1
00:00:06,043 --> 00:00:10,126
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX
2
00:00:17,293 --> 00:00:22,709
ENERO
3
00:00:34,001 --> 00:00:38,126
PEBRERO
4
00:01:07,334 --> 00:01:11,876
MARSO
5
00:01:29,334 --> 00:01:35,168
ABRIL
6
00:01:50,293 --> 00:01:54,334
MAYO
7
00:01:54,834 --> 00:01:57,043
MAGWAWALA AKO
8
00:02:12,084 --> 00:02:19,084
HUNYO
9
00:02:30,626 --> 00:02:37,293
HULYO
10
00:02:47,793 --> 00:02:51,168
AGOSTO
11
00:03:16,626 --> 00:03:21,084
SETYEMBRE
12
00:03:40,293 --> 00:03:43,668
Bakit ayaw mong magdahilan? Magdahilan ka.
13
00:03:43,751 --> 00:03:46,543
Ano ba'ng gusto mo?
Ano pa'ng gusto mo sa'kin?
14
00:03:46,626 --> 00:03:48,876
Ngayon gusto mong magdahilan ako.
15
00:03:48,959 --> 00:03:50,084
-Ayos.
-Oo na.
16
00:03:50,168 --> 00:03:53,084
-Diyos ko naman.
-Oo nga naman!
17
00:03:54,793 --> 00:03:57,459
Ang Posillipo ang mahal mo,
hindi si Costanza.
18
00:03:57,543 --> 00:04:00,001
-At naniwala naman 'yong isa.
-Ano ka ba?
19
00:04:00,084 --> 00:04:03,584
'Di ka nagwawasto ng nobela.
Nagsusulat ka. Nag-iimbento ka.
20
00:04:03,668 --> 00:04:06,001
Sinungaling ka nga. Tama ang tatay ko.
21
00:04:06,084 --> 00:04:07,501
Ano ba naman, tama na!
22
00:04:07,584 --> 00:04:09,293
Walang aalis sa tahanang ito!
23
00:04:09,376 --> 00:04:12,001
Kahit pin. Kahit medyas. Wala!
24
00:04:12,084 --> 00:04:13,168
Walang aalis dito!
25
00:04:13,876 --> 00:04:16,501
Lahat ng nandito
ay pag-aari nating dalawa.
26
00:04:24,709 --> 00:04:25,543
Paalam.
27
00:04:28,793 --> 00:04:32,459
'Pag bata ka, para bang malaki
ang lahat ng bagay.
28
00:04:32,543 --> 00:04:35,959
'Pag tumanda ka na,
lumiliit naman ang mga bagay.
29
00:04:37,209 --> 00:04:39,334
-Kanya-kanya ang lahat.
-Galit ka ba?
30
00:04:39,418 --> 00:04:40,251
Hindi.
31
00:04:41,918 --> 00:04:43,168
Salamat naman.
32
00:04:43,251 --> 00:04:45,709
Lahat sila sa bahay, galit.
33
00:04:46,459 --> 00:04:49,168
Umiiyak. Umiiyak silang lahat.
Si Ida, Si Mama…
34
00:04:50,459 --> 00:04:52,251
Kahit si Papa umiyak din.
35
00:04:52,793 --> 00:04:54,293
No'ng gabing umalis siya,
36
00:04:54,376 --> 00:04:57,459
bitbit niya ang maleta niya
at lumuluha ang mga mata.
37
00:04:57,959 --> 00:04:59,543
At sinigawan niya si Mama.
38
00:05:00,043 --> 00:05:06,709
Sabi niya, "Malay ko ba kung anak ko
ang dalawang 'yan o sa hayop na 'yon!"
39
00:05:06,793 --> 00:05:08,709
"Anak ba sila ng hayop na 'yon?"
40
00:05:09,334 --> 00:05:10,709
Tatay mo ang tinutukoy.
41
00:05:11,751 --> 00:05:14,251
-Kalokohan 'yan.
-'Di mo rin masasabi.
42
00:05:15,293 --> 00:05:17,126
May pagkasira-ulo ang tatay mo.
43
00:05:18,126 --> 00:05:19,251
Umiyak din ba siya?
44
00:05:19,959 --> 00:05:21,834
Hindi. Nagbabasa lang siya.
45
00:05:28,959 --> 00:05:30,834
May balak silang magpakasal.
46
00:05:41,959 --> 00:05:45,501
May sasabihin ako.
Mangako kang wala kang pagsasabihan.
47
00:05:45,584 --> 00:05:47,709
Alam kong kayo na ni Tonino.
48
00:05:48,334 --> 00:05:49,251
Alam mo?
49
00:05:50,959 --> 00:05:52,084
Hindi ka ba galit?
50
00:05:52,168 --> 00:05:53,209
Baliw ka ba?
51
00:05:55,001 --> 00:05:58,168
Salamat naman.
Akala ko talaga magagalit ka.
52
00:05:58,668 --> 00:06:01,084
-Magagalit saan?
-'Di ko alam.
53
00:06:01,168 --> 00:06:04,626
Sabi mo mahal mo siya,
tapos biglang hindi. 'Di ko na alam.
54
00:06:05,751 --> 00:06:08,293
Masaya ako na naging kayo.
Magpakasaya kayo.
55
00:06:09,168 --> 00:06:10,709
Nasa inyo ang suporta ko.
56
00:06:18,459 --> 00:06:20,876
-Kumusta ang tag-araw mo?
-Ayos naman.
57
00:06:22,709 --> 00:06:25,209
Malungkot si Mama
dahil lumayas na si Papa.
58
00:06:25,293 --> 00:06:26,626
Tapos bagsak pa ako.
59
00:06:27,209 --> 00:06:28,293
Nabalitaan ko nga.
60
00:06:28,376 --> 00:06:31,126
No'ng nalaman nila,
nahinto sila sa pag-aaway,
61
00:06:31,209 --> 00:06:33,751
para lang pag-usapan
na wala dapat makaalam.
62
00:06:34,251 --> 00:06:35,334
Mga mapagkunwari.
63
00:06:37,876 --> 00:06:40,626
Ayos lang. Babawi na lang ako sa susunod.
64
00:06:41,584 --> 00:06:46,043
-Ikakasal ang mga magulang natin.
-Oo. Magdiwang dapat tayo.
65
00:06:49,376 --> 00:06:51,084
'Wag kayong masabik ni Ida.
66
00:06:52,043 --> 00:06:55,376
Kahit magpakasal pa sila,
tatay mo pa rin si Mariano.
67
00:06:55,459 --> 00:06:57,043
Tatay ko pa rin si Andrea.
68
00:07:02,751 --> 00:07:04,126
Saan ka pupunta?
69
00:07:10,834 --> 00:07:12,168
Iniwan niya na ako.
70
00:07:35,043 --> 00:07:36,584
Giannì, naririnig kita.
71
00:07:42,126 --> 00:07:43,418
Ayaw mo bang buksan?
72
00:07:43,501 --> 00:07:46,209
Ayaw ni Mama na binubuksan ko
'pag mag-isa ako.
