1 00:00:06,924 --> 00:00:10,762 ISANG SERYE MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,974 --> 00:00:17,143 Kumanta kung mahal mo ang iyong pamilya 3 00:00:17,226 --> 00:00:20,146 Mahal ko ang pamilya ko 4 00:00:20,229 --> 00:00:23,649 Hindi kami perpekto Pero perpekto sila para sa 'kin 5 00:00:23,733 --> 00:00:25,610 Mahal ko sina Mama, Papa, Major, Keys 6 00:00:25,693 --> 00:00:28,279 -Mahal natin ang pamilya natin -Mahal natin ang pamilya natin 7 00:00:28,362 --> 00:00:31,657 Kung sang-ayon kayo sa 'kin Pumalakpak at ipadyak ang mga paa 8 00:00:31,741 --> 00:00:32,575 Yeah! 9 00:00:35,078 --> 00:00:36,996 Pero naranasan mo na bang parang hindi ka makapagsabi 10 00:00:37,080 --> 00:00:38,998 sa pamilya mo tungkol sa isang bagay? 11 00:00:40,291 --> 00:00:42,752 Tutok lang, tunghayan ang kaabang-abang! 12 00:00:49,008 --> 00:00:52,553 Ayos, naka-ipon na tayo ng 65 sentimos, 13 00:00:52,637 --> 00:00:56,182 isang tennis ball, at apat na supot ng pickle chips sa tatlong buwan. 14 00:00:56,265 --> 00:00:58,559 Pero kinain mo lahat. 15 00:00:59,310 --> 00:01:01,062 Pwede ba huwag na lang isulat 'yon? 16 00:01:02,814 --> 00:01:07,443 Ano? Ginagawa ko lang 'yung taunang buwis ng Keys Grant Enterprises. 17 00:01:08,069 --> 00:01:10,029 Ha? Teka, huwag! 18 00:01:10,113 --> 00:01:11,656 Major! Bumalik ka rito! 19 00:01:12,782 --> 00:01:14,117 Ingat! 20 00:01:14,200 --> 00:01:17,578 Uy, honey, nasaan na 'yung mga espesyal na burger bun? 21 00:01:17,662 --> 00:01:19,997 -Sabi mo kukuha ka. -Sabi mo ikaw na! 22 00:01:20,081 --> 00:01:22,708 -Hindi! Hindi 'yon ang nangyari… -Gagamitin ko 'yon sa cookout, Lillie! 23 00:01:22,792 --> 00:01:23,793 Sabi mo… 24 00:01:23,876 --> 00:01:27,004 Mahilig talaga sa mga burger bun ang tatay mo. 25 00:01:27,088 --> 00:01:30,591 Palaging nagbabangayan ang mga magulang ko sa maliliit na bagay. 26 00:01:30,675 --> 00:01:33,594 Naghahanda si Papa para sa malaking cookout ngayong weekend. 27 00:01:33,678 --> 00:01:36,639 At seryoso siya sa pagba-barbecue. 28 00:01:36,722 --> 00:01:38,975 Uy, oo nga pala, pumunta ka! 29 00:01:39,058 --> 00:01:41,894 -Ay, sige, pupunta ako! -Ayos! 30 00:01:42,937 --> 00:01:45,064 Ayaw ko nang gumawa ng sanaysay. 31 00:01:45,147 --> 00:01:47,108 Gusto mo bang mag-math na lang? 32 00:01:47,191 --> 00:01:48,359 Oo, sige. 33 00:01:51,070 --> 00:01:53,573 Hala! Naku naman! 34 00:01:53,656 --> 00:01:56,117 Akala ko nadala ko ang libro ko sa math. 35 00:01:56,200 --> 00:01:58,536 Naiwan ko siguro sa bahay ng tatay ko. 36 00:01:58,619 --> 00:01:59,954 Walang problema. Share na lang tayo! 37 00:02:00,037 --> 00:02:01,038 Salamat, Karm. 38 00:02:01,122 --> 00:02:06,002 Palagi talaga akong may nalilimutan sa bahay ng nanay o tatay ko. 39 00:02:06,586 --> 00:02:08,254 Ang lala naman niyan. 40 00:02:08,337 --> 00:02:11,841 Oo, nag-aaway sila minsan dahil sa maliliit na bagay, 41 00:02:11,924 --> 00:02:14,218 kadalasan sa mga malalaking bagay. 42 00:02:14,302 --> 00:02:17,180 Pero naging maganda nang maghiwalay sila. 43 00:02:17,263 --> 00:02:19,599 Hindi na sila masyadong nagbabangayan. 44 00:02:20,892 --> 00:02:25,146 -Kumuha ako ng mga kamatis! -Hindi, Lillie, sinabi ko na… 45 00:02:25,229 --> 00:02:28,608 Palaging sinasabi ng mga magulang ko na hindi sila natutulog nang magkagalit. 46 00:02:28,691 --> 00:02:31,861 Palaging natutulog nang magkagalit ang mga magulang ko. 47 00:02:31,944 --> 00:02:35,031 Pero sabi ko nga, mas maayos na ngayon. 48 00:02:35,114 --> 00:02:37,950 Okay lang. Mahal kita. 49 00:02:38,826 --> 00:02:39,952 Mahal din kita. 50 00:02:41,954 --> 00:02:45,791 Ngayong weekend na ang Taunang Cookout! 51 00:02:45,875 --> 00:02:46,876 Sinong excited? 52 00:02:46,959 --> 00:02:48,294 -Ako! -Ako! 53 00:02:49,921 --> 00:02:53,090 Alam ng lahat na ako ang swabeng nagba-barbeque 54 00:02:53,174 --> 00:02:56,177 na gwapo, nagso-slow cook, nagma-marinate, 55 00:02:56,260 --> 00:02:58,095 at ang pinakamagaling na Hari ng Cookout! 56 00:02:58,971 --> 00:03:02,224 Dahil bumalik ako ulit sa tindahan, 57 00:03:02,308 --> 00:03:04,644 nandito na ang burger natin, ang mga bun, 58 00:03:04,727 --> 00:03:08,022 at napakaraming gulay rin mula sa Community Garden. 59 00:03:08,105 --> 00:03:10,191 Magiging magandang cookout ito! 60 00:03:12,109 --> 00:03:15,029 Huwag kang masira, huwag kang masira! 61 00:03:15,112 --> 00:03:16,530 Nasira na. 62 00:03:17,281 --> 00:03:20,368 -Tatawag ako ng mag-aayos. -Kaya kong ayusin 'yan! 63 00:03:20,451 --> 00:03:21,827 Sandali lang. 64 00:03:21,911 --> 00:03:24,121 Lillie, wala na tayong oras. 65 00:03:24,205 --> 00:03:26,165 Masisira ang mga pagkain bago ang cookout. 66 00:03:26,248 --> 00:03:30,086 Huwag kang mag-alala, Conrad. Tumabi ka na at hayaan mo 'ko rito. 67 00:03:30,169 --> 00:03:34,048 -Aayusin ko 'to agad. -Narinig ko na 'yan… 68 00:03:34,131 --> 00:03:37,635 Pero sa ngayon, kainin muna natin ang pagkain dito bago mapanis. 69 00:03:37,718 --> 00:03:41,597 Ako na ang kakain ng chocolate chip ice cream. 70 00:03:41,681 --> 00:03:44,850 Para tulungan ang pamilya natin ngayong panahon ng paghihirap. 71 00:03:44,934 --> 00:03:47,061 Ah, talaga? Salamat sa pagsubok. 72 00:03:47,144 --> 00:03:49,522 -Bakit 'di nalang itong frozen peas? -Kadiri. 73 00:03:49,605 --> 00:03:53,401 -Ayusin na nating ang ref, Lillie. -Sinabi ko nang ako na nga! 74 00:03:53,484 --> 00:03:54,902 Magtiwala ka lang sa 'kin, Conrad! 75 00:03:54,986 --> 00:03:59,198 Nag-aaway sila dahil sa maliliit na bagay, malalaking bagay, halos sa lahat! 76 00:04:02,201 --> 00:04:04,996 Ayos lang 'yan. Hindi sila matutulog ng magkagalit. 77 00:04:05,079 --> 00:04:06,664 Magiging maayos na ang lahat bukas… 78 00:04:08,666 --> 00:04:12,712 -Good morning, maganda kong pamilya-- -Lillie, isipin mo ang mga burger ko. 79 00:04:12,795 --> 00:04:15,172 -Ha? -Tumawag na tayo ng iba, ngayon na! 80 00:04:15,256 --> 00:04:18,634 May tinawagan na ako. At ang pangalan no'n ay Ako! 81 00:04:18,718 --> 00:04:21,762 Hindi pwedeng cooler lang ang gamit natin, mag-aaksaya lang tayo ng pera. 82 00:04:21,846 --> 00:04:24,140 Mas mag-aaksaya tayo ng pera kung tatawag pa tayo ng mag-aayos! 83 00:04:24,223 --> 00:04:27,184 Ako na ang bahala sa ref. 84 00:04:32,315 --> 00:04:35,443 Ngayon lang tumagal ang away nina Mama at Papa. 85 00:04:35,526 --> 00:04:38,195 Hindi nila dapat 'yon pinapatagal. 86 00:04:38,279 --> 00:04:39,989 Sinuway nila ang usapan. 87 00:04:41,532 --> 00:04:44,785 Akala ko maayos ang pamilya ko 88 00:04:44,869 --> 00:04:47,413 Pero baka nasisira na ito 89 00:04:47,496 --> 00:04:49,957 Nag-aalala na ako sa mga bangayan nila 90 00:04:50,041 --> 00:04:52,460 Grabe, ako ay nasasaktan 91 00:04:53,586 --> 00:04:54,754 Hindi! 92 00:04:57,465 --> 00:04:59,008 Kailangan kong ayusin 'to. 93 00:05:00,593 --> 00:05:03,763 Umpisa na ng Operasyong Pagbatiin sina Mama at Papa. 94 00:05:03,846 --> 00:05:05,765 -Handa ka na? -Handa na! 95 00:05:05,848 --> 00:05:07,641 Mama! Papa! 96 00:05:07,725 --> 00:05:10,478 Pwede ba kayong bumaba rito? 97 00:05:10,561 --> 00:05:11,812 -Papunta na! -Ano 'yun? 98 00:05:13,064 --> 00:05:15,232 Anong mayroon dito? 99 00:05:15,858 --> 00:05:17,610 Nasa tamang bahay ba ako? 100 00:05:18,235 --> 00:05:20,154 Maupo po kayo. 101 00:05:24,200 --> 00:05:25,910 Sige, anong kailangan n'yo? 102 00:05:25,993 --> 00:05:27,286 At magkano ito? 103 00:05:27,370 --> 00:05:31,957 Gusto lang naming mag-romantic dinner kayo! 104 00:05:32,458 --> 00:05:38,589 Masarap na orange juice mula sa malamig na lugar ng "concentrate"? 105 00:05:38,672 --> 00:05:42,760 May extra pulp, siyempre. Ah, perpekto! 106 00:05:42,843 --> 00:05:44,929 Galing ba ito sa garden? 107 00:05:45,012 --> 00:05:46,889 Ay! Insekto ba 'yan? 108 00:05:49,350 --> 00:05:54,396 Ang menu ngayon ay PB at J na may creamy na peanut butter 109 00:05:54,480 --> 00:05:56,482 mula sa grocery store. 110 00:05:56,565 --> 00:06:01,237 Na sinamahan ng organic na grape jelly mula sa aparador. 111 00:06:01,320 --> 00:06:03,948 -Ohh-la-la! -Ayos 'yan! 112 00:06:04,031 --> 00:06:07,243 Hayaan n'yong kuhanan ko ng litrato ang masayang mag-asawa! 113 00:06:07,326 --> 00:06:08,410 Ayos… 114 00:06:08,494 --> 00:06:09,829 Ano 'yun? 115 00:06:09,912 --> 00:06:13,833 Naku, Lillie, please. Kailangan na nating tumawag ng propesyonal. 116 00:06:13,916 --> 00:06:16,252 Sinasabi mo bang hindi ako propesyonal? 117 00:06:16,335 --> 00:06:18,003 Hindi sa pag-aayos ng ref! 118 00:06:19,755 --> 00:06:21,590 Hindi gumana ang plano natin. 119 00:06:25,970 --> 00:06:29,348 Nag-aaway pa rin sina Mama at Papa. 120 00:06:30,349 --> 00:06:33,102 Paano kung… 121 00:06:34,854 --> 00:06:37,523 May seryosong nangyayari 122 00:06:37,606 --> 00:06:40,568 Nag-aalala ako At hindi ko na alam ang gagawin 123 00:06:40,651 --> 00:06:43,362 At aaminin kong natatakot akong magtanong 124 00:06:43,445 --> 00:06:45,823 Kasi baka magkatotoo 125 00:06:49,952 --> 00:06:51,912 Maaabutan din kita, Major! 