1 00:00:38,582 --> 00:00:40,834 DISYEMBRE 1, 2020 2 00:00:49,384 --> 00:00:50,636 Magandang umaga. 3 00:00:54,681 --> 00:00:55,849 SA BISPERAS NG BAGONG TAON 2020, 4 00:00:55,933 --> 00:00:58,977 NAKATAKDANG MAG-PERFORM SI JUSTIN SA KANYANG UNANG CONCERT SA LOOB NG 3 TAON. 5 00:00:59,061 --> 00:01:00,521 HABANG SINUSUNOD ANG MGA COVID-19 PROTOCOL, 6 00:01:00,604 --> 00:01:02,397 NAGPASYA SIYANG MAG-RECORD NG FOOTAGE KASAMA ANG ISANG MALIIT NA FILM CREW, 7 00:01:02,481 --> 00:01:04,399 PARA IPAKITA SA MGA TAGAHANGA ANG KUMPLETONG KWENTO SA LIKOD NG CONCERT. 8 00:01:04,483 --> 00:01:08,821 Palabas na ako 9 00:01:08,904 --> 00:01:11,532 para maglakad-lakad ngayong umaga kasama si Hailey. 10 00:01:11,657 --> 00:01:13,534 Tingnan natin kung handa na siya. 11 00:01:13,617 --> 00:01:16,745 -Maglalakad-lakad ba tayo o ano? -Oo. 12 00:01:16,829 --> 00:01:18,705 Nagba-vlog ako para sa documentary. 13 00:01:18,789 --> 00:01:21,708 -Nagba-vlog ka? -Nagba-vlog ako para sa documentary. 14 00:01:21,792 --> 00:01:24,878 Wow, para ka na talagang influencer ngayon. 15 00:01:24,962 --> 00:01:26,004 Alam mo naman. 16 00:01:34,513 --> 00:01:37,099 DISYEMBRE 31, 2020 17 00:01:41,395 --> 00:01:43,772 May mithiin ka ba para sa 2021? 18 00:01:43,856 --> 00:01:46,567 Ang mithiin ko para sa 2021... 19 00:02:04,793 --> 00:02:06,253 Kumusta ka? 20 00:02:24,771 --> 00:02:26,732 Pinapangarap namin ito! 21 00:02:26,815 --> 00:02:28,984 Tuloy sa 15 minuto. Isang oras na ang livestream. 22 00:02:29,067 --> 00:02:30,944 Iuusog ang buong concert. 23 00:02:31,028 --> 00:02:32,529 Sabay-sabay ang nag-log in. 24 00:02:32,613 --> 00:02:33,780 Gaano katagal maghihintay? 25 00:02:35,115 --> 00:02:37,409 Naroon ako. 26 00:02:37,492 --> 00:02:39,703 -Ganito ang adrenaline ko. -Alam ko. 27 00:02:40,704 --> 00:02:42,581 -Kailangang magsimula nang 8:45. -Sige. 28 00:02:42,664 --> 00:02:45,918 Kung mabiyayaan ka ng isa pang taon, nasaan kayo? 29 00:03:13,987 --> 00:03:15,197 Nagro-roll ang pre-roll. 30 00:03:24,957 --> 00:03:26,875 30-segundong countdown clock. 31 00:03:36,301 --> 00:03:38,804 Siyam, walo, pito, 32 00:03:39,471 --> 00:03:41,974 anim, lima, 33 00:03:42,057 --> 00:03:45,435 apat, tatlo, dalawa... 34 00:03:45,519 --> 00:03:46,853 Nagro-roll ang pre-roll. 35 00:07:00,213 --> 00:07:01,506 Handa na ba kayong lahat? 36 00:10:20,288 --> 00:10:23,166 Disyembre ang pinakamasamang buwan ng pandemya sa US. 37 00:10:23,249 --> 00:10:27,420 -Inihinto ang mga concert... -Pataas ang mga kaso... 38 00:10:27,504 --> 00:10:29,881 Ang Los Angeles, isa sa mga pinakatinamaan... 39 00:10:29,964 --> 00:10:31,591 SALAMAT, MGA ESSENTIAL WORKER! 40 00:10:32,884 --> 00:10:34,469 DAHIL SA KAWALAN NG MGA BUKAS NA LUGAR, 41 00:10:34,552 --> 00:10:36,554 SINUBUKAN NI JUSTIN AT NG GRUPO NIYA NA MAG-CONCERT 42 00:10:36,638 --> 00:10:38,139 SA BUBONG NG SIKAT NA BEVERLY HILTON HOTEL 43 00:10:38,223 --> 00:10:39,599 AT I-STREAM ITO SA HIGIT 150 BANSA. 44 00:10:41,017 --> 00:10:44,813 Ang plano ay pumunta rito, magtayo ng isang buong entablado para kay Justin. 45 00:10:44,896 --> 00:10:46,981 May mga VIP room kami rito. 46 00:10:47,565 --> 00:10:49,901 Ang unang nakaisip ng buong ideya ay si Ry Good. 47 00:10:49,984 --> 00:10:53,696 Dahil sa COVID, 240 katao lang ang pwedeng manood dito, 48 00:10:53,780 --> 00:10:56,991 pero ila-live stream ang concert sa milyon-milyong manonood. 49 00:10:57,075 --> 00:10:58,993 Pati na rin ang dokumentaryo. 50 00:10:59,077 --> 00:11:02,163 Mukhang napakaluwang, pero pupunuin namin ito. 51 00:11:03,039 --> 00:11:04,124 30 ARAW BAGO ANG CONCERT 52 00:11:04,207 --> 00:11:08,503 May weight restriction sa rooftop. Itinayo ang hotel noong '50s. 53 00:11:08,628 --> 00:11:13,466 Kailangan namin ng pagpipilian. Nagdisenyo kami ng magaang istruktura. 54 00:11:13,550 --> 00:11:15,468 Na nakakatulong dahil see-through ito. 55 00:11:15,552 --> 00:11:19,431 Kita sa background ang magandang Beverly Hills sa Los Angeles. 56 00:11:19,514 --> 00:11:22,559 Isang istruktura na bagay ang ilaw sa tanawin. 57 00:11:23,226 --> 00:11:26,020 Ano'ng gagawin mo ngayong linggo, Hailey? 58 00:11:26,104 --> 00:11:29,441 Sa bahay lang ako bago ang concert para walang magkasakit. 59 00:11:29,524 --> 00:11:30,942 Magandang plano iyan. 60 00:11:31,860 --> 00:11:37,407 Nakakabaliw talaga kung gaano kaingat ang lahat dahil sa COVID. 61 00:11:37,490 --> 00:11:41,035 Alam ko. Pero napakagaling ng lahat. 62 00:11:41,119 --> 00:11:41,995 Oo nga. 63 00:11:42,078 --> 00:11:44,497 -Magandang umaga, Kenz. -Si Candice 'to. 64 00:11:44,581 --> 00:11:45,957 Siya ang safety officer namin. 65 00:11:46,040 --> 00:11:48,376 -Ang COVID officer namin. -Oo. 66 00:11:48,460 --> 00:11:52,046 Sa malaking produksyong ito, dapat ingatan namin ang lahat 67 00:11:52,130 --> 00:11:55,008 kapag may nagkasakit sa mahahalaga, wala nang concert. 68 00:11:55,091 --> 00:11:56,634 Nagpapa-COVID test. 69 00:11:58,303 --> 00:12:00,054 Panibagong araw, panibagong test. 70 00:12:00,138 --> 00:12:03,391 Maraming bagong bagay na 'di pa namin hinarap dati. 71 00:12:03,475 --> 00:12:06,269 Ang swerte natin dahil nakakapagtrabaho tayo ngayon. 72 00:12:06,352 --> 00:12:10,773 Maraming taong hindi, kaya nadarama kong malaking pagpapala ito sa amin. 73 00:12:10,857 --> 00:12:12,108 COVID TEST MAG-CHECK IN DITO 74 00:15:37,730 --> 00:15:40,858 Lagyan natin ng usok at lasers. Handa na ba ang lasers? 75 00:15:40,942 --> 00:15:42,902 Masaya ba ang gabi ninyo? 76 00:15:42,985 --> 00:15:44,028 Mahusay. 