73
00:07:46,793 --> 00:07:48,626
Kaya nga binuksan ko eh. Tuloy.
74
00:07:50,418 --> 00:07:51,251
Hi, Nello.
75
00:07:54,084 --> 00:07:55,168
"Hi, Nello."
76
00:07:57,959 --> 00:07:58,918
Pasaway ka.
77
00:08:03,751 --> 00:08:05,584
-Tuloy.
-Pasaway ka talaga, 'no?
78
00:08:05,668 --> 00:08:06,584
-Tama ba?
-Oo.
79
00:08:08,168 --> 00:08:09,334
Ano'ng gusto mo?
80
00:08:09,876 --> 00:08:12,043
'Wag na, nagkape na ako.
81
00:08:12,668 --> 00:08:13,668
Sige.
82
00:08:14,334 --> 00:08:17,418
-Puwede mo bang hinaan 'yong tugtog?
-Puwede naman.
83
00:08:25,501 --> 00:08:26,459
-Corrà?
-Bakit?
84
00:08:26,543 --> 00:08:27,459
Bilisan mo.
85
00:08:28,293 --> 00:08:31,209
-Ang ganda naman ng bahay ninyo.
-Salamat.
86
00:08:31,293 --> 00:08:32,959
Ang daming libro.
87
00:08:33,459 --> 00:08:34,793
-Palabasa ako.
-Talaga?
88
00:08:35,376 --> 00:08:38,334
-Ikaw ba?
-Hindi. Nakakabagot. 'Di ko natatapos.
89
00:08:39,668 --> 00:08:41,001
Gusto mo ng cookie?
90
00:08:41,834 --> 00:08:43,459
Busog pa ako. Salamat.
91
00:08:44,918 --> 00:08:46,543
Kumusta ang mga kapatid mo?
92
00:08:47,084 --> 00:08:48,751
Sino? 'Yong dalawang tanga?
93
00:08:49,459 --> 00:08:51,126
Nakakatawa naman 'yon.
94
00:08:51,751 --> 00:08:57,126
Tanga 'yong kapatid ko kasi niligawan niya
si Angela, na mas tanga pa sa kanya.
95
00:08:57,209 --> 00:09:00,834
Tinanong ko siya, "Tonino,
nahalikan mo na ba siya sa labi?"
96
00:09:01,334 --> 00:09:03,043
Sabi niya, "Ilang beses na."
97
00:09:03,626 --> 00:09:06,584
"Nahawakan mo na ba
ang dibdib o ari niya?"
98
00:09:06,668 --> 00:09:08,501
"Hindi, nirerespeto ko siya."
99
00:09:09,418 --> 00:09:11,626
"Ay, tanga ka nga talaga."
100
00:09:11,709 --> 00:09:14,584
"Tanga ang nakikipag-date
sa nirerespeto niya."
101
00:09:14,668 --> 00:09:17,168
"Bakit mo pala siya dine-date?"
102
00:09:17,709 --> 00:09:20,626
Kung 'di tanga si Angela,
dapat sabihin niya,
103
00:09:20,709 --> 00:09:24,043
"Tonino, mahal kita,
pero 'wag mo na akong irespeto."
104
00:09:25,709 --> 00:09:29,459
Nakikipag-date naman
si Giuliana kay Roberto.
105
00:09:29,959 --> 00:09:31,584
-Kilala mo si Roberto?
-Oo.
106
00:09:31,668 --> 00:09:33,084
Kaibigan ni Tonino.
107
00:09:33,168 --> 00:09:36,709
Nagkagustuhan sila no'ng mga bata pa sila.
Ngayon, sila na.
108
00:09:36,793 --> 00:09:39,251
Ayos lang naman talaga. Mabuti nga 'yon.
109
00:09:39,334 --> 00:09:41,251
Pero nabaliw si Giuliana.
110
00:09:41,334 --> 00:09:43,126
Talagang naging tanga na siya.
111
00:09:43,209 --> 00:09:45,834
Sasabihin niya,
"Si Roberto ang pinakaguwapo,
112
00:09:45,918 --> 00:09:49,251
pinakamabait, pinakamatalino,
at pinakamahusay sa lahat."
113
00:09:49,334 --> 00:09:50,543
At napakarelihiyoso.
114
00:09:51,751 --> 00:09:55,751
Sa katunayan nga, sinabihan siya
mismo ni Hesus mula sa krus,
115
00:09:55,834 --> 00:09:58,626
"Roberto, lagi kang nandito sa simbahan."
116
00:09:59,209 --> 00:10:02,209
"Mas naniniwala ka pa
sa aking Ama kaysa sa akin!"
117
00:10:03,209 --> 00:10:04,876
-Nakuha mo?
-Totoo 'yan.
118
00:10:12,126 --> 00:10:13,334
Gusto mong makita?
119
00:10:18,751 --> 00:10:21,251
Akin na ang kamay mo. Ipapahawak ko sa'yo.
120
00:10:30,001 --> 00:10:31,001
Hawakan mo.
121
00:10:33,834 --> 00:10:36,168
'Wag mong diinan. Masakit.
122
00:10:38,834 --> 00:10:40,043
Ganyan nga, mahusay.
123
00:10:44,293 --> 00:10:45,959
Ngayon ka lang ba nakahawak?
124
00:10:46,043 --> 00:10:47,876
Tama na. Baka dumating si Mama.
125
00:10:47,959 --> 00:10:50,834
Ipapahawak ko rin sa kanya.
Ano'ng problema ro'n?
126
00:10:57,001 --> 00:10:58,459
Gusto mo bang isubo?
127
00:11:03,918 --> 00:11:06,876
-Corrà, ayos ka lang?
-Oo. Tama na.
128
00:11:10,834 --> 00:11:13,251
Ah, Giannì, kailangan ko nang umalis.
129
00:11:15,251 --> 00:11:16,709
Masaya naman, 'di ba?
130
00:11:19,876 --> 00:11:22,918
-Magkita tayo ulit?
-Kailangan ko pang mag-aral.
131
00:11:23,001 --> 00:11:25,168
Bakit pa? Sobrang talino mo.
132
00:11:25,251 --> 00:11:27,251
"Sobrang talino"? Bumagsak ako!
133
00:11:27,751 --> 00:11:30,501
Ibinagsak nila ako
dahil nanaksak ako ng pen.
134
00:11:31,834 --> 00:11:33,043
Ihahatid na kita.
135
00:11:37,751 --> 00:11:38,668
Oo nga pala!
136
00:11:40,584 --> 00:11:42,584
Nakalimutan ko bakit ako pumunta.
137
00:11:42,668 --> 00:11:43,751
-Ano?
-Diyos ko.
138
00:11:43,834 --> 00:11:47,501
Lagot ako kay Vittoria
'pag nakalimutan ko. Magagalit 'yon.
139
00:11:48,334 --> 00:11:49,959
-Si Vittoria?
-Oo.
140
00:11:50,459 --> 00:11:51,584
Bakit daw?
