1 00:00:11,800 --> 00:00:15,400 Kailangan nating suriing muli ang prehistory ng Easter Island. 2 00:00:18,200 --> 00:00:20,760 Di natin dapat tanggapin na lang 'yong sinasabi sa atin. 3 00:00:24,480 --> 00:00:28,800 {\an8}Ang residente ng Rapa Nui at archeologist na si Dr. Sonia Haoa Cardinali 4 00:00:28,880 --> 00:00:33,080 {\an8}ay halos limang dekada nang tinutuklas ang nawalang kasaysayan ng isla, 5 00:00:35,080 --> 00:00:38,880 hindi sa pag-aaral sa mga Moai o sa mga sinaunang pamayanan, 6 00:00:38,960 --> 00:00:42,080 kundi sa masusing pagsusuri ng mga halaman nito. 7 00:00:42,960 --> 00:00:47,320 Sonia, nalaman ko na malaki ang interes mo sa botany, 8 00:00:47,400 --> 00:00:48,920 pero archeologist ka rin. 9 00:00:49,000 --> 00:00:52,120 Oo. Ang pinakamahalaga sa 'kin 10 00:00:52,200 --> 00:00:55,560 ay maunawaan 'yong mga tao… 11 00:00:55,640 --> 00:00:58,840 - Oo. - …maunawaan kung paano sila dumating, 12 00:00:58,920 --> 00:01:02,800 maunawaan kung paano iniakma ng mga tao ang sarili sa islang ito 13 00:01:03,400 --> 00:01:08,680 dahil bilang tao, di tayo mabubuhay nang walang mga halaman. 14 00:01:12,040 --> 00:01:15,400 Sa bunganga ng isa sa mga patay nang bulkan ng Rapa Nui, 15 00:01:15,480 --> 00:01:17,880 naghahanap si Dr. Cardinali at team niya 16 00:01:17,960 --> 00:01:21,800 ng pinakasinaunang ebidensiya ng mga pananim na di likas sa lugar 17 00:01:21,880 --> 00:01:24,400 na marahil dinala rito ng mga tao. 18 00:01:25,960 --> 00:01:29,040 Ano'ng sabi ng mga halaman sa kung kailan tumira ang mga tao sa isla? 19 00:01:29,120 --> 00:01:34,400 Sa pag-aaral sa iba't ibang pagkain na kinalap namin, ang resulta ay nagmula… 20 00:01:34,480 --> 00:01:35,720 Oo. 21 00:01:36,320 --> 00:01:37,200 …sa saging. 22 00:01:39,360 --> 00:01:43,760 Nakita nila 'yong saging sa isla 3,000 taon na ang nakalipas. 23 00:01:43,840 --> 00:01:48,520 Nasa 3,000 taon na sa Rapa Nui 'yong mga saging? 24 00:01:48,600 --> 00:01:50,040 Oo. 25 00:01:52,600 --> 00:01:55,080 At hindi sila nakarating dito nang mag-isa. 26 00:01:56,440 --> 00:01:59,120 Hindi ito dinala ng mga ibon. 27 00:01:59,200 --> 00:02:01,320 Hindi sa dagat. 28 00:02:01,400 --> 00:02:05,920 Itinanim ang saging ng ibang tao. 29 00:02:07,400 --> 00:02:10,400 Kaya ipinahihiwatig nito 30 00:02:10,480 --> 00:02:16,240 na sa Rapa Nui, may mga taong dumating mula sa ibang panahon. 31 00:02:16,320 --> 00:02:17,160 Oo. 32 00:02:17,240 --> 00:02:21,600 Malaking sorpresa 'to para sa lahat. Binago nito nang konti ang kasaysayan. 33 00:02:21,680 --> 00:02:23,880 Malaki ang mababago sa kasaysayan. 34 00:02:23,960 --> 00:02:25,720 Di nagsisinungaling ang lupa. 35 00:02:25,800 --> 00:02:27,800 Nagsasabi ng totoo ang lupa. 36 00:02:27,880 --> 00:02:33,240 Hindi namin inakala na napakahalaga pala ng saging. 37 00:02:36,920 --> 00:02:42,040 Galing sa mga labi ng halaman ng saging ang mga petsa ni Dr. Cardinali 38 00:02:42,560 --> 00:02:48,640 at iniatras ang pagdating ng mga tao sa Rapa Nui ng mga 2,000 taon. 39 00:02:48,720 --> 00:02:51,920 NAKALIPAS NA 3,215 TAON 40 00:02:52,720 --> 00:02:55,720 Tinutulungan tayo ng mga halaman na iatras 'yong timeline. 41 00:02:55,800 --> 00:02:59,400 - Oo. - At posibleng mas higit pa sa 3,000 taon. 42 00:02:59,480 --> 00:03:04,760 Hindi namin alam. Pero 'yon ang dahilan para ipagpatuloy pa 'yong pagsasaliksik. 43 00:03:04,840 --> 00:03:05,800 Oo. 44 00:03:08,200 --> 00:03:10,160 Dahil sa bagong ebidensiyang ito, 45 00:03:10,240 --> 00:03:13,320 dapat pag-isipang muli ang prehistory ng Rapa Nui. 46 00:03:14,520 --> 00:03:19,280 Sinasabi ng pag-aaral ni Dr. Cardinali na narating ng mga Polynesian itong isla 47 00:03:19,360 --> 00:03:21,560 bago pa ang pinaniniwalaang timeline. 48 00:03:22,440 --> 00:03:26,720 Pero ayon sa mga kuwentong-bayan ng Rapa Nui, may isa pang posibilidad. 49 00:03:28,440 --> 00:03:32,520 Marahil dumating dito si Hotu Matu'a at pitong tauhan niya 50 00:03:32,600 --> 00:03:36,840 libo-libong taon na mas maaga kaysa sa inakala ng sinuman na posible. 51 00:03:39,960 --> 00:03:43,720 May nakalimutan kayang parte sa kuwento ng islang ito? 52 00:03:44,240 --> 00:03:48,560 Isang naunang kabanata na isinulat ng mga nakaligtas sa kalamidad 53 00:03:48,640 --> 00:03:51,160 na nangyari 12,000 taon na ang nakalipas? 54 00:04:14,760 --> 00:04:18,520 Kung dumating ang mga tao sa Rapa Nui libo-libong taon na ang nakalipas, 55 00:04:19,040 --> 00:04:20,320 saan sila tumira? 56 00:04:21,720 --> 00:04:25,040 Nasaan ang mga bakas na inaasahan naming makita? 57 00:04:27,400 --> 00:04:29,960 Tandaan na sa kasagsagan ng huling Ice Age, 58 00:04:30,040 --> 00:04:33,600 mas mababa ng 400 talampakan ang lebel ng dagat kaysa ngayon. 59 00:04:33,680 --> 00:04:36,640 Mas malaking isla noon ang Rapa Nui. 60 00:04:38,800 --> 00:04:42,600 Kayang suportahan ng kalupaang iyon ang mas malaking populasyon, 61 00:04:45,000 --> 00:04:49,800 na makakatulong ipaliwanag kung paano naisagawa ang paglikha sa mga Moai. 62 00:04:52,560 --> 00:04:56,280 Pinili kaya ng mga eskultor nila na mamuhay malapit sa dalampasigan, 63 00:04:56,360 --> 00:04:57,800 na lubog na ngayon sa tubig 64 00:05:00,400 --> 00:05:05,000 at ginamit lang ang mas mataas na lugar para sa paggawa nila ng mga rebulto? 