1 00:00:06,083 --> 00:00:08,963 ISANG SERYE MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,923 --> 00:00:17,683 Tayo ba ay mga nilalang na may amnesia? 3 00:00:19,003 --> 00:00:22,523 Nakalimutan ba natin ang mahalagang parte ng istorya natin? 4 00:00:24,563 --> 00:00:25,643 Ako si Graham Hancock, 5 00:00:25,723 --> 00:00:29,403 at maraming arkeologo ang galit sa 'kin dahil gusto kong malaman. 6 00:00:31,323 --> 00:00:34,683 Ang paniniwala tungkol sa nawalang sibilisasyon ng Ice Age 7 00:00:34,763 --> 00:00:38,683 ay tunay na mapanganib sa mainstream na arkeolohiya 8 00:00:38,763 --> 00:00:42,883 dahil binabali nito ang nakasanayan na. 9 00:00:43,563 --> 00:00:45,603 Tinatanggal nito ang pundasyon. 10 00:00:45,683 --> 00:00:47,163 Wala akong pakialam doon. 11 00:00:49,043 --> 00:00:52,443 May mga taong dumating at dahil sa mga nagawa nila… 12 00:00:52,563 --> 00:00:55,803 binago nito ang pag-intindi ng tao. 13 00:00:55,883 --> 00:00:58,603 Si Graham Hancock ang taong 14 00:00:58,683 --> 00:01:01,523 sa kabila ng mga insulto… 15 00:01:01,603 --> 00:01:02,483 MGA KALOKOHANG TEORYA 16 00:01:02,563 --> 00:01:04,603 …at lahat ng mga nangungutya… 17 00:01:04,683 --> 00:01:05,923 BASURA 18 00:01:06,003 --> 00:01:07,683 …nagpatuloy lang siya. 19 00:01:08,643 --> 00:01:11,323 Ang inaalala ko lang ay pag-aaral ng nakaraan 20 00:01:12,003 --> 00:01:16,323 para mawala ang kaguluhan na bumabalot sa prehistory. 21 00:01:16,403 --> 00:01:18,643 At kaguluhan ito dahil walang patunay. 22 00:01:18,723 --> 00:01:22,363 Kailagang ilarawan ang nakaraan mula sa maliit na ebidensiya. 23 00:01:26,803 --> 00:01:30,843 Mga kuwento, alamat, mitolohiya. 24 00:01:32,283 --> 00:01:35,123 Lahat ng ito ay mahahalagang ebidensiya. 25 00:01:37,003 --> 00:01:41,483 At isa sa mga pinakamisteryoso't iskandalosong mitolohiya sa prehistory 26 00:01:41,563 --> 00:01:45,363 ay naririto sa 'tin sa pamamagitan ng sinaunang kultura ng Mexico. 27 00:01:56,883 --> 00:02:02,083 NAKALIGTAS SA ORAS NG KAGULUHAN 28 00:02:06,323 --> 00:02:08,523 Sa paghahanap ko sa sibilisasyon, 29 00:02:09,683 --> 00:02:14,403 napunta ako sa lupa ng masasagang lambak at kumukulong mga bulkan. 30 00:02:16,003 --> 00:02:17,523 KARAGATANG PASIPIKO - MEXICO - GOLPO NG MEXICO 31 00:02:17,603 --> 00:02:19,563 Ito ang rehiyon ng Puebla. 32 00:02:21,563 --> 00:02:26,363 Ang pinakamatandang lungsod sa bansa, ang Cholula. 33 00:02:30,643 --> 00:02:34,603 Ngayon, isa nang modernong metropolis ng mahigit 100,000 na tao, 34 00:02:35,883 --> 00:02:38,923 mayroon itong itinatagong sinaunang sikreto. 35 00:02:42,963 --> 00:02:45,323 Isinulat ng mga nagwagi ang kasaysayan. 36 00:02:46,363 --> 00:02:48,683 Tunay lalo 'yan sa Mexico. 37 00:02:49,723 --> 00:02:53,883 Noong dumating ang mga Espanyol na mananakop sa Cholula noong 1519, 38 00:02:53,963 --> 00:02:56,283 pinatay nila ang mga nakatira dito, 39 00:02:58,083 --> 00:03:00,603 sinira hindi lang ang kanilang kultura, 40 00:03:00,683 --> 00:03:02,763 pati na rin ang lahat ng bakas 41 00:03:02,843 --> 00:03:05,923 ng mas sinaunang kultura na nauna sa kanila. 42 00:03:07,803 --> 00:03:09,763 Pero hindi kayang burahin lahat. 43 00:03:11,203 --> 00:03:15,563 Akala ng mga mananakop na ang burol na ito ay burol lang, 44 00:03:15,643 --> 00:03:17,683 at nagtayo sila ng simbahan dito. 45 00:03:18,603 --> 00:03:22,843 Pero ang burol na ito ay higit pa roon. 46 00:03:23,643 --> 00:03:29,203 Sa katunayan, ito ang pinakamalaking monumentong itinayo sa buong mundo. 47 00:03:31,443 --> 00:03:34,083 At gayon pa man, baka 'di mo pa ito narinig. 48 00:03:35,643 --> 00:03:37,923 Ito ang Great Pyramid of Cholula. 49 00:03:41,563 --> 00:03:44,123 Pagkatapos ng ilang siglo ng kapabayaan, 50 00:03:44,203 --> 00:03:45,803 imposible nang maintindihan 51 00:03:45,883 --> 00:03:49,123 ang matinding halaga ng dating nakatayo rito. 52 00:03:49,843 --> 00:03:53,403 Pero may ideya kami kung ano ang itsura nito dati. 53 00:03:57,683 --> 00:04:00,683 Tinataya na ang Great Pyramid of Cholula 54 00:04:00,763 --> 00:04:05,643 ay may taas na 213 talampakan, 65 metro. 55 00:04:06,763 --> 00:04:09,483 Base sa ebidensya, ito ay orihinal na itinayo 56 00:04:09,563 --> 00:04:13,003 para sa sinaunang diyos ng ulan at baha sa Mexico 57 00:04:13,083 --> 00:04:15,603 na kinikilala ng mga Aztec na si Tlaloc. 