126 00:06:52,705 --> 00:06:53,914 Talo ka! 127 00:06:55,082 --> 00:06:57,793 Naglalaro ka ba talaga, Karma? 128 00:06:57,877 --> 00:07:00,462 Talo ka ulit! Uy? 129 00:07:00,546 --> 00:07:01,422 Nandiyan ka pa ba, Karma? 130 00:07:01,505 --> 00:07:03,924 Ang tagal ng away ng mga magulang ko kagabi. 131 00:07:04,008 --> 00:07:08,262 Hindi sila natutulog ng magkagalit, pero ilang araw na silang ganito. 132 00:07:09,722 --> 00:07:11,307 Baka… 133 00:07:11,807 --> 00:07:13,142 maghiwalay na sila… 134 00:07:13,642 --> 00:07:15,811 at hindi ko alam ang gagawin ko. 135 00:07:16,645 --> 00:07:17,980 Pasensya na, Karm. 136 00:07:18,063 --> 00:07:20,191 Nakausap mo na ba sila tungkol diyan? 137 00:07:20,274 --> 00:07:24,612 Hindi pa. Kung gagawin ko 'yon, baka mag-away sila ulit. 138 00:07:24,695 --> 00:07:26,739 Baka lumala lang! 139 00:07:26,822 --> 00:07:30,075 At tingnan mo, nagkakagulo na sina Keys at Major! 140 00:07:34,205 --> 00:07:36,207 Mukhang okay naman sila! 141 00:07:36,290 --> 00:07:38,459 At ang mga magulang mo rin. 142 00:07:39,001 --> 00:07:40,878 Dinala mo ba ang cheese, Lillie? 143 00:07:40,961 --> 00:07:42,588 Ang cheese? Talaga ba, Conrad? 144 00:07:42,671 --> 00:07:44,798 -Sabi ko sa 'yo isilid mo ito! -Ano? 145 00:07:45,299 --> 00:07:46,509 Tumigil kayo! 146 00:07:46,592 --> 00:07:50,137 Huwag kayong mag-away! Hindi kayo pwedeng maghiwalay! 147 00:07:50,221 --> 00:07:52,515 Ayaw kong masira ang pamilya natin! 148 00:07:52,598 --> 00:07:55,017 Pakiusap, tumigil na kayo! 149 00:07:55,601 --> 00:07:58,145 -Anak! -Kar-Star, bumalik ka rito! 150 00:08:05,402 --> 00:08:08,030 Maghihiwalay na sila Hindi na magkakabalikan 151 00:08:08,113 --> 00:08:11,116 Pero paano kami Kung sira na ang pamilya namin? 152 00:08:11,200 --> 00:08:13,994 Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito Sa amin ni Keys 153 00:08:14,078 --> 00:08:17,164 Magsisimula na ang malulungkot na oras 154 00:08:21,252 --> 00:08:24,088 Ilabas mo 'yan, Major. Ilabas mo. 155 00:08:27,132 --> 00:08:29,885 -Bakit kayo umuungol? -Nalulungkot kami! 156 00:08:29,969 --> 00:08:33,556 Hindi na maaayos ang lahat ngayong maghihiwalay na sina Mama at Papa. 157 00:08:33,639 --> 00:08:36,725 -Ayaw kong maglinis ng dalawang kwarto! -Uy. 158 00:08:36,809 --> 00:08:40,104 Ano man ang mangyari, magkasama tayo. 159 00:08:40,187 --> 00:08:42,982 -Hay, salamat sa Diyos. -Nahanap mo siya, Keys. 160 00:08:45,150 --> 00:08:46,819 Anong mayroon? 161 00:08:46,902 --> 00:08:50,531 Palagi raw nag-aaway ang mga magulang ni Switch bago sila maghiwalay. 162 00:08:50,614 --> 00:08:54,702 At nang masira ang ref, dumadalas na ang away niyo. 163 00:08:54,785 --> 00:08:57,621 Natatakot kami na baka… maghiwalay rin kayo. 164 00:08:58,497 --> 00:09:02,126 Hindi kami maghihiwalay, anak. 165 00:09:02,209 --> 00:09:04,044 Nag-aaway ang mga magulang minsan. 