1
00:00:06,003 --> 00:00:08,363
Mama, dinala mo talaga ako rito?
2
00:00:08,443 --> 00:00:10,443
Tama na ang pag-angal.
3
00:00:10,523 --> 00:00:14,363
Dapat akong pumili ng maganda.
Kilala mo naman ang Lola Habiba mo.
4
00:00:14,883 --> 00:00:17,803
-Pare-pareho lang iyan!
-Hindi ah!
5
00:00:17,883 --> 00:00:20,403
Makunat ang karne ng matatanda. Sige pa.
6
00:00:20,483 --> 00:00:21,843
Okay, sige.
7
00:00:21,923 --> 00:00:23,323
'Wag kang mag-inarte.
8
00:00:26,843 --> 00:00:30,363
-Munira! Tingnan mo iyon!
-Mama! Tingnan mo ang nangyari!
9
00:00:30,443 --> 00:00:34,483
'Wag ngayon! Tingnan mo ang kordero.
Tingnan mo kung bata o matanda.
10
00:00:34,563 --> 00:00:35,763
Mukhang maganda ito.
11
00:00:35,843 --> 00:00:37,563
'Yung ngipin. Siguraduhin mo.
12
00:00:39,083 --> 00:00:40,283
Patingin ng ngipin.
13
00:00:41,843 --> 00:00:43,123
Wow! Ang ganda!
14
00:00:43,203 --> 00:00:46,083
Kapag may pangil, matandang tupa iyan.
15
00:00:46,843 --> 00:00:51,083
Kordero ang kinakain ng Lola Habiba mo.
Hindi iyon kakain ng matanda na.
16
00:00:51,163 --> 00:00:53,683
Walang pangil. Kordero ang isang ito.
17
00:00:54,403 --> 00:00:56,003
Basta para kay Lola Habiba.
18
00:00:56,083 --> 00:00:57,603
Mabuti. 'Yung paa naman.
19
00:00:58,723 --> 00:01:03,123
Tutuksuhin ako ng kapatid ko
kapag may nakaligtaan akong detalye.
20
00:01:03,963 --> 00:01:06,763
Kaarawan pa naman ng mahal kong ina.
21
00:01:07,363 --> 00:01:09,603
80 na siya.
Nawa'y humaba pa ang buhay niya.
22
00:01:09,683 --> 00:01:13,283
Maganda ang mga paa.
Mukhang bagong panganak pa lang ito.
23
00:01:22,003 --> 00:01:23,483
-Salamat.
-Walang anuman.
24
00:01:23,563 --> 00:01:25,763
-Heto, 30, gaya ng sabi mo.
-40 ma'am.
25
00:01:25,843 --> 00:01:32,123
Nang nag-usap tayo noong nakaraang linggo,
30 ang sabi mo. Bakit 40 na ngayon?
26
00:01:32,203 --> 00:01:35,523
Ma'am, kung ayaw mo,
may kukuha namang iba.
27
00:01:35,603 --> 00:01:37,883
-Kaunti na lang iyan.
-Lintik!
28
00:01:38,603 --> 00:01:40,203
Pahinging 10 dinar.
29
00:01:40,723 --> 00:01:42,883
'Wag kang ganyan. Kailangan ko iyon.
30
00:01:42,963 --> 00:01:46,283
Gusto mo bang ulo ko
ang ihain ng tiyahin mo?
31
00:01:46,963 --> 00:01:50,603
Pababayaran ko sa ama mo
kasama ng allowance mo.
32
00:01:51,683 --> 00:01:56,523
Pipintasan ka pa rin ni Tita Nojood.
Hindi mo siya mapapasaya.
33
00:01:56,603 --> 00:01:59,123
Oo. Pagdating sa pamimintas… Heto.
34
00:02:00,003 --> 00:02:04,043
Ganoon talaga ang pamilya ko.
Buti na lang, hindi ko namana.
35
00:02:07,243 --> 00:02:09,083
Mukhang umuunlad ang negosyo.
36
00:02:09,923 --> 00:02:13,003
Mula nang bumagsak ang baka,
umangat naman ang tupa.
37
00:02:14,043 --> 00:02:16,323
Ano'ng ibig mong sabihin?
38
00:02:16,403 --> 00:02:18,483
Mahihirapan kang unawain.
39
00:02:18,563 --> 00:02:20,323
Subukan mo, sir. Sabihin mo.
40
00:02:20,403 --> 00:02:25,603
Nakasamâ sa distribusyon
ang mad cow disease sa UK.
41
00:02:25,683 --> 00:02:29,163
Tapos, nagsara ang mga bakahan sa U.S.
42
00:02:29,243 --> 00:02:33,323
Noong isang linggo, nag-angkat ng mga baka
ang katunggali namin.
43
00:02:33,403 --> 00:02:36,883
Pero naimpeksiyon pala
ng nuclear radiation sa Chernobyl.
44
00:02:36,963 --> 00:02:38,003
Kawawa!
45
00:02:38,083 --> 00:02:40,483
Kaya kordero ang madalas kainin ngayon.
46
00:02:40,563 --> 00:02:46,523
Kung gayon, maraming bumibili ng tupa
at pataas ang presyo nila, tama?
47
00:02:46,603 --> 00:02:47,443
Sa tingin ko.
48
00:02:49,043 --> 00:02:50,443
Sige, tara na.
49
00:03:16,603 --> 00:03:18,043
Sige.
50
00:03:18,963 --> 00:03:19,803
Ano iyon?
51
00:03:21,523 --> 00:03:25,923
Sandaan at labindalawang dinar
para sa mga bombilya?
52
00:03:26,003 --> 00:03:29,803
-Nasisiraan ka na ba?
-Kailangan natin ng pailaw sa hardin.
53
00:03:29,883 --> 00:03:34,163
Sapat na 'yung mga ilaw sa bodega.
54
00:03:34,243 --> 00:03:36,523
Ano ito? Magkano naman ito?
55
00:03:36,603 --> 00:03:38,523
Bayad na ito, sir.
56
00:03:38,603 --> 00:03:40,163
-Talaga?
-Hayan. Oo.
57
00:03:40,243 --> 00:03:41,403
Ano?
58
00:03:41,483 --> 00:03:44,043
Gusto mong ipagdiwang ko
ang ika-80 kaarawan ng ina ko
59
00:03:44,123 --> 00:03:46,403
gamit ang kakaunting lumang bombilya?
60
00:03:46,483 --> 00:03:48,883
Jude! Halika rito, sweetie!
61
00:03:50,323 --> 00:03:51,443
Tingnan natin!
62
00:03:51,523 --> 00:03:55,483
Ang ina mo, na iniluwal kayong anim
sa ilalim ng puno,
63
00:03:55,563 --> 00:03:58,803
ay walang pakialam
sa pailaw ng hardin, di ba?
64
00:03:58,883 --> 00:04:02,163
Ina ko iyon.
Ibibigay ko ang mundo kung magagawa ko.
65
00:04:02,243 --> 00:04:05,403
Ayaw mong bilhan ko siya
ng karagdagang bombilya?
66
00:04:05,483 --> 00:04:07,563
Hiningi ko ba ang buwan?
67
00:04:07,643 --> 00:04:11,083
Ang buwan ang pinakamatipid nating
ilaw ngayon.
68
00:04:11,163 --> 00:04:12,403
Ina ko iyon!
69
00:04:12,483 --> 00:04:15,403
Sige, pero palaki nang palaki ang gastos.
70
00:04:15,483 --> 00:04:18,123
Nagpatulong ako kay Khawlah.
Ipapaalala ko.
71
00:04:18,203 --> 00:04:21,883
Kahit gaano siya kayaman ngayon,
sa parehong puno pa rin siya ipinanganak.
72
00:04:21,963 --> 00:04:24,163
-Ah, ang cute!
-Ilabas n'yo iyan.
73
00:04:24,243 --> 00:04:26,603
-Ano?
