1
00:00:22,814 --> 00:00:24,858
DELICIOUS IN DUNGEON
2
00:01:33,093 --> 00:01:35,846
Habang nagiging bato kayo,
dumurugo ang ilong,
3
00:01:35,929 --> 00:01:38,765
at abala sa paghahanap ng pagkain,
4
00:01:39,307 --> 00:01:42,102
nakakita ako ng pagkakasunod-sunod
sa paggalaw ng piitan.
5
00:01:42,185 --> 00:01:44,604
Di ko naman ginustong maging bato.
6
00:01:44,688 --> 00:01:45,772
Oo nga!
7
00:01:45,856 --> 00:01:48,358
Marami naman tayong nagawa
nitong nakaraang tatlong araw.
8
00:01:48,441 --> 00:01:49,484
Oo na.
9
00:01:50,193 --> 00:01:52,612
Pag may daang nahaharangan,
may ibang bumubukas.
10
00:01:52,696 --> 00:01:54,447
Paulit-ulit lang 'to.
11
00:01:55,532 --> 00:01:58,869
Di nag-iiba ang bilang ng mga pinto,
muwebles, at uri ng gusali.
12
00:01:58,952 --> 00:02:01,371
Di nagiging isang libingan
ang isang bahay.
13
00:02:01,454 --> 00:02:04,875
Parang orasan ang ikot
ng paggalaw ng mga pader.
14
00:02:05,458 --> 00:02:06,626
Nananatili sa isang lugar
15
00:02:06,710 --> 00:02:08,461
at nakaharap sa isang direksiyon
ang mga estatwa.
16
00:02:08,545 --> 00:02:10,380
Base sa lahat ng 'yon at iba pa…
17
00:02:14,342 --> 00:02:16,178
Naaalala ko ang daang 'to.
18
00:02:16,261 --> 00:02:19,014
'Yon ang bahay
kung saan natin kinain ang Dragon.
19
00:02:19,097 --> 00:02:21,099
Chilchuck, henyo ka talaga!
20
00:02:21,183 --> 00:02:23,101
Madali lang naman 'yon.
21
00:02:25,020 --> 00:02:26,855
Pero sa daang 'to…
22
00:02:27,355 --> 00:02:28,899
Tama ka.
23
00:02:29,482 --> 00:02:30,984
Dito nawala sa 'min si Falin.
24
00:02:31,067 --> 00:02:33,904
Nagkalat ang dugo rito at halatang
may kinaladkad dito dahil sa mga bakas.
25
00:02:33,987 --> 00:02:34,863
Si Falin!
26
00:02:34,946 --> 00:02:37,365
Pag nakita 'to ng dalawa,
siguradong magwawala sila.
27
00:02:37,449 --> 00:02:39,159
Paano ko sila pakakalmahin?
28
00:02:39,242 --> 00:02:40,410
Laios, tingnan mo 'to!
29
00:02:41,912 --> 00:02:42,787
Ano 'to?
30
00:02:42,871 --> 00:02:45,582
Makinig kayo! Alam kong
marami tayong kailangang alalahanin,
31
00:02:45,665 --> 00:02:48,460
pero sa ngayon, kailangan muna
nating makabalik sa itaas at…
32
00:02:49,461 --> 00:02:50,295
Ha?
33
00:02:55,133 --> 00:02:58,678
Nandito dapat
'yong labi n'ong Dragon, di ba?
34
00:02:58,762 --> 00:03:00,889
Nawala 'to nang walang naiwang bakas.
35
00:03:01,389 --> 00:03:07,062
Nagkaroon siguro ng butas dito
nang bumagsak ang Pulang Dragon.
36
00:03:07,646 --> 00:03:10,023
Pero inaayos din ang butas na 'to…
37
00:03:13,985 --> 00:03:16,404
Minamatyagan ka n'ong salamangkero.
38
00:03:18,323 --> 00:03:20,700
'Wag kang sumigaw nang malakas!
39
00:03:20,784 --> 00:03:22,619
May nakita lang akong…
40
00:03:25,205 --> 00:03:27,499
Baka pagkahilo na naman 'to dahil sa mana.
41
00:03:27,582 --> 00:03:28,667
Na naman?
42
00:03:28,750 --> 00:03:31,044
Mula no'ng gumamit ako
ng mahikang pampagaling,
43
00:03:31,127 --> 00:03:33,129
may nakikita at naririnig ako kung minsan.
44
00:03:33,213 --> 00:03:34,506
May mga naririnig ka?
45
00:03:34,589 --> 00:03:36,508
Sigurado ka bang pagkahilo
dahil sa mana 'yon?
46
00:03:36,591 --> 00:03:37,842
Ano'ng narinig mo?
47
00:03:38,635 --> 00:03:40,762
"Minamatyagan ka n'ong salamangkero."
48
00:03:40,845 --> 00:03:42,555
"Minamatyagan n'ong salamangkero"?
49
00:03:43,890 --> 00:03:44,766
'Yon kaya ang…
50
00:03:49,354 --> 00:03:50,647
Tunog ng mga pakpak!
51
00:03:50,730 --> 00:03:52,023
'Yong Maliit na Dragon 'yon!
52
00:03:52,107 --> 00:03:53,149
Kailangan nating magtago!
53
00:03:53,233 --> 00:03:54,693
At saan naman, ha?
54
00:03:54,776 --> 00:03:56,778
Wala tayong mapagtataguan dito.
55
00:03:56,861 --> 00:03:58,780
Kailangan nating tumakbo, Marcille.
