1 00:00:22,858 --> 00:00:26,028 "Hindi na kailangan ang paniniwala sa sobrenatural na pinagmumulan ng kasamaan; 2 00:00:26,111 --> 00:00:28,530 may lubos na kakayahan ang mga tao sa lahat ng uri ng kasamaan." 3 00:01:15,994 --> 00:01:18,539 Ayos lang. Ayos lang. 4 00:02:02,958 --> 00:02:04,418 Narinig mo ba 'yun? 5 00:02:14,344 --> 00:02:16,763 Hindi! Hindi! 6 00:02:16,847 --> 00:02:20,893 Hindi! Hindi! Hindi! Hindi! 7 00:02:45,959 --> 00:02:48,754 MALIGAYANG PAGDATING SA GOLDEN VALLEY - EST 1877 1977 - ANG AMING IKA-100 TAON! 8 00:02:48,837 --> 00:02:50,797 -Tama si Veronica. -Ano? 9 00:02:51,632 --> 00:02:53,926 Wala man lang silang McDonald's dito. 10 00:02:54,968 --> 00:02:58,680 -Diyos ko, bumalik na tayo! -Oo nga! 11 00:02:59,181 --> 00:03:03,143 Kung aalis na tayo ngayon, makakabalik na tayo sa Los Angeles nang hapunan. 12 00:03:04,227 --> 00:03:08,023 Alam kong hindi magugustuhan dito ng kapatid mo, pero sana magustuhan mo. 13 00:03:09,191 --> 00:03:10,400 Kayong dalawa. 14 00:03:12,653 --> 00:03:14,863 Alam ko kung gaano kahalaga ito para sa'yo. 15 00:03:15,739 --> 00:03:19,534 Limang taon ka pa lang nasa US pero tagapamahala ka na agad. 16 00:03:22,454 --> 00:03:24,623 -'Yan ako. -Malaki 'yun. 17 00:03:27,376 --> 00:03:29,211 Mahalaga 'yun para sa atin. 18 00:03:30,712 --> 00:03:32,923 Beto. Ayos lang tayo. 19 00:03:34,007 --> 00:03:34,841 Talaga. 20 00:03:44,810 --> 00:03:47,938 Mas maraming oras kaysa sa buhay. 21 00:03:49,856 --> 00:03:51,274 Namnamin natin ang sandali. 22 00:03:53,068 --> 00:03:54,486 Napakaikli ng buhay. 23 00:03:55,737 --> 00:03:57,364 Ganoon namin sabihin 'yan dito. 24 00:03:58,532 --> 00:04:00,158 Mas maganda 'yung sa akin. 25 00:04:41,658 --> 00:04:46,413 BOTIKA NI NICO 26 00:04:50,625 --> 00:04:54,588 TINDAHAN NG DAMIT 27 00:04:54,671 --> 00:04:56,548 PANADERYA MEXICANA 28 00:04:56,631 --> 00:04:58,717 SARIWANG PRODUKTO 29 00:04:58,800 --> 00:05:02,804 ISTASYONG LOKAL BARBERO 30 00:05:02,888 --> 00:05:07,017 KAINAN SA ROUTE 190 31 00:05:09,144 --> 00:05:11,104 INGLES LAMANG 32 00:05:42,761 --> 00:05:43,887 Nasa bahay na tayo. 33 00:05:51,812 --> 00:05:53,021 Sasama ka ba? 34 00:05:58,318 --> 00:06:02,572 MGA NANAY 35 00:06:16,211 --> 00:06:19,798 HANGO SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI... 36 00:07:31,494 --> 00:07:32,412 Ah, 37 00:07:34,581 --> 00:07:38,501 medyo iba sa mga larawan. 38 00:07:42,505 --> 00:07:44,090 Matagal na siguro ang mga iyon. 39 00:07:47,219 --> 00:07:50,347 Alam ko hindi masyadong magarbo, pero... 40 00:07:51,389 --> 00:07:52,891 Ano nga 'yung kasabihan? 41 00:07:53,475 --> 00:07:56,978 Huwag balewalain ang mga ibinigay sa'yo? 42 00:07:57,646 --> 00:07:59,314 Ang ibihigay sa'yo? 43 00:07:59,397 --> 00:08:02,984 Oo! 'Yan nga. Huwag balewalain ang mga ibinigay sa'yo. 44 00:08:03,735 --> 00:08:06,571 Madali lang ayusin ang mga 'yan. Kaya ko 'yan gawin agad. 45 00:08:08,448 --> 00:08:09,783 Pagtutulungan nating gawin. 46 00:08:15,997 --> 00:08:17,374 Kailangan ng bagong pintura. 47 00:08:18,959 --> 00:08:21,086 Ilang kasangkapan. Bago. 48 00:08:22,045 --> 00:08:22,921 Ayos. 49 00:08:24,839 --> 00:08:26,132 Mga larawan natin. 50 00:08:34,099 --> 00:08:35,767 Sa palagay mo, relihiyoso sila? 51 00:08:37,894 --> 00:08:40,522 May isa sa bawat pinto para 'di makapasok ang demonyo. 52 00:08:43,900 --> 00:08:46,236 Perpektong lugar ito para sa pagsusulat. 53 00:08:46,778 --> 00:08:49,823 Magiging mas maganda kaysa sa lumang sulok mo sa pahayagan. 54 00:08:50,699 --> 00:08:53,576 Nag-aalala kang wala tayong sapat na lugar. 55 00:08:57,747 --> 00:09:00,417 Mas nag-aalala akong wala tayong bakuna sa tetano. 56 00:09:03,628 --> 00:09:07,090 Tara na, magtanghalian na tayo. Libutin natin ang bayan. 57 00:09:19,936 --> 00:09:21,396 -Kumusta? -Kumusta? 58 00:09:21,479 --> 00:09:23,940 -Magandang hapon, maligayang pagdating. -Salamat. 59 00:09:30,697 --> 00:09:32,615 Hindi kayo tagarito, ano? 60 00:09:35,368 --> 00:09:36,244 Hindi. 61 00:09:37,954 --> 00:09:40,206 Pasensya na, hindi ako magaling mag-Espanyol. 62 00:09:41,791 --> 00:09:43,251 Pero mukha kang... 63 00:09:44,044 --> 00:09:46,880 Ayos lang. Ako nga pala si Anita. 64 00:09:46,963 --> 00:09:50,008 Tingnan mo ito, Diana. Para sa kwarto ng bata. 65 00:09:50,091 --> 00:09:52,761 -Kailangan pa ba natin ng dagdag na krus? -Sige na. 66 00:09:52,844 --> 00:09:55,138 Mayroon akong ganito noong bata pa ako. 67 00:09:57,182 --> 00:09:59,976 -Kumusta? Ikinagagalak kong makilala ka. -Masaya rin akong makilala ka. 68 00:10:01,311 --> 00:10:03,730 -Ang ganda ng tindahan mo. -Salamat. 69 00:10:03,855 --> 00:10:06,274 Titingnan ko lang kung mayroon akong tamang... 70 00:10:08,943 --> 00:10:10,236 Ah, heto na. 71 00:10:11,237 --> 00:10:12,322 Salamat. 72 00:10:15,075 --> 00:10:15,909 Oh, heto. 73 00:10:17,202 --> 00:10:18,787 -Salamat. -Walang anuman. 74 00:10:21,456 --> 00:10:22,499 Bago kayo umalis... 75 00:10:25,043 --> 00:10:27,087 Pwede ba akong magbigay ng basbas? 76 00:10:27,587 --> 00:10:30,799 Para sa iyo at, sa bagong anak mo? 77 00:10:30,882 --> 00:10:32,175 Oo, siyempre naman. 78 00:10:41,351 --> 00:10:44,354 Aba Ginoong Marya. Napupuno ka ng grasya, ang Panginon ay sumasaiyo. 79 00:10:44,437 --> 00:10:46,231 Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. 80 00:10:46,314 --> 00:10:48,817 At pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. 81 00:10:48,900 --> 00:10:51,986 Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, 82 00:10:52,070 --> 00:10:54,447 ngayon at kung kami'y mamamatay. 83 00:11:00,120 --> 00:11:02,163 Masaya akong makilala kayo. 84 00:11:05,166 --> 00:11:08,837 Pwede maging magandang tumira sa bayang ito. 85 00:11:10,463 --> 00:11:13,299 -Balik kayo, ha? -Oo naman. 86 00:11:24,102 --> 00:11:27,021 Palagay ko magiging magandang simula ito para sa atin. 87 00:11:27,981 --> 00:11:30,108 -Talaga? -Talaga. 88 00:11:31,443 --> 00:11:32,944 Hindi ko alam kung bakit, 89 00:11:33,486 --> 00:11:36,030 pero naaalala ko itong lugar kung saan ako lumaki. 90 00:11:41,578 --> 00:11:43,580 Perpekto para simulan ang pamilya natin. 