1 00:00:32,505 --> 00:00:36,130 "Ang mga hangganang naghihiwalay sa Buhay mula sa Kamatayan 2 00:00:36,213 --> 00:00:38,588 ay madilim at malabo. 3 00:00:38,671 --> 00:00:42,338 Sino ang nakaaalam ng dulo at ang simula ng isa pa?" - E.A. Poe 4 00:01:58,088 --> 00:01:59,713 Magandang umaga, mga ginoo. 5 00:02:02,255 --> 00:02:04,338 -Ikaw si Augustus Landor? -Oo. 6 00:02:05,130 --> 00:02:06,255 At ikaw? 7 00:02:06,338 --> 00:02:09,380 Kapitan Hitchcock. Ikalawang pinuno sa Akademya. 8 00:02:10,338 --> 00:02:11,838 Nandito ako para ipaalam 9 00:02:11,921 --> 00:02:14,796 na gusto kang kausapin ni Superintendente Thayer. 10 00:02:14,880 --> 00:02:17,921 -At para saan ito? -Ang koronel na ang bahala. 11 00:02:18,713 --> 00:02:21,796 -Kailan ito? -Kung kailan maalwan sa 'yo. 12 00:02:25,713 --> 00:02:28,421 At paano kung ayaw ko? 13 00:02:31,588 --> 00:02:34,421 Nasa iyo 'yon, lalo na't pribado kang mamamayan. 14 00:02:42,546 --> 00:02:44,213 Magandang araw sa pagbiyahe. 15 00:02:53,380 --> 00:02:57,463 Sinabi ng gobernador na isa ka sa magaling sa mga opisyal sa New York. 16 00:02:59,380 --> 00:03:03,130 At nang irekomenda ka niya, sinabi niya rin ang mga nagawa mo, 17 00:03:03,213 --> 00:03:06,713 kabilang ang paghuli mo sa mga lider ng Daybreak Boys, 18 00:03:06,796 --> 00:03:08,838 pagbuwag mo sa Shirt Tails gang, 19 00:03:08,921 --> 00:03:13,963 at paglutas mo sa pagpatay sa isang batang bayaran sa Elysian Fields. 20 00:03:16,963 --> 00:03:20,255 Magaling ka sa pag-intindi sa code, pagkontrol sa gulo, 21 00:03:20,338 --> 00:03:22,296 at pagtatanong nang walang dahas. 22 00:03:23,255 --> 00:03:25,088 Anak ng ministro sa Gloucester, 23 00:03:25,171 --> 00:03:27,463 bata ka pa nang magtungong New York. 24 00:03:28,171 --> 00:03:32,588 At biyudo ka, G. Landor. 25 00:03:32,671 --> 00:03:33,755 Tatlong taon na. 26 00:03:35,921 --> 00:03:39,130 -Gusto mo ba ng kape? -Serbesa na lang. 27 00:03:46,838 --> 00:03:47,671 Ikaw… 28 00:03:49,088 --> 00:03:54,671 May taguan kayo sa kung saan, tama? 29 00:03:54,755 --> 00:03:58,963 Ano pa ang sinabi nila? Sinabi rin ba nila na matagal na akong 30 00:04:00,671 --> 00:04:01,671 hindi nagsisimba? 31 00:04:03,088 --> 00:04:07,005 Sinabi rin bang lumayas ang anak ko? 32 00:04:08,046 --> 00:04:11,588 Alam namin ang pagkawala ng anak mo. 33 00:04:12,630 --> 00:04:14,255 At dinadamayan ka namin. 34 00:04:16,088 --> 00:04:18,546 Paumanhin, sana hindi kita nabastos. 35 00:04:18,630 --> 00:04:21,213 Hindi. 36 00:04:21,880 --> 00:04:24,588 Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad. 37 00:04:24,671 --> 00:04:27,380 Patawad. Ituloy n'yo na. 38 00:04:28,255 --> 00:04:33,088 G. Landor, obligado kaming magpatuloy nang may lubhang pag-iingat. 39 00:04:33,171 --> 00:04:34,713 May hinahanap kami. 40 00:04:34,796 --> 00:04:38,380 Pribadong mamamayan na may dokumentadong karanasan 41 00:04:38,463 --> 00:04:41,963 na puwedeng mag-imbestiga sa ngalan ng Akademya. 42 00:04:44,213 --> 00:04:46,630 Komplikado at delikado ito 43 00:04:46,713 --> 00:04:49,338 at may kinalaman sa isa sa aming mga kadete. 44 00:04:50,255 --> 00:04:53,463 Isang lalaking nasa ikalawang taon na mula sa Kentucky. 45 00:04:54,255 --> 00:04:56,921 -Leroy Fry. -Diretsahin n'yo na. 46 00:04:58,046 --> 00:05:01,046 Nagbigti si Fry kagabi. 47 00:05:04,921 --> 00:05:06,546 Ikinalulungkot ko 'yan. 48 00:05:07,296 --> 00:05:12,463 Nakakalungkot nga. Pero sana maintindihan mo kami. 49 00:05:12,546 --> 00:05:16,546 Inatasan kami para pangalagaan ang mga kabataang ito 50 00:05:16,630 --> 00:05:20,713 para gawin silang mga ginoo at sundalo, kaya inudyukan namin sila. 51 00:05:21,880 --> 00:05:26,005 Pero alam namin kung kailan kami titigil. 52 00:05:27,296 --> 00:05:28,755 May nagbigting lalaki… 53 00:05:30,588 --> 00:05:33,755 -Isyung pangkoroner ito. -Hindi pa roon nagtatapos. 54 00:05:35,171 --> 00:05:41,505 Nilapastangan ang katawan ni Kadete Fry sa ward ng ospital kagabi. 55 00:05:42,921 --> 00:05:45,546 Nilapastangan? Nino? 56 00:05:45,630 --> 00:05:48,963 Kung alam namin, hindi ka na namin ipinatawag. 57 00:05:49,046 --> 00:05:51,838 Siguradong may mga loko-loko rin sa Akademya. 58 00:05:51,921 --> 00:05:54,505 Hindi ito panloloko, G. Landor. 59 00:05:56,380 --> 00:06:00,130 Kinuha ang puso ni Leroy Fry mula sa dibdib niya. 60 00:06:04,213 --> 00:06:07,296 Dr. Marquis, paano ito magagawa ng isang tao? 61 00:06:08,546 --> 00:06:13,713 Scalpel o kahit anong matalas na kutsilyo. 62 00:06:14,546 --> 00:06:18,463 Pero mahirap maabot ang puso. 63 00:06:20,130 --> 00:06:24,421 Ang mga hiwa sa baga at atay 64 00:06:24,505 --> 00:06:27,630 ay dahil sa pag-iwas ng talim para maiwasan ang puso. 65 00:06:28,796 --> 00:06:31,546 At paano mapepreserba ang puso? 66 00:06:32,505 --> 00:06:34,380 Sa isang lalagyan. 67 00:06:35,171 --> 00:06:38,546 Na nakabalot sa muslin o diyaryo. 68 00:06:39,546 --> 00:06:41,671 Posible ring pinalilibutan ng yelo. 69 00:06:43,213 --> 00:06:44,921 Sinong tao ang gagawa nito? 70 00:06:46,463 --> 00:06:47,713 'Yong malakas. 71 00:06:48,296 --> 00:06:49,505 Hindi babae, ano? 72 00:06:49,588 --> 00:06:53,088 Hindi, base sa mga babaeng nakilala ko. 73 00:06:53,171 --> 00:06:55,713 E, ang kanyang karanasang medikal? 74 00:06:55,796 --> 00:07:00,713 Kailangan bang kasing-edukado at kasingbihasa mo? 75 00:07:02,255 --> 00:07:03,421 Hindi naman. 76 00:07:04,588 --> 00:07:07,088 Kailangan ng ilaw at kaalaman sa paghiwa, 77 00:07:08,380 --> 00:07:11,505 pero di kailangang doktor siya o siruhano. 78 00:07:11,588 --> 00:07:13,171 -Baka isa siyang… -Baliw! 79 00:07:14,546 --> 00:07:15,838 At pagala-gala pa. 80 00:07:18,046 --> 00:07:20,005 Agap, ta! 81 00:07:20,088 --> 00:07:22,546 Patawarin mo ako, G. Landor. 82 00:07:22,630 --> 00:07:25,213 Natagpuan mo kami sa sensitibong posisyon. 83 00:07:26,171 --> 00:07:28,588 May ilang senador sa Washington 84 00:07:28,671 --> 00:07:31,796 ang gusto kaming tuluyang bumagsak. 85 00:07:34,463 --> 00:07:40,588 Tulungan mo kaming iligtas ang dangal ng Akademyang Militar ng Estados Unidos. 86 00:07:41,630 --> 00:07:43,130 Susubukan ko. 87 00:07:47,130 --> 00:07:51,338 Nagbabantay ka kagabi, G. Huntoon. 88 00:07:51,421 --> 00:07:52,463 Opo, sir. 89 00:07:53,088 --> 00:07:56,380 Nagsimula nang 9:30. Bumalik sa silid noong hatinggabi. 90 00:07:56,463 --> 00:07:57,630 Saan naman 'yon? 91 00:07:58,213 --> 00:08:00,338 Ikaapat, sir, mula Fort Clinton. 92 00:08:00,421 --> 00:08:03,130 Inaamin ko, hindi ako pamilyar, 93 00:08:03,213 --> 00:08:05,921 pero mukhang ang kinatatayuan natin 94 00:08:06,005 --> 00:08:10,588 ay hindi ang daan sa Fort Clinton papuntang North Barracks. 95 00:08:10,671 --> 00:08:12,713 -Opo, sir. -Bakit ka umiba ng daan? 96 00:08:12,796 --> 00:08:15,505 May narinig po ako sa daan. 97 00:08:16,338 --> 00:08:17,880 Akala ko, isang hayop. 98 00:08:17,963 --> 00:08:21,380 Para kasing naghihingalo o nabitag, kaya tutulong sana ako. 99 00:08:21,463 --> 00:08:23,546 Maawain kasi ako sa mga hayop. 100 00:08:25,588 --> 00:08:29,421 Patakbo ako rito hanggang sa makita ko si Kadete Fry. 101 00:08:29,505 --> 00:08:31,838 -Kumusta siya? -Hindi maayos, sir. 102 00:08:32,880 --> 00:08:34,255 Tabingi ang pagkabitin. 103 00:08:35,296 --> 00:08:37,921 Para bang inupo siya. 104 00:08:39,130 --> 00:08:40,671 Hindi kita maintindihan. 105 00:08:41,338 --> 00:08:43,463 Nakaapak siya sa lupa, sir. 106 00:08:45,088 --> 00:08:47,880 -Nakaapak siya? -Opo, sir. 107 00:08:50,338 --> 00:08:53,630 Sige. Ano ang sunod mong ginawa? 108 00:08:54,338 --> 00:08:57,546 Tumakbo ako papuntang North Barracks. 109 00:09:01,338 --> 00:09:03,880 Isang tanong na lang, di na kita aabalahin. 110 00:09:04,546 --> 00:09:06,338 May nakita ka bang ibang tao? 111 00:09:07,213 --> 00:09:08,046 Wala, sir. 112 00:09:11,130 --> 00:09:12,171 G. Huntoon. 113 00:09:19,005 --> 00:09:20,005 Ang leeg… 114 00:09:20,755 --> 00:09:23,588 'Yon ang una kong napansin. 115 00:09:24,380 --> 00:09:25,213 Tingnan mo. 116 00:09:26,046 --> 00:09:29,005 Hindi malinis. Nasakal siya ng lubid 117 00:09:29,088 --> 00:09:33,088 at nagtaas-baba ito sa leeg niya. 118 00:09:33,171 --> 00:09:34,588 Para bang… 119 00:09:34,671 --> 00:09:37,421 Para bang nanlaban siya. 120 00:09:40,796 --> 00:09:42,588 Tingnan mo ang mga daliri. 121 00:09:42,671 --> 00:09:46,213 Mga paltos dahil sa paghawak sa lubid 122 00:09:46,296 --> 00:09:50,130 para maialis ito sa kanya. 123 00:09:50,213 --> 00:09:52,421 Ano ang nangyayari dito? 124 00:09:53,463 --> 00:09:55,880 Hindi ito tama. 125 00:09:57,130 --> 00:10:01,505 Maaari mo bang damahin ang likod ng ulo ni G. Fry? 126 00:10:01,588 --> 00:10:03,838 Sinuri mo ba si G. Fry? 127 00:10:03,921 --> 00:10:06,921 Siyempre, dahil 'yon ang trabaho ko. 128 00:10:11,546 --> 00:10:14,130 Hindi ba't tapos na tayo rito? 129 00:10:28,755 --> 00:10:32,255 Parang may bugbog. 130 00:10:33,296 --> 00:10:34,630 Sa parietal region. 131 00:10:35,380 --> 00:10:37,880 Nasa tatlong pulgada. 132 00:10:43,296 --> 00:10:44,796 Hindi ko 'yon napansin. 133 00:10:46,421 --> 00:10:48,796 May pumatay kay G. Fry. 134 00:10:49,588 --> 00:10:52,005 Ito ba ang gusto mong sabihin, G. Landor? 135 00:10:52,088 --> 00:10:55,171 Mukhang may nadiskubre ka, Kapitan Hitchcock. 136 00:11:28,005 --> 00:11:30,171 Di talaga mapapansin ito, doktor. 137 00:11:35,588 --> 00:11:36,671 G. Landor. 138 00:11:40,088 --> 00:11:41,505 Dahil parte ka ng grupo, 139 00:11:42,421 --> 00:11:45,088 mahalagang magtakda ng mga patakaran. 140 00:11:46,713 --> 00:11:49,755 Sa akin ka mag-uulat araw-araw. Ako, sa koronel. 141 00:11:50,338 --> 00:11:54,671 At di ka dapat magkuwento kahit kanino sa loob o labas ng Akademya. 142 00:11:56,171 --> 00:11:58,671 -'Yon lang ba? -Isa na lang. 143 00:12:00,380 --> 00:12:03,880 Di ka puwedeng uminom ng alak habang may imbestigasyon. 144 00:12:06,296 --> 00:12:08,255 Kilala kita. 145 00:12:35,046 --> 00:12:35,880 Paumanhin. 146 00:12:36,755 --> 00:12:39,421 -Ikaw ba si Augustus Landor? -Oo. 147 00:12:39,505 --> 00:12:42,505 Kung tama ako, inatasan kang lutasin ang misteryo 148 00:12:42,588 --> 00:12:44,130 kay Leroy Fry. 149 00:12:44,213 --> 00:12:46,421 Tama. Ano ang maipaglilingkod ko? 150 00:12:46,505 --> 00:12:50,255 Nararapat lang sa akin at sa karangalan ng institusyon 151 00:12:50,338 --> 00:12:53,588 na sabihin ang mga kongklusyong naisip ko. 152 00:12:53,671 --> 00:12:54,630 Mga kongklusyon? 153 00:12:54,713 --> 00:12:57,005 Hinggil kay G. Fry. 154 00:12:58,005 --> 00:12:59,630 Interesado ako. 155 00:13:00,796 --> 00:13:02,338 Ang lalaking hinahanap mo 156 00:13:04,255 --> 00:13:05,255 ay isang makata. 157 00:13:15,296 --> 00:13:16,588 Private Cochrane. 158 00:13:17,213 --> 00:13:20,671 Nang dalhin ang katawan ni Leroy Fry sa ospital, 159 00:13:20,755 --> 00:13:23,338 ikaw ang inatasang magbantay? 160 00:13:23,421 --> 00:13:24,630 Opo, sir. 161 00:13:25,255 --> 00:13:29,796 -May nangyari ba habang nagbabantay ka? -Wala po hanggang 2:30. 162 00:13:29,880 --> 00:13:32,713 -May pumalit na sa akin n'on. -Sino ang pumalit? 163 00:13:34,546 --> 00:13:38,338 -Private, sino ang pumalit sa iyo? -Hindi ko masasabi, sir. 164 00:13:39,421 --> 00:13:40,921 Basta opisyal din po. 165 00:13:42,213 --> 00:13:44,546 -Hindi nagpakilala? -Hindi po, sir. 166 00:13:45,213 --> 00:13:47,296 Pero di ko 'yon aasahan sa opisyal. 167 00:13:49,671 --> 00:13:51,338 Ano ang sinabi niya sa iyo? 168 00:13:51,963 --> 00:13:56,546 Sabi niya, "Salamat, Private. 'Yon lang. Papalitan na kita." 169 00:13:56,630 --> 00:14:00,296 -Kakaibang hiling, tama? -Opo, sobra, sir. 170 00:14:02,505 --> 00:14:05,671 -Nakita mo ba ang mukha niya? -Hindi po, sir. 171 00:14:05,755 --> 00:14:07,963 Napakadilim at nakakandila lang ako. 172 00:14:08,046 --> 00:14:10,588 Kung gayon, paano mo nasabing opisyal 'yon? 173 00:14:10,671 --> 00:14:15,421 Dahil sa bar sa balikat, sir. Pero inaamin ko, sobra pong kakaiba. 174 00:14:15,505 --> 00:14:17,380 -Paanong kakaiba? -Ang mga bar. 175 00:14:17,921 --> 00:14:20,713 Nawawala ang mga bar sa kaliwang balikat. 176 00:14:39,255 --> 00:14:40,921 Heto na nga siya. 177 00:14:42,005 --> 00:14:44,963 Alam ni Benny pag gusto ng isang lalaki na uminom. 178 00:14:45,046 --> 00:14:49,130 Makita ko lang 'yan, umiinit na ang dugo ko. 179 00:14:49,921 --> 00:14:51,380 -Benny! -Sir. 180 00:14:51,463 --> 00:14:54,755 -Para sa mga patakaran. -Wala akong pakiala. 181 00:15:01,630 --> 00:15:02,630 Patsy. 182 00:15:03,546 --> 00:15:04,463 Patsy! 183 00:15:04,546 --> 00:15:05,546 Ano ang problema? 184 00:15:08,213 --> 00:15:09,963 Nabalitaan mo 'yong kadete? 185 00:15:11,505 --> 00:15:14,588 -Sabi nila, ilang oras pa bago namatay. -"Nila"? 186 00:15:16,838 --> 00:15:17,671 Niya. 187 00:15:31,296 --> 00:15:34,088 Hindi ba't dapat nasa recital ka? 188 00:15:34,171 --> 00:15:35,755 Magandang gabi. Recital? 189 00:15:35,838 --> 00:15:37,296 Di naman ako mapapansin. 190 00:15:37,963 --> 00:15:39,796 Malay nilang nasa Akademya ako. 191 00:15:39,880 --> 00:15:45,005 At isa pa, mas maraming matututunan dito kaysa sa ibang silid-aralan. 192 00:15:46,171 --> 00:15:47,255 Di ako duda riyan. 193 00:15:47,338 --> 00:15:50,880 Maupo ka, pakiusap. Umupo ka… 194 00:15:50,963 --> 00:15:52,880 -Sa upuan? -Sa upuan. Salamat. 195 00:15:54,588 --> 00:15:56,713 Fourth Classman Poe. E. A. Poe. 196 00:15:57,630 --> 00:15:59,213 Edgar A. Poe. 197 00:16:00,005 --> 00:16:02,338 Mukhang marami ka nang nainom. 198 00:16:02,421 --> 00:16:05,046 Nakakatulong para mawala ang lungkot. 199 00:16:12,546 --> 00:16:17,838 Paano mo pala nalaman ang tungkol kay Leroy Fry? 200 00:16:18,630 --> 00:16:21,338 Kay Huntoon, siyempre. 201 00:16:21,421 --> 00:16:25,630 Ibinabalita niya iyon sa lahat. 202 00:16:25,713 --> 00:16:27,921 Baka nga may bumigti na sa kaniya. 203 00:16:29,880 --> 00:16:32,921 Ibig mo bang sabihin, may bumigti kay G. Fry? 204 00:16:33,005 --> 00:16:34,921 Wala akong ibig sabihin. 205 00:16:37,296 --> 00:16:43,463 Bakit sa tingin mo, ang kumuha sa puso ni Leroy Fry 206 00:16:44,171 --> 00:16:45,171 ay isang makata? 207 00:16:45,963 --> 00:16:46,796 Kasi… 208 00:16:48,588 --> 00:16:51,755 Ang puso ay isang simbolo o ito'y wala lang. 209 00:16:52,338 --> 00:16:54,588 Pag inalis ang simbolo, ano na ito? 210 00:16:56,296 --> 00:17:00,796 Isa lang itong lamang hindi naiiba ang hitsura sa pantog. 211 00:17:01,505 --> 00:17:05,088 Pero ang pagtanggal ng puso ay simbolo ng paggawa ng ilegal. 212 00:17:05,171 --> 00:17:07,255 At sino ang gagawa n'on 213 00:17:09,046 --> 00:17:09,880 kundi makata? 214 00:17:10,588 --> 00:17:13,755 Isang makatang literal mag-isip… 215 00:17:13,838 --> 00:17:16,338 Huwag kang magpanggap na ang bagay na ito 216 00:17:16,421 --> 00:17:21,963 ay hindi gumising sa mga alam mo sa panitikan. 217 00:17:24,588 --> 00:17:27,046 Ang nakatutuwang awit ni Lord Sucking, 218 00:17:27,130 --> 00:17:31,130 "Pakiusap, ibalik mo ang puso ko Dahil hindi ko makuha ang sa iyo" 219 00:17:31,213 --> 00:17:33,338 O sa Bibliya mismo, 220 00:17:33,421 --> 00:17:35,296 "Gawan ako ng malinis na puso." 221 00:17:35,380 --> 00:17:39,421 "Ang bagbag at nagsisising puso ay hindi mo wawalaing kabuluhan." 222 00:17:40,171 --> 00:17:44,505 E, di sana relihiyoso ang hinahanap natin. 223 00:17:44,588 --> 00:17:49,213 Nalimutan kong sabihin na isa rin akong makata 224 00:17:49,296 --> 00:17:50,921 kaya ganoon ako mag-isip. 225 00:17:52,213 --> 00:17:54,338 Di ako magaling sa mga tula. 226 00:17:55,088 --> 00:17:56,880 Di mo kailangan. Amerikano ka. 227 00:17:58,546 --> 00:17:59,546 At ikaw? 228 00:17:59,630 --> 00:18:03,921 Isang makata na walang bansa. 229 00:18:04,796 --> 00:18:06,088 Ano, G. Landor? 230 00:18:08,463 --> 00:18:09,713 Nakatulong ka. 231 00:18:13,463 --> 00:18:16,921 Baka gusto mong kausapin ang kadeteng si Loughborough. 232 00:18:17,963 --> 00:18:22,838 Dati silang magkasama sa kuwarto ni Leroy Fry hanggang mag-away sila. 233 00:18:23,838 --> 00:18:27,380 Kung bakit, walang nakaaalam. 234 00:18:47,421 --> 00:18:48,713 G. Loughborough. 235 00:18:48,796 --> 00:18:53,213 Sabihin mo kay G. Landor kung paano kayo nagkakilala ni G. Fry. 236 00:18:53,296 --> 00:18:56,005 Opo, sir. Magkasama kami sa kuwarto. 237 00:18:58,380 --> 00:19:00,755 Nag-away ba kayo? 238 00:19:02,046 --> 00:19:04,838 Hindi ko masasabing away. Parang… 239 00:19:07,130 --> 00:19:09,630 pag-iiba lang ng landas, sir. 240 00:19:10,630 --> 00:19:11,963 Bakit nangyari iyon? 241 00:19:12,880 --> 00:19:14,213 Wala, kasi… 242 00:19:16,046 --> 00:19:17,421 ganoon talaga. 243 00:19:17,505 --> 00:19:19,921 Kung may alam ka tungkol kay G. Fry, 244 00:19:20,005 --> 00:19:21,838 dapat mo itong sabihin ngayon. 245 00:19:22,880 --> 00:19:25,588 Ganito 'yon, sir. 246 00:19:27,588 --> 00:19:29,963 Napalapit kasi siya 247 00:19:31,421 --> 00:19:32,838 sa masasamang kasama. 248 00:19:34,213 --> 00:19:36,171 Iyon ang tawag niya sa kanila. 249 00:19:38,046 --> 00:19:43,046 'Yong "masasamang kasama" ba ay mga kadete rin? 250 00:19:43,130 --> 00:19:46,338 Hindi niya sinabi, pero tingin ko. 251 00:19:46,421 --> 00:19:48,588 At bakit di ka agad nagsalita? 252 00:19:48,671 --> 00:19:52,046 Di ko akalaing may kaugnayan pala 'yon 253 00:19:53,255 --> 00:19:55,296 dahil matagal na 'yong nangyari. 254 00:19:58,505 --> 00:19:59,505 Makakaalis ka na. 255 00:20:02,463 --> 00:20:03,755 G. Stoddard. 256 00:20:05,130 --> 00:20:08,630 Ikaw ang huling nakakita nang buhay kay G. Fry. 257 00:20:10,005 --> 00:20:11,171 Opo, sir. 258 00:20:11,255 --> 00:20:13,588 -Magsalita ka. -May sakit ako, sir. 259 00:20:15,505 --> 00:20:18,130 Nakita ko si Leroy noong gabi. 260 00:20:18,880 --> 00:20:21,505 Nakasalubong ko siya sa pagpasok ng barracks. 261 00:20:23,088 --> 00:20:24,213 Kinausap mo siya? 262 00:20:24,796 --> 00:20:27,630 Pinahinto niya ako, tinanong kung may opisyal. 263 00:20:28,755 --> 00:20:29,838 Ang hitsura niya? 264 00:20:31,713 --> 00:20:34,880 Masyadong madilim. Kaya di ako tiwala sa memorya ko. 265 00:20:35,588 --> 00:20:39,088 Napansin mo bang may dala siyang lubid? 266 00:20:39,796 --> 00:20:41,171 Wala naman. 267 00:20:43,796 --> 00:20:44,963 May isa pa. 268 00:20:46,213 --> 00:20:49,880 Habang paalis siya, tinanong ko kung saan siya papunta. 269 00:20:50,505 --> 00:20:51,505 Tapos? 270 00:20:52,546 --> 00:20:54,505 Sabi niya, "Mahalagang gawain." 271 00:20:55,880 --> 00:20:57,463 Ano kaya iyon? 272 00:20:59,088 --> 00:21:00,171 Di ko alam. 273 00:21:05,505 --> 00:21:06,546 Makakaalis ka na. 274 00:21:17,838 --> 00:21:19,755 -Paumanhin, Kapitan. -Ano iyon? 275 00:21:30,296 --> 00:21:31,880 Diyos ko. 276 00:21:33,213 --> 00:21:37,421 "Isang baka at tupa ang pinatay at pinagpuputol sa Cold Spring." 277 00:21:37,505 --> 00:21:41,005 "Binuksan ang mga dibdib nila at tinanggal ang mga puso." 278 00:21:42,588 --> 00:21:45,588 May lalang ba ng Diyos ang ligtas sa lalaking 'to? 279 00:21:45,671 --> 00:21:48,213 Di natin alam kung siya rin ito. 280 00:21:49,088 --> 00:21:50,130 Ano? 281 00:21:50,963 --> 00:21:52,421 Nagkataon lang, ganoon?