1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:00:24,375 --> 00:00:28,916 Habang nakaupo ako sa may hardin sa bahay, may tumawag sa akin 4 00:00:29,500 --> 00:00:33,416 para sabihing nawawala ang anak kong si Lucie. 5 00:00:35,291 --> 00:00:38,541 Ang unang reaksiyon ko, "Paano mo nalamang nawawala siya?" 6 00:00:40,000 --> 00:00:42,416 Ilang araw na kaming walang balita sa kaniya. 7 00:00:42,500 --> 00:00:45,375 Hindi siya sumasagot sa mga tawag at wala kaming natatanggap na e-mail. 8 00:00:47,875 --> 00:00:50,666 Nagtatrabaho siya sa Japan. 9 00:00:51,500 --> 00:00:55,125 Agad kong inisip na baka may makabuluhang paliwanag, 10 00:00:55,208 --> 00:00:58,916 may dahilan kung bakit hindi siya nakakausap. 11 00:01:00,041 --> 00:01:02,583 Humingi ng tulong ang kapulisan ng Japan sa publiko 12 00:01:02,666 --> 00:01:04,916 para hanapin ang 21 taong gulang na babaeng taga-Britanya. 13 00:01:05,500 --> 00:01:07,125 Hindi pa nakikita si Lucie Blackman 14 00:01:07,208 --> 00:01:09,875 simula nang umalis siya sa bar kung saan siya nagtatrabaho bilang hostess. 15 00:01:10,791 --> 00:01:13,583 Mayroon pang tatlo hanggang apat pang tawag. 16 00:01:13,666 --> 00:01:16,458 Doon ko na nalaman na may masamang nangyari. 17 00:01:17,041 --> 00:01:21,291 Hindi talaga kami mapakali 18 00:01:22,208 --> 00:01:24,458 kaya para kaming dinudurog. 19 00:01:29,583 --> 00:01:31,875 Tokyo, ang pinakamalaking metropolis ng mundo. 20 00:01:31,958 --> 00:01:35,458 Kaakit-akit ito sa nakararami, pero bangungot ito para sa isang tao. 21 00:01:38,041 --> 00:01:42,250 Mahigit isang linggo na'ng lumipas mula nang nawala si Lucie Blackman. 22 00:01:44,333 --> 00:01:48,125 Kada taon, daan-daang batang babae 23 00:01:48,208 --> 00:01:49,833 ang pumupunta sa Tokyo. 24 00:01:52,375 --> 00:01:54,791 Iniimbestigahan ng Metropolitan Police 25 00:01:54,875 --> 00:01:58,958 ang posibilidad na pagdukot ng isang kulto. 26 00:02:00,791 --> 00:02:04,416 Pinaghahanap na ng awtoridad ng Japan ang isang sexual predator 27 00:02:04,500 --> 00:02:07,916 na ilang dekada nang pagala-gala sa mga lansangan sa Japan. 28 00:02:36,916 --> 00:02:40,625 Nang patapos na siya sa hay-iskul, gusto niyang mangibang-bansa, 29 00:02:40,708 --> 00:02:43,875 tulad ng iba para maglakbay. 30 00:02:44,500 --> 00:02:46,291 Napakagandang karanasan n'on. 31 00:02:48,125 --> 00:02:53,791 Naalala kong sinabi ni Lucie, "Gusto kong pumunta sa Japan." 32 00:02:53,875 --> 00:02:57,000 "Naaaliw ako sa kultura nila… 33 00:02:59,583 --> 00:03:03,125 at magiging kakaibang karanasan ito." 34 00:03:09,333 --> 00:03:12,333 Ang linis ng imahe ng Japan, di ba? 35 00:03:12,416 --> 00:03:13,875 Ang bansa kung saan magalang ang lahat. 36 00:03:13,958 --> 00:03:15,000 Walang krimen. 37 00:03:15,083 --> 00:03:17,666 Pag nawala ang pitaka mo sa subway, mababalik iyon sa 'yo. 38 00:03:19,000 --> 00:03:21,375 Kapana-panabik sa Tokyo noong 2000. 39 00:03:21,458 --> 00:03:24,000 Maraming dayuhan ang pumupunta rito para magtrabaho. 40 00:03:24,083 --> 00:03:26,583 Mataas ang kita rito at maraming masasayang pangyayari. 41 00:03:26,666 --> 00:03:30,166 Nasa Japan din ako, tulad ng iba pang nasa channel 4. 42 00:03:30,250 --> 00:03:34,625 Sa panahong iyon, kilalang-kilala ang Japan dahil sa Pokemon. 43 00:03:35,125 --> 00:03:37,000 Konnichiwa at heto na ang Japanorama. 44 00:03:37,583 --> 00:03:41,041 Kilalang-kilala ang Japan sa pagiging ligtas at magalang ng lahat. 45 00:03:43,333 --> 00:03:47,291 Walang nagsususpetsa na mayroon ding nangyayaring kasamaan na hindi natin alam. 46 00:04:05,125 --> 00:04:09,083 Tinawagan ako ng kaibigan kong namamahala ng isang guesthouse. 47 00:04:10,708 --> 00:04:15,833 Sinabi niyang nag-aalala siya sa isang 21 anyos na babaeng nagngangalang Lucie 48 00:04:15,916 --> 00:04:19,125 na nakatira sa guesthouse niya at hindi niya makontak. 49 00:04:21,375 --> 00:04:24,875 Iyon ang unang beses na naranasan niya ito 50 00:04:24,958 --> 00:04:26,708 kaya masama ang loob niya. 51 00:04:26,791 --> 00:04:28,708 Dahil sa itsura niya, 52 00:04:29,208 --> 00:04:33,833 nalaman kong seryoso ang sitwasyon. 53 00:04:38,291 --> 00:04:43,958 IKA-3 NG HULYO 2000 3 ARAW NANG NAWAWALA 54 00:04:44,041 --> 00:04:46,208 Maraming kuwento na ang nakakarating sa Japanese media. 55 00:04:46,291 --> 00:04:49,958 TAGA-BRITANYANG STEWARDESS KINIDNAP NG ISANG KULTO 56 00:04:51,500 --> 00:04:54,458 Walang nakakaalam noong umpisa. 57 00:04:54,541 --> 00:04:56,916 Mayroong maliit na grupo ng mga dayuhan na alam 58 00:04:57,000 --> 00:04:58,375 na mayroong nawala. 59 00:04:59,500 --> 00:05:01,333 Isa akong reporter ng krimen sa Japan. 60 00:05:01,875 --> 00:05:05,291 Kinausap ako ng amo ko at sinabing, "Uy, gaijin," 61 00:05:05,375 --> 00:05:08,125 na tawag nila sa mga dayuhan. 62 00:05:08,791 --> 00:05:12,083 Ang sabi niya, "Kailangan ka namin. May kinalaman ang kaso ng isang gaijin." 63 00:05:13,583 --> 00:05:16,416 Ang una kong naisip, pumunta lang siguro siya sa Thailand 64 00:05:16,500 --> 00:05:19,125 at nalimutan niyang magsabi. Wala naman sigurong problema. 65 00:05:22,500 --> 00:05:25,583 Pumunta ako sa headquarters ng Metropolitan Police Department. 66 00:05:26,291 --> 00:05:27,750 Ibinahagi nila ang mga nalalaman nila. 67 00:05:36,416 --> 00:05:40,125 Ako ang namahala sa kaso ni Lucie bilang superintendent. 68 00:05:45,208 --> 00:05:49,625 Noong umpisa, posibleng naglayas lang siya 69 00:05:49,708 --> 00:05:52,000 kaya kailangan naming malaman mula sa pamilya niya 70 00:05:52,500 --> 00:05:58,333 kung may dahilan siya sa paggawa nito. 71 00:06:03,083 --> 00:06:04,041 Noon, 72 00:06:04,666 --> 00:06:10,333 maraming dayuhan ang paso na ang visa o ilegal na nagtatrabaho, 73 00:06:11,708 --> 00:06:14,791 at marami sa kanila ang nawawala. 74 00:06:20,750 --> 00:06:23,083 Kaya noong una ko itong narinig, 75 00:06:23,166 --> 00:06:27,083 di ko alam kung krimen ba ito o hindi. 76 00:06:31,833 --> 00:06:34,708 11 ARAW NANG NAWAWALA 77 00:06:41,750 --> 00:06:44,958 Pumunta sa Tokyo ang tatay ni Lucie, si Timothy Blackman, 78 00:06:45,041 --> 00:06:48,083 dahil kinakatakot ng mga pulis na na-kidnap siya. 79 00:06:50,000 --> 00:06:51,958 Nakausap ko siya, tatlong linggo na ang nakaraan. 80 00:06:52,791 --> 00:06:56,833 Normal na tawag lang. Ang sabi niya, 81 00:06:56,916 --> 00:06:59,208 "Hi, Papa. Masaya ako sa Japan." 82 00:06:59,291 --> 00:07:02,250 May sinabi ba siyang mga problema niya sa Japan? 83 00:07:02,875 --> 00:07:06,000 Sinabi niyang natutuwa raw siya at maganda raw ang lugar na ito. 84 00:07:07,375 --> 00:07:11,083 May nangyari at kailangan namin siyang mahanap. 85 00:07:12,791 --> 00:07:17,791 Kung may problema man dahil hindi ako sanay 86 00:07:17,875 --> 00:07:19,958 sa pagsasalita sa harap ng kamera, 87 00:07:20,041 --> 00:07:23,333 hindi ko na pinapansin kasi hinahanap ko ang anak ko. 88 00:07:30,125 --> 00:07:34,125 Maraming reporter at iba pang tao sa airport pagkarating ni Tim. 89 00:07:34,208 --> 00:07:37,375 Biglang lumaki ang kuwento 90 00:07:37,458 --> 00:07:39,666 at mabilis ito naging usap-usapan ng lahat. 91 00:07:39,750 --> 00:07:41,375 Iyong nangyari kay Lucie Blackman. 92 00:07:42,083 --> 00:07:46,000 Nawala ang dating stewardess ng British Airways noong Hulyo 1. 93 00:07:46,583 --> 00:07:49,458 Humingi ng tulong ang kapulisan ng Japan para sa impormasyon 94 00:07:49,541 --> 00:07:53,750 tungkol sa isang 21 anyos na taga-Britanya na nawala sa Tokyo 11 araw nang nakalipas. 95 00:07:59,500 --> 00:08:01,166 Pero malaking siyudad ang Tokyo 96 00:08:01,250 --> 00:08:04,291 kung saan nakatira ang 27 at kalahating milyong tao. 97 00:08:04,375 --> 00:08:07,291 Para ka talagang naghahanap ng karayom sa dayami. 98 00:08:09,291 --> 00:08:13,000 Nakilala ko sina Tim Blackman at Sophie, ang nakababatang kapatid ni Lucie. 99 00:08:13,083 --> 00:08:15,375 Napansin ko na lubos siyang nag-aalala, 100 00:08:15,458 --> 00:08:18,166 pero nadadala ni Tim ang sarili niya 101 00:08:18,250 --> 00:08:21,291 at ginagamit niya ang karisma at galing niya sa pananalita 102 00:08:21,375 --> 00:08:22,500 para may mangyari. 103 00:08:23,166 --> 00:08:24,708 Sisiguraduhin niya 104 00:08:24,791 --> 00:08:27,541 na gagawin ng lahat ang makakaya nila para hanapin si Lucie. 105 00:08:28,416 --> 00:08:31,458 Naintindihan ni Jake ang mga sistema sa Japan, 106 00:08:31,958 --> 00:08:36,375 at nakakapagsalita siya ng Nihongo kaya malaki ang pakinabang nito. 107 00:08:36,958 --> 00:08:40,916 Mayroon din siyang mga kilala sa pulis dahil sa trabaho niya. 108 00:08:41,000 --> 00:08:42,291 Makakatulong ang kahit ano. 109 00:08:42,375 --> 00:08:43,500 Pakitawagan po kami. 110 00:08:43,583 --> 00:08:48,041 Bago pa siya dumating, naghahanap na ng detalye ang mga pulis. 111 00:08:48,541 --> 00:08:50,708 Nangangalap talaga sila ng impormasyon. 112 00:08:52,083 --> 00:08:55,625 Nakapaskil ang 30, 000 na poster ni Lucie Blackman sa Tokyo. 113 00:08:55,708 --> 00:08:58,541 Inaaksyunan na ng mga pulis ang mga tawag na galing sa publiko, 114 00:08:58,625 --> 00:09:01,250 pero hindi sila sigurado kung kapani-paniwala ang mga ulat. 115 00:09:20,458 --> 00:09:21,333 May tao ba rito? 116 00:09:25,416 --> 00:09:26,291 May tao ba rito? 117 00:09:33,250 --> 00:09:35,708 NAWAWALA 118 00:09:35,791 --> 00:09:38,041 Si Lucie ang panganay namin. 119 00:09:41,125 --> 00:09:45,458 At binago niya ang mga buhay namin. 120 00:09:47,416 --> 00:09:50,625 Espesiyal siya sa amin. 121 00:09:50,708 --> 00:09:52,208 Mabilis mag-isip si Lucie. 122 00:09:52,291 --> 00:09:54,541 Marami siyang naiimpluwensiyahan sa paligid niya. 123 00:09:56,208 --> 00:10:00,958 Lahat ng nakakakilala sa kaniya noong lumalaki siya, 124 00:10:01,041 --> 00:10:04,333 kusang lumalapit sa kaniya 125 00:10:04,416 --> 00:10:07,000 at binibigyan siya ng atensiyon. 