1
00:00:06,543 --> 00:00:09,918
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX
2
00:00:10,001 --> 00:00:11,376
Ano'ng problema, bata?
3
00:00:13,376 --> 00:00:14,584
'Di kasi patas.
4
00:00:18,334 --> 00:00:21,334
Nakakilala na ako ng taong totoo sa akin.
5
00:00:22,501 --> 00:00:24,543
Hindi niya ako minaliit.
6
00:00:25,293 --> 00:00:29,459
'Di ako itinuring na batang papasunurin.
Bilang bagay na huhulmahin.
7
00:00:30,709 --> 00:00:32,709
At sabi n'yo, 'di na siya babalik.
8
00:00:33,793 --> 00:00:35,084
Ano na'ng gagawin ko?
9
00:00:36,334 --> 00:00:37,709
Parang ang pangit ko.
10
00:00:39,876 --> 00:00:41,418
Na may pangit na katauhan.
11
00:00:44,043 --> 00:00:46,126
Pero gusto ko maranasang mahalin.
12
00:00:59,959 --> 00:01:01,584
-Uy, Giannì.
-Hi, Corrà.
13
00:01:02,834 --> 00:01:04,126
Gusto mong gumala?
14
00:01:04,834 --> 00:01:06,334
Tumigil ka na nga, Corrà.
15
00:01:08,209 --> 00:01:09,334
Busy ka ba?
16
00:01:10,043 --> 00:01:13,793
'Pag bata ka, para bang malaki
ang lahat ng bagay.
17
00:01:13,876 --> 00:01:17,376
'Pag tumanda ka na,
lumiliit naman ang mga bagay.
18
00:01:18,543 --> 00:01:19,918
Kanya-kanya ang lahat.
19
00:01:20,001 --> 00:01:21,876
Tiningnan niya ako at sinabing,
20
00:01:21,959 --> 00:01:24,418
"Para kang pinakuluang isda."
21
00:01:25,418 --> 00:01:26,668
Walang nakakaalam.
22
00:01:26,751 --> 00:01:29,001
Baka isdang may mantikilya.
23
00:01:29,084 --> 00:01:33,126
Mamantika. Mukhang marumi.
Ang pangit ng gawa niya.
24
00:01:33,709 --> 00:01:36,418
-Sino'ng naggupit sa'yo?
-Si Lino, sino pa ba?
25
00:01:36,501 --> 00:01:38,834
Oo nga naman. Halata nga.
26
00:01:40,251 --> 00:01:42,251
-Hi, Papa.
-Hi, Giovà.
27
00:01:52,084 --> 00:01:53,293
Ayos lang kayo?
28
00:01:53,376 --> 00:01:54,959
Oo.
29
00:01:59,168 --> 00:02:01,334
Wala ka bang respeto sa sarili mo?
30
00:02:05,418 --> 00:02:06,501
'Di kayo naiinis?
31
00:02:08,334 --> 00:02:11,418
Ikaw naman oh.
Ipinagtimpla ko lang siya ng kape.
32
00:02:11,501 --> 00:02:15,834
-Naiinis pa rin ako.
-Mabuti naman. Maraming salamat sa inyo.
33
00:02:15,918 --> 00:02:18,459
Lagi kong nalilimutan
na galit ako sa kanya.
34
00:02:20,001 --> 00:02:21,959
Basta masaya kayo. Aalis na ako.
35
00:02:22,043 --> 00:02:25,084
-Saan ka pupunta? Kakarating mo lang.
-Uy, Giovà.
36
00:02:27,918 --> 00:02:29,418
-Maikili 'no?
-Alin?
37
00:02:30,001 --> 00:02:31,001
'Yong buhok ko.
38
00:02:31,959 --> 00:02:34,168
Wala akong pakialam sa buhok ninyo.
39
00:02:37,918 --> 00:02:39,168
Tumatanda na ako.
40
00:02:39,668 --> 00:02:41,084
Mukha pa kayong bata.
41
00:02:41,668 --> 00:02:43,793
No'ng bata ako, mas matanda pa kayo.
42
00:02:45,334 --> 00:02:47,543
Nakakapagpatanda ang pagdurusa.
43
00:02:47,626 --> 00:02:49,918
'Di siguro kayo masyadong nagdurusa.
44
00:02:50,001 --> 00:02:52,334
Giovanna, tratuhin mo siya nang maayos.
45
00:02:54,084 --> 00:02:56,001
Magbabasa ako ng mga ebanghelyo.
46
00:02:56,668 --> 00:02:58,543
Iniinis mo talaga siya.
47
00:02:58,626 --> 00:03:00,126
Ano'ng nangyari?
48
00:03:00,209 --> 00:03:03,251
Naintriga ako ro'n dahil sa isang lalaki.
49
00:03:04,168 --> 00:03:05,501
Umiibig ka na.
50
00:03:05,584 --> 00:03:07,251
Gusto ko siyang kaibiganin.
51
00:03:08,459 --> 00:03:09,584
Ano'ng pangalan?
52
00:03:10,459 --> 00:03:11,834
Roberto Matese.
53
00:03:14,251 --> 00:03:15,543
Roberto Matese?
54
00:03:16,168 --> 00:03:19,293
May Kristiyanong ideologist
na gano'n ang pangalan.
55
00:03:19,376 --> 00:03:20,501
Siya siguro 'yon.
56
00:03:23,626 --> 00:03:25,293
Sa Pascone mo siya nakilala?
57
00:03:25,959 --> 00:03:28,543
Opo, pero nasa Milan na siya ngayon.
58
00:03:28,626 --> 00:03:30,334
Ipinakilala siya ni Vittoria.
59
00:03:33,168 --> 00:03:34,168
Natutuwa ako.
60
00:03:35,251 --> 00:03:36,084
Oo.
61
00:03:37,293 --> 00:03:40,376
May mga ibang tao na mabuting kilalanin.
62
00:03:41,418 --> 00:03:42,543
'Yong ebanghelyo,
63
00:03:43,126 --> 00:03:45,209
tandaan mo, kailangan 'yong aralin.
64
00:03:45,793 --> 00:03:48,418
Naiintindihan mo? 'Di lang basta binabasa.
65
00:03:48,501 --> 00:03:49,918
May ipapakita ako sa'yo.
66
00:03:50,001 --> 00:03:51,918
ANG EBANGHELYO
67
00:03:52,001 --> 00:03:53,084
Ito 'yon.