65 00:05:06,800 --> 00:05:11,760 Naisasantabi natin 'yong laki ng lupa na nawala sa pagtaas ng lebel ng dagat 66 00:05:11,840 --> 00:05:13,120 sa pagtatapos ng Ice Age, 67 00:05:13,200 --> 00:05:16,880 at ang tantiya ay nasa halos 10 million square miles, 68 00:05:17,640 --> 00:05:19,880 ang pinakamagandang lupain sa mundo noon. 69 00:05:20,640 --> 00:05:22,640 At nang biglang tumaas ang dagat, 70 00:05:22,720 --> 00:05:26,160 at lumubog ang mga kalupaang 'yon sa ilalim ng dagat, 71 00:05:27,320 --> 00:05:31,840 nagkadurog-durog at nawasak ang anumang itinayo sa lumubog na lugar. 72 00:05:33,160 --> 00:05:36,480 Walang nakakaalam kung ano'ng nawala sa pagtaas ng dagat. 73 00:05:45,760 --> 00:05:49,800 Ang alam namin ay ang mga pinakaunang nakatira dito 74 00:05:49,880 --> 00:05:53,400 ay natuto nang higit pa sa kakayahang umukit ng bato. 75 00:05:58,000 --> 00:06:02,320 Ayon sa alamat ng Rapa Nui, ang pinuno nilang si Haring Hotu Matu'a 76 00:06:02,920 --> 00:06:05,960 ay may dala-dala mula sa malayong lupain ng Hiva, 77 00:06:07,120 --> 00:06:08,560 isang nakasulat na wika. 78 00:06:11,520 --> 00:06:14,560 Ang mga nalalabi ay napreserba sa mga tablang kahoy 79 00:06:14,640 --> 00:06:16,320 na kilala bilang rongorongo, 80 00:06:17,000 --> 00:06:20,320 marahil ay mga kopya ng mga kopya na ginawa sa loob ng mahabang panahon, 81 00:06:20,400 --> 00:06:22,800 dahil nawala na ang mga orihinal. 82 00:06:23,840 --> 00:06:26,280 Wala pa sa 30 rongorongo ang natitira, 83 00:06:26,960 --> 00:06:29,800 na kasalukuyang nakapreserba sa mga museum sa buong mundo. 84 00:06:31,280 --> 00:06:36,120 Para sa mga residente ng Rapa Nui gaya ng documentarian na si Leo Pakarati, 85 00:06:36,200 --> 00:06:39,240 napakahalaga sa kasaysayan ng mga tabla na ito. 86 00:06:40,080 --> 00:06:41,440 Makahulugang pangyayari 'yon 87 00:06:41,520 --> 00:06:46,600 dahil kadalasan, iniuugnay 'yong pagsulat sa isang maunlad at organisadong kultura. 88 00:06:46,680 --> 00:06:49,480 {\an8}At nakikita natin 'yon sa isang maliit na isla. 89 00:06:49,560 --> 00:06:53,320 Interesante at napakahalaga ng rongorongo sa kultura namin. 90 00:06:53,400 --> 00:06:55,600 Namumukod-tangi ito sa Polynesia. 91 00:06:55,680 --> 00:06:58,640 Tama. Walang rongorongo sa ibang mga isla. 92 00:07:00,320 --> 00:07:03,400 Sa pang-aalipin noong 19th century 93 00:07:03,480 --> 00:07:07,280 at sa tuluyang pagkawasak ng mga tradisyon ng Easter Island, 94 00:07:07,360 --> 00:07:10,640 nawala na 'yong kaalaman sa pagbabasa ng rongorongo, 95 00:07:10,720 --> 00:07:15,200 at nananatili silang isa sa mga malaking misteryo ng sinaunang mundo. 96 00:07:16,160 --> 00:07:19,560 Ayon sa mga linguist, napakaraming iba't ibang simbolo 97 00:07:19,640 --> 00:07:22,160 para maging alpabeto ang rongorongo. 98 00:07:24,040 --> 00:07:27,360 Malamang na isa itong hyeroglyphic o pictographic script, 99 00:07:27,440 --> 00:07:30,520 katulad ng natutunan ng mga sinaunang Egyptian 100 00:07:30,600 --> 00:07:32,680 at ng sibilisasyon ng Indus Valley, 101 00:07:34,000 --> 00:07:38,200 na siguradong daan-daang taon na pinag-aralan, kundi man libo-libo. 102 00:07:40,000 --> 00:07:42,760 - Napakakomplikado ng rongorongo system. - Oo. 103 00:07:42,840 --> 00:07:47,720 Kailangan mo ng maraming bagay, kapayapaan, tubig, pagkain, lipunan. 104 00:07:48,560 --> 00:07:51,840 Napakaintelektuwal at napakakomplikadong proseso nito. 105 00:07:52,520 --> 00:07:55,840 Sa maraming siglo, hanggang sa dumating ang mga European, 106 00:07:55,920 --> 00:07:58,640 ipinapahayag ang nakasulat na wika sa pamamagitan ng kanta. 107 00:07:59,240 --> 00:08:03,720 Pero matagal nang nakalimutan ang koneksiyon ng mga tunog sa simbolo. 108 00:08:04,240 --> 00:08:06,760 Hindi natututong bumasa ang mga tao. 109 00:08:06,840 --> 00:08:08,920 Natututunan lang nila 'yong kanta. 110 00:08:09,000 --> 00:08:11,160 At sa mahabang panahon, nagpatuloy 'yong kanta. 111 00:08:11,240 --> 00:08:13,760 Tungkol saan ang mga kantang ito? 112 00:08:14,280 --> 00:08:15,720 Pang-agrikultura. 113 00:08:15,800 --> 00:08:16,880 Oo. 114 00:08:16,960 --> 00:08:18,680 Mga tuntunin sa paglalayag. 115 00:08:19,560 --> 00:08:22,920 'Yong listahan ng mga salinlahi. 116 00:08:23,000 --> 00:08:25,680 Mga nagmay-ari sa teritoryo, mga gano'n. 117 00:08:25,760 --> 00:08:26,600 Oo. 118 00:08:26,680 --> 00:08:28,600 Para sa 'kin, ang rongorongo, 119 00:08:28,680 --> 00:08:35,080 iyon siguro ang pinakamahalagang bagay na ginawa ng mga ninuno namin. 120 00:08:37,080 --> 00:08:40,960 Ang pagkakaroon ng isang maunlad at komplikadong dokumento sa Easter Island 121 00:08:41,040 --> 00:08:44,920 ay isang palaisipan at misteryo, na hindi pa naipaliwanag. 