77 00:15:45,822 --> 00:15:48,616 Para bang ang tagal ko nang hindi nagtanghal. 78 00:17:02,565 --> 00:17:03,816 Itodo na ang usok. 79 00:17:45,650 --> 00:17:46,859 28 ARAW BAGO ANG CONCERT 80 00:17:46,943 --> 00:17:48,820 Kumusta? Kumusta kayo? 81 00:17:49,737 --> 00:17:51,447 Nariyan ba si Nick? 82 00:17:52,824 --> 00:17:55,368 -Sa tingin ko, nasa opisina siya. -Nasa opisina siya? 83 00:17:55,701 --> 00:17:59,330 I-rehearse ang center stage rito at isang bahagi ng araw dito. 84 00:17:59,413 --> 00:18:02,291 Ilipat ang mga gamit dito sa Beverly Hills. 85 00:18:02,375 --> 00:18:05,503 Dito ang ensayo ng banda at mga mananayaw. Ito ang show day. 86 00:18:05,586 --> 00:18:07,839 'Di tayo pwede nang mas maaga sa Beverly Hills? 87 00:18:09,215 --> 00:18:10,967 Magsasayang tayo ng isang araw? 88 00:18:11,050 --> 00:18:14,136 Dito pa lang natin magagamit ang mga kwarto. 89 00:18:14,220 --> 00:18:16,597 Kapag nag-ensayo tayo sa publiko, makikita na nila. 90 00:18:16,681 --> 00:18:20,726 Dalawang buong araw lang tayo sa set, kasama ang lahat ng tao at gamit. 91 00:18:21,644 --> 00:18:22,478 Oo. 92 00:18:22,562 --> 00:18:24,313 -Nick? -Uy! 93 00:18:24,397 --> 00:18:25,439 Nicky D. 94 00:18:26,691 --> 00:18:27,692 Maligayang pagbabalik. 95 00:18:27,817 --> 00:18:29,485 -Kumusta kayo? -Ayos naman. 96 00:18:29,569 --> 00:18:31,237 -Gusto mong mag-ensayo? -Sige. 97 00:18:31,320 --> 00:18:33,322 Sige, mag-eensayo lang kami. 98 00:18:37,618 --> 00:18:41,205 Sampung taon na ako kay JB, maglalabing-isa na. 99 00:18:41,289 --> 00:18:43,583 Alternate dancer lang ako noon, 100 00:18:43,666 --> 00:18:46,544 at 'di makakapunta sa palabas ang isa sa mga mananayaw. 101 00:18:46,627 --> 00:18:50,006 Kaya tinawagan ako, "Pwede ka bang pumunta sa Paris sa tatlong araw?" 102 00:18:50,089 --> 00:18:51,799 At sabi ko, syempre. 103 00:18:53,759 --> 00:18:56,137 Narito ang isang alamat. 104 00:18:56,220 --> 00:18:59,056 Hindi, siya ang alamat. Siya ang choreographer ko. 105 00:18:59,140 --> 00:19:03,019 Gusto n'ya ang paraan ko ng pagsasayaw at nagpapaturo siya sa akin. 106 00:19:03,102 --> 00:19:05,855 At nang bigyan nila ako ng pagkakataong mag-choreograph, 107 00:19:05,980 --> 00:19:09,859 matapat siya sa akin at matapat ako sa kanya hanggang ngayon. 108 00:19:09,942 --> 00:19:12,278 Kaya espesyal ang relasyon namin. 109 00:19:13,988 --> 00:19:17,533 'Di mailalarawan ng mga salita ang karangalan kong makatrabaho 110 00:19:17,617 --> 00:19:19,952 ang napakaraming napakatalentadong tao. 111 00:19:20,036 --> 00:19:20,995 Kumusta, mga pare? 112 00:19:21,996 --> 00:19:22,914 Tay. 113 00:19:23,497 --> 00:19:26,375 I-set ang vibe, magsindi ng mga kandila, i-dim ang mga ilaw. 114 00:19:27,168 --> 00:19:29,462 Stixx, napakaraming tao. 115 00:19:30,588 --> 00:19:31,422 B Harv. 116 00:19:31,547 --> 00:19:34,258 Ang pagtatrabaho kasama ni Justin ay parang bahagi ka 117 00:19:34,342 --> 00:19:36,802 ng isang bagay na nagpapasaya sa maraming tao. 118 00:19:37,053 --> 00:19:40,431 -Gusto kong pasadahan ang buong concert. -Simulan na natin. 119 00:19:40,514 --> 00:19:43,517 Kapag naka-tour mo nang sampung taon ang isang tao, 120 00:19:43,601 --> 00:19:45,728 halos buong buhay mo na silang nakasama. 121 00:19:45,811 --> 00:19:49,231 Kami nina Tay at Harv ay 10 taon nang magkakasama sa isang tour bus. 122 00:19:49,315 --> 00:19:51,484 Magiging magkakapatid na kayo. 123 00:19:51,567 --> 00:19:54,403 Narito, sa bass, ang kaibigan kong si B Harv. 124 00:19:54,487 --> 00:19:55,905 Palakpakan natin si B Harv. 125 00:19:57,281 --> 00:20:01,118 Dalawang tour akong nag-bass para sa My World at Believe na mga tour. 126 00:20:01,202 --> 00:20:04,664 Nagustuhan nila ako, at nanatili ako sa banda hanggang ngayon. 127 00:20:05,373 --> 00:20:07,792 LAUREN WALTERS DIREKTOR NG MGA OPERASYON AT SEGURIDAD 128 00:20:07,875 --> 00:20:10,169 Napakatapat niya sa team niya. 129 00:20:11,170 --> 00:20:12,004 Sa mga kaibigan niya. 130 00:20:12,088 --> 00:20:15,508 Lauren, gusto mo bang magdasal para sa grupo? 131 00:20:15,591 --> 00:20:16,801 Sige na. 132 00:20:17,551 --> 00:20:21,097 Bilang mga miyembro ng grupo niya na nakasama niya nang ilang taon, 133 00:20:21,180 --> 00:20:24,809 labis ang pagmamahal at pagmamalasakit namin sa kanya. 134 00:20:24,892 --> 00:20:27,812 Kayong lahat, si Tay James, palakpakan natin siya. 135 00:20:27,895 --> 00:20:29,689 Si DJ Tay James. 136 00:20:29,772 --> 00:20:31,899 Narito si Tay James. 137 00:20:37,029 --> 00:20:42,660 Gusto kong napalilibutan ako ng mababait at matatalinong tao. 138 00:20:42,743 --> 00:20:45,287 Ang mga nagpapakahirap para sa concert na ito, 139 00:20:45,371 --> 00:20:47,289 minsan, ginigising ko ang sarili ko. 140 00:20:47,915 --> 00:20:49,375 Dama kong pinagpala ako. 141 00:20:50,251 --> 00:20:53,587 Salamat po sa lahat ng ginagawa at gagawin Mo. 142 00:20:53,671 --> 00:20:55,047 Sa pangalan ni Hesus. 143 00:20:55,131 --> 00:20:56,757 -Amen. -Amen. 144 00:24:26,634 --> 00:24:27,635 Kumanta kayo! 145 00:27:56,260 --> 00:27:58,137 Napakaastig ninyo. 146 00:27:58,929 --> 00:28:00,639 Magaling na pinuno si Justin. 147 00:28:00,722 --> 00:28:03,183 Kontrolado niya ang lahat... 148 00:28:04,101 --> 00:28:06,603 ...at astig makita na sumusunod ang lahat. 149 00:28:06,979 --> 00:28:09,898 Pakinggan natin at tingnan ang mga bahagi... 150 00:28:09,982 --> 00:28:12,151 Tandaan ang mga bahagi na 'di ako kumakanta. 151 00:28:12,234 --> 00:28:14,027 -Markahan mo. -Iyon ang ginagawa ko. 152 00:28:14,111 --> 00:28:15,737 Tingnan natin kung consistent... 153 00:28:15,821 --> 00:28:19,324 At habang nagpapatuloy ako, tumataas ang stamina ko, 154 00:28:19,408 --> 00:28:20,951 -dahil mangyayari iyon. -Tama. 155 00:28:21,034 --> 00:28:25,080 Habang tumatanda ako, mas tinanggap ko ang pagiging pinuno. 156 00:28:25,164 --> 00:28:28,333 Mahal kita. Malapit nang matapos ang instrumental. 157 00:28:28,417 --> 00:28:31,170 Dahil naniniwala ako na doon nagsisimula ang lahat, 158 00:28:31,253 --> 00:28:34,423 sa asal ko kapag humarap ako sa mga tao. 159 00:28:34,506 --> 00:28:37,885 Isa sa mga pinakaastig na kahulugan ng pamumuno na narinig ko 160 00:28:37,968 --> 00:28:41,013 ay paggabay sa mga tao para magkaroon ng epektibong pagbabago. 161 00:28:41,096 --> 00:28:43,891 Para sa 'kin, iyon ang ginagawa ko. 162 00:28:43,974 --> 00:28:47,144 Ginagabayan ang mga malikhaing ito na kasama natin, 163 00:28:47,227 --> 00:28:48,812 ginagabayan ang lahat ng kaloob nila 164 00:28:48,896 --> 00:28:52,858 at pagkatapos, nagtutulungan para sa concert. 165 00:28:52,941 --> 00:28:55,110 Isang bagay na magpapasaya sa mga tao. 166 00:28:55,194 --> 00:28:59,031 Ano'ng pagbabago ang nakita mo kay Justin sa paglipas ng mga taon? 167 00:28:59,114 --> 00:29:01,241 Napakarami. 168 00:29:01,658 --> 00:29:02,951 Ilang taon ang nakalilipas... 169 00:29:03,035 --> 00:29:04,036 ANG PAMILYA GRATTON, 2010 170 00:29:04,119 --> 00:29:06,538 ...Dinala ko ang mga anak ko sa ilang concert niya 171 00:29:06,622 --> 00:29:08,207 at pumunta kami sa meet-and-greet. 172 00:29:08,290 --> 00:29:09,958 Nang magtrabaho ako sa kanya, 173 00:29:10,042 --> 00:29:13,295 mas bata pa siya, lumalaki pa rin, natututo pa rin. 174 00:29:13,378 --> 00:29:17,216 At tumanda siyang mabuting tao. Hinahanap niya ang sarili niya. 175 00:29:17,299 --> 00:29:19,176 At dahil may asawa na siya, 176 00:29:19,259 --> 00:29:22,554 kamangha-mangha rin talaga ang buong pagbabago niya. 177 00:29:24,306 --> 00:29:27,351 -Mahal kita. -Mahal kita. 178 00:29:30,103 --> 00:29:33,482 Naglalakad kami tuwing umaga. 179 00:29:33,565 --> 00:29:35,901 -Kasinungalingan iyan! -Hindi tuwing umaga. 180 00:29:35,984 --> 00:29:39,863 -Pwede nating pag-usapan ang linggo natin? -Syempre. 181 00:29:40,447 --> 00:29:44,493 Sige, darating ang tatay ko 182 00:29:44,576 --> 00:29:47,496 sa Miyerkules. 183 00:29:47,579 --> 00:29:49,540 Kasama ang mga kapatid ko. 184 00:29:53,001 --> 00:29:54,711 Sa taong ito na 2020, 185 00:29:55,379 --> 00:30:00,092 nakita ko siyang mamuhay sa gitna ng COVID matapos mag-asawa 186 00:30:00,175 --> 00:30:03,887 at napakahalaga pa rin sa kanya ng pamilya niya. 187 00:30:03,971 --> 00:30:07,057 Kakaiba iyon. 'Di mo iyon makikita sa mga kaedad niya. 188 00:30:07,140 --> 00:30:08,267 Napakahalaga ng pamilya. 189 00:30:08,350 --> 00:30:11,436 Nakakamanghang makita siya kasama ng mga kapatid niya. 190 00:30:11,520 --> 00:30:12,729 Napaka-espesyal mo. 191 00:30:14,147 --> 00:30:15,315 -Jaz? -Handa ka na? 192 00:30:15,399 --> 00:30:16,942 -Mahal kita. -Sandali lang. 193 00:30:17,401 --> 00:30:19,861 Sa tingin ko, sa maraming tahanan, 194 00:30:19,945 --> 00:30:23,031 sa pagtanda, maraming nakabibiglang bagay, 195 00:30:23,115 --> 00:30:27,035 kaya ginagawa nitong hindi maaasahan ang mga bagay. 196 00:30:28,370 --> 00:30:30,664 Nagawa mong mag-isa. 197 00:30:32,624 --> 00:30:35,294 Ngayong may kasama na ako sa buhay, 198 00:30:35,377 --> 00:30:37,713 napakabuti nito sa mental health ko. 199 00:30:37,796 --> 00:30:39,798 Mabuti ito sa puso at espiritu ko. 200 00:30:39,881 --> 00:30:42,801 Kahit naglalakbay kami sa buong mundo, 201 00:30:42,884 --> 00:30:45,929 basta't kasama ko siya, para na rin akong nasa tahanan ko. 202 00:30:46,013 --> 00:30:48,140 Punong-puno sila ng enerhiya. 203 00:30:49,016 --> 00:30:50,350 Ikaw muna, Mommy. 204 00:30:50,434 --> 00:30:52,603 -Magpaalam ka roon sa bata. -Paalam, bata. 205 00:30:53,562 --> 00:30:56,690 Gumagaling na talaga ako sa pagba-vlog, 206 00:30:56,773 --> 00:31:01,570 maliban sa 'di ko alam kung paano nila ito nagagawa dahil masakit ang braso ko. 207 00:31:02,029 --> 00:31:03,196 May mga stick sila. 208 00:31:03,280 --> 00:31:05,574 -Kailangan ko ng selfie stick. -Nasaan? 209 00:31:06,658 --> 00:31:09,328 Alam n'yo, napakaganda ng buhay-pamilya ko 210 00:31:09,411 --> 00:31:12,914 kaya para sa akin, magagawa ko ang anuman sa trabaho ko. 211 00:31:12,998 --> 00:31:17,628 Sa akin, inuuna ko ang mga relasyon ko at ang pamilya at asawa ko 212 00:31:17,711 --> 00:31:21,965 kaya nagagawa ko ang lahat ng gusto ko 213 00:31:22,049 --> 00:31:25,510 dahil dama ko na sobrang ligtas ako dahil sa mga mahal ko sa buhay. 214 00:31:26,178 --> 00:31:30,015 Sinabi kay Justin na siya ang songbird ng henerasyon natin, kaya... 215 00:31:31,058 --> 00:31:34,978 Isang araw, may nakita akong bahay na nasusunog. 216 00:31:35,062 --> 00:31:36,313 Kaya tumigil ako 217 00:31:37,522 --> 00:31:40,400 at nagsimulang kumanta. 218 00:31:40,484 --> 00:31:43,737 Biglang tumigil ang apoy. 219 00:31:44,237 --> 00:31:45,822 'Di ko maipaliwanag. 220 00:31:45,906 --> 00:31:48,575 -'Di ko alam ang nangyari... -Isa itong regalo. 221 00:31:49,576 --> 00:31:51,370 -Kinukunan mo ba ito ng video? -Oo. 222 00:31:51,453 --> 00:31:53,622 -Kinukunan mo ba ang mga daliri ko? -Oo. 223 00:31:53,914 --> 00:31:56,249 Ngayon ang pinakamasayang araw ng buhay natin. 224 00:31:56,333 --> 00:31:57,709 -Tama, babe? -Opo. 225 00:32:11,723 --> 00:32:16,144 Tulad ng sinabi ko, grabe ang taong ito. 226 00:32:16,770 --> 00:32:20,065 "Justin, alam namin, okey? Grabe ang taong ito, okey?" 227 00:32:20,816 --> 00:32:24,194 Kaya naisip kong pabagalin natin ito nang kaunti. 