1 00:00:24,875 --> 00:00:26,666 Kamukha ko ang mga bata. 2 00:00:27,375 --> 00:00:28,708 Sina Cal at Aron. 3 00:00:29,666 --> 00:00:30,875 Hindi ba? 4 00:00:31,875 --> 00:00:36,083 Sa palagay ko'y kamukha sila ng kanilang ama. O mga ama? 5 00:00:36,583 --> 00:00:38,500 Huwag kang mayabang. 6 00:00:40,125 --> 00:00:41,958 Magaganda sila, kagaya mo. 7 00:00:42,458 --> 00:00:43,875 Iyon ang aking masasabi. 8 00:00:45,666 --> 00:00:47,500 Kagaya ko siguro noon. 9 00:00:48,666 --> 00:00:51,666 Hindi na gaanong nakatutulong ang koloreta at pulbo. 10 00:00:52,375 --> 00:00:56,541 Mukha ka pa ring kasingbata noong una kang gumapang tungo sa aming veranda. 11 00:00:58,583 --> 00:01:02,083 Charles, alam mo kung ano ang gusto ko sa iyo? 12 00:01:02,166 --> 00:01:03,541 Ang iyong katapatan. 13 00:01:04,875 --> 00:01:07,166 Kaya siguro tayo nagkagustuhan. 14 00:01:13,000 --> 00:01:14,750 Di pa nawawala ang aking kagandahan. 15 00:01:15,416 --> 00:01:16,875 May panahon pa ako. 16 00:01:18,333 --> 00:01:19,666 Para saan? 17 00:01:30,875 --> 00:01:32,958 Kailan ka ba magreretiro? 18 00:01:34,458 --> 00:01:36,333 Napakasipag mo. 19 00:01:37,375 --> 00:01:39,250 Karapatan mo ring magpahinga. 20 00:01:41,916 --> 00:01:43,625 Kapag kumita na ako ng sapat. 21 00:01:45,333 --> 00:01:47,250 Huwag mo masyadong tagalan. 22 00:01:47,750 --> 00:01:49,500 Baka matulad ka kay Faye. 23 00:01:51,791 --> 00:01:53,125 Alam mo ang sinabi ni Ethel? 24 00:01:53,208 --> 00:01:55,791 Noong nakita niya si Faye sa kabaong na nakabukas, aniya... 25 00:01:55,875 --> 00:02:00,458 Aniya, "Aba, kamukha rin ng ibang tao ang patay na puta." 26 00:02:02,416 --> 00:02:04,000 Nasaan si Ethel? 27 00:02:07,333 --> 00:02:11,625 Ilang buwang hinahanap ngunit di nakikita. Iyon ay ayon sa iyong tauhan. 28 00:02:12,125 --> 00:02:16,666 Ngunit tuwing hinahanap siya ni Joe, binibigyan mo ang lalaking iyon ng pera. 29 00:02:17,500 --> 00:02:20,291 Bakit niya hahanapin si Ethel, kung gayon? 30 00:02:23,500 --> 00:02:25,458 Higpitan mo ang turnilyo mo. 31 00:02:27,541 --> 00:02:29,833 Marunong kang magpasunod ng lalaki. 32 00:02:31,458 --> 00:02:32,916 Tandaan mo lamang 33 00:02:33,791 --> 00:02:35,958 ang nilalaman ng iyong tukador. 34 00:02:37,583 --> 00:02:40,875 Papeles ni Joseph Venuta 35 00:02:40,958 --> 00:02:44,833 na tumakas sa sentensiya dahil sa pagnanakaw sa San Quentin. 36 00:02:57,500 --> 00:03:03,916 IKAPITONG BAHAGI TIMSHEL 37 00:03:31,791 --> 00:03:34,916 {\an8}HUNYO 1917 38 00:03:40,333 --> 00:03:42,000 Marami ang dumating ngayon. 39 00:03:43,291 --> 00:03:45,916 Doble na ang nagboluntaryo kumpara noong nakaraang buwan. 40 00:03:46,708 --> 00:03:48,375 Maraming matatapang dito. 41 00:03:49,583 --> 00:03:50,791 Paano ka nakakakain? 42 00:03:51,333 --> 00:03:52,458 Gutom na ako. 43 00:03:52,541 --> 00:03:56,333 Pakiramdam ko'y ako si kamatayan, at ang pantatak ko ang aking karit. 44 00:03:56,416 --> 00:03:58,541 Hindi mo kasalanang may giyera, Trask. 45 00:03:59,250 --> 00:04:01,625 Pinaglingkod nila tayo sa lupon ng tagarekluta. 46 00:04:01,708 --> 00:04:02,916 Karangalan ito. 47 00:04:03,416 --> 00:04:06,958 Hindi tayo nagsesentensiya ng kamatayan. Maaaring hindi nga sila mapasabak. 48 00:04:07,041 --> 00:04:10,333 Ipinasa ko ang anak ng huwes na si Kendall. Namatay sa giyera ang bata. 49 00:04:13,000 --> 00:04:16,125 Matagal ko nang iniisip ang pakiramdam kapag anak ko na iyon. 50 00:04:16,208 --> 00:04:17,666 Ako'y magbibitiw. 51 00:04:18,166 --> 00:04:20,541 Nakatutukso ngang ibagsak ang sariling anak. 52 00:04:21,041 --> 00:04:24,958 Hindi, ako'y magbibitiw 'pagkat hindi ko sila kayang ibagsak. 53 00:04:26,125 --> 00:04:28,750 Di maaaring magpasok ng iba, habang hinahayaan ang anak mo. 54 00:04:33,708 --> 00:04:34,708 Bueno... 55 00:04:35,375 --> 00:04:37,500 Kapag nasa tamang edad na ang ating mga anak, 56 00:04:37,583 --> 00:04:38,666 tapos na ang giyera. 57 00:04:38,750 --> 00:04:40,791 Oo, hayaan mo lang ang tropang lumaban. 58 00:04:41,291 --> 00:04:44,541 Ang isang Amerikano'y katumbas ng 10 o 20 ng mga dayuhan sa labanan. 59 00:04:48,708 --> 00:04:50,625 Tapos na ba ang eksamen niya? 60 00:04:50,708 --> 00:04:51,583 Hindi pa. 61 00:04:55,875 --> 00:04:57,250 Ano ang iyong binabasa? 62 00:04:59,375 --> 00:05:01,458 - Presyo ng munggo. - A. 63 00:05:09,833 --> 00:05:10,916 Abra! 64 00:05:14,125 --> 00:05:15,000 Ano? 65 00:05:16,375 --> 00:05:17,541 A, 66 00:05:17,625 --> 00:05:18,958 pumasa ako. 67 00:05:20,625 --> 00:05:22,291 Ano ang iyong masasabi, Cal? 68 00:05:22,375 --> 00:05:26,541 Paalis na ako nang iabot ni O'Leary ang kaniyang kamay at sinabing 69 00:05:26,625 --> 00:05:30,250 "Itayo mo ang ating bandila sa Stanford." Magtatapos na ako sa isang linggo. 70 00:05:30,333 --> 00:05:32,541 Nagyayayang kumain sa labas si Ama mamaya. 71 00:05:32,625 --> 00:05:35,166 - Paano niya nalamang ako'y papasa? - Alam ng lahat iyon. 72 00:05:35,250 --> 00:05:36,583 Kailan mo sasabihin kay Ama? 73 00:05:36,666 --> 00:05:38,416 Marahil pag-uwi ko. 74 00:05:38,500 --> 00:05:40,625 Sayang, hindi ko makikita ang kaniyang hitsura. 75 00:05:40,708 --> 00:05:42,000 Bakit? Saan ka pupunta? 76 00:05:42,083 --> 00:05:43,250 Mayroon akong pulong. 77 00:05:43,333 --> 00:05:45,458 Pulong? Anong uri ng pulong? 78 00:05:45,541 --> 00:05:47,250 May sikreto si Cal. Hayaan mo siya. 79 00:05:47,333 --> 00:05:49,083 Kaya ko siguro siyang paaminin. 80 00:05:49,166 --> 00:05:50,958 Ina ko, ni ayaw niyang sabihin sa akin. 81 00:05:51,041 --> 00:05:53,416 Cal. Aron. Kakain na! 82 00:05:53,916 --> 00:05:56,333 Kapag namatay ang batang ipinasok ko, 83 00:05:56,416 --> 00:05:57,708 kasalanan ko ba iyon? 84 00:05:58,416 --> 00:05:59,958 Kusa silang sumasapi. 