122 00:08:48,400 --> 00:08:50,760 Dapat isaalang-alang ang posibilidad 123 00:08:50,840 --> 00:08:54,200 na unang dinala ang dokumentong 'yon 124 00:08:54,280 --> 00:08:57,080 sa Easter Island mula sa malalim na prehistory 125 00:08:57,160 --> 00:09:01,000 no'ng mga unang nanirahan na naaalala sa kuwentong-bayan 126 00:09:01,080 --> 00:09:04,880 na nagmula sa mas malawak na lupain na tinatawag na Hiva 127 00:09:04,960 --> 00:09:09,880 na nakaranas ng napakalaking baha at lumubog sa ilalim ng mga alon. 128 00:09:11,120 --> 00:09:14,480 Alam kong espekulasyon ko lamang ito, 129 00:09:14,560 --> 00:09:18,560 pero ito kaya ang tunay na wikang ginamit 130 00:09:18,640 --> 00:09:21,520 ng nawawalang sibilisasyon na hinahanap ko? 131 00:09:24,960 --> 00:09:26,960 Mga tao mula sa Hiva 132 00:09:30,520 --> 00:09:35,080 na ang kuwento ng pinagmulan at dokumento ay napangalagaan ng mga Polynesian, 133 00:09:35,160 --> 00:09:38,000 na tinatawag ang mga sarili ngayon na Rapa Nui. 134 00:09:45,160 --> 00:09:48,120 Naniniwala ako na maaaring likha rin ang mga Moai 135 00:09:48,200 --> 00:09:50,600 nitong naunang sibilisasyon. 136 00:09:54,480 --> 00:09:58,720 May ebidensiya pa na ang mga ahu na kinatatayuan ng mga Moai 137 00:09:58,800 --> 00:10:02,880 ay maaaring hango sa isang lumang disenyo, na gawa ng ibang tao. 138 00:10:04,000 --> 00:10:05,280 Gaya ng isang ito. 139 00:10:08,640 --> 00:10:10,200 Ito ang Ahu Vinapu. 140 00:10:10,280 --> 00:10:12,560 Namumukod-tangi ito sa dalawang bagay. 141 00:10:13,080 --> 00:10:16,720 Una, gawa ito sa matigas na basalt, 142 00:10:17,320 --> 00:10:20,080 hindi sa malambot na tuff, gaya ng karamihan. 143 00:10:20,760 --> 00:10:23,080 Pangalawa, at talagang kapansin-pansin, 144 00:10:24,760 --> 00:10:28,320 ang malalaking bloke nito ay pinaglapat-lapat sa isang paraan 145 00:10:28,400 --> 00:10:31,760 na mas pulido kaysa sa iba pang mga ahu sa isla. 146 00:10:33,640 --> 00:10:37,160 Napakahusay ng pagkakagawa rito ng mga orihinal na eskultor 147 00:10:37,240 --> 00:10:42,320 na walang ibang organic na materyales na nakasiksik sa mga dugtungan nito, 148 00:10:42,920 --> 00:10:45,120 kaya hindi matukoy ang petsa nito. 149 00:10:46,360 --> 00:10:48,480 Parang naiiba ito rito 150 00:10:48,560 --> 00:10:52,400 na halos maiisip mo na gawa ito ng ibang kultura. 151 00:10:54,520 --> 00:10:59,080 At may isa pang rason kaya iniisip ko na ang ibang kulturang ito ay maaaring 152 00:10:59,160 --> 00:11:02,560 ang hinahanap kong nawawalang sibilisasyon noong Ice Age. 153 00:11:03,440 --> 00:11:07,360 Ang orihinal na pangalan ng buong isla ay Te Pito o Te Henua, 154 00:11:07,440 --> 00:11:10,120 na ang ibig sabihin ay "pusod ng mundo." 155 00:11:11,240 --> 00:11:15,640 Ang pagtawag sa mga sagradong sinaunang lugar bilang mga pusod 156 00:11:15,720 --> 00:11:18,240 ay isang bagay na paulit-ulit lumalabas 157 00:11:18,320 --> 00:11:21,800 sa maraming sinaunang kultura at mga wika sa buong mundo. 158 00:11:23,640 --> 00:11:27,840 {\an8}Ang ibig sabihin ng Göbekli Tepe ay "burol ng pusod." 159 00:11:27,920 --> 00:11:31,440 {\an8}Naging pusod ng mundo ang Delphi sa Greece. 160 00:11:32,000 --> 00:11:34,000 {\an8}Ganoon din ang Angkor sa Cambodia. 161 00:11:38,720 --> 00:11:42,760 Posible kaya na may isang manlalayag na kultura noong prehistory 162 00:11:43,560 --> 00:11:48,240 na ginamit ang pagtawag ng pusod para pangalanan ang mga sagradong lugar, 163 00:11:48,880 --> 00:11:50,280 kasama na ang Rapa Nui? 164 00:11:51,640 --> 00:11:54,400 Kung ganoon nga, paano sila napadpad dito? 165 00:11:56,800 --> 00:11:59,960 May isang nakaiintrigang posibilidad. 166 00:12:07,440 --> 00:12:12,240 Ang Rapa Nui ay nasa dulong kanluran ng tuktok ng bundok na nasa dagat. 167 00:12:14,040 --> 00:12:18,440 Noong Ice Age, noong mababa pa ng 400 talampakan ang lebel ng dagat 168 00:12:18,520 --> 00:12:23,520 at mas mataas ang ilalim ng karagatan dahil sa tinatawag na isostasy, 169 00:12:24,080 --> 00:12:27,160 maaaring nakalitaw sa dagat ang tuktok ng ilang mga bundok, 170 00:12:28,960 --> 00:12:31,880 na lumilikha ng magkakarugtong na maliliit na isla 171 00:12:31,960 --> 00:12:35,160 na nagdudugtong sa Rapa Nui at sa dalampasigan ng Peru. 172 00:12:36,840 --> 00:12:42,040 At may nakita nga roon na isang pambihirang bagay, 173 00:12:42,120 --> 00:12:44,480 nakaukit sa burol na nakaharap sa dagat… 174 00:12:49,400 --> 00:12:55,400 isang higanteng geoglyph, na kilala ngayon sa tawag na Candelabra of the Andes. 175 00:12:58,280 --> 00:13:01,080 Natanggal 'yong buhangin at naiwan 'yong mga bato sa ilalim 176 00:13:01,160 --> 00:13:03,200 sa hugis ng napakalaking trident. 177 00:13:05,240 --> 00:13:07,440 Habang papalapit sa baybayin ng Peru, 178 00:13:07,520 --> 00:13:09,880 para itong parola o pananda 179 00:13:09,960 --> 00:13:14,600 na pinalalapit ang mga tao, at sinasabi, "Halika. May importanteng bagay rito." 180 00:13:16,080 --> 00:13:18,960 Hindi makumpirma ang petsa ng geoglyph, 181 00:13:19,040 --> 00:13:22,000 pero may mga pottery sa malapit na nauugnay 182 00:13:22,080 --> 00:13:26,360 sa lokal na kultura ng Paracas na nasa 200 BC, 183 00:13:26,440 --> 00:13:29,280 na kinikilala at iginagalang ito. 184 00:13:31,280 --> 00:13:36,320 Pero hango raw ito sa alamat ng sinaunang diyos na si Viracocha, 185 00:13:37,600 --> 00:13:40,800 na itinuring na diyos para sa paglikha ng maraming misteryosong bagay 186 00:13:40,880 --> 00:13:42,440 sa parteng ito ng mundo, 187 00:13:43,120 --> 00:13:45,120 mula sa tanyag na Nazca Lines 188 00:13:45,840 --> 00:13:49,520 hanggang sa misteryosong estruktura ng Tiwanaku sa Bolivia, 189 00:13:50,040 --> 00:13:54,120 sa itaas ng Andes, kung saan nagsimula ang kanyang kuwento. 