228 00:32:24,277 --> 00:32:27,197 Kasama ko ang mga kapatid kong sina Harv at Julian, 229 00:32:27,280 --> 00:32:32,202 na sasamahan ako sa magandang gabi at okasyong ito. 230 00:32:32,828 --> 00:32:36,415 Nakakamangha ang dalawang lalaking ito. 231 00:32:36,832 --> 00:32:39,459 Karangalan kong makasama kayo sa entablado. 232 00:32:47,259 --> 00:32:48,635 Sige, simulan na natin. 233 00:34:40,288 --> 00:34:41,289 Chorus na. 234 00:35:32,132 --> 00:35:33,383 26 ARAW BAGO ANG CONCERT 235 00:35:33,466 --> 00:35:36,386 Ngayon ang paglipat namin mula CenterStaging papuntang PRG. 236 00:35:36,469 --> 00:35:39,848 Nag-eensayo kami. Unang araw sa entablado. 237 00:35:39,931 --> 00:35:41,850 Sama-sama ang banda at mga mananayaw. 238 00:35:41,933 --> 00:35:45,103 Nagsisimula na ang mga buong run-through. Aayusin ang concert. 239 00:35:45,770 --> 00:35:49,232 Itinayo namin ang entablado. Mag-eensayo sa unang pagkakataon. 240 00:35:49,316 --> 00:35:51,943 Maayos na ang lahat. Magiging madali ito. 241 00:35:52,027 --> 00:35:53,612 Tini-test ang lahat. 242 00:36:18,386 --> 00:36:19,763 Nicholas? 243 00:36:19,846 --> 00:36:22,390 -Hello. -Hello, Justin. 244 00:36:25,852 --> 00:36:27,437 -Papakinggan ko. -Sige. 245 00:36:27,520 --> 00:36:29,022 Saan mo gustong magsimula? 246 00:36:29,105 --> 00:36:30,941 Where Are Ü Now. What Do You Mean? 247 00:36:31,024 --> 00:36:33,652 Gaya kahapon. Kung simple, sasabihan kita. 248 00:36:33,735 --> 00:36:35,570 -Kung hindi, pwedeng... -Magaling. 249 00:36:41,826 --> 00:36:43,370 Ito... Iyan ang bahaging 'di ko alam. 250 00:36:47,791 --> 00:36:49,125 Mag-swipe. Dibdib. 251 00:36:51,419 --> 00:36:53,171 -Ganito... -Swipe, dibdib, mukha. 252 00:36:53,254 --> 00:36:56,174 -Dibdib? -Oo. Swipe. Katawan. Mukha. 253 00:36:57,676 --> 00:36:58,718 Buong katawan. 254 00:36:59,803 --> 00:37:01,262 Tapos, labas. 255 00:37:01,346 --> 00:37:04,557 Sige. Magsisimula tayo sa Where Are Ü Now. 256 00:37:05,225 --> 00:37:07,852 -Sige po. -Simulan na natin. 257 00:45:25,766 --> 00:45:26,809 Tara na! 258 00:46:08,059 --> 00:46:09,185 21 ARAW BAGO ANG CONCERT 259 00:46:09,268 --> 00:46:10,853 -Darating ba si Justin? -Hindi. 260 00:46:10,937 --> 00:46:12,021 Ayos lang. 261 00:46:12,104 --> 00:46:13,564 NAGPOSITIBO SI NICK DEMOURA SA COVID-19. 262 00:46:13,648 --> 00:46:14,524 MILD ANG MGA SINTOMAS NIYA, 263 00:46:14,607 --> 00:46:17,026 PERO DAPAT MAG-QUARANTINE NANG 14 ARAW AT HINDI DUMALO SA MGA ENSAYO 264 00:46:17,109 --> 00:46:18,277 Dahil masaya akong... 265 00:46:21,030 --> 00:46:22,573 Ayos pa ang plano mo? 266 00:46:22,657 --> 00:46:26,035 Iyan ang kailangan natin. Kailangan ko si Nick... kaya mahirap. 267 00:46:26,702 --> 00:46:28,204 Nandoon na kami. 268 00:46:31,832 --> 00:46:32,959 Uy, Nick. 269 00:46:33,584 --> 00:46:35,378 Puro negatibo ngayong umaga. 270 00:46:37,964 --> 00:46:39,799 Ipagdasal nating magpatuloy na ganoon. 271 00:46:40,758 --> 00:46:43,177 Ang biglaang pagkakaroon ng COVID 272 00:46:43,261 --> 00:46:45,596 at pagsubok na magtrabaho sa bahay, 273 00:46:45,680 --> 00:46:48,266 ang pinakamahirap na bahagi ng concert na ito. 274 00:46:48,975 --> 00:46:50,977 Nag-aalala talaga kami tungkol dito. 275 00:46:51,060 --> 00:46:53,813 Malaking hamon ang pagpapanatiling malusog ang lahat. 276 00:46:53,896 --> 00:46:54,981 Ayos lang iyon. 277 00:46:59,026 --> 00:47:02,863 Tini-test kami bawat umaga. 278 00:47:03,823 --> 00:47:05,950 Ilang COVID tests na ang nagawa ninyo? 279 00:47:06,033 --> 00:47:07,451 Mga 20,000. 280 00:47:09,912 --> 00:47:13,499 Mahirap ang paghahandang magtanghal sa panahon ng COVID. 281 00:47:13,583 --> 00:47:16,127 -Handa ka na sa test? -Handa na... 282 00:47:16,752 --> 00:47:19,797 Dapat kaming mag-swab araw-araw. 283 00:47:20,464 --> 00:47:23,092 Tini-test ka ng rapid test 6 na araw sa isang linggo. 284 00:47:23,175 --> 00:47:25,177 At may PCR kami bawat Lunes. 285 00:47:25,678 --> 00:47:29,724 Nag-iingat talaga kami, dahil 'di namin kayang may mawala. 286 00:47:29,807 --> 00:47:32,226 Mas maghihigpit pa tayo dahil sa COVID. 287 00:47:32,310 --> 00:47:35,187 Papausukan ko ang mga kwarto ng bacterial killer araw-araw. 288 00:47:35,271 --> 00:47:37,898 Baka kasi magkahawahan kayo. 289 00:47:38,774 --> 00:47:41,235 Dahil sumasayaw kami, ang immune system namin ay... 290 00:47:41,319 --> 00:47:42,903 -Nauunawaan mo ba? -Oo. 291 00:47:42,987 --> 00:47:46,532 Wala ka nang magagawa. Umiinom ako ng mga tsaa at bitamina. 292 00:47:46,616 --> 00:47:48,075 Iyon ang dapat mong gawin. 293 00:47:48,159 --> 00:47:50,703 -Grabe. -Iba na ang mundo, Johnny. 294 00:47:50,786 --> 00:47:53,331 -Grabe ang 2020. -Susulitin na lang natin. 295 00:47:55,333 --> 00:47:56,751 Walang nagtatrabaho ngayon. 296 00:47:56,834 --> 00:47:59,170 Alam naming swerte kami na may gig kami. 297 00:47:59,253 --> 00:48:02,506 Kaya nirerespeto ng lahat ang mga patakaran sa COVID. 298 00:48:04,133 --> 00:48:05,926 14 ARAW BAGO ANG CONCERT 299 00:48:06,010 --> 00:48:09,513 NAGPAPATULOY ANG GRUPO NA MAGHANDA HABANG NAGPAPAGALING SI NICK SA BAHAY. 300 00:48:10,598 --> 00:48:13,601 Pagkatapos mong magpagupit, magpapatuloy na tayo... 301 00:48:14,185 --> 00:48:16,479 Nakuha ko na ang mga sukat kahapon. 302 00:48:16,562 --> 00:48:17,980 -Nakuha mo na? -Oo. 303 00:48:18,064 --> 00:48:19,023 Ayos, magaling. 304 00:48:22,401 --> 00:48:24,862 Lahat ng mga ito ay mga gumagalaw na ilaw. 305 00:48:25,988 --> 00:48:27,865 May mga laser din dito. 306 00:48:27,948 --> 00:48:31,369 'Di pa kumpirmado ang apoy, sana makuha natin ngayong araw. 307 00:48:32,370 --> 00:48:34,372 13 ARAW BAGO ANG CONCERT 308 00:48:34,455 --> 00:48:37,041 12 ARAW BAGO ANG CONCERT 309 00:48:37,124 --> 00:48:39,794 11 ARAW BAGO ANG CONCERT 310 00:48:41,587 --> 00:48:43,547 Ayos ba ang pakiramdam n'yo? 311 00:48:43,631 --> 00:48:44,840 -Ayos ako, kapatid. -Ayos. 312 00:48:44,924 --> 00:48:46,592 Ang sisipag ninyo. 313 00:48:51,889 --> 00:48:54,642 May pandemya, kung sakaling 'di n'yo alam. 314 00:48:55,226 --> 00:48:59,563 Tulad ng ibang safety measure, kapag may nakita kayong nalalaglag ang maskara, 315 00:48:59,647 --> 00:49:02,274 sabihan sila, "Pare, ayusin mo ang maskara mo." 316 00:49:02,733 --> 00:49:07,029 Nitong huling tatlong buwan, inihanda namin ang bubong para sa bigat. 317 00:49:07,947 --> 00:49:11,701 Dapat maihanda na ang mga frame. I-unfold ang iba, tatayo kami, slit. 318 00:49:11,784 --> 00:49:16,247 Susunod ang mga node, slam node, at deck. Ang rampa agad ang gagawin ninyo. 319 00:49:17,248 --> 00:49:19,667 Nasa iskedyul tayo. Naayos na natin ang plywood. 320 00:49:19,750 --> 00:49:20,751 8 ARAW BAGO ANG CONCERT 321 00:49:20,835 --> 00:49:23,003 Inihahanda na ang Livestream. 322 00:49:23,087 --> 00:49:25,965 Inaayos na ngayon ang ilaw at tunog. 323 00:49:31,595 --> 00:49:33,889 7 ARAW BAGO ANG CONCERT 324 00:49:35,141 --> 00:49:38,394 NATAPOS NA NI NICK ANG QUARANTINE NIYA AT NEGATIBO ANG TEST NIYA SA COVID. 325 00:49:38,477 --> 00:49:41,856 HINIHINTAY NIYA ANG IKALAWANG NEGATIBONG RESULTA BAGO SIYA MAKABALIK. 326 00:49:41,939 --> 00:49:44,775 Nasa bahay lang ako, nagka-quarantine. 327 00:49:44,859 --> 00:49:47,403 Magaling ang grupo namin kaya may nagagawa kami, 328 00:49:47,486 --> 00:49:50,489 kaya nagtuon ako sa pagiging malusog para makabalik. 329 00:49:57,621 --> 00:50:02,293 Kumusta na? Pumasa ulit ako sa rapid test. 330 00:50:02,752 --> 00:50:06,756 Pero hinihintay ko ang PCR, na lalabas ng mga alas-tres. 331 00:50:11,594 --> 00:50:13,053 Magaling na si Nick. 332 00:50:26,150 --> 00:50:28,819 Sino'ng gusto ng yakap? 333 00:50:31,572 --> 00:50:33,616 Walang may gustong yumakap sa iyo. 334 00:50:34,033 --> 00:50:35,326 Maligayang pagbabalik. 335 00:50:35,409 --> 00:50:36,660 -Maligayang pagbabalik. -Wow. 336 00:50:36,744 --> 00:50:39,121 Uy, nagbalik na si Nick DeMoura. 337 00:50:39,747 --> 00:50:42,792 Salamat sa kahusayan ninyo habang wala ako 338 00:50:42,875 --> 00:50:47,129 at salamat kina Tucker at Johnny sa pamumuno sa inyo. 339 00:50:47,546 --> 00:50:50,132 Para sa akin, nasa lugar tayo 340 00:50:50,216 --> 00:50:53,511 kung saan gusto kong makita kung paano nakokonekta ang lahat 341 00:50:53,594 --> 00:50:55,471 at buuin ang concert, 342 00:50:55,554 --> 00:50:57,848 pagsama-samahin ito at tingnan kung kumusta. 343 00:50:57,932 --> 00:51:00,893 Salamat sa kahusayan ninyo habang wala ako. 344 00:51:00,976 --> 00:51:02,853 Nagugustuhan ko iyon. Ayos. 345 00:51:04,480 --> 00:51:05,523 Sige. 346 00:51:06,315 --> 00:51:11,111 Dama ko na natutunan ko nang pahalagahan ang mga tao sa buhay ko. 347 00:51:11,195 --> 00:51:13,447 Ang mga kaibigan at relasyon ko. 348 00:51:14,365 --> 00:51:18,244 Narito na siya. Ang nag-iisa, ang natatangi, 349 00:51:18,327 --> 00:51:23,290 Nicky D! 350 00:51:23,999 --> 00:51:25,084 Nick DeMoura. 351 00:51:31,048 --> 00:51:31,882 Tara na. 352 00:51:33,050 --> 00:51:35,135 Nandito na kami! 353 00:51:35,553 --> 00:51:37,346 Tara na! 354 00:59:47,044 --> 00:59:48,920 6 ARAW BAGO ANG CONCERT 355 00:59:50,255 --> 00:59:53,508 Siya is Lauren. Mahusay siya sa lahat ng bagay. 356 00:59:53,592 --> 00:59:56,887 Literal na ginagawa niya ang lahat ng maiisip mo. 357 00:59:56,970 --> 00:59:59,181 Pinagpala ako na kilala ko siya. 358 00:59:59,264 --> 01:00:01,850 Gaano mo na katagal na kasama sa trabaho si Justin? 359 01:00:01,933 --> 01:00:03,935 Nasa ika-11 taon na ako. 360 01:00:04,853 --> 01:00:09,483 Noong una kong makilala si Justin, batang teenager pa siya noon, 361 01:00:10,150 --> 01:00:11,568 inaalam pa ang buhay. 362 01:00:11,651 --> 01:00:13,653 Pero ngayon, 363 01:00:13,737 --> 01:00:19,076 kung ano siya ngayon, isa na siyang batang pinuno at masipag na entertainer. 364 01:00:21,661 --> 01:00:23,330 Ramdam n'yo bang handa na kayo? 365 01:00:23,413 --> 01:00:24,498 -Oo. -Oo! 366 01:00:25,040 --> 01:00:27,000 -Ano'ng nadarama mo? -Handang-handa na ako. 367 01:00:27,084 --> 01:00:28,627 Totoo iyon. 368 01:00:28,710 --> 01:00:31,254 Ano'ng nakita mo nang pumunta ka sa venue? 369 01:00:31,338 --> 01:00:34,925 Ang galing ng staff ng Beverly Hilton Hotel. 370 01:00:35,008 --> 01:00:36,843 Naglalagay sila ng maraming iba't ibang bagay 371 01:00:36,927 --> 01:00:40,389 para matiyak na hindi lang ligtas ang concert, 372 01:00:40,472 --> 01:00:43,100 pero magiging ligtas din ang mga taong pupunta. 373 01:00:43,183 --> 01:00:46,937 Titigil na ba tayo? Ito ang ayaw natin ngayon. 374 01:00:47,020 --> 01:00:47,854 Oo, ang kidlat. 375 01:00:47,938 --> 01:00:50,357 Ano'ng sinasabi tungkol sa kulog at kidlat? 376 01:00:50,440 --> 01:00:52,401 -Labindalawa... -May kulog na. 377 01:00:52,484 --> 01:00:54,778 Parating na ang kidlat. 378 01:00:56,655 --> 01:01:00,117 Kikilos tayo hanggang bumuhos talaga, tapos ititigil na natin. 379 01:01:00,200 --> 01:01:04,079 May matinding bagyo. Magdamag na umulan. 380 01:01:04,162 --> 01:01:07,207 Kapag naging mapanganib at malakas, papasok na tayo. 381 01:01:07,999 --> 01:01:10,127 -Christopher. -Kumusta? 382 01:01:10,210 --> 01:01:13,088 Ano'ng oras namin pwedeng gamitin ang entablado bukas? 383 01:01:13,171 --> 01:01:14,548 Grabe, tingnan mo ang ulan. 384 01:01:18,343 --> 01:01:19,219 Oo. 385 01:01:19,928 --> 01:01:22,222 Naantala ng ulan ang paggawa sa entablado, 386 01:01:22,305 --> 01:01:24,182 kaya nahuhuli tayo nang isang araw. 387 01:01:24,641 --> 01:01:27,310 Dahil sa kidlat, 'di pwedeng galawin ang mga bakal, 388 01:01:27,394 --> 01:01:28,645 at mga bagay na tulad no'n. 389 01:01:28,728 --> 01:01:31,690 Hindi umuulan sa LA, kaya nga napakalaki ng renta sa bahay. 390 01:01:35,777 --> 01:01:37,195 Sasama, mahal? 391 01:01:38,655 --> 01:01:39,573 Nandito na tayo. 392 01:01:45,036 --> 01:01:47,998 -Nakarating na kami. -Nakarating na. 393 01:01:48,457 --> 01:01:50,167 -Kumusta, Ror? -Ayos lang. 394 01:01:50,292 --> 01:01:53,795 -Iniiwasang mabasa ng ulan. -Alam ko. 395 01:01:54,546 --> 01:01:56,590 Ako'ng bahala sa iyo, babe. 396 01:02:01,887 --> 01:02:04,222 Sabi ng asawa ko, 'wag ko siyang banggitin, 397 01:02:04,306 --> 01:02:07,434 pero gagawin ko pa rin dahil mahal na mahal ko siya. 398 01:02:07,517 --> 01:02:11,021 'Di ko alam kung nasaan siya, pero nar'yan lang siya. 399 01:02:11,104 --> 01:02:14,566 At gusto ko lang sabihing mahal na mahal kita. 400 01:02:14,649 --> 01:02:17,027 Napakasaya ko na ikaw ang kasama ko sa buhay. 401 01:02:17,110 --> 01:02:20,322 Ikaw ang dahilan ng buong pagkabuhay ko 402 01:02:20,405 --> 01:02:23,742 at para sa iyo ang susunod na kantang ito, nasaan ka man. 403 01:03:07,160 --> 01:03:08,245 Sige pa! 404 01:03:50,370 --> 01:03:51,329 BANAL 405 01:03:51,413 --> 01:03:52,455 Sige pa! 406 01:05:36,976 --> 01:05:40,855 Ayos. Intentions na ang susunod. Jesse, ikaw na. Galingan mo. 407 01:06:32,157 --> 01:06:33,116 Sige pa! 408 01:07:23,708 --> 01:07:24,876 Sige pa! 409 01:09:15,612 --> 01:09:19,115 O ARAW BAGO ANG CONCERT 410 01:09:23,369 --> 01:09:24,787 Araw na ng concert. 411 01:09:30,418 --> 01:09:32,587 -Baby. -Hi. 412 01:09:32,670 --> 01:09:34,088 Araw na ng concert. 413 01:09:39,344 --> 01:09:41,387 Sobrang nasasabik si Buster. 414 01:09:41,930 --> 01:09:45,141 Oo, magiging maganda ang concert. 415 01:09:45,224 --> 01:09:47,685 Magiging maganda ang concert. Oo. 416 01:09:47,769 --> 01:09:51,189 Magiging napakaganda ng concert ngayon. Magpapakasaya tayo. 417 01:09:51,940 --> 01:09:54,442 Oo. 418 01:09:55,151 --> 01:09:56,486 Oo. 419 01:09:59,238 --> 01:10:01,908 -Handa ka na? -Good luck sa iyo. Nakakasabik. 420 01:10:03,534 --> 01:10:07,705 -Maganda ang panahon ngayon. -Ano'ng ginawa natin kagabi? 421 01:10:08,289 --> 01:10:10,667 -Nag-steam tayo. -At? 422 01:10:10,750 --> 01:10:15,463 At nahiga tayo at nagbukas ka ng apat na humidifier. 423 01:10:15,546 --> 01:10:18,341 Na malaking tulong dahil pagkagising ko... 424 01:10:21,803 --> 01:10:22,971 Malinaw ang boses ko. 425 01:10:23,846 --> 01:10:25,974 Hindi, nag-face mask tayo. 426 01:10:26,057 --> 01:10:29,894 Nag-face mask tayo, kaya makinis ang mukha ko. Nasasabik ka para mamaya? 427 01:10:29,978 --> 01:10:31,354 Syempre. 428 01:10:31,437 --> 01:10:34,482 Gusto kong maganda ang pakiramdam mo. Gusto kong masaya ka. 429 01:10:34,565 --> 01:10:35,400 Pareho tayo. 430 01:10:35,483 --> 01:10:38,820 Kapag kinakabahan ka, kasama mo akong kakabahan. 431 01:10:38,903 --> 01:10:39,821 Alam ko. 432 01:10:39,904 --> 01:10:42,865 Nasasabik ako. Nakapokus talaga ako. 433 01:10:42,949 --> 01:10:46,744 Handang-handa na ako. Puno ako ng inspirasyon. 434 01:10:47,370 --> 01:10:49,831 Medyo kinakabahan ako. 435 01:10:52,959 --> 01:10:57,755 Pero dama ko na handa ako. Salamat sa Diyos sa araw na ito. 436 01:10:57,839 --> 01:10:59,298 Salamat sa buhay na ito. 437 01:11:02,343 --> 01:11:04,929 Labindalawang oras bago ang concert. 438 01:11:06,764 --> 01:11:09,225 May mithiin ka ba para sa 2021? 439 01:11:09,308 --> 01:11:12,478 Ang mithiin ko para sa 2021... 440 01:11:14,063 --> 01:11:16,315 Ang mithiin ko para sa 2021 441 01:11:16,399 --> 01:11:20,403 ay patuloy na magkaroon ng mga mithiin 442 01:11:20,486 --> 01:11:24,657 at magsaya habang inaabot ang mga iyon. 443 01:11:25,324 --> 01:11:27,827 Tiyaking inuuna ko ang aking pamilya. 444 01:11:28,703 --> 01:11:32,540 At sana, magkaanak. 445 01:11:33,207 --> 01:11:36,502 -Sa 2021? -Oo, sa katapusan ng 2021? 446 01:11:36,586 --> 01:11:39,213 -Susubukan na natin? -'Di ko alam. Sige, siguro. 447 01:11:40,048 --> 01:11:43,259 -Titingnan natin. -Nasa sa iyo iyon, babe. 448 01:11:44,177 --> 01:11:48,222 Ito na ang araw. Ngayong gabi na ang gabi. Bagong Taon. 449 01:11:49,015 --> 01:11:52,185 7 ORAS BAGO ANG CONCERT 450 01:11:56,439 --> 01:11:59,108 Ayaw mong makatabi ang mga ito kapag gumana na ito. 451 01:11:59,317 --> 01:12:02,236 Araw na ng concert! 452 01:12:03,946 --> 01:12:08,076 Snoop, nasasabik ka ba na makita ako sa TV mamayang gabi? 453 01:12:09,952 --> 01:12:11,579 Nasasabik siya, 'wag mag-alala. 454 01:12:11,662 --> 01:12:12,955 Araw na ng concert! 455 01:12:13,039 --> 01:12:14,707 TAYLOR THOMAS MANANAYAW 456 01:12:14,791 --> 01:12:16,834 Diyos ko, sabik na sabik ako. 457 01:12:16,918 --> 01:12:21,005 Nagsindi ako ng isang sage na kandila para maging tama ang enerhiya natin. 458 01:12:21,089 --> 01:12:22,840 Lipstick, lotion... 459 01:12:23,716 --> 01:12:27,136 Lashes, at lashes. 'Di ka masosobrahan ng lashes. 460 01:12:27,220 --> 01:12:28,721 Bisperas ng Bagong Taon! 461 01:12:30,681 --> 01:12:31,766 Manigong Bagong Taon! 462 01:12:34,352 --> 01:12:35,895 Kumusta ka, Harv? 463 01:12:37,772 --> 01:12:39,190 Ninenerbiyos nang kaunti. 464 01:12:41,192 --> 01:12:44,570 Pero magandang nerbiyos. Minsan, maayos na nerbiyusin. 465 01:12:44,654 --> 01:12:47,281 Alam kong grabe ang taong ito. 466 01:12:48,157 --> 01:12:51,702 Pero magiging masaya na magtanghal sa entablado kasama ang lahat. 467 01:12:51,786 --> 01:12:55,248 Si JB, ang banda, ang mga mananayaw, lahat. 468 01:12:55,331 --> 01:12:57,792 Masayang makabalik sa entablado. 469 01:12:57,875 --> 01:12:58,835 Napakalaking pagpapala. 470 01:12:58,960 --> 01:13:02,004 Alam ko na... Manonood ang buong mundo, kaya... 471 01:13:02,088 --> 01:13:04,924 Ang virtual crowd! Magiging masaya ang virtual crowd. 472 01:13:06,717 --> 01:13:10,012 Kinalkula ang lahat mula sa timbang ng bawat mananayaw, 473 01:13:10,096 --> 01:13:12,265 ng artist, ng backline gear... 474 01:13:12,348 --> 01:13:15,184 Bawat ilaw, bawat piraso ng plywood ay isinasaalang-alang. 475 01:13:15,268 --> 01:13:17,395 Kahit ang pagtayo mo rito ngayon. 476 01:13:17,478 --> 01:13:20,398 Bawat bigat ay isinasaalang-alang. 477 01:13:21,149 --> 01:13:22,108 Malapad. 478 01:13:23,860 --> 01:13:25,236 Kaya natin ito. 479 01:13:25,319 --> 01:13:28,948 Sa totoo lang, nao-over-stress lang ako kasi gusto kong perpekto ang lahat. 480 01:13:31,784 --> 01:13:33,661 Masaya na malungkot ito. 481 01:13:34,120 --> 01:13:35,746 Pagkatapos ng lahat noong 2020, 482 01:13:35,830 --> 01:13:38,040 ang magkaroon ng pagkakataong magtanghal... 483 01:13:38,124 --> 01:13:39,333 JARED SMITH MANANAYAW 484 01:13:39,417 --> 01:13:40,626 ...masarap sa pakiramdam. 485 01:13:40,710 --> 01:13:42,587 'WAG TATAHOL KUNG 'DI KA NANGANGAGAT 486 01:13:42,670 --> 01:13:46,048 Tingnan n'yo ito. Ang astig ng entablado. Magiging astig ito. 487 01:13:58,936 --> 01:14:00,479 Nadarama ko... 488 01:14:00,855 --> 01:14:02,899 Na baka alam na ninyo ang susunod na kanta. 489 01:15:55,428 --> 01:15:59,807 Ang susunod na kanta ay napakapersonal sa buhay ko. 490 01:16:00,766 --> 01:16:05,062 'Di ko alam kung narito si Finneas, pero tinulungan niya akong isulat ito. 491 01:16:05,855 --> 01:16:09,608 At nagpapasalamat ako para doon. Narito na. 492 01:18:49,226 --> 01:18:50,352 Uy. 493 01:18:52,771 --> 01:18:54,023 Manigong Bagong Taon! 494 01:18:54,148 --> 01:18:55,566 Nakakatawa ang residency. 495 01:18:55,649 --> 01:18:56,775 Bulag ba ako? 496 01:19:03,115 --> 01:19:04,283 Ang astig nito. 497 01:19:04,366 --> 01:19:06,619 Ihagis mo lang sa akin ang anumang gusto mo. 498 01:19:06,702 --> 01:19:07,786 Oo, gusto ko iyan. 499 01:19:07,870 --> 01:19:10,080 Gusto ko rin ito. Vintage ba ito? 500 01:19:10,164 --> 01:19:11,749 -Vintage iyan. -Ayos. 501 01:19:18,714 --> 01:19:20,090 Ang astig nito. 502 01:19:20,174 --> 01:19:22,468 -Oo, ang baywang lang. -Oo. 503 01:19:22,551 --> 01:19:23,886 Napakaganda nito. 504 01:19:23,969 --> 01:19:25,679 -Ayos ang mga bulsa, tama? -Oo. 505 01:19:28,057 --> 01:19:30,976 -Ano sa tingin natin? -Mukhang casual lang pero astig. 506 01:19:32,228 --> 01:19:33,312 -Talaga? -Oo. 507 01:19:33,395 --> 01:19:35,147 Kung ayos ang pakiramdam mo, sige lang. 508 01:19:35,231 --> 01:19:37,483 Ayos ang pakiramdam ko. Subukan ko ang mga iyan. 509 01:19:38,108 --> 01:19:43,072 Kailangan ko mga ng litrato na matanda na na-update sa Google. 510 01:19:43,155 --> 01:19:46,700 Diyos ko. Ang pangit ng mga litrato ko na may bigote ako. 511 01:19:46,784 --> 01:19:48,619 -Nakakakilabot! -Hindi naman. 512 01:19:48,702 --> 01:19:51,121 -Sikat kasi ang ganoon dati. -Oo nga. 513 01:19:51,205 --> 01:19:52,540 Gusto ko ang bigote. 514 01:19:52,623 --> 01:19:55,501 Ang pangit lang talaga ng mga litratong iyon. 515 01:19:55,584 --> 01:19:56,961 Ang mga larawan lang na iyon. 516 01:19:57,044 --> 01:19:59,338 -Hindi maganda iyon. -Ganoon talaga. 517 01:20:01,632 --> 01:20:03,759 Babe, kumusta ang mga Air Force na ito? 518 01:20:03,842 --> 01:20:05,844 Gusto ko sila, pero astig din ang mga ito. 519 01:20:05,928 --> 01:20:07,513 Tama ka. 520 01:20:07,596 --> 01:20:10,808 -Nagpapapansin ako sa Nike. -Halata naman. 521 01:20:10,891 --> 01:20:13,978 Maraming salamat. Ang gaganda ng dala ninyo. 522 01:20:14,061 --> 01:20:15,479 Ang astig nito. 523 01:20:15,563 --> 01:20:16,647 -Tama? -Oo. 524 01:20:17,565 --> 01:20:18,941 Ayos. 525 01:20:19,024 --> 01:20:23,654 1 ORAS BAGO ANG CONCERT 526 01:20:23,737 --> 01:20:25,823 NYE LIVE KASAMA SI JUSTIN BIEBER 2 TAO LAMANG 527 01:20:27,366 --> 01:20:31,745 Mayroon tayong 45 minuto na lang. Pinagpapawisan ang mga kamay ko. 528 01:20:32,663 --> 01:20:35,457 Nagpa-palpitate ang puso ko. Binaklas ko ang mga paper clip. 529 01:20:44,383 --> 01:20:46,885 Kailan natin malalaman kapag handa na tayo? 530 01:20:46,969 --> 01:20:48,929 Wala akong mga sagot ngayon. 531 01:20:49,013 --> 01:20:52,725 Tumatakbo ang oras. Iuusog ang buong concert. 532 01:20:52,808 --> 01:20:54,435 Malinaw naman, simula na dapat. 533 01:20:55,519 --> 01:20:57,730 May stream na... Mga 15 minuto. 534 01:20:57,813 --> 01:21:00,899 -Hanggang ano'ng oras tayo? -Beverly Hills, 10:00 p.m. 535 01:21:00,983 --> 01:21:01,859 Halos simula na. 536 01:21:04,111 --> 01:21:05,613 Baka 'di tayo makapagsimula ng 8. 537 01:21:09,575 --> 01:21:11,952 Ang curfew ng lungsod ay 10:00 p.m. Dapat na tayong magsimula. 538 01:21:12,036 --> 01:21:14,163 Kung hindi, hindi ito matutuloy. 539 01:21:19,001 --> 01:21:21,962 Dapat tayong magsimula ng 8:30. Paubos na ang oras. 540 01:21:22,046 --> 01:21:23,797 'Di ko alam kung kaya natin ang 8:30. 