91 00:11:50,211 --> 00:11:52,672 Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ni Aling Anita, 92 00:11:52,755 --> 00:11:55,425 sa "Pwedeng maging magandang tumira sa bayang ito?" 93 00:11:56,384 --> 00:11:59,512 -Ganoon niya ba sinabi 'yun? -Hindi. 94 00:12:00,263 --> 00:12:01,931 Pero ba't niya sinabing, "Pwede?" 95 00:12:02,307 --> 00:12:04,934 Bakit hindi, "Magandang lugar ito para sa..." 96 00:12:06,644 --> 00:12:09,898 -Ano 'yun? -Baka coyote lang. 97 00:12:11,441 --> 00:12:13,401 Masasanay ka rin sa buhay probinsya. 98 00:12:20,492 --> 00:12:22,660 Beto. May tao sa labas. 99 00:12:22,744 --> 00:12:27,165 Mahal ko, unang gabi natin ito sa bagong bahay. 100 00:12:27,248 --> 00:12:29,042 Makakarinig ka ng mga bagong tunog. 101 00:13:20,218 --> 00:13:21,052 Tara! 102 00:13:22,262 --> 00:13:23,179 Labas! 103 00:14:32,624 --> 00:14:34,876 -Kumusta? Magandang hapon. -Mabuti. 104 00:14:36,085 --> 00:14:38,296 -Ako si Roberto. -Ernesto. Ikinagagalak kong makilala ka. 105 00:14:38,379 --> 00:14:40,381 Ikinagagalak kong makilala ka, Ernesto. 106 00:14:42,008 --> 00:14:43,009 Kape? 107 00:14:44,093 --> 00:14:45,219 Sige, bakit hindi? 108 00:14:45,928 --> 00:14:46,846 Salamat. 109 00:14:49,098 --> 00:14:50,058 Ang sarap. 110 00:14:59,150 --> 00:15:00,777 "Thomas" talaga ang tawag sa'kin. 111 00:15:02,362 --> 00:15:06,449 -Pasensya na, nabasa ko kasi... -Ayos lang. Sanay na ako. 112 00:15:06,532 --> 00:15:07,617 Maganda, ha? 113 00:15:08,117 --> 00:15:09,952 Mabuti naman at ayos kayo. 114 00:15:10,036 --> 00:15:10,995 -Oo, oo. -Talaga? 115 00:15:11,079 --> 00:15:13,623 Kumusta ang bahay? Alam ko may kailangang ayusin... 116 00:15:13,706 --> 00:15:15,083 Hindi, maganda siya. 117 00:15:15,166 --> 00:15:16,084 -Seryoso. -Talaga? 118 00:15:16,167 --> 00:15:19,337 Pakisabi kay G. Quill salamat sa pagpapatira niya sa amin dito. 119 00:15:19,420 --> 00:15:20,922 Para sa lahat, talaga. 120 00:15:23,508 --> 00:15:24,550 Maglakad tayo. 121 00:15:26,803 --> 00:15:28,596 Ang ganda, 'di ba? 122 00:15:29,013 --> 00:15:29,847 Oo. 123 00:15:29,931 --> 00:15:34,936 Paganda nang paganda ang bukid taun-taon. Hulog ng langit ang 'yang mga agrokemikal. 124 00:15:35,895 --> 00:15:40,608 Nakilala mo na si Ernesto. Asawa niya, si Marisol, at Hector. Makakatulong mo sila. 125 00:15:40,692 --> 00:15:41,943 -Kumusta? -Magandang hapon. 126 00:15:42,026 --> 00:15:43,861 -Ikinagagalak kong makilala kayo. -Ganoon din sa'yo. 127 00:15:45,154 --> 00:15:47,532 Ako nang bahala sa mga pinadadalhan natin, 128 00:15:47,615 --> 00:15:49,992 -habang pinangangasiwaan mo sila. -Sige. 129 00:15:50,451 --> 00:15:54,455 -Matagal ka na ba sa bansa? -Dumating ako noong 25 ako. 130 00:15:56,290 --> 00:15:57,291 Ligal? 131 00:16:00,420 --> 00:16:02,922 Pasensya na. Hindi ako dapat nangingialam. 132 00:16:04,465 --> 00:16:07,593 -Ikaw ba? -Ipinanganak ako sa Los Angeles. 133 00:16:08,761 --> 00:16:10,930 -Pati ang asawa ko. -Talaga? Ang... 134 00:16:11,472 --> 00:16:15,518 'Yung mga magulang ko, dumating dito noong dekada 40. Manggagawang bukid sila. 135 00:16:16,519 --> 00:16:18,479 -Ah, kaya pala. -Ano 'yun? 136 00:16:18,563 --> 00:16:20,398 Kung ba't napakagaling ng Ingles mo! 137 00:16:20,940 --> 00:16:23,735 Hindi ko masabi nang maayos ang S-H-I-P. 138 00:16:23,818 --> 00:16:25,611 Palaging "sheep" ang lumalabas. 139 00:16:26,571 --> 00:16:28,781 -O mas malala pa. -O mas malala pa. 140 00:16:31,242 --> 00:16:33,536 Mabuti at nandito ka. Oo. 141 00:16:35,121 --> 00:16:37,874 Palagay ko mas magugustuhan pa nilang makatrabaho... 142 00:16:38,416 --> 00:16:40,126 Ang tunay na Mexicano. 143 00:16:45,381 --> 00:16:47,216 Nakakakilabot, ano? 144 00:16:47,300 --> 00:16:48,259 Ayos lang naman. 145 00:16:48,342 --> 00:16:51,179 Ipinagpalit mo ang LA para sa kili-kili ng California. 146 00:16:51,262 --> 00:16:55,600 Nasisante ako at magkakaanak na kami. Para namang may iba pa akong pagpipilian. 147 00:16:55,683 --> 00:16:58,770 Ang sabihin mo, sinisante ka kasi magkakaanak ka na. 148 00:16:58,853 --> 00:17:00,730 Dapat nilabanan mo 'yun! 149 00:17:01,397 --> 00:17:03,107 Sa totoo lang, ayos din naman, eh. 150 00:17:03,608 --> 00:17:07,153 Ilang buwan na lang manganganak na ako at makakapagsulat na rin ako. 151 00:17:07,236 --> 00:17:09,781 Alam mo na ba kung tungkol saan ang isusulat mo? 152 00:17:09,864 --> 00:17:10,990 Hindi. 153 00:17:11,073 --> 00:17:14,118 Pero maiisip ko rin. Tungkol sa mahalagang bagay. 154 00:17:14,619 --> 00:17:18,748 -Kumusta si Mama? -Alam mo na, si Mama pa rin. 155 00:17:19,123 --> 00:17:21,459 -Hindi pa rin kayo nag-uusap? -Hindi. 156 00:17:21,542 --> 00:17:23,961 Ganoon din ang ginawa niya noong mabuntis ka. 157 00:17:24,045 --> 00:17:26,881 'Di umimik nang ilang linggo, mahihimasmasan din 'yun. 158 00:17:26,964 --> 00:17:29,717 Ayaw ko nang makipag-away sa kanya dahil kay Beto, 159 00:17:29,801 --> 00:17:32,428 o sa pagbabayad niya sa kurso ko sa pamamahayag 160 00:17:32,512 --> 00:17:35,431 para lang maging asawa ako ng mahirap na magsasaka. 161 00:17:35,515 --> 00:17:38,976 Gusto lang niyang makatulong. Iniisip niya ang makakabuti sa'yo. 162 00:17:39,060 --> 00:17:40,728 -Veronica! -Alam mong sinasabi ko. 163 00:17:40,812 --> 00:17:44,816 Para sa kanya, mas mabuti ang maputing anak at asawang naka-kurbata papasok. 164 00:17:44,899 --> 00:17:47,902 Kung tutulong siya, tinuruan niya dapat tayong mag-Espanyol. 165 00:17:47,985 --> 00:17:51,155 "Ayaw niyo naman magkaroon ng punto gaya ng Lola niyo, 'di ba?" 166 00:17:51,239 --> 00:17:52,907 Masama na ngang... 167 00:17:54,659 --> 00:17:55,701 Masamang ano? 168 00:17:59,539 --> 00:18:02,792 -Tatawagan ulit kita. -Sige. Nandito lang ako. 169 00:19:34,675 --> 00:19:36,302 UNYON NG MGA MIGRANTENG MAGSASAKA 170 00:19:36,385 --> 00:19:38,971 "BANAYAD NA KAMATAYAN" UNYON NG MGA MIGRANTENG MAGSASAKA 171 00:19:39,430 --> 00:19:41,933 ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA PESTISIDYO 172 00:20:01,661 --> 00:20:02,578 Hoy. 173 00:20:03,245 --> 00:20:05,581 Hoy? Hoy! 174 00:20:09,126 --> 00:20:11,671 Hoy? Hoy! 175 00:20:11,754 --> 00:20:12,880 Hoy! 176 00:20:54,547 --> 00:20:57,049 Sino namang gagawa noon? 177 00:20:58,426 --> 00:21:00,928 'Di natin alam kung gaano na katagal 'yan nandoon. 178 00:21:02,471 --> 00:21:04,515 Kaya hindi masyadong nakakatakot ang mata 179 00:21:04,598 --> 00:21:07,101 na nakasabit sa puno kung matagal nang nandoon? 180 00:21:07,184 --> 00:21:11,355 Baka mga batang nagkakatuwaan lang o inilagay ng mga dating may-ari. 181 00:21:14,692 --> 00:21:16,944 May alam ka sa mga dating may-ari? 182 00:21:17,028 --> 00:21:17,903 Wala. 183 00:21:19,280 --> 00:21:21,866 Ipagtanong natin sa salu-salo sa katapusan ng linggo. 184 00:21:22,366 --> 00:21:25,077 -Kailangan ba talaga nating pumunta doon? -Oo kailangan. 185 00:21:25,578 --> 00:21:28,831 Pagkakataon natin 'yun para makilala ang ibang pamilya rito. 186 00:21:28,914 --> 00:21:29,999 Ayos. 187 00:21:30,416 --> 00:21:33,044 Kaunting kwentuhan. Sa Espanyol. 188 00:21:34,545 --> 00:21:35,796 Paborito ko. 189 00:21:40,718 --> 00:21:43,804 Mga binibini, nandito na ang paborito ninyong agua fresca. 190 00:21:43,888 --> 00:21:45,765 Magsaya kayo. Bagong gawa 'yan. 191 00:22:00,905 --> 00:22:04,575 Hindi lang niya nasira 'yung lugar, umabot pati sa mga bariles! 192 00:22:04,658 --> 00:22:06,786 Nakakita ka na ba ng lasing na coyote? 193 00:22:12,583 --> 00:22:13,667 Kumusta si Marisol? 194 00:22:14,001 --> 00:22:15,127 Mabuti... 195 00:22:15,419 --> 00:22:21,092 Sabi ng doktor kailangang mahiga sa kama sa klinika hanggang lumabas ang bata. 196 00:22:21,884 --> 00:22:23,135 Nasasabik ka na siguro. 197 00:22:25,096 --> 00:22:26,639 Gusto ko ng kwintas mo. 198 00:22:27,014 --> 00:22:28,974 Salamat. Regalo ito. 199 00:22:29,767 --> 00:22:32,061 -Regalo? -Mula kay Anita, para proteksyon. 200 00:22:32,978 --> 00:22:34,355 Ang ganda ng damit mo. 201 00:22:34,814 --> 00:22:36,857 Itong damit ko? Salamat! 202 00:22:36,941 --> 00:22:40,569 Bago lang ito. Nakuha ko bago kami bumiyahe. 203 00:22:40,653 --> 00:22:43,072 Naisip ko kailangan ko ng manipis at maluwag. 204 00:22:43,155 --> 00:22:44,865 At tingnan niyo, may mga bulsa! 205 00:22:44,949 --> 00:22:46,450 Mukhang mahal. 206 00:22:48,285 --> 00:22:50,037 Pasensya na. Hindi ko maintindihan. 207 00:22:52,289 --> 00:22:56,293 'Yung mga magulang ko kasi napaparusahan sa paaralan sa pagsasalita ng Espanyol. 208 00:22:56,377 --> 00:22:57,878 Kaya hindi nila kami tinuruan. 209 00:22:57,962 --> 00:22:59,505 Kawawang puting bata. 210 00:22:59,588 --> 00:23:01,423 -Rosa, tama na. -Biro lang 'yun. 211 00:23:03,008 --> 00:23:05,719 Maganda ang damit mo. 212 00:23:06,804 --> 00:23:07,805 Salamat. 213 00:23:09,390 --> 00:23:10,474 Panganay? 214 00:23:11,392 --> 00:23:12,309 Oo. 215 00:23:14,395 --> 00:23:16,564 May anak ka ba? 216 00:23:16,647 --> 00:23:20,109 Wala pa, pero sana, balang araw. 217 00:23:22,528 --> 00:23:25,781 -Gusto sana namin ni Beto kahit dalawa. -Mas marami, mas masaya. 218 00:23:28,450 --> 00:23:30,119 Sa kalusugan ng pamilya mo. 219 00:23:32,329 --> 00:23:35,708 Eh, ikaw, Rosa? Gusto mo pa ba ng dagdag na anak? 220 00:23:36,417 --> 00:23:37,668 Dati, oo, pero... 221 00:23:38,627 --> 00:23:39,795 wala na, eh. 222 00:23:40,171 --> 00:23:41,297 Pasensya na. 223 00:23:42,464 --> 00:23:43,674 Pero, salamat sa Diyos... 224 00:23:43,757 --> 00:23:44,925 May Jaimito naman kami. 225 00:23:46,343 --> 00:23:48,053 Masuswerte tayo. 226 00:23:49,930 --> 00:23:51,140 Pumunta ka roon. 227 00:24:00,065 --> 00:24:02,193 Nasaan ang mga pinsan mo? Mga kaibigan? 228 00:24:03,736 --> 00:24:05,029 Wala ba? 229 00:24:07,698 --> 00:24:08,908 Narinig mo ba... 230 00:24:08,991 --> 00:24:10,409 Nasaan si Juana? 231 00:24:10,951 --> 00:24:14,330 -Hindi naman sa nangtsitsismis ako... -Hindi ka nangtsitsismis? 232 00:24:14,705 --> 00:24:17,875 Hoy! Kelan ako nakipagtsismisan? 233 00:24:17,958 --> 00:24:19,668 Aba, parang... 234 00:24:29,511 --> 00:24:31,597 Agua fresca? Gawa ko 'yan. 235 00:24:31,680 --> 00:24:33,682 -Subukan mo. -Sige. 236 00:24:36,393 --> 00:24:38,354 -Talaga? -Masarap siya. 237 00:24:38,437 --> 00:24:40,898 Salamat. May basket ako ng pasalubong para sa inyo. 238 00:24:40,981 --> 00:24:43,484 -Padadalhan ko kayo. -Salamat. 239 00:24:43,567 --> 00:24:44,818 Walang anuman. 240 00:24:48,197 --> 00:24:52,368 Alam ko mahirap. Hindi mo alam ang wika at iba pang bagay, pero... 241 00:24:53,077 --> 00:24:55,871 Ayos lang 'yun. Matututunan mo rin pagtagal-tagal. 242 00:24:55,955 --> 00:24:57,039 -Maniwala ka. -Salamat. 243 00:24:57,122 --> 00:24:58,165 Sige. 244 00:25:14,723 --> 00:25:16,725 Mukhang masaya namang araw ito. 245 00:25:17,810 --> 00:25:19,645 Kasi mga kaibigan mo sila. 246 00:25:21,981 --> 00:25:23,190 Mga kaibigan natin. 247 00:25:29,363 --> 00:25:31,156 Sinubukan mo pa sana nang kaunti. 248 00:25:36,996 --> 00:25:39,164 Pinagtawanan nila ako at tinawag na dayo. 249 00:25:40,332 --> 00:25:41,333 Ano? 250 00:25:42,668 --> 00:25:44,169 -Kailan? -Kasi... 251 00:25:48,674 --> 00:25:51,051 Ngayon ko lang naranasang maging tagalabas. 252 00:25:53,053 --> 00:25:55,639 Oo. Masasanay ka rin. 253 00:26:45,481 --> 00:26:48,650 -Anita? -Magandang umaga, Diana. 254 00:26:48,734 --> 00:26:50,319 Ano'ng ginagawa mo rito? 255 00:26:50,402 --> 00:26:52,071 Kumusta ang pakiramdam mo? 256 00:26:55,282 --> 00:26:56,450 Dinalhan kita nito. 257 00:26:58,535 --> 00:27:01,497 Maganda, pero hindi ko matatanggap. 258 00:27:03,791 --> 00:27:07,086 Napakahalaga para sa mga bagong ina na maging protektado. 259 00:27:07,795 --> 00:27:10,089 Binibigyan ko nito ang lahat ng buntis. 260 00:27:13,300 --> 00:27:15,886 Kilala mo 'yung babaeng nauna sa aming tumira rito? 261 00:27:17,513 --> 00:27:20,682 Si Teresa. Bakit mo naitanong? 262 00:27:20,766 --> 00:27:24,520 Marami kasi siyang naiwang gamit dito. Mga larawan, talaarawan, laruan. 263 00:27:24,603 --> 00:27:27,815 -Ipapadala ko kung alam mo ang address. -Huwag na. 264 00:27:30,567 --> 00:27:33,779 Sige, pwede ka nang umalis. May gagawin pa ako. 265 00:27:34,196 --> 00:27:37,324 Kunin mo itong kwintas. Kailangan mo ng proteksyon. 266 00:27:37,408 --> 00:27:38,575 Pakiusap, umalis ka na. 267 00:28:11,024 --> 00:28:12,192 Proteksyon. 268 00:28:35,841 --> 00:28:39,678 LAGNAT BUKID 269 00:29:15,756 --> 00:29:18,425 KLINIKANG PAANAKAN HILAGANG-KANLURAN 270 00:29:21,595 --> 00:29:25,098 Pakiramdam ko may mga nakikita ako. 271 00:29:25,599 --> 00:29:26,850 Medyo malabo. 272 00:29:29,353 --> 00:29:31,605 -May pamumulikat pa rin ako. -May pantal ba? 273 00:29:32,606 --> 00:29:33,732 Wala. 274 00:29:34,316 --> 00:29:37,444 Ayos. Sige, ang magandang balita ay maayos ang bata. 275 00:29:37,528 --> 00:29:40,781 'Yung pamumulikat dala siguro ng lakas ng pagbagsak. 276 00:29:40,864 --> 00:29:43,825 Dito ka muna buong magdamag. Bilang pag-iingat. 277 00:29:44,660 --> 00:29:46,203 Buti na lang nagkakilala tayo. 278 00:29:46,286 --> 00:29:49,331 Mas gusto kong gawin iyon sa naka-iskedyul nating check-up. 279 00:29:49,414 --> 00:29:50,499 Salamat. 280 00:29:52,376 --> 00:29:55,879 -Kumusta, Diana? -Ito si Carol, ang panggabi nating nars. 281 00:29:55,963 --> 00:29:59,258 At makikilala mo si Molly bukas para sa pang-umagang rilyebo, 282 00:29:59,341 --> 00:30:00,801 at iyon ang buong team. 283 00:30:00,884 --> 00:30:02,302 Tatlo lang kayo? 284 00:30:03,011 --> 00:30:05,722 Alam ko hindi ganito ang kinasanayan mo sa lungsod, 285 00:30:05,806 --> 00:30:07,975 pero aalagaan ka namin nang mabuti. 286 00:30:08,058 --> 00:30:10,477 Kung mararamdaman mong lumalala ang sintomas mo, 287 00:30:10,561 --> 00:30:13,188 dapat ipaalam mo kay Carol kaagad. 288 00:30:13,272 --> 00:30:15,482 Titingnan ka niya kada ilang oras, 289 00:30:15,566 --> 00:30:17,818 pero inaasahan kong makakauwi ka na bukas. 290 00:30:17,901 --> 00:30:20,112 Pahinga ka na. Magkita tayo sa isang linggo. 291 00:30:20,612 --> 00:30:22,990 At kung may kailangan ka, ipaalam mo sa akin. 292 00:30:23,073 --> 00:30:23,949 Sige. 293 00:30:24,032 --> 00:30:26,159 Mayroon ba kayong nahihilang kama? 294 00:30:26,243 --> 00:30:29,371 Naku, wala. Hindi namin pinapayagang mamalagi ang mga bisita. 295 00:30:29,454 --> 00:30:32,874 -Talaga? -Patakaran ng klinika, pasensya na. 296 00:30:32,958 --> 00:30:35,502 Pero maaga namang nagsisimula ang oras ng bisita. 297 00:30:44,177 --> 00:30:47,639 -Dito lang ako. -Matutulog ka sa upuan magdamag? 298 00:30:49,891 --> 00:30:52,978 Ayos lang, mahal. Matutulog lang din naman ako. 299 00:30:54,146 --> 00:30:55,981 Magpahinga ka na, may trabaho ka pa. 300 00:30:56,398 --> 00:30:59,318 Sige na! Umuwi ka na. 301 00:31:00,694 --> 00:31:01,737 Sige. 302 00:31:02,738 --> 00:31:05,240 Babalik ako agad bukas ng umaga. 303 00:31:09,995 --> 00:31:10,996 Pahinga ka, mahal ko. 304 00:31:11,079 --> 00:31:13,123 -Mahal kita. -Mahal kita. 305 00:31:57,959 --> 00:32:00,295 Gusto ko lang ipaalam sa iyo na maayos ang bata. 306 00:32:00,379 --> 00:32:05,425 -Ayos lang ako. Ayos lang ang lahat. -Mukha namang... ayos nga. 307 00:32:06,927 --> 00:32:10,514 -Tatawagan ulit kita bukas. Mahal kita. -Mahal din kita. Paalam. 308 00:32:34,329 --> 00:32:35,539 Carol? 309 00:33:08,196 --> 00:33:09,990 -Ayos ka lang? -Hindi. 310 00:33:14,619 --> 00:33:16,830 Marisol, gusto mo bang tumawag ako ng doktor? 311 00:33:20,542 --> 00:33:22,377 Pasensya na, hindi ko maintindihan. 312 00:33:27,299 --> 00:33:28,133 Ano? 313 00:33:32,763 --> 00:33:35,974 -Diana, ano... -May masamang nangyayari sa kanya. 314 00:33:36,057 --> 00:33:38,977 Ako na ang bahala kay Gng. Hernandez. Kailangan mong humiga. 315 00:33:39,060 --> 00:33:41,813 Kailangan mong magpahinga. Matulog ka na, ako na rito. 316 00:33:45,525 --> 00:33:50,363 Gng. Hernandez. G. Hernandez, kailangan mong kumalma. 317 00:33:51,239 --> 00:33:52,157 Ayos lang. 318 00:34:44,417 --> 00:34:45,502 Handa ka na ba? 319 00:34:53,593 --> 00:34:56,012 Kumusta ang pakiramdam mo? 320 00:34:56,471 --> 00:34:57,681 Kumusta, Mirasol? 321 00:34:57,931 --> 00:34:58,849 Kumusta? 322 00:34:59,891 --> 00:35:01,142 Diana, asawa ko. 323 00:35:01,226 --> 00:35:02,435 Ikinagagalak kong makilala ka. 324 00:35:03,645 --> 00:35:06,982 Hindi ko alam kung naaalala mo, pero nasa kwarto mo ako kagabi. 325 00:35:07,065 --> 00:35:09,401 Mukha kang sobrang nasasaktan. 326 00:35:10,277 --> 00:35:12,195 Pasensya na, hindi ko maintindihan. 327 00:35:12,279 --> 00:35:15,740 Sabi niya, ayos ka lang ba? May nangyari ba kagabi? 328 00:35:16,324 --> 00:35:19,870 Hindi, ayos lang ako. Wala akong naaalala masyado kagabi. 329 00:35:20,537 --> 00:35:22,205 Matapang ang gamot. 330 00:35:24,749 --> 00:35:26,001 Unang anak mo? 331 00:35:27,586 --> 00:35:28,545 Oo. 332 00:35:31,172 --> 00:35:32,340 Ako pangalawa na. 333 00:35:33,425 --> 00:35:35,176 Gusto ko pa ng isa. 334 00:35:36,553 --> 00:35:38,638 Gng. Hernandez, oras na... 335 00:35:38,722 --> 00:35:39,890 Salamat, Molly. 336 00:35:39,973 --> 00:35:40,891 O, sige na... 337 00:35:41,433 --> 00:35:43,518 -Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo. -Ikaw rin. 338 00:35:43,602 --> 00:35:44,519 Paalam. 339 00:35:47,314 --> 00:35:50,817 Ikinagagalak kong... makilala ka. 340 00:35:52,611 --> 00:35:53,945 Ikinagagalak ko rin. 341 00:36:06,541 --> 00:36:09,502 Kagabi sumisigaw siya ng, "Ang Sumpa." 342 00:36:10,837 --> 00:36:12,130 Ano 'yun? 343 00:36:14,925 --> 00:36:15,926 Ang sumpa. 344 00:36:22,057 --> 00:36:25,185 Kailangan ko ng ligo at pizza. 345 00:36:28,688 --> 00:36:29,898 May napansin ka ba? 346 00:36:30,774 --> 00:36:32,484 Napakalinis ng bahay? 347 00:36:40,283 --> 00:36:43,119 -Tingnan mo ikaw. -Sa inyong lingkod. 348 00:36:44,162 --> 00:36:45,372 At itong isang ito. 349 00:36:48,667 --> 00:36:50,210 Galing ito sa bodega. 350 00:36:50,293 --> 00:36:53,129 Palagay ko pagmamay-ari ito ng babaeng nakatira rito dati. 351 00:36:53,213 --> 00:36:57,676 Oo, tiningnan ko nga. Mukhang interesado talaga siya sa bayang ito. 352 00:36:58,551 --> 00:36:59,844 Napakaraming pananaliksik. 353 00:37:01,012 --> 00:37:03,431 Siguro manunulat din siya. 354 00:37:05,600 --> 00:37:06,518 At... 355 00:37:07,060 --> 00:37:10,146 MAGPAKATATAG SA GITNA NG UNOS 356 00:37:19,364 --> 00:37:22,283 "Magpakatatag sa gitna ng unos." 357 00:37:22,784 --> 00:37:24,077 Matalinhaga, ano? 358 00:37:27,664 --> 00:37:29,374 May isa pa akong ipapakita sa'yo. 359 00:37:29,457 --> 00:37:31,292 -Ano? -Halika na, dali. 360 00:37:32,419 --> 00:37:33,712 Ingat lang. 361 00:37:35,005 --> 00:37:36,214 Dahan-dahan. 362 00:37:36,297 --> 00:37:39,884 -Sige. Sige. -Ayos na? Sige. 363 00:37:40,760 --> 00:37:43,805 Hindi ako nakatulog, pero sa tingin ko sulit naman. 