1
00:00:16,683 --> 00:00:19,519
Sabi ni William Faulkner,
"Hindi namamatay ang nakaraan.
2
00:00:20,145 --> 00:00:21,855
"Hindi pa nga 'to nakaraan."
3
00:00:22,731 --> 00:00:25,025
Sa katunayan, nangyayari pa ang lahat.
4
00:00:26,317 --> 00:00:28,778
Kung gusto ni Isaac
na mailigtas ang kapatid niya,
5
00:00:30,613 --> 00:00:32,281
bakit niya dinukot si Pugsley?
6
00:00:32,282 --> 00:00:33,991
Sige. Maghiwa-hiwalay kayo.
7
00:00:33,992 --> 00:00:35,909
- Doon ka.
- Pugsley!
8
00:00:35,910 --> 00:00:38,370
Ano'ng kailangan
ng henyong nangangain ng utak
9
00:00:38,371 --> 00:00:40,206
sa kapatid kong walang utak?
10
00:00:43,209 --> 00:00:44,252
Hindi pa siya nakikita.
11
00:00:45,170 --> 00:00:47,087
Alam n'yo ba kung ba't siya dinukot?
12
00:00:47,088 --> 00:00:48,881
Hindi rin namin alam, Sheriff.
13
00:00:48,882 --> 00:00:51,842
May kilala ba kayo
na may galit sa pamilya n'yo?
14
00:00:51,843 --> 00:00:53,552
Hindi kaya paghihiganti ito?
15
00:00:53,553 --> 00:00:56,139
Sinisisi mo ba kami
sa pagkawala ng anak namin?
16
00:00:57,015 --> 00:00:59,016
Buong gabi maghahanap ang search parties.
17
00:00:59,017 --> 00:01:02,144
Nakaalis na ang mga magulang na nasa gala
kasama ng mga anak nila.
18
00:01:02,145 --> 00:01:06,107
Mag-eempake na 'yong iba pang estudyante
at pauwi na sila bukas ng hapon.
19
00:01:07,233 --> 00:01:09,819
Pasensiya na. Ginagawa namin
ang lahat ng makakaya namin.
20
00:01:10,862 --> 00:01:14,031
Pinasama ko ang papa mo at si Lurch
sa search parties.
21
00:01:14,032 --> 00:01:16,700
Di nila mahahanap si Pugsley.
Masyadong matalino si Isaac.
22
00:01:16,701 --> 00:01:17,868
Magtulungan kayo.
23
00:01:17,869 --> 00:01:20,704
Pagsamahin n'yo ang psychic abilities n'yo
para mahanap siya.
24
00:01:20,705 --> 00:01:22,873
Dove ang mama ko
na di kayang gumawa ng masama,
25
00:01:22,874 --> 00:01:26,961
at nagbakasyon nang walang paalam
ang psychic ability ko.
26
00:01:27,504 --> 00:01:31,423
Kaya kailangan n'yong lumapit
sa isa pang Raven sa pamilya n'yo.
27
00:01:31,424 --> 00:01:32,466
Ang mama ko?
28
00:01:32,467 --> 00:01:35,345
Wala nang ibang paraan.
29
00:01:44,229 --> 00:01:47,815
Mama, nagpapasalamat ako
sa agarang pagbalik n'yo.
30
00:01:47,816 --> 00:01:50,734
Sino'ng mag-aaksaya ng oras
na dukutin si Pugsley?
31
00:01:50,735 --> 00:01:52,236
Hindi naman sa paninira,
32
00:01:52,237 --> 00:01:55,614
pero mas may halaga pa ang ibang bangkay
kesa sa batang 'yon.
33
00:01:55,615 --> 00:01:58,367
Hindi pera ang habol ng dumukot sa kanya.
34
00:01:58,368 --> 00:02:01,913
Ginamit siyang instrumento para ilayo tayo
o pain para akitin tayo.
35
00:02:03,414 --> 00:02:06,626
Napakaraming masasayang alaala
ng kuwartong 'to.
36
00:02:07,335 --> 00:02:10,212
Naririnig ko pa rin 'yong takot
sa sigaw ng mga kaklase ko
37
00:02:10,213 --> 00:02:13,091
tuwing Advanced Possession Class
ni Rotwood.
38
00:02:14,592 --> 00:02:15,760
Mga duwag.
39
00:02:23,726 --> 00:02:25,812
Kailangan ng pisikal na koneksiyon dito.
40
00:02:33,778 --> 00:02:37,281
Kailangan nating tanggalin
lahat ng mga sama ng loob natin.
41
00:02:37,282 --> 00:02:40,534
Parang alak ang sama ng loob ko.
Habang tumatagal, mas sumasarap.
42
00:02:40,535 --> 00:02:41,619
Ako rin.
43
00:02:45,456 --> 00:02:47,833
Doves at Ravens, kami'y nagkakaisa
44
00:02:47,834 --> 00:02:51,920
Gamit ang pakpak ng kadiliman
at nanlilisik na mata
45
00:02:51,921 --> 00:02:54,923
Ang katotohanan, sa ami'y ipakita
mula gabi hanggang umaga
46
00:02:54,924 --> 00:02:57,968
Kapangyarihang taglay, aming inaalay
47
00:02:57,969 --> 00:03:00,137
Di ako pumunta dito
para makipaghawak-kamay.
48
00:03:00,138 --> 00:03:01,597
Ga'no katagal pa ba 'to?
49
00:03:01,598 --> 00:03:03,932
Mama! Puwede bang tumahimik ka muna?
50
00:03:03,933 --> 00:03:05,602
Hinahanap natin si Pugsley.
51
00:03:07,103 --> 00:03:08,103
May nararamdaman ako.
52
00:03:08,104 --> 00:03:09,688
Nararamdaman ko rin.
53
00:03:09,689 --> 00:03:10,607
Ikaw, Wednesday?
54
00:03:20,992 --> 00:03:22,535
Bilisan mo, Gomez!
55
00:03:24,370 --> 00:03:26,873
Walang makakaalam na nanggaling tayo dito.
56
00:04:39,529 --> 00:04:41,822
Nilibing n'yo ni Papa si Isaac
sa may Skull Tree
57
00:04:41,823 --> 00:04:43,825
no'ng mga estudyante pa kayo.
58
00:04:45,702 --> 00:04:48,830
Oras na para palayain ang katotohanan.
59
00:04:54,168 --> 00:04:55,794
Sinasayang n'yo ang oras ko.
60
00:04:55,795 --> 00:04:58,005
No'ng gabing naaksidente si Isaac,
61
00:04:58,006 --> 00:05:02,010
nando'n kami ng papa mo sa laboratory niya
62
00:05:03,261 --> 00:05:04,470
sa Iago Tower.
63
00:05:07,682 --> 00:05:12,269
Sigurado si Isaac
na magagamot ng aparato niya si Francoise.
64
00:05:12,270 --> 00:05:15,481
Na hindi na siya mabubuhay
sa takot na maging Hyde.
65
00:05:16,607 --> 00:05:21,404
Pero kailangan ng napakalakas na kuryente
para paganahin ang aparato.
66
00:05:21,904 --> 00:05:23,405
At dahil doon,
67
00:05:23,406 --> 00:05:25,950
lumapit si Isaac
sa matalik niyang kaibigan.
68
00:05:26,534 --> 00:05:27,368
Si Papa.
69
00:05:31,497 --> 00:05:34,000
Ano naman kaya ang naiambag ni Gomez?
70
00:05:34,876 --> 00:05:39,213
No'ng panahong 'yon,
kasinglakas niya si Pugsley.
71
00:05:40,256 --> 00:05:43,884
At masaya si Gomez
na tulungan ang kaibigan niya.
72
00:05:43,885 --> 00:05:46,304
Pero niloko siya ni Isaac.
73
00:05:48,056 --> 00:05:50,308
Hindi lang pala kislap ang kailangan niya.
74
00:05:53,936 --> 00:05:55,312
Hindi alam ni Francoise
75
00:05:55,313 --> 00:05:59,816
na handang isakripisyo ni Isaac
ang papa mo mailigtas lang siya.
76
00:05:59,817 --> 00:06:02,402
Hinukay na nga niya
ang libingan ng papa mo
77
00:06:02,403 --> 00:06:04,781
sa may Skull Tree bilang paghahanda.
78
00:06:16,584 --> 00:06:18,251
Nang makarating ako,
79
00:06:18,252 --> 00:06:21,297
naghihingalo na ang mahal kong si Gomez.
80
00:06:22,006 --> 00:06:26,594
Nagloko 'yong aparato
dahil sa pananabotahe ko.
81
00:06:36,229 --> 00:06:39,607
Nakaligtas si Francoise sa pagsabog,
pero hindi si Isaac.
82
00:06:40,316 --> 00:06:41,818
At ang papa mo,
83
00:06:42,318 --> 00:06:46,531
nawala na nang tuluyan ang kakayahan niya
dahil sa nangyari.
84
00:06:50,785 --> 00:06:53,829
- Bakit n'yo pinagtakpan?
- Pinagbantaan kami ni Augustus Stonehurst.
85
00:06:53,830 --> 00:06:56,164
Alam namin
na ginawan niya si Isaac ng secret lab.
86
00:06:56,165 --> 00:06:58,875
Kung magsasalita kami,
isusuplong niya kami.
87
00:06:58,876 --> 00:07:00,086
Bilisan mo, Gomez.
88
00:07:01,421 --> 00:07:03,423
Walang makakaalam na nanggaling tayo dito.
89
00:07:04,257 --> 00:07:07,343
Kaya nilibing n'yo si Isaac
sa libingan na ginawa niya para kay Papa?
90
00:07:11,848 --> 00:07:12,932
Oo.
91
00:07:13,516 --> 00:07:15,016
Sinusubukan siguro ulit ni Isaac.
92
00:07:15,017 --> 00:07:17,394
Si Pugsley naman
ang gagamitin niyang power source.
93
00:07:17,395 --> 00:07:20,189
'Yong lapida ng Addams
na nakita ko sa pangitain ko,
94
00:07:20,731 --> 00:07:22,483
pangalan siguro ni Pugsley 'yon.
95
00:07:24,402 --> 00:07:29,114
Sumama muna kayo ni Thing sa Grandmama mo
hanggang sa mahanap si Pugsley.
96
00:07:29,115 --> 00:07:31,993
Nagkasundo rin kami ng mama mo.
97
00:07:32,577 --> 00:07:36,038
Kasalanan namin 'to, Wednesday.
Haharapin namin ito.
98
00:07:37,707 --> 00:07:39,416
Di na kita ilalagay sa panganib.
99
00:07:39,417 --> 00:07:40,501
Huli na.
100
00:07:59,604 --> 00:08:00,605
Hayaan mo na 'yon.
101
00:08:01,814 --> 00:08:03,649
May ibang mas deserving sa 'yo.
102
00:08:06,277 --> 00:08:08,487
Nagpapansinan na pala ulit tayo.
103
00:08:08,488 --> 00:08:10,114
Medyo natagalan.
104
00:08:11,157 --> 00:08:12,825
Pero handa na 'kong makipagkaibigan.
105
00:08:14,535 --> 00:08:16,120
Kung ayos lang sa 'yo.
106
00:08:18,498 --> 00:08:19,999
Gusto ko 'yon.
107
00:08:21,918 --> 00:08:23,544
Ba't nagbago 'yong isip mo?
108
00:08:25,963 --> 00:08:28,508
Na-realize kong di tungkol sa 'kin
'yong break up natin.
109
00:08:29,217 --> 00:08:31,469
Walang may kasalanan
na nagbago 'yong feelings mo.
110
00:08:32,053 --> 00:08:36,057
So, puwede akong magalit
o tatanggapin ko na lang at mag-move on.
111
00:08:37,975 --> 00:08:39,393
Si Bianca ang nagsabi no'n.
112
00:08:40,561 --> 00:08:42,313
Magaling siyang mangumbinsi, e.
113
00:09:00,998 --> 00:09:04,626
Tapos ka na ba sa manlolokong taong-lobo
at banong gorgon?
114
00:09:04,627 --> 00:09:06,753
Naglista ako ng potential boyfriends.
115
00:09:06,754 --> 00:09:10,298
Na-cross-reference ko na sila
base sa social media profiles nila.
116
00:09:10,299 --> 00:09:12,175
Pag nakapili ka na ng ilan,
117
00:09:12,176 --> 00:09:14,636
puwede ko silang dalawin
nang naka-invisible ako.
118
00:09:14,637 --> 00:09:17,014
Tingnan natin
kung may di sila nilagay sa bio nila.
119
00:09:18,266 --> 00:09:19,976
Salamat sa tulong,
120
00:09:20,476 --> 00:09:24,104
pero gagawin ko muna siguro
'yong ginagawa ni Wednesday Addams.
121
00:09:24,105 --> 00:09:25,648
Pahinga muna 'ko sa romance.
122
00:09:29,902 --> 00:09:31,696
Hindi masaya
123
00:09:32,321 --> 00:09:34,824
na igapos at tratuhin na parang aso.
124
00:09:36,325 --> 00:09:37,285
Hindi ba?
125
00:09:37,785 --> 00:09:39,494
Mystery meat sandwich!
126
00:09:39,495 --> 00:09:41,122
Paborito mo.
127
00:09:43,124 --> 00:09:45,501
Tipirin mo 'yang lakas mo.
Kakailanganin mo 'yan.
128
00:09:48,546 --> 00:09:50,965
Sana nakasama 'ko
sa kahit isa sa mga picture na 'to.
129
00:09:53,718 --> 00:09:57,346
Hindi ko maintindihan
kung bakit gusto mong maging Normal.
130
00:09:59,098 --> 00:10:03,269
Pero sa ginawa ni Stonehurst sa 'yo
sa lab na 'yon...
131
00:10:06,272 --> 00:10:08,941
Hindi natin dapat naranasan
'yong mga naranasan natin.
132
00:10:10,818 --> 00:10:12,570
Babaguhin natin 'yon mamaya.
133
00:10:16,782 --> 00:10:19,743
Mangako ka na kahit ano'ng mangyari,
134
00:10:19,744 --> 00:10:20,911
gagawin mo 'yon.
135
00:10:21,537 --> 00:10:23,039
'Yong napag-usapan natin.
136
00:10:25,082 --> 00:10:26,375
Mangako ka.
137
00:10:32,173 --> 00:10:34,466
Nag-iwan ako ng mga bakas,
mga 32 kilometers north,
138
00:10:34,467 --> 00:10:38,345
iniwan ko 'yong costume ni Pugsley,
at nag-anonymous tip ako sa mga pulis.
139
00:10:38,346 --> 00:10:39,430
Mabuti.
140
00:10:40,431 --> 00:10:42,891
Maililihis natin ang mga pulis.
141
00:10:42,892 --> 00:10:47,854
Ngayon, oras na para iposisyon
ang dati mong honey sa laro.
142
00:10:47,855 --> 00:10:49,898
Malalaman ni Wednesday na nilalaro siya.
143
00:10:49,899 --> 00:10:53,568
Oo, hindi isasakripisyo ng mga Addams
ang kadugo nila.
144
00:10:53,569 --> 00:10:55,154
Kahit 'yong walang silbi.
145
00:10:56,072 --> 00:10:58,366
At 'yong emosyonal na kahinaang 'yon
146
00:10:59,283 --> 00:11:01,035
ang magpapanalo sa atin.
147
00:11:02,536 --> 00:11:03,912
Ano'ng balita kay Pugsley?
148
00:11:03,913 --> 00:11:06,206
Nawawala pa rin. Pero buhay siya.
149
00:11:06,207 --> 00:11:08,541
Determinado si Isaac
na iligtas ang kapatid niya.
150
00:11:08,542 --> 00:11:11,753
Kailangan niya si Pugsley.
Kailangan kong alamin kung kailan at saan.
151
00:11:11,754 --> 00:11:13,755
Naku po. Nandito siya.
152
00:11:13,756 --> 00:11:14,757
Sino?
153
00:11:15,716 --> 00:11:16,550
Si Isaac?
154
00:11:17,134 --> 00:11:18,802
Hindi. 'Yong papa ko.
155
00:11:18,803 --> 00:11:21,888
Kadalasan, nagpapadala siya
ng random assistant para sunduin ako.
156
00:11:21,889 --> 00:11:23,723
Di ka masusundo ng mama mo?
157
00:11:23,724 --> 00:11:26,852
Busy siya sa bago niyang
Normal na asawa at baby.
158
00:11:27,436 --> 00:11:29,979
Ako 'yong pagkakamali
kaya napilitan silang magsama
159
00:11:29,980 --> 00:11:31,523
kahit matagal na silang tapos.
160
00:11:31,524 --> 00:11:35,528
Pulbura, penicillin, at ang rack,
pagkakamali lahat 'yon.
161
00:11:36,987 --> 00:11:39,989
Gusto ko lang sabihin na mahal ko tayo.
162
00:11:39,990 --> 00:11:42,450
- Para tayong three musketeers.
- Magdahan-dahan ka.
163
00:11:42,451 --> 00:11:43,577
Agnes!
164
00:11:44,286 --> 00:11:46,539
Bye. Kita na lang tayo next year.
165
00:11:47,331 --> 00:11:49,916
Gusto kong tumulong
pero magkukulong ako sa Lupin cages.
166
00:11:49,917 --> 00:11:51,584
Pinagsabihan na 'ko ni Capri.
167
00:11:51,585 --> 00:11:53,420
Magkulong nang maaga at kumalma.
168
00:11:53,421 --> 00:11:56,214
May baon akong meditation app,
paborito kong playlist,
169
00:11:56,215 --> 00:11:58,718
at extra supply ng colloidal silver.
170
00:11:59,927 --> 00:12:01,762
Wala naman sigurong mangyayari, di ba?
171
00:12:02,388 --> 00:12:04,515
Pakakawalan kita agad bukas ng umaga.
172
00:12:05,975 --> 00:12:07,017
Promise?
173
00:12:11,397 --> 00:12:13,356
Ikaw. Manggigising ulit tayo ng patay.
174
00:12:13,357 --> 00:12:15,358
Kailan makakalipad ang corpse moths mo?
175
00:12:15,359 --> 00:12:17,694
Hindi na sila makakalipad, e.
176
00:12:17,695 --> 00:12:20,823
Thirty-six hours lang
ang life cycle ng corpse moths.
177
00:12:22,783 --> 00:12:23,908
Wednesday, sorry talaga.
178
00:12:23,909 --> 00:12:26,536
Nakipagkaibigan si Pugsley
ta's tinaboy ko siya.
179
00:12:26,537 --> 00:12:30,832
Kung naging mabait siguro ako,
di siya makikipag-BFF sa zombie.
180
00:12:30,833 --> 00:12:32,584
Ako'ng tagapag-alaga ng kapatid ko.
181
00:12:32,585 --> 00:12:34,794
Kinulong ko dapat siya
para maging ligtas siya.
182
00:12:34,795 --> 00:12:38,131
Pupunta 'ko sa Hummers shed.
Iha-hibernate ko 'yong bees nang maaga.
183
00:12:38,132 --> 00:12:39,467
Sama ka...
184
00:13:02,031 --> 00:13:04,115
Wednesday, pupuntahan ko
'yong mga magulang mo.
185
00:13:04,116 --> 00:13:05,784
May nakakita ng costume ni Pugsley.
186
00:13:05,785 --> 00:13:08,578
Ipapalipat ko 'yong search sa Burlington.
187
00:13:08,579 --> 00:13:10,456
Mukhang nililihis lang kayo.
188
00:13:11,123 --> 00:13:13,459
Sumusunod ako sa ebidensiya, di sa kutob.
189
00:13:14,710 --> 00:13:17,213
Sa wakas, naibalik din sa 'kin
ang opisina ko.
190
00:13:18,422 --> 00:13:22,425
Pinatibay ng pagbagsak ni Dort
ang legacy ko.
191
00:13:22,426 --> 00:13:26,429
Magbabalik-tanaw ang board sa Weems era
nang may pagmamahal.
192
00:13:26,430 --> 00:13:30,225
Kailangan ng Nevermore
ng matatag na leader.
193
00:13:30,226 --> 00:13:33,186
Leader na walang bahid ang reputasyon.
194
00:13:33,187 --> 00:13:35,648
Pinagtakpan mo ang pagpatay kay Rowan
at ang Hyde.
195
00:13:36,941 --> 00:13:38,400
Nagkamali ako.
196
00:13:39,151 --> 00:13:41,153
Pero nakaraan na 'yon.
197
00:13:46,033 --> 00:13:47,325
Galing ako sa Hummers shed.
198
00:13:47,326 --> 00:13:49,911
Nando'n si Slurp,
pero mukha na siyang tao.
199
00:13:49,912 --> 00:13:51,037
Pinabibigay niya 'to.
200
00:13:51,038 --> 00:13:54,499
Kapag ipinagsabi ko raw 'to,
malilintikan ako sa kanya.
201
00:13:54,500 --> 00:13:56,417
Wednesday, natatakot ako.
202
00:13:56,418 --> 00:13:58,629
Bumalik ka na sa dorm mo.
Ikandado mo ang pinto.
203
00:13:59,129 --> 00:14:00,005
Ngayon na!
204
00:14:05,427 --> 00:14:07,638
HATINGGABI
205
00:14:22,862 --> 00:14:25,906
Akala ni Isaac mahuhulog ako
sa patibong niya.
206
00:14:30,703 --> 00:14:32,288
Pag wala nang nakaharang,
207
00:14:34,665 --> 00:14:37,167
tirahin mo 'yong utak niyang zombie.
208
00:14:49,930 --> 00:14:51,639
Malakas ka raw sabi ni Tyler.
209
00:14:51,640 --> 00:14:55,476
Ngayon, nasaksihan ko na
ang gulong kaya mong gawin.
210
00:14:55,477 --> 00:14:58,939
Akin na ang kapatid ko,
bumalik ka sa hukay, at manatiling patay.
211
00:14:59,440 --> 00:15:02,276
- Alam ko'ng ginawa mo sa tatay ko.
- Pero ako 'yong namatay.
212
00:15:02,860 --> 00:15:05,237
Salamat sa kanya at sa mahal mong ina.
213
00:15:05,905 --> 00:15:10,783
Ibayad mo na lang 'yong kapatid mo
sa mga kasalanan nila para patas na kami.
214
00:15:10,784 --> 00:15:12,660
Wala na ang aparato mo.
215
00:15:12,661 --> 00:15:16,456
Wasak na ang Willow Hill at Iago Tower.
Ilang buwan pa bago maayos 'yon.
216
00:15:16,457 --> 00:15:19,293
Sa oras na maayos 'yon,
huli na para iligtas ang kapatid mo.
217
00:15:24,214 --> 00:15:26,090
Bilib din naman ako sa 'yo.
218
00:15:26,091 --> 00:15:29,970
Kinausap mo 'ko habang pinupuntirya ako
ng tapat na kanang kamay mo.
219
00:15:34,308 --> 00:15:35,309
Huli ka.
220
00:15:41,231 --> 00:15:43,192
Pero kahit kailan,
hindi siya naging sa 'yo.
221
00:15:44,318 --> 00:15:45,194
Sa 'kin siya.
222
00:15:46,737 --> 00:15:49,156
Di nagawang patayin ng mga magulang mo
ang kabuuan ko.
223
00:16:07,925 --> 00:16:08,967
Cute.
224
00:16:08,968 --> 00:16:11,302
Laking gulat ko nang makita ko
ang kanang kamay ko
225
00:16:11,303 --> 00:16:14,055
na pagala-gala sa Willow Hill
nang wala ako.
226
00:16:14,056 --> 00:16:18,060
At walang silbi ang isang DaVinci
kung wala ang kanang kamay niya.
227
00:16:21,522 --> 00:16:24,566
Pinutol ng nanay mo 'yong kamay ko.
228
00:16:29,154 --> 00:16:33,617
Kaya nagloko at sumabog ang aparato ko.
229
00:16:34,368 --> 00:16:38,121
Binuhay siguro ng kuryente 'yong kamay ko.
230
00:16:38,122 --> 00:16:40,374
Mas matimbang pala talaga
ang bahagi sa kabuuan.
231
00:17:16,660 --> 00:17:18,412
Ngayon, buo na 'ko.
232
00:17:25,669 --> 00:17:30,257
Katapusan na ng pamilya Addams
ngayong gabi.
233
00:17:32,551 --> 00:17:34,136
Sisimulan ko sa 'yo.
234
00:18:03,207 --> 00:18:04,957
May appointment tayo sa Iago Tower.
235
00:18:04,958 --> 00:18:09,046
Magkakaro'n na ng pakinabang
ang walang kuwenta mong buhay.
236
00:18:38,867 --> 00:18:41,745
Maaayos na natin ang pamilya natin.
237
00:18:42,246 --> 00:18:43,288
Hello!
238
00:18:45,582 --> 00:18:46,583
Tara na.
239
00:18:49,878 --> 00:18:53,214
Dahan-dahan kang huminga nang malalim.
240
00:18:53,215 --> 00:18:55,424
Isipin mo ang lobo sa puso mo.
241
00:18:55,425 --> 00:18:57,927
Makapangyarihan pero kalmado.
242
00:18:57,928 --> 00:19:00,721
Alalahanin mo na ang gabing ito
ay para sa katahimikan—
243
00:19:00,722 --> 00:19:02,056
Enid! Kailangan kita.
244
00:19:02,057 --> 00:19:05,726
- Agnes? Akala ko nakaalis ka na.
- Di ko kayang iwan si Wednesday.
245
00:19:05,727 --> 00:19:07,980
Iniwan ko 'yong papa ko
no'ng nagpa-gas siya.
246
00:19:08,564 --> 00:19:11,065
Inilibing ni Isaac si Wednesday
sa ilalim ng Skull Tree.
247
00:19:11,066 --> 00:19:13,442
- At hindi ko siya mahukay.
- Ano?
248
00:19:13,443 --> 00:19:14,652
OMG.
249
00:19:14,653 --> 00:19:16,612
- Nasaan si Thing?
- Mas mahabang kuwento.
250
00:19:16,613 --> 00:19:19,700
Ikukuwento ko habang naglalakad tayo.
Wala na tayong oras.
251
00:19:22,119 --> 00:19:24,163
Wednesday, nandito kami! Kumapit ka!
252
00:19:28,292 --> 00:19:30,002
Tumitibok ang puso niya, pero mahina.
253
00:19:38,218 --> 00:19:39,970
Hindi na natin siya aabutan.
254
00:19:40,554 --> 00:19:42,681
Hindi puwede.
255
00:19:49,938 --> 00:19:51,565
Hindi ko kakayanin nang ganito.
256
00:19:54,318 --> 00:19:56,111
Hindi ka na makakabalik sa dati.
257
00:19:56,612 --> 00:19:57,779
Alpha ka.
258
00:19:58,530 --> 00:19:59,990
Di ko siya hahayaang mamatay.
259
00:20:24,848 --> 00:20:28,143
Wednesday, gising. Gumising ka!
260
00:20:34,691 --> 00:20:36,401
Please.
261
00:20:39,029 --> 00:20:40,030
Ang saya no'n, a.
262
00:20:45,619 --> 00:20:46,453
Enid?
263
00:20:50,123 --> 00:20:51,959
'Yan lang ang paraan para mailigtas ka.
264
00:21:03,428 --> 00:21:05,597
Hanapin mo siya. Bilis!
265
00:21:07,099 --> 00:21:09,101
Wednesday! Wednesday!
266
00:21:10,560 --> 00:21:12,437
Salamat sa mga espiritu.
267
00:21:15,524 --> 00:21:16,692
Baka isang espiritu lang.
268
00:21:17,359 --> 00:21:20,486
Kung hindi mo bibilisan,
wala ka nang ililigtas.
269
00:21:20,487 --> 00:21:21,947
Nasaan si Pugsley?
270
00:21:35,168 --> 00:21:37,087
Nandito pa rin lahat.
271
00:21:39,840 --> 00:21:40,673
Ayos.
272
00:21:40,674 --> 00:21:43,134
Pa'no natin aayusin ang basurang 'to?
273
00:21:43,135 --> 00:21:44,303
Hindi ka kasali.
274
00:21:46,513 --> 00:21:47,514
Ako lang.
275
00:22:22,549 --> 00:22:25,426
Itinago n'yo sa 'kin
'yong tungkol kay Thing,
276
00:22:25,427 --> 00:22:26,927
pero bakit pati sa kanya?
277
00:22:26,928 --> 00:22:29,513
Dahil minsan,
mas mabuti nang ibaon ang katotohanan.
278
00:22:29,514 --> 00:22:31,224
Hindi naaalala ni Thing si Isaac.
279
00:22:32,017 --> 00:22:36,687
Pagkatapos ng ginawa ni Isaac sa papa mo,
bakit pa namin pahihirapan si Thing?
280
00:22:36,688 --> 00:22:40,816
Gusto kong isipin na napunta kay Thing
'yong natitirang kabutihan kay Isaac.
281
00:22:40,817 --> 00:22:44,112
Pero nakakabit na siya kay Isaac
at papatayin niya ang anak mo.
282
00:22:46,990 --> 00:22:49,033
Baliw na scientist, nakakatakot na tugtog.
283
00:22:49,034 --> 00:22:50,034
Tamang-tama.
284
00:22:50,035 --> 00:22:50,994
Darling.
285
00:22:52,037 --> 00:22:53,579
Tumawag ka sa sheriff.
286
00:22:53,580 --> 00:22:55,374
Kami na ang bahala dito.
287
00:22:56,666 --> 00:22:58,460
Querida, iligtas mo ang bunso natin.
288
00:23:33,453 --> 00:23:34,787
Isaac, ayos ka lang?
289
00:23:34,788 --> 00:23:35,956
Ayos lang ako.
290
00:23:36,873 --> 00:23:38,708
Igapos mo 'yong power source.
291
00:23:53,932 --> 00:23:57,269
Tatlumpung taon kong hinintay
ang sandaling 'to.
292
00:24:15,954 --> 00:24:17,204
Humanda ka.
293
00:24:17,205 --> 00:24:19,374
Piprituhin namin 'yang baterya mo.
294
00:24:30,927 --> 00:24:32,345
Oras na, Isaac.
295
00:24:33,221 --> 00:24:34,055
Gawin mo na.
296
00:24:36,641 --> 00:24:37,642
Ngayon na!
297
00:24:38,393 --> 00:24:39,728
Nangako ka sa 'kin.
298
00:24:57,829 --> 00:25:00,040
Teka! Ano'ng ginagawa n'yo?
299
00:25:00,624 --> 00:25:02,458
Ma, nandito kami para iligtas ka.
300
00:25:02,459 --> 00:25:04,461
Wala na 'kong pag-asa, anak.
301
00:25:05,045 --> 00:25:06,837
Panahon mo 'to.
302
00:25:06,838 --> 00:25:09,132
Ililigtas ka namin sa ganitong buhay.
303
00:25:10,467 --> 00:25:12,135
Makakapagsimula ka ulit.
304
00:25:13,094 --> 00:25:15,889
Wala kang karapatang tanggalin
ang kapangyarihan ko!
305
00:25:19,476 --> 00:25:20,644
Mahal kita.
306
00:25:21,645 --> 00:25:23,687
Wag mong gawin 'to. Please.
307
00:25:23,688 --> 00:25:24,981
Mahal kita, anak.
308
00:25:36,993 --> 00:25:39,913
Do'n ka sa malaking hagdan.
Do'n ako sa maliit.
309
00:25:45,043 --> 00:25:46,294
Ma, please!
310
00:25:49,631 --> 00:25:50,674
Mama!
311
00:25:54,094 --> 00:25:55,428
May mga kasama tayo.
312
00:25:56,179 --> 00:25:57,806
Please, wag mong gawin 'to!
313
00:26:40,181 --> 00:26:41,433
Patayin mo na 'ko.
314
00:26:51,860 --> 00:26:53,987
- Bakit?
- Sumablay, e.
315
00:27:09,294 --> 00:27:10,503
Tyler, wag!
316
00:27:11,087 --> 00:27:12,213
Tyler, tumigil ka!
317
00:27:16,426 --> 00:27:18,178
Isaac!
318
00:27:19,721 --> 00:27:20,847
Isaac!
319
00:27:21,806 --> 00:27:22,807
Isaac.
320
00:27:28,396 --> 00:27:29,229
Kalma lang.
321
00:27:29,230 --> 00:27:30,607
Wednesday?
322
00:27:31,232 --> 00:27:32,483
Ang mama mo 'to.
323
00:27:32,484 --> 00:27:36,363
Huli akong nakakita
ng nakakatuwang mag-ina, no'ng Psycho pa.
324
00:27:42,577 --> 00:27:44,329
Tyler? Anak?
325
00:27:47,082 --> 00:27:47,916
Anak...
326
00:28:20,532 --> 00:28:22,992
Kumapit ka, Pugsley. Kumapit ka.
327
00:29:37,233 --> 00:29:38,359
Isaac!
328
00:29:40,028 --> 00:29:41,780
May pag-aari ako na nasa 'yo.
329
00:29:45,742 --> 00:29:47,368
Halika na!
330
00:30:19,776 --> 00:30:20,777
Abante.
331
00:30:21,945 --> 00:30:23,404
Abante!
332
00:31:01,901 --> 00:31:03,444
Mama. Papa.
333
00:31:06,573 --> 00:31:07,740
Tish!
334
00:31:15,707 --> 00:31:18,209
Tulungan n'yo ako. Tulungan n'yo ako dito.
335
00:31:32,348 --> 00:31:35,393
Mukhang hindi nagkatotoo ang pangitain mo.
336
00:31:46,821 --> 00:31:48,780
Dahil sa 'yo,
337
00:31:48,781 --> 00:31:51,700
nawala ang kaisa-isang taong minahal ko.
338
00:31:51,701 --> 00:31:54,162
Isaac! Isaac!
339
00:31:54,746 --> 00:31:55,913
Tama na.
340
00:31:55,914 --> 00:31:57,331
Bitawan mo ang anak ko.
341
00:31:57,332 --> 00:31:58,416
Patawad, kaibigan.
342
00:31:59,000 --> 00:32:02,503
Ngayon mararamdaman n'yo na
kung pa'no masaktan nang sobra.
343
00:32:04,213 --> 00:32:06,799
Isa pang hakbang,
at babalian ko siya ng leeg!
344
00:32:11,679 --> 00:32:14,765
Thing, alam naming nandiyan ka pa rin.
345
00:32:14,766 --> 00:32:16,893
Bumalik ka sa amin, Thing. Mahal ka namin.
346
00:32:17,602 --> 00:32:19,061
Kami ang pamilya mo!
347
00:32:19,062 --> 00:32:21,272
Hindi 'to bahagi ng pamilya n'yo.
348
00:32:22,106 --> 00:32:23,232
Bahagi ko ito!
349
00:32:38,206 --> 00:32:39,540
Mintis!
350
00:32:48,716 --> 00:32:50,093
Laban, Thing.
351
00:33:00,687 --> 00:33:01,771
Ano'ng nangyayari?
352
00:33:04,983 --> 00:33:07,402
Di kailangang maging henyo
para maintindihan 'yon.
353
00:33:53,197 --> 00:33:54,115
Oras na.
354
00:35:04,477 --> 00:35:06,229
Maligayang pagbabalik, Thing.
355
00:35:35,383 --> 00:35:38,344
Ngayong alam ko nang tinabas ka pala
sa isang masamang henyo,
356
00:35:38,970 --> 00:35:40,805
malinaw na kung bakit magkasundo tayo.
357
00:35:42,932 --> 00:35:44,684
Ano'ng pakiramdam malaman ang totoo?
358
00:35:47,311 --> 00:35:51,274
Hindi mo mababago ang nakaraan.
Pero nasa kamay mo ang kinabukasan.
359
00:35:54,861 --> 00:35:56,195
Ano'ng plano mo?
360
00:36:07,748 --> 00:36:09,082
Ano'ng nalaman mo?
361
00:36:09,083 --> 00:36:11,294
Nahagip 'to
sa wildlife cam kaninang umaga.
362
00:36:13,379 --> 00:36:14,630
Si Enid 'to.
363
00:36:15,298 --> 00:36:16,715
Papunta siyang north,
364
00:36:16,716 --> 00:36:18,925
eight kilometers mula sa Canadian border.
365
00:36:18,926 --> 00:36:20,177
Paano si Capri?
366
00:36:20,178 --> 00:36:22,763
May alam ba siya
kung sa'n pupunta si Enid?
367
00:36:23,431 --> 00:36:24,764
MIA siya.
368
00:36:24,765 --> 00:36:27,100
Baka naghahanap ng bagong trabaho,
369
00:36:27,101 --> 00:36:30,146
ngayong no more na ang Nevermore.
370
00:36:32,148 --> 00:36:35,066
FRANCOISE GALPIN
MINAMAHAL NA ASAWA AT INA
371
00:36:35,067 --> 00:36:38,695
DONOVAN GALPIN
35 TAONG SERBISYO - JERICHO COUNTY
372
00:36:38,696 --> 00:36:39,655
Hello, Tyler.
373
00:36:41,741 --> 00:36:44,660
Kung sino ka man, umalis ka na.
374
00:36:47,121 --> 00:36:50,249
Alam nating di mo kakayanin nang mag-isa.
375
00:36:50,917 --> 00:36:52,168
Di ka tatagal.
376
00:36:53,669 --> 00:36:55,254
Pero kaya kitang iligtas.
377
00:36:57,924 --> 00:37:00,592
Ayoko na ng nanay at amo.
378
00:37:00,593 --> 00:37:03,554
Hindi ako interesado
sa kahit alin sa dalawa.
379
00:37:06,265 --> 00:37:07,475
Nag-aalok ako
380
00:37:08,392 --> 00:37:11,686
ng support system para sa mga kagaya mo.
381
00:37:11,687 --> 00:37:16,275
Mga Hyde na nagtatago sa mundo.
382
00:37:19,278 --> 00:37:20,696
Magkakaro'n ka ng pack.
383
00:37:21,948 --> 00:37:26,786
Isang samahan na hihigitan
ang pangangailangang magkaro'n ng amo.
384
00:37:32,583 --> 00:37:33,833
Ano'ng mapapala mo do'n?
385
00:37:33,834 --> 00:37:36,879
Taong-lobo ka. Amoy na amoy kita.
386
00:37:38,339 --> 00:37:39,924
Hyde ang tatay ko.
387
00:37:50,142 --> 00:37:52,185
Di naman 'to sasabog sa mukha ko, 'no?
388
00:37:52,186 --> 00:37:53,688
Para may makain ka sa biyahe.
389
00:37:57,024 --> 00:37:58,818
Unti-untiin mo, ha.
390
00:38:00,111 --> 00:38:01,403
Salamat.
391
00:38:01,404 --> 00:38:03,446
Alam mo, naisip ko,
392
00:38:03,447 --> 00:38:06,074
sa bakasyon, kung hindi ka masyadong busy,
393
00:38:06,075 --> 00:38:07,660
baka puwede kang dumalaw?
394
00:38:08,828 --> 00:38:10,871
Talaga? Sa bahay mo?
395
00:38:11,539 --> 00:38:13,749
Gano'n naman ang magkaibigan, di ba?
396
00:38:20,214 --> 00:38:21,257
Wednesday.
397
00:38:23,009 --> 00:38:24,010
Sandali.
398
00:38:25,845 --> 00:38:27,888
May gusto akong ibigay sa 'yo.
399
00:38:30,349 --> 00:38:31,599
Journal ni Aunt Ophelia.
400
00:38:31,600 --> 00:38:32,685
Oo.
401
00:38:33,436 --> 00:38:38,524
Dahil laging pinapaalala sa 'kin
na nakamamatay ang pagtatago ng sekreto.
402
00:38:39,358 --> 00:38:41,861
Bawat pamilya
ay may madilim na kabanata, Wednesday.
403
00:38:43,946 --> 00:38:45,448
Pati ang sa 'tin.
404
00:38:46,574 --> 00:38:47,658
Salamat, Mama.
405
00:38:49,493 --> 00:38:52,163
Nakakatuwang makita kayong magkasama.
406
00:38:53,873 --> 00:38:56,207
Ang panunumbalik ng ugnayan ng pamilya
407
00:38:56,208 --> 00:38:59,378
ang unang malaking hakbang
sa pagbabalik ng psychic ability mo.
408
00:39:01,422 --> 00:39:05,259
Ngayong nangyari na 'yon,
magbabakasyon na muna ako.
409
00:39:11,390 --> 00:39:16,479
Sino'ng mag-aakala na ikaw
ang magpapanatiling buhay sa kaluluwa ko?
410
00:39:18,898 --> 00:39:20,941
Hanggang sa muli, Wednesday.
411
00:39:32,578 --> 00:39:34,497
Grabe, napakaaraw sa labas.
412
00:39:35,373 --> 00:39:38,709
Masarap matulog sa ilalim
ng tumutulo nating bubong mamaya.
413
00:39:40,628 --> 00:39:43,547
- Kunin na natin ang mga gamit mo. Tara!
- Di ako uuwi.
414
00:39:57,770 --> 00:40:00,814
Natanggap ko 'yong message mo.
Game ako lagi sa road trip.
415
00:40:00,815 --> 00:40:03,525
Saan tayo? Slaughter Beach? Death Valley?
416
00:40:03,526 --> 00:40:05,653
Pupunta tayo sa north
para iligtas si Enid.
417
00:40:06,362 --> 00:40:07,612
Isa siyang Alpha.
418
00:40:07,613 --> 00:40:11,533
Uy. 'Yong mga tutang 'yon, may pangil daw
na kaya kang durugin na parang candy
419
00:40:11,534 --> 00:40:13,993
at mga kuko na kaya kang pinuhin
na parang giniling.
420
00:40:13,994 --> 00:40:14,994
Ang saya!
421
00:40:14,995 --> 00:40:16,372
Tara na.
422
00:40:23,879 --> 00:40:27,466
Isa na namang taon sa Nevermore
na nauwi sa patayan at kaguluhan.
423
00:40:28,217 --> 00:40:30,678
Mga katanungang umaaligid
na parang mga buwitre.
424
00:40:35,766 --> 00:40:39,352
Bakit gapos ni Tyler ang hiniwa ko
imbes na ang leeg niya?
425
00:40:39,353 --> 00:40:41,939
Ikapapahamak ko ba
'yong biglaang awang naramdaman ko?
426
00:40:44,775 --> 00:40:48,195
At ang mga magulang ko,
di nabubura ng ngiti ang kasinungalingan.
427
00:40:52,116 --> 00:40:55,161
Tiwala ba ang nagtulak kay Mama
na ibigay ang diary ni Aunt Ophelia
428
00:40:56,162 --> 00:40:57,872
o lihim na desperasyon?
429
00:41:02,251 --> 00:41:04,044
Hahanapin ko muna si Enid.
430
00:41:06,964 --> 00:41:08,424
Nangako ako sa kanya.
431
00:41:08,966 --> 00:41:11,802
Pero sino nga ba ang babalik
bilang kakampi ko?
432
00:41:13,345 --> 00:41:14,680
'Yong kaibigan ko ba?
433
00:41:15,222 --> 00:41:17,308
O 'yong halimaw na lumamon sa kanya?
434
00:41:21,187 --> 00:41:22,646
ITIM NA LUHA
435
00:41:32,031 --> 00:41:33,199
Aunt Ophelia.
436
00:41:43,959 --> 00:41:46,629
Mga lihim ang pundasyon ng pamilya Addams.
437
00:41:48,214 --> 00:41:50,883
Nakalalason at nabubulok sa kailaliman.
438
00:42:01,936 --> 00:42:03,269
Ophelia!
439
00:42:03,270 --> 00:42:05,773
DAPAT MAMATAY SI WEDNESDAY
440
00:42:09,443 --> 00:42:11,361
Sa pakikipagsapalaran ko,
441
00:42:11,362 --> 00:42:14,573
determinado akong hukayin
lahat ng kasinungalingan at panloloko,
442
00:42:15,157 --> 00:42:16,700
kahit ano pa ang mangyari.
443
00:42:17,618 --> 00:42:20,246
Mukhang magiging maganda
ang bakasyong 'to.
444
00:44:40,135 --> 00:44:43,222
Nagsalin ng Subtitle: Faith Dela Cruz