141
00:11:52,084 --> 00:11:54,793
Wala lang. Pinapakuha
lang niya 'yong pulseras.
142
00:11:54,876 --> 00:11:56,084
-'Yong pulseras?
-Oo.
143
00:11:56,793 --> 00:11:57,793
Bakit?
144
00:11:59,126 --> 00:12:00,334
Sabi niya…
145
00:12:01,918 --> 00:12:03,376
Naging salbahe ka raw.
146
00:12:04,251 --> 00:12:08,209
Hindi ka raw tumatawag.
Kung gano'n ka raw, maglaho ka na lang.
147
00:12:08,293 --> 00:12:10,543
'Di mo raw mahal ang kamag-anak mo.
148
00:12:10,626 --> 00:12:14,418
At sinabi rin niya
na tulad ka lang din ng tatay mo.
149
00:12:15,251 --> 00:12:17,251
Sige. Kakausapin ko na lang siya.
150
00:12:17,334 --> 00:12:19,876
-'Wag na. Akin na 'yong pulseras.
-Hindi.
151
00:12:21,001 --> 00:12:25,043
Sabihin mo sa kanya, "Si Giovanna
mismo ang mag-aabot ng pulseras."
152
00:12:28,543 --> 00:12:29,959
Desidido ka talaga, 'no?
153
00:12:34,084 --> 00:12:35,168
Sige na nga.
154
00:12:36,501 --> 00:12:38,876
-May magagawa pa ba ako?
-Wala.
155
00:12:39,459 --> 00:12:40,793
Sige na, umalis ka na.
156
00:12:40,876 --> 00:12:42,084
Sige na!
157
00:12:43,126 --> 00:12:45,376
-Ihahatid na kita.
-Salamat.
158
00:12:46,293 --> 00:12:49,168
Ang bait mo naman. Saan ba 'yong pinto?
159
00:12:49,709 --> 00:12:52,626
'Di ko mahanap ang daan!
160
00:13:54,251 --> 00:13:55,793
Kumusta ang pag-aaral mo?
161
00:13:56,501 --> 00:13:57,376
Ayos lang po.
162
00:13:59,668 --> 00:14:00,834
Nag-aaral ka ba?
163
00:14:00,918 --> 00:14:02,043
Siyempre naman po.
164
00:14:05,584 --> 00:14:08,001
-Kumusta ang mga bago mong kaklase?
-Ewan.
165
00:14:08,834 --> 00:14:10,209
Iisipin ko pa.
166
00:14:23,126 --> 00:14:25,293
Puwede kang tumawa kung gusto mo.
167
00:14:26,001 --> 00:14:27,293
Tinatakot n'yo ako.
168
00:14:30,084 --> 00:14:31,001
"Tinatakot"?
169
00:14:32,084 --> 00:14:32,918
Opo.
170
00:14:35,334 --> 00:14:37,293
Nakakatakot 'yong kabaitan ninyo.
171
00:14:42,293 --> 00:14:43,376
Salamat.
172
00:14:45,584 --> 00:14:49,501
Nakausap ko 'yong punong-guro.
Nakumbinsi ko siya na tama ka.
173
00:14:51,043 --> 00:14:54,043
Tama lang na matusok ng pen
ang mapang-api na 'yon.
174
00:14:54,626 --> 00:14:56,084
'Di naman kailangan.
175
00:14:57,459 --> 00:14:59,001
Isang aral 'yon.
176
00:15:02,043 --> 00:15:04,418
Nakukuha mo ang atensyon ng sino man.
177
00:15:07,084 --> 00:15:09,459
Magiging kakampi mo siya sa high school.
178
00:15:09,543 --> 00:15:11,793
Kayo ang kakampi niya, 'di ako.
179
00:15:24,459 --> 00:15:26,459
'Di mo nagustuhan ang ginawa ko?
180
00:15:27,043 --> 00:15:29,501
Sa totoo lang, nagustuhan ko.
181
00:15:30,418 --> 00:15:33,626
'Pag niyaya mo siyang makapag-date
sa'yo, papayag siya.
182
00:15:37,918 --> 00:15:38,918
Hayop na 'yan.
183
00:15:40,584 --> 00:15:42,209
Ano ba dapat ang ginawa ko?
184
00:15:43,584 --> 00:15:45,001
'Di ka na lang nakialam?
185
00:15:45,959 --> 00:15:47,126
Nang-iwan ka.
186
00:15:48,209 --> 00:15:50,459
May iba ka nang asawa. Ibang mga anak.
187
00:15:51,751 --> 00:15:53,334
Hayaan mo na kami ni Mama.
188
00:15:56,459 --> 00:15:58,584
Pinapahalagahan namin ang isa't isa.
189
00:15:59,751 --> 00:16:01,584
At ikaw ang nag-iisa kong anak.
190
00:16:02,793 --> 00:16:03,709
Kalokohan.
191
00:16:07,209 --> 00:16:08,626
'Yon ang totoo.
192
00:16:12,043 --> 00:16:14,168
Minsan magsisinungaling ka para…
193
00:16:15,168 --> 00:16:16,918
protektahan ang mga mahal mo.
194
00:16:17,001 --> 00:16:18,126
Heto na naman tayo.
195
00:16:19,001 --> 00:16:22,043
Kalokohan ng mga magagaling
magsinungaling.
196
00:16:26,668 --> 00:16:29,334
Tinatawag kitang "croquette" noon, 'di ba?
197
00:16:30,001 --> 00:16:31,084
Croquette.
198
00:16:50,918 --> 00:16:54,418
'Pag tapos ka na, alis na tayo.
Ihatid na ba kita sa bahay?
199
00:16:55,251 --> 00:16:56,334
Linawin po ninyo.
200
00:16:56,418 --> 00:16:59,334
'Yong "bahay," 'yong sa akin
o 'yong sa'yo?
201
00:17:00,168 --> 00:17:01,376
Kung saan mo gusto.
202
00:17:09,584 --> 00:17:12,168
Nagagawa n'yong pumasok
sa isip ng mga tao.
203
00:17:12,959 --> 00:17:14,876
Pero 'pag nakapasok na kayo,
204
00:17:14,959 --> 00:17:18,959
at nagawa n'yo silang pasunurin
sa gusto n'yo, ano'ng napapala ninyo?
205
00:17:39,751 --> 00:17:40,668
Tara na.
206
00:18:00,793 --> 00:18:02,293
Ikumusta mo ako kay Mama.
207
00:18:03,126 --> 00:18:05,459
Binisita ako ni Corrado no'ng nakaraan.
208
00:18:05,959 --> 00:18:08,168
-Sinong Corrado?
-Anak ni Margherita.
209
00:18:08,251 --> 00:18:09,251
Bakit daw?
210
00:18:09,334 --> 00:18:12,126
Hinawakan ko lang ang ari niya. Paalam.
211
00:18:49,584 --> 00:18:52,251
PAGKAKAISA
212
00:18:52,334 --> 00:18:53,584
Kinumusta ka ni Papa.
213
00:18:57,168 --> 00:18:59,251
-Kumain ba kayo?
