918 'Yong pulseras na ipinapabigay ni Vittoria no'ng-- 93 00:09:17,001 --> 00:09:20,918 'Yong pulseras na naman? Pambihira naman! 94 00:09:29,001 --> 00:09:30,251 Nasaan na 'yon? 95 00:09:34,293 --> 00:09:36,793 Sige, maglabasan na tayo ng mga itinatago. 96 00:09:38,876 --> 00:09:42,251 Kung mayroon mang may itinatago rito, ikaw 'yon. 97 00:09:42,751 --> 00:09:44,793 -Ako? -Oo, ikaw. 98 00:09:46,584 --> 00:09:48,293 Galit sa'yo si Giovanna. 99 00:09:49,251 --> 00:09:51,626 Naghihinala siya. Sinusundan ka niya. 100 00:09:52,293 --> 00:09:53,543 Hindi siya tanga. 101 00:09:54,418 --> 00:09:56,834 May dahilan siya, kaya niya 'to ginagawa. 102 00:09:58,293 --> 00:10:00,626 Ano? Pakinggan natin, Sherlock Holmes. 103 00:10:00,709 --> 00:10:01,834 Ano kaya 'yon? 104 00:10:03,334 --> 00:10:05,959 -'Di ko na siguro dapat sabihin. -Sabihin mo. 105 00:10:07,126 --> 00:10:09,126 May dila ka naman. Sabihin mo. 106 00:10:10,001 --> 00:10:11,834 Para saan 'yang pananahimik mo? 107 00:10:17,251 --> 00:10:18,501 Para sa kapakanan ko. 108 00:10:24,876 --> 00:10:26,251 Para sa kapakanan ko. 109 00:10:27,668 --> 00:10:33,501 Umiihip ang hangin At nagbabadya ang bagyo 110 00:10:33,584 --> 00:10:38,084 Kailangan nating umalis Kahit sira ang sapatos natin 111 00:10:38,168 --> 00:10:42,876 Para sakupin ang pulang bukal 112 00:10:42,959 --> 00:10:47,001 Kung saan sumisikat ang araw ng hinaharap 113 00:10:47,084 --> 00:10:51,168 Para sakupin ang pulang bukal 114 00:10:51,251 --> 00:10:54,543 Kung saan sumisikat ang araw ng hinaharap 115 00:11:08,709 --> 00:11:12,501 Bawat distrito ay tahanan ng mga rebelde 116 00:11:12,584 --> 00:11:15,709 Bawat babae ay nananabik sa kanya 117 00:11:17,459 --> 00:11:21,293 Magandang gabi mga kasama! At maligayang Pasko! 118 00:11:22,626 --> 00:11:25,709 -Nagpapabukas na 'to. Buksan ko na ba? -Buksan mo na. 119 00:11:33,043 --> 00:11:35,001 Nagpapabukas, pero ayaw bumukas. 120 00:11:35,584 --> 00:11:39,209 Itong mga flute ulit? Wala ka na bang ibang baso, Mariano? 121 00:11:39,293 --> 00:11:40,251 Itong baso ba-- 122 00:11:41,293 --> 00:11:43,918 -Pinapaliguan mo na ako! -Pasensya na. 123 00:11:44,001 --> 00:11:47,418 Bilang premyo mo, bibigyan kita ng makinis na baso. Heto. 124 00:11:47,501 --> 00:11:49,334 -Pasensya na, Nella. -Ayos lang. 125 00:11:50,293 --> 00:11:51,168 Salamat. 126 00:11:51,876 --> 00:11:54,251 -Nagdadala ito ng suwerte. -Isa, dalawa… 127 00:11:54,334 --> 00:11:57,334 -Ikaw naman. -Salamat. Sana totoo 'yan. 128 00:11:58,209 --> 00:12:01,209 -Puwede ba tayong uminom nang sabay? -Oo naman. 129 00:12:02,084 --> 00:12:06,126 Uminom tayo gaya ng ginagawa sa kasal. Pareho naman tayong kasal. 130 00:12:12,876 --> 00:12:14,334 Masarap naman. 131 00:12:16,543 --> 00:12:19,876 Girls, ba't 'di n'yo dalhin si Giovanna ro'n sa mga bata? 132 00:12:19,959 --> 00:12:23,418 Gano'n pa rin ang nangyayari 'pag nagkikita sila. 133 00:12:24,209 --> 00:12:25,876 Pero 'di ko na nagugustuhan. 134 00:12:25,959 --> 00:12:27,501 -Gusto mo ng caviar? -Tara. 135 00:12:27,584 --> 00:12:30,126 Bata pa lang kami, marami na silang kuwento. 136 00:12:30,209 --> 00:12:32,918 Tungkol sa kahirapan, 'di pagkakapantay-pantay, 137 00:12:33,001 --> 00:12:35,709 tungkol sa estado sa buhay, mga 'di pinapansin, 138 00:12:35,793 --> 00:12:38,793 tungkol sa mga trabahador at magsasakang pagod na. 139 00:12:38,876 --> 00:12:43,168 Habang nagpapakasaya sila sa champagne, sa caviar… 140 00:13:19,043 --> 00:13:20,293 Ito 'yong mga bata? 141 00:13:20,834 --> 00:13:22,293 Mga moray eel 'yan. 142 00:13:22,376 --> 00:13:23,376 Ang ganda, 'no? 143 00:13:24,334 --> 00:13:26,668 Parang mga sinaunang halimaw sa dagat. 144 00:13:26,751 --> 00:13:27,751 Totoo 'yan. 145 00:13:33,334 --> 00:13:35,209 Ano na? Kailan tayo pupunta? 146 00:13:36,209 --> 00:13:38,668 -Inaayos ko pa. -Nandoon dapat si Tonino. 147 00:13:38,751 --> 00:13:41,709 Si Tita Vittoria ang sadya natin, hindi si Tonino. 148 00:13:41,793 --> 00:13:44,918 -Baka wala siya ro'n. -'Di mo na ba siya mahal? 149 00:13:46,001 --> 00:13:47,043 'Di ko alam. 150 00:13:48,334 --> 00:13:49,376 Mahal ka ba niya? 151 00:13:51,543 --> 00:13:52,543 Hindi ko alam. 152 00:13:53,334 --> 00:13:54,584 Wala akong pakialam. 153 00:13:59,209 --> 00:14:04,334 Bakit ba kasi ikinuwento ko pa si Vittoria at nag-imbentong may gusto ako kay Tonino? 154 00:14:04,959 --> 00:14:07,376 Ayaw na tuloy akong tigilan ni Angela. 155 00:14:27,876 --> 00:14:29,418 Isuot mo 'to. Malamig. 156 00:14:38,834 --> 00:14:39,709 Tita. 157 00:14:40,584 --> 00:14:41,751 Alam kong gabi na. 158 00:14:43,001 --> 00:14:44,918 Pero gusto na kitang makausap. 159 00:14:46,876 --> 00:14:50,001 'Di ako nakakapagpakita kasi masama ang pakiramdam ko. 160 00:14:50,584 --> 00:14:54,168 Gusto ko laging umiyak, pero naiisip ko kayo. 161 00:14:55,501 --> 00:14:57,209 Ginawa ko 'yong sinabi ninyo. 162 00:14:57,793 --> 00:15:01,459 Tiningnan ko 'yong sinabi ninyo, ngayon natatakot ako. 163 00:15:02,251 --> 00:15:05,334 Sabi nina Mama at Papa, nagiging magkatulad na tayo. 164 00:15:05,418 --> 00:15:07,626 Para sa kanila, pangit ka at salbahe. 165 00:15:08,126 --> 00:15:09,376 Iba ang pananaw ko. 166 00:15:09,459 --> 00:15:12,418 Masaya nga ako na nagiging magkatulad na tayo. 167 00:15:13,334 --> 00:15:15,418 Kasi 'di ako nagiging gaya nila. 168 00:15:16,876 --> 00:15:20,876 Kapag tulad n'yo na ako, magmamahal din ako gaya ninyo. 169 00:15:23,001 --> 00:15:26,001 -Tita? -Giannì, mahusay kang magsalita. 170 00:15:26,501 --> 00:15:27,876 Mabigat ang mga salita. 171 00:15:28,709 --> 00:15:30,751 Pero wala akong maintindihan. 172 00:15:50,334 --> 00:15:52,001 Maganda ka 'pag tumatawa ka. 173 00:15:55,043 --> 00:15:58,918 Sige na! 'Wag ka nang malungkot! 174 00:15:59,001 --> 00:16:00,251 Ipagsindi mo ako. 175 00:16:00,793 --> 00:16:01,626 Ako po? 176 00:16:02,126 --> 00:16:03,459 Oo. Sindihan mo na. 177 00:16:06,334 --> 00:16:07,293 Sige na. 178 00:16:21,084 --> 00:16:23,501 Ano 'yon? Firing squad? 179 00:16:35,334 --> 00:16:37,459 Isinusot niya rin ba 'yan sa bahay? 180 00:16:37,959 --> 00:16:40,334 Dito ka lang. Ako na sa kanila. 181 00:16:45,251 --> 00:16:46,626 Magandang gabi. 182 00:16:47,418 --> 00:16:49,376 Natutuwa akong makita kayo. 183 00:16:49,876 --> 00:16:51,959 Ang ganda n'yo namang dalawa. 184 00:16:53,293 --> 00:16:55,668 -Parang 'yong nanay ninyo. -Salamat. 185 00:16:56,918 --> 00:16:58,126 Sobra. 186 00:16:59,293 --> 00:17:01,459 Grabe. Ang ganda. 187 00:17:02,918 --> 00:17:04,834 Ang daming ginto at hiyas. 188 00:17:05,918 --> 00:17:08,959 Grabe, para kang ang Our Lady of the Arch! 189 00:17:17,959 --> 00:17:19,501 Ang ganda rin niyan. 190 00:17:20,793 --> 00:17:22,418 Oo nga, gusto ko rin 'to. 191 00:17:25,501 --> 00:17:26,751 Gusto mo talaga 'yan? 192 00:17:27,376 --> 00:17:30,084 Sobrang gusto ko 'to. Ilang taon na 'to sa'kin. 193 00:17:34,084 --> 00:17:35,293 Mag-iingat ka. 194 00:17:38,251 --> 00:17:39,626 Masyadong maganda 'yan… 195 00:17:40,584 --> 00:17:41,668 kaya baka… 196 00:17:43,084 --> 00:17:44,168 manakaw. 197 00:17:44,918 --> 00:17:45,834 Tara na. 198 00:17:51,959 --> 00:17:54,376 Girls, magpakabait kayong dalawa. 199 00:18:12,793 --> 00:18:14,168 'Wag kayong mag-alala. 200 00:18:33,918 --> 00:18:35,334 Dinala mo ba 'yong pera? 201 00:18:36,418 --> 00:18:37,251 Oo. 202 00:18:44,293 --> 00:18:47,251 -'Di ba nila ibinigay sa'yo? -Baka naiwan mo? 203 00:18:47,334 --> 00:18:50,001 -Sabi ko na eh. Estupida! Tanga! -Tama na. 204 00:18:50,084 --> 00:18:52,334 Ikaw ang magdadala. Bakit mo iniwan? 205 00:18:52,418 --> 00:18:54,334 -Lagi kang ganyan! -Hoy! Tama na! 206 00:18:54,418 --> 00:18:57,418 Tumahimik na kayo! Ano ba naman 'yan? 207 00:19:00,334 --> 00:19:03,334 Hay, salamat! Pinapasakit n'yo ang ulo ko. 208 00:19:07,084 --> 00:19:08,001 Sindihan mo. 209 00:19:19,668 --> 00:19:21,918 Hindi rin ba kayo nabinyagan? 210 00:19:22,709 --> 00:19:24,168 -Hindi po. -Halata nga. 211 00:19:24,251 --> 00:19:27,709 Puwede naman kaming magpabinyag 'pag matanda na kami. 212 00:19:30,959 --> 00:19:32,459 Paano kung mamatay kayo? 213 00:19:34,376 --> 00:19:37,709 -Mapupunta kayo sa limbo. Alam n'yo 'yon? -Walang gano'n. 214 00:19:37,793 --> 00:19:38,626 Ano? 215 00:19:38,709 --> 00:19:42,209 -'Di totoo ang limbo. -Ang langit, purgatoryo, at impiyerno. 216 00:19:42,709 --> 00:19:43,584 Ayos. 217 00:19:44,834 --> 00:19:47,834 Sino ang nagturo sa inyo niyan? 'Yong tatay ninyo? 218 00:19:50,626 --> 00:19:52,334 At ayon sa tatay ninyo, 219 00:19:52,918 --> 00:19:57,084 saan ipinapadala ng Diyos ang mga makasalanan at hindi makasalanan? 220 00:19:57,709 --> 00:20:00,793 -'Di totoo ang Diyos. -Pati 'yong pagkakasala. 221 00:20:07,209 --> 00:20:09,918 -Sinabi rin 'yan ng tatay ninyo? -Opo. 222 00:20:11,501 --> 00:20:14,834 Naiintindihan ko na. Masamang tao ang tatay ninyo. 223 00:20:17,918 --> 00:20:19,376 Totoo ang pagkakasala. 224 00:20:20,084 --> 00:20:22,459 Kung walang pagkakaibigan at pagmamahal, 225 00:20:22,959 --> 00:20:25,459 naninira ng magagandang bagay ang mga tao. 226 00:20:26,543 --> 00:20:27,626 Narinig n'yo 'yon? 227 00:20:28,209 --> 00:20:29,626 Alam 'yon ni Giannina. 228 00:20:30,126 --> 00:20:31,876 Kayo, wala kayong alam. 229 00:20:34,168 --> 00:20:35,293 -Magmaneho ka. -Ako? 230 00:20:35,376 --> 00:20:36,959 Ayaw ko nang magmaneho. 231 00:20:37,043 --> 00:20:38,959 -Giovà, sige na! -Sa clutch ako. 232 00:20:39,043 --> 00:20:40,584 -Hindi-- -Giovà, sige na! 233 00:20:40,668 --> 00:20:42,459 -Tumingin ka! -Diretso lang! 234 00:20:42,543 --> 00:20:45,168 'Yan. Ganyan nga. Ayos. 235 00:20:45,668 --> 00:20:47,793 -Tumingin ka lang! -Tumingin ka! 236 00:20:47,876 --> 00:20:49,376 -'Di ko kaya-- -Sige lang. 237 00:20:49,459 --> 00:20:52,376 -Habang nakapikit? -Tuloy lang. 'Wag kang pipikit. 238 00:20:52,876 --> 00:20:54,418 Puwede bang tama na? 239 00:20:55,626 --> 00:20:57,418 Puwede bang tama na? 240 00:21:01,126 --> 00:21:04,251 -Bilisan mo pa. Sige! -Binibilisan ko na. 241 00:21:04,334 --> 00:21:07,501 Para bang 'di pagtanggap sa mga bagay ang pagkakasala? 242 00:21:07,584 --> 00:21:11,459 Parang kapag nahulog at nabasag ang isang bagay na gusto mo? 243 00:21:13,251 --> 00:21:14,293 'Di mo matanggap… 244 00:21:17,126 --> 00:21:19,668 Magaling. 'Di nga pagtanggap. 245 00:21:50,959 --> 00:21:51,793 Tara na. 246 00:21:59,251 --> 00:22:00,584 Ito 'yong simbahan? 247 00:22:02,876 --> 00:22:05,334 May pananampalataya ang mga tao rito. 248 00:22:05,834 --> 00:22:08,709 Ibig sabihin, 'di ito simbahan, kundi katedral! 249 00:22:09,959 --> 00:22:11,209 Pambihira 'to. 250 00:22:12,001 --> 00:22:12,834 Sigarilyo nga! 251 00:22:15,043 --> 00:22:16,168 Ipagsindi mo ako. 252 00:22:22,709 --> 00:22:23,793 Tara na, girls. 253 00:22:33,918 --> 00:22:35,834 -Hi, Florence. -Hi. 254 00:22:37,459 --> 00:22:39,168 Gawin n'yo ang tanda ng krus. 255 00:22:40,043 --> 00:22:40,918 Sige na. 256 00:22:41,918 --> 00:22:43,459 -Ngalan. -Sa ngalan ng Ama… 257 00:22:43,543 --> 00:22:45,376 -Ng Anak. -At ng Espiritu Santo. 258 00:22:45,876 --> 00:22:49,001 Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 259 00:22:49,084 --> 00:22:51,168 -Ikaw. -Ama, Anak, Espiritu Santo. 260 00:22:51,251 --> 00:22:53,168 Natagalan ako dahil sa inyo. 261 00:22:53,251 --> 00:22:55,126 Dito lang kayo. Babalik ako. 262 00:23:20,668 --> 00:23:21,918 Angela, 'wag 'yan. 263 00:23:27,168 --> 00:23:28,501 Dito ka umupo. 264 00:23:32,459 --> 00:23:35,084 -Hindi mabait ang tita mo. -Mukha siyang aso. 265 00:23:35,168 --> 00:23:36,543 -'Di 'yan totoo. -Totoo. 266 00:23:36,626 --> 00:23:39,626 -Sabi niya, pareho kami. -Ano? 'Di kayo magkapareho. 267 00:23:39,709 --> 00:23:41,418 Gano'n talaga kami. 268 00:23:41,501 --> 00:23:46,001 'Pag maganda ang iniisip namin, gumaganda kami. 'Pag pangit, pumapangit kami. 269 00:23:46,751 --> 00:23:48,751 'Di dapat isipin 'yong mga pangit. 270 00:23:51,709 --> 00:23:52,543 Halikayo. 271 00:23:57,751 --> 00:23:59,293 Pamangkin ko, si Giannina. 272 00:23:59,376 --> 00:24:02,376 At ito naman ang ilan sa mga kaibigan niya. 273 00:24:03,751 --> 00:24:04,584 Giacomo. 274 00:24:05,251 --> 00:24:06,168 Padre Giacomo. 275 00:24:07,043 --> 00:24:09,501 -Kayo po ang pari dito? -Oo, ako nga. 276 00:24:10,043 --> 00:24:11,668 'Di kami nagdadasal. 277 00:24:11,751 --> 00:24:14,959 Ano naman? Marami namang paraan. 278 00:24:15,043 --> 00:24:17,668 -Sa simbahan lang ba nagdadasal? -Kahit saan. 279 00:24:17,751 --> 00:24:19,918 -Maririnig pa rin kayo ng Diyos? -Oo. 280 00:24:20,709 --> 00:24:22,043 Hindi, imposible 'yon. 281 00:24:22,918 --> 00:24:24,918 'Di naman marami ang tainga niya. 282 00:24:25,918 --> 00:24:27,626 -Tama na. -Vittoria. 283 00:24:29,626 --> 00:24:33,709 Vittoria, magagalit ang Diyos sa mga apostol na nananakit ng mga bata. 284 00:24:34,876 --> 00:24:36,126 Ano'ng sabi ng Diyos? 285 00:24:37,626 --> 00:24:40,584 "Huwag itaboy ang mga bata. Dalhin n'yo sa'kin." 286 00:24:40,668 --> 00:24:44,584 'Di ko maintindihan. Bata ba ang tingin sa atin ng paring ito? 287 00:24:44,668 --> 00:24:45,918 Tigilan mo 'yan. 288 00:24:46,501 --> 00:24:51,418 Vittò, alalahanin natin na linggo-linggo, binabasa ni Roberto ang Ebanghelyong ito. 289 00:24:51,501 --> 00:24:54,626 Manahimik na lang si Roberto 'pag pumunta siya rito. 290 00:24:54,709 --> 00:24:56,626 -Mahusay nga pala siya. -Roberto? 291 00:24:56,709 --> 00:24:58,584 Hindi na siya nag-iisip. 292 00:24:59,126 --> 00:25:01,543 Kaya mahusay siyang magsalita, Vittoria. 293 00:25:01,626 --> 00:25:03,793 Ano'ng hitsura niya? Guwapo ba siya? 294 00:25:03,876 --> 00:25:07,418 Ano'ng hitsura ni Roberto? Maganda ang pananampalataya niya. 295 00:25:09,043 --> 00:25:10,418 Mabuti pa, tara na. 296 00:25:34,543 --> 00:25:36,876 Ipapakilala ko kayo sa mga anak ko. 297 00:25:42,543 --> 00:25:43,501 Margherì! 298 00:25:44,001 --> 00:25:45,084 Uy, Vittò. 299 00:25:45,626 --> 00:25:47,918 Grabe, ang gaganda n'yo naman! 300 00:25:49,293 --> 00:25:51,668 -Halikayo. Ito nga pala si Tonino. -Hi. 301 00:25:51,751 --> 00:25:54,418 Ito si Corrado. Sige, magpakilala ka. 302 00:25:54,501 --> 00:25:57,501 At ito naman si Giuliana. Ano'ng mga pangalan ninyo? 303 00:25:57,584 --> 00:25:59,126 -Ako po si Angela. -Ida po. 304 00:25:59,209 --> 00:26:00,709 Handa na ba kayo? 305 00:26:01,668 --> 00:26:04,834 Isa sa inyo ang tutulong kay Giuliana sa puwesto niya. 306 00:26:05,334 --> 00:26:08,126 -Halika. -At ikaw, Angela, sumama ka kay Tonino. 307 00:26:08,209 --> 00:26:09,209 Kumusta? 308 00:26:09,293 --> 00:26:11,793 Giovà, kay Corrado ka naman. 309 00:26:12,668 --> 00:26:15,126 Tingnan natin kung makakabenta ka. Tara. 310 00:26:23,751 --> 00:26:25,251 Magaganda ang mga ito. 311 00:26:25,751 --> 00:26:28,251 Kaya 'pag tumawad sila, 'wag kang papayag. 312 00:26:31,876 --> 00:26:34,418 Itong mga 'to, nasa 500 lire ang benta. 313 00:26:35,668 --> 00:26:37,084 Sa mga salamin, 1,500. 314 00:26:37,751 --> 00:26:39,709 Malinaw? Nasusundan mo ba, Gio? 315 00:26:39,793 --> 00:26:40,626 -Oo. -Mabuti. 316 00:26:41,293 --> 00:26:43,959 Ito naman, 10,000 lire ang isa. Handmade kasi. 317 00:26:44,501 --> 00:26:46,168 Mahal ang mga ganito. 318 00:26:51,293 --> 00:26:53,126 -Heto. -Salamat. 319 00:27:06,959 --> 00:27:09,459 Uy, bumili ako ng sabaw ng pusit. 320 00:27:11,001 --> 00:27:12,834 Para mainitan tayo kahit paano. 321 00:27:13,543 --> 00:27:14,376 Ang bait mo. 322 00:27:18,668 --> 00:27:20,209 -Nakita mo ba siya? -Sino? 323 00:27:20,293 --> 00:27:22,001 -Nandito 'yong biyuda. -Saan? 324 00:27:22,084 --> 00:27:24,126 Puwedeng magkaroon ng gulo rito. 325 00:27:30,084 --> 00:27:31,084 -Vittoria. -Uy. 326 00:27:31,626 --> 00:27:33,959 -Ano sa tingin mo? -Para kang artista. 327 00:27:35,168 --> 00:27:37,459 Ibibigay ko na sa'yo ng 10,000 lire. 328 00:27:37,543 --> 00:27:38,918 -Ito na? -Oo. 329 00:27:39,459 --> 00:27:40,918 -Puwedeng pakibalot? -Oo. 330 00:27:41,001 --> 00:27:43,918 -Ilalagay ko sa ilalim ng Christmas tree. -Ayos. 331 00:27:45,459 --> 00:27:47,084 Giannì, ibalot mo 'to. 332 00:27:50,251 --> 00:27:51,209 Salamat. 333 00:27:54,376 --> 00:27:57,501 -Salamat. Maligayang Pasko. -Sa'yo rin. Paalam, ganda. 334 00:28:02,376 --> 00:28:04,501 Kumusta? Ikukuwento mo na ba 'yon? 335 00:28:06,084 --> 00:28:06,918 Alin po? 336 00:28:07,418 --> 00:28:10,376 'Yong bagay na kinakatakutan mo. 337 00:28:11,459 --> 00:28:14,251 Dahil tiningnan mo 'yong sinabi kong tingnan mo. 338 00:28:15,251 --> 00:28:17,876 Mangako ka munang wala kang pagsasabihan. 339 00:28:17,959 --> 00:28:19,834 'Di ako nangako kahit kailan. 340 00:28:21,168 --> 00:28:25,334 Kay Enzo lang ako tanging nangako, wala nang iba. 341 00:28:29,043 --> 00:28:33,668 -Kung 'di ka mangangako, 'di ko sasabihin. -Pambihira ka. Ano ka ba naman? 342 00:28:35,459 --> 00:28:37,668 'Yong mga masasamang hindi mo masabi, 343 00:28:39,126 --> 00:28:40,459 papasok sa isip mo, 344 00:28:41,793 --> 00:28:43,459 at kakainin ang utak mo 345 00:28:44,209 --> 00:28:45,043 sa gabi 346 00:28:46,793 --> 00:28:47,834 habang tulog ka. 347 00:28:56,751 --> 00:28:58,834 -Nagtataksil ang nanay ko. -Ano? 348 00:28:59,584 --> 00:29:01,418 Pinagtataksilan niya si Papa. 349 00:29:01,501 --> 00:29:02,334 Pambihira. 350 00:29:02,959 --> 00:29:04,043 Si Mariano. 351 00:29:06,209 --> 00:29:08,918 Nagkakalabitan sila ng paa sa ilalim ng lamesa. 352 00:29:10,334 --> 00:29:12,001 'Wag n'yong sabihan si Papa. 353 00:29:13,418 --> 00:29:14,251 Papa? 354 00:29:15,793 --> 00:29:19,084 Sa tingin mo ba, may pakialam ang tatay mo 355 00:29:20,043 --> 00:29:22,501 sa pagkakalabitan ng paa nina Mariano? 356 00:29:26,709 --> 00:29:28,376 -Corrado. -Uy. 357 00:29:30,376 --> 00:29:31,751 -Kumusta? -Ayos naman. 358 00:29:32,543 --> 00:29:35,334 -Ano'ng ginagawa mo? -Nagbebenta ngayong Pasko. 359 00:29:37,918 --> 00:29:39,168 Tingnan mo siya. 360 00:29:40,334 --> 00:29:42,001 Masyado siyang palakaibigan. 361 00:29:42,626 --> 00:29:43,876 Tulad ng tatay niya. 362 00:29:43,959 --> 00:29:45,376 Masaya ka ba? 363 00:29:46,418 --> 00:29:47,251 Corrà! 364 00:29:51,501 --> 00:29:52,334 Corrà! 365 00:29:54,168 --> 00:29:55,376 'Yong puwesto mo! 366 00:29:57,084 --> 00:29:58,501 Dalawang minuto lang po. 367 00:30:08,418 --> 00:30:09,918 -Gusto mo 'to? -Oo. 368 00:30:19,501 --> 00:30:22,043 Tumawa ka pa, tatanggalan kita ng itlog. 369 00:30:23,668 --> 00:30:25,334 Tumatawa ka, Rosario. 370 00:30:26,043 --> 00:30:28,126 -Tatawa ka pa? -Hindi. 371 00:30:29,459 --> 00:30:31,251 Oo nga, tumatawa ka nga. 372 00:30:32,043 --> 00:30:35,751 Dahil iniisip mong poprotektahan ka ng tatay mong abogado? 373 00:30:36,293 --> 00:30:39,459 Nagkakamali ka. Walang poprotekta sa'yo laban sa akin. 374 00:30:39,543 --> 00:30:43,876 'Wag mo nang guluhin si Corrado. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? 375 00:30:43,959 --> 00:30:45,668 Ilang beses ko bang uulitin? 376 00:30:46,168 --> 00:30:48,626 -Alam ko na 'yan. -Hindi mo pa rin alam. 377 00:30:48,709 --> 00:30:51,084 Iniisip mong 'di kita magagawang saktan. 378 00:30:51,168 --> 00:30:53,626 'Yon ba? Kung gano'n, nagkakamali ka! 379 00:30:54,501 --> 00:30:55,418 Tingnan mo 'to! 380 00:30:58,626 --> 00:30:59,751 Vittoria! 381 00:30:59,834 --> 00:31:02,334 -Vittoria, tama na! Ano ba? -Tita, tama na! 382 00:31:02,418 --> 00:31:03,584 Alam mo na ngayon? 383 00:31:03,668 --> 00:31:05,334 -Hayaan mo na. -Umalis ka na! 384 00:31:05,418 --> 00:31:07,126 -Aalis na ako. -'Yong gunting. 385 00:31:07,209 --> 00:31:08,626 Sige, umalis ka na! 386 00:31:08,709 --> 00:31:10,501 Dito ka lang! 387 00:31:11,293 --> 00:31:13,959 -Hindi naman nananadya 'yong tao. -Talaga? 388 00:31:14,043 --> 00:31:17,293 Ang lakas ng loob niyang pagtawanan ako. Sa harap ko pa! 389 00:31:17,376 --> 00:31:19,293 Walang puwedeng gumawa no'n. 390 00:31:19,376 --> 00:31:21,959 -'Di niya sadya. -Sayang ang oras mo riyan. 391 00:31:22,043 --> 00:31:25,376 Tumahimik ka! Ayaw ko nang makarinig ng kahit ano, Corrà! 392 00:31:25,459 --> 00:31:28,001 Sino ba 'to? Ay, Padre Giacomo, pasensya na. 393 00:31:28,084 --> 00:31:30,293 Tara na. Nahihilo na si Vittoria. 394 00:31:31,876 --> 00:31:33,793 -Maghanda na rin ba ako? -Oo. 395 00:31:35,126 --> 00:31:36,126 Tara na. 396 00:31:45,168 --> 00:31:46,001 Giovà! 397 00:31:47,918 --> 00:31:49,918 -Nandito si Roberto. -Nasaan siya? 398 00:31:51,793 --> 00:31:55,793 'Di ko makita. Dinudumog siya. Nagbibigay siya ng mga salita niya. 399 00:31:55,876 --> 00:31:58,668 -"Mga salita niya"? -Lagi niya 'yong ginagawa. 400 00:31:58,751 --> 00:32:01,459 Nagbibigay siya ng salita sa lahat. 401 00:32:01,543 --> 00:32:04,209 Hindi lang basta salita. Depende sa tao. 402 00:32:04,293 --> 00:32:06,126 Tingnan mo. Para sa'yo raw ito. 403 00:32:07,043 --> 00:32:07,918 Para sa akin? 404 00:32:08,418 --> 00:32:11,334 Oo. Ikinuwento kita, tapos pumili siya ng salita. 405 00:32:11,418 --> 00:32:13,751 -Anong salita? -'Di ko alam. Buksan mo. 406 00:32:17,001 --> 00:32:18,126 "Pagsisisi." 407 00:32:19,084 --> 00:32:20,668 -Bakit ito? -'Di ko alam. 408 00:32:20,751 --> 00:32:22,668 Ang alam ko lang mahal ko siya. 409 00:32:23,293 --> 00:32:25,668 Tatawagin ko siya para maipakilala kita. 410 00:33:29,459 --> 00:33:30,543 Maligayang Pasko. 411 00:33:32,834 --> 00:33:33,876 Salamat. 412 00:34:31,168 --> 00:34:33,668 Diyos ko, Panginoon ng Kaharian ng Langit, 413 00:34:34,501 --> 00:34:36,334 patigilin n'yo na si Vittoria, 414 00:34:36,418 --> 00:34:37,959 at ipahatid n'yo na ako, 415 00:34:40,834 --> 00:34:42,793 at 'wag sana siyang magsasalita. 416 00:35:15,501 --> 00:35:16,376 Sol? 417 00:35:17,876 --> 00:35:18,751 Baba na. 418 00:35:19,459 --> 00:35:20,334 Sige po. 419 00:35:21,668 --> 00:35:24,043 'Wag n'yong ipagsasabi sa kahit na sino. 420 00:35:25,959 --> 00:35:27,043 Giannì, 421 00:35:27,709 --> 00:35:31,251 kung gusto mong lumaki, at maging isang ganap na babae, 422 00:35:32,084 --> 00:35:34,876 kailangan mong mauntog, kailangan mong masaktan. 423 00:35:36,126 --> 00:35:40,168 Dahil kung hindi, magiging bata ka pa rin, gaya ng nanay at tatay mo. 424 00:35:40,793 --> 00:35:42,959 Gaya ng lahat ng mga talunan dito. 425 00:35:45,709 --> 00:35:48,126 Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako. 426 00:35:48,209 --> 00:35:49,418 Pero tandaan mo 'to. 427 00:35:50,501 --> 00:35:52,709 Isang "Vittoria, puntahan mo ako!" 428 00:35:53,418 --> 00:35:56,376 darating ako. 'Di kita papabayaan. 429 00:35:56,959 --> 00:35:57,876 'Di kailan man. 430 00:36:08,418 --> 00:36:10,334 -Baba na po ba ako? -Oo, sige na. 431 00:36:12,251 --> 00:36:13,793 -Paalam. -Paalam. 432 00:36:14,584 --> 00:36:15,918 Napakaganda mo. 433 00:36:27,834 --> 00:36:29,043 Puwedeng makihithit? 434 00:36:41,918 --> 00:36:43,376 Naghiganti ang tita ko. 435 00:36:44,918 --> 00:36:48,834 Pero 'di niya ginamit 'yong sinabi ko. 'Di niya tinawagan si Papa. 436 00:36:48,918 --> 00:36:53,584 Tinawagan niya ang nanay ko at sinira niya ang pamilya namin sa mga salita niya. 437 00:37:38,626 --> 00:37:41,626 Diyos ko, alam ko naman pong kasalanan ko 'to. 438 00:37:42,543 --> 00:37:45,084 Masyado akong nabaliw sa mga katotohanan. 439 00:37:45,168 --> 00:37:46,834 Nasisira na tuloy ang lahat. 440 00:37:47,501 --> 00:37:51,668 Ang pamilya sa bahay na ito, itong bahay sa San Giacomo dei Capri. 441 00:37:52,251 --> 00:37:55,334 Itong San Giacomo dei Capri sa Vomero, sa siyudad. 442 00:37:55,418 --> 00:37:58,209 Lulubog ang siyudad na ito sa dagat. 443 00:37:58,293 --> 00:38:00,543 Heto na 'yon. Handa na ako. 444 00:38:11,209 --> 00:38:12,043 Sa'yo ito. 445 00:38:14,293 --> 00:38:15,126 Regalo n'yo? 446 00:38:16,001 --> 00:38:17,251 'Di niya ibinibigay. 447 00:38:18,293 --> 00:38:19,626 Ibinabalik niya sa'yo. 448 00:38:28,376 --> 00:38:30,751 Akala ko, sa akin 'to, pero… 449 00:38:32,876 --> 00:38:34,084 mali pala ako. 450 00:38:35,709 --> 00:38:36,709 Sa'yo ito. 451 00:38:38,043 --> 00:38:39,043 Mabuti. 452 00:38:40,459 --> 00:38:41,959 Alam mo ang daan palabas. 453 00:38:47,209 --> 00:38:48,043 Pasensya na. 454 00:39:29,876 --> 00:39:31,126 'Di ko maintindihan. 455 00:39:33,709 --> 00:39:36,626 Bakit ibinigay sa akin ni Costanza ang pulseras? 456 00:39:39,418 --> 00:39:40,918 Alam mo ba kung ano 'yan? 457 00:39:45,876 --> 00:39:46,751 Opo. 458 00:39:56,668 --> 00:39:57,584 Nasaan si Papa? 459 00:40:00,001 --> 00:40:01,584 Kung saan siya nararapat. 460 00:40:06,709 --> 00:40:08,668 Akala ko, kayo 'yong nagtataksil. 461 00:40:10,501 --> 00:40:11,751 Mali ka ng akala. 462 00:40:13,959 --> 00:40:15,293 Pero 'di mo kasalanan. 463 00:40:18,209 --> 00:40:21,293 'Yong mga sinungaling, nababaliktad nila ang mga tao. 464 00:41:11,376 --> 00:41:13,418 Uy, Giovà. Sandali. 465 00:41:16,293 --> 00:41:17,918 Humihingi ako ng paumanhin. 466 00:41:19,334 --> 00:41:22,834 Naging masama ako sa'yo. 'Di ko pa alam noon kung paano. 467 00:41:23,418 --> 00:41:24,793 Pero alam ko na ngayon. 468 00:41:25,293 --> 00:41:26,376 Kung gusto mo, 469 00:41:27,084 --> 00:41:29,751 ibigay mo sa akin ang number mo. Lumabas tayo. 470 00:41:30,584 --> 00:41:31,626 'Di na kailangan. 471 00:41:33,084 --> 00:41:34,918 Ibigay mo na ang number mo. 472 00:41:36,584 --> 00:41:40,793 Kahit masungit ka, tatakpan ko ng unan ang mukha mo, at magtatalik tayo. 473 00:41:40,876 --> 00:41:42,251 -Talaga? -Oo. 474 00:41:42,334 --> 00:41:43,209 Sige. 475 00:41:46,751 --> 00:41:47,626 Seven. 476 00:41:48,459 --> 00:41:49,293 Seven. 477 00:41:50,543 --> 00:41:51,376 Five. 478 00:41:53,918 --> 00:41:55,084 Walang-hiya ka. 479 00:41:55,626 --> 00:41:56,626 Tatawag ka ha? 480 00:41:57,418 --> 00:41:58,418 Ano'ng nangyari? 481 00:42:08,209 --> 00:42:12,793 HANGO SA KAPANGALAN NA NOBELA NI ELENA FERRANTE 482 00:45:31,459 --> 00:45:36,459 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: John Vincent Lunas Pernia