166 00:09:04,128 --> 00:09:08,090 Tungkol sa mga burger bun. Sa bayarin. At pati mga maiingay na ref. 167 00:09:08,173 --> 00:09:12,678 Pero kapag nag-aaway kami, magalang kaming nag-aaway. 168 00:09:12,761 --> 00:09:16,307 Mukhang hindi namin 'yun nagagawa ng ayos. 169 00:09:16,390 --> 00:09:18,350 Pasensya na kayo. 170 00:09:18,434 --> 00:09:21,228 Pero bakit hindi n'yo sinabi na nag-aalala kayo? 171 00:09:21,312 --> 00:09:22,855 Alam kong dapat sinabi ko. 172 00:09:22,938 --> 00:09:25,274 Pero natatakot akong baka 'pag nagtanong ako tungkol sa hiwalayan 173 00:09:25,357 --> 00:09:28,027 ay magkatotoo ito? 174 00:09:28,110 --> 00:09:31,447 Akala mo lang 'yon, pero hindi 'yun gano'n. 175 00:09:31,530 --> 00:09:34,074 At hindi ba nakakagaan na napag-usapan 'yun? 176 00:09:34,158 --> 00:09:38,787 Oo nga, medyo hindi na nakakatakot kapag nailalabas na ito. 177 00:09:38,871 --> 00:09:42,458 Huwag kayong matakot sabihin sa amin ang iniisip n'yo. 178 00:09:43,042 --> 00:09:44,918 Kahit pa tungkol ito sa amin. 179 00:09:45,002 --> 00:09:47,671 Walang perpektong pamilya. 180 00:09:47,755 --> 00:09:49,673 Mag-aaway kami, 'di magkakasundo… 181 00:09:49,757 --> 00:09:52,760 Seseryosohin ang barbecue… 182 00:09:52,843 --> 00:09:54,762 Nagsasalita ang mga burger ko! 183 00:09:54,845 --> 00:09:58,474 "Masarap ba rito, o ako lang 'yun?" 184 00:10:00,351 --> 00:10:03,228 Mangako tayo na palaging magsasabi sa isa't isa 185 00:10:03,312 --> 00:10:05,439 tungkol sa nararamdaman natin, okay? 186 00:10:05,522 --> 00:10:06,815 -Pangako. -Makakaasa kayo. 187 00:10:06,899 --> 00:10:07,816 Palagi. 188 00:10:07,900 --> 00:10:09,193 Sige! 189 00:10:10,235 --> 00:10:11,987 Hali kayo rito, Keys. 190 00:10:13,697 --> 00:10:18,035 Walang perpektong pamilya Pero lahat ay mahalaga 191 00:10:18,118 --> 00:10:18,994 Yeah 192 00:10:19,078 --> 00:10:22,915 Mas magandang sabihin Na kakaiba tayo sa sarili nating paraan 193 00:10:22,998 --> 00:10:24,625 Mag-aaway man tayo at magagalit 194 00:10:24,708 --> 00:10:26,794 Pero kung pag-uusapan Walang pagsisisihan 195 00:10:26,877 --> 00:10:31,298 May mahihirap na araw at panahon Kapag kasama ang pamilya, ayos ang lahat! 196 00:10:31,382 --> 00:10:35,511 Sina Mama, Papa, Keys, Major Napapaganda ng pagkakaiba-iba ang pamilya 197 00:10:35,594 --> 00:10:39,765 Hulaan mo kung anong gusto namin Sobrang pagmamahal at tawanan! 198 00:10:39,848 --> 00:10:41,850 Kumanta kung mahal mo ang iyong pamilya 199 00:10:41,934 --> 00:10:44,353 Mahal namin ang pamilya namin 200 00:10:44,436 --> 00:10:48,232 Kung sang-ayon kayo sa 'kin Pumalakpak at ipadyak ang mga paa 201 00:10:51,860 --> 00:10:56,240 Tama ka, Papa, ang galing mo nga. 202 00:10:59,159 --> 00:11:04,707 -Parang kanta na 'yun. -Ito na yata ang kanta natin. 203 00:11:07,334 --> 00:11:09,044 Karma, anong nangyayari? 204 00:11:09,128 --> 00:11:11,547 Hindi ko alam. Pero hayaan na natin. 205 00:12:07,728 --> 00:12:11,690 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Reya Lei Delgado