85 00:06:00,041 --> 00:06:02,625 Ngunit hindi nila alam kung ano ang pinapasok nila. 86 00:06:03,625 --> 00:06:05,875 Cal, pakitawag nga ang iyong kapatid. 87 00:06:05,958 --> 00:06:09,500 Ang alam ko'y kakain sina Aron at ang pamilya ni Abra sa labas. 88 00:06:10,000 --> 00:06:13,375 Wala siyang sinabi. Nagluto ako ng sabaw ng upo. 89 00:06:13,458 --> 00:06:17,875 Palagi kong naiisip ang huling pagpunta ni Sam Hamilton sa rantso. 90 00:06:17,958 --> 00:06:21,500 Mayroon tayong napag-usapang salita mula sa Biblia. Cain at Abel, di ba? 91 00:06:21,583 --> 00:06:22,583 Ang kakayahang pumili. 92 00:06:22,666 --> 00:06:24,208 - Timshel. - Timshel. 93 00:06:24,708 --> 00:06:26,375 - Tama. - Ano iyon? 94 00:06:27,166 --> 00:06:30,750 Salitang Hebreo. Ang ibig sabihi'y "Maaari." 95 00:06:31,250 --> 00:06:34,125 Ibig sabihi'y maaaring pumili ang tao kung ano ang gagawin niya, 96 00:06:34,208 --> 00:06:37,541 at may karapatan siyang pumili ng sarili niyang pagkatao. 97 00:06:39,666 --> 00:06:40,833 Mukhang malungkot iyon. 98 00:06:42,375 --> 00:06:44,166 Maraming magandang bagay ang malungkot. 99 00:06:44,666 --> 00:06:47,000 - Cal, hiniram ko ang iyong pabango. - Naaamoy ko nga. 100 00:06:47,083 --> 00:06:49,000 Aron, niluto ko ang paborito mo. 101 00:06:49,083 --> 00:06:51,125 Ipagtabi n'yo ako. Mamaya ko kakainin. 102 00:06:52,791 --> 00:06:54,500 Wala nang oras para humigop ng sabaw? 103 00:06:54,583 --> 00:06:57,416 Di ko siya masisisi kung nais niyang magdiwang. Mahirap iyon. 104 00:06:57,500 --> 00:06:59,041 Magdiwang? Ano ang okasyon? 105 00:07:03,375 --> 00:07:04,208 Ano iyon? 106 00:07:04,791 --> 00:07:08,458 Pumasa si Aron sa eksamen para sa kolehiyo. Maaga siyang magtatapos. 107 00:07:10,791 --> 00:07:12,000 Hindi niya sinabi sa iyo? 108 00:07:14,416 --> 00:07:16,250 A, oo, iyong eksamen. 109 00:07:16,750 --> 00:07:19,250 Sinabi niya kanina. Mahusay nga. 110 00:07:21,541 --> 00:07:23,041 Hindi niya pa alam kanina. 111 00:07:26,750 --> 00:07:27,708 Paumanhin. 112 00:07:37,625 --> 00:07:39,916 Nabusog ka ba sa baka, kapatid? 113 00:07:40,791 --> 00:07:42,875 Paano mo iyon nagawa sa kaniya? 114 00:07:43,958 --> 00:07:45,708 Ako'y hinintay mo pa talaga. 115 00:07:45,791 --> 00:07:48,541 Ipinahiya mo ang iyong ama. Siya pa ang huling nakaalam. 116 00:07:48,625 --> 00:07:52,208 Bakit ka ba nagagalit? Ikaw na itong nagmukhang mabuting anak. 117 00:07:52,291 --> 00:07:53,125 Magpakasaya ka na. 118 00:07:53,750 --> 00:07:54,583 Cal? 119 00:07:55,958 --> 00:07:57,041 Matulog ka na. 120 00:08:01,833 --> 00:08:03,500 Wala ka talagang pakialam, ano? 121 00:08:03,583 --> 00:08:04,541 Cal! 122 00:08:13,208 --> 00:08:14,541 Bakit ba galit na galit siya? 123 00:08:14,625 --> 00:08:16,625 Huwag kang magtanga-tangahan. Hindi bagay. 124 00:08:18,708 --> 00:08:21,333 Napakalupit mo para hindi sabihin sa iyong ama. 125 00:08:22,708 --> 00:08:24,625 Hindi ganiyan ang inaasahan ko sa iyo. 126 00:08:27,166 --> 00:08:28,166 Sawang-sawa na ako. 127 00:08:28,666 --> 00:08:29,583 Saan? 128 00:08:32,208 --> 00:08:34,375 Walang nakamit sa buhay si Ama 129 00:08:34,458 --> 00:08:36,416 kaya ako ang itinutulak niya. 130 00:08:38,375 --> 00:08:40,375 Akin ang tagumpay na ito. 131 00:08:40,875 --> 00:08:42,250 Nagsumikap ako. 132 00:08:42,333 --> 00:08:43,708 Bakit kailangan kong ibahagi? 133 00:08:43,791 --> 00:08:47,291 Kapag nag-uumapaw ang ating biyaya, maaari tayong magbigay sa iba. 134 00:08:54,416 --> 00:08:55,791 Kung narito ang aking ina, 135 00:08:55,875 --> 00:08:58,041 pipilitin ba ako ni Ama na gawin ang nais niya? 136 00:09:06,250 --> 00:09:07,416 Puntahan mo siya. 137 00:09:07,500 --> 00:09:09,458 Hayaan mong ipagmalaki ka niya. 138 00:09:18,333 --> 00:09:19,291 Ama? 139 00:09:21,916 --> 00:09:23,916 Pumasa ho ako sa eksamen para sa kolehiyo. 140 00:09:24,583 --> 00:09:28,208 Makakapasok ako sa Leland Stanford sa taglagas. 141 00:09:28,291 --> 00:09:31,458 Di sila naniningil ng matrikula. Upa at pagtira lang ang babayaran. 142 00:09:36,208 --> 00:09:37,125 Halika rito. 143 00:09:48,541 --> 00:09:50,958 Noong ako'y kaedad mo, 144 00:09:51,875 --> 00:09:53,083 umalis ako sa amin. 145 00:09:54,708 --> 00:09:56,541 At matagal akong nagpakalayo-layo. 146 00:09:57,041 --> 00:09:58,000 Masyadong matagal. 147 00:10:01,875 --> 00:10:02,750 Sana... 148 00:10:04,000 --> 00:10:06,041 Sana ay nararamdaman mong 149 00:10:06,583 --> 00:10:09,916 mayroon kang tahanang mauuwian dito. 150 00:10:17,833 --> 00:10:20,541 Sa aking ama iyan. Sa iyo na ngayon. 151 00:10:21,916 --> 00:10:23,375 Nang masubaybayan mo ang oras. 152 00:10:39,333 --> 00:10:43,500 {\an8}OKTUBRE 1917 153 00:10:44,250 --> 00:10:48,333 "Mahal kong Abra, umasa akong makahahanap ako ng mga kaibigan dito. 154 00:10:49,166 --> 00:10:51,875 "Ngunit wala palang pinagkaiba ang Unibersidad ng Stanford 155 00:10:51,958 --> 00:10:54,333 "sa grupo ng mga binatang marurumi ang salawal 156 00:10:54,416 --> 00:10:57,458 "na sabik na sabik na matutunan ang bisyo ng kanilang mga ama." 157 00:11:00,791 --> 00:11:02,791 Tila hindi siya masaya. 158 00:11:02,875 --> 00:11:05,958 Mataas ang pamantayan ni Aron para sa kaniyang sarili at sa iba. 159 00:11:06,041 --> 00:11:08,333 Mahirap ang buhay kapag ganoon. 160 00:11:08,833 --> 00:11:11,625 Minsan, ikinatatakot kong baka hindi ako sapat para sa kaniya. 161 00:11:12,708 --> 00:11:14,333 Bakit mo nasabi iyan? 162 00:11:16,250 --> 00:11:20,416 Sa kaniyang mga liham, tila hindi ako ang sinusulatan niya. 163 00:11:21,166 --> 00:11:24,333 Tila nag-imbento siya ng tao na dinamitan niya ng aking balat. 