190 00:14:01,840 --> 00:14:03,520 Ayon sa alamat ng mga Inca, 191 00:14:04,080 --> 00:14:07,520 minsang tinamaan ang rehiyong ito ng matinding kalamidad, 192 00:14:07,600 --> 00:14:09,600 isang tunay na ancient apocalypse. 193 00:14:15,760 --> 00:14:20,560 Nang lumipas ito, may estrangherong lumitaw mula sa tubig ng Lake Titicaca. 194 00:14:22,800 --> 00:14:24,960 Pinangalanan nila siyang Viracocha, 195 00:14:27,280 --> 00:14:28,560 bula ng dagat. 196 00:14:32,480 --> 00:14:36,800 Itinuro niya at ng mga tagasunod niya ang lihim sa pagsasaka, 197 00:14:39,840 --> 00:14:45,400 ipinakita ang kahusayan sa pagmamason, at kung paano basahin ang kalawakan. 198 00:14:51,640 --> 00:14:54,920 Ang totoo, itinuturo niya ang mga kaloob ng sibilisasyon 199 00:14:55,000 --> 00:14:59,200 sa mga malulungkot at napinsalang biktima ng isang kalamidad. 200 00:15:01,840 --> 00:15:06,920 Umaayon ang mga kuwentong ito sa mga kuwento mula sa buong mundo 201 00:15:07,000 --> 00:15:12,640 tungkol sa mga nilalang, mga diyos, at tao na nakaligtas sa kalamidad na 'yon, 202 00:15:12,720 --> 00:15:15,040 na sinubukang ibangon ang sibilisasyon. 203 00:15:18,360 --> 00:15:21,920 Sa Egypt, si Osiris ang nagturo sa kanyang mga mamamayan 204 00:15:22,000 --> 00:15:26,000 kung paano magbungkal ng lupa, mag-ani, at gumawa ng mga batas. 205 00:15:28,080 --> 00:15:29,840 Sa mga Aztec sa Mexico, 206 00:15:29,920 --> 00:15:33,280 iyon si Quetzalcoatl, ang balbas-saradong manlalakbay, 207 00:15:33,360 --> 00:15:36,160 na nagbigay sa kanila ng kaloob ng sibilisasyon. 208 00:15:38,720 --> 00:15:43,880 At sa Rapa Nui, sinasalamin ni Haring Hotu Matu'a at kanyang mga tauhan 209 00:15:46,520 --> 00:15:53,120 ang mga manlalakbay mula sa malayong lugar para ibagong muli ang sibilisasyon. 210 00:15:59,320 --> 00:16:02,520 Dahil kalat sa buong mundo ang mga tradisyon na ito, 211 00:16:02,600 --> 00:16:03,880 dapat silang seryosohin. 212 00:16:07,440 --> 00:16:10,640 Hanggang ngayon, ang pagkukuwento ay isang makapangyarihang paraan 213 00:16:10,720 --> 00:16:14,200 upang ipasa ang mga kaalaman mula sa iba't ibang salinlahi. 214 00:16:15,040 --> 00:16:17,440 Sa mga kuwentong 'to, pakiramdam mo ba 215 00:16:17,520 --> 00:16:22,920 {\an8}na ang nakukuha natin ay mga munting alon na galing do'n sa lumang kaalaman? 216 00:16:23,000 --> 00:16:24,400 {\an8}Oo, mukhang gano'n nga. 217 00:16:24,480 --> 00:16:26,400 At saan galing 'yon? 218 00:16:26,920 --> 00:16:29,480 Kakaunti lang ang nakaligtas para ipasa 'yong kaalaman, 219 00:16:29,560 --> 00:16:33,920 pero ipinasa 'yong kaalaman gamit 'yong mga alamat at mga tradisyon. 220 00:16:34,560 --> 00:16:38,640 Ang mga alamat ng sangkatauhan ang memory bank ng species natin 221 00:16:38,720 --> 00:16:40,960 mula sa panahon na wala tayong naisulat na alaala. 222 00:16:41,040 --> 00:16:44,400 Oo. Alam natin na napakalakas ng mga kuwentong-bayan 223 00:16:44,480 --> 00:16:47,400 bilang paraan ng pagpapaliwanag ng kasaysayan 224 00:16:48,000 --> 00:16:51,760 na parang sinasabi sa 'kin 'yong mga makasaysayang pangyayari. 225 00:16:51,840 --> 00:16:52,880 Oo, mismo. 226 00:16:52,960 --> 00:16:56,880 Itong paulit-ulit na mga parehong paniniwala 227 00:16:56,960 --> 00:17:00,040 mula sa mga kulturang di dapat konektado sa mga makasaysayang panahon 228 00:17:00,120 --> 00:17:02,000 ang nag-uudyok sa 'kin na ang meron tayo 229 00:17:02,080 --> 00:17:05,560 ay iisang pamana mula sa mas sinaunang kultura. 230 00:17:05,640 --> 00:17:09,520 Kaya para sa 'kin, dapat nating mas seryosohin 'yong mga alamat. 231 00:17:09,600 --> 00:17:11,040 Oo, sa palagay ko rin. 232 00:17:15,760 --> 00:17:19,440 Itong mahuhusay na guro mula sa mga alamat tulad ni Viracocha 233 00:17:20,040 --> 00:17:24,720 ay maaaring kabilang sa mga nakaligtas sa sibilisasyong nabura na sa kasaysayan. 234 00:17:28,440 --> 00:17:31,920 At maaaring marami pang ebidensiya ng pamana ni Viracocha. 235 00:17:33,880 --> 00:17:36,680 Halos 482 kilometro sa silangan mula sa Candelabra, 236 00:17:39,320 --> 00:17:42,440 sa kapatagang bundok malapit sa lungsod ng Cusco, 237 00:17:44,880 --> 00:17:47,720 mahigit 11,000 talampakan sa ibabaw ng dagat… 238 00:17:49,880 --> 00:17:52,080 ito ang Sacsayhuaman. 239 00:18:01,360 --> 00:18:04,760 Isa ito sa mga pinakapambihirang sinaunang lugar sa mundo 240 00:18:05,480 --> 00:18:07,080 at isa sa pinakamisteryoso. 241 00:18:10,520 --> 00:18:14,520 Puno ang tuktok ng burol ng mga kahanga-hangang sinaunang bagay 242 00:18:14,600 --> 00:18:16,200 na gawa sa bato. 243 00:18:18,040 --> 00:18:21,600 At sa gilid ng burol, ang pinakamalaking palaisipan sa lahat… 244 00:18:28,640 --> 00:18:31,840 tatlong patong ng mga nakamamanghang batong pader 245 00:18:35,160 --> 00:18:37,280 na paliko-liko sa tuktok ng bundok. 246 00:18:43,040 --> 00:18:45,640 Tatlumpung taon na 'kong pabalik-balik dito, 247 00:18:45,720 --> 00:18:48,080 at patuloy pa rin akong namamangha. 248 00:18:50,800 --> 00:18:53,360 Pero ngayong ang paghahanap ko sa nawawalang sibilisasyon 249 00:18:53,440 --> 00:18:55,440 ay nakatuon na sa Americas, 250 00:18:56,760 --> 00:19:00,160 susuriin kong muli itong dambuhalang sinaunang misteryo. 251 00:19:02,480 --> 00:19:05,200 Pakiramdam ko lagi maliit na bersiyon ako ng sarili ko 252 00:19:05,280 --> 00:19:08,400 pag nakatayo sa tabi nitong mga higanteng bato. 253 00:19:10,560 --> 00:19:14,080 Nasa libo-libo itong mga dambuhalang polygon na mga bato 254 00:19:14,160 --> 00:19:16,560 na inukit nang tama at pinagdikit-dikit. 255 00:19:19,760 --> 00:19:22,920 Wala ni isang bato ang kapareho ng sukat o hugis ng iba pang bato. 256 00:19:24,520 --> 00:19:28,240 Pero napagdikit-dikit sila sa napakahusay na paraan. 257 00:19:30,040 --> 00:19:33,240 Para bang tinunaw sila para magdikit. 258 00:19:35,280 --> 00:19:39,040 Kahit gamit ang kasalukuyang teknolohiya, saan ka magsisimula? 259 00:19:39,120 --> 00:19:40,680 Paano ito nagawa? 260 00:19:44,600 --> 00:19:49,000 Para maunawaan ang Sacsayhuaman, kailangang malaman ang kasaysayan nito, 261 00:19:49,840 --> 00:19:52,360 na may kaugnayan sa lungsod na nasa ibaba. 262 00:19:58,040 --> 00:20:03,240 Ang Cusco ngayon ay isang masiglang lungsod na tahanan ng 500,000 katao. 263 00:20:04,920 --> 00:20:08,880 Para sa milyun-milyong turista kada taon, sikat na pasyalan ito. 264 00:20:11,360 --> 00:20:15,080 Pero para sa aking pananaliksik, higit pa ito sa isang pasyalan. 265 00:20:18,000 --> 00:20:21,200 Ang Cusco ang kabisera ng dating makapangyarihang Inca Empire, 266 00:20:21,280 --> 00:20:25,280 isang tunay na kahanga-hanga at kamangha-manghang sibilisasyon. 267 00:20:27,160 --> 00:20:30,280 Isang sibilisasyong umunlad sa tuktok ng Andes, 268 00:20:32,040 --> 00:20:36,440 {\an8}tanyag sa iniwan nitong magagandang batuhang lugar tulad ng Machu Picchu. 269 00:20:38,720 --> 00:20:41,440 Pero gaya ng mga Moai ng Rapa Nui, 270 00:20:41,520 --> 00:20:44,440 balot ng trahedya ang totoong kuwento. 271 00:20:47,080 --> 00:20:49,520 Dito, noong 1532, 272 00:20:49,600 --> 00:20:54,080 naghasik ng kaguluhan at pinsala ang mga mananakop na Espanyol sa mga Inca. 273 00:20:55,120 --> 00:20:57,320 Dahil sa panunupil sa mga katutubong kultura 274 00:20:57,400 --> 00:20:59,760 sa panahon at pagkatapos ng pananakop ng Espanyol, 275 00:20:59,840 --> 00:21:02,760 nananatiling kakaunti ang alam natin sa mga Inca 276 00:21:02,840 --> 00:21:05,000 at isang black hole sa kasaysayan. 277 00:21:07,320 --> 00:21:11,600 Bakit? Dahil ang kasaysayan, siyempre, ay isinulat ng mga nagwagi. 278 00:21:15,560 --> 00:21:18,360 At iilan lamang sa mga mananakop ang nagsaliksik 279 00:21:18,440 --> 00:21:20,760 tungkol sa kulturang winawasak nila. 280 00:21:23,120 --> 00:21:25,320 Maunlad na sibilisasyon ang mga Inca. 281 00:21:25,400 --> 00:21:29,600 Marami silang magagandang nagawa, pero hindi sila nagtagal. 282 00:21:30,760 --> 00:21:32,640 Maunlad man at makapangyarihan, 283 00:21:32,720 --> 00:21:36,560 wala pang isang siglo ang itinagal ng Inca Empire 284 00:21:36,640 --> 00:21:38,680 bago dumating ang mga mananakop. 285 00:21:39,920 --> 00:21:41,960 Hindi alam ng mga Espanyol 'yon 286 00:21:42,480 --> 00:21:47,640 at inakalang ang lahat ng nakita nila, kasama na ang mga dambuhalang pader, 287 00:21:47,720 --> 00:21:50,240 ay gawa ng mga Inca na nakaharap nila. 288 00:21:52,680 --> 00:21:55,720 Ang hirap isipin kung paano ito nagawa 289 00:21:55,800 --> 00:21:58,800 gamit ang mga kagamitang mayroon ang mga Inca, 290 00:21:58,880 --> 00:22:00,840 na karamihan ay mga bato rin 291 00:22:00,920 --> 00:22:03,600 para ipambayo sa mga naglalakihang batong ito. 292 00:22:03,680 --> 00:22:05,120 Di ko 'yon maintindihan. 293 00:22:10,240 --> 00:22:12,800 Walang nakasulat na wika ang mga Inca. 294 00:22:13,600 --> 00:22:15,960 Pero ayon sa mga tala ng mga Espanyol, 295 00:22:16,480 --> 00:22:21,040 si Pachacuti Inca Yupanqui ang lumikha sa Sacsayhuaman, 296 00:22:21,120 --> 00:22:25,320 na nagsimulang mamuno sa Inca Empire mahigit 500 taon na ang nakalipas. 297 00:22:30,240 --> 00:22:34,880 {\an8}Umaasa akong may malaman pa mula kay Amadeo Valer Farfán. 298 00:22:37,280 --> 00:22:40,440 Sa anong siglo, sa tantiya mo, 299 00:22:40,520 --> 00:22:44,880 ginawa ang kahanga-hanga at napakagandang arkitekturang ito? 300 00:22:44,960 --> 00:22:48,960 Simulan itong itayo mga bandang 1440. 301 00:22:50,600 --> 00:22:53,080 At natapos makalipas ang 90 taon. 302 00:22:53,160 --> 00:22:54,080 Oo. 303 00:22:54,160 --> 00:22:57,080 Bago dumating 'yong mga conquistador. 304 00:23:01,120 --> 00:23:05,920 Iniutos ni Pachacuti na gamitin ang mga lokal na bato para itayo ang Sacsayhuaman, 305 00:23:07,920 --> 00:23:10,200 na medyo malambot na bato. 306 00:23:11,280 --> 00:23:14,280 Kahit na 12,000 talampakan na sa ibabaw ng dagat, 307 00:23:14,360 --> 00:23:17,560 naging sahig ito ng karagatan noong sinaunang panahon. 308 00:23:21,000 --> 00:23:25,640 Matagal na panahon na, lubog din sa dagat ang bahaging ito ng South America. 309 00:23:25,720 --> 00:23:31,800 Sa iba't ibang lugar sa lambak na 'to, makakakita ka ng mga limestone. 310 00:23:31,880 --> 00:23:33,360 Limestone. Sedimentary rock. 311 00:23:33,440 --> 00:23:35,440 Oo. At sa kadahilanang 'yon, 312 00:23:36,000 --> 00:23:40,880 mas madaling gamitin ang batong ito kaysa sa iba pang mga bato. 313 00:23:43,040 --> 00:23:46,040 Ayon sa archeology, itong mga bloke ng limestone 314 00:23:46,120 --> 00:23:49,200 ay tinibag sa mga quarry na 14 na kilometro ang layo. 315 00:23:51,880 --> 00:23:56,640 Alam ko na isang malambot na bato ang limestone at madaling gamitin, 316 00:23:56,720 --> 00:24:00,800 pero mga dambuhalang bloke ng limestone 'yong pinag-uusapan natin. 