68
00:03:58,418 --> 00:04:02,209
'Wag mong pilitin ang pagbabasa,
at magugustuhan mo 'to.
69
00:04:04,043 --> 00:04:05,668
Puro kawalan ng katarungan.
70
00:04:06,168 --> 00:04:07,168
Salamat.
71
00:04:09,876 --> 00:04:13,001
Giovà, anong klaseng tao itong si Matese?
72
00:04:15,751 --> 00:04:17,459
Titingnan ka niya sa mata.
73
00:04:21,001 --> 00:04:22,918
-Paalam.
-Paalam.
74
00:04:25,709 --> 00:04:26,959
Hi, Nello.
75
00:04:52,334 --> 00:04:53,459
Aalis na ako.
76
00:04:57,209 --> 00:05:00,376
-Ihahatid na kita.
-'Wag na. Paalam.
77
00:05:12,793 --> 00:05:14,293
BAYAN AT KALAPIT NA LUGAR
78
00:05:14,376 --> 00:05:16,876
GOLDEN CUBE
IKA-13 NG OKTUBRE, 1996
79
00:05:31,418 --> 00:05:32,918
Sandali, hahabulin kita!
80
00:05:34,543 --> 00:05:36,168
'Wag, Tonino!
81
00:05:38,168 --> 00:05:39,834
Lumayo ka sa akin!
82
00:05:42,334 --> 00:05:44,584
-Giovà, may hihilingin ako.
-Sige lang.
83
00:05:44,668 --> 00:05:47,168
-Sa'yo na ulit si Tonino.
-'Di naging kami.
84
00:05:47,251 --> 00:05:49,001
Ayaw ko na kasi sa kanya.
85
00:05:49,084 --> 00:05:53,209
-'Wag na, salamat. Sa'yo na siya.
-Inagaw ko lang naman siya sa'yo.
86
00:05:53,293 --> 00:05:54,293
Ano?
87
00:05:54,876 --> 00:05:59,668
Giovà, maliit pa lang tayo,
lahat ng gusto mo, ginugusto ko rin.
88
00:05:59,751 --> 00:06:01,126
Pero 16-anyos ka na.
89
00:06:01,209 --> 00:06:04,501
Dapat alam mo na
kung ano 'yong mga gusto mo.
90
00:06:05,626 --> 00:06:07,876
At mukha namang mabait si Tonino.
91
00:06:07,959 --> 00:06:11,751
-Masaya siyang kasama kahit saan.
-Walang kuwenta si Tonino.
92
00:06:12,251 --> 00:06:14,043
-Grabe ka magsalita.
-Hindi ah.
93
00:06:14,126 --> 00:06:16,501
Palaging bumubukol ang pantalon niya.
94
00:06:16,584 --> 00:06:20,126
Nararamdaman ko 'yon at gusto ko 'yon,
kaya lumalapit ako.
95
00:06:20,209 --> 00:06:23,876
Tapos lalayo siya at sasabihing,
"Huwag! Nirerespeto kita!"
96
00:06:23,959 --> 00:06:25,334
Napakaduwag niya.
97
00:06:26,584 --> 00:06:29,209
Si Giuliana lagi ang kausap ko
sa date namin.
98
00:06:29,293 --> 00:06:32,584
Buti nga nagtatawanan kami!
Kung hindi, nakakabagot.
99
00:06:32,668 --> 00:06:34,834
-Sabi niya kakaiba ka raw.
-Ako?
100
00:06:34,918 --> 00:06:37,209
Oo. At ipinagmamalaki kita.
101
00:06:37,709 --> 00:06:41,293
Si Roberto ang nagsabi no'n.
Sumang-ayon naman siya.
102
00:06:55,793 --> 00:06:57,751
Tara na. Parating na si Roberto.
103
00:06:57,834 --> 00:07:01,418
Roberto rito, Roberto ro'n.
Iniibig mo ba siya?
104
00:07:01,501 --> 00:07:02,876
Kita mo na, Giovà?
105
00:07:02,959 --> 00:07:05,709
Nagseseryoso ako,
pero lagi siyang naghihinala.
106
00:07:05,793 --> 00:07:08,126
-Mapaghinala kasi talaga ako.
-'Di ba?
107
00:07:08,834 --> 00:07:10,459
Kukuha lang ako ng maiinom.
108
00:07:14,793 --> 00:07:16,626
Isa 'yong panakot sa mga bata.
109
00:07:17,334 --> 00:07:18,543
Isang silweta.
110
00:07:19,043 --> 00:07:20,334
Manipis at nagagalit.
111
00:07:21,334 --> 00:07:24,043
Isang 'di maintindihang imahe
na nagtatago.
112
00:07:24,918 --> 00:07:27,918
Sa mga sulok ng bahay pagsapit ng gabi.
113
00:07:28,001 --> 00:07:32,709
Lumilingon ako nang lumilingon
Habang nagbubuntong-hininga
114
00:07:36,293 --> 00:07:42,459
Magdamag akong gising
115
00:07:47,126 --> 00:07:54,001
Hinahangaan ko ang kagandahan mo
116
00:07:56,834 --> 00:08:03,834
At hinahayaan kong lumipas ang gabi
Hanggang magbukang-liwayway
117
00:08:06,959 --> 00:08:11,168
Ngayon dahil sa'yo
118
00:08:11,251 --> 00:08:15,251
'Di na ako nakakatulog
119
00:08:16,793 --> 00:08:23,668
Hindi na matahimik
Ang puso kong nagdurusa…
120
00:08:23,751 --> 00:08:28,543
Alam mo, Tonino, sa tingin ko, hindi naman
masama na humanga ka sa isang tao.
121
00:08:28,626 --> 00:08:31,876
Naiintindihan ko si Roberto,
'di tulad ng iba.
122
00:08:32,376 --> 00:08:34,293
Kapag nariyan siya,
123
00:08:34,876 --> 00:08:36,709
ipaparamdam niyang mahalaga ka.
124
00:08:38,709 --> 00:08:40,626
-Para siyang isang yaman.
-Oo.
125
00:08:40,709 --> 00:08:41,876
Dapat ingatan.
126
00:08:43,959 --> 00:08:45,543
Naiintindihan ka ba nila?
127
00:08:46,376 --> 00:08:50,043
Isa lang ang sigurado.
Hindi ako makukulong.
128
00:08:52,584 --> 00:08:56,168
Hindi ko na nasusukat ang mga distansya.
Bumabangga na ako.
129
00:08:58,084 --> 00:09:00,168
Ako lang ba ang 'di na makakita?
130
00:09:02,293 --> 00:09:05,959
Mas totoo ba ako no'ng nakikita ko
nang malinaw ang lahat,
131
00:09:07,001 --> 00:09:08,334
o ngayong…
132
00:09:09,876 --> 00:09:12,334
ang pinakamatitindi kong nararamdaman,
133
00:09:13,293 --> 00:09:14,709
galit, pag-ibig…
134
00:09:16,751 --> 00:09:17,793
ay binubulag ako?
135
00:09:38,751 --> 00:09:41,793
Ang ganda ng mga sinabi mo. Mahusay.
136
00:10:01,709 --> 00:10:02,668
Hi.
137
00:10:05,793 --> 00:10:07,001
Heto na tayo.
138
00:10:08,209 --> 00:10:09,501
Ang ganda mo.
139
00:10:11,334 --> 00:10:12,334
Kumusta naman?
140
00:10:13,418 --> 00:10:14,584
Costà, maupo ka.
141
00:10:24,876 --> 00:10:29,501
Matagal na kita gustong tawagan,
pero 'di ako nagkaroon ng lakas ng loob.
142
00:10:30,751 --> 00:10:33,709
-Gusto ko sanang magpaliwanag.
-Magpaliwanag?
143
00:10:35,168 --> 00:10:37,668
Magpapaliwanag pa. Ano'ng ipapaliwanag mo?
144
00:10:39,584 --> 00:10:41,793
'Di ko na maintindihan ang mga bagay.
145
00:10:41,876 --> 00:10:43,376
Gusto mo sigurong umiyak.
146
00:10:44,876 --> 00:10:45,834
Masuwerte ka.
147
00:10:46,626 --> 00:10:48,584
Halatang 'di ka masyadong umiyak.
148
00:10:49,418 --> 00:10:51,209
Naubusan na ako ng luha.
149
00:10:52,501 --> 00:10:55,668
Nella, 'wag ka namang ganyan.
Alam mong mahal kita.
150
00:10:56,251 --> 00:10:58,918
Sinasabi ng lahat
na mahal nila ang isa't isa.
151
00:11:00,251 --> 00:11:03,001
Kasinungalingan 'yon. At 'di maganda 'yon.
152
00:11:05,126 --> 00:11:06,043
Tama ka.
153
00:11:07,543 --> 00:11:09,668
Nagpapatong ang mga kasinungalingan,
154
00:11:09,751 --> 00:11:12,626
at akala natin kapag mataas na 'yon,
155
00:11:13,126 --> 00:11:14,709
magiging totoo na 'yon.
156
00:11:15,584 --> 00:11:17,501
Dahil pinaniniwalaan natin 'yon.
157
00:11:18,418 --> 00:11:21,376
Sinunod ko ang damdamin ko.
'Di 'yon laban sa'yo.
158
00:11:23,084 --> 00:11:24,834
Sinunod mo ang damdamin mo?
159
00:11:28,668 --> 00:11:30,876
-Sinunod mo lang ang instinct mo?
-Oo.
160
00:11:33,251 --> 00:11:34,418
Gaya ng mga hayop.
161
00:11:37,793 --> 00:11:41,501
Sagutin mo nga ito,
kasi naguguluhan ako eh.
162
00:11:42,001 --> 00:11:44,001
Babae ka ba o hayop?
163
00:11:47,126 --> 00:11:47,959
Miss na kita.
164
00:11:50,584 --> 00:11:52,251
'Yong mga hapunan natin.
165
00:11:53,543 --> 00:11:55,626
Puntahan mo kaya ako sa Posillipo?
166
00:11:57,084 --> 00:12:00,626
Sa basura mong tahanan,
sa may kanal na tinatawag mong beach?
167
00:12:00,709 --> 00:12:03,043
Hindi na ako pupunta ro'n kahit kailan.
168
00:12:09,834 --> 00:12:11,001
Hi, Costà.
169
00:12:14,626 --> 00:12:15,584
Hi, Nella.
170
00:12:16,376 --> 00:12:17,501
Heto na tayo.
171
00:12:21,584 --> 00:12:23,751
Isang grupo pa rin tayo, 'di ba?
172
00:12:26,334 --> 00:12:27,918
Uminom tayo.
173
00:12:29,084 --> 00:12:30,751
Para sa mga galit sa atin.
174
00:12:30,834 --> 00:12:32,376
'Wag namang gano'n.
175
00:12:34,168 --> 00:12:35,418
Para sa ating apat.
176
00:12:37,543 --> 00:12:39,959
Para sa pagpunta natin dito.
177
00:12:40,834 --> 00:12:42,043
Sa pagtitipon natin.
178
00:12:42,543 --> 00:12:43,418
Tagay.
179
00:12:44,126 --> 00:12:45,001
Tagay.
180
00:12:57,501 --> 00:12:59,751
Hay, ang pangit talaga ng wine na 'to.
181
00:13:00,251 --> 00:13:01,126
'Di bale na.
182
00:14:42,376 --> 00:14:44,376
ANG ARAW NG HINAHARAP
183
00:15:02,793 --> 00:15:08,001
Umiihip ang hangin
At nagbabadya ang bagyo
184
00:15:08,084 --> 00:15:12,251
Kailangan nating umalis
Kahit sira ang sapatos natin
185
00:15:12,334 --> 00:15:16,793
Para sakupin ang pulang bukal
186
00:15:16,876 --> 00:15:20,876
Kung saan sumisikat ang araw ng hinaharap
187
00:15:20,959 --> 00:15:25,251
Para sakupin ang pulang bukal
188
00:15:25,334 --> 00:15:28,584
Kung saan sumisikat ang araw ng hinaharap
189
00:15:43,376 --> 00:15:47,043
Bawat distrito ay tahanan ng mga rebelde
190
00:15:47,126 --> 00:15:50,626
Bawat babae ay nananabik sa kanya
191
00:15:50,709 --> 00:15:54,501
Ginagabayan siya ng mga bituin sa gabi
192
00:15:54,584 --> 00:15:57,959
Malakas ang puso at braso niya
Kapag ipinanglaban niya
193
00:15:58,043 --> 00:16:01,834
Ginagabayan siya ng mga bituin sa gabi
194
00:16:01,918 --> 00:16:05,126
Malakas ang puso at braso niya
Kapag ipinanglaban niya
195
00:16:05,209 --> 00:16:08,959
Kung makaranas tayo
Ng malupit na kamatayan
196
00:16:09,043 --> 00:16:12,668
Ang partido ay malupit na maghihiganti
197
00:16:12,751 --> 00:16:16,459
Tiyak na ang malupit na kapalaran
198
00:16:16,543 --> 00:16:19,959
Para sa hamak na taksil na pasista
199
00:16:20,043 --> 00:16:23,793
Tiyak na ang malupit na kapalaran
200
00:16:23,876 --> 00:16:26,959
Para sa hamak na taksil na pasista
201
00:16:41,876 --> 00:16:45,459
Tumigil na ang hangin
At huminahon na ang bagyo
202
00:16:45,543 --> 00:16:49,126
Umuwi na ang kapuri-puring partido
203
00:16:49,209 --> 00:16:52,918
Umiihip sa hangin ang pulang bandila niya
204
00:16:53,001 --> 00:16:56,334
Nanalo na tayo sa wakas at malaya na
205
00:16:56,418 --> 00:17:00,043
Umiihip sa hangin ang pulang bandila niya
206
00:17:00,126 --> 00:17:03,501
Nanalo na tayo sa wakas at malaya na
207
00:17:06,043 --> 00:17:08,584
'Di lang 'yon tungkol
sa mga karatig-lugar.
208
00:17:08,668 --> 00:17:11,126
Lahat ng mga malakas magpahayag sa bansa
209
00:17:12,001 --> 00:17:14,168
ay mula sa labas, sa mga probinsya.
210
00:17:14,251 --> 00:17:17,418
Carlo Levi, Italo Calvino, Pasolini…
211
00:17:17,501 --> 00:17:19,543
Togliatti, Berlinguer, Ingrao.
212
00:17:24,168 --> 00:17:27,126
Ang Panginoong Hesukristo
ay mula rin sa probinsya.
213
00:17:28,376 --> 00:17:30,751
Bagay sa inyo ang pagiging katawa-tawa.
214
00:17:30,834 --> 00:17:31,959
Ang sinasabi ninyo,
215
00:17:32,043 --> 00:17:35,251
'di lang sa bayan at mga karatig-lugar
may paralelismo,
216
00:17:35,334 --> 00:17:37,293
kundi pati rin sa mga probinsya?
217
00:17:37,793 --> 00:17:43,793
Ang sinasabi ko, may bayan na ang tingin
ng lahat, puno ng kapangyarihan at ideya.
218
00:17:43,876 --> 00:17:49,293
Pero walang gustong tumanggap na iyon
ay dahil sa enerhiyang nagmumula sa labas.
219
00:17:49,376 --> 00:17:54,126
Mula sa puwersa ng mga karatig-lugar
na nagbibigay ng bagong pananaw. 'Di ba?
220
00:17:54,209 --> 00:17:55,918
-Pagbabago.
-Oo.
221
00:17:56,918 --> 00:17:58,668
Iba rin ang kay Hesus.
222
00:17:59,209 --> 00:18:01,834
Kapangyarihan ng isang 'di makasarili,
223
00:18:01,918 --> 00:18:03,918
at naghahatid ng bagong kalakasan.
224
00:18:04,001 --> 00:18:08,209
Ang layunin ay maglagay ng ugnayan
sa pagitan ng mga pasok at hindi.
225
00:18:08,293 --> 00:18:10,543
Dahil 'yon ang puno't dulo ng lahat.
226
00:18:10,626 --> 00:18:15,584
Hindi lang 'yong problema ng mga lugar,
pati rin 'yong kakayahan ng murang isipan.
227
00:18:16,084 --> 00:18:19,084
Galing ako sa Pascone,
baka 'di kayo pamilyar doon.
228
00:18:20,334 --> 00:18:24,043
Mahirap kapag nanggaling ka
sa lugar na 'yon.
229
00:18:24,584 --> 00:18:27,501
Pero lagi mong dala 'yon,
saan ka man magpunta.
230
00:18:28,251 --> 00:18:31,543
Sa tingin ko, 'di dapat natin
masyadong pagtuunan
231
00:18:31,626 --> 00:18:33,834
ang puwersa ng mga karatig-lugar,
232
00:18:33,918 --> 00:18:36,043
kundi ang problema ng mga mahihirap.
233
00:18:36,126 --> 00:18:38,751
Ibig kong sabihin,
kung may mapagkakasunduan
234
00:18:38,834 --> 00:18:42,251
ang mabuting komunista,
gano'n na natin sila tawagin,
235
00:18:42,334 --> 00:18:44,334
at ang mabuting Katoliko, 'yon ay…
236
00:18:44,834 --> 00:18:47,251
ang pagtulong sa mga mahihirap.
237
00:18:47,334 --> 00:18:51,501
Sa tingin ko, magandang kasunduan
'yon sa pagitan natin.
238
00:18:51,584 --> 00:18:56,293
Magmungkahi tayo ng solusyon. Halimbawa,
may tanong lang ako, Matese.
239
00:18:56,376 --> 00:19:01,834
Nang paalisin ni Hesus 'yong mga sugalero,
naiinis lang ba siya o may plano siya?
240
00:19:05,876 --> 00:19:08,959
Mabilis mabatikos ang mga Katoliko.
241
00:19:09,043 --> 00:19:13,043
Sabi nila, "Kung may Diyos,
ba't 'di niya lutasin ang mga problema?"
242
00:19:13,126 --> 00:19:15,251
Bale, 'yon nga ang tanong.
243
00:19:16,084 --> 00:19:17,626
May Russian na kasabihan.
244
00:19:17,709 --> 00:19:20,918
"Alam ng Diyos ang totoo,
pero 'di niya agad sinasabi."
245
00:19:21,459 --> 00:19:24,251
'Yon ang kaibahan
ng Katoliko sa 'di naniniwala.
246
00:19:24,876 --> 00:19:27,293
Kami, may pangmatagalang plano.
247
00:19:27,793 --> 00:19:31,793
At kung isasapuso mo ang ebanghelyo,
lilinaw ang planong 'yon.
248
00:19:43,918 --> 00:19:44,959
Mahusay.
249
00:19:49,168 --> 00:19:50,001
Salamat.
250
00:20:14,043 --> 00:20:17,084
-Mahusay, Roberto.
-'Yon ang pinakatama, 'no? Uy.
251
00:20:18,209 --> 00:20:19,584
Sobrang galing mo.
252
00:20:19,668 --> 00:20:22,918
-Narinig n'yo ako?
-Bawat salita mo. Sobrang galing mo.
253
00:20:24,626 --> 00:20:26,126
Binasa ko ang ebanghelyo.
254
00:20:26,793 --> 00:20:27,709
'Yong apat.
255
00:20:28,959 --> 00:20:31,334
-Ano sa tingin mo?
-Wala namang nangyari.
256
00:20:31,418 --> 00:20:33,209
Ganyan din ang tatay niya.
257
00:20:33,293 --> 00:20:34,834
Ano'ng ibig mong sabihin?
258
00:20:34,918 --> 00:20:39,293
Walang kuwenta ang mga milagro ni Hesus.
Tinraydor siya at ipinako sa krus.
259
00:20:39,376 --> 00:20:42,751
No'ng napako siya,
humingi siya ng tulong sa ama niya,
260
00:20:42,834 --> 00:20:45,209
at 'di niya matulungan ang sarili niya.
261
00:20:45,293 --> 00:20:48,084
-Totoo.
-Ba't 'di siya ang pumalit sa anak niya?
262
00:20:48,168 --> 00:20:51,001
Sabi ro'n, gumawa ang Diyos
ng palpak na mundo,
263
00:20:51,084 --> 00:20:54,418
at ipinasa niya ang responsibilidad
na 'yon sa anak niya.
264
00:20:54,501 --> 00:20:55,334
Bakit gano'n?
265
00:20:55,418 --> 00:20:59,668
-Mahirap intindihin ang Diyos.
-Dapat tulungan niya akong maintindihan.
266
00:20:59,751 --> 00:21:01,376
-Mahilig ka ba sa tula?
-Oo.
267
00:21:01,459 --> 00:21:03,376
-Nagbabasa ka?
-Minsan.
268
00:21:03,459 --> 00:21:07,084
Ang mga tula ay puno ng salita.
Tulad ng pag-uusap nating ito.
269
00:21:07,668 --> 00:21:11,168
Kung palalayain ng makata
ang mga salita sa usapan natin,
270
00:21:11,251 --> 00:21:15,126
maglalabas sila ng enerhiya
mula sa 'di nila pagkakatugma.
271
00:21:15,626 --> 00:21:17,709
Gano'n din magparamdam ang Diyos.
272
00:21:18,376 --> 00:21:19,834
'Di siya 'yong makata.
273
00:21:20,459 --> 00:21:23,209
Tao lang din siya
na marunong sumulat ng tula.
274
00:21:23,293 --> 00:21:26,959
Pero 'yong kakayahan mong magsulat
ang nagmumulat sa'yo.
275
00:21:27,043 --> 00:21:29,876
-Kung may kakayahan siya.
-Kakalampagin ka no'n.
276
00:21:29,959 --> 00:21:32,043
Ba't ako maniniwala sa pagkalampag?
277
00:21:32,543 --> 00:21:34,751
-Tara.
-Para sa relihiyosong espiritu.
278
00:21:34,834 --> 00:21:36,543
Ano'ng relihiyosong espiritu?
279
00:21:36,626 --> 00:21:38,751
Parang imbestigasyon sa krimen.
280
00:21:38,834 --> 00:21:42,543
Naiiwang misteryo ang misteryo.
'Yon ang relihiyosong espiritu.
281
00:21:42,626 --> 00:21:46,626
Patuloy lang. Patuloy lang palagi,
hanggang sa mailantad ang lahat.
282
00:21:46,709 --> 00:21:48,001
'Di kita marinig.
283
00:21:48,084 --> 00:21:50,251
Tama na, Giovà. Hayaan mo na muna.
284
00:21:50,334 --> 00:21:53,043
May mas malalim na sinasabi
ang ebanghelyo.
285
00:21:53,126 --> 00:21:56,959
Roberto, kailangan mo na sigurong umalis.
Gabi na. Tara na.
286
00:22:04,376 --> 00:22:05,209
Anak.
287
00:22:07,459 --> 00:22:08,626
Kahanga-hanga ka.
288
00:22:10,043 --> 00:22:11,668
Isa kang henyo. Mahusay.
289
00:22:11,751 --> 00:22:14,043
Sobrang galing mo. Seryoso.
290
00:22:14,126 --> 00:22:15,043
Salamat.
291
00:22:16,918 --> 00:22:19,501
"Kailangan ding magbago ng mga bagay."
292
00:22:19,584 --> 00:22:22,376
Magaling. Tara na.
May pasok pa kayo bukas.
293
00:22:23,334 --> 00:22:27,959
Makakatulugan natin ang The Leopard.
Pampatulog niya 'yong The Leopard.
294
00:22:34,584 --> 00:22:35,876
Umalis na rin tayo.
295
00:22:59,626 --> 00:23:02,126
-Narinig mo ako kanina?
-Ang galing mo.
296
00:23:02,209 --> 00:23:04,959
Sinabi ko na sa'yo. Ipinagmamalaki kita.
297
00:23:05,043 --> 00:23:06,334
Sobrang galing mo.
298
00:23:12,668 --> 00:23:13,876
Naiintindihan ko.
299
00:23:13,959 --> 00:23:14,918
Sandali lang.
300
00:23:18,709 --> 00:23:20,376
May diin ang mga salita mo.
301
00:23:21,126 --> 00:23:22,709
At mas may diin ang sa'yo.
302
00:23:23,959 --> 00:23:25,168
Hanggang sa muli?
303
00:23:25,251 --> 00:23:27,834
Baka maiwan siya ng tren papuntang Milan.
304
00:23:27,918 --> 00:23:30,751
-Paalam, Angela, Tonino.
-Giuliana, bilisan mo.
305
00:23:30,834 --> 00:23:32,168
-Tara na.
-Paalam.
306
00:23:32,251 --> 00:23:34,459
-Sige na, magpaalam na kayo.
-Paalam.
307
00:23:35,459 --> 00:23:36,418
-Paalam.
-Paalam.
308
00:23:41,959 --> 00:23:44,001
Isama mo si Giovanna pagbisita mo.
309
00:23:44,959 --> 00:23:45,793
Sige.
310
00:23:46,584 --> 00:23:48,043
Sobrang ginulat mo siya.
311
00:23:49,001 --> 00:23:50,959
-Kawawa naman si Giuliana.
-Bakit?
312
00:23:51,043 --> 00:23:55,293
Halatang nababagot siya.
Nagpapanggap siya para makilala rin siya.
313
00:23:55,376 --> 00:23:57,293
-Paalam, Vittoria, Mama.
-Paalam.
314
00:24:01,209 --> 00:24:04,251
-Ano'ng ginagawa mo?
