1 00:00:22,981 --> 00:00:24,858 DELICIOUS IN DUNGEON 2 00:01:31,967 --> 00:01:34,845 Nagpasiya ang grupo nina Laios na bumalik sa itaas. 3 00:01:34,928 --> 00:01:36,888 Ayokong mawala kayo sa 'kin! 4 00:01:37,597 --> 00:01:38,598 Kayong lahat… 5 00:01:39,182 --> 00:01:41,977 Napatunayan ang katibayan ng pagsasama nila. 6 00:01:42,060 --> 00:01:44,479 Kani-kanina lang… 7 00:01:46,731 --> 00:01:48,358 Gising ka na ba? 8 00:01:48,942 --> 00:01:50,610 Masama pa ba ang pakiramdam mo? 9 00:01:51,820 --> 00:01:53,613 Mukhang magaling ka na. 10 00:01:54,197 --> 00:01:56,575 Kulang ang dugo mo kaya binigyan kita ng dugo ng kambing. 11 00:01:56,658 --> 00:01:57,826 Pero di akma 'yon. 12 00:01:58,368 --> 00:02:00,704 Kailangan mo nang bumalik sa bayan. 13 00:02:01,204 --> 00:02:04,833 Kung nanatili kang patay sa tubig, naging pain ka na sana ngayon. 14 00:02:04,916 --> 00:02:07,836 Dapat mong pasalamatan ang sinumang nagligtas sa 'yo. 15 00:02:08,503 --> 00:02:09,880 Sa tingin mo si… 16 00:02:09,963 --> 00:02:11,131 Kuro! 17 00:02:14,467 --> 00:02:16,386 Kilala ko ang mga amoy na 'to. 18 00:02:16,469 --> 00:02:21,892 Isang engkantada, isang taong matangkad, isang taong maliit, at isang duwende. 19 00:02:21,975 --> 00:02:23,685 Sila rin 'yong kumuha ng kayamanan natin. 20 00:02:23,768 --> 00:02:25,478 Sila rin ang pinaghihinalaan ko! 21 00:02:29,024 --> 00:02:30,859 Kailangan mo akong bayaran sa pagbuhay muli sa 'yo. 22 00:02:31,985 --> 00:02:33,737 Ang kambing na lang ang bayaran mo. 23 00:02:35,447 --> 00:02:37,282 Tama, naaalala ko na. 24 00:02:37,991 --> 00:02:39,784 Inatake kami ng mga Taong-Isda at… 25 00:02:46,917 --> 00:02:48,376 Namatay pala kami ulit. 26 00:02:49,085 --> 00:02:51,004 Puwede na 'to. 27 00:02:51,880 --> 00:02:53,089 Mga manlalakbay ba sila? 28 00:02:56,593 --> 00:02:57,594 Ikaw ba… 29 00:02:58,637 --> 00:02:59,512 Ano? 30 00:03:00,764 --> 00:03:01,765 Wala. 31 00:03:02,641 --> 00:03:03,808 Tara na, Namari. 32 00:03:03,892 --> 00:03:05,018 Opo, susunod na. 33 00:03:08,438 --> 00:03:10,273 Pati duwende pinagnanasaan mo? 34 00:03:10,857 --> 00:03:12,484 Wala ka talagang pinipili. 35 00:03:13,151 --> 00:03:17,030 Di naman ako namimili ng kaibigan base sa kung gaano sila katangkad. 36 00:03:17,113 --> 00:03:17,948 Gano'n ba? 37 00:03:19,366 --> 00:03:20,700 Wala na ang mga panustos natin! 38 00:03:20,784 --> 00:03:22,953 Ninakaw na naman siguro nila! 39 00:03:23,036 --> 00:03:23,870 Pagkain. 40 00:03:23,954 --> 00:03:25,205 Mga walang-hiya sila! 41 00:03:25,830 --> 00:03:26,790 Na naman. 42 00:03:26,873 --> 00:03:29,918 Kinuha nila ang pagkain pero iniwan 'yong pera natin? 43 00:03:30,001 --> 00:03:32,254 Baka naubos na ang baon nila. 44 00:03:32,337 --> 00:03:33,713 Nakakainis. 45 00:03:33,797 --> 00:03:35,799 Kailangan natin silang pagsabihan. 46 00:03:35,882 --> 00:03:37,259 Ano'ng gagawin natin, Kabru? 47 00:03:39,261 --> 00:03:40,553 Wala na tayong magagawa. 48 00:03:40,637 --> 00:03:41,680 Bumalik na tayo sa bayan. 49 00:03:41,763 --> 00:03:43,390 Ano? Seryoso? 50 00:03:43,473 --> 00:03:45,100 Na hindi pa natin nahuhuli ang mga magnanakaw? 51 00:03:45,642 --> 00:03:48,937 Wala na tayong mga panustos, kaya di na tayo puwedeng magpatuloy. 52 00:03:49,020 --> 00:03:51,147 Aminin na nating hindi pa tayo mahusay. 53 00:03:52,065 --> 00:03:53,817 Gaya ng sabi nila, 54 00:03:53,900 --> 00:03:56,152 magpasalamat na lang tayo na buhay pa tayo. 55 00:03:59,114 --> 00:04:01,533 Kung 'yan ang pasiya mo, Kabru, sang-ayon ako. 56 00:04:01,616 --> 00:04:02,659 Ako rin. 57 00:04:02,742 --> 00:04:06,246 Kung mangangako kang hahabulin pa rin natin ang mga magnanakaw, 58 00:04:06,329 --> 00:04:07,664 susunod ako sa 'yo. 59 00:04:07,747 --> 00:04:09,916 Pangako 'yan, Rin. 60 00:04:10,000 --> 00:04:12,127 Susunod si Kuro kay Mickbell. 