317 00:24:00,880 --> 00:24:02,040 Ano 'yong pinakamabigat? 318 00:24:02,120 --> 00:24:06,360 May timbang na higit 100 tonelada 'yong pinakamabigat. 319 00:24:06,440 --> 00:24:07,360 Diyos ko po. 320 00:24:12,680 --> 00:24:16,840 Ang palaisipan sa 'kin ay 'yong paglilipat sa mga dambuhalang bato. 321 00:24:16,920 --> 00:24:19,320 Hindi ko maarok kung pa'no 'yon nagawa. 322 00:24:19,400 --> 00:24:23,040 Sa opinyon ko, nasa dami ng trabahador 'yong sekreto. 323 00:24:23,120 --> 00:24:27,640 Si Pedro Cieza de León ay isang sundalong Espanyol at manunulat, 324 00:24:27,720 --> 00:24:29,680 at ayon sa kanya, 325 00:24:29,760 --> 00:24:34,040 araw-araw, mahigit 20,000 katao ang nagtatrabaho rito. 326 00:24:34,120 --> 00:24:36,960 Napakahirap ng pag-oorganisa no'n. 327 00:24:37,040 --> 00:24:42,360 Napakalaking responsibilidad ang mag-organisa ng 20,000 trabahador. 328 00:24:46,800 --> 00:24:50,000 Ang konstruksiyon ng Empire State Building sa New York 329 00:24:50,080 --> 00:24:54,360 ay ginawa ng nasa 3,400 katao noong 20th century. 330 00:24:55,640 --> 00:24:58,120 Kahit may anim na beses pa na dami ng mga trabahador, 331 00:24:58,200 --> 00:25:02,120 ang paghahakot sa mga batong ito nang walang makabagong teknolohiya 332 00:25:02,200 --> 00:25:07,000 ay isang napakalaking pagsubok, na maaaring agad mauwi sa kapahamakan. 333 00:25:08,680 --> 00:25:13,120 Ang nag-iisang record ng paghahakot ng mga dambuhalang bato ng mga Inca 334 00:25:13,200 --> 00:25:17,000 ay naitala ng isang manunulat na Espanyol ilang dekada matapos ang pananakop. 335 00:25:17,080 --> 00:25:20,680 Ayon sa impormasyong ibinigay sa kanya ng mga lokal, 336 00:25:20,760 --> 00:25:23,240 nauwi sa trahedya 'yong paghahakot. 337 00:25:26,440 --> 00:25:30,160 Isang napakalaking bato raw ang hinihila sa bundok 338 00:25:30,240 --> 00:25:32,240 ng higit 20,000 katao, 339 00:25:33,360 --> 00:25:38,160 hanggang sa puntong nabitawan nila ito at nahulog sa bangin, 340 00:25:40,080 --> 00:25:42,080 na kumitil sa mahigit 3,000 katao. 341 00:25:44,800 --> 00:25:48,520 Kung nahirapan ang mga Inca sa paghakot sa isang malaking bato, 342 00:25:48,600 --> 00:25:51,120 paano nila nadala rito ang libo-libo? 343 00:25:59,000 --> 00:26:02,280 Ayon sa tala ng mga Espanyol, gumamit ang mga Inca 344 00:26:02,360 --> 00:26:05,600 ng mga lubid, mga log roller, at mga pingga. 345 00:26:08,600 --> 00:26:11,960 Magagawa mo, nang may kasamang pagsisikap at pag-iingat, 346 00:26:12,040 --> 00:26:14,000 na pagdikitin 'yong dalawa o tatlong bato, 347 00:26:14,080 --> 00:26:18,760 pero para pagdikitin ang daan-daang bato, nang lapat na lapat, 348 00:26:18,840 --> 00:26:20,840 napakahirap unawain. 349 00:26:22,680 --> 00:26:26,520 Paano kung pinangangasiwaan lang pala ng Incan emperor ang paggawa 350 00:26:26,600 --> 00:26:31,920 sa isang balwarte sa ibabaw ng mga dambuhalang pader na matagal nang naroon? 351 00:26:34,080 --> 00:26:38,000 Mahirap isipin ang tanawin na masisilayan dito 352 00:26:38,080 --> 00:26:40,160 bago ang pananakop ng mga Espanyol. 353 00:26:40,240 --> 00:26:42,520 Pero pag pinagsama-sama ang mga bagong datos 354 00:26:42,600 --> 00:26:45,440 kasama ang mga naitala ng mga unang mananakop, 355 00:26:45,520 --> 00:26:49,360 magkakaroon tayo ng magandang ideya sa itsura ng Sacsayhuaman 356 00:26:49,440 --> 00:26:51,280 sa kasagsagan ng Inca Empire. 357 00:26:56,920 --> 00:27:01,880 Ayon sa mga Espanyol, ang main complex ay ginamit bilang kuwartel ng militar, 358 00:27:01,960 --> 00:27:04,160 na kayang magkupkop ng libo-libo. 359 00:27:09,120 --> 00:27:11,960 Inilalarawan nila ang bilog na tore na may tatlong palapag 360 00:27:12,040 --> 00:27:14,240 na may taas na 50 talampakan, 361 00:27:15,160 --> 00:27:18,360 napaliligiran ng mga rektanggulong gusali at mga patyo, 362 00:27:19,560 --> 00:27:23,240 na may sariling sistema ng tubig at imbakan ng mga pananim. 363 00:27:26,200 --> 00:27:30,280 Paniwala ng mga mananakop, itinayo bilang tanggulan ang Sacsayhuaman 364 00:27:31,680 --> 00:27:34,560 dahil, matapos ang pagbagsak ng Cusco, 365 00:27:34,640 --> 00:27:38,520 sa mga pader na ito huling nagkubli ang mga mandirigmang Inca… 366 00:27:42,280 --> 00:27:44,200 na siya na lamang natitira ngayon. 367 00:27:46,600 --> 00:27:48,800 Pero dahil ba roon kaya sila ginawa? 368 00:27:50,920 --> 00:27:56,120 Ano ang pananaw ng archeology sa pinagmulan ng Sacsayhuaman, 369 00:27:56,200 --> 00:27:57,600 at para saan ba ito? 370 00:27:58,200 --> 00:28:01,680 Iniisip ng marami na ginawa 'yon para sa hukbong-sandatahan. 371 00:28:02,280 --> 00:28:06,600 Mga Espanyol o 'yong mga mananakop lang ang nagsabi na isa itong balwarte, 372 00:28:06,680 --> 00:28:07,920 pero hindi. 373 00:28:08,000 --> 00:28:13,520 Isa itong banal na lugar, isang templo, para idaos ang mga ritwal at seremonya. 374 00:28:15,760 --> 00:28:18,440 'Yong pananaw, na nababasa natin sa mga libro, 375 00:28:18,520 --> 00:28:23,000 na ginawa ang Sacsayhuaman bilang balwarte ng militar, ay mali? 376 00:28:23,080 --> 00:28:24,400 Maling-mali. 377 00:28:27,000 --> 00:28:29,400 Ang mga natira sa estruktura sa tuktok ng burol, 378 00:28:29,920 --> 00:28:32,720 na gawa sa magkakaparehong parihabang bloke, 379 00:28:33,240 --> 00:28:37,480 ay nagpapahiwatig na hindi sila ginawa kasabay ng mga dambuhalang pader. 380 00:28:39,440 --> 00:28:45,800 Tama lang na sabihin na minana ng mga Inca 'yong ilang mga naunang gawa, 381 00:28:45,880 --> 00:28:48,400 pero ang hirap ipaliwanag no'ng mga gawang 'yon. 382 00:28:48,480 --> 00:28:49,360 Oo. 383 00:28:50,080 --> 00:28:53,240 Ipinahihiwatig rin nito na ginawa sila gamit ang naiiba, 384 00:28:53,320 --> 00:28:56,040 na di pa nalalaman, na stone-working technique. 385 00:28:59,720 --> 00:29:03,920 Maituturing itong isang nawawalang teknolohiya. 386 00:29:06,040 --> 00:29:11,440 Nahaharap tayo sa isang misteryo, isang palaisipan na di natin maipaliwanag. 387 00:29:12,920 --> 00:29:17,960 Ang makikinis, malalaki, at mga zigzag na pader kaya ng Sacsayhuaman ay inukit 388 00:29:18,040 --> 00:29:21,600 hindi ng mga Inca, kundi ng iba? 389 00:29:27,920 --> 00:29:31,520 Paano kung karamihan sa nakikita nating itinayo rito na iniuugnay sa mga Inca 390 00:29:32,120 --> 00:29:35,080 ay sinimulan pala ng isang mas sinaunang kaalaman? 391 00:29:38,360 --> 00:29:40,160 May pamana kaya sa bato, 392 00:29:40,640 --> 00:29:45,320 pamana mula sa mas naunang sibilisasyon, na hindi pa natutuklasan ng archeology? 393 00:29:48,320 --> 00:29:53,200 Wala naman kasing mas simpleng bersiyon nitong mga dambuhalang pader na ito 394 00:29:53,800 --> 00:29:55,800 ang natagpuan saanman sa Peru. 395 00:29:57,040 --> 00:30:00,600 Pero may nakita kami na katulad nito sa Rapa Nui 396 00:30:03,960 --> 00:30:06,120 {\an8}sa mga pader ng Ahu Vinapu, 397 00:30:06,200 --> 00:30:11,880 {\an8}na pinaniniwalaang nauna sa Sacsayhuaman, na mahigit 3,218 kilometro ang layo. 398 00:30:14,960 --> 00:30:17,440 Gawa sa solidong basalt 'yong bawat bloke. 399 00:30:17,520 --> 00:30:19,280 Maganda 'yong pagkakalapat nila, 400 00:30:19,360 --> 00:30:23,840 meron ding mga polygonal element, tulad ng mga pader sa Sacsayhuaman. 401 00:30:25,120 --> 00:30:30,480 {\an8}Makikita ang mga kaparehong gawa sa mga sinaunang pader sa Türkiye at Egypt. 402 00:30:32,040 --> 00:30:37,160 {\an8}May isang maliit na bloke na nakasiksik sa pagitan ng malalaking bloke, 403 00:30:37,240 --> 00:30:38,320 {\an8}na kaparehong-kapareho. 404 00:30:38,400 --> 00:30:41,280 {\an8}Makikita mo 'yong kaparehong imahe sa Cusco. 405 00:30:43,000 --> 00:30:46,120 {\an8}Sinasabi ng ilan na naging maparaan 'yong mga gumawa 406 00:30:46,200 --> 00:30:47,800 {\an8}sa mga natirang materyales. 407 00:30:48,520 --> 00:30:50,600 Pero tingnan n'yo ang pagkakalapat. 408 00:30:51,600 --> 00:30:55,040 Ang pakiwari ay isa itong teknolohiya mula sa nakaraan 409 00:30:55,120 --> 00:30:58,040 na hindi lamang limitado sa Peru. 410 00:31:01,080 --> 00:31:04,280 Paano kung itinayo ng mga Inca ang ilan sa mga estruktura dito 411 00:31:04,360 --> 00:31:06,760 sa ibabaw ng mas sinaunang pundasyon? 412 00:31:08,280 --> 00:31:10,280 Mga pundasyong maaaring nagmula pa 413 00:31:10,360 --> 00:31:13,520 sa pinakaunang sibilisasyon sa Americas. 414 00:31:16,680 --> 00:31:22,040 Dadalhin ako ng posibilidad na ito sa lungsod na kinatatayuan ng Sacsayhuaman, 415 00:31:22,640 --> 00:31:25,640 sa lugar na ang pangalan ay maaaring may itinatagong palatandaan. 416 00:31:27,360 --> 00:31:29,920 Sa orihinal na wikang Quechua ng mga Inca, 417 00:31:30,000 --> 00:31:32,680 ang Cusco ay "pusod ng mundo," 418 00:31:34,200 --> 00:31:38,720 {\an8}gaya ng iba pang mga sinaunang pusod, kabilang na ang Rapa Nui. 419 00:31:41,360 --> 00:31:45,680 Ang konsepto ng mga pusod na makikita sa buong mundo 420 00:31:45,760 --> 00:31:48,520 ay hindi dapat isipin na nagkataon lang. 421 00:31:51,120 --> 00:31:55,520 Ito kayang mga pambihirang gawa sa bato na nakikita sa mga pusod ng mundo 422 00:31:55,600 --> 00:32:00,440 ay isa pang natitirang alaala ng mas nauna at maunlad na sibilisasyon 423 00:32:00,520 --> 00:32:01,920 na hinahanap ko? 424 00:32:06,280 --> 00:32:07,800 Saan ka man tumingin sa lungsod, 425 00:32:07,880 --> 00:32:13,360 nagkalat ang naggagandahan at iba't ibang hugis na mga batuhang pader, 426 00:32:13,440 --> 00:32:15,560 na nilagyan ng mga higanteng bato. 427 00:32:16,440 --> 00:32:18,360 Ang kataka-taka, kahit saang pader, 428 00:32:18,440 --> 00:32:21,480 makakakita ka ng iba't ibang istilo ng arkitektura. 429 00:32:21,560 --> 00:32:24,840 Napakapulido no'ng iba, minadali naman 'yong iba. 430 00:32:28,760 --> 00:32:31,960 Dinala ako ng misteryong iyon sa Calle Loreto ng Cusco 431 00:32:32,600 --> 00:32:35,480 at kay archeological researcher, Jesus Gamarra, 432 00:32:36,320 --> 00:32:38,040 mula sa angkan ng mga Inca, 433 00:32:38,120 --> 00:32:42,200 {\an8}na ilang dekada nang pinag-aaralan ang pagmamason ng sinaunang Peru. 434 00:32:43,560 --> 00:32:48,520 Sabihin mo 'yong trabaho mo sa lugar ng Cusco at sa Sacred Valley. 435 00:32:49,120 --> 00:32:54,920 Ang hilig ko ay nasa sinaunang panahon at sa pinagmulan ng tao. 436 00:32:55,800 --> 00:33:00,040 At interesado ako sa mga bato 437 00:33:00,120 --> 00:33:04,720 na siyang pinakamatandang saksi na mayroon sa kasaysayan. 