541 01:21:23,881 --> 01:21:26,258 Pakisabi naman sa banda. Tatawagan ko rin si Harv. 542 01:21:26,842 --> 01:21:28,844 Masyadong maraming tao ang sabay-sabay na nag-log-in. 543 01:21:28,927 --> 01:21:31,930 Nag-crash nang kaunti. Inaayos na nila ito ngayon. 544 01:21:32,014 --> 01:21:35,768 -'Di sila nakakapasok sa stream... -Nakapasok ang iba, pero ang iba, hindi. 545 01:21:35,851 --> 01:21:37,936 Nagmadali sila sa pag-sign-in. 546 01:21:38,020 --> 01:21:40,814 Nag-log-in ang lahat nang sabay-sabay at nag-crash ito. 547 01:21:40,898 --> 01:21:43,776 Na magandang problema, pero dapat nating ayusin. 548 01:21:43,859 --> 01:21:46,403 -Handa ka na sa 15 minuto? -Oo, handa ako. 549 01:21:46,487 --> 01:21:47,988 Sige. Sasabihin ko sa kanila. 550 01:21:48,072 --> 01:21:49,907 Justin Bieber, live. 551 01:21:51,075 --> 01:21:54,036 Damhin mo kung gaano ako kapasmado. 552 01:21:54,787 --> 01:21:55,954 Mga confetti cannon. 553 01:21:58,624 --> 01:22:00,250 'Di tayo tiyak kung magsisimula tayo nang 8:30. 554 01:22:01,335 --> 01:22:02,211 Kaya... 555 01:22:02,294 --> 01:22:04,338 Iyon lang ang masasabi mo? 556 01:22:04,421 --> 01:22:07,007 'Di natin pwedeng sabihin palagi kay Justin na "kailangan pa ng 5 minuto." 557 01:22:07,091 --> 01:22:09,760 Kailangan ko ng totoong estimate kung ano'ng gagawin natin ngayon. 558 01:22:09,843 --> 01:22:13,180 -'Di mo alam kung gaano katagal... -Hindi. 559 01:22:20,312 --> 01:22:21,730 Gaano tayo katagal maghihintay? 560 01:22:21,814 --> 01:22:25,693 'Di ko alam ang numero. Kung ilan ang nakapasok o hindi. 561 01:22:25,776 --> 01:22:28,320 -Makakatulong iyon. -5,000 hanggang 300,000. 562 01:22:28,404 --> 01:22:31,073 -Kung ganoon... -Oo, makakatulong na malaman. 563 01:22:31,156 --> 01:22:33,784 Subukan mong kunin ang mga numero at pagkatapos... 564 01:22:33,909 --> 01:22:36,078 -Tawagan mo siya. -...magpasya na tayo. 565 01:22:36,161 --> 01:22:37,162 At 'di mo alam kung ilang tao na ang nakapasok? 566 01:22:37,246 --> 01:22:39,998 Hindi ko alam. 'Di gumagana ang analytics. 567 01:22:40,082 --> 01:22:42,751 'Di nga ako makakuha ng sagot sa nangyayari. 568 01:22:45,337 --> 01:22:46,880 Sige. Magho-hold ako. 569 01:22:47,798 --> 01:22:51,385 -Gumaganito na ang adrenaline ko. -Alam ko. 570 01:22:51,468 --> 01:22:53,137 At kailangan ko ang adrenaline ko. 571 01:22:53,220 --> 01:22:54,972 Pwede ba nating paganahin ulit ang analytics? 572 01:22:58,267 --> 01:23:00,644 Ayos sa inyong lahat? Ayos sa inyong lahat ngayon? 573 01:23:00,728 --> 01:23:01,937 Kung gayon... simulan na natin. 574 01:23:05,691 --> 01:23:07,693 Magsimula tayo ng 8:45 kahit ano'ng mangyari. 575 01:23:09,445 --> 01:23:12,406 -8:45, kahit ano'ng mangyari? -Kahit ano'ng... 576 01:23:12,489 --> 01:23:14,241 Huwag ka nang babalik dito! 577 01:23:16,034 --> 01:23:17,536 Sige, gawin na natin ito. 578 01:23:19,496 --> 01:23:22,332 Kung biniyayaan kayo ng panibagong taon, nasaan kayo? 579 01:23:22,416 --> 01:23:23,625 Boom! 580 01:26:47,537 --> 01:26:49,289 LA, mahal ko kayo! 581 01:26:55,337 --> 01:26:56,672 Magpakasaya kayo! 582 01:26:59,216 --> 01:27:01,051 Sige! 583 01:27:06,181 --> 01:27:08,976 Mahal ko kayo. Salamat sa pagpunta. 584 01:27:50,434 --> 01:27:53,520 Pwedeng maging makasarili ang pagiging entertainer, 585 01:27:53,603 --> 01:27:55,605 dahil isinisigaw ng lahat ang pangalan mo. 586 01:27:55,689 --> 01:27:58,984 Pero dapat, lagi mong binabalikan ang "bakit." 587 01:27:59,651 --> 01:28:02,571 Bakit ako kumakanta para sa mga taong ito? 588 01:28:02,654 --> 01:28:05,782 Dahil ba gusto kong sumaya 589 01:28:05,866 --> 01:28:09,661 o gusto kong maging masaya ang iba? 590 01:28:13,457 --> 01:28:15,459 Ang katayuan ngayon ni Justin, bilang lalaki, 591 01:28:15,542 --> 01:28:18,920 ang paglago ng pagkatao niya ay nakikita sa gawa niya. 592 01:28:24,217 --> 01:28:27,804 Kailangan ng tulong ng lahat para sa malaking produksyon na ganito. 593 01:28:27,888 --> 01:28:30,640 Kaya ang magawa ang concert na ito sa panahon ngayon, 594 01:28:30,724 --> 01:28:34,102 at makapagbigay ng trabaho sa napakaraming tao ay pagpapala. 595 01:28:35,187 --> 01:28:36,938 -Ano'ng nadarama mo? -Napakabuti. 596 01:28:37,022 --> 01:28:40,067 Gusto kong gumawa ng gabi kung saan magsasama-sama ang mga tao 597 01:28:40,150 --> 01:28:42,861 at makakapagpasaya sa kanila. 598 01:28:42,944 --> 01:28:46,281 -Ito ay... Hindi kapani-paniwala. -Diyos ko! 599 01:28:46,364 --> 01:28:48,700 -Mahal kita. -Salamat. 600 01:28:51,078 --> 01:28:52,996 Manigong Bagong Taon. Congrats. 601 01:28:58,293 --> 01:29:00,921 Mukhang magbabagong taon na. 602 01:29:13,225 --> 01:29:15,102 Sampu, siyam... 603 01:29:18,647 --> 01:29:19,731 Walo! 604 01:29:23,026 --> 01:29:23,902 Pito! 605 01:29:26,613 --> 01:29:27,572 Anim! 606 01:29:29,783 --> 01:29:30,784 Lima! 607 01:29:33,120 --> 01:29:34,329 Apat! 608 01:29:37,457 --> 01:29:40,335 Tatlo! Dalawa! Isa! 609 01:30:07,863 --> 01:30:12,075 May tuwalya ba para sa entablado? Dahil... Magiging problema ito. 610 01:30:29,634 --> 01:30:32,220 Nagawa natin! 611 01:30:32,304 --> 01:30:38,226 ...pito, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, isa! 612 01:30:38,310 --> 01:30:42,606 Manigong Bagong Taon! 613 01:30:55,327 --> 01:31:00,624 Ang pinakamasayang taon ng buhay natin! 614 01:34:15,318 --> 01:34:17,320 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Arvin James Despuig 615 01:34:17,404 --> 01:34:19,406 Mapanlikhang Superbisor Jessica Ignacio