61 00:04:16,089 --> 00:04:18,883 Walang-wala na tayo pagkatapos ng paglalakbay na 'to. 62 00:04:26,891 --> 00:04:28,393 Nagiging mahamog na. 63 00:04:29,519 --> 00:04:30,895 Mag-ingat kayo… 64 00:04:35,942 --> 00:04:38,320 Di normal na hamog 'to. 65 00:04:38,903 --> 00:04:40,322 Halimaw kaya ang may gawa nito? 66 00:04:47,912 --> 00:04:48,830 Isang Taong-Isda? 67 00:04:50,915 --> 00:04:52,208 Saan sila nanggaling? 68 00:04:53,918 --> 00:04:55,462 Buwisit. Kailangan kong lumaban. 69 00:04:57,047 --> 00:04:57,964 Hayan na! 70 00:05:04,846 --> 00:05:07,307 Ang paghawak niya ng palakol, parang may hinahampas siyang… 71 00:05:07,807 --> 00:05:10,935 Alam na alam ko 'to. 72 00:05:11,811 --> 00:05:13,104 Heto na. 73 00:05:13,188 --> 00:05:14,606 Ito… 74 00:05:19,986 --> 00:05:20,904 Shh! 75 00:05:22,155 --> 00:05:23,531 Ayos ka lang. Huminahon ka. 76 00:05:23,615 --> 00:05:25,742 Daya, ako 'to. 77 00:05:29,120 --> 00:05:30,747 Isang mahikang ilusyon ang hamog na 'to. 78 00:05:32,248 --> 00:05:34,793 Si Kuro siguro 'yong nalilito at nakalabas ang sandata. 79 00:05:35,418 --> 00:05:37,629 At si Holm 'yong nakatayong nakatulala. 80 00:05:38,171 --> 00:05:40,632 Di siya makagalaw kapag maraming nangyayari sa paligid. 81 00:05:41,633 --> 00:05:43,593 At siguradong si Mick 'yong tumakbo kanina. 82 00:05:44,260 --> 00:05:47,180 Ang ibig sabihin nito, ang pinakamalaking banta rito ay si… 83 00:05:48,556 --> 00:05:49,557 Rin. 84 00:05:50,141 --> 00:05:51,810 Gaya ng kinakatakutan ko, nag-oorasyon siya. 85 00:05:52,393 --> 00:05:55,313 Kayang-kaya niya kaming gawing abo. 86 00:05:56,272 --> 00:05:59,192 Ang paraan lang para matiwasay maudlot ang orasyon ng isang salamangkero ay… 87 00:06:05,740 --> 00:06:06,574 Rinsha. 88 00:06:07,158 --> 00:06:09,369 Nakikita mo ba? Isa 'tong ilusyon. 89 00:06:10,912 --> 00:06:13,081 Sayang lang nasa anyong halimaw siya. 90 00:06:13,832 --> 00:06:17,585 Ngayon, paano natin aalisin 'tong ilusyong hamog? 91 00:06:28,638 --> 00:06:30,014 Hindi ito. 92 00:06:30,598 --> 00:06:32,851 Hindi aatakeng may dalang sandata ang naghasik ng mahika. 93 00:06:34,102 --> 00:06:36,604 Manonood lang sila sa malayo. 94 00:06:37,105 --> 00:06:38,022 'Yon! 95 00:06:38,106 --> 00:06:39,149 Ano? 96 00:06:51,119 --> 00:06:52,871 Nahuli mo kami. 97 00:06:52,954 --> 00:06:53,872 Suko na kami. 98 00:06:54,622 --> 00:06:56,916 Pakawalan mo siya, puwede ba? 99 00:06:57,876 --> 00:06:59,294 Ang mga taong 'to… 100 00:06:59,377 --> 00:07:02,422 Sila 'yong mga tagakuha ng bangkay na nakasalubong natin sa itaas na palapag! 101 00:07:02,964 --> 00:07:05,175 Di lang pagkakataon ang pagkikita natin ulit, di ba? 102 00:07:05,717 --> 00:07:06,926 Sinusundan n'yo kami, ano? 103 00:07:07,594 --> 00:07:09,053 Ano'ng ibig mong sabihin? 104 00:07:09,137 --> 00:07:12,265 Mas malaki ang bayad sa pagkuha ng labi sa mas mababang palapag, 105 00:07:12,348 --> 00:07:14,184 salamat sa binabayad ng Isla. 106 00:07:15,477 --> 00:07:19,022 Desidido tayong bawiin ang mga ninakaw sa 'tin 107 00:07:19,105 --> 00:07:21,399 at pumasok tayo sa palapag nang di pa tayo handa. 108 00:07:21,983 --> 00:07:24,152 Kailangan lang nila tayong sundan 109 00:07:24,235 --> 00:07:26,446 para makakuha ng bangkay na mas mahal ang bayad. 110 00:07:26,529 --> 00:07:27,906 Gano'n pala. 111 00:07:27,989 --> 00:07:29,407 Nakakainis. 112 00:07:29,491 --> 00:07:30,992 Pero masyado lang kayong mabagal. 113 00:07:31,993 --> 00:07:34,370 No'ng matagpuan n'yo kami, binuhay na kami uli 114 00:07:34,454 --> 00:07:36,498 at pabalik na kami sa itaas. 115 00:07:37,165 --> 00:07:39,459 Atat na atat na kayo kaya gumawa kayo ng paraan. 116 00:07:40,084 --> 00:07:41,920 Gumamit kayo ng mahika para pag-awayin kami. 117 00:07:42,003 --> 00:07:43,796 Tama ka, pero hindi naman sa gano'n. 118 00:07:43,880 --> 00:07:46,799 Sa totoo lang, mas maganda kung naabutan n'yo ang mga magnanakaw 119 00:07:46,883 --> 00:07:49,594 at nakikipaglaban kayo at nakikipagpatayan sa kanila. 