126 00:10:09,208 --> 00:10:12,916 Naisip ni Lucie na makakabiyahe siya 127 00:10:13,000 --> 00:10:15,125 kung magtatrabaho siya sa isang airline. 128 00:10:15,208 --> 00:10:18,000 Malaking bagay 'yon para kay Lucie. 129 00:10:24,833 --> 00:10:27,083 Pero nawawala siya at nasa panganib. 130 00:10:27,583 --> 00:10:30,791 Dapat nang mahanap si Lucie. 131 00:10:36,458 --> 00:10:41,583 Nakipagkita ako kay Tim bilang kinatawan ng mga pulis at pinaliwanag ko sa kaniya. 132 00:10:43,791 --> 00:10:49,458 Wala pa akong gaanong karanasan noon 133 00:10:49,541 --> 00:10:53,625 sa pakikipag-usap sa ibang tao mula sa ibang bansa, 134 00:10:53,708 --> 00:11:00,708 kaya nagulat ako sa mga tanong niya. 135 00:11:01,833 --> 00:11:06,916 Tinanong niya kung natingnan kong mabuti ang mga security camera. 136 00:11:07,000 --> 00:11:08,000 Sa panahong iyon, 137 00:11:08,083 --> 00:11:12,500 pinaliwanag ko na limitado ang paggamit ng mga security camera sa Japan 138 00:11:12,583 --> 00:11:15,083 dahil inaalala ang pagkapribado ng mga tao. 139 00:11:15,750 --> 00:11:21,625 Sabi niya, "Nagbibiro ka siguro, Mitsuzane." 140 00:11:22,125 --> 00:11:27,041 "Sa London, may camera sa bawat kalye, 141 00:11:27,125 --> 00:11:29,083 at lahat iyon gawa sa Japan." 142 00:11:34,125 --> 00:11:38,958 Tulad ng inaasahan, magagalang ang mga pulis doon. 143 00:11:40,375 --> 00:11:42,500 Pero may lumapit sa akin. 144 00:11:42,583 --> 00:11:45,541 Isang lalaking taga-Ingglatera na kasal sa isang Haponesa, 145 00:11:45,625 --> 00:11:47,208 at sinabi niya, 146 00:11:47,291 --> 00:11:52,333 "Dahil hindi Hapon si Lucie, hindi iimbestigahan ang kaso niya." 147 00:11:53,500 --> 00:11:57,833 Napaisip ako roon. 148 00:11:58,458 --> 00:12:00,041 Dahil sa sobrang pag-aalala, naisip ko, 149 00:12:00,125 --> 00:12:02,333 "Dapat gumawa ako ng paraan 150 00:12:02,416 --> 00:12:04,291 para magkaroon ng imbestigasyon." 151 00:12:04,375 --> 00:12:06,000 EMBAHADA NG BRITANYA 152 00:12:06,083 --> 00:12:08,916 Naisip ko na dapat makipag-ugnayan sa media. 153 00:12:15,000 --> 00:12:19,041 Pagkagaling namin mula sa pulis kahapon 154 00:12:19,125 --> 00:12:20,666 nalaman namin na 155 00:12:20,750 --> 00:12:24,625 ginagawa nila ang lahat ng hakbang sa imbestigasyon, 156 00:12:25,291 --> 00:12:28,208 mas malawak na ang pagtingin nila sa kaso 157 00:12:28,291 --> 00:12:30,708 at tinitingnan nila lahat ng posibilidad sa panahong ito. 158 00:12:33,125 --> 00:12:38,791 Nagsagawa kami ng press conference para mas gumawa ng ingay sa Tokyo. 159 00:12:39,500 --> 00:12:44,208 Nilipat nila ang press conference sa pinakamalaking auditorium 160 00:12:44,291 --> 00:12:48,291 kasi gustong pumunta ng buong media ng Japan. 161 00:12:52,333 --> 00:12:55,500 Tiningnan ko ang lahat at sinabi ko kay Sophie, 162 00:12:55,583 --> 00:12:57,500 "Ganito natin mahahanap si Lucie, Sophie." 163 00:12:58,125 --> 00:13:00,708 "Hahanapin nila si Lucie para sa atin." 164 00:13:01,333 --> 00:13:03,125 Tungkol sa nararamdaman ko ngayon, 165 00:13:03,208 --> 00:13:07,625 sigurado akong naiintindihan ninyo. Nawawala ang kapatid ko. 166 00:13:07,708 --> 00:13:10,541 Gusto ko lang na umuwi siya. 167 00:13:10,625 --> 00:13:12,833 Kaya kung may makakatulong, 168 00:13:12,916 --> 00:13:14,958 lubos akong magpapasalamat kung magsasalita sila. 169 00:13:15,500 --> 00:13:17,541 Napukaw nito ang pansin ng press ng Britanya. 170 00:13:18,375 --> 00:13:21,625 Iniiwasan ng media ng Japan ang mga haka-haka, 171 00:13:22,250 --> 00:13:25,458 habang mabilis namang gumagawa ng kuwento ang media ng Britanya 172 00:13:25,541 --> 00:13:27,125 na naglalaman ng kung anu-anong teorya 173 00:13:27,708 --> 00:13:30,625 at naghahanap ng kahit sinong puwede nilang makausap tungkol sa pangyayari. 174 00:13:30,708 --> 00:13:32,583 Mayroon o wala man silang alam tungkol sa Japan, 175 00:13:32,666 --> 00:13:34,333 kahit ano, puwedeng ibalita. 176 00:13:35,375 --> 00:13:38,416 DINUKOT NG ISANG MISTERIYOSONG KULTO ANG ANAK NAMIN? 177 00:13:39,250 --> 00:13:41,750 Narinig namin na buhay si Lucie 178 00:13:42,458 --> 00:13:45,625 at nilagay raw siya sa isang barko papuntang Hong Kong. 179 00:13:46,250 --> 00:13:49,791 Na biktima raw siya ng sex trafficking. 180 00:13:49,875 --> 00:13:52,375 Na kinuha siya ng kulto. 181 00:13:52,458 --> 00:13:53,708 DINUKOT NG KULTO 182 00:13:55,625 --> 00:13:59,250 Hindi mabilis maniwala si Lucie. 183 00:13:59,333 --> 00:14:02,791 Kaya parang hindi totoo 184 00:14:02,875 --> 00:14:05,541 na naging interesado siyang sumali 185 00:14:05,625 --> 00:14:08,458 sa isang kulto. 186 00:14:08,958 --> 00:14:10,416 Tingin namin, kalokohan iyon. 187 00:14:12,791 --> 00:14:15,458 Dahil sa kaniya, nagkaroon ng atensiyon sa kasong ito 188 00:14:15,541 --> 00:14:16,708 kaya maraming tao ang nilaan 189 00:14:16,791 --> 00:14:21,125 ng gobyerno ng Japan at ng Tokyo Metropolitan Police para rito. 190 00:14:21,208 --> 00:14:22,750 Kadalasan, sa kaso ng mga nawawala, 191 00:14:22,833 --> 00:14:25,250 apat o limang pulis ang may hawak nito. 192 00:14:25,333 --> 00:14:28,000 Pero 100 tao? Hindi iyon normal. 193 00:14:33,958 --> 00:14:38,083 Unang nag-imbestiga ang pulis sa Roppongi, kung saan nagtrabaho si Lucie. 194 00:14:39,791 --> 00:14:43,125 Sa Roppongi, maraming mga bar, 195 00:14:43,208 --> 00:14:44,416 mga hostess club. 196 00:14:45,000 --> 00:14:46,833 Kakaiba ang mga nangyayari dito sa gabi. 197 00:14:47,416 --> 00:14:49,875 Maraming dayuhan, maraming pera. 198 00:14:50,666 --> 00:14:52,458 Nandoon ang Goldman Sachs, 199 00:14:52,541 --> 00:14:54,875 and Lehman Brothers, at iba pang nasa larangan ng pananalapi. 200 00:14:55,458 --> 00:14:57,291 Para itong party, walang tigil ang pasok ng pera. 201 00:14:59,916 --> 00:15:01,583 Napapansin na ito sa Roppongi. 202 00:15:02,916 --> 00:15:04,791 May mga taong handang gumastos 203 00:15:04,875 --> 00:15:06,791 ng malaki sa gabi. 204 00:15:13,083 --> 00:15:14,291 Nagtrabaho ako sa Casablanca, 205 00:15:14,375 --> 00:15:17,166 ito iyong kaparehas na hostess club na pinagtrabahuhan ni Lucie Blackman. 206 00:15:18,750 --> 00:15:22,500 Maliit at ordinaryong hostess club lang iyon. 207 00:15:24,375 --> 00:15:28,791 Mahirap ipaliwanag ang pag-ho-hostess kasi walang katumbas ito sa Kanluran. 208 00:15:29,708 --> 00:15:33,541 Pupunta ka sa isang nightclub at puno ito ng matatandang lalaki, 209 00:15:33,625 --> 00:15:36,166 kakausapin sila, at bibigyan ng mga inumin. 210 00:15:36,791 --> 00:15:38,666 Walang pagtatalik na nangyayari. Hindi ganoon iyon. 211 00:15:40,166 --> 00:15:43,375 Hindi naman ito nakakabastos o mahirap. 212 00:15:43,458 --> 00:15:45,458 Ganoon pa nga ang ginagawa ko nang libre, 213 00:15:45,541 --> 00:15:46,500 noong mga 20 anyos ako, 214 00:15:46,583 --> 00:15:48,458 iyong pumunta sa mga bar at makipagkilala sa mga tao. 215 00:15:49,666 --> 00:15:51,916 Puwede kumita ng malaki sa pagtatrabaho bilang hostess. 216 00:15:52,666 --> 00:15:55,375 Halos 50 dolyar kada oras ang suweldo. 217 00:15:55,458 --> 00:15:58,500 Mayroon pang bonus, kapag nakainom ng maraming alak. 218 00:15:59,083 --> 00:16:01,666 Mga lima hanggang anim na oras lang kailangan magtrabaho. 219 00:16:02,500 --> 00:16:07,000 Kung gugustuhin, maaaring ituring na inosente ang trabahong ito. 220 00:16:09,208 --> 00:16:10,708 Sa palagay ko, ang pag-ho-hostess sa Japan, 221 00:16:10,791 --> 00:16:14,333 marami itong nahikayat na babaeng gustong magkaroon ng kakaibang karanasan, 222 00:16:14,416 --> 00:16:15,750 mga gustong lubusin ang buhay nila. 223 00:16:16,416 --> 00:16:19,250 Maraming magagandang babaeng nakakatayo sa sarili nilang mga paa 224 00:16:19,333 --> 00:16:20,375 ang gustong maglakbay. 225 00:16:21,208 --> 00:16:24,333 Nakakatuwang makakilala 226 00:16:24,416 --> 00:16:26,291 ng mga taong matatapang 227 00:16:26,375 --> 00:16:28,375 at may malawak na pananaw sa buhay. 228 00:16:37,875 --> 00:16:42,208 "Dohan" ang bahagi ng pag-ho-hostess na pinakadelikado. 229 00:16:42,291 --> 00:16:47,250 Ibig sabihin ng "dohan", iyong kakain ka sa labas bago magtrabaho 230 00:16:47,333 --> 00:16:50,250 at isasama mo ang customer sa club, at sa club, bibigyan ka ng bonus 231 00:16:50,333 --> 00:16:53,125 dahil sa pagsamang kumain sa labas at bibilhan ka nila ng alak. 232 00:16:53,208 --> 00:16:55,208 Lahat ng iyon, dinadagdag sa mga babayaran nila. 233 00:16:57,666 --> 00:17:00,583 Tingin ko, nagkakaroon ng pagkalito kasi kapag nakikipagkita ka sa labas 234 00:17:00,666 --> 00:17:02,833 ng hostess club kasama ang sariling customer, 235 00:17:02,916 --> 00:17:04,083 sa libreng oras mo, 236 00:17:04,166 --> 00:17:08,250 aasahan ng ibang customer ang ganoong sitwasyon. 237 00:17:09,791 --> 00:17:13,291 Naramdaman ko na kailangan kong makahatak ng mas maraming customer 238 00:17:13,375 --> 00:17:14,666 o magkaron ng mga "dohan", 239 00:17:15,291 --> 00:17:16,708 pero hindi ko naramdaman 240 00:17:16,791 --> 00:17:19,666 na mapanganib sa mga club. 241 00:17:19,750 --> 00:17:21,791 Tingin ko, sa labas ng club 242 00:17:21,875 --> 00:17:23,750 nangyayari ang mga ito. 243 00:17:31,041 --> 00:17:36,416 Nagtrabaho ako bilang mamamahayag sa isang pambabaeng magasin sa London 244 00:17:36,500 --> 00:17:40,458 at interesado ang magasin sa konsepto ng pag-ho-hostess. 245 00:17:40,541 --> 00:17:42,958 Kaya pumunta ako sa Japan 246 00:17:43,041 --> 00:17:48,666 para tingnan ang kultura ng pag-ho-hostess at tumuklas pa ng mga tungkol doon. 247 00:17:51,666 --> 00:17:52,916 Tingin ko, malaking dahilan 248 00:17:53,000 --> 00:17:57,458 ang salapi at power play sa pagitan ng mga lalaki at babae. 249 00:17:57,541 --> 00:18:01,125 Na taglay ng mga lalaki ang pera at wala nito ang mga babae 250 00:18:01,208 --> 00:18:03,333 kaya dominante ang mga lalake. 251 00:18:05,000 --> 00:18:10,791 Kitang-kita ang sexual politics sa mga club. 252 00:18:17,708 --> 00:18:24,208 SUPERINTENDENTE SATORU YAMASHIRO 253 00:18:25,333 --> 00:18:28,375 Ang unang humawak ng kaso ni Lucie 254 00:18:28,458 --> 00:18:29,875 ay ang grupo ni Teramae. 255 00:18:29,958 --> 00:18:35,125 Narinig ng grupo namin na may natukoy na silang suspek. 256 00:18:37,291 --> 00:18:42,750 Isa raw siyang Hapon na madalas sa hostess club sa Roppongi, 257 00:18:43,458 --> 00:18:44,708 kasama na ang Casablanca. 258 00:18:47,416 --> 00:18:50,250 Kaya inutusan kami na ilagay ang suspek 259 00:18:50,875 --> 00:18:53,666 sa pangangalaga ng mga pulis at alamin 260 00:18:54,333 --> 00:18:56,875 kung inosente man siya o hindi. 261 00:18:58,250 --> 00:19:01,583 Kinakabahan kaming malaman ng salarin 262 00:19:01,666 --> 00:19:05,500 ang ginagawa namin, 263 00:19:06,125 --> 00:19:09,000 at baka patayin si Lucie kung buhay pa siya. 264 00:19:10,458 --> 00:19:13,750 Nilapitan namin ang kotse niya bago siya pumasok sa trabaho. 265 00:19:13,833 --> 00:19:16,791 Nakiusap kami na kusa siyang pumunta para maimbestigahan. 266 00:19:17,958 --> 00:19:22,416 Nahuli namin siya at sinamahan 267 00:19:22,500 --> 00:19:25,708 sa pinakamalapit na estasyon ng pulis para maimbestigahan. 268 00:19:28,875 --> 00:19:33,750 May palusot ang lalaki na napatunayan namin. 269 00:19:34,666 --> 00:19:41,250 Hindi iyon ang suspek 270 00:19:42,125 --> 00:19:43,791 na kumuha kay Lucie. 271 00:19:45,666 --> 00:19:46,791 Napilitan kaming 272 00:19:47,375 --> 00:19:50,583 mag-isip at magplano uli. 273 00:19:54,166 --> 00:19:58,000 15 ARAW NANG NAWAWALA 274 00:20:04,458 --> 00:20:06,041 Sa isang linggong kasama si Tim Blackman, 275 00:20:06,125 --> 00:20:07,916 malinaw na isa siyang mapagmahal at matiyagang ama 276 00:20:08,000 --> 00:20:10,791 na naniniwalang buhay pa ang anak niya, naroon lang sa siyudad, 277 00:20:11,458 --> 00:20:14,291 pero kailangan niyang mahanap agad. 278 00:20:15,208 --> 00:20:18,416 Ako si Dave Russell na nasa Tokyo para sa Meridian Tonight. 279 00:20:19,833 --> 00:20:22,333 Naging malinaw na may plano si Tim. 280 00:20:22,416 --> 00:20:25,208 Kung hihinto ang paglabas ng kuwento, 281 00:20:25,291 --> 00:20:27,333 maiiiba ang pagtutuunan ng pansin ng media 282 00:20:27,416 --> 00:20:30,041 at mawawala ang atensiyon kay Lucie. 283 00:20:30,125 --> 00:20:32,791 Kaya ginawa niya ang lahat para bumalik ang atensiyon kay Lucie agad. 284 00:20:38,958 --> 00:20:43,666 Nasa lansangan siya, nagpapaskil ng mga poster, gusto niyang makita ito sa TV 285 00:20:43,750 --> 00:20:45,500 para malaman ng lahat ang itsura ni Lucy. 286 00:20:49,250 --> 00:20:52,333 Nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Tim at ang kapulisan. 287 00:20:56,625 --> 00:20:59,458 Puwedeng maglagay ng karatula sa poste pero hindi ito puwede roon. 288 00:21:00,041 --> 00:21:01,666 Wala akong aalisin. 289 00:21:01,750 --> 00:21:02,708 Hulihin mo ako. 290 00:21:04,625 --> 00:21:06,125 Dapat mahanap si Lucie 291 00:21:07,083 --> 00:21:12,125 at kahit sinong magulang, gagawin ang lahat 292 00:21:12,208 --> 00:21:14,083 para maayos ang problema. 293 00:21:15,125 --> 00:21:20,625 Hindi nila ako puwedeng balewalain o limitahan. 294 00:21:25,250 --> 00:21:27,625 Hindi na binabalitaan si Tim sa mga pangyayari. 295 00:21:29,333 --> 00:21:32,916 Ang mga ginagawa niya, na pinagmumukhang walang silbi ang mga pulis, 296 00:21:33,000 --> 00:21:34,291 ang ikinagalit nila. 297 00:21:35,041 --> 00:21:37,750 Dahil sa pagiging aligaga niya 298 00:21:37,833 --> 00:21:42,166 at kawalan ng tiwala sa mga pulis na Hapon na hindi matatas makipag-usap, 299 00:21:43,291 --> 00:21:46,250 palagay niya, na kapag mas nilabanan sila, 300 00:21:46,333 --> 00:21:48,833 mas maganda ang magiging resulta. 301 00:21:54,125 --> 00:21:57,041 19 ARAW NANG NAWAWALA 302 00:21:59,791 --> 00:22:02,875 Naisip ko na G7 ang gagamitin 303 00:22:02,958 --> 00:22:04,916 at alam kong pupunta si Tony Blair doon 304 00:22:05,000 --> 00:22:09,625 at alam kong interesado ang media ng UK. 305 00:22:11,125 --> 00:22:13,666 Kaya ginamit namin iyon para makatulong. 306 00:22:14,375 --> 00:22:16,708 Pumunta si Prime Minister Blair sa Tokyo 307 00:22:16,791 --> 00:22:18,208 para gamitin ang impluwensiya niya 308 00:22:18,291 --> 00:22:20,791 sa kaso ng nawawalang hostess na taga-Britanya na si Lucie Blackman. 309 00:22:24,208 --> 00:22:26,666 Nakikipagtulungan kami sa awtoridad ng Japan, 310 00:22:26,750 --> 00:22:28,958 kaya hinihiling na rin namin sa mga Hapon 311 00:22:29,625 --> 00:22:31,250 na makipagtulungan kung may alam sila sa kaso 312 00:22:31,333 --> 00:22:33,458 at magbigay ng impormasyon para maasikaso namin 313 00:22:33,541 --> 00:22:36,541 dahil isa itong trahedya 314 00:22:37,291 --> 00:22:38,791 kaya hindi na mapalagay ang pamilya. 315 00:22:41,375 --> 00:22:44,250 Sabi ng Prime Minister ng Japan, 316 00:22:44,333 --> 00:22:48,166 "Huhulihin ng kapulisan ng Japan ang suspek." 317 00:22:48,916 --> 00:22:55,166 Naisip namin na madali itong sabihin pero mahirap gawin. 318 00:22:56,041 --> 00:23:01,666 Kami mismo, naramdaman na matindi ang inaasahan sa 'min. 319 00:23:03,916 --> 00:23:07,125 Tingin ko, 320 00:23:07,208 --> 00:23:11,208 may hindi pagkakaparehas sa polisiya ng imbestigasyon. 321 00:23:11,291 --> 00:23:14,916 Kaya nagsimulang kumilos mag-isa ang mga detektib namin. 322 00:23:15,000 --> 00:23:18,000 Tinatawag ko silang mga detektib na Suppon, 323 00:23:18,083 --> 00:23:21,541 mga detektib na hindi basta binibitiwan ang hawak na impormasyon. 324 00:23:23,791 --> 00:23:28,416 Naisip naming mas magandang mag-umpisa uli 325 00:23:28,500 --> 00:23:34,250 kaysa mag-aksaya ng panahon sa mga nagpapagulo ng imbestigasyon. 326 00:23:35,083 --> 00:23:39,208 SARHENTO JUNICHIRO KUKU 327 00:23:40,125 --> 00:23:44,958 Matiyaga at pursigido si Kuku. 328 00:23:45,041 --> 00:23:48,833 Kapag nasimulan na niya, hindi na niya titigilan. Parang suppon. 329 00:23:50,083 --> 00:23:56,958 Ilang araw kaming nagpupuyat sa pagbabasa ng mga report 330 00:23:57,041 --> 00:24:03,958 na gawa ng pangunahing unit, 331 00:24:04,041 --> 00:24:10,375 at tiningnan namin lahat. 332 00:24:13,125 --> 00:24:15,916 Habang tinitingnan ko ang mga tala ng imbestigasyon ng grupong Teramae, 333 00:24:16,000 --> 00:24:19,166 para maintindihan kung paano isinasagawa ang imbestigasyon, 334 00:24:19,250 --> 00:24:21,250 may nadiskubre akong report 335 00:24:21,750 --> 00:24:25,041 mula sa bahagi ng Roppongi kung saan maraming club. 336 00:24:26,666 --> 00:24:31,875 Isang dayuhang hostess na nagtatrabaho sa club 337 00:24:31,958 --> 00:24:36,166 ang inanyayahan ng isang suki na pumunta sa tabing-dagat. 338 00:24:36,833 --> 00:24:38,916 Bigla siyang nawalan ng malay 339 00:24:39,500 --> 00:24:41,625 at natulog nang ilang oras. 340 00:24:41,708 --> 00:24:44,166 Pagkagising niya, sumasakit ang ulo niya 341 00:24:44,250 --> 00:24:45,791 at tingin niya, binigyan siya ng pampatulog. 342 00:24:47,541 --> 00:24:50,083 Sabi nila, galing daw sa hindi katiwa-tiwalang manager ng club 343 00:24:50,166 --> 00:24:53,666 ang impormasyon. 344 00:24:54,791 --> 00:24:59,375 Wala raw dapat maniwala sa sinasabi niya. 345 00:25:02,500 --> 00:25:06,458 Pagkabasa nito, naisip namin na kalokohan iyon. 346 00:25:06,541 --> 00:25:11,750 Ang katulad niya ang maaaring magbigay ng tunay na impormasyon. 347 00:25:13,416 --> 00:25:16,250 Parang may kaugnayan talaga ito sa kaso ni Lucie Blackman. 348 00:25:16,333 --> 00:25:18,333 Kaya nagsimula silang balikan ang mga lumang tala 349 00:25:18,416 --> 00:25:22,208 at ang mga kaso para tingnan kung mapag-uugnay-ugnay nila. 350 00:25:23,250 --> 00:25:25,750 Pero nasa lokal na antas lang sila. 351 00:25:25,833 --> 00:25:27,708 Walang sumeryoso sa mga report nila. 352 00:25:27,791 --> 00:25:29,541 Kaya kahit na may reklamo, 353 00:25:29,625 --> 00:25:31,083 walang naganap na imbestigasyon. 354 00:25:42,708 --> 00:25:46,875 May mga may-ari ng club na nagsasabing 355 00:25:46,958 --> 00:25:51,041 naranasan din ito ng babaeng nagtrabaho para sa kanila. 356 00:25:53,750 --> 00:25:57,333 Maraming ganoong kuwento 357 00:25:58,458 --> 00:25:59,875 kung saan-saan. 358 00:26:00,500 --> 00:26:04,083 ASSISTANT INSPEKTOR TOKIE MARUYAMA 359 00:26:04,708 --> 00:26:10,583 Kaya nagpasiya kaming kausapin ang mga empleyado 360 00:26:11,166 --> 00:26:15,208 sa bawat club. 361 00:26:16,291 --> 00:26:21,375 Noong una, ayaw humarap 362 00:26:21,458 --> 00:26:23,625 ng mga babaeng nagtrabaho sa mga club. 363 00:26:27,458 --> 00:26:29,250 Kada tatlong buwan, pumupunta ang mga pulis 364 00:26:29,333 --> 00:26:30,875 at pinapalabas lahat ng mga hostess 365 00:26:30,958 --> 00:26:33,041 na walang mga visa, 366 00:26:33,125 --> 00:26:35,833 nakakahina ito ng kalooban para sa mga babae. 367 00:26:37,833 --> 00:26:40,208 Kung nasa peligro ang mga dayuhang hostess, 368 00:26:40,291 --> 00:26:42,875 mas mapanganib ito sa kanila dahil kung pupunta sila sa pulis, 369 00:26:42,958 --> 00:26:46,125 malamang na aarestuhin sila ng mga pulis 370 00:26:46,791 --> 00:26:48,583 dahil nilabag nila ang visa. 371 00:26:50,000 --> 00:26:55,583 Walang magagawang mabuti kapag pumunta sa pulis at nabiktima sila bilang hostess. 372 00:26:56,583 --> 00:26:59,833 Hindi namin sila makausap habang nagtatrabaho, 373 00:27:00,333 --> 00:27:04,791 kaya kinakausap namin sila sa kalsada kapag naaabutan namin 374 00:27:04,875 --> 00:27:08,708 at doon kami magtatanong. 375 00:27:12,583 --> 00:27:17,416 Kalaunan, maraming babae ang lumapit 376 00:27:17,500 --> 00:27:21,166 dahil gusto nilang makatulong para mahanap si Lucie. 377 00:27:21,916 --> 00:27:23,791 Sa huli, 378 00:27:23,875 --> 00:27:28,708 nalaman namin na maraming nakaranas ng ganoon. 379 00:27:30,541 --> 00:27:34,083 Ito ang pare-parehong report ng mga hostess 380 00:27:34,166 --> 00:27:41,083 na binigyan ng pampatulog at posibleng ginahasa ng maykayang Hapon. 381 00:27:53,625 --> 00:28:00,166 Hindi binabago ng mga kriminal ang mga pamamaraan nila. 382 00:28:00,833 --> 00:28:07,791 Kahit sa pagnanakaw, hindi nagbabago ang paraan ng pangloloob nila, 383 00:28:07,875 --> 00:28:09,916 may kinasanayan na sila. 384 00:28:10,000 --> 00:28:13,083 Hindi nagbabago ito. 385 00:28:15,375 --> 00:28:17,125 Isinakay sila sa mga mamahaling kotse 386 00:28:17,208 --> 00:28:20,500 tulad ng Porsche, Mercedes-Benz, 387 00:28:21,166 --> 00:28:23,541 at iba pa. 388 00:28:24,583 --> 00:28:26,458 Dadalhin niya ang biktima sa tabing-dagat 389 00:28:26,541 --> 00:28:27,958 o di kaya'y kakain sa labas. 390 00:28:33,958 --> 00:28:35,416 At gumagamit siya ng droga. 391 00:28:36,416 --> 00:28:40,166 Ayon sa mga biktima, pakiramdam nila na binigyan sila ng pampatulog. 392 00:28:46,375 --> 00:28:52,791 Gigising ang mga biktima na masama ang pakiramdam. 393 00:28:54,291 --> 00:28:56,166 Sumusuka ang iba. 394 00:28:58,416 --> 00:29:03,666 Iyong iba, sinabi na para silang sinikmura. 395 00:29:08,666 --> 00:29:10,291 Naaawa ako sa kanila. 396 00:29:17,250 --> 00:29:19,333 Kapag pinagsama-sama ang mga pahayag 397 00:29:19,416 --> 00:29:23,041 mula sa mga Hapon at mga dayuhang hostess, 398 00:29:23,125 --> 00:29:25,625 nadiskubre nila na mayroong isang sexual predator 399 00:29:25,708 --> 00:29:28,708 na ilang taon nang pakalat-kalat sa Roppongi at hindi pa nahuhuli. 400 00:29:31,833 --> 00:29:33,541 Hindi pa siya nalilitis. 401 00:29:39,833 --> 00:29:42,708 52 ARAW NANG NAWAWALA 402 00:29:47,791 --> 00:29:51,875 Nagpasya ang pamilya na magbigay 403 00:29:53,083 --> 00:29:56,791 ng 1.5 milyong yen kapalit ang bagong impormasyon 404 00:29:57,458 --> 00:29:59,416 na makakatulong sa paghahanap kay Lucie. 405 00:30:04,208 --> 00:30:06,083 Sa tingin namin, 406 00:30:06,166 --> 00:30:11,625 isa itong paraan para mabalik uli ang atensiyon sa kaso. 407 00:30:12,125 --> 00:30:15,375 Akala ng mga tao na ginagawa ko ito dahil gusto ko na lagi akong kinakapanayam. 408 00:30:17,125 --> 00:30:21,666 Gusto ko lang na patuloy na hanapin si Lucie 409 00:30:21,750 --> 00:30:25,208 at pagbibigay ng pabuya ang paraan para magawa ito. 410 00:30:26,833 --> 00:30:31,083 Maraming mamamahayag ang nakapalibot kay Tim. 411 00:30:32,708 --> 00:30:34,291 Sa palagay namin, 412 00:30:34,375 --> 00:30:37,041 may ibubunyag siya 413 00:30:38,166 --> 00:30:40,000 na makakasagabal sa imbestigasyon. 414 00:30:41,333 --> 00:30:46,166 Matapos ang pito hanggang walong linggo, 415 00:30:46,250 --> 00:30:49,750 mas nararamdaman namin ang hirap ng sitwasyon. 416 00:30:49,833 --> 00:30:54,333 Sa totoo lang, hindi pa ako binibigyan 417 00:30:54,416 --> 00:30:57,458 ng impormasyon ng mga pulis sa mga ginagawa nila 418 00:30:57,541 --> 00:31:01,166 dahil itinuturing nilang sensitibo ang kaso. 419 00:31:02,291 --> 00:31:04,958 Lagi kong sinasabi 420 00:31:05,041 --> 00:31:07,916 na may usad ang imbestigasyon. 421 00:31:09,625 --> 00:31:12,041 Hindi ko pa lang puwedeng sabihin. 422 00:31:15,458 --> 00:31:18,750 Tingin ng mga Hapon na hindi ako magalang, 423 00:31:18,833 --> 00:31:22,500 ganoon nga siguro ang dating 424 00:31:22,583 --> 00:31:25,041 kasi wala akong oras para isipin pa 425 00:31:25,125 --> 00:31:28,791 ang mga proseso nila. 426 00:31:30,750 --> 00:31:35,125 Hindi ako makapag-isip nang maayos noon. 427 00:31:41,458 --> 00:31:43,291 Walang pasok sa oras na iyon 428 00:31:43,375 --> 00:31:45,541 at mayroong naglalakihang display ng mga paputok 429 00:31:45,625 --> 00:31:49,000 at nakatayo lang kami para panoorin ang mga ito, 430 00:31:49,083 --> 00:31:52,583 at masaya ang lahat 431 00:31:52,666 --> 00:31:54,291 pero halatang hindi ganoon si Tim. 432 00:31:57,791 --> 00:32:02,166 Nagsimula ako bilang mamamahayag, sumusunod lang ako. 433 00:32:02,250 --> 00:32:05,625 Tinatapat ko lang ang kamera sa kaniya at sinasabihan niya akong umalis. 434 00:32:06,250 --> 00:32:09,666 Habang tumatagal, nagsimulang magtiwala si Tim sa akin 435 00:32:09,750 --> 00:32:13,125 kasi parehas kaming nasa ibang bansa 436 00:32:13,208 --> 00:32:15,916 na ginagawa ang lahat para mahanap si Lucie. 437 00:32:19,291 --> 00:32:21,791 Nakakatanggap ako ng mga tawag ng alas-kuwatro ng umaga. 438 00:32:22,500 --> 00:32:25,208 Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Hindi kasi ako makatulog. 439 00:32:25,750 --> 00:32:27,416 Pero halatang pagod na siya. 440 00:32:28,041 --> 00:32:30,583 Nahihirapan na talaga siya. 441 00:32:30,666 --> 00:32:36,000 Ramdam ko na ang pagod. 442 00:32:37,166 --> 00:32:41,750 Habang patagal nang patagal, 443 00:32:41,833 --> 00:32:44,375 lalong nawawalan ng pag-asa. 444 00:32:46,250 --> 00:32:50,583 Parating iniisip kung ano pa ang puwedeng gawin. 445 00:33:00,666 --> 00:33:02,500 Salamat. Sige. 446 00:33:05,625 --> 00:33:09,041 Ako ang ama ni Lucie Blackman, 447 00:33:09,125 --> 00:33:12,000 isang babaeng taga-Britanya na biglang nawala sa Japan. 448 00:33:13,583 --> 00:33:18,125 Sinimulan ang pagkakaroon ng numerong nakalaan 449 00:33:18,666 --> 00:33:22,916 para direkta kaming makausap 450 00:33:23,000 --> 00:33:24,583 ng mga babaeng taga-Europa o taga-Kanluran. 451 00:33:27,208 --> 00:33:31,666 Mataas ang tsansa na mayroon silang impormasyon. 452 00:33:33,166 --> 00:33:37,125 Hindi gaanong naiintindihan ng kapulisan ng Tokyo 453 00:33:37,833 --> 00:33:40,791 kung bakit at kung anong inaasahan namin mula rito. 454 00:33:42,000 --> 00:33:46,333 Kontra sila sa ideya na mangangalap kami 455 00:33:46,416 --> 00:33:49,458 ng impormasyon sa pamamagitan ng hotline pero di nila kami mapipigilan. 456 00:33:55,041 --> 00:33:57,833 62 ARAW NANG NAWAWALA 457 00:33:59,958 --> 00:34:02,708 Simple lang ang mensahe mula sa kaniyang nanay at kapatid na lalaki. 458 00:34:02,791 --> 00:34:04,625 "Maligayang kaarawan, Lucie." 459 00:34:04,708 --> 00:34:07,291 Pinakawalan ang isang libong lobo sa kalangitan 460 00:34:07,375 --> 00:34:11,875 bilang tanda ng ika-22 na kaarawan ng dating stewardess na nawawala. 461 00:34:11,958 --> 00:34:14,958 Ginawa namin ito para malaman ni Lucie na di namin nakalimutan ang kaarawan niya 462 00:34:15,041 --> 00:34:17,291 kasi 22 taong gulang na siya ngayon, 463 00:34:17,375 --> 00:34:20,958 at gusto niyang pinagdiriwang ang kaarawan niya. 464 00:34:21,041 --> 00:34:22,500 Gusto kong malaman niya na, 465 00:34:22,583 --> 00:34:24,916 kung nasaan man siya, hindi kami nakakalimot. 466 00:34:36,083 --> 00:34:38,166 Marami kaming nadiskubreng report 467 00:34:38,250 --> 00:34:43,666 na dinadala ang mga hostess sa sasakyan 468 00:34:43,750 --> 00:34:46,166 at binibigyan sila ng pampatulog para molestiyahin sila. 469 00:34:47,708 --> 00:34:49,500 Isa sa mga biktima si Jessie na mula sa Australia. 470 00:34:49,583 --> 00:34:53,583 Nagkaroon siya ng parehas na karanasan tatlong taon na ang nakaraan. 471 00:34:54,416 --> 00:34:58,541 ASSISTANT INSPEKTOR YASUHIKO ASANO 472 00:34:58,625 --> 00:35:00,083 Sinulat niya 473 00:35:00,166 --> 00:35:03,291 ang pangalan ng lalaki at cellphone number 474 00:35:03,375 --> 00:35:06,208 sa luma niyang notebook, 475 00:35:06,291 --> 00:35:10,125 na naiwan niya sa Australia. 476 00:35:10,208 --> 00:35:12,208 Dumating ang notebook galing sa Austrlia. 477 00:35:12,291 --> 00:35:13,458 Nakiusap kami sa tatay niya 478 00:35:14,541 --> 00:35:19,166 na ipadala ang notebook sa Japan para kami mismo ang makakita. 479 00:35:23,083 --> 00:35:27,125 Galit na galit siya kaya pilit n'yang binura ang numero. 480 00:35:27,208 --> 00:35:30,041 Nakita namin ang mga numero no'ng tinapat namin sa ilaw. 481 00:35:35,916 --> 00:35:38,833 "Yuji Honda" ang pangalan niya 482 00:35:38,916 --> 00:35:45,416 at ang numero niyang nagtatapos sa 3301 ang nakasulat sa notebook. 483 00:35:48,625 --> 00:35:50,583 Kaya sinimulan naming tingnan 484 00:35:50,666 --> 00:35:55,250 ang mga tawag sa telepono niya. 485 00:35:55,333 --> 00:35:57,583 MGA REKORD NG TAWAG 486 00:35:57,666 --> 00:35:59,375 Ginagamit pa rin ang numerong iyon. 487 00:36:00,291 --> 00:36:04,208 Noong kinuha namin ang mga tala sa numerong iyon. 488 00:36:04,291 --> 00:36:08,666 May mga sampung numero ang nakalista. 489 00:36:10,416 --> 00:36:14,791 At kay Lucie 490 00:36:16,708 --> 00:36:20,791 ang isa sa mga numerong iyon. 491 00:36:23,416 --> 00:36:26,666 Malaking tulong ang impormasyon na iyon. 492 00:36:27,333 --> 00:36:29,166 Ito ang unang pagkakataon 493 00:36:29,250 --> 00:36:33,041 na ang pinagsususpetsahan nilang kumidnap kay Lucie Blackman 494 00:36:33,125 --> 00:36:37,000 ay konektado sa kaniya, na nagkausap sila. 495 00:36:38,666 --> 00:36:40,208 Gumawa ang suspek 496 00:36:40,708 --> 00:36:45,583 ng maraming pekeng pagkakakilanlan, para hindi siya matunton. 497 00:36:46,791 --> 00:36:51,208 Nakiusap kami sa kompanya na hanapin ang lokasyon ng numero 498 00:36:51,291 --> 00:36:53,166 para mahanap ang tumatawag. 499 00:36:55,041 --> 00:36:56,291 Alas-tres impunto, 500 00:36:56,375 --> 00:37:01,250 may nahagip na tawag ang antena malapit sa Tokyo Tower. 501 00:37:02,250 --> 00:37:05,791 Makalipas ang ilang minuto, 502 00:37:05,875 --> 00:37:11,875 may nakuhang signal ang antena mula sa ibang direksyon. 503 00:37:11,958 --> 00:37:13,375 Pagkalipas ng limang minuto, 504 00:37:13,458 --> 00:37:15,541 may nakuhang tawag ang antena sa kanluran. 505 00:37:16,791 --> 00:37:20,375 Makalipas ang limang minuto, may nakuhang tawag uli ang antena sa silangan. 506 00:37:22,416 --> 00:37:23,416 Walang kotse 507 00:37:23,500 --> 00:37:29,208 ang kayang bumiyahe nang ganoon kabilis. 508 00:37:29,291 --> 00:37:30,500 Misteryo ito sa akin. 509 00:37:31,916 --> 00:37:33,375 At naisip ko, 510 00:37:33,458 --> 00:37:36,291 kung apat na antena ang nakakakuha ng tawag sa apat na direksyon, 511 00:37:36,375 --> 00:37:39,208 may posibilidad na 512 00:37:39,291 --> 00:37:43,458 nasa interseksiyon ang tumawag. 513 00:37:48,541 --> 00:37:50,583 Noong taong 2000 ito. 514 00:37:51,083 --> 00:37:52,041 Hindi tulad ng sa pelikula 515 00:37:52,125 --> 00:37:55,208 kung saan maaaring malaman kung saan mismo nanggagaling ang tawag. 516 00:37:55,291 --> 00:37:58,000 Kaya lang iugnay sa isang malawak na lugar. 517 00:37:58,083 --> 00:38:03,416 Nalaman nila na galing ang tawag sa lugar ng mayayaman na tinatawag na Akasaka. 518 00:38:03,500 --> 00:38:07,583 Mukhang nanggagaling ang tawag mula sa lugar na tinatawag na Moto-Akasaka Towers 519 00:38:07,666 --> 00:38:11,208 na isang napakamahal na gusaling tinitirhan 520 00:38:11,291 --> 00:38:13,708 na maraming mga security camera at iba pa. 521 00:38:13,791 --> 00:38:15,833 Hindi basta puwedeng pumasok doon. 522 00:38:19,708 --> 00:38:22,666 Pinakita namin ang mga tsapa namin sa manager. 523 00:38:23,708 --> 00:38:26,375 Sa ikaanim na palapag, dalawang kuwarto ang ginagamit 524 00:38:26,458 --> 00:38:29,958 ng kompanyang tinatawag na Plant Orihara. 525 00:38:30,666 --> 00:38:36,333 Sinabi ng namamahala na kakaiba ang taong nagrerenta roon. 526 00:38:36,416 --> 00:38:39,333 Nilalampasan niya lang ang manager, 527 00:38:39,416 --> 00:38:42,958 ni hindi bumabati, 528 00:38:43,041 --> 00:38:47,875 at laging nakatungo at hindi pinapakita ang mukha. 529 00:38:50,416 --> 00:38:55,625 Marami siyang minamaneho na mamahaling kotse. 530 00:38:56,250 --> 00:39:00,250 Porsche, Mercedes-Benz, Aston Martin, Rolls-Royce. 531 00:39:00,958 --> 00:39:05,083 Nandoon lahat ng mga kotseng nabanggit sa mga pahayag. 532 00:39:06,708 --> 00:39:12,541 Hindi ko alam kung pangalan ng dayuhan o pangalan ng kompanya ang P-Orihara. 533 00:39:12,625 --> 00:39:15,333 Walang impormasyon. 534 00:39:15,416 --> 00:39:18,916 Hindi nakalista ang pangalan ng residente. 535 00:39:20,000 --> 00:39:22,208 Iniisip nila na siya ang suspek 536 00:39:22,291 --> 00:39:26,083 pero wala silang sapat na ebidensya para hulihin siya. 537 00:39:26,166 --> 00:39:29,666 Mayroon lang silang mga hinagap kaya huminto ang imbestigasyon, 538 00:39:29,750 --> 00:39:30,875 hindi na puwedeng ipagpatuloy. 539 00:39:40,833 --> 00:39:47,208 Sa mga nakausap naming hostess, 540 00:39:47,750 --> 00:39:54,625 may iilan na handang magbigay ng pahayag. 541 00:39:55,666 --> 00:39:59,541 Isa sa kanila si Monica mula sa England. 542 00:40:00,666 --> 00:40:04,583 Koji raw ang pangalan ng lalaki. 543 00:40:07,500 --> 00:40:12,750 Nangyari ito noong ika-10 ng Oktubre, 1997. 544 00:40:12,833 --> 00:40:16,166 Nakilala niya si Koji sa Roppongi 545 00:40:17,166 --> 00:40:22,208 at pumunta sila sa isang apartment 546 00:40:22,291 --> 00:40:24,166 na tanaw ang karagatan. 547 00:40:26,750 --> 00:40:31,916 Naaalala niya raw ang hilera ng puno ng niyog 548 00:40:32,583 --> 00:40:35,791 at Zushi Marina lang 549 00:40:35,875 --> 00:40:41,125 ang lugar na mayroon nito. 550 00:40:42,375 --> 00:40:47,250 Baka maalala niya pa ang ibang detalye, 551 00:40:47,333 --> 00:40:50,458 kaya pumunta kami sa Zushi Marina. 552 00:40:54,500 --> 00:40:57,250 Mga isa't kalahating oras ang layo ng Zushi Marina sa Tokyo, 553 00:40:57,333 --> 00:41:00,291 isa itong mamahaling resort condominium 554 00:41:00,375 --> 00:41:04,166 na nasa isang lugar na nakalaan para sa mayayaman. 555 00:41:05,416 --> 00:41:07,833 Sabi ni Monica na ito iyon. 556 00:41:07,916 --> 00:41:12,208 Ito ang lugar kung saan siya dinala ng customer. 557 00:41:14,416 --> 00:41:19,500 Lumibot kami roon, 558 00:41:20,250 --> 00:41:25,208 sa pagkakaalala niya, baka gusali na may numerong apat o pito iyon, 559 00:41:25,291 --> 00:41:27,166 pero hindi niya makumpirma kung anong gusali iyon. 560 00:41:28,500 --> 00:41:31,708 Naalala kong pumunta kami sa isang malapit na restaurant 561 00:41:32,625 --> 00:41:37,333 at pinakita sa isang serbidora ang larawan ni Lucie. 562 00:41:38,791 --> 00:41:43,625 Sinabi niya na sigurado siya na pumunta si Lucie 563 00:41:43,708 --> 00:41:45,625 noong unang araw ng Hulyo. 564 00:41:46,125 --> 00:41:48,041 TAAS 175CM, KATAMTAMAN ANG KATAWAN, PAHABA ANG MUKHA 565 00:41:48,125 --> 00:41:49,458 Tinanong ko kung mag-isa si Lucie, 566 00:41:50,958 --> 00:41:52,500 at sinabi niyang may kasama siyang lalaki. 567 00:42:01,250 --> 00:42:05,041 Gusto kong makuha ang pangalan ng mga residente ng Zushi Marina. 568 00:42:05,791 --> 00:42:08,458 Kinausap ko ang assistant manager. 569 00:42:08,958 --> 00:42:13,250 Pinaliwanag ko na kailangan ito agad at naunawaan niya. 570 00:42:13,958 --> 00:42:16,333 SARHENTO RYO HATASHITA 571 00:42:19,000 --> 00:42:20,958 Dapat isa-isa kong suriin ang mga pangalan. 572 00:42:21,041 --> 00:42:24,583 Alam kong magiging mahirap at matrabaho ito, 573 00:42:25,083 --> 00:42:29,000 pero kung buhay pa siya, kailangan namin siyang sagipin agad. 574 00:42:30,000 --> 00:42:34,291 Hindi namin mahanap ang suspek kahit na inisa-isa na namin ang listahan, 575 00:42:35,000 --> 00:42:39,250 pero may kutob ako na kaduda-duda ang isa sa kanila. 576 00:42:40,625 --> 00:42:44,916 Kaya naghanap ako ng lalaking 577 00:42:45,000 --> 00:42:48,708 maraming mamahaling sasakyan. 578 00:42:50,416 --> 00:42:52,333 Isang taong tinatawag na "Obara" ang nangibabaw. 579 00:42:53,500 --> 00:42:55,583 Noong narinig ko iyon, 580 00:42:55,666 --> 00:42:59,541 naalala ko 581 00:43:00,250 --> 00:43:03,000 sa Moto-Akasaka Towers 582 00:43:04,041 --> 00:43:07,833 may kompanyang nagngangalang Plant Orihara. 583 00:43:12,250 --> 00:43:15,000 Puwedeng basahin ang Kanji ng "Obara" 584 00:43:16,416 --> 00:43:19,666 bilang "Orihara." 585 00:43:26,625 --> 00:43:29,125 Kinilabutan at nanginig ako. 586 00:43:30,541 --> 00:43:33,000 Malaking hakbang ito sa pag-usad ng imbestigasyon 587 00:43:33,083 --> 00:43:35,750 dahil ito ang unang pagkakataon na napagtagpi-tagpi ang lahat. 588 00:43:35,833 --> 00:43:37,166 A310 JOJI OBARA 589 00:43:37,250 --> 00:43:39,416 Sa wakas, may pangalan na ang mga pulis. 590 00:43:44,958 --> 00:43:46,041 Nalaman naming inaresto 591 00:43:46,125 --> 00:43:51,875 si Joji Obara sa Wakayama 592 00:43:53,916 --> 00:43:58,750 dahil nagbihis-babae siya 593 00:43:58,833 --> 00:44:02,000 para makapag-video sa banyo ng mga babae. 594 00:44:03,875 --> 00:44:08,458 Kinausap ko ang mga opisyal na may hawak ng kaso noon, 595 00:44:08,541 --> 00:44:11,208 at tinanong ko kung ano ang ugali niya. 596 00:44:11,291 --> 00:44:13,458 Sinabi nila, "Hindi nakikipagtulungan." 597 00:44:14,541 --> 00:44:16,875 Noong inaresto siya, 598 00:44:16,958 --> 00:44:20,541 ayaw niyang makunan ng larawan. 599 00:44:21,208 --> 00:44:25,333 Umiiwas siya sa kamera at hindi talaga siya nakikisama. 600 00:44:27,875 --> 00:44:31,500 Humingi ako ng larawan para ma-fax sa 'kin. 601 00:44:43,541 --> 00:44:48,416 Hindi maganda ang kalidad ng mga fax machine noon kaya di ito malinaw. 602 00:44:49,958 --> 00:44:53,000 Nagpakita kami ng 100 larawan kasama ang larawan ng suspek 603 00:44:53,083 --> 00:44:55,000 at pinakita namin sa mga biktima. 604 00:44:58,166 --> 00:45:01,375 Tinuro nina Monica at Jessie 605 00:45:01,458 --> 00:45:08,083 ang larawan ni Obara nang walang pag-aatubili. 606 00:45:09,666 --> 00:45:11,875 Sa unang pagkakataon, 607 00:45:11,958 --> 00:45:16,625 napangalanan na ang hindi kilalang suspek. 608 00:45:21,583 --> 00:45:26,708 Alam na nila ang itsura ng suspek at naisip nila na 609 00:45:27,708 --> 00:45:29,750 kapag hawak niya pa rin si Lucie Blackman, 610 00:45:29,833 --> 00:45:32,375 wala na silang panahon at dapat na silang magmadali. 611 00:45:38,208 --> 00:45:40,333 103 ARAW NANG NAWAWALA 612 00:45:43,875 --> 00:45:48,083 Hindi namin siya makonekta sa kaso ni Lucie, pero tingin namin 613 00:45:48,166 --> 00:45:49,875 na may sapat na dahilan para arestuhin siya 614 00:45:51,375 --> 00:45:53,416 base sa ibang biktima. 615 00:45:58,875 --> 00:46:03,041 Nakapuwesto na kami pagsapit ng alas-sais ng umaga. 616 00:46:05,208 --> 00:46:07,916 INSPEKTOR TADASHI NAITO 617 00:46:08,000 --> 00:46:12,833 Kinakabahan ang mga imbestigador sa tuwing nag-aaresto. 618 00:46:13,458 --> 00:46:16,875 Kabadong-kabado ako. 619 00:46:17,375 --> 00:46:19,250 May dalawang guwardiya sa emergency exit, 620 00:46:19,333 --> 00:46:22,041 dalawang tao sa tabi ng bintana, 621 00:46:23,416 --> 00:46:26,041 at isang sa pintuan para magbantay. 622 00:46:26,125 --> 00:46:28,750 Mayroong pitong tao. 623 00:46:29,708 --> 00:46:34,750 Sinabihan akong gising na ang suspek dahil bukas na ang telebisyon. 624 00:46:34,833 --> 00:46:38,083 Kaya patuloy kong binantayan ang sitwasyon. 625 00:46:39,458 --> 00:46:44,916 Lagi siyang lumalabas para bumili ng diyaryo tuwing alas-siyete 626 00:46:45,000 --> 00:46:48,041 kaya naisip kong hindi kailangang sumugod. 627 00:46:48,125 --> 00:46:54,041 Parang hindi naman madaling magalit si Obara. 628 00:46:54,875 --> 00:46:57,125 Palagay ko hindi siya magiging marahas. 629 00:46:57,791 --> 00:47:01,708 Pero nag-aalala ako na baka tumalon siya sa bintana. 630 00:47:01,791 --> 00:47:03,250 Iyon lang ang iniisip ko. 631 00:47:05,875 --> 00:47:09,458 Bago mag-alas-siyete, bumukas ang pintuan. 632 00:47:10,666 --> 00:47:15,416 Nang tinanong ko, "Ikaw ba si Obara?" Nag-iba ang hitsura niya. 633 00:47:16,375 --> 00:47:18,000 Sagot niya, "Oo. Ako 'yon." 634 00:47:21,833 --> 00:47:24,458 Tingin ko, alam na niyang aarestuhin siya. 635 00:47:27,708 --> 00:47:30,708 Joji Obara, ang presidente ng isang property management firm, 636 00:47:30,791 --> 00:47:32,375 ay naaresto nitong umaga. 637 00:47:32,458 --> 00:47:35,166 Ayon sa mga pulis, madalas makita si Obara sa lugar 638 00:47:35,250 --> 00:47:38,500 kung saan nagtatrabaho ang 22 anyos na si Lucie mula sa Kent. 639 00:47:38,583 --> 00:47:41,041 Narinig namin na may suspek 640 00:47:41,125 --> 00:47:45,416 at hindi nagtagal, mayroon nang naaresto. 641 00:47:46,541 --> 00:47:47,958 Malaking balita ito. 642 00:47:49,000 --> 00:47:52,250 Alam siguro ng lalaking ito kung nasaan si Lucie. 643 00:47:56,875 --> 00:48:02,875 Maraming babae si Joji Obara. Napamanahan siya ng maraming pera. 644 00:48:02,958 --> 00:48:05,333 Yumaman siya nang husto dahil sa ama niya, 645 00:48:05,416 --> 00:48:10,625 pero ayon sa mga kapitbahay, lagi siyang mag-isa. 646 00:48:12,333 --> 00:48:14,208 Maraming siyang ari-arian, 647 00:48:14,750 --> 00:48:19,333 at nagsimulang galugarin ng mga pulis ang mga pagmamay-ari niya. 648 00:48:19,416 --> 00:48:20,583 Tumabi po muna kayo. 649 00:48:22,916 --> 00:48:28,125 Ako ang namahala sa pinangyarihan ng krimen sa Zushi Marina No. 4. 650 00:48:29,375 --> 00:48:31,833 Marami kaming nahanap 651 00:48:32,583 --> 00:48:37,083 na may kinalaman sa droga at alak. 652 00:48:38,291 --> 00:48:41,375 Ang malinaw pa sa alaala ko 653 00:48:41,458 --> 00:48:45,750 ay ang bakal na nakabit sa kisame. 654 00:48:47,958 --> 00:48:49,791 Naalala ko, nagtataka ako 655 00:48:49,875 --> 00:48:53,083 kung saan ginamit ang bakal na iyon. 656 00:48:58,416 --> 00:49:03,125 Ako ang namahala sa pangangalap ng mga ebidensiya sa Moto-Akasaka Towers. 657 00:49:03,625 --> 00:49:08,500 Di ko malilimutan ang notebook niya. 658 00:49:11,875 --> 00:49:13,708 Hindi ko alam kung kailan niya ito sinulat, 659 00:49:13,791 --> 00:49:17,500 pero naisulat niya na magiging masama siya, 660 00:49:18,166 --> 00:49:19,833 na i-aalay niya ang sarili sa kasamaan. 661 00:49:22,291 --> 00:49:27,541 Binago niya ang kaniyang pag-iisip para maging ganap na masama 662 00:49:27,625 --> 00:49:31,041 hanggang sa naging parang halimaw na siya. 663 00:49:34,625 --> 00:49:36,625 Pagkaaresto kay Joji Obara, 664 00:49:36,708 --> 00:49:39,875 sinalakay ng mga pulis ang mga ari-arian niya sa Tokyo 665 00:49:39,958 --> 00:49:41,750 dahil mahusay siya sa larangan ng real estate, 666 00:49:41,833 --> 00:49:45,583 kasama na ang condominium sa tabing-dagat sa Zushi Marina, 667 00:49:45,666 --> 00:49:47,791 kung saan niya binibitag ang karamihan sa mga biktima niya. 668 00:49:49,375 --> 00:49:52,916 Marami kaming nakuhang videotape, 669 00:49:55,125 --> 00:49:56,916 hindi lang dalawa o tatlo iyon. 670 00:50:04,250 --> 00:50:07,375 May pangalan ang mga videotape, pero hindi mga buong pangalan. 671 00:50:09,041 --> 00:50:13,666 Naka-rekord sa mga videotape ang ginawa ni Obara sa mga babae. 672 00:50:15,500 --> 00:50:21,250 Pero sa tingin ko hindi ko na dapat i-detalye pa itong muli. 673 00:50:25,750 --> 00:50:27,333 May nahanap ang mga pulis 674 00:50:28,500 --> 00:50:32,791 na higit sa 400 videotape ng mga babae, 675 00:50:33,500 --> 00:50:35,416 mga matagal nang walang malay, 676 00:50:36,000 --> 00:50:39,041 nakahiga sa mga kama habang sinasaktan niya. 677 00:50:40,875 --> 00:50:43,166 Para itong makikita lang sa mga nakakatakot na pelikula. 678 00:50:45,166 --> 00:50:51,791 Nalaman namin na ginagamit ang mga bakal sa kisame 679 00:50:55,458 --> 00:51:00,875 para iangat ang mga binti ng mga biktima. 680 00:51:02,041 --> 00:51:06,000 Hindi niya sila tinuring na tao, 681 00:51:06,666 --> 00:51:09,166 mga manyika lang. 682 00:51:09,250 --> 00:51:11,375 Ngayon lang ako nakakita 683 00:51:13,541 --> 00:51:19,458 ng ganoong kasuklam-suklam. 684 00:51:20,083 --> 00:51:23,833 Hindi ko kailanman inakala na may makakagawa ng ganoon. 685 00:51:30,791 --> 00:51:32,708 Napakarami naming nakita 686 00:51:32,791 --> 00:51:35,583 at kailangang isa-isahin iyon ng mga detektib. 687 00:51:37,708 --> 00:51:42,083 Pero ni isa sa mga tape na iyon ang kay Lucie Blackman. 688 00:51:49,541 --> 00:51:51,750 Dapat mahanap namin si Lucie. 689 00:51:55,583 --> 00:51:57,083 Ramdam ko ang bigat ng dapat kong gawin. 690 00:51:58,625 --> 00:52:02,250 Akala ko na may pag-asa kami dahil marami nang ebidensiya laban sa kaniya. 691 00:52:04,250 --> 00:52:05,750 Habang kausap siya, 692 00:52:06,333 --> 00:52:12,416 tingin ko na kakaiba at nakakatakot siya. 693 00:52:14,416 --> 00:52:17,916 Itinanggi niya lahat ng krimen na may kinalaman sa kaniya. 694 00:52:20,125 --> 00:52:22,208 Kahit na nagpakita na ako ng ebidensiya, 695 00:52:23,416 --> 00:52:25,041 giniit niyang pagtatanghal lang iyon. 696 00:52:26,250 --> 00:52:29,333 Binayaran niya raw sila. 697 00:52:29,958 --> 00:52:34,791 Iyon ang ginamit niyang dahilan. Iyon lang ang inamin niya. 698 00:52:45,583 --> 00:52:48,416 Itinanggi ni Obara na may alam siya tungkol kay Lucie. 699 00:52:48,500 --> 00:52:52,958 Itinanggi niyang nagkakilala sila, na nagkausap sila. 700 00:52:55,500 --> 00:52:57,583 Dapat batay sa ebidensiya na mayroon sila 701 00:52:57,666 --> 00:53:00,083 ang sentro ng imbestigasyon ngayon. 702 00:53:00,166 --> 00:53:04,750 Iginiit ni Obara na payag ang mga babae sa mga makikita sa videotape. 703 00:53:05,375 --> 00:53:09,458 Ngayon, kailangan nilang mahanap ang ilan sa mga biktima na lalapit 704 00:53:09,541 --> 00:53:12,416 at magpapatunay na hindi sila sang-ayon sa nangyari, 705 00:53:12,500 --> 00:53:13,583 na mga biktima sila, 706 00:53:13,666 --> 00:53:15,958 para puweden siyang kasuhan. 707 00:53:22,708 --> 00:53:24,333 Nang makita ko ang mga pruwebang naka-video, 708 00:53:24,416 --> 00:53:27,625 tingin ko maihahalintulad ang krimeng ito sa kaso ng pagpatay. 709 00:53:29,833 --> 00:53:33,750 Para sa mga babae, kasinglala ng mga krimeng sekswal ang pagpatay. 710 00:53:34,750 --> 00:53:38,750 SARHENTO MITSUKO YAMAGUCHI 711 00:53:38,833 --> 00:53:44,916 Naalala kong nilagay namin ang analysis team sa isang malaking kuwarto. 712 00:53:45,000 --> 00:53:49,958 Dose-dosenang tao ang kasya sa kuwarto. 713 00:53:52,541 --> 00:53:54,166 Kapos kami sa tauhan, 714 00:53:54,916 --> 00:54:00,500 kaya kumuha kami ng mga batang opisyal mula sa riot police para tumulong. 715 00:54:02,541 --> 00:54:04,250 Nag-iiba ang mga biktima, 716 00:54:04,333 --> 00:54:09,083 pero paulit-ulit nilang nakikita ang pare-parehong krimen. 717 00:54:09,166 --> 00:54:13,833 Karamihan sa mga batang opisyal 718 00:54:13,916 --> 00:54:19,125 ang di kinayanan ang mga nasaksihan. 719 00:54:23,416 --> 00:54:25,750 Pumunta ako sa bahay ng ilang biktima 720 00:54:26,583 --> 00:54:31,291 at kinapanayam ko sila. 721 00:54:31,375 --> 00:54:34,875 Gumising sila at hindi nila alam ang mga nangyayari sa kanila, 722 00:54:34,958 --> 00:54:36,916 iyan ang sinabi nila. 723 00:54:37,000 --> 00:54:39,750 Pero may ebidensiya kami para patunayan na may nangyari. 724 00:54:39,833 --> 00:54:42,125 Mahirap ipakita iyon sa kanila. 725 00:54:44,708 --> 00:54:47,250 Tinatakpan nila ang mga mata nila. 726 00:54:47,333 --> 00:54:49,666 Sabi ng isa, "Sabihin mong hindi ako iyan, ako ba iyon?" 727 00:54:49,750 --> 00:54:54,333 May mga nagsabi na, "Tapos na iyon at ayoko nang pagkaabalahan pa ito." 728 00:54:54,416 --> 00:54:59,208 Dumugo ang ilong ng isang biktima. 729 00:54:59,291 --> 00:55:06,041 Siguradong nahihirapan ang loob niya. 730 00:55:08,333 --> 00:55:11,166 Sinabi ko na kailangan siyang arestuhin para maparusahan siya 731 00:55:11,250 --> 00:55:13,041 at para mangyari iyon, 732 00:55:13,666 --> 00:55:15,041 kailangan namin ng tulong nila. 733 00:55:17,208 --> 00:55:18,791 Ayaw naming malusutan ito ni Obara. 734 00:55:21,166 --> 00:55:23,208 Iyan ang naramdaman namin. 735 00:55:24,750 --> 00:55:29,791 Pinaliwanag ko ito nang maigi sa mga biktima. 736 00:55:33,791 --> 00:55:35,250 Iyon lang ang tanging paraan. 737 00:55:42,958 --> 00:55:46,166 Kailangang patunayan ng mga pulis na hindi ginusto ng biktima ang nangyari. 738 00:55:46,250 --> 00:55:51,250 Kapag nabigyan ng pampatulog ang tao, di siya makakapapayag na makipagtalik 739 00:55:52,333 --> 00:55:54,250 at tinatawag itong "quasi rape" sa Japan. 740 00:55:55,041 --> 00:55:56,541 At halos sigurado sila 741 00:55:56,625 --> 00:56:00,000 na gumamit siya ng chloroform sa isa sa mga biktima niya. 742 00:56:01,208 --> 00:56:04,166 Mayroon silang forensic investigator na tumingin sa mga videotape na iyon. 743 00:56:11,875 --> 00:56:18,583 Kukuha siya ng tuwalya at bote galing sa mesa 744 00:56:18,666 --> 00:56:20,875 at isasalin ang laman ng bote. 745 00:56:21,375 --> 00:56:26,250 Inilagay niya ito sa mukha ng biktima. 746 00:56:27,375 --> 00:56:31,625 IMBESTIGADOR SA FORENSICS KEIZO HARAFUJI, PHD 747 00:56:33,125 --> 00:56:37,458 Laging nakatakip ng tuwalya ang mukha ng mga biktima. 748 00:56:38,708 --> 00:56:42,791 Kasama sa mga nakuhang gamit ang mga gamot na pampatulog, 749 00:56:42,875 --> 00:56:46,958 at maraming ether, chloroform, 750 00:56:47,041 --> 00:56:50,375 at iba pang ilegal na droga 751 00:56:51,125 --> 00:56:52,583 na pampatulog. 752 00:56:55,208 --> 00:56:57,833 Habang nanonood ako ng mga video ng mga biktima, 753 00:56:57,916 --> 00:57:00,291 may napansin akong babae. 754 00:57:01,041 --> 00:57:02,166 Bigla na lang 755 00:57:02,250 --> 00:57:09,208 nanginig ang mga kamay niya. 756 00:57:09,291 --> 00:57:15,333 Nagtaka ako kung bakit gumagalaw ang mga kamay niya kahit wala siyang malay. 757 00:57:17,291 --> 00:57:21,750 Maaaring mauwi sa acute hepatitis ang pagkalason sa chloroform 758 00:57:21,833 --> 00:57:26,416 na maaaring maging hepatic encephalopathy. 759 00:57:26,500 --> 00:57:30,916 Isang sintomas nito ang tinatawag na flapping tremors. 760 00:57:31,541 --> 00:57:37,166 Habang pinag-aaralan ko pa ang sitwasyon ng biktima, 761 00:57:37,250 --> 00:57:40,458 nalaman ko na siya si Carita, isang 21 anyos na biktima 762 00:57:40,541 --> 00:57:44,416 na namatay na. 763 00:57:50,541 --> 00:57:54,458 Si Carita Ridgway na kaedad ni Lucie, 21 anyos, 764 00:57:54,958 --> 00:57:58,500 ay nawala, nauna nang walong taon, noong 1992. 765 00:58:00,250 --> 00:58:03,666 Nakilala ko ang nakatatandang kapatid ni Carita, si Samantha. 766 00:58:04,208 --> 00:58:10,208 Parehas silang naglalakbay sa Japan at Australia noon. 767 00:58:10,291 --> 00:58:12,000 Malakas ang loob nilang dalawa. 768 00:58:12,500 --> 00:58:16,833 Nagturo ng Ingles si Sam sa Tokyo. 769 00:58:18,958 --> 00:58:23,583 Sumama si Carita sa kaniya pero wala siyang mahanap na trabaho. 770 00:58:25,458 --> 00:58:29,708 Kaya nagpasya siyang pansamantalang magtrabaho bilang isang hostess. 771 00:58:33,958 --> 00:58:37,000 Isang araw, hinatid si Carita sa ospital 772 00:58:37,791 --> 00:58:41,708 ng isang lalaki na nagsabing na-food poison siya. 773 00:58:45,666 --> 00:58:49,333 Hindi maintindihan ng mga doktor ang nangyayari sa kaniya. 774 00:58:49,833 --> 00:58:52,250 Hindi na gumagana ang mga organ niya. 775 00:58:53,041 --> 00:58:54,875 Pagkatapos ng isang linggo sa ospital, 776 00:58:54,958 --> 00:58:58,000 kinailangan nang patayin ang makinang bumubuhay sa kaniya. 777 00:59:00,791 --> 00:59:03,458 Pero ayaw pang kumilos ng pulisya noon 778 00:59:03,541 --> 00:59:05,750 dahil sabi nila, namatay raw siya dahil sa food poisoning 779 00:59:05,833 --> 00:59:08,166 at hindi sila nagsuspetsa na krimen iyon. 780 00:59:08,666 --> 00:59:10,041 Walang autopsy na naganap. 781 00:59:10,833 --> 00:59:14,708 Buti na lang na nagtago sila ng kapiraso ng atay ni Carita. 782 00:59:16,791 --> 00:59:22,041 Pagkatapos ng pagkaaresto kay Obara, pinagtagpi-tagpi ng mga pulis ang lahat 783 00:59:22,125 --> 00:59:26,083 at sinuri ang kapiraso ng atay at may nakitang chloroform. 784 00:59:26,583 --> 00:59:31,625 At puwede nilang arestuhin si Joji Obara para sa pagdakip 785 00:59:32,125 --> 00:59:35,458 at pagpatay kay Carita Ridgway. 786 00:59:38,291 --> 00:59:42,708 Pero isang misteryo pa rin kung ano ang ginawa niya kay Lucie 787 00:59:42,791 --> 00:59:45,041 at halatang sinira niya 788 00:59:45,125 --> 00:59:48,083 ang tape na tampok ang ginawa niya kay Lucie. 789 00:59:48,166 --> 00:59:55,041 Kaya mahirap ituro ang pagdakip at pagpatay kay Lucie Blackman sa kaniya. 790 01:00:05,208 --> 01:00:06,875 134 ARAW NANG NAWAWALA 791 01:00:07,833 --> 01:00:11,833 Di pa rin alam nina Tim Blackman at Sophie kung ano'ng nangyari kay Lucie. 792 01:00:11,916 --> 01:00:16,708 Naglaho ang 22 anyos sa Tokyo noong Hulyo habang nagtatrabaho bilang isang hostess. 793 01:00:16,791 --> 01:00:20,208 Sa isang ulat, naglahad ng mas maraming impormasyon ang negosyanteng si Joji Obara 794 01:00:20,291 --> 01:00:22,041 na naaresto, isang buwan na'ng nakalipas, 795 01:00:22,125 --> 01:00:25,083 pero itinatanggi pa rin niya na may kinalaman siya sa pagkawala ni Lucie. 796 01:00:25,166 --> 01:00:30,625 Inamin na niyang nakilala niya si Lucie sa Casablanca club. 797 01:00:30,708 --> 01:00:34,833 Siguro, nangyari iyon isang linggo bago siya naglaho. 798 01:00:34,916 --> 01:00:37,125 Napakarami niyang karanasan 799 01:00:37,208 --> 01:00:40,458 sa pagdakip ng mga mestisang taga-Kanluran 800 01:00:40,541 --> 01:00:42,875 at isang linggo lang ang dumaan, nawala na si Lucie. 801 01:00:43,583 --> 01:00:49,041 Nagkaroon kami ng pag-asa na mababalik si Lucie dahil sa pagkaaresto kay Obara 802 01:00:49,125 --> 01:00:52,041 pero natapos ito agad dahil hindi na maganda 803 01:00:52,875 --> 01:00:54,583 ang mga susunod na nangyari. 804 01:00:54,666 --> 01:00:58,916 Pagod na pagod na ako noon at di ko na alam ang pagkakaiba 805 01:01:00,166 --> 01:01:04,875 ng ligaya, kaunting ginhawa, depresyon, kawalan ng kapanatagan, 806 01:01:05,791 --> 01:01:06,916 o sobrang sama ng loob. 807 01:01:07,000 --> 01:01:11,958 Sabay-sabay itong nararamdaman. 808 01:01:17,291 --> 01:01:20,666 Tutok pa rin kami kay Lucie. 809 01:01:22,750 --> 01:01:25,416 Kinailangan naming pag-aralan ang bawat ebidensiya 810 01:01:25,500 --> 01:01:29,291 para masagip siya. 811 01:01:33,791 --> 01:01:36,875 Mahilig mangolekta ng gamit si Obara, 812 01:01:37,541 --> 01:01:42,125 at marami siyang tinagong resibo sa apartment niya. 813 01:01:42,666 --> 01:01:46,666 Maiging sinuri ito ng Evidence Analysis Team 814 01:01:47,291 --> 01:01:51,166 at nilista nila ang pagkakasunod-sunod ng mga ginawa ni Obara. 815 01:01:53,375 --> 01:01:55,041 Mayroon siyang resibo ng lahat. 816 01:01:55,916 --> 01:01:58,000 At nabuo nila 817 01:01:58,083 --> 01:02:02,541 mula sa mga resibo kung paano ang galaw niya. 818 01:02:04,291 --> 01:02:08,083 Bandang alas-tres ng hapon noong Hulyo 1, 819 01:02:08,833 --> 01:02:13,000 pinagpalagay ng grupo na nagkita sina Obara at Lucie para pumunta sa Zushi. 820 01:02:13,083 --> 01:02:14,875 Papunta sa Zushi, 821 01:02:14,958 --> 01:02:20,791 kumain sina Obara at Lucie sa restaurant sa may pantalan ng yate sa Zushi Marina. 822 01:02:20,875 --> 01:02:25,041 Kinumpirma ito ni Assistant Inspektor Asano noon. 823 01:02:26,166 --> 01:02:27,166 1 HULYO 2000 824 01:02:27,250 --> 01:02:29,291 Kinagabihan, mga bandang 5:00 p.m., 825 01:02:30,375 --> 01:02:34,083 pumunta sila sa apartment ni Obara sa Zushi Marina. 826 01:02:35,625 --> 01:02:38,833 Hindi na alam kung nasaan si Lucie sa panahong iyon. 827 01:02:39,375 --> 01:02:40,291 IKA-2 NG HULYO 2000 828 01:02:40,375 --> 01:02:45,083 Kinagabihan ng ika-2 ng Hulyo hanggang umaga ng ika-3 ng Hulyo, 829 01:02:45,166 --> 01:02:47,958 bumalik si Obara sa Tokyo. 830 01:02:49,000 --> 01:02:50,583 Noong ika-4 ng Hulyo, 831 01:02:50,666 --> 01:02:53,000 maraming pinamili si Obara. 832 01:02:55,333 --> 01:03:01,791 Noong ika-5 ng Hulyo, may pinuntahang apartment si Obara sa Blue Sea Aburatsubo, 833 01:03:01,875 --> 01:03:06,250 isa sa mga ari-arian niya. 834 01:03:08,166 --> 01:03:09,375 Nang sumunod na araw, 835 01:03:09,458 --> 01:03:15,333 nagreklamo ang residente sa manager dahil sa ingay na galing sa apartment ni Obara. 836 01:03:18,875 --> 01:03:22,416 Sa lahat ng mga resibo, nagtaka lahat kung para saan 837 01:03:22,500 --> 01:03:27,750 ang chainsaw, semento, at tent. 838 01:03:28,666 --> 01:03:31,166 At naisip nila 839 01:03:31,750 --> 01:03:35,166 na gagamitin siguro ang mga iyon para pagtakpan ang krimen. 840 01:03:40,166 --> 01:03:42,166 Base sa pagsusuri, pinagpalagay ng grupo na… 841 01:03:45,958 --> 01:03:50,083 namatay si Lucie noong gabi ng Hulyo 1. 842 01:03:53,416 --> 01:03:55,000 Sa mga sumunod na araw, 843 01:03:55,708 --> 01:03:59,541 dinala ang katawan niya mula sa Zushi Marina papuntang Blue Sea Aburatsubo 844 01:04:01,875 --> 01:04:05,250 at malaki ang posibilidad na doon siya hinati-hati. 845 01:04:11,083 --> 01:04:14,083 Matapos busisihin ang ebidensiya, 846 01:04:14,916 --> 01:04:18,458 ito ang kuwentong nabuo. 847 01:04:24,291 --> 01:04:26,000 Para sa kaso ni Lucie, 848 01:04:26,083 --> 01:04:28,625 gusto rin namin ng sapat na ebidensiya, 849 01:04:28,708 --> 01:04:32,458 pero karamihan dito ay puro paghahalintulad lang sa nangyari sa iba. 850 01:04:35,291 --> 01:04:38,375 Kailangan namin ng konkretong ebidensiya para makabuo ng kaso para kay Lucie 851 01:04:39,958 --> 01:04:44,083 pero hangga't walang katawan, 852 01:04:44,166 --> 01:04:45,750 hindi siya puwedeng kasuhan ng pagpatay. 853 01:05:09,875 --> 01:05:12,583 Sinabi ng tagausig na mahirap 854 01:05:13,333 --> 01:05:19,708 magsampa ng kaso nang walang pag-amin, 855 01:05:20,750 --> 01:05:27,208 kaya dapat naming mahanap ang katawan kahit ano'ng mangyari. 856 01:05:28,250 --> 01:05:31,916 SUPERINTENDENTE KATSUYOSHI ABE 857 01:05:32,000 --> 01:05:35,250 Sinimulan namin sa paghahanap sa lugar 858 01:05:35,958 --> 01:05:41,000 kung saan puwedeng magbaon ng bangkay. 859 01:05:46,958 --> 01:05:50,000 Wala kaming idea kung nasaan siya. 860 01:05:51,666 --> 01:05:55,250 Hindi naman siguro ganoon kalayo mula sa apartment niya sa Aburatsubo. 861 01:05:57,125 --> 01:05:59,791 Isang linggo na lang ang binigay sa amin 862 01:05:59,875 --> 01:06:02,750 ng mga nakatataas para maghanap. 863 01:06:05,208 --> 01:06:07,333 Pahihintuin nila kami pagkatapos ng linggong ito. 864 01:06:10,291 --> 01:06:12,916 Bumabaliktad na ang sikmura ko. 865 01:06:17,375 --> 01:06:19,750 Sinabi ko sa mga tauhan ko na huling pagkakataon na ito. 866 01:06:19,833 --> 01:06:21,666 Ayaw kong isipin 867 01:06:22,333 --> 01:06:25,625 ang mangyayari kung hindi namin siya mahanap. 868 01:06:30,791 --> 01:06:36,500 Hindi siya puwedeng palayain. Dapat siyang makulong. 869 01:06:37,000 --> 01:06:38,458 Iyon ang naramdaman ko. 870 01:06:39,541 --> 01:06:43,458 ASSISTANT INSPEKTOR YUJI NOZOE 871 01:06:45,000 --> 01:06:47,708 Ang mga lugar na pinaghanapan namin, 872 01:06:48,666 --> 01:06:50,500 mapanganib ang daanan. 873 01:06:52,833 --> 01:06:54,833 Ilang araw namin itong ginawa 874 01:06:56,666 --> 01:06:58,666 hanggang sa dumumi at bumaho na kami. 875 01:07:03,083 --> 01:07:07,333 IKA-9 NG PEBRERO 2001 233 ARAW NANG NAWAWALA 876 01:07:20,833 --> 01:07:25,375 Pumunta kami sa tabing-dagat sa ganap na 8:15 ng umaga. 877 01:07:33,375 --> 01:07:35,750 May iilang kuweba. 878 01:07:39,083 --> 01:07:40,666 Naisip kong sundin ang kutob ko. 879 01:07:53,208 --> 01:08:00,208 Maraming kalat sa lugar mula sa baybayin. 880 01:08:00,291 --> 01:08:04,916 Kaya inalis namin lahat ng nasa loob ng kuweba. 881 01:08:05,958 --> 01:08:08,500 Nang maalis iyon, 882 01:08:09,250 --> 01:08:10,916 may nakita kaming bathtub. 883 01:08:14,583 --> 01:08:16,875 Tinaob namin iyon. 884 01:08:19,208 --> 01:08:21,125 "Kumakain ng laman ang mga insektong ito," sabi ko. 885 01:08:24,583 --> 01:08:29,583 Inalis ko ang kalat sa lugar at patuloy akong naghukay. 886 01:08:35,291 --> 01:08:38,583 Noong una, sako lang ang nakita ko. 887 01:08:39,083 --> 01:08:43,083 At nang buksan ko ito, 888 01:08:45,333 --> 01:08:46,875 sigurado akong si Lucie iyon. 889 01:08:49,750 --> 01:08:53,250 Nakatayo ako sa mabatong lugar na malapit sa kuweba 890 01:08:53,333 --> 01:08:54,708 at tumunog ang telepono ko, 891 01:08:55,375 --> 01:08:58,458 at narinig ko si Nozoe, "Nandito! Nandito!" 892 01:08:59,500 --> 01:09:03,708 Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. 893 01:09:03,791 --> 01:09:06,500 Sinabi ko na maghintay kasi pupunta na ako roon. 894 01:09:13,166 --> 01:09:16,916 Maraming ibon ang pumunta sa lugar. 895 01:09:18,166 --> 01:09:19,791 Ang iingay nila. 896 01:09:20,375 --> 01:09:26,875 Naamoy nila ang bangkay at nagpaikot-ikot sa langit. 897 01:09:39,250 --> 01:09:42,041 Noong umaga na nahanap nila ang katawan, 898 01:09:42,125 --> 01:09:44,291 naisip kong dapat tawagan ko si Tim. 899 01:09:46,333 --> 01:09:49,458 Babalitaan ko siya kasi hindi iyon ginagawa ng Tokyo Police Department. 900 01:09:52,666 --> 01:09:55,666 Naalala ko… 901 01:09:56,500 --> 01:09:59,416 wala siyang imik noong sinabi ko sa kaniya at… 902 01:10:01,833 --> 01:10:05,708 Nanatili sa isip ko ang tawag na iyon. 903 01:10:09,291 --> 01:10:12,375 Alalang-alala ko kung nasaan ako. Nakatayo ako sa isang kalsada, 904 01:10:12,458 --> 01:10:14,625 at umaambon noon 905 01:10:15,291 --> 01:10:20,416 at si Jake ang tumawag. Sinabi niyang, "Nahanap na siya." 906 01:10:24,500 --> 01:10:27,125 Hindi ako nawalan ng pag-asa 907 01:10:27,208 --> 01:10:29,916 hanggang sa pagkakataong iyon, 908 01:10:30,000 --> 01:10:34,416 at 20 minuto ang lumipas, tinawagan ako ng Hapon na interpreter at sinabing 909 01:10:34,500 --> 01:10:37,083 mayroon silang dental record. Si Lucie talaga iyon. 910 01:10:38,125 --> 01:10:40,541 Tumayo lang ako sa kalsada at sumigaw. 911 01:10:42,750 --> 01:10:46,458 Iyon lang ang unang pagkakataong 912 01:10:47,208 --> 01:10:50,500 naisip ko na patay na talaga si Lucie. 913 01:11:22,541 --> 01:11:23,916 Mahal na mahal ko si Lucie. 914 01:11:24,000 --> 01:11:26,541 Kahanga-hanga at maganda siya, 915 01:11:28,000 --> 01:11:31,250 parehas sa panloob at panlabas na anyo. 916 01:11:32,625 --> 01:11:35,500 Hindi siya nagsabi ng masama sa kahit na sino, 917 01:11:36,583 --> 01:11:39,041 at lagi niyang pinararamdam sa mga tao na natatangi sila. 918 01:11:40,666 --> 01:11:42,750 Maraming nagmamahal sa kaniya. 919 01:11:43,791 --> 01:11:46,625 Paano magagawa ng isang tao ang bagay na karumal-dumal, 920 01:11:47,250 --> 01:11:49,583 hindi makatao, at puno ng kasamaan? 921 01:11:51,500 --> 01:11:54,291 Kung mapatunayang may sala ang pumatay kay Lucie, 922 01:11:55,083 --> 01:12:00,000 dapat lang na habang-buhay siyang mabilanggo para sa hustisya, 923 01:12:01,166 --> 01:12:04,166 para maisip niya ang tindi ng mga ginawa niyang krimen. 924 01:12:08,333 --> 01:12:12,041 Puwede na siyang masakdal sa pagpatay kay Lucie. 925 01:12:13,708 --> 01:12:20,708 Para sa kapakanan ng mga biktima, dapat pinakamabigat na parusa ang ipataw. 926 01:12:24,333 --> 01:12:30,416 Hindi ako makapagsabi kung paano mangyayari ang paglilitis. 927 01:12:30,500 --> 01:12:32,375 Kung siya man ang pumatay kay Lucie, 928 01:12:32,458 --> 01:12:35,875 sana hindi na siya masikatan ng araw o huminga pa. 929 01:12:49,833 --> 01:12:53,833 KINASUHAN SI JOJI OBARA NG PAGDAKIP, PANGGAGAHASA NA NAGDULOT NG PAGKAMATAY, 930 01:12:53,916 --> 01:12:57,375 AT PAGTATAPON NG KATAWAN NI LUCIE, 931 01:12:57,458 --> 01:13:00,541 AT PANGGAGAHASA NA NAGDULOT NG KAMATAYAN NI CARITA RIDGWAY. 932 01:13:02,083 --> 01:13:05,125 Nakaupo kami sa korte at naroon lang si Obara, 933 01:13:05,791 --> 01:13:08,333 at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. 934 01:13:13,375 --> 01:13:17,791 Hindi ko na magawang makaramdam pa. Wala nang natira sa akin. 935 01:13:20,791 --> 01:13:22,666 MAY SAPAT LANG NA EBIDENSIYA PARA KASUHAN SI OBARA 936 01:13:22,750 --> 01:13:24,458 NG WALONG KASO SA HIGIT-KUMULANG 400 NA BIKTIMA. 937 01:13:26,041 --> 01:13:31,791 Kung aasa ako na mapapatunayang may sala siya, 938 01:13:31,875 --> 01:13:35,250 malaki ang posibilidad na sasama lang ang loob ko. 939 01:13:36,583 --> 01:13:40,125 HABANG-BUHAY NA MABIBILANGGO SI OBARA SA PAGKAMATAY NI CARITA RIDGWAY 940 01:13:40,208 --> 01:13:43,750 AT WALONG KASO NG PANGGAGAHASA. 941 01:13:43,833 --> 01:13:50,833 PERO NAPATUNAYANG WALA SIYANG SALA SA MGA KASONG KAUGNAY KAY LUCIE. 942 01:14:03,500 --> 01:14:08,000 Makikita sa desisyon ng korte ngayon 943 01:14:10,000 --> 01:14:13,000 na hindi napunta sa wala ang buhay ni Lucie. 944 01:14:13,083 --> 01:14:17,458 Si Lucie ang nagbigay ng hustisya kay Carita Ridgway, 945 01:14:18,083 --> 01:14:19,583 at sa walo pang biktima ng panggagahasa 946 01:14:19,666 --> 01:14:22,166 na matapang na humarap at sumuporta sa kaso. 947 01:14:24,791 --> 01:14:28,125 Pero hindi nakatanggap ng hustisya para kay Lucie. 948 01:14:32,625 --> 01:14:34,125 Masama ang loob ko. 949 01:14:36,500 --> 01:14:39,791 Hindi ako makapaniwala na hindi siya napatunayang nagkasala roon. 950 01:14:42,000 --> 01:14:46,000 Mas nangibabaw ang galit kaysa gulat sa mga imbestigador noon. 951 01:14:46,083 --> 01:14:48,291 Kasuklam-suklam ang mga ginawa ni Obara. 952 01:14:49,041 --> 01:14:50,000 Ano iyon? 953 01:14:51,625 --> 01:14:55,125 Maaari n'yo bang kumpirmahin ang mga susunod ninyong hakbang? 954 01:14:55,750 --> 01:15:00,416 Ipinahayag na namin na naniniwala kami 955 01:15:00,500 --> 01:15:05,125 na dapat makamit ng pamilya namin ang hustisya para kay Lucie 956 01:15:05,208 --> 01:15:08,958 at dapat isaalang-alang nila ang pag-apela namin. 957 01:15:10,375 --> 01:15:12,708 Maraming iba't ibang bersyon 958 01:15:12,791 --> 01:15:17,000 ang pulis pero hindi pa ito naaayos para maging isang malakas na kaso, 959 01:15:17,083 --> 01:15:20,000 at ang ginawa nila noong umapela ang mga Blackman, 960 01:15:20,083 --> 01:15:23,208 pinalakas nila ang kaso. 961 01:15:23,833 --> 01:15:28,250 NOONG ABRIL 2007, INAPELA ANG KASO. 962 01:15:32,958 --> 01:15:38,000 Ibinigay namin ang lahat ng mayroon kami para doon. 963 01:15:39,083 --> 01:15:43,500 Ginawa namin ang kailangan naming gawin. 964 01:15:45,041 --> 01:15:47,583 NOONG IKA-16 NG DISYEMBRE 2008, HINATULANG MAY SALA SI OBARA 965 01:15:47,666 --> 01:15:50,791 SA PAGHAHATI-HATI SA KATAWAN NI LUCIE. 966 01:15:51,750 --> 01:15:58,125 HINDI NA PUWEDENG BAWIIN ANG HABANG-BUHAY NIYANG PAGKAKABILANGGO. 967 01:15:58,958 --> 01:16:03,875 Ngayon, katotohanan, karangalan, at hustisya ang nanaig 968 01:16:04,458 --> 01:16:09,583 di lang para kay Lucie, kundi pati na rin sa lahat ng biktima ng krimeng seksuwal. 969 01:16:10,833 --> 01:16:16,291 Habang-buhay siyang makukulong at sa tingin ko, nakamit na ang hustisya. 970 01:16:36,375 --> 01:16:40,166 Noong 2010, nagkaroon ako ng pagkatataong 971 01:16:40,875 --> 01:16:44,125 mabisita ang libingan ni Lucie at magbigay-galang. 972 01:16:44,791 --> 01:16:49,541 Kaya pumunta ako sa England. 973 01:16:55,916 --> 01:17:00,333 Pinainom ako ni Jane ng tsaa, 974 01:17:00,875 --> 01:17:02,875 na noon ko lang naranasan. 975 01:17:02,958 --> 01:17:06,166 Napakabait niya 976 01:17:06,250 --> 01:17:10,666 at nagustuhan ko ang pagiging magiliw niya. 977 01:17:13,708 --> 01:17:17,500 Nasa bakuran ng simbahan ang puntod. 978 01:17:19,000 --> 01:17:23,125 Nakasulat ang pangalan niya sa monumento. 979 01:17:25,125 --> 01:17:28,375 "Isang bituing nagbibigay liwanag sa langit," 980 01:17:28,458 --> 01:17:31,958 iyon ang sabi sa puntod. 981 01:17:38,000 --> 01:17:41,166 Pumunta si Lucie sa ibang bansa para magtrabaho 982 01:17:41,250 --> 01:17:45,166 at naging biktima siya ng ganoong klase ng krimen. 983 01:17:45,250 --> 01:17:50,583 Nag-iwan iyon ng bigat sa puso. 984 01:17:55,875 --> 01:17:59,000 Taon-taon, pumupunta kami roon para maging payapa 985 01:18:01,166 --> 01:18:07,291 at ipagdasal na sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa. 986 01:18:11,208 --> 01:18:13,875 Dumadalaw kami sa loob ng 20 taon at sa kasong ito lang namin ginagawa ito. 987 01:18:13,958 --> 01:18:15,500 Bihirang-bihira mangyari ito. 988 01:18:23,458 --> 01:18:26,666 Kakaiba man, 989 01:18:26,750 --> 01:18:32,958 pero binigay ni Lucie ang karanasan ng buhay, 990 01:18:33,041 --> 01:18:36,166 kahit gaano pa ito kahirap o kalala. 991 01:18:36,250 --> 01:18:38,833 Iyon ang 992 01:18:38,916 --> 01:18:41,333 naiwang pamana ni Lucie 993 01:18:41,958 --> 01:18:46,500 sa puso ko at sa kaluluwa. 994 01:18:48,833 --> 01:18:51,833 At ang mga damdaming iyon ay 995 01:18:52,416 --> 01:18:56,166 dalisay at di madudungisan 996 01:18:56,250 --> 01:19:00,625 ng poot at galit at iba pang tulad niyon 997 01:19:00,708 --> 01:19:04,041 dahil inalis ko na ang mga iyon sa alaala ni Lucie. 998 01:21:14,833 --> 01:21:19,833 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Monica Almeida