164 00:11:28,166 --> 00:11:31,000 Anong klaseng Abra ang kaniyang inimbento? 165 00:11:31,583 --> 00:11:32,583 Dalisay. 166 00:11:33,916 --> 00:11:35,500 Dalisay, at wala nang iba. 167 00:11:36,416 --> 00:11:38,083 Walang angking kasamaan. 168 00:11:38,958 --> 00:11:41,416 - Hindi ako ganoon. - Walang taong ganoon. 169 00:11:42,875 --> 00:11:45,416 Paano kapag may nakita siya sa aking hindi mabuti? 170 00:11:46,208 --> 00:11:49,541 Paano kung ako'y nagalit? O nangamoy? 171 00:11:50,750 --> 00:11:53,416 Sa palagay ko, dahil di nakilala ni Aron ang kaniyang ina, 172 00:11:53,500 --> 00:11:56,583 nag-imbento siya ng inang taglay ang lahat ng kabutihang naisip niya. 173 00:11:57,083 --> 00:11:59,250 Ibinuhos niya ang lahat ng iyon sa akin. 174 00:11:59,333 --> 00:12:00,916 At nais mong iharap ang totoo. 175 00:12:01,666 --> 00:12:05,000 Hindi ba mas maganda iyon? Na magpakatotoo ako? 176 00:12:05,083 --> 00:12:08,416 Duwag ang kaharap mo, Abra. Hindi ako ang dapat mong tanungin. 177 00:12:10,833 --> 00:12:14,083 Sa palagay mo ba, may magmamahal sa tunay kong pagkatao? 178 00:12:17,666 --> 00:12:21,041 - Alam mo ang aking ipinagdarasal? - Na huwag akong dumaldal? 179 00:12:23,500 --> 00:12:25,208 Na sana ay naging anak kita. 180 00:12:31,208 --> 00:12:32,541 Sana ikaw ang aking ama. 181 00:12:43,208 --> 00:12:44,791 - Narito na ba si Ama? - Wala pa. 182 00:12:45,291 --> 00:12:46,166 Mabuti. 183 00:12:46,958 --> 00:12:47,875 Para sa iyo. 184 00:12:53,291 --> 00:12:55,125 Sinabi ko nang ayaw ko ng interes. 185 00:12:55,208 --> 00:12:56,166 Mas mainam ito. 186 00:12:57,208 --> 00:12:59,125 Malay mo, hiramin ko ulit iyan bukas. 187 00:12:59,625 --> 00:13:00,958 Ano ang inyong pinag-uusapan? 188 00:13:01,041 --> 00:13:03,375 Pumarito ka sa Araw ng Pasasalamat nang malaman mo. 189 00:13:03,458 --> 00:13:05,791 Bakit? Ano ang mangyayari? 190 00:13:05,875 --> 00:13:08,458 Huwag mo na lang personalin. Di niya rin sinasabi sa min. 191 00:13:08,541 --> 00:13:10,666 Cal, ibaba ang paa. 192 00:13:10,750 --> 00:13:13,041 Mauuna na ako. Hinihintay na ako ni Ina. 193 00:13:13,125 --> 00:13:14,333 Cal, ihatid mo siya. 194 00:13:14,916 --> 00:13:15,958 Hindi na ho kailangan. 195 00:13:16,041 --> 00:13:17,416 Dumidilim na. Cal? 196 00:13:17,500 --> 00:13:18,875 Sige na nga. 197 00:13:34,125 --> 00:13:35,000 Cal? 198 00:13:36,541 --> 00:13:38,000 Ayos lang ba si Aron? 199 00:13:38,750 --> 00:13:40,958 Tila iba siya sa kaniyang mga liham. 200 00:13:43,833 --> 00:13:46,250 Ayaw kong makarinig tungkol sa inyong sulatan. 201 00:13:51,750 --> 00:13:52,958 Totoo ba iyon? 202 00:13:53,666 --> 00:13:55,416 Iyong sinasabi nila tungkol sa iyo? 203 00:13:57,250 --> 00:13:58,541 Ano ba ang sinasabi nila? 204 00:13:59,458 --> 00:14:00,708 Na ika'y masama? 205 00:14:01,666 --> 00:14:05,250 Na lumalabas ka sa gabi at pumupunta sa masasamang lugar. 206 00:14:09,041 --> 00:14:10,041 Ano naman? 207 00:14:17,666 --> 00:14:19,208 Di rin ako mabuting tao. 208 00:14:23,875 --> 00:14:25,041 Baliw ka. 209 00:14:25,541 --> 00:14:27,125 Sa palagay ko'y hindi. 210 00:14:30,708 --> 00:14:33,000 Hindi bale. Aayusin iyan ni Aron. 211 00:14:33,500 --> 00:14:35,333 Paano kung ayaw kong ayusin niya? 212 00:14:38,791 --> 00:14:39,833 Nakarating ka na. 213 00:14:44,083 --> 00:14:45,833 Bubuksan ko ba ang pinto para sa iyo? 214 00:14:46,833 --> 00:14:47,708 Huwag na. 215 00:15:07,833 --> 00:15:09,333 Alam mo kung ano ang naiisip ko? 216 00:15:10,583 --> 00:15:12,541 Nawawalan ka na ng awtoridad. 217 00:15:13,041 --> 00:15:14,250 Masdan mo si Joe. 218 00:15:14,750 --> 00:15:16,541 Nakikipaglandian sa kanila. 219 00:15:17,125 --> 00:15:19,000 Akala niya'y siya ang amo. 220 00:15:19,500 --> 00:15:22,291 Malamang, ninanakawan ka rin niya. 221 00:15:23,125 --> 00:15:24,791 Kinukupitan ka. 222 00:15:26,208 --> 00:15:29,250 Ikaw ba ang may-ari rito o hindi? 223 00:15:32,375 --> 00:15:33,375 Joe. 224 00:15:34,250 --> 00:15:35,166 Mag-usap tayo. 225 00:15:43,916 --> 00:15:45,375 Nawawalan ka na ng kontrol. 226 00:15:45,458 --> 00:15:46,750 Sino ang nagsabi? 227 00:15:47,875 --> 00:15:49,708 Trabaho mong disiplinahin sila. 228 00:15:49,791 --> 00:15:52,750 Kung hindi ka maaasahan doon, maghahanap ako ng ibang gagawa. 229 00:15:53,333 --> 00:15:54,541 E, ikaw? 230 00:15:55,458 --> 00:15:58,750 Laging nagtatago sa silid. Nakikinig sa tugtugin. 231 00:15:59,333 --> 00:16:01,333 Kailan ka huling lumabas ng bahay? 232 00:16:01,416 --> 00:16:03,958 Panay ang utos mo sa kanila. Ginawa mo na silang utusan. 233 00:16:04,041 --> 00:16:06,958 - Dahil lagi kang wala. - Dahil may iba akong ginagawa. 234 00:16:07,041 --> 00:16:09,208 - Anong iba? - Si Ethel. 235 00:16:10,250 --> 00:16:12,125 Marahil kailangan na nating itigil iyon. 236 00:16:12,208 --> 00:16:14,791 Lagi kang walang balita, naaaksaya ang oras mo at pera ko. 237 00:16:14,875 --> 00:16:18,291 Mayroon akong naulinigan sa Santa Cruz noong nakaraang linggo. 238 00:16:18,375 --> 00:16:21,125 A, katawa-tawa. Bakit ngayon mo lang nabanggit? 239 00:16:21,208 --> 00:16:23,125 Hindi ako tiyak na mahalaga iyon. 240 00:16:23,208 --> 00:16:26,125 May nakapagsabing nakita niya si Ethel noong nakaraang buwan. 241 00:16:26,208 --> 00:16:29,208 Panay pa nga ang banggit ni Ethel na babalik siya sa Salinas. 242 00:16:29,791 --> 00:16:31,375 Dahil mayroon siyang ebidensiya. 243 00:16:32,375 --> 00:16:34,541 Di na siya nakita pagkatapos noon, 244 00:16:34,625 --> 00:16:36,791 kaya naisip no'ng tao na nakabalik na siya rito. 245 00:16:39,125 --> 00:16:43,291 Balak ko iyong usisain, ngunit maaari ko namang hayaan na lang. 246 00:16:49,333 --> 00:16:50,458 Joe... 247 00:16:52,666 --> 00:16:56,833 Katawa-tawa. Nagkamali lang ako. 248 00:16:56,916 --> 00:17:00,958 Hindi pala ninakaw ni Ethel ang $100. Wala pala siyang ninakaw. 249 00:17:02,750 --> 00:17:03,750 Kaawa-awang babae. 250 00:17:04,791 --> 00:17:07,291 Gagaan ang aking loob kung makakabawi ako sa kaniya. 251 00:17:07,375 --> 00:17:11,291 Sa palagay mo, maaari ka bang magtanong-tanong? 252 00:17:11,791 --> 00:17:12,750 Dalhin mo siya rito? 253 00:17:12,833 --> 00:17:14,625 Kailangan pa ng pondo iyon. 254 00:17:16,875 --> 00:17:18,416 Kahit ano ang iyong kailangan. 255 00:17:30,708 --> 00:17:32,541 Sino ang lumalaro rito? 256 00:17:33,666 --> 00:17:36,083 Bibigyan mo lang siya nang bibigyan ng pera? 257 00:17:38,875 --> 00:17:42,583 Ano pa nga ba? Hindi maaaring dumaldal si Ethel. 258 00:17:42,666 --> 00:17:45,041 Ano ang iyong gagawin pag nahanap niya si Ethel? 259 00:17:45,125 --> 00:17:47,708 Marahil magretiro na ako nang maaga. Magpapasilangan. 260 00:17:48,375 --> 00:17:49,333 Marahil sa New York. 261 00:17:49,416 --> 00:17:51,666 Paano si Ethel? 262 00:17:54,083 --> 00:17:56,375 Maaari siyang sumama't maging katulong ko. 263 00:17:59,708 --> 00:18:04,166 Bibili ako ng malaking bahay sa lugar na walang nakakakilala sa akin. 264 00:18:04,250 --> 00:18:05,125 Magsisimulang muli. 265 00:18:05,208 --> 00:18:07,916 At magiging maayos ang lahat hanggang magsalita siya. 266 00:18:08,416 --> 00:18:10,125 Kailangang burahin ang problema. 267 00:18:10,208 --> 00:18:11,750 Iyon ang sinisikap kong gawin. 268 00:18:11,833 --> 00:18:14,041 Hanapin mo si Ethel at tapusin mo na siya. 269 00:18:14,125 --> 00:18:14,958 Nauunawaan mo? 270 00:18:15,041 --> 00:18:17,250 Hindi mo ako maaaring utusan! 271 00:18:17,333 --> 00:18:20,708 Hindi ako mauutusan ng kahit sinong lalaki, kahit ikaw! 272 00:18:26,250 --> 00:18:27,208 Cathy... 273 00:18:30,541 --> 00:18:33,125 Batid mong kinakausap mo ang iyong sarili, hindi ba? 274 00:18:39,166 --> 00:18:40,875 O nakalimot ka na ba? 275 00:18:46,125 --> 00:18:47,041 Ina ko. 276 00:19:03,500 --> 00:19:05,708 Ngayon, ano ang iyong gagawin? 277 00:19:09,750 --> 00:19:11,375 Burahin ang problema. 278 00:19:13,541 --> 00:19:15,125 Ganiyan ang aking Cathy. 279 00:19:22,375 --> 00:19:24,333 Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? 280 00:19:24,958 --> 00:19:26,750 Ilang buwan pa lang naman. 281 00:19:27,250 --> 00:19:28,625 Akala ko'y hindi ako aabot. 282 00:19:28,708 --> 00:19:29,750 Abra! 283 00:19:33,833 --> 00:19:34,791 Narito ka na. 284 00:19:35,291 --> 00:19:37,041 - Maligayang pagbabalik. - Napakapogi. 285 00:19:37,125 --> 00:19:38,583 Salamat po, Ama. 286 00:19:39,875 --> 00:19:41,000 Ganoon naman lahat. 287 00:19:41,083 --> 00:19:43,250 - Batiin mo ang iyong kapatid. - Kumusta? 288 00:19:43,333 --> 00:19:44,291 Tayo na. 289 00:19:44,375 --> 00:19:45,833 Tumangkad siya. 290 00:19:45,916 --> 00:19:47,958 Tayo na. Salamat, nakauwi rin ako. 291 00:19:51,333 --> 00:19:53,125 Isara mo ang pinto. Papasok si Ama. 292 00:19:53,666 --> 00:19:56,833 Regalo? Hindi pa pasko, a. Ano ba iyan? 293 00:19:58,250 --> 00:19:59,625 Ano iyang itinatago mo? 294 00:20:01,166 --> 00:20:02,458 Makikita mo bukas. 295 00:20:03,625 --> 00:20:05,291 Napakaraming sikreto. 296 00:20:10,583 --> 00:20:13,166 Nag-iiba ang hitsura ng lugar pag matagal kang nawala. 297 00:20:15,458 --> 00:20:16,625 Di ko pa naranasan iyan. 298 00:20:22,583 --> 00:20:26,208 Ano sa palagay mo ang sasabihin ni Ama pag sinabi kong di na ako mag-aaral? 299 00:20:27,125 --> 00:20:28,041 Ano ang problema? 300 00:20:28,541 --> 00:20:29,416 Ano lang... 301 00:20:30,416 --> 00:20:32,541 Hindi ganoon ang aking inaasahan. 302 00:20:33,041 --> 00:20:34,291 Ano ang plano mo? 303 00:20:35,791 --> 00:20:38,583 Tanda mo iyong naisip mong patatakbuhin mo ang rantso? 304 00:20:40,041 --> 00:20:41,416 Walang pera sa pagsasaka. 305 00:20:41,500 --> 00:20:43,083 Di ko kailangan ng maraming pera. 306 00:20:43,583 --> 00:20:45,041 Ganito na lang. 307 00:20:45,125 --> 00:20:48,625 Kapag nagtuloy ka ng pag-aaral, mag-uumpisa ako ng negosyo natin. 308 00:20:48,708 --> 00:20:52,208 Nang sa gayon, pagkatapos mong mag-aral, magiging magkasosyo tayo. 309 00:20:52,291 --> 00:20:55,208 Bakit di na lang ngayon? Bakit kailangan ko pang mag-aral? 310 00:20:56,125 --> 00:20:57,708 Dahil mapapasaya mo si Ama. 311 00:21:00,500 --> 00:21:01,958 Buhay ko ito. 312 00:21:03,625 --> 00:21:05,000 Hindi na ako babalik, Cal. 313 00:21:06,041 --> 00:21:08,416 Aron, iba na ang panahon ngayon. 314 00:21:08,500 --> 00:21:10,500 Wala nang mararating kapag di nakatapos. 315 00:21:10,583 --> 00:21:12,291 Kaya mahalagang makatapos ka. 316 00:21:12,375 --> 00:21:14,958 Ngunit ni hindi ko alam ang nais kong tapusing kurso. 317 00:21:15,041 --> 00:21:19,083 Kaya ka nasa unibersidad. Upang malaman kung ano ang hilig mo. 318 00:21:19,166 --> 00:21:21,250 Nakikita mo? Tama ang iyong pinili. 319 00:21:21,333 --> 00:21:24,333 Paano mo nalamang tama iyon kung wala pa akong ibang nasusubukan? 320 00:21:24,416 --> 00:21:26,375 Alam mo ba kung gaano ka kasuwerte? 321 00:21:26,458 --> 00:21:29,666 Pinag-uusapan na nilang ibaba sa 18 ang edad ng pagpapasundalo. 322 00:21:29,750 --> 00:21:31,833 Maaari kang patigilin at piliting magsundalo. 323 00:21:31,916 --> 00:21:33,166 Nagmadali akong pumarito. 324 00:21:33,250 --> 00:21:35,458 - Huli na ba ako sa usapan? - Hindi naman. 325 00:21:35,958 --> 00:21:38,833 Pinag-uusapan namin ang halaga ng pag-aaral. 326 00:21:43,291 --> 00:21:44,125 Ama? 327 00:21:47,708 --> 00:21:48,916 Ano ito? 328 00:21:50,666 --> 00:21:51,583 Isang regalo. 329 00:21:52,208 --> 00:21:53,875 Para sa akin? Bakit? 330 00:21:54,375 --> 00:21:55,208 Buksan ninyo. 331 00:21:57,625 --> 00:21:58,791 Ano kaya ito? 332 00:21:58,875 --> 00:22:01,000 Isang panyo. Hindi, kurbata. 333 00:22:01,583 --> 00:22:03,041 Kurbata iyan. 334 00:22:07,791 --> 00:22:10,833 Nagpakuha pa sila ng tig-$1,000 sa San Francisco. 335 00:22:19,083 --> 00:22:20,250 Saan mo ito nakuha? 336 00:22:21,791 --> 00:22:22,791 Kinita ko ho. 337 00:22:23,875 --> 00:22:26,666 Nang mabawi ninyo ang nalugi sa litsugas. 338 00:22:28,791 --> 00:22:29,916 Kinita mo? 339 00:22:30,000 --> 00:22:32,375 Sumugal kami ni Will Hamilton sa munggo. 340 00:22:32,458 --> 00:22:36,250 Tumaas ang presyo dahil sa giyera, at kumita kami ng halos apat na beses. 341 00:22:38,875 --> 00:22:41,291 Kinse mil ho iyan. 342 00:22:41,791 --> 00:22:44,416 Sa inyo na. Upang mabawi ang nawala sa inyo. 343 00:22:49,375 --> 00:22:50,583 Isauli mo iyan. 344 00:22:51,916 --> 00:22:52,875 Kanino ko isasauli? 345 00:22:52,958 --> 00:22:54,916 Sa mga magsasakang ninakawan ninyo? 346 00:22:55,541 --> 00:22:59,541 Hindi namin sila ninakawan. Binayaran sila ng mas mataas kaysa sa presyo sa merkado. 347 00:22:59,625 --> 00:23:01,708 Nagpapadala ako ng mga bata sa giyera. 348 00:23:02,208 --> 00:23:06,000 Inilalagda ko ang aking ngalan, at ipinadadala ko sila roon. 349 00:23:06,083 --> 00:23:07,666 Mamamatay ang iba sa kanila. 350 00:23:08,166 --> 00:23:10,083 Ang iba'y masasaktan nang husto. 351 00:23:10,166 --> 00:23:12,458 Walang uuwing hindi sugatan. 352 00:23:12,541 --> 00:23:15,916 Sa palagay mo, matatanggap ko ang kinita mula roon? 353 00:23:17,375 --> 00:23:20,166 Pakiusap, Ama. Ginawa ko iyon para sa inyo. 354 00:23:20,250 --> 00:23:22,166 Hindi ko gusto iyan! 355 00:23:24,791 --> 00:23:25,791 Bueno, sige. 356 00:23:27,375 --> 00:23:28,875 Itatabi ko para sa inyo. 357 00:23:29,791 --> 00:23:30,916 - Itatabi ko. - Cal. 358 00:23:31,000 --> 00:23:33,041 - Magbabago ang isip ninyo. - Cal. 359 00:23:33,625 --> 00:23:36,333 - Magbabago ang... - Tumigil ka na. Tingnan mo ako. 360 00:23:36,916 --> 00:23:39,083 Hinding-hindi ko tatanggapin iyan. 361 00:23:41,416 --> 00:23:43,875 Mas magiging masaya ako 362 00:23:45,041 --> 00:23:47,875 kung ibinigay mo na lang ang ibinigay ng iyong kapatid. 363 00:23:48,791 --> 00:23:50,333 Ang dangal sa kaniyang ginagawa. 364 00:23:50,916 --> 00:23:52,458 Kasiyahan sa kaniyang pag-usad. 365 00:23:52,541 --> 00:23:54,541 Hinding-hindi iyon matutumbasan ng salapi. 366 00:23:55,041 --> 00:23:58,916 Kung nais mo akong regaluhan, magkaroon ka ng magandang buhay. 367 00:24:02,125 --> 00:24:04,583 Iyon ang bagay na mapahahalagahan ko. 368 00:24:07,083 --> 00:24:08,083 Hindi iyan. 369 00:24:48,416 --> 00:24:49,416 Aron. 370 00:24:49,958 --> 00:24:51,833 Ano ba ang problema mo? 371 00:24:52,666 --> 00:24:55,250 Dapat alam mo ang magiging reaksiyon ni Ama. 372 00:24:57,416 --> 00:24:59,791 Aron, regalo iyon. Akala ko'y matutuwa siya. 373 00:24:59,875 --> 00:25:02,416 Akala mo'y matutuwa ka. Sarili mo lang ang iyong iniisip. 374 00:25:02,500 --> 00:25:05,625 Makasarili ka. Hindi ka nag-iisip. Malupit ka. 375 00:25:05,708 --> 00:25:07,791 At nasasaktan ka tuwing nagagalit ang mga tao. 376 00:25:07,875 --> 00:25:09,125 Sawang-sawa na ako sa iyo. 377 00:25:09,625 --> 00:25:11,916 Hindi na kita poprotektahan. 378 00:25:14,375 --> 00:25:16,041 Pinoprotektahan mo ako? 379 00:25:17,958 --> 00:25:19,583 Ayaw ko na, Cal. 380 00:25:20,375 --> 00:25:21,416 Nakuha mo? 381 00:25:22,125 --> 00:25:24,500 Pagod na akong maging tagaayos ng iyong sinira. 382 00:25:27,875 --> 00:25:29,125 Aron, sandali. 383 00:25:31,541 --> 00:25:32,916 May ipapakita ako sa iyo. 384 00:25:33,416 --> 00:25:35,166 Gabi na. 385 00:25:35,250 --> 00:25:36,125 Pakiusap. 386 00:25:38,791 --> 00:25:40,541 Sige na. Matutuwa ka sa makikita mo. 387 00:25:41,208 --> 00:25:42,041 Ano ba iyon? 388 00:25:42,875 --> 00:25:44,000 Makikita mo. 389 00:25:44,916 --> 00:25:45,791 Halika. 390 00:26:01,166 --> 00:26:03,041 - Ano'ng ginagawa natin dito? - Makikita mo. 391 00:26:04,916 --> 00:26:06,416 Cal, umuwi na tayo. 392 00:26:07,375 --> 00:26:08,208 Cal. 393 00:26:09,375 --> 00:26:10,791 Cal, tayo na. 394 00:26:10,875 --> 00:26:13,083 Bakit? Natatakot ka ba? 395 00:26:25,208 --> 00:26:26,791 Sarado kami't may piging. 396 00:26:30,166 --> 00:26:33,083 Pakisabi kay Kate, narito sina Cal at Aron Trask. 397 00:27:03,166 --> 00:27:04,166 Maghintay kayo rito. 398 00:27:32,000 --> 00:27:33,791 May nakikilala ka ba? 399 00:28:22,000 --> 00:28:23,291 Aron. 400 00:28:49,291 --> 00:28:51,541 Hindi! 401 00:28:57,500 --> 00:28:58,875 Paalam, Ina. 402 00:30:27,791 --> 00:30:28,708 Aron. 403 00:30:34,083 --> 00:30:34,916 Aron? 404 00:31:35,416 --> 00:31:36,666 Ano ang iyong sinabi? 405 00:31:37,791 --> 00:31:44,208 Ang sabi ng malaking mama, "Nais kang makausap ng iyong hinahanap." 406 00:31:44,291 --> 00:31:46,333 Ibig sabihin, si Ethel. 407 00:31:53,416 --> 00:31:55,666 Walang katuturan ang kaniyang sinasabi. 408 00:31:55,750 --> 00:31:58,666 "Mayroon ka bang kakilalang Faye?" tanong niya. 409 00:31:58,750 --> 00:32:01,041 Ngunit sabi ko, "Wala." 410 00:32:01,125 --> 00:32:03,500 Naisip kong itanong ka mismo. 411 00:32:04,333 --> 00:32:05,208 Kate? 412 00:32:09,000 --> 00:32:10,458 Nagsisinungaling ka. 413 00:32:11,041 --> 00:32:11,958 Ano? 414 00:32:17,958 --> 00:32:20,708 Hindi mo kilala si Faye? 415 00:32:20,791 --> 00:32:23,333 Iyong dating may-ari ng putahang ito? 416 00:32:23,416 --> 00:32:25,291 A, ngayong nabanggit mo na... 417 00:32:25,375 --> 00:32:29,833 Sinungaling ka, at ang masama, akala mo'y napapaniwala mo ako. 418 00:32:29,916 --> 00:32:31,500 Napapaniwala saan? 419 00:32:35,666 --> 00:32:37,208 Papasukin mo rito si Lois. 420 00:32:37,291 --> 00:32:40,541 Pangako, Kate, nalimutan ko lang na Faye ang pangalan ng dating may-ari. 421 00:32:40,625 --> 00:32:42,375 - Makakaalis ka na. - A— 422 00:32:42,458 --> 00:32:44,583 Sinabing makakaalis ka na! 423 00:33:03,708 --> 00:33:04,791 Venuta. 424 00:33:06,708 --> 00:33:11,333 SYERIP QUINN, HINDI MAKASASAMA 425 00:33:13,083 --> 00:33:14,250 Tumigil ka. 426 00:33:15,625 --> 00:33:19,791 KUNG SUSURIIN MO ANG BAKAS NG DALIRI NI JOE VALERY 427 00:33:27,958 --> 00:33:29,125 Tahimik! 428 00:33:29,208 --> 00:33:30,333 Paumanhin! 429 00:33:44,666 --> 00:33:46,000 Lois, tuloy. 430 00:33:46,625 --> 00:33:49,791 Pakipatay ng ponograpo bago ka maupo. 431 00:34:02,416 --> 00:34:04,291 Gaano ka na katagal na nagtatrabaho rito? 432 00:34:05,708 --> 00:34:06,875 Ilang buwan na ho. 433 00:34:09,666 --> 00:34:11,875 Mabuti. Mahusay ka kahit bago ka pa. 434 00:34:11,958 --> 00:34:13,666 Salamat ho, senyora. 435 00:34:14,333 --> 00:34:16,500 At nag-iipon ka ba? Itinatabi mo ang iyong ipon? 436 00:34:19,125 --> 00:34:20,125 Mahalaga iyon. 437 00:34:21,000 --> 00:34:22,375 Iyon ang kalayaan mo. 438 00:34:28,166 --> 00:34:29,666 Lois, mayroon akong 439 00:34:30,583 --> 00:34:33,375 hihinging pabor sa iyo. 440 00:34:36,166 --> 00:34:38,125 Pumunta ka kina Bell 441 00:34:39,375 --> 00:34:42,375 at kumuha ng isang kahon ng tsokolate. 442 00:34:43,083 --> 00:34:45,125 Munting regalo para sa inyong lahat. 443 00:34:45,708 --> 00:34:47,791 Ngunit huwag kang maingay. 444 00:34:48,291 --> 00:34:50,208 Dapat maging sorpresa. 445 00:34:50,291 --> 00:34:52,000 Wala hong makakaalam. 446 00:34:52,875 --> 00:34:54,916 At oo nga pala... 447 00:34:56,500 --> 00:34:58,750 maaari mo ba itong idaan sa syerip? 448 00:35:00,166 --> 00:35:01,208 Mayroon pa po bang iba? 449 00:35:01,291 --> 00:35:06,291 Oo, pakisabi kay Joe na siya ang magbabantay ngayong gabi 450 00:35:07,375 --> 00:35:09,541 at huwag akong abalahin hanggang bukas ng umaga. 451 00:35:10,083 --> 00:35:12,250 Ako'y matutulog na muna. 452 00:35:12,333 --> 00:35:13,875 - Pahinga ho kayo. - Sige. 453 00:35:38,125 --> 00:35:39,208 Charles? 454 00:35:47,375 --> 00:35:48,916 Charles, nariyan ka ba? 455 00:36:01,458 --> 00:36:05,208 Naikuwento ko na ba ang nangyari sa akin noong ako'y limang taon? 456 00:36:12,791 --> 00:36:14,958 May nangyari sa akin noong ako'y... 457 00:36:17,541 --> 00:36:18,791 limang taong gulang. 458 00:36:29,333 --> 00:36:30,708 May nabasa akong libro. 459 00:36:31,916 --> 00:36:33,583 Alice in Wonderland. 460 00:36:35,458 --> 00:36:38,041 Binago ng boteng may markang "Inumin Mo Ako" 461 00:36:39,166 --> 00:36:43,333 mula sa librong iyon ang aking buhay. 462 00:36:45,166 --> 00:36:49,416 Mula noon, may dala-dala na akong bote ng tubig na may asukal. 463 00:36:50,500 --> 00:36:53,625 Tuwing umiinom ako noon, lumiliit ako. 464 00:36:55,208 --> 00:36:57,833 Napakaliit, na di na ako kayang hanapin ng masasama. 465 00:37:01,208 --> 00:37:02,958 Iniligtas ako noon... 466 00:37:05,125 --> 00:37:07,375 mula sa napakaraming sakuna. 467 00:37:08,875 --> 00:37:10,583 Binigyan ako ng kontrol. 468 00:37:11,791 --> 00:37:16,541 Batid ko na kapag inubos ko ang laman, maaari akong maglaho. 469 00:37:17,458 --> 00:37:19,083 Hindi ko kinailangang gawin iyon. 470 00:37:41,291 --> 00:37:44,125 Alam mo bang ipinangalan nila ito kay Morpheus, 471 00:37:45,041 --> 00:37:46,416 ang diyos ng pagtulog? 472 00:37:56,041 --> 00:37:57,041 Inumin mo ako. 473 00:41:13,375 --> 00:41:14,708 Kumusta, Joe? 474 00:41:15,916 --> 00:41:17,541 Matagal tayong di nagkita. 475 00:41:17,625 --> 00:41:18,666 Syerip. 476 00:41:19,708 --> 00:41:21,125 Ano ang maipaglilingkod ko? 477 00:41:24,791 --> 00:41:26,625 Pumasyal ka sa aking opisina. 478 00:41:26,708 --> 00:41:28,041 Nais kitang makausap. 479 00:41:28,541 --> 00:41:30,250 Abala kami tuwing Sabado. 480 00:41:31,000 --> 00:41:31,875 Makapaghihintay ba? 481 00:41:32,791 --> 00:41:33,916 Hindi, e. 482 00:41:37,375 --> 00:41:39,125 Sasabihin ko lamang sa aking amo. 483 00:42:36,750 --> 00:42:39,666 - Kumusta, Ching Chong? - Adam! Si Syerip Quinn! 484 00:42:43,916 --> 00:42:46,041 Quinn, salamat at narito ka. 485 00:42:46,125 --> 00:42:47,750 Hindi namin matagpuan si Aron. 486 00:42:48,250 --> 00:42:49,625 Kailan pa siya nawawala? 487 00:42:49,708 --> 00:42:50,541 Dalawang araw na. 488 00:42:50,625 --> 00:42:53,416 Hindi na siya umuwi matapos maghapunan noong Pasasalamat. 489 00:42:54,500 --> 00:42:56,750 Di kaya bumalik sa kolehiyo nang di nagpapaalam? 490 00:42:56,833 --> 00:42:57,666 Imposible. 491 00:42:59,916 --> 00:43:00,916 Iho? 492 00:43:01,000 --> 00:43:03,041 Mayroon ka bang nalalaman? 493 00:43:04,041 --> 00:43:06,125 Sinabi ko na ho. Malamang, kasama siya ni Abra. 494 00:43:07,791 --> 00:43:09,333 Tatanungin ko ulit ang mga Bacon. 495 00:43:09,416 --> 00:43:11,333 Ako'y magmamaneho hanggang mahanap siya. 496 00:43:11,416 --> 00:43:13,750 Adam, kailangan nating mag-usap. 497 00:43:17,458 --> 00:43:18,416 Ano iyon? 498 00:43:19,416 --> 00:43:21,000 Iyong babaeng si Kate. 499 00:43:21,875 --> 00:43:23,666 Kasal pa ba siya sa iyo? 500 00:43:24,166 --> 00:43:25,000 Oo. 501 00:43:25,791 --> 00:43:26,708 Bakit? 502 00:43:27,208 --> 00:43:29,333 Nagpatiwakal siya kagabi. 503 00:43:57,541 --> 00:43:59,458 Kaawa-awa ang aking mahal. 504 00:44:03,083 --> 00:44:05,166 Hindi mo siya kailangang angkinin. 505 00:44:06,541 --> 00:44:08,291 Kung ako sa iyo'y huwag na. 506 00:44:08,958 --> 00:44:10,041 Gusto ko. 507 00:44:11,583 --> 00:44:12,583 Aangkinin ko siya. 508 00:44:14,041 --> 00:44:15,125 Ipalilibing ko siya. 509 00:44:15,208 --> 00:44:17,541 - Hindi lang iyon. - Ano pa? 510 00:44:20,750 --> 00:44:21,958 Ang huling habilin niya. 511 00:44:23,958 --> 00:44:26,375 Ipinamana niya ang lahat sa inyong anak. 512 00:44:29,750 --> 00:44:32,375 "Para sa aking anak na si Aron." 513 00:44:39,625 --> 00:44:41,333 Paano niya nalaman ang pangalan niya? 514 00:44:45,458 --> 00:44:46,625 Aron! 515 00:44:51,041 --> 00:44:52,166 Aron! 516 00:44:55,291 --> 00:44:56,375 Aron! 517 00:45:01,333 --> 00:45:02,625 Aron! 518 00:45:19,125 --> 00:45:20,250 Oo, tama iyon. 519 00:45:21,041 --> 00:45:23,166 Naghabilin ako sa Palo Alto. 520 00:45:24,791 --> 00:45:28,875 Maaari ba ninyong sabihin kung bumili siya ng tiket ng tren? 521 00:45:37,250 --> 00:45:38,208 Ganoon ba? 522 00:45:41,125 --> 00:45:42,291 Sige. 523 00:45:42,916 --> 00:45:45,458 Oo, malaki ang maitutulong niyon. Salamat. 524 00:46:00,291 --> 00:46:02,083 Sa palagay mo ba'y makatutulong iyan? 525 00:46:04,416 --> 00:46:06,041 Nasaan ba ang iyong kapatid? 526 00:46:11,791 --> 00:46:13,833 Mayroon bang nangyari sa inyo? 527 00:46:19,208 --> 00:46:20,666 Dinala ko siya sa kaniya. 528 00:46:22,708 --> 00:46:23,750 Sa aming ina. 529 00:46:26,166 --> 00:46:27,208 Di ko alam kung bakit. 530 00:46:27,291 --> 00:46:29,541 Huwag mo nang pakomplikahin. Alam mo kung bakit. 531 00:46:30,666 --> 00:46:32,500 Nasaktan ka kaya nais mo ring manakit. 532 00:46:32,583 --> 00:46:33,500 Nagalit ako. 533 00:46:33,583 --> 00:46:34,500 Naging malupit ka. 534 00:46:35,541 --> 00:46:36,708 Puwede bang... 535 00:46:38,208 --> 00:46:40,333 sabihin mo na lang na magiging maayos si Aron. 536 00:46:43,916 --> 00:46:44,916 Aron? 537 00:46:54,208 --> 00:46:56,541 Adam, ano ang nangyayari? 538 00:46:58,208 --> 00:47:00,125 "Ama, ako'y nagpalista na sa hukbo. 539 00:47:00,208 --> 00:47:03,333 "Sinabi ko sa kanilang 18 na ako. Huwag mo akong alalahanin. Aron." 540 00:47:11,833 --> 00:47:13,250 Nasaan si... 541 00:47:14,000 --> 00:47:16,083 - Aron? - Cal, tumawag ka ng manggagamot. 542 00:47:17,333 --> 00:47:21,416 - Ha? - Tumawag ka ng manggagamot. Bilis. 543 00:47:22,833 --> 00:47:24,458 Adam? 544 00:47:24,541 --> 00:47:26,875 Huwag kang mag-alala. Makinig ka. 545 00:47:32,291 --> 00:47:34,041 MAGPALISTA NA 546 00:47:41,541 --> 00:47:47,875 IKAW BA AY NASA LOOB O LABAS NG BINTANA? 547 00:47:48,708 --> 00:47:51,500 {\an8}MAYO 1918 548 00:47:52,000 --> 00:47:54,666 Hindi nila kayang ayusin ang ugat na parang gulong. 549 00:47:55,333 --> 00:47:57,750 Ayon sa aking nabasa ukol sa pagdurugo ng utak, 550 00:47:58,500 --> 00:48:01,166 tila panahon lamang ang makatutulong. 551 00:48:04,958 --> 00:48:06,666 Ngunit maaari iyong maulit? 552 00:48:07,541 --> 00:48:08,541 At mas malubha pa? 553 00:48:08,625 --> 00:48:10,875 Kailangan lang kontrolin ang altapresyon niya. 554 00:48:11,750 --> 00:48:13,500 Pakidala nga iyon dito. 555 00:48:19,958 --> 00:48:21,250 Kumusta si Abra? 556 00:48:22,791 --> 00:48:24,333 Ako'y nangungulila sa kaniya. 557 00:48:26,458 --> 00:48:27,916 Ayaw niya akong makita. 558 00:48:28,000 --> 00:48:28,833 A. 559 00:48:30,333 --> 00:48:31,666 Iyon ba ang kaniyang sinabi? 560 00:48:31,750 --> 00:48:33,041 Hindi na kailangan. 561 00:48:34,333 --> 00:48:36,416 Alam niyang umalis si Aron dahil sa akin. 562 00:48:36,916 --> 00:48:37,875 Alam mo, 563 00:48:39,333 --> 00:48:41,916 hindi makatutulong ang pagkamuhi mo sa iyong sarili. 564 00:49:14,166 --> 00:49:15,083 Kumusta? 565 00:49:15,833 --> 00:49:17,291 Kumusta ang inyong ama? 566 00:49:18,208 --> 00:49:20,583 - Bumubuti na ang lagay niya. - Mabuti. 567 00:49:22,208 --> 00:49:24,583 Wala kaming balita kay Aron. Sinusulatan ka ba niya? 568 00:49:36,375 --> 00:49:37,333 Basahin mo. 569 00:49:40,750 --> 00:49:44,666 "Di ako nababagay sa iyo. Nasa hukbo ako. Layuan mo ang pamilya ko." 570 00:49:48,125 --> 00:49:49,291 Iyon lang? 571 00:49:54,583 --> 00:49:56,125 Anak ng putang ina. 572 00:49:58,583 --> 00:50:01,416 Maaari mo akong kamuhian. Nararapat lang iyon. 573 00:50:02,125 --> 00:50:06,041 Ngunit huwag kang lumayo dahil lang sinabi ni Aron. 574 00:50:07,333 --> 00:50:09,291 Labis na nangungulila sa iyo si Lee. 575 00:50:18,416 --> 00:50:20,208 Noong bata pa kami ni Aron, 576 00:50:21,750 --> 00:50:24,000 gumawa kami ng kuwento tungkol sa aming dalawa, 577 00:50:24,625 --> 00:50:26,333 at ayaw niya iyong kalimutan. 578 00:50:28,041 --> 00:50:31,791 Kahit ilang beses ko pang sabihin na nagbago na ang lahat. 579 00:50:32,625 --> 00:50:33,958 Nagbago na ako. 580 00:50:39,375 --> 00:50:40,958 Hindi kita kinamumuhian, Cal. 581 00:50:44,500 --> 00:50:45,833 Kahit katiting. 582 00:50:52,583 --> 00:50:54,166 Pakisabi kay Lee na papasyal ako. 583 00:51:00,458 --> 00:51:01,416 Abra. 584 00:51:03,125 --> 00:51:06,125 Nakarating ka na ba sa Alisal sa panahon ng pamumulaklak ng azalea? 585 00:51:08,083 --> 00:51:09,708 Nais mo bang sumama sa akin doon? 586 00:51:13,166 --> 00:51:14,416 Maaari tayong magpiknik. 587 00:51:17,416 --> 00:51:18,333 Sige. 588 00:52:09,416 --> 00:52:16,291 SA ALAALA NI CATHERINE TRASK PUMANAW NOONG IKA-29 NG NOB 1917 589 00:52:26,666 --> 00:52:28,666 Kakaiba ang aking panaginip kagabi. 590 00:52:29,833 --> 00:52:31,166 Tungkol sa aking ama. 591 00:52:32,333 --> 00:52:34,000 Isang dakilang ginoo, sabi nila. 592 00:52:34,875 --> 00:52:35,958 Salamat. 593 00:52:38,250 --> 00:52:39,416 Sino ang nagsabi niyon? 594 00:52:39,500 --> 00:52:42,083 Nabasa ko ang mga diyaryo mula sa gamit ng iyong kapatid. 595 00:52:42,166 --> 00:52:44,625 Hinggil sa panahon niya sa militar. Sa Washington. 596 00:52:44,708 --> 00:52:46,625 Alam mo bang nandambong siya? 597 00:52:49,416 --> 00:52:51,375 Ninakawan niya ang mga beterano. 598 00:52:51,958 --> 00:52:53,541 Sa ganoong paraan siya yumaman. 599 00:52:55,250 --> 00:52:57,125 Natagalan ako bago maniwala, 600 00:52:58,875 --> 00:52:59,875 ngunit totoo iyon. 601 00:53:00,541 --> 00:53:03,958 Kaya ang pinakatapat na taong kilala ko 602 00:53:04,041 --> 00:53:07,583 ay nabuhay sa perang ninakaw. 603 00:53:20,250 --> 00:53:21,416 Mag-uwi kayo ng azalea. 604 00:53:21,500 --> 00:53:22,666 Opo. 605 00:53:23,916 --> 00:53:25,041 Sumama ka na. 606 00:53:25,125 --> 00:53:27,250 Huwag kang duwag. Hayo na. 607 00:53:36,458 --> 00:53:38,458 - Sandali, sabay tayong aalis. - Ay. 608 00:53:38,541 --> 00:53:40,208 Napakagandang araw para magpiknik. 609 00:53:41,000 --> 00:53:42,291 Nadala mo ba lahat? 610 00:53:43,916 --> 00:53:46,458 Tila nais kong bumalik sa aking kabataan. 611 00:54:04,666 --> 00:54:07,416 Sa palagay ko'y kahangalan ang pamimitas ng azalea. 612 00:54:07,958 --> 00:54:09,875 Nalalanta rin naman kinabukasan. 613 00:54:11,166 --> 00:54:12,125 Oo, 614 00:54:13,208 --> 00:54:15,000 ngunit magandang dahilan iyon. 615 00:54:36,541 --> 00:54:38,166 Natatakot akong gawin iyan. 616 00:54:40,166 --> 00:54:41,166 Bakit? 617 00:54:43,291 --> 00:54:44,875 Ika'y kasintahan ng aking kapatid. 618 00:54:46,083 --> 00:54:47,250 Dati iyon. 619 00:54:50,166 --> 00:54:52,000 Hindi ka ba natatakot? 620 00:54:57,958 --> 00:54:59,500 Palagi. 621 00:55:22,250 --> 00:55:24,791 Magandang tingnan ang gisantes sa bakod ng kusina. 622 00:55:24,875 --> 00:55:26,666 Pangharang din sa latian. 623 00:55:29,000 --> 00:55:30,750 Sa palagay mo'y maaarawan iyon doon? 624 00:55:35,208 --> 00:55:36,041 Narinig mo iyon? 625 00:55:37,291 --> 00:55:38,166 Alin? 626 00:55:48,458 --> 00:55:49,708 Hindi mo ba kukunin? 627 00:56:32,583 --> 00:56:33,666 Tao po? 628 00:56:42,875 --> 00:56:43,791 Lee? 629 00:56:50,500 --> 00:56:52,083 Patay na ang iyong kapatid. 630 00:56:54,333 --> 00:56:57,666 Napatay siya sa labanan sa Pransiya. 631 00:57:00,375 --> 00:57:04,041 Paulit-ulit na sinambit ng iyong ama 632 00:57:04,125 --> 00:57:07,000 hanggang pumutok ang kaniyang ugat sa ulo. 633 00:57:08,500 --> 00:57:10,875 Kasama niya sa silid si Dok Murphy. 634 00:57:11,958 --> 00:57:13,791 Naistrok na naman siya. 635 00:57:45,291 --> 00:57:46,458 Kumusta ho? 636 00:57:47,541 --> 00:57:50,375 Malubha ang paralisis sa kaliwang bahagi ng katawan niya. 637 00:57:50,875 --> 00:57:52,958 Gising siya, ngunit hindi pa nagsasalita. 638 00:57:55,375 --> 00:57:56,500 Mamamatay ho ba siya? 639 00:57:57,208 --> 00:58:00,666 Maaari siyang mabuhay nang isang linggo, buwan, o taon. 640 00:58:01,791 --> 00:58:04,208 Maaari siyang pumanaw ngayon. Hindi ko masasabi. 641 00:58:05,541 --> 00:58:06,666 Paumanhin, iho. 642 00:58:34,833 --> 00:58:35,875 Ama. 643 00:58:47,125 --> 00:58:49,250 Kasalanan ko ang pagkamatay ni Aron. 644 00:58:52,958 --> 00:58:54,541 Dinala ko siya sa bahay-aliwan 645 00:58:56,333 --> 00:58:57,791 upang makilala ang aming ina. 646 00:59:01,916 --> 00:59:03,458 Kaya siya nagpalista. 647 00:59:06,750 --> 00:59:08,333 Kaya siya namatay. 648 00:59:25,583 --> 00:59:26,666 Cal? 649 00:59:27,791 --> 00:59:28,750 Cal? 650 00:59:46,125 --> 00:59:47,375 Cal. 651 00:59:52,500 --> 00:59:53,708 Pinatay ko ang kapatid ko. 652 01:00:01,000 --> 01:00:02,125 Pinatay ko siya. 653 01:00:05,875 --> 01:00:07,916 Pinatay ko siya. Pinatay ko ang kapatid ko. 654 01:00:09,875 --> 01:00:11,416 Pinatay ko siya. 655 01:00:11,500 --> 01:00:13,000 Pinili niyang umalis. 656 01:00:13,916 --> 01:00:15,375 Nang dahil sa aking ginawa. 657 01:00:20,791 --> 01:00:22,291 Hindi ko na alam ang gagawin ko. 658 01:00:23,250 --> 01:00:25,958 Hindi ko na alam. Sabihin mo kung ano ang gagawin ko. 659 01:00:26,750 --> 01:00:27,583 Cal. 660 01:00:27,666 --> 01:00:29,125 Sabihin mo sa akin, pakiusap. 661 01:00:30,916 --> 01:00:32,166 Ano ang aking gagawin? 662 01:00:32,666 --> 01:00:34,000 Hindi maaari. 663 01:00:40,541 --> 01:00:44,041 "Sabi ng Diyos, 'Magkaroon ng mga tanglaw sa langit 664 01:00:44,125 --> 01:00:46,416 "'upang maghiwalay sa araw at gabi, 665 01:00:48,291 --> 01:00:50,916 "'at maging tanda sa mga takdang panahon, 666 01:00:52,041 --> 01:00:53,958 "'mga araw at mga taon.'" 667 01:00:55,291 --> 01:00:56,291 Lee. 668 01:01:00,625 --> 01:01:01,458 Cal. 669 01:01:08,625 --> 01:01:09,583 Adam. 670 01:01:10,291 --> 01:01:11,125 Tingnan mo. 671 01:01:13,041 --> 01:01:15,458 Narito ang iyong anak na si Caleb. 672 01:01:16,583 --> 01:01:18,166 Ang nag-iisa mong anak. 673 01:01:24,083 --> 01:01:27,208 Hindi, Cal. Ayos lang iyon. 674 01:01:28,791 --> 01:01:29,833 Ayos lang. 675 01:01:31,000 --> 01:01:32,166 Maupo ka rito. 676 01:01:40,625 --> 01:01:43,041 Adam, hindi ko alam kung hanggang kailan ka mabubuhay. 677 01:01:43,708 --> 01:01:45,333 Marahil matagal na panahon pa. 678 01:01:46,708 --> 01:01:47,916 Marahil isang oras. 679 01:01:51,500 --> 01:01:53,416 Ngunit mabubuhay ang iyong anak. 680 01:01:53,916 --> 01:01:59,666 Sila ng kaniyang magiging anak ang magtutuloy ng iyong lahi sa mundo. 681 01:02:05,458 --> 01:02:08,916 Labis na nakokonsensiya ang iyong anak. Hirap na hirap na siya. 682 01:02:21,791 --> 01:02:22,750 Adam, 683 01:02:23,458 --> 01:02:25,625 basbasan mo ang nag-iisa mong anak. 684 01:02:30,583 --> 01:02:32,875 Huwag mo siyang talikuran. 685 01:02:36,500 --> 01:02:38,000 Tulungan mo siya, Adam. 686 01:02:41,000 --> 01:02:42,458 Palayain mo siya. 687 01:02:51,458 --> 01:02:52,750 Timshel. 688 01:03:05,041 --> 01:03:06,125 Timshel. 689 01:03:08,875 --> 01:03:10,541 Maaari. 690 01:06:12,125 --> 01:06:14,041 Nagsalin ng Subtitle: IJQT