120 00:07:50,178 --> 00:07:51,554 Pero nakakadismaya. 121 00:07:51,638 --> 00:07:55,308 Di namin naisip na madali lang pala kayong mapapatay ng mga halimaw. 122 00:07:56,309 --> 00:07:57,435 Ikaw… 123 00:07:58,061 --> 00:08:01,356 Malaking kasalanan ang pagnanakaw at pag-atake sa mga kapwa-manlalakbay. 124 00:08:01,439 --> 00:08:03,399 Iuulat ko 'to sa Panginoon ng Isla. 125 00:08:05,652 --> 00:08:07,070 Kung magkasundo na lang kaya tayo? 126 00:08:07,153 --> 00:08:09,864 Malaking kawalan ang bumalik na walang dala. 127 00:08:10,949 --> 00:08:13,743 Patay na rin ang dalawang kasamahan namin. 128 00:08:14,244 --> 00:08:16,621 Dalhin n'yo sila sa opisina ng muling pagkabuhay. 129 00:08:16,704 --> 00:08:19,165 Malaki-laking halaga ang makukuha n'yo diyan. 130 00:08:20,166 --> 00:08:21,834 Nawalan lang sila ng malay. 131 00:08:24,295 --> 00:08:26,923 Tatayo akong saksi na inatake sila ng mga Taong-Isda. 132 00:08:27,006 --> 00:08:29,050 At ang bahagi namin… 133 00:08:29,133 --> 00:08:30,927 Tingnan natin, mga 40… 134 00:08:31,511 --> 00:08:33,555 Hindi, puwede na'ng 30 porsiyento. 135 00:08:34,055 --> 00:08:34,973 Ano sa tingin mo? 136 00:08:35,056 --> 00:08:36,808 Di na masama 'yon para sa 'yo. 137 00:08:39,727 --> 00:08:41,229 Sige. Sang-ayon ako. 138 00:08:43,022 --> 00:08:44,440 Kabru… 139 00:08:56,869 --> 00:08:57,704 Hangal ka! 140 00:08:57,787 --> 00:08:59,747 Di na ako nagulat. 141 00:08:59,831 --> 00:09:00,957 'Yan ang Kabru namin! 142 00:09:13,219 --> 00:09:15,346 Madali lang talaga patayin ang tao. 143 00:09:15,888 --> 00:09:18,349 Mapa-taong matangkad, duwende, o lamang-lupa man, 144 00:09:18,433 --> 00:09:20,310 pare-pareho silang may kahinaan. 145 00:09:20,393 --> 00:09:22,520 Pati ang mga galaw nila, pare-pareho. 146 00:09:22,604 --> 00:09:25,106 Kung katulad lang nila ang mga halimaw, mas madali lang sana. 147 00:09:26,107 --> 00:09:28,610 Kuro, puwede mo bang hanapin si Mick? 148 00:09:28,693 --> 00:09:29,694 Woof! 149 00:09:29,777 --> 00:09:30,778 Kabru. 150 00:09:30,862 --> 00:09:32,363 Ano'ng gagawin natin sa kaniya? 151 00:09:32,447 --> 00:09:34,741 Pakawalan n'yo ako. 152 00:09:34,824 --> 00:09:36,534 Wala naman akong ginawa. 153 00:09:38,077 --> 00:09:40,371 Wala kang pakialam sa pag-alis ng sumpa sa piitan 154 00:09:40,455 --> 00:09:42,790 o sa pagpatay ng mga halimaw. 155 00:09:43,625 --> 00:09:45,877 Parami nang parami ang mga taong nagkakapera 156 00:09:45,960 --> 00:09:47,545 sa pagnanakaw sa iba. 157 00:09:48,129 --> 00:09:50,923 Kung gano'n, maraming mabubuting tao ang aalis sa Isla. 158 00:09:53,009 --> 00:09:56,679 Kaya di ko mapapatawad ang mga katulad mo. 159 00:09:57,263 --> 00:09:58,431 Pakiusap, 'wag. 160 00:10:16,532 --> 00:10:17,617 Kabru. 161 00:10:19,577 --> 00:10:21,079 Pasensiya na sa nangyari kanina. 162 00:10:21,162 --> 00:10:22,747 'Yon lang ang naisip kong gawin. 163 00:10:24,791 --> 00:10:26,125 Ano ba'ng sinasabi mo? 164 00:10:26,209 --> 00:10:27,960 Ewan ko at ayokong alamin. 165 00:10:28,044 --> 00:10:29,212 Mabuti naman. 166 00:10:30,380 --> 00:10:33,549 Naiinip na 'ko, at hindi rin tayo umuusad. 167 00:10:34,050 --> 00:10:35,009 Tama ka. 168 00:10:35,093 --> 00:10:37,220 At dito tayo dinala niyan. 169 00:10:37,303 --> 00:10:38,846 Nakakainis. 170 00:10:38,930 --> 00:10:41,349 Puwede bang palakasin mo naman ang loob ko paminsan-minsan? 171 00:10:41,432 --> 00:10:43,643 Di naman kailangang itago pa 'yan. 172 00:10:43,726 --> 00:10:45,853 Ito ang katotohanan ng ating kakayahan. 173 00:10:47,438 --> 00:10:50,983 Isang negosyo lang ang tingin ng Panginoon ng Isla sa piitan. 174 00:10:51,526 --> 00:10:53,069 Kahit maubos na ang lahat ng kayamanan, 175 00:10:53,152 --> 00:10:55,780 makikinabang pa rin siya sa mga balat at buto ng mga halimaw. 176 00:10:56,447 --> 00:10:58,574 Pero sa totoo lang, wala nang papasok sa piitan 177 00:10:58,658 --> 00:11:00,159 kapag nasaliksik na 'to nang husto. 178 00:11:00,868 --> 00:11:03,246 Dahil sa wala nang puwedeng pagkikitaan dito 179 00:11:03,329 --> 00:11:05,832 o di na mapupukaw nito ang hangaring maglakbay. 180 00:11:07,041 --> 00:11:09,460 Paunti nang paunti ang pupunta rito. 181 00:11:09,961 --> 00:11:12,964 Lalabas ang mga halimaw sa piitan at aatakihin ang mga mamamayan. 182 00:11:14,257 --> 00:11:17,343 'Yan ang dahilan kung bakit maraming sityo ang nasira. 183 00:11:18,219 --> 00:11:20,680 Kailangan nating ipawalambisa agad ang sumpa sa piitan. 184 00:11:21,222 --> 00:11:23,516 Walang lugar para sa mga halimaw o piitan ang mundong ito. 185 00:11:24,183 --> 00:11:25,059 Oo. 186 00:11:27,478 --> 00:11:28,646 Gutom na ako. 187 00:11:29,188 --> 00:11:31,607 Nakakagutom mabuhay muli, 'no? 188 00:11:31,691 --> 00:11:33,526 Kabru! 189 00:11:34,110 --> 00:11:36,654 Maraming mahalagang dala ang mga taong 'yon! 190 00:11:36,737 --> 00:11:37,947 Sige. 191 00:11:38,030 --> 00:11:40,741 Kunin mo ang pagkain nila, pero itapon ang mga natira sa lawa. 192 00:11:40,825 --> 00:11:42,743 Ano? Seryoso ka ba? 193 00:11:43,953 --> 00:11:45,621 Kung kukunin pa natin ang ibang kagamitan, 194 00:11:45,705 --> 00:11:47,415 ano'ng pinagkaiba natin sa kanila? 195 00:11:47,999 --> 00:11:51,043 Pagkatapos, kumain muna tayo nang kaunti. 196 00:11:51,627 --> 00:11:52,628 -Mabuti 'yon. -Mabuti 'yon. 197 00:11:53,129 --> 00:11:54,964 PANUSTOS NG MGA MANLALAKBAY INASINANG KARNE 198 00:11:55,047 --> 00:11:57,049 TINAPAY, ALAK, MANI AT PINATUYONG PRUTAS 199 00:11:57,133 --> 00:11:59,051 -Kain na! -Kain na! 200 00:11:59,969 --> 00:12:00,803 Ang sarap! 201 00:12:00,887 --> 00:12:02,847 Masasarap ang kinakain nila. 202 00:12:02,930 --> 00:12:05,057 Maganda ang kita ng mga tagakuha ng bangkay, ano? 203 00:12:05,141 --> 00:12:08,227 Lalong-lalo na kung sila mismo ang pumapatay at nagdadala pabalik. 204 00:12:08,311 --> 00:12:10,688 Di ba 'yon malalaman ng Panginoon ng Isla? 205 00:12:10,771 --> 00:12:14,192 May pamamaraan sa pagkuha ng pabuya sa Isla. 206 00:12:14,859 --> 00:12:17,445 Mukhang mautak sila at nakakalusot sila ro'n. 207 00:12:19,697 --> 00:12:23,534 O baka may kasabwat sila na ibang grupo na di natin alam. 208 00:12:24,035 --> 00:12:25,953 Ang bulok talaga ng sistema. 209 00:12:26,037 --> 00:12:28,456 Sa huli, naghuhukay sila ng sarili nilang libingan. 210 00:12:28,539 --> 00:12:30,208 Ipapaalam mo ba sa Panginoon ng Isla? 211 00:12:30,791 --> 00:12:33,711 Duda akong magbibigay ng magandang solusyon ang Panginoon. 212 00:12:34,545 --> 00:12:37,089 Mas masama lang ang mangyayari sa mga baguhan tulad ni Doni. 213 00:12:37,173 --> 00:12:39,217 Sana lang tumaba nang husto hanggang pumutok 214 00:12:39,300 --> 00:12:40,843 ang hangal na Panginoon na 'yon. 215 00:12:40,927 --> 00:12:44,096 E di, papasukin tayo ng mga engkantado. 216 00:12:44,180 --> 00:12:47,350 Kailangan pa rin natin siya bilang proteksiyon. 217 00:12:48,434 --> 00:12:51,020 Gayon pa man, isang taong matangkad, isang duwende, 218 00:12:51,103 --> 00:12:53,356 isang taong maliit, at isang engkantada, ano? 219 00:12:53,439 --> 00:12:54,607 Tungkol saan ba 'to? 220 00:12:54,690 --> 00:12:58,110 Ang grupo na nagbigay sa 'tin ng mahikang panlaban sa multo. 221 00:12:58,194 --> 00:13:00,238 Ibig mong sabihin 'yong mga magnanakaw ng kayamanan? 222 00:13:00,321 --> 00:13:02,031 Magnanakaw ng pagkain. 223 00:13:02,114 --> 00:13:04,909 Wala masyadong grupong may kasamang engkantada. 224 00:13:04,992 --> 00:13:07,119 Makikilala natin sila pag isa-isahin natin ang lahat. 225 00:13:08,079 --> 00:13:09,622 Sina Doni at Fionil kaya 'yon? 226 00:13:10,206 --> 00:13:13,209 Mahirap isipin na makikipagsapalaran sila sa pangatlong palapag sa ibaba. 227 00:13:14,210 --> 00:13:16,587 At sa tingin ko, kakaiba na apat lang sila sa grupo. 228 00:13:16,671 --> 00:13:18,631 Parang masyado silang pabaya. 229 00:13:19,590 --> 00:13:20,800 Rin, Holm. 230 00:13:20,883 --> 00:13:23,135 May napapansin ba kayo sa mahikang panlaban sa multo na 'to? 231 00:13:23,219 --> 00:13:24,929 Suot mo pa rin 'yan? 232 00:13:25,012 --> 00:13:26,889 Ebidensiya 'to. 233 00:13:26,973 --> 00:13:29,392 Di ako pamilyar sa mga ganiyang klaseng mahika. 234 00:13:30,685 --> 00:13:31,894 Patingin nga. 235 00:13:35,731 --> 00:13:37,316 Parang gawa ng isang matalinong estudyante. 236 00:13:37,400 --> 00:13:39,944 Mukhang galing mismo sa libro. 237 00:13:40,027 --> 00:13:42,154 At parang di sanay ang gumawa nito. 238 00:13:42,238 --> 00:13:44,532 Baka nga galing pa sa isang eskuwelahan sa mahika. 239 00:13:45,157 --> 00:13:47,827 Pare-pareho ang mga mahika ng lahat ng mga nakatapos. 240 00:13:48,411 --> 00:13:50,705 At walang dudang gawa 'to ng isang engkantada. 241 00:13:51,497 --> 00:13:53,416 Eskuwelahan ng mahika… 242 00:13:54,000 --> 00:13:57,420 Eskuwelahan ng mahika, 'ka mo? 243 00:13:57,503 --> 00:13:58,713 Napapaisip ako rito. 244 00:13:58,796 --> 00:13:59,922 Ano? Ano 'yon? 245 00:14:00,006 --> 00:14:03,134 May kutob ako sa kung kaninong grupo 'to. 246 00:14:03,217 --> 00:14:05,678 Hula lang 'to, 247 00:14:05,761 --> 00:14:07,972 pero matutuwa ako pag tama ako. 248 00:14:08,055 --> 00:14:10,891 Sabihin mo na. Itigil mo na 'yan. 249 00:14:10,975 --> 00:14:12,184 E, 250 00:14:12,268 --> 00:14:14,520 sa tingin ko grupo 'to ng magkapatid na Touden. 251 00:14:15,021 --> 00:14:16,856 Touden? 'Yong dalawang 'yon? 252 00:14:17,398 --> 00:14:19,775 Parang hindi kriminal ang tingin ko sa kanila. 253 00:14:19,859 --> 00:14:20,943 Ano'ng basehan mo? 254 00:14:21,027 --> 00:14:24,739 Unang-una, kung tama ang alaala ko, nakapagtapos sa eskuwelahan ng mahika 255 00:14:24,822 --> 00:14:25,948 ang kapatid na babae. 256 00:14:26,032 --> 00:14:28,910 Pero isang engkantada ang nag-orasyon ng mahikang panlaban sa multo. 257 00:14:28,993 --> 00:14:30,745 At matatangkad ang magkapatid na 'yon. 258 00:14:30,828 --> 00:14:33,331 Sandali lang, patapusin n'yo muna 'ko. 259 00:14:33,414 --> 00:14:37,335 Malapit ang engkantada sa kapatid na babae, 260 00:14:37,418 --> 00:14:40,421 na parang magkababata sila. 261 00:14:41,172 --> 00:14:44,425 Kaya naisip ko na sa iisang eskuwelahan sila nag-aral. 262 00:14:45,426 --> 00:14:48,220 Bibihira ang mga nakapagtapos sa gawing 'to, 263 00:14:48,304 --> 00:14:49,847 lalo na kung isa kang engkantanda. 264 00:14:51,223 --> 00:14:53,184 Mukhang posible 'yon. 265 00:14:53,267 --> 00:14:54,894 Pero di sapat 'yon. 266 00:14:54,977 --> 00:14:58,314 At saka, isang taong matangkad lang ang naamoy ni Kuro. 267 00:14:58,397 --> 00:15:00,232 Kung magkapatid sila, sana dalawa ang naamoy niya. 268 00:15:00,942 --> 00:15:04,487 Sinasabi mo bang 'yon ang dahilan kung bakit maliit lang ang grupo nila? 269 00:15:04,570 --> 00:15:07,406 Tama! Nawala ang isa sa magkapatid, 270 00:15:07,490 --> 00:15:10,743 at mayroong di pagkakaunawaan sa grupo tungkol sa pagligtas sa kaniya. 271 00:15:11,327 --> 00:15:13,037 'Yon ang naisip ko dahil nakasalubong natin 272 00:15:13,120 --> 00:15:14,747 ang isa sa dati nilang miyembro. 273 00:15:15,331 --> 00:15:18,793 Bago pa nito, nag-away na sila tungkol sa layunin at kita. 274 00:15:18,876 --> 00:15:22,296 At baka dahil dito, umalis ang iba sa kanila. 275 00:15:22,380 --> 00:15:25,091 Dahil sa pagkadesperado, nauwi sila sa pagnanakaw ng kayamanan at pagkain. 276 00:15:26,092 --> 00:15:28,511 -Nakukumbinsi mo na ako. -Di ba? 277 00:15:29,553 --> 00:15:32,890 Pero Kuro, sabi mo may naamoy ka ring isang duwende. 278 00:15:32,974 --> 00:15:35,017 Oo. Malakas na amoy ng duwende. 279 00:15:35,101 --> 00:15:36,435 Kakaiba 'yon. 280 00:15:36,519 --> 00:15:38,437 Bakit mayro'n pa silang isang duwende? 281 00:15:38,521 --> 00:15:40,690 Baka kumuha sila ng isa pa. 282 00:15:40,773 --> 00:15:43,776 Sino pa ang kasama sa grupo nila? 283 00:15:43,859 --> 00:15:44,777 Tingnan natin. 284 00:15:45,361 --> 00:15:47,196 Si Laios at Falin ang mga matatangkad, 285 00:15:47,279 --> 00:15:49,907 at siguro si Shuro, isang taga-Silangan. 286 00:15:49,991 --> 00:15:52,034 Nandiyan si Namari, ang duwendeng nakita natin kanina, 287 00:15:52,118 --> 00:15:53,202 at Marcille, ang engkantada. 288 00:15:53,703 --> 00:15:56,872 Parang Chilchuck o anuman ang pangalan ng taong maliit. 289 00:15:57,373 --> 00:15:59,834 Kung ipapalagay natin na grupo 'to ng magkapatid na Touden, 290 00:15:59,917 --> 00:16:03,170 umalis ang isa sa magkapatid, gano'n din si Shuro at Namari. 291 00:16:03,254 --> 00:16:05,589 At may sumama pang isang duwende sa kanila, sa tingin ko. 292 00:16:06,382 --> 00:16:09,802 Gano'n na nga. Si Namari pala 'yong babae kanina. 293 00:16:11,387 --> 00:16:13,097 May alam ka ba tungkol sa kaniya, Daya? 294 00:16:13,180 --> 00:16:14,473 Sa pangalan lang. 295 00:16:14,557 --> 00:16:15,474 Sikat siya. 296 00:16:15,558 --> 00:16:18,227 Nag-iisang anak siya ng isang taong tinatawag na "Mangangalakal ng Armas." 297 00:16:18,310 --> 00:16:19,603 "Mangangalakal ng Armas"? 298 00:16:19,687 --> 00:16:22,690 Dati niyang hawak ang pangangalakal ng armas sa Isla. 299 00:16:23,774 --> 00:16:27,111 Pero isang araw, natuklasan siyang nagnakaw ng pera at naglaho. 300 00:16:27,653 --> 00:16:29,113 Sabi nila, siya ang dahilan kung bakit 301 00:16:29,196 --> 00:16:31,449 masama ang tingin ng Panginoon ng Isla sa mga duwende ngayon. 302 00:16:32,033 --> 00:16:34,660 Maraming duwendeng nagdusa dahil sa kaniya. 303 00:16:35,327 --> 00:16:36,454 Pati ako. 304 00:16:36,996 --> 00:16:40,708 Walang matinong duwende ang gustong sumunod sa mga yapak niya. 305 00:16:40,791 --> 00:16:42,960 Kaya baka di siya isang matinong duwende. 306 00:16:43,586 --> 00:16:45,880 Matapang ang nahagip kong amoy. 307 00:16:45,963 --> 00:16:48,924 May alam ako tungkol sa Chilchuck na 'to. 308 00:16:49,008 --> 00:16:50,718 Medyo may edad na rin siya, 309 00:16:50,801 --> 00:16:54,096 pero pakiramdam niya siya ang kumakatawan sa lahat ng taong maliit sa islang 'to. 310 00:16:54,805 --> 00:16:58,059 Sakim siyang tao na nagpupumilit na idaan ang mga kontrata sa samahan 311 00:16:58,142 --> 00:17:01,103 at ang pagbabayad sa tagapamagitan. 312 00:17:01,187 --> 00:17:04,482 Ayokong makialam diyan, kaya umiiwas ako. 313 00:17:04,565 --> 00:17:07,485 Kasi kung malalaman niyang kumuha ako ng isang Kobold, 314 00:17:07,568 --> 00:17:08,611 siguradong magagalit 'yon. 315 00:17:08,694 --> 00:17:10,237 Ayaw mong mangyari 'yon, di ba? 316 00:17:10,321 --> 00:17:12,490 Gusto mo na tuloy-tuloy kitang kukunin, di ba? 317 00:17:12,573 --> 00:17:14,033 Si Mick ang nagpapakain sa 'kin. 318 00:17:14,116 --> 00:17:15,242 Mabuting amo si Mick. 319 00:17:16,577 --> 00:17:19,914 Tiyak marami siyang pinapagawa para sa maliit na sahod. 320 00:17:19,997 --> 00:17:23,000 Holm, 'wag kang manghusga nang ganiyan. 321 00:17:23,084 --> 00:17:26,754 Rin, tagaroon lang sa inyo ang taong matangkad na taga-Silangan. 322 00:17:26,837 --> 00:17:28,464 Baka magkakilala pa nga kayo, e. 323 00:17:28,547 --> 00:17:29,507 Pakiusap. 324 00:17:29,590 --> 00:17:31,842 'Wag mo kaming pagsamahin dahil pareho kaming taga-Silangan. 325 00:17:32,384 --> 00:17:34,804 Depende sa rehiyon, magkaiba ang wika namin. 326 00:17:34,887 --> 00:17:37,598 At di galing sa isla namin ang pangalang Shuro. 327 00:17:38,099 --> 00:17:40,518 Mukhang may alam ako sa kaniya. 328 00:17:40,601 --> 00:17:43,771 Lagi siyang nag-iisa no'ng nasa grupo pa siya ng mga Touden. 329 00:17:43,854 --> 00:17:46,232 Pumunta siya sa Isla kasama ang ilang mga taga-Silangan, 330 00:17:46,315 --> 00:17:48,776 at mag-isang sumama sa grupo ng mga Touden. 331 00:17:48,859 --> 00:17:51,320 Pinaramdam niya na di siya pangkaraniwang tao, 332 00:17:51,403 --> 00:17:54,281 at parang naglalakbay lang siya sa piitan para subukan ang kakayahan niya. 333 00:17:54,365 --> 00:17:57,159 Pero umalis din siya sa grupo, ano? 334 00:17:57,243 --> 00:18:00,538 Parang di siya isang taong naghahangad ng gantimpala o panganib. 335 00:18:00,621 --> 00:18:04,625 Posible kayang umalis na ang magkapatid, at naiwan siya sa grupo? 336 00:18:04,708 --> 00:18:05,918 Hindi, imposible 'yon. 337 00:18:06,001 --> 00:18:09,588 Kabru, nakakabalisa na naaalala mo ang mga detalye tungkol sa mga tao. 338 00:18:09,672 --> 00:18:11,173 Bakit parang sabik na sabik ka? 339 00:18:11,257 --> 00:18:13,676 Dahil masaya 'to. Nakakasabik talaga. 340 00:18:14,260 --> 00:18:18,556 Maraming tao sa islang 'to, may kaniyang-kaniyang motibo bawat isa. 341 00:18:18,639 --> 00:18:21,809 Pero pag nagkasalubong ang iba-iba nilang kilos, 342 00:18:21,892 --> 00:18:25,104 may nagaganap na makasaysayang pangyayari na kabilang ang maraming tao. 343 00:18:25,187 --> 00:18:27,356 Akala ko isa lang 'tong normal na pagnanakaw, 344 00:18:27,439 --> 00:18:29,942 pero ramdam kong may mangyayaring kasiya-siya. 345 00:18:30,025 --> 00:18:32,903 Sana nga grupo ng magkapatid na Touden ang mga taong 'to. 346 00:18:32,987 --> 00:18:35,698 Dahil matagal ko nang 347 00:18:35,781 --> 00:18:38,951 gustong makita ang tunay nilang pagkatao. 348 00:18:39,034 --> 00:18:41,203 May galit ka ba sa kanila o ano? 349 00:18:41,287 --> 00:18:43,205 Wala naman silang kasalanan sa 'kin. 350 00:18:43,289 --> 00:18:46,917 Noong una, kumita ng malaki si Laios sa isang grupong naghahanap ng ginto. 351 00:18:47,001 --> 00:18:49,003 Pero binabahagi niya ang karamihan ng kaniyang kita 352 00:18:49,086 --> 00:18:52,214 sa mga kasamahan na di makapasok sa piitan dahil sa sakit o pinsala. 353 00:18:53,257 --> 00:18:54,216 Napakadakila niya. 354 00:18:54,300 --> 00:18:56,051 Oo, nakakaantig ng puso. 355 00:18:56,135 --> 00:18:58,220 Pero di lang 'yon. 356 00:18:58,804 --> 00:19:02,224 Matagal nang gumaling ang mga kasama niya, pero kinukuha pa rin nila ang pera. 357 00:19:02,308 --> 00:19:05,227 Sa huli, di sila bumalik sa paglalakbay 358 00:19:05,311 --> 00:19:07,980 at nagpapalusot na lang ngayon ng mga paninda sa Isla. 359 00:19:08,063 --> 00:19:11,400 "Ibibigay ko ang lahat sa sinuman makakalupig sa panginoon ng piitan." 360 00:19:12,109 --> 00:19:14,820 'Yon yata ang sinabi ng isang malahari sa bayang 'to. 361 00:19:15,321 --> 00:19:18,949 Makuha mo man ang lahat o hindi, 362 00:19:19,033 --> 00:19:22,620 isang pamana mismo ang piitan na iniwan ng mga sinaunang engkantado. 363 00:19:22,703 --> 00:19:25,497 Natitiyak ko na mayroon itong mahalagang kapangyarihan. 364 00:19:25,998 --> 00:19:30,044 Kaya dapat di 'to mahuhulog sa kamay ng magkapatid na 'yon. 365 00:19:30,586 --> 00:19:32,504 Di sila mga santo. 366 00:19:32,588 --> 00:19:34,298 Wala lang silang pakialam sa tao. 367 00:19:34,840 --> 00:19:36,800 Katulad ng Panginoon ng Isla. 368 00:19:37,343 --> 00:19:39,345 Alam namin 'yan, Kabru. 369 00:19:39,428 --> 00:19:41,764 Naniniwala kami na ikaw lang ang nararapat. 370 00:19:41,847 --> 00:19:44,266 Ikaw lang ang makakapagpaalis sa hangal na Panginoong 'yon. 371 00:19:44,350 --> 00:19:47,269 Pero kung nahihirapan ka pa rin sa mga halimaw rito, 372 00:19:47,353 --> 00:19:49,521 malayo-layo ka pa ro'n. 373 00:19:49,605 --> 00:19:51,315 Tama ka. 374 00:19:51,398 --> 00:19:53,442 Kung gano'n, tara na ba maya-maya? 375 00:19:53,525 --> 00:19:56,237 Sana makakabalik tayo nang walang problema. 