-Napakalandi mo.
315
00:24:06,418 --> 00:24:08,376
Nagpapanggap kang kaibigan niya.
316
00:24:08,459 --> 00:24:10,793
-Vittò, ano'ng sinasabi mo?
-Tama na.
317
00:24:10,876 --> 00:24:14,918
Bakit ginugulo mo sina Giuliana
at Roberto? Bayaran ka ba?
318
00:24:15,001 --> 00:24:17,876
-Tumahimik ka na, Vittò!
-Pakiusap.
319
00:24:17,959 --> 00:24:20,251
-'Di ako nanggugulo.
-Halata nga!
320
00:24:20,334 --> 00:24:22,834
-Mama, patigilin mo siya.
-Huminahon ka.
321
00:24:22,918 --> 00:24:25,043
Maghanap ka ng sarili mong lalaki.
322
00:24:25,126 --> 00:24:29,126
Nagpapapansin ka, ibinabandera mo
ang balahibo mo na parang peacock,
323
00:24:29,209 --> 00:24:31,251
gamit ang mabubulaklak na salita.
324
00:24:33,001 --> 00:24:37,543
At nakinig naman sa'yo
ang tangang 'yon at namangha.
325
00:24:37,626 --> 00:24:40,168
Kinompronta mo siya
para magustuhan ka niya.
326
00:24:41,043 --> 00:24:43,626
Sa Milan na nakatira si Roberto.
327
00:24:44,209 --> 00:24:47,293
'Di ka pa nakikisawsaw,
mahirap na 'yong sitwasyon!
328
00:24:47,876 --> 00:24:51,334
Nasa malayo si Roberto.
Pero malinis ang pagmamahalan nila.
329
00:24:53,459 --> 00:24:54,709
Nagpapanggap ka lang.
330
00:24:55,251 --> 00:24:58,168
Wala kang alam, Giannì.
331
00:24:58,876 --> 00:25:01,876
Hindi malinis ang pag-ibig. Marumi 'yon.
332
00:25:02,793 --> 00:25:04,709
Parang bintana sa mga palikuran.
333
00:25:05,418 --> 00:25:09,001
Mag-ingat ka, Giulià.
Simpleng babae ka lang.
334
00:25:09,084 --> 00:25:11,668
At isa siyang lobo
na nagpapanggap na tupa.
335
00:25:11,751 --> 00:25:13,043
Tama na 'yan.
336
00:25:13,126 --> 00:25:15,126
Tara na, bago ko pa siya masampal.
337
00:25:15,668 --> 00:25:16,543
Vittò!
338
00:25:17,334 --> 00:25:19,834
-Oo na.
-'Wag kang tumakbo, mahuhulog tayo.
339
00:25:19,918 --> 00:25:22,584
Manood na muna tayo
ng Sorry for the Delay.
340
00:25:22,668 --> 00:25:25,751
-Tumawa muna tayo.
-Dapat magtino ang malanding 'yon!
341
00:25:25,834 --> 00:25:26,793
Tara na.
342
00:25:35,793 --> 00:25:38,584
Ina, bayarang babae
O masamang bersyon ng tao
343
00:25:39,084 --> 00:25:42,001
Isa itong babae sa parteng ito ng mundo
344
00:25:42,084 --> 00:25:44,418
Tadhana niya 'to
Nang isilang siya
345
00:25:44,501 --> 00:25:47,709
Kung puso ng iba ang masusunod
Katapusan na niya
346
00:25:48,834 --> 00:25:52,001
Ina, bayarang babae
O masamang bersyon ng tao
347
00:25:52,084 --> 00:25:54,793
Naghangad siya ng sobra
Mula sa mundong ito
348
00:25:54,876 --> 00:25:57,209
Ang makilala sa panganganak niya
349
00:25:57,293 --> 00:25:59,209
Sa magandang katawang ito
350
00:25:59,293 --> 00:26:01,043
O para sa mga pagpalag ko
351
00:26:01,126 --> 00:26:03,626
Dahil ipinanganak akong babae
352
00:26:04,126 --> 00:26:07,501
'Di ako naglagay ng kandado sa puso ko
353
00:26:07,584 --> 00:26:10,209
Dahil ipinanganak akong babae
354
00:26:10,293 --> 00:26:12,293
Dahil ako ay isang babae
355
00:26:13,543 --> 00:26:16,334
'Wag kayong makalimot
'Wag kayong makalimot
356
00:26:16,834 --> 00:26:19,584
'Wag kayong makalimot
Dahil lumilipas ang buhay
357
00:26:20,084 --> 00:26:25,043
'Wag n'yong kalimutan ang sarili ninyo
358
00:26:28,209 --> 00:26:29,709
-Tumabi kayo!
-Hoy!
359
00:26:30,543 --> 00:26:33,043
Puwede bang tumabi kayo? Ano?
360
00:26:33,626 --> 00:26:35,584
Tumabi kayo o sasagasaan ko kayo.
361
00:26:36,126 --> 00:26:38,751
Ikaw na makapal ang buhok!
Nag-shampoo ka ba?
362
00:26:51,709 --> 00:26:54,876
Uy, Giannì! Nandito ka rin
sa mabahong lugar na ito?
363
00:26:56,668 --> 00:26:58,543
Ano ba'ng ginagawa n'yo rito?
364
00:26:59,626 --> 00:27:02,126
Alam mo, nagpunta kami rito para manggulo.
365
00:27:02,209 --> 00:27:04,959
-Tapos na magsalita si Roberto.
-Buwisit!
366
00:27:05,043 --> 00:27:08,293
'Di na natin siya inabot, Rosario.
Sabing bilisan mo eh.
367
00:27:08,376 --> 00:27:11,876
Giannì, akala mo ba nakakaangat ka?
'Di mo ba kami kilala?
368
00:27:11,959 --> 00:27:13,793
Naiihi ako sa takot, Corrà!
369
00:27:13,876 --> 00:27:16,668
'Wag ka nang magmatigas.
Gusto ka ni Rosario.
370
00:27:16,751 --> 00:27:19,459
Kailangan pa bang ipasabi
sa'yo ni Rosario?
371
00:27:19,543 --> 00:27:21,209
Mahiyain kasi talaga siya.
372
00:27:21,293 --> 00:27:25,626
'Di mo sinipot, kaya gusto ka na niya.
Naiisip niya lagi 'yang dibdib mo.
373
00:27:25,709 --> 00:27:27,334
-May iba akong gusto.
-Sino?
374
00:27:27,418 --> 00:27:28,501
'Di ko sasabihin.
375
00:27:29,001 --> 00:27:31,584
-Bayaran ka lang.
-Oo, kung gugustuhin ko.
376
00:27:35,334 --> 00:27:38,876
Hayaan mo na, Rosario. Tara na.
Puro komunista ang nandito.
377
00:27:38,959 --> 00:27:41,043
-Totoo.
-Bakit 'di pa kayo umalis?
378
00:27:41,126 --> 00:27:44,334
-Bakit 'di ka na lang sumama?
-'Yan nga ang plano ko!
379
00:27:44,418 --> 00:27:47,043
Giannì, gusto talaga kita. Totoo 'yon.
380
00:27:47,126 --> 00:27:49,251
Ang ibig kong sabihin, umiibig ako.
381
00:27:50,209 --> 00:27:53,168
Ikaw lang ang may ganyang dibdib
sa Caserta Palace!
382
00:27:53,251 --> 00:27:55,418
Tulad kay Don Chuck 'yang ngipin mo.
383
00:27:55,501 --> 00:27:58,501
-Pero marami akong babae.
-Ba't 'di mo sila halikan?
384
00:27:58,584 --> 00:28:01,668
'Wag ka namang ganyan.
'Di 'yan patas. Sandali.
385
00:28:02,209 --> 00:28:03,168
Si Giuliana.
386
00:28:03,668 --> 00:28:07,043
Tanungin mo siya sa maganda
kong bahay na tanaw ang dagat.
387
00:28:07,126 --> 00:28:10,168
-Rosario, pagod na ako.
-Sige na!
388
00:28:10,793 --> 00:28:12,626
Mahal mo ba si Roberto Matese?
389
00:28:12,709 --> 00:28:13,751
Baliw ka ba?
390
00:28:13,834 --> 00:28:15,334
'Wag mo siyang pansinin.
391
00:28:15,418 --> 00:28:18,126
-Gusto mo bang dalhin ko siya rito?
-Kaya mo?
392
00:28:18,209 --> 00:28:20,251
-Kung gusto mo.
-Darating siya?
393
00:28:20,751 --> 00:28:23,084
'Di siya magkukusa, kukumbinsihin ko.
394
00:28:23,168 --> 00:28:24,668
Rosario, nakakatawa ka.
395
00:28:24,751 --> 00:28:27,459
Hindi gagawa si Roberto
ng labag sa loob niya.
396
00:28:27,543 --> 00:28:29,918
Depende 'yon sa paraan ng pamimilit.
397
00:28:31,043 --> 00:28:32,209
-Giuliana.
-Tara na.
398
00:28:34,209 --> 00:28:36,001
'Wag mong kausapin 'yon.
399
00:28:36,084 --> 00:28:37,918
Siya ang kumausap sa akin.
400
00:28:39,251 --> 00:28:40,876
Talaga bang nagsiping kayo?
401
00:28:42,293 --> 00:28:45,668
Gusto ko na lang makalimutan
ang pangyayaring 'yon.
402
00:28:45,751 --> 00:28:48,126
-Nakakatakot siya.
-Si Rosario Sargente?
403
00:28:49,459 --> 00:28:51,501
'Wag kang matakot. T lang siya.
404
00:28:51,584 --> 00:28:53,251
-Ano 'yong T?
-Tanga.
405
00:28:58,876 --> 00:29:00,543
Hayaan mo na si Vittoria.
406
00:29:01,293 --> 00:29:02,584
Puro siya kalokohan.
407
00:29:03,918 --> 00:29:06,459
Masakit lang talaga magsalita si Vittoria.
408
00:29:06,543 --> 00:29:09,793
Magaling ka, pero dapat
marunong ka ring tumahimik.
409
00:29:09,876 --> 00:29:10,834
-Pero--
-Tahimik.
410
00:29:16,501 --> 00:29:17,376
Sandali.
411
00:29:18,251 --> 00:29:19,334
Tonino, tama na!
412
00:29:34,751 --> 00:29:36,834
-Ganda.
-Uy, ganda!
413
00:29:40,293 --> 00:29:43,376
MEDITERRANEAN NA SINEHAN
414
00:29:51,126 --> 00:29:52,751
-Sige lang.
-Kukunin ko 'to.
415
00:29:53,334 --> 00:29:54,543
-Heto.
-Salamat.
416
00:29:54,626 --> 00:29:56,043
-Walang anuman.
-Tara na?
417
00:30:11,501 --> 00:30:12,626
Halika, Angela.
418
00:30:20,418 --> 00:30:22,501
Si Massimo Troisi ang paborito ko.
419
00:30:26,168 --> 00:30:27,418
Kita mo ba 'yan?
420
00:30:28,584 --> 00:30:29,709
Magandang gabi.
421
00:30:31,001 --> 00:30:33,584
Uy, mga binibini. Tabihan n'yo naman kami.
422
00:30:33,668 --> 00:30:35,459
May maganda kaming pelikula.
423
00:30:36,751 --> 00:30:39,876
Ano? Tatawa lang ba kayo?
Dito na kayo, sige na.
424
00:30:39,959 --> 00:30:41,918
Pagtawanan n'yo itong ari ko.
425
00:30:47,334 --> 00:30:50,126
Ang ganda ng buhok mo. Parang sutla.
426
00:30:50,209 --> 00:30:52,626
Ginugulo nila kami. Wala ka bang gagawin?
427
00:30:52,709 --> 00:30:54,209
Angela, hayaan mo na.
428
00:30:56,001 --> 00:30:59,001
Doon tayo sa harap.
'Di makita rito. Tara, Angela.
429
00:30:59,084 --> 00:31:01,334
Tonino, 'di ko na kaya. Tapos na tayo.
430
00:31:01,418 --> 00:31:03,459
Ganyan nga, hiwalayan mo na 'yan.
431
00:31:28,376 --> 00:31:30,876
INIHAHANDOG NI MAURO BERARDI
432
00:31:30,959 --> 00:31:34,584
PELIKULA NI MASSIMO TROISI
433
00:31:34,668 --> 00:31:37,626
SORRY FOR THE DELAY
434
00:31:37,709 --> 00:31:38,543
Tara.
435
00:31:42,876 --> 00:31:44,876
-Uy.
-Tumahimik ka.
436
00:31:45,626 --> 00:31:47,709
Uy, tabi. Umusog ka.
437
00:31:51,251 --> 00:31:53,376
-Tabi.
-'Wag kayong humarang.
438
00:31:57,293 --> 00:31:59,084
Na-miss n'yo ba kami?
439
00:31:59,168 --> 00:32:02,709
Nakikinig kayo sa sira-ulong 'to?
Manonood kami kasama ninyo.
440
00:32:02,793 --> 00:32:04,876
-Sira-ulo ka raw.
-Sira-ulo.
441
00:32:04,959 --> 00:32:06,584
Tonino, narinig mo ba 'yon?
442
00:32:06,668 --> 00:32:08,126
Gumising ka nga, Tonino!
443
00:32:09,793 --> 00:32:11,584
Ilabas na natin siya rito!
444
00:32:12,584 --> 00:32:14,209
Mga tanga!
445
00:32:14,293 --> 00:32:17,293
Ipinahiya n'yo ako! Tatlong walang utak!
446
00:32:17,793 --> 00:32:20,293
Wow, nakakatakot!
Babae ang pinapatulan mo.
447
00:32:21,126 --> 00:32:22,918
Hoy! Papatayin kita!
448
00:32:27,376 --> 00:32:28,543
Huminahon ka na!
449
00:32:28,626 --> 00:32:30,418
-Hoy!
-Sige lang! Sige pa!
450
00:32:30,501 --> 00:32:31,834
Tonino, tumigil ka na!
451
00:32:33,084 --> 00:32:35,543
Tama na! Tumigil ka na!
452
00:32:35,626 --> 00:32:37,168
-Tama na!
-Tama na, Tonino.
453
00:32:37,668 --> 00:32:38,501
Tumigil ka na.
454
00:32:39,501 --> 00:32:40,668
Tingnan mo sila.
455
00:32:43,793 --> 00:32:45,626
Ginusto nilang masaktan eh.
456
00:32:49,043 --> 00:32:50,543
Pulis!
457
00:32:50,626 --> 00:32:51,918
Umalis na tayo rito!
458
00:32:52,001 --> 00:32:54,543
-Wala kang kuwentang babae.
-Ang kapal mo.
459
00:32:54,626 --> 00:32:58,293
Napakamakasarili mo.
Wala kang pakialam sa ibang tao.
460
00:32:58,376 --> 00:33:00,584
Aarte kang bayaran tapos tatakbo ka?
461
00:33:00,668 --> 00:33:02,001
Ang kapal ng mukha mo.
462
00:33:02,084 --> 00:33:04,209
Tumahimik ka, sasabunutan kita.
463
00:33:04,293 --> 00:33:05,876
Sige, subukan mo!
464
00:33:06,418 --> 00:33:08,751
-Kakalmutin ko 'yang mukha mo.
-Tama na.
465
00:33:08,834 --> 00:33:12,084
-Angela, sobra ka na.
-Sobra na? Ano pa itong isang 'to?
466
00:33:12,168 --> 00:33:13,959
Ibansag mo 'yan sa kapatid mo!
467
00:33:14,043 --> 00:33:16,251
-Tara na, Tonino.
-Pulis. Sobra ka na.
468
00:33:16,334 --> 00:33:18,001
-Ako?
-Tara na, bilis!
469
00:33:47,001 --> 00:33:49,584
Giannì, tumigil ka!
470
00:33:52,084 --> 00:33:52,959
Ayos ka lang?
471
00:33:56,043 --> 00:33:57,043
Ano?
472
00:33:57,584 --> 00:33:58,793
Giannì, aalis ako.
473
00:33:59,543 --> 00:34:01,501
-Saan ka pupunta?
-Sa Venice.
474
00:34:02,376 --> 00:34:05,001
Masisira ang buhay ko rito.
Nakita mo naman.
475
00:34:05,501 --> 00:34:07,834
-Kailan ka aalis?
-Ngayon na.
476
00:34:10,418 --> 00:34:13,501
-Alam ba ni Giuliana?
-Hindi. Hindi niya alam.
477
00:34:14,251 --> 00:34:16,334
-Walang may alam.
-Kahit si Roberto?
478
00:34:16,418 --> 00:34:20,418
Hindi. Kapag nalaman niya,
'di na niya ako kakausapin ulit.
479
00:34:21,793 --> 00:34:25,168
-Puwede mo bang ibigay ang addess mo?
-'Pag mayroon na.
480
00:34:26,751 --> 00:34:28,418
Bakit mo sinabi sa akin?
481
00:34:30,209 --> 00:34:31,459
Naiintindihan mo ako.
482
00:34:32,126 --> 00:34:33,209
Paalam, Giannì.
483
00:34:53,001 --> 00:34:54,793
Nawala na ang lahat sa atin.
484
00:34:56,334 --> 00:34:57,876
Hindi mo na ako mahal.
485
00:35:00,459 --> 00:35:02,793
Wala namang nawala. Natapos lang.
486
00:35:05,334 --> 00:35:06,334
Halikan mo ako.
487
00:35:09,834 --> 00:35:11,251
'Di na tayo mga bata.
488
00:36:01,168 --> 00:36:03,543
Sabi ni Roberto, sumama ka sa Milan.
489
00:36:37,376 --> 00:36:42,168
HANGO SA KAPANGALAN NA NOBELA
NI ELENA FERRANTE
490
00:37:29,709 --> 00:37:32,626
'Pag bata ka, para bang malaki
ang lahat ng bagay.
491
00:37:33,501 --> 00:37:36,626
'Pag tumanda ka na,
lumiliit naman ang mga bagay.
492
00:37:38,126 --> 00:37:40,126
Kanya-kanya ang lahat.
493
00:37:42,001 --> 00:37:44,001
Walang nakakaalam.
494
00:37:45,043 --> 00:37:47,043
Walang nakakaalam.
495
00:38:47,126 --> 00:38:48,918
Kanya-kanya ang lahat.
496
00:38:49,418 --> 00:38:51,418
Walang nakakaalam.
497
00:38:53,501 --> 00:38:55,668
Kanya-kanya ang lahat.
498
00:38:55,751 --> 00:38:57,751
Walang nakakaalam.
499
00:39:52,918 --> 00:39:54,709
Kanya-kanya ang lahat.
500
00:39:55,209 --> 00:39:57,001
Walang nakakaalam.
501
00:39:59,293 --> 00:40:01,168
Kanya-kanya ang lahat.
502
00:40:01,668 --> 00:40:02,751
Walang nakakaalam.
503
00:40:07,543 --> 00:40:12,543
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
John Vincent Lunas Pernia