-Ilabas n'yo iyan!
74
00:04:26,683 --> 00:04:28,843
-Ilabas n'yo.
-Labas!
75
00:04:32,683 --> 00:04:34,683
Ayos lang iyan. 'Wag kang matakot.
76
00:04:44,123 --> 00:04:48,083
Cute ang mga kordero.
Bakit ba may mga ayaw sa kanila?
77
00:04:48,163 --> 00:04:50,363
Di ba? Ang cute nila!
78
00:04:52,483 --> 00:04:55,603
Ah, Juju. Magpapatulong ako sa iyo.
79
00:04:56,763 --> 00:04:59,363
Sige, pero ayaw ko siyang iwan.
Limang minuto lang.
80
00:05:00,003 --> 00:05:02,043
Sige, may limang minuto ka lang.
81
00:05:02,123 --> 00:05:03,643
Okay, limang minuto lang.
82
00:05:10,683 --> 00:05:12,523
Magbubukas sana ako ng account.
83
00:05:12,603 --> 00:05:14,963
Pahinging ID at 'yung una mong deposito.
84
00:05:21,803 --> 00:05:23,163
Sino ang guarantor mo?
85
00:05:25,683 --> 00:05:27,563
Di ko alam na kailangan iyon.
86
00:05:27,643 --> 00:05:30,363
Di naman, pero mas maganda
kung guarantor ang asawa mo.
87
00:05:31,883 --> 00:05:35,003
Mas mabuti para sa iyo,
pero hindi na ako kasal.
88
00:05:35,083 --> 00:05:36,683
Eh, ang ama mo?
89
00:05:37,723 --> 00:05:39,283
Di rin ako kasal sa kanya.
90
00:05:42,323 --> 00:05:45,963
-Sige, ang ID mo?
-Okay.
91
00:05:49,563 --> 00:05:50,723
Bank of Tomorrow?
92
00:05:50,803 --> 00:05:53,923
-Nagtatrabaho siya sa Exchange.
-Pero walang bank account.
93
00:05:57,003 --> 00:05:58,923
Kaya mo nang mag-isa?
94
00:06:03,203 --> 00:06:06,323
Maniwala ka, napakagaling ko sa pera.
95
00:06:06,923 --> 00:06:09,043
Sa Stock Exchange ako nagtatrabaho.
96
00:06:11,243 --> 00:06:12,123
Sige.
97
00:06:18,043 --> 00:06:19,443
Presyo ito sa Chicago?
98
00:06:19,523 --> 00:06:22,763
Madaling araw ko sinimulan iyan,
tapos di ka bumabati?
99
00:06:22,843 --> 00:06:24,963
Magandang umaga, salamat, at mahusay.
100
00:06:25,043 --> 00:06:27,683
20 taong research ito
sa mga presyo ng karne.
101
00:06:29,083 --> 00:06:31,963
Ito ang mga pinakahuling presyo
ng baboy na walang nagbabasa.
102
00:06:32,043 --> 00:06:34,363
Puwera ngayon. Eh, 'yung sa mga tupa?
103
00:06:34,963 --> 00:06:35,803
Tupa?
104
00:06:38,603 --> 00:06:41,443
Mukhang nawala. O baka na kay Saud.
105
00:06:42,523 --> 00:06:45,803
-Kinuha niya at hindi ibinalik.
-Hiningi rin ni Saud?
106
00:06:45,883 --> 00:06:49,083
Hiningi niya noong isang linggo.
Magaling siya.
107
00:06:50,763 --> 00:06:51,763
Ah, oo.
108
00:07:04,643 --> 00:07:05,683
Pasok.
109
00:07:07,403 --> 00:07:09,803
Hello! Teka, binabawi ko.
110
00:07:10,403 --> 00:07:13,843
Hindi kita pinage.
May account ka bang kailangang i-audit?
111
00:07:13,923 --> 00:07:16,603
Makikita mo ako minsan
kahit di ka nagpe-page.
112
00:07:17,123 --> 00:07:20,283
-Nasa iyo raw ang file sa tupa.
-Hinihingi ni Hasan?
113
00:07:22,883 --> 00:07:25,403
Naayos na namin ang posisyon
ng livestock shares.
114
00:07:25,483 --> 00:07:27,483
Ako ang may kailangan sa file.
115
00:07:28,603 --> 00:07:29,803
May nabalitaan ka?
116
00:07:29,883 --> 00:07:32,163
Di ba't binasa mo? Ikaw ang magsabi.
117
00:07:37,683 --> 00:07:38,883
Ang presyo ng tupa.
118
00:07:39,403 --> 00:07:41,163
Umangat ang mga iyon…
119
00:07:41,243 --> 00:07:42,883
-Paumanhin.
-Paumanhin.
120
00:07:43,603 --> 00:07:44,443
Ikaw na muna.
121
00:07:44,523 --> 00:07:46,203
Kaya naman sinubaybayan ko.
122
00:07:46,803 --> 00:07:48,603
Nabasa mo 'yung sa bakang Chernobyl?
123
00:07:50,603 --> 00:07:54,643
Oo, dahil doon, tumaas ang presyo
ng mga tupa noong isang linggo.
124
00:07:55,283 --> 00:07:57,763
Pero tapos na iyon. Stable na ang presyo.
125
00:07:58,483 --> 00:08:01,723
Hindi, 10 dinar ang itinaas ng presyo
mula noong isang linggo.
126
00:08:02,883 --> 00:08:04,683
Heto, kung gusto mong malibang.
127
00:08:04,763 --> 00:08:08,643
-Malakas ang kutob ko rito.
-Iyan ka na naman sa kutob mo.
128
00:08:09,643 --> 00:08:13,203
-Walang silbi ang kutob lang.
-Kaya kailangan ko ang file.
129
00:08:14,043 --> 00:08:16,883
Sabihan mo si Hasan.
Siya ang magdedesisyon.
130
00:08:18,923 --> 00:08:21,563
Sa pahina 27, may plot twist
131
00:08:21,643 --> 00:08:24,163
na interesante. Sana di mo malakdawan.
132
00:08:24,243 --> 00:08:26,563
Babasahin ko bawat pahina. Pangako.
133
00:08:37,803 --> 00:08:39,683
Parating na nga iyon.
134
00:08:40,443 --> 00:08:42,323
Nandiyan na bukas ang bulaklak.
135
00:08:43,963 --> 00:08:46,203
Ma, inorder ko 'yung gusto mong bulaklak.
136
00:08:54,403 --> 00:08:55,603
Ibababa ko na.
137
00:09:03,203 --> 00:09:06,283
Dapat bumili tayo.
May naisip akong tender bid.
138
00:09:07,483 --> 00:09:08,803
Pakibasa ang handbook.
139
00:09:08,883 --> 00:09:10,043
Handbook!
140
00:09:10,123 --> 00:09:12,163
Nakakapag-utos ba ang assistant?
141
00:09:12,243 --> 00:09:17,163
Ayon sa handbook,
sila ang tumatanggap ng utos.
142
00:09:17,243 --> 00:09:19,243
-Shares ng Al-Ra'ee.
-Al-Ra'ee?
143
00:09:19,323 --> 00:09:22,203
-Matagal na iyan.
-Oo, pero may trend dito.
144
00:09:22,283 --> 00:09:25,923
At mukhang mahina ang pandinig mo.
Maglinis ka ng tainga.
145
00:09:28,363 --> 00:09:29,363
Nakausap ko si Saud.
146
00:09:29,443 --> 00:09:32,883
Sabi niya, 'pag may nalaman ako,
sabihin ko sa iyo.
147
00:09:33,603 --> 00:09:34,683
Ano'ng nahanap mo?
148
00:09:39,323 --> 00:09:41,203
-Ugnayan ng presyo ng tupa…
-Shh!
149
00:09:46,483 --> 00:09:49,603
Nakausap mo si Saud
kaya alam mong baka na ang napili.
150
00:09:49,683 --> 00:09:50,763
Wala akong magagawa.
151
00:09:50,843 --> 00:09:53,283
-Dodoble ang kita natin.
-Baka matalo.
152
00:09:53,363 --> 00:09:55,323
-Mapanganib.
-Pataasin natin ang presyo.
153
00:09:55,403 --> 00:09:59,243
Gusto mong lustayin ko
ang pera ng bangko para sa isang kutob!
154
00:09:59,323 --> 00:10:01,283
Ang lakas din ng loob n'yo!
155
00:10:01,363 --> 00:10:05,323
Baguhan kayo, pero gusto n'yo agad
gumawa ng mahahalagang desisyon?
156
00:10:05,843 --> 00:10:08,883
Sa huli, kami ang magdudusa
sa kahihinatnan!
157
00:10:18,203 --> 00:10:19,323
Mannoura?
158
00:10:21,043 --> 00:10:24,563
Mukhang may alam kang
hindi nila alam. Ano iyon?
159
00:10:36,203 --> 00:10:37,163
Wow!
160
00:10:38,163 --> 00:10:40,843
Magaling siyang pumili.
Ang gandang bouquet!
161
00:10:43,883 --> 00:10:45,283
Pero nasaan ang tulips?
162
00:10:50,563 --> 00:10:52,683
-Nojood?
-Ano?
163
00:10:52,763 --> 00:10:54,763
Hindi ba tayo umorder ng tulips?
164
00:10:55,923 --> 00:10:58,243
Hindi. Lilies ang gusto ni Mama.
165
00:10:58,323 --> 00:11:00,763
Hindi, mas gusto niya ang tulips.
166
00:11:02,683 --> 00:11:03,963
Huli na ang lahat.
167
00:11:04,603 --> 00:11:07,603
Nandito na iyang bulaklak.
Ito na lang menu.
168
00:11:10,363 --> 00:11:12,243
-Sige, sandali.
-Tingnan mo.
169
00:11:15,043 --> 00:11:16,883
Ito ang inorder natin.
170
00:11:17,483 --> 00:11:18,563
Ito na iyon?
171
00:11:19,963 --> 00:11:21,043
Makinig ka.
172
00:11:21,603 --> 00:11:23,203
Walang may gusto ng zucchini salad.
173
00:11:23,283 --> 00:11:25,643
-Isang tray na lang iyon.
-Sige.
174
00:11:25,723 --> 00:11:27,683
Pero dagdagan natin ang fattoush.
175
00:11:28,443 --> 00:11:30,243
Pati Um Ali.
176
00:11:30,763 --> 00:11:32,883
Darating din ang pamilya nina Sarah.
177
00:11:33,403 --> 00:11:36,283
-Talaga?
-Oo. Kailangan pa ng panghimagas.
178
00:11:38,403 --> 00:11:40,843
Mabuti na 'yung marami kaysa kakaunti.
179
00:11:40,923 --> 00:11:42,083
Sige.
180
00:11:42,163 --> 00:11:44,363
Ah, 'yung Lapu-lapu nga pala!
181
00:11:45,523 --> 00:11:48,363
'Wag kang tumingin nang ganyan.
Alam kong mahal.
182
00:11:48,883 --> 00:11:50,323
Pero gusto iyon ni Mama.
183
00:11:59,083 --> 00:12:00,923
Lulu Investments!
184
00:12:01,003 --> 00:12:02,883
17,000 ng Lulu sa akin!
185
00:12:02,963 --> 00:12:03,923
Labing-pito?
186
00:12:04,003 --> 00:12:04,843
Oo.
187
00:12:04,923 --> 00:12:07,563
Darwish Foods!
188
00:12:07,643 --> 00:12:10,483
20,000 shares sa halagang 0.25 kada isa!
189
00:12:10,563 --> 00:12:13,083
Isang libong Al-Ra'ee sa akin! Makikiraan.
190
00:12:13,163 --> 00:12:14,443
1,000 ng Al-Ra'ee.
191
00:12:15,043 --> 00:12:17,523
Bigyan siya ng 100,000 ng Al-Ra'ee… Teka.
192
00:12:18,043 --> 00:12:21,083
-Sandaang libo nga ba?
-Hindi, 1,000.
193
00:12:21,163 --> 00:12:23,363
Posible ba naman iyan?
194
00:12:23,883 --> 00:12:27,603
Bibili ba ang Bank of Tomorrow
ng 1,000 shares lang ng Al-Ra'ee?
195
00:12:29,443 --> 00:12:31,243
Para sa akin iyon, Abu Khaled.
196
00:12:39,683 --> 00:12:43,123
Akala ko, inirerepresenta mo ang bangko.
197
00:12:43,203 --> 00:12:45,403
At ang Bank of Tomorow ay di bibili…
198
00:12:45,483 --> 00:12:48,123
Sumunod ka dapat sa mga transaksiyon nito.
199
00:12:48,923 --> 00:12:52,163
Ayaw makinig ng bangko. At ngayon,
inirerepresenta ko ang sarili ko.
200
00:12:52,683 --> 00:12:54,243
Hindi ito tungkol sa pera.
201
00:12:54,763 --> 00:12:57,643
Ito ay para mapatunayan ko ang sarili
at magkakumpiyansa.
202
00:12:58,403 --> 00:13:01,443
Magandang punto iyan. Hanga ako.
203
00:13:01,523 --> 00:13:02,363
Tama ka.
204
00:13:03,163 --> 00:13:06,003
May potensiyal ang Al Ra'ee.
205
00:13:06,523 --> 00:13:09,363
Pero hindi sulit ang 1,000 shares.
206
00:13:09,443 --> 00:13:10,483
Eh di dalawa.
207
00:13:11,883 --> 00:13:13,043
Sige.
208
00:13:13,643 --> 00:13:19,523
Sa presyong iyan, hindi ako makakakuha
kay Amir ng mas mababa sa 3,500 shares.
209
00:13:21,123 --> 00:13:23,323
Kailangan ko ng oras para mabuo iyon.
210
00:13:27,763 --> 00:13:31,203
Sige, 3,200, huling tawad.
Ano sa tingin mo?
211
00:13:32,523 --> 00:13:34,123
Suwerteng numero ko ang 32.
212
00:13:34,203 --> 00:13:36,563
Suwerteng numero nga talaga.
213
00:13:37,683 --> 00:13:39,723
Masayang marinig iyan mula sa iyo.
214
00:13:39,803 --> 00:13:45,643
Pero kailangan mong maibigay ang pera
bago tumunog ang bell sa pagsasara.
215
00:13:49,563 --> 00:13:50,403
Sige.
216
00:13:55,003 --> 00:13:56,603
Farida! Nagugutom ka?
217
00:14:10,923 --> 00:14:12,203
Sa maniwala ka o hindi,
218
00:14:13,363 --> 00:14:16,283
minsan, napapaisip ako sa ginagawa ko.
219
00:14:17,963 --> 00:14:19,203
Naniniwala ako diyan.
220
00:14:20,403 --> 00:14:23,643
Ikaw lang ang makakaintindi sa akin.
Ayaw nila tayong magtagumpay.
221
00:14:23,723 --> 00:14:24,803
Ah!
222
00:14:25,323 --> 00:14:30,563
Wow! Ngayon, gusto mong
magkasama tayong magtagumpay.
223
00:14:31,843 --> 00:14:33,443
Tayo o sila.
224
00:14:36,123 --> 00:14:37,643
Sina Hasan, Walid,
225
00:14:38,763 --> 00:14:39,723
at maging si Khalifa,
226
00:14:40,243 --> 00:14:45,243
pare-pareho lang sila.
Sumusunod sa utos na parang mga tupa.
227
00:14:45,323 --> 00:14:47,923
Akala nila, wala tayong magagawa
nang wala sila.
228
00:14:48,003 --> 00:14:48,923
Tama ka.
229
00:14:49,523 --> 00:14:51,883
Puro ganoon ang mga lalaki sa Exchange.
230
00:14:52,923 --> 00:14:55,523
Ganoong machong mentalidad
ang nagpapatakbo sa mundo.
231
00:14:55,603 --> 00:14:57,243
Patunayan nating mali sila.
232
00:14:58,963 --> 00:14:59,963
Sang-ayon ako.
233
00:15:00,803 --> 00:15:02,243
Ano 'yung sa Al-Ra'ee?
234
00:15:05,243 --> 00:15:10,883
Nakatuon lahat sa presyo ng baka at tupa.
At walang pumapansin sa pagmahal ng baboy.
235
00:15:10,963 --> 00:15:11,803
Ako lang.
236
00:15:12,443 --> 00:15:14,483
Tiningnan ko ang nagbago
sa dalawang taon.
237
00:15:14,563 --> 00:15:17,883
'Pag tumataas ang presyo ng baboy,
kasunod ang tupa.
238
00:15:19,763 --> 00:15:23,203
Sino'ng kumain sa desk ko?
Baboy o baka? Pahawak. Buwisit!
239
00:15:23,283 --> 00:15:26,043
-Mag-focus ka! Seryoso ako!
-Oo nga. Sige lang.
240
00:15:26,123 --> 00:15:28,283
Ibig sabihin, immune ang shares
ng Al-Ra'ee.
241
00:15:28,363 --> 00:15:30,643
Pero hindi binasa ni Hasan ang file.
242
00:15:30,723 --> 00:15:32,243
LINISIN N'YO, "GIRLS"
243
00:15:34,643 --> 00:15:37,403
Sige, hayaan mong mabasa ko muna ang file.
244
00:15:37,483 --> 00:15:41,523
Sige. Pero tumataas ang presyo,
at ayaw nating mapalagpas ito.
245
00:15:43,443 --> 00:15:47,363
Pero paano mo nalamang
sumusunod sa presyo ng baboy ang tupa,
246
00:15:48,163 --> 00:15:49,643
at hindi kabaligtaran?
247
00:15:52,083 --> 00:15:55,563
Sige, subukan mo.
Ikaw mismo ang sumuri sa mga numero.
248
00:15:56,523 --> 00:15:59,083
Co-variance analysis method
ang ginamit ko.
249
00:15:59,883 --> 00:16:01,483
Sinusubukan lang kita.
250
00:16:06,763 --> 00:16:09,323
Nakaupo ka ngayon sa mina ng ginto.
251
00:16:11,083 --> 00:16:13,043
Nakaupo tayo sa mina ng ginto.
252
00:16:16,763 --> 00:16:20,123
Ni wala akong 320 dinar na maisusugal.
253
00:16:20,203 --> 00:16:21,323
At 92 fils.
254
00:16:23,283 --> 00:16:28,683
Farida, ginagarantiya kong hindi bababa
sa 10 porsiyento ang pagtaas ng presyo.
255
00:16:28,763 --> 00:16:31,443
Bakit hindi mo bilhin lahat?
256
00:16:31,523 --> 00:16:36,283
Kasi marami akong nagastos ngayong buwan.
At ang totoo, ayaw ko nang gumastos pa.
257
00:16:36,803 --> 00:16:38,723
At ayaw kong humingi sa magulang ko.
258
00:16:41,523 --> 00:16:43,603
Bakit nga ba ang laki ng gastos ko?
259
00:16:45,763 --> 00:16:47,723
Bilis. Nauubos na ang oras.
260
00:16:55,323 --> 00:16:57,243
Ikaw na rin mismo ang nagsabi.
261
00:16:57,323 --> 00:16:59,803
Kailangan natin ang isa't isa.
Dapat magtulungan tayo.
262
00:17:00,483 --> 00:17:02,283
Gaya na lang ng mga ina natin.
263
00:17:03,123 --> 00:17:05,683
Nagdadamayan sila sa hirap at ginhawa.
264
00:17:05,763 --> 00:17:07,883
Gaya sa kaarawan ni Lola Habiba.
265
00:17:09,083 --> 00:17:11,163
Farida, ikaw dapat ang sandalan ko.
266
00:17:12,163 --> 00:17:14,523
Bakit ka pa nag-party
kung di ka sasayaw?
267
00:17:19,883 --> 00:17:22,683
Nasa Stock Exchange ka,
pero di ka mag-invest.
268
00:17:38,843 --> 00:17:40,843
Mga deposito at withdrawal.
269
00:17:40,923 --> 00:17:44,003
Gaya ng sabi ko, empleyado lang kami rito.
270
00:17:44,083 --> 00:17:46,403
Naglalabas kami ng pera, at nagbabalik.
271
00:17:55,483 --> 00:17:57,203
Kanino galing lahat ng ito?
272
00:17:57,283 --> 00:17:59,003
-Sa akin.
-Sa amin.
273
00:18:00,363 --> 00:18:03,603
Bakit magarbo? Matanda na ako.
274
00:18:04,203 --> 00:18:07,683
Kung katanggap-tanggap ito sa inyo,
sa akin, hindi.
275
00:18:08,203 --> 00:18:09,403
Tanggalin n'yo iyan!
276
00:18:09,483 --> 00:18:11,523
-Lahat.
-Ma, hindi puwede!
277
00:18:11,603 --> 00:18:13,523
-Oo nga.
-Bakit?
278
00:18:15,363 --> 00:18:18,683
Kasi may mga bisita.
Hindi namin ito puwedeng tanggalin.
279
00:18:18,763 --> 00:18:21,683
Ma, nakita n'yo na ang kordero?
Nandito na iyon.
280
00:18:23,083 --> 00:18:28,163
Ah, kung nakabili na kayo ng kordero,
hindi naman natin puwedeng sayangin.
281
00:18:30,163 --> 00:18:31,163
Sige.
282
00:18:31,243 --> 00:18:33,283
Titingnan ko ang ngipin.
283
00:18:52,043 --> 00:18:54,003
Magandang kordero. Gusto ko iyan.
284
00:18:54,563 --> 00:18:56,643
Hindi na kailangang suriin.
285
00:18:57,163 --> 00:18:58,123
Maganda.
286
00:18:59,483 --> 00:19:00,603
-Nakita mo?
-Oo.
287
00:19:00,683 --> 00:19:01,523
Tara.
288
00:19:08,003 --> 00:19:09,403
Binalaan ko na kayo.
289
00:19:09,483 --> 00:19:12,163
Bakit ka ba nag-aabala pa, pare?
290
00:19:12,243 --> 00:19:14,723
Kung determinado silang matalo, hayaan mo.
291
00:19:14,803 --> 00:19:16,603
Kayo ang may gawa niyan.
292
00:19:16,683 --> 00:19:20,683
Kung sigurado kayong matatalo kami,
ibenta n'yo ang Al-Ra'ee shares n'yo.
293
00:19:20,763 --> 00:19:23,843
Magpustahan tayo.
O baka hindi sapat ang pera n'yo.
294
00:19:23,923 --> 00:19:25,403
Ah, may pera kami.
295
00:19:25,483 --> 00:19:28,003
Pero di kami nagbibilang sa harap ng iba.
296
00:19:28,083 --> 00:19:30,923
May mga pamilya kaming sinusuportahan.
297
00:19:31,003 --> 00:19:33,723
Nasa bangko ang pera ko,
kung saan ligtas iyon.
298
00:19:33,803 --> 00:19:36,203
Hindi ko binibilang sa harap ng mga tao.
299
00:19:36,283 --> 00:19:38,923
Farida, ibig sabihin,
tama tayo at mali sila.
300
00:19:43,443 --> 00:19:45,243
Heto ang pusta.
301
00:19:45,923 --> 00:19:48,643
Sa isang kondisyon.
'Yung maganda ang magre-record.
302
00:19:48,723 --> 00:19:52,363
Basahin mo muna ang ulat
para di mo masabing di kita binalaan.
303
00:19:52,443 --> 00:19:53,723
Ayaw ko ng binasa ng babae.
304
00:19:58,243 --> 00:20:01,043
Ito na ang pinakamadaling pustahan.
305
00:20:02,523 --> 00:20:04,163
-Bilisan mo pa.
-Sige.
306
00:20:04,243 --> 00:20:05,763
-Sige na. Magaling.
-Salamat, Ina.
307
00:20:05,843 --> 00:20:08,123
Pagpalain kayo ng Diyos, mga anak.
308
00:20:08,683 --> 00:20:09,723
Lola Habiba!
309
00:20:09,803 --> 00:20:13,283
Aba! Tingnan mo nga naman!
310
00:20:13,363 --> 00:20:15,523
Ang ganda naman.
311
00:20:15,603 --> 00:20:18,203
Napakaganda mo, sweetheart.
312
00:20:18,283 --> 00:20:20,643
Nagmana ako sa iyo, Lola Habiba.
313
00:20:20,723 --> 00:20:24,163
Salamat. Tingnan mo nga naman ang bahay!
314
00:20:24,243 --> 00:20:25,403
Para sa iyo ito.
315
00:20:25,483 --> 00:20:27,203
Tama na ang tungkol sa akin.
316
00:20:27,283 --> 00:20:30,803
Sabihin mo, kumusta ang bagong trabaho mo?
317
00:20:30,883 --> 00:20:33,603
Ipinagmamayabang ka ng ina mo.
318
00:20:35,843 --> 00:20:39,563
Mamaya ko ikukuwento sa iyo lahat.
319
00:20:39,643 --> 00:20:42,323
Sabihin mo, ano'ng maitutulong ko rito?
320
00:20:42,403 --> 00:20:46,163
Tulungan mo na lang silang
ilabas ang mga gamit.
321
00:20:46,243 --> 00:20:49,883
Ang ganda sa labas.
Hindi tayo dapat magkulong dito sa loob.
322
00:20:49,963 --> 00:20:51,963
Lumanghap tayo ng sariwang hangin.
323
00:20:52,043 --> 00:20:54,283
-Tama ka, Lola.
-Okay. Sige na.
324
00:20:54,923 --> 00:20:56,203
Huwag kang mag-alala.
325
00:20:56,723 --> 00:21:01,163
Matutupad kung ano mismo ang gusto mo.
Nandito na ako ngayon.
326
00:21:02,083 --> 00:21:05,043
-Wala kang dapat gawin.
-Pagpalain ka, dear.
327
00:21:05,643 --> 00:21:06,523
Salamat.
328
00:21:08,963 --> 00:21:11,643
-Nasaan si Jude?
-Saan pa nga ba?
329
00:21:11,723 --> 00:21:15,963
Kasama 'yung kordero.
Sabihin mo, amoy tupa na siya.
330
00:21:28,043 --> 00:21:30,563
Jude? Bakit hindi ka tumutulong?
331
00:21:31,443 --> 00:21:32,763
Tumutulong ako.
332
00:21:36,763 --> 00:21:40,763
Sweetie, ayaw kong mapalapit ka diyan
para hindi ka malungkot kapag…
333
00:21:40,843 --> 00:21:42,403
Ano'ng gusto mong gawin ko?
334
00:21:43,923 --> 00:21:45,563
'Wag kang magtaas ng boses.
335
00:21:45,643 --> 00:21:46,963
'Wag ka umastang bata!
336
00:21:47,043 --> 00:21:48,123
Bata ako!
337
00:21:48,843 --> 00:21:51,643
Sige, tatratuhin kitang bata.
Doon ka sa kuwarto!
338
00:21:52,403 --> 00:21:53,243
Pasok!
339
00:22:06,763 --> 00:22:09,923
Hindi namin sila makita.
Walang tao sa bahay.
340
00:22:10,003 --> 00:22:12,523
-Siguro si… Si Mannour.
-Sino?
341
00:22:12,603 --> 00:22:14,323
Ba't di na lang siya pumasok?
342
00:22:14,403 --> 00:22:17,643
-Baka nakakandado.
-Hindi.
343
00:22:21,003 --> 00:22:21,923
Hi!
344
00:22:26,843 --> 00:22:28,323
Nandito ka para tumulong?
345
00:22:28,843 --> 00:22:31,763
Tumulong na ako.
Ako ang bumili ng kordero, di ba?
346
00:22:32,283 --> 00:22:35,763
-Sinusundo ko si Mama.
-Sinasabi ko sa iyo. Si Lola Habiba…
347
00:22:37,043 --> 00:22:39,003
Binaligtad niya itong bahay.
348
00:22:39,083 --> 00:22:42,043
Binago niya lahat ng ginawa
nina Khawlah at Nojood.
349
00:22:42,603 --> 00:22:44,323
Matutuwa kang marinig ito.
350
00:22:44,843 --> 00:22:50,123
Bumili ng shares ng Kuwaiti company na
Al-Ra'ee sina Munira Ahmad at Farida Adib.
351
00:22:50,203 --> 00:22:54,643
Na nag-angat ng presyo ng stock na iyon
sa pinakamataas sa pagsasara kanina.
352
00:22:54,723 --> 00:22:56,723
Ikinagagalak kong maka-deal ka.
353
00:22:59,123 --> 00:23:01,643
-Hello.
-Hi!
354
00:23:03,443 --> 00:23:06,363
Walang ibang diyos maliban kay Allah.
355
00:23:08,283 --> 00:23:12,243
Papuri kay Allah!
Walang ibang diyos maliban kay Allah.
356
00:23:12,323 --> 00:23:14,203
Hello, sweetie.
357
00:23:14,763 --> 00:23:17,603
-Hi, Lola Habiba.
-Dear.
358
00:23:17,683 --> 00:23:20,083
Napakagandang kordero!
359
00:23:20,963 --> 00:23:22,003
Oo.
360
00:23:23,363 --> 00:23:25,443
Alam ko ang nararamdaman mo.
361
00:23:25,523 --> 00:23:27,083
Mahilig din ako sa hayop.
362
00:23:27,643 --> 00:23:31,243
Lalo sa mga kordero.
Malapit sila sa puso ko.
363
00:23:31,763 --> 00:23:33,523
-Alam mo kung bakit?
-Bakit?
364
00:23:33,603 --> 00:23:37,803
Noong maliit pa ako, may kordero ako.
Pinangalanan ko siyang Mahrous.
365
00:23:37,883 --> 00:23:42,443
'Pag may nagtatanong, "Nasaan si Habiba?"
Ang sagot, "Kasama ni Mahrous."
366
00:23:42,523 --> 00:23:45,283
"Nasaan si Mahrous?" "Kasama ni Habiba."
367
00:23:46,003 --> 00:23:49,963
Masasaya ang araw ko kasama si Mahrous.
368
00:23:50,043 --> 00:23:54,843
Hanggang sa isang araw,
gumising ako at hindi ko siya mahanap.
369
00:23:55,803 --> 00:23:56,923
Kinatay nila.
370
00:23:57,003 --> 00:23:58,443
-Diyos ko!
-Oo.
371
00:23:59,043 --> 00:24:01,883
Kinatay nila para sa kasal ng hipag ko.
372
00:24:02,403 --> 00:24:06,483
Sa sama ng loob ko,
umikot ang paningin ko.
373
00:24:06,563 --> 00:24:10,443
Umiyak ako. Sobrang lungkot ko.
Pero wala akong magawa.
374
00:24:10,523 --> 00:24:12,643
Wala na sa kamay ko.
375
00:24:13,283 --> 00:24:15,083
Ganoon ang buhay.
376
00:24:15,643 --> 00:24:19,683
Walang namamatay nang nagawa na nila
lahat ng gusto nilang gawin sa buhay.
377
00:24:20,203 --> 00:24:23,923
Namamatay tayong lahat
nang may hindi natatapos gawin.
378
00:24:24,003 --> 00:24:26,843
Pero nagpapasalamat pa rin tayo sa Diyos.
Ano pa nga ba?
379
00:24:26,923 --> 00:24:28,883
Ganoon ang buhay, anak.
380
00:24:28,963 --> 00:24:31,563
Kailangang harapin. Ano'ng magagawa natin?
381
00:24:44,323 --> 00:24:45,563
Uy, nasaan si Jude?
382
00:24:47,923 --> 00:24:49,483
Natutulog sa kuwarto niya.
383
00:24:50,243 --> 00:24:53,363
Nakakapagtaka. Ilang linggo na siyang
di natutulog sa kuwarto niya.
384
00:24:54,843 --> 00:24:56,163
May gusto ka, Ma?
385
00:24:56,923 --> 00:25:02,163
Oo. Tulungan mo ako
sa gastusin sa party ni Lola Habiba.
386
00:25:05,643 --> 00:25:09,563
-Magkano?
-Mga 200 dinar.
387
00:25:11,123 --> 00:25:12,003
Aba!
388
00:25:12,763 --> 00:25:14,003
Dalawang daang dinar?
389
00:25:14,963 --> 00:25:21,083
-Saan ako kukuha ng ganoong halaga?
-Malaki kasi ang gastos sa mga ganito.
390
00:25:21,803 --> 00:25:22,643
Oo nga.
391
00:25:28,883 --> 00:25:29,963
Alam ba ni Papa?
392
00:25:31,083 --> 00:25:35,323
Ano'ng kinalaman niya rito?
Huwag na siya. Tayo na lang ang bahala.
393
00:25:35,403 --> 00:25:36,643
-Tayo ang bahala.
-Oo.
394
00:25:37,163 --> 00:25:38,163
Tayo ang bahala…
395
00:25:42,323 --> 00:25:46,843
Hindi ka ba puwedeng bigyan
ng kapatid mong si Khawlah ng 200?
396
00:25:46,923 --> 00:25:48,883
Mayaman sila. Magpatulong ka.
397
00:25:48,963 --> 00:25:51,203
Sa tita mo? Madaldal iyon!
398
00:25:51,283 --> 00:25:54,003
Kapag hiningan ko siya,
kahit gaano kaliit,
399
00:25:54,083 --> 00:25:55,643
malalaman ng buong Kuwait.
400
00:25:55,723 --> 00:25:57,763
Hindi, di ko siya hihingan.
401
00:25:57,843 --> 00:26:02,723
Ayos lang. Kung wala ka… Hindi na bale.
Gagawa ako ng paraan. Ayos lang.
402
00:26:22,643 --> 00:26:25,403
Hello? Sorry kung nagising kita.
403
00:26:25,483 --> 00:26:29,763
'Wag ka nang mag-sorry, bilisan mo lang.
Bakit ka tumawag?
404
00:26:29,843 --> 00:26:33,043
May nangyari lang. Kailangan kong
i-withdraw ang pera ko sa Al-Ra'ee.
405
00:26:33,123 --> 00:26:34,403
Ano? Pera mo?
406
00:26:34,483 --> 00:26:36,923
Sweetie, pera natin. Di mo desisyon iyon.
407
00:26:37,003 --> 00:26:39,643
Sa iyo na ang shares mo.
'Yung akin lang ang gusto ko.
408
00:26:39,723 --> 00:26:42,923
Farida, partners na tayo. Hindi ito laro.
409
00:26:43,003 --> 00:26:47,843
Di mo puwedeng kunin basta ang pera mo.
Pera natin iyon, at di ako magwi-withdraw.
410
00:26:47,923 --> 00:26:49,963
Bakit pabago-bago ka ng isip?
411
00:26:50,043 --> 00:26:52,243
Hay, heto na!
412
00:26:52,323 --> 00:26:55,523
Hindi ako nagbago ng isip.
May nangyari, Munira.
413
00:26:55,603 --> 00:26:57,883
May anak ako.
Matanda na ang mga magulang ko.
414
00:26:58,403 --> 00:27:00,003
Di mo naman maiintindihan.
415
00:27:00,083 --> 00:27:02,523
-Katulad ka rin ng ina mo.
-Ano?
416
00:27:02,603 --> 00:27:06,283
-Ano'ng kinalaman niya?
-Hahati raw siya sa gastos sa party.
417
00:27:06,363 --> 00:27:08,963
Ngayon, nagbago ang isip
at may hinihingi pa.
418
00:27:09,043 --> 00:27:11,003
Wala kayong isang salita.
419
00:27:11,083 --> 00:27:13,163
-Pabago-bago ng isip.
-Hindi, honey.
420
00:27:13,243 --> 00:27:17,003
Ina mo ang may hinihingi pa
nang hindi iniisip ang gastos.
421
00:27:17,083 --> 00:27:18,563
Ina mo ang makasarili.
422
00:27:18,643 --> 00:27:20,683
-Mana sa ina.
-Talaga.
423
00:27:20,763 --> 00:27:23,923
Basta ang punto rito, partners tayo.
424
00:27:24,003 --> 00:27:26,603
Di ko iwi-withdraw ang shares ko,
at dapat maghintay ka.
425
00:27:26,683 --> 00:27:31,163
Sige. Tingnan natin ang mangyayari
sa presyo ng baboy bukas.
426
00:27:56,603 --> 00:27:57,603
Magandang umaga.
427
00:27:58,323 --> 00:27:59,723
Aba, ang aga mo.
428
00:27:59,803 --> 00:28:03,483
-Kailangan kong makita ang Chicago files.
-Chicago files?
429
00:28:04,283 --> 00:28:06,763
Sige, kukunin ko ang susi.
430
00:28:08,283 --> 00:28:09,323
Heto.
431
00:28:10,563 --> 00:28:11,603
Tara.
432
00:28:20,283 --> 00:28:21,883
Ito na lahat, 'no?
433
00:28:22,403 --> 00:28:24,683
Iyan na ang lahat ng mayroon tayo.
434
00:28:29,123 --> 00:28:30,483
Ano'ng hinahanap mo?
435
00:28:31,323 --> 00:28:32,963
Pork futures.
436
00:28:33,563 --> 00:28:35,203
Tingnan mo sa line 11 o 12.
437
00:28:49,803 --> 00:28:51,803
Nakakamangha ang interes mo sa baboy.
438
00:29:04,603 --> 00:29:07,043
Tinakot mo ako!
Kabado na nga ako sa bell!
439
00:29:07,843 --> 00:29:10,283
AL-RA'EE
440
00:29:11,323 --> 00:29:12,403
Tara. 'Yung bell!
441
00:29:13,483 --> 00:29:15,923
-Munira!
-Bilis!
442
00:29:16,003 --> 00:29:17,243
-Tumabi kayo!
-Tabi!
443
00:29:17,923 --> 00:29:21,243
-Tingin mo, tataas?
-Tataas iyan.
444
00:29:21,323 --> 00:29:22,763
Hayan na sila. Kita mo?
445
00:29:22,843 --> 00:29:25,043
-Ano na?
-Bumababa.
446
00:29:25,123 --> 00:29:27,683
-Pababa.
-Diyos ko, tulong.
447
00:29:27,763 --> 00:29:29,563
AL-RA'EE
448
00:29:29,643 --> 00:29:31,563
Ayos! Kita n'yo na, girls?
449
00:29:31,643 --> 00:29:34,883
Matuto na kayo sa leksiyong ito,
450
00:29:34,963 --> 00:29:37,963
at 'wag na ang pustahan
para di malaki ang talo n'yo.
451
00:29:44,843 --> 00:29:46,123
-Ayos!
-Ayos!
452
00:29:46,203 --> 00:29:47,043
Ano'ng sabi ko?
453
00:29:47,123 --> 00:29:49,523
May mga tao sa paligid!
454
00:29:54,003 --> 00:29:55,403
-Ayos!
-Ayos!
455
00:29:55,483 --> 00:29:56,843
Laban, Al-Ra'ee, laban!
456
00:29:56,923 --> 00:30:00,563
-Isa lang iyon. Isa lang!
-Tuwang-tuwa na kayo diyan?
457
00:30:05,203 --> 00:30:07,523
Sabi ko sa iyo,
'wag mong awayin si Munira!
458
00:30:07,603 --> 00:30:08,683
Ikaw naman kasi.
459
00:30:09,283 --> 00:30:10,843
Bababa iyan, hindi bale.
460
00:30:10,923 --> 00:30:12,643
Bumaba ka. Baba!
461
00:30:19,403 --> 00:30:20,243
Bababa iyan.
462
00:30:20,323 --> 00:30:24,123
-Ano'ng nangyayari? Bakit ganoon?
-Di ko alam. Pero bababa iyan.
463
00:30:25,763 --> 00:30:27,003
Bumaba ka. Sige na.
464
00:30:27,083 --> 00:30:29,723
Sige pa!
465
00:30:31,683 --> 00:30:33,283
Bumaba ka. Bababa iyan.
466
00:30:33,363 --> 00:30:34,643
Sige na!
467
00:30:35,483 --> 00:30:37,163
-Sige! Ibenta!
-Sige! Ibenta!
468
00:30:37,243 --> 00:30:39,763
Bakit 0.5 lang ang ibinaba?
469
00:30:40,283 --> 00:30:42,323
-0.5 lang ang ibinaba!
-Tama na.
470
00:30:42,403 --> 00:30:45,203
-May mga anak akong pinapakain!
-Bitiwan mo ako!
471
00:30:45,283 --> 00:30:47,363
Hindi ako babahagi sa talo!
472
00:30:48,563 --> 00:30:49,403
Tabi diyan!
473
00:30:49,483 --> 00:30:51,443
Mas magaling ang ulo ko sa iyo!
474
00:30:58,643 --> 00:31:00,003
Sa wakas, unang panalo natin.
475
00:31:00,083 --> 00:31:01,523
At para sa marami pa!
476
00:31:01,603 --> 00:31:03,283
Kita mo na? Sabi ko sa iyo!
477
00:31:04,683 --> 00:31:06,283
Tama ako sa Al-Ra'ee.
478
00:31:07,923 --> 00:31:09,123
-Ms. Munira?
-Ano?
479
00:31:09,203 --> 00:31:10,723
Binabati kita.
480
00:31:11,443 --> 00:31:13,123
-Ms. Farida.
-Salamat sa Diyos.
481
00:31:16,083 --> 00:31:19,283
Iyan ang stock market.
Panalo ang iba, talunan ang iba.
482
00:31:19,363 --> 00:31:22,283
Sa unang round lang kami natalo,
hindi sa giyera.
483
00:31:22,363 --> 00:31:23,763
At parating na ang giyera.
484
00:31:24,443 --> 00:31:26,443
"Panalo ang iba, talunan ang iba."
485
00:31:31,723 --> 00:31:35,123
Farida, sasagutin ko
ang pager ko sa kabilang kuwarto.
486
00:31:35,643 --> 00:31:37,283
Baka may bagong deal tayo.
487
00:31:49,603 --> 00:31:50,643
Nagdiriwang ka?
488
00:31:52,683 --> 00:31:53,523
Nanalo ako.
489
00:31:54,043 --> 00:31:55,003
Magkano?
490
00:31:55,883 --> 00:31:58,723
-Hindi tamang itanong iyon, di ba?
-Hindi tama?
491
00:31:59,243 --> 00:32:01,883
Nasa lugar tayo
kung saan pera lang ang usapan.
492
00:32:01,963 --> 00:32:05,603
Kaya ayos lang iyon.
Alam kong magaling ka at maaasahan.
493
00:32:12,363 --> 00:32:13,923
Alam kong magkalaban tayo.
494
00:32:15,523 --> 00:32:17,603
Pero paano ba kita na-offend?
495
00:32:24,563 --> 00:32:26,643
Hindi, hindi mo ako na-offend.
496
00:32:27,323 --> 00:32:29,923
-Nahirapan lang ako sa simula.
-Ganoon lahat.
497
00:32:30,003 --> 00:32:31,003
Hindi ah.
498
00:32:31,083 --> 00:32:33,723
Mas madali sa iyo
kumpara sa maraming di tumagal dito.
499
00:32:33,803 --> 00:32:36,363
Sinasabi mo bang
gaya ako ng matatanda dito?
500
00:32:36,443 --> 00:32:37,923
Hindi.
501
00:32:41,083 --> 00:32:42,323
Sa totoo lang,
502
00:32:42,403 --> 00:32:45,203
parang ang tanda ko na,
kahit 32 pa lang ako.
503
00:32:45,283 --> 00:32:47,523
Tatlumpu't dalawa? '50s ka isinilang?
504
00:32:47,603 --> 00:32:48,763
Oo.
505
00:32:48,843 --> 00:32:52,403
Nakita mo pa ang mga bahay
na gawa sa laryo at ang pag-iigib!
506
00:32:53,243 --> 00:32:54,603
Kailan ka isinilang?
507
00:32:54,683 --> 00:32:57,363
Mas bata ako sa iyo.
Isinilang ako noong '60s.
508
00:32:57,443 --> 00:33:00,163
Bitbit ka ng mama mo
sa trabaho sakay ng stroller?
509
00:33:02,963 --> 00:33:05,323
Alam mo? Kung puwede, gagawin niya iyon.
510
00:33:07,803 --> 00:33:10,563
Tama, sobrang spoiled ng mga batang '60s.
511
00:33:26,883 --> 00:33:29,083
Naaawa ako kay Jude.
512
00:33:29,643 --> 00:33:31,563
Nasasaktan siya at nalulungkot.
513
00:33:32,163 --> 00:33:35,403
Bata siya. Sumasama ang loob niya
sa maliliit na bagay.
514
00:33:35,483 --> 00:33:40,723
Pero 'wag kang mag-alala.
Gaya ng sinasabi n'yong mga bata ngayon,
515
00:33:41,243 --> 00:33:42,723
"Aayusin ko para sa iyo."
516
00:33:42,803 --> 00:33:44,883
-Salamat, Ina.
-Sige.
517
00:33:44,963 --> 00:33:46,923
-Pagpalain ka.
-Pagpalain ka.
518
00:33:47,003 --> 00:33:48,003
Salamat, Ina ko.
519
00:33:48,683 --> 00:33:51,243
Ah, hello, anak.
520
00:33:51,323 --> 00:33:54,363
Ang maganda kong apo!
521
00:33:57,123 --> 00:33:58,923
Bakit ka malungkot?
522
00:33:59,003 --> 00:34:03,163
Ganyan ang buhay.
Minsan nananalo, minsan natatalo.
523
00:34:08,243 --> 00:34:09,843
Hello? Hi, Ma.
524
00:34:09,923 --> 00:34:13,043
-Kumusta ang pagpaplano?
-Patapos na.
525
00:34:13,123 --> 00:34:17,403
Mabuti. Mabilis lang ito.
Tungkol sa gastusin sa party.
526
00:34:18,883 --> 00:34:22,443
Ano ba, Farida?
Akala ko, tapos na tayo diyan?
527
00:34:22,523 --> 00:34:24,323
Ibibigay ko mamaya ang pera.
528
00:34:24,403 --> 00:34:27,123
Mabuti. Salamat, sweetie.
529
00:34:27,203 --> 00:34:29,003
Magpahatid ka kay Munira.
530
00:34:29,083 --> 00:34:31,963
May binibili ang ama mo at si Roshen.
531
00:34:32,043 --> 00:34:35,843
Sige, walang problema. Ibababa ko na.
Sa bahay na lang. Paalam.
532
00:34:37,923 --> 00:34:40,123
Nasaan sila? Mabilisan magtrabaho?
533
00:34:41,603 --> 00:34:45,683
Naninigarilyo sina Hasan at Walid.
Nasa archives naman si Munira.
534
00:34:45,763 --> 00:34:48,123
-Binabati ko kayo sa Al-Ra'ee.
-Salamat.
535
00:34:48,763 --> 00:34:50,603
Ah, kulang ang cufflink mo.
536
00:34:53,443 --> 00:34:55,923
Buwisit na cufflink! May pin ka kaya?
537
00:34:56,643 --> 00:34:57,483
Oo.
538
00:34:59,603 --> 00:35:01,443
-Heto.
-Puwede na ito.
539
00:35:03,243 --> 00:35:05,563
Magpahinga ka. Huwag mong sagarin.
540
00:35:06,683 --> 00:35:09,203
Minsan, maraming nahihita
sa kaunting gawa.
541
00:35:09,283 --> 00:35:11,203
Pero ang mahalaga, ikaw.
542
00:35:11,283 --> 00:35:14,483
Huwag mong papagurin ang sarili.
Magpahinga ka.
543
00:35:16,083 --> 00:35:17,043
Salamat.
544
00:35:45,243 --> 00:35:49,243
Di ko alam paano ko nagawang isugal
ang suweldo ko para sa 180 dinar.
545
00:35:49,323 --> 00:35:51,123
-At 800 fils!
-At 800 fils!
546
00:35:51,203 --> 00:35:53,683
Di ko alam kung paano mo ako nakumbinsi.
547
00:35:53,763 --> 00:35:56,643
Para namang may awtoridad ako.
Drama queen ka.
548
00:35:56,723 --> 00:35:58,163
Ako? Drama queen?
549
00:35:59,563 --> 00:36:02,683
Alam mo bakit ko binili 'yung shares?
Para patunayang kaya ko.
550
00:36:02,763 --> 00:36:05,363
Sinamahan mo ako dahil alam mong tama ako.
551
00:36:05,443 --> 00:36:07,603
Si Lola Habiba ang naisip ko kanina.
552
00:36:08,123 --> 00:36:12,323
Kung may ganoon siyang pera noon,
ano kayang ginawa niya?
553
00:36:12,923 --> 00:36:16,843
Wala siyang karapatang gumastos.
Kahit ganoon, malakas siya.
554
00:36:16,923 --> 00:36:18,523
At mana tayo sa kanya.
555
00:36:20,683 --> 00:36:22,483
Isang natutunan ko kay Omar.
556
00:36:23,003 --> 00:36:26,843
Tuloy-tuloy lang ang buhay.
Hindi iyon naghihintay sa sinuman.
557
00:36:27,723 --> 00:36:29,163
Kaya sumugal ako.
558
00:36:29,243 --> 00:36:32,963
Ang totoo, ayaw kong pagsisihan
pagtanda ang mga pinalampas ko.
559
00:36:49,003 --> 00:36:51,683
Buwisit na cufflink! May pin ka kaya?
560
00:36:53,003 --> 00:36:56,563
Farida, sasagutin ko
ang pager ko sa kabilang kuwarto.
561
00:37:01,603 --> 00:37:04,083
-Ang ganda ng lahat.
-Alam ko.
562
00:37:04,163 --> 00:37:07,203
-Maligayang kaarawan, kapatid.
-Salamat.
563
00:37:07,283 --> 00:37:10,323
-Nawa'y mahaba pa ang buhay mo.
-Pagpalain ka.
564
00:37:10,403 --> 00:37:12,923
-Hi, sweetie.
-Hi.
565
00:37:13,643 --> 00:37:15,723
Makinig ka, Ghaneema.
566
00:37:16,323 --> 00:37:18,723
Wala akong ginastos ni isang sentimo.
567
00:37:18,803 --> 00:37:22,763
Ang mga anak ko, pagpalain sila,
ang nagbayad ng lahat.
568
00:37:22,843 --> 00:37:25,323
-Kahit bombilya.
-Dapat lang iyon, Ma.
569
00:37:25,403 --> 00:37:29,083
At mga apo ko ang dalawang ito.
570
00:37:29,163 --> 00:37:31,523
Batiin n'yo si Tiya Ghaneema.
571
00:37:31,603 --> 00:37:33,763
-Hello, girls.
-Matalik kong kaibigan.
572
00:37:33,843 --> 00:37:36,203
Para silang pinagbiyak na bunga.
573
00:37:36,283 --> 00:37:39,043
Nagtatrabaho sila sa Stock Exchange.
Pagpalain sila.
574
00:37:39,723 --> 00:37:40,683
Makinig ka.
575
00:37:41,643 --> 00:37:45,843
Kailan mo huling narinig
na pinuri tayo ni Mama nang ganyan?
576
00:37:47,203 --> 00:37:49,163
Sa totoo lang, hindi ko maalala.
577
00:37:50,883 --> 00:37:53,963
Lumalambot na kaya siya
dahil sa katandaan?
578
00:37:54,043 --> 00:37:55,083
Siguro.
579
00:37:57,083 --> 00:37:57,923
Ikaw!
580
00:37:58,523 --> 00:38:01,083
Tingnan mo ang anak mo.
Umiinom ng lemonade.
581
00:38:01,163 --> 00:38:02,763
Di iyon maganda sa kanya!
582
00:38:02,843 --> 00:38:04,643
Ipagtimpla mo ng mainit!
583
00:38:04,723 --> 00:38:07,083
Ilayo mo sa kanya 'yung baso! Sige na!
584
00:38:15,243 --> 00:38:16,083
Juju?
585
00:38:17,643 --> 00:38:21,683
-Di ka pa kumakain. Ano'ng gusto mo?
-Wala. Ayaw kong kumain.
586
00:38:23,563 --> 00:38:24,763
Uy, ano'ng problema?
587
00:38:25,283 --> 00:38:26,803
Ang putla mo.
588
00:38:28,803 --> 00:38:30,403
May problema ka ba?
589
00:38:31,683 --> 00:38:33,883
Sabihin mo. May nanggugulo ba sa iyo?
590
00:38:44,043 --> 00:38:45,043
Oo, sige.
591
00:38:49,843 --> 00:38:52,203
Tara kaya sumayaw?
592
00:38:53,363 --> 00:38:54,683
Ayaw ko.
593
00:38:58,483 --> 00:39:02,163
Sige na, sweetie.
Ika-80 kaarawan ni Lola Habiba.
594
00:39:02,243 --> 00:39:05,603
Walumpu na siya. Big deal ito.
Dapat pasayahin natin siya.
595
00:39:05,683 --> 00:39:07,243
Ibang tao ang iniisip mo?
596
00:39:08,963 --> 00:39:09,803
Ano?
597
00:39:10,963 --> 00:39:13,203
Isinuko ko na ang lahat.
598
00:39:13,963 --> 00:39:17,683
Ang bahay natin,
mga kaibigan ko, eskuwelahan ko.
599
00:39:17,763 --> 00:39:19,643
Pati 'yung kordero, isinuko ko.
600
00:39:26,123 --> 00:39:27,443
Ano ba'ng sinasabi mo?
601
00:39:28,363 --> 00:39:31,203
Ikaw ang pinakamahalaga sa akin sa mundo!
602
00:39:31,283 --> 00:39:34,683
Sino ba ang mas hihigit pa?
Nababaliw ka ba?
603
00:39:38,083 --> 00:39:39,883
Tama na, Ma. Ayos lang…
604
00:39:41,723 --> 00:39:42,683
Oo, sige.
605
00:39:44,643 --> 00:39:46,563
Ma, sige na. Punta ka na.
606
00:41:13,723 --> 00:41:16,643
Dalaga na ang anak mo.
Bakit di mo sinabi sa akin?
607
00:41:17,163 --> 00:41:18,003
Ano?
608
00:47:27,283 --> 00:47:32,283
Tagapagsalin ng Subtitle:
Moonnette Maranan