58 00:04:17,283 --> 00:04:20,283 Ginawa ito gamit ang putik at straw adobe na laryo, 59 00:04:20,363 --> 00:04:23,603 hindi ito kasintaas ng Great Pyramid of Giza sa Egypt, 60 00:04:23,683 --> 00:04:27,683 pero mas malaki ito nang halos tatlong beses ang lapad, 61 00:04:27,763 --> 00:04:31,123 may sukat na 400 sa 400 na metro sa ibaba nito, 62 00:04:31,843 --> 00:04:34,123 halos 30 na football field, 63 00:04:35,323 --> 00:04:37,363 kaya ito ang pinakamalaking monumento 64 00:04:37,443 --> 00:04:41,923 na itinayo ng kahit anong sibilisasyon. 65 00:04:48,083 --> 00:04:50,523 Napagtanto ng mga arkeologo 66 00:04:50,603 --> 00:04:54,723 na ang pyramid ay itinayo walong siglo na ang nakalipas, 67 00:04:54,803 --> 00:04:56,723 mga 1200 AD. 68 00:04:58,043 --> 00:05:01,883 Pero noong binubuksan na nila ang istraktura, 69 00:05:01,963 --> 00:05:05,443 namangha sila sa natagpuan nila sa loob. 70 00:05:10,563 --> 00:05:12,443 Kakaiba ang pakiramdam 71 00:05:12,523 --> 00:05:14,923 kapag pumasok sa pinakamalaking pyramid. 72 00:05:16,723 --> 00:05:18,923 Sa loob ay may magagandang mga mural 73 00:05:19,763 --> 00:05:23,483 na naglalarawan ng mga mitolohikong pangyayari at nilalang… 74 00:05:25,723 --> 00:05:29,323 at mapanuksong sulyap ng maraming salansan ng konstruksiyon. 75 00:05:32,523 --> 00:05:36,003 Nagbibigay ba sila ng bakas sa malaking misteryo nito? 76 00:05:39,763 --> 00:05:42,043 Ito kaya ay pamana sa daigdig 77 00:05:42,123 --> 00:05:46,363 na naiwan ng mga sinauna at makabagong sibilisasyon noong prehistory? 78 00:05:51,723 --> 00:05:55,763 Kasama ko ang isa sa mga dalubhasa sa Great Pyramid of Cholula, 79 00:05:56,683 --> 00:06:01,043 antropologo at arkeologo ng University of Calgary, si Geoff McCafferty. 80 00:06:03,043 --> 00:06:06,603 Nandito kami sa gitna ng pinakamalaking monumento 81 00:06:06,683 --> 00:06:08,443 na itinayo noong sinaunang mundo. 82 00:06:09,723 --> 00:06:12,803 Parang pumasok ka sa simbahan ang pakiramdam. 83 00:06:12,883 --> 00:06:17,323 Alam mo, mayroong natatanging aura ng kapangyarihan. 84 00:06:19,043 --> 00:06:22,523 Hinukay ang mga lagusang ito ng mga Mehikanong arkeologo. 85 00:06:23,163 --> 00:06:25,123 May kabuuang walong kilometro. 86 00:06:25,203 --> 00:06:27,763 -Nakamamangha. Walong kilometro? -Oo. 87 00:06:31,323 --> 00:06:32,843 Gamit ang mga lagusan, 88 00:06:32,923 --> 00:06:35,603 may natuklasan ang mga arkeologo. 89 00:06:39,523 --> 00:06:42,163 Ang Pyramid of Cholula ang pinakabago 90 00:06:42,243 --> 00:06:46,803 sa serye ng mga sinaunang pyramid na nakatago sa ilalim. 91 00:06:51,963 --> 00:06:54,763 May mas sinauna pang pyramid sa loob, 92 00:06:54,843 --> 00:06:57,363 na itinatayang itinayo noong 800 AD, 93 00:06:59,843 --> 00:07:02,763 at sa ilalim pa nito, isa pa 94 00:07:03,643 --> 00:07:07,083 na itinayo naman noong 200 hanggang 500 taon ang nakalipas. 95 00:07:09,803 --> 00:07:13,203 Parang serye ng mga Russian nesting dolls, 96 00:07:13,283 --> 00:07:17,243 nandito ang pinaniniwalaang pinakauna at pinakamatandang pyramid, 97 00:07:18,163 --> 00:07:24,883 na may laki na 120 metro kuwadrado at 17 metro at 56 talampakan na taas. 98 00:07:31,363 --> 00:07:34,163 Kailan nagsimula ang paggawa rito? 99 00:07:34,803 --> 00:07:38,523 Bale, ang pinakaunang ebidensya ng paggawa sa ceremonial zone 100 00:07:38,603 --> 00:07:40,483 ay nasa 500 BC. 101 00:07:43,443 --> 00:07:45,083 Napakalaking pyramid nito. 102 00:07:45,603 --> 00:07:49,083 Tapos, kalaunan, ito'y pinalawak, 103 00:07:49,163 --> 00:07:51,443 mas malaking paggawa sa ibabaw nito. 104 00:07:53,123 --> 00:07:58,563 Kaya ang proyekto ng paggawa ng pyramid na ito ay nagawa ng iba't ibang henerasyon 105 00:07:58,643 --> 00:08:03,523 na sumasaklaw sa 1,700 taon, o baka mas matagal pa, 106 00:08:05,163 --> 00:08:07,683 katotohanan na kinilala ng mga arkeologo. 107 00:08:10,243 --> 00:08:11,523 Pero hindi kilala 108 00:08:11,603 --> 00:08:15,683 ng mga modernong akademiko ang orihinal na gumaaw nito 109 00:08:16,363 --> 00:08:18,803 o kung bakit itinayo ang pyramid dito. 110 00:08:21,483 --> 00:08:23,883 Ito mismo ang misteryong interesado ako. 111 00:08:25,283 --> 00:08:27,523 Nararamdaman mo bang may kulang 112 00:08:27,603 --> 00:08:31,963 mula arkeolohikal at historikal na istorya ng sinaunang Mexico? 113 00:08:32,043 --> 00:08:34,323 Hindi naman sa pagiging dramatiko, 114 00:08:34,403 --> 00:08:36,523 pero ang mas pag-unawa sa Cholula 115 00:08:36,603 --> 00:08:40,283 ay mababago ang pananaw sa kasaysayan ng Mesoamerica. 