1 00:01:23,458 --> 00:01:27,879 DELICIOUS IN DUNGEON 2 00:01:32,676 --> 00:01:34,719 Sa ikatlong palapag ng piitan, 3 00:01:34,803 --> 00:01:36,513 sa pamamagitan ng sementeryo sa ilalim ng lupa 4 00:01:36,596 --> 00:01:38,098 at lampas sa gubat ng matulis na bubong, 5 00:01:38,181 --> 00:01:40,767 narating mo ang Ginintuang Kastilyo. 6 00:01:41,977 --> 00:01:44,354 Ang dating marangyang kastilyo, 7 00:01:44,437 --> 00:01:45,939 nababalot na ngayon ng lumot at alikabok 8 00:01:46,022 --> 00:01:47,566 at isang anino na lang ng kaniyang nakaraan. 9 00:01:48,859 --> 00:01:50,902 Ang mga yabag na galing sa di malamang dako, 10 00:01:50,986 --> 00:01:53,029 mula kaya sa isang manlalakbay? 11 00:01:53,113 --> 00:01:55,448 O mula sa dating naninirahan dito na pumanaw na 12 00:01:55,532 --> 00:01:57,200 pero gumagala-gala pa rin? 13 00:01:59,077 --> 00:02:00,287 Isang kalansay 'yan. 14 00:02:03,373 --> 00:02:04,416 Mga tao sila. 15 00:02:07,502 --> 00:02:08,920 Masamang espiritu 'yon. 16 00:02:09,004 --> 00:02:11,173 Paano mo malaman? Tinatakot mo naman ako! 17 00:02:11,256 --> 00:02:14,926 Magkakaiba ang mga yabag ng mga buhay, kalansay at ang mga nabubulok. 18 00:02:19,931 --> 00:02:21,224 Kakaliwa tayo. 19 00:02:21,308 --> 00:02:23,476 Mukhang maingat ang Golem sa kung ano'ng mayro'n sa kanan. 20 00:02:24,394 --> 00:02:27,647 Isang hugis-tao na nakamamanghang nilalang ang Golem 21 00:02:27,731 --> 00:02:29,733 na gawa sa putik, lupa, at bato. 22 00:02:29,816 --> 00:02:32,861 Ginagamit ito na isang puppet na tapat na sumusunod 23 00:02:32,944 --> 00:02:34,321 sa utos ng kaniyang amo. 24 00:02:34,404 --> 00:02:35,405 Tigil. 25 00:02:36,573 --> 00:02:39,743 Para lang alam mo, halos gawa sa putik ang mga Golem! 26 00:02:39,826 --> 00:02:41,119 Hindi sila nakakain! 27 00:02:41,203 --> 00:02:43,204 Totoong nilalang sila na binuo gamit ang mahika! 28 00:02:43,288 --> 00:02:45,081 Marunong nga akong gumawa n'on! 29 00:02:45,665 --> 00:02:46,958 -Turuan mo 'ko! -Hindi! 30 00:02:47,042 --> 00:02:49,836 Saan mo sila gagamitin pagkatapos mong malaman paano gumawa n'on? 31 00:02:49,920 --> 00:02:53,590 Interesado ako sa katawan nila. 32 00:02:53,673 --> 00:02:54,925 Sumunod kayo sa 'kin. 33 00:02:57,886 --> 00:03:01,598 Madalas kong gawing himpilan ang kampong 'to. 34 00:03:03,808 --> 00:03:05,518 Dito ka nakatira? 35 00:03:05,602 --> 00:03:07,812 Bihira akong matulog dito. 36 00:03:07,896 --> 00:03:11,399 Kadalasan akong nangangaso sa ikalawa o ikaapat na palapag, 37 00:03:11,483 --> 00:03:14,277 at minsan sa isang buwan, namimili ako ng mga pampalasa 38 00:03:14,361 --> 00:03:15,987 at iba ko pang mga kailangan sa bayan. 39 00:03:16,071 --> 00:03:19,532 Doon ko kayo nakilala nang pabalik na ako mula sa pamimili. 40 00:03:20,575 --> 00:03:23,536 Kakaunti lang ang mga halimaw na puwede mong kainin sa ikatlong palapag. 41 00:03:23,620 --> 00:03:27,624 Mga bulok o buto na lang ang karamihan na nandoon. 42 00:03:27,707 --> 00:03:29,000 Pero… 43 00:03:29,084 --> 00:03:30,752 Mga Golem! 44 00:03:30,835 --> 00:03:33,713 Kakaiba ang mga nilalang na 'to! 45 00:03:33,797 --> 00:03:36,758 Puno ng nutrisiyon ang mga katawan nila, 46 00:03:37,342 --> 00:03:40,345 at laging napapanatiling tama ang temperatura at halumigmig nito. 47 00:03:42,264 --> 00:03:43,473 Sa madaling salita, 48 00:03:44,057 --> 00:03:46,142 ginagamit mo ba na hardin ang mga Golem? 49 00:03:46,226 --> 00:03:47,811 Mapapaiyak ang tao sa kastilyong 'to! 50 00:03:47,894 --> 00:03:49,729 Gayon din ang mga pantas ng mahika! 51 00:03:49,813 --> 00:03:51,231 Bakit? 52 00:03:51,314 --> 00:03:55,318 Ayaw ko sa mahika, pero nararapat na purihin ang mga nilalang na 'yon. 53 00:03:55,402 --> 00:03:57,988 Dapat ganiyan ang lahat ng mga hardin! 54 00:03:58,071 --> 00:04:00,991 Kung isipin mo, di sila tinatablan ng mga masamang insekto. 55 00:04:01,616 --> 00:04:04,035 At itinataboy nila ang mga magnanakaw ng gulay. 56 00:04:04,119 --> 00:04:05,996 Mukhang di naman gulay ang habol nila. 57 00:04:06,079 --> 00:04:09,499 At isa pa, kinokontrol nila ang antas ng kahalumigmigan. 58 00:04:09,582 --> 00:04:11,584 Pag tinaniman mo sila ng mga binhi at punla, 59 00:04:11,668 --> 00:04:14,254 Sila na ang bahala sa pagpapayabong nito. 60 00:04:14,337 --> 00:04:18,049 Pero kailangan mo pa rin silang alagaan nang mabuti. 61 00:04:18,133 --> 00:04:20,760 Kaya nandito ang himpilan ko. 62 00:04:36,860 --> 00:04:37,861 Hayan na sila! 63 00:04:38,403 --> 00:04:39,612 Ano na? 64 00:04:39,696 --> 00:04:41,197 -Kailangan mo ba ng tulong? -Hindi na! 65 00:05:00,550 --> 00:05:01,468 Ang galing. 66 00:05:01,551 --> 00:05:02,844 Sanay siya sa ganito. 67 00:05:03,386 --> 00:05:06,765 Paano niya alam kung saan ang kaloob-looban ng Golem? 68 00:05:07,474 --> 00:05:08,683 'Wag mong sabihin… 69 00:05:09,309 --> 00:05:10,268 Tapos na. 70 00:05:10,769 --> 00:05:13,897 Anihin n'yo ang mga gulay mula sa mga Golem. 71 00:05:13,980 --> 00:05:18,318 Akala ko nababalot lang sila sa berde, mga gulay ba talaga 'to? 72 00:05:18,401 --> 00:05:21,529 Sa pananaw ng isang Golem, di ba mga parasitiko ang mga 'to? 73 00:05:22,030 --> 00:05:26,993 Sa kabilang banda, mas pinapatibay ng mga ugat ang lupa, 74 00:05:27,077 --> 00:05:29,204 kaya puwede mong sabihing nagtutulungan sila. 75 00:05:29,788 --> 00:05:30,705 Sigurado ka ba? 76 00:05:30,789 --> 00:05:33,041 Pero pakitanggal ng mga damo. 77 00:05:40,590 --> 00:05:42,217 Ang sagana ng mga ani! 78 00:05:42,801 --> 00:05:45,678 Sa wakas, mukhang makakatikim na tayo ng normal na mga gulay! 79 00:05:45,762 --> 00:05:47,972 Dalhin n'yo rito ang mga damo. 80 00:05:48,056 --> 00:05:50,892 Pagpatong-patungin n'yo rito sa sulok at malalanta ang mga 'yan. 81 00:05:50,975 --> 00:05:51,976 Kapag malanta na sila, 82 00:05:52,060 --> 00:05:54,604 ibabalik ko sila sa katawan ng mga Golem, at natural silang mabubulok. 83 00:05:55,814 --> 00:06:00,110 At ito ang abono na ginawa ko sa labas. 84 00:06:00,193 --> 00:06:02,737 Ihahalo ko 'to sa mga Golem! 85 00:06:02,821 --> 00:06:03,863 Alam ko na! 86 00:06:03,947 --> 00:06:05,240 Alam ang ano? 87 00:06:05,323 --> 00:06:07,742 Alam mo kung saan ang kaloob-looban ng mga Golem 88 00:06:07,826 --> 00:06:09,619 dahil ikaw ang naglagay ng mga 'to! 89 00:06:09,702 --> 00:06:11,496 Pambihira. 90 00:06:11,579 --> 00:06:14,374 Bawal na pukawin ang isang nilalang nang walang paalam. 91 00:06:14,958 --> 00:06:19,379 Naghuhukay lang naman ako ng lupa at binabalik ang mga 'to. 92 00:06:19,462 --> 00:06:20,964 Bale, lumulusot ka pala sa batas! 93 00:06:21,464 --> 00:06:24,384 Ihalo nang mabuti ang lupa at gumawa ng nakataas na mga hanay. 94 00:06:24,467 --> 00:06:27,971 Nagkakaroon ng problema ang paulit-ulit na pagtatanim ng iisang uri ng halaman, 95 00:06:28,054 --> 00:06:30,390 kaya dapat magbudbod ng binhi sa ibang Golem. 96 00:06:32,976 --> 00:06:34,394 Napagod ako. 97 00:06:34,477 --> 00:06:36,521 Parang mas marami akong ginamit na lakas dito 98 00:06:36,604 --> 00:06:38,106 kaysa sa pakikipaglaban sa mga halimaw. 99 00:06:38,189 --> 00:06:41,734 Salamat sa tulong n'yo, mas mabilis 'tong natapos. 100 00:06:42,235 --> 00:06:44,571 Napapabanyo ako sa pag-inom ng tubig. 101 00:06:46,239 --> 00:06:49,909 Sa gayon, habang wala ang enkantada, 102 00:06:49,993 --> 00:06:53,163 iipunin ko ang nakakalat na lupa hangga't kaya ko. 103 00:07:00,128 --> 00:07:03,047 Taro, Jiro, Saburo. 104 00:07:03,631 --> 00:07:06,050 Mapapabilis ba ang paggising nila pag ibinaon ang mga 'yan? 105 00:07:06,134 --> 00:07:09,053 Hindi, matatagalan ito. 106 00:07:09,888 --> 00:07:11,973 Magigising sila kapag magkakaugat na ang mga binhi, 107 00:07:12,056 --> 00:07:14,476 at nananatiling buo ang lupa kahit na paikot-ikot sila. 108 00:07:17,770 --> 00:07:20,815 Maganda ang trato niya sa mga Golem. 109 00:07:21,399 --> 00:07:22,984 Napahanga ako. 110 00:07:23,067 --> 00:07:24,944 Ganito ka pala mamuhay. 