-Opo.
214
00:18:59,334 --> 00:19:02,918
-Ano'ng kinain n'yo?
-Panzerotti, pritong masa, at croquette.
215
00:19:03,001 --> 00:19:05,834
-Lagi na lang 'yon ang kinakain ninyo.
-Opo.
216
00:19:06,543 --> 00:19:09,043
Tumatanda na siya.
Masama na 'yon sa kanya.
217
00:19:12,084 --> 00:19:13,209
Tingnan mo 'to.
218
00:19:14,543 --> 00:19:17,209
May artikulo siya
sa front page ng Pagkakaisa.
219
00:19:17,293 --> 00:19:19,001
"Bayan at paligid nito,
220
00:19:19,084 --> 00:19:21,626
marupok na balanse
sa gilid ng kailaliman."
221
00:19:22,959 --> 00:19:25,501
Ikakatuwa niya 'ito.
Nabanggit niya ba 'to?
222
00:19:27,334 --> 00:19:28,501
Ano'ng sabi niya?
223
00:19:29,501 --> 00:19:30,334
Wala po.
224
00:19:31,709 --> 00:19:34,376
'Di bale, heto, gusto mo bang basahin?
225
00:19:34,459 --> 00:19:35,293
Ayaw ko.
226
00:19:35,793 --> 00:19:37,459
Bakit n'yo ba binabasa 'yan?
227
00:19:38,209 --> 00:19:39,459
'Di ba kayo nahihiya?
228
00:19:52,793 --> 00:19:55,626
BUKAS
229
00:20:18,334 --> 00:20:19,334
At ano naman 'to?
230
00:20:24,043 --> 00:20:25,418
Para sa'yo 'yan.
231
00:20:25,918 --> 00:20:28,918
Nakita ko 'yan sa isang Italian
na diksyunaryo.
232
00:20:29,709 --> 00:20:32,793
-Si Tita Vittoria 'to.
-Ang guwapo ng tatay mo riyan.
233
00:20:34,084 --> 00:20:36,043
Mukha silang masaya rito.
234
00:20:37,084 --> 00:20:38,251
Sino 'tong babae?
235
00:20:39,001 --> 00:20:40,126
'Yong lola mo.
236
00:20:41,376 --> 00:20:43,084
-Mabait ba siya?
-Masama siya.
237
00:20:43,584 --> 00:20:44,418
Bakit naman?
238
00:20:45,376 --> 00:20:48,501
Inuuna pa niya ang ibang tao
kaysa sa mga anak niya.
239
00:20:49,084 --> 00:20:50,668
Suot niya ang pulseras ko.
240
00:20:51,168 --> 00:20:52,584
'Di ko napansin.
241
00:20:53,293 --> 00:20:54,459
Nakita ko kaagad.
242
00:20:54,959 --> 00:20:59,084
Talaga? Ipinapakita ko sa'yo
ang tatay mo, pero 'di mo tiningnan.
243
00:20:59,584 --> 00:21:02,209
Tiningnan ko. 'Di naman siya
gano'n kaguwapo.
244
00:21:02,293 --> 00:21:03,751
Sobrang guwapo niya.
245
00:21:04,334 --> 00:21:05,834
Pero masyado ka pang bata
246
00:21:05,918 --> 00:21:08,959
para makita ang kagandahan
ng matalinong lalaki.
247
00:21:10,626 --> 00:21:12,418
Kamukha siya ni Tita Vittoria.
248
00:21:18,543 --> 00:21:20,334
Ako ang iniwan niya, 'di ikaw.
249
00:21:21,459 --> 00:21:22,793
Pareho tayong iniwan.
250
00:21:23,834 --> 00:21:24,959
Galit ako sa kanya.
251
00:21:25,459 --> 00:21:29,126
-Ako ang dapat magalit.
-'Di ka nagagalit, kaya ako na lang.
252
00:21:29,793 --> 00:21:31,209
Alam kong galit ka.
253
00:21:32,751 --> 00:21:34,501
Pero tapat siyang tao.
254
00:21:36,584 --> 00:21:38,251
At tapat siya sa mahal niya.
255
00:21:40,959 --> 00:21:44,418
Sa haba ng panahon, si Costanza
ang tunay na minahal niya.
256
00:21:45,501 --> 00:21:47,084
Kaya magugulat pa ba tayo
257
00:21:47,584 --> 00:21:50,418
kung bakit sa kanya niya
ibinigay ang pulseras?
258
00:22:40,876 --> 00:22:42,001
May nangyari ba?
259
00:22:43,293 --> 00:22:45,793
Ipagdidiwang namin ang kaarawan ni Ida.
260
00:22:46,293 --> 00:22:47,126
Tara.
261
00:22:51,209 --> 00:22:53,626
Sige na, Giovanna. Pagbigyan mo na.
262
00:22:54,334 --> 00:22:56,043
Bukang-bibig ka lagi ni Ida.
263
00:22:59,209 --> 00:23:00,251
Adriana?
264
00:23:03,793 --> 00:23:06,418
-Ano?
-Puwede mo bang iuwi ang Vespa ko?
265
00:23:06,501 --> 00:23:08,501
Dahan-dahan ka lang sa clutch.
266
00:23:08,584 --> 00:23:10,126
-Sige, ako na.
-Salamat.
267
00:23:12,626 --> 00:23:13,459
Rino.
268
00:23:24,584 --> 00:23:26,709
Napanaginipan ka nga pala ni Angela.
269
00:23:27,418 --> 00:23:30,793
May hinahanap siyang sapatos.
'Di raw niya mahanap.
270
00:23:30,876 --> 00:23:32,418
Ikaw daw ang nakahanap.
271
00:23:33,209 --> 00:23:35,293
Wala naman akong kasalanan.
272
00:23:37,126 --> 00:23:38,251
Tama ka.
273
00:23:38,334 --> 00:23:42,751
Groom, yakapin mo ang bride. 'Wag gagalaw.
274
00:23:42,834 --> 00:23:46,084
Sandali lang, Salvato.
Gusto ko naman walang tungkod.
275
00:23:46,168 --> 00:23:47,043
Sige lang.
276
00:23:48,668 --> 00:23:51,834
Uy! Dahan-dahan! Ayos ka lang?
277
00:23:52,376 --> 00:23:54,376
-Oo.
-Sigurado ka? Ayos ka lang?
278
00:24:04,126 --> 00:24:06,501
-Ayos. Isang ngiti.
-Nandito na tayo.
279
00:24:06,584 --> 00:24:08,876
Isa pa ulit, at isa pa.
280
00:24:18,251 --> 00:24:20,334
Nag-aalala sa'yo ang tatay mo.
281
00:24:20,418 --> 00:24:23,543
'Di siya makatulog.
Kinakapos siya ng hininga sa gabi.
282
00:24:24,084 --> 00:24:26,793
Miss ka na niya, kahit sina Angela at Ida.
283
00:24:39,918 --> 00:24:41,334
Nami-miss din kita.
284
00:24:44,251 --> 00:24:45,584
Pati si Mariano.
285
00:24:48,043 --> 00:24:50,668
Walang may kasalanan.
Lahat tayo nagkakamali.
286
00:24:51,626 --> 00:24:53,709
'Di natin sinasadyang makasakit.
287
00:24:54,459 --> 00:24:55,459
Matalino ka.
288
00:24:56,251 --> 00:24:58,626
Hindi. Nagbabasa lang ako ng mga nobela.
289
00:25:04,251 --> 00:25:05,751
Alam mo bang umiiyak ako?
290
00:25:07,293 --> 00:25:08,126
Hindi.
291
00:25:08,626 --> 00:25:11,543
Oo nga pala,
puwede ba akong humingi ng pabor?
292
00:25:15,626 --> 00:25:16,751
Oo.
293
00:25:18,418 --> 00:25:19,376
Siyempre naman.
294
00:25:22,376 --> 00:25:24,126
Lahat kayo sinungaling.
295
00:25:29,043 --> 00:25:31,293
'Yan. Tumingin kayo sa isa't isa.
296
00:25:31,376 --> 00:25:34,293
'Wag kayong gagalaw. Isang halik naman.
297
00:25:35,459 --> 00:25:36,501
Binabati ko kayo.
298
00:25:36,584 --> 00:25:37,668
-Salamat.
-Salamat.
299
00:26:04,543 --> 00:26:06,209
May pasalubong ako sa inyo.
300
00:26:15,543 --> 00:26:17,376
-Maligayang kaarawan.
-Salamat.
301
00:26:37,209 --> 00:26:38,751
Espesyal na tao si Tonino.
302
00:26:39,793 --> 00:26:42,584
Bihira at mabagal siyang magsalita.
303
00:26:44,084 --> 00:26:45,918
Pero laging may laman.
304
00:26:47,668 --> 00:26:50,043
Lagi niya akong sinusundo sa paraalan.
305
00:26:50,626 --> 00:26:52,959
Siya ang pinakaguwapo sa lahat.
306
00:26:56,293 --> 00:27:01,418
No'ng isang gabi, kumain kami ng pizza
kasama sina Giuliana at Roberto.
307
00:27:01,918 --> 00:27:05,001
'Di ko alam ano'ng nagustuhan
ni Giuliana sa kanya.
308
00:27:05,501 --> 00:27:08,084
Mukha lang naman siyang… normal na lalaki.
309
00:27:09,626 --> 00:27:11,543
Natutuwa rin sa kanya si Tonino.
310
00:27:11,626 --> 00:27:15,126
Matalino raw siya, pero para sa'kin,
mas matalino si Tonino.
311
00:27:15,209 --> 00:27:18,376
Angela, 'wag mo
masyadong binabanggit si Tonino.
312
00:27:18,876 --> 00:27:22,834
Kapag nalaman nilang magkarelasyon kayo,
siguradong lagot ka.
313
00:27:23,668 --> 00:27:26,418
-'Di puwedeng malaman ni Mama.
-Eh si Mariano?
314
00:27:26,501 --> 00:27:27,543
Lalo na siya.
315
00:27:27,626 --> 00:27:29,293
Kapag nalaman ni Papa 'yan--
316
00:27:29,376 --> 00:27:32,209
Sino ba siya?
'Di niya ako puwedeng diktahan.
317
00:27:32,293 --> 00:27:35,001
Tama si Angela.
Si Mariano ang tatay namin.
318
00:27:36,293 --> 00:27:39,126
Pero ngayon, 'di na kami anak
ng kahit na sino.
319
00:27:39,793 --> 00:27:41,376
Kahit ng nanay namin.
320
00:27:44,168 --> 00:27:47,001
Isa siyang bayaran. Bayaran ng tatay mo.
321
00:27:49,959 --> 00:27:53,501
Dinuraan ko ang larawan ng tatay ko.
Kaya n'yo ba 'yon?
322
00:27:54,209 --> 00:27:57,626
-Duduraan ko 'yong kay Mama.
-'Di ko gagawin. Kahit kanino.
323
00:27:58,376 --> 00:28:01,084
-Iihian ko 'yong kay Papa.
-Sabay nating gawin.
324
00:28:01,168 --> 00:28:03,043
-Sige, isusulat ko kayo.
-Ano?
325
00:28:03,126 --> 00:28:06,334
-Sa pag-ihi n'yo sa larawan ni Andrea.
-Isang kuwento?
326
00:28:07,459 --> 00:28:08,459
Oo.
327
00:28:11,126 --> 00:28:13,709
Kung gusto mo ng ganyan,
may sasabihin ako.
328
00:28:13,793 --> 00:28:15,043
Bakit, ano ba 'yon?
329
00:28:15,626 --> 00:28:17,626
Mas bayaran ako kaysa sa nanay mo.
330
00:28:18,501 --> 00:28:19,918
May nobyo ka ba?
331
00:28:20,501 --> 00:28:22,793
'Di naman kailangan ng nobyo.
332
00:28:23,293 --> 00:28:25,084
Puwedeng gawin sa kahit sino.
333
00:28:25,584 --> 00:28:26,959
At ginawa mo 'yon?
334
00:28:27,876 --> 00:28:30,751
Ibinababa nila ang zipper nila
at magpapahawak.
335
00:28:31,334 --> 00:28:32,668
'Di ka ba nandidiri?
336
00:28:33,168 --> 00:28:36,251
Nandidiri. Amoy pampublikong palikuran.
337
00:28:36,334 --> 00:28:37,918
Maganda makipaghalikan.
338
00:28:38,001 --> 00:28:40,918
'Di ko alam.
Nababagot sila sa mga halikan.
339
00:28:41,001 --> 00:28:43,584
Mali ka. Hinahalikan ako lagi ni Tonino.
340
00:28:43,668 --> 00:28:46,876
-Hinahalikan ka, tapos? Ano pa?
-Nirerespeto niya ako.
341
00:28:48,168 --> 00:28:50,126
Ano naman kung irespeto ka?
342
00:28:50,209 --> 00:28:53,834
Ibig sabihin, mahal niya ako!
Wala sigurong nagmamahal sa'yo!
343
00:28:54,626 --> 00:28:55,834
Bumagsak ka nga eh.
344
00:28:59,584 --> 00:29:00,584
Totoo ba 'yon?
345
00:29:01,501 --> 00:29:04,918
-Oo, totoo. Ano naman ngayon?
-'Di namin ipagsasabi.
346
00:29:06,459 --> 00:29:08,043
Gumising nga kayo!
347
00:29:09,918 --> 00:29:13,709
Ang mga tulad n'yo lang na nag-aaral
ang nirerespeto at pumapasa!
348
00:29:13,793 --> 00:29:16,793
'Di ako nirerespeto,
'di nag-aaral, at bayaran ako.
349
00:29:21,209 --> 00:29:24,709
Tatlo, apat… maligayang kaarawan!
350
00:29:26,126 --> 00:29:27,543
-Binabati kita!
-Salamat.
351
00:29:27,626 --> 00:29:28,459
Yehey!
352
00:29:32,376 --> 00:29:34,084
Dalaga na ako. Mga hayop.
353
00:29:34,168 --> 00:29:35,126
Ida, umayos ka!
354
00:29:39,918 --> 00:29:41,793
Bakit 'di pumunta si Mariano?
355
00:29:41,876 --> 00:29:45,584
Giovanna, pakiusap. 'Wag kang bastos.
Tigilan mo 'yan.
356
00:29:47,376 --> 00:29:50,084
-Ano ba'ng mali sa sinabi ko?
-Alam mo na 'yon.
357
00:29:53,418 --> 00:29:56,043
Excuse lang.
Pupunta lang ako sa palikuran.
358
00:30:08,459 --> 00:30:09,668
Maligayang kaarawan.
359
00:30:32,626 --> 00:30:35,418
-Kay Mama 'yang pulseras ah?
-Ibinigay niya 'to.
360
00:30:36,501 --> 00:30:39,001
Ba't ibinigay n'yo sa kanya?
Gusto ko 'yon!
361
00:30:39,709 --> 00:30:41,126
Gusto ko nga rin 'yon.
362
00:30:45,834 --> 00:30:48,584
-Isauli mo 'yang pulseras, Giovà.
-'Di puwede.
363
00:30:48,668 --> 00:30:51,168
Kay Giovanna 'yon. Bigay ko sa kanya.
364
00:30:52,126 --> 00:30:53,751
Bakit ibinigay n'yo?
365
00:30:54,543 --> 00:30:57,709
-Dahil mabait siya, masipag mag-aral.
-Tumigil ka na.
366
00:30:57,793 --> 00:31:01,709
"Mabait"? "Masipag mag-aral"?
May sinaksak ako at bumagsak ako!
367
00:31:06,501 --> 00:31:09,126
Ibalik mo kay Costanza
'yang pulseras, Giovà.
368
00:31:09,209 --> 00:31:11,793
Hindi. Kay lola ito. 'Di ko ito ibibigay.
369
00:31:11,876 --> 00:31:16,376
Alam ko kung kanino 'yang pulseras.
Isauli mo na 'yan ngayon!
370
00:31:17,043 --> 00:31:18,709
Iniinis mo ako!
371
00:31:25,418 --> 00:31:29,668
Kay Giovanna ang pulseras na 'to.
Ayaw ko nang makarinig ng kahit ano.
372
00:31:31,084 --> 00:31:32,501
Maligayang kaarawan.
373
00:31:34,584 --> 00:31:36,834
Dalhan mo ng cake ang nanay mo.
374
00:31:40,168 --> 00:31:41,084
Sige po.
375
00:32:07,459 --> 00:32:08,751
Natakot ka ba?
376
00:32:12,043 --> 00:32:14,293
Dahil 'di na ako tulad ng dati.
377
00:32:15,584 --> 00:32:16,959
Siguro nga tama ka.
378
00:32:23,043 --> 00:32:24,709
Puwede bang ihinto n'yo?
379
00:32:47,001 --> 00:32:48,209
Mahal kita.
380
00:32:49,584 --> 00:32:53,334
Mahal kita, Giovà.
Mahal ko rin ang nanay mo.
381
00:32:53,418 --> 00:32:54,626
Mahal kita.
382
00:32:55,126 --> 00:32:58,626
Pagmamahal ba ang ibig sabihin
ng pananakit mo sa amin?
383
00:32:59,709 --> 00:33:01,251
'Di mo ba ako nauunawaan?
384
00:33:01,751 --> 00:33:03,418
Subukan mo naman
385
00:33:04,543 --> 00:33:08,501
na magkaroon ng awa at makita
kung gaano ako nasasaktan!
386
00:33:11,418 --> 00:33:13,418
Hindi ko kayang magpakita ng awa.
387
00:33:15,334 --> 00:33:17,584
Buong buhay ko, akala ko matino kayo.
388
00:33:20,251 --> 00:33:24,251
Hayaan n'yo muna akong maintindihan
ang totoong katauhan ninyo.
389
00:33:27,418 --> 00:33:29,084
Pasensya na kung galit kayo.
390
00:33:35,668 --> 00:33:37,376
'Di ka talaga nakakaunawa.
391
00:33:40,043 --> 00:33:41,376
Hindi ako galit.
392
00:33:42,209 --> 00:33:43,501
Matino ako.
393
00:33:46,001 --> 00:33:47,126
Naiintindihan mo?
394
00:33:48,668 --> 00:33:54,334
Para 'di kayo masaktang dalawa, pinuwersa
n'yo akong magsinungaling.
395
00:33:55,293 --> 00:33:56,709
Minahal ko ang nanay mo.
396
00:33:57,376 --> 00:33:59,626
At nahulog ang loob ko sa ibang babae.
397
00:33:59,709 --> 00:34:02,626
Nahulog ako kay Costanza,
at 'di ako nahihiya.
398
00:34:03,293 --> 00:34:05,376
Kinuha ko lang ang gusto ko.
399
00:34:07,543 --> 00:34:11,001
Excuse me.
Bakit binigyan mo ako ng flute na baso?
400
00:34:11,084 --> 00:34:14,584
Alam ko, pero 'di lang ako
mahilig sa gano'n.
401
00:34:15,084 --> 00:34:17,459
May iba pa ba kayong mga baso?
402
00:34:18,209 --> 00:34:19,209
Salamat.
403
00:34:19,834 --> 00:34:22,126
-Tungkol saan 'yon?
-Wala lang.
404
00:34:22,209 --> 00:34:25,209
Palagi na lang silang nagkakamali
ro'n sa mga baso.
405
00:34:27,376 --> 00:34:28,751
Sabihin mo nga.
406
00:34:29,251 --> 00:34:31,293
'Di ka ba naiilang sa bathrobe mo?
407
00:34:32,126 --> 00:34:33,001
Oo nga 'no?
408
00:34:44,126 --> 00:34:46,043
Gusto mo ng mga kasinungalingan?
409
00:34:47,376 --> 00:34:50,209
Nakipagkalabitan talaga
ng paa ang nanay mo.
410
00:34:52,126 --> 00:34:54,126
Pero hindi naman niya itinodo.
411
00:34:55,709 --> 00:34:58,918
'Di siya gano'n katapang para pumili.
Ako, pumili ako.
412
00:35:00,834 --> 00:35:02,084
Alam ko ang gusto ko.
413
00:35:05,918 --> 00:35:07,876
Sasabihin ko na sa'yo ang totoo.
414
00:35:10,543 --> 00:35:12,584
Mas mahal kita kaysa sa buhay ko.
415
00:35:13,709 --> 00:35:16,418
Pero 'wag n'yo na
akong inisin ng nanay mo.
416
00:35:40,001 --> 00:35:43,709
Sino ang nagsabing iiwan kita?
417
00:35:43,793 --> 00:35:47,709
Mas gugustuhin ko pang mamatay
Kaysa masaktan nang ganito
418
00:35:49,709 --> 00:35:51,418
Namamatay ako, namamatay
419
00:35:51,501 --> 00:35:55,459
Hininga ng puso ko
Ikaw ang mahal ko
420
00:35:57,543 --> 00:35:59,168
Namamatay ako, namamatay
421
00:35:59,251 --> 00:36:02,709
Hininga ng puso ko
Ikaw ang mahal ko
422
00:36:20,918 --> 00:36:24,459
Sino ang nagsabi sa'yo niyan, mahal ko?
423
00:36:24,543 --> 00:36:28,459
Nadudurog ang puso ko, unti-unti
424
00:36:30,584 --> 00:36:32,418
Namamatay ako, namamatay
425
00:36:32,501 --> 00:36:36,376
Hininga ng puso ko
Ikaw ang mahal ko
426
00:36:38,293 --> 00:36:40,168
Namamatay ako, namamatay
427
00:36:40,251 --> 00:36:43,668
Hininga ng puso ko
Ikaw ang mahal ko
428
00:36:46,209 --> 00:36:49,876
Sa'yo ako unang beses na nakipagtalik
429
00:36:49,959 --> 00:36:53,793
At ikaw na walang utang na loob
Kinakalimutan mo na ako
430
00:36:53,876 --> 00:36:59,334
Magbati na tayo, mahal ko
Hininga ng puso ko…
431
00:36:59,418 --> 00:37:00,584
-Mama?
-Oh?
432
00:37:06,334 --> 00:37:07,209
Mama, kayo ba…
433
00:37:07,793 --> 00:37:08,626
Ano?
434
00:37:11,001 --> 00:37:12,001
Wala po.
435
00:37:12,918 --> 00:37:14,001
Mahal ko po kayo.
436
00:37:40,209 --> 00:37:41,709
Marunong ka na.
437
00:37:41,793 --> 00:37:42,709
Salamat po.
438
00:37:44,251 --> 00:37:46,793
Nagme-makeup din ba ang mga kaklase mo?
439
00:37:46,876 --> 00:37:48,084
Kung alam n'yo lang.
440
00:37:49,668 --> 00:37:52,293
-Paano ka pupunta sa Caserta?
-Sakay ng tren.
441
00:37:53,084 --> 00:37:54,668
May sasama bang mga guro?
442
00:37:55,334 --> 00:37:58,293
Wala. Kami-kami lang ang nagplano no'n.
443
00:38:01,168 --> 00:38:03,709
-Sige. 'Wag kang magpapagabi.
-Hindi po.
444
00:38:35,626 --> 00:38:36,459
Hi.
445
00:38:36,543 --> 00:38:38,793
Hindi, dito ka uupo sa tabi ko, cutie.
446
00:38:38,876 --> 00:38:40,209
'Di na, dito ako uupo.
447
00:38:40,293 --> 00:38:42,501
Bingi ka ba? Sabi ko, dito ka umupo.
448
00:38:42,584 --> 00:38:45,043
Paano si Rosario? Drayber ba natin siya?
449
00:38:45,126 --> 00:38:47,834
Drayber? Pagmamay-ari kita.
Uupo ka sa tabi ko.
450
00:38:47,918 --> 00:38:50,751
"Pagmamay-ari kita," mo mukha mo.
Napakahina mo!
451
00:38:50,834 --> 00:38:52,501
Uupo ako kung saan ko gusto.
452
00:38:53,543 --> 00:38:54,793
Tanga.
453
00:39:09,626 --> 00:39:10,876
Latin na umiibig.
454
00:39:17,209 --> 00:39:18,459
Sa'yo 'tong sasakyan?
455
00:39:19,293 --> 00:39:20,126
Siyempre.
456
00:39:20,626 --> 00:39:23,001
-Ibig sabihin, mayaman ka?
-Oo.
457
00:39:26,126 --> 00:39:29,793
-Pupunta tayo sa Parco della Rimembranza?
-Kahit saan mo gusto.
458
00:39:34,418 --> 00:39:36,251
Pero susunod ka sa gusto ko.
459
00:39:38,751 --> 00:39:41,459
Corrà, kumalma ka kaya muna?
460
00:39:42,043 --> 00:39:45,418
Matanda na si Giannina.
Gagawin niya ang gusto niya. Tama?
461
00:39:51,084 --> 00:39:52,751
Hawakan ko ang gear stick?
462
00:39:52,834 --> 00:39:53,918
Sige lang.
463
00:39:56,001 --> 00:39:58,209
-Puwede mo ba akong turuan?
-Oo naman.
464
00:40:19,376 --> 00:40:22,418
Alisin mo 'tong bandana mo.
Iusog mo lang. Sige na.
465
00:40:22,501 --> 00:40:23,334
Ayaw ko.
466
00:40:23,876 --> 00:40:26,459
-Buksan mo 'to nang kaunti.
-Tumigil kayo.
467
00:40:26,543 --> 00:40:27,584
Uy, Giannì.
468
00:40:30,459 --> 00:40:33,459
'Di n'yo ba nakikitang nandidiri
ako sa inyo?
469
00:40:35,376 --> 00:40:37,084
Nandidiri ako sa sarili ko.
470
00:40:58,418 --> 00:41:00,376
Giannì, hihintayin ka namin dito.
471
00:41:00,459 --> 00:41:02,709
-Doon sa may kurba.
-Sige.
472
00:41:02,793 --> 00:41:05,418
'Wag mong sasabihin na kasama mo kami.
473
00:41:06,376 --> 00:41:08,376
Bilisan mo lang! Sige na!
474
00:41:22,043 --> 00:41:23,459
-Uy, Vittoria.
-Uy, hi.
475
00:41:23,543 --> 00:41:27,001
-Gusto mo ng inihaw na chestnut?
-Salamat. Salamat talaga.
476
00:41:28,043 --> 00:41:30,168
'Yong nanay mo? Nasa ospital pa rin?
477
00:41:30,793 --> 00:41:32,418
Oo, bibisitahin ko siya.
478
00:41:33,001 --> 00:41:34,084
Ihalik mo ako.
479
00:41:34,584 --> 00:41:35,543
Salamat.
480
00:41:42,293 --> 00:41:43,501
Nagkamali ako.
481
00:41:44,084 --> 00:41:45,709
Hindi tayo magkadugo.
482
00:41:45,793 --> 00:41:47,168
Isa kang estranghero.
483
00:41:54,543 --> 00:41:56,334
Ibalik mo ang pulseras ko.
484
00:41:57,334 --> 00:41:58,834
'Di 'yon nararapat sa'yo.
485
00:42:03,668 --> 00:42:06,168
Ayaw kong ibalik dahil akala ko akin 'yon.
486
00:42:09,084 --> 00:42:10,334
Pero naisip ko…
487
00:42:11,876 --> 00:42:12,876
na sa'yo 'yon.
488
00:42:22,584 --> 00:42:23,418
Heto.
489
00:42:30,043 --> 00:42:31,376
Ibinigay ko sa'yo 'to.
490
00:42:33,168 --> 00:42:34,793
Sapat nang mahalin mo ako.
491
00:42:42,043 --> 00:42:43,668
Tara na. Male-late na tayo.
492
00:42:43,751 --> 00:42:45,709
-Saan?
-Sa simbahan.
493
00:42:45,793 --> 00:42:47,709
Si Roberto ang magsasalita.
494
00:42:48,501 --> 00:42:51,293
Kakain tayo kina Margherita
pagkatapos. Tara.
495
00:42:52,376 --> 00:42:55,751
-Ayaw kong makaabala.
-Tumahimik ka. Akin na ang kamay mo.
496
00:43:10,043 --> 00:43:11,793
Ano 'yon? May problema ba?
497
00:43:28,751 --> 00:43:30,209
Ang ganda ng araw, 'no?
498
00:43:31,668 --> 00:43:34,834
Ah, kasama mo sina Corrado at 'yong isa?
499
00:43:34,918 --> 00:43:36,501
-Hindi po.
-Hindi?
500
00:43:42,168 --> 00:43:43,459
Mga tanga!
501
00:43:45,043 --> 00:43:46,793
Ako ngayon ang harapin ninyo!
502
00:43:46,876 --> 00:43:48,876
Dito lang kayo! Mga sira!
503
00:43:49,959 --> 00:43:51,543
Mga hayop!
504
00:43:53,334 --> 00:43:55,043
Pambihira talaga.
505
00:43:59,751 --> 00:44:01,793
Sinungaling ka talaga, 'no?
506
00:44:02,293 --> 00:44:03,126
Opo.
507
00:44:04,084 --> 00:44:04,918
Opo?
508
00:44:08,043 --> 00:44:09,001
'Di bale na.
509
00:44:10,084 --> 00:44:12,793
Lahat naman nagsisinungaling
paminsan-minsan.
510
00:44:13,834 --> 00:44:16,793
Ayos lang 'yon.
Wala namang kaparusahan 'yon.
511
00:44:17,376 --> 00:44:19,334
-Pakinggan natin si Roberto?
-Opo.
512
00:44:20,501 --> 00:44:21,501
Sige.
513
00:44:35,293 --> 00:44:36,751
Grabe itong nangyayari.
514
00:44:36,834 --> 00:44:40,918
Natatakot ako kay Vittoria.
Galit ako kina Corrado at Rosario.
515
00:44:41,001 --> 00:44:44,376
Kahit pagtayo, 'di ko na kaya.
Sobrang pagod na ako.
516
00:44:44,459 --> 00:44:45,668
-Handa ka na?
-Oo.
517
00:44:50,043 --> 00:44:51,376
-Tara na?
-Saglit lang.
518
00:44:52,418 --> 00:44:54,001
Kakausapin ko si Giovanna.
519
00:44:55,001 --> 00:44:55,834
Sige.
520
00:44:57,709 --> 00:45:00,876
Pero si Roberto, oo, siya,
521
00:45:00,959 --> 00:45:04,459
umupo siya sa tabi ko
at kinausap ako nang mahinahon.
522
00:45:04,543 --> 00:45:07,084
Kinausap niya ako. Para bang mahalaga ako.
523
00:45:07,168 --> 00:45:08,168
Basahin ko?
524
00:45:17,209 --> 00:45:18,376
"Pagsisisi."
525
00:45:20,293 --> 00:45:22,293
Makapangyarihan ang salitang 'to.
526
00:45:24,168 --> 00:45:26,459
Sakit at pagsisisi.
527
00:45:28,293 --> 00:45:30,584
Alisin natin ang masasamang kahulugan.
528
00:45:30,668 --> 00:45:33,793
'Yong pag-ugnay natin sa kayabangan,
529
00:45:33,876 --> 00:45:36,543
mapagkunwaring pag-uugali,
at kasinungalingan.
530
00:45:44,876 --> 00:45:48,418
Parang karayom
na may sinulid ang pagsisisi.
531
00:45:48,501 --> 00:45:51,209
Na tumatahi sa magulong buhay natin.
532
00:45:51,293 --> 00:45:53,876
Pinapangasiwaan no'n ang mga sarili natin.
533
00:45:55,459 --> 00:45:58,584
Parang kutsilyo na hihiwa
sa konsensya natin
534
00:45:59,084 --> 00:46:00,626
para mapanatiling gising.
535
00:46:10,084 --> 00:46:11,709
Sige na. Kilos na.
536
00:46:22,501 --> 00:46:25,126
Pasensya na, hinihintay ka na nila.
537
00:46:26,543 --> 00:46:27,834
'Di ka sasama, Giovà?
538
00:46:41,668 --> 00:46:44,168
Mga kapatid, makinig po tayong lahat.
539
00:46:44,251 --> 00:46:47,126
Si Roberto Matese
ang panauhin ng simbahan natin.
540
00:46:47,209 --> 00:46:49,668
Gusto tayong makausap ng binatang ito,
541
00:46:49,751 --> 00:46:53,626
at mahusay siyang magsalita.
Bubuksan niya ang mga puso natin.
542
00:46:55,543 --> 00:46:56,793
Natakot ako.
543
00:46:57,334 --> 00:46:59,668
Dahil sa unang pagkakataon,
544
00:46:59,751 --> 00:47:02,334
naisip kong makipagtalik sa isang tao.
545
00:47:02,418 --> 00:47:04,751
Ngayon, pag-usapan natin ang pagsisisi.
546
00:47:06,293 --> 00:47:09,918
Parang karayom na may sinulid
na tumatahi sa damit.
547
00:47:10,001 --> 00:47:10,834
Giannì!
548
00:47:11,793 --> 00:47:13,418
Kaluluwa natin 'yong damit.
549
00:47:14,126 --> 00:47:15,126
At 'yong sinulid…
550
00:48:29,251 --> 00:48:32,501
Uy, Giannì! Sakay na, sige na!
551
00:48:32,584 --> 00:48:35,459
-Bakit mag-isa ka lang?
-Sumama ka sa amin!
552
00:48:36,001 --> 00:48:37,459
Buwisit!
553
00:49:08,668 --> 00:49:13,376
HANGO SA KAPANGALAN NA NOBELA
NI ELENA FERRANTE
554
00:51:01,334 --> 00:51:05,043
'Pag bata ka, para bang malaki
ang lahat ng bagay.
555
00:51:05,126 --> 00:51:09,168
'Pag tumanda ka na,
lumiliit naman ang mga bagay.
556
00:51:09,751 --> 00:51:11,751
Kanya-kanya ang lahat.
557
00:51:13,543 --> 00:51:15,543
Walang nakakaalam.
558
00:51:16,543 --> 00:51:18,543
Walang nakakaalam.
559
00:52:24,709 --> 00:52:26,543
Kanya-kanya ang lahat.
560
00:52:27,043 --> 00:52:28,293
Walang nakakaalam.
561
00:52:31,084 --> 00:52:32,793
Kanya-kanya ang lahat.
562
00:52:33,418 --> 00:52:35,501
Walang nakakaalam.
563
00:52:35,584 --> 00:52:39,584
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
John Vincent Lunas Pernia