1
00:00:07,173 --> 00:00:09,703
Si Sang ay isip-bata
at mataas ang tingin sa sarili,
2
00:00:09,903 --> 00:00:11,493
pero hindi siya masamang tao.
3
00:00:11,693 --> 00:00:13,373
- Ano pong hanap n'yo?
- Regus Patoff.
4
00:00:13,573 --> 00:00:16,413
Papayuhan ko si Mr. Sang sa negosyo.
5
00:00:16,613 --> 00:00:21,423
At makikita n'yo… na ipapaliwanag nito
ang mga kahilingan ni Mr. Sang.
6
00:00:21,623 --> 00:00:22,463
Sino nang may-ari sa atin?
7
00:00:22,663 --> 00:00:23,963
Ang nag-iisang kamag-anak ni Sang.
8
00:00:24,163 --> 00:00:26,753
Ang nanay niyang nasa Busan
at 'di marunong mag-Ingles.
9
00:00:26,953 --> 00:00:28,093
Ano'ng trabaho mo rito?
10
00:00:28,293 --> 00:00:30,053
Ako ang creative liaison ni Sang.
11
00:00:30,253 --> 00:00:32,893
- "Creative liaison"?
- Pinaganda ko ang tawag sa akin.
12
00:00:33,093 --> 00:00:35,513
Kung gayon, sinasabi mong,
bigla lang pumasok ang isang ito
13
00:00:35,713 --> 00:00:38,433
at pinapirma si Sang
para magkaroon ng awtoridad dito?
14
00:00:38,633 --> 00:00:39,353
'Di ako naniniwala.
15
00:00:39,553 --> 00:00:42,543
Naaamoy mo ba iyon? Parang bulok na prutas
16
00:01:17,363 --> 00:01:18,603
Hello?
17
00:01:18,803 --> 00:01:21,453
Elaine? Si Regus Patoff ito.
18
00:01:22,493 --> 00:01:25,623
Mr. Pat… Ayos lang ba ang lahat?
19
00:01:26,623 --> 00:01:27,713
Alas…
20
00:01:28,923 --> 00:01:30,423
Alas-tres pa lang ng umaga.
21
00:01:32,043 --> 00:01:34,413
Tinawagan kita kung puwede ka bang pumunta
22
00:01:34,613 --> 00:01:37,633
sa opisina nang mas maaga.
23
00:01:42,143 --> 00:01:45,683
Sige. Kung mahalaga ito,
makapupunta ako riyan nang 8:00.
24
00:01:47,103 --> 00:01:48,443
Nakakadismaya naman iyan.
25
00:01:49,103 --> 00:01:51,813
Umaasa ako nang mas maaga pa.
26
00:02:14,253 --> 00:02:15,503
Hello?
27
00:02:15,713 --> 00:02:18,453
Elaine? Si Regus Patoff ito.
28
00:02:18,653 --> 00:02:20,623
Oo, Mr. Patoff, kausap lang kita kanina.
29
00:02:20,823 --> 00:02:23,123
Tinawagan kita kung puwede ka bang pumunta
30
00:02:23,323 --> 00:02:26,353
sa opisina nang mas maaga?
31
00:02:29,693 --> 00:02:31,443
Bigyan mo ako ng 40 minuto.
32
00:02:36,153 --> 00:02:37,863
ANG SESSION MO AY NAGWAKAS NA
33
00:03:16,193 --> 00:03:17,973
Ako si Elaine Hayman.
34
00:03:18,173 --> 00:03:21,363
Martes ngayon, 3:23 ng madaling-araw,
35
00:03:21,863 --> 00:03:23,953
at sa oras ng pagrerekord nito,
36
00:03:24,153 --> 00:03:27,913
nagmamaneho ako papunta sa opisina
ng CompWare sa downtown LA.
37
00:03:30,003 --> 00:03:34,573
Kung may mangyari man sa akin,
at makuha ang mensaheng ito sa cloud ko,
38
00:03:34,773 --> 00:03:38,213
sana maliwanagan kayo sa kung ano
ang maaaring nangyari.
39
00:03:40,923 --> 00:03:44,373
Bilang creative liaison ng isa
sa pinakamatagumpay na mobile game studios
40
00:03:44,573 --> 00:03:45,643
sa Los Angeles,
41
00:03:46,393 --> 00:03:48,603
nagtatrabaho ako nang mahahabang oras.
42
00:03:50,393 --> 00:03:53,773
Dati pa man, handa akong gawin ang lahat
para magtagumpay.
43
00:03:55,403 --> 00:03:57,843
Pero 'di ko alam kung saan galing
ang lalaking ito,
44
00:03:58,043 --> 00:04:00,613
ewan ko kung paano siya umabot
sa posisyong ito,
45
00:04:03,033 --> 00:04:05,533
at hindi ko alam ang awtoridad
na dala niya.
46
00:04:10,373 --> 00:04:11,453
Pasok.
47
00:04:15,253 --> 00:04:16,673
Bakit ngayon ka lang?
48
00:04:18,383 --> 00:04:21,763
- Galing pa ako sa Valley.
- 'Di pwedeng sa mas malapit ka tumira?
49
00:04:23,343 --> 00:04:26,183
May mga kasama ako sa apartment
na dalawang aktor.
50
00:04:27,093 --> 00:04:29,213
Iyon lang ang kaya namin.
51
00:04:29,403 --> 00:04:31,353
4866 Magnolia.
52
00:04:34,853 --> 00:04:36,003
Alam mo ang bahay ko?
53
00:04:36,203 --> 00:04:39,843
Kasama mo sina Elijah at Daisy.
54
00:04:40,043 --> 00:04:41,693
Mga hindi sikat na aktor.
55
00:04:42,533 --> 00:04:43,823
Ano iyan?
56
00:04:44,743 --> 00:04:45,723
Tungkol ba iyan sa akin?
57
00:04:45,923 --> 00:04:47,183
Iyan ang personnel file mo.
58
00:04:47,383 --> 00:04:49,163
Nakita ko sa records room.
59
00:04:50,203 --> 00:04:52,623
- May records room tayo?
- Syempre naman.
60
00:04:53,373 --> 00:04:56,333
Bawat kompanyang kinonsulta ko,
may records room.
61
00:04:57,333 --> 00:05:00,253
Akala ko lang kasi, nasa server ang lahat.
62
00:05:00,963 --> 00:05:03,113
Nangako si Sang na carbon neutral tayo.
63
00:05:03,313 --> 00:05:05,623
Marami kang matututunan sa files na ito.
64
00:05:05,823 --> 00:05:08,373
Halimbawa, alam mo bang
ang average na edad
65
00:05:08,573 --> 00:05:12,063
ng mga empleyado sa CompWare ay 27.
Ikaw, 27 taong gulang ka.
66
00:05:12,513 --> 00:05:15,883
Na ang average na lebel ng edukasyon dito
ay bachelor's degree?
67
00:05:16,083 --> 00:05:17,673
May bachelor's degree ka.
68
00:05:17,873 --> 00:05:20,773
Na ang average salary dito ay $62,000?
69
00:05:21,943 --> 00:05:24,363
Mas mababa lang nang kaunti ang sahod mo.
70
00:05:26,243 --> 00:05:28,683
Ipinatawag mo ako nang alas-tres ng umaga,
71
00:05:28,883 --> 00:05:31,583
nang nakapantulog,
para sabihin sa aking average lang ako?
72
00:05:37,713 --> 00:05:40,653
Assorted churros. Dalawang cinnamon,
73
00:05:40,853 --> 00:05:44,383
dalawang matcha-crunch,
dalawang dark chocolate na may pistachio.
74
00:05:49,223 --> 00:05:51,053
- Elaine?
- Ano?
75
00:05:51,933 --> 00:05:55,603
Cinnamon, matcha-crunch,
o dark chocolate na may pistachio?
76
00:05:57,643 --> 00:05:59,423
Hindi ako nag-aalmusal.
77
00:05:59,623 --> 00:06:03,073
Ang layo ng imamaneho mo
para makabili ng churros sa ganitong oras.
78
00:06:04,073 --> 00:06:05,733
Iyon lang, Dana.
79
00:06:11,573 --> 00:06:12,573
Maupo ka.
80
00:06:21,383 --> 00:06:23,133
Bakit ako narito, Mr. Patoff?
81
00:06:25,553 --> 00:06:27,953
May flight na umalis sa Seoul airport
82
00:06:28,153 --> 00:06:31,493
isang oras at dalawampung minuto
ang nakalipas patungong Los Angeles.
83
00:06:31,693 --> 00:06:33,413
May pasahero doon
84
00:06:33,613 --> 00:06:35,973
na makasasagabal sa interes ni Mr. Sang.
85
00:06:36,643 --> 00:06:39,603
Hindi dapat nila makumpleto ang biyahe.
86
00:06:42,903 --> 00:06:45,733
Gusto mong pabalikin ko
ang isang commercial aircraft?
87
00:06:46,533 --> 00:06:47,303
Habang bumibiyahe?
88
00:06:47,503 --> 00:06:49,763
Natural ka sa paglutas
ng problema, Elaine.
89
00:06:49,963 --> 00:06:52,163
- Sabi sa file mo.
- Talaga?
90
00:06:54,373 --> 00:06:57,833
Sino ang nasa flight?
91
00:07:03,463 --> 00:07:04,593
Si Ahn Si-Woo.
92
00:07:06,303 --> 00:07:07,303
Ang nanay ni Sang?
93
00:07:08,263 --> 00:07:09,343
Pupunta siya rito?
94
00:07:10,473 --> 00:07:15,433
Gusto niyang sirain ang lahat
ng ginawa ni Mr. Sang.
95
00:07:17,643 --> 00:07:19,103
Ang pangarap niya.
96
00:07:20,813 --> 00:07:21,893
Ang tadhana niya.
97
00:07:25,113 --> 00:07:26,673
Tinira niya ang ano?
98
00:07:26,873 --> 00:07:27,733
Ang mukha niya.
99
00:07:28,323 --> 00:07:29,443
Ang bibig niya.
100
00:07:30,113 --> 00:07:33,103
Ang lalamunan niya lang…
Nang hindi maganda.
101
00:07:33,303 --> 00:07:35,683
Babe, iparating n'yo na sa awtoridad.
102
00:07:35,883 --> 00:07:37,693
Hindi. Hindi namin gagawin iyon.
103
00:07:37,883 --> 00:07:39,913
"Namin"? Sino pang nakakita nito?
104
00:07:40,913 --> 00:07:42,373
Kami lang ni Elaine.
105
00:07:44,253 --> 00:07:46,043
Nagsasama na naman kayo?
106
00:07:46,753 --> 00:07:50,093
Hindi. Magkasama lang kami
sa papalubog na bangka.
107
00:07:53,183 --> 00:07:54,183
Oo.
108
00:08:00,643 --> 00:08:04,193
Dadaan ako pagkatapos ng trabaho
at pwede kang tumulong sa pamimili.
109
00:08:04,773 --> 00:08:05,773
Aabangan ko iyan.
110
00:08:06,693 --> 00:08:08,403
- Mahal kita.
- Ingat.
111
00:08:09,943 --> 00:08:12,513
At, babe, kapag sinubukan ng mamang iyon
112
00:08:12,713 --> 00:08:15,863
na subuan ka ng kahit ano,
magsumbong ka kay Mama.
113
00:08:16,623 --> 00:08:17,623
Okey.
114
00:08:31,423 --> 00:08:32,323
Ano'ng nangyari?
115
00:08:32,523 --> 00:08:35,163
Binura niya ang lahat ng ginagawa natin.
116
00:08:35,363 --> 00:08:37,643
- Kailan?
- Kaninang 5:30 ng umaga.
117
00:08:49,773 --> 00:08:50,863
Ano'ng…
118
00:08:51,443 --> 00:08:54,093
Hindi niya pwedeng ibasura na lang
lahat ng ginagawa natin.
119
00:08:54,293 --> 00:08:56,013
Wala na raw ang Kerfuffle.
120
00:08:56,213 --> 00:08:58,473
Siyamnapu't lima
ang naghahanap na ng trabaho.
121
00:08:58,673 --> 00:08:59,833
Kerfuffle!
122
00:09:02,333 --> 00:09:03,663
Hindi. Gago siya.
123
00:09:04,753 --> 00:09:05,963
Gago siya.
124
00:09:12,923 --> 00:09:14,133
Saan ka pupunta?
125
00:09:14,763 --> 00:09:17,913
Sampung linggo akong nagmo-motion capture
ng mga tumataeng pusa.
126
00:09:18,113 --> 00:09:21,103
Bakit? Kasi binayaran ako ni Sang
ng $5,800 kada buwan para doon.
127
00:09:21,723 --> 00:09:23,003
Tinanggap ko na 'yon.
128
00:09:23,203 --> 00:09:27,133
Ngayon, biglang dumating ang hayop na 'to
at inisip na pwede niyang itapon iyon.
129
00:09:27,333 --> 00:09:29,003
Craig, umuwi ka na.
130
00:09:29,203 --> 00:09:33,133
- Pag-isipan mo muna bago ka magsisi.
- Bahala na.
131
00:09:33,333 --> 00:09:36,363
- Oo. Pero kakaiba ang mood niya.
- Siya ang kakaibang mood!
132
00:09:36,823 --> 00:09:38,243
- Tabi.
- Teka.
133
00:09:39,163 --> 00:09:41,183
Parating ang nanay ni Sang mula sa Seoul.
134
00:09:41,383 --> 00:09:43,233
- Ano?
- Darating na ang flight niya.
135
00:09:43,433 --> 00:09:45,043
Bakit 'di mo sinabi sa akin?
136
00:09:46,083 --> 00:09:48,373
Diyos ko!
Muntik na akong umalis sa trabaho.
137
00:09:49,793 --> 00:09:51,613
'Di ko alam ang mga intensyon niya.
138
00:09:51,813 --> 00:09:54,253
Teka. Nagdala kaya siya ng mga abogado?
139
00:09:59,553 --> 00:10:01,413
- Ano na?
- Magbabago tayo ng estratehiya.
140
00:10:01,613 --> 00:10:02,763
Mag-usap tayo.
141
00:10:03,933 --> 00:10:06,423
Ganito ang gagawin. Yuyuko lang tayo,
142
00:10:06,623 --> 00:10:08,423
at magkukunwaring abala dahil 'yong bago,
143
00:10:08,623 --> 00:10:10,603
hindi na siya magtatagal.
144
00:10:36,923 --> 00:10:39,673
Paumanhin… Pwede mo ba akong tulungan?
145
00:10:41,183 --> 00:10:43,183
Pasensya na. Hindi kita maintindihan.
146
00:10:44,513 --> 00:10:47,883
Mamili ka ng lengguwahe at…
147
00:10:48,073 --> 00:10:49,213
Sandali lang.
148
00:10:49,413 --> 00:10:52,063
Magpapakita muna ako ng ilang ads.
149
00:10:53,613 --> 00:10:55,613
Si Sang-woo… Ako ang nanay niya…
150
00:10:57,323 --> 00:11:00,353
- Mrs. Ahn?
- Sang. Sang Woo.
151
00:11:00,553 --> 00:11:02,433
Oo. Nasa tamang lugar ka.
152
00:11:02,633 --> 00:11:05,183
Ako si Elaine Hayman.
Nakatrabaho ko ang anak n'yo.
153
00:11:05,383 --> 00:11:06,333
Halika, maupo ka.
154
00:11:07,333 --> 00:11:09,333
Rosie, pwedeng dalhan mo kami ng tubig?
155
00:11:10,503 --> 00:11:11,713
Akin na ang bag mo.
156
00:11:18,383 --> 00:11:20,803
Mga kaibigan, makinig kayo.
157
00:11:30,683 --> 00:11:33,773
May espesyal tayong bisita ngayon.
158
00:11:34,273 --> 00:11:35,443
Si Mama Sang.
159
00:11:36,273 --> 00:11:41,703
Na ang anak ay bayolente at brutal
na pinatay sa mismong lugar na ito.
160
00:11:42,743 --> 00:11:46,033
Sa ngalan ng mga mabubuting
tagapaglingkod ni Mr. Sang…
161
00:11:47,283 --> 00:11:51,333
Tanggalin natin ang sakit
na nararamdaman mo.
162
00:12:21,693 --> 00:12:22,693
Magsalita ka.
163
00:12:23,613 --> 00:12:24,823
Buksan mo ang puso mo.
164
00:12:31,543 --> 00:12:33,543
Ang anak ko…
165
00:12:35,543 --> 00:12:37,253
ay mabuting bata.
166
00:12:37,673 --> 00:12:39,343
Mabuting bata si Sang.
167
00:12:41,463 --> 00:12:44,803
Puno siya ng pagmamahal sa puso.
168
00:12:45,723 --> 00:12:46,893
Minahal niya tayong lahat.
169
00:12:48,353 --> 00:12:49,683
Pero…
170
00:12:50,513 --> 00:12:53,183
kinuha siya ng diyablo.
171
00:12:56,443 --> 00:12:59,613
Upang papurihan ang alaala niya,
paghusayan pa natin ang trabaho.
172
00:13:40,443 --> 00:13:44,653
Dana, alam ba natin kung may tutuluyan
si Mama Sang mamayang gabi?
173
00:13:45,153 --> 00:13:47,453
Pumasok siyang may dalang maleta.
174
00:13:47,783 --> 00:13:49,533
Walang nagsabi sa akin.
175
00:13:50,203 --> 00:13:52,063
I-book mo siya ng kuwarto sa Penrith.
176
00:13:52,263 --> 00:13:55,523
Doon dinadala ni Sang ang lahat
ng mga bumibisitang VIP.
177
00:13:55,723 --> 00:13:57,983
Doon din niya dadalhin ang nanay niya.
178
00:13:58,183 --> 00:13:59,573
Sandali, nalilito ako.
179
00:13:59,773 --> 00:14:01,943
Ako na ba ang assistant niya,
o ikaw pa rin?
180
00:14:02,143 --> 00:14:04,423
Ikaw. Ako ang creative liaison.
181
00:14:06,013 --> 00:14:08,013
Sabihin mo nga ulit. Ano iyon?
182
00:14:09,763 --> 00:14:13,213
Gaano kalaking pressure kaya ang kailangan
para mabasag iyang salamin?
183
00:14:13,403 --> 00:14:15,083
- Upskirt Gallery?
- Oo.
184
00:14:15,283 --> 00:14:17,583
Pwede kang maglagay ng elepante riyan.
185
00:14:17,783 --> 00:14:20,803
Hindi elepante. Mga rhinoceros siguro.
186
00:14:21,003 --> 00:14:24,903
- Mas mabigat ang dalawa n'on sa elepante.
- Parang hindi tama.
187
00:14:26,323 --> 00:14:27,933
Uy, gusto mong mananghalian?
188
00:14:28,133 --> 00:14:30,473
Pasensya na, abala kami
sa pagkukunwaring abala.
189
00:14:30,673 --> 00:14:31,643
Ano'ng alam mo?
190
00:14:31,843 --> 00:14:35,523
Ang bigat ng elepante ay 13,000 pounds
at ang mga rhino ay 7,000 pounds.
191
00:14:35,723 --> 00:14:38,483
Napakatibay ng salamin,
pwedeng magtirahan ang elepante sa taas.
192
00:14:38,683 --> 00:14:40,923
- Pustahan tayo?
- Ayoko.
193
00:14:41,883 --> 00:14:44,793
Ang totoo… Manananghalian muna kami.
194
00:14:46,423 --> 00:14:48,213
Kailan darating ang tulong?
195
00:14:48,673 --> 00:14:50,953
Baka wala pa siyang nire-retain.
196
00:14:51,153 --> 00:14:53,663
Dalawang linggo pa lang.
Nagluluksa pa siya.
197
00:14:53,863 --> 00:14:56,543
Syempre, marunong siyang mag-Korean.
Bakit hindi?
198
00:14:56,743 --> 00:14:59,253
Paano kung papirmahin siya ng kung ano?
199
00:14:59,453 --> 00:15:02,923
- Alam ko ba ang lahat ng sagot?
- Baka abutin ito nang ilang buwan.
200
00:15:03,123 --> 00:15:05,383
- Kung ganoon, maghihintay tayo!
- Hindi pwede!
201
00:15:05,583 --> 00:15:06,973
Nakita mo ang ginawa niya kay Sang.
202
00:15:07,173 --> 00:15:09,783
'Di natin kayang magtrabaho
sa gagong iyon, 'di ba?
203
00:15:12,283 --> 00:15:13,953
Ang ilan sa atin, kaya.
204
00:15:14,323 --> 00:15:16,953
Kailangan ko lang ng anim na buwan
sa titulong ito.
205
00:15:17,703 --> 00:15:20,863
'Di ako magagawan ni Sang
ng personal reference. Si Patoff, pwede.
206
00:15:21,063 --> 00:15:24,573
Tingin mo, mapapabilib mo siya
sa pantulog at pantali sa buhok?
207
00:15:24,773 --> 00:15:28,783
Pinapasok niya ako ng 3:00 ng umaga
para pigilan ang bumibiyaheng 747.
208
00:15:28,983 --> 00:15:30,033
Baliw talaga siya.
209
00:15:30,233 --> 00:15:32,513
- Gawin natin ang nararapat.
- Tama.
210
00:15:34,013 --> 00:15:35,853
Pagod na pagod na ako. Ewan ko…
211
00:15:36,473 --> 00:15:37,683
Ano ang tama?
212
00:15:39,643 --> 00:15:42,713
- Ibigay natin kay Mama Sang ang tape.
- 'Di na kailangan.
213
00:15:42,913 --> 00:15:46,843
'Di niya kailangang makita iyon,
pero mapapabilis ang pagpapaalis.
214
00:15:47,043 --> 00:15:48,783
Ano na namang balak niya ngayon?
215
00:15:54,113 --> 00:15:55,873
Aalis ka, Mr. Patoff?
216
00:15:56,743 --> 00:16:00,903
Napakabait ni Dana para i-book
si Mama Sang ng kuwarto sa Penrith.
217
00:16:01,103 --> 00:16:02,713
Sasamahan ko siya roon ngayon.
218
00:16:03,753 --> 00:16:06,153
Mr. Patoff. Ipinapabigay sa 'yo ni Dana.
219
00:16:06,353 --> 00:16:07,903
Ang address ng hotel.
220
00:16:08,103 --> 00:16:09,923
Kunan ko ho ba kayo ng sasakyan?
221
00:16:10,553 --> 00:16:14,333
Mas gugustuhin ni Mr. Sang
na personal kong samahan ang nanay niya.
222
00:16:14,533 --> 00:16:17,973
Titiyakin kong ligtas siyang makakarating
sa hotel niya.
223
00:16:18,263 --> 00:16:20,933
Dito po, madam.
224
00:16:23,233 --> 00:16:24,443
Ang maleta niya.
225
00:16:27,813 --> 00:16:30,573
Ano'ng gagawin namin kung wala ka, Elaine?
226
00:16:37,453 --> 00:16:41,023
Ano'ng tawag kapag tinira ng isang tao
ang parehong anak at nanay?
227
00:16:41,223 --> 00:16:43,003
May tawag dapat doon.
228
00:17:04,983 --> 00:17:10,223
Uy, Iain, kung gusto kong makita ang
personnel file ko, kanino ako magtatanong?
229
00:17:10,413 --> 00:17:12,933
Mag-fill out ka lang ng request,
makukuha mo iyon sa email.
230
00:17:13,133 --> 00:17:15,223
Hindi, ang kopya sa papel.
231
00:17:15,423 --> 00:17:18,533
- Gusto kong makita ang nasa records room.
- Nasa ano?
232
00:17:18,913 --> 00:17:20,123
Records room.
233
00:17:21,703 --> 00:17:23,873
Hindi mo alam ang tungkol sa records room?
234
00:17:24,333 --> 00:17:26,123
Parang may bodega tayo.
235
00:17:26,873 --> 00:17:27,873
Nasaan?
236
00:18:27,393 --> 00:18:28,773
- Ano'ng ginagawa mo?
- Lintik.
237
00:18:29,893 --> 00:18:32,513
Hindi! Hindi.
238
00:18:32,713 --> 00:18:34,843
Kung hindi mo ito ibibigay
kay Mama Sang, ako na,
239
00:18:35,043 --> 00:18:38,033
kasi hindi ako pupunta rito bukas
kung nandito pa siya.
240
00:18:43,073 --> 00:18:45,163
Sige. Ako na.
241
00:18:46,493 --> 00:18:47,703
Pangako?
242
00:19:13,313 --> 00:19:14,403
Salamat.
243
00:19:19,033 --> 00:19:20,403
Hi. Check in po?
244
00:19:20,993 --> 00:19:22,563
May bibisitahin akong guest.
245
00:19:22,763 --> 00:19:24,493
Naka-book sa CompWare.
246
00:19:27,083 --> 00:19:28,483
May reservation kami,
247
00:19:28,683 --> 00:19:31,153
pero wala pang nag-check in
sa booking na iyon.
248
00:19:31,353 --> 00:19:32,293
Wala siya rito?
249
00:19:55,733 --> 00:19:56,513
Uy.
250
00:19:56,713 --> 00:19:59,383
Nasa hotel ako,
pero 'di pa siya nag-check in.
251
00:19:59,583 --> 00:20:00,943
Ano? 'Di ba ipinagmaneho niya siya?
252
00:20:01,953 --> 00:20:03,353
Baka naghapunan sila.
253
00:20:03,553 --> 00:20:07,033
Baka nasa trunk siya ng kotse niya,
at chop-chop na.
254
00:20:11,373 --> 00:20:13,903
- Pucha, nandito siya.
- Sa apartment mo?
255
00:20:14,103 --> 00:20:16,113
Hindi, sa opisina. Kakapasok niya lang.
256
00:20:16,313 --> 00:20:18,213
- Mag-isa siya?
- Hindi ko alam.
257
00:20:19,673 --> 00:20:20,613
Oo, mag-isa siya.
258
00:20:20,813 --> 00:20:21,913
Tanungin mo kung nasaan siya.
259
00:20:22,113 --> 00:20:23,513
Ikaw ang magtanong.
260
00:20:25,803 --> 00:20:27,183
Sige.
261
00:20:27,383 --> 00:20:28,433
Sige, paalam.
262
00:20:41,403 --> 00:20:44,223
Gabi na para tawagan mo ako, Elaine.
263
00:20:44,423 --> 00:20:48,683
Alam ko, pasensya na.
Nag-ambagan lang kasi ang mga staff
264
00:20:48,883 --> 00:20:51,943
at naisip na magandang bigyan
ang nanay ni Sang ng bulaklak,
265
00:20:52,143 --> 00:20:54,123
o kaya prutas.
266
00:20:54,583 --> 00:20:56,363
Mahal naming lahat si Sang.
267
00:20:56,563 --> 00:20:58,423
Kung ayos lang.
268
00:20:59,093 --> 00:21:03,553
Sa anong room o suite number
ipapadala iyon, Mr. Patoff?
269
00:21:04,633 --> 00:21:07,583
Sa Penrith naman siya naka-check in,
hindi ba?
270
00:21:07,783 --> 00:21:10,083
Hindi. May ibang plano si Mother Sang.
271
00:21:10,283 --> 00:21:12,143
Pwede nating ikansela ang hotel.
272
00:21:14,393 --> 00:21:15,733
Nasaan siya?
273
00:21:17,193 --> 00:21:18,733
Hindi niya sinabi.
274
00:21:20,023 --> 00:21:21,973
Pero inihatid mo siya kung saan,
275
00:21:22,173 --> 00:21:23,593
kasama ng maleta niya?
276
00:21:23,793 --> 00:21:25,863
Saan nga ba kami galing?
277
00:21:26,613 --> 00:21:29,123
Oo, isipin mo.
278
00:21:30,623 --> 00:21:33,733
Naaalala kong may maliliit na bangka
279
00:21:33,933 --> 00:21:37,123
na mukhang gangsa
na inisip kong nakakatawa.
280
00:21:40,463 --> 00:21:44,363
Dana, tawagan mo ang lahat
ng mga hotel sa paligid ng MacArthur Park
281
00:21:44,563 --> 00:21:47,333
at hanapin mo kung may naka-check in
na Ahn Si-Woo.
282
00:21:47,533 --> 00:21:49,143
Naliligo ako, Elaine.
283
00:21:49,343 --> 00:21:51,183
Oo, pero hawak mo ang phone mo.
284
00:22:05,533 --> 00:22:08,113
NAIPIT SA TRAPIKO. 30 MINS. PASENSYA NA
PATTI
285
00:22:28,053 --> 00:22:29,203
Paumanhin.
286
00:22:29,403 --> 00:22:33,043
May nakita ba kayong Koreana,
nasa 50, may bitbit na purple na maleta?
287
00:22:33,243 --> 00:22:34,473
Pasensya na, wala.
288
00:22:39,063 --> 00:22:40,193
Paumanhin.
289
00:22:40,853 --> 00:22:45,023
May hinahanap akong matandang Koreana
na may purple na maleta.
290
00:22:45,403 --> 00:22:46,403
Wala.
291
00:22:58,503 --> 00:23:01,083
- Craig.
- Mr. Patoff.
292
00:23:01,793 --> 00:23:03,943
Nagtatrabaho ka pa rin. Kahanga-hanga.
293
00:23:04,143 --> 00:23:06,173
Hinihintay ko lang ang sundo ko.
294
00:23:07,673 --> 00:23:08,803
Ano iyan?
295
00:23:09,763 --> 00:23:11,623
Hindi pa buo ito.
296
00:23:11,823 --> 00:23:13,393
Ipaliwanag mo sa akin.
297
00:23:14,803 --> 00:23:19,003
Sige. Base ito sa tibay ng salamin.
298
00:23:19,203 --> 00:23:20,753
Kita mo ang asul na linya rito?
299
00:23:20,953 --> 00:23:23,553
Naka-link ito sa URL
ng isang glass load calculator.
300
00:23:23,753 --> 00:23:27,023
Mas makapal ang salamin,
mas marami ang malalagay mo. Kaya…
301
00:23:28,073 --> 00:23:30,363
Elepante, at ayos iyon.
302
00:23:30,823 --> 00:23:34,453
Tapos elepante at rhino, ayos pa rin.
303
00:23:35,913 --> 00:23:37,743
Elepante, rhino, unggoy.
304
00:23:40,503 --> 00:23:41,503
Masamang unggoy.
305
00:23:43,253 --> 00:23:44,733
Saan sila napunta?
306
00:23:44,933 --> 00:23:47,903
- Nahulog lang sa ilalim.
- Ano ang nasa ilalim?
307
00:23:48,103 --> 00:23:51,673
Kahit ano. Pwedeng mga bakal na spike,
308
00:23:52,093 --> 00:23:56,933
o trampoline, o… kahit ano.
309
00:23:57,853 --> 00:24:00,603
Ano'ng gusto mong ilagay roon, Craig?
310
00:24:02,483 --> 00:24:05,943
Ano'ng gusto mong mahanap
'pag nahulog ka?
311
00:24:08,323 --> 00:24:10,323
Gusto kong maglaro. Kailan mahahanda iyan?
312
00:24:12,283 --> 00:24:15,493
Pero baka pwedeng tanungin muna si Elaine?
313
00:24:16,203 --> 00:24:17,123
Elaine?
314
00:24:19,043 --> 00:24:20,443
Siya ang creative liaison mo.
315
00:24:20,643 --> 00:24:23,693
Ito ang ginagawa niya
para hindi mo na gawin ito.
316
00:24:23,893 --> 00:24:24,983
Syempre. Si Elaine.
317
00:24:25,183 --> 00:24:27,493
Sa atin-atin lang, iniisip ko na nga
318
00:24:27,693 --> 00:24:29,363
kung ano'ng ginagawa niya rito.
319
00:24:29,563 --> 00:24:30,503
Mahusay.
320
00:24:31,673 --> 00:24:32,923
Salamat, boss.
321
00:25:13,513 --> 00:25:15,913
- Gusto niyang gawin iyon.
- Ano?
322
00:25:16,113 --> 00:25:18,913
Sa dalawang taong hindi tinanggap ni Sang
ang mga pitch ko,
323
00:25:19,113 --> 00:25:21,503
dumating si Patoff
at sa loob lang ng ilang araw…
324
00:25:21,703 --> 00:25:22,893
Pinatay niya si Mama Sang.
325
00:25:24,273 --> 00:25:26,383
- Teka, ano?
- Hindi ko alam kung nasaan siya.
326
00:25:26,583 --> 00:25:28,103
'Di siya mahanap ni Dana. Nag…
327
00:25:28,903 --> 00:25:30,093
Tatawag na ba ako ng pulis?
328
00:25:30,293 --> 00:25:33,803
Huwag. Ano'ng sasabihin mo?
Na nakawala tayo ng turista.
329
00:25:34,003 --> 00:25:37,823
Ano ba? Baka kailangan niya lang
ng panahon para magluksa.
330
00:25:42,033 --> 00:25:44,403
- Magandang gabi, Craig.
- Teka, teka, teka.
331
00:25:44,603 --> 00:25:47,003
Ano? Galit ka ba sa akin?
332
00:25:47,793 --> 00:25:49,983
Masyado akong pagod para magalit sa 'yo.
333
00:25:50,183 --> 00:25:52,613
Tatlong oras lang ang tulog ko.
334
00:25:52,813 --> 00:25:55,203
Tsaa at churros lang ang kinain ko.
335
00:25:55,403 --> 00:25:58,993
'Di ako makakita nang maayos,
40 minuto pa akong magmamaneho pa-Valley.
336
00:25:59,193 --> 00:26:02,813
Alam mo bang sinara nila ang 101?
Punyeta naman!
337
00:26:04,393 --> 00:26:06,543
Oo, ang sikip ng trapiko ngayon sa Canyon.
338
00:26:06,743 --> 00:26:08,813
Parating na ang sundo ko. Ayos ka lang?
339
00:26:09,903 --> 00:26:11,053
Lagi naman.
340
00:26:11,253 --> 00:26:14,683
Sige. Matulog ka muna
dahil may trabaho tayo bukas.
341
00:26:14,883 --> 00:26:16,493
- Sige.
- Paalam.
342
00:29:20,383 --> 00:29:22,323
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Jessica Ignacio
343
00:29:22,523 --> 00:29:24,473
Mapanlikhang Superbisor
Maribeth Pierce