1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:00:18,541 --> 00:00:23,250 "ANG DEATH AND THE KING'S HORSEMAN AY MABIBIGYANG-BUHAY LAMANG 4 00:00:23,333 --> 00:00:27,333 SA PAGPUKAW NG MUSIKA MULA SA KAILALIMAN NG TRANSISYON." WOLE SOYINKA 5 00:00:30,166 --> 00:00:33,791 INIHAHANDOG NG NETFLIX 6 00:00:48,541 --> 00:00:53,083 HANGO SA ORIHINAL NA DULANG DEATH AND THE KING'S HORSEMAN 7 00:01:00,875 --> 00:01:03,166 BASE SA TOTOONG PANGYAYARI SA OYO, NIGERIA, 1943 8 00:01:03,250 --> 00:01:05,833 KASAGSAGAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG 9 00:01:07,875 --> 00:01:13,041 Narito na siya! 10 00:01:13,125 --> 00:01:16,916 Narito na ang Elesin Oba! 11 00:01:17,000 --> 00:01:22,166 Siyang laging napapalamutian 12 00:01:22,250 --> 00:01:24,666 Mangingibig ng kababaihan 13 00:01:24,750 --> 00:01:30,875 Mangingibig ng buhay at magagandang bagay Siyang sumusunod sa yumaong Hari 14 00:01:30,958 --> 00:01:33,541 Sa kanyang paglalakbay sa kabilang-buhay Tawag kay Elesin Oba gaya ng mga ninuno 15 00:01:33,625 --> 00:01:38,291 Ikaw na tunay na katutubo ng kahariang Oyo Na alam ang ritmo ng Shekere 16 00:01:38,375 --> 00:01:42,416 Sa kalupaan ng Siyanbola Angkan ng Olukuegu 17 00:01:42,500 --> 00:01:47,833 Ladigbolu ng Oro kulto ng Atiba Kasinlakas ng batong panggiling ng elubo 18 00:01:47,916 --> 00:01:52,458 Dapat niyang samahan ang yumaong Hari Upang hindi lamunin ng kadiliman ang Hari 19 00:01:52,541 --> 00:01:55,458 Humayo ka at magpakasaya tulad ng Hari 20 00:01:55,541 --> 00:01:59,791 O, Elesin! 21 00:02:00,916 --> 00:02:05,416 Ang magiting ay nagsasaya Siya ay lubusang nagpapakasaya 22 00:02:05,500 --> 00:02:07,916 Ang magiting ay nagsasaya Siya ay lubusang nagpapakasaya 23 00:02:08,000 --> 00:02:12,125 Ang bahay ng aming ama 24 00:02:12,208 --> 00:02:15,416 Ay siyang tulad ng sa mga Hari 25 00:02:15,500 --> 00:02:20,291 Ang magiting ay nagsasaya Siya ay lubusang nagpapakasaya 26 00:02:20,375 --> 00:02:23,083 Ang magiting ay nagsasaya Siya ay lubusang nagpapakasaya 27 00:02:23,166 --> 00:02:29,833 Ang bahay ng aming ama Ay siyang tulad ng sa mga Hari 28 00:02:29,916 --> 00:02:34,291 Ama. Ama, nawa'y mabuhay ka nang mahabang panahon. 29 00:02:34,375 --> 00:02:37,750 Kamahalan. 30 00:02:38,875 --> 00:02:42,541 Magpakasaya ka sa iyong buhay, ginoo. 31 00:02:44,750 --> 00:02:49,000 Ano'ng ginagawa ninyo sa akin? 32 00:02:54,750 --> 00:02:57,000 Sorpresahin ninyo ako. 33 00:03:16,000 --> 00:03:18,208 Ito ay aming nasaksihan 34 00:03:18,291 --> 00:03:21,333 Kung anoman ang nasaksihan Siyang hindi kailanman malilimutan 35 00:03:21,416 --> 00:03:23,583 Ito ay aming nasaksihan 36 00:03:23,666 --> 00:03:27,833 Elesin, ito ay aming nasaksihan 37 00:03:27,916 --> 00:03:31,083 Kung anoman ang nasaksihan Siyang hindi kailanman malilimutan 38 00:03:31,166 --> 00:03:33,458 Ito ay aming nasaksihan 39 00:03:33,541 --> 00:03:38,708 Elesin! Patuloy kang magsaya Tulad ng isang Hari! 40 00:03:38,791 --> 00:03:40,750 Kung anoman ang nasaksihan Siyang hindi kailanman malilimutan 41 00:03:40,833 --> 00:03:42,500 -Ito ay aming nasaksihan -Elesin 42 00:03:42,583 --> 00:03:45,375 Patuloy kang magsaya tulad ng isang Hari! 43 00:03:45,458 --> 00:03:49,583 -Elesin patuloy magsaya gaya ng isang Hari -Elesin ika'y magpakasaya 44 00:03:49,666 --> 00:03:54,625 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 45 00:03:54,708 --> 00:03:59,041 Elesin, patuloy kang magsaya 46 00:03:59,125 --> 00:04:04,041 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 47 00:04:04,125 --> 00:04:09,750 Elesin, patuloy kang magsaya 48 00:04:16,000 --> 00:04:22,166 Aming dadalhin Sa kabilang-buhay ang aming ama 49 00:04:22,250 --> 00:04:25,333 Kung sinoman ang hindi masaya Ay siyang dapat lumisan 50 00:04:25,416 --> 00:04:28,625 Aming sasamahan Ang amang patungong kabilang-buhay 51 00:04:29,500 --> 00:04:30,833 Aming dadalhin Sa kabilang-buhay ang aming ama 52 00:04:30,916 --> 00:04:34,166 Kung sinoman ang hindi masaya Ay siyang dapat lumisan 53 00:04:34,250 --> 00:04:36,208 Aming sasamahan Ang amang patungong kabilang-buhay 54 00:04:36,291 --> 00:04:40,416 Aming dadalhin Sa kabilang-buhay ang aming ama 55 00:04:40,500 --> 00:04:43,041 Kung sinuman ang hindi masaya Ay siyang dapat lumisan 56 00:04:43,125 --> 00:04:44,958 Magbunyi 57 00:04:46,666 --> 00:04:48,791 Magbunyi 58 00:04:48,875 --> 00:04:54,041 Ang ating ama ay nasa bayan na Ang ating ama ay nasa pamilihan na 59 00:04:54,125 --> 00:04:56,291 Lahat tayo'y magbunyi 60 00:04:57,791 --> 00:04:59,708 Magbunyi 61 00:04:59,791 --> 00:05:04,958 Ang ating ama ay nasa bayan na Ang ating ama ay nasa pamilihan na 62 00:05:05,041 --> 00:05:07,500 Lahat tayo'y magbunyi 63 00:05:08,791 --> 00:05:11,291 Lahat tayo'y magbunyi 64 00:05:36,833 --> 00:05:39,291 Kumusta ang pamilihan? 65 00:05:39,375 --> 00:05:40,666 Kumusta. 66 00:05:40,750 --> 00:05:42,500 Elesin, 67 00:05:42,583 --> 00:05:45,750 saan ka papunta at nagmamadali, tila ibon na wala ang kanyang pinalamutiang buntot? 68 00:05:45,833 --> 00:05:48,875 Patungo sa kung saan hindi kailangan ng ibon ang kanyang palamuti. 69 00:05:48,958 --> 00:05:50,458 Ganyan talaga ang buhay. 70 00:05:51,125 --> 00:05:53,583 Nagkaroon lang siya ng bagong pakakasalan, nalimutan na ang unang asawa. 71 00:05:53,666 --> 00:05:55,791 Hindi naman sa ganoon, Olohun Iyo. 72 00:05:55,875 --> 00:05:57,375 Ang kaluluwa ko'y dito naninirahan sa pamilihan, 73 00:05:58,208 --> 00:06:01,333 tinitiis ang parehong kalungkutan at kasiyahan. 74 00:06:01,416 --> 00:06:04,041 Kita mo itong kababaihang nagliligpit para makauwi? 75 00:06:04,625 --> 00:06:06,625 Ngayon ang huling araw kong makita sila. 76 00:06:06,708 --> 00:06:08,958 Handa akong sumama sa iyo. 77 00:06:09,041 --> 00:06:13,500 Sabihan mo lang ako ng, "Olohun Iyo, samahan mo ako sa paglalakbay na ito." 78 00:06:13,583 --> 00:06:15,375 At susundan kita. 79 00:06:15,458 --> 00:06:20,458 Salamat sa'yong katapatan, ngunit hindi 'yan maaaring lumagpas sa mundong ibabaw. 80 00:06:22,375 --> 00:06:25,291 Ang pamilihang ito'y aking tahanan. 81 00:06:25,375 --> 00:06:29,500 Panatag ako sa tuwing kasama ko ang mga kababaihang ito. 82 00:06:29,583 --> 00:06:33,666 Lubos ang nararamdaman kong ginhawa dito. 83 00:06:33,750 --> 00:06:37,750 -Ama, binabati ka namin. -Kayo rin ay aking binabati. 84 00:06:38,375 --> 00:06:40,291 Mahusay! 85 00:06:40,375 --> 00:06:44,416 Ngayong gabi, ihihiga ko ang aking ulo sa kanilang mga kandungan. 86 00:06:45,333 --> 00:06:46,833 -Ama. -Parang mainam. 87 00:06:47,666 --> 00:06:48,708 Pagkatapos ay matutulog ako. 88 00:06:48,791 --> 00:06:50,875 Ikaw na ikaw nga. 89 00:06:50,958 --> 00:06:52,458 Ang pawis nila… 90 00:06:53,375 --> 00:06:55,416 Ang amoy nila… 91 00:06:55,500 --> 00:07:00,458 ang amoy ng anyil sa kanilang damit, 92 00:07:00,541 --> 00:07:04,958 ang kahuli-hulihang ihip ng hangin 93 00:07:05,041 --> 00:07:07,666 na aking lalanghapin 94 00:07:07,750 --> 00:07:10,291 bago ako magtungo sa aking mga ninuno. 95 00:07:11,916 --> 00:07:15,000 Salamat, ama. 96 00:07:15,083 --> 00:07:17,916 Minumutya ka namin. 97 00:07:18,000 --> 00:07:22,791 Palm wine tapper! Kumusta. 98 00:07:24,291 --> 00:07:26,000 Pagbati. 99 00:07:32,375 --> 00:07:34,791 Kumusta, ama. 100 00:07:34,875 --> 00:07:38,708 -Kumusta, ama. -Mahusay, iho. Salamat. 101 00:07:38,791 --> 00:07:41,666 Sa tamang panahon, 102 00:07:43,750 --> 00:07:49,333 makikita ninyo akong sumasayaw sa makitid na daanan, 103 00:07:49,416 --> 00:07:53,708 kinuha na ng aking mga ninuno. 104 00:07:53,791 --> 00:07:57,500 Buo na ang loob ko at walang makapipigil 105 00:07:58,000 --> 00:07:59,958 sa pagtungo ko sa kabilang-buhay ngayong gabi. 106 00:08:00,041 --> 00:08:02,000 Sigurado ka bang walang pipigil sa'yo? 107 00:08:02,083 --> 00:08:04,375 Walang makapipigil sa mangangabayo ng Hari. 108 00:08:04,458 --> 00:08:05,708 Binabati ka namin! 109 00:08:05,791 --> 00:08:07,166 Alam kong hindi mo kami pababayaan. 110 00:08:07,250 --> 00:08:13,041 Ako'y naglalakbay patungo sa aking Hari at amo. 111 00:08:13,125 --> 00:08:15,583 Kilala ka namin bilang taong marangal. 112 00:08:15,666 --> 00:08:16,916 Maraming salamat. 113 00:08:18,125 --> 00:08:20,958 Ang mundo ay may katapusan. 114 00:08:21,041 --> 00:08:23,333 Ang buhay ay isang karangalan, 115 00:08:23,416 --> 00:08:26,458 at natatapos ito kapag natapos ang karangalan. 116 00:08:26,541 --> 00:08:28,416 O birheng marikit ang mga mata 117 00:08:28,500 --> 00:08:29,916 Nauunawaan ninyo? 118 00:08:30,000 --> 00:08:32,666 O birheng marikit ang mga mata 119 00:08:32,750 --> 00:08:35,791 O birheng marikit ang mga mata 120 00:08:35,875 --> 00:08:38,291 Ang iyong magandang buhok Ang nakabibighani sa amin 121 00:08:38,375 --> 00:08:41,958 O birheng marikit ang mga mata, mga matang 122 00:08:42,041 --> 00:08:47,000 Halos perpekto, ang iyong mga ngipin 123 00:08:47,083 --> 00:08:50,500 Makinang at maputi 124 00:08:50,583 --> 00:08:54,250 Iyong puwitang perpekto 125 00:08:54,333 --> 00:08:58,375 Ang iyong magandang buhok Ang nakabibighani sa amin 126 00:08:58,458 --> 00:09:01,458 O birheng marikit ang mga mata 127 00:09:01,541 --> 00:09:06,750 Iyong buhok na nakabibighani O birheng marikit ang mga mata 128 00:09:06,833 --> 00:09:08,000 Sabihin ninyo sa akin, mga kaibigan… 129 00:09:08,083 --> 00:09:13,333 O birheng marikit ang mga mata 130 00:09:13,416 --> 00:09:15,375 O birheng marikit ang mga mata 131 00:09:15,458 --> 00:09:19,250 -Nasa mundong ibabaw pa rin ba ako? -Oo. 132 00:09:20,416 --> 00:09:24,833 Narito pa rin ba ako sa pinakamamahal kong pamilihan? 133 00:09:24,916 --> 00:09:26,291 Oo. 134 00:09:26,375 --> 00:09:30,416 -O nasa kabilang-buhay na ba ako? -Hindi. 135 00:09:30,500 --> 00:09:33,958 Nakarating na ba ako sa aking mga yumaong ninuno? 136 00:09:34,041 --> 00:09:35,500 Hindi. 137 00:09:35,583 --> 00:09:37,333 -Nasa pamilihan pa rin ako? -Oo. 138 00:09:38,625 --> 00:09:40,666 Bakit mo itinatanong, Elesin? 139 00:09:42,125 --> 00:09:45,208 Nasa mundong ibabaw ka pa rin. 140 00:09:46,416 --> 00:09:51,625 Ang boses na ito ay kay Olohun Iyo, hindi boses ng isang tagapaglingkod sa langit. 141 00:09:51,708 --> 00:09:55,166 Sige, kung gano'n… 142 00:10:05,666 --> 00:10:08,041 Sabihin mo sa akin, sino ang diyosang marikit na 'yon? 143 00:10:09,250 --> 00:10:15,541 Hindi, Iyaloja, kilala ko ang lahat ng mga kasama mong babae. 144 00:10:15,625 --> 00:10:17,208 Sino siya? 145 00:10:18,041 --> 00:10:22,541 Elesin. Elesin Oba. 146 00:10:22,625 --> 00:10:24,166 Nasaan nga ulit ako? 147 00:10:24,250 --> 00:10:26,625 Kasama mo pa rin ang mga nabubuhay. 148 00:10:26,708 --> 00:10:30,916 Tanging ang magandang babaeng 'yon ang nagpaliwanag ng pamilihan nang ganito. 149 00:10:35,291 --> 00:10:38,500 Ikakasal na siya. 150 00:10:38,583 --> 00:10:40,500 May lalaki na siyang pakakasalan. 151 00:10:41,166 --> 00:10:42,583 Anomang minuto ay maaari na siyang ikasal. 152 00:10:49,208 --> 00:10:50,875 Bakit mo sinasabi sa akin ito? 153 00:10:51,666 --> 00:10:57,250 Elesin, hindi sa gusto kitang saktan. 154 00:10:58,083 --> 00:11:03,333 Araw mo ngayon at iyo ang mundo. 155 00:11:03,416 --> 00:11:08,541 Ngunit lahat ng ginagawa natin ay may bunga. 156 00:11:08,625 --> 00:11:12,083 Sino ba naman ang hindi gustong maalala? 157 00:11:12,166 --> 00:11:15,958 Ayaw mo bang maging masaya ako sa mga huling sandali ko sa mundo? 158 00:11:17,666 --> 00:11:22,375 Ayaw kong maglakbay nang may bagahe. Pag-alis ko, gusto ko magaan. 159 00:11:23,000 --> 00:11:25,666 Gusto kong magaan kapag umalis ako. 160 00:11:25,750 --> 00:11:28,000 Ano'ng sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. 161 00:11:28,083 --> 00:11:33,791 Gusto kong magaan ang dala ko. Iyaloja, gusto kong magaan ang katawan ko. 162 00:11:33,875 --> 00:11:37,583 Hayaan mo akong magpakasaya sa mga huling sandali ko sa mundo sa paraang nais ko. 163 00:11:38,458 --> 00:11:42,958 At gusto kong mag-iwan ng binhi ko. 164 00:11:44,125 --> 00:11:45,791 Iyaloja ina ng nakararami 165 00:11:45,875 --> 00:11:48,708 Laging sinasarili ang iyong saloobin Kaunti ang ibinabahagi sa iba 166 00:11:48,791 --> 00:11:52,083 Kung may anim kang lihim Ibahagi lamang ang isa 167 00:11:52,166 --> 00:11:56,416 Dahil kung sino pa ang malapit Ay siya pang maaaring makasakit 168 00:11:56,500 --> 00:12:00,583 Lahat ay napapangiti sa iyong piling 169 00:12:00,666 --> 00:12:06,208 Ngunit kakaunti lamang ang iyong maaasahan 170 00:12:06,291 --> 00:12:10,750 Iyaloja, ina, ina ng nakararami 171 00:12:10,833 --> 00:12:14,958 Iyaloja, ina, ina ng nakararami 172 00:12:15,041 --> 00:12:18,916 Iyaloja, ina, ina ng nakararami 173 00:12:19,000 --> 00:12:23,291 Binabati ka namin 174 00:12:24,458 --> 00:12:28,458 Elesin, ikaw ang itinakda 175 00:12:28,541 --> 00:12:31,250 Ikaw ang itinakdang tagapaghatid 176 00:12:31,333 --> 00:12:35,875 Huwag mong pansinin ang mga iritable Ikaw ang itinakda 177 00:12:35,958 --> 00:12:39,666 Elesin, ikaw ang itinakda Ikaw ang itinakdang tagapaghatid 178 00:12:39,750 --> 00:12:42,875 Patungo na sa kabilang-buhay si Elesin. 179 00:12:42,958 --> 00:12:45,166 Hindi ko maaaring tanggihan ang huli niyang hiling. 180 00:12:45,250 --> 00:12:47,333 -Kahit na, Iyaloja! -Iyaloja! 181 00:12:47,416 --> 00:12:51,416 Masyadong maraming nakasalalay dito, pagbibigyan ko na siya sa hiling niya. 182 00:12:51,500 --> 00:12:55,541 Iyaloja, ikakasal na sa anak mo ang babaeng 'yon. 183 00:12:55,625 --> 00:12:56,708 Hindi mo ba sinabi sa kanya? 184 00:12:57,791 --> 00:13:01,333 Anak ko siya. Pakikinggan niya ang hiling ko. 185 00:13:01,416 --> 00:13:03,875 'Di ba't ako ang nagsilang sa kanya? Maaayos pa ang kawalan niya. 186 00:13:03,958 --> 00:13:06,416 -Elesin Oba! -Ama! 187 00:13:06,500 --> 00:13:11,708 Ikaw ang mangangabayo ng Hari 188 00:13:11,791 --> 00:13:16,041 Ng sinaunang katutubo Ng Alaafin, anak ng Atiba 189 00:13:16,125 --> 00:13:22,458 O Iyaloja, ang kagalang-galang Na may kapangyarihan sa lahat 190 00:13:22,541 --> 00:13:27,541 Ang siyang gumagabay Sa ating lahat gamit kanyang karunungan 191 00:13:27,625 --> 00:13:29,125 Maraming salamat. 192 00:13:29,208 --> 00:13:35,000 Kahit ano'ng aking gawin, hindi ko 193 00:13:35,083 --> 00:13:41,625 Mapapantayan ang iyong kadakilaan. 194 00:13:41,708 --> 00:13:43,125 Pagpupugay sa iyo. 195 00:13:43,208 --> 00:13:48,833 -Ang salita niya ay batas. -Mabuti. 196 00:13:54,250 --> 00:13:59,625 Ano ang masasabi ng aking mga ina? Mapagbibigyan ba ninyo ang aking hiling? 197 00:13:59,708 --> 00:14:04,916 Mainam na magbawas ka ng dinadala mo sa isang lugar na pamilyar at minamahal. 198 00:14:05,000 --> 00:14:09,333 Maglakbay kang magaan ang bagahe at iwan ang iyong huling binhi sa mundo, 199 00:14:09,416 --> 00:14:11,333 kung saan ka ipinanganak. 200 00:14:13,500 --> 00:14:18,875 Iyaloja, ina ng lahat. 201 00:14:20,083 --> 00:14:22,916 Kami ay nagagalak sa iyong karunungan. 202 00:14:23,000 --> 00:14:26,666 -Oo, totoo. -Mabuting ina. 203 00:14:26,750 --> 00:14:30,041 -Elesin Oba. -Iyaloja. 204 00:14:30,125 --> 00:14:32,958 Noon pa man ay 'di mapakali ang iyong mga mata. 205 00:14:33,041 --> 00:14:35,375 Sige, ibinibigay ko na ang aking basbas. 206 00:14:38,708 --> 00:14:42,000 Sige, ihatid n'yo na ang magandang balita sa ating bagong ikakasal, 207 00:14:42,083 --> 00:14:45,041 at ihanda na siya para sa seremonya. 208 00:14:45,125 --> 00:14:47,041 Elesin, o! 209 00:14:47,125 --> 00:14:50,708 Kung ano ang sabihin mo Ay siyang nagiging batas 210 00:14:50,791 --> 00:14:55,083 Iyaloja, aming ina, kung ano Ang sabihin mo ay siyang nagiging batas 211 00:14:55,166 --> 00:14:58,416 Tamasahin mo ang buhay ng isang Hari 212 00:14:58,500 --> 00:15:03,833 Ang kapangyarihan ay nasa ama 213 00:15:03,916 --> 00:15:08,458 Anak ng Alaafin ng Atiba 214 00:15:08,541 --> 00:15:12,083 Ang kapangyarihan ay nasa ama 215 00:15:12,166 --> 00:15:15,791 Anak ng Alaafin ng Atiba 216 00:15:18,916 --> 00:15:21,375 Noong una'y ayaw mong pumayag na pakasalan ko siya. 217 00:15:21,458 --> 00:15:25,166 Bakit? Ikaw 'tong gustong maglakbay nang "magaan ang bagahe". 218 00:15:25,250 --> 00:15:27,125 Ayos lang. 219 00:15:27,208 --> 00:15:31,250 Ngunit 'yong binhing gusto mong itanim, 220 00:15:31,333 --> 00:15:33,750 huwag mong hayaang may kasamang sumpa. 221 00:15:35,791 --> 00:15:38,416 Ano'ng ibig mong sabihin? 222 00:15:38,500 --> 00:15:40,333 Hindi, ayaw kong masaktan. 223 00:15:40,416 --> 00:15:44,000 Bakit ka masasaktan? Hindi ba't tinupad ko na ang iyong hiling? 224 00:15:44,083 --> 00:15:47,333 Sasabihan ko na silang ihanda ang kuwarto ninyo. 225 00:15:47,416 --> 00:15:50,333 Ngunit itong mga kamay na ito rin ang maghahanda ng isusuot mo sa libing. 226 00:15:52,041 --> 00:15:54,416 -Iyaloja. -Ano? 227 00:15:54,500 --> 00:15:59,541 Kailangan bang maging prangka ka? 228 00:16:01,125 --> 00:16:06,583 Sige. Ihanda mo na ang isusuot ko sa libing. 229 00:16:07,541 --> 00:16:13,500 Ngunit dapat haplusin ang katawan ko ng mga daliri ng aking mapapangasawa… 230 00:16:16,875 --> 00:16:21,750 Hanggang sa makarating ako sa aking mga ninuno sa kabilang-buhay. 231 00:17:16,250 --> 00:17:18,666 Elesin Oba, 232 00:17:19,750 --> 00:17:23,291 -Masyadong kang haragan. -Tama. 233 00:17:24,708 --> 00:17:30,000 -Sige. Ihanda mo ang sarili mo, Elesin. -Handa na ako. 234 00:17:30,791 --> 00:17:32,791 Kung ganoon ay mabuti. Mabuti 'yan. 235 00:19:14,625 --> 00:19:15,750 Ano 'yon? 236 00:19:23,500 --> 00:19:24,541 O, ikaw pala, Amusa. 237 00:19:25,791 --> 00:19:28,791 Bakit hindi ka na lang kumatok kaysa itumba mo 'yang mga gamit? 238 00:19:30,083 --> 00:19:33,750 G. Pilkings. 239 00:19:33,833 --> 00:19:35,083 Ano'ng problema mo? 240 00:19:37,791 --> 00:19:41,708 O, Amusa. Ano'ng problema? 241 00:19:42,250 --> 00:19:43,083 Madam. 242 00:19:43,166 --> 00:19:45,291 Ano ba ang problema mo! Magsalita ka! 243 00:19:46,000 --> 00:19:48,083 Iyang kasuotan mo, mahal Itong magara nating suot. 244 00:19:49,583 --> 00:19:51,166 Nalimutan ko. 245 00:19:51,250 --> 00:19:53,333 Sa tingin ko ay nagulat mo ang puso niyang pagano, pagpalain siya. 246 00:19:53,416 --> 00:19:56,333 Kalokohan, Muslim siya. 247 00:19:56,416 --> 00:19:58,791 Amusa naman. Hindi ka naman naniniwala sa mga kalokohang 'yon, 'di ba? 248 00:19:58,875 --> 00:20:00,500 Akala ko ba mabuti kang Muslim. 249 00:20:01,583 --> 00:20:04,000 G. Pilkings, paumanhin. 250 00:20:04,083 --> 00:20:08,833 Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa ganyang kasuotan? 251 00:20:08,916 --> 00:20:12,291 Para iyan sa mga patay, hindi sa mga buhay. 252 00:20:12,375 --> 00:20:14,958 Naku, Amusa, nakakadismaya ka. 253 00:20:15,625 --> 00:20:17,708 Ipinagmamalaki kita sa samahan, alam mo ba. 254 00:20:17,791 --> 00:20:20,750 "Salamat sa Diyos para kay Amusa, hindi siya naniniwala sa anomang kalokohan". 255 00:20:20,833 --> 00:20:22,541 At ngayon tingnan mo ang sarili mo! 256 00:20:23,125 --> 00:20:24,291 Ginoo, pakiusap, ginoo, 257 00:20:25,208 --> 00:20:26,583 hubarin na ninyo. 258 00:20:26,666 --> 00:20:31,916 Hindi nakabubuti para sa lalaking tulad mo ang isuot iyan. 259 00:20:32,000 --> 00:20:33,041 Ngunit suot ko na. 260 00:20:33,125 --> 00:20:34,666 At sa tingin ko, kami ni Jane ang magkakamit 261 00:20:34,750 --> 00:20:35,791 ng unang gantimpala sa pagtitipon. 262 00:20:35,875 --> 00:20:37,875 Kaya magkaroon naman tayo ng kaunting pag-unawa. 263 00:20:37,958 --> 00:20:39,958 Mukhang nalilimutan mo yatang isa kang pulis 264 00:20:40,041 --> 00:20:42,041 na naglilingkod sa Gobyerno ng Kamahalan. 265 00:20:42,875 --> 00:20:44,791 Ngayon, ayusin mo ang sarili mo, iulat mo ang pakay mo 266 00:20:44,875 --> 00:20:46,208 o maparurusahan ka. 267 00:20:46,291 --> 00:20:50,125 Tungkol ito sa buhay at kamatayan. 268 00:20:50,791 --> 00:20:57,000 Paano ko mauunawaan ang isang taong suot ang damit para sa patay? 269 00:20:57,708 --> 00:21:03,250 Parang nagsasalita ako laban sa gobyerno sa harap ng taong naka-uniporme ng pulis. 270 00:21:05,291 --> 00:21:06,833 Aalis na ako. Babalik ako mamaya. 271 00:21:06,916 --> 00:21:07,958 Ngayon na! 272 00:21:08,041 --> 00:21:09,333 O, Amusa, 273 00:21:09,416 --> 00:21:12,125 ano ba ang dapat naming ikatakot sa kasuotang ito? 274 00:21:12,208 --> 00:21:15,333 Kinuha namin 'to mula doon sa mga panggulong lider ng kultong egungun 275 00:21:15,416 --> 00:21:16,958 na inaresto noong nakaraang buwan. 276 00:21:17,041 --> 00:21:18,583 Kung noon pa lang ay 'di ka naman napahamak sa juju, 277 00:21:18,666 --> 00:21:21,500 bakit ka naman mapapahamak ngayon sa pawang pagtingan lang dito? 278 00:21:21,583 --> 00:21:23,041 Madam, 279 00:21:23,125 --> 00:21:29,708 inaresto ko ang mga lider, dahil nanggugulo sila, 280 00:21:29,791 --> 00:21:35,666 ngunit hindi ko lalapitan ang egungun. Hindi ko sila inaabuso. 281 00:21:35,750 --> 00:21:38,208 Tinatrato ko ang egungun nang may respeto. 282 00:21:38,291 --> 00:21:42,041 Isulat mo na 'yang ulat mo o kung anoman, Amusa, diyan sa papel. 283 00:21:42,125 --> 00:21:43,791 At umalis ka na rito. 284 00:21:44,958 --> 00:21:46,250 Tara na, Jane. 285 00:23:53,458 --> 00:23:54,875 Jane! 286 00:23:54,958 --> 00:23:56,708 Saglit lang, mahal. Malapit na akong matapos. 287 00:23:56,791 --> 00:23:59,041 Hayaan mo na 'yan, pakinggan mo muna ito. 288 00:23:59,125 --> 00:23:59,958 Ano 'yan? 289 00:24:00,041 --> 00:24:01,958 Ulat ni Amusa. 290 00:24:02,708 --> 00:24:06,000 "Aking inuulat na napag-alaman kong 291 00:24:06,083 --> 00:24:08,000 isang prominenteng pinuno, 292 00:24:08,083 --> 00:24:10,291 nagngangalang Elesin Oba, 293 00:24:10,375 --> 00:24:13,500 ay magsasagawa ng pagpatay ngayong gabi, resulta ng isang kaugaliang katutubo. 294 00:24:14,458 --> 00:24:16,458 Dahil ito ay isang krimen, 295 00:24:16,541 --> 00:24:20,583 ako'y naghihintay ng higit pang utos mula sa charge office. Sarhento Amusa". 296 00:24:21,416 --> 00:24:23,625 Tama ba 'yong narinig kong magsasagawa ng pagpatay? 297 00:24:24,708 --> 00:24:25,958 Malinaw na pagpatay ang ibig sabihin niya. 298 00:24:27,000 --> 00:24:28,416 Ibig sabihin ay ritwal na pagpatay? 299 00:24:29,125 --> 00:24:30,291 Malamang. 300 00:24:30,375 --> 00:24:32,583 Ibig mo bang sabihin ay talagang hindi na tayo makadadalo sa pagtitipon? 301 00:24:32,666 --> 00:24:35,833 Hindi! 302 00:24:35,916 --> 00:24:38,875 Ipaaaresto ko 'yong lalaki. At lahat ng maaaring kasabwat. 303 00:24:43,583 --> 00:24:47,875 Bilang magulang ng mapapangasawa ng aking anak… 304 00:24:49,208 --> 00:24:51,625 huwag kayong mawalan ng pag-asa. 305 00:24:52,666 --> 00:24:55,250 Nagsalita na ang mga ninuno ngayong gabi. 306 00:24:56,208 --> 00:25:01,291 At napagdesisyunang ibigay kay Elesin ang kanyang huling makamundong kahilingan. 307 00:25:02,375 --> 00:25:06,083 Naghahanda na siyang makapiling ang kanyang mga ninuno. 308 00:25:06,791 --> 00:25:10,916 Ang anak ninyo ang tatanggap ng binhi ni Elesin, 309 00:25:11,000 --> 00:25:12,958 puno ng giting 310 00:25:13,041 --> 00:25:15,000 at lakas ng kanyang lahi. 311 00:25:15,083 --> 00:25:17,875 Nais ko sanang igalang natin ito. 312 00:25:20,833 --> 00:25:26,041 Inay, ihanda ninyo ang inyong anak upang tanggapin si Elesin. 313 00:25:27,041 --> 00:25:28,375 Itay, 314 00:25:30,250 --> 00:25:32,375 tayo'y magbunyi 315 00:25:32,458 --> 00:25:37,250 na ang kalooban ng ating mga ninuno ay masusunod. 316 00:25:38,458 --> 00:25:39,875 Aking Akanni, 317 00:25:39,958 --> 00:25:44,958 ikaw ang aking unang anak at ako ang iyong ina. 318 00:25:45,583 --> 00:25:48,041 Tumingin ka sa iyong paligid, 319 00:25:48,125 --> 00:25:54,291 lahat ng nakikita mo ay sa'yo, higit pa riyan. 320 00:25:55,875 --> 00:25:58,583 Igalang mo ako, 321 00:25:59,583 --> 00:26:03,541 at magtiwala ka sa ating mga ninuno. 322 00:26:05,750 --> 00:26:10,333 Ngayong gabi, isang kagalang-galang na lalaki ang sasalubong sa kanila. 323 00:26:13,000 --> 00:26:19,208 -Bakit tayo naririto? -Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 324 00:26:19,291 --> 00:26:24,208 -Bakit tayo naririto? -Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 325 00:26:24,291 --> 00:26:27,916 Sabi ko ay bakit tayo naririto? 326 00:26:28,000 --> 00:26:31,666 Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 327 00:26:31,750 --> 00:26:38,125 -Hayaang sumabay sa ritmo ang mga abaloryo -Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 328 00:26:38,208 --> 00:26:44,125 -Ang mga abaloryo ay sumusunod sa ritmo -Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 329 00:26:44,208 --> 00:26:50,000 -Hayaang sumabay sa indak ang mga abaloryo -Ito ay upang ipagdiwang ang isang kasal 330 00:26:54,125 --> 00:26:55,291 Ginoo? 331 00:26:56,958 --> 00:26:58,500 Pumasok ka, Joseph! 332 00:26:59,083 --> 00:27:02,458 Hindi ko alam kung saan mo nakukuha itong labis mong kahusayan sa pakikitungo. 333 00:27:02,541 --> 00:27:04,375 Halika rito. 334 00:27:07,541 --> 00:27:08,375 Ginoo? 335 00:27:08,458 --> 00:27:11,125 Ano ba 'yong mangyayari sa bayan ngayong gabi? 336 00:27:12,333 --> 00:27:13,875 Ngayon gabi, ginoo? 337 00:27:15,083 --> 00:27:17,833 Ang tinutukoy mo ba ay 'yong pinunong magpapakamatay? 338 00:27:17,916 --> 00:27:20,375 Ano'ng ibig mong sabihing magpapakamatay? 339 00:27:20,458 --> 00:27:22,541 Ang ibig mong sabihin ay may papatayin siya, tama? 340 00:27:22,625 --> 00:27:24,625 Wala siyang papatayin, 341 00:27:24,708 --> 00:27:27,875 at walang papatay sa kanya. Mamamatay na lang siya. 342 00:27:27,958 --> 00:27:30,791 Mamamatay? Wala namang basta na lang mamamatay. 343 00:27:30,875 --> 00:27:32,500 Ito ay batas at kaugaliang katutubo. 344 00:27:32,583 --> 00:27:36,208 Namatay ang Hari noong nakaraang buwan. Ngayong gabi ang kanyang libing. 345 00:27:36,291 --> 00:27:39,375 Ngunit bago siya ilibing, dapat mamatay ang Elesin 346 00:27:39,458 --> 00:27:41,875 para samahan siya patungong langit. 347 00:27:47,708 --> 00:27:49,458 Parang itinadhana akong makabangga nang madalas 348 00:27:49,541 --> 00:27:51,833 ang lalaking 'yon nang higit pa sa ibang mga pinuno. 349 00:27:51,916 --> 00:27:54,208 Iyong tinatawag na Pinuno ng Mangangabayo ng Hari. 350 00:27:55,666 --> 00:27:56,666 Simon, ano'ng problema? 351 00:27:56,750 --> 00:28:00,458 Siya 'yong pinunong nakaalitan ko mga tatlo o apat na taon na'ng nakaraan. 352 00:28:00,541 --> 00:28:03,583 Nag-alok akong ipasok sa kolehiyo ng medisina sa Inglatera ang anak niya. 353 00:28:03,666 --> 00:28:06,333 Oo, naaalala ko na. Iyong maunawaing batang lalaki. 354 00:28:06,416 --> 00:28:07,916 Ano nga ulit ang pangalan niya? 355 00:28:08,000 --> 00:28:08,958 Olunde. 356 00:28:09,041 --> 00:28:11,708 Gusto no'ng matandang pagano na manatili siya dito at ipagpatuloy 357 00:28:11,791 --> 00:28:13,583 ang tradisyon ng pamilya nila o kung anoman 'yon. 358 00:28:14,583 --> 00:28:17,541 Tapos hindi ko maintindihan ang gulong ginawa niya. Kinailangan ko pang 359 00:28:17,625 --> 00:28:19,791 tulungan 'yong bata na makatakas sa pagkakakulong niya 360 00:28:19,875 --> 00:28:21,250 at isakay siya sa susunod na barko. 361 00:28:21,333 --> 00:28:24,375 Napakatalinong bata, napakabibo. 362 00:28:24,458 --> 00:28:26,375 Lubos na maunawaing bata, ano. 363 00:28:26,458 --> 00:28:29,375 Ngayon, magiging primera-klaseng doktor na siya. 364 00:28:29,458 --> 00:28:31,291 Buo na ang pasya niya roon. 365 00:28:32,125 --> 00:28:34,666 At hanggang gusto niya ng tulong ko, ibibigay ko. 366 00:28:47,375 --> 00:28:51,333 Narito tayo Upang uminom ng alak mula sa palma 367 00:28:51,416 --> 00:28:54,625 Ang mga mapag-uusapan sa pagitan natin, Dapat manatili rito 368 00:28:54,708 --> 00:28:57,000 Narito tayo Upang uminom ng alak mula sa palma 369 00:29:15,083 --> 00:29:20,041 Sino ang mapangahas na nais umistorbo sa pagsasaya ko? 370 00:29:20,125 --> 00:29:21,916 Ako 'to, kaibigan mo. 371 00:29:23,666 --> 00:29:25,958 -Kararating ko lang. -Olunde. 372 00:29:28,375 --> 00:29:33,041 Ang lalaking iniwan kami para sa Inglatera ay nagbalik na, sakto, 373 00:29:33,125 --> 00:29:34,583 walang pasabi? 374 00:29:36,500 --> 00:29:38,958 -O baka ikaw ay isang manghuhula. -Hindi. 375 00:29:39,041 --> 00:29:40,791 Isa lamang akong doktor. 376 00:29:40,875 --> 00:29:42,583 Dr. Olunde nga pala. 377 00:29:45,958 --> 00:29:47,708 Olunde. 378 00:29:48,916 --> 00:29:51,333 Nabalitaan kong pumanaw ang ating Hari noong nakaraang buwan. 379 00:29:57,625 --> 00:29:59,791 May kasalan ngayong gabi? 380 00:29:59,875 --> 00:30:03,625 Olunde, kilala mo ang iyong ama nang higit pa sa sinoman. 381 00:30:12,541 --> 00:30:14,541 Ikakasal siya? 382 00:30:15,666 --> 00:30:17,041 Ngayong gabi? 383 00:30:17,125 --> 00:30:21,958 …Siya ay mababaon nang mababaon sa utang 384 00:30:27,000 --> 00:30:28,416 Joseph! 385 00:30:28,500 --> 00:30:30,250 Ano po iyon, amo? 386 00:30:30,333 --> 00:30:31,791 Ano 'yong naririnig kong mga nagtatambol? 387 00:30:35,416 --> 00:30:36,375 Hindi ko alam, amo. 388 00:30:36,458 --> 00:30:37,375 Ano'ng ibig mong sabihing 'di mo alam? 389 00:30:37,458 --> 00:30:39,083 Dalawang taon pa lang mula noong pagbabagong-loob mo. 390 00:30:39,166 --> 00:30:42,000 Huwag mong sabihin sa akin na nabura na 'yang alaala mo ng pagiging katutubo 391 00:30:42,083 --> 00:30:43,125 ng kalokohang banal na tubig na 'yon. 392 00:30:43,208 --> 00:30:44,750 Amo! 393 00:30:44,833 --> 00:30:47,375 -Hayan na nga. -Ano na naman ang ginawa ko? 394 00:30:48,333 --> 00:30:51,125 Makinig ka Joseph, sabihin mo na lang sa akin. 'Yang pagtatambol, 395 00:30:51,208 --> 00:30:54,166 konektado ba 'yan sa pagkamatay o kahit anong bagay na may kinalaman doon? 396 00:30:55,166 --> 00:30:57,875 Madam, iyan ang gusto kong sabihin. 397 00:30:59,541 --> 00:31:01,375 Hindi ako sigurado. 398 00:31:01,458 --> 00:31:04,708 Parang tunog ng kamatayan ng isang dakilang pinuno, 399 00:31:05,375 --> 00:31:08,541 ngunit tunog kasal din ng isang dakilang pinuno. 400 00:31:08,625 --> 00:31:10,250 Talagang nalilito ako. 401 00:31:25,166 --> 00:31:27,791 Alam mo, Simon, talagang kailangan nating lumiban sa kasayahan. 402 00:31:27,875 --> 00:31:29,500 Kalokohan. 403 00:31:29,583 --> 00:31:32,125 Ito ang kauna-unahang pagsasaya na inorganisa ng samahang Europa 404 00:31:32,208 --> 00:31:33,791 sa loob ng mahigit isang taon na. 405 00:31:33,875 --> 00:31:35,291 At hinding-hindi ko palalampasin 'to. 406 00:31:36,958 --> 00:31:39,750 At isa rin itong espesyal na okasyon. 407 00:31:42,291 --> 00:31:45,166 Mas espesyal pa sa tipikal na masagwang pagtitipon ng samahan? 408 00:31:45,250 --> 00:31:48,958 Naku, ngunit hindi mo alam na nasa bayan ang Prinsipe, 'di ba? 409 00:31:49,041 --> 00:31:53,083 Magpapakita siya mamaya sa pagtitipon. At tayo, 410 00:31:53,166 --> 00:31:57,791 mahal ko, ang mananalo ng premyo! 411 00:31:57,875 --> 00:32:00,291 Tumutok sa premyo ika nga nila, maghanda na tayo. 412 00:32:05,625 --> 00:32:10,500 Siya ay mababaon nang mababaon sa utang 413 00:32:10,583 --> 00:32:13,625 Ang pahinante ng pamilihan Na gustong idemanda ang Hari sa korte 414 00:32:13,708 --> 00:32:16,000 Mababaon nang mababaon sa utang 415 00:32:16,083 --> 00:32:20,958 Maingat naming ginagayakan Ang minamahal na ikakasal 416 00:32:21,041 --> 00:32:25,166 Maingat, ginagayakan ang mahal na ikakasal Minamahal na asawa 417 00:32:25,250 --> 00:32:27,958 Maingat naming ginagayakan Ang minamahal na ikakasal 418 00:32:28,041 --> 00:32:29,875 KUNIN NINYO SI G. ELESIN AT HUWAG PAPAALISIN SA INYONG KUSTODIYA… 419 00:32:38,041 --> 00:32:40,875 Direkta mong dalhin ang sulat na ito kay Sarhento Amusa. 420 00:32:40,958 --> 00:32:42,375 Makikita mo siya sa charge office. 421 00:32:42,458 --> 00:32:44,250 Gamitin mo ang bisikleta mo at bilisan mo. 422 00:32:44,333 --> 00:32:46,208 Inaasahan kong makababalik ka sa loob ng eksaktong 20 minutos. 423 00:32:46,291 --> 00:32:47,791 -Malinaw? -Opo, amo. 424 00:32:55,375 --> 00:32:58,666 Jane, mahal, kailangan na natin umalis para maayos tayong makarating. 425 00:32:58,750 --> 00:33:01,458 Siguradong maiinggit iyong ibang mga probinsiyano! 426 00:33:03,125 --> 00:33:07,083 Hayaang ilapit ng unang asawa Ang bagong asawa 427 00:33:07,166 --> 00:33:11,041 Dahil ikaw ang mas nakatatanda 428 00:33:11,125 --> 00:33:17,791 Unang asawa, ilapit si Amoke Dahil ikaw ang mas nakatatanda 429 00:33:17,875 --> 00:33:22,041 Ikaw ang mas nakatatanda 430 00:33:22,125 --> 00:33:25,416 Ikaw ang nauna 431 00:33:25,500 --> 00:33:29,333 Ikaw ang mas nakatatanda 432 00:33:29,416 --> 00:33:32,666 Ikaw ang nauna 433 00:33:32,750 --> 00:33:36,250 Unang asawa, ilapit si Amoke 434 00:33:36,333 --> 00:33:38,916 Dahil ikaw ang mas nakatatanda 435 00:33:39,000 --> 00:33:43,250 Elesin, patuloy kang magpakasaya 436 00:33:43,333 --> 00:33:47,666 Elesin, patuloy kang magpakasaya 437 00:33:47,750 --> 00:33:53,125 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 438 00:33:53,208 --> 00:33:57,666 Elesin, patuloy kang magpakasaya 439 00:33:57,750 --> 00:34:03,041 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 440 00:34:03,125 --> 00:34:08,166 Elesin, patuloy kang magpakasaya 441 00:34:08,250 --> 00:34:12,250 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 442 00:34:12,333 --> 00:34:14,791 O, ang ikakasal sa pagtitipon ngayon 443 00:34:18,333 --> 00:34:23,375 Patuloy kang magpakasaya Mahal na asawa ni Amoke 444 00:34:25,958 --> 00:34:30,333 Elesin, patuloy kang magpakasaya 445 00:34:30,416 --> 00:34:35,666 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 446 00:34:35,750 --> 00:34:42,125 -Elesin, patuloy kang magpakasaya -Elesin, patuloy kang magpakasaya 447 00:34:42,208 --> 00:34:48,500 Gawin mo ang kahit anong nais sa akin O, Elesin! 448 00:34:50,250 --> 00:34:55,541 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 449 00:34:55,625 --> 00:35:01,375 Ako'y hindi sapat sa iyong presensya… 450 00:35:11,375 --> 00:35:16,666 Elesin, patuloy kang magpakasaya 451 00:35:16,750 --> 00:35:20,875 Tulad ng tinatamasang katanyagan Ng Olo sa mundo ngayon 452 00:35:20,958 --> 00:35:23,666 Elesin, patuloy kang magpakasaya 453 00:35:30,416 --> 00:35:32,208 Amusa, kumusta. 454 00:35:33,083 --> 00:35:34,791 -Mabuhay. -Huwag ninyo akong batiin. 455 00:35:34,875 --> 00:35:38,541 Umurong kayo, padaanin ninyo ako. 456 00:35:38,625 --> 00:35:41,250 Narito ako para sa opisyal na usapin. 457 00:35:41,333 --> 00:35:43,375 Saan ka pupunta, Amusa? 458 00:35:43,458 --> 00:35:46,916 Sa loob, kasi alam kong naroon siya. 459 00:35:47,000 --> 00:35:48,375 Sino? 460 00:35:48,458 --> 00:35:50,208 Iyong lalaking Elesin Oba ang tawag sa kanyang sarili. 461 00:35:51,083 --> 00:35:53,375 Amusa, hindi mo naiintindihan. 462 00:35:53,458 --> 00:35:57,875 Hindi niya tinatawag na Elesin Oba ang sarili niya. Mula 'yon sa angkan niya. 463 00:35:57,958 --> 00:36:01,583 Tulad ng tawag sa kanyang ama, ang anak na susunod sa kanya ay gayon din. 464 00:36:01,666 --> 00:36:04,875 Makinig ka sa akin, walang magagawa 'yang Puti mong amo. 465 00:36:05,500 --> 00:36:06,458 Sandali lang, 466 00:36:06,541 --> 00:36:10,000 hindi ba't ang karagatan na dumadampi sa lupain natin dito 467 00:36:10,083 --> 00:36:11,208 ay iisa sa umaabot sa lupain ng mga Puti? 468 00:36:11,291 --> 00:36:12,166 Iisa lang. 469 00:36:12,250 --> 00:36:14,708 Amusa, sabihin mo sa Puti mong kasama, 470 00:36:14,791 --> 00:36:16,500 na itago man niya ang anak namin 471 00:36:16,583 --> 00:36:18,583 kahit gaano man katagal niyang gusto, 472 00:36:18,666 --> 00:36:20,208 ngunit sa tamang panahon, 473 00:36:20,291 --> 00:36:23,833 ang karagatang nagdala sa kanya doon ang siya ring magbabalik sa kanya sa amin. 474 00:36:23,916 --> 00:36:27,166 Sabi ng gobyerno ng Britanya na "tama na". 475 00:36:27,958 --> 00:36:30,833 Dapat nang magwakas ang mga ilegal na gawaing ito. 476 00:36:30,916 --> 00:36:32,916 At sino ang pipigil dito, Amusa? 477 00:36:33,000 --> 00:36:34,958 Ikaw ba? 478 00:36:35,041 --> 00:36:38,708 Hindi mo talaga naiintindihan. Ngayon gabi, ang aming ama… 479 00:36:38,791 --> 00:36:39,958 Ang aming ama 480 00:36:40,041 --> 00:36:41,958 -Ang aming asawa -Ang aming asawa 481 00:36:42,041 --> 00:36:45,791 Ipapakita niyang labas siya sa lahat ng kakaibang batas sa lupaing ito. 482 00:36:45,875 --> 00:36:46,750 Oo. 483 00:36:46,833 --> 00:36:51,125 Makinig kayo, walang magaganap ngayong gabi o kahit anong oras pa. 484 00:36:51,208 --> 00:36:57,208 Ignorante at makasalanan para sa sinoman ang gawin ang ganitong bagay. 485 00:36:57,291 --> 00:37:00,458 Baka naman makagat mo na ang dila mo sa dami ng Ingles na ginagamit mo ngayon. 486 00:37:00,541 --> 00:37:01,875 Aming ina. Kumusta. 487 00:37:01,958 --> 00:37:02,916 Amusa. 488 00:37:03,000 --> 00:37:06,833 Bakit ka naparito para sirain ang kasiyahan ng iba? 489 00:37:06,916 --> 00:37:08,375 Ni hindi niya nga kayang sirain ang aming kasiyahan. 490 00:37:08,458 --> 00:37:11,958 Iyaloja, nagagalak akong makita ka. 491 00:37:12,041 --> 00:37:16,083 Kilala mo ako, hindi ako mahilig manggulo. 492 00:37:16,166 --> 00:37:18,833 Trabaho lang. 493 00:37:18,916 --> 00:37:21,375 Narito ako para arestuhin si Elesin Oba, 494 00:37:21,458 --> 00:37:26,166 na nagbabalak magpatiwakal sa paraang labag sa batas. 495 00:37:26,250 --> 00:37:28,625 Pakisabi sa mga babaeng ito na umalis at padaanin ako. 496 00:37:28,708 --> 00:37:30,291 At ikaw naman? 497 00:37:31,666 --> 00:37:35,791 Ano ang karapatan mong pigilan ang aming pinuno na isakatuparan ang tungkulin niya? 498 00:37:37,083 --> 00:37:38,333 Tungkulin? 499 00:37:39,000 --> 00:37:41,875 Anong klaseng tungkulin 'yon, Iyaloja? 500 00:37:41,958 --> 00:37:45,041 Anong tungkulin? Ano 'yon? 501 00:37:45,125 --> 00:37:48,000 Ano pa ba ang tungkulin ng isang lalaki sa kanyang bagong mapapangasawa? 502 00:37:48,791 --> 00:37:51,833 Iyaloja, kasal ba dapat ito? 503 00:37:52,875 --> 00:37:55,875 Amusa, 504 00:37:55,958 --> 00:37:58,791 kung sino ka man naging dahil doon sa Puting lalaking 'yon, 505 00:37:59,666 --> 00:38:01,625 siya rin ba ang dahilan kung bakit hindi ka makahanap ng mapapangasawa? 506 00:38:01,708 --> 00:38:04,625 Kahit na wala ka, hindi ba may asawa ang amo mo? 507 00:38:04,708 --> 00:38:08,000 Tanungin mo siya para sabihin niya sa'yo. 508 00:38:08,083 --> 00:38:11,083 -Iyaloja, hindi ito kasal. -Talaga? 509 00:38:11,166 --> 00:38:14,958 Hindi man ito mukhang kasal para sa'yo, 510 00:38:15,041 --> 00:38:17,041 ngunit tanungin mo ang amo mo kung ano ang gagawin niya 511 00:38:17,125 --> 00:38:21,000 kung pipigilan siyang gawin ang dapat niyang gawin sa gabi ng kasal niya? 512 00:38:21,083 --> 00:38:23,250 Iyaloja, sabi ko ngang hindi ito kasal! 513 00:38:23,333 --> 00:38:26,083 A! Amusa, naiintindihan na kita ngayon. 514 00:38:26,166 --> 00:38:28,416 Gusto mong maging saksi. 515 00:38:28,500 --> 00:38:31,041 Gusto mong makita kung paano ang unang karanasan ng isang dalaga. 516 00:38:31,125 --> 00:38:36,500 Baka hinihintay pa rin ng mga asawa niyang matuto siya. 517 00:38:36,583 --> 00:38:38,041 Iyaloja… 518 00:38:38,125 --> 00:38:39,208 Tama nga! 519 00:38:39,291 --> 00:38:42,041 Pakisabi sa mga kababaihan mo na huwag akong insultuhin. 520 00:38:42,125 --> 00:38:43,083 Patawa naman. 521 00:38:43,166 --> 00:38:48,000 -Hindi ako dapat insultuhin. Kung hindi… -Ano ang gagawin mo? 522 00:38:48,791 --> 00:38:51,958 -Magkakaroon tayo ng gulo. -Tigil-tigilan mo 'yan, Amusa. 523 00:38:52,041 --> 00:38:54,125 -Pulis. -Patawa ka naman. 524 00:38:54,208 --> 00:38:59,000 Sabi na nga ba't manggugulo kayo. 525 00:38:59,083 --> 00:39:01,458 Aming ina. 526 00:39:01,541 --> 00:39:05,333 Habulin ninyo! 527 00:39:05,416 --> 00:39:08,666 Bugbugin ninyong maigi! 528 00:39:08,750 --> 00:39:13,125 Bugbugin ninyong maigi! 529 00:39:13,208 --> 00:39:18,625 Bugbugin ninyong maigi! 530 00:39:18,708 --> 00:39:20,666 Patawa naman! 531 00:39:20,750 --> 00:39:23,125 Patawa naman. 532 00:39:39,500 --> 00:39:44,000 Pagmasdan 533 00:39:44,083 --> 00:39:50,333 Mahal na mga ina, pagmasdan 534 00:39:51,666 --> 00:39:56,083 Tanggapin 535 00:39:56,833 --> 00:40:03,041 Mahal na mga ina, pagmasdan 536 00:40:03,125 --> 00:40:07,208 Itong pag-iisa ng katawan, Itong pag-iisa ng kaluluwa 537 00:40:07,291 --> 00:40:10,000 Itong maligayang pag-iisa 538 00:40:10,083 --> 00:40:13,541 Tanggapin 539 00:40:17,125 --> 00:40:21,541 Pagmasdan 540 00:40:21,625 --> 00:40:27,875 Mahal na mga ina, pagmasdan 541 00:40:27,958 --> 00:40:32,375 Tanggapin 542 00:40:33,416 --> 00:40:39,500 Mahal na mga ina, tanggapin 543 00:40:39,583 --> 00:40:44,625 Itong pag-iisa ng katawan, Itong pag-iisa ng kaluluwa 544 00:40:44,708 --> 00:40:47,333 Itong maligayang pag-iisa 545 00:40:47,416 --> 00:40:51,500 Tanggapin 546 00:40:51,583 --> 00:40:54,666 Kayong mga ina ng magagandang dalaga, 547 00:40:55,875 --> 00:40:57,625 ito, tanggapin ninyo. 548 00:41:01,416 --> 00:41:03,458 Hindi lang ito basta dugo ng isang birhen. 549 00:41:03,541 --> 00:41:08,583 Ito ay ang pag-iisa ng buhay at mga binhi ng aking pagdaraan. 550 00:41:09,666 --> 00:41:11,500 Ito ang aking kaluluwa, 551 00:41:11,583 --> 00:41:14,583 ang kahuli-huli mula sa aking katawan, 552 00:41:14,666 --> 00:41:19,416 at pangako ng isang buhay sa hinaharap na iiwan ko sa pagsalubong ko sa mga ninuno. 553 00:41:22,666 --> 00:41:26,458 Ang ikakasal ay karapat-dapat! 554 00:41:32,041 --> 00:41:36,750 O, Ogun! 555 00:41:37,958 --> 00:41:43,083 O, Ogun, na siyang kumakain ng aso 556 00:41:43,166 --> 00:41:49,833 Lakaaye, narito ang iyong pagkain 557 00:41:49,916 --> 00:41:53,166 Siyang naghahanap ng salapi Nawa'y makahanap ng salapi 558 00:41:53,250 --> 00:41:56,375 Siyang naghahanap ng anak Nawa'y magkaroon ng anak 559 00:41:56,458 --> 00:42:01,250 Dahil si Ogun ay nagbibiyaya Ng salapi at anak at kaligayahan 560 00:42:01,333 --> 00:42:07,125 Lakaaye, aking ama 561 00:42:08,958 --> 00:42:13,541 Siya'y narito at kahit saan 562 00:42:13,625 --> 00:42:19,416 Si Ogun ay isang diyos, Huwag mo siyang pagtaksilan 563 00:42:33,125 --> 00:42:35,625 Nalalapit na ang oras. 564 00:42:37,375 --> 00:42:41,666 Uuwi na ang isang dakila! 565 00:42:42,583 --> 00:42:47,916 Pagbati sa ating mga ninuno 566 00:42:48,916 --> 00:42:51,375 Uuwi na ang isang dakila! 567 00:42:52,166 --> 00:42:55,875 Ang elepante ay natumba At hindi makabangon 568 00:42:55,958 --> 00:43:00,000 Ang inapo ng dakilang egungun 569 00:43:02,000 --> 00:43:06,000 Namatay siya sa marangal na kamatayan 570 00:43:06,083 --> 00:43:11,291 Isang marangal na prinsipe Tunay na dakilang egungun 571 00:43:12,375 --> 00:43:16,708 O, tumangis 572 00:43:17,416 --> 00:43:20,375 Uuwi na ang isang dakila! 573 00:43:21,291 --> 00:43:26,125 Ang dakila ay naglalakbay Humanap ng elepante, magtungo sa gubat 574 00:43:26,208 --> 00:43:31,083 -Para sa kalabaw, pumuntang gubat -Para sa tuyong dahon, sa ilalim ng puno 575 00:43:32,291 --> 00:43:36,625 Tumumba ang isang elepante Paalam sa ating dakilang Hari 576 00:43:37,833 --> 00:43:41,833 Sa panaginip na lamang tayo Maaaring magkita 577 00:43:41,916 --> 00:43:44,583 Patay na ang aso ng Hari… 578 00:43:52,250 --> 00:43:56,166 At ang kabayo ng Hari ay sumunod na sa kanyang amo. 579 00:43:58,916 --> 00:44:04,041 Tumumba na ang elepante 580 00:44:04,125 --> 00:44:09,625 At hindi na makabangon 581 00:44:11,625 --> 00:44:16,541 Tila bundok na nahihimbing 582 00:44:18,791 --> 00:44:22,583 Tumumba na ang elepante 583 00:44:23,958 --> 00:44:30,125 At hindi na makabangon 584 00:44:31,166 --> 00:44:36,833 Tila bundok na nahihimbing 585 00:44:38,416 --> 00:44:44,291 Ama ni Olajumoke 586 00:44:44,916 --> 00:44:50,875 Pumasok na sa kuweba sa lupa 587 00:44:54,291 --> 00:44:59,625 Tumumba na ang elepante 588 00:45:00,541 --> 00:45:05,125 At hindi na makabangon 589 00:45:07,291 --> 00:45:11,416 Tila bundok na nahihimbing 590 00:45:12,625 --> 00:45:14,500 Hindi pa kumpleto ang kasal natin. 591 00:45:15,916 --> 00:45:20,708 Hindi kumpleto ang okasyon hangga't hindi ako namamatay. 592 00:45:23,000 --> 00:45:27,500 Samahan mo ako hanggang mangyari 'yon. 593 00:45:32,958 --> 00:45:37,083 Aking mga mang-aawit ng papuri, mangyaring ibigay ang huling karangalan. 594 00:45:38,125 --> 00:45:40,291 Dito ang aking napili 595 00:45:41,083 --> 00:45:44,208 kung saan ako lilisan mula sa mundo. 596 00:45:45,875 --> 00:45:47,416 Dito ko natutuhan ang pag-ibig, 597 00:45:49,041 --> 00:45:52,375 ang kaligayahan, hindi sa palasyo. 598 00:45:53,875 --> 00:45:55,041 Kung maaari. 599 00:45:55,125 --> 00:45:59,166 May ilang mas gugustuhin Na hindi sumikat ang araw 600 00:45:59,250 --> 00:46:01,125 Ngunit ito'y sisikat pa rin 601 00:46:01,208 --> 00:46:02,875 Sa mga mata ng iba 602 00:46:02,958 --> 00:46:04,833 Ang ulan ay hindi dapat bumagsak 603 00:46:04,916 --> 00:46:06,875 Ngunit umuulan pa rin 604 00:46:06,958 --> 00:46:10,833 Ang kapalaran ng isang tao Ay laging matutupad 605 00:46:10,916 --> 00:46:13,250 Handa na ang aking kaluluwa… 606 00:46:14,333 --> 00:46:17,166 upang maging tagapaghatid ng Hari. 607 00:46:42,375 --> 00:46:45,458 Kamahalan, ikaw ay binabati ng gobyerno ng kamahalan. 608 00:46:45,541 --> 00:46:48,166 Nais kong ipakilala ang aking asawa. Alice. 609 00:46:48,250 --> 00:46:49,583 -Magandang gabi. -Pakiusap. 610 00:46:51,750 --> 00:46:54,500 Ipinakikilala ko si Madam Taiwo Abioye, 611 00:46:54,583 --> 00:46:57,416 at ang kanyang kapatid na si Madam Bola Adegoke. 612 00:46:58,458 --> 00:46:59,583 Salamat. 613 00:46:59,666 --> 00:47:01,500 Pagbati, Kamahalan. 614 00:47:01,583 --> 00:47:04,458 -Malugod kang tinatanggap ng Nigeria. -Maraming salamat. 615 00:47:04,958 --> 00:47:06,458 Magandang gabi. 616 00:47:07,250 --> 00:47:08,416 Madam. 617 00:47:09,250 --> 00:47:11,416 Magandang gabi, aking ikinagagalak ito. 618 00:47:11,500 --> 00:47:12,708 Magandang gabi. 619 00:47:13,416 --> 00:47:14,833 Magandang gabi. 620 00:47:14,916 --> 00:47:17,000 -Magandang gabi. -Ginoo. 621 00:47:17,083 --> 00:47:18,416 -Magandang gabi. -Ser. 622 00:47:18,500 --> 00:47:20,166 Ikinagagalak ko. 623 00:47:25,791 --> 00:47:26,958 Mga ginoo. 624 00:47:58,375 --> 00:48:00,666 Napakateribleng humantong na sa ganito. 625 00:48:07,458 --> 00:48:11,000 Ito ba ang mga taong niyuyukuan natin? 626 00:48:11,083 --> 00:48:14,708 Ang Opisyal ng Distrito at ang kanyang asawa. 627 00:48:14,791 --> 00:48:16,666 Napakaprobinsyano. 628 00:48:23,458 --> 00:48:26,791 Handa na akong umuwi sa kabilang-buhay 629 00:48:26,875 --> 00:48:31,375 Elesin Alaafin, naririnig mo ba ako? 630 00:48:31,458 --> 00:48:37,041 Takipsilim na, panahon na para umalis 631 00:48:38,416 --> 00:48:45,333 Takipsilim na, panahon na para umalis 632 00:48:45,416 --> 00:48:50,166 Elesin Alaafin, naririnig mo ba ako? 633 00:48:56,625 --> 00:48:59,875 Takipsilim na 634 00:48:59,958 --> 00:49:05,375 Takipsilim na, panahon na para umalis 635 00:49:05,458 --> 00:49:10,125 Dahan-dahan, aking kamahalan. 636 00:49:11,083 --> 00:49:13,500 Dahan-dahan. 637 00:49:15,375 --> 00:49:18,666 Kung hindi ka makakasama, sabihin mo sa aking aso. 638 00:49:19,750 --> 00:49:21,208 Hindi ako maaaring magtagal sa lagusan. 639 00:49:22,000 --> 00:49:24,458 Iwan mo ang iyong kasuotan sa gubat. 640 00:49:24,541 --> 00:49:28,333 Hindi uunahan ng aso ang kamay na siyang nagpapakain sa kanya ng karne. 641 00:49:29,583 --> 00:49:33,666 Kapag itinapon ng kabayo ang sakay nito, tumitigil ito sa pagtakbo. 642 00:49:36,166 --> 00:49:39,791 Hindi pagkakatiwalaan ng Elesin Alaafin ang isang hayop 643 00:49:40,791 --> 00:49:46,375 para sa mensahe sa pagitan ng isang Hari at ng kanyang kasamahan. 644 00:49:46,458 --> 00:49:50,166 Ang aking sinasabi ay kung maligaw ka, hahanapin ka ng aking aso. 645 00:49:50,250 --> 00:49:52,166 Hinding-hindi maliligaw ang Elesin Oba! 646 00:49:54,000 --> 00:49:55,833 Handa na akong umuwi sa kabilang-buhay 647 00:49:55,916 --> 00:50:00,750 Alam ng Elesin ang daan tungo sa kanyang huling hantungan. 648 00:50:04,666 --> 00:50:08,291 Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga makamundong pagnanasa. 649 00:50:09,291 --> 00:50:12,166 Nalalapit na ang gabi. 650 00:51:11,958 --> 00:51:15,250 Kung makikita mo, "emergency" ang nakalagay sa labas. 651 00:51:15,958 --> 00:51:17,208 Kaya minabuti ko nang buksan dahil 652 00:51:17,291 --> 00:51:20,375 libang na libang pa ang Kamahalan. 653 00:51:20,458 --> 00:51:22,041 Oo, siyempre naman, ginoo. 654 00:51:22,125 --> 00:51:25,541 Talaga bang kasing lala ng nakasulat? Tungkol saan ba ito? 655 00:51:25,625 --> 00:51:29,875 Isang kakaibang kaugalian, ginoo. Mukhang dahil namatay ang Hari, 656 00:51:29,958 --> 00:51:32,541 may importanteng pinuno na kailangang magpatiwakal. 657 00:51:32,625 --> 00:51:35,125 Ipinadala ko si Amusa para pigilan ang sakunang ito. 658 00:51:35,208 --> 00:51:36,416 Malinaw na hindi niya nagawa. 659 00:51:37,458 --> 00:51:39,875 Samantala, ang taong inatasan kong mamahala ay umiikot 660 00:51:39,958 --> 00:51:42,875 suot ang katutubong kasuotan, walang dudang panalo. 661 00:51:42,958 --> 00:51:44,916 Ngayon kailangan kong ipaalam sa Kamahalan 662 00:51:45,000 --> 00:51:48,041 na may gulo wala pang dalawang milya mula rito. 663 00:51:48,125 --> 00:51:51,083 May pagka-eksaherado minsan si Sarhento Amusa. 664 00:51:51,166 --> 00:51:52,541 Tila desperado siya. 665 00:51:52,625 --> 00:51:55,541 Dapat ay ipinaalam mo sa akin, Pilkings. 666 00:51:56,250 --> 00:51:58,666 Ngayong gabi ko lang din nalaman na may ganitong kaganapan, ginoo. 667 00:51:58,750 --> 00:52:01,708 Ilong sa lupa, Pilkings. Ilong sa lupa. 668 00:52:01,791 --> 00:52:06,458 Kung hahayaan lang makalampas ang ganitong mga bagay, saan na pupulutin ang imperyo? 669 00:52:06,541 --> 00:52:09,083 Sabihin mo nga sa akin. Saan kaya tayo pupuluting lahat? 670 00:52:10,000 --> 00:52:12,291 Mahimbing sigurong natutulog sa bahay. 671 00:52:13,416 --> 00:52:14,583 Ano'ng sinabi mo, Pilkings? 672 00:52:15,166 --> 00:52:16,708 Hindi na mauulit, ginoo. 673 00:52:16,791 --> 00:52:19,000 Talagang hindi, Pilkings. Talagang hindi. 674 00:52:19,083 --> 00:52:22,916 Dapat ay matatag tayong kolonya ng ating Kamahalan, Pilkings. 675 00:52:27,208 --> 00:52:30,958 Hindi, hindi maaaring ito ang mga katutubong pulis natin. 676 00:52:31,041 --> 00:52:32,250 Ito ba 'yong mga pasimuno ng gulo? 677 00:52:33,875 --> 00:52:35,833 Ginoo, ito ang aking mga pulis. 678 00:52:36,500 --> 00:52:39,958 Ay, paumanhin, mga opisyal. 679 00:52:40,041 --> 00:52:41,500 Medyo mukhang… 680 00:52:43,708 --> 00:52:46,208 Mukhang may kulang sa uniporme nila. 681 00:52:46,291 --> 00:52:49,833 Parang may mga makukulay na pamigkis sila noon. 682 00:52:49,916 --> 00:52:52,458 Gusto ng mga katutubo 'yong makulay, 'di ba? 683 00:52:53,500 --> 00:52:56,916 O sige, nasaan na nga ba tayo? Mag-ulat ka na. 684 00:53:01,125 --> 00:53:03,958 Itigil mo na 'yang kalokohang pamahiin mo, Amusa. 685 00:53:04,041 --> 00:53:07,250 Kung hindi, isang buwan kang nasa silid ng mga bantay at pakakainin kita ng baboy. 686 00:53:07,333 --> 00:53:10,291 Sige. Ikaw na ang bahala, Pilkings. 687 00:53:10,375 --> 00:53:13,208 Basta't huwag mong hayaang mawalan ka ng kontrol sa mga bagay-bagay. 688 00:53:13,916 --> 00:53:15,416 Huwag iinit ang ulo at… 689 00:53:16,166 --> 00:53:17,666 ilong sa lupa, Pilkings. 690 00:53:17,750 --> 00:53:18,833 Oo, ginoo. 691 00:53:39,000 --> 00:53:41,750 Hatinggabi na ba? Hindi ko alam na gabing-gabi na pala. 692 00:53:41,833 --> 00:53:45,291 Sige, kayong dalawa, halina kayo. Halina kayo. 693 00:53:46,083 --> 00:53:47,500 Magadang gabi, madam. 694 00:53:48,375 --> 00:53:51,250 Ay… Amusa. 695 00:53:54,791 --> 00:53:56,208 Hay, Simon. 696 00:54:45,208 --> 00:54:46,375 Sino 'yan? 697 00:54:47,583 --> 00:54:49,625 Hindi ko ibig na gulatin ka, madam. 698 00:54:49,708 --> 00:54:51,125 Hinahanap ko ang Opisyal ng Distrito. 699 00:54:51,208 --> 00:54:54,500 Sandali, hindi ba't kilala kita? 700 00:54:54,583 --> 00:54:56,041 A, oo! 701 00:54:56,125 --> 00:54:58,000 Ikaw si Olunde, 'yong binatang-- 702 00:54:58,083 --> 00:54:59,000 G. Pilkings! 703 00:54:59,750 --> 00:55:01,833 Napakapalad ko. Narito ako para hanapin ang inyong asawa. 704 00:55:01,916 --> 00:55:04,833 Olunde! Matingnan nga kita. 705 00:55:04,916 --> 00:55:08,208 Naging isang mahusay ka nang binata. 706 00:55:08,291 --> 00:55:10,916 Kahanga-hanga, ngunit sinsero. 707 00:55:11,000 --> 00:55:13,166 Diyos ko, kailan ka bumalik? 708 00:55:13,250 --> 00:55:16,625 Pinag-uusapan ka namin kanina lang. Paano ka nakapasok? 709 00:55:16,708 --> 00:55:19,041 Nasa pareho akong barko kasabay ng Prinsipe. 710 00:55:20,375 --> 00:55:21,750 Ikaw ay… 711 00:55:22,625 --> 00:55:24,708 Mukhang mabuti ang iyong lagay, Gng. Pilkings. 712 00:55:24,791 --> 00:55:26,333 Base sa kakarampot na nakikita ko. 713 00:55:26,416 --> 00:55:29,750 Oo, ito. Nagdulot ito ng matinding usap-usapan, at sinisabi ko sa'yo, 714 00:55:29,833 --> 00:55:32,041 hindi lahat ng narinig ko'y maganda. 715 00:55:32,125 --> 00:55:33,583 Sana'y hindi ka naman nagulat? 716 00:55:33,666 --> 00:55:35,791 Bakit naman? 717 00:55:35,875 --> 00:55:37,541 Ngunit hindi ka ba naiinitan diyan? 718 00:55:37,625 --> 00:55:39,875 Para naman ito sa mabuting dahilan. 719 00:55:40,583 --> 00:55:42,333 Anong mabuting dahilan, Gng. Pilkings? 720 00:55:42,416 --> 00:55:46,833 Itong pagdiriwang. Tapos narito pa ang Kamahalan mismo. 721 00:55:46,916 --> 00:55:51,916 At 'yon ang mabuting dahilan kung bakit mo nilapastangan ang isang maskara ng ninuno? 722 00:55:52,583 --> 00:55:56,083 Ay, nabigla ka nga. Nakakadismaya. 723 00:55:56,166 --> 00:55:59,166 Hindi, hindi ako nabigla. 724 00:55:59,250 --> 00:56:02,625 Nalimutan mong apat na taon ko nang nakahalubilo ang mga katulad mo. 725 00:56:02,708 --> 00:56:05,875 Nalaman kong wala kayong respeto sa mga bagay na hindi ninyo naiintindihan. 726 00:56:07,125 --> 00:56:09,416 Bumalik ka pala nang may sama ng loob. 727 00:56:10,833 --> 00:56:13,083 Nakapanghihinayang, Olunde, paumanhin. 728 00:56:14,500 --> 00:56:16,958 Ang anak ng mangangabayo, sa aking pagkakaalam. 729 00:56:17,041 --> 00:56:19,625 Magaling magdala ng amerikana. 730 00:56:20,791 --> 00:56:24,333 Hindi angkop sa'yo ang magkagusto sa kabataan. 731 00:56:24,958 --> 00:56:28,291 Pakiusap, Gng. Pilkings, mahahanap mo ba ang iyong asawa para sa akin? 732 00:56:28,375 --> 00:56:29,750 Kailangan ko siyang makausap. 733 00:56:29,833 --> 00:56:31,375 Simon… 734 00:56:32,500 --> 00:56:35,250 may kaunting problema sa bayan na kailangan niyang ayusin. 735 00:56:36,791 --> 00:56:38,291 Bakit ka narito? 736 00:56:39,791 --> 00:56:42,666 Nakatanggap ako ng telegrama na pumanaw na ang Hari. 737 00:56:43,416 --> 00:56:45,833 Naparito ako upang makipaglibing. 738 00:56:45,916 --> 00:56:49,916 Awa ng Diyos at hindi mo na kailangan pang pagdaanan ang pagdurusang 'yan. 739 00:56:50,000 --> 00:56:52,666 -Pipigilan iyon ni Simon. -Kaya nga gusto ko siyang makita. 740 00:56:52,750 --> 00:56:54,500 Sinasayang niya ang oras niya. 741 00:56:54,583 --> 00:56:56,333 At dahil naging lubos na matulungin siya sa akin, 742 00:56:56,416 --> 00:56:59,041 ayaw kong maramdaman niya ang poot ng aming mga kababayan. 743 00:56:59,125 --> 00:57:00,833 Lalo na kung dahil lang sa wala. 744 00:57:01,458 --> 00:57:05,625 Ikaw… Olunde, hindi 'yon dahil lang sa wala. 745 00:57:05,708 --> 00:57:06,916 Walang saysay ang kaugaliang iyon. 746 00:57:07,958 --> 00:57:11,125 Isa na namang pagkakamali ng mga katulad ninyo. 747 00:57:11,208 --> 00:57:14,041 Iniisip ninyong lahat ng bagay na tila may saysay ay natutunan mula sa inyo. 748 00:57:14,125 --> 00:57:17,375 Sandali lang, Olunde. Marunong ka nang makipagtalo, pansin ko, 749 00:57:17,458 --> 00:57:20,916 ngunit ang pagkamatay ng iyong ama ay isa pa rin barbarikong kaugalian. 750 00:57:21,833 --> 00:57:25,666 Namatay ang Hari, at kailangang may pinunong kasama niyang ililibing. 751 00:57:25,750 --> 00:57:28,500 Napaka-pyudal! 752 00:57:31,166 --> 00:57:33,208 At ito? 753 00:57:34,916 --> 00:57:37,250 Sa gitna ng nakagugunaw na digmaan, 754 00:57:38,791 --> 00:57:40,541 tingnan mo ang paligid mo. 755 00:57:41,208 --> 00:57:42,666 Ano'ng tawag mo rito? 756 00:57:42,750 --> 00:57:45,875 Paghilom, sa pamamaraang Briton. 757 00:57:45,958 --> 00:57:48,875 Pangangalaga sa katinuan sa gitna ng gulo. 758 00:57:48,958 --> 00:57:51,250 Ang tawag ng iba rito ay kalabisan. 759 00:57:51,333 --> 00:57:53,916 Gayunpaman, wala akong interes dito. 760 00:57:54,000 --> 00:57:55,541 Alam n'yong mga "Puti" kung paano mabuhay. 761 00:57:56,708 --> 00:57:59,416 Sa pamamagitan ng digmaang ito, unti-unti kong nakita 762 00:57:59,500 --> 00:58:03,625 na ang pinakamahusay ninyong sining ay ang sining ng pagraos. 763 00:58:03,708 --> 00:58:08,750 Ngunit sana naman ay magpakumbaba kayo't hayaang mamuhay ang iba sa paraan nila. 764 00:58:08,833 --> 00:58:11,500 Sa pamamagitan ng ritwal na pagpapatiwakal? 765 00:58:11,583 --> 00:58:15,291 Mas masahol ba 'yon kaysa sa malawakang pagpapatiwakal? Sa digmaan? 766 00:58:16,458 --> 00:58:19,625 Sa mga balita ninyo, nakaririnig ako ng pagkatalo, 767 00:58:19,708 --> 00:58:24,000 lubusang nakamamatay na pagkatalong inilarawan bilang estratehikong tagumpay. 768 00:58:24,875 --> 00:58:27,166 Ngayon, alam ko na kung paano nabubuo ang kasaysayan. 769 00:58:27,250 --> 00:58:30,291 Nagkaroon ako ng sapat na oras upang pag-aralan ang kapwa mo. 770 00:58:30,375 --> 00:58:34,625 Sa wakas, nakita kong wala kayong karapatang 771 00:58:34,708 --> 00:58:38,333 husgahan ang pamamaraan ng iba. Talagang wala. 772 00:58:38,416 --> 00:58:40,666 Naku, pwede ba! 773 00:58:41,375 --> 00:58:43,041 Pakinggan mo. 774 00:58:44,125 --> 00:58:47,625 Wala kang marinig dahil diyan sa… tugtog. 775 00:58:47,708 --> 00:58:48,833 Ano 'yon? 776 00:58:51,125 --> 00:58:52,625 'Yong mga tambol. 777 00:59:00,375 --> 00:59:07,125 Ang elepante ay natumba At hindi makabangon 778 00:59:09,083 --> 00:59:10,416 Naririnig mo ba ang mga tambol? 779 00:59:12,791 --> 00:59:14,083 Pakinggan mo. 780 00:59:28,375 --> 00:59:33,375 Ang elepante ay natumba At hindi makabangon 781 00:59:33,458 --> 00:59:37,000 Tila bundok na nahihimbing 782 01:00:04,500 --> 01:00:09,416 Tayo'y nabigo ni Elesin 783 01:00:12,041 --> 01:00:16,916 Hindi niya nagampanan Ang kanyang tungkulin 784 01:00:18,916 --> 01:00:24,208 Binalaan ni Iyaloja si Elesin Tungkol sa pagpili ng tama 785 01:00:26,125 --> 01:00:33,083 Ngunit nabigo ni Elesin ang tipan Siya ay bumaliktad 786 01:00:33,166 --> 01:00:37,416 Iniwan niya ang ating Hari sa kalagitnaan 787 01:00:37,500 --> 01:00:40,708 Sa pagitan ng langit at lupa 788 01:00:40,791 --> 01:00:45,083 Nakalulungkot 789 01:00:45,166 --> 01:00:51,125 O, nakalulungkot 790 01:00:55,458 --> 01:00:56,458 Hayan. 791 01:00:58,041 --> 01:00:59,250 Tapos na. 792 01:01:00,458 --> 01:01:02,458 -Ibig sabihin mo ba'y… -Oo, Gng. Pilkings. 793 01:01:03,625 --> 01:01:05,458 Patay na ang ama ko. 794 01:01:07,000 --> 01:01:09,250 Sadyang napakalakas ng loob niya noon pa man. 795 01:01:10,250 --> 01:01:11,916 Alam kong patay na siya. 796 01:01:13,500 --> 01:01:16,458 Ang tigas ng puso mo! 797 01:01:17,666 --> 01:01:19,625 Napakamanhid! 798 01:01:20,583 --> 01:01:25,500 Ibinabalita mo ang pagkamatay ng ama mo na tila isang doktor na… 799 01:01:25,583 --> 01:01:27,083 tumitingin sa katawan ng hindi niya kakilala! 800 01:01:29,291 --> 01:01:31,625 Isa ka lang ring barbaro tulad nila. 801 01:01:38,208 --> 01:01:41,333 Halos isang buwan nang patay ang ama ko sa aking isip. 802 01:01:42,250 --> 01:01:44,333 Mula noong mabalitaan kong pumanaw ang Hari. 803 01:01:45,333 --> 01:01:49,166 Sa tagal kong nangungulila, 'di ko na kayang isipin pang buhay siya. 804 01:01:50,958 --> 01:01:53,750 Ang isip ko ay nasa tungkulin kong isagawa ang ritwal 805 01:01:53,833 --> 01:01:54,958 para sa katawan ng ama ko. 806 01:01:56,375 --> 01:01:58,250 Ayon sa itinuro niya mismo sa akin. 807 01:02:00,791 --> 01:02:02,291 Ayaw kong magkamali. 808 01:02:02,916 --> 01:02:06,375 Isang bagay na maaaring maglagay sa kababayan ko sa kapahamakan. 809 01:02:09,208 --> 01:02:11,166 Bitiwan ninyo ako! 810 01:02:16,500 --> 01:02:19,083 Hindi pa ba sapat ang kahihiyang idinulot ninyo sa akin? 811 01:02:19,166 --> 01:02:22,541 Ikaw na Puti! Huwag mo akong hawakan! 812 01:02:23,166 --> 01:02:25,625 Boses 'yon ng ama ko. 813 01:02:28,000 --> 01:02:30,166 Dalhin n'yo siya sa selda sa hardin. 814 01:02:33,000 --> 01:02:35,333 Ibalik ninyo ang pangalan kong ninakaw ninyo! 815 01:02:36,208 --> 01:02:38,333 Ikaw na maputla, walang pangalan, at masamang espiritu! 816 01:02:41,291 --> 01:02:44,000 Hindi maaaring magkaroon ng gulo rito. Dalhin ninyo siya. 817 01:02:44,083 --> 01:02:46,375 Bitiwan ninyo ako! 818 01:03:12,666 --> 01:03:13,791 Olunde. 819 01:03:29,916 --> 01:03:35,166 Anak, huwag mong hayaang mabulag ka ng kalagayan ng iyong ama. 820 01:03:41,291 --> 01:03:45,000 Wala akong ama, lalaking walang prinsipyo. 821 01:05:28,208 --> 01:05:30,125 Mukhang nabibighani ka sa buwan. 822 01:05:38,125 --> 01:05:39,791 Oo, taong maputla. 823 01:05:41,750 --> 01:05:47,708 Makatawag-pansin ang kambal mo doon sa taas. 824 01:05:51,166 --> 01:05:52,625 Ang ganda ng gabi. 825 01:05:59,375 --> 01:06:00,458 Ganoon ba? 826 01:06:01,916 --> 01:06:06,083 Liwanag sa mga dahon, kapayapaan ng gabi. 827 01:06:07,666 --> 01:06:11,041 Ikaw na Puti, hindi payapa ang gabing ito! 828 01:06:13,291 --> 01:06:16,000 Sasabihin ko pa naman sanang… 829 01:06:16,791 --> 01:06:18,166 tahimik. 830 01:06:27,250 --> 01:06:31,750 Iisa lang ba ang katahimikan at kapayapaan para sa' iyo? 831 01:06:35,250 --> 01:06:37,250 Hindi mo ba ako naririnig? 832 01:06:38,166 --> 01:06:39,791 Hindi payapa ang gabing ito! 833 01:06:41,708 --> 01:06:43,791 Ikaw na Puti, hindi payapa ang mundo! 834 01:06:45,833 --> 01:06:49,375 Binasag mo na ang natitirang kapayapaan sa lupaing ito. 835 01:06:49,458 --> 01:06:54,791 Makinig ka! Walang tulog ang mundo ngayong gabi. 836 01:06:56,625 --> 01:06:58,083 Maganda pa ring palitan. 837 01:06:58,166 --> 01:07:00,125 Ang mawalan ng tulog ang mundo ng isang gabi 838 01:07:00,208 --> 01:07:02,291 para sa buhay ng isang lalaki. 839 01:07:02,375 --> 01:07:04,458 Hindi mo ako iniligtas! 840 01:07:05,291 --> 01:07:07,666 Sinira mo ang buhay ko, Puting tao. 841 01:07:44,375 --> 01:07:46,666 Inagaw mo ang panganay kong anak. 842 01:07:47,750 --> 01:07:53,375 Ipinadala mo siya sa lupain ninyo para gawin siyang anino mo. 843 01:07:55,333 --> 01:07:58,208 Ang batang dapat susunod sa aking mga yabag, 844 01:07:59,708 --> 01:08:02,291 ninakaw mo mula sa akin. 845 01:08:05,083 --> 01:08:10,916 At noong panahon ko naman, pinigilan mo akong isakatuparan ang tadhana ko. 846 01:08:12,333 --> 01:08:14,375 Pinag-isipan mo bang maigi ang mga bagay na ito? 847 01:08:17,208 --> 01:08:21,291 Masisira ang mundo sa mga plano ninyo. 848 01:08:22,916 --> 01:08:26,416 Ngunit lampas na ito sa inyong pang-unawa. 849 01:08:29,291 --> 01:08:31,041 Hindi mo talagang pinaniniwalaan yan. 850 01:08:31,125 --> 01:08:33,250 Ngunit, makinig ka, Puting tao. 851 01:08:34,291 --> 01:08:36,125 Ang mundo ay palutang-lutang 852 01:08:37,375 --> 01:08:39,750 at naliligaw ang mga naninirahan dito. 853 01:08:40,750 --> 01:08:44,083 Napalilibutan tayo ng kawalan. 854 01:08:51,958 --> 01:08:54,208 Hinadlangan mo ang pagsasagawa ko ng aking tungkulin. 855 01:08:56,375 --> 01:09:00,625 Ngunit sigurado akong tunay na panganay ang aking anak. 856 01:09:03,416 --> 01:09:06,833 Noong una ay inakala kong pumanig na siya 857 01:09:06,916 --> 01:09:11,666 sa mga katunggali ng aming lahi. 858 01:09:13,208 --> 01:09:15,500 Mainam na makita at matutunan ang mga lihim ng kalaban. 859 01:09:16,166 --> 01:09:17,708 Ngunit makinig ka, 860 01:09:17,791 --> 01:09:23,541 parurusahan ka at ang iyong mga anak ng kanyang kaluluwa. 861 01:09:30,250 --> 01:09:32,333 Hindi na kailangan pa ng ganyang klaseng usapan. 862 01:09:32,416 --> 01:09:34,041 Kung ayaw mo ng konsolasyon ko. 863 01:09:34,125 --> 01:09:35,958 Hindi ko kailangan ng konsolasyon mo! 864 01:09:37,083 --> 01:09:38,750 Huwag mo akong aluin! 865 01:09:40,958 --> 01:09:41,916 Kung 'yan ang gusto mo. 866 01:09:42,000 --> 01:09:44,833 Nawalan ako ng karangalan bilang ama, 867 01:09:45,833 --> 01:09:48,125 at nawalan nang saysay ang akin salita. 868 01:09:57,041 --> 01:09:59,625 Bago kita iwan, maaari bang magtanong ako? 869 01:09:59,708 --> 01:10:01,291 Naririnig kita, ikaw na maputla. 870 01:10:02,083 --> 01:10:05,041 May kaunti akong natutunan sa tagal ng pakikipamuhay ko sa inyo. 871 01:10:05,625 --> 01:10:08,166 Ang mga matatanda ay nanlulumo papuntang langit, 872 01:10:08,791 --> 01:10:11,125 humihiling ka sa kanya ng pagbati. 873 01:10:13,916 --> 01:10:16,875 Sa tingin ba ninyo, kusang-loob siyang naglalakbay? 874 01:10:19,166 --> 01:10:21,916 Lahat tayo ay takot sa kamatayan at walang may gustong mamatay. 875 01:10:23,125 --> 01:10:25,416 Simon! 876 01:10:25,500 --> 01:10:27,000 Ano na naman… 877 01:10:40,625 --> 01:10:44,375 Hepe Elesin, may isa pang taong nais kang makita. 878 01:10:44,458 --> 01:10:48,291 'Di mo siya kamag-anak, kaya tingin ko ay hindi ako obligadong papasukin siya. 879 01:10:48,375 --> 01:10:51,416 May mensahe siya galing sa anak mo, kaya ikaw ang bahala. 880 01:10:52,625 --> 01:10:54,666 Kilala ko siya. 881 01:10:59,041 --> 01:11:02,375 Umaalingasaw ang amoy ng aking kahihiyan. 882 01:11:02,458 --> 01:11:05,958 Hindi na kailangan ng alaga ng mangagaso para malaman pa. 883 01:11:09,208 --> 01:11:11,916 Nahanap na niya kung saan ninyo ako itinatago. 884 01:11:16,291 --> 01:11:19,416 Kung ayaw mo siyang makita, sabihin mo lang at paaalisin ko siya. 885 01:11:22,250 --> 01:11:24,833 Bakit naman hindi ko gugustuhing makita si Iyaloja? 886 01:11:26,666 --> 01:11:28,750 Lahat ng kahihiyan ko 887 01:11:28,833 --> 01:11:33,750 ay nailatag na. 888 01:11:35,875 --> 01:11:39,833 Papasukin ninyo siya. Hayaan ninyong pumunta. 889 01:11:53,208 --> 01:11:54,541 Heto na siya. 890 01:12:06,166 --> 01:12:10,791 Ngayon, gusto ko munang mangako ka na wala kang gagawing kalokohan. 891 01:12:12,916 --> 01:12:14,208 Mangako? 892 01:12:17,750 --> 01:12:20,541 Ikaw na Puti, gusto mong mangako ako? 893 01:12:21,250 --> 01:12:23,000 Kilala kita bilang isang taong may dignidad. 894 01:12:23,083 --> 01:12:26,333 Alam kong kinapkapan n'yo siya siya bago pa siya nakarating dito. 895 01:12:27,500 --> 01:12:30,333 Kinapkapan n'yo siya sa paraang 'di n'yo kayang gawin sa sariling ninyong ina. 896 01:12:31,625 --> 01:12:34,875 At uupo ako doon sa labas, titingnan pati kung paano ka kumurap. 897 01:12:34,958 --> 01:12:36,791 Ano pa ba ang mayroon? 898 01:12:37,416 --> 01:12:40,041 Hindi ba't kinuha n'yo na ang lahat ng dangal ko? 899 01:12:40,833 --> 01:12:43,208 Hindi ba't kinulong n'yo na 'yon doon sa mesa 900 01:12:43,291 --> 01:12:45,250 kung saan ninyo isinulat 'yong ulat ninyo ngayong araw? 901 01:12:47,333 --> 01:12:51,833 Ang dangal ng lahat ng aking mga kapwa, inagaw ninyo na mula sa kanila. 902 01:12:53,666 --> 01:12:55,958 Nakasaad sa mga papeles ng pagtataksil ninyo 903 01:12:56,041 --> 01:12:59,125 na siyang ginamit para maging amo kayo ng lupaing ito. 904 01:12:59,208 --> 01:13:02,333 Kung nais mong ipasok ang politika, gagawin natin ito sa mahirap na paraan. 905 01:13:08,083 --> 01:13:10,166 Madam, gusto kong manatili ka sa linyang ito, 906 01:13:10,250 --> 01:13:11,958 at huwag kang lalapit sa pinto ng selda. 907 01:13:12,041 --> 01:13:16,125 Mga guwardiya, kung lumampas siya rito, pumito kayo. Halika, Jane. 908 01:13:36,916 --> 01:13:41,083 Kung siya pa lang ay hindi mo na kaya, paano pa kaya ang ibang mas matinding tao? 909 01:13:42,208 --> 01:13:46,583 Samantalang nangako pa siya na kaya niyang labanan ang mas higit pa. 910 01:13:48,916 --> 01:13:51,541 Ayaw kong kaawaan mo ako, Iyaloja. 911 01:13:52,666 --> 01:13:58,291 Hindi ka pupunta kung wala kang mensahe para sa akin. Kahit na 912 01:13:58,375 --> 01:14:03,250 lahat ng sumpa sa mundo pa man 'yan, pakikinggan ko. 913 01:14:05,125 --> 01:14:07,666 Sasabihin ko sa ibang mga pinuno 914 01:14:07,750 --> 01:14:12,666 kung paano po ipinamalas ang iyong tapang sa pakikipaglaban sa mga Puti 915 01:14:12,750 --> 01:14:14,708 na pumanig sa iyo laban sa kamatayan. 916 01:14:15,666 --> 01:14:20,250 Tunay ngang nagpakita ka ng katapangan. Ngunit hanggang salita lang! 917 01:14:23,125 --> 01:14:27,791 Nararapat lang na ako'y hamakin mo. 918 01:14:29,000 --> 01:14:30,875 Sige, sabihin mo na. 919 01:14:31,750 --> 01:14:33,458 Binalaan kita 920 01:14:34,083 --> 01:14:37,375 na huwag mag-iwan ng isinumpang binhi. 921 01:14:38,500 --> 01:14:40,041 Ngunit tumanggi ka. 922 01:14:40,125 --> 01:14:44,000 Sino ka para magnais ng isang kapalit 923 01:14:44,083 --> 01:14:46,666 kung ikaw mismo'y hindi handang mamatay? 924 01:14:46,750 --> 01:14:48,333 Iniwan ako ng aking kapangyarihan! 925 01:14:49,458 --> 01:14:52,625 Hindi naging epektibo ang mga anting-anting at orasyon ko. 926 01:14:52,708 --> 01:14:54,916 Kahit na tinig ko ay kulang sa lakas 927 01:14:55,000 --> 01:15:00,166 noong tinatawag ko siya para dalhin ako sa kabila. 928 01:15:00,250 --> 01:15:02,250 Pinagtaksilan mo kami. 929 01:15:02,333 --> 01:15:06,166 Binigay namin ang lahat ng dapat, 930 01:15:06,250 --> 01:15:09,791 pati ang mapapangasawa ng anak ko. 931 01:15:10,500 --> 01:15:16,083 Ngunit ayaw mo. Sa halip ay pinili mong 932 01:15:16,833 --> 01:15:19,333 pagpiyestahan ang mga mumo. 933 01:15:27,083 --> 01:15:29,208 Iyaloja, tama na. Labis na ang dinadala kong kahihiyan. 934 01:15:29,291 --> 01:15:31,500 Wala pa iyan. 935 01:15:32,625 --> 01:15:35,375 -May dala akong bagahe! -At itinapon mo na! 936 01:15:35,458 --> 01:15:36,916 Iyan ang nararapat sa'yo. 937 01:15:37,541 --> 01:15:39,416 Ang siyang hindi sumunod 938 01:15:40,500 --> 01:15:42,416 ay haharap sa hindi pa nalalamang kinahinatnan. 939 01:15:43,000 --> 01:15:49,291 -Nakakaawa ka. -Hindi ko kailangan ng awa mo o ng mundo. 940 01:15:51,125 --> 01:15:54,500 Ako mismo'y naiintriga at kailangan kong maintindihan ang nangyayari. 941 01:15:54,583 --> 01:15:59,500 Isang taong limot na ang layunin sa buhay. Isang kahiya-hiyang tanawin 942 01:15:59,583 --> 01:16:03,208 ang kinakatawan mo ngayon. 943 01:16:03,833 --> 01:16:06,833 Hindi ba't sinabi kong may dala akong bagahe. 944 01:16:06,916 --> 01:16:09,083 Parating na ito. 945 01:16:11,750 --> 01:16:15,541 Panahon na para umalis 946 01:16:15,625 --> 01:16:22,208 Takipsilim na, panahon na para umalis 947 01:16:22,291 --> 01:16:25,458 Takipsilim na 948 01:16:25,541 --> 01:16:29,875 Panahon na para umalis… 949 01:16:29,958 --> 01:16:34,583 Elesin Oba, May nais akong itanong. 950 01:16:35,291 --> 01:16:41,125 'Di ba't ang sabi'y pinapalitan ng puno ng saging ang sarili nito gamit ang usbong? 951 01:16:41,208 --> 01:16:47,250 O sa pangangatwiran mo, 'yong saging ba ang pumapalit sa usbong? 952 01:16:48,583 --> 01:16:53,708 Iyaloja, ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito? 953 01:16:53,791 --> 01:16:58,333 Hindi ako humihingi ng pagsasalin mo! Nagtanong lamang ako. 954 01:17:02,750 --> 01:17:05,250 Ang puno ng saging ba ang pumapalit sa usbong nito? 955 01:17:11,291 --> 01:17:12,291 Sagutin mo ako! 956 01:17:14,916 --> 01:17:18,125 Hindi. Laging pinapalitan ng puno ng saging ang sarili nito gamit ang usbong. 957 01:17:21,250 --> 01:17:22,750 Alam mo naman pala. 958 01:17:25,500 --> 01:17:31,041 May mga tao talagang nabubuhay lang para baliktarin ang mundo. 959 01:17:32,416 --> 01:17:34,000 Elesin Oba! 960 01:17:37,125 --> 01:17:40,583 Gusto mo bang sabihin ko sa iyo kung ano ang kinuha ng mga diyos sa iyo? 961 01:17:44,958 --> 01:17:48,166 -Ano ang nangyari? -Lumampas siya sa linya. 962 01:18:03,250 --> 01:18:07,041 Elesin, tingnan mo saril mo ngayon. 963 01:18:07,125 --> 01:18:08,833 Noong unang panahon, 964 01:18:08,916 --> 01:18:14,625 walang magtatangkang isantabi ang Iyaloja kapag narito ka. 965 01:18:16,416 --> 01:18:18,458 Tingnan mo kung ano ka na ngayon. 966 01:18:20,625 --> 01:18:22,125 Sa tingin ko ay dapat ka nang umalis. 967 01:18:22,208 --> 01:18:23,833 Ikaw na Puti, 968 01:18:24,875 --> 01:18:29,500 May prinsipe kayo dito, mula sa lupain ninyo. 969 01:18:30,416 --> 01:18:31,666 Sabihin mo sa akin, 970 01:18:32,541 --> 01:18:34,375 kapag siya ay namatay, 971 01:18:34,458 --> 01:18:41,083 pababayaan n'yo na lang ba ang kaluluwa niyang gumala-gala sa mundong ibabaw? 972 01:18:41,750 --> 01:18:46,541 Maiisip n'yo bang ilibing siya kasama kami na tingin ninyo'y mas mababa pa sa tao? 973 01:18:47,500 --> 01:18:51,833 Sa lupain ninyo, wala ba kayong mga seremonya para sa patay? 974 01:18:52,708 --> 01:18:56,000 'Di namin inuudyok magpakamatay ang aming mga pinuno para lang samahan siya! 975 01:18:56,083 --> 01:18:59,958 Iho, hindi ako naparito para tulungan kang umintindi. 976 01:19:00,666 --> 01:19:04,291 Ito ang lalaking may mahinang pang-unawa na siyang dahilan ng pang-aalipusta n'yo. 977 01:19:07,291 --> 01:19:10,000 Siya ang tanungin ninyo kung gusto n'yo. 978 01:19:10,083 --> 01:19:14,208 Alam niya ang kahulugan ng pagyao ng Hari, dahil hindi siya ipinanganak kahapon. 979 01:19:14,791 --> 01:19:21,125 Alam niya rin ang panganib sa lahi namin kapag ang aming yumaong ama, 980 01:19:21,208 --> 01:19:25,500 ang aming tagapamagitan, ay naghihintay 981 01:19:25,583 --> 01:19:27,125 habang alam niyang pinagtaksilan siya. 982 01:19:28,708 --> 01:19:32,333 Alam niya kung kailan magbubukas ang makitid na lagusan, 983 01:19:32,416 --> 01:19:37,041 at hindi ito maghihintay 984 01:19:37,125 --> 01:19:41,041 para sa mga kamuhi-muhing babagal-bagal 985 01:19:41,125 --> 01:19:44,083 na mas mababa sa Hari. 986 01:19:46,000 --> 01:19:51,416 Alam niyang isinumpa na niya ang Hari na magpagala-gala sa kawalan. 987 01:19:51,500 --> 01:19:54,541 Para kutyain ng mga kaaway ng aming mundo. 988 01:19:54,625 --> 01:19:59,041 Makinig ka. Napakaliit na bagay lang ang hinihingi namin sa iyo. 989 01:20:00,291 --> 01:20:02,333 Pakawalan si Elesin 990 01:20:02,416 --> 01:20:04,291 at palayain ang aming Hari, 991 01:20:04,375 --> 01:20:08,500 nang makapagpahinga siya kasama ang kanyang mga ninuno. 992 01:20:08,583 --> 01:20:13,000 Malapit lang ang mensahero, nasa likuran ng mga kababaihan. 993 01:20:14,333 --> 01:20:17,291 Ito ang pinakamaliit sa kanyang mga panunumpa, 994 01:20:17,375 --> 01:20:21,083 at ang pinakamadaling isakatuparan. 995 01:20:24,125 --> 01:20:28,666 -Panahon na para umalis -Panahon na para umalis 996 01:20:28,750 --> 01:20:32,000 Takipsilim na 997 01:20:32,083 --> 01:20:36,291 -Panahon na para umalis -Panahon na para umalis 998 01:20:36,375 --> 01:20:40,000 Takipsilim na 999 01:20:40,083 --> 01:20:44,041 Panahon na para umalis 1000 01:20:50,083 --> 01:20:51,541 Ano iyon, Bob? 1001 01:20:52,916 --> 01:20:54,750 May grupo ng kababaihan na umaawit sa labas. 1002 01:20:56,416 --> 01:20:59,125 Padaanin at papasukin mo sila. 1003 01:20:59,958 --> 01:21:01,250 Ano ang hitsura nila? 1004 01:21:01,333 --> 01:21:03,333 Kakaunti lang sila at mukhang 'di magdudulot ng gulo. 1005 01:21:03,916 --> 01:21:06,250 -May kalalakihan ba? -Dalawa o tatlo. 1006 01:21:09,791 --> 01:21:13,125 Sige, papasukin mo sila, Bob. Balaan mong pigilin ang mga sarili nila. 1007 01:21:17,375 --> 01:21:19,333 Sana ay naiintindihan mo na kung may anomang mangyari, 1008 01:21:19,416 --> 01:21:20,500 ikaw ang mananagot. 1009 01:21:21,083 --> 01:21:23,791 Utos sa mga tauhan kong bumaril sa oras may magsimulang gulo. 1010 01:21:26,041 --> 01:21:30,625 Para pigilan ang isang pagkamatay ay papatay ka ng higit pa? 1011 01:21:31,958 --> 01:21:33,708 Napakahusay ng lohika ng mga Puti. 1012 01:21:35,541 --> 01:21:37,041 Ngunit huwag kang matakot, 1013 01:21:37,125 --> 01:21:42,250 mahimbing na makatutulog ang Prinsipe n'yo at pati ang sa amin, sa wakas. 1014 01:21:43,166 --> 01:21:45,750 At walang magtatanong sa iyo. 1015 01:21:45,833 --> 01:21:47,250 Tagapaglingkod ng Puting Hari, 1016 01:21:47,333 --> 01:21:51,916 hayaan n'yo nang isakatuparan ni Elesin ang panunumpa niya 1017 01:21:52,000 --> 01:21:55,416 at kami ay uuwi para bigyang pugay ang sarili naming Hari. 1018 01:21:56,875 --> 01:22:01,583 Huwag kang mangamba, Opisyal ng Distrito. 1019 01:22:05,250 --> 01:22:08,500 May mensahe akong nais ipadala sa aking Hari. 1020 01:22:09,708 --> 01:22:13,958 Wala na akong dapat ikatakot pa pagkatapos. 1021 01:22:16,125 --> 01:22:17,250 Gagawin sana ni Olunde. 1022 01:22:18,416 --> 01:22:22,250 Sabi ng mga pinuno na usalin na niya ang mga salita, ngunit ayaw niya, 1023 01:22:22,333 --> 01:22:24,125 hindi hangga't buhay ka. 1024 01:22:28,416 --> 01:22:32,791 Kahit sa kailaliman ng nilubugan ng aking kaluluwa, 1025 01:22:36,166 --> 01:22:39,583 nagagalak ako 1026 01:22:39,666 --> 01:22:46,500 na magampanan pa rin ang tungkulin ko sa yumaong Hari. 1027 01:22:49,500 --> 01:22:53,041 Takipsilim na 1028 01:22:53,125 --> 01:22:56,708 Panahon na para umalis 1029 01:22:56,791 --> 01:23:00,916 Kapag namamatay ang apoy Tinatakpan nito ang sarili ng abo 1030 01:23:01,000 --> 01:23:05,291 Namamatay ang puno ng saging At pinapalitan ng kanyang usbong 1031 01:23:05,375 --> 01:23:08,375 Takipsilim na 1032 01:23:08,458 --> 01:23:12,125 Panahon na para umalis 1033 01:23:12,208 --> 01:23:19,125 -Takipsilim na, panahon na para umalis -Panahon na para umalis 1034 01:23:20,166 --> 01:23:23,458 Takipsilim na 1035 01:23:23,541 --> 01:23:28,166 Panahon na para umalis 1036 01:23:31,250 --> 01:23:32,625 Ano iyan? 1037 01:23:35,541 --> 01:23:38,500 Ang bagaheng inimpake mo, Puti. 1038 01:23:40,083 --> 01:23:42,791 Hindi kami naparito para makipag-away. 1039 01:23:43,666 --> 01:23:46,375 Ano nga iyon? 1040 01:23:48,833 --> 01:23:54,416 Pakawalan mo ako. May kailangan akong gawin. 1041 01:23:55,083 --> 01:23:57,166 Hindi ko gagawin iyan. 1042 01:24:01,250 --> 01:24:05,083 Nahihimlay ang tagapaghatid ng aking Hari. 1043 01:24:05,708 --> 01:24:09,708 Pakawalan mo ako! Para magampanan ko ang aking tungkulin. 1044 01:24:09,791 --> 01:24:12,958 Kung anoman ang kailangan mong gawin, diyan mo gawin sa loob. 1045 01:24:13,041 --> 01:24:15,875 Ayaw ko nang pahabain pa ang kaganapang ito. 1046 01:24:16,500 --> 01:24:22,125 Kailangan kong sabihing palihim tulad ng ginawa ng aking ama sa akin. 1047 01:24:23,000 --> 01:24:25,416 Ganoon ko rin dapat ibulong sa tainga ng aking panganay. 1048 01:24:25,500 --> 01:24:29,291 Hindi ito mga salitang maaari kong isigaw sa hangin 1049 01:24:30,166 --> 01:24:34,125 o kaya sa kalangitan ng gabi. Pakawalan mo ako! 1050 01:24:35,041 --> 01:24:36,000 Simon-- 1051 01:24:36,083 --> 01:24:39,375 Huwag kang makialam! Pakiusap! 1052 01:24:40,250 --> 01:24:43,333 Pinatay nila ang paboritong kabayo ng Hari, 1053 01:24:44,333 --> 01:24:46,833 pinatay nila ang kanyang aso. 1054 01:24:46,916 --> 01:24:52,458 Binuhat nila ito sa bahay-bahay para tumanggap ng mga dasal para sa Hari. 1055 01:24:53,666 --> 01:24:56,958 Ngunit tumangging umalis si Elesin. 1056 01:25:01,166 --> 01:25:03,000 Mahirap bang makiusap na hayaan siyang makausap 1057 01:25:03,083 --> 01:25:05,916 nang puso sa puso ang naghihintay na tagapaghatid? 1058 01:25:08,000 --> 01:25:09,166 Elesin Oba. 1059 01:25:15,750 --> 01:25:17,125 Nakita mo kung paano ka nila talikuran 1060 01:25:17,208 --> 01:25:19,958 para hadlangan ang tungkulin mo? 1061 01:25:30,375 --> 01:25:31,875 Elesin Oba, 1062 01:25:31,958 --> 01:25:35,458 Tatawagin kita sa huling pagkakataon. 1063 01:25:35,541 --> 01:25:39,083 Naaalala mo ba ang sinabi ko na kung hindi ka makapupunta 1064 01:25:39,166 --> 01:25:41,833 ay kailangan mong ipadala ang kabayo ko para pumunta? 1065 01:25:43,708 --> 01:25:46,250 Nasaan na ang dila mo? 1066 01:25:48,000 --> 01:25:50,416 Sabi ko na kung may mga burol kang hindi maakyat, 1067 01:25:50,500 --> 01:25:53,666 sumakay ka sa kabayo ko para dalhin ka niya. 1068 01:25:53,750 --> 01:25:55,416 Dati, Elesin, 1069 01:25:55,500 --> 01:25:58,291 ang dila mo ay tila patpat ng tambol kung gumalaw. 1070 01:25:58,375 --> 01:26:04,291 Sabi ko na kung maligaw ka, tutulungan ka ng aso ko pabalik. Kabisado niya ang daan. 1071 01:26:06,500 --> 01:26:10,125 Sinabi ko noong huli, kung may pipigil sa'yong masamang kamay, 1072 01:26:10,208 --> 01:26:15,666 sabihin mo sa kabayo ko. Hindi ako maglalakas-loob maghintay pa nang matagal. 1073 01:26:15,750 --> 01:26:18,541 Dito nahihimlay ang pinakamabilis na tagapaghatid ng Hari. 1074 01:26:19,750 --> 01:26:24,375 Aking kasama, kung sumunod ka lang sana kung kailan dapat, 1075 01:26:24,458 --> 01:26:26,625 hindi natin sasabihing nauna ang aso sa kanyang amo. 1076 01:26:26,708 --> 01:26:27,875 Tama. 1077 01:26:27,958 --> 01:26:30,541 Kung umalis ka lang sana sa tamang oras, 1078 01:26:30,625 --> 01:26:33,500 hindi natin sasabihing nauna ang kabayo sa mangangabayo nito. 1079 01:26:33,583 --> 01:26:35,916 Kung itinaas mo sana ang iyong kaluluwa, 1080 01:26:36,916 --> 01:26:39,791 at naglakas-loob na kitilin ang buhay mo nang tinawag ka ng mga tambol, 1081 01:26:40,583 --> 01:26:42,958 hindi natin sasabihin na ang iyong anino 1082 01:26:43,041 --> 01:26:45,208 ang nahulog para pumalit sa puwesto ng kanyang Hari sa bangkete. 1083 01:26:46,458 --> 01:26:47,416 Ano pa ba ang natitira? 1084 01:26:48,541 --> 01:26:54,291 Kausapin mo ang iyong anino na siyang papalit sa iyo. 1085 01:27:04,500 --> 01:27:08,125 Dito nahihimlay ang tagapaghatid mo, Elesin. 1086 01:27:08,208 --> 01:27:11,333 Ang itinakdang kasama ng Hari. 1087 01:27:11,958 --> 01:27:14,250 Hindi ko siya malapitan ngayon. 1088 01:27:18,083 --> 01:27:20,375 Pakitanggal ang takip. 1089 01:27:21,583 --> 01:27:25,291 Ipadadala ko ang aking tinig sa kailaliman ng katahimikan. 1090 01:27:39,291 --> 01:27:40,375 Tingnan mo. 1091 01:27:41,750 --> 01:27:45,916 Ang iyong karangalan! Ang karangalan ng iyong kabahayan 1092 01:27:46,000 --> 01:27:49,250 at ng ating lahi ay naririto. 1093 01:27:51,666 --> 01:27:56,458 Hindi maatim ng anak mong mawalan ng karangalan ang pamilya ninyo, 1094 01:27:56,541 --> 01:27:59,375 kaya pinigilan niya ito gamit ang sariling buhay niya. 1095 01:28:00,416 --> 01:28:05,250 Elesin, pinatunayan ng anak na siya ang ama. 1096 01:28:06,208 --> 01:28:08,125 Hindi na matalas ang mga ngipin mo. 1097 01:28:08,208 --> 01:28:11,750 Wala nang natira sa bibig mo kung hindi gilagid ng isang sanggol. 1098 01:28:11,833 --> 01:28:12,916 Elesin, 1099 01:28:13,000 --> 01:28:18,500 inilagay namin ang renda ng mundo sa'yong mga kamay at hinayaan mo itong matapon. 1100 01:28:18,583 --> 01:28:21,125 Nakaupo ka at nakahalukipkip 1101 01:28:21,208 --> 01:28:25,750 habang inihuhulog tayo sa kawalan ng mga masasamang estranghero. 1102 01:28:27,375 --> 01:28:29,000 Pinalitan ka na ng iyong tagapagmana. 1103 01:28:29,083 --> 01:28:32,416 Hindi tayo diyos para hulaan ang hinaharap, 1104 01:28:32,500 --> 01:28:38,083 ngunit ang usbong na ito ay pinalitan ang kanyang magulang. 1105 01:28:38,166 --> 01:28:40,166 At alam nating hindi ito ang tamang paraan. 1106 01:28:40,250 --> 01:28:41,750 Oo, hindi tama. 1107 01:28:41,833 --> 01:28:47,250 Nahuhulog na ang mundo natin sa kawalan ng mga estranghero, Elesin. 1108 01:29:01,333 --> 01:29:03,333 Bilisan ninyo! 1109 01:29:06,791 --> 01:29:08,333 Bilisan ninyo! 1110 01:29:19,583 --> 01:29:21,125 Hawakan ninyo siya. 1111 01:29:42,166 --> 01:29:47,125 Ngayon, limutin na natin ang mga yumao. 1112 01:29:48,583 --> 01:29:51,291 Pati ang mga nabubuhay ay limutin. 1113 01:29:52,000 --> 01:29:55,750 Sa halip ay bumaling tayo sa hindi pa isinisilang. 1114 01:29:56,916 --> 01:30:00,500 Takipsilim na 1115 01:30:00,583 --> 01:30:04,000 Panahon na para umalis 1116 01:30:04,625 --> 01:30:11,041 -Takipsilim na, panahon na para umalis -Panahon na para umalis 1117 01:30:11,916 --> 01:30:15,625 Takipsilim na 1118 01:30:15,708 --> 01:30:19,416 Panahon na para umalis 1119 01:30:38,333 --> 01:30:41,666 SA ALALA NI BIYI BANDELE 1967-2022 1120 01:36:00,541 --> 01:36:02,875 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Zildjian Rowen Samartino