56
00:03:58,863 --> 00:04:00,657
Hindi, alam ko na
kung saan tayo magtatago.
57
00:04:02,117 --> 00:04:03,326
Sa loob ng pader!
58
00:04:06,955 --> 00:04:08,873
Halina kayong dalawa! Bilisan n'yo!
59
00:04:08,957 --> 00:04:10,166
Ito ba ay…
60
00:04:10,250 --> 00:04:12,419
Isa sa mga mahika niya?
61
00:04:27,100 --> 00:04:31,813
Marcille, anong klaseng mahika 'yon?
62
00:04:35,692 --> 00:04:36,985
Mga tagalinis?
63
00:04:37,068 --> 00:04:38,403
Ano?
64
00:04:38,486 --> 00:04:39,904
Mga Tagalinis ng Piitan.
65
00:04:39,988 --> 00:04:42,073
Sa tingin ko, mga nilalang sila
66
00:04:42,157 --> 00:04:45,452
na naglilinis ng piitan
at nag-aayos ng mga sira.
67
00:04:45,535 --> 00:04:46,369
Tama.
68
00:04:46,453 --> 00:04:50,081
Nalaman ko na hindi pa gaanong tuyo
ang pader na 'to.
69
00:04:50,582 --> 00:04:52,459
Hanggang dito lang ang dating pader,
70
00:04:53,084 --> 00:04:54,753
at mula rito ang gawa ng mga Tagalinis.
71
00:04:54,836 --> 00:04:55,962
Pati ang sahig!
72
00:04:56,046 --> 00:04:56,880
Tingnan n'yo 'to!
73
00:04:56,963 --> 00:04:59,758
Inaayos pati ang pangungupas
at maliliit na mga gasgas.
74
00:04:59,841 --> 00:05:02,135
Di mo malalaman
ang pagkakaiba sa tingin lang.
75
00:05:04,512 --> 00:05:05,347
Ano ba 'yan!
76
00:05:05,430 --> 00:05:08,850
May kung anong maliliit
na gumagapang sa sahig.
77
00:05:08,933 --> 00:05:09,851
Kadiri!
78
00:05:10,685 --> 00:05:12,270
Sila ang mga Tagalinis.
79
00:05:12,771 --> 00:05:15,607
Masisira nang mabilis
ang isang piitan pag wala sila.
80
00:05:16,191 --> 00:05:18,109
Di sila mga halimaw at di sila nakasasama.
81
00:05:18,193 --> 00:05:19,778
Nakasasama sila.
82
00:05:19,861 --> 00:05:23,114
Madalas ngatngatin ng mga buwisit na 'to
ang tolda ko.
83
00:05:24,783 --> 00:05:28,995
Sinisira nila ang kahit anong
tingin nila ay humaharang sa kanila.
84
00:05:29,579 --> 00:05:32,874
Sila siguro ang kumain
ng labi ng Dragon at ng pagsabog.
85
00:05:32,957 --> 00:05:34,667
Nagpapakita sila
kapag may nasisira sa piitan,
86
00:05:34,751 --> 00:05:37,003
at naglalabas sila ng katas
na pumipigil sa pagkalat ng apoy
87
00:05:37,087 --> 00:05:38,630
at mas malubha pang pinsala.
88
00:05:38,713 --> 00:05:42,050
Pagkatapos, kakainin nila
ang mga nagkalat na bato.
89
00:05:42,133 --> 00:05:43,384
Di sila pihikan sa pagkain.
90
00:05:43,968 --> 00:05:47,222
Sa huli, naglalabas sila ng katas
para punan ang mga sira-sirang bahagi
91
00:05:47,305 --> 00:05:49,849
at binabalik nila ang piitan
sa dati nitong anyo.
92
00:05:50,350 --> 00:05:53,019
Kagaya 'to ng paghilom ng mga nilalang.
93
00:05:53,103 --> 00:05:54,521
Pag inisip mo ang lahat ng 'to,
94
00:05:54,604 --> 00:05:56,231
parang sistemang pananggalang
ang mga halimaw
95
00:05:56,314 --> 00:05:57,607
na nagtatanggal ng mga mikrobyo.
96
00:05:57,690 --> 00:05:58,900
Sino ang tinatawag mong mikrobyo?
97
00:05:58,983 --> 00:06:01,611
Mahika rin ba 'yon?
98
00:06:01,694 --> 00:06:02,904
Ang galing, 'no?
99
00:06:02,987 --> 00:06:04,280
Hay naku.
100
00:06:04,364 --> 00:06:06,825
Ano'ng susunod,
isang mahiwagang sistemang pantunaw?
101
00:06:07,325 --> 00:06:09,911
Ano kaya ang kakainin ng piitan
kung gano'n?
102
00:06:12,580 --> 00:06:14,749
Mabuti na lang wala na
ang mga bakas ng dugo.
103
00:06:15,250 --> 00:06:16,459
Uy.
104
00:06:16,543 --> 00:06:18,795
Umalis na tayo
bago pa gumalaw ulit ang piitan.
105
00:06:18,878 --> 00:06:19,754
Tama.
106
00:06:34,561 --> 00:06:36,729
Hagdan!
107
00:06:37,772 --> 00:06:40,024
Sa wakas, may daan na palabas.
108
00:06:40,108 --> 00:06:43,570
Kung gano'n, ihanda na kaya natin 'yon?
109
00:06:43,653 --> 00:06:46,197
Magandang idea 'yan. Gawin na natin 'yon.
110
00:06:46,781 --> 00:06:47,615
'Yon?
111
00:06:48,158 --> 00:06:49,617
A, 'yon.
112
00:06:57,625 --> 00:07:00,170
Ano? Kakainin ba natin 'yan?
113
00:07:00,253 --> 00:07:02,755
Wala yatang Galamay sa palapag na 'to.
114
00:07:02,839 --> 00:07:04,174
Sinabi mo na sana kanina!
115
00:07:04,257 --> 00:07:05,967
Gustong-gusto mo talaga 'yan, 'no?
116
00:07:06,050 --> 00:07:06,926
Hindi!
117
00:07:09,596 --> 00:07:13,600
Ang dami nating sahog,
di ko alam kung ano'ng lulutuin.
118
00:07:14,684 --> 00:07:16,311
Baka puwede kong gamitin 'yon.
119
00:07:17,020 --> 00:07:18,354
Magsaing ng bigas.
120
00:07:18,438 --> 00:07:20,440
Galing ba 'yan sa pangatlong palapag?
121
00:07:21,024 --> 00:07:24,194
Tinabi ko 'to
kung sakaling maubusan na tayo ng pagkain.
122
00:07:25,153 --> 00:07:26,821
Tadtarin ang karne ng Cockatrice,
123
00:07:26,905 --> 00:07:28,823
prutas ng Dryad,
124
00:07:28,907 --> 00:07:30,450
prutas at dahon ng Mondragora,
125
00:07:31,034 --> 00:07:33,703
at damong pampalambot.
126
00:07:34,287 --> 00:07:35,747
Lagyan ng pampalasa at gisahin.
127
00:07:36,789 --> 00:07:39,709
Maglagay ng isang patong ng kanin
sa loob ng sisidlang ladrilyo.
128
00:07:39,792 --> 00:07:42,712
Ipatong ang mga sangkap
at initin ang lahat sa ladriyo mismo.
129
00:07:43,796 --> 00:07:44,964
At…
130
00:07:45,048 --> 00:07:46,841
Ha? Ano 'yan?
131
00:07:46,925 --> 00:07:48,718
Itlog ng Cockatrice.
132
00:07:51,054 --> 00:07:52,972
Nagdala ako ng isa,
133
00:07:53,056 --> 00:07:55,475
pero medyo mahirap lang gamitin.
134
00:07:58,061 --> 00:08:00,730
Panghuli, ibuhos ang sarsang itlog at
135
00:08:00,813 --> 00:08:02,148
luto na.
136
00:08:02,232 --> 00:08:04,734
HINURNO SA BATO NA MANOK AT ITLOG
NG COCKATRICE NA MAY SARSA
137
00:08:04,817 --> 00:08:06,528
Grabe, ano 'to?
138
00:08:06,611 --> 00:08:07,654
Mukhang masarap!
139
00:08:08,321 --> 00:08:12,492
Kung nanatili kaya akong bato,
gagamitin kaya nila ako sa pagluto nito?
140
00:08:17,747 --> 00:08:19,374
Ang linamnam ng tutong!
141
00:08:19,457 --> 00:08:22,418
Subukan mong kutsarahin ang sisidlan.
142
00:08:25,713 --> 00:08:29,384
Ginamit ko ang mga ladrilyo
na gawa sa Tagalinis ng Piitan.
143
00:08:29,467 --> 00:08:31,844
Puwede palang kainin pati 'tong sisidlan?
144
00:08:33,096 --> 00:08:35,181
Salamat, Senshi!
145
00:08:39,936 --> 00:08:41,020
Kumusta ang lasa?
146
00:08:41,104 --> 00:08:43,356
Lasang lupa sa simula.
147
00:08:43,898 --> 00:08:44,941
Pero habang nilalasap mo 'to,
148
00:08:45,024 --> 00:08:48,236
parang pinaghalong
berdeng higad, bakal, at limon.
149
00:08:48,945 --> 00:08:50,822
Hinahambing mo lang 'to sa ibang bagay.
150
00:08:51,364 --> 00:08:53,825
Wala namang ibang paraan
para ilarawan 'to.
151
00:08:53,908 --> 00:08:56,619
Sigurado ka bang ligtas kainin
ang mga mahiwagang nilalang?
152
00:08:56,703 --> 00:08:59,414
Baka may marinig ka na naman
at dumugo na naman 'yang ilong mo.
153
00:08:59,497 --> 00:09:01,624
Bakit kaya gano'n ang mga guni-guni ko?
154
00:09:03,376 --> 00:09:06,671
Pagbalik natin sa bayan,
ipatingin mo 'yang ulo mo sa doktor.
155
00:09:06,754 --> 00:09:07,797
Doktor?
156
00:09:07,880 --> 00:09:10,049
Tingin mo ba, sakit na 'to?
157
00:09:16,764 --> 00:09:18,182
Guni-guni na naman ba 'to?
158
00:09:18,266 --> 00:09:20,059
Nakikita n'yo ba 'to?
159
00:09:20,935 --> 00:09:22,687
Na… Nakikita ko.
160
00:09:23,521 --> 00:09:25,690
Nilulusob…
161
00:09:26,316 --> 00:09:27,900
tayo!
162
00:09:32,822 --> 00:09:34,824
Ha? Ano 'to?
163
00:09:34,907 --> 00:09:36,451
Balat lang pala ng palaka 'to.
164
00:09:37,910 --> 00:09:41,080
Palamuti lang pala sa helmet
ang mga sungay na 'to.
165
00:09:41,873 --> 00:09:42,915
Isang bata?
166
00:09:45,668 --> 00:09:47,962
Nagpapanggap na tao ang ibang mga halimaw.
167
00:09:48,546 --> 00:09:52,342
Patayin kaya natin ang isa
para malaman ang tunay nilang anyo…
168
00:09:52,425 --> 00:09:54,260
'Wag, Maizuru.
169
00:09:58,306 --> 00:09:59,390
Kilala ko sila.
170
00:09:59,474 --> 00:10:00,642
-Shuro!
-Shuro!
171
00:10:01,726 --> 00:10:03,645
Shuro, ang tagal nating di nagkita!
172
00:10:03,728 --> 00:10:07,565
Masaya talaga akong makita ka rito!
173
00:10:08,149 --> 00:10:09,275
Bakit parang nangayayat ka?
174
00:10:16,991 --> 00:10:18,660
Salamat, Shuro!
175
00:10:19,827 --> 00:10:22,080
Mabuti naman at ayos ang lagay mo.
176
00:10:22,163 --> 00:10:23,915
Grabe! Walang galang ang taong 'to!
177
00:10:23,998 --> 00:10:25,500
Sandali, ipapakilala ko kayo.
178
00:10:26,334 --> 00:10:27,460
Si Senshi 'to.
179
00:10:27,543 --> 00:10:30,922
Senshi, si Shuro 'to,
dati naming kasama sa grupo.
180
00:10:31,005 --> 00:10:32,882
Shuro? Sino 'yon?
181
00:10:32,965 --> 00:10:35,051
Baka si Senyorito Toshiro
ang tinutukoy nila.
182
00:10:35,802 --> 00:10:37,679
Toshuro?
183
00:10:40,139 --> 00:10:41,933
Maupo muna tayo.
184
00:10:42,642 --> 00:10:44,227
Kumakain lang kami.
185
00:10:45,019 --> 00:10:46,688
Gusto n'yo bang…
186
00:10:47,605 --> 00:10:50,775
Ha? Ang dami n'yo pala!
187
00:10:51,776 --> 00:10:53,194
Uy, Kabru.
188
00:10:53,277 --> 00:10:54,362
Siya ba…
189
00:10:56,948 --> 00:10:57,949
Masaya akong makilala ka.
190
00:10:59,659 --> 00:11:01,077
Ikaw si Laios, di ba?
191
00:11:03,162 --> 00:11:03,996
Oo.
192
00:11:04,080 --> 00:11:05,331
Masaya akong makilala ka.
193
00:11:09,085 --> 00:11:10,837
Gaano katagal na nga ulit?
194
00:11:12,422 --> 00:11:13,589
Uy, Kabru.
195
00:11:14,090 --> 00:11:15,425
Sila 'yon, di ba?
196
00:11:15,508 --> 00:11:17,218
Ang nagnakaw ng gamit natin.
197
00:11:17,760 --> 00:11:18,761
Ano'ng gagawin natin?
198
00:11:20,596 --> 00:11:21,722
Wala.
199
00:11:21,806 --> 00:11:24,851
Ano? E di ano pa ang pinunta natin dito?
200
00:11:29,480 --> 00:11:31,065
Gusto ko silang makilala.
201
00:11:31,566 --> 00:11:32,400
Ano?
202
00:11:32,483 --> 00:11:34,402
Duda akong makakatulong
ang pagtatanong sa kanila
203
00:11:34,485 --> 00:11:35,611
tungkol sa kayamanan.
204
00:11:36,237 --> 00:11:38,865
Mukha siyang walang kasalanan
no'ng nakita niya tayo.
205
00:11:39,740 --> 00:11:42,910
Wala siguro siyang maalala
o nagkakamali lang tayo.
206
00:11:42,994 --> 00:11:45,705
O baka isang patibong lang
ang kayamanan mismo.
207
00:11:45,788 --> 00:11:47,373
O baka silang lahat.
208
00:11:47,457 --> 00:11:49,292
Sinasabi mo bang naglakbay tayo
para sa wala?
209
00:11:49,375 --> 00:11:50,501
'Wag ka magmadali.
210
00:11:50,585 --> 00:11:52,170
Bigyan mo pa ako ng panahon.
211
00:11:52,753 --> 00:11:55,423
Ayaw mo bang malaman
kung paano sila nakarating dito
212
00:11:55,506 --> 00:11:58,843
at ano'ng plano nilang gawin sa hinaharap?
213
00:11:59,510 --> 00:12:03,598
Bale, matagal ka na ba sa palapag na 'to?
214
00:12:03,681 --> 00:12:04,557
Oo.
215
00:12:04,640 --> 00:12:06,559
Paikot-ikot lang kami,
216
00:12:06,642 --> 00:12:08,811
at pag nakalabas na kami,
bumabalik lang kami sa pasukan.
217
00:12:09,312 --> 00:12:11,564
Ilang beses din kaming naligaw.
218
00:12:11,647 --> 00:12:14,817
Pero nakita ni Chilchuck
ang pagkakasunod-sunod ng galaw nito,
219
00:12:14,901 --> 00:12:17,153
kaya kami napadpad dito.
220
00:12:17,236 --> 00:12:18,070
Gano'n pala.
221
00:12:18,738 --> 00:12:21,073
Nga pala, Shuro, ikaw, a…
222
00:12:23,659 --> 00:12:25,495
Malandi ka!
223
00:12:25,578 --> 00:12:27,205
Sila ba ang mga kakilalang sinabi mo?
224
00:12:27,288 --> 00:12:28,331
Masuwerte ka!
225
00:12:29,957 --> 00:12:31,292
Inuupahan ko lang sila.
226
00:12:32,251 --> 00:12:33,669
Pero magagaling sila.
227
00:12:35,129 --> 00:12:36,923
Patawad sa pag-alis ko sa grupo.
228
00:12:37,632 --> 00:12:40,968
Pero no'ng nalaman ko sa itaas
na nawawala si Falin,
229
00:12:41,552 --> 00:12:44,722
naisip kong ito
ang pinakamagandang pagkakataon
230
00:12:44,805 --> 00:12:47,058
na bumalik sa piitan at hanapin siya.
231
00:12:48,309 --> 00:12:49,352
Patawarin n'yo 'ko.
232
00:12:49,435 --> 00:12:51,354
Ayos lang. Wala naman ibang paraan.
233
00:12:51,938 --> 00:12:55,566
Pero nagulat akong bumalik ka agad
sa piitan pagkatapos no'n.
234
00:12:55,650 --> 00:12:57,235
Di kaya nagpapadalos-dalos ka?
235
00:12:57,318 --> 00:13:00,488
Ano naman ang gagawin mo
kung may masasaktan ulit?
236
00:13:02,823 --> 00:13:04,116
Para sa kaalaman n'yo,
237
00:13:05,076 --> 00:13:08,371
natalo naming apat ang Pulang Dragon!
238
00:13:08,454 --> 00:13:09,372
Ano?
239
00:13:09,956 --> 00:13:11,082
Ang Pulang Dragon?
240
00:13:12,333 --> 00:13:13,876
At paano si Falin?
241
00:13:17,505 --> 00:13:18,381
Shuro!
242
00:13:18,464 --> 00:13:19,298
Senyorito!
243
00:13:20,007 --> 00:13:22,927
Pakiusap, kumain at magpahinga ka na!
244
00:13:23,511 --> 00:13:25,555
Sa puntong 'to, manghihina ang katawan mo!
245
00:13:25,638 --> 00:13:27,765
Pinipilit mo nang husto ang sarili mo?
246
00:13:27,848 --> 00:13:30,518
Nangangayayat na siya.
Dapat napansin mo na 'yon.
247
00:13:31,227 --> 00:13:34,146
Alam mo, dapat kumain at magpahinga ka.
248
00:13:34,772 --> 00:13:37,817
Wala akong panahon para diyan.
249
00:13:37,900 --> 00:13:41,696
Shuro, di tayo kumakain pag may oras lang.
250
00:13:41,779 --> 00:13:44,073
Magagawa lang ng mga nilalang
ang gusto nila
251
00:13:44,991 --> 00:13:47,868
pagkatapos nilang matulog at kumain.
252
00:13:49,996 --> 00:13:51,038
Kumain ka.
253
00:13:51,747 --> 00:13:54,083
Habang kumakain ka,
ikukuwento ko sa 'yo ang nangyari.
254
00:13:55,835 --> 00:13:56,877
Sige.
255
00:13:57,670 --> 00:14:00,923
Puwede ka bang magluto, Maizuru?
256
00:14:03,884 --> 00:14:06,596
Pagkain! Magluluto ng pagkain!
257
00:14:07,179 --> 00:14:08,973
Tade, mag-igib ka ng tubig!
258
00:14:09,056 --> 00:14:10,099
Opo!
259
00:14:10,182 --> 00:14:13,811
Hien, Benichidori, magsaing kayo.
260
00:14:14,312 --> 00:14:15,897
Asebi, ikaw…
261
00:14:18,149 --> 00:14:20,318
bantayan mo ang Senyorito.
262
00:14:20,401 --> 00:14:22,737
Ayokong may mahalong kakaiba sa pagkain.
263
00:14:22,820 --> 00:14:25,740
Kung gayon, magpapaningas na ako ng apoy.
264
00:14:25,823 --> 00:14:27,491
Ang bait mo naman.
265
00:14:27,575 --> 00:14:29,076
Ikaw na'ng bahala riyan, duwende.
266
00:14:31,037 --> 00:14:32,496
Pagkain!
267
00:14:32,580 --> 00:14:34,498
Masyadong malaki ang grupong 'to.
268
00:14:34,582 --> 00:14:37,376
Di ligtas na magtipon-tipon
ang maraming tao sa isang lugar.
269
00:14:38,461 --> 00:14:39,921
Maghiwa-hiwalay tayo sa tatlo.
270
00:14:41,672 --> 00:14:42,757
Kung gano'n,
271
00:14:42,840 --> 00:14:44,884
Rin, duwende,
272
00:14:45,676 --> 00:14:46,594
babaeng palaka!
273
00:14:46,677 --> 00:14:47,511
Ano?
274
00:14:47,595 --> 00:14:50,848
Maglagay ng harang
ang sinumang may mahika.
275
00:14:51,349 --> 00:14:54,477
Siguraduhin n'yong walang aabala
sa Senyorito habang kumakain siya.
276
00:14:55,978 --> 00:14:58,397
Magtulungan tayo, binibini.
277
00:14:58,481 --> 00:15:00,232
Sige.
278
00:15:00,983 --> 00:15:01,984
Kung gano'n,
279
00:15:02,068 --> 00:15:04,111
Shuro, lumipat na rin tayo.
280
00:15:04,695 --> 00:15:06,530
Kukuwento ko sa 'yo ang mga nangyari.
281
00:15:07,114 --> 00:15:07,990
Tutulungan na kita.
282
00:15:08,074 --> 00:15:08,908
Salamat.
283
00:15:09,867 --> 00:15:11,035
Ang daming gagawin!
284
00:15:11,118 --> 00:15:15,289
Sa sitwasyong 'to,
sino'ng mas mapanganib na iwanang mag-isa?
285
00:15:15,373 --> 00:15:18,668
Halimaw! Malinamnam! Kain!
286
00:15:19,251 --> 00:15:22,004
Halimaw! Luto! Kain!
287
00:15:22,088 --> 00:15:23,130
Kainin mo 'to!
288
00:15:23,631 --> 00:15:24,674
Mamatay ka na.
289
00:15:24,757 --> 00:15:27,426
Senshi, sasama ako sa 'yo!
290
00:15:40,272 --> 00:15:43,442
Uy, di kaya napasobra ang apoy mo?
291
00:15:43,526 --> 00:15:44,568
Ang usok…
292
00:15:45,945 --> 00:15:48,531
Pagkatapos kumain,
kailangan niyang maligo.
293
00:15:48,614 --> 00:15:49,573
Dito?
294
00:15:50,157 --> 00:15:52,118
Sige, Shuro, maupo ka rito.
295
00:15:52,201 --> 00:15:54,537
Hayaan mo na 'ko,
ikuwento mo na lang sa 'kin ang nangyari.
296
00:15:55,705 --> 00:15:57,456
Pagkatapos n'yong umalis ni Namari, kami…
297
00:15:57,540 --> 00:15:59,667
Paiksiin mo na lang ang kuwento.
298
00:16:00,668 --> 00:16:04,839
Nalupig namin ang Pulang Dragon,
nabawi si Falin, at binuhay namin siya.
299
00:16:04,922 --> 00:16:07,466
Pero no'ng pabalik na kami,
nilusob kami n'ong baliw na salamangkero,
300
00:16:07,550 --> 00:16:08,759
at nawala si Falin sa 'min.
301
00:16:09,677 --> 00:16:12,096
Kung kami-kami lang,
wala na kaming magagawa,
302
00:16:12,680 --> 00:16:15,975
kaya nagpasiya na lang kaming bumalik
sa itaas para humingi ng tulong.
303
00:16:16,058 --> 00:16:17,184
Pero naligaw kami at…
304
00:16:18,436 --> 00:16:21,313
Pero masaya akong
nagkasalubong tayo, Shuro!
305
00:16:21,397 --> 00:16:23,232
Tutulungan mo ba kami?
306
00:16:26,569 --> 00:16:28,320
E, puwede bang magtanong?
307
00:16:28,821 --> 00:16:33,200
Ang baliw na salamangkero
ang lumikha nitong piitan, di ba?
308
00:16:34,201 --> 00:16:36,454
May mga usap-usapan
at bulong-bulungan tungkol sa kaniya,
309
00:16:36,537 --> 00:16:39,123
pero walang nakakabalik
sa mga nakakakita sa kaniya.
310
00:16:39,206 --> 00:16:41,292
Paano mo natiyak na siya 'yon?
311
00:16:41,792 --> 00:16:42,877
Ha?
312
00:16:42,960 --> 00:16:45,629
Sa boses and galaw niya, parang siya 'yon.
313
00:16:45,713 --> 00:16:48,883
At paano kayo nakatakas?
314
00:16:48,966 --> 00:16:50,342
Salamat kay Marcille…
315
00:16:51,552 --> 00:16:53,888
Prinotektahan kami
ng salamangkero namin sa grupo.
316
00:16:53,971 --> 00:16:55,139
Paano?
317
00:16:55,222 --> 00:16:56,849
E…
318
00:16:57,892 --> 00:17:00,478
Di ako dalubhasa sa mahika,
kaya di ako sigurado.
319
00:17:01,729 --> 00:17:02,605
Gano'n pala.
320
00:17:04,857 --> 00:17:06,609
May tanong din ako.
321
00:17:14,283 --> 00:17:16,202
Bakit kayo kumakain ng ladrilyo?
322
00:17:16,702 --> 00:17:17,703
Ha?
323
00:17:17,787 --> 00:17:19,413
Hindi naman 'yon gano'n.
324
00:17:19,497 --> 00:17:20,706
Di ladrilyo 'yon.
325
00:17:20,790 --> 00:17:23,375
Bahagi 'yon ng pader
na gawa sa Tagalinis ng Piitan.
326
00:17:23,959 --> 00:17:27,379
Iniwan namin ang lahat
ng pagkain at pera namin, di ba?
327
00:17:27,463 --> 00:17:29,632
Kaya para mas mabilis
ang pagbaba sa piitan,
328
00:17:29,715 --> 00:17:32,218
kumakain kami ng mga halimaw sa daan.
329
00:17:39,642 --> 00:17:40,518
Naka…
330
00:17:42,228 --> 00:17:44,647
nakakatawa talaga 'yon!
331
00:17:44,730 --> 00:17:45,564
Ha?
332
00:17:45,648 --> 00:17:47,775
Ano ang pinakamasarap sa mga kinain n'yo?
333
00:17:47,858 --> 00:17:49,026
Gusto mong malaman?
334
00:17:49,110 --> 00:17:50,277
Mukhang mahirap 'yon, a.
335
00:17:50,361 --> 00:17:52,196
Kelpie, Buhay na Baluti…
336
00:17:52,279 --> 00:17:54,031
Hindi, ang Pulang Dragon yata!
337
00:17:54,115 --> 00:17:55,866
Kinain n'yo ang Pulang Dragon
338
00:17:55,950 --> 00:17:57,910
-na kumain sa kapatid mo?
-Oo.
339
00:17:57,993 --> 00:18:01,163
Pero ang Buhay na Baluti,
may bahagi ba 'to na puwedeng kainin?
340
00:18:01,247 --> 00:18:02,790
Magandang tanong 'yan!
341
00:18:02,873 --> 00:18:05,876
Sa totoo lang, langkay-langkay lang 'to
ng mga pakang nakasuot ng talukab at…
342
00:18:05,960 --> 00:18:07,294
Heto, tingnan n'yo ang espadang 'to.
343
00:18:08,212 --> 00:18:10,047
Kinakain ng mga Tagalinis si Kensuke!
344
00:18:10,131 --> 00:18:12,049
Kailangan mo talagang mag-ingat!
345
00:18:12,133 --> 00:18:14,677
Nga pala, kung gusto n'yo
ng pagkaing halimaw,
346
00:18:14,760 --> 00:18:16,512
masaya akong ipatikim sa inyo 'yon,
anumang oras.
347
00:18:16,595 --> 00:18:18,722
Grabe, gusto ko 'yon!
348
00:18:18,806 --> 00:18:21,934
Buwisit. Mapapasubo talaga ako
sa taong 'to.
349
00:18:24,645 --> 00:18:26,564
Bale, pagkatapos mabu…
350
00:18:27,231 --> 00:18:28,440
Pagkatapos mabuhay ni Falin,
351
00:18:28,524 --> 00:18:30,401
ligtas ba siya
no'ng huli n'yo siyang kasama?
352
00:18:31,360 --> 00:18:32,194
Oo.
353
00:18:32,278 --> 00:18:33,904
Alam n'yo ba kung nasaan siya ngayon?
354
00:18:34,530 --> 00:18:37,032
Maraming puwedeng pagtaguan
sa palapag na 'to,
355
00:18:37,116 --> 00:18:39,201
pero nasa kampo ng mga orc
ang karamihan nito.
356
00:18:39,285 --> 00:18:41,912
'Wag kang mag-alala tungkol sa kanila.
357
00:18:41,996 --> 00:18:42,872
Ano?
358
00:18:44,915 --> 00:18:45,833
Ano'ng lasa nila?
359
00:18:45,916 --> 00:18:47,042
Hindi!
360
00:18:47,126 --> 00:18:50,129
Mahabang kuwento, pero nakikipagtulungan
na kami sa kanila ngayon.
361
00:18:51,172 --> 00:18:53,382
Nakikipagtulungan sa kanila?
362
00:18:53,465 --> 00:18:56,594
Nakalimutan niya na ba na tungkulin namin
bilang manlalakbay na patayin sila?
363
00:18:57,178 --> 00:18:59,096
Gayunpaman,
tungkol sa kinaroroonan ni Falin,
364
00:18:59,180 --> 00:19:02,099
baka nasa mas mababang palapag siya.
365
00:19:02,683 --> 00:19:05,060
Baka ro'n siya dinala.
366
00:19:05,686 --> 00:19:07,605
Dinala? Bakit?
367
00:19:07,688 --> 00:19:09,273
E…
368
00:19:10,441 --> 00:19:12,568
Ligtas ba 'tong sabihin kay Shuro?
369
00:19:13,569 --> 00:19:15,988
Ayos lang ba kung kakausapin ko siya
nang mag-isa?
370
00:19:16,071 --> 00:19:18,115
Oo naman, lalabas muna ako.
371
00:19:26,290 --> 00:19:27,124
O, ano?
372
00:19:33,172 --> 00:19:37,009
Di naman masama ang mga rasyong pellet,
pero araw-araw 'yon ang kakainin mo?
373
00:19:37,092 --> 00:19:40,721
Minsan, kailangan mo
ng pampainit sa tiyan.
374
00:19:40,804 --> 00:19:41,889
Tama ka.
375
00:19:41,972 --> 00:19:46,060
Di lang dapat nakakabusog ang pagkain.
376
00:19:46,143 --> 00:19:48,103
May kuwenta ka palang kausap, duwende.
377
00:19:48,604 --> 00:19:51,398
Mula pagkabata, sakitin na ang Senyorito.
378
00:19:51,482 --> 00:19:55,527
Nag-aalala ang lahat
dahil wala siya masyadong ganang kumain.
379
00:19:55,611 --> 00:20:00,824
Pero magana niyang kinakain
ang mga niluluto ko para sa kaniya.
380
00:20:00,908 --> 00:20:04,119
Kahit sa kaniyang mga misyon,
ipinapadala ako para magluto.
381
00:20:04,620 --> 00:20:08,332
Napakabait niyang bata
kaya nag-aalala ako.
382
00:20:09,083 --> 00:20:13,045
Ito ang unang beses na humiling siya
para sa sarili niya.
383
00:20:13,545 --> 00:20:14,672
Pakiusap, Maizuru.
384
00:20:15,673 --> 00:20:17,132
May kailangan akong iligtas.
385
00:20:17,925 --> 00:20:19,260
Kailangan ko ang tulong mo.
386
00:20:22,012 --> 00:20:23,597
Di ko akalaing mahihibang siya
387
00:20:23,681 --> 00:20:26,517
sa isang babaeng taga-Hilaga
sa kaniyang paglalakbay sa pagsasanay.
388
00:20:26,600 --> 00:20:28,811
Paano ko siya kukumbinsihin
na kalimutan na 'yon?
389
00:20:29,687 --> 00:20:31,313
Gusto mong kalimutan niya 'yon?
390
00:20:31,397 --> 00:20:35,109
Inatasan ako ng panginoon
na alagaan ang Senyorito.
391
00:20:35,693 --> 00:20:37,820
Di puwedeng diktahan
ng damdamin ko ang mga kilos ko.
392
00:20:38,445 --> 00:20:41,323
E, bakit ginagawa mo pa rin 'to?
393
00:20:41,407 --> 00:20:46,203
Kung may nakatinggal kayong pagkain,
di mo na kailangang magluto.
394
00:20:47,663 --> 00:20:51,583
Alam ko kung bakit sa luto mo lang siya
ginagahang kumain.
395
00:20:51,667 --> 00:20:54,920
Alam ko ang inilalagay mo rito.
396
00:20:55,004 --> 00:20:55,838
Ano?
397
00:20:57,089 --> 00:20:58,799
Pagmamahal.
398
00:21:01,427 --> 00:21:02,845
Ano ba'ng pinagsasasabi mo riyan?
399
00:21:02,928 --> 00:21:04,680
Nagpapakitang-gilas ka ba?
400
00:21:06,849 --> 00:21:10,019
Pero tama ka,
siguro huli na ngayon ang lahat.
401
00:21:10,519 --> 00:21:12,604
Depende sa kalalabasan,
402
00:21:12,688 --> 00:21:15,107
siguro makakapagsalita ako para sa kaniya.
403
00:21:15,816 --> 00:21:16,734
TSUGUYOSHI NAKAMOTO
404
00:21:16,817 --> 00:21:17,985
TOSHITSUGU NAKAMOTO
405
00:21:18,068 --> 00:21:19,695
NGAYON, TOSHIRO NAKAMOTO
406
00:21:19,778 --> 00:21:20,904
FALIRO NAKAMOTO
407
00:21:20,988 --> 00:21:22,865
Gumagamit 'to
ng iba't ibang materyales pansining!
408
00:21:22,948 --> 00:21:25,743
Di siguro ito 'yon.
409
00:21:26,869 --> 00:21:28,620
Ayos. Puwede na 'to.
410
00:21:28,704 --> 00:21:30,039
Luto na.
411
00:21:30,122 --> 00:21:32,624
PAGKAING SILANGAN
412
00:21:32,708 --> 00:21:36,628
Sige na, maghain na tayo habang mainit pa!
413
00:21:38,964 --> 00:21:41,508
Ano'ng ginagawa n'yong dalawa rito?
414
00:21:41,592 --> 00:21:43,469
Gusto nilang mag-usap na sila lang.
415
00:21:44,511 --> 00:21:46,847
Senyorito, papasok na ako.
416
00:21:48,140 --> 00:21:49,058
Senyorito!
417
00:21:50,684 --> 00:21:51,810
Ano'ng nangyari?
418
00:21:53,479 --> 00:21:54,855
May ginawa ba sa 'yo ang taong 'to?
419
00:21:56,982 --> 00:21:58,734
Ano? Ano'ng nangyari?
420
00:21:58,817 --> 00:22:01,070
Pasensiya na. Wala kaming alam.
421
00:22:02,488 --> 00:22:04,031
Itim na mahika.
422
00:22:04,114 --> 00:22:06,075
Gumamit ng itim na mahika ang taong 'to
423
00:22:06,158 --> 00:22:08,911
para buhayin ang isang babae
gamit ang laman ng halimaw.
424
00:22:08,994 --> 00:22:10,162
Itim…
425
00:22:12,414 --> 00:22:14,041
Bakit mo ginawa 'yon?
426
00:22:14,625 --> 00:22:16,418
Naisip mo ba kung ano ang ginawa mo?
427
00:22:16,502 --> 00:22:18,962
Ang sinumang gumagamit ng itim na mahika,
428
00:22:19,046 --> 00:22:23,008
ano man ang dahilan o lawak ng mahika,
ay isang kriminal!
429
00:22:23,092 --> 00:22:25,719
Kinukulong sila sa madilim na lugar
hanggang sa mamatay,
430
00:22:25,803 --> 00:22:27,471
at di na naibabalik
pati ang mga bangkay nila.
431
00:22:27,971 --> 00:22:29,807
Di natin alam
kung ano'ng mangyayari sa kaniya
432
00:22:29,890 --> 00:22:31,767
kapag nalaman 'to
ng mga engkantadong tagakanluran.
433
00:22:32,559 --> 00:22:35,020
'Yon ay, kung lalabas ang kuwentong 'yon
sa piitang 'to.
434
00:22:35,896 --> 00:22:38,524
At alam kong
wala kang pagsasabihan tungkol dito.
435
00:22:40,275 --> 00:22:41,151
Tama?
436
00:22:46,240 --> 00:22:47,741
'Yon lang ang tanging paraan.
437
00:22:48,742 --> 00:22:49,785
Sana maintindihan mo, Shuro.
438
00:22:52,704 --> 00:22:54,039
Itim na mahika?
439
00:22:54,623 --> 00:22:57,126
Mas malala pa pala 'to sa inaasahan ko.
440
00:22:57,209 --> 00:22:58,502
Ano na ang mangyayari ngayon?
441
00:23:21,900 --> 00:23:24,027
Panginoong Delgal…
442
00:23:25,737 --> 00:23:28,073
Kailangan ko siyang mahanap.
443
00:24:57,913 --> 00:25:00,999
Tagapagsalin ng subtitle:
Andrew Jan Novera