1 00:00:15,056 --> 00:00:15,890 Harlem. 2 00:00:15,974 --> 00:00:17,851 Noong 1920s, 3 00:00:17,934 --> 00:00:20,311 ito ang Black Mecca para sa bagong negro. 4 00:00:22,439 --> 00:00:24,482 Noong Great Migration, 5 00:00:24,566 --> 00:00:27,402 tinakasan ng Black Southerners ang Jim Crow laws 6 00:00:27,485 --> 00:00:30,280 at nagtakda ng sarili nilang landas tungo sa kalayaan. 7 00:00:30,780 --> 00:00:32,449 Kalayaang mag-isip, 8 00:00:32,532 --> 00:00:34,409 kalayaang maging Black, 9 00:00:34,492 --> 00:00:36,411 o maging sila. 10 00:00:37,454 --> 00:00:40,540 Dito lumipat ang lahat. 11 00:00:42,292 --> 00:00:44,794 Pinasigla ng pagdating nila ang Harlem Renaissance, 12 00:00:45,378 --> 00:00:47,839 isang maunlad na sentro ng Black culture, 13 00:00:47,922 --> 00:00:50,300 musika, panitikan, sining, 14 00:00:50,383 --> 00:00:53,136 aktibismo, at pagkain. 15 00:00:54,471 --> 00:00:57,640 Ang diwa ng Timog na bitbit nila ang bumuo sa Harlem cuisine. 16 00:00:58,141 --> 00:01:00,185 At nagpapatuloy ito ngayon 17 00:01:00,810 --> 00:01:04,564 sa mga street vendor, kainan, at cocktail bar sa lugar, 18 00:01:04,647 --> 00:01:07,817 na buhay na legasiya ng Renaissance. 19 00:01:08,735 --> 00:01:10,528 Kahit naipinta na ang painting, 20 00:01:10,612 --> 00:01:12,906 naawit na ang awitin, 21 00:01:12,989 --> 00:01:14,657 hindi pa tapos hangga't di kumakain. 22 00:02:03,748 --> 00:02:05,166 HIGH ON THE HOG 23 00:02:05,250 --> 00:02:08,294 PAANO BINAGO NG AFRICAN AMERICAN CUISINE ANG AMERICA 24 00:02:08,378 --> 00:02:09,796 ANG BLACK MECCA 25 00:02:09,879 --> 00:02:12,590 I, too, sing America 26 00:02:13,174 --> 00:02:14,968 I am the darker brother 27 00:02:15,051 --> 00:02:18,346 They send me to eat in the kitchen When company comes 28 00:02:19,013 --> 00:02:22,559 But I laugh, and eat well And grow strong 29 00:02:23,309 --> 00:02:26,980 Tomorrow, I'll be at the table When company comes 30 00:02:27,063 --> 00:02:30,733 Nobody'll dare say to me "Eat in the kitchen," then 31 00:02:30,817 --> 00:02:34,112 Besides, they'll see how beautiful I am 32 00:02:34,195 --> 00:02:38,783 How beautiful I am 33 00:02:38,867 --> 00:02:40,034 And be ashamed 34 00:02:40,118 --> 00:02:43,288 I too am America 35 00:02:46,916 --> 00:02:51,087 Nang umalis ang mga African American sa piling ng mga kapamilya nila sa Timog, 36 00:02:51,171 --> 00:02:53,548 binitbit nila ang ilang bahagi ng tahanan nila. 37 00:02:54,048 --> 00:02:56,342 Dinala nila ang mga tradisyon at kakayahang 38 00:02:56,426 --> 00:02:59,804 magpapatuloy sa paglikha ng mga bagong ugnayan at negosyo. 39 00:03:02,348 --> 00:03:06,644 -Welcome! -Welcome sa Charles Pan-Fried Chicken! 40 00:03:06,728 --> 00:03:10,857 Matagal ko nang naririnig ang kuwento ng alamat ng Harlem na si Charles Gabriel. 41 00:03:11,649 --> 00:03:15,653 James Beard nominated chef at direktang migrante mula sa Timog 42 00:03:15,737 --> 00:03:19,616 na piniprito ang manok sa cast-iron pans. 43 00:03:20,200 --> 00:03:24,120 Ngayon, inimbitahan ako ni Chef Charles 44 00:03:24,204 --> 00:03:29,250 at ng protégé niyang si Chef Quie para kumain ng specialty ng Harlem. 45 00:03:29,334 --> 00:03:31,294 Chef Charles, Chef Quie. 46 00:03:31,377 --> 00:03:33,338 -Kumusta? Ikinalulugod ko. -Kumusta? 47 00:03:33,421 --> 00:03:34,881 Karangalan ang makilala kayo. 48 00:03:34,964 --> 00:03:36,883 -Salamat sa pagpunta. -Kumusta? 49 00:03:36,966 --> 00:03:39,135 Upo ka, naglagay na kami ng chargers. 50 00:03:39,219 --> 00:03:41,012 -May manok. Bibigyan kita. -Salamat. 51 00:03:41,095 --> 00:03:42,680 Chef Charles, upo na. Ako na rito. 52 00:03:42,764 --> 00:03:44,057 Sige. 53 00:03:44,682 --> 00:03:46,684 Ikaw naman ang pagsisilbihan. 54 00:03:46,768 --> 00:03:48,353 -Salamat. -Deserve mo 'yon. 55 00:03:48,436 --> 00:03:50,521 Masaya akong makasama kayo. 56 00:03:50,605 --> 00:03:51,439 Salamat. 57 00:03:51,522 --> 00:03:53,650 Ikinalulungkot kong 58 00:03:53,733 --> 00:03:56,402 ngayon ko lang natikman ang luto mo, 59 00:03:56,486 --> 00:03:59,906 pero sa wakas, mangyayari na 'to. 60 00:03:59,989 --> 00:04:02,075 Ang sarap naman. 61 00:04:02,158 --> 00:04:03,243 -Heto na. -Salamat. 62 00:04:03,326 --> 00:04:04,744 -Walang anuman. -Salamat. 63 00:04:05,411 --> 00:04:07,747 Parang panaginip lang. 64 00:04:08,373 --> 00:04:09,832 Kilala mo naman siguro 'to. 65 00:04:09,916 --> 00:04:11,251 Kilalang-kilala ko. 66 00:04:11,334 --> 00:04:13,544 -Chicken at waffles, di ba? -Tama. 67 00:04:13,628 --> 00:04:14,837 -Alam kong ex… -Mali. 68 00:04:14,921 --> 00:04:17,757 Charles Pan-fried Chicken at Waffles 'yan. 69 00:04:17,840 --> 00:04:20,301 -Sorry. Oo nga. -'Yan ang pinagkaiba nito. 70 00:04:20,385 --> 00:04:22,136 -Gusto mo ng honey? -Bakit hindi? 71 00:04:22,220 --> 00:04:24,138 -Oo naman. -Ganyan ba dapat? 72 00:04:24,222 --> 00:04:26,391 -Ganyan dito. -Sige. Lagyan mo na. 73 00:04:26,474 --> 00:04:28,601 -Kailangan 'to. Importante. -Sige. 74 00:04:28,685 --> 00:04:29,769 Kaunti lang. 75 00:04:30,478 --> 00:04:31,813 Mukhang masarap. 76 00:04:32,897 --> 00:04:33,898 Ayos. 77 00:04:34,565 --> 00:04:36,818 Ano? Kamayin mo na. Bahay mo 'to. 78 00:04:36,901 --> 00:04:38,861 Kakamayin ko na. Sige. 79 00:04:40,613 --> 00:04:41,447 Naku. 80 00:04:42,282 --> 00:04:43,616 Oo. 81 00:04:44,617 --> 00:04:47,412 -Diyos ko. -Nalalasahan mo ang pagmamahal ni Charles. 82 00:04:47,495 --> 00:04:50,206 Ibinabalik ka sa pagkabata mo. 83 00:04:50,290 --> 00:04:54,252 Noong naglalaro kang nakayapak. Hindi alam ang kakainin. Wala kang makain. 84 00:04:54,752 --> 00:04:58,298 Late na para maghapunan. Pero maaga pa para mag-agahan. 85 00:04:58,381 --> 00:05:00,633 Sakto ang chicken waffles do'n. 86 00:05:02,093 --> 00:05:03,720 Sobrang sarap nito. 87 00:05:03,803 --> 00:05:04,637 Salamat. 88 00:05:05,263 --> 00:05:08,349 Hindi mo makukuha ang lutong na 'yon 89 00:05:08,933 --> 00:05:10,018 kung walang kawali. 90 00:05:10,101 --> 00:05:14,355 Pinagawa ko pa 'yong kawali sa Timog, sa steel plant. 91 00:05:14,439 --> 00:05:16,941 Sila ang gumawa ng kawali na dinala ko sa New York. 92 00:05:17,025 --> 00:05:18,443 Gaano katagal na 'yon? 93 00:05:18,526 --> 00:05:19,402 Siguro, 94 00:05:20,153 --> 00:05:21,988 40 taon na ang nakalipas. 95 00:05:22,071 --> 00:05:23,281 Kawaling 40 years old. 96 00:05:23,364 --> 00:05:25,658 -Oo. -Oo. 97 00:05:25,742 --> 00:05:28,995 Maliit na kawali ang dala ko noon. 98 00:05:29,078 --> 00:05:33,708 Tapos nagpagawa ako no'ng magkakasya ang apat sa kalan. 99 00:05:33,791 --> 00:05:36,127 -Para sabay-sabay na gagamitin. -Para… Oo. 100 00:05:36,210 --> 00:05:39,047 Tapos bumili ako ng truck. 101 00:05:39,130 --> 00:05:41,841 Ako lang ang may food truck noon. 102 00:05:41,924 --> 00:05:44,135 -Talaga? Early '80s 'to? -Oo. 103 00:05:44,218 --> 00:05:45,136 Eighties. Tama. 104 00:05:45,219 --> 00:05:49,057 Hinahabol ako ng mga nakakotse, pero di nila ako maabutan. 105 00:05:49,140 --> 00:05:50,933 -Hinahabol 'yong truck mo? -Oo. 106 00:05:51,017 --> 00:05:55,438 No'ng dumami, sabi ko, "Wow. Kailangan kong magbukas ng restaurant." 107 00:05:55,521 --> 00:05:57,315 Saka ko itinayo 'yong una. 108 00:05:57,857 --> 00:06:01,110 Mula pa sa North Carolina ang kuwento mo. 109 00:06:01,194 --> 00:06:02,779 Ikuwento mo ang kabataan mo. 110 00:06:02,862 --> 00:06:05,239 Labindalawa ang lalaki, walo ang babae kong kapatid. 111 00:06:06,074 --> 00:06:09,118 -Labindalawang lalaki, walong babae? -Oo. 112 00:06:09,202 --> 00:06:11,871 Dapat maunawaan ng mga tao 'yon. 113 00:06:12,663 --> 00:06:15,041 Labindalawang kapatid na lalaki at walong babae. 114 00:06:15,124 --> 00:06:16,584 Nag-sharecropping kami. 115 00:06:16,667 --> 00:06:20,463 Minsan naglalakad kami nang walong kilometro papunta sa sakahan. 116 00:06:20,546 --> 00:06:21,964 Aalis kami nang 6:00, 117 00:06:22,048 --> 00:06:24,008 uuwi nang 6:00. 118 00:06:24,092 --> 00:06:27,345 Pag-uwi namin, magkakatay pa kami ng manok. 119 00:06:27,428 --> 00:06:29,305 Lahat kami, may gawaing-bahay. 120 00:06:29,389 --> 00:06:33,184 Ako ang tagabaliktad ng manok sa kawali. 121 00:06:33,267 --> 00:06:37,146 Wala kaming kalan. Sa kahoy kami nagluluto. 122 00:06:37,230 --> 00:06:38,815 Tapos sabi ng nanay ko, 123 00:06:38,898 --> 00:06:41,692 "Baliktarin mo itong manok 124 00:06:41,776 --> 00:06:44,404 kada ilang minuto." Kaya 'yon ang ginawa ko. 125 00:06:44,487 --> 00:06:47,532 Sabi niya, "Dapat hiwain ang manok, 126 00:06:47,615 --> 00:06:49,992 timplahan. Ibabad nang walong oras." 127 00:06:50,076 --> 00:06:52,537 "Pagkatapos ng walong oras, iprito mo." 128 00:06:52,620 --> 00:06:54,747 Kaya sa tuwing uuwi kami, 129 00:06:54,831 --> 00:06:57,834 ihahanda namin 'yong manok para sa kinabukasan. 130 00:06:57,917 --> 00:07:00,837 Hindi na binababad sa asin? 131 00:07:00,920 --> 00:07:02,672 Walang buttermilk? 132 00:07:02,755 --> 00:07:04,882 -Wala? -Wala. Gatas at itlog lang. 133 00:07:04,966 --> 00:07:07,593 -Iyon lang. Gatas at itlog. -Gatas at itlog. 134 00:07:07,677 --> 00:07:11,055 At 'yong espesyal na pampalasa ni Mama. 135 00:07:11,139 --> 00:07:13,474 Ito ba 'yong recipe na kinalakhan mo? 136 00:07:13,558 --> 00:07:14,976 Oo. 137 00:07:15,643 --> 00:07:19,230 Binigay ni Mama 'yong recipe, na pinatikim ko naman sa iba. 138 00:07:19,313 --> 00:07:22,775 Alam n'yo naman kung bakit. 139 00:07:22,859 --> 00:07:25,987 Para ipagpatuloy ang legasiya at recipe ng nanay mo. 140 00:07:26,571 --> 00:07:28,114 Nami-miss mo ba ang Timog? 141 00:07:28,197 --> 00:07:29,031 Hindi. 142 00:07:29,532 --> 00:07:32,618 Nagtrabaho ako doon sa isang dairy farm. 143 00:07:33,453 --> 00:07:38,207 Isang araw, ginagatasan ko 'yong baka, natapon ko 'yong isang timba ng gatas. 144 00:07:39,876 --> 00:07:42,253 Sinipa ako no'ng isang lalaki. 145 00:07:45,339 --> 00:07:47,133 Dahil naitapon ko 'yong gatas. 146 00:07:48,676 --> 00:07:51,429 Minura niya ako. Pinauwi niya ako. 147 00:07:52,388 --> 00:07:56,058 Umuwi ako. Sinabi ko kay Mama. 148 00:07:57,059 --> 00:07:59,353 Pero bumalik pa rin ako. 149 00:07:59,437 --> 00:08:02,607 Wala akong choice. Kailangan ko ng pera. 150 00:08:02,690 --> 00:08:04,066 Kailangan mong bumalik. 151 00:08:04,150 --> 00:08:05,443 Oo, bumalik ako. 152 00:08:05,526 --> 00:08:07,528 Hindi lang siya sinipa. 153 00:08:07,612 --> 00:08:10,239 Sinipa, tapos gumapang na siya pauwi. 154 00:08:10,323 --> 00:08:12,825 Binugbog siya dahil natapon 'yong gatas. 155 00:08:12,909 --> 00:08:13,951 Oo. 156 00:08:14,035 --> 00:08:16,287 Kaya pagdating ko sa New York, 157 00:08:16,370 --> 00:08:20,124 blessing 'yon dahil magagawa ko ang gusto ko. 158 00:08:20,958 --> 00:08:22,877 Hindi 'yong gusto ng iba. 159 00:08:24,253 --> 00:08:25,630 Para akong lumaya. 160 00:08:26,631 --> 00:08:27,882 Oo. 161 00:08:27,965 --> 00:08:30,009 Chef Quie, 162 00:08:30,635 --> 00:08:32,887 paano mo nakasama si Chef Charles? 163 00:08:32,970 --> 00:08:36,015 Idol ko na siya noon pa. Nagtatrabaho siya noon sa Copeland's. 164 00:08:36,098 --> 00:08:39,519 Pumupunta kami doon ng pamilya ko tuwing Sunday kapag may pera. 165 00:08:39,602 --> 00:08:42,063 -Oo. -Nag-apply akong katulong niya sa kusina. 166 00:08:42,146 --> 00:08:44,023 Una ko siyang nakatrabaho 167 00:08:44,106 --> 00:08:47,944 sa simbahan, nagpakain kami ng mga palaboy noong panahong ng COVID. 168 00:08:48,027 --> 00:08:49,320 Ang galing. 169 00:08:49,403 --> 00:08:53,407 At 'yong paglapit mo sa idol mo 170 00:08:53,491 --> 00:08:55,701 sa panahong napakahirap 171 00:08:55,785 --> 00:08:58,579 kung kailan nagsasara ang mga restaurant 172 00:08:58,663 --> 00:09:03,584 at pagsasabi mong, "Nandito ako." Napansin ko rin 'yon. 173 00:09:04,293 --> 00:09:07,755 Bahagi ng karanasan ng pagiging Black 174 00:09:07,838 --> 00:09:12,510 ang talunin ang isang bagay na akala mong tatalo sa 'yo, 175 00:09:13,719 --> 00:09:18,099 tapos magiging legasiya mo na 'yon. 176 00:09:18,182 --> 00:09:20,977 'Yon ang pinakatumpak sa mga Black. 177 00:09:21,060 --> 00:09:23,145 'Yon ang nagpapatuloy na diwa ng Renaissance. 178 00:09:23,229 --> 00:09:26,357 Kaya napakahalaga ng Harlem restaurants. Kasaysayan 'to. 179 00:09:26,440 --> 00:09:27,608 Para ituloy 'yon. 180 00:09:27,692 --> 00:09:30,278 Hindi ko malilimutan 181 00:09:30,361 --> 00:09:33,197 ang usapang 'to. 182 00:09:33,281 --> 00:09:36,450 Karangalan ang matuto mula sa inyo. 183 00:09:37,159 --> 00:09:40,871 At nagpapasalamat din ako sa iyo, kapatid, 184 00:09:40,955 --> 00:09:44,000 dahil tinuturuan mo kami 185 00:09:44,083 --> 00:09:46,419 kung paano dapat sinusuportahan at pinoprotektahan 186 00:09:46,502 --> 00:09:48,254 ang mga alamat sa ating komunidad. 187 00:09:48,337 --> 00:09:51,882 -Salamat. -Salamat, Chef Quie. 188 00:09:51,966 --> 00:09:53,509 At Chef Charles. 189 00:09:53,593 --> 00:09:55,886 -Nakakatuwa kayo. Salamat. -Salamat. 190 00:10:02,351 --> 00:10:05,146 Bahagi si Chef Charles ng kilalang pangkat 191 00:10:05,229 --> 00:10:07,481 ng matatagumpay na Black Harlem business, 192 00:10:07,565 --> 00:10:10,276 na nagmula sa legasiya ng Harlem Renaissance, 193 00:10:10,818 --> 00:10:14,572 panahon na nagsanib-puwersa ang sining ng mga Black chef 194 00:10:14,655 --> 00:10:15,865 at jazz artist. 195 00:10:17,742 --> 00:10:20,536 Pupuntahan ko naman ang kilalang restaurateur 196 00:10:20,620 --> 00:10:22,079 na si Alexander Smalls, 197 00:10:22,163 --> 00:10:25,458 na kilala sa muling pagbubukas ng sikat na Renaissance hot spot, 198 00:10:25,541 --> 00:10:26,917 ang Minton's Playhouse. 199 00:10:28,419 --> 00:10:31,047 At ang sister restaurant nito, ang Cecil. 200 00:10:31,589 --> 00:10:35,426 Ilang taon na akong di nakakaupo sa kinaiinggitang lamesang 'to. 201 00:10:35,509 --> 00:10:38,554 Marami nang artista at VIP na kumain dito. 202 00:10:39,472 --> 00:10:40,890 Hello, tol. Kumusta? 203 00:10:40,973 --> 00:10:43,142 -Kumusta? Good to see you. -Ayos lang. Ikaw rin. 204 00:10:43,225 --> 00:10:45,436 -Tagal mo nang di pumupunta rito. -Oo nga. 205 00:10:45,519 --> 00:10:46,729 Hello. 206 00:10:46,812 --> 00:10:49,231 Tumangkad ka nang isa o dalawang pulgada. 207 00:10:49,315 --> 00:10:51,567 Malabo 'yan. 208 00:10:52,193 --> 00:10:53,361 Welcome back sa Harlem. 209 00:10:53,444 --> 00:10:55,988 Maraming salamat. Masaya akong makabalik. 210 00:10:56,614 --> 00:11:00,076 -Lalo na rito. -Alam ko, salamat. Nakakatuwa naman. 211 00:11:00,159 --> 00:11:03,954 Tama lang na dumaan ako rito 212 00:11:04,038 --> 00:11:10,127 dahil ito ang pinakakinaiinggitang lamesa sa Harlem. 213 00:11:10,211 --> 00:11:14,423 Kung mababalikan mo ang kahapon, 214 00:11:14,507 --> 00:11:17,385 at babasahin mo 215 00:11:17,468 --> 00:11:21,639 ang ilan sa mga kuwento at nobela ng Harlem writers, 216 00:11:21,722 --> 00:11:24,350 mapapakinggan nang husto 'yong tugtugin. 217 00:11:24,850 --> 00:11:26,769 "Gimme a Pigfoot and a Bottle of Beer." 218 00:11:26,852 --> 00:11:28,896 Gimme a pigfoot 219 00:11:29,522 --> 00:11:32,149 And a bottle of beer 220 00:11:32,233 --> 00:11:34,360 Simula't sapul, bahagi na 221 00:11:36,028 --> 00:11:38,239 ng buhay ng mga Black 222 00:11:38,948 --> 00:11:42,118 at kayumanggi ang pagkain. 223 00:11:42,201 --> 00:11:44,537 Sa tingin ko, 224 00:11:45,121 --> 00:11:48,708 hindi tayo magkakaroon 225 00:11:48,791 --> 00:11:51,168 ng Renaissance kung wala ang pagkain natin. 226 00:11:51,252 --> 00:11:53,462 Hindi pinahahalagahan na tulad ng sining 227 00:11:53,546 --> 00:11:56,924 at panitikan ang pagkain, 228 00:11:57,007 --> 00:12:00,720 pero ito ang pinagmulan ng lahat ng 'yon. 229 00:12:00,803 --> 00:12:05,099 Kahit naipinta ang painting, naawit na ang awitin, 230 00:12:05,182 --> 00:12:08,394 noong nagawa na natin ang lahat ng pagkamalikhain, 231 00:12:08,477 --> 00:12:10,855 hindi pa tapos 'yon hangga't di kumakain. 232 00:12:12,982 --> 00:12:16,902 Hindi talaga puwedeng walang kainan. 233 00:12:16,986 --> 00:12:20,322 Umpisa pa lang ng kasaysayan natin, mayro'n na 'yon. 234 00:12:20,906 --> 00:12:24,869 Maraming nanggaling sa Timog 235 00:12:24,952 --> 00:12:29,498 na naglunsad ng rent parties. 236 00:12:30,207 --> 00:12:32,793 Magtitipon sila sa bahay ng isa't isa, 237 00:12:32,877 --> 00:12:35,546 tapos magbebenta ng iniluto nila. 238 00:12:35,629 --> 00:12:38,758 -Pagkain ang pinakamahalaga ro'n. -Pagkain nga. 239 00:12:38,841 --> 00:12:42,678 Lumikha sila ng social dynamic 240 00:12:42,762 --> 00:12:45,973 sa sarili nilang tahanan. 241 00:12:46,056 --> 00:12:48,601 Pag nababasa ko ang tungkol sa Harlem Renaissance, 242 00:12:48,684 --> 00:12:51,353 at 'yong parties nila… 243 00:12:53,647 --> 00:12:55,107 nai-inspire ako. 244 00:12:55,191 --> 00:12:58,194 Napakaimportanteng parte 'yon ng legasiya ng Harlem 245 00:12:58,277 --> 00:13:00,237 na pinagpapatuloy mo. 246 00:13:00,321 --> 00:13:01,572 Kaya nga ginagawa ko 'to. 247 00:13:01,655 --> 00:13:04,116 Nagluto ako ng masarap. Sana. 248 00:13:04,200 --> 00:13:05,117 Wow! 249 00:13:06,118 --> 00:13:07,036 Diyos ko. 250 00:13:07,119 --> 00:13:11,248 "Wow" sa dami o "wow" sa putahe? 251 00:13:11,332 --> 00:13:14,960 -Nakakalula lang. -Nakakalula. 252 00:13:15,044 --> 00:13:16,378 Sabihin mo lahat. 253 00:13:16,462 --> 00:13:22,134 Okay. Ito ang green lima bean ham hock stew. 254 00:13:22,676 --> 00:13:25,930 Na may heirloom carrots. Mais. 255 00:13:26,013 --> 00:13:27,681 At matamis ang mais ngayon. 256 00:13:27,765 --> 00:13:32,478 May durog na kamatis, sage, thyme, rosemary. 257 00:13:33,062 --> 00:13:37,691 Pinausukang liempo para magkalasa. 258 00:13:37,775 --> 00:13:38,609 Oo. 259 00:13:38,692 --> 00:13:40,903 -Magugustuhan mo 'to. -Oo naman. 260 00:13:40,986 --> 00:13:43,197 May black rice tayo. 261 00:13:43,697 --> 00:13:46,367 Kasi paborito ko 'to. 262 00:13:46,450 --> 00:13:50,955 Pinsan ng red rice, na bigas na nagmula sa Africa 263 00:13:51,038 --> 00:13:55,084 at dinala sa South Carolina tulad ng ginto ng Carolina. 264 00:13:55,167 --> 00:13:56,377 Tara. 265 00:13:56,460 --> 00:13:59,839 Isang karangalang makasama ka ulit dito. 266 00:13:59,922 --> 00:14:03,133 -Masaya akong nandito ka sa Harlem. -Kinakain ang putahe mo. 267 00:14:03,217 --> 00:14:04,635 -Harlem ulit. -Oo. 268 00:14:05,427 --> 00:14:06,804 Lima beans, pata. 269 00:14:06,887 --> 00:14:09,348 Kunin mo na 'yong buo. Malaki 'yan… 270 00:14:09,431 --> 00:14:13,102 Sinusubukan ko nga. Nilalabanan niya ako. 271 00:14:14,311 --> 00:14:18,190 -Kukuha pa ako ng isa. Mayro'n pa pala. -Sige, kumuha ka pa. 272 00:14:18,274 --> 00:14:19,817 -Tama. -Ang laki nito. 273 00:14:19,900 --> 00:14:22,403 'Yong buo talaga, kasi kakaunti ang laman. 274 00:14:22,486 --> 00:14:24,154 -Tama. -Pero malasa 'yan. 275 00:14:24,238 --> 00:14:25,364 Sobra. 276 00:14:25,447 --> 00:14:29,159 Pagkababad ko nang isang araw, pinatutuyo ko, 277 00:14:29,243 --> 00:14:31,996 tapos iniihaw ko sa oven 278 00:14:32,079 --> 00:14:35,833 nang ilang oras para lumutong. 279 00:14:35,916 --> 00:14:37,459 Tapos lumiliit sila. 280 00:14:37,543 --> 00:14:39,920 Tapos nilalagay ko na 281 00:14:40,004 --> 00:14:44,633 sa ham stock na ginawa ko. 282 00:14:44,717 --> 00:14:47,052 Sibuyas at kintsay at bawang. 283 00:14:47,136 --> 00:14:51,265 Tapos ilalagay ko na, igigisa, tapos pakukuluan nang ilang oras. 284 00:14:52,308 --> 00:14:54,268 Panghuli ang red wine. 285 00:14:54,351 --> 00:14:57,730 -Tapos espesyal na siya. -Hindi 'to pangkaraniwang putahe. 286 00:14:58,564 --> 00:14:59,648 Grabe. 287 00:14:59,732 --> 00:15:03,819 Sana maamoy ng mga tao 'to, sobrang bango. 288 00:15:03,903 --> 00:15:05,029 Alam ko. 289 00:15:05,112 --> 00:15:07,990 -Ito ang Timog, nasa plato. -Totoo. 290 00:15:10,492 --> 00:15:11,493 Nagustuhan mo? 291 00:15:12,620 --> 00:15:15,414 Parang butter 'yong laman. Sobra. 292 00:15:15,497 --> 00:15:17,458 Binalikan ko 293 00:15:17,541 --> 00:15:21,420 ang dalawang paborito ko noong bata ako. 294 00:15:21,503 --> 00:15:22,838 Pork and beans, 295 00:15:23,339 --> 00:15:27,843 na napakahalaga sa ating kultura. 296 00:15:28,344 --> 00:15:30,304 Tapos succotash. 297 00:15:30,387 --> 00:15:34,516 Para sa akin, bagong bersiyon 'yan ng isang classic. 298 00:15:34,600 --> 00:15:37,061 Puwede tayong gumawa ng bagong bersiyon. 299 00:15:37,144 --> 00:15:39,521 Oo naman. At anuman ang bersiyong ito, 300 00:15:39,605 --> 00:15:41,398 masarap siya, kaya… 301 00:15:42,232 --> 00:15:45,277 Ang kuwento mo, sa partikular, 302 00:15:45,361 --> 00:15:49,990 ay isang kakaiba at mahalagang tulay mula sa migration noong 1900s 303 00:15:50,074 --> 00:15:51,784 papunta sa Harlem ngayon. 304 00:15:52,368 --> 00:15:56,080 Mula sa South Carolina, 'yong desisyong pumunta sa Harlem, 305 00:15:56,163 --> 00:15:58,874 at kung ano'ng nangyayari sa buhay mo noon. 306 00:15:58,958 --> 00:16:01,543 Tita at tito ko ang pinakamahalaga sa akin noon, 307 00:16:01,627 --> 00:16:04,546 sila ang mentor ko. Classical pianist si Tita, 308 00:16:04,630 --> 00:16:07,591 tinuruan niya ako ng classical music at classical piano. 309 00:16:07,675 --> 00:16:11,512 Ang tito ko ay chef na nagturo sa aking mangarap sa pamamagitan ng pagkain. 310 00:16:11,595 --> 00:16:14,014 Itinuro niya na ang pagkain ay lingguwahe 311 00:16:14,098 --> 00:16:17,476 at kaya kong aralin at gamitin 'yon para magpahayag. 312 00:16:17,559 --> 00:16:21,772 Pero ang pinakaimportante ro'n ay kung sino'ng makapangyarihan. 313 00:16:21,855 --> 00:16:23,816 'Yong taong may hawak na kutsara, 314 00:16:24,358 --> 00:16:26,986 'yong gumawa ng pagkain, ang pinakamakapangyarihan. 315 00:16:27,069 --> 00:16:28,862 At 'yong respeto. 316 00:16:28,946 --> 00:16:32,408 At alam kong gusto ko 'yon. 317 00:16:32,491 --> 00:16:33,325 Tama. 318 00:16:33,409 --> 00:16:35,619 Para sa iyo, may panahong 319 00:16:35,703 --> 00:16:40,290 nasa Manhattan ka, pero wala ka sa Harlem. 320 00:16:40,374 --> 00:16:44,211 Kumusta 'yong panahong 'yon habang sinisikap mo pang 321 00:16:44,294 --> 00:16:47,214 hanapin ang lugar mo sa mundo 322 00:16:47,297 --> 00:16:49,675 bago mo mahanap ang lugar mo rito? 323 00:16:49,758 --> 00:16:52,511 Dumating ako sa New York bilang batang opera singer. 324 00:16:53,012 --> 00:16:56,473 Nakakontrata ako sa Houston Grand Opera 325 00:16:56,557 --> 00:16:59,727 na gumawa ng produksiyon ng Porgy and Bess. 326 00:16:59,810 --> 00:17:04,189 Tinutupad ko noon ang pangarap ko noong bata ako 327 00:17:04,273 --> 00:17:08,736 na maging unang African American male opera singer 328 00:17:08,819 --> 00:17:12,823 na umikot sa mundo bilang international star. 329 00:17:12,906 --> 00:17:14,033 'Yon ang gusto ko. 330 00:17:15,075 --> 00:17:18,495 Ang hindi ko naintindihan ay may hangganan pala 331 00:17:18,579 --> 00:17:22,416 para sa mga taong katulad ko. 332 00:17:22,499 --> 00:17:26,545 Saka ko napagtanto na kailangan ng bagong plano, 333 00:17:26,628 --> 00:17:27,838 hindi lang 'yong 334 00:17:29,131 --> 00:17:33,761 makakaupo ako sa may mesa, kundi ako dapat ang magmay-ari ng mesa. 335 00:17:33,844 --> 00:17:36,889 Imposible akong magka-opera house, pero puwedeng magka-restaurant, 336 00:17:36,972 --> 00:17:40,684 at itinayo ko ang unang African American fine dining restaurant sa New York 337 00:17:40,768 --> 00:17:44,521 na Cafe Beulah, at binago no'n ang buhay ko. 338 00:17:45,481 --> 00:17:47,983 Pagkain ang sagot 339 00:17:48,067 --> 00:17:51,779 kung paano ko sasabihin 340 00:17:51,862 --> 00:17:56,617 'yong kailangan kong sabihin bilang African American. 341 00:17:56,700 --> 00:17:58,494 Bilang malikhain. Bilang artista. 342 00:17:58,577 --> 00:18:01,205 Gusto ko 'yong sinabi mo 343 00:18:01,288 --> 00:18:04,833 tungkol sa pagkain bilang lingguwaheng 344 00:18:04,917 --> 00:18:09,963 matututunan at gagamitin para sa sarili nating pag-unlad. 345 00:18:10,047 --> 00:18:13,258 Di puwedeng magtipon ang mga Black nang walang pagkain. 346 00:18:13,342 --> 00:18:14,343 Totoo. 347 00:18:14,426 --> 00:18:17,262 Dahil nakatali tayo sa ekspresyong 'yon. 348 00:18:18,388 --> 00:18:21,058 Ang hindi nila alam na kakaiba 349 00:18:21,141 --> 00:18:23,018 sa kulturang African American, 350 00:18:23,102 --> 00:18:26,021 ay naging currency rin ang pagkain. 351 00:18:26,730 --> 00:18:30,734 Sa pamamagitan ng natatanging recipe, 352 00:18:30,818 --> 00:18:35,114 nakalikha tayo ng halaga noong di pa natin pag-aari ang sarili natin. 353 00:18:35,197 --> 00:18:37,199 -Pag-aari natin 'yong putahe. -Tama. 354 00:18:37,282 --> 00:18:42,287 Hindi lang dignidad at respeto ang ibinigay sa atin ng putaheng 'yon, 355 00:18:42,996 --> 00:18:44,081 currency din 'yon. 356 00:18:51,922 --> 00:18:55,467 Ginamit ng mga Black sa Harlem ang husay nila sa pagluluto 357 00:18:55,551 --> 00:18:57,928 para gumawa ng mga mapagkakakitaan. 358 00:18:58,011 --> 00:19:02,432 Tulad ni Lillian Harris Dean, na kilala rin bilang Pigfoot Mary, 359 00:19:02,516 --> 00:19:04,893 isang street vendor na nagtinda ng pata ng baboy 360 00:19:04,977 --> 00:19:08,605 sa mga gusto ng lasa na magpapaalala ng iniwan nilang tahanan. 361 00:19:09,106 --> 00:19:11,608 Negosyong nagpayaman sa kanya. 362 00:19:12,442 --> 00:19:16,697 Ang mga kuwento tulad ng kay Pigfoot Mary, ang mga recipe ng Renaissance, 363 00:19:16,780 --> 00:19:20,450 at marami pang parte ng ating kasaysayan ay iniingatan 364 00:19:20,534 --> 00:19:24,121 sa Harlem Schomburg Center for Research in Black Culture, 365 00:19:24,204 --> 00:19:27,166 na pinamumunuan ng curator na si Joy Bivins, 366 00:19:27,249 --> 00:19:31,920 ang unang babaeng direktor ng Schomburg Center sa loob ng 40 taon. 367 00:19:32,921 --> 00:19:35,215 Pag iniisip ko ang Harlem Renaissance, 368 00:19:35,299 --> 00:19:39,052 una, naiisip ko ang New Negro Movement 369 00:19:39,136 --> 00:19:40,846 at 'yong panahon 370 00:19:40,929 --> 00:19:44,308 sa simula ng ika-20 siglo, pagkatapos ng World War I, 371 00:19:44,391 --> 00:19:47,352 post-emancipation, post-Reconstruction. 372 00:19:47,436 --> 00:19:49,980 Nasa bagong espasyo sa lungsod, 373 00:19:50,063 --> 00:19:53,233 kung saan inaalam ng mga Black, 374 00:19:53,317 --> 00:19:55,819 "Ano ba ang kultura natin? Ano'ng hitsura atin?" 375 00:19:55,903 --> 00:19:57,696 Kaya research library 'to, 376 00:19:57,779 --> 00:20:00,991 at may inilabas ang archivist para sa inyo, 377 00:20:01,074 --> 00:20:04,620 tapos pupunta tayo sa manuscripts archives at silid ng mga pambihirang libro. 378 00:20:04,703 --> 00:20:06,205 Ayos. Nakaka-excite. 379 00:20:06,288 --> 00:20:07,414 Oo nga. 380 00:20:13,003 --> 00:20:16,465 Lahat ng menu at pambihirang libro na ito 381 00:20:16,548 --> 00:20:22,137 at cookbook at mga bagay na akakaapekto rin talaga sa kultura. 382 00:20:22,221 --> 00:20:25,098 May mga inihanda kami rito para sa inyo. 383 00:20:26,099 --> 00:20:27,726 Sige. 384 00:20:29,019 --> 00:20:32,356 Maraming magagandang babasahin dito. 385 00:20:32,439 --> 00:20:33,440 Oo nga. 386 00:20:33,523 --> 00:20:36,777 Dahil ito 387 00:20:36,860 --> 00:20:40,197 sa maraming henerasyon ng mga tulad mo 388 00:20:40,280 --> 00:20:43,242 na pumasok sa tungkuling ito. 389 00:20:43,325 --> 00:20:47,454 Kaya salamat, dahil do'n, natututo kami ngayon. 390 00:20:47,537 --> 00:20:48,455 Salamat. 391 00:20:48,538 --> 00:20:52,209 Magsimula tayo sa kung ano ang nasa harap natin. 392 00:20:52,751 --> 00:20:56,338 Ito ang recipe ni Pigfoot Mary para sa pata ng baboy. 393 00:20:57,089 --> 00:20:59,174 Napakahalagang recipe nito. 394 00:20:59,258 --> 00:21:02,219 Ito ang nagpasikat sa kanya. 395 00:21:02,302 --> 00:21:03,595 Oo, mukhang… 396 00:21:04,429 --> 00:21:06,807 -Nagugutom na ako. -Oo, gusto ko 'to. 397 00:21:06,890 --> 00:21:11,395 Kaya gumawa siya ng sarili niyang ahensiya, 398 00:21:11,478 --> 00:21:14,731 pagkakataon, at kayamanan. 399 00:21:14,815 --> 00:21:17,484 Isang babaeng Black na ipinanganak na alipin 400 00:21:17,567 --> 00:21:21,697 ang nagpunta sa Harlem at, nang walang imprastraktura, 401 00:21:21,780 --> 00:21:23,907 ay nakapagtinda 402 00:21:23,991 --> 00:21:26,576 ang parte ng baboy na nabibili natin 403 00:21:26,660 --> 00:21:29,496 at pamilyar sa atin at sa panlasa natin. 404 00:21:29,579 --> 00:21:32,332 Kaya lagi kong iniisip, 405 00:21:32,416 --> 00:21:34,960 'yong kuwento niya 406 00:21:35,043 --> 00:21:38,922 bilang maliit na microcosm para sa kababaihang Black, 407 00:21:39,006 --> 00:21:41,967 na ginamit ang kusina at kakayahang magluto 408 00:21:42,050 --> 00:21:44,261 para lumikha ng ahensiya. 409 00:21:44,344 --> 00:21:45,178 Tama. 410 00:21:45,262 --> 00:21:48,015 Nagtagumpay ang pakikipagsapalaran niya sa real estate, 411 00:21:48,098 --> 00:21:52,894 at umabot ng 375,000 dollars ang kabuuang ari-arian niya. 412 00:21:52,978 --> 00:21:54,396 Dahil sa pata ng baboy. 413 00:21:54,479 --> 00:21:57,190 Salamat sa baboy, 'no? 414 00:21:58,025 --> 00:22:01,445 Pinakamaganda ang huling tatlong salita ng recipe na ito. 415 00:22:01,528 --> 00:22:04,239 -"Ipasa ang hot sauce." -"Ipasa ang hot sauce." 416 00:22:05,699 --> 00:22:08,076 -Kailangan 'yon, di ba? -Nakakatuwa. 417 00:22:10,537 --> 00:22:12,122 Makalipas ang mahigit isang siglo, 418 00:22:12,205 --> 00:22:15,751 ikinukuwento pa rin ng mga kalsada ng Harlem ang pagkain natin. 419 00:22:17,044 --> 00:22:19,755 Ang paglipat sa North ay lumikha ng pagsabog ng kultura 420 00:22:19,838 --> 00:22:23,133 na nagbigay-daan sa pagnenegosyo ng mga African American 421 00:22:23,216 --> 00:22:24,801 at sa bagong panggitnang uri. 422 00:22:25,385 --> 00:22:29,473 Si Cha McCoy ay ikatlong henerasyong Harlemite at sommelier 423 00:22:29,556 --> 00:22:31,558 na nagtatrabaho sa buong mundo 424 00:22:31,641 --> 00:22:33,769 para gawing mas accessible, may pananagutan, 425 00:22:33,852 --> 00:22:37,647 at may kaugnayan ang industriya ng inumin at hospitality. 426 00:22:38,857 --> 00:22:42,194 Nasa makasaysayang kalye tayo na medyo kilala ko, 427 00:22:42,277 --> 00:22:44,654 pero bigyan mo pa kami ng konteksto. 428 00:22:44,738 --> 00:22:45,947 Welcome sa Harlem. 429 00:22:46,031 --> 00:22:47,616 Ito ang Strivers' Row, 430 00:22:47,699 --> 00:22:51,411 at sa tingin ko, ang pangunahin dito ay ang pagkakaugnay 431 00:22:51,495 --> 00:22:53,789 sa kahusayan ng mga Black sa Harlem. 432 00:22:53,872 --> 00:22:56,458 Kaya kung politiko ka, 433 00:22:56,541 --> 00:22:59,961 o musikero noong panahon ng Renaissance, 434 00:23:00,045 --> 00:23:03,465 o sinumang importante, lilipat ka rito 435 00:23:03,548 --> 00:23:05,425 para umasenso. 436 00:23:05,509 --> 00:23:07,260 Hindi ito bastang paglipat sa siyudad. 437 00:23:07,344 --> 00:23:09,805 Inangkin natin ang Strivers' Row. 438 00:23:09,888 --> 00:23:12,849 -Sana makapag-stoop session tayo. -Puwede. 439 00:23:13,767 --> 00:23:16,645 Bakit napaka-expressive at kakaiba 440 00:23:16,728 --> 00:23:19,940 ng mga taga-Harlem? 441 00:23:20,023 --> 00:23:22,359 Ano'ng mayro'n dito? Ano'ng nangyayari sa Harlem? 442 00:23:22,859 --> 00:23:24,319 'Yong sipag. 443 00:23:24,403 --> 00:23:26,613 -Nasa lahi 'yon, sabi ng nanay ko. -Totoo. 444 00:23:26,696 --> 00:23:28,490 Saan man ako magpunta, 445 00:23:28,573 --> 00:23:30,992 tinitiyak kong taga-Harlem pa rin ako. 446 00:23:31,993 --> 00:23:34,746 Gusto kong libutin ang lugar ninyo. 447 00:23:34,830 --> 00:23:35,997 Sige, tara. 448 00:23:43,630 --> 00:23:46,633 Malapit na tayo sa block ko. One-three-nine 'to, 449 00:23:46,716 --> 00:23:48,301 bibili tayo ng pakwan. 450 00:23:48,385 --> 00:23:50,095 -Pakwan. -Sa tropa ko. 451 00:23:50,178 --> 00:23:51,596 Magkaklase kami noon. 452 00:23:51,680 --> 00:23:53,640 Sige, patingin ng pakwan. 453 00:23:53,723 --> 00:23:56,226 Musta? Sinadya ka namin. Para kumustahin. 454 00:23:56,309 --> 00:23:58,145 Kumusta? Si Stephen. 455 00:23:58,228 --> 00:23:59,229 Nice to meet you. 456 00:23:59,312 --> 00:24:02,441 Sinabi ko sa kanya. Harlem na 'to kapag nasa may pakwan ka na. 457 00:24:02,524 --> 00:24:04,359 Ibig sabihin, tag-araw din. 458 00:24:04,443 --> 00:24:06,528 -Totoo. -Ikuwento mo nga 'to sa 'min. 459 00:24:06,611 --> 00:24:07,904 Galing ito sa Georgia. 460 00:24:07,988 --> 00:24:09,322 -Galing kami roon… -Ako rin. 461 00:24:09,406 --> 00:24:10,407 Taga-Georgia ka? 462 00:24:10,490 --> 00:24:12,951 Ayos. Matagal-tagal na ako do'n. 463 00:24:13,034 --> 00:24:17,038 Ginagawa namin lahat. Ginagawang juice. Nilalagay sa mangkok. Ginagawang salad. 464 00:24:17,122 --> 00:24:21,084 Gumagawa na sila ng Jell-O rind. Parang meryenda. Pero masustansiya. 465 00:24:21,168 --> 00:24:24,045 At pinakamasustansiya 'yong balat. 466 00:24:24,129 --> 00:24:26,590 -Alam mo 'yon? 'Yong green. -Alam ko 'yon. 467 00:24:27,174 --> 00:24:29,259 Maganda 'to. Superfood. 468 00:24:29,885 --> 00:24:33,221 Paano ka napunta sa pagbebenta ng pakwan? 469 00:24:33,305 --> 00:24:36,099 Sinubukan lang namin. Ayaw naming maging palaboy. 470 00:24:36,183 --> 00:24:38,560 Sabi namin, "Uy, gusto ko ng pakwan." 471 00:24:38,643 --> 00:24:41,646 "Maganda nga 'yan." Tapos inaral namin. 472 00:24:41,730 --> 00:24:43,648 Nakarating kami sa Timog. 473 00:24:43,732 --> 00:24:47,444 Galing kami sa lansangan. Para magkaroon ng hanapbuhay 474 00:24:47,527 --> 00:24:49,571 at matustusan ang mga pamilya namin. 475 00:24:49,654 --> 00:24:52,199 Para hindi maging palaboy 'yong mga bata. 476 00:24:52,282 --> 00:24:55,285 Talamak ang gun violence, gusto naming wakasan 'yon. 477 00:24:55,368 --> 00:24:56,536 -Tama. -Halika rito. 478 00:24:56,620 --> 00:24:59,831 Maghagis ka ng pakwan. Babayaran kita ng ilang dolyar. 479 00:24:59,915 --> 00:25:02,959 Naibibigay ng mga pakwan 'yon. Tapos 'yong mga aliping 480 00:25:03,043 --> 00:25:05,253 nagtinda ng pakwan pagkalaya. 481 00:25:05,337 --> 00:25:07,088 -Tama. -Anak ka ng pakwan. 482 00:25:07,172 --> 00:25:08,507 Ako ang hari ng pakwan. 483 00:25:08,590 --> 00:25:12,427 Sa tuwing makakakita ka ng Black na nagsisikap at yumayaman, 484 00:25:12,511 --> 00:25:15,430 alam mo na ang susunod. Pinagtatawanan nila tayo. 485 00:25:15,514 --> 00:25:18,808 Gusto nilang bawiin 'yon. Gusto nilang maliitin, 486 00:25:18,892 --> 00:25:21,436 paliitin ang ahensiya natin 487 00:25:21,520 --> 00:25:23,897 habang natutustusan natin ang ating sarili. 488 00:25:23,980 --> 00:25:26,316 Kaya para makita kita rito, 489 00:25:26,399 --> 00:25:29,027 ganito dapat natin binabawi 490 00:25:29,110 --> 00:25:30,570 ang naratibo, alam mo 'yon? 491 00:25:30,654 --> 00:25:31,696 -Tumpak. -Oo. 492 00:25:31,780 --> 00:25:33,990 Ano 'to? Ang sarap. 493 00:25:34,074 --> 00:25:38,912 Watermelon salad ito. May pulang pakwan, dilaw na pakwan, 494 00:25:38,995 --> 00:25:42,415 sibuyas, pipino, kaunting feta cheese, 495 00:25:42,499 --> 00:25:45,418 at raspberry vinaigrette dressing drizzle. 496 00:25:45,502 --> 00:25:47,420 Hindi ka namin nakalimutan. 497 00:25:47,504 --> 00:25:50,215 -Salamat. -Amoy masarap. 498 00:25:50,298 --> 00:25:52,008 -Salamat. Enjoy. -Salamat. 499 00:25:53,009 --> 00:25:55,845 Kumakain ka ng dilaw na pakwan, strawberry. 500 00:25:55,929 --> 00:25:58,265 May black seed yellow watermelons kami. 501 00:25:58,348 --> 00:26:00,100 -Okay. -May Jubilee. 502 00:26:00,183 --> 00:26:01,059 Jubilee? 503 00:26:01,142 --> 00:26:02,978 Tapos may Sugar Baby. 504 00:26:03,061 --> 00:26:04,688 Tapos may dilaw ang laman. 505 00:26:05,605 --> 00:26:07,065 Mas gusto ko 'yong Sangria. 506 00:26:07,148 --> 00:26:08,608 -Sangria? Okay. -Oo. Sangria. 507 00:26:08,692 --> 00:26:10,735 Sangria ba 'to? Kailangan ko 'yon. 508 00:26:10,819 --> 00:26:13,113 Sa Jubilee, may mahabang guhit. 509 00:26:13,196 --> 00:26:14,322 'Yon ang Jubilees. 510 00:26:14,406 --> 00:26:17,242 'Yong Sugar Baby ay maliliit at bilog at maitim. 511 00:26:17,325 --> 00:26:20,954 Mga magsasaka ba ang nagturo sa 'yo ng iba't ibang variety? 512 00:26:21,037 --> 00:26:25,458 Oo, nag-aaral ako ngayon. City boy ako kaya laging natututo. 513 00:26:25,959 --> 00:26:29,629 Mga pollinators sila sa Timog. Kausap namin ang mga magsasaka. 514 00:26:29,713 --> 00:26:32,591 'Yong mga Black na magsasaka ang tinatanong ko. 515 00:26:32,674 --> 00:26:34,759 Sinusuportahan namin sila. 516 00:26:34,843 --> 00:26:36,636 Mamamatay na sila doon. 517 00:26:36,720 --> 00:26:40,515 Isusubasta na 'yong lupa nila, tapos may iba nang bibili. 518 00:26:40,599 --> 00:26:42,225 Tungkol do'n ang kampanyang 'to. 519 00:26:42,309 --> 00:26:44,853 Sa pagtulong sa mga Black na magsasaka. 520 00:26:44,936 --> 00:26:48,148 Nagdadala ako ng truck. Tinutulungan namin silang magtanim. 521 00:26:48,231 --> 00:26:50,984 May 40 ektarya kaming tinataniman. 522 00:26:51,067 --> 00:26:53,028 Alam mo ba noong lumalaki ka 523 00:26:53,111 --> 00:26:56,448 na ang mga street vendor 524 00:26:56,531 --> 00:26:58,617 ay bahagi ng Harlem Renaissance? 525 00:26:58,700 --> 00:27:01,786 Konektado ka ba sa kasaysayan ng mga nagtitinda ng pagkain sa kalye? 526 00:27:01,870 --> 00:27:03,121 Hindi, nasa lansangan ako. 527 00:27:03,204 --> 00:27:05,665 Mali ang tinitinda ko noon. 528 00:27:05,749 --> 00:27:09,002 'Yong bawal. 529 00:27:09,085 --> 00:27:11,796 Sana matagal na naming nalaman 'yan. 530 00:27:11,880 --> 00:27:13,298 Kaya ginagawa ko 'to. 531 00:27:13,381 --> 00:27:15,800 Tatlo, apat na beses akong nakulong 532 00:27:15,884 --> 00:27:18,762 bago ko naisip na, "Hindi natin kailangan 'yan." 533 00:27:18,845 --> 00:27:21,640 Ikinararangal kong makilala ka, 534 00:27:21,723 --> 00:27:23,767 at hanga ako sa ginagawa mo. 535 00:27:23,850 --> 00:27:25,644 Tinuturuan mo ako, dito mismo. 536 00:27:25,727 --> 00:27:29,064 Marami kang natuturuan, 537 00:27:29,147 --> 00:27:31,733 at gusto kong ipaalam na hanga ako sa 'yo, pare. 538 00:27:31,816 --> 00:27:34,235 -Ikinararangal ko. -Salamat. Salamat sa pagpunta. 539 00:27:34,319 --> 00:27:36,154 -Ituloy mo lang 'yan. -Salamat. 540 00:27:36,237 --> 00:27:38,073 Salamat, Cha. Salamat. 541 00:28:17,779 --> 00:28:21,616 Nakakatuwang makita ang lungsod sa mata ng taga-Harlem 542 00:28:21,700 --> 00:28:25,036 at makita at pahalagahan ang diwa ng Black enterprise 543 00:28:25,120 --> 00:28:27,497 na maunlad pa rin sa Harlem ngayon. 544 00:28:28,707 --> 00:28:33,420 Ang Harlem Renaissance ay panahon ng malikhain at kultural na pagpapahayag. 545 00:28:34,254 --> 00:28:36,506 Bilang dating sommelier, 546 00:28:36,589 --> 00:28:38,633 alam kong maraming maituturo 547 00:28:38,717 --> 00:28:41,469 tungkol sa ating kasaysayan ang laman ng baso. 548 00:28:43,012 --> 00:28:44,848 Noong 1920s, 549 00:28:44,931 --> 00:28:47,642 ang mga speakeasie, club, at dance hall 550 00:28:47,726 --> 00:28:50,228 ay bahagi ng subculture ng Harlem. 551 00:28:50,311 --> 00:28:52,772 Ipinagpapatuloy ang legasiyong iyon ngayon 552 00:28:52,856 --> 00:28:56,818 sa 67 Orange Street, isang Black-owned bar sa Harlem 553 00:28:56,901 --> 00:29:01,406 na may underground mystique na katulad ng speakeasies ng Renaissance. 554 00:29:03,116 --> 00:29:05,618 Kausap ko ang may-ari na si Karl Franz Williams 555 00:29:05,702 --> 00:29:08,997 at kilalang mixologist na si Tiffanie Barriere, 556 00:29:09,080 --> 00:29:13,042 na ginawaran ng pinakamataas na karangalan sa industriya ng inumin, 557 00:29:13,126 --> 00:29:15,754 tungkol sa papel ng alak sa ating kuwento. 558 00:29:16,337 --> 00:29:19,257 Saan tayo papasok sa Harlem, 559 00:29:19,340 --> 00:29:21,092 sa tradisyon ng Black spirit? 560 00:29:21,176 --> 00:29:23,386 Tugma ang prohibition sa Harlem Renaissance. 561 00:29:23,470 --> 00:29:26,306 Iyon ang panahon na bumulwak 562 00:29:26,389 --> 00:29:29,768 ang malikhaing enerhiya sa lugar na ito. 563 00:29:29,851 --> 00:29:33,730 Si E. Simms Campbell ang unang nai-publish na Black cartoonist. 564 00:29:33,813 --> 00:29:36,691 Ginawa niya 'yong mapa na nightlife map ng Harlem. 565 00:29:37,192 --> 00:29:40,570 Napakadetalyado niya. Sabi niya, "Ito 'yong nagma-marijuana." 566 00:29:40,653 --> 00:29:43,364 "Dito ang nightclub. Nagbubukas ito nang 2 a.m." 567 00:29:43,448 --> 00:29:46,367 Wala sa mapang ito ang speakeasies. 568 00:29:46,451 --> 00:29:49,412 Wala sila rito dahil mahigit 500 sila, 569 00:29:49,496 --> 00:29:51,414 kaya madali silang mahanap. 570 00:29:51,498 --> 00:29:54,834 Mas maraming speakeasies sa Harlem kaysa sa ibang parte ng lungsod. 571 00:29:54,918 --> 00:29:59,214 Ang prohibition ang backdrop ng totoong… 'Yong ilaw, at apoy 572 00:29:59,297 --> 00:30:04,052 sa likod ng Harlem Renaissance, dahil wala nang mapupuntahang 573 00:30:04,135 --> 00:30:06,221 maganda para maglibang noon. 574 00:30:06,304 --> 00:30:09,140 Naka-lockdown ang ibang parte ng lungsod. Huminto na sila. 575 00:30:09,224 --> 00:30:11,059 Sa Harlem, nagpatuloy ang nightlife, 576 00:30:11,142 --> 00:30:15,021 tapos marami nang artista at intelektuwal dito. 577 00:30:15,688 --> 00:30:18,191 Noong nangyayari ito, 578 00:30:18,274 --> 00:30:21,402 sa Timog, maraming magagandang bayan ng mga Black doon 579 00:30:21,486 --> 00:30:24,489 ang kilala sa paggagawa ng alak o pagtatanim ng oats 580 00:30:24,572 --> 00:30:28,952 o pagtatanim ng rye o mais para gawing alak 581 00:30:29,035 --> 00:30:31,329 para dalhin sa Hilaga. 582 00:30:31,412 --> 00:30:33,540 Hindi na tayo inaalipin noon, 583 00:30:33,623 --> 00:30:37,627 kaya pinatutunayan na ng mga Black kung kaya ba nating kumita. 584 00:30:37,710 --> 00:30:41,714 Malaki ang kita sa paglalagay ng alak sa bote. 585 00:30:41,798 --> 00:30:43,174 Ginagawa na natin 'to mula… 586 00:30:43,258 --> 00:30:45,510 Oo, masarap ang ginagawa nating beer sa Africa. 587 00:30:45,593 --> 00:30:48,012 Magaling na tayo ro'n noon. 588 00:30:48,096 --> 00:30:51,432 Nagtatanim tayo ng tubo, at isa sa mga produkto 589 00:30:51,516 --> 00:30:54,310 ng paggagawa ng asukal ay 'yong molasses, di ba? 590 00:30:54,394 --> 00:30:56,396 Do'n galing ang rum. 591 00:30:56,479 --> 00:31:00,316 May maipagmamalaki naman tayo. 592 00:31:00,400 --> 00:31:01,901 -Oo. -At kaya nating mabuhay. 593 00:31:03,444 --> 00:31:05,864 Gagawa ako ng punch bilang taga-Timog. 594 00:31:05,947 --> 00:31:07,657 -Sige. -Kailangan. 595 00:31:09,868 --> 00:31:12,704 Karaniwang ginagawa ang punch 596 00:31:12,787 --> 00:31:16,583 kapag mag-iimbita ka sa bahay ninyo, 597 00:31:16,666 --> 00:31:18,960 at matagal na itong ipinagmamalaki, 598 00:31:19,043 --> 00:31:21,754 at sa Black community, nakita natin ito sa simbahan. 599 00:31:21,838 --> 00:31:24,257 Sa kolehiyo. Sa bahay ni Lola. 600 00:31:24,340 --> 00:31:26,301 Taga-Caribbean ang pamilya ko, 601 00:31:26,384 --> 00:31:28,928 at alam mo, 'yong Planter's Punch, 602 00:31:29,512 --> 00:31:34,642 'yong Bajan Rum Punch, lahat 'yon ay bahagi ng kultura natin. 603 00:31:34,726 --> 00:31:35,685 Oo naman. 604 00:31:36,185 --> 00:31:37,937 -Maraming kasaysayan 'to. -Oo. 605 00:31:38,438 --> 00:31:41,733 Si Tom Bullock, 606 00:31:41,816 --> 00:31:46,654 na isa sa pinakamahalagang Black scholar ng cocktail scholarship. 607 00:31:46,738 --> 00:31:49,908 Kanya ang unang nai-publish na cocktail book ng African American. 608 00:31:49,991 --> 00:31:51,868 Wala kaming masyadong alam kay Bullock. 609 00:31:51,951 --> 00:31:53,953 Sa tingin namin, taga-Timog siya, 610 00:31:54,037 --> 00:31:58,458 tapos tinahak niya ang riles papunta sa Midwest, pero… 611 00:31:58,541 --> 00:32:01,336 At 'yong libro ay pinamagatang The Ideal Bartender. 612 00:32:01,419 --> 00:32:04,213 Ibig sabihin, pinakamasasarap na cocktail ang ginagawa mo, 613 00:32:04,297 --> 00:32:06,883 hanga talaga ako, at ganyang respeto 614 00:32:07,383 --> 00:32:11,387 ang nakikita sa lahat ng bar, na nakakatuwa bilang bartender 615 00:32:11,471 --> 00:32:13,890 na gumagawa at umiinom ng mga inumin niya. 616 00:32:14,807 --> 00:32:18,811 Itong punch ni Tom Bullock na ginagawa ko ay may kaunting aromatherapy. 617 00:32:18,895 --> 00:32:20,939 Hindi lang bartenders na nasa likod ng bar. 618 00:32:21,022 --> 00:32:24,275 Pati caterers, may mga sangkap na tulad ng citrus at prutas, 619 00:32:24,359 --> 00:32:25,818 kung anong sariwa, 620 00:32:25,902 --> 00:32:28,988 tapos bultuhan nilang ginagawa, dahil marami pang trabaho. 621 00:32:29,072 --> 00:32:34,160 Bago dumating ang mga constituent, presidente, speaker, o manunulat. 622 00:32:34,243 --> 00:32:37,080 Napaka-espesyal na maipagmamalaki mo 623 00:32:37,163 --> 00:32:41,209 ang estilo at etiquette mo, pati na rin ang hardin mo sa labas. 624 00:32:41,292 --> 00:32:44,045 Inihahain ng Timog kung ano'ng nakukuha sa daungan, 625 00:32:44,128 --> 00:32:46,130 kaya lalagyan ko ng Madeira wine. 626 00:32:46,714 --> 00:32:51,010 Sinusubukan kong tikman ang bawat bahagi 627 00:32:51,844 --> 00:32:55,848 habang nilalasap 'yong tamang sarap ng kabuuan. 628 00:32:57,266 --> 00:33:00,228 May sariwang prutas na may masarap na katas. 629 00:33:00,311 --> 00:33:02,230 Binabalanse ng citrus ang tamis, 630 00:33:02,313 --> 00:33:05,441 at alam natin 'to mula pa sa pinanggalingan natin. 631 00:33:05,525 --> 00:33:08,361 Sanay tayo sa matamis at maasim. 632 00:33:08,444 --> 00:33:11,406 Alam natin kung kailangang balansehin. 633 00:33:11,489 --> 00:33:14,033 Alam din natin kung paano ihahain. 634 00:33:14,117 --> 00:33:18,454 Naipaghahalo talaga natin ang mga sangkap nang maayos, 635 00:33:18,538 --> 00:33:21,499 tapos hahayaan nating manuot at lumambot. 636 00:33:21,582 --> 00:33:24,419 Tiffanie, may sinasabi kang 637 00:33:24,502 --> 00:33:28,715 napakahalaga, 638 00:33:28,798 --> 00:33:31,926 'yong sinasabi mong tayo… 639 00:33:32,510 --> 00:33:36,889 Salamat. Ang mga inapo ng mga patagong nagbebenta ng alak. 640 00:33:36,973 --> 00:33:39,392 Hindi ko na nakilala ang lolo ko. 641 00:33:39,475 --> 00:33:41,436 Ipinanganak siya noong 1907. 642 00:33:42,270 --> 00:33:45,648 Isa sa mga nalaman ko nito lang 643 00:33:45,732 --> 00:33:49,736 ay hindi lang siya 644 00:33:49,819 --> 00:33:54,782 nagtitinda ng alak 645 00:33:54,866 --> 00:33:55,867 para kay Capone. 646 00:33:56,451 --> 00:33:58,786 Nakakaloka 'tong kuwentong 'to. 647 00:33:58,870 --> 00:34:02,165 May panahong naghahanap siya 648 00:34:02,248 --> 00:34:05,084 ng pagkakakitaan sa nilipatan niya sa Hilaga. 649 00:34:05,168 --> 00:34:08,421 Nakipag-ugnayan siya sa "mob" 650 00:34:08,504 --> 00:34:12,008 tapos naging driver ni Capone. 651 00:34:12,842 --> 00:34:17,263 Tapos may nakaharang na truck. 652 00:34:17,346 --> 00:34:20,391 Nagkabarilan. Nakatakas siya nang buhay. 653 00:34:20,475 --> 00:34:22,268 -Ituloy mo. -Sige. 654 00:34:22,351 --> 00:34:24,729 Pero nagpasya siyang umalis 655 00:34:24,812 --> 00:34:26,856 sa negosyo ng pagbebenta. 656 00:34:26,939 --> 00:34:30,485 Doon siya naging porter, 657 00:34:30,568 --> 00:34:35,490 pero gumagawa rin siya ng alak sa basement 658 00:34:36,074 --> 00:34:39,786 para sa mga pulis para maprotektahan ang pamilya niya. 659 00:34:40,703 --> 00:34:43,998 Nang malaman ko ito, naisip ko 'yong panahong 'yon, 660 00:34:44,540 --> 00:34:47,210 'yong makulay na legasiya, 661 00:34:47,293 --> 00:34:50,296 na may kaugnayan sa sinasabi mo, 662 00:34:50,379 --> 00:34:54,258 na dati pa man, nasa ganitong trabaho na tayo, 663 00:34:54,342 --> 00:34:57,637 kahit pa patago 'yon. 664 00:34:57,720 --> 00:35:00,973 At parang gano'n din 'yong speakeasies dito. 665 00:35:01,057 --> 00:35:04,852 Dito tayo nagbahaginan ng impormasyon, 666 00:35:04,936 --> 00:35:07,897 ng ideya, nakipag-ugnayan. 667 00:35:07,980 --> 00:35:11,359 Parte rin 'yan ng kultura 668 00:35:11,442 --> 00:35:13,486 ng panahong gusto kong pag-aralan. 669 00:35:13,569 --> 00:35:17,240 Totoo, ang mga bar ay lugar kung saan 670 00:35:17,323 --> 00:35:20,451 naghahanap tayo ng comfort, lalo na para sa Black community. 671 00:35:20,535 --> 00:35:22,745 Kahit para sa babaeng nakaupo sa bar, 672 00:35:22,829 --> 00:35:25,206 na hindi natin nakita 673 00:35:25,289 --> 00:35:27,583 hanggang noong 1940s at 1950s. 674 00:35:27,667 --> 00:35:29,544 Kahit sa Black queer community, 675 00:35:29,627 --> 00:35:32,839 'yong out ka talaga sa iba, at kasal ka sa, alam mo na, 676 00:35:32,922 --> 00:35:35,967 sa opposite sex habang may karelasyon kang same sex. 677 00:35:36,050 --> 00:35:38,886 Maraming ganyan sa panitikan at tula, 678 00:35:38,970 --> 00:35:42,473 'yong itinatago ang kuwento ng pagkatao. 679 00:35:43,141 --> 00:35:47,186 Nangyari 'yon sa bar, pero minsan, ligtas at masayang lugar 'yon. 680 00:35:47,270 --> 00:35:48,354 -Oo nga. -Oo. 681 00:35:48,938 --> 00:35:50,148 -Cheers. -Salut. 682 00:35:50,231 --> 00:35:51,691 Salut tayo diyan. 683 00:35:52,316 --> 00:35:53,151 Salut. 684 00:35:53,651 --> 00:35:54,735 Cheers. 685 00:35:57,780 --> 00:36:00,658 Bukod sa dapat ipagdiwang ang Harlem Renaissance 686 00:36:00,741 --> 00:36:03,369 para sa malikhaing pagpapahayag ng mga Black, 687 00:36:03,870 --> 00:36:06,247 panahon din iyon ng pagtutulungan 688 00:36:06,330 --> 00:36:09,417 at pagkakanlong 689 00:36:09,500 --> 00:36:11,836 para bumuo at magpanatili ng komunidad. 690 00:36:13,296 --> 00:36:17,550 Halos isang oras mula sa Harlem ang mansiyon ni Madam CJ Walker, 691 00:36:17,633 --> 00:36:21,804 ang unang Black na babae sa United States na naging milyonaryo, 692 00:36:21,888 --> 00:36:24,098 sa pamamagitan ng paglikha ng hair products 693 00:36:24,182 --> 00:36:28,978 na ibinenta sa at ng mga babaeng Black sa buong bansa. 694 00:36:32,565 --> 00:36:35,193 Ang mansiyon, na tinawag na Villa Lewaro, 695 00:36:35,276 --> 00:36:38,863 ay isang oasis kung saan lumikha sila ng anak niya, si A'Lelia Walker, 696 00:36:38,946 --> 00:36:42,658 ng bagong legasiya at espasyo para sa Black excellence. 697 00:36:43,201 --> 00:36:46,287 Nagpa-party si A'Lelia Walker kasama ang mga artistang 698 00:36:46,370 --> 00:36:49,290 tulad ni Zora Neale Hurston, James Weldon Johnson, 699 00:36:49,373 --> 00:36:52,126 WEB Du Bois, at Langston Hughes. 700 00:36:53,544 --> 00:36:57,006 Hinimok ng mga pagtitipong ito ang pagkamalikhain at komunidad. 701 00:37:01,052 --> 00:37:03,971 Isang hapon, inimbitahan ako ni A'Lelia Bundles, 702 00:37:04,055 --> 00:37:08,392 ang apo sa tuhod ni A'Lelia Walker, 703 00:37:08,476 --> 00:37:10,686 kasama sina Alexander Smalls, Cha McCoy, 704 00:37:10,770 --> 00:37:13,814 at retiradong radio news anchor na si Dean Schomburg, 705 00:37:13,898 --> 00:37:16,567 apo ni Arturo Schomburg, 706 00:37:16,651 --> 00:37:20,321 'yong may pribadong koleksyon ng Black art at artifacts 707 00:37:20,404 --> 00:37:23,115 na naging batayan ng Schomburg Center. 708 00:37:26,494 --> 00:37:29,830 Isang karangalang makasama kayo rito. 709 00:37:30,498 --> 00:37:33,626 Noong magpa-Fourth of July party si A'Lelia Walker 710 00:37:33,709 --> 00:37:37,713 para sa Pangulo ng Liberia noong Hulyo ng 1921, 711 00:37:37,797 --> 00:37:39,882 may fireworks sa terrace, 712 00:37:39,966 --> 00:37:41,968 live na nag-perform si Ford Dabney, 713 00:37:42,051 --> 00:37:44,512 na isa sa pinakamahuhusay sa orkestra noon. 714 00:37:44,595 --> 00:37:46,931 Hindi siya inimbitahan sa White House, 715 00:37:47,014 --> 00:37:49,308 pero inimbitahan siya sa Villa Lewaro. 716 00:37:50,017 --> 00:37:51,852 Kaya ito ang White House natin. 717 00:37:52,645 --> 00:37:53,854 -Gusto ko 'yan. -Ayos. 718 00:37:53,938 --> 00:37:55,940 Parang nasa Black White House tayo. 719 00:37:56,023 --> 00:37:59,944 Kapareho ng mga chandelier 'yong nasa East Room. 720 00:38:00,027 --> 00:38:01,028 Oo nga. 721 00:38:01,112 --> 00:38:03,948 Siyempre, nagpapa-party siya noong panahon ng Prohibition. 722 00:38:04,031 --> 00:38:08,202 Pero may tagapuslit siya ng alak, laging primera-klase ang champagne. 723 00:38:09,036 --> 00:38:12,331 At masasabi kong, sa lahat ng Black girl magic 724 00:38:12,415 --> 00:38:15,668 na ipinagdiriwang natin dito sa bahay ni Madam CJ Walker, 725 00:38:15,751 --> 00:38:18,963 dapat lang na uminom tayo ng champagne. 726 00:38:19,046 --> 00:38:21,590 Tama. Puwede mo pa ba kaming kuwentuhan 727 00:38:21,674 --> 00:38:24,677 tungkol sa culinary legacy noon ni A'Lelia? 728 00:38:25,261 --> 00:38:26,804 Si Madam CJ Walker, 729 00:38:26,887 --> 00:38:30,641 na ipinanganak bilang Sarah Breedlove sa bukid sa Delta, Louisiana, 730 00:38:30,725 --> 00:38:32,393 noong 1867, 731 00:38:32,476 --> 00:38:35,187 ay nagmula sa pagiging 732 00:38:35,271 --> 00:38:37,273 walang pinag-aralang labandera, 733 00:38:37,356 --> 00:38:41,736 na naging kusinera, na nagtayo ng hair care company 734 00:38:41,819 --> 00:38:44,989 at nagbigay ng trabaho sa libu-libong kababaihan at naging milyonaryo. 735 00:38:45,072 --> 00:38:46,866 Pero ang susi ro'n ay 'yong kusinera, 736 00:38:46,949 --> 00:38:49,577 dahil 'yon ang sideline niya 737 00:38:49,660 --> 00:38:51,579 noong bago pa lang ang negosyo niya. 738 00:38:51,662 --> 00:38:53,622 At noong kumikita na siya, 739 00:38:53,706 --> 00:38:57,710 kumuha na siya ng mga kusinero, tapos noong nagpapa-party na siya, 740 00:38:57,793 --> 00:38:59,587 kumukuha siya ng Black caters. 741 00:39:00,171 --> 00:39:04,133 Kalaunan, itinayo ni A'Lelia Walker 'yong The Dark Tower. 742 00:39:04,216 --> 00:39:06,969 Kilalang Harlem Renaissance space 'yon. 743 00:39:07,053 --> 00:39:09,430 Sa townhouse niya 'yon, sa 136th Street. 744 00:39:09,513 --> 00:39:12,433 At naghain siya ng spaghetti 745 00:39:12,516 --> 00:39:15,436 noong unang meeting nila ng isang grupo 746 00:39:15,519 --> 00:39:18,064 ng mga manunulat, kabilang si Countee Cullen 747 00:39:18,147 --> 00:39:20,524 at Langston Hughes at Wally Thurman, 748 00:39:20,608 --> 00:39:25,279 noong pinag-uusapan nila ang paggawa ng The Dark Tower. 749 00:39:25,363 --> 00:39:28,824 May magdo-donate ng pera sa kanila, 750 00:39:28,908 --> 00:39:31,911 tapos puwedeng sumali ang mga artista sa halagang $1 kada taon 751 00:39:31,994 --> 00:39:33,913 tapos makakakain sila. 752 00:39:33,996 --> 00:39:36,123 'Yon talaga 'yong konsepto. 753 00:39:36,207 --> 00:39:38,793 Pareho kayong nagmula sa legasiya 754 00:39:38,876 --> 00:39:43,214 ng pamilya ninyo na nagka-catalog ng Black culture. 755 00:39:43,297 --> 00:39:45,800 Si Arturo Schomburg ang lolo ko. 756 00:39:46,842 --> 00:39:51,097 Nangolekta siya ng lahat ng may kinalaman sa Black culture. 757 00:39:51,180 --> 00:39:54,392 Gusto niyang tiyakin na nauunawaan ng lahat 758 00:39:54,475 --> 00:39:58,479 na malaki at mahalaga ang ambag natin 759 00:39:58,562 --> 00:40:00,231 sa lipunan. 760 00:40:00,314 --> 00:40:03,734 Isa sa mga iminungkahi niya ang cookbook. 761 00:40:03,818 --> 00:40:06,445 Mayro'n talagang mga recipe na ipinamana. 762 00:40:06,529 --> 00:40:10,991 May sulat ako kung saan inilalarawan ni Madam Walker ang Brunswick Stew. 763 00:40:11,075 --> 00:40:14,328 Paano gumawa ng ice cream. At ang daming detalye. 764 00:40:14,412 --> 00:40:18,833 Mahalaga sa kanya ang pagkain, at mahalaga rin 'yon sa nanay niya. 765 00:40:18,916 --> 00:40:21,377 Noong nag-auction sila ng mga alipin, 766 00:40:21,460 --> 00:40:23,796 isa sa mga tanong ay, "Nagluluto ka ba?" 767 00:40:23,879 --> 00:40:26,215 Sasagutin 'yon ng mga may-ari ng alipin. 768 00:40:26,298 --> 00:40:28,509 Hindi talaga sila tao. Itinuring silang hayop. 769 00:40:28,592 --> 00:40:30,594 Sasabihin ng mga nagbebenta ng alipin 770 00:40:30,678 --> 00:40:33,556 ang mga kaya nilang gawin. 771 00:40:33,639 --> 00:40:36,767 -"Magaling siyang magluto." -Kaya tataas ang halaga nila. 772 00:40:36,851 --> 00:40:38,477 -Oo naman. -Tama. 773 00:40:38,561 --> 00:40:41,647 Habang nakaupo tayo rito sa mansiyon, 774 00:40:41,730 --> 00:40:45,317 at nasa bahay tayo ng unang babaeng Black 775 00:40:45,401 --> 00:40:48,946 na naging milyonaryo sa bansang ito, 776 00:40:49,530 --> 00:40:52,658 iniisip ko ang mga paraan kung paanong ginamit 777 00:40:52,741 --> 00:40:57,204 ang pagkain para ipaalam sa mga Black 778 00:40:57,288 --> 00:40:59,415 ang uri at akses 779 00:40:59,498 --> 00:41:02,543 at pribilehiyo at kasaganaan at iba pang mga bagay. 780 00:41:02,626 --> 00:41:06,255 Saktong-sakto, lobster ang pagkain natin. 781 00:41:06,338 --> 00:41:07,173 Oo. 782 00:41:07,256 --> 00:41:11,594 Dahil isa ang lobster sa mga paborito ni A'Lelia Walker. 783 00:41:12,094 --> 00:41:14,722 Mahilig siya sa seafoods. 784 00:41:14,805 --> 00:41:16,724 Pero 'yong lobster at champagne, 785 00:41:16,807 --> 00:41:21,228 'yong kumbinasyon, ay makabuluhan sa kuwento niya. 786 00:41:21,896 --> 00:41:25,691 Nagpunta siya sa isang birthday party noong Agosto ng 1931 787 00:41:26,275 --> 00:41:27,860 sa beach sa Long Branch. 788 00:41:27,943 --> 00:41:30,237 Ang ganda no'ng resort. 789 00:41:30,321 --> 00:41:34,366 Parang Martha's Vineyard ngayon. Doon nagbakasyon ang mga presidente. 790 00:41:34,450 --> 00:41:36,785 At tuwing may mayayamang puti 791 00:41:36,869 --> 00:41:40,206 noong panahong 'yon, laging may kakambal na Black community 792 00:41:40,289 --> 00:41:43,125 dahil kailangang may tagaluto sila, 793 00:41:43,209 --> 00:41:47,046 tagalinis, tagaaliw. 794 00:41:47,129 --> 00:41:49,215 Pumunta siya sa birthday party, 795 00:41:49,298 --> 00:41:52,051 nasa beach sila, kumain sila ng lobster 796 00:41:52,134 --> 00:41:54,595 at chocolate cake at champagne. 797 00:41:55,221 --> 00:41:59,308 E may highblood 'yon. Na-stroke na siya ilang taon bago 'yon, 798 00:41:59,391 --> 00:42:01,018 pero gumaling siya. 799 00:42:01,101 --> 00:42:05,231 Pero pagkatapos ng napakagandang araw na ito ng lobster at champagne, 800 00:42:05,314 --> 00:42:07,191 umuwi siya sa cabin niya 801 00:42:08,108 --> 00:42:12,154 at nagising nang hatinggabi, at na-stroke. At namatay. 802 00:42:13,030 --> 00:42:15,658 Malungkot na namatay siya. 803 00:42:15,741 --> 00:42:19,912 Pero alam mo, ginawa niya ang gusto niya hanggang sa huling sandali. 804 00:42:19,995 --> 00:42:21,372 Hindi siya nagtagal. 805 00:42:21,455 --> 00:42:24,708 Enggrande ang libing niya. Libu-libo ang tao 806 00:42:24,792 --> 00:42:27,461 na dumaan sa Howell Funeral Home 807 00:42:27,545 --> 00:42:29,922 sa 138 at 7th Avenue. 808 00:42:30,005 --> 00:42:34,051 Nagkaro'n ng motorcade papunta sa Woodlawn Cemetery. 809 00:42:34,134 --> 00:42:36,262 'Yong Black na piloto, si Hubert Julian, 810 00:42:36,345 --> 00:42:40,474 lumipad siya sa ibabaw ng libingan at nagpaulan ng mga bulaklak 811 00:42:40,558 --> 00:42:43,477 sa libingan, gano'n din 'yong mga tao sa palibot. 812 00:42:43,561 --> 00:42:46,105 Pero lobster at champagne ang huling hapunan niya. 813 00:42:47,064 --> 00:42:50,609 Napakakaraniwang putahe ng lobster para sa African Americans. 814 00:42:50,693 --> 00:42:53,779 Mura kasi, at saka ayaw ng mga puti. 815 00:42:53,862 --> 00:42:57,783 Kaya lobsters at talaba ang kinakain nila 816 00:42:57,866 --> 00:42:59,702 kasi puwede mong ihagis ang lambat mo, 817 00:42:59,785 --> 00:43:02,955 tapos hipon, itong mga mamahalin ngayon, 818 00:43:03,038 --> 00:43:06,417 dahil nadiskubre na ng mga negosyante. 819 00:43:06,500 --> 00:43:11,046 'Yong hipon at mais, nasa lima hanggang 30 dolyar kada plato. 820 00:43:11,130 --> 00:43:15,593 Bahagi ng pagkatao natin ang kultural na kaganapang ito. 821 00:43:15,676 --> 00:43:17,845 Bilang nag-aral sa culinary school 822 00:43:17,928 --> 00:43:24,393 sa ilalim ng napakahigpit na French hierarchical education na nagsasabing, 823 00:43:24,476 --> 00:43:27,021 "Dapat ganito. Dapat ganyan," 824 00:43:27,605 --> 00:43:29,773 hindi ko maiwasang ihiwalay 'yon 825 00:43:29,857 --> 00:43:31,984 sa sinasabi ninyo sa akin 826 00:43:32,067 --> 00:43:34,278 na pangmayaman na lang 'to ngayon, 827 00:43:34,862 --> 00:43:40,284 samantalang noong tayo ang kumakain ng lobster at oysters, 828 00:43:40,367 --> 00:43:42,328 karaniwan lang 'to. 829 00:43:42,411 --> 00:43:44,913 Tapos isinasaisip natin 'yon 830 00:43:45,414 --> 00:43:48,417 bilang komunidad at iniisip na hindi 'yon para sa atin. 831 00:43:48,500 --> 00:43:50,794 Kung tutuusin, tayo ang gumawa no'n. 832 00:43:53,464 --> 00:43:56,759 Pilit na ibinabaon ang kasaysayan natin. 833 00:43:57,426 --> 00:43:59,762 Pero paano makikilala ng mga tao ang sarili nila 834 00:43:59,845 --> 00:44:01,513 kung di nila alam ang nakaraan nila? 835 00:44:02,681 --> 00:44:06,685 Tungkulin nating bawiin ang mga kuwento ng mga ninuno natin. 836 00:44:08,562 --> 00:44:11,190 -Para sa mga ninuno. -Para sa mga ninuno. 837 00:44:11,273 --> 00:44:12,107 Cheers. 838 00:44:12,816 --> 00:44:16,362 Sa kabila ng masiglang kulturang naitatag noong Renaissance, 839 00:44:16,445 --> 00:44:20,240 milyun-milyong Black pa rin ang umuwi mula sa World War II 840 00:44:20,324 --> 00:44:22,117 at nakaranas ng diskriminasyon. 841 00:44:22,785 --> 00:44:26,747 Panahon iyon ng estratehikong pakikibaka para sa ating kalayaan. 842 00:44:28,874 --> 00:44:32,419 Mula sa mga organisadong meeting hanggang sa mga protesta, 843 00:44:32,503 --> 00:44:35,130 sumiklab ang kilusan ng pananagutan. 844 00:44:37,007 --> 00:44:40,678 Sa Atlanta, may naganap na lunch counter sit-in 845 00:44:41,387 --> 00:44:44,598 sa pangunguna ng mga aktibistang estudyante ng HBCU 846 00:44:45,391 --> 00:44:48,102 na hindi ko pa alam ang mga kuwento. 847 00:44:50,521 --> 00:44:51,980 Binago ng pagsisikap nila 848 00:44:52,564 --> 00:44:55,567 ang kasaysayan ng bansang ito magpakailanman. 849 00:45:45,659 --> 00:45:48,287 Tagapagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tanedo