1 00:00:06,043 --> 00:00:08,963 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,163 --> 00:00:15,803 Isa sa mga problema ko 3 00:00:15,883 --> 00:00:19,523 sa tipikal na pananaw tungkol sa pagsulong ng sibilisasyon 4 00:00:19,603 --> 00:00:25,163 ay ang opinyong tayo ang pinakamatagumpay 5 00:00:25,243 --> 00:00:27,963 na sibilisasyon sa buong kasaysayan. 6 00:00:33,563 --> 00:00:36,923 Mayabang tayo dahil doon. 7 00:00:38,243 --> 00:00:43,243 Tingin natin, mas simple ang mga ninuno natin noon, 8 00:00:43,323 --> 00:00:45,963 mas kaunti ang kaalaman at kakayahan nila. 9 00:00:49,163 --> 00:00:53,763 Di lang tuwid na linya ang ebolusyon 10 00:00:53,843 --> 00:00:58,203 mula sa primitibong tao hanggang sa modernong tao. 11 00:00:58,283 --> 00:01:00,363 Di 'yon ganoon. 12 00:01:05,883 --> 00:01:08,243 Sa kwento ng mga sibilisasyon, 13 00:01:08,323 --> 00:01:13,363 baka may mga pagbabago, sumusulpot at nawawalang mga sibilisasyon, 14 00:01:13,443 --> 00:01:17,683 at posibleng maglahong tuluyan ang isang buong sibilisasyon. 15 00:01:17,763 --> 00:01:22,203 Nangyari na 'yon noon, dito sa Mediterranean sa Malta. 16 00:01:43,243 --> 00:01:47,603 Malta, ang napakagandang Mediterranean archipelago, 17 00:01:47,683 --> 00:01:49,163 ay kinamamanghaan ko. 18 00:01:51,643 --> 00:01:56,563 Suspetsa ko, halos lahat ng sinabi ng mga archaeologist tungkol sa nakaraan nito 19 00:01:57,283 --> 00:01:58,283 ay mali. 20 00:02:00,363 --> 00:02:03,723 At dahil ang katotohanan, kung malalaman, 21 00:02:03,803 --> 00:02:08,603 ay makakapagbigay ng mahalagang ebidensiya ng nawawalang sibilisasyon. 22 00:02:11,203 --> 00:02:15,163 Ang dalawang isla ng Malta ay maliit na bahagi lang ng Mediterranean. 23 00:02:16,082 --> 00:02:19,723 Saktong nakagitna sa Europe, Africa, at Middle East, 24 00:02:19,803 --> 00:02:24,123 ilang siglo na iyong pumapel sa kuwento ng sibilisasyon. 25 00:02:28,163 --> 00:02:30,723 Ayon sa opisyal na timeline ng Malta… 26 00:02:31,923 --> 00:02:36,003 mga 7,900 taon na mula noong nanirahan ang unang tao rito. 27 00:02:38,003 --> 00:02:40,003 Simpleng magsasaka sila noong Stone Age 28 00:02:40,083 --> 00:02:42,963 na nakabangkang tumawid sa karagatan mula Italy. 29 00:02:43,043 --> 00:02:45,123 Nanggaling siguro sila sa Sicily… 30 00:02:45,443 --> 00:02:49,643 at nagdala sila ng mga unang alagang hayop, 31 00:02:49,723 --> 00:02:51,523 at mga domestikadong halaman. 32 00:02:55,883 --> 00:03:00,083 At nagkaroon ang mga tao rito ng sarili nilang kultura. 33 00:03:01,843 --> 00:03:05,963 Ayon sa opisyal na timeline, mga 5,600 taon na ang nakakaraan… 34 00:03:07,203 --> 00:03:10,723 nagising sila isang araw at itinayo ito. 35 00:03:18,643 --> 00:03:20,123 Tinatawag itong Ġgantija 36 00:03:21,283 --> 00:03:24,563 at talagang napakalaking megalithic structure nito. 37 00:03:27,963 --> 00:03:29,723 Matagal itong inakalang 38 00:03:29,803 --> 00:03:33,643 pinakamatandang freestanding monumental structure sa daigdig. 39 00:03:38,523 --> 00:03:43,483 Pakiramdam ko, ang liit-liit ko habang nandito sa Ġgantija, 40 00:03:43,563 --> 00:03:46,803 para akong duwende sa mundo ng mga higante. 41 00:03:49,683 --> 00:03:51,283 Gawa ang mga pader sa 42 00:03:51,363 --> 00:03:54,243 daan-daang higanteng megalith na binuhat. 43 00:03:56,603 --> 00:03:58,723 Ilan sa mga ito ay 50 tonelada. 44 00:04:02,163 --> 00:04:03,603 At ang nakikita ngayon 45 00:04:03,683 --> 00:04:06,643 ay kalahati lang ng orihinal na taas ng templo. 46 00:04:14,843 --> 00:04:18,083 Noon, talagang higante ang Ġgantija. 47 00:04:19,963 --> 00:04:21,763 Parang tatlong palapag na bahay. 48 00:04:24,163 --> 00:04:28,763 Gawa ang labas sa malalaking batong pinagpatong-patong. 49 00:04:32,803 --> 00:04:36,763 Dalawang konektadong templong may mga oblong na kuwarto, 50 00:04:38,283 --> 00:04:39,963 pininturahang pula ang loob. 51 00:04:41,643 --> 00:04:42,923 At may mga altar, 52 00:04:43,003 --> 00:04:45,843 kung saan matatagpuan ang sunog na buto ng mga hayop, 53 00:04:46,563 --> 00:04:49,243 kaya maaaring may mga ritwal o kainan doon. 54 00:04:53,323 --> 00:04:57,403 Walang sinulat tungkol sa kung kailan ito itinayo, 55 00:04:57,483 --> 00:04:59,603 at walang maaasahang carbon date. 56 00:05:04,803 --> 00:05:07,523 Gaano na kaya ito katanda? 57 00:05:09,483 --> 00:05:11,923 Ebidensiya ba ito ng nawawalang sibilisasyong 58 00:05:12,003 --> 00:05:13,603 kumbinsido akong 59 00:05:13,683 --> 00:05:17,643 nabuhay bago pa ang sinasabing pagsibol ng sibilisasyon? 60 00:05:22,883 --> 00:05:28,763 Ang tanging rason kaya sinasabi na itinayo ang Ġgantija 5,600 taon na ang nakakaraan 61 00:05:28,843 --> 00:05:31,443 ay dahil may mga natagpuang artepakto roong 62 00:05:31,523 --> 00:05:35,323 tugma sa mga mas simpleng site noong panahon ding 'yon, 63 00:05:36,923 --> 00:05:40,483 pero di ibig sabihing 'yon din ang edad ng estruktura. 64 00:05:41,043 --> 00:05:44,323 Maaaring dinala roon ang mga artepakto sa ibang panahon. 65 00:05:45,283 --> 00:05:49,083 Ang totoo, ang gulo ng prehistory ng Malta. 66 00:05:50,883 --> 00:05:52,283 Isipin mo. 67 00:05:52,363 --> 00:05:55,123 Magagawa ba ito ng mga magsasaka, na ayon sa 68 00:05:55,203 --> 00:05:57,523 mga archaeologist ay simple lang 69 00:05:58,123 --> 00:06:00,283 ang kayang itayo? 70 00:06:02,843 --> 00:06:04,883 Kapag tiningnan ito, 71 00:06:04,963 --> 00:06:09,843 makikita mo ang ebidensiya ng mga kakayahang 72 00:06:09,923 --> 00:06:11,843 kailangan para magawa iyon. 73 00:06:12,643 --> 00:06:17,283 Di lang biglaang natututuhan ang pagbubuhat ng 20 o 30 toneladang megalith. 74 00:06:17,363 --> 00:06:18,923 Kailangan iyong pag-aralan. 75 00:06:19,003 --> 00:06:21,683 Wala akong nakikitang ebidensiya niyon. 76 00:06:23,003 --> 00:06:24,243 At ito pa, 77 00:06:24,763 --> 00:06:28,123 di lang Ġgantija ang megalithic temple ng Malta. 78 00:06:29,843 --> 00:06:32,003 Sa dalawang malaking isla ng Malta, 79 00:06:32,083 --> 00:06:36,003 nakakita ang mga archaeologist ng 19 sinaunang estruktura 80 00:06:37,123 --> 00:06:40,283 sa lupaing kalahati lang ng laki ng Chicago, 81 00:06:41,083 --> 00:06:44,803 at ang pinakamatanda, sabi ng iba, ay ang Ġgantija mismo. 82 00:06:47,723 --> 00:06:52,123 Para sa maliit na islang ito, ang dami ng templong kailangan ng 83 00:06:52,203 --> 00:06:54,203 maraming manggagawa. 84 00:06:54,283 --> 00:06:55,243 Sobra. 85 00:06:56,603 --> 00:07:01,403 Kaya napapatanong ako, sino nga kaya ang gumawa ng Ġgantija at kailan? 86 00:07:01,483 --> 00:07:05,443 Posible bang magawa ng mga taong may simpleng gamit lang 87 00:07:06,523 --> 00:07:10,283 ang mga napakalaki, napakapulido, at 88 00:07:10,363 --> 00:07:12,683 napakakomplikadong estruktura sa Malta? 89 00:07:18,203 --> 00:07:23,003 Mas komplikado at eksplosibo pa roon ang katotohanan. 90 00:07:27,603 --> 00:07:29,803 Nakita na natin 'yon sa Indonesia… 91 00:07:30,643 --> 00:07:36,483 at Mexico, na may maituturo sa atin ang mga sinaunang mito at kuwento. 92 00:07:37,243 --> 00:07:40,563 Ang mga kuwentong ipinamana sa mga henerasyon 93 00:07:40,643 --> 00:07:43,203 ay dapat pansinin ng mga archaeologist. 94 00:07:44,843 --> 00:07:47,683 At kung titingnan ang mga sinaunang alamat ng Malta, 95 00:07:47,763 --> 00:07:49,363 mayroon 'yong kuwento 96 00:07:49,443 --> 00:07:52,363 tungkol sa kung sino ang gumawa ng Ġgantija. 97 00:08:02,243 --> 00:08:07,523 May nakakaintrigang sinaunang alamat tungkol sa higanteng si Sansuna. 98 00:08:11,563 --> 00:08:13,083 Sinasabing ang higante 99 00:08:13,163 --> 00:08:15,763 ay nakipagtalik sa isang lalaki sa lupain 100 00:08:17,163 --> 00:08:19,243 at nanganak ng batang hati. 101 00:08:21,243 --> 00:08:23,523 Matapos 'yon, para magdiwang, 102 00:08:24,283 --> 00:08:27,523 itinayo niya ang templo sa loob ng isang araw at gabi, 103 00:08:28,643 --> 00:08:30,843 habang dala ang bata sa balikat niya. 104 00:08:33,523 --> 00:08:36,963 Napaisip ako roon, siyempre, puwedeng alamat lang 'yon. 105 00:08:37,962 --> 00:08:41,563 Di ako naniniwalang may literal na higante sa mundo noon. 106 00:08:42,842 --> 00:08:45,323 Pero paano kung isa siyang taong 107 00:08:45,403 --> 00:08:48,483 may kakaibang lakas at kakayahan para mag-isang 108 00:08:48,563 --> 00:08:50,763 maitayo ang templong ito? 109 00:08:51,843 --> 00:08:55,043 Malaki ang pagkakatulad ng alamat na ito 110 00:08:55,123 --> 00:08:59,603 sa kuwento ng mga higanteng nagtayo ng Great Pyramid of Cholula sa Mexico, 111 00:09:00,363 --> 00:09:03,483 kuwentong konektado sa dakilang pagbaha noong prehistory. 112 00:09:08,363 --> 00:09:10,763 Maaari kayang ang mga higanteng ito 113 00:09:10,843 --> 00:09:15,803 ay isang mas advanced at mas sinaunang kultura? 114 00:09:16,603 --> 00:09:19,963 Paano kung mali ang timeline ng prehistory ng Malta? 115 00:09:22,763 --> 00:09:25,803 Nang dumating dito ang mga magsasaka mula sa Sicily, 116 00:09:25,883 --> 00:09:28,483 paano kung nandito na ang Ġgantija at iba pang 117 00:09:28,563 --> 00:09:30,243 mga megalithic temple? 118 00:09:30,323 --> 00:09:34,283 Paano kung iba ang nagtayo ng mga estrukturang iyon? 119 00:09:36,763 --> 00:09:41,123 Isang mas advanced na lipunang matagal nang nandito sa Malta. 120 00:09:43,003 --> 00:09:44,283 Di lang 'yon posible, 121 00:09:47,563 --> 00:09:48,603 kundi malamang. 122 00:09:51,483 --> 00:09:53,443 At tingin ko, di sila naglayag, 123 00:09:54,283 --> 00:09:56,163 kundi naglakad. 124 00:09:59,883 --> 00:10:02,923 Di talaga isla noon ang Malta. 125 00:10:03,883 --> 00:10:05,883 Sa dulo ng huling Ice Age, 126 00:10:05,963 --> 00:10:09,723 ang lebel ng karagatan ay nasa 120 metro, 127 00:10:09,803 --> 00:10:12,603 400 feet, mas mababa sa ngayon. 128 00:10:14,643 --> 00:10:17,563 At ang mga islang Maltese ay dating burol, 129 00:10:17,643 --> 00:10:21,403 parte ng isang malaking lupaing nagkonekta sa Malta 130 00:10:21,483 --> 00:10:23,363 at sa ngayo'y Sicily 131 00:10:23,443 --> 00:10:27,403 at mula roon, hanggang sa European mainland. 132 00:10:29,243 --> 00:10:31,723 Noon, di pa magandang tirahan ang Europe. 133 00:10:32,523 --> 00:10:35,763 Malamig, tuyot, at walang pagkakabuhayan. 134 00:10:37,163 --> 00:10:41,043 Alam nating tumawid ang mga hayop noon sa sinaunang tulay 135 00:10:41,123 --> 00:10:46,083 patungo sa mainit at saganang lupain ng Malta at namuhay roon. 136 00:10:48,523 --> 00:10:50,483 Sinundan kaya sila ng mga tao? 137 00:10:55,883 --> 00:10:59,963 May bakas ng mga sinaunang tao sa Sicily noong panahong 'yon. 138 00:11:02,723 --> 00:11:06,043 Bakit di puwedeng nagpatuloy sila sa paglilipat? 139 00:11:07,203 --> 00:11:10,683 Para sa akin, ang misteryo ng biglaang pagsulpot ng mga 140 00:11:10,763 --> 00:11:13,843 templong Maltese 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan, 141 00:11:13,923 --> 00:11:15,843 ay masasagot ng paniniwalang 142 00:11:15,923 --> 00:11:18,443 matagal nang may tao roon, noong Ice age, 143 00:11:18,523 --> 00:11:21,163 12,000, 14,000 taon na ang nakakaraan, 144 00:11:21,243 --> 00:11:22,923 noong konektado pa ang Malta. 145 00:11:25,123 --> 00:11:28,123 Ang problema ay paniniwala ng mga archaeologist 146 00:11:28,203 --> 00:11:32,043 na walang ebidensiya ng kahit anong tao sa Malta 147 00:11:32,123 --> 00:11:33,683 noong panahong 'yon. 148 00:11:33,763 --> 00:11:35,603 Pero di 'yon totoo. 149 00:11:36,883 --> 00:11:39,323 At nandito sa kuweba ang pruweba. 150 00:11:43,443 --> 00:11:44,483 Ito ang Ghar Dalam, 151 00:11:45,323 --> 00:11:48,283 malapit sa baybay ng main na isla ng Malta. 152 00:11:50,763 --> 00:11:53,323 Isang geological na preserbasyong 153 00:11:53,403 --> 00:11:56,443 nakakapagpakita ng prehistory ng Malta. 154 00:12:00,483 --> 00:12:04,603 Nag-iwan dito ng mga buto at kalansay ng mga hayop ang ilang pagbaha 155 00:12:04,683 --> 00:12:06,683 ilang libong taon na ang nakakaraan. 156 00:12:12,763 --> 00:12:14,443 Si Dr. Anton Mifsud, 157 00:12:14,523 --> 00:12:17,363 presidente ng Prehistoric Society of Malta, 158 00:12:17,443 --> 00:12:19,683 ay ilang dekada na itong pinag-aaralan. 159 00:12:19,763 --> 00:12:20,963 Malaki iyon. 160 00:12:21,043 --> 00:12:25,163 Nagdulot ng kontrobersiya ang kaniyang mga nalaman. 161 00:12:27,123 --> 00:12:29,563 Nakatala sa bato ng kuweba ng Ghar Dalam 162 00:12:29,643 --> 00:12:31,083 ang prehistory ng Malta, 163 00:12:31,163 --> 00:12:35,603 at alam kong mahalaga ang stalagmite na ito sa trabaho mo. 164 00:12:35,683 --> 00:12:39,483 Simula sa light brown… 165 00:12:39,563 --> 00:12:41,203 -Ang cultural layer. -Tama. 166 00:12:41,283 --> 00:12:42,603 May mga tumira dito. 167 00:12:42,683 --> 00:12:46,843 -Oo. Sa huling 8,000 taon. Oo. -Huling 8,000 taon. Tama. 168 00:12:46,923 --> 00:12:52,123 At dito, sa ilalim niyon, may tinatawag na Pleistocene sheet. 169 00:12:52,203 --> 00:12:54,003 -Sa ilalim pa niyon… -Oo. 170 00:12:54,083 --> 00:12:56,123 -papunta na sa Ice Age… -May… 171 00:12:56,203 --> 00:12:58,523 may mga labi ng hayop noong Ice Age… 172 00:12:58,603 --> 00:13:00,523 -Oo. -pero di ito cultural layer 173 00:13:00,603 --> 00:13:03,123 dahil kumbinsido silang walang tao rito. 174 00:13:03,203 --> 00:13:04,283 Eksakto. 175 00:13:05,043 --> 00:13:10,283 Ang mga nasa lalim na ito ay higit pa sa 11,600 taon na. 176 00:13:10,363 --> 00:13:13,283 Kung tama ang opisyal na tala ng kasaysayan nito, 177 00:13:13,363 --> 00:13:17,163 wala dapat bangkay ng tao sa nahukay. 178 00:13:19,523 --> 00:13:23,763 Pero lagpas isang siglo na, may nahanap ang mga archaeologist. 179 00:13:25,203 --> 00:13:27,003 Di ito inaasahan ng kahit sino. 180 00:13:28,923 --> 00:13:34,923 Noong 1917, may nakitang dalawang espesyal na ngipin. 181 00:13:35,003 --> 00:13:35,843 Oo. 182 00:13:37,203 --> 00:13:40,443 Mayroong fossilized na kulay, walang ugat. 183 00:13:40,523 --> 00:13:43,043 Nasa katawan na ng ngipin ang ugat. 184 00:13:43,123 --> 00:13:46,043 Oo. Ngipin ba ito ng Neanderthal? 185 00:13:46,123 --> 00:13:48,043 -Oo. -At saan nakita ang ngipin? 186 00:13:48,123 --> 00:13:51,123 Nakita rito, at sa ilalim ng mga stalagmite. 187 00:13:51,203 --> 00:13:53,203 -Sa ilalim ng stalagmite. -Mismo. 188 00:13:53,283 --> 00:13:54,683 Kumbinsido ang mga 189 00:13:54,763 --> 00:13:56,803 eksperto na ebidensiya itong 190 00:13:56,883 --> 00:13:59,403 maaaring magpabago ng istorya ng Malta. 191 00:14:03,523 --> 00:14:04,523 Heto ang pruweba… 192 00:14:04,603 --> 00:14:08,403 na tumawid ang mga Neanderthal sa land bridge. 193 00:14:09,843 --> 00:14:15,163 Pero minsan, may mga gustong magtago ng nahuhukay ng mga archeaologist. 194 00:14:16,243 --> 00:14:21,843 Noong 1952, may mga relative dating test na ginawa. 195 00:14:21,923 --> 00:14:24,003 Ano ang mga resulta niyon? 196 00:14:24,083 --> 00:14:26,243 Di nilabas ang mga resulta. 197 00:14:27,363 --> 00:14:30,483 Walang may alam kung bakit. 198 00:14:31,443 --> 00:14:34,643 Ang alam natin ay sa mga sumunod na taon, 199 00:14:34,723 --> 00:14:38,123 di binigyan ng halaga ang mga ngipin. 200 00:14:39,403 --> 00:14:42,443 At hanggang ngayon, pinagpipilitan ng mga libro 201 00:14:42,523 --> 00:14:47,963 na walang uri ng taong nakarating sa Malta bago ang 7,900 taon. 202 00:14:48,523 --> 00:14:52,763 Bakit ba ayaw ng mga archaeologist ng mas maagang mga tao? 203 00:14:57,403 --> 00:15:00,803 Mahirap baguhin ang nakasanayan. 204 00:15:00,883 --> 00:15:02,603 Kapag may konsepto nang 205 00:15:02,683 --> 00:15:06,523 ginamit ang mga iskolar sa isang partikular na larangan, 206 00:15:06,603 --> 00:15:08,603 ayaw na nilang iwan 'yon, 207 00:15:08,683 --> 00:15:11,763 at talagang ipagpipilitan nila 'yon, 208 00:15:11,843 --> 00:15:13,243 at atake na sa kanila 209 00:15:13,323 --> 00:15:15,923 ang pag-atake roon, kaya dedepensahan nila. 210 00:15:18,083 --> 00:15:20,283 Para sa sarili niyang imbestigasyon, 211 00:15:20,363 --> 00:15:26,283 noong 2016, nagbayad si Dr. Mifsud ng sarili niyang analysis. 212 00:15:27,323 --> 00:15:29,763 Sinuri sila ng tatlong magagaling na 213 00:15:29,843 --> 00:15:31,563 -physical anthropologists… -Oo. 214 00:15:31,643 --> 00:15:33,643 at kinumpirma nilang Neanderthal. 215 00:15:33,723 --> 00:15:34,643 Tama. 216 00:15:35,203 --> 00:15:38,683 Ebidensiya ito ng tao noong Ice Age. 217 00:15:41,243 --> 00:15:43,523 Anong epekto nito sa kuwento ng Malta? 218 00:15:44,283 --> 00:15:48,003 Babaguhin nito ang mga petsa. Nang napakalayo. 219 00:15:48,083 --> 00:15:48,963 Oo. 220 00:15:49,043 --> 00:15:51,243 May bagong kabanata nang idaragdag. 221 00:15:53,363 --> 00:15:54,203 Oo. 222 00:15:55,323 --> 00:15:58,723 Kung nandito ang mga Neanderthal noon sa Malta, 223 00:15:58,803 --> 00:16:02,883 patunay 'yon na ginamit ng mga sinaunang tao ang land bridge 224 00:16:02,963 --> 00:16:05,363 at posibleng may isa pang kulturang 225 00:16:05,443 --> 00:16:07,163 nag-iwan ng marka nila rito. 226 00:16:10,483 --> 00:16:16,203 Sa pananaw ko, malaki ang tiyansang may mas lumang sibilisasyon dito sa Malta 227 00:16:16,283 --> 00:16:18,683 at di lang ngipin ang ebidensiya. 228 00:16:23,403 --> 00:16:27,243 Ipapakita ko sa inyo ang nakita ko 50 taon na ang nakakaraan 229 00:16:27,323 --> 00:16:29,123 nang una akong bumisita rito, 230 00:16:29,203 --> 00:16:33,443 sa mismong bedrock ng isla. 231 00:16:36,083 --> 00:16:39,003 Isa iyong phenomenon na matatagpuan sa buong isla. 232 00:16:40,603 --> 00:16:45,403 Magkakatapat na grooved channel na nakaukit sa sinaunang limestone. 233 00:16:46,843 --> 00:16:49,843 Halos 35 kilometro ito, 234 00:16:51,083 --> 00:16:53,723 kadalasan ay nagtatagpo na parang riles. 235 00:16:54,763 --> 00:16:57,603 Pinaniniwalan ng mga mainstream archaeologist 236 00:16:57,683 --> 00:17:00,963 na wala pang 2,600 taon ang edad nila, 237 00:17:01,803 --> 00:17:04,003 pero di pa sila inaaral nang seryoso. 238 00:17:05,043 --> 00:17:08,123 Di nagpapakita ng halatang marka ng gamit 239 00:17:08,203 --> 00:17:11,563 at di rin sila resulta ng natural na proseso. 240 00:17:12,443 --> 00:17:14,483 Malamang, gawa ito ng tao. 241 00:17:14,563 --> 00:17:17,483 Pero di sigurado kung ano ang silbi nila. 242 00:17:18,443 --> 00:17:22,443 Iniisip na gamit ito sa transportasyon. 243 00:17:22,523 --> 00:17:25,362 Kaya tinawag na "cart ruts." 244 00:17:27,083 --> 00:17:29,003 Pero ito ang nakakaintriga. 245 00:17:29,083 --> 00:17:31,763 Di lang sa lupa ang mga ito. 246 00:17:33,162 --> 00:17:35,803 May ilang umabot sa dagat. 247 00:17:37,523 --> 00:17:40,323 Heto ang dalawa sa ilalim ng modernong kalsada, 248 00:17:40,403 --> 00:17:44,363 pero naglalaho sa ilalim ng tubig ng pampang. 249 00:17:44,443 --> 00:17:46,723 Halatang ginawa ito bago tumaas ang dagat. 250 00:17:49,963 --> 00:17:54,883 Hinanap at sinundan ko ang mga gawa ng taong uka sa ilalim ng tubig, 251 00:17:54,963 --> 00:18:00,483 at kinuhanan ang halos isang kilometrong layo at 25 metrong lalim. 252 00:18:03,083 --> 00:18:05,243 Kung sinuman ang gumawa nito, 253 00:18:05,323 --> 00:18:08,363 ginawa nila ito nang di pa ito dagat, 254 00:18:08,443 --> 00:18:12,683 higit 12,000 taon na ang nakakaraan, noong Ice Age. 255 00:18:13,963 --> 00:18:17,283 Napapaisip ako kung ano pang prehistory ng Malta 256 00:18:17,363 --> 00:18:19,163 ang nakatago sa tubig? 257 00:18:19,243 --> 00:18:21,243 Ilan pang gawa ng tao, 258 00:18:21,323 --> 00:18:24,683 baka megalithic na templo pa nga, ang di pa nadidiskubre? 259 00:18:28,403 --> 00:18:31,363 Ang rason ng paniniwala kong may sinaunang intelihente 260 00:18:31,443 --> 00:18:33,803 na nasa likod ng mga templo sa Malta 261 00:18:33,883 --> 00:18:37,403 ay dahil mas komplikado ang mga ito kaysa sa inaasahan. 262 00:18:39,723 --> 00:18:42,043 Sa ilalim ng taklob ng proteksiyon, 263 00:18:42,123 --> 00:18:47,043 nakatago ang isa sa mga pinakamagandang templo ng Malta, ang Mnajdra. 264 00:18:51,123 --> 00:18:55,243 Tinatakpan ito ng panaklob mula sa langit, 265 00:18:55,323 --> 00:18:56,723 na sayang, 266 00:18:57,603 --> 00:18:59,323 dahil ang gumawa nito ay 267 00:18:59,403 --> 00:19:03,603 may nakakabilib na kaalaman tungkol sa cosmos, 268 00:19:04,323 --> 00:19:07,163 at di 'yon itinatanggi ng mga archaeologist. 269 00:19:08,843 --> 00:19:11,443 Inobserbahan nila ang pag-angat ng araw, 270 00:19:11,523 --> 00:19:14,203 at ang posisyon ng mga bituin. 271 00:19:15,003 --> 00:19:17,643 At nilagay nila ang mga obserbasyong 'yon 272 00:19:17,723 --> 00:19:19,443 sa kanilang arkitektura. 273 00:19:24,363 --> 00:19:28,843 Alam ng mga gumawa ng Mnajdra kung paano basahin ang langit. 274 00:19:31,083 --> 00:19:32,643 Sa spring at fall equinox, 275 00:19:32,723 --> 00:19:35,963 petsang Marso 21 at Setyembre 21, 276 00:19:36,603 --> 00:19:41,883 ang sinag ng araw ay eksaktong hinahati ang pasukan ng templo, 277 00:19:41,963 --> 00:19:45,643 at pinupuno niyon ang buong altar ng maliwanag na araw. 278 00:19:59,083 --> 00:20:01,843 Sa mga okasyong 'yon, ang loob ng templo 279 00:20:01,923 --> 00:20:04,803 ay lumiliwanag na parang mahika. 280 00:20:06,803 --> 00:20:08,243 At di lang 'yon. 281 00:20:08,323 --> 00:20:10,963 Sa umaga ng summer at mga winter solstice, 282 00:20:11,043 --> 00:20:13,483 ang mga pinakamahaba at pinakamaikling araw, 283 00:20:13,563 --> 00:20:16,563 iba ang pagtama ng liwanag 284 00:20:16,643 --> 00:20:19,363 na eksaktong tumatanglaw sa talim ng mga megalith 285 00:20:19,443 --> 00:20:21,443 sa kaliwa at kanan ng pinto. 286 00:20:23,883 --> 00:20:27,723 Makikita rin ito sa ibang mga sinaunang estruktura. 287 00:20:27,803 --> 00:20:29,883 Ang Great Pyramid of Cholula… 288 00:20:30,403 --> 00:20:34,283 at ang mga pyramid sa ilalim, ay nakaharap sa araw 289 00:20:34,363 --> 00:20:35,843 kapag summer solstice. 290 00:20:36,643 --> 00:20:40,483 Pati ang ibang mga megalithic site sa mundo ay ganoon. 291 00:20:41,483 --> 00:20:42,683 gaya ng Stonehenge, 292 00:20:44,083 --> 00:20:45,803 o ang Temple of Karnak sa Egypt. 293 00:20:48,283 --> 00:20:52,083 Dito sa Mnajdra, ginawa ng mga sinauna ang malalaking estruktura 294 00:20:52,163 --> 00:20:55,203 para ipagdiwang ang pagsasama ng langit at lupa. 295 00:20:55,283 --> 00:20:58,443 Sa katunayan, ang Mnajdra at ibang templo 296 00:20:58,523 --> 00:21:02,723 ay maaaring parte ng mas malaking sinaunang astronomikal na proyekto. 297 00:21:02,803 --> 00:21:05,883 Kung mapatunayan iyon, 298 00:21:06,483 --> 00:21:10,243 maaaring mabago niyon ang timeline ng prehistory ng Malta. 299 00:21:12,163 --> 00:21:14,603 Si Lenie Reedijk, mananaliksik at awtor, 300 00:21:14,683 --> 00:21:17,883 ay nilibot na ang lahat ng megalithic temple ng Malta 301 00:21:17,963 --> 00:21:20,803 at pinag-aralan nang maigi ang kanilang puwesto. 302 00:21:20,883 --> 00:21:22,683 Nagulat siya, 303 00:21:22,763 --> 00:21:27,403 dahil wala sa mga templo ng Malta ang nakahanay sa mga equinox o solstice. 304 00:21:28,683 --> 00:21:33,243 Pero wala rin silang hinahanayang kahit anong bagay sa lugar. 305 00:21:34,083 --> 00:21:37,803 Sa katunayan, wala sa kanila ang nakaharap sa parehong direksiyon. 306 00:21:39,083 --> 00:21:41,203 Iba-iba silang lahat. 307 00:21:41,283 --> 00:21:44,923 -Kakaiba iyon. -Nakakapagtaka nga. 308 00:21:45,883 --> 00:21:48,603 Iisipin mong mayroon silang 309 00:21:48,683 --> 00:21:51,883 nais na paggayahan. 310 00:21:53,763 --> 00:21:58,123 Bakit Mnajdra lang ang templong nakahanay sa mga solstice? 311 00:21:59,083 --> 00:22:03,323 May koneksiyon ba sa ibang bagay sa langit ang ibang mga templo? 312 00:22:04,963 --> 00:22:06,363 Kung ganoon, ano? 313 00:22:09,723 --> 00:22:12,003 Kailangang maghanap ng prinsipyo. 314 00:22:12,763 --> 00:22:17,163 Kailangang may alam ka sa archeoastronomy. 315 00:22:18,083 --> 00:22:20,603 Iyon ang astronomiya ng mga sinauna. 316 00:22:20,683 --> 00:22:26,283 May paggalaw sa langit 317 00:22:26,363 --> 00:22:29,683 na may pangalan, at 'yon ay precession. 318 00:22:34,123 --> 00:22:38,923 Di alam ng karamihang di perpektong bilog ang Earth. 319 00:22:39,003 --> 00:22:41,523 Di 'yon pantay dahil sa equator. 320 00:22:42,083 --> 00:22:43,323 Ang resulta? 321 00:22:43,403 --> 00:22:46,443 Dahil sa paghatak ng araw at buwan, 322 00:22:46,523 --> 00:22:50,723 medyo gumegewang ang Earth habang umiikot sa axis. 323 00:22:50,803 --> 00:22:54,763 Ang precession ang nag-iiba ng nakikita natin sa langit, 324 00:22:54,843 --> 00:22:59,843 kaya mukhang nagbabago ang posisyon ang malalayong constellation. 325 00:22:59,923 --> 00:23:04,123 Ang buong langit ay bahagyang gumagalaw. 326 00:23:04,203 --> 00:23:08,003 Isang degree lang ang pagkakaiba 327 00:23:08,083 --> 00:23:14,803 sa pagtaas at pagbaba ng posisyon ng kahit anong bituin sa 72 taon. 328 00:23:15,883 --> 00:23:20,363 Kaya kung ginagawa mo ang mga templo para tumuro sa isang bituin, 329 00:23:20,443 --> 00:23:21,803 paglipas ng mga siglo, 330 00:23:21,883 --> 00:23:26,203 magbabago ang pagkakahanay niyon gaya ng nakita natin sa Malta. 331 00:23:29,483 --> 00:23:30,803 Pero may problema. 332 00:23:30,883 --> 00:23:32,403 Ang opisyal ng timeline… 333 00:23:32,483 --> 00:23:37,323 ay nagsasabing ginawa ang mga 'yon sa pagitan ng 5,600 334 00:23:37,403 --> 00:23:39,523 at 4,500 taon na ang nakakalipas. 335 00:23:39,683 --> 00:23:42,763 Kung titingnan ang mga bituin 336 00:23:42,843 --> 00:23:45,523 na kita sa langit noon, 337 00:23:45,603 --> 00:23:47,843 walang posibleng tugma. 338 00:23:48,603 --> 00:23:51,123 May matinding pagtanggi 339 00:23:51,203 --> 00:23:56,483 sa kahit anong wala sa kinagisnang teorya. 340 00:23:56,563 --> 00:23:58,283 Para aralin ang nakaraan 341 00:23:58,363 --> 00:24:00,683 -ng mga templo. -Eksakto. 342 00:24:03,483 --> 00:24:05,243 Pero gamit ang software 343 00:24:05,323 --> 00:24:08,523 na nagtatala ng paggalaw ng mga bituin sa kasaysayan, 344 00:24:09,483 --> 00:24:12,923 nabalik ni Lenie ang langit sa nakaraan, 345 00:24:14,083 --> 00:24:18,163 at naghanap siya ng mga bituing nakahanay sa mga templo. 346 00:24:19,763 --> 00:24:23,403 At di lang sa panahong sinabing ginawa sila, 347 00:24:24,123 --> 00:24:26,363 kundi sa mas matagal pa roon. 348 00:24:27,683 --> 00:24:32,963 Naghanap ako, tapos bigla ko na lang nakita. 349 00:24:34,043 --> 00:24:36,963 Nakahanay ang mga templo sa isang bituin. 350 00:24:38,683 --> 00:24:43,403 Ang Sirius, o kilala rin bilang Dog Star. 351 00:24:45,643 --> 00:24:49,563 Nakahanay iyon sa lahat noong unang panahon. 352 00:24:49,643 --> 00:24:53,243 Tugma sa lahat ng templo. Bawat isa. 353 00:24:57,843 --> 00:25:00,803 At kapansin-pansing bituin ang Sirius. 354 00:25:00,883 --> 00:25:03,123 Kung tama ako, iyon ang pinakamaliwanag. 355 00:25:03,203 --> 00:25:07,043 Oo, sobra. Doble ang liwanag niyon sa susunod na pinakamaliwanag. 356 00:25:09,123 --> 00:25:10,843 Maipapaliwanag din ng teorya 357 00:25:10,923 --> 00:25:14,283 kung bakit nagtayo ng napakaraming templo noon. 358 00:25:15,523 --> 00:25:18,363 Dahil nagbago ang posisyon ng Sirius, 359 00:25:18,443 --> 00:25:21,083 nawala iyon sa hanay ng bawat templo, 360 00:25:21,163 --> 00:25:26,083 kaya kinailangan nilang magtayo ng panibago. 361 00:25:28,043 --> 00:25:33,123 Dahil sa precession, ilang libong taon nang di kita ang Sirius sa Malta, 362 00:25:33,203 --> 00:25:36,923 bago iyon makita ulit sa langit dahil sa paggewang ng Earth, 363 00:25:37,003 --> 00:25:39,043 11,000 taon na ang nakakaraan. 364 00:25:39,723 --> 00:25:42,883 At ang templong nakahanay roon 365 00:25:42,963 --> 00:25:46,603 matapos ang matagal na pagkawala ay ang Hagar Qim North. 366 00:25:47,763 --> 00:25:50,723 Iyon din ang pinakamaliit. 367 00:25:50,803 --> 00:25:52,243 Nagsimula sila nang maliit, 368 00:25:52,323 --> 00:25:54,803 -at paglipas ng panahon… -Oo. 369 00:25:54,883 --> 00:25:58,123 …iyon na ang pinakamalaki. 370 00:25:58,203 --> 00:25:59,443 Ang cathedral, 371 00:26:00,643 --> 00:26:02,163 ang Ġgantija. 372 00:26:04,283 --> 00:26:05,723 Pero kung tama si Lenie, 373 00:26:06,403 --> 00:26:10,363 ibig sabihin, ilang libong taon nang ginagawa ang proyektong iyon 374 00:26:10,443 --> 00:26:13,163 bago pa dumating ang mga magsasaka sa isla… 375 00:26:18,003 --> 00:26:22,323 …at maaaring gawa iyon ng kulturang may advanced na kaalaman sa astronomiya, 376 00:26:23,843 --> 00:26:26,203 at arkitektura. 377 00:26:31,723 --> 00:26:34,563 Kung bakit pinili nilang parangalan ang Sirius… 378 00:26:37,123 --> 00:26:38,443 maaaring dahil lang 379 00:26:38,523 --> 00:26:41,603 iyon ang pinakamaliwanag na bituin sa langit. 380 00:26:42,843 --> 00:26:44,843 Pero maaaring higit pa roon. 381 00:26:46,363 --> 00:26:49,283 Malaki ang papel ng Sirius 382 00:26:49,363 --> 00:26:52,163 sa alamat ng isa pang tanyag na kultura, 383 00:26:52,803 --> 00:26:54,243 ang sinaunang Egypt, 384 00:26:54,323 --> 00:26:58,963 kung saan konektado iyon sa taunang pagbaha ng Nile at ang bagong taon 385 00:26:59,923 --> 00:27:02,923 at simbolo rin ng magiting nilang diyosa, si Isis. 386 00:27:05,163 --> 00:27:07,123 At di lang 'yon ang koneksiyon 387 00:27:07,203 --> 00:27:09,163 sa pagitan ng Egypt at Malta noon. 388 00:27:10,963 --> 00:27:15,923 Tradisyunal na nilalagyan ang mga bangka sa Malta ng isang simbolo… 389 00:27:18,123 --> 00:27:20,043 na hango sa mito ng Egypt… 390 00:27:22,763 --> 00:27:24,163 ang Eye of Horus. 391 00:27:26,203 --> 00:27:30,523 Naniniwala ang mga mangingisdang nakakasuwerte iyon sa kanila 392 00:27:30,603 --> 00:27:32,443 at nagbibigay ng proteksiyon. 393 00:27:34,283 --> 00:27:36,523 Ang parehong simbolo 394 00:27:36,603 --> 00:27:39,363 ang malaki rin ang gampanin sa sinaunang Egypt. 395 00:27:41,083 --> 00:27:46,603 Ang tradisyong ito ang nagkokonekta sa Malta at pinakasikat na mito ng Egypt, 396 00:27:47,403 --> 00:27:50,283 ang kuwento ng mga magulang ng diyos na si Horus… 397 00:27:50,363 --> 00:27:52,203 sina Osiris at Isis. 398 00:27:56,083 --> 00:28:00,363 Noong unang panahon, bumaba sa Egypt ang diyos na si Osiris 399 00:28:00,443 --> 00:28:03,243 upang mamuno kasama ang kapatid niyang si Isis, 400 00:28:03,323 --> 00:28:06,323 pero di sibilisado at magulo ang mga tao. 401 00:28:07,603 --> 00:28:09,723 Kaya nagdala si Osiris ng kultura, 402 00:28:09,803 --> 00:28:13,243 nagtatag ng batas, at nagturo ng agrikultura. 403 00:28:14,963 --> 00:28:18,963 Tapos, pinagkatiwala niya kay Isis ang Egypt nang naglayag siya 404 00:28:19,043 --> 00:28:22,043 upang turuan din ang ibang mga lahi. 405 00:28:25,203 --> 00:28:28,123 Ang mito ng naglalayag na sibilisadong bayani 406 00:28:28,203 --> 00:28:30,603 ay pamilyar sa iba kong paglalakbay. 407 00:28:31,803 --> 00:28:36,523 Ang kuwento ni Osiris ay katulad ng kay Quetzalcoatl sa Mexico, 408 00:28:36,603 --> 00:28:39,123 at ibang mga bayani sa sinaunang mundo. 409 00:28:40,403 --> 00:28:44,483 Mga gurong dumarating matapos ang malawakang pagkagunaw, 410 00:28:44,563 --> 00:28:46,723 at nagbibigay ng sibilisasyon, 411 00:28:46,803 --> 00:28:49,883 nagpapakita sa mga tao kung paano gumawa, 412 00:28:50,683 --> 00:28:54,123 at gumamit ng agrikultura at unawain ang kalangitan. 413 00:28:56,083 --> 00:29:01,963 Posible kayang ang mga mitong ito mula sa iba't ibang kultura 414 00:29:02,043 --> 00:29:05,403 ay maikonekta sa iisang pinanggalingan? 415 00:29:07,363 --> 00:29:11,003 Kung ang mga nakasaplot at may balbas na taong itong galing 416 00:29:11,083 --> 00:29:13,483 sa silangan pa-Americas, Mediterranean, 417 00:29:13,563 --> 00:29:15,803 ay nagmula sa iisang sinaunang kultura, 418 00:29:16,603 --> 00:29:19,683 ibig sabihin, habang ang mga ninuno natin 419 00:29:19,763 --> 00:29:21,563 ay abala dahil sa Ice Age, 420 00:29:22,283 --> 00:29:24,803 may ibang nililibot ang mundo, 421 00:29:26,603 --> 00:29:29,283 ibinabahagi sa iba ang kanilang kakayahan. 422 00:29:30,563 --> 00:29:33,723 At naniniwala akong may pruweba niyon sa isa pang isla, 423 00:29:34,363 --> 00:29:38,683 na gaya ng Malta, ay nalunod sa dulo ng huling Ice Age, 424 00:29:39,523 --> 00:29:43,243 sa kaasulan ng Caribbean. 425 00:29:46,003 --> 00:29:51,523 Kung may advanced na sibilisasyon dito 11,600 taon na ang nakakaraan, 426 00:29:51,603 --> 00:29:56,563 ibig sabihin, may ebidensiyang mahahanap sa ilalim ng karagatan. 427 00:29:57,643 --> 00:29:59,723 Pag-usapan natin ang Atlantis. 428 00:30:26,683 --> 00:30:31,683 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni EMN