1
00:00:06,583 --> 00:00:11,916
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX
2
00:02:07,500 --> 00:02:10,250
Maliit lang ito, pero tiyak na Womb din.
3
00:02:15,166 --> 00:02:17,708
May na-print na dito.
4
00:02:28,375 --> 00:02:29,875
Paanong naging dalawa kayo?
5
00:03:13,291 --> 00:03:14,750
Nauna akong nai-print bago si Nina.
6
00:03:17,458 --> 00:03:19,833
Kaya maaari kong kunin
ang bomba ng RA nang walang nakakaalam.
7
00:03:30,708 --> 00:03:31,875
Patty? Ikaw…
8
00:03:32,583 --> 00:03:37,666
Kailangan ng pahintulot ng lahat para sa
Deployment ng Transpormer ng Atmospera.
9
00:03:37,750 --> 00:03:40,625
Mangyaring magbigay
ng wastong bio-authentication.
10
00:03:45,625 --> 00:03:46,791
Huwag, tigil!
11
00:03:51,416 --> 00:03:53,041
Huwag kang gagalaw.
12
00:03:55,083 --> 00:03:56,333
Huminahon kayong lahat.
13
00:03:57,458 --> 00:04:00,083
Patty, yung mga mata ba na iyon…
14
00:04:00,791 --> 00:04:04,041
Nang magkaroon ng pagkakataon, kumuha ako
ng biomaterial sa silid ng pagpi-print.
15
00:04:04,791 --> 00:04:07,583
Para i-print ang mga mata namin?
Pero paano?
16
00:04:08,958 --> 00:04:11,833
Nakumpirma na ang bio-authentication
ng lahat ng miyembro ng crew.
17
00:04:11,916 --> 00:04:15,500
Sisimulan na ang Deployment
ng sequence ng Transpormer ng Atmospera.
18
00:04:15,583 --> 00:04:18,333
Natitirang oras bago ilunsad,
sampung minuto.
19
00:04:34,541 --> 00:04:35,875
Mack, naririnig mo ba ako?
20
00:04:35,958 --> 00:04:38,458
May nangyayari sa central control room.
21
00:04:40,458 --> 00:04:42,958
Pero walang tala ang Womb
nang pag-print sa iyo.
22
00:04:44,666 --> 00:04:46,291
-Tara na.
-Sige.
23
00:04:48,416 --> 00:04:52,416
Walang tala na na-print ako
dahil hindi ako na-print sa Womb na ito.
24
00:04:52,500 --> 00:04:56,083
Na-print ako sa mas maliit na
bio-printer na nakatago sa research lab.
25
00:04:56,166 --> 00:04:57,500
Mas maliit?
26
00:04:57,583 --> 00:04:59,833
Ibinigay ito ng organisasyon namin.
27
00:05:00,750 --> 00:05:02,875
Gawa iyon ng Alternative Intelligence.
28
00:05:02,958 --> 00:05:05,666
Isang siksik at pang susunod
na henerasyong modelo ng Womb.
29
00:05:05,750 --> 00:05:09,583
Maaaring hindi tumpak,
pero nakakapag-print nang mabilis.
30
00:05:11,000 --> 00:05:12,000
Bakit?
31
00:05:12,500 --> 00:05:15,333
Para matiyak na mabibigo
ang operasyong terraforming.
32
00:05:16,041 --> 00:05:18,416
Lewis, alam kong nariyan ka!
33
00:05:22,916 --> 00:05:24,041
Peste, Patty.
34
00:05:25,250 --> 00:05:27,458
Kailangan namin ang code
ng inhinyero para sa huling deployment
35
00:05:27,541 --> 00:05:29,041
ng Transpormer ng Atmospera.
36
00:05:29,666 --> 00:05:31,291
Maaari ko bang makuha ang pass code mo?
37
00:05:31,833 --> 00:05:33,500
Bakit mo ito ginagawa?
38
00:05:41,000 --> 00:05:44,333
Pinoprotektahan ng organisasyon namin ang
mga hayop mula sa pang-aabuso ng mga tao.
39
00:05:46,125 --> 00:05:48,083
May harang dito.
40
00:05:48,166 --> 00:05:50,791
Hindi nila tayo hahayaang
mapalapit sa central control room.
41
00:05:54,625 --> 00:05:57,666
Sa labas. Pwede tayong umakyat
sa kahabaan ng katawan ng ship.
42
00:05:58,416 --> 00:06:00,125
Kailangan natin ng mga space suit.
43
00:06:02,166 --> 00:06:05,333
Kakailanganin nating mag-print ng
sadya para sa iyo. Dito tayo.
44
00:06:07,916 --> 00:06:10,625
Nagpadala na ng probe
ang Planetary Development Agency
45
00:06:10,708 --> 00:06:12,833
sa Planetang X-10 bago ang misyong ito.
46
00:06:13,583 --> 00:06:17,333
Oo, pero nagkaroon ng problema.
Nawala ang kalahati ng data.
47
00:06:17,833 --> 00:06:19,375
Iyan ang sinabi nila sa publiko.
48
00:06:19,458 --> 00:06:23,083
Labis na nakakagulat ang data
kaya hindi nila isiniwalat ang buong ulat.
49
00:06:23,583 --> 00:06:25,125
Ano'ng pinag-uusapan niyo?
50
00:06:25,833 --> 00:06:28,416
Pinag-uusapan namin ang mga buhay
na sinusubukan nating iligtas.
51
00:06:28,916 --> 00:06:31,708
Buhay? Sinasabi mo ba sa akin…
52
00:06:32,416 --> 00:06:34,541
Nakuha ng organisasyon namin
ang mga natuklasang
53
00:06:34,625 --> 00:06:37,250
itinago ng Planetary Development Agency.
54
00:06:38,125 --> 00:06:40,333
May buhay sa planetang iyon.
55
00:06:40,416 --> 00:06:42,333
-Pero…
-Ano?
56
00:06:42,916 --> 00:06:45,750
Mayroong mahinang ecosystem sa ilalim.
57
00:06:46,250 --> 00:06:49,500
Kung i-teterraform natin ang planeta,
mamamatay ang mga organismong nandoon.
58
00:06:50,000 --> 00:06:51,750
Ang misyon na ito ay hindi imigrasyon.
59
00:06:52,291 --> 00:06:55,875
Isang pagsalakay ito, isang genocide.
Hindi natin pwedeng hayaang mangyari ito.
60
00:06:56,416 --> 00:06:59,625
Kumpleto na ang paunang paglunsad
ng Transpormer ng Atmospera.
61
00:06:59,708 --> 00:07:01,750
Handa na para sa huling deployment.
62
00:07:01,833 --> 00:07:02,833
Lewis?
63
00:07:04,125 --> 00:07:05,208
Kailangan namin ang code na iyon.
64
00:07:06,833 --> 00:07:08,333
Ayon sa hindi pa nailalabas na data,
65
00:07:08,416 --> 00:07:11,250
wala silang nakitang
buhay sa mga takip na yelo.
66
00:07:11,333 --> 00:07:13,041
Hindi sila dapat maapektuhan ng pagsabog.
67
00:07:13,625 --> 00:07:16,833
Ano ang mangyayari kung hindi ko
ihihiwalay ang Transpormer ng Atmospera?
68
00:07:17,333 --> 00:07:19,333
Sasabog parin ang bomba.
69
00:07:19,416 --> 00:07:21,875
Ang kaibahan lang
ay kung kasama ba tayong sasabog o hindi.
70
00:07:23,208 --> 00:07:26,250
Lewis, siguro mas mabuting
gawin ang sinasabi nila?
71
00:07:27,625 --> 00:07:29,791
Sige. Gagawin ko na.
72
00:07:30,500 --> 00:07:31,833
Bakit sumusuko na siya?
73
00:07:33,958 --> 00:07:35,791
Dahil kay Kate.
74
00:07:37,791 --> 00:07:39,250
Lewis, bakit?
75
00:07:42,125 --> 00:07:46,666
Mga alaala ni Kate, pisikal na blueprint,
biomaterial makeup, lahat iyon ay nandito.
76
00:07:47,541 --> 00:07:51,125
Kapag sumabog ang ship,
mawawala na siya nang tuluyan.
77
00:07:51,625 --> 00:07:54,125
Kung ligtas ang kuwintas,
may pag-asa ka pa rin.
78
00:07:54,208 --> 00:07:57,333
Maaaring hindi ito gumana ngayon,
pero magkakaroon ka pa rin ng pagkakataon.
79
00:08:11,875 --> 00:08:15,750
Tinanggap na ang pass code
ng inhinyero ng Transpormer ng Atmospera.
80
00:08:15,833 --> 00:08:17,708
Deployment sa loob ng sampung segundo.
81
00:08:18,291 --> 00:08:21,208
Siyam. Walo. Pito.
82
00:08:22,000 --> 00:08:25,583
Anim. Lima. Apat.
83
00:08:26,541 --> 00:08:30,000
Tatlo. Dalawa. Isa.
84
00:09:00,375 --> 00:09:01,458
Huwag kang gagalaw.
85
00:09:17,958 --> 00:09:18,875
Umilag ka!
86
00:10:09,541 --> 00:10:10,958
Magandang subok.
87
00:10:11,041 --> 00:10:13,125
-Isinara ko na ang hangar.
-Patty!
88
00:10:15,208 --> 00:10:17,750
Ano ang gagawin mo sa amin?
89
00:10:17,833 --> 00:10:20,041
Kailangan niyong manatili diyan
hanggang sa matapos ang lahat.
90
00:10:26,875 --> 00:10:29,416
Pagbabayaran mo ito
kapag dumating na ang migrant vessel.
91
00:10:29,500 --> 00:10:30,916
Masasakdal ka.
92
00:10:31,000 --> 00:10:33,208
Ang orihinal na ako
sa ship na iyon ang huhulihin.
93
00:10:33,291 --> 00:10:34,291
Hindi siya manlalaban.
94
00:10:34,375 --> 00:10:36,666
Pumasok siya sa cryosleep
nang alam niyang mangyayari ito.
95
00:10:38,500 --> 00:10:39,750
Magiging ayos lang ba siya?
96
00:10:42,041 --> 00:10:44,666
Lewis, magiging ayos lang ang lahat.
97
00:10:49,875 --> 00:10:51,541
Sa tingin mo hindi ka mahuhuli?
98
00:10:51,625 --> 00:10:53,125
Ako? Hindi.
99
00:10:53,875 --> 00:10:56,166
Isang daang taon mula ngayon,
mawawala na ako.
100
00:10:56,666 --> 00:10:58,125
Hindi ako papasok sa cryosleep.
101
00:10:58,208 --> 00:11:01,625
Mabubuhay ako sa X-10 at pag-aaralan ang
mga buhay hanggang sa mamatay ako.
102
00:11:02,708 --> 00:11:04,666
At pagkatapos
ay magiging bahagi ako ng ecosystem.
103
00:11:14,833 --> 00:11:18,375
Maraming dugo ang nawala sa kanya.
Hindi na ito magandang tingnan.
104
00:11:26,458 --> 00:11:28,958
Mack, binago mo
ang data sa mga drone, hindi ba?
105
00:11:30,416 --> 00:11:32,916
Wala akong kailangan ipaliwanag sa iyo.
106
00:11:34,500 --> 00:11:37,625
Sinabi ba sa iyo ng nakatataas na burahin
ang data para protektahan ang misyon?
107
00:11:39,583 --> 00:11:42,750
Naglagay sila ng sapat na pera sa
proyekto para sa isang maliit na bansa.
108
00:11:42,833 --> 00:11:44,541
Siyempre, hindi nila maaaring
hayaan ang isang maliit na bagay
109
00:11:44,625 --> 00:11:48,000
tulad ng pagkalipol
ng isang buong species na pigilan sila.
110
00:11:48,708 --> 00:11:50,416
Pero paano tayo
huhusgahan ng ating mga magiging apo
111
00:11:50,500 --> 00:11:53,291
kapag napagtanto nila kung ano ang
isinakripisyo para itayo ang bansa nila?
112
00:11:53,833 --> 00:11:57,958
Ituturing ba akong kriminal o martir
ng mga susunod na henerasyon?
113
00:12:02,083 --> 00:12:03,208
Peste.
114
00:12:16,708 --> 00:12:19,125
Lewis, Mack, naririnig ba ninyo ako?
115
00:12:20,166 --> 00:12:21,166
Nina.
116
00:12:21,250 --> 00:12:24,666
Ano ang nangyayari
sa Converter ng Atmospera?
117
00:12:27,625 --> 00:12:32,791
Bumababa na ito sa Planetang X-10.
Sasabog ito sa loob ng walong oras.
118
00:12:53,958 --> 00:12:55,208
Sige.
119
00:12:57,041 --> 00:12:58,291
Tutulungan ko kayo.
120
00:13:00,458 --> 00:13:01,708
Bakit mo gagawin iyon?
121
00:13:03,041 --> 00:13:06,375
Kung may buhay sa planetang iyon,
sa iyo papanig ang opinyon ng publiko.
122
00:13:06,458 --> 00:13:09,833
Kung tutulungan ko kayo, magkakaroon
din ako ng kredito para sa pagtuklas,
123
00:13:09,916 --> 00:13:11,708
at ang pangalan ko ay hindi malilimutan.
124
00:13:12,750 --> 00:13:14,916
Kaya ipagkakanulo mo
ang mga kasama mo para sa katanyagan?
125
00:13:15,541 --> 00:13:17,000
Ginagawa ko ito para sa pamilya ko.
126
00:14:10,250 --> 00:14:11,458
Ano ang liwanag na ito?
127
00:14:18,375 --> 00:14:21,708
May ilang oras pa bago sumabog ang bomba.
128
00:14:21,791 --> 00:14:25,125
Magagamit natin ang
mga escape pod para makapunta sa planeta.
129
00:14:25,625 --> 00:14:29,666
Papasok tayo sa Transpormer,
hanapin ang bomba at didisarmahan ito.
130
00:14:30,208 --> 00:14:32,958
Pero kailangan muna nating
lumabas sa hangar na ito.
131
00:14:35,250 --> 00:14:38,083
Ang mga drone.
Gagamitin natin ang mga drone.
132
00:14:39,333 --> 00:14:40,750
Sigurado ka bang gagana iyon?
133
00:14:41,958 --> 00:14:45,458
Sigurado ako, pero hindi ko mahuhulaan
kung ano ang gagawin nito sa ship.
134
00:14:46,041 --> 00:14:47,291
Dapat lumabas ka na rin.
135
00:14:47,791 --> 00:14:49,833
Nina, umalis ka na.
136
00:14:51,041 --> 00:14:53,375
Hindi kita kayang iwan
sa ganitong kalagayan.
137
00:14:54,458 --> 00:14:55,541
Magiging maayos lang ako.
138
00:14:56,416 --> 00:14:57,416
Nina, kung ang…
139
00:14:58,000 --> 00:15:00,125
kung mawawasak
ang Transpormer ng Atmospera,
140
00:15:01,041 --> 00:15:02,791
ano pa ang punto ng paglikha sa atin?
141
00:15:06,375 --> 00:15:07,375
Sige.
142
00:15:13,916 --> 00:15:16,625
Kumpleto na ang pagbaba
ng Transpormer ng Atmospera.
143
00:15:16,708 --> 00:15:17,708
Kopya.
144
00:15:18,458 --> 00:15:21,583
Sinabi ni Oscar na
gusto niyang makipagtulungan sa atin.
145
00:15:21,666 --> 00:15:25,333
Talaga? Kung may isyung mekanikal,
magiging kapaki-pakinabang siya.
146
00:15:26,291 --> 00:15:28,666
Tama. Hindi natin siya mapagkakatiwalaan.
147
00:15:32,333 --> 00:15:33,333
Saan ka pupunta?
148
00:15:33,833 --> 00:15:36,500
Kailangan ko ng ilang kagamitan
na magliligtas sa buhay ni Lewis.
149
00:15:36,583 --> 00:15:39,166
-Kagamitan?
-Isang cooling core.
150
00:15:39,250 --> 00:15:42,541
Ang paraan lang para mailigtas siya
ay ang paggamit ng cryosleep technology.
151
00:15:43,041 --> 00:15:46,791
Kung ilalagay natin siya sa suspendidong
animasyon, magkakaroon siya ng tsansa.
152
00:15:48,208 --> 00:15:51,750
Sasama ako sayo.
Oscar, samahan mo lang si Lewis.
153
00:15:51,833 --> 00:15:53,916
-Ipaalam mo kung may mangyayari.
-Sige.
154
00:15:54,416 --> 00:15:55,416
Ano iyan?
155
00:15:57,000 --> 00:15:59,708
Pasensya na. Nagpasya akong tulungan sila.
156
00:16:10,833 --> 00:16:11,833
Kumusta si Lewis?
157
00:16:12,416 --> 00:16:15,000
Hindi maganda. Mag-shortcut tayo.
158
00:16:27,333 --> 00:16:30,083
Bakit nagpasya si Oscar
na tulungan kayong dalawa?
159
00:16:32,083 --> 00:16:33,583
Gusto niya ng isang pagpupugay.
160
00:16:34,750 --> 00:16:35,750
Pagpupugay?
161
00:16:36,416 --> 00:16:39,083
May mga palatandaan
ng buhay sa labas ng mundo noon,
162
00:16:39,166 --> 00:16:40,500
pero mga labi na lamang.
163
00:16:41,583 --> 00:16:43,083
Pero hindi sa pagkakataong ito.
164
00:16:43,166 --> 00:16:44,625
Oo.
165
00:16:44,708 --> 00:16:48,083
Sila ang unang buhay na
extraterrestrial na natuklasan ng mga tao.
166
00:16:48,166 --> 00:16:50,666
Mukhang naiintindihan
ni Oscar ang kahalagahan noon.
167
00:16:50,750 --> 00:16:52,500
Poprotektahan namin sila
sa anumang paraan.
168
00:16:56,166 --> 00:16:57,583
Kaya ka na-print.
169
00:16:59,208 --> 00:17:00,583
Naaawa ako sayo.
170
00:17:02,958 --> 00:17:04,500
Naaawa ka sa akin?
171
00:17:06,583 --> 00:17:07,833
Tama.
172
00:17:23,916 --> 00:17:26,708
Pareho tayong nilikha
para maghatid ng isang layunin!
173
00:17:27,583 --> 00:17:30,416
Pero ipinagmamalaki ko ang sa akin.
174
00:17:31,416 --> 00:17:34,708
Wala kang pagdududa sa sarili?
Naiingit ako sa'yo.
175
00:17:45,750 --> 00:17:47,208
Nandito na ako. Ano ang code mo?
176
00:17:48,166 --> 00:17:49,166
Kuha ko na.
177
00:18:02,708 --> 00:18:06,500
Sa nakikita ko,
parang normal na transmitter lang.
178
00:18:07,000 --> 00:18:09,291
Buksan mo, Nina. Buksan mo!
179
00:18:10,875 --> 00:18:13,750
May sub-routine para magpadala
ng mga direktang utos sa mga drone.
180
00:18:13,833 --> 00:18:14,958
Narito kung paano i-access iyon.
181
00:18:15,625 --> 00:18:16,458
Nakapasok na ako.
182
00:18:19,041 --> 00:18:21,875
Okay. Ngayon itakda mo ang patutunguhan.
183
00:18:22,541 --> 00:18:23,541
Oo.
184
00:18:30,958 --> 00:18:34,250
Naririnig mo ba ako?
Nagkulong si Nina sa kwarto ni Mack.
185
00:18:37,041 --> 00:18:39,458
Mabubuksan mo ba ang mga pinto
mula sa pangunahing console?
186
00:18:39,958 --> 00:18:40,958
Susubukan ko.
187
00:19:12,166 --> 00:19:14,916
Ino-override ng Administratibong Awtoridad
ang lahat ng mga hakbang sa kaligtasan.
188
00:19:15,541 --> 00:19:17,000
Walang makakapagbaligtad ng command doon.
189
00:19:49,000 --> 00:19:50,166
Ang trajectory ba ay…
190
00:19:53,416 --> 00:19:55,791
Hindi iyon tumutugon.
Hindi ko mapigilan iyon.
191
00:19:58,500 --> 00:19:59,708
Ano ang ginawa mo?
192
00:20:03,541 --> 00:20:05,125
Malalaman mo rin
sa lalong madaling panahon.
193
00:20:11,916 --> 00:20:13,875
Bwisit! Sasalpukin tayo noon.
194
00:21:26,416 --> 00:21:29,916
Pumunta na tayo sa mga escape pod
at pumunta sa Planetang X-10.
195
00:21:30,666 --> 00:21:32,000
Kopya.
196
00:21:47,375 --> 00:21:48,416
Ayos ka lang ba?
197
00:21:49,291 --> 00:21:51,166
Oo, ayos lang ako.
198
00:21:53,791 --> 00:21:56,000
Hoy, Patty, ano ang nangyayari?
199
00:21:58,625 --> 00:21:59,625
Letse.
200
00:22:04,000 --> 00:22:06,500
Lewis, pupunta ako
sa central control room.
201
00:22:06,583 --> 00:22:07,750
Babalik ako.
202
00:22:24,916 --> 00:22:25,916
Ang ship ay…
203
00:22:27,250 --> 00:22:28,250
Hindi.
204
00:23:04,583 --> 00:23:05,583
Kate.
205
00:23:11,708 --> 00:23:12,708
Nandito ka.
206
00:23:16,083 --> 00:23:20,083
Kapag handa na ito,
mabubuhay tayo sa planetang iyon.
207
00:23:21,666 --> 00:23:22,916
Ibabalik kita.
208
00:23:23,791 --> 00:23:24,875
Ipinapangako ko.
209
00:23:33,375 --> 00:23:35,083
Magandang planeta iyon.
210
00:23:47,166 --> 00:23:50,333
Oo, maganda.
211
00:25:44,375 --> 00:25:49,375
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Angelica Bayot