116 00:08:41,923 --> 00:08:43,123 Wala tayong alam. 117 00:08:43,202 --> 00:08:45,243 Isa itong black hole ng Mexico. 118 00:08:47,683 --> 00:08:51,643 Tingin mo ba, may nakatayo rito bago pa ang unang pyramid? 119 00:08:51,723 --> 00:08:54,643 Ito ay ginawa sa ibabaw ng mahalagang bukal. 120 00:08:54,723 --> 00:08:55,563 Oo. 121 00:08:55,643 --> 00:08:58,683 Ang bukal ay kumakatawan sa daanan sa underworld, 122 00:08:58,763 --> 00:09:01,923 kaya malinaw na ito ay importante at sagradong lugar 123 00:09:02,003 --> 00:09:04,203 at ginagamit sa mga seremonya. 124 00:09:05,203 --> 00:09:06,963 Ang katunayan na ang pyramid 125 00:09:07,043 --> 00:09:09,843 ang napiling istraktura na itayo ay hindi sadya. 126 00:09:11,283 --> 00:09:14,163 Bagkus, naniniwala ako na ito ay mahalagang bakas 127 00:09:14,243 --> 00:09:18,283 sa pag-unawa sa motibasyon ng mga orihinal na gumawa, 128 00:09:18,363 --> 00:09:21,243 dahil ang temang ito ay nauulit sa buong mundo. 129 00:09:22,803 --> 00:09:24,403 Nakuha namin ang ebidensiya 130 00:09:24,483 --> 00:09:29,003 ng kaparehang pyramid sa Gunung Padang sa Indonesia 131 00:09:29,083 --> 00:09:31,523 at mayroon ding bukal sa gitna nito. 132 00:09:33,723 --> 00:09:38,323 Isa itong pattern na mahahanap hindi lang sa Mexico o sa Indonesia. 133 00:09:39,123 --> 00:09:41,643 Ito rin ang kaso sa nakalubog na bulwagan 134 00:09:41,723 --> 00:09:43,283 sa Great Pyramid of Giza. 135 00:09:44,283 --> 00:09:48,443 Tingin ko, iyon ang pinakaunang sagradong lugar sa talampas ng Giza, 136 00:09:48,523 --> 00:09:51,563 at pagkatapos, itinayo ang mga pyramid para igalang ito. 137 00:09:52,403 --> 00:09:56,123 Ang Pyramid of the Sun sa Teotihuacan ay nakatayo sa ibabaw ng yungib. 138 00:09:57,283 --> 00:09:58,443 Binago nila ito 139 00:09:58,523 --> 00:10:00,723 at tapos, gumawa sila ng pyramid. 140 00:10:00,803 --> 00:10:03,043 Pero ang una ay ang lugar mismo, 141 00:10:03,123 --> 00:10:05,643 ang sagradong lugar, at ang pananda ay pyramid. 142 00:10:07,163 --> 00:10:09,003 Nagsimula sa isang lugar 143 00:10:09,083 --> 00:10:12,443 na pinaniniwalaang sagrado, 144 00:10:12,523 --> 00:10:15,483 na may kakaibang magnetismong nadarama ng mga tao 145 00:10:15,563 --> 00:10:18,323 kaya naging mahalaga ito. 146 00:10:24,403 --> 00:10:27,883 Ang Great Pyramid of Cholula ay may kaparehong katangian 147 00:10:27,963 --> 00:10:30,043 sa mga sinaunang pyramid sa mundo. 148 00:10:32,803 --> 00:10:34,603 Mga bakas ng nakatagong silid. 149 00:10:38,363 --> 00:10:41,123 Hindi nagtagal ang pananakop ng mga Espanyol, 150 00:10:41,203 --> 00:10:45,363 isang mapagkakatiwalaang saksi, si Father Bernardino de Sahagun, 151 00:10:45,443 --> 00:10:51,163 ang nag-ulat na ang Great Pyramid of Cholula ay puno ng mga mina at kuweba. 152 00:10:54,123 --> 00:10:58,323 Ngayon, nakumpirma ng mga modernong imbestigador ang obserbasyong iyon. 153 00:10:59,603 --> 00:11:03,603 Nakita ng isa sa mga dating arkeologo, sa loob ng pyramid 154 00:11:04,563 --> 00:11:05,643 ang isang kuwarto. 155 00:11:06,243 --> 00:11:08,043 At may lagusan papunta roon. 156 00:11:08,123 --> 00:11:09,243 Di pa ito nailathala. 157 00:11:09,323 --> 00:11:11,923 Hindi ko alam ang nangyayari sa ngayon. 158 00:11:12,003 --> 00:11:15,043 -Magandang pahiwatig ito. -Tingin mo? 159 00:11:15,123 --> 00:11:19,123 Nahukay na ba ang kuwartong ito? Napasok na ba ito? 160 00:11:19,923 --> 00:11:20,923 Sa tingin ko, hindi. 161 00:11:23,203 --> 00:11:25,963 Bakit di pa napapasok ang kaloob-looban nito? 162 00:11:27,563 --> 00:11:28,883 Ano kayang sikreto 163 00:11:28,963 --> 00:11:31,923 ang mayroon dito tungkol sa intensiyon ng gumawa? 164 00:11:33,763 --> 00:11:37,203 Bukod doon, ang katunayan na ang Great Pyramid of Cholula 165 00:11:37,283 --> 00:11:40,163 ay may nakatagong kuwarto sa loob, 166 00:11:40,243 --> 00:11:42,003 parang Gunung Padang at Giza. 167 00:11:44,923 --> 00:11:48,203 …isa itong natatanging katangian na pareho sa mga ito. 168 00:11:49,763 --> 00:11:50,883 At mayroon pa. 169 00:11:52,243 --> 00:11:54,643 Napakagaling ng pagkagawa sa istruktura 170 00:11:54,723 --> 00:11:57,043 na nakapanig ito sa lumulubog na araw 171 00:11:57,123 --> 00:11:59,803 -kapag summer solstice. -Tama 'yan. 172 00:12:00,403 --> 00:12:05,203 Lumulubog ang araw sa gitna ng dalawang bulkan sa kanluran, 173 00:12:05,803 --> 00:12:08,843 kaya ito talaga ay nasa oryentasyon ng solstice. 174 00:12:10,683 --> 00:12:17,403 Alam nating nakabantay ang mga katutubong Mesoamerican sa astronomiya. 175 00:12:18,523 --> 00:12:23,123 Katulad ng sinaunang mga Egyptian, na gumawa ng Great Pyramid of Giza 176 00:12:23,203 --> 00:12:26,723 para makalinya nang husto sa tunay na astronomikal na hilaga. 177 00:12:29,123 --> 00:12:31,043 Ang katunayang ang mga pyramid, 178 00:12:31,123 --> 00:12:34,043 na ang mga gumawa ay walang kontak sa isa't isa, 179 00:12:34,123 --> 00:12:37,483 at may pagkakapareho ay isang misteryo. 180 00:12:40,003 --> 00:12:42,003 Nagkataon lang ba ito? 181 00:12:43,043 --> 00:12:44,563 Tingin ko, hindi. 182 00:12:45,163 --> 00:12:47,163 Ang pananaw sa arkeolohiya… 183 00:12:47,843 --> 00:12:50,483 …ay ginawa ang pyramid 184 00:12:50,563 --> 00:12:52,803 dahil iyon ang pinakamabilis na paraan. 185 00:12:54,883 --> 00:12:58,163 Ang problema ay magkakaugnay ang mga istrukturang ito 186 00:12:58,243 --> 00:13:00,683 na may tiyak na espirituwal na mga ideya. 187 00:13:02,043 --> 00:13:04,243 Ano'ng mangyayari sa 'tin pagkamatay? 188 00:13:04,323 --> 00:13:07,123 Ito'y laging konektado sa mga pyramid, 189 00:13:07,203 --> 00:13:09,643 at ganito kung makita man sila sa Mexico 190 00:13:09,723 --> 00:13:11,443 o makita man sila sa Egypt 191 00:13:11,523 --> 00:13:14,883 o makita man sila sa Cambodia o sa India. 192 00:13:16,963 --> 00:13:20,683 Isa itong detalyeng sumasalungat sa mainstream na pananaw 193 00:13:21,323 --> 00:13:23,563 na ang maraming sibilisasyon sa mundo… 194 00:13:24,803 --> 00:13:26,203 …ay iba-iba ang layunin dito. 195 00:13:28,643 --> 00:13:30,683 Ang ipinapahiwatig nito sa akin 196 00:13:30,763 --> 00:13:33,763 ay mayroong nangyayari sa likod nito. 197 00:13:36,483 --> 00:13:40,363 Nakikita ba natin ang paglalahad ng isang pambihirang master plan? 198 00:13:42,443 --> 00:13:45,643 Isang shared legacy mula sa isang naglahong sibilisasyong 199 00:13:45,723 --> 00:13:48,763 nagbigay ng rason at inspirasyon 200 00:13:48,843 --> 00:13:51,003 na umusbong sa kasunod na sibilisasyon. 201 00:13:55,843 --> 00:13:58,563 Isa itong posibilidad na ipinagtataka ko 202 00:13:58,643 --> 00:14:01,363 kung ang paggawa ng pyramid of Cholula 203 00:14:01,963 --> 00:14:06,643 ay mayroon pang mas matandang pinagmulan kaysa sa pinapaniwalaan ng mga arkeologo. 204 00:14:08,923 --> 00:14:10,683 Kumusta ang pagde-dating nito? 205 00:14:10,763 --> 00:14:12,843 Mayroon kayang carbon dates sa una? 206 00:14:12,923 --> 00:14:18,883 Wala. May ceramic tayong parehas sa ceramic mula sa Mexico 207 00:14:18,963 --> 00:14:21,323 mula pa sa 1,000 BC. 208 00:14:21,403 --> 00:14:24,003 Hindi ba patunay na ito sa buong istorya? 209 00:14:24,083 --> 00:14:26,403 Hindi. Hindi, ang masasabi ko'y hindi. 210 00:14:27,123 --> 00:14:29,563 Maraming trabaho ang kailangang gawin 211 00:14:29,643 --> 00:14:31,683 -sa prehistory ng Mexico. -Oo. 212 00:14:35,563 --> 00:14:38,003 Di ko pinabubulaanan ang ebidensyang 213 00:14:38,083 --> 00:14:40,043 nagsasabi ng petsa ng paggawa 214 00:14:40,123 --> 00:14:42,523 sa lugar ng Great Pyramid of Cholula 215 00:14:42,603 --> 00:14:46,923 na 2,300 taon na ang nakalipas, pero may mas lumang pyramid pa sa Mexico. 216 00:14:50,483 --> 00:14:54,363 At interesado talaga ako sa mga ideyang saligan nilang lahat. 217 00:14:56,363 --> 00:15:00,683 Noong 1519, noong dumating ang mga mananakop na Espanyol, 218 00:15:00,763 --> 00:15:04,163 nasira ang Great Pyramid of Cholula. 219 00:15:05,963 --> 00:15:09,363 Pero noong napagtanto nilang higit pa ito sa burol, 220 00:15:09,443 --> 00:15:11,563 at tinanong kung sino ang gumawa, 221 00:15:11,643 --> 00:15:14,963 ikinatuwang sinabi ng mga tagaroon ang alamat nito. 222 00:15:16,363 --> 00:15:17,803 Ayon sa alamat, 223 00:15:17,883 --> 00:15:21,003 ang Great Pyramid ay gawa ng lahi ng mga higante. 224 00:15:24,763 --> 00:15:28,363 Noong unang panahon, mayroong mga higante sa sinaunang Mexico, 225 00:15:29,203 --> 00:15:35,563 hanggang nagalit ang diyos ng ulan na si Tlaloc at binaha sila. 226 00:15:36,683 --> 00:15:39,043 Pito lamang ang nabuhay rito. 227 00:15:40,483 --> 00:15:46,363 Sa takot na baka maulit ito, ang higanteng si Xelhua, ang arkitekto, ay tumungo 228 00:15:46,443 --> 00:15:47,643 sa Cholula, 229 00:15:47,723 --> 00:15:49,483 at kasama ang mga tao rito ay 230 00:15:49,563 --> 00:15:52,563 gumawa ng artipisyal na bundok gamit ang ladrilyo, 231 00:15:54,123 --> 00:15:55,083 isang pyramid, 232 00:15:56,003 --> 00:15:59,323 at inialay ito sa pagsamba kay Tlaloc, ang diyos ng ulan. 233 00:16:02,603 --> 00:16:05,523 Itinuturing ito ng mga arkeologo na kathang-isip, 234 00:16:06,443 --> 00:16:09,323 pero tingin ko, dahil sa pagwalang-bahala rito, 235 00:16:09,403 --> 00:16:11,723 di natin makita ang ilang mahalagang bakas 236 00:16:11,803 --> 00:16:14,083 ng pinagmulan ng lugar na ito. 237 00:16:16,443 --> 00:16:18,203 Marahil ang arkitektong 238 00:16:18,283 --> 00:16:20,803 pumunta sa Cholula matapos ang baha 239 00:16:20,883 --> 00:16:22,603 ay baka di talagang higante, 240 00:16:23,763 --> 00:16:25,803 ngunit isa sa mga matatalino 241 00:16:25,883 --> 00:16:29,523 ng modernong sibilisasyon sa kasaysayan. 242 00:16:34,163 --> 00:16:36,723 Wag asahang madaling mahahanap ang ebidensiya, 243 00:16:37,963 --> 00:16:42,483 dahil, tulad sa Cholula, ang mga monumento ay matatagpuan 244 00:16:42,563 --> 00:16:45,883 sa ibabaw ng mas lumang gusali, 245 00:16:45,963 --> 00:16:47,643 nakatago ang pinagmulan nila. 246 00:16:50,483 --> 00:16:52,563 Dalawang oras sa hilagang kanluran, 247 00:16:54,403 --> 00:16:57,443 may isa pang pambihirang lugar na magbibigay ng sagot. 248 00:17:04,603 --> 00:17:07,603 Nakadapo sa taas nitong kakaibang burol 249 00:17:07,683 --> 00:17:11,203 ang isang sinaunang Aztec na gusaling kilalang Texcotzingo. 250 00:17:19,963 --> 00:17:23,122 Dito sa Texcotzingo, nakakita ulit kami ng pyramid, 251 00:17:23,723 --> 00:17:26,603 ngayon ay gawa mismo ng Earth. 252 00:17:28,003 --> 00:17:29,923 Madaling maunawaan kung bakit ito 253 00:17:30,003 --> 00:17:33,203 mayroong magnetismo sa mga sinaunang tao. 254 00:17:35,203 --> 00:17:38,043 Tunay na mahalaga ang mga pyramid sa Mexico. 255 00:17:39,403 --> 00:17:41,563 Dito, noong ika-15 na siglo, 256 00:17:41,643 --> 00:17:46,123 gumawa ang mga Aztec ng kahanga-hangang network ng terrace na hardin at pool 257 00:17:47,483 --> 00:17:50,203 na mayroong kakaibang mga aqueduct 258 00:17:50,283 --> 00:17:54,523 na nagdadala ng tubig pababa mula sa imbakan sa ibabaw ng bundok. 259 00:17:56,243 --> 00:18:00,683 Para itong Hanging Gardens of Babylon, na istilong Mesoamerica. 260 00:18:02,963 --> 00:18:06,003 Pero nakakaintriga, base sa imbestigasyon ko, 261 00:18:06,083 --> 00:18:09,603 lahat ng mga ito ay inaalay sa parehong sinaunang diyos 262 00:18:09,683 --> 00:18:12,763 na kaugnay sa pinakaunang pyramid sa Cholula… 263 00:18:14,523 --> 00:18:21,123 Si Tlaloc, ang diyos ng mga ulan at baha, na ang sumasamba ay nauna pa sa mga Aztec. 264 00:18:24,003 --> 00:18:25,963 Pinaniniwalaan ng mga arkeologo 265 00:18:26,043 --> 00:18:28,923 na ang Aztec ang unang nakapansin sa Texcotzingo, 266 00:18:29,803 --> 00:18:32,483 pero mas matanda pa kaya ang lugar na ito? 267 00:18:36,803 --> 00:18:39,163 Di pinansin ng mananakop na Espanyol 268 00:18:39,243 --> 00:18:42,563 na ang Texcotzingo ay gawa ng mga Aztec, 269 00:18:44,283 --> 00:18:47,603 at iyon din ang sasabihin sa 'yo ng mga arkeologo. 270 00:18:48,963 --> 00:18:53,523 Pero paano kung inayos lang ng Aztec ang mga ito at dinagdagan 271 00:18:53,603 --> 00:18:56,803 at orihinal na ginawa ng mas lumang sibilisasyon? 272 00:18:59,843 --> 00:19:05,403 Naniniwala doon ang manunulat na si Marco Vigato. 273 00:19:06,803 --> 00:19:07,643 MARCO VIGATO AWTOR, 'THE EMPIRES OF ATLANTIS' 274 00:19:07,723 --> 00:19:10,323 Halatang ang lugar ay binago, matagal na. 275 00:19:10,403 --> 00:19:13,363 Ang bato ay napakatigas na uri ng batong porphyry. 276 00:19:13,443 --> 00:19:15,483 Kung titingnan mo ang lugar, 277 00:19:15,563 --> 00:19:18,963 makikita mong ang mga bato ay napakaluma na. 278 00:19:19,603 --> 00:19:22,683 Ilang parte ng lugar ay nagpapakita ng pagguho 279 00:19:22,763 --> 00:19:24,683 ng ilang libong taon, 280 00:19:24,763 --> 00:19:28,163 tapos ito pa ay napakatigas na uri ng bato. 281 00:19:30,403 --> 00:19:33,923 Tama. Sa pananaw mo, ang mga Aztec, sila ay nahuli na, 282 00:19:34,563 --> 00:19:39,403 pero natagpuan nila ang lugar na itong medyo buo na 283 00:19:39,483 --> 00:19:41,003 at inayos nila ito 284 00:19:41,083 --> 00:19:42,843 -at pinaganda lalo. -Tama. 285 00:19:43,723 --> 00:19:45,443 Ito'y radikal na pag-iisip. 286 00:19:47,003 --> 00:19:49,723 Maaari kayang may mas matanda pang kulturang 287 00:19:49,803 --> 00:19:53,283 umukit nitong mga kakaibang disenyo sa gilid ng burol? 288 00:19:55,603 --> 00:19:58,683 Para itong lumang megalith na nagkalat sa lapag. 289 00:20:01,883 --> 00:20:04,923 At itong silid na nakaukit mula sa bato. 290 00:20:07,643 --> 00:20:10,483 Tunay na nauna ang lugar na ito sa mga Aztec. 291 00:20:10,563 --> 00:20:12,843 Natirhan lang ito at nagamit muli. 292 00:20:14,723 --> 00:20:17,883 Ito ang konklusyong papabulaanan ng mga arkeologo, 293 00:20:17,963 --> 00:20:20,283 pero may mga kaugnay na patunay pa. 294 00:20:22,363 --> 00:20:26,443 Hindi malayo, sa isang natuyong ilog sa paanan ng bundok, 295 00:20:26,523 --> 00:20:29,963 isang malaking rebulto ni Tlaloc ang natagpuan. 296 00:20:31,763 --> 00:20:35,923 Ang pinakamalaking inukit na batong makikita sa buong America. 297 00:20:40,243 --> 00:20:44,083 Nasabi ng mga arkeologo na mula pa ito sa 700 AD, 298 00:20:45,523 --> 00:20:48,603 bago pa nakarating sa lupain ang mga Aztec. 299 00:20:51,123 --> 00:20:53,963 Patunay ito na si Tlaloc, ang diyos ng ulan, 300 00:20:54,043 --> 00:20:57,683 ay sinasamba na sa lugar na ito ng mga naunang kultura, 301 00:20:57,763 --> 00:21:00,603 marahil ay may ibang tawag, 302 00:21:00,683 --> 00:21:04,163 na halos ilang libong taon, at baka mas matagal pa. 303 00:21:08,963 --> 00:21:12,363 Sa katunayan, si Tlaloc, bilang mitolohikong karakter, 304 00:21:12,443 --> 00:21:13,803 ay galing pa 305 00:21:13,883 --> 00:21:16,803 sa pinakaunang kultura ng prehistoric Mexico. 306 00:21:20,243 --> 00:21:21,523 At di siya nag-iisa. 307 00:21:23,323 --> 00:21:26,883 Ang pagbaha sa mundo na dala ng diyos ng ulan ay naglalarawan 308 00:21:26,963 --> 00:21:31,043 ng paglitaw ng nakakaintrigang karakter sa Mitolohiyang Mexican… 309 00:21:33,003 --> 00:21:34,403 si Quetzalcoatl. 310 00:21:38,163 --> 00:21:39,883 Pagkatapos ng Great Flood, 311 00:21:39,963 --> 00:21:43,443 isang estranghero mula sa silangan ang dumating sa Mexico 312 00:21:44,163 --> 00:21:49,163 na nakasakay sa bangkang walang sagwan, sinasabing dinala ng mga ahas. 313 00:21:50,803 --> 00:21:53,123 Ang pangalan niya ay Quetzalcoatl, 314 00:21:53,683 --> 00:21:55,603 o "ang mabalahibong ahas." 315 00:21:56,403 --> 00:22:01,003 Tinuruan nila ang mga tagaroon na magtanim at mag-alaga ng mga hayop. 316 00:22:02,963 --> 00:22:04,403 Binigyan sila ng batas 317 00:22:04,483 --> 00:22:08,123 at tinuruan ng arkitektura, astronomiya, at sining. 318 00:22:08,763 --> 00:22:10,523 Sinamba siya bilang diyos. 319 00:22:13,083 --> 00:22:17,203 Pero pagkatapos siyang patalsikin ng mga tagasunod ng isang war god, 320 00:22:17,843 --> 00:22:23,443 umalis si Quetzalcoatl patungong silangan, nangakong balang-araw ay babalik. 321 00:22:29,923 --> 00:22:35,203 Ang alamat ni Quetzalcoatl ay nakukuwento sa maraming henerasyon, hanggang ngayon. 322 00:22:38,083 --> 00:22:41,443 May nakuha kaming paglalarawan ng balbas-saradong tao. 323 00:22:42,003 --> 00:22:46,043 Para siyang banyaga mula sa karagatan, 324 00:22:46,123 --> 00:22:49,363 at may dala siyang regalo ng sibilisasyon. 325 00:22:53,403 --> 00:22:57,643 Ang kahanga-hanga rito ay madalas marinig ang kuwentong ito 326 00:22:58,483 --> 00:23:02,523 mula sa mga kulturang walang koneksiyon sa sinaunang Mexico. 327 00:23:08,163 --> 00:23:10,883 Pareho ang tagpo. May malaking sakuna. 328 00:23:12,403 --> 00:23:17,643 Dinala ang mundo sa kadiliman, pagbaha, kaguluhan kahit saan. 329 00:23:17,723 --> 00:23:19,163 Bumagsak ang lipunan. 330 00:23:23,283 --> 00:23:27,723 At pagkatapos ng kadiliman, lumabas ang mayroong kaalaman 331 00:23:27,803 --> 00:23:31,043 sa pangangailangan para makagawa ng isang sibilisasyon. 332 00:23:31,923 --> 00:23:35,643 At siya ang nagturo sa mga nakaligtas sa sakuna 333 00:23:35,723 --> 00:23:37,603 kung paano magsimula muli. 334 00:23:39,963 --> 00:23:43,883 Sa sinaunang mitolohiyang Griyego, ang Titan na si Prometheus 335 00:23:44,443 --> 00:23:48,763 na, pagkatapos ng pagbaha, ay nagbahagi ng sikreto sa apoy. 336 00:23:51,283 --> 00:23:53,123 Sa South American Andes, 337 00:23:53,203 --> 00:23:58,163 inilarawan ng mga pre-Inc ang balbas-sarado na tinatawag na Viracocha, 338 00:23:59,163 --> 00:24:01,163 na lumabas mula sa isang lawa… 339 00:24:01,283 --> 00:24:05,403 …at tinuruan ang mga tagaroon ng pagmamason 340 00:24:05,483 --> 00:24:07,163 na umiiral pa rin ngayon. 341 00:24:08,563 --> 00:24:12,963 Pati sa Pasipiko, may alamat ang Polynesian na si Maui, 342 00:24:13,043 --> 00:24:16,763 na gumawa ng mga isla nila sa pamamagitan ng paghila sa dagat, 343 00:24:17,763 --> 00:24:21,243 at tinuruan ang mga tagaroon na gumamit ng mga bato 344 00:24:21,803 --> 00:24:23,323 at magluto ng pagkain. 345 00:24:27,003 --> 00:24:29,723 Sinasabi ng arkeologo na ang mga bayaning ito 346 00:24:29,803 --> 00:24:33,923 ay kathang-isip lamang ng mga sinauna, 347 00:24:34,643 --> 00:24:37,483 pero mahirap kalimutan ang mga pagkakapareho. 348 00:24:38,163 --> 00:24:42,683 Paano kung ang mga ito ay naglalarawan ng mga advanced na sibilisasyong 349 00:24:42,763 --> 00:24:45,563 naglaho dahil sa mga sakuna ng pagbaha't sunog 350 00:24:45,643 --> 00:24:48,043 na alam nating nangyari noong Ice Age? 351 00:24:55,643 --> 00:24:57,323 Ang mga mito ng Mexico 352 00:24:57,403 --> 00:24:59,963 at ang istorya ng Quetzalcoatl, 353 00:25:00,523 --> 00:25:03,723 ay kaugnay sa isang apocalyptic na sandali. 354 00:25:05,363 --> 00:25:08,243 At naniniwala si Marco na may tala nito 355 00:25:08,323 --> 00:25:10,843 na malapit lang sa timog ng Mexico City, 356 00:25:12,643 --> 00:25:14,923 sa mga templo ng Xochicalco. 357 00:25:18,803 --> 00:25:22,763 Katulad ng Cholula, ang lungsod na ito ay itinayo ng mga katutubo 358 00:25:22,843 --> 00:25:26,483 na wala tayo masyadong alam mula sa ikapitong siglo ng AD. 359 00:25:28,203 --> 00:25:30,923 Dito, makikita mo ang labi ng dalawang pyramid. 360 00:25:32,283 --> 00:25:34,483 Isang inalay sa diyos ng ulan, 361 00:25:35,163 --> 00:25:41,363 at ang isa ay inalay sa bayani ng Mexico, si Quetzalcoatl. 362 00:25:44,443 --> 00:25:49,043 Pumunta ako rito para matuto pa tungkol sa mga mitilohikong karakter. 363 00:25:51,043 --> 00:25:55,243 Para sa mga arkeologo, ang mga mito ay pantasya at di kumpleto. 364 00:25:56,043 --> 00:25:59,523 Hindi nila ito pinapansin dahil gustong buuin ang nakaaran. 365 00:26:00,883 --> 00:26:03,963 Pero dito sa Xochicalco, nais ng ilang mananaliksik 366 00:26:04,043 --> 00:26:05,683 na makagawa ng pagtatala 367 00:26:05,763 --> 00:26:08,723 ng isa sa mga mahalagang mito ng sinaunang Mexico. 368 00:26:09,683 --> 00:26:13,843 Isang talang naniniwala silang pinapanatili ang nakalimutang panahon. 369 00:26:16,883 --> 00:26:20,083 Nakabalot sa apat na kanto ng templo ng Quetzalcoatl 370 00:26:20,163 --> 00:26:22,483 ang detalyadong pag-ukit tungkol sa diyos 371 00:26:22,563 --> 00:26:25,323 na ikinakatawan ng mabalahibong ahas. 372 00:26:28,123 --> 00:26:32,403 Malinaw na mahalaga siyang pigura kahit noong 700 AD. 373 00:26:34,763 --> 00:26:39,043 Pero naniniwala si Marco na ang mga glyph na nakaukit sa bato 374 00:26:39,123 --> 00:26:42,523 ay magpapahiwatig ng mga detalye ng pinagmulan nito. 375 00:26:44,123 --> 00:26:45,443 Ano'ng ispesyal dito? 376 00:26:45,523 --> 00:26:48,883 Ang nasa ibabang parte ng pyramid 377 00:26:48,963 --> 00:26:52,923 ay ang paglalarawan ng pagdating ni Quetzalcoatl 378 00:26:53,003 --> 00:26:55,443 na nagpapakita sa tatlong kanto… 379 00:26:55,523 --> 00:26:57,083 -Oo. -…ng pyramid 380 00:26:57,163 --> 00:27:01,403 hanggang marating natin ang unang mahalagang glyph na ito. 381 00:27:01,483 --> 00:27:04,723 At ang nakikita mo rito ay isang nagliliyab na templo. 382 00:27:04,803 --> 00:27:07,123 Mayroong mga balumbon ng usok o apoy. 383 00:27:07,203 --> 00:27:09,643 -Para bang nasusunog ito. -Tama. Mismo. 384 00:27:09,723 --> 00:27:12,083 Paano naman ang rolyo ng ahas? 385 00:27:12,163 --> 00:27:14,363 Paano mo ito iintindihin? 386 00:27:14,443 --> 00:27:16,683 Ito ang buntot ng ahas. 387 00:27:16,763 --> 00:27:19,603 -Oo. -Nakapulupot ito sa nagliliyab na templo. 388 00:27:19,683 --> 00:27:22,203 Mukha itong along humahampas… 389 00:27:22,283 --> 00:27:24,603 -Oo. -…sa gilid ng templo. 390 00:27:24,683 --> 00:27:28,563 Makikita mo agad ang representasyon ng isang isla. 391 00:27:29,203 --> 00:27:31,843 May nagliliyab na templo 392 00:27:31,923 --> 00:27:34,043 at alon na humahampas, sa tingin mo? 393 00:27:34,123 --> 00:27:35,443 -Ganoon nga. -Oo. 394 00:27:38,243 --> 00:27:40,683 Ano ang interpretasyon mo rito, Marco? 395 00:27:40,763 --> 00:27:43,723 May makapangyarihang pigurang nakaupo 396 00:27:43,803 --> 00:27:46,523 na mukhang nasa balsa ng mga ahas 397 00:27:46,603 --> 00:27:51,123 na palayo sa direksiyon ng nagliliyab na templo. 398 00:27:51,843 --> 00:27:54,963 Ang nakikita mo ay ang paglalarawan ng isang sakuna 399 00:27:55,043 --> 00:28:00,403 na nangyari sa isang lugar, na ang nakaligtas ay si Quetzalcoatl. 400 00:28:00,483 --> 00:28:05,483 May ideya ka nitong diyos na galing sa lupaing nawasak. 401 00:28:05,563 --> 00:28:09,763 At ito ang pagdating ng diyos na si Quetzalcoatl dito sa Mexico 402 00:28:09,843 --> 00:28:12,363 na nagtatag ng sibilisasyong Mesoamerican. 403 00:28:13,363 --> 00:28:16,443 Ito'y salaysay na galing sa napakalayong nakaraan. 404 00:28:22,403 --> 00:28:27,683 Ang pagkaintindi ni Marco sa mga glyph ng templo bilang paglalarawan ng apocalypse 405 00:28:27,763 --> 00:28:30,283 ay kaugnay sa mga opinyon ng arkeolohiko. 406 00:28:31,563 --> 00:28:34,643 Pero hindi ibig sabihing mali siya. 407 00:28:36,523 --> 00:28:40,243 Ang Templo ng Mabalahibong Ahas ay tinatayang 1,300 taon na, 408 00:28:40,323 --> 00:28:42,643 at tama ang mga arkeologong sabihing 409 00:28:42,723 --> 00:28:45,723 walang sakuna sa mundo noong panahong iyon 410 00:28:45,803 --> 00:28:48,403 na maaaring magpaliwanag kay Quetzalcoatl. 411 00:28:48,963 --> 00:28:50,763 Hindi ito ang punto. 412 00:28:50,843 --> 00:28:54,003 Tiyak na ang tradisyong ito ay mas matanda pa sa templo. 413 00:28:54,083 --> 00:28:56,043 Gaano katanda? Walang may alam. 414 00:28:56,123 --> 00:29:00,243 Pero may isang panahon sa prehistory na sakto rito. 415 00:29:02,163 --> 00:29:06,683 Kinumpirma ng mga geologist na mayroong sinaunang apocalypse. 416 00:29:07,523 --> 00:29:10,123 Isang panahon ng matinding sakuna at pagbaha 417 00:29:10,203 --> 00:29:14,683 na may kasintinding epekto rito katulad sa buong mundo… 418 00:29:16,883 --> 00:29:22,803 sa pagtatapos ng huling Ice Age, mga 12,800 taon ang nakaraan. 419 00:29:23,643 --> 00:29:28,523 Maaari kaya ang istorya ng pagdating ni Quetzalcoatl ay ganoon na katagal? 420 00:29:34,603 --> 00:29:38,483 Hindi ko tinatanong ang edad ng istruktura. 421 00:29:38,563 --> 00:29:42,963 Ang mayroon dito ay paglalarawan ng istoryang sa katunayan ay mas luma pa. 422 00:29:43,763 --> 00:29:46,083 Kaya, baka ang kulang sa arkeolohiyo 423 00:29:46,163 --> 00:29:47,603 ay arkeolohiyo ng ideya. 424 00:29:47,683 --> 00:29:51,323 Baka nakapokus sila masyado sa petsa ng paggawa mismo 425 00:29:51,403 --> 00:29:53,403 at hindi naisip ang mga ideya rito. 426 00:29:53,483 --> 00:29:54,323 Tama. 427 00:29:56,763 --> 00:29:58,203 Kung handa tayong balikan 428 00:29:58,283 --> 00:30:01,683 ang lagpas sa artipisyal na nakikita na sinabi ng arkeolohiya, 429 00:30:01,763 --> 00:30:04,523 magkakaroon ng kahulugan ang mito, 430 00:30:04,603 --> 00:30:07,283 hindi bilang pantasya ng pangyayaring gawa-gawa, 431 00:30:07,363 --> 00:30:10,283 ngunit bilang tunay na tala ng nakalimutang nakaraan. 432 00:30:14,443 --> 00:30:17,923 Tinatanggihan ng mga arkeologo ang ganoong mungkahi, 433 00:30:19,763 --> 00:30:21,923 pero imposibleng hindi mapuna 434 00:30:22,003 --> 00:30:25,883 kung gaano kakalat ang mga kuwento tungkol sa mga bayaning ito. 435 00:30:27,443 --> 00:30:29,843 Minsan ay mga diyos, minsan ay mga taong 436 00:30:31,043 --> 00:30:33,883 dumating sa kaguluhan pagkatapos ng sakuna. 437 00:30:35,603 --> 00:30:37,283 Nagturo ng agrikultura, 438 00:30:37,363 --> 00:30:40,843 arkitektura, inhinyeriya, at astronomiya sa mga nakaligtas. 439 00:30:42,603 --> 00:30:43,523 Sa tradisyon, 440 00:30:43,603 --> 00:30:47,403 naniniwala akong mahahanap ang mga nawalang sibilisasyon. 441 00:30:49,043 --> 00:30:54,483 Kaya, saan nakabase ang sibilisasyon bago ang sakunang sumira dito? 442 00:30:55,523 --> 00:30:59,403 Napakaraming posibilidad na hindi pa naiisip. 443 00:30:59,483 --> 00:31:02,803 Dahil, sa nakita natin, sa tugatog ng huling Ice Age… 444 00:31:03,803 --> 00:31:05,563 …iba ang mukha ng planeta. 445 00:31:07,123 --> 00:31:10,643 Pero may mga bakas pang paparating sa buong mundo. 446 00:31:11,683 --> 00:31:14,003 Diyan, katulad sa Cholula, 447 00:31:14,083 --> 00:31:17,163 na may dose-dosenang templo na pinaniwalaang ginawa 448 00:31:17,243 --> 00:31:19,003 ng sinaunang lahi ng higante, 449 00:31:20,243 --> 00:31:26,163 sa mga islang hindi isla dati, sa gitna ng Mediterranean Sea. 450 00:31:26,243 --> 00:31:28,923 At doon ako dadalhin ng paglalakbay ko, 451 00:31:29,003 --> 00:31:31,483 sa napakalaking bugtong sa bato. 452 00:31:32,323 --> 00:31:35,283 Ang mga misteryosong megalith ng Malta. 453 00:32:01,643 --> 00:32:06,643 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Karen Sy