438 00:33:06,840 --> 00:33:09,120 Gaya ng nakita natin sa Sacsayhuaman, 439 00:33:09,200 --> 00:33:12,480 nakalapat nang maayos ang mga dambuhalang pader, 440 00:33:13,440 --> 00:33:16,880 magkakarugtong ang mga gilid ng bato papunta sa isa't isa. 441 00:33:18,400 --> 00:33:20,080 Nakakamangha. 442 00:33:20,160 --> 00:33:24,520 Natutulala ako habang tinitingnan ito, at hindi ko maunawaan 443 00:33:24,600 --> 00:33:28,280 kung paano nakagawa ng pader ang sinuman 444 00:33:28,360 --> 00:33:31,560 gamit itong mga dambuhalang bato na maayos na nailapat. 445 00:33:33,080 --> 00:33:36,800 Ang itinuturo ng mga archeologist ay ginawa ito ng mga Inca 446 00:33:36,880 --> 00:33:41,680 at gumamit sila ng mga simpleng bato para magawa ang lahat ng ito. 447 00:33:41,760 --> 00:33:46,840 Imposibleng magawa ito gamit ang pagsisinsel 448 00:33:46,920 --> 00:33:48,640 at mga paet 449 00:33:48,720 --> 00:33:52,120 o makalkula 'yong eksaktong pagkakalapat 450 00:33:52,200 --> 00:33:56,360 na meron sa ganitong uri ng gawa. 451 00:33:58,320 --> 00:34:01,520 Ito ang pinakamalinaw na halimbawa ng kahusayan 452 00:34:02,280 --> 00:34:06,400 na ginamitan ng geometry na kilala bilang 12-angled stone, 453 00:34:08,400 --> 00:34:13,240 kung saan nakalapat ang ilang gilid nito sa 11 pang ibang mga bato. 454 00:34:16,160 --> 00:34:20,720 Pero may isa pang kataka-taka dito sa tinatawag na Incan walls. 455 00:34:23,320 --> 00:34:26,400 Marami akong nakikita na istilo ng arkitektura dito. 456 00:34:26,480 --> 00:34:32,640 Magkasama 'yong mga pulido at di pulidong pagkakagawa. 457 00:34:32,720 --> 00:34:34,280 Ipaunawa mo sa 'kin 'yon. 458 00:34:34,880 --> 00:34:38,680 Walang kaugnayan sa mga Inca ang arkitekturang ito. 459 00:34:40,240 --> 00:34:47,240 Hindi gumamit ang mga Inca ng polygonal at cushioned architecture. 460 00:34:47,760 --> 00:34:51,280 May isa pang klase ng arkitektura ang mga Inca, 461 00:34:51,360 --> 00:34:55,040 na ipinapakita sa pamamagitan ng mga right angle. 462 00:34:58,440 --> 00:35:02,480 Ipinapakita ng mga bloke sa itaas ang mga marka na tugma 463 00:35:02,560 --> 00:35:04,960 sa mga kagamitang ginamit ng mga Inca. 464 00:35:06,040 --> 00:35:10,720 Hindi misteryo ang pagkakagawa sa kanila, hindi tulad ng mga nasa ibaba. 465 00:35:12,840 --> 00:35:15,840 Sa pananaw mo, hindi ito ginawa ng mga Inca? 466 00:35:15,920 --> 00:35:18,120 Hindi. 467 00:35:19,080 --> 00:35:23,360 Paniwala ni Jesus, dinagdagan ng mga Inca ang ibabaw at paligid na pader 468 00:35:23,440 --> 00:35:26,200 na nandito na noong dumating sila. 469 00:35:29,480 --> 00:35:34,440 Ang kasaysayan ng Cusco ay hindi lamang sa mga Inca nagsimula, 470 00:35:34,520 --> 00:35:37,680 kundi mas matagal pa ro'n. 471 00:35:39,360 --> 00:35:42,600 Kumbinsido si Jesus Gamarra na hindi lamang isa, 472 00:35:42,680 --> 00:35:45,440 kundi nasa tatlong iba't ibang istilo ng arkitektura, 473 00:35:45,520 --> 00:35:47,080 na mula sa nasa tatlong kultura. 474 00:35:49,360 --> 00:35:53,520 Ang pinakahuling gawa ay iniuugnay ni Jesus sa mga Inca. 475 00:35:54,520 --> 00:35:57,600 Pero naniniwala siyang ang mga pulidong gawang bato 476 00:35:57,680 --> 00:35:59,920 na narito at nasa Sacsayhuaman 477 00:36:00,000 --> 00:36:02,840 ay mula sa mas sinauna pang pamamaraan, 478 00:36:03,440 --> 00:36:06,720 na iginagalang ng mga Inca pero hindi kayang tularan. 479 00:36:10,040 --> 00:36:12,000 May mga bagay na imposible 480 00:36:12,520 --> 00:36:15,520 para sa mga mas modernong sibilisasyon. 481 00:36:15,600 --> 00:36:18,520 Mas sinauna ang mga ito 482 00:36:18,600 --> 00:36:25,200 at nagpapatunay na ang ginamit dito ay mga batong madaling ihulma. 483 00:36:26,520 --> 00:36:30,120 Tinawag ni Jesus Gamarra ang istilong ito na Hanan Pacha. 484 00:36:30,640 --> 00:36:33,000 At para maobserbahan ito nang personal, 485 00:36:33,080 --> 00:36:36,080 bisitahin ko raw ang isang misteryosong lugar 486 00:36:36,840 --> 00:36:39,840 na nasa gilid ng burol kung nasaan ang Sacsayhuaman. 487 00:36:45,200 --> 00:36:47,360 Isang tunay na mahiwagang lokasyon 488 00:36:49,640 --> 00:36:53,080 na may lihim na pasukan na hindi mapapansin. 489 00:36:56,080 --> 00:36:59,680 Lugar na muling magpapakita ng iba't ibang istilo ng paggawa. 490 00:37:01,880 --> 00:37:04,200 Kilala ito na Temple of the Moon. 491 00:37:15,280 --> 00:37:19,640 Isa itong kakaiba at komplikadong lugar na may halong misteryo. 492 00:37:20,560 --> 00:37:24,080 Itong mabababang pader dito ay tipikal na gawa ng mga Inca. 493 00:37:25,200 --> 00:37:28,040 Pero nakatago sa loob nitong batuhan 494 00:37:28,120 --> 00:37:30,120 ay isang bagay na ibang-iba. 495 00:37:34,000 --> 00:37:38,520 Maaakit ka sa makipot na daanan, 496 00:37:38,600 --> 00:37:40,160 na balot ng katahimikan. 497 00:37:42,360 --> 00:37:45,240 Para kang pumapasok sa isang lungga. 498 00:37:47,000 --> 00:37:50,560 Tila lihim na teknolohiya na hindi natin lubos na nauunawaan, 499 00:37:51,200 --> 00:37:55,080 na nilikha para sa mga kadahilanang hindi natin naiintindihan. 500 00:38:27,000 --> 00:38:29,920 Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz