1
00:00:17,760 --> 00:00:20,800
Espesyal ang araw na ito
sa Mayan calendar.
2
00:00:21,440 --> 00:00:24,600
Spring equinox kapag sumikat ang araw,
3
00:00:24,680 --> 00:00:27,800
di lang para sa panibagong araw,
kundi sa panibagong yugto ng buhay.
4
00:00:31,200 --> 00:00:33,000
Sa pag-angat ng araw,
5
00:00:33,960 --> 00:00:37,880
sisinagan nito ang isa sa mga
pinakamagandang templo ng Palenque.
6
00:00:40,800 --> 00:00:44,240
Ito ang Temple of the Sun,
bagay na bagay na pangalan.
7
00:00:45,560 --> 00:00:49,120
Isang biyaya ang makapunta lang dito
at masikatan ng araw,
8
00:00:49,200 --> 00:00:52,840
isang ugnayan na pinagsasama
ang debosyon at siyensiya
9
00:00:52,920 --> 00:00:54,960
na nalimot na ng modernong mundo.
10
00:00:57,280 --> 00:01:00,840
Sa ilang mahahalagang araw ng taon,
at isa ito sa kanila,
11
00:01:01,360 --> 00:01:05,000
hindi lang pagpapailaw sa hagdan ng templo
ang dulot ng pagsikat ng araw.
12
00:01:06,240 --> 00:01:10,080
Isang imbakan ng sinaunang kaalaman
ang arkitektura ng mga Maya,
13
00:01:10,160 --> 00:01:13,280
pinag-uugnay ang kalawakan at lupa,
langit at daigdig.
14
00:01:15,560 --> 00:01:18,000
Papapasukin nito ang sinag ng araw
15
00:01:18,080 --> 00:01:23,720
sa ilang silid ng templo
na sadyang idinisenyo para tanggapin ito.
16
00:01:25,520 --> 00:01:30,200
Pag winter solstice, sisikatan ng araw
ang isang estruktura sa tuktok ng bundok,
17
00:01:30,880 --> 00:01:33,240
papasok sa templo ang sinag
mula sa isang pintuan,
18
00:01:33,320 --> 00:01:37,400
kung saan maiisip natin ang isang pari
na naghihintay masinagan.
19
00:01:38,520 --> 00:01:41,760
Makalipas ang anim na buwan,
sa summer solstice,
20
00:01:42,400 --> 00:01:47,080
at sa araw na 'yon lamang, dadaplisan
ng sikat ng araw ang isa pang pyramid,
21
00:01:47,160 --> 00:01:49,960
bago tumama ang liwanag
sa isang sulok ng silid,
22
00:01:52,400 --> 00:01:56,920
habang sa parehong equinox,
sisikatan ng araw ang isang estruktura
23
00:01:57,000 --> 00:02:00,840
sa silangan, na muling papasok
sa isang pintuan ang liwanag
24
00:02:02,160 --> 00:02:05,960
sa eksaktong anggulo,
na sa loob ng 40 minuto,
25
00:02:06,040 --> 00:02:09,640
kapansin-pansing sisinagan nito
ang isa pang silid sa loob.
26
00:02:15,840 --> 00:02:20,600
Para sa mga Maya, siguradong nagdulot
ng pagkamangha ang napakagandang palabas
27
00:02:20,680 --> 00:02:22,240
sa lahat ng nakakita nito.
28
00:02:25,640 --> 00:02:29,000
At hindi lang ito espesyal na araw
para sa mga sinaunang Maya.
29
00:02:37,880 --> 00:02:41,840
Napakasimbolikong lugar ng Palenque.
30
00:02:43,520 --> 00:02:47,320
{\an8}Ang pagsamba sa mga ninuno sa Palenque
ay ipinapakita sa arkitektura nito
31
00:02:47,400 --> 00:02:49,880
{\an8}at sa mga binagong lugar.
32
00:02:51,000 --> 00:02:53,640
Iniuugnay ito sa modernong populasyon.
33
00:02:55,960 --> 00:03:00,360
Buhay na buhay
ang kultura ng mga Maya sa Palenque.
34
00:03:03,880 --> 00:03:06,120
{\an8}Ang paring Maya
na si Nicolás López Vázquez
35
00:03:06,200 --> 00:03:09,560
{\an8}ay ilang dekada nang nagsasagawa
ng mga seremonya rito.
36
00:03:12,920 --> 00:03:18,960
Ang ritwal na isinasagawa ngayon
ay para sa spring equinox.
37
00:03:19,640 --> 00:03:22,440
Napakahalaga ng equinox.
38
00:03:23,560 --> 00:03:25,840
Ginawa ang mga templo para sa equinox.
39
00:03:26,480 --> 00:03:29,920
Para itong koneksiyon sa buong planeta.
40
00:03:34,240 --> 00:03:37,200
Parang idinisenyo nga
ang buong lugar na ito
41
00:03:37,280 --> 00:03:42,480
bilang instrumento para makita at maihayag
ang kahanga-hangang pagkakaisa ng daigdig.
42
00:03:51,240 --> 00:03:54,760
Ano ang motibo para pagtuonan nila
ng pansin ang kalawakan?
43
00:03:54,840 --> 00:03:58,480
At paano nila natutunan
ang kanilang kaalaman sa astronomy?
44
00:04:01,240 --> 00:04:06,560
Isa kaya itong pamana na ipinasa
ng isang mas sinaunang sibilisasyon,
45
00:04:08,440 --> 00:04:12,680
na nag-iwan ng mga bakas ng maunlad
nitong kaalaman sa buong Americas?
46
00:04:41,080 --> 00:04:46,360
Ang nangingibabaw sa gitna ng Palenque
ay ang kahanga-hanga nitong gusali
47
00:04:47,520 --> 00:04:49,240
na kilala bilang ang palasyo.
48
00:04:52,240 --> 00:04:55,680
At sa ibabaw nito
ay isang kataka-takang estruktura,
49
00:04:56,240 --> 00:05:00,080
na natatangi sa mundo ng mga Maya,
isang toreng maraming palapag.
50
00:05:02,800 --> 00:05:06,080
Hati ang mga scholar
sa kung para saan ang toreng ito.
51
00:05:06,680 --> 00:05:08,480
Ang kataka-taka ay ang bubong.
52
00:05:09,240 --> 00:05:12,400
Moderno na ang bubong
na nakikita natin ngayon
53
00:05:12,480 --> 00:05:15,280
at posibleng iba sa orihinal na itsura.
54
00:05:16,480 --> 00:05:20,600
Ayon sa mga larawan ng naunang paghuhukay,
walang bubungan ang tore.
55
00:05:21,600 --> 00:05:24,160
May bubong kaya ito
noong sinaunang panahon?
56
00:05:25,480 --> 00:05:29,960
Maaari ngang may obserbatoryo sa ibabaw
ang orihinal na tore,
57
00:05:30,680 --> 00:05:33,000
na magpapaliwanag sa natagpuan sa loob.
58
00:05:34,600 --> 00:05:37,200
Makahulugan na may silid na may mga glyph
59
00:05:37,280 --> 00:05:42,880
na nagpapakita sa pinakamahalagang planeta
sa lahat para sa mga Maya, ang Venus.
60
00:05:44,880 --> 00:05:48,200
Nakumpirma ng mga scholar
mula sa mga dokumentong Maya
61
00:05:48,280 --> 00:05:52,800
na kinakatawan ng simbolong ito ang
pinakamatingkad na planeta sa kalawakan.
62
00:05:54,960 --> 00:06:00,040
Itinayo kaya ang toreng ito
para mismo sa mga astronomer?
63
00:06:02,480 --> 00:06:07,080
Pakiramdam ko ginawa ito
para obserbahan ang kalawakan.
64
00:06:07,160 --> 00:06:12,400
Di mo aasahan ang isang tore
na idinisenyo para obserbahan ang langit
65
00:06:12,480 --> 00:06:14,240
na magkaroon ng bubong.
66
00:06:14,320 --> 00:06:17,560
At 'yong mga Venus glyph sa loob ng tore
67
00:06:17,640 --> 00:06:20,640
ay mariing ipinahihiwatig
na ginamit ito para do'n.
68
00:06:20,720 --> 00:06:25,320
Pero sa lahat ng bagay sa kalawakan,
bakit ang Venus?
69
00:06:27,360 --> 00:06:29,000
Maaaring may kaugnayan ito
70
00:06:29,080 --> 00:06:32,360
sa isa sa pinakasikat na nilalang
sa alamat ng mga Maya.
71
00:06:36,200 --> 00:06:38,680
Ang mga diyos at diyosa ng Maya cosmology,
72
00:06:38,760 --> 00:06:41,640
madalas ay may pagkakahawig
sa katangian ng tao,
73
00:06:41,720 --> 00:06:48,160
minsan, nakakatuwa, minsan, nakakatakot,
minsan, napakamisteryoso.
74
00:06:48,680 --> 00:06:52,960
{\an8}Ang diyos na nagngangalang Kukulkan,
na isang dating tao,
75
00:06:53,040 --> 00:06:55,600
hindi lang niya pinagsama-sama
ang mga katangiang ito,
76
00:06:55,680 --> 00:06:59,320
pero iniuugnay din
sa pinakamaliwanag na planeta.
77
00:07:02,960 --> 00:07:07,880
Ayon sa tradisyon, dumating si Kukulkan
pagkatapos ng isang malaking kalamidad
78
00:07:08,520 --> 00:07:10,120
na may kasamang mga alagad.
79
00:07:11,440 --> 00:07:15,720
Isa siyang matalinong guro
na nagbigay ng mga patakaran sa batas
80
00:07:16,320 --> 00:07:20,520
at kung paano mag-organisa
ng sibilisasyon, magtanim ng mais,
81
00:07:21,400 --> 00:07:24,040
at gumawa ng mga rebulto sa bato.
82
00:07:25,240 --> 00:07:27,760
Kahit natapos na ang oras niya
kasama sila,
83
00:07:28,400 --> 00:07:31,360
patuloy na sinamba si Kukulkan
sa kalawakan,
84
00:07:31,880 --> 00:07:36,640
kung saan nagbagong-anyo siya
sa planetang kilala ngayon bilang Venus.
85
00:07:42,760 --> 00:07:44,440
Sa mundo ng mga Maya,
86
00:07:44,520 --> 00:07:47,160
may iba pang mga representasyon
ni Kukulkan.
87
00:07:47,840 --> 00:07:51,640
{\an8}At sa isang tanyag na lugar,
konektado rin ang alaala niya
88
00:07:51,720 --> 00:07:55,680
{\an8}sa napakahalagang sandaling iyon
ng spring equinox.
89
00:07:56,480 --> 00:08:00,800
Sa Chichen Itzá sa Yucatán,
sa templo ni Kukulkan,
90
00:08:00,880 --> 00:08:04,080
kung titingnan 'yong pyramid,
ang normal na makikita
91
00:08:04,160 --> 00:08:08,200
ay 'yong hilagang hagdanan ng pyramid
na may malaking ulo ng ahas
92
00:08:08,280 --> 00:08:12,600
sa paanan ng hagdan
at parang isang bakanteng barandilya
93
00:08:12,680 --> 00:08:14,640
paakyat sa gilid na walang nakalagay,
94
00:08:14,720 --> 00:08:18,560
pero tuwing spring equinox,
habang palubog 'yong araw,
95
00:08:19,480 --> 00:08:24,520
eksaktong nakaposisyon 'yong pyramid
na 'yong mga anino ng mga kanto nito
96
00:08:24,600 --> 00:08:28,640
na tumatama sa hagdan
ay nagiging hugis ng katawan ng ahas,
97
00:08:28,720 --> 00:08:31,840
kaya biglang magkakaroon 'yong ulo ng ahas
98
00:08:31,920 --> 00:08:35,920
ng isang umaalon na anino ng katawan nito,
99
00:08:36,000 --> 00:08:38,840
at isa itong manipestasyon ni Kukulkan.
100
00:08:42,640 --> 00:08:46,080
Sa iba't ibang parte ng Mexico,
hindi lang siya kilala bilang si Kukulkan
101
00:08:46,600 --> 00:08:49,360
kundi ang pinakatanyag na si Quetzalcoatl.
102
00:08:50,080 --> 00:08:54,080
Ang ibig sabihin ng lahat ng pangalang ito
ay "mabalahibong ahas."
103
00:08:54,800 --> 00:08:58,200
Halos maiisip mo
na isang manlalakbay si Kukulkan
104
00:08:58,280 --> 00:09:01,480
na gumamit ng mga lokal na pangalan
saanman siya magpunta.
105
00:09:03,560 --> 00:09:08,040
May katulad na nilalang sa Peru
kung saan tinawag siyang Viracocha.
106
00:09:09,080 --> 00:09:12,080
Sa Mesopotamia,
kilala siya bilang si Oannes,
107
00:09:12,160 --> 00:09:14,320
at sa Egypt, siya si Osiris.
108
00:09:15,640 --> 00:09:17,680
Pero pareho ang mga kuwento.
109
00:09:19,000 --> 00:09:22,640
Mga makapangyarihang nilalang
na lumitaw matapos ang kalamidad
110
00:09:23,280 --> 00:09:26,800
at binigyan ang mga tao
ng mga kaloob ng sibilisasyon.
111
00:09:30,680 --> 00:09:34,480
Ang pagkakaugnay ng kanilang bayani
sa planetang Venus
112
00:09:35,080 --> 00:09:38,560
ay maaaring maipaliwanag
ang kinahuhumalingan ng mga Maya,
113
00:09:39,080 --> 00:09:42,160
ang pagsubaybay
sa galaw ng planeta sa kalawakan.
114
00:09:43,400 --> 00:09:47,400
Kahanga-hanga
'yong mga pag-aaral nila sa Venus.
115
00:09:47,480 --> 00:09:51,280
Ito 'yong kaso
na isang beses kada 584 na araw,
116
00:09:51,360 --> 00:09:53,840
makikitang sisikat ang Venus
sa parehong lugar.
117
00:09:53,920 --> 00:09:58,760
Eksakto at tamang-tama
ang tantiya ng mga Maya
118
00:09:58,840 --> 00:10:01,760
sa tinatawag na synodical return ng Venus.
119
00:10:02,840 --> 00:10:05,120
At nagawa nila ang kalkulasyon
120
00:10:05,200 --> 00:10:08,680
sa pamamagitan ng isa
sa mga pambihirang likha ng mga Maya,
121
00:10:09,240 --> 00:10:13,000
na, gaya ng magagandang gawang bato
ng sinaunang Peru
122
00:10:13,080 --> 00:10:15,480
at pharmacology ng sinaunang Amazonia,
123
00:10:17,560 --> 00:10:22,320
maaaring bahagi ng ipinamanang kaalaman
na ipinasa mula sa prehistory
124
00:10:22,400 --> 00:10:24,920
ng isang misteryosong
naunang sibilisasyon.
125
00:10:35,960 --> 00:10:41,160
{\an8}Higit 25 taon nang pinag-aaralan
ni Dr. Edwin Barnhart ang Palenque,
126
00:10:42,920 --> 00:10:45,480
at isa siya sa iilang tao lang sa mundo
127
00:10:46,000 --> 00:10:48,360
na nakakabasa ng dokumento
ng mga sinaunang Maya.
128
00:10:51,960 --> 00:10:56,120
Binabasa namin ang mga glyph
mula sa itaas pababa, sa dalawang column.
129
00:10:56,200 --> 00:10:59,640
Babasahin mula sa kanan, pakaliwa,
hanggang sa ilalim ng unang dalawa,
130
00:10:59,720 --> 00:11:03,520
tapos 'yong pangatlo at pang-apat pababa,
gano'n 'yong pagkakasunod-sunod.
131
00:11:03,600 --> 00:11:06,920
Paano 'yong sistema ng numero
na ginamit ng mga Maya
132
00:11:07,000 --> 00:11:09,880
kumpara sa sistema ng numero
na ginagamit ngayon?
133
00:11:10,400 --> 00:11:12,120
Halos pareho lang.
134
00:11:12,200 --> 00:11:14,960
May base-ten system tayo
na decimal ang tawag.
135
00:11:15,040 --> 00:11:18,920
Makakasulat tayo ng kahit anong numero
136
00:11:19,480 --> 00:11:23,240
hanggang halos infinity
gamit ang ten digits.
137
00:11:23,320 --> 00:11:26,120
Meron tayong zero,
tapos one hanggang nine.
138
00:11:26,200 --> 00:11:28,560
- Oo.
- At pag umabot tayo sa ten,
139
00:11:28,640 --> 00:11:31,640
maglalagay tayo ng zero sa ones
at one sa tens.
140
00:11:31,720 --> 00:11:33,840
Gumagamit sila ng base 20.
141
00:11:36,680 --> 00:11:39,960
Para itong Morse code
na may mga gitling at tuldok
142
00:11:40,480 --> 00:11:43,280
at isang shell glyph para sa zero.
143
00:11:45,040 --> 00:11:48,400
- One ang isang tuldok. Five naman ang bar.
- Oo.
144
00:11:49,280 --> 00:11:53,720
Kaya kung meron kang 3 bar
at 4 na tuldok, 19 'yon.
145
00:11:55,080 --> 00:11:58,000
Para maisulat 'yong 20, maglalagay ng zero
146
00:11:58,080 --> 00:12:00,400
- at maglalagay ng tuldok sa 20 place.
- Okay.
147
00:12:00,920 --> 00:12:03,640
Isa 'tong positional system ng pagbibilang
148
00:12:03,720 --> 00:12:06,440
kaya nagamit nila nang mahusay 'yong math.
149
00:12:07,760 --> 00:12:09,440
Maganda 'yong sistema natin.
150
00:12:09,520 --> 00:12:14,560
Kaya nating magbilang hanggang infinity,
pero kailangan ng sampung simbolo.
151
00:12:14,640 --> 00:12:17,560
Kaya rin ng mga Maya,
pero tatlong simbolo lang.
152
00:12:17,640 --> 00:12:19,200
Kaya sa bagay na 'yon,
153
00:12:19,800 --> 00:12:21,960
mas mahusay 'yong sistema nila.
154
00:12:25,760 --> 00:12:28,240
Hindi lang gumamit ng zero ang mga Maya,
155
00:12:28,320 --> 00:12:30,800
pero alam din nila 'yong place numerations
156
00:12:31,440 --> 00:12:33,880
sa panahon
na ang mga sinaunang Greek at Roman,
157
00:12:33,960 --> 00:12:37,560
sa kabila ng mga nagawa nila,
ay hindi 'yon natutunan pareho.
158
00:12:38,840 --> 00:12:40,400
Mahusay ang sistema nila.
159
00:12:40,480 --> 00:12:43,920
Gumawa ng magagandang bagay 'yong Romans,
pero laos 'yong number system nila.
160
00:12:44,000 --> 00:12:45,800
- Kaya ginawa nila 'yong abacus.
- Oo.
161
00:12:47,800 --> 00:12:52,000
Di lang eleganteng paraan ng pagbibilang
ang advanced numbering system ng mga Maya.
162
00:12:52,080 --> 00:12:53,960
Para sa mga astronomer nila,
163
00:12:54,040 --> 00:12:57,080
ito ang susi para makalkula
at malaman ang mga galaw
164
00:12:57,160 --> 00:13:02,760
ng mga nasa kalawakan tulad ng Venus,
ng araw, at ng buwan, nang may katiyakan.
165
00:13:03,800 --> 00:13:07,800
At napakahalaga rin
ng kaalamang 'yon sa mathematics
166
00:13:07,880 --> 00:13:10,960
sa posibleng
pinakakahanga-hanga nilang imbensiyon.
167
00:13:11,840 --> 00:13:15,160
Ang pinakanakamamanghang likha
ng mga sinaunang Maya
168
00:13:15,240 --> 00:13:19,320
ay ang kanilang sariling sistema
para masukat ang oras,
169
00:13:19,400 --> 00:13:22,840
na isinama nila sa isa
sa mga pinakakomplikadong kalendaryo
170
00:13:22,920 --> 00:13:24,160
sa kasaysayan ng tao.
171
00:13:26,560 --> 00:13:29,880
'Yong kalendaryo,
na talagang napakakomplikado.
172
00:13:29,960 --> 00:13:34,080
Pwede mo ba 'yon ipaintindi sa 'kin?
Tungkol saan ang Mayan calendar?
173
00:13:34,160 --> 00:13:38,880
'Yong kalendaryo… Alam mo,
365 na araw 'yong solar year nito.
174
00:13:38,960 --> 00:13:39,920
Oo. Okay.
175
00:13:40,000 --> 00:13:43,960
Ang kalendaryong mahalaga sa kanila
ay 260 na araw,
176
00:13:44,040 --> 00:13:48,440
pero meron din silang long count calendar,
na parang karaniwang kalendaryo.
177
00:13:51,000 --> 00:13:55,480
Itinala ng mga Maya ang mahahalagang petsa
gamit ang tatlong kalendaryo,
178
00:13:56,000 --> 00:13:58,320
bawat isa ay may sariling gamit.
179
00:14:00,920 --> 00:14:05,320
{\an8}Ang sagrado nilang kalendaryo
ay paulit-ulit na cycle ng 20 grupo
180
00:14:05,400 --> 00:14:10,120
{\an8}na binubuo ng 13 araw bawat grupo,
na may kabuoang 260 na araw.
181
00:14:11,640 --> 00:14:14,120
{\an8}Binibilang ng pangalawang kalendaryo
ang solar year,
182
00:14:14,720 --> 00:14:18,240
{\an8}pero binubuo ito ng 18 grupo,
na may 20 araw,
183
00:14:18,800 --> 00:14:23,600
{\an8}at may dagdag na 5 pa para makumpleto
ang 365 araw kada taon, katulad sa atin.
184
00:14:24,880 --> 00:14:26,360
{\an8}Pag magkasamang ginamit,
185
00:14:26,440 --> 00:14:31,160
ang dalawang kalendaryo ay magbibigay
ng natatanging pangalan sa bawat araw
186
00:14:31,240 --> 00:14:35,600
sa loob ng 52 taon bago umulit sa simula.
187
00:14:38,040 --> 00:14:43,080
Pero ang dahilan kaya naging espesyal
ang pangatlong kalendaryo ng mga Maya,
188
00:14:43,160 --> 00:14:45,160
ang tinatawag na long count,
189
00:14:45,240 --> 00:14:47,680
na binibilang ang mas mahahabang panahon.
190
00:14:50,000 --> 00:14:52,400
Ipaliwanag mo 'yong long count calendar.
191
00:14:52,480 --> 00:14:54,960
Ano ba 'yon? Paano 'yon gumagana?
192
00:14:55,680 --> 00:14:57,600
Ano 'yong gusto nitong makamit?
193
00:14:58,120 --> 00:15:01,600
Ito 'yong pinakainteresante
dahil cyclical 'yong mga Maya,
194
00:15:01,680 --> 00:15:05,000
pero ito lang 'yong kalendaryo nila
na linear calendar.
195
00:15:05,080 --> 00:15:10,560
Pwede itong bumalik at umabante sa panahon
sa isang linya papuntang infinity.
196
00:15:11,240 --> 00:15:14,160
Binibilang ng mga simbolo
ng long count ang paglipas
197
00:15:14,240 --> 00:15:19,920
hindi lang ng mga taon, dekada, o siglo,
pero isang buong milenyo,
198
00:15:20,000 --> 00:15:23,160
na aabot hanggang
sa malayong nakaraan at hinaharap.
199
00:15:23,720 --> 00:15:28,520
Karamihan ba ng mababasa natin
sa dokumento ng mga Maya,
200
00:15:28,600 --> 00:15:29,960
tungkol sa kalendaryo?
201
00:15:30,040 --> 00:15:33,840
Oo. Eto 'yong magandang halimbawa
na pag tiningnan itong pahina,
202
00:15:34,440 --> 00:15:38,040
lahat ng nakikita mo
na may mga bar, tuldok, at mga ito,
203
00:15:38,120 --> 00:15:40,600
mga impormasyon ito tungkol sa kalendaryo.
204
00:15:41,200 --> 00:15:42,120
Sa kabuoan,
205
00:15:42,200 --> 00:15:47,280
two-thirds ng lahat ng dokumentong Maya
ay mga calendar glyph.
206
00:15:49,320 --> 00:15:53,120
Isang paliwanag sa pagkahumaling na ito
ay naniniwala ang sinaunang Maya
207
00:15:53,200 --> 00:15:57,400
na dumaan ang mundo
sa paulit-ulit na paglikha at pagkawasak…
208
00:16:03,160 --> 00:16:05,480
at nasa pang-apat na cycle na sila,
209
00:16:08,360 --> 00:16:10,560
na halos pareho sa mga sinaunang Hopi
210
00:16:10,640 --> 00:16:13,520
na naniniwala rin na namumuhay sila
sa pang-apat na cycle.
211
00:16:14,040 --> 00:16:18,640
Pero di tulad nila, nalagyan ng mga Maya
ng mga petsa 'yong mga cycle nila,
212
00:16:19,680 --> 00:16:21,880
naitala gamit ang long count.
213
00:16:24,160 --> 00:16:26,000
Tungkol saan 'tong isang 'to?
214
00:16:26,520 --> 00:16:28,640
Magandang larawan 'yan,
215
00:16:28,720 --> 00:16:32,200
isa lang sa iilan
na detalyadong sinasabi sa 'tin
216
00:16:32,280 --> 00:16:36,040
'yong petsa noong magsimula
'yong pang-apat na paglikha.
217
00:16:36,120 --> 00:16:41,200
- Sabi rito, 13-0-0-0-0.
- Oo.
218
00:16:41,800 --> 00:16:47,680
At mismong kinabukasan, umulit ito.
At naging 0-0-0-0-1 na.
219
00:16:47,760 --> 00:16:51,520
Oo. Kung gagamitin
'yong petsa natin ngayon?
220
00:16:51,600 --> 00:16:56,600
- 3114 B.C., August 13.
- Oo.
221
00:16:56,680 --> 00:16:59,760
'Yon ang simula ng panahon
ng mundo natin ngayon.
222
00:16:59,840 --> 00:17:02,000
Tama. At 'yong idea na
223
00:17:02,720 --> 00:17:07,760
bakit ito nagsimula sa 3114 B.C.?
224
00:17:07,840 --> 00:17:12,080
'Yan ang nasa isip ng mga dalubhasa,
may isang siglo na,
225
00:17:12,640 --> 00:17:14,560
na hindi nila masagot.
226
00:17:14,640 --> 00:17:19,360
Oo. Para sa 'kin,
espesyal 'yong petsang 'yon,
227
00:17:19,440 --> 00:17:24,120
dahil maraming sinaunang sibilisasyon,
kung susundin 'yong archeological record,
228
00:17:24,200 --> 00:17:26,360
ang may pambihirang simula
sa panahong 'yon.
229
00:17:28,560 --> 00:17:30,680
{\an8}Sa Sinaunang Egypt, nasa 3000 B.C.
230
00:17:30,760 --> 00:17:33,040
{\an8}Sumer, halos parehong panahon.
231
00:17:33,120 --> 00:17:34,520
{\an8}Oo. Pati Asia.
232
00:17:35,480 --> 00:17:37,640
{\an8}Parang gumigising ang mundo
no'ng panahong 'yon,
233
00:17:37,720 --> 00:17:39,440
at pinili ng Maya 'yong petsang 'yon.
234
00:17:39,520 --> 00:17:40,560
Nakakapagtaka.
235
00:17:42,640 --> 00:17:44,560
Kailan nagsimula 'yong sistema?
236
00:17:45,080 --> 00:17:49,000
Gaano na katagal mula nang magsimula
itong kalkulasyong ito?
237
00:17:49,080 --> 00:17:51,880
Mahirap na tanong 'yan.
Lagi ko 'yan iniisip.
238
00:17:51,960 --> 00:17:56,400
At gusto kong sabihin
na mula nang may umukit nito sa bato,
239
00:17:57,440 --> 00:17:58,920
di 'yon ang unang beses.
240
00:17:59,000 --> 00:18:02,320
Oo. At ano 'yong pinakamatagal
na petsang natuklasan mo?
241
00:18:02,400 --> 00:18:05,600
May iilan.
Merong isa na nasa 33,000 taon na.
242
00:18:06,200 --> 00:18:09,840
May isa pa na nagbigay ng eksaktong petsa
243
00:18:09,920 --> 00:18:13,560
na dinadala tayo
eksaktong limang milyong taon na.
244
00:18:13,640 --> 00:18:17,560
- Limang milyong taon sa nakaraan.
- Oo. At alam mo na 'yon.
245
00:18:19,080 --> 00:18:23,720
Sa palagay ko
ang intensiyon nito ay ipahayag
246
00:18:23,800 --> 00:18:26,280
ang walang katapusang pag-usad ng panahon.
247
00:18:29,120 --> 00:18:30,720
Kasabay ng mga petsang ito,
248
00:18:30,800 --> 00:18:33,360
isang bagay sa kuwento ng kalawakan
249
00:18:33,440 --> 00:18:36,360
ang laging lumilitaw
sa mga dokumento, ang Venus,
250
00:18:36,880 --> 00:18:41,080
ang planetang nauugnay
sa diyos ng mga Maya na si Kukulkan.
251
00:18:44,920 --> 00:18:50,240
Kasama ang Venus sa pangkalahatang
sistema ng kalendaryo ng mga Maya.
252
00:18:50,320 --> 00:18:51,760
Lagi nila itong sinusubaybayan.
253
00:18:51,840 --> 00:18:58,480
May 104 na magkakaibang grupo
ng 5 cycle ng Venus
254
00:18:58,560 --> 00:19:02,440
na pinagsama-sama nila para ma-monitor
ang Venus at magiging tama 'yon.
255
00:19:04,480 --> 00:19:09,480
Ang mga Maya ay nahumaling sa cosmos,
pati na sa oras.
256
00:19:10,080 --> 00:19:13,560
Ang dalawang isyung ito
ay mahalaga sa kultura ng mga Maya.
257
00:19:16,200 --> 00:19:20,680
Ipinapakita ng dalawang obsesyong ito
na ang mga Maya ay mayroon at naitala
258
00:19:20,760 --> 00:19:24,360
ang malawak na kaalaman
ng sinaunang panahon ng ating planeta.
259
00:19:26,080 --> 00:19:30,400
Nagawa nila 'yong ginagawa
ng mga modernong computer software.
260
00:19:30,480 --> 00:19:32,160
- Oo.
- Paano nila nagawa 'yon?
261
00:19:32,880 --> 00:19:37,360
Isa sila sa mga pinakamahuhusay
na mathematician ng sinaunang mundo.
262
00:19:37,440 --> 00:19:39,680
Inaaral nila nang inaaral
'yong mga numero.
263
00:19:39,760 --> 00:19:42,480
May kalkulasyon sila
ng milyun-milyong araw.
264
00:19:42,560 --> 00:19:43,640
Kahanga-hanga.
265
00:19:45,160 --> 00:19:49,920
Kung gumagamit sila ng mga petsa,
tanungin mo ang sarili, para saan 'yon?
266
00:19:51,280 --> 00:19:53,400
- Tingin ko…
- Espekulasyon lang 'to.
267
00:19:53,480 --> 00:19:58,320
Pag tinitingnan naming mga archeologist
ang sarili namin, espekulasyon lang lahat.
268
00:19:58,400 --> 00:20:01,240
Marami kaming mga teorya.
Konti lang ang facts sa trabaho ko.
269
00:20:01,320 --> 00:20:02,160
Oo.
270
00:20:06,800 --> 00:20:11,200
May teorya ako, na, inaamin ko,
isa ring espekulasyon.
271
00:20:13,160 --> 00:20:16,480
Parang ligaw na artifact
'yong kalendaryo ng mga Maya.
272
00:20:17,000 --> 00:20:20,640
Para sa 'kin, para itong pamana
na natanggap ng mga Maya
273
00:20:20,720 --> 00:20:24,040
mula sa isang kulturang
kinailangan ang mga petsang ito,
274
00:20:25,840 --> 00:20:28,840
isang nawawalang sibilisasyon
na nagpasa ng kaalaman
275
00:20:28,920 --> 00:20:30,920
tungkol sa paulit-ulit
na takbo ng panahon,
276
00:20:31,720 --> 00:20:34,880
inilagay sa mga alamat
at mga espiritwal na tradisyon
277
00:20:35,400 --> 00:20:40,280
na, sa paglipas ng libo-libong taon,
ay kahanga-hangang malalantad
278
00:20:40,360 --> 00:20:43,440
sa misteryosong kalendaryo ng mga Maya.
279
00:20:44,680 --> 00:20:46,120
Pero para saan?
280
00:20:46,200 --> 00:20:50,080
Tingin ko may kinalaman ang sagot
sa konsepto ng mga Maya
281
00:20:50,160 --> 00:20:52,760
ng pagiging pansamantala ng mga panahon.
282
00:20:54,240 --> 00:20:58,320
Minsan, computer na pangkalkula
ang tingin ko sa Mayan calendar,
283
00:20:58,400 --> 00:21:01,120
hindi para sa katapusan ng mundo,
kundi ng isang panahon.
284
00:21:02,320 --> 00:21:05,680
Nakikita ng Mayan calendar
ang paulit-ulit na pagkawasak
285
00:21:05,760 --> 00:21:07,320
at muling pagbangon ng mundo.
286
00:21:07,400 --> 00:21:10,520
Paulit-ulit na sumasapit
at lumilipas ang mga panahon.
287
00:21:11,680 --> 00:21:14,160
Hindi tumama 'yong hula ng mga Maya
288
00:21:14,240 --> 00:21:18,720
na magugunaw ang mundo
noong December 21, A.D. 2012.
289
00:21:19,520 --> 00:21:24,560
Pero nakita nila na mayroong
malaking kaguluhan at pagbabago
290
00:21:25,160 --> 00:21:27,720
na mangyayari sa panahon natin.
291
00:21:29,600 --> 00:21:35,400
Sigurado na ang katapusan ng isang panahon
ay nahulaan sa loob ng halos 80 taon
292
00:21:35,480 --> 00:21:38,840
mula 2000 hanggang 2080,
nasa gano'ng panahon.
293
00:21:40,040 --> 00:21:43,560
At kataka-taka na 'yon nga
ang nararanasan ng mundo ngayon.
294
00:21:43,640 --> 00:21:47,080
Nabubuhay tayo sa panahon ng kaguluhan,
walang kasiguraduhan, pagbabago.
295
00:21:48,720 --> 00:21:53,320
Tama kaya ang kalkula ng Mayan calendar
tungkol sa katapusan ng ating panahon?
296
00:21:54,800 --> 00:21:57,320
Siguro dapat tumingin tayo sa kalawakan,
297
00:21:57,400 --> 00:21:59,760
at obserbahan ang mga bituin
at planeta gaya nila,
298
00:22:01,560 --> 00:22:04,600
kung sakaling
may nalalapit na namang pagkagunaw.
299
00:22:12,800 --> 00:22:17,480
Pero may iba pang nais ang mga Maya sa
kalawakan bukod sa hulaan ang hinaharap.
300
00:22:20,320 --> 00:22:25,200
May ebidensiya rito sa Palenque
na gustong ipakita ni Dr. Barnhart.
301
00:22:27,200 --> 00:22:29,800
Itong tanawin dito,
may napakagandang puwesto
302
00:22:29,880 --> 00:22:31,520
kung saan makikita mo ang lahat.
303
00:22:34,840 --> 00:22:39,160
Sa timog-kanlurang dulo ng isang plaza
sa tapat ng Temple of the Sun,
304
00:22:39,240 --> 00:22:42,680
dadalhin ako ni Dr. Barnhart
sa isa pang gusali
305
00:22:42,760 --> 00:22:45,560
na tinatawag
na Temple of the Foliated Cross.
306
00:22:47,200 --> 00:22:50,400
Mula pa ito noong A.D. 692.
307
00:22:56,440 --> 00:23:01,320
Sa likod na pader sa loob,
may isang interesanteng inukit na mural.
308
00:23:03,920 --> 00:23:05,800
Ayon sa mga scholar, ito ang paliwanag
309
00:23:05,880 --> 00:23:08,960
sa pinakamalaking misteryo
sa relihiyong Maya,
310
00:23:09,560 --> 00:23:12,720
ang misteryo na mangyayari sa atin
pagkatapos mamatay.
311
00:23:14,120 --> 00:23:18,120
Nakatayo tayo sa harap
ng isang pambihirang mural,
312
00:23:18,640 --> 00:23:21,600
na medyo mahirap para sa 'kin
na intindihin.
313
00:23:22,560 --> 00:23:24,840
Ipaliwanag mo. Tungkol saan 'to?
314
00:23:25,680 --> 00:23:28,800
Malinaw na napakakomplikado nito.
315
00:23:28,880 --> 00:23:32,080
Napakaraming iconography.
316
00:23:32,840 --> 00:23:36,640
Ayan 'yong foliated cross
dahil sa mga lumalabas na dahon.
317
00:23:37,960 --> 00:23:40,360
May dalawang tao sa magkabilang gilid.
318
00:23:42,400 --> 00:23:45,880
Ipinapakita ng mural
ang namatay na si Lord Pakal sa kanan,
319
00:23:45,960 --> 00:23:48,760
ang unang nagtatag at pinuno ng Palenque,
320
00:23:49,840 --> 00:23:52,640
nakapikit siya at nakasuot ng panglibing,
321
00:23:54,120 --> 00:23:58,920
at ang ipinagpapalagay na kanyang anak
at tagapagmana, si Kan Bahlam, sa kaliwa.
322
00:24:00,040 --> 00:24:02,000
Eto 'yong mukha ni Kan Bahlam.
323
00:24:02,080 --> 00:24:06,080
Nasa buong lungsod 'yong litrato niya.
Sigurado kaming siya 'yan.
324
00:24:06,160 --> 00:24:07,440
- Oo.
- Kilala namin siya.
325
00:24:08,160 --> 00:24:10,880
- Pero malaki at matangkad si Kan Bahlam.
- Oo.
326
00:24:10,960 --> 00:24:12,800
Iniisip ko siya.
327
00:24:12,880 --> 00:24:15,800
Napakarami naming alam
tungkol sa buhay niya.
328
00:24:16,320 --> 00:24:21,080
Alam namin na 'yong tatay niya
ang pinakasikat na hari nitong lungsod.
329
00:24:21,680 --> 00:24:26,040
At itinalaga siyang tagapagmana
sa edad na anim na taon.
330
00:24:27,080 --> 00:24:29,320
Pero namatay 'yong tatay niya
sa edad na 80.
331
00:24:30,080 --> 00:24:34,840
Kaya ginugol niya ang buong buhay niya,
hanggang sa edad na 48, para maging hari.
332
00:24:35,360 --> 00:24:40,320
- Oo.
- At tingin ko nahasa siya sa mathematics,
333
00:24:40,400 --> 00:24:45,520
architecture, astronomy,
pati sa relihiyon, mythology.
334
00:24:45,600 --> 00:24:50,600
Itong tatlong kahanga-hangang mga templo
ay mga gawa niya.
335
00:24:50,680 --> 00:24:54,800
Posibleng 30 taon niyang pinlano ito.
336
00:24:55,480 --> 00:24:57,240
At sa wakas, nagawa niya.
337
00:24:57,320 --> 00:25:01,240
At kasagsagan ito
ng siyentipikong pag-unlad ng mga Maya.
338
00:25:01,320 --> 00:25:03,200
- Oo.
- May numerology.
339
00:25:03,280 --> 00:25:05,200
May mathematics. May astronomy.
340
00:25:07,040 --> 00:25:11,680
Ang mensahe ng mural ay ang mga gawain
at ritwal na ginagawa ng anak
341
00:25:12,720 --> 00:25:15,000
ay mahalaga para magtagumpay ang ama
342
00:25:15,080 --> 00:25:17,680
sa paglalakbay sa kabilang buhay
na hinaharap niya ngayon.
343
00:25:18,400 --> 00:25:22,480
Ang pumapagitan sa kanila
ay isang napakamakahulugang imahe.
344
00:25:23,360 --> 00:25:27,160
Eto 'yong world tree.
Mukha ng diyos ng araw 'yong nasa gitna.
345
00:25:27,680 --> 00:25:32,560
Pero 'yong puno din ang tulay sa pagitan
ng mundong ito at ng kabilang mundo.
346
00:25:33,160 --> 00:25:35,400
Sa ibang konteksto, ito ang Milky Way.
347
00:25:38,240 --> 00:25:42,240
Ang papel ba ng Milky Way
ay parang tulay ng mga kaluluwa?
348
00:25:42,320 --> 00:25:44,480
- Parang paglalakbay sa kabilang buhay?
- Oo.
349
00:25:44,560 --> 00:25:48,520
Ang mga bagay na ginagawa
ng dalawang indibidwal na ito
350
00:25:48,600 --> 00:25:51,600
- ay ang tulay sa mundong ito at ng kabila.
- Oo.
351
00:25:53,120 --> 00:25:56,600
Ang paniniwala ng paglalakbay
sa kalawakan sa Milky Way
352
00:25:56,680 --> 00:26:01,400
at paglalakbay pagkatapos ng kamatayan
ay mariing pinaniniwalaan ng mga Maya.
353
00:26:03,800 --> 00:26:07,680
Ang kagulat-gulat ay kung gaano kalaganap
ang paniniwalang ito.
354
00:26:09,800 --> 00:26:14,480
Itong simbolismo ng Milky Way
bilang tulay ng mga kaluluwa
355
00:26:14,560 --> 00:26:16,280
ay hindi lang sa mga Maya,
356
00:26:16,360 --> 00:26:19,000
kundi sa iba pang kultura
sa North America.
357
00:26:19,080 --> 00:26:23,960
{\an8}Oo. Isa ito
sa mga paniniwalang Pan-American.
358
00:26:24,480 --> 00:26:25,520
{\an8}Totoo 'yon.
359
00:26:25,600 --> 00:26:28,400
{\an8}Mula sa dulo ng Chile hanggang Alaska,
360
00:26:29,360 --> 00:26:34,280
ang paniniwala ay ang Milky Way
ang tulay ng mga kaluluwa
361
00:26:34,360 --> 00:26:36,600
mula sa mundong ito papunta sa kabila.
362
00:26:36,680 --> 00:26:40,760
Pinupuntahan ito ng mga yumao,
at 'yong kapangyarihan ng mga shaman,
363
00:26:40,840 --> 00:26:42,680
- kaya nilang pumunta ro'n.
- Oo.
364
00:26:43,600 --> 00:26:47,480
Pero nakakagulat
na meron nito ang bawat kultura
365
00:26:47,560 --> 00:26:50,760
na makakakuha tayo ng impormasyon
tungkol sa Milky Way.
366
00:26:52,760 --> 00:26:58,320
{\an8}Para itong 'yong pananaw ng mga Apurinã
ng Brazil tungkol sa mga geoglyph
367
00:26:58,400 --> 00:27:01,480
na parang mga sagradong tulay
papunta sa kabilang buhay.
368
00:27:01,560 --> 00:27:04,840
- Sa Amazon, buhay na buhay pa rin ito.
- Oo.
369
00:27:04,920 --> 00:27:07,400
Sa mundo ng mga Maya, buhay na buhay rin.
370
00:27:07,480 --> 00:27:11,640
Oo. Para bang may iisang malayong ninuno
sa paniniwalang ito.
371
00:27:12,360 --> 00:27:13,200
Sa palagay ko.
372
00:27:15,120 --> 00:27:20,800
Tingin ko nanggaling sa mga unang tao
'yong mga pangunahing paniniwala.
373
00:27:20,880 --> 00:27:23,320
Kaya meron nito ang napakaraming kultura,
374
00:27:23,400 --> 00:27:26,320
kahit 'yong mga kultura,
tulad sa Southern Chile
375
00:27:26,400 --> 00:27:29,640
at sa dulong hilaga ng North America,
ay walang koneksiyon sa isa't isa.
376
00:27:29,720 --> 00:27:33,080
Meron silang parehong paniniwala
dahil iisang pamana lang.
377
00:27:33,160 --> 00:27:35,720
Oo. Tingin ko may iba pa
bukod sa Milky Way.
378
00:27:35,800 --> 00:27:39,120
May mga bagay pa na kasama
sa mga pangunahing paniniwala.
379
00:27:39,200 --> 00:27:42,280
Isa ro'n 'yong malaking
pagmamahal ng mga Maya
380
00:27:42,360 --> 00:27:46,040
sa mga konsepto ng shamanism, pagbabago.
381
00:27:46,120 --> 00:27:47,080
Oo.
382
00:27:53,680 --> 00:27:57,720
Walang duda na shamanism
ang kultura ng mga Maya.
383
00:27:59,040 --> 00:28:03,640
Tingin ko 'yong paniniwala ng paglalakbay
ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan
384
00:28:04,240 --> 00:28:07,240
ay resulta ng mga karanasan sa shamanism.
385
00:28:14,640 --> 00:28:18,960
Nagkataon lang ba na marami
sa mga katutubong kultura ng Americas,
386
00:28:19,040 --> 00:28:22,520
at sa marami pang
sinaunang kultura sa buong mundo,
387
00:28:22,600 --> 00:28:27,200
ay napreserba ang halos iisang pananaw sa
paglalakbay ng kaluluwa sa kabilang buhay?
388
00:28:27,280 --> 00:28:30,880
O mayroong isang lihim na koneksiyon,
389
00:28:31,520 --> 00:28:34,520
isang makapangyarihang sistema
ng mga paniniwala
390
00:28:34,600 --> 00:28:38,080
na minana ng mga sumunod na sibilisasyon
391
00:28:38,160 --> 00:28:41,160
mula sa isang nawawalang
sibilisasyon ng prehistory?
392
00:28:51,960 --> 00:28:54,680
Nakakatuwa 'yong mga ginawa mo.
393
00:28:54,760 --> 00:28:57,560
{\an8}Pag nakakakita tayo
ng mga archeological example
394
00:28:57,640 --> 00:29:01,400
{\an8}ng kaalaman
tungkol sa kalawakan at mga bituin,
395
00:29:01,480 --> 00:29:05,440
pag binalikan natin, parang
mas matagal na 'to kesa sa inaakala natin.
396
00:29:05,520 --> 00:29:06,640
Oo.
397
00:29:06,720 --> 00:29:11,160
At iniuugnay mo 'tong paniniwalang 'to
sa isang shamanistic point of view.
398
00:29:11,240 --> 00:29:12,600
Oo, tama.
399
00:29:12,680 --> 00:29:15,480
Interesado sa mga bituin
ang lahat ng kulturang shamanism.
400
00:29:16,720 --> 00:29:20,200
Pero sa isang punto,
nagiging relihiyon ang interes na 'yon.
401
00:29:21,000 --> 00:29:24,360
Pwede mo bang ipaliwanag pa sa 'kin 'yan?
402
00:29:24,440 --> 00:29:27,400
Ang shamanism ay pag-iimbestiga
sa misteryo ng kamatayan.
403
00:29:29,320 --> 00:29:31,000
Ano'ng mangyayari pag namatay tayo?
404
00:29:31,520 --> 00:29:36,200
Ang paniniwala ay aalis ang kaluluwa
sa katawan, at maglalakbay sa kalawakan.
405
00:29:36,800 --> 00:29:39,720
Maglalakbay ang kaluluwa
pagkatapos ng kamatayan.
406
00:29:40,440 --> 00:29:44,480
Para bang sa mga kuwento natin
at sa sarili nating paglalakbay,
407
00:29:44,560 --> 00:29:48,000
habang lumalaki tayo,
may katotohanan 'yong kamatayan.
408
00:29:48,760 --> 00:29:49,920
Mayroong wakas.
409
00:29:50,880 --> 00:29:52,720
Oo. 'Yon ang diwa ng lahat.
410
00:29:52,800 --> 00:29:57,480
Parang nakakatakot itong pag-usapan,
pero mahalaga ito sa lahat ng tao.
411
00:29:57,560 --> 00:29:59,320
Haharapin nating lahat 'yon.
412
00:29:59,920 --> 00:30:04,880
Kadalasan, inilalarawan 'to na siyang
nagtutulak sa mga ginagawa natin.
413
00:30:04,960 --> 00:30:06,360
Oo.
414
00:30:06,440 --> 00:30:10,760
Mamamatay na 'ko, kaya may gagawin ako.
415
00:30:10,840 --> 00:30:15,600
Oo. At 'yon mismo 'yong sinasabi
ng mga turo ng shamanism,
416
00:30:16,400 --> 00:30:20,280
na dapat nating gamitin
nang maayos ang buhay.
417
00:30:20,360 --> 00:30:24,480
Oo. Tingin ko 'yon 'yong hamon sa atin.
418
00:30:25,080 --> 00:30:28,200
Dahil laganap sa buong mundo
ang paniniwalang 'yon,
419
00:30:28,280 --> 00:30:31,080
partikular 'yong paglalakbay sa Milky Way.
420
00:30:31,160 --> 00:30:33,560
Tingin ko di 'yon aksidenteng nangyari.
421
00:30:33,640 --> 00:30:37,720
Tingin ko ipinasa 'yon
ng isang ninunong kultura.
422
00:30:37,800 --> 00:30:38,640
Oo.
423
00:30:42,440 --> 00:30:44,320
Pero kailan ito ipinasa?
424
00:30:45,320 --> 00:30:49,440
Gaano na ba katagal
itong tradisyon ng shamanism
425
00:30:50,480 --> 00:30:53,080
ng pagsubaybay sa mga bagay sa kalawakan?
426
00:30:53,840 --> 00:30:57,480
Maaaring ang mga sagot
ay nasa isa sa mga unang pinuntahan ko
427
00:30:57,560 --> 00:30:59,720
sa paglalakbay ko sa Americas,
428
00:31:00,240 --> 00:31:05,200
sa kaibuturan ng kagubatan ng Amazon
sa sinaunang lugar ng Serra Do Paituna.
429
00:31:17,360 --> 00:31:21,320
Ginamit na canvas 'yong mga bato
para sa mga pambihirang art,
430
00:31:21,400 --> 00:31:25,120
at kailangang maunawaan
'yong mismong art na 'yon.
431
00:31:25,200 --> 00:31:26,800
Dapat mas maintindihan ito.
432
00:31:30,520 --> 00:31:32,320
Sa tangkang maintindihan 'yon,
433
00:31:32,400 --> 00:31:35,840
{\an8}natuon ang archeologist
na si Dr. Christopher Davis
434
00:31:35,920 --> 00:31:38,960
dito sa agaw-pansing imahe
na puno ng mga simbolo.
435
00:31:42,480 --> 00:31:46,200
Ipaliwanag mo sa 'kin
kung ano 'yong tinitingnan natin dito
436
00:31:46,280 --> 00:31:49,280
at ano'ng pagkakaunawa mo.
Ano'ng masasabi mo rito?
437
00:31:49,360 --> 00:31:53,080
Ito ang pinakamalaking imahe
sa lugar na 'to.
438
00:31:53,160 --> 00:31:54,960
- May 49 na kahon.
- Oo.
439
00:31:55,040 --> 00:31:58,000
Isa sa mga unang pagsubok ay alamin
440
00:31:58,080 --> 00:32:01,920
kung titingnan ba ito
mula sa kaliwa pakanan o kanan pakaliwa.
441
00:32:03,000 --> 00:32:05,640
Tila nag-iwan ng clue
ang mga sinaunang pintor.
442
00:32:07,120 --> 00:32:09,480
Dito, makikita mo 'yong imahe ng ahas.
443
00:32:09,560 --> 00:32:12,480
Ang galing. May imahe ng ahas d'yan.
444
00:32:12,560 --> 00:32:14,080
Itong dilaw na 'to.
445
00:32:14,880 --> 00:32:17,920
Dahil sa ahas, parang sinasabi sa 'tin
kung paano ito babasahin.
446
00:32:18,000 --> 00:32:21,160
Tama. 'Yong pattern na naiisip ko
447
00:32:21,240 --> 00:32:23,800
ay kapag binasa itong grid
448
00:32:23,880 --> 00:32:26,880
gaya sa sinusoidal pattern
na nagsisimula sa ibaba.
449
00:32:28,840 --> 00:32:32,680
Sa sinusoidal pattern, binabasa
ang mga kahon isang column pataas,
450
00:32:32,760 --> 00:32:34,160
tapos pababa naman,
451
00:32:34,240 --> 00:32:36,560
tapos pataas ulit, parang 'yong ahas.
452
00:32:37,800 --> 00:32:39,280
Pero para saan?
453
00:32:40,920 --> 00:32:42,400
No'ng tumingin siya sa kanluran,
454
00:32:42,480 --> 00:32:46,400
napansin ni Dr. Davis ang isang puwang
sa batuhang nasa malapit.
455
00:32:48,160 --> 00:32:51,880
Pag nakatayo ka sa harap,
sa likuran sa kanan mo,
456
00:32:51,960 --> 00:32:57,160
may bintanang bato na 'yong araw,
habang dumadaan dito at palubog,
457
00:32:57,240 --> 00:32:59,560
kalaunan, ay dadaan
sa gitna ng bintanang bato.
458
00:32:59,640 --> 00:33:03,720
Kaya naniniwala ako na posibleng
nililista nila 'yong galaw ng araw.
459
00:33:06,000 --> 00:33:10,000
Tinawag ni Dr. Davis ang listahang ito
na sunset capture tracker,
460
00:33:10,680 --> 00:33:14,520
isang mahusay na paraan para itala
ang galaw ng araw sa paglipas ng panahon,
461
00:33:15,240 --> 00:33:20,640
na ginawa higit 13,000 taon na
sa panahon ng huling Ice Age.
462
00:33:20,720 --> 00:33:21,840
NAKALIPAS NA 13,200 TAON
463
00:33:21,920 --> 00:33:23,400
Pero paano ito ginagamit?
464
00:33:24,560 --> 00:33:27,400
Merong mga X mark,
at meron ding mga single line.
465
00:33:28,000 --> 00:33:31,440
- Itong mga X na 'to, magkakasama 'to.
- Oo.
466
00:33:31,520 --> 00:33:35,840
At kung babasahin mo 'to
nang pataas at pababa nang ganito,
467
00:33:36,680 --> 00:33:39,280
darating ka
sa mga magkakasamang single line.
468
00:33:39,360 --> 00:33:43,720
Magkakasama 'tong mga patayong linya,
tapos babalik ka sa mga X.
469
00:33:43,800 --> 00:33:46,960
Itong mga patayong linya
ay 'yong mga kahon
470
00:33:47,040 --> 00:33:49,880
na sa tingin ko
ay tumapat sa sun capturing.
471
00:33:49,960 --> 00:33:53,280
At 'yong panahon na 'yon
ay nasa bandang winter solstice.
472
00:33:53,360 --> 00:33:56,640
Napakatalino. Ang husay.
473
00:34:02,640 --> 00:34:04,200
Hindi lang 'yong grid.
474
00:34:06,280 --> 00:34:10,880
Naniniwala si Dr. Davis na halos lahat
ng art dito ay sumusubaybay sa araw.
475
00:34:11,920 --> 00:34:16,840
Ang daming concentric circle
at iba pang imahe na parang 'yong araw.
476
00:34:16,920 --> 00:34:20,280
At partikular nilang tinutukoy
'yong winter solstice,
477
00:34:20,360 --> 00:34:23,000
at paikot papunta sa summer solstice.
478
00:34:24,040 --> 00:34:27,960
Marami pang art na nakaharap sa kanluran
ang tanda ng mga equinox.
479
00:34:28,480 --> 00:34:34,280
Ipinapakita ulit itong halos pagkahumaling
sa mga mahahalagang araw ng solar year.
480
00:34:34,360 --> 00:34:35,520
Oo, tama.
481
00:34:37,480 --> 00:34:41,720
Ang mga imaheng narito ay maaaring
ang pinakaunang ebidensiyang natagpuan
482
00:34:41,800 --> 00:34:43,480
sa buong Americas
483
00:34:43,560 --> 00:34:46,680
ng mga taong itinatala
ang mga kaganapan sa kalawakan.
484
00:34:48,720 --> 00:34:52,040
Parang ang lahat ng ito
ay isang malaking makina
485
00:34:52,120 --> 00:34:54,480
para subaybayan ang paglipas ng panahon?
486
00:34:55,000 --> 00:34:58,760
'Yon ang paniwala ko. Para 'tong almanac
na isinulat gamit ang mga larawan.
487
00:35:01,120 --> 00:35:07,480
Isa itong siyentipikong pag-iisip
ng mismong mga artist,
488
00:35:07,560 --> 00:35:11,320
na parang may inoobserbahan silang
mga pangyayari sa kalawakan
489
00:35:13,720 --> 00:35:16,920
at naiintindihan nila
'yong siyensiya ng oras
490
00:35:17,960 --> 00:35:20,960
kaya may kakayahan sila
na mahulaan ang mangyayari
491
00:35:21,040 --> 00:35:22,960
sa mga partikular na petsa sa hinaharap.
492
00:35:25,120 --> 00:35:27,440
Para 'tong scientific project
para sa kanila?
493
00:35:27,520 --> 00:35:28,840
Oo, tama.
494
00:35:28,920 --> 00:35:32,080
Mukhang shamanistic 'yong mismong mga art.
495
00:35:32,160 --> 00:35:33,920
Pananaw ko lang naman 'yon.
496
00:35:34,000 --> 00:35:35,880
Gawa kaya ito ng mga shaman?
497
00:35:35,960 --> 00:35:37,200
Posible.
498
00:35:37,280 --> 00:35:41,480
Marami silang trabaho,
scientist sila, doktor, lahat.
499
00:35:41,560 --> 00:35:42,400
Oo.
500
00:35:42,480 --> 00:35:47,000
Kadalasan, may sagradong kaalaman sila,
gaya ng pagsubaybay sa mga bituin.
501
00:35:48,080 --> 00:35:51,440
Sa palagay mo ba
lumaganap 'yon sa buong Americas?
502
00:35:51,520 --> 00:35:56,160
Oo. Makikita sa buong lugar
'yong kaalaman sa paggamit ng astronomy.
503
00:35:56,240 --> 00:36:02,240
Kaya mukhang ginagamit ito
ng mga Maya at ng iba pang mga kultura.
504
00:36:04,000 --> 00:36:07,120
Sa American Southwest,
may mga chief kami na tagaobserba ng araw.
505
00:36:08,080 --> 00:36:11,800
Kaya parang napakatagal na nga
ng lahat ng paniniwalang ito
506
00:36:12,760 --> 00:36:17,440
na galing sa isang malalim na kaalaman
na kumalat sa buong Americas.
507
00:36:20,040 --> 00:36:25,000
Itong pagkahumaling sa kalawakan
ay isa lamang sa mga paulit-ulit na tema
508
00:36:25,600 --> 00:36:30,040
na paulit-ulit kong naririnig
sa buong Americas,
509
00:36:33,800 --> 00:36:37,400
mga paniniwalang may mahalagang papel
sa 30 taon kong paghahanap
510
00:36:37,480 --> 00:36:40,040
sa isang nalimutang yugto
sa kasaysayan ng tao.
511
00:36:45,720 --> 00:36:48,200
Saan nanggaling ang mga paniniwalang ito?
512
00:36:48,280 --> 00:36:53,600
Para sa 'kin, mga indikasyon ito
ng iisang pinagmulan,
513
00:36:53,680 --> 00:36:57,880
na ipinasa ang mga paniniwalang ito
sa iba't ibang mga kultura ng tao,
514
00:36:57,960 --> 00:37:00,640
pero nanatiling buo
ang mga paniniwalang 'yon.
515
00:37:02,360 --> 00:37:06,600
Maliban na lang kung isa itong
napakapambihirang aksidente,
516
00:37:06,680 --> 00:37:09,160
narito ang isang pamana na nanggaling
517
00:37:09,240 --> 00:37:13,480
sa napakalayong sinaunang panahon
at iningatan at ipinasa at pinayabong
518
00:37:13,560 --> 00:37:16,680
ng iba't ibang mga kultura
sa buong Americas.
519
00:37:20,120 --> 00:37:23,400
Marahil isang pamana
na iniwan ng mga manlalayag
520
00:37:23,480 --> 00:37:26,480
na kayang tumawid
sa mga karagatang kasinglawak ng Pacific
521
00:37:27,360 --> 00:37:31,040
libong taon bago aminin ng mga scholar
na posible ang mga gano'ng paglalakbay.
522
00:37:32,320 --> 00:37:35,960
Isang kultura na alam kung paano gamitin
ang kapangyarihan ng mga halaman
523
00:37:36,040 --> 00:37:38,040
para makalikha ng mga pangitain
524
00:37:39,680 --> 00:37:43,720
tungkol sa mga geometric pattern
at makaharap ang mga mahiwagang nilalang,
525
00:37:44,240 --> 00:37:48,760
mga napakahalagang pangitain
na magiging batayan ng kanilang sining.
526
00:37:50,280 --> 00:37:52,400
At isang kultura na nagbahagi ng kaalaman
527
00:37:52,480 --> 00:37:56,120
kung paano lumikha
ng mga makabagong estruktura,
528
00:37:56,200 --> 00:37:57,600
gawa man sa bato
529
00:37:58,160 --> 00:38:00,200
o gawa sa mismong lupa,
530
00:38:01,280 --> 00:38:03,600
mga estrukturang
may espiritwal na kahulugan,
531
00:38:03,680 --> 00:38:06,040
na idinisenyo para ibuklod
ang lupa sa kalawakan,
532
00:38:06,560 --> 00:38:09,640
ipinagdiriwang ang paglalakbay ng kaluluwa
sa kabilang buhay.
533
00:38:10,440 --> 00:38:14,880
Masasabi kong itong pare-parehong
paniniwala at espiritwal na tema
534
00:38:14,960 --> 00:38:16,800
na laganap sa buong mundo
535
00:38:16,880 --> 00:38:21,640
ay isa sa pinakamagandang ebidensiya
ng nawawalang sibilisasyon ng prehistory
536
00:38:23,840 --> 00:38:25,040
na matutuklasan natin.
537
00:38:26,200 --> 00:38:30,200
Diyos ko. Pag-uusapan natin
lahat ng maling paniniwala noong kabataan
538
00:38:30,280 --> 00:38:33,800
tungkol sa kuwento ng mundo.
539
00:38:33,880 --> 00:38:36,760
Nagbabago 'yong kuwento
ng pagdami ng mga tao sa Americas,
540
00:38:36,840 --> 00:38:38,680
at dahil 'yon sa science.
541
00:38:38,760 --> 00:38:43,000
Scientific archeology ang nagsisiwalat
nitong mga bagong impormasyon.
542
00:38:45,000 --> 00:38:48,720
Ang sinasabi ko ay naisasantabi
'yong mga lumang paniniwala.
543
00:38:49,280 --> 00:38:52,240
Malinaw na lalo pang tumatanda
ang mga ito.
544
00:38:53,600 --> 00:38:57,040
Anong bagong ebidensiya
ang susunod na lalabas?
545
00:39:34,000 --> 00:39:36,920
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz