1
00:00:12,080 --> 00:00:14,360
Itong malalaking estruktura sa Amazon...
2
00:00:16,000 --> 00:00:18,320
ay nagpapahiwatig ng pagsisikap ng tao.
3
00:00:21,560 --> 00:00:24,160
Pero gaano ba sila karami?
4
00:00:27,400 --> 00:00:29,080
Sabihin mo'ng natuklasan mo.
5
00:00:29,600 --> 00:00:31,520
- Nakikita mo 'yong mga puno?
- Oo.
6
00:00:31,520 --> 00:00:34,600
- Ngayon naman, 'yong lupa.
- Tatanggalin natin.
7
00:00:34,600 --> 00:00:35,800
Wow.
8
00:00:35,800 --> 00:00:38,000
- Wow.
- Pambihira.
9
00:00:42,320 --> 00:00:46,360
Siyam na bagong geoglyph ang nakita
ni Professor Pärssinen at ng team
10
00:00:46,360 --> 00:00:48,560
na nakatago sa ilalim ng kagubatan.
11
00:00:54,160 --> 00:00:57,600
Meron tayo ritong octagon.
12
00:00:58,240 --> 00:01:01,840
Nasa 100 metro itong octagon na 'to.
13
00:01:01,840 --> 00:01:04,000
- 100 metro ang diameter.
- Diameter.
14
00:01:04,000 --> 00:01:08,280
Pambihira. At walang nakakaalam nito
hanggang sa makita ng LiDAR mo.
15
00:01:08,280 --> 00:01:09,720
Walang nakakaalam nito.
16
00:01:09,720 --> 00:01:12,840
Oo. Kahanga-hanga 'yong maipapakita
ng technology na 'to.
17
00:01:12,840 --> 00:01:15,200
Tingnan natin 'tong nasa ibabaw.
18
00:01:18,440 --> 00:01:20,760
Halos maglapat ang dalawang ito
19
00:01:20,760 --> 00:01:25,720
at tila konektado,
marahil sa iba pang mga lugar.
20
00:01:27,480 --> 00:01:31,080
Kalsada ito na may dike
sa magkabilang gilid.
21
00:01:31,080 --> 00:01:32,840
- Sinaunang kalsada?
- Oo.
22
00:01:32,840 --> 00:01:35,360
Papunta sa malaking dike.
23
00:01:35,360 --> 00:01:37,120
- Oo.
- Napakaganda.
24
00:01:38,480 --> 00:01:42,480
Kung ginawa ang mga geoglyph na ito
kasabay ng iba pang nasa malapit,
25
00:01:42,480 --> 00:01:46,400
indikasyon ang mga kalsada na nagkaroon
ng organisadong sibilisasyon dito
26
00:01:47,640 --> 00:01:50,400
na di bababa
sa 2,500 taon na ang nakalipas.
27
00:01:52,440 --> 00:01:56,360
At may ebidensiya na maaaring namuhay sila
nang matagal na panahon.
28
00:01:58,160 --> 00:02:03,160
Natuklasan namin na marami
sa mga lugar na ito ay ginawa
29
00:02:03,160 --> 00:02:04,840
may 10,000 taon na.
30
00:02:06,040 --> 00:02:08,240
NAKALIPAS NA 2,500 TAON
31
00:02:08,240 --> 00:02:13,120
Di namin makumpirma kung ang mga ito ba
ay kinumpuning mga naunang geoglyph.
32
00:02:14,000 --> 00:02:17,720
Pero ang alam namin
ay nagkaroon ng mga tao sa lugar na 'yon.
33
00:02:17,720 --> 00:02:21,720
At ang ebidensiyang 'yon
ay nasa higit 10,000 taon na ang nakalipas
34
00:02:21,720 --> 00:02:24,360
at inilalapit tayo
sa katapusan ng huling Ice Age.
35
00:02:25,840 --> 00:02:27,520
Gaano pa man sila katagal,
36
00:02:27,520 --> 00:02:30,840
talagang kahanga-hanga
'yong lawak ng operasyon.
37
00:02:32,400 --> 00:02:34,000
Kaya ang tanong,
38
00:02:34,000 --> 00:02:36,120
ilang tao ang makakagawa nito?
39
00:02:36,880 --> 00:02:39,560
Nasa daan-daang libo.
40
00:02:39,560 --> 00:02:42,160
Oo. Daan-daang libong mga residente.
41
00:02:42,760 --> 00:02:43,720
Kahanga-hanga.
42
00:02:45,240 --> 00:02:47,480
Hindi sinasabi ni Professor Pärsinnen
43
00:02:47,480 --> 00:02:50,680
na lahat ng mga taong 'yon
ang gumawa sa mga geoglyph.
44
00:02:51,280 --> 00:02:55,760
Pero nasa gano'ng karami
ang siguradong matagal na nanirahan dito
45
00:02:55,760 --> 00:02:59,640
para masuportahan
ang kinakailangang dami ng manggagawa.
46
00:03:03,680 --> 00:03:05,960
Malapit sa mga lantad na mga geoglyph,
47
00:03:05,960 --> 00:03:09,680
nakakahanap pa ang team
ng mga geoglyph na di alam ninuman.
48
00:03:09,680 --> 00:03:13,120
Ano pa kaya ang matutuklasan namin
49
00:03:13,120 --> 00:03:16,440
pag pumasok sa daan-daang milya
ng masukal na kagubatan?
50
00:03:18,720 --> 00:03:23,320
Talagang binago nito
'yong kaalaman natin tungkol sa Amazonia.
51
00:03:23,320 --> 00:03:28,040
Malaking phenomenon ang kaharap natin,
na babago sa kasaysayan ng Americas
52
00:03:28,040 --> 00:03:30,120
at babago sa kasaysayan ng mundo.
53
00:03:58,680 --> 00:04:03,480
Hindi natin maisasalaysay
ang kuwento ng Americas
54
00:04:03,480 --> 00:04:08,840
hangga't wala tayong mas malawak
na kaalaman sa nangyayari sa Amazon,
55
00:04:11,080 --> 00:04:16,080
hindi sa nakalipas na 1,000 taon,
kundi 10,000, 20,000, 30,000 taon.
56
00:04:18,840 --> 00:04:20,120
Kailangan nating umatras pa.
57
00:04:20,120 --> 00:04:23,800
Hindi tayo dapat maging sarado
sa mga posibilidad na ito.
58
00:04:27,800 --> 00:04:31,120
At may ebidensiya
ng mas malalim na kasaysayang 'yon
59
00:04:31,120 --> 00:04:33,800
1,600 kilometro
sa hilagang-silangan ng Acre.
60
00:04:36,000 --> 00:04:40,320
Nagpunta ako sa Monte Alegre National Park
sa hilagang baybayin ng Amazon.
61
00:04:45,280 --> 00:04:49,280
Bagama't patag ang halos buong
Amazon basin at balot ng mga puno,
62
00:04:50,960 --> 00:04:55,760
dito, nangingibabaw sa mga puno
ang mga naglalakihang mga bato.
63
00:04:57,440 --> 00:05:01,040
Ang archeologist at anthropologist
na si Dr. Christopher Davis
64
00:05:01,040 --> 00:05:05,480
ay ilang taon nang sinasaliksik
ang posibleng makapagbabago sa kasaysayan
65
00:05:05,480 --> 00:05:07,560
na nasa itaas ng mga batong ito.
66
00:05:13,800 --> 00:05:15,680
Ito ang Serra do Paituna,
67
00:05:18,040 --> 00:05:19,800
burol ng Blackwater Lake...
68
00:05:23,480 --> 00:05:25,960
mataas at mabatong bangin na pinalamutian
69
00:05:25,960 --> 00:05:28,800
ng mga tila sinaunang guhit-kamay.
70
00:05:39,200 --> 00:05:40,880
Salamat sa paggabay.
71
00:05:45,520 --> 00:05:50,440
Napaliligiran tayo rito
nitong magagandang art.
72
00:05:50,440 --> 00:05:53,880
Ano ang nag-udyok sa 'yo
sa pagsasaliksik na ito?
73
00:05:53,880 --> 00:05:57,560
{\an8}Nagsimula ako ng archeology
bilang college student.
74
00:05:57,560 --> 00:06:01,000
At hindi ko alam
na may rock art sa Americas.
75
00:06:01,760 --> 00:06:03,800
At nagulat ako.
76
00:06:06,680 --> 00:06:09,400
Ang mga imahe
ay tinatawag na mga pictograph.
77
00:06:13,640 --> 00:06:15,400
Napakasimple lang ng ilan.
78
00:06:15,400 --> 00:06:18,040
Siguro ahas na gumagapang sa bato.
79
00:06:19,920 --> 00:06:23,240
Ang iba naman
ay may mga mas komplikadong pattern.
80
00:06:26,680 --> 00:06:30,160
Ang malaking tanong
ay kailan ipininta ang mga ito?
81
00:06:33,800 --> 00:06:35,840
Di matukoy ang petsa ng mismong mga art.
82
00:06:36,360 --> 00:06:39,720
Kaya naghanap si Dr. Davis at team niya
ng iba pang ebidensiya.
83
00:06:40,960 --> 00:06:43,920
Ano'ng ginamit n'yong basehan
para malaman ang edad nitong lugar?
84
00:06:43,920 --> 00:06:46,320
Base sa mga hinukay namin sa likod.
85
00:06:48,120 --> 00:06:51,000
May mga piraso ng carbonated wood,
86
00:06:51,000 --> 00:06:53,800
palm wood 'yong karamihan,
carbonated na binhi.
87
00:06:53,800 --> 00:06:56,440
May nakita rin kaming ebidensiya ng apoy.
88
00:06:58,000 --> 00:07:00,320
Talagang kagulat-gulat ang mga resulta.
89
00:07:03,040 --> 00:07:05,080
Ayon sa radiocarbon dating,
90
00:07:05,080 --> 00:07:09,840
nasa 13,200 taon bago ang kasalukuyan
ang pinakamatagal na date na nakuha namin.
91
00:07:09,840 --> 00:07:11,280
Kahanga-hanga.
92
00:07:12,200 --> 00:07:13,760
KASALUKUYAN
93
00:07:13,760 --> 00:07:16,640
Mula sa nakalipas na 13,000 taon...
94
00:07:16,640 --> 00:07:18,160
NAKALIPAS NA 13,200 TAON
95
00:07:18,160 --> 00:07:20,320
...nasa harap natin
ang mga pinakalumang artwork
96
00:07:20,320 --> 00:07:22,480
na matatagpuan sa buong Americas.
97
00:07:28,640 --> 00:07:32,040
Mga artwork na nilikha
noong huling Ice Age.
98
00:07:32,880 --> 00:07:36,680
Mula sa mga tao, sabi sa amin,
na bigla na lang lumitaw rito
99
00:07:37,320 --> 00:07:39,160
sa kagubatan ng Amazon.
100
00:07:42,480 --> 00:07:44,720
Maiisip mo, libo-libong taon na,
101
00:07:44,720 --> 00:07:46,800
mas malinaw 'to noon, mas makulay.
102
00:07:54,640 --> 00:07:57,960
Ipininta ang mga imahe
gamit ang pula at dilaw na ocher
103
00:07:58,560 --> 00:08:01,720
at tila may inihalo para tumagal sila.
104
00:08:05,800 --> 00:08:08,320
Nag-eksperimento ako
kung saan kukuha ka ng ocher
105
00:08:08,320 --> 00:08:11,040
at ipipinta mo sa bato, pero nabubura.
106
00:08:11,040 --> 00:08:12,560
Oo. Dapat may binder.
107
00:08:12,560 --> 00:08:15,000
Dapat may binder, 'yong magandang klase.
108
00:08:15,000 --> 00:08:17,880
Suspetsa namin,
hinaluan nila ng resin ng puno,
109
00:08:17,880 --> 00:08:22,040
at namuo na parang amber 'yong resin
pero medyo transparent.
110
00:08:22,040 --> 00:08:25,320
Ibig sabihin, 'yong mga gumawa
ng mga painting na 'to,
111
00:08:25,320 --> 00:08:29,160
unang-una, sanay na silang gumawa
ng mga ganitong painting.
112
00:08:29,160 --> 00:08:32,320
At natutunan nila
kung pa'no di mabura 'yong pintura.
113
00:08:32,320 --> 00:08:37,400
Tama. At bukod do'n, ipinapakita rin
'yong preparasyon at panahon.
114
00:08:40,520 --> 00:08:44,200
Ang nakatawag ng pansin ko
ay ang maraming bakas ng mga kamay...
115
00:08:48,200 --> 00:08:53,120
na ipinakita ang pakikipag-ugnayan ng tao
gamit ang mga bakas ng kamay sa rock art.
116
00:08:55,000 --> 00:08:59,960
Para bang hinahawakan nila 'yong pader,
117
00:08:59,960 --> 00:09:04,960
at mula sa pader, hinahawakan tayo,
nagbibigay ng mensahe sa hinaharap.
118
00:09:13,080 --> 00:09:16,560
{\an8}Marami pang Paleolithic art
ang natagpuan sa Western Amazon.
119
00:09:17,560 --> 00:09:20,360
Gaya nitong mural
sa kagubatan ng Colombia,
120
00:09:20,360 --> 00:09:25,120
kung saan ipinapakita ang mga tao
nitong 12,600 taong gulang na imahe
121
00:09:25,120 --> 00:09:28,200
kasama ang tila mga nilalang
noong Ice Age.
122
00:09:31,040 --> 00:09:35,000
{\an8}Nakikita natin ngayon ang pagsasalarawan
ng pagsasama ng mga tao
123
00:09:35,000 --> 00:09:38,040
at ng matagal nang naubos
na Ice Age megafauna.
124
00:09:40,280 --> 00:09:44,960
{\an8}At sa silangan ng Amazon, iniaatras pa
ng mga painting na ito ang petsa
125
00:09:45,600 --> 00:09:48,040
sa higit 25,000 taong nakalipas.
126
00:09:48,040 --> 00:09:51,120
NAKALIPAS NA 25,000 TAON
127
00:09:51,120 --> 00:09:55,480
Ibig sabihin, 2,000 taon
bago pa maglakad ang mga mangangaso
128
00:09:55,480 --> 00:09:57,480
sa White Sands ng New Mexico,
129
00:09:58,400 --> 00:10:02,320
may ibang mga taong naninirahan na
sa kagubatan ng South America
130
00:10:02,320 --> 00:10:04,400
na gumagawa ng art na tulad nito.
131
00:10:04,920 --> 00:10:06,720
At napakarami.
132
00:10:10,840 --> 00:10:13,280
Magbubukas ito ng pananaliksik
133
00:10:13,280 --> 00:10:17,120
sa kung ano ang maaaring ginagawa
ng mga taong 'yon sa Americas
134
00:10:17,120 --> 00:10:19,280
sa nakalipas na libo-libong taon
135
00:10:19,280 --> 00:10:22,920
na hindi inakala ng mga archeologist
na may mga tao na ro'n.