364 00:37:45,932 --> 00:37:47,600 Sige, heto na. 365 00:37:48,518 --> 00:37:49,769 Buksan mo ang mga mata mo. 366 00:37:57,652 --> 00:38:00,530 Gusto ko may maganda ka namang uuwian. 367 00:38:07,662 --> 00:38:08,997 Higit pa sa maganda ito. 368 00:38:18,798 --> 00:38:21,217 At tingnan mo. 369 00:38:22,052 --> 00:38:24,304 Kaunting linis lang, parang bago na. 370 00:38:28,141 --> 00:38:29,350 Kakaiba ba? 371 00:38:29,768 --> 00:38:32,353 Gagamitin ang kahon de musika na para sa ibang bata? 372 00:38:32,437 --> 00:38:35,565 Nakuha mo sa kusina 'yan, akala ko nagustuhan mo. 373 00:38:35,982 --> 00:38:39,986 Napakalambing naman, pero akala ko bibili tayo ng bago para sa anak natin. 374 00:38:41,696 --> 00:38:42,655 Sige. 375 00:38:43,448 --> 00:38:44,741 Kung anong gusto mo. 376 00:38:48,119 --> 00:38:50,997 Ipamigay na lang natin ito kasama noong ibang gamit. 377 00:38:51,498 --> 00:38:52,624 IPAMIGAY 378 00:38:58,546 --> 00:39:00,173 Binabasa mo pa rin 'yan? 379 00:39:04,010 --> 00:39:07,347 -Akala ko araw ng paglilinis ngayon. -Alam ko, alam ko. 380 00:39:07,806 --> 00:39:11,059 Pero inipon ni Teresa ang lahat ng interesanteng artikulong ito. 381 00:39:12,977 --> 00:39:15,230 Maraming tungkol sa mga maysakit na manggagawa. 382 00:39:15,897 --> 00:39:17,857 Tinatawag na "lagnat bukid." 383 00:39:18,274 --> 00:39:21,236 Baka hindi lang siya hiyang sa bukid. 384 00:39:21,861 --> 00:39:23,488 Hindi ba tayong lahat? 385 00:39:28,576 --> 00:39:31,788 -Maganda itong isiwalat. -Kay Teresa? 386 00:39:33,373 --> 00:39:34,874 Sa mga manggagawang bukid. 387 00:39:38,503 --> 00:39:39,587 Buweno, 388 00:39:40,880 --> 00:39:43,716 huwag kang masyadong magtagal dito sa labas, napakainit. 389 00:39:49,097 --> 00:39:49,931 Ayos ka lang? 390 00:39:56,855 --> 00:39:58,106 Ayos ka lang, mahal? 391 00:40:01,401 --> 00:40:02,360 Oo. 392 00:40:36,436 --> 00:40:40,398 PANTAL SA BABAE 393 00:42:45,023 --> 00:42:46,899 -Kailangan ko ang tulong mo. -Halika. 394 00:42:51,487 --> 00:42:52,447 Para sa iyo. 395 00:42:55,033 --> 00:42:56,284 Ang bait mo naman. 396 00:42:57,368 --> 00:42:59,454 Pero hindi 'yan ang kailangan ko. 397 00:43:00,288 --> 00:43:02,248 Alam mo ba kung ano ang mga pestisidyo? 398 00:43:02,707 --> 00:43:06,044 Bago lang sila. Ginagamit 'yun ng mga magsasaka sa mga pananim. 399 00:43:06,127 --> 00:43:09,213 Pero walang sapat na patunay na ligtas silang gamitin ng tao. 400 00:43:09,297 --> 00:43:12,258 Araw-araw nakalantad ang mga manggagawa sa bukid dito. 401 00:43:12,550 --> 00:43:14,802 -Saan mo nakuha ang lahat ng ito? -Kay Teresa! 402 00:43:14,886 --> 00:43:19,766 Kaya niya naiwan ang lahat ng gamit niya. Natuklasan niya 'yan at nawala siya. 403 00:43:21,184 --> 00:43:24,729 Lahat ng tao rito pinagkakatiwalaan ka. Nakikinig sila sa'yo. 404 00:43:25,480 --> 00:43:28,691 Kailangan ko ng tulong mo para balaan ang mga tao tungkol dito. 405 00:43:31,027 --> 00:43:34,113 -Gaano katagal nang nasa iyo ito? -Ano? 406 00:43:35,198 --> 00:43:38,576 Hindi, teka. Hindi ito sumpa. Totoo ito. 407 00:43:38,659 --> 00:43:41,037 Totoo ang sumpa, Diana. 408 00:43:41,120 --> 00:43:43,122 Tama na 'yang kalokohan sa salamangka! 409 00:43:43,915 --> 00:43:46,417 Ipinakikita ko sa'yo ang patunay sa nangyayari rito. 410 00:43:46,501 --> 00:43:48,628 Kung pestisidyo ang dahilan, 411 00:43:49,337 --> 00:43:51,297 bakit mayroon kang ganitong pantal? 412 00:43:51,714 --> 00:43:54,050 Hindi kita nakikitang nagtatrabaho sa bukid. 413 00:43:54,133 --> 00:43:56,677 Kailan ka nalantad sa mga kemikal na ito? 414 00:43:56,761 --> 00:43:59,806 Ligtas, nasa bahay. Nagkakalkal ng mga gamit ni Teresa? 415 00:44:12,777 --> 00:44:15,822 Pwede maupo ka nga? Inihanda ko itong tanghalian para sa atin. 416 00:44:15,905 --> 00:44:18,825 Hindi. Beto, hindi ka nakikinig sa akin. 417 00:44:18,908 --> 00:44:22,912 Naririnig kita. Hindi ko lang alam kung anong gusto mong gawin ko. 418 00:44:23,454 --> 00:44:25,873 Kailangan mong sabihin kina G. Quill at Tomas. 419 00:44:25,957 --> 00:44:28,876 Kailangang itigil ang paggamit sa mga pestisidyong ito. 420 00:44:29,585 --> 00:44:32,505 Diana, kararating lang natin dito. 421 00:44:33,214 --> 00:44:36,217 Gusto mong dalhin ko sa mga amo ko ang mga lumang pulyeto 422 00:44:36,300 --> 00:44:38,344 at hilinging baguhin nila ang operasyon? 423 00:44:39,345 --> 00:44:41,764 Alam ko hindi normal, pero magtiwala ka sa akin. 424 00:44:41,848 --> 00:44:44,267 Nagkakasakit ang lahat dahil sa pestisidyong ito. 425 00:44:44,392 --> 00:44:45,560 Wala akong sakit. 426 00:44:46,102 --> 00:44:48,354 Wala akong nakikitang maysakit sa bukid. 427 00:44:49,147 --> 00:44:50,523 Bakit mo ginagawa ito? 428 00:44:52,191 --> 00:44:55,319 Anong ibig mong sabihin? Sinusubukan ko lang naman tumulong. 429 00:44:57,363 --> 00:44:58,823 Hindi ito para sa libro mo? 430 00:45:02,743 --> 00:45:04,370 Gusto ko lang namang ligtas tayo. 431 00:45:05,288 --> 00:45:08,374 Ikaw ang nagdala sa atin dito tapos ngayon mapapahamak tayo 432 00:45:08,458 --> 00:45:10,418 dahil wala kang gustong gawin. 433 00:45:11,502 --> 00:45:13,129 Ngayon kinaladkad kita rito! 434 00:45:13,212 --> 00:45:14,922 Siguro dapat nakinig ka na lang sa nanay mo, 435 00:45:15,006 --> 00:45:17,300 at dapat hindi ka na lang sumama sa akin, isang hamak na magsasaka! 436 00:45:17,383 --> 00:45:18,759 Pambihira ka naman. 437 00:45:19,760 --> 00:45:22,972 Ito ang unang beses na nakita kitang may ganito. 438 00:45:23,055 --> 00:45:25,850 Matagal na kitang kinukulit na mag-aral ng Espanyol. 439 00:45:25,933 --> 00:45:28,978 Tapos ngayon biglang gusto mo nang matutong magsalita? 440 00:45:29,061 --> 00:45:30,938 Para magamit mo laban sa akin? 441 00:45:31,022 --> 00:45:33,191 'Wag mo akong awayin dahil 'di ako marunong! 442 00:45:33,274 --> 00:45:36,110 Ngayong nagsisimula na akong mag-aral, masama na sa'yo? 443 00:45:36,194 --> 00:45:39,363 Inaaway ba kita na hindi ka marunong ng katutubong wika? 444 00:45:39,447 --> 00:45:42,867 Marunong ka ba ng Nahuatl? Alam mo ba ang wika ng lolo't lola mo? 445 00:45:43,451 --> 00:45:45,495 Pinagtawanan ba kita dahil 'di mo alam? 446 00:45:47,997 --> 00:45:49,665 Hindi ito tungkol sa'yo. 447 00:45:50,750 --> 00:45:54,378 Para sa taong napakamahabagin sa mga tao at kultura niya, 448 00:45:54,462 --> 00:45:57,173 inaasahan kong maninindigan ka at poprotektahan sila. 449 00:45:58,466 --> 00:45:59,759 Kung ayaw mo, ako na lang. 450 00:46:03,304 --> 00:46:05,515 Sige. Heto na naman tayo. 451 00:46:05,598 --> 00:46:10,853 Dumating ang puting tagapagtanggol para sa'ming mahihirap at abang magsasaka. 452 00:46:14,732 --> 00:46:16,400 Pasensya na. Teka lang. 453 00:46:23,658 --> 00:46:25,326 Pareho tayong nababahala. 454 00:46:27,870 --> 00:46:30,331 Malaking pagbabago ito para sa ating dalawa. 455 00:46:32,416 --> 00:46:35,836 Ako ang unang tao sa pamilya namin na naging tagapamahala. 456 00:46:39,257 --> 00:46:41,801 Kailangan kong galingan dito. 457 00:46:45,221 --> 00:46:46,430 Pano ang mga manggagawa? 458 00:46:52,520 --> 00:46:54,355 Kailangan mo silang protektahan. 459 00:46:56,315 --> 00:46:57,316 Ako ang gagawa. 460 00:47:23,467 --> 00:47:24,635 Ano 'yan? 461 00:47:26,596 --> 00:47:28,264 Galing ito sa bukid namin. 462 00:47:30,016 --> 00:47:33,853 Sabi ng tatay ko, totoong magsasaka lang daw ang kayang magpatubo ng celery. 463 00:47:34,770 --> 00:47:38,608 Celery ang is a sa may pinakamatagal na oras ng pagtubo. 464 00:47:39,525 --> 00:47:42,028 Maselan at mahina ito, 465 00:47:42,111 --> 00:47:46,907 at natatakot ang mga magsasaka sa paghahanap ng mas mabilis na ruta. 466 00:47:50,036 --> 00:47:50,953 Pero... 467 00:47:53,289 --> 00:47:54,790 para makuha ang lutong na 'yun, 468 00:47:56,792 --> 00:47:58,252 kailangan ng pasensya 469 00:47:59,003 --> 00:48:00,087 at tiwala. 470 00:48:06,052 --> 00:48:08,054 Ginamitan mo ba ako ng simbolismo? 471 00:48:09,305 --> 00:48:11,807 Gusto lang kitang makausap sa sarili mong termino. 472 00:48:15,728 --> 00:48:16,562 Ah... 473 00:48:17,730 --> 00:48:18,731 Ayos ka lang? 474 00:48:21,859 --> 00:48:23,194 Hindi ko alam. Ah... 475 00:48:25,154 --> 00:48:28,449 Diyos ko. Umupo ka. Umupo ka, mahal. 476 00:48:31,952 --> 00:48:34,664 Mag-iskedyul tayo ng mga pagsusuri sa'yo. 477 00:48:34,747 --> 00:48:37,750 -Ano ito? -Baka wala lang. 478 00:48:37,833 --> 00:48:40,795 -Pamamantal lang. -At kung hindi? 479 00:48:42,380 --> 00:48:45,132 Narinig ko may mga pantal din ang mga mangagawa sa bayan. 480 00:48:45,633 --> 00:48:47,843 'Di ko matalakay ang kasaysayan ng pasyente. 481 00:48:47,927 --> 00:48:51,097 Nagbabasa ako ng mga artikulo sa pestisidyo. 482 00:48:52,890 --> 00:48:56,686 Sa tingin mo dahil 'yun doon? Tingin ng mga lokal sumpa raw ito. 483 00:48:59,772 --> 00:49:02,650 Alam mo, noong kadarating ko pa lang sa Golden Valley... 484 00:49:03,275 --> 00:49:04,819 May nakita akong kondisyon. 485 00:49:05,778 --> 00:49:08,989 Nagsimulang dumaing ang mga pasyente ng 'di karaniwang sintomas. 486 00:49:09,740 --> 00:49:13,160 Mga bigla-biglang pagkahilo, panghihina at kawalan ng pokus, 487 00:49:13,244 --> 00:49:16,455 tuloy-tuloy na ubo, halusinasyon, 488 00:49:16,539 --> 00:49:19,250 at nagkakaroon sila ng pamamantal sa mga katawan nila. 489 00:49:19,333 --> 00:49:21,043 Sa tingin ninyo may ganoon ako? 490 00:49:21,460 --> 00:49:23,421 Ayos lang ba ako? Ligtas ba ang anak ko? 491 00:49:28,509 --> 00:49:30,094 Hindi talaga ako ispiritwal. 492 00:49:30,845 --> 00:49:34,056 Pero may mga bagay talagang hindi maipaliwanag ng siyensiya. 493 00:49:34,140 --> 00:49:36,350 Sana may mas maayos akong sagot para sa'yo, 494 00:49:36,434 --> 00:49:39,019 pero marami sa mga tagarito ang napapanatag ng dasal. 495 00:49:39,812 --> 00:49:41,355 Imumungkahi ko rin sa'yo iyon. 496 00:49:42,690 --> 00:49:44,191 Seryoso ka ba? 497 00:49:44,900 --> 00:49:46,277 Naagapan natin ang pantal. 498 00:49:46,360 --> 00:49:50,156 Mag-iiskedyul ako ng oras mo para maisagawa natin ang mga pagsusuri. 499 00:50:04,754 --> 00:50:07,006 May mga nagkasakit ba dahil sa pestisidyo? 500 00:50:07,089 --> 00:50:09,592 Hindi, wala sa atin. 'Yung mga babae lang. 501 00:50:09,675 --> 00:50:10,843 Ano? 502 00:50:13,971 --> 00:50:15,473 Anong sabi ng doktor? 503 00:50:16,432 --> 00:50:19,310 Pumupunta kami kay Aling Anita. Inililigtas niya kami. 504 00:50:20,436 --> 00:50:21,896 Sino'ng nagliligtas sa inyo? 505 00:50:25,065 --> 00:50:26,776 Pinag-uusapan namin si Anita. 506 00:50:29,153 --> 00:50:30,488 'Yung bruhang 'yun. 507 00:50:31,822 --> 00:50:34,366 'Wag mong sabihing naniniwala ka rin doon. 508 00:50:48,714 --> 00:50:50,466 Nangyayari lang 'yun sa kababaihan. 509 00:51:11,070 --> 00:51:12,822 Impormasyon, ano'ng maitutulong ko? 510 00:51:12,905 --> 00:51:15,783 Ano ang numero ng opisina ng klerk ng Golden County? 511 00:51:15,866 --> 00:51:16,951 Sandali lang. 512 00:51:26,335 --> 00:51:28,921 NANGYARI RIN SA IBANG BAYAN 513 00:51:39,390 --> 00:51:41,100 Magsara ka pag-alis mo. 514 00:52:25,352 --> 00:52:27,688 DAMI NG PANGANGANAK SA GOLDEN VALLEY 515 00:52:41,744 --> 00:52:42,870 NANGYAYARI ITO SA MGA BABAENG BUNTIS 516 00:52:46,248 --> 00:52:48,792 ARBINGTON, CA 1968-'76 DAMI NG PANGANGANAK 517 00:52:51,337 --> 00:52:53,380 IBANG BAYAN??? ARBINGTON 518 00:52:54,715 --> 00:52:58,052 PUTING HISPANIKO 519 00:53:08,103 --> 00:53:10,564 BUMUTI ANG DAMI NG PANGANGANAK NG HISPANIKO SA HULING 5 TAON 520 00:53:19,365 --> 00:53:24,787 SUSURIIN ANG MGA BAG BAGO KA UMALIS 521 00:53:57,945 --> 00:54:00,280 APELYIDO - F 097-010117 522 00:54:00,364 --> 00:54:02,574 TALA NG KAMATAYAN 1971 GOLDEN COUNTY TALA NG KAMATAYAN 1973 GOLDEN COUNTY 523 00:54:02,658 --> 00:54:04,702 TALA NG KAMATAYAN 1974 GOLDEN COUNTY 524 00:54:14,628 --> 00:54:15,963 REHISTRO 525 00:54:21,218 --> 00:54:26,598 OKT 11 TERESA FLORES HUNYO 11, 1955 526 00:54:26,682 --> 00:54:28,100 Patay na si Teresa. 527 00:54:28,600 --> 00:54:32,312 Alam ko kakatwa ito, pero sa tingin ko may ipinapakita siya sa akin. 528 00:54:32,396 --> 00:54:35,232 Lason ang mga pestisidyong ito sa mga nagdadalang-tao. 529 00:54:37,776 --> 00:54:42,614 Nagpunta ako sa opisina ng klerk. Hindi nag-aanak ang mga Hispaniko rito! 530 00:54:43,824 --> 00:54:44,992 Mag-isip ka, Beto! 531 00:54:46,076 --> 00:54:48,078 Nasaan ang lahat ng Mexicanong sanggol? 532 00:54:49,121 --> 00:54:50,706 Nakilala natin si Jaime, 533 00:54:51,540 --> 00:54:53,625 at 'yun na! Siya lang. 534 00:54:54,877 --> 00:54:59,048 Kinausap ko si Ernesto tungkol diyan. Sabi niya sumpa raw ito. 535 00:55:03,552 --> 00:55:06,597 Nangyari ito sa karatig na bayan, sa Arbington. 536 00:55:08,474 --> 00:55:10,476 Tinawagan ko ang paanakan nila. 537 00:55:11,477 --> 00:55:13,687 Ano namang akala mong sasabihin nila sa'yo? 538 00:55:14,480 --> 00:55:17,483 Umaayos ang tala ng Arbington sa nakaraang ilang taon. 539 00:55:19,026 --> 00:55:21,403 Paano kung natuklasan nila ang problema? 540 00:55:23,697 --> 00:55:26,700 Paano kung mapatunayan nating tama silang lahat? 541 00:55:27,076 --> 00:55:29,078 Na isa itong sumpa. 542 00:55:31,455 --> 00:55:33,499 May paraan para malaman natin. 543 00:55:44,384 --> 00:55:46,386 'Di ako makapaniwalang ginagawa ko ito. 544 00:56:02,903 --> 00:56:05,197 -Tapos na. -Sige. 545 00:56:05,280 --> 00:56:06,949 Kailangan mong matulog dito. 546 00:56:07,783 --> 00:56:09,952 At makikita natin sa umaga. 547 00:56:14,498 --> 00:56:16,291 Subukan mong huwag isipin. 548 00:57:27,237 --> 00:57:29,323 Talagang nababaliw ka na. 549 00:58:52,948 --> 00:58:54,992 Beto! Sunog! 550 00:59:41,246 --> 00:59:42,539 Ano'ng ginagawa... 551 00:59:46,460 --> 00:59:47,377 Ikaw. 552 00:59:49,129 --> 00:59:52,132 Ikaw ang may gawa nito! Ibinalik mo si Teresa. 553 00:59:52,215 --> 00:59:54,426 Diana. Ibaba mo ang kutsilyo. 554 00:59:54,509 --> 00:59:57,554 Para ito sa proteksyon mo. Kailangan mo ng tagapangalaga. 555 00:59:57,637 --> 00:59:59,181 Lumayo ka sa akin! 556 01:00:03,560 --> 01:00:04,644 Ano'ng ginawa mo? 557 01:00:07,314 --> 01:00:08,482 Ibaba mo ang kutsilyo. 558 01:00:08,940 --> 01:00:10,859 -Gusto ko lang makatulong. -Huwag. 559 01:00:13,445 --> 01:00:15,614 Mahal. Mahal ko, tumingin ka sa akin. 560 01:00:16,740 --> 01:00:18,116 Ibaba mo ang kutsilyo. 561 01:00:20,744 --> 01:00:21,953 Nagdurugo ka. 562 01:02:56,149 --> 01:02:57,734 Anong kailangan mo sa akin? 563 01:03:02,989 --> 01:03:05,033 Huwag! Huwag! 564 01:03:06,952 --> 01:03:08,328 Huwag! 565 01:03:46,366 --> 01:03:48,285 Pumirma ka rito, Gng. Hernandez. 566 01:03:48,368 --> 01:03:50,912 Hindi ko maintindihan! 567 01:03:52,789 --> 01:03:53,790 BAWAL NA AKSES 568 01:03:53,873 --> 01:03:55,750 Kailangan mong pumirma para sa bata. 569 01:03:55,834 --> 01:04:00,422 Paki tawagan si Rafael! Tawagan niyo ang asawa ko! 570 01:04:00,505 --> 01:04:03,967 Sinusubukan namin, pero walang sagot. Marisol, makinig ka sa akin. 571 01:04:04,843 --> 01:04:07,345 Makinig ka. Gusto kitang tulungan. 572 01:04:07,429 --> 01:04:10,724 Walang pirma. Walang doktor. Nasa panganib ang bata. 573 01:04:11,141 --> 01:04:13,351 Maaari siyang mamatay. Mamatay. 574 01:04:14,978 --> 01:04:17,731 Walang pirma. Maaaring pareho kayong mamatay. 575 01:04:17,814 --> 01:04:21,818 Pareho, parehong mamamatay. Pirma na! 576 01:04:23,236 --> 01:04:24,154 Sige. 577 01:04:26,197 --> 01:04:28,575 Salamat. Mabuti. Mabuti. 578 01:04:34,623 --> 01:04:35,540 Mabuti? 579 01:04:37,167 --> 01:04:40,837 -Diana? Bakit gising ka? -Natatakot ako. 580 01:04:41,421 --> 01:04:45,008 -Anong nangyayari? -Mukhang lumalala ang mga sintomas. 581 01:04:45,508 --> 01:04:46,885 Masama na ang pantal. 582 01:04:47,761 --> 01:04:49,012 Nagdedeliryo na ako. 583 01:04:49,763 --> 01:04:51,264 Sinabi mo ba sa nars? 584 01:04:53,475 --> 01:04:54,434 Hindi. 585 01:04:57,729 --> 01:04:59,272 May nakita ako ngayong gabi. 586 01:05:03,026 --> 01:05:04,861 Sumisigaw sa sakit si Marisol 587 01:05:04,944 --> 01:05:07,572 at pinilit siyang pumirma ni Nars Carol. 588 01:05:09,866 --> 01:05:10,909 Ano 'yun? 589 01:05:14,371 --> 01:05:15,413 Hindi ko alam. 590 01:05:16,498 --> 01:05:17,749 Hindi ko alam. 591 01:05:18,166 --> 01:05:21,378 Pero kailangan mo pumunta sa Arbington bukas pagtapos ng trabaho. 592 01:05:22,796 --> 01:05:24,964 Kailangan personal mong makausap ang doktor 593 01:05:25,048 --> 01:05:27,801 at tanungin siya kung anong alam niya sa pestisidyo. 594 01:05:39,396 --> 01:05:41,356 Dapat protektahan natin ang anak natin. 595 01:08:10,380 --> 01:08:14,217 Unang beses kong marinig ang 'di pagkakapareho ng populasyon dito. 596 01:08:14,926 --> 01:08:18,179 Nakakita na ba kayo ng mga buntis na may ganitong sintomas? 597 01:08:18,263 --> 01:08:21,683 Hindi sa panunungkulan ko, nauna pa sa akin ito. 598 01:08:23,518 --> 01:08:24,811 Maaari mo bang hanapin? 599 01:08:26,479 --> 01:08:30,233 Sa kasamaang palad, hindi iniwan ng nauna sa akin ang mga tala ng pasyente. 600 01:08:34,112 --> 01:08:36,447 Ibibigay ko sa'yo ang kontak niya. 601 01:08:51,170 --> 01:08:52,630 Pwede bang makitawag? 602 01:09:13,359 --> 01:09:14,944 Anong problema, Beto? 603 01:09:17,238 --> 01:09:18,197 Ano? 604 01:09:38,885 --> 01:09:40,219 Diyos ko. 605 01:11:29,954 --> 01:11:31,372 PAHINTULOT SA ISTERILISASYON 606 01:11:31,456 --> 01:11:35,209 PASYENTE - GABRIELA ORTIZ INSTITUTION GOLDEN VALLEY MATERNITY CLINIC 607 01:12:13,831 --> 01:12:16,918 PAHINTULOT SA ISTERILISASYON 608 01:12:23,800 --> 01:12:24,926 Una mo? 609 01:12:26,677 --> 01:12:27,887 Oo. 610 01:12:32,016 --> 01:12:34,018 May mga anak ka ba? 611 01:12:35,478 --> 01:12:36,562 Wala pa. 612 01:12:37,855 --> 01:12:39,023 Pero balang araw. 613 01:12:40,858 --> 01:12:41,859 Sana. 614 01:12:44,195 --> 01:12:46,197 Gusto namin ni Beto kahit dalawa. 615 01:12:48,199 --> 01:12:49,826 Mas marami, mas masaya. 616 01:12:54,247 --> 01:12:58,126 PASYENTE - ROSA KASARIAN B - BLG NG ANAK 1 617 01:12:58,209 --> 01:13:00,128 Para sa kalusugan ng pamilya ninyo. 618 01:13:02,296 --> 01:13:03,965 At ikaw, Rosa? 619 01:13:05,258 --> 01:13:07,135 Plano mo pa bang magkaanak? 620 01:13:09,387 --> 01:13:12,431 Dati. Pero, wala na. 621 01:13:15,893 --> 01:13:17,311 Pasensya na. 622 01:13:22,733 --> 01:13:24,026 May Jamieto naman kami. 623 01:13:25,027 --> 01:13:26,821 Isa kami sa mapapalad. 624 01:13:29,407 --> 01:13:31,200 Wala akong maalala sa nangyari kagabi. 625 01:13:34,787 --> 01:13:37,165 Masyadong matapang ang gamot. 626 01:13:40,459 --> 01:13:41,711 Unang anak mo? 627 01:13:43,713 --> 01:13:44,755 Oo. 628 01:13:45,673 --> 01:13:46,883 Pangalawa ko na. 629 01:13:49,427 --> 01:13:50,887 Gusto ko pa. 630 01:14:00,855 --> 01:14:03,357 PASYENTE - TERESA FLORES KASARIAN B - BLG NG ANAK 0 631 01:14:07,904 --> 01:14:12,783 PUMANAW. MGA KOMPLIKASYON SA LIGATION 632 01:14:19,165 --> 01:14:20,499 Pasensya na. 633 01:14:32,345 --> 01:14:34,096 Anak ko. 634 01:14:37,099 --> 01:14:38,768 Anak ko. 635 01:14:55,868 --> 01:14:58,120 Bakit ako nasa operating room? 636 01:15:00,915 --> 01:15:03,501 Pinakialaman mo ang hindi dapat. 637 01:15:04,627 --> 01:15:08,464 Dapat naniwala ka na lang din doon sa kalokohang sumpa katulad ng iba. 638 01:15:11,676 --> 01:15:13,636 -Kapag mayroong epidemya... -Hindi! 639 01:15:13,719 --> 01:15:15,554 ...obligasyon kong gamutin. 640 01:15:15,638 --> 01:15:16,847 Tumigil ka! 641 01:15:18,182 --> 01:15:20,726 Halimaw ka! 642 01:15:22,311 --> 01:15:23,980 Hindi mo pwedeng gawin ito! 643 01:15:25,314 --> 01:15:28,442 Sa kasamaang palad, nag-labor ka 644 01:15:28,526 --> 01:15:32,113 at namatay ka dahil sa mga komplikasyon sa panganganak. 645 01:15:32,571 --> 01:15:34,073 Pero may magandang balita. 646 01:15:34,156 --> 01:15:35,741 Kaya kong iligtas ang sanggol. 647 01:15:35,825 --> 01:15:39,996 Sabihin mo lang sa akin kung may pinagsabihan ka pang iba tungkol dito. 648 01:15:41,664 --> 01:15:45,418 -Carol! Nasaan siya? -Parating na siya. 649 01:15:45,501 --> 01:15:48,337 Kasalanan niyang dinala niya sila rito. Kunin mo ang gas. 650 01:15:49,171 --> 01:15:51,882 Hindi. Hindi! 651 01:15:51,966 --> 01:15:53,884 Tulong! Tulong! 652 01:15:53,968 --> 01:15:57,722 Tumigil ka na! Tigil. Tigil na. 653 01:16:01,559 --> 01:16:03,561 Pakiusap, huwag mong gawin ito. 654 01:16:04,270 --> 01:16:08,065 Huwag mong gawin ito. Huwag mong sasaktan ang anak ko. 655 01:16:23,539 --> 01:16:24,540 Huwag! 656 01:16:41,807 --> 01:16:45,394 Ayos ka lang? Tara na. Halika na, umalis na tayo rito. Tara. 657 01:16:46,645 --> 01:16:47,563 Bilis, tara na. 658 01:16:47,646 --> 01:16:49,648 -Ayos lang. Ayos lang. -Sige. 659 01:16:59,992 --> 01:17:01,744 Hindi! 660 01:17:08,667 --> 01:17:13,547 Bakit hindi mo na lang inumin ang gamot mo at huwag kang makialam? 661 01:17:16,509 --> 01:17:17,718 Gamot? 662 01:17:18,886 --> 01:17:20,429 'Yung agua fresca? 663 01:17:21,680 --> 01:17:23,516 Hindi 'yung mga pestisidyo. 664 01:17:24,183 --> 01:17:25,851 Nilalason mo kami. 665 01:17:25,935 --> 01:17:28,270 Hindi kusang pupunta sa klinika ang mga babae. 666 01:17:29,230 --> 01:17:30,731 Kailangan ng dahilan. 667 01:17:30,815 --> 01:17:32,233 Pantal, 668 01:17:32,983 --> 01:17:34,276 kaunting sakit sa ulo. 669 01:17:34,860 --> 01:17:38,781 Tama si Doktor Bell. Hindi niyo kayang tustusan ang mga bata. 670 01:17:41,325 --> 01:17:42,743 Tulungan niyo ako! 671 01:18:49,685 --> 01:18:52,062 Beto. Ayos ka lang. 672 01:18:52,146 --> 01:18:54,648 Ayos lang 'yan. Dito ka lang, dito ka lang sa akin. 673 01:18:54,732 --> 01:18:58,402 Huwag kang bibigay. Huwag kang bibigay! Ayos lang, ayos lang. 674 01:19:00,196 --> 01:19:03,324 Ayos lang, ayos lang. 675 01:19:21,842 --> 01:19:23,511 May bisita ka. 676 01:19:24,929 --> 01:19:28,807 -Nandito ka! -Ang ganda mo. 677 01:19:30,309 --> 01:19:32,686 -Ano ang mga ito? -Galing kay Mama. 678 01:19:34,438 --> 01:19:37,650 Gusto niya siya ang magbigay, pero hindi na siya makapaghintay. 679 01:19:37,733 --> 01:19:39,443 Darating na siya bukas. 680 01:19:39,902 --> 01:19:41,111 Kilala mo naman siya. 681 01:19:43,322 --> 01:19:44,657 Kumusta, pogi. 682 01:19:46,283 --> 01:19:47,660 Munting Jose. 683 01:19:47,743 --> 01:19:50,829 Napakaamo. Gusto ko ang pulseras niya. 684 01:19:50,913 --> 01:19:52,206 Huwag mong tanggalin. 685 01:20:01,090 --> 01:20:02,174 Ito na ba 'yun? 686 01:20:02,258 --> 01:20:05,302 MGA NANAY, MAGPAKATATAG SA GITNA NG UNOS NI DIANA 687 01:20:13,018 --> 01:20:15,396 Magpakatatag sa gitna ng unos. 688 01:20:15,854 --> 01:20:19,400 Paalala 'yan na ipaglaban ang tama, gaano man ito nakakatakot. 689 01:20:21,944 --> 01:20:24,905 -Sino 'yan? Sino 'yan? -Kumusta? 690 01:20:25,573 --> 01:20:27,491 Sino 'yan, anak? 691 01:20:49,847 --> 01:20:54,351 Alagaan ninyo ang anak ko. 692 01:20:56,520 --> 01:21:01,066 Huwag kang mag-alala. Aalagaan ka namin. Okay? 693 01:21:01,150 --> 01:21:04,737 Kailangan lang namin ng pirma mo rito, ha? 694 01:21:08,991 --> 01:21:13,412 Oo, mabuti, salamat. Mabuti. Mabuti. 695 01:21:16,498 --> 01:21:17,708 Hinga. 696 01:21:19,043 --> 01:21:20,252 Hinga. 697 01:21:30,763 --> 01:21:32,181 Sa buong ika-20 siglo, 698 01:21:32,264 --> 01:21:35,434 mahigit 64,000 babae at lalaki ang sapilitang inisterilisa 699 01:21:35,517 --> 01:21:40,064 sa Estados Unidos dahil sa Pambansang Kilusan sa Pagpapabuti ng Lahi. 700 01:21:41,482 --> 01:21:43,150 Itinulak nila ang kanilang rasistang adyenda sa paghihigpit sa mga 701 01:21:43,233 --> 01:21:47,529 karapatan sa reproduksyon ng mga itinuturing na 'di angkop ang genetiko. 702 01:21:48,572 --> 01:21:50,783 Noong 1975, isang grupo ng mga imigranteng Mexicanong babae 703 01:21:50,866 --> 01:21:54,370 ang naglunsad ng malakihang kaso laban sa ospital sa Los Angeles 704 01:21:54,453 --> 01:21:56,330 kung saan sila inisterilisa nang wala ang kanilang pahintulot. 705 01:21:58,248 --> 01:22:02,670 Hindi naging matagumpay ang kaso. 706 01:22:04,296 --> 01:22:06,173 Kamakailan, muling umusbong ang kasanayang ito sa pampublikong pansin 707 01:22:06,256 --> 01:22:08,258 sa isang ICE Detention Center sa Georgia. 708 01:22:08,342 --> 01:22:10,052 Ang paratang, Pederal na pasilidad ito... 709 01:22:10,135 --> 01:22:11,261 MAGSALITA 710 01:22:11,345 --> 01:22:16,100 ...nagpapadala sila ng mga imigranteng babaeng nasa poder at pangangalaga nila, 711 01:22:16,183 --> 01:22:19,019 sa doktor na nagtanggal ng kanilang mga reproductive organ 712 01:22:19,103 --> 01:22:22,189 nang walang medikal na dahilan at wala ang kanilang pahintulot. 713 01:22:23,023 --> 01:22:27,945 Sa panahong ginagawa ang pelikulang ito noong 2020, 714 01:22:28,028 --> 01:22:32,700 wala pa rin sa mga biktima ang nakakuha ng katarungan. 715 01:23:23,709 --> 01:23:25,711 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Erika Ivene Columna 716 01:23:25,794 --> 01:23:27,796 Mapanlikhang Superbisor: Maribeth Pierce