376 00:20:01,992 --> 00:20:02,993 Uy! Muntik na ako! 377 00:20:03,077 --> 00:20:03,911 Patalim na Isda! 378 00:20:05,246 --> 00:20:06,622 Huwag n'yo silang pansinin! 379 00:20:06,705 --> 00:20:08,415 Tingnan n'yo ang dinadaanan n'yo! 380 00:20:12,461 --> 00:20:14,213 Isang Kraken? Hindi, isang Ahas-Dagat! 381 00:20:14,964 --> 00:20:16,465 Rin! Ingat! 382 00:20:16,548 --> 00:20:17,758 Orasyon… 383 00:20:18,425 --> 00:20:19,343 Holm! 384 00:20:19,426 --> 00:20:21,679 Di ko siya puwedeng tawagin sa sitwasyong 'to! 385 00:20:21,762 --> 00:20:23,097 Di natin alam kung ano'ng sasama! 386 00:20:28,018 --> 00:20:29,019 'Wag kang mataranta. 387 00:20:29,103 --> 00:20:31,105 Gumawa ka ng paraan, Kabru. 388 00:20:31,605 --> 00:20:34,024 Di naman komplikado ang kilos ng nilalang na 'to. 389 00:20:34,108 --> 00:20:37,695 Masdan ang galaw nito, at puntiryahin ang ugat sa leeg. 390 00:20:37,778 --> 00:20:40,155 Sandali, nasaan ang ugat nito sa leeg? 391 00:20:40,239 --> 00:20:41,573 Tumabi ka riyan. 392 00:20:44,243 --> 00:20:45,160 Tade! 393 00:20:45,244 --> 00:20:46,203 Ito na! 394 00:20:50,374 --> 00:20:52,209 Senyorito, ikaw na'ng bahala! 395 00:20:59,133 --> 00:21:00,551 Senyorito! 396 00:21:01,844 --> 00:21:03,178 Ang galing n'on. 397 00:21:03,804 --> 00:21:05,264 Nasira ba ang baluti mo? 398 00:21:05,347 --> 00:21:06,181 Hindi. 399 00:21:06,265 --> 00:21:07,391 Pagod ka na siguro. 400 00:21:07,474 --> 00:21:09,476 Gusto mo bang kumain? 401 00:21:09,560 --> 00:21:11,312 Hindi. Magpapatuloy na tayo. 402 00:21:12,354 --> 00:21:14,315 Ano'ng gagawin natin sa Senyorito? 403 00:21:14,398 --> 00:21:17,609 Baliw na baliw siya sa taga-Hilagang babaeng 'yon. 404 00:21:18,152 --> 00:21:20,571 Gutom na si Tade. 405 00:21:20,654 --> 00:21:22,906 Kabru, nasaktan ka ba? 406 00:21:22,990 --> 00:21:24,241 Magbabago tayo ng plano. 407 00:21:25,576 --> 00:21:27,494 Masarap siguro 'tong iluto sa labanos! 408 00:21:27,578 --> 00:21:29,204 -Kalokohan. -Sandali lang. 409 00:21:29,288 --> 00:21:32,958 Iniligtas mo ako kanina. Salamat. 410 00:21:33,042 --> 00:21:34,293 Ako si Kabru. 411 00:21:34,376 --> 00:21:36,170 Puwede bang malaman ang mga pangalan n'yo? 412 00:21:36,253 --> 00:21:37,463 Wala 'yon. 413 00:21:37,546 --> 00:21:39,214 Napadaan lang kami. 414 00:21:40,174 --> 00:21:41,967 Kung di ako nagkakamali, 415 00:21:42,051 --> 00:21:44,470 may hinahanap kang babae. 416 00:21:45,637 --> 00:21:47,598 May alam ka ba? 417 00:21:48,390 --> 00:21:51,185 Tama nga ang naisip ko. Nakikiramay ako. 418 00:21:51,268 --> 00:21:54,104 Baka puwede kitang tulungan 419 00:21:54,772 --> 00:21:57,191 sa paghahanap mo kay Falin Touden. 420 00:21:58,025 --> 00:21:59,443 Tumigil ka, Kuro! 421 00:21:59,526 --> 00:22:01,862 Di ba sabi ko sa 'yo 'wag kang ganiyan? 422 00:22:01,945 --> 00:22:03,030 Nakakatakot! 423 00:22:03,113 --> 00:22:05,157 Ano ba'ng nangyari sa 'yo? 424 00:22:05,240 --> 00:22:07,159 At sa gayon, nagpasiya si Kabru at mga kasamahan niya 425 00:22:07,242 --> 00:22:09,953 na magpapatuloy muli sa paglalakbay sa piitan. 426 00:22:10,037 --> 00:22:11,038 NGAYON 427 00:22:11,121 --> 00:22:13,499 Bumalik tayo kay Laios at mga kasamahan niya, 428 00:22:13,582 --> 00:22:16,001 dalawang araw na'ng lumipas mula no'ng napasiya silang bumalik. 429 00:22:17,294 --> 00:22:18,462 Walang lagusan. 430 00:22:19,046 --> 00:22:20,464 Wala na namang lagusan. 431 00:22:22,049 --> 00:22:23,926 Gutom na gutom na 'ko. 432 00:22:24,009 --> 00:22:25,385 Pagod na pagod na 'ko. 433 00:22:25,469 --> 00:22:26,470 Uhaw na uhaw ako. 434 00:22:27,179 --> 00:22:29,848 Naliligaw sila at nasa panganib ang buhay. 435 00:23:55,976 --> 00:24:00,981 Tagapagsalin ng subtitle: Andrew Jan Novera