111 00:07:25,570 --> 00:07:26,821 Mahirap ba? 112 00:07:28,072 --> 00:07:30,116 Ginagawa ko 'to dahil gusto ko 'to. 113 00:07:30,200 --> 00:07:31,868 Di talaga 'to mahirap. 114 00:07:35,663 --> 00:07:36,956 Tapos na tayo. 115 00:07:37,040 --> 00:07:40,376 Pakinabangan na natin ang bunga ng ating paghihirap! 116 00:07:43,796 --> 00:07:45,590 Ang ganda ng kulay. 117 00:07:45,673 --> 00:07:48,593 Humuhusay na talaga akong magtalop. 118 00:07:51,179 --> 00:07:53,389 Tama ba ang laki nito? 119 00:07:53,473 --> 00:07:54,724 Tamang-tama 'yan. 120 00:07:57,060 --> 00:07:59,145 Gumagawa ka ba ng apoy? Puwedeng ako na ang gumawa niyan. 121 00:07:59,229 --> 00:08:01,105 Magkikiskis ako ng bato, kaya ayos lang 'to. 122 00:08:01,814 --> 00:08:05,985 Ganiyan ka palaging gumawa ng apoy, pero mas madaling gumamit ng mahika. 123 00:08:06,569 --> 00:08:09,113 Kapupuri mo lang kung gaano napapadali ang buhay mo ng mga Golem. 124 00:08:09,197 --> 00:08:10,907 Pag pinapadali mo ang isang bagay, 125 00:08:10,990 --> 00:08:13,368 puwedeng mawala ang galing mo sa isang kakayahan. 126 00:08:13,451 --> 00:08:15,662 Magkaiba ang kaginhawahan at kadalian. 127 00:08:16,371 --> 00:08:20,124 Di nalalayo ang pamamaraan mo sa pamimili ng gulay sa tindahan. 128 00:08:26,965 --> 00:08:29,717 Ito na lang ang natirang Basilisk na bacon. 129 00:08:34,222 --> 00:08:35,473 Luto na. 130 00:08:35,557 --> 00:08:38,142 SARIWANG GULAY PANANGHALIAN MULA SA HARDING GOLEM 131 00:08:38,226 --> 00:08:40,144 -Kumain na tayo! -Kumain na tayo! 132 00:08:46,234 --> 00:08:48,403 Ang sarap! 133 00:08:48,486 --> 00:08:51,406 Di ko akalaing puwedeng tumubo sa ilalim ng lupa ang ganiyang kasarap na gulay. 134 00:08:51,489 --> 00:08:54,409 Napapaisip ako kung mayro'ng bagay sa loob ng Golem na nagpapasarap dito. 135 00:08:54,492 --> 00:08:55,493 Tumigil ka! 136 00:08:55,577 --> 00:08:58,329 Wala akong paki kung naglalakad o sumisigaw sila. Mga hardin sila! 137 00:08:58,413 --> 00:09:02,667 Siyanga pala, 99 porsiyentong lupa ang mga Golem, di ba? 138 00:09:02,750 --> 00:09:04,669 Ano 'yong isang porsiyento? 139 00:09:05,503 --> 00:09:06,671 Sekreto 'yon. 140 00:09:08,464 --> 00:09:10,967 Grabe, ang sarap n'on. 141 00:09:11,050 --> 00:09:12,802 Busog na busog ako. 142 00:09:12,885 --> 00:09:15,179 Inaantok ako pagkatapos kumain nang marami. 143 00:09:15,930 --> 00:09:17,640 Puwede kayong magpahinga. 144 00:09:17,724 --> 00:09:20,268 May aasikasuhin lang ako. 145 00:09:22,228 --> 00:09:23,354 Maglinis ka na! 146 00:09:23,438 --> 00:09:24,689 Pupunta lang ako sa palikuran. 147 00:09:25,523 --> 00:09:28,818 Maayos ang mga palikuran dito. 148 00:09:28,901 --> 00:09:31,946 Di sila basta-bastang mga butas na hinukay sa lupa. 149 00:09:32,572 --> 00:09:35,408 Sa mga abalang lugar sa piitan, 150 00:09:35,491 --> 00:09:37,952 may mga tukoy na lugar para sa mga gustong magbawas. 151 00:09:38,536 --> 00:09:40,663 Pinapanatili nila 'tong malinis, 152 00:09:40,747 --> 00:09:43,207 at minsan pinapalamutian pa nila 'to ng mga bulaklak. 153 00:09:43,291 --> 00:09:45,460 Mayroon sigurong mga masigasig na tao rito. 154 00:09:47,337 --> 00:09:48,212 Ha? 155 00:09:48,296 --> 00:09:49,964 Senshi! 156 00:09:51,049 --> 00:09:52,175 Ano 'yon? 157 00:09:52,258 --> 00:09:53,343 Ano'ng ginagawa mo? 158 00:09:53,926 --> 00:09:57,930 Iniipon ko ang mga dumi at ihi at dinadala ko sa palikuran. 159 00:09:58,014 --> 00:10:00,475 Nakakahangang kaya mong gawin 'yan pagkatapos kumain. 160 00:10:00,558 --> 00:10:03,519 Mahalagang pataba ito rito sa ilalim. 161 00:10:03,603 --> 00:10:05,605 Ibig mong sabihin ginamit din sila sa mga gulay… 162 00:10:06,606 --> 00:10:09,942 Marcille, 'yon din ang ginagawa nila sa itaas. 163 00:10:10,026 --> 00:10:12,195 Alam ko 'yan, pero nakakadiri pa rin. 164 00:10:12,862 --> 00:10:17,116 Bakit determinado kang manatili sa buhay mo rito sa piitan? 165 00:10:17,659 --> 00:10:20,620 Kung gusto mong mamuhay mag-isa, puwede mo namang gawin 'yon sa itaas. 166 00:10:20,703 --> 00:10:25,583 Di ba mas madaling magtanim sa isang hardin at mangaso sa labas? 167 00:10:26,417 --> 00:10:30,296 Kung gano'n, sino'ng mag-aasikaso ng mga palikuran sa piitan? 168 00:10:31,547 --> 00:10:34,926 Sino'ng mag-aalis ng mga zombie na nahulog sa loob ng mga palikuran? 169 00:10:35,009 --> 00:10:37,845 Sino'ng tutulong sa mga namatay na Golem? 170 00:10:38,471 --> 00:10:42,892 Noon, may mahigit sampung Golem, pero ngayon tatatlo na lang sila. 171 00:10:43,685 --> 00:10:45,478 Pag walang mga Golem, 172 00:10:45,561 --> 00:10:48,272 aakyat ang mga halimaw mula sa ilalim na mga palapag. 173 00:10:48,356 --> 00:10:50,983 At ang mga halimaw na pinaalis ng mga halimaw na 'yon 174 00:10:51,067 --> 00:10:52,694 ay papasok sa ibang lugar. 175 00:10:52,777 --> 00:10:54,987 At paaalisin din nila ang iba pang mga halimaw. 176 00:10:55,863 --> 00:10:59,659 At kapag nangyari 'yon, magbabago ang piitang 'to. 177 00:10:59,742 --> 00:11:02,036 Di na kayo makapapasyal o makakapangaso rito. 178 00:11:02,829 --> 00:11:05,498 Parang isang hardin ang piitan. 179 00:11:06,124 --> 00:11:09,419 Di mo sila puwedeng iwanan at umasang mapakikinabangan mo sila. 180 00:11:09,919 --> 00:11:10,753 Higit sa lahat, 181 00:11:11,337 --> 00:11:15,842 ang pagkain ng mga bagay na tumubo rito at ang pag-aalaga sa piitan… 182 00:11:15,925 --> 00:11:18,886 Sa ganitong pamumuhay, naramdaman ko na sa wakas 183 00:11:18,970 --> 00:11:22,014 na nakapasok talaga ako sa piitang 'to. 184 00:11:22,932 --> 00:11:24,475 At 'yon ang nagpapasaya sa 'kin. 185 00:11:28,229 --> 00:11:29,605 Kung gano'n, 186 00:11:29,689 --> 00:11:32,233 ayos lang bang iwanan mo ang lugar na 'to para sa amin? 187 00:11:32,942 --> 00:11:34,652 Kung magkakagulo man dito… 188 00:11:35,194 --> 00:11:36,362 'Wag kang mag-alala. 189 00:11:36,446 --> 00:11:41,325 Kahit na wala ako ng isa o dalawang buwan, ang mga Golem ang mamamahala rito. 190 00:11:41,409 --> 00:11:44,120 At isa pa, di ako makakatulog nang mahimbing sa gabi 191 00:11:44,203 --> 00:11:46,080 kung mamamatay kayo sa malnutrisyon. 192 00:11:46,164 --> 00:11:47,081 Sandali lang. 193 00:11:47,165 --> 00:11:48,791 Maghahanda ako nang mabilis. 194 00:11:54,464 --> 00:11:56,924 Napakagaling ni Senshi. 195 00:12:00,553 --> 00:12:02,513 Ano'ng gagawin mo sa mga gulay na 'to? 196 00:12:03,514 --> 00:12:06,058 Kadalasan, ipinagpapalit ko ang mga 'to. 197 00:12:06,142 --> 00:12:09,061 Minsan naman, nagtatayo ako ng puwesto na walang tao at ibinebenta. 198 00:12:09,645 --> 00:12:10,897 Puwesto na walang tao? 199 00:12:10,980 --> 00:12:14,317 Iniipon ko dati ang pera sa isang kahon ng kayamanan, 200 00:12:14,901 --> 00:12:17,653 pero itinigil ko na 'to, dahil lagi itong nananakaw. 201 00:12:17,737 --> 00:12:19,447 Kaya pala ang kahon ng kayamanan na 'yon… 202 00:12:19,530 --> 00:12:21,157 ay palaging may lamang pera. 203 00:12:22,200 --> 00:12:25,077 Dito-dito ka lang din ba nakikipagpalitan? 204 00:12:25,161 --> 00:12:28,706 May mga mamimili ako sa isang palapag sa baba, 205 00:12:28,789 --> 00:12:31,375 pero kahit pumunta tayo ngayon, baka hindi nila tayo pansinin. 206 00:12:31,459 --> 00:12:34,045 Ayokong pabayaan ang hardin nang ganiyan, 207 00:12:34,128 --> 00:12:35,213 kaya inani ko ang mga pananim. 208 00:12:35,296 --> 00:12:37,715 Pero puwede n'yo silang itapon kung di n'yo sila kailangan. 209 00:12:37,798 --> 00:12:40,218 Di mo puwedeng gawin 'yon! Di ka dapat nagsasayang ng pagkain! 210 00:12:40,301 --> 00:12:44,847 Pinaghirapan mo ang pagpapatubo sa kanila, at napakakinis at napakasarap nila! 211 00:12:44,931 --> 00:12:46,307 Napapalapit na ang loob mo sa kanila. 212 00:12:47,308 --> 00:12:51,979 Kung gano'n, kailangan natin silang ipagpalit dito sa paligid. 213 00:12:53,439 --> 00:12:55,107 -Dito sa paligid? -Dito sa paligid? 214 00:12:56,567 --> 00:12:58,986 May mga mangangalakal kahit dito sa loob ng piitan. 215 00:13:03,366 --> 00:13:04,367 Pasok. 216 00:13:08,162 --> 00:13:11,165 Mga manlalakbay ang karamihan ng mga mamimili nila 217 00:13:11,249 --> 00:13:14,585 o mga tao, na sa maraming dahilan ay di makabalik sa ibabaw. 218 00:13:18,422 --> 00:13:20,341 Maligayang pagdating, mga mahal na bisita. 219 00:13:20,424 --> 00:13:22,927 Naghahanap ba kayo ng matutuluyan o makakainan? 220 00:13:23,010 --> 00:13:24,303 Gusto naming makipagpalitan. 221 00:13:24,387 --> 00:13:25,888 Kung sa gayon, 222 00:13:27,139 --> 00:13:28,975 ano'ng dala n'yo? 223 00:13:29,058 --> 00:13:30,351 Mga gulay. 224 00:13:32,812 --> 00:13:34,146 Umalis kayo, alis! 225 00:13:34,230 --> 00:13:35,606 Teka, makinig ka man lang muna… 226 00:13:35,690 --> 00:13:37,858 Kung gusto n'yong makipagpalitan, magdala kayo ng pilak! 227 00:13:37,942 --> 00:13:40,736 Naiintindihan n'yo ba? Pilak! 228 00:13:40,820 --> 00:13:42,613 'Yong bilog, makintab, at kumikinang! 229 00:13:43,281 --> 00:13:45,616 Di naman namin ipagpalit 'to sa mga mamahaling bato. 230 00:13:45,700 --> 00:13:47,118 May kusina kayo rito, di ba? 231 00:13:47,201 --> 00:13:48,369 Kailangan n'yo ng mga sahog… 232 00:13:48,452 --> 00:13:50,371 Mga bilog at makintab din ang mga 'to. 233 00:13:50,454 --> 00:13:53,249 Ipakita mo 'tong carrot sa tagaluto n'yo. 234 00:13:53,332 --> 00:13:54,750 Sigurado akong magugustuhan nila 'to. 235 00:13:54,834 --> 00:13:57,461 Sino'ng gugustuhing kumain ng nakakadiring pagkain? 236 00:13:58,796 --> 00:13:59,839 Ang sama mo! 237 00:14:00,590 --> 00:14:03,593 Makatatanggap ng banal ng parusa ang mga nagsasayang ng pagkain! 238 00:14:05,303 --> 00:14:07,221 Ilabas mo na sila ngayon! 239 00:14:07,305 --> 00:14:08,931 -Bilis na! -Makinig ka sa… 240 00:14:11,267 --> 00:14:12,101 Ha? 241 00:14:17,315 --> 00:14:18,357 Mga orc! 242 00:14:18,941 --> 00:14:21,319 Unahing patayin ang may mga sandata! 243 00:14:21,402 --> 00:14:23,362 Walang iiwanang buhay! 244 00:14:28,701 --> 00:14:30,369 Bakit nandito ang mga orc? 245 00:14:30,453 --> 00:14:32,747 Akala ko nasa mas mababang palapag sila. 246 00:14:32,830 --> 00:14:34,707 Gayumpaman, kailangan nating tumakas… 247 00:14:39,420 --> 00:14:40,755 -Marcille! -Sandali. 248 00:14:46,719 --> 00:14:50,306 Ano'ng ginagawa mo rito, Senshi? 249 00:14:52,099 --> 00:14:54,060 'Yon din ang gusto kong itanong. 250 00:14:56,646 --> 00:14:59,106 Mga kaibigan mo ba ang mga taong 'to? 251 00:14:59,190 --> 00:15:00,107 Oo. 252 00:15:00,691 --> 00:15:03,903 Nakikisama ka na ngayon sa mga tao at isang engkatada. 253 00:15:03,986 --> 00:15:06,197 Mga mamimili, ang ibig mo bang sabihin… 254 00:15:06,280 --> 00:15:07,949 Sila ang ibig kong sabihin. 255 00:15:09,700 --> 00:15:13,371 Naisip kong mga taong gaya nila ang tinutukoy niya pero mga orc talaga? 256 00:15:13,454 --> 00:15:15,081 Akala ko mga duwende man lang. 257 00:15:15,164 --> 00:15:17,375 Akala ko mga Kobold ang tinutukoy niya. 258 00:15:17,959 --> 00:15:19,627 Nagpakita ang Pulang Dragon. 259 00:15:20,878 --> 00:15:25,132 Bibihirang magpakita ang Pulang Dragon noon. 260 00:15:25,883 --> 00:15:30,179 Pero nitong nakaraan, palagi 'tong nagpapakita malapit sa tirahan namin. 261 00:15:30,930 --> 00:15:32,890 May mga di marunong lumaban sa amin. 262 00:15:33,432 --> 00:15:37,269 Pumunta kami sa palapag na 'to para magtago nang pansamantala. 263 00:15:37,770 --> 00:15:39,689 Ang Pulang Dragon, 'yon kaya? 264 00:15:39,772 --> 00:15:41,816 Saan n'yo nakita ang Dragon? 265 00:15:42,358 --> 00:15:46,278 Hinihiling mo bang ituro ko kung saan kami naninirahan? 266 00:15:46,362 --> 00:15:47,196 Hindi puwede. 267 00:15:47,780 --> 00:15:49,949 Pinuno, ubos na silang lahat sa loob. 268 00:15:50,032 --> 00:15:50,992 Mabuti. 269 00:15:51,075 --> 00:15:53,202 Dalhin ang lahat na puwedeng mapakinabangan. 270 00:15:53,786 --> 00:15:55,079 Ano ba 'to? 271 00:15:56,497 --> 00:15:57,707 Panis na gatas? 272 00:15:57,790 --> 00:15:59,250 Itapon mo 'yan. 273 00:15:59,333 --> 00:16:02,211 Mga pananim 'yan na pinatubo mo, di ba? 274 00:16:02,795 --> 00:16:05,589 Nakikita mo naman, matindi ang pangangailangan namin ngayon. 275 00:16:05,673 --> 00:16:07,591 Gusto kong ibahagi mo 'yan sa 'kin. 276 00:16:07,675 --> 00:16:09,677 Para ipagpalit? 277 00:16:09,760 --> 00:16:11,053 Kung gano'n, ito ay… 278 00:16:11,137 --> 00:16:11,971 Hindi. 279 00:16:12,054 --> 00:16:13,514 Gaya ng sinabi ko, 280 00:16:14,265 --> 00:16:16,559 di namin 'yan kaya ngayon. 281 00:16:17,768 --> 00:16:21,022 Masakit man hilingin 'to sa isang kaibigan, 282 00:16:21,105 --> 00:16:24,483 pero gusto kong ibigay mo sa 'min ang lahat ng dala n'yo riyan. 283 00:16:26,318 --> 00:16:27,653 Senshi. 284 00:16:28,654 --> 00:16:29,739 O, sige. 285 00:16:29,822 --> 00:16:31,282 Mabuti. 286 00:16:31,365 --> 00:16:34,493 Pero bilang kapalit, hihingi ako ng pabor sa 'yo. 287 00:16:34,577 --> 00:16:37,830 Hayaan mo kaming tumuloy sa inyo ngayong gabi. 288 00:16:37,913 --> 00:16:38,748 -Ha? -Ha? 289 00:16:39,331 --> 00:16:40,708 Kung papayag ka, 290 00:16:40,791 --> 00:16:43,794 bukal sa loob naming ibibigay ang mga buhay o gulay namin. 291 00:16:43,878 --> 00:16:44,712 Ha? 292 00:16:44,795 --> 00:16:46,172 At ikaw riyan! 293 00:16:46,255 --> 00:16:48,507 Di panis 'yan, dumaan ng permentasyon 'yan. 294 00:16:48,591 --> 00:16:50,342 Dalhin mo 'yan! 295 00:16:54,597 --> 00:16:56,348 Bakit mo sinabi 'yon? 296 00:16:56,432 --> 00:16:58,100 Kinuha nila ang mga sandata natin. 297 00:16:58,184 --> 00:17:00,561 Kung malalaman natin ang lokasyon ng kampo nila, 298 00:17:00,644 --> 00:17:02,521 di na tayo makakalabas nang buhay. 299 00:17:02,605 --> 00:17:05,441 May plano ka, di ba? 300 00:17:06,609 --> 00:17:11,030 Ang garapon kanina na pinadala ko sa isang orc, 301 00:17:11,113 --> 00:17:13,616 naglalaman 'yon ng pampaalsa. 302 00:17:13,699 --> 00:17:18,871 At may dalang arina ang mga orc na galing sa kusina. 303 00:17:18,954 --> 00:17:20,039 Sa madaling salita… 304 00:17:20,122 --> 00:17:21,040 Sa madaling salita? 305 00:17:22,124 --> 00:17:23,876 Puwede akong gumawa ng tinapay! 306 00:17:24,376 --> 00:17:26,587 -Hangal! -Kung gano'n, wala ka palang plano! 307 00:17:26,670 --> 00:17:29,131 -Hangal! -Gusto mo lang gumawa ng tinapay! 308 00:17:29,215 --> 00:17:30,341 Hangal! 309 00:17:30,424 --> 00:17:32,176 Kayo riyan! Tumahimik kayo! 310 00:17:35,262 --> 00:17:36,722 Isang engkantada 'yan! 311 00:17:36,806 --> 00:17:38,682 Ang lupit ng mukha. 312 00:17:39,266 --> 00:17:40,726 Dito kayo sa loob ng bakod. 313 00:17:41,644 --> 00:17:43,187 Bumalik na si Papa! 314 00:17:43,771 --> 00:17:47,441 'Wag sana nila tayong gawing pagkain ngayong araw. 315 00:17:47,525 --> 00:17:50,152 Saan mo inilagay ang lebadura? 316 00:17:50,820 --> 00:17:54,615 Kung di n'yo alam paano gamitin 'yon, mayroon kayong napakahalagang bagay! 317 00:17:54,698 --> 00:17:57,076 Ibigay n'yo sa 'kin 'yon. Gagawan ko kayo ng tinapay! 318 00:17:57,159 --> 00:17:59,954 Tinapay! 319 00:18:02,123 --> 00:18:06,293 Ihalo ang purong arina ng trigo, asin, asukal, lebadura, at tubig. 320 00:18:06,377 --> 00:18:09,713 At masahin ito hanggang sa mabuo. 321 00:18:10,714 --> 00:18:12,216 Naglalaro ba kayo ng putik? 322 00:18:12,299 --> 00:18:13,217 Ha? 323 00:18:14,635 --> 00:18:16,387 Gusto mo ba ng isang leksiyon sa kasaysayan? 324 00:18:17,847 --> 00:18:20,891 Isang kuwento ito tungkol sa panahon no'ng namumuhay pa tayo sa ibabaw ng lupa 325 00:18:20,975 --> 00:18:22,601 imbes sa ilalim. 326 00:18:23,269 --> 00:18:25,771 Pumatay nang maraming kauri natin 327 00:18:25,855 --> 00:18:29,775 ang engkantada at mga taong nandoon at kinakamkam ang mga lupain natin. 328 00:18:30,359 --> 00:18:33,571 Pumatay rin ng maraming lahi ang mga orc. 329 00:18:33,654 --> 00:18:34,488 Ano? 330 00:18:34,572 --> 00:18:36,490 Ngayon, dagdagan mo ng langis ng oliba. 331 00:18:38,367 --> 00:18:41,495 Napilitan tayong iwanan ang ibabaw at matapos magpagala-gala pansamantala, 332 00:18:41,579 --> 00:18:43,372 nahanap natin ang ating lugar sa ilalim ng lupa, 333 00:18:43,455 --> 00:18:46,000 at nagkaroon tayo ng panandaliang katahimikan. 334 00:18:46,083 --> 00:18:48,836 Hanggang sa muli nila tayong natagpuan. 335 00:18:48,919 --> 00:18:53,007 Hawakan ang dulo ng masa at masahin ito sa pamamagitan ng pagsuntok-suntok nito. 336 00:18:53,090 --> 00:18:56,969 Binuhusan nila ng gasolina ang ilalim ng lupa at sinunog. 337 00:18:57,052 --> 00:18:59,847 Dahil 'yon sa paulit-ulit na paglusob ng mga orc 338 00:18:59,930 --> 00:19:01,432 sa mga bayan ng iba't ibang lahi! 339 00:19:02,725 --> 00:19:04,727 'Yon lang ang paraan para makaligtas kami. 340 00:19:04,810 --> 00:19:06,478 'Yon na talaga ang pamamaraan n'yo ng pamumuhay 341 00:19:06,562 --> 00:19:08,230 kahit bago pa kayo lumipat sa ilalim ng lupa. 342 00:19:08,314 --> 00:19:09,773 Kaya pinaalis kayo! 343 00:19:09,857 --> 00:19:12,526 Tumigil ka na, Marcille. Tama na… 344 00:19:12,610 --> 00:19:14,320 Tumahimik ka, liit! 345 00:19:14,403 --> 00:19:16,739 Lakasan mo pa ang pagmasa, puwede? 346 00:19:16,822 --> 00:19:17,781 Pasensiya na. 347 00:19:17,865 --> 00:19:20,034 Akin na 'yan! Ako na'ng gagawa niyan! 348 00:19:20,117 --> 00:19:22,494 Pinaalis kami sa ibabaw ng lupa at tumakas sa ilalim. 349 00:19:22,578 --> 00:19:24,622 At no'ng nakarating na kami sa piitan, 350 00:19:24,705 --> 00:19:26,207 sinubukan n'yong agawin 'to sa 'min! 351 00:19:26,999 --> 00:19:30,461 Ang mga taga-nayon ang unang nakahanap nito! 352 00:19:30,544 --> 00:19:33,297 Pero kami ang naunang bumaba rito! 353 00:19:33,380 --> 00:19:36,091 Ang mga zombie na paikot-ikot ang mga nauna sa lahat! 354 00:19:36,175 --> 00:19:39,428 Kapag naunat na nang pino ang masa, oras na para sa unang pag-alsa. 355 00:19:42,890 --> 00:19:45,809 Kapag dumoble na ang laki ng masa, hatiin 'to nang pantay 356 00:19:45,893 --> 00:19:47,853 at ihugis 'to nang maayos. 357 00:19:48,729 --> 00:19:50,522 Kanina ka pa tahimik, tangkad. 358 00:19:51,106 --> 00:19:53,108 Pero ano ba'ng iniisip mo? 359 00:19:53,734 --> 00:19:57,446 Sabi nila na mapupunta ang kastilyong ito sa taong makakatalo 360 00:19:57,529 --> 00:20:00,491 sa baliw na salamangkero na gumawa ng lugar na 'to. 361 00:20:00,574 --> 00:20:03,702 Bakit gusto mong marating ang kalaliman ng piitan? 362 00:20:05,329 --> 00:20:08,582 Kung mapapasa iyo ang kaharian, ano'ng gagawin mo? 363 00:20:10,167 --> 00:20:14,964 Narinig ko na ang kuwentong 'yan, pero di sumagi sa isip ko 'yan. 364 00:20:15,047 --> 00:20:16,924 Kalokohan. 365 00:20:17,007 --> 00:20:19,593 Kagaya mo ang lahat ng manlalakbay. 366 00:20:20,094 --> 00:20:22,721 Naghahanap-buhay kayo at sinusubukan n'yo ang inyong kakayahan. 367 00:20:22,805 --> 00:20:24,974 Mga gahamang hangal kayong lahat. 368 00:20:25,057 --> 00:20:28,394 Nakakakilabot isipin kung ano'ng mangyayari pag isang katulad mo 369 00:20:28,477 --> 00:20:30,104 ang nakakakuha ng kastilyong ito. 370 00:20:31,105 --> 00:20:34,775 Kaya pinapatay namin ang lahat ng makita naming galing sa ibabaw. 371 00:20:34,858 --> 00:20:36,402 Napakababaw na dahilan! 372 00:20:36,485 --> 00:20:39,071 Kung gano'n, dapat makipaglaban din kayo sa trono. 373 00:20:39,154 --> 00:20:41,824 O pandarambong lang ba ang alam n'yong mga orc? 374 00:20:42,616 --> 00:20:44,326 Kahit papaano matapang ka. 375 00:20:44,868 --> 00:20:45,828 Gusto ko 'yan. 376 00:20:45,911 --> 00:20:48,497 Itatapon kita nang buhay sa apoy! 377 00:20:48,580 --> 00:20:50,916 Kita mo na? Nagiging marahas ka agad! 378 00:20:51,000 --> 00:20:52,668 Pangalawang pag-alsa. 379 00:20:56,505 --> 00:20:58,424 Pag sapat na ang pag-alsa, 380 00:20:58,507 --> 00:21:01,427 lutuin ito sa mahinang apoy, isa-isa sa bawat panig. 381 00:21:02,011 --> 00:21:03,679 Pasingawin nang kaunti, 382 00:21:04,388 --> 00:21:05,931 at buksan ang takip. 383 00:21:07,766 --> 00:21:09,518 At luto na ang tinapay! 384 00:21:10,019 --> 00:21:11,979 Napakabango! 385 00:21:12,062 --> 00:21:13,647 Tikman natin. 386 00:21:13,731 --> 00:21:17,026 Tumigil kayo! Sa amin ang tinapay na 'yan. 387 00:21:17,109 --> 00:21:18,944 Di namin ibibigay 'yan sa inyo. 388 00:21:19,028 --> 00:21:19,945 Ano? 389 00:21:20,029 --> 00:21:22,781 Hinayaan ko kayong gumawa ng tinapay dahil ginusto n'yo, 390 00:21:22,865 --> 00:21:25,743 pero nasa amin kung ano ang gagawin natin diyan. 391 00:21:27,786 --> 00:21:28,871 Papa. 392 00:21:29,538 --> 00:21:33,625 Sama-sama nilang ginawa 'yon, pero di sila puwedeng kumain? 393 00:21:37,671 --> 00:21:40,174 Dahil di maituturing na isang kumpletong pagkain ang isang tinapay. 394 00:21:40,799 --> 00:21:44,053 Kailangan mo pa ng pangunahing ulam, karne, at mga gulay 395 00:21:44,136 --> 00:21:46,138 para sa isang balanseng pagkain. 396 00:21:46,221 --> 00:21:48,640 Gusto lang ng papa mo na maghintay tayong lahat 397 00:21:48,724 --> 00:21:50,225 hanggang luto na ang iba pang ulam. 398 00:21:50,309 --> 00:21:51,643 Uy! Ano'ng pinagsasabi mo riyan? 399 00:21:51,727 --> 00:21:54,938 Tama. Nangako siyang bibigyan kami ng matutuluyan ngayong gabi 400 00:21:55,022 --> 00:21:56,815 kapalit ng mga gulay namin. 401 00:21:57,691 --> 00:22:00,611 At hindi tumatalikod sa pangako niya ang papa mo. 402 00:22:05,199 --> 00:22:08,243 Uy! Gumawa kayo ng iba't ibang pagkain! 403 00:22:14,958 --> 00:22:16,251 BAGONG PITAS NA ESTOPADONG REPOLYO 404 00:22:16,335 --> 00:22:18,170 Heto! Luto na! 405 00:22:19,463 --> 00:22:20,380 -Kain! -Sige. 406 00:22:20,464 --> 00:22:21,465 Salamat. 407 00:22:29,473 --> 00:22:30,933 Ang sarap! 408 00:22:31,016 --> 00:22:32,267 Sobrang anghang! 409 00:22:32,351 --> 00:22:34,853 Maanghang at masarap ito! 410 00:22:34,937 --> 00:22:37,773 Parehong sangkap ang ginamit dito sa estopadong repolyo ni Senshi, 411 00:22:37,856 --> 00:22:40,025 pero ibang-iba naman 'to. 412 00:22:40,984 --> 00:22:43,695 Sinabi kong pandarambong lang ang alam ng mga orc, 413 00:22:43,779 --> 00:22:45,239 pero mabubuti rin naman pala sila. 414 00:22:46,240 --> 00:22:47,199 Tumahimik ka. 415 00:22:48,242 --> 00:22:49,409 A… 416 00:22:49,493 --> 00:22:51,537 Tinanong mo ako kung bakit gusto kong marating 417 00:22:51,620 --> 00:22:53,288 ang kalaliman ng piitan. 418 00:22:53,997 --> 00:22:56,333 Alam mo kasi, kinain ng Pulang Dragon ang kapatid kong babae. 419 00:22:56,917 --> 00:22:58,710 Kaya hinahanap ko ang Dragon. 420 00:22:59,920 --> 00:23:03,924 Kung sasabihin mo sa 'min kung nasaan ito, tatalunin namin ang Pulang Dragon. 421 00:23:04,508 --> 00:23:07,302 Di namin idadamay ang tirahan n'yo. 422 00:23:12,474 --> 00:23:13,642 Pangako 'yan. 423 00:23:18,814 --> 00:23:20,858 Uy, magdala ka ng mapa rito. 424 00:23:20,941 --> 00:23:21,775 Sige. 425 00:23:22,901 --> 00:23:24,486 Dalawang palapag 'yon sa ilalim nito. 426 00:23:24,570 --> 00:23:27,364 No'ng huli kong nakita 'yon, nasa paligid ng kanlurang bahagi ng mga tirahan. 427 00:23:28,365 --> 00:23:29,324 Salamat. 428 00:23:34,997 --> 00:23:38,000 Mula ngayon, iisipin ko ang tungkol sa posibilidad 429 00:23:38,083 --> 00:23:40,169 na angkinin ang piitang 'to habang iniikot ko 'to. 430 00:23:41,253 --> 00:23:44,131 Ang hirap isipin na isang taong nahuli ng isang orc 431 00:23:44,214 --> 00:23:46,008 at gumagawa ng tinapay ang magiging hari. 432 00:23:47,259 --> 00:23:49,428 Pero nawa'y magtagumpay ka. 433 00:23:50,929 --> 00:23:52,055 Ang sarap talaga nito. 434 00:23:56,643 --> 00:23:59,980 Alam mo, tumubo ang repolyong 'yan sa likod ng isang Golem. 435 00:24:04,359 --> 00:24:07,696 Kahit na may iba-ibang pananaw ang tao, pare-pareho pa rin silang nagugutom. 436 00:24:10,616 --> 00:24:15,204 Kahit na pagkaing piitan lang 'to, pagkaing piitan pa rin 'to. 437 00:25:42,833 --> 00:25:45,919 Tagapagsalin ng subtitle: Andrew Novera