136
00:10:26,400 --> 00:10:30,400
Sa Serra do Paituna,
isang bagay ang sigurado si Dr. Davis.
137
00:10:32,160 --> 00:10:35,400
Kung sinuman sila
at kung anuman ang ginagawa nila,
138
00:10:35,400 --> 00:10:38,920
biglang tumigil
'yong mga nagpipinta sa mga bato.
139
00:10:40,000 --> 00:10:43,120
'Yong mga unang tao
na nasa rehiyong 'to, narito sila,
140
00:10:43,120 --> 00:10:46,840
ginagawa nila 'yong art,
tapos makalipas ang 12,700 taon,
141
00:10:46,840 --> 00:10:47,840
nawala sila.
142
00:10:47,840 --> 00:10:50,600
Inabandona ba 'yong lugar
no'ng panahong 'yon?
143
00:10:50,600 --> 00:10:51,920
Mukhang gano'n nga.
144
00:10:51,920 --> 00:10:54,080
Nang matagal. Mga libong taon.
145
00:10:54,080 --> 00:10:58,960
Para sa 'kin, napakahalagang date
no'ng nakalipas na 12,700 taon.
146
00:10:58,960 --> 00:11:00,240
NAKALIPAS NA 12,700 TAON
147
00:11:00,240 --> 00:11:02,760
Laging may margin of error sa mga petsa.
148
00:11:03,400 --> 00:11:08,360
Pero napakalapit no'n
sa umpisa ng Younger Dryas.
149
00:11:08,360 --> 00:11:10,680
Di ko maiwasang isipin
kung may koneksiyon 'yon.
150
00:11:13,160 --> 00:11:16,160
Noong panahong 'yon,
biglang bumaba ang temperatura,
151
00:11:17,280 --> 00:11:20,800
habang di inaasahan,
nagkaroon ng sunog sa buong planeta.
152
00:11:22,880 --> 00:11:24,560
Tumaas ang lebel ng dagat.
153
00:11:32,640 --> 00:11:35,800
Naririnig natin ang mga alingawngaw
ng mapaminsalang panahong ito
154
00:11:38,720 --> 00:11:40,920
sa mga tradisyon ng Amazonia.
155
00:11:43,840 --> 00:11:47,240
Napakaraming alamat
tungkol sa isang sinaunang kalamidad
156
00:11:47,240 --> 00:11:49,800
na ikinukuwento pa rin sa buong Amazon.
157
00:11:49,800 --> 00:11:53,120
At may isa na talagang
nakatawag ng aking pansin.
158
00:11:57,680 --> 00:12:00,400
Ayon sa mga katutubong Tiriyó,
159
00:12:00,400 --> 00:12:03,800
noong unang panahon, nagbabala
ang mga espiritu ng langit sa isang shaman
160
00:12:03,800 --> 00:12:06,480
na magkakaroon ng isang malaking baha,
161
00:12:06,480 --> 00:12:08,920
parusa para sa mga kasamaan ng mga tao.
162
00:12:10,440 --> 00:12:14,840
May mga nakinig sa kanyang babala
at lumikas sa tuktok ng Mount Kantani.
163
00:12:18,400 --> 00:12:20,720
Pero namatay ang karamihan sa delubyo.
164
00:12:22,040 --> 00:12:27,400
Kalaunan, humupa ang baha,
at nakapagsimula ulit ang mga nakaligtas.
165
00:12:33,400 --> 00:12:36,960
Tradisyon ito sa buong mundo.
Nagkaroon ng golden age.
166
00:12:36,960 --> 00:12:41,040
Nagkaroon ng panahon na namuhay
ang mga tao nang may pagkakaisa.
167
00:12:41,040 --> 00:12:43,960
Pero bumagsak ito
mula sa mataas na pamantayan,
168
00:12:43,960 --> 00:12:47,760
at pinarusahan ng malaking baha,
na may pandaigdigang pinsala,
169
00:12:47,760 --> 00:12:49,920
na bumura dito sa balat ng lupa.
170
00:12:51,520 --> 00:12:56,120
Hindi nagkataon lang ang pagkalat
sa buong mundo ng alamat na ito.
171
00:12:57,120 --> 00:13:01,920
Naniniwala akong itong mga kuwentong ito
ay ang mga huling natitirang alaala natin
172
00:13:01,920 --> 00:13:05,000
ng mga totoong pangyayari
na naganap sa buong mundo
173
00:13:05,000 --> 00:13:06,920
sa pagtatapos ng Ice Age,
174
00:13:06,920 --> 00:13:09,040
sa panahon ng mga kalamidad
175
00:13:09,040 --> 00:13:11,560
na tinatawag naming Ancient Apocalypse.
176
00:13:27,680 --> 00:13:29,840
Parami nang parami 'yong ebidensiya
177
00:13:29,840 --> 00:13:33,800
na tinamaan
ng mga tipak ng comet ang Earth.
178
00:13:33,800 --> 00:13:37,600
At ang argumento
ay dahil sa napakaraming tama
179
00:13:37,600 --> 00:13:43,480
ng mga tipak ng comet
kaya nagsimula ang Younger Dryas
180
00:13:43,480 --> 00:13:45,280
12,800 taon na ang nakalipas.
181
00:13:53,520 --> 00:13:56,120
Isa itong idea
na lagi naming naeengkuwentro,
182
00:13:56,120 --> 00:13:59,160
ang Younger Dryas Impact Hypothesis.
183
00:14:01,240 --> 00:14:04,240
{\an8}Sa parehong Southern
at Northern Hemisphere,
184
00:14:04,240 --> 00:14:07,440
{\an8}natuklasan ng mga scientist
ang mga itim na matte layer tulad nito,
185
00:14:07,440 --> 00:14:10,720
{\an8}na may mga bakas
ng nanodiamonds, platinum, at iridium,
186
00:14:10,720 --> 00:14:13,800
na nagpapahiwatig
na may naging pagsabog sa malapit.
187
00:14:14,840 --> 00:14:18,160
Pero dito sa Amazon,
maaaring may iba pang mga ebidensiya
188
00:14:18,160 --> 00:14:20,160
na nakaukit sa mga pader na ito.
189
00:14:25,520 --> 00:14:28,080
Meron ditong ilang imahe ng mga comet,
190
00:14:28,080 --> 00:14:30,160
pero sa isang bato,
191
00:14:30,160 --> 00:14:36,080
may isang comet
na paangat 'yong direksiyon.
192
00:14:36,080 --> 00:14:38,800
- Pababa 'yong buntot. Paangat 'yong ulo.
- Oo.
193
00:14:39,320 --> 00:14:42,440
Sa ibabaw ng imahe ng comet
ay painting ng araw.
194
00:14:44,000 --> 00:14:46,000
At kataka-taka 'to no'ng nakita ko
195
00:14:46,000 --> 00:14:49,520
dahil kadalasan, di ka makakakita ng comet
hangga't di pa lumubog 'yong araw.
196
00:14:50,680 --> 00:14:54,800
Madaling matukoy ang karamihan
sa mga comet dahil sa mga buntot nila,
197
00:14:54,800 --> 00:14:59,560
na kadalasang nakikita lang sa ibabaw
ng palubog na araw habang palayo ito rito.
198
00:15:00,400 --> 00:15:05,200
Imposibleng makakita ng isang comet
sa ilalim ng araw habang maliwanag pa.
199
00:15:07,880 --> 00:15:11,840
Kaya naisip ko, kailan ka posibleng
makakakita ng paangat na comet
200
00:15:11,840 --> 00:15:13,400
bago lumubog 'yong araw?
201
00:15:13,920 --> 00:15:15,560
Siguro habang may eclipse.
202
00:15:16,080 --> 00:15:19,760
Kaya tumingin ako sa astronomy software,
203
00:15:19,760 --> 00:15:25,520
at may nangyaring eclipse na nakaharap sa
imaheng 'yan 13,027 taon na ang nakalipas.
204
00:15:25,520 --> 00:15:26,520
Oo.
205
00:15:26,520 --> 00:15:30,840
At isang comet na malapit sa araw.
206
00:15:32,800 --> 00:15:35,360
Kung may eclipse na nagpadilim sa araw,
207
00:15:35,360 --> 00:15:38,720
posibleng bigla mong makita
'tong comet na 'to,
208
00:15:38,720 --> 00:15:41,680
at paangat ito sa direksiyon ng araw.
209
00:15:41,680 --> 00:15:43,800
'Yon ang nakikita natin sa art?
210
00:15:43,800 --> 00:15:45,720
'Yon ang ipinapakita ng art.
211
00:15:46,320 --> 00:15:50,200
Ang painting kaya na ito ay isang record
ng comet na pinaniniwalaang nagwasak,
212
00:15:50,880 --> 00:15:54,960
dinumog ang Earth ng mga tipak nito
at nagpasimula ng Younger Dryas?
213
00:15:57,840 --> 00:16:01,960
Tingin ko nakakakuha na ng mga babala
sa langit ang mga sinaunang tao.
214
00:16:01,960 --> 00:16:05,960
Nababatid na nila
na may nagbago sa kalawakan,
215
00:16:05,960 --> 00:16:11,120
at marahil ipinipinta nila ang mga
unang senyales ng parating na apocalypse.
216
00:16:24,680 --> 00:16:29,080
Tugma 'yon sa panahon
nang lisanin ng mga tao ang batuhang ito.
217
00:16:30,480 --> 00:16:32,280
Ayaw nag-eespekula ng mga archeologist,
218
00:16:32,280 --> 00:16:33,920
pero hihilingin ko sa 'yo,
219
00:16:33,920 --> 00:16:36,200
pero tingin mo ba
may kinalaman ang Younger Dryas
220
00:16:36,200 --> 00:16:37,920
sa biglaang pagtigil ng aktibidad?
221
00:16:37,920 --> 00:16:39,760
Di mo pwedeng balewalain,
222
00:16:39,760 --> 00:16:42,440
dahil nangyari 'yon sa gano'ng panahon.
223
00:16:53,960 --> 00:16:56,840
Para sa 'yo, ano ang palagay mo
224
00:16:56,840 --> 00:16:59,360
sa mga taong gumawa ng art na 'to?
225
00:16:59,360 --> 00:17:01,520
Paano mo sila nakikita sa isip mo?
226
00:17:01,520 --> 00:17:05,360
Medyo mahirap isipin
kung gaano ka dapat katapang
227
00:17:05,360 --> 00:17:07,280
para pumunta sa bagong lugar.
228
00:17:07,880 --> 00:17:09,880
Mga pioneer sila.
229
00:17:12,120 --> 00:17:15,600
Pero paano ba napadpad
ang mga pioneer na ito rito?
230
00:17:18,120 --> 00:17:19,520
Noong 2015,
231
00:17:19,520 --> 00:17:24,040
may isiniwalat ang mga scientist
na nag-iimbestiga sa tanong na 'yon.
232
00:17:25,640 --> 00:17:29,440
Natuklasan nila na ilan sa mga miyembro
ng mga tribu sa Amazon
233
00:17:29,440 --> 00:17:32,480
ay may katulad na DNA marker
234
00:17:33,800 --> 00:17:37,000
sa mga tao na nasa kabilang panig
ng Pacific Ocean.
235
00:17:39,840 --> 00:17:43,560
Ang katotohanang nakita ito
sa mga tribu sa kagubatan ng Amazon,
236
00:17:43,560 --> 00:17:47,680
at sa Papua New Guinea,
Taiwan, at Australia,
237
00:17:47,680 --> 00:17:52,680
mariing ipinahihiwatig nito
na nagkaroon ng pagtawid
238
00:17:52,680 --> 00:17:54,480
sa Pacific Ocean.
239
00:17:56,000 --> 00:18:00,040
Ang mas nakakagulat
ay kung saan wala ang DNA signal na ito.
240
00:18:02,000 --> 00:18:07,880
Hindi makikita ang DNA signal na ito
saanman sa North America.
241
00:18:08,480 --> 00:18:11,840
Kung dumami ang populasyon ng Americas
dahil sa paglalakbay sa lupa,
242
00:18:11,840 --> 00:18:16,040
dapat makita natin
ang DNA signal na ito sa North America,
243
00:18:16,040 --> 00:18:17,520
pati sa South America.
244
00:18:18,680 --> 00:18:25,680
Bukod do'n, napakatagal na ng DNA signal,
nasa 10,000 taon na.
245
00:18:26,600 --> 00:18:30,040
{\an8}Walang sinumang makakatawid
sa Pacific Ocean
246
00:18:30,040 --> 00:18:34,560
mula sa isang panig papunta sa kabila
noong nakaraang 10,000 o 11,000 taon.
247
00:18:34,560 --> 00:18:38,320
Kung nangyari 'yon,
babaguhin nito ang buong kuwento.
248
00:18:38,320 --> 00:18:41,400
Kung may lugar sa Earth
na maaaring may palatandaan
249
00:18:41,400 --> 00:18:43,920
sa kung sino ang tumawid sa Pacific noon...
250
00:18:47,560 --> 00:18:48,520
dito 'yon.
251
00:18:52,360 --> 00:18:55,800
Pumunta ako sa isa
sa mga pinakamalayong isla
252
00:18:58,120 --> 00:19:01,400
na 3,701 kilometro
sa kanluran ng South America
253
00:19:01,960 --> 00:19:05,520
at 4,184 kiometro sa silangan ng Tahiti.
254
00:19:07,680 --> 00:19:10,240
Noong Easter Sunday, 1722,
255
00:19:10,240 --> 00:19:14,320
napadpad sa isang maliit na isla
ang mga manlalakbay na Dutch,
256
00:19:15,840 --> 00:19:18,120
na nasa gitna ng Pacific Ocean.
257
00:19:20,240 --> 00:19:23,040
Kaya pinangalanan nila ito
na Easter Island.
258
00:19:24,080 --> 00:19:26,920
Pero nagulat sila
nang malamang pinaninirahan ito
259
00:19:27,920 --> 00:19:32,400
ng mga tao na tinatawag ngayon
ang kanilang bayan na Rapa Nui.
260
00:19:38,480 --> 00:19:40,120
Tingnan n'yo 'yong lugar.
261
00:19:43,160 --> 00:19:47,040
Nasa gitna ito ng Pacific Ocean,
262
00:19:47,040 --> 00:19:51,080
itong napakaliit na tuldok ng kalupaan.
263
00:19:53,040 --> 00:19:57,120
At ang unang nakakagulat tungkol dito,
264
00:19:57,120 --> 00:19:59,120
paano ito natuklasan ng mga tao?
265
00:19:59,120 --> 00:20:03,480
Paano nagawang manirahan
ng mga tao sa Easter Island
266
00:20:04,200 --> 00:20:08,000
sa napakalawak na Pacific Ocean?
267
00:20:09,960 --> 00:20:13,640
Nakumbinsi ako
ng pan-Pacific DNA signal na iyon
268
00:20:13,640 --> 00:20:18,280
na malaki ang papel ng islang ito
sa pagsisikap kong buoing muli ang kuwento
269
00:20:18,280 --> 00:20:21,160
ng isang nawawalang sibilisasyon
noong Ice Age.
270
00:20:22,400 --> 00:20:23,240
Bakit?
271
00:20:25,920 --> 00:20:27,240
Dahil sa mga ito.
272
00:20:29,760 --> 00:20:33,200
Mga higanteng rebulto
na nangingibabaw sa lugar...
273
00:20:36,760 --> 00:20:39,400
kung saan tanyag ang Rapa Nui ngayon.
274
00:20:47,520 --> 00:20:48,720
Sa buong Pacific,
275
00:20:48,720 --> 00:20:52,600
ilang isla ang kanlungan
ng mga kahanga-hangang estruktura.
276
00:20:53,320 --> 00:20:57,640
Pero ang may pinakamaraming rebulto
ay matatagpuan dito.
277
00:20:57,640 --> 00:21:00,200
Moai ang tawag sa kanila ng mga nasa isla.
278
00:21:05,600 --> 00:21:07,720
Nasa higit 1,000 sila
279
00:21:10,760 --> 00:21:14,440
sa isang malayong isla
na mas maliit pa sa Washington, DC.
280
00:21:19,120 --> 00:21:24,040
Marami ang sama-samang nakatindig
sa baybayin, nakaharap sa isla...
281
00:21:28,200 --> 00:21:30,720
habang ang iba naman
ay tila nagkalat lang,
282
00:21:31,800 --> 00:21:35,880
na parang inabandona habang ginagawa
ang isang napakalaking proyekto.
283
00:21:41,480 --> 00:21:46,480
Para sa akin, isa ang Easter Island
sa mga pinakamahiwagang lugar sa Earth.
284
00:21:47,080 --> 00:21:49,720
Ang mga nakamamanghang
rebulto ng mga Moai,
285
00:21:49,720 --> 00:21:53,480
mga pigura ng tao na inukit
mula sa malambot na bato ng bulkan.
286
00:21:55,160 --> 00:21:58,040
Hinahamon tayo ng isang misteryo roon,
287
00:21:58,040 --> 00:21:59,840
na kailangang maipaliwanag.
288
00:22:03,760 --> 00:22:07,320
Sino ang mga eskultor
nitong mga higanteng rebulto?
289
00:22:07,320 --> 00:22:09,120
Ano ang nais nilang makamit,
290
00:22:09,120 --> 00:22:12,760
at bakit sila nagpakahirap
para makamit ito?
291
00:22:14,520 --> 00:22:16,960
Mga palaisipan ito
na walang tiyak na kasagutan,
292
00:22:16,960 --> 00:22:20,280
tanging kongklusyon lamang ang naibigay.
293
00:22:32,280 --> 00:22:37,760
Ang puwang na ito sa ating kaalaman
ay sanhi ng pamiminsala ng mga dayuhan.
294
00:22:39,880 --> 00:22:41,640
Noong 19th century,
295
00:22:41,640 --> 00:22:44,880
halos maubos ang mga Rapa Nui
296
00:22:44,880 --> 00:22:47,840
dahil sa pang-aalipin at sakit.
297
00:22:48,920 --> 00:22:53,680
Nakaligtas ang ilan sa pagtatago
sa mga daluyan ng lava na tulad nito.
298
00:22:56,760 --> 00:22:59,880
Bukambibig ko
na isa tayong species na may amnesia,
299
00:22:59,880 --> 00:23:04,760
at totoong-totoo 'yon sa Easter Island
dahil sa kalunos-lunos na kasaysayan nito.
300
00:23:05,640 --> 00:23:11,120
Dahil mula nang dumating
ang Western culture sa Easter Island,
301
00:23:12,240 --> 00:23:13,480
nagsimula ang mga trahedya.
302
00:23:15,120 --> 00:23:20,000
Tinangay ang lahat ng matatanda
na nangangalaga sa mga alaala.
303
00:23:20,800 --> 00:23:23,000
Pinabalik kalaunan ang ibang alipin,
304
00:23:23,840 --> 00:23:26,360
pero may bitbit nang nakamamatay na sakit,
305
00:23:26,880 --> 00:23:30,480
na nagresulta sa halos pagkaubos
ng mga natira sa isla.
306
00:23:35,320 --> 00:23:38,440
Si Leo Pakarati
ay isang katutubong documentarian
307
00:23:38,440 --> 00:23:42,080
{\an8}mula sa pamilya na nangalaga
sa mga tradisyon ng mga Rapa Nui
308
00:23:42,080 --> 00:23:43,720
{\an8}may ilang henerasyon na.
309
00:23:44,960 --> 00:23:47,760
Batid niya kung ano ang nawala
310
00:23:47,760 --> 00:23:50,560
sa malagim na panahong iyon
ng pang-aalipin.
311
00:23:52,080 --> 00:23:55,320
Ang tanging napreserbang alaala
sa pinagmulan ng Easter Island
312
00:23:55,320 --> 00:23:58,480
ay 'yong mga alaalang nakaligtas
noong 19th century.
313
00:23:59,080 --> 00:24:04,040
Sa makasaysayang panahon,
111 na lang 'yong natira sa isla.
314
00:24:04,040 --> 00:24:05,600
Ang laking trahedya no'n.
315
00:24:05,600 --> 00:24:07,160
Trahedya rin sa kultura
316
00:24:07,160 --> 00:24:10,320
dahil kailangan mo ng maraming tao
para mapangalagaan 'yong kaalaman.
317
00:24:10,320 --> 00:24:11,960
Konti ang tao, konti ang kaalaman.
318
00:24:11,960 --> 00:24:15,960
At nawala 'yong malaking bahagi
ng kasaysayan namin.
319
00:24:17,520 --> 00:24:20,800
Ngunit sa kabila ng matitinding nangyari,
320
00:24:20,800 --> 00:24:23,320
napanatili ng mga Rapa Nui ang mga alaala
321
00:24:23,320 --> 00:24:26,840
tungkol sa pinakamahiwagang misteryo
nitong munting isla.
322
00:24:28,120 --> 00:24:30,800
Ano ang sinasabi ng lumang tradisyon
tungkol sa mga Moai?
323
00:24:30,800 --> 00:24:35,120
Ang totoong tawag sa mga Moai
ay "te aringa ora o te Tupuna."
324
00:24:35,120 --> 00:24:37,400
"Buhay na mukha ng ating mga ninuno."
325
00:24:37,400 --> 00:24:38,560
Iyon ang tawag.
326
00:24:38,560 --> 00:24:42,880
Ang paniniwala ay kinakatawan ng mga Moai
ang isang totoong tao.
327
00:24:42,880 --> 00:24:46,560
At noong nabubuhay,
ang taong ito ay espesyal, mahalaga.
328
00:24:48,080 --> 00:24:49,880
Ayon sa alamat ng Rapa Nui,
329
00:24:49,880 --> 00:24:53,720
itong mga ninunong ito ay ginugunita
sa pamamagitan ng mga Moai
330
00:24:54,280 --> 00:24:57,440
na may mga natatanging detalye
na may kaugnayan sa kanilang katayuan.
331
00:24:57,960 --> 00:24:59,720
Maikli ang tenga ng ilan sa mga Moai.
332
00:24:59,720 --> 00:25:01,800
Merong mahahaba. Bakit gano'n?
333
00:25:01,800 --> 00:25:04,640
Dahil sa mga iba't ibang katayuan sa isla.
334
00:25:04,640 --> 00:25:08,160
May mga tao na may oras
para sa mahahabang hikaw.
335
00:25:08,160 --> 00:25:12,280
Meron din may mahahabang kuko.
Isa itong uri ng katayuan sa lipunan.
336
00:25:12,280 --> 00:25:15,200
'Yong mahahabang daliri sa Moai,
kuko ba 'yon?
337
00:25:15,200 --> 00:25:17,000
Merong may mahahabang daliri,
338
00:25:17,000 --> 00:25:20,360
at meron ding
may mahahabang kuko na nakakurba.
339
00:25:23,720 --> 00:25:27,880
Di ko maiwasang di mapansin
ang pagkakahawig ng mga rebulto
340
00:25:27,880 --> 00:25:30,280
mula sa sinaunang panahon
na nasa ibang lugar.
341
00:25:32,080 --> 00:25:34,640
{\an8}Sa isla ng Sulawesi sa Indonesia,
342
00:25:34,640 --> 00:25:39,880
{\an8}nakita namin ang 4,000 taong gulang
na rebulto na may parehong postura
343
00:25:40,520 --> 00:25:42,800
{\an8}at kaparehong posisyon ng mga kamay.
344
00:25:46,120 --> 00:25:49,040
{\an8}Maging sa kabilang panig
ng mundo, sa Türkiye,
345
00:25:49,040 --> 00:25:52,960
{\an8}isang rebulto na kilala bilang Urfa Man
na mula pa noong Ice Age
346
00:25:52,960 --> 00:25:57,120
ang may kaparehong postura,
magkahawak ang mga kamay sa tiyan.
347
00:26:00,240 --> 00:26:03,960
{\an8}Isa pang mahiwagang kahawig nito
ay natagpuan din sa Türkiye,
348
00:26:03,960 --> 00:26:07,360
{\an8}na nasa sampung toneladang
mga haligi ng Göbekli Tepe.
349
00:26:08,160 --> 00:26:12,160
Ang mga haliging ito ay 11,600 taon na.
350
00:26:14,760 --> 00:26:19,600
Ang pagkakatulad kaya ng mga disenyo
sa kabila ng panahon at distansiya
351
00:26:19,600 --> 00:26:23,000
ay ebidensiya ng isang kultura
mula sa iisang ninuno,
352
00:26:23,520 --> 00:26:27,320
na nag-iwan ng mga kaalaman
para ipahayag ng mga susunod na tao?
353
00:26:34,120 --> 00:26:37,760
Walang record na makapagpapaliwanag
sa pinagmulan ng imahe.
354
00:26:39,760 --> 00:26:42,560
Pero ayon sa tradisyon ng mga Rapa Nui,
355
00:26:42,560 --> 00:26:46,360
ang mga Moai,
bukod sa pagiging mga higanteng rebulto,
356
00:26:47,160 --> 00:26:50,920
ay daluyan ng espirituwal na kapangyarihan
mula sa mga ninuno,
357
00:26:52,640 --> 00:26:54,840
isang enerhiya na kilala bilang mana.
358
00:26:57,280 --> 00:26:58,840
Magkuwento ka pa tungkol sa mana.
359
00:26:58,840 --> 00:27:00,320
Napakahalaga ng mana.
360
00:27:00,320 --> 00:27:01,920
Ang mana ay ang enerhiya.
361
00:27:01,920 --> 00:27:03,280
Lahat ng tao ay may mana.
362
00:27:03,280 --> 00:27:06,640
Anumang bato,
anumang bagay sa mundo ay may mana.
363
00:27:06,640 --> 00:27:10,080
Kung gano'n, puno ng mana ang mga Moai?
364
00:27:10,080 --> 00:27:16,160
Oo. Pag namatay ang isang tao, gagawa
ng Moai ang pamilya niya na may intensiyon
365
00:27:16,160 --> 00:27:20,920
na 'yong kaluluwa, mana, at espiritu
ng taong ito ay papasok sa Moai.
366
00:27:22,440 --> 00:27:26,240
Ngunit dadaloy lamang ang manang iyon
367
00:27:26,240 --> 00:27:30,400
kapag naitayo na ang Moai
at natapos nang maayos.
368
00:27:31,280 --> 00:27:34,680
Kapag naitayo na ang Moai sa platform,
369
00:27:34,680 --> 00:27:38,680
'yong tupuna, 'yong mga ninuno,
uukitan muna ito ng mga mata,
370
00:27:38,680 --> 00:27:42,360
at lalagyan ng mga coral
para sa puting parte ng mata,
371
00:27:42,360 --> 00:27:45,720
at saka minsan, obsidian
o iba pang bato para sa mata.
372
00:27:45,720 --> 00:27:48,040
Kapag tapos na, di na 'yon isang Moai.
373
00:27:48,040 --> 00:27:51,360
Aringa ora o te Tupuna na 'yon.
Ang buhay na mukha ng aming mga ninuno.
374
00:27:51,360 --> 00:27:53,320
- Pag may mga mata na?
- Oo.
375
00:27:53,320 --> 00:27:55,800
At mula sa platform, mula sa Ahu,
376
00:27:55,800 --> 00:27:59,000
nakaharap ang Moai sa bayan
at pinoprotektahan ang pamilya.
377
00:27:59,000 --> 00:28:00,680
'Yon ang tungkulin ng Moai.
378
00:28:07,960 --> 00:28:11,360
Malinaw na sagrado ang mga Moai
sa mga Rapa Nui.
379
00:28:12,760 --> 00:28:15,840
Pero ibig bang sabihin ay sila
ang orihinal na lumikha sa mga ito?
380
00:28:18,360 --> 00:28:21,360
O nauna pa sa kanila rito ang mga Moai?
381
00:28:21,920 --> 00:28:25,080
Kung nauna pa, kailangan nating
pag-isipang muli ang buong timeline
382
00:28:26,520 --> 00:28:28,400
ng pagdami ng populasyon sa Rapa Nui.
383
00:28:29,440 --> 00:28:32,040
Mag-isip tayo ng alternatibong pangyayari
384
00:28:32,040 --> 00:28:34,640
kung saan una itong natagpuan
ng isang maliit na grupo
385
00:28:34,640 --> 00:28:36,720
ng mahuhusay na manlalayag,
386
00:28:36,720 --> 00:28:40,240
na mas matagal pa
kaysa sa alam natin sa prehistory.
387
00:28:53,440 --> 00:28:56,880
Ayon sa genetic testing,
alam natin na ang mga Rapa Nui
388
00:28:59,200 --> 00:29:02,240
ay nagmula sa mga mahuhusay
na sinaunang manlalayag,
389
00:29:02,240 --> 00:29:03,760
ang mga Polynesian.
390
00:29:05,600 --> 00:29:10,400
Mahuhusay na mga manlalayag
ang mga Polynesian
391
00:29:10,400 --> 00:29:12,840
at nanirahan
sa maraming parte ng Pacific Ocean
392
00:29:12,840 --> 00:29:16,520
noong Polynesian expansion
mga 3,000 taon na ang nakalipas.
393
00:29:18,240 --> 00:29:22,240
Ayon sa carbon dating ng pinakamatagal
na paninirahan ng tao rito,
394
00:29:22,240 --> 00:29:26,000
ang Rapa Nui ang isa
sa mga huling islang napuntahan nila,
395
00:29:26,000 --> 00:29:28,480
mga 1,100 taon na ang nakalipas.
396
00:29:31,400 --> 00:29:35,520
Sinasabi ng bagong pag-aaral
na hindi gano'n katagal ang mga unang tao,
397
00:29:35,520 --> 00:29:38,200
800 taon lang ang nakalipas
o mas mababa pa.
398
00:29:48,000 --> 00:29:52,480
Pero may mga bahagi ng ibang kuwento
ng mas naunang pinagmulan
399
00:29:52,480 --> 00:29:55,160
na tila sumasalungat
sa archaeological timeline
400
00:29:55,160 --> 00:29:57,240
ang napanatiling buhay dito.
401
00:29:57,920 --> 00:30:00,680
Mapalad akong masaksihan
ang pagdiriwang nito.
402
00:30:10,080 --> 00:30:14,320
Ayon sa mga tradisyon,
may sinaunang bayan na tinatawag na Hiva,
403
00:30:14,320 --> 00:30:19,400
isang malaking isla na winasak ng delubyo
kaya lumikas ang kanilang mga ninuno.
404
00:30:22,200 --> 00:30:26,000
Sa kuwentong ito,
ang hari ng Hiva na si Hutu Matu'a
405
00:30:26,560 --> 00:30:30,760
ay binalaan na ang kanyang bayan
ay makararanas ng matinding delubyo
406
00:30:30,760 --> 00:30:32,440
at habambuhay na malulubog.
407
00:30:37,240 --> 00:30:38,560
Sa gabay ng pangitain,
408
00:30:38,560 --> 00:30:42,200
nagpadala siya ng pitong kalalakihan
na sakay ng mga bangka
409
00:30:44,360 --> 00:30:47,960
papunta sa sumisikat na araw
para maghanap ng bagong tahanan.
410
00:30:49,760 --> 00:30:54,240
Makalipas ang ilang linggo sa dagat,
ligtas nilang narating ang Rapa Nui,
411
00:30:54,240 --> 00:30:58,600
kung saan sinundan sila kalaunan
ni Hutu Matu'a at daan-daang kalahi niya
412
00:30:58,600 --> 00:31:01,280
para ibangong muli
ang kanilang sibilisasyon.
413
00:31:08,280 --> 00:31:11,560
May tradisyon tayo
ng malaking delubyo at paglalayag,
414
00:31:11,560 --> 00:31:14,480
at dapat nating tanungin ang ating sarili,
"Nangyari ba 'yon?"
415
00:31:15,800 --> 00:31:18,920
Kailangang bumalik
sa katapusan ng huling Ice Age
416
00:31:18,920 --> 00:31:23,080
para maintindihan 'yong klase ng baha
na magpapalubog sa buong isla.
417
00:31:24,800 --> 00:31:27,680
Ang pangalan ng lumubog na isla, ang Hiva,
418
00:31:27,680 --> 00:31:31,240
na ang ibig sabihin
sa wikang Rapa Nui ay malayong lugar,
419
00:31:31,240 --> 00:31:35,120
na sinasabing isa itong lugar
na di pamilyar sa mga Polynesian.
420
00:31:35,680 --> 00:31:42,000
Pero ang pagdating ng pitong kalalakihan
matapos ang panahon ng malaking delubyo
421
00:31:42,000 --> 00:31:45,680
{\an8}ay isang tradisyon
sa buong sinaunang mundo
422
00:31:45,680 --> 00:31:47,840
{\an8}mula sa Apkallu ng Mesopotamia
423
00:31:49,640 --> 00:31:51,720
{\an8}hanggang sa pitong pantas ng Egypt
424
00:31:52,640 --> 00:31:54,240
{\an8}at pitong rishi ng India.
425
00:31:56,040 --> 00:32:00,080
{\an8}Inilalarawan ng mga tradisyon
ang grupo ng mga nakaligtas sa delubyo
426
00:32:00,080 --> 00:32:03,760
na napadpad sa malayong lupain
sa panahon ng kalamidad
427
00:32:03,760 --> 00:32:06,240
na may misyon
na ibangon muli ang sibilisasyon.
428
00:32:09,040 --> 00:32:13,560
Nagkataon lang? Ang mga kuwentong ito kaya
ay mga alaala ng mga totoong pangyayari
429
00:32:13,560 --> 00:32:17,080
na naranasan ng maraming
sinaunang kultura sa buong mundo?
430
00:32:23,200 --> 00:32:28,160
Higit sa lahat, walang petsa
ang alamat ni Hotu Matu'a at ng Hiva.
431
00:32:33,760 --> 00:32:38,920
Napatanong ako sa aking sarili kung kailan
nga ba unang tinirhan ang Easter Island.
432
00:32:40,440 --> 00:32:43,240
Di ko kinukuwestiyon
ang Polynesian expansion.
433
00:32:43,240 --> 00:32:47,080
Di ko kinukuwestiyon
na ang populasyon ng Easter Island ngayon
434
00:32:47,080 --> 00:32:49,640
ay mga Polynesian.
435
00:32:50,480 --> 00:32:53,040
Pero mas maaga pa kaya itong tinirhan?
436
00:33:05,200 --> 00:33:09,280
Pero di tayo matutulungan ng mga Moai
na masagot ang katanungang ito.
437
00:33:10,880 --> 00:33:15,760
Ang mga Moai ay gawa sa malambot
na uri ng bato na tinatawag na tuff,
438
00:33:16,360 --> 00:33:19,040
isang abo mula sa bulkan na naging bato.
439
00:33:19,040 --> 00:33:21,400
Di matukoy 'yong eksaktong petsa nila.
440
00:33:22,880 --> 00:33:24,880
Dahil walang kongkretong ebidensiya
441
00:33:24,880 --> 00:33:27,680
kung kailan inukit
itong mga higanteng rebulto,
442
00:33:28,680 --> 00:33:31,800
dumepende ang mga archeologist
sa pagtukoy ng petsa sa organic matter
443
00:33:31,800 --> 00:33:36,080
na nasa mga Ahu platform,
na siyang kinatatayuan ng maraming Moai.
444
00:33:37,640 --> 00:33:38,680
Halimbawa,
445
00:33:38,680 --> 00:33:45,160
natukoy ang petsa ng Ahu Nau Nau
na nasa pagitan ng 400 at 900 taon.
446
00:33:45,160 --> 00:33:49,640
NAKALIPAS NA 400-900 TAON
447
00:33:50,600 --> 00:33:55,440
'Yon ang pinaniniwalaan ng mga historian
kung kailan sinimulang gawin ang mga Moai.
448
00:33:57,720 --> 00:33:59,440
Pero kung totoo 'yon,
449
00:33:59,440 --> 00:34:02,000
ibig sabihin, paglipas ng ilang siglo
450
00:34:02,000 --> 00:34:06,040
na simpleng namumuhay
nang walang bakas ng kaalaman sa paglikha,
451
00:34:07,000 --> 00:34:11,080
biglang sinimulan ng mga Rapa Nui
itong napakalaking proyekto,
452
00:34:12,360 --> 00:34:16,520
na nagpatuloy lang nang ilang dekada
bago dumating ang mga European.
453
00:34:18,640 --> 00:34:23,040
Marami sa mga platform ay medyo minadali
kung ikukumpara sa mga rebulto.
454
00:34:23,040 --> 00:34:25,280
Tanungin natin ito sa ating sarili,
455
00:34:25,280 --> 00:34:29,240
magkaedad ba ang mga platform
at mga rebultong nasa ibabaw nila?
456
00:34:29,840 --> 00:34:33,360
O posible kaya
na muli lang itinayo ang mga rebulto
457
00:34:33,360 --> 00:34:35,360
ng mga huling dumating sa Easter Island,
458
00:34:35,360 --> 00:34:38,560
at binibigyan tayo ng maling pananaw
tungkol sa petsa ng mga rebulto
459
00:34:38,560 --> 00:34:40,400
base lamang sa mga platform?
460
00:34:43,320 --> 00:34:45,400
Kung tutuusin, sa buong kasaysayan,
461
00:34:45,400 --> 00:34:50,160
maraming mga bagay na may malaking halaga
sa kultura ang inilipat at ipinamalas
462
00:34:50,160 --> 00:34:51,520
sa bagong lokasyon.
463
00:34:53,800 --> 00:34:57,120
{\an8}Sa Venice, ang apat na tetrarch
ng St. Mark's Basilica
464
00:34:57,120 --> 00:35:02,960
{\an8}ay orihinal na inukit sa Constantinople
900 taon bago sila inilagay dito.
465
00:35:05,480 --> 00:35:09,960
{\an8}At ang Renaissance fountain sa harap
ng Pantheon sa Rome ay hindi kasingtanda
466
00:35:09,960 --> 00:35:13,120
{\an8}ng sinaunang Egyptian obelisk
na sinusuportahan nito.
467
00:35:15,480 --> 00:35:20,440
Marami sa malalaking rebultong ito ay
inililipat at inilalagay sa ibang lugar.
468
00:35:20,440 --> 00:35:23,160
Kailangan nating
maging bukas sa posibilidad
469
00:35:23,160 --> 00:35:25,480
na maaaring naroon na ang mga rebulto
470
00:35:25,480 --> 00:35:28,360
noong dumating ang mga unang Polynesian.
471
00:35:29,680 --> 00:35:33,120
At parang inampon sila ng mga bagong salta
472
00:35:33,120 --> 00:35:35,360
at isinama sa kultura nila.
473
00:35:37,440 --> 00:35:40,440
Sinusuportahan ng Ahu Nau Nau
ang pananaw na ito,
474
00:35:40,440 --> 00:35:44,120
na gumagamit ng isa pang ulo ng Moai,
na kupas na,
475
00:35:44,640 --> 00:35:48,640
bilang isa sa mga pundasyon nito,
na muling ginamit para dito.
476
00:35:55,200 --> 00:35:59,400
Isa pang indikasyon na mas matagal na
ang Moai kaysa sa naunang inakala
477
00:35:59,960 --> 00:36:02,080
ay matatagpuan sa patay nang bulkan,
478
00:36:02,760 --> 00:36:05,880
kung saan ang halos lahat ng rebulto
ay unang tinibag at hinulma.
479
00:36:10,800 --> 00:36:14,400
Dito sa timog-silangan ng isla
ay may isang patay na bulkan
480
00:36:14,400 --> 00:36:16,280
na tinatawag na Rano Raraku.
481
00:36:17,480 --> 00:36:20,200
Napakagandang tanawin nito sa lugar.
482
00:36:22,600 --> 00:36:27,840
At sa mga dalisdis nito ay ang mga labi
ng daan-daang di natapos na mga Moai.
483
00:36:29,280 --> 00:36:32,720
Tunay na isa ito
sa mga pinakamahiwagang lugar sa mundo.
484
00:36:39,600 --> 00:36:43,000
Halos 400 mga Moai
ang nagkalat sa paligid ng bulkan...
485
00:36:48,080 --> 00:36:50,560
na nasa iba't ibang yugto ng pagkakagawa.
486
00:37:02,560 --> 00:37:05,360
Marami ang nakasilip lang mula sa lupa,
487
00:37:05,360 --> 00:37:08,560
nakabaon ang kanilang katawan
sa malalim na sediment.
488
00:37:10,840 --> 00:37:17,160
Maaaring resulta ang sedimentation na ito
ng mga landslide, mudflow, o mga tsunami.
489
00:37:20,600 --> 00:37:25,440
Pero kahit na tumagilid sila,
karamihan ay nananatiling nakatayo,
490
00:37:25,440 --> 00:37:27,080
hindi basta-basta nabuwal,
491
00:37:27,080 --> 00:37:30,240
gaya ng aasahan mo
pag may gano'ng pangyayari.
492
00:37:32,640 --> 00:37:34,840
Kaya ano ba talaga ang nangyari dito?
493
00:37:36,200 --> 00:37:39,640
Ilang siglong itinago
ng sediment ang ebidensiya.
494
00:37:41,040 --> 00:37:45,760
Hanggang noong 1914, nang magsimulang
maghukay ang mga archeologist.
495
00:37:47,240 --> 00:37:49,000
Tulad ng ipinapakita ng larawang ito,
496
00:37:49,000 --> 00:37:53,000
ang ilan sa mga Moai
ay hindi lamang mga ulo at balikat,
497
00:37:53,000 --> 00:37:56,760
at mayroong buong katawan
na nakabaon sa gilid ng burol,
498
00:38:00,120 --> 00:38:04,120
isang pagkakatuklas na noong 1950s lamang
isinawalat sa buong mundo
499
00:38:04,120 --> 00:38:07,080
ng sikat na ethnographer
na si Thor Heyerdahl.
500
00:38:11,160 --> 00:38:13,720
Isang kahanga-hangang tao
si Thor Heyerdahl.
501
00:38:13,720 --> 00:38:17,080
Mapalad akong nakasama ko siya
nang higit isang beses.
502
00:38:17,640 --> 00:38:19,840
Handa siyang hamunin ang nakasanayan.
503
00:38:19,840 --> 00:38:22,800
Kumbinsido siya na mayroong mga kulang
504
00:38:22,800 --> 00:38:24,720
sa kuwento ng ating nakaraan.
505
00:38:24,720 --> 00:38:28,960
At sinubukan niyang ipakita sa atin
na sa malalim na prehistory,
506
00:38:28,960 --> 00:38:32,120
may kakayahang lumikha
ang mga sinaunang tao
507
00:38:32,120 --> 00:38:35,760
na iginagawad natin
sa mga sumunod na panahon.
508
00:38:37,480 --> 00:38:40,840
Gaya nitong misteryosong proyekto
ng paglikha sa mga Moai.
509
00:38:42,080 --> 00:38:43,240
Ayon sa mga archeologist,
510
00:38:43,240 --> 00:38:47,040
ang huling Moai ay ginawa
400 taon na ang nakalipas.
511
00:38:47,640 --> 00:38:51,320
Pero parang hindi kapani-paniwala,
sa isang maliit na isla,
512
00:38:51,880 --> 00:38:55,440
na napakaraming sedimentation
ang posibleng naipon
513
00:38:55,440 --> 00:38:57,960
sa paligid nila sa napakaikling panahon.
514
00:38:59,840 --> 00:39:03,400
Walang ebidensiya
na sinadyang ibaon ang mga Moai.
515
00:39:04,200 --> 00:39:06,280
May iba pa kayang paliwanag?
516
00:39:09,160 --> 00:39:13,560
Maaari kaya na ang tinitingnan natin
ay resulta ng proseso ng sedimentation
517
00:39:13,560 --> 00:39:17,120
na nangyari hindi lang daan-daang taon,
kundi libo-libo?
518
00:39:19,640 --> 00:39:21,560
Ang problema sa teoryang 'yon?
519
00:39:21,560 --> 00:39:25,320
Walang ebidensiya ng paninirahan ng tao
sa mas nauna pang panahon.
520
00:39:26,800 --> 00:39:28,000
O meron?
521
00:40:06,080 --> 00:40:08,920
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz