1 00:00:06,083 --> 00:00:08,963 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,083 --> 00:00:17,803 Ang sinasabi ko ay bagay na makikilala natin 3 00:00:17,883 --> 00:00:22,163 bilang advanced civilization na nabuhay noong Ice Age. 4 00:00:23,003 --> 00:00:25,683 Di ko sinasabing lumipad sila sa buwan. 5 00:00:29,883 --> 00:00:33,963 Pero ang sinasabi ko ay higit silang advanced 6 00:00:34,043 --> 00:00:35,843 sa kaalaman sa siyensiya. 7 00:00:38,123 --> 00:00:40,963 Kaalaman sa Earth, kaalaman sa kalawakan, 8 00:00:41,043 --> 00:00:42,603 higit sa itinuro sa'tin. 9 00:00:44,843 --> 00:00:48,083 At kayang gumawa ng kamangha-manghang mga likha, 10 00:00:49,363 --> 00:00:52,763 gaya ng pupuntahan ko sa rehiyon ng Cappadocia sa Turkey. 11 00:00:54,443 --> 00:00:58,483 May antigong survival bunker sa ilalim ng lupa… 12 00:01:02,083 --> 00:01:06,483 ginawa di lamang para tirahan ng ilang tao kundi sapat para sa libu-libo. 13 00:01:08,243 --> 00:01:11,883 Matagal nang pinagtatalunan ng mga tanyag na historyador iyon, 14 00:01:11,963 --> 00:01:14,523 pero naniniwala akong maipapaliwanag 15 00:01:14,603 --> 00:01:19,843 kung paanong ang hinahanap kong makalumang sibilisasyon ay nawala. 16 00:01:21,163 --> 00:01:24,203 Ito ang kuwento ng Derinkuyu. 17 00:01:34,203 --> 00:01:39,403 NAKAKAMATAY NA TAGLAMIG 18 00:01:42,723 --> 00:01:47,003 Nagpunta ako sa rehiyon ng Turkey na kilala bilang Cappadocia. 19 00:01:49,603 --> 00:01:55,923 Mga 240 milya hilagang-kanluran ng misteryosong Göbekli Tepe… 20 00:01:57,363 --> 00:01:59,523 na sinadyang ibaon, 21 00:02:01,083 --> 00:02:05,763 ginugunita ang panahon ng mga kataklismo sa pagtatapos ng Ice Age. 22 00:02:09,483 --> 00:02:13,643 Milyong taon na ang nakararaan, nagbago ang lupain ng rehiyong ito 23 00:02:13,723 --> 00:02:20,363 sa pamamagitan ng mga pagsabog ng bulkan, nag-iiwan ng patung-patong na mga abo, 24 00:02:20,443 --> 00:02:25,203 na isiniksik ng sanlibong taon sa isang malambot na batong tinatawag na tuff. 25 00:02:26,963 --> 00:02:29,763 Mabilis mahulma ang bato ng mga elemento, 26 00:02:29,843 --> 00:02:32,803 gumagawa ng tinatawag na "tsimineya ng mga diwata." 27 00:02:33,923 --> 00:02:37,243 Pero isang bato na kaya ring bumuo 28 00:02:37,323 --> 00:02:41,083 ng isa sa pinaka-kahanga-hangang large-scale projects 29 00:02:41,163 --> 00:02:46,203 na nasilayan ng sangkatauhan sa ilalim ng malambot na batong ito. 30 00:02:47,283 --> 00:02:49,403 Ilang milya lang mula rito, 31 00:02:49,483 --> 00:02:54,483 nalantad ang isang misteryosong tagong siyudad na nilikha noon. 32 00:02:54,563 --> 00:02:57,883 Isa iyong likha ng 'di pa kilalang sibilisasyon 33 00:02:57,963 --> 00:03:00,563 na malinaw na namumuhay sa takot. 34 00:03:00,643 --> 00:03:03,803 Ang malaking tanong ay, takot sa ano? 35 00:03:14,563 --> 00:03:18,203 Ang pinakamalapit na bayan, ang Derinkuyu, ay di kapuna-puna. 36 00:03:20,843 --> 00:03:26,363 Pero noong 1963, may developers na nakabutas ng sahig ng inaayos na bahay, 37 00:03:27,963 --> 00:03:33,923 para lang matuklasan ang malalim na tunnel na patungo sa isang nakalimutang mundo. 38 00:03:35,403 --> 00:03:39,403 Mahirap paniwalaan, habang naglalakad ka sa kalsada ng bayang ito, 39 00:03:39,883 --> 00:03:43,283 na itinayo sa buhay na bedrock na tinatayuan ko ngayon 40 00:03:43,883 --> 00:03:47,643 ay isang sinauna, tago at misteryosong lugar sa ilalim ng lupa. 41 00:03:50,883 --> 00:03:54,243 Kung claustrophobic ka, binabalaan na kita. 42 00:03:57,003 --> 00:03:58,763 Patungo tayo sa ilalim. 43 00:04:06,083 --> 00:04:09,123 Ito ang siyudad sa ilalim ng Derinkuyu. 44 00:04:12,763 --> 00:04:15,603 Magkakasunod na lagusan at silid 45 00:04:15,683 --> 00:04:19,083 na ang lalim ay umaabot hanggang 85 metro sa ilalim… 46 00:04:21,322 --> 00:04:24,083 gumagawa ng 18 palapag ng mga silid at lagusan. 47 00:04:26,882 --> 00:04:31,363 Ang buong complex ay hinukay mula sa bato gamit ang mga palakol. 48 00:04:32,723 --> 00:04:34,883 Isang nakalilitong lungga 49 00:04:34,963 --> 00:04:38,003 na paminsan-minsan ay may malaki, bukas na espasyo. 50 00:04:39,123 --> 00:04:44,243 Mula sa loob, imposibleng malaman ang laki ng buong lugar. 51 00:04:45,723 --> 00:04:48,483 Pero karamihan dito ay nailagay na sa mapa, 52 00:04:50,043 --> 00:04:52,963 at kung aalisin natin ang bato sa pagitan, 53 00:04:53,763 --> 00:04:55,883 makikita natin ang nagsangang bahagi 54 00:04:57,243 --> 00:04:59,043 at kamangha-mangha iyon. 55 00:05:02,643 --> 00:05:09,163 Isa iyong ant farm na ginawang kasing-laki ng tao, may kuweba at lagusan 56 00:05:09,243 --> 00:05:12,723 umaabot hanggang four square kilometers. 57 00:05:14,203 --> 00:05:20,043 Para mapanatili ang bentilasyon, mayroong 15,000 air ducts ang Derinkuyu, 58 00:05:20,123 --> 00:05:22,403 kinokonekta ang itaas na bahagi… 59 00:05:25,243 --> 00:05:27,803 at higit 50 na patayong mga poste, 60 00:05:27,883 --> 00:05:32,763 ang iba'y umaabot hanggang sa water table 85 metro ang lalim mula sa ibabaw… 61 00:05:36,323 --> 00:05:38,363 na pinagmulan ng pangalan nito. 62 00:05:38,443 --> 00:05:41,163 Ang Derinkuyu ay, "malalim na balon." 63 00:05:45,083 --> 00:05:48,523 Napakaganda sa malikhain at kumplekadong arkitektura nito, 64 00:05:48,603 --> 00:05:53,683 tinatayang 20,000 katao ang kayang kanlungin ng Derinkuyu. 65 00:05:54,363 --> 00:05:55,603 Pero may mga tanong. 66 00:05:56,283 --> 00:05:59,563 Anong mga tao, kailan at bakit? 67 00:06:02,643 --> 00:06:04,403 Mahirap makasiguro, 68 00:06:05,123 --> 00:06:09,883 dahil ang Derinkuyu ay tila binalewala sa mga nakalipas na henerasyon. 69 00:06:13,323 --> 00:06:15,683 Maraming kultura ang dumaan dito. 70 00:06:17,043 --> 00:06:21,283 Ilang siglo nang okupado ng Cappadocia ang isang mahalagang lugar… 71 00:06:22,443 --> 00:06:26,963 kasama ng maalamat na Silk Road na kumukonekta sa Asya papuntang Europa, 72 00:06:27,603 --> 00:06:29,923 mula panahon ni Alexander the Great. 73 00:06:30,003 --> 00:06:30,843 ANG SILK ROAD 74 00:06:32,323 --> 00:06:34,523 Iskolar ng Turkey, Sevim Tunçdemir, 75 00:06:34,603 --> 00:06:38,483 ay eksperto sa mga lagusan ng Derinkuyu at mga nanirahan doon. 76 00:06:39,003 --> 00:06:39,923 SEVIM TUNÇDEMIR DIREKTOR NG MUSEO 77 00:06:40,003 --> 00:06:41,683 Ang rehiyong ito ay naging tahanan ng maraming sibilisasyon. 78 00:06:41,763 --> 00:06:45,123 Kung bibilangin natin mula pa sa umpisa, 79 00:06:46,203 --> 00:06:47,483 nariyan ang mga Hittite, 80 00:06:47,563 --> 00:06:50,123 ang mga Phrygian, pagkatapos ay ang mga Persian, 81 00:06:50,963 --> 00:06:52,643 ang kaharian ng Cappadocian. 82 00:06:52,723 --> 00:06:54,123 ang Emperyong Romano. 83 00:06:54,203 --> 00:06:57,003 Lahat ng mga taong dumaan doon ay ginamit iyon. 84 00:06:57,563 --> 00:07:02,123 Ginagamit pa sila hanggang sa panahon ng Ottoman. 85 00:07:04,843 --> 00:07:06,803 Nang matuklasan ang mga lagusan, 86 00:07:06,883 --> 00:07:10,483 nakita ang mga arkeologo ng artifacts mula sa mga Kristiyano, 87 00:07:12,043 --> 00:07:15,243 at sa pinakamalalim na lebel, sikretong meeting rooms 88 00:07:15,323 --> 00:07:18,243 na inukit na nakataas ang kisame gaya sa simbahan. 89 00:07:19,843 --> 00:07:21,403 Ang orhinal na teorya, 90 00:07:21,483 --> 00:07:24,123 na pinaniniwalaan ng mga historyador ngayon, 91 00:07:24,723 --> 00:07:26,723 ay ang mga lagusan sa Derinkuyu 92 00:07:26,803 --> 00:07:30,243 ay inukit ng mga Kristiyano noong ika-7 siglo AD… 93 00:07:32,243 --> 00:07:34,963 itinatago mula sa mga nananakop na Arabo. 94 00:07:36,483 --> 00:07:38,963 Isang kuwentong patok sa Western tourists. 95 00:07:39,923 --> 00:07:42,243 Isa pa, mali rin iyon. 96 00:07:45,203 --> 00:07:49,323 Kalaunan, nakahukay ng ebidensiya ng ginamit ng mga tao itong siyudad 97 00:07:49,403 --> 00:07:52,043 noon pang ika-8 siglo BC… 98 00:07:52,843 --> 00:07:55,763 daang taon bago dumating ang mga Kristiyano. 99 00:07:57,883 --> 00:08:01,803 Lagi naming nakikita ito sa archaelogical sites sa buong mundo. 100 00:08:01,883 --> 00:08:06,283 May malaking notice base sa natanggap na kaalaman ng mga arkeolohiya, 101 00:08:06,363 --> 00:08:09,043 at paulit-ulit na mali ang notice na iyon. 102 00:08:09,803 --> 00:08:11,083 Mali iyon. 103 00:08:11,163 --> 00:08:14,683 Kalaunan ay napatunayang mali sa nahukay pero di rin binago. 104 00:08:15,243 --> 00:08:18,643 Wag maniwala sa noticeboards. Ikaw mismo ang maghanap. 105 00:08:18,723 --> 00:08:21,243 Huwag umasa sa mga kunwaring eksperto. 106 00:08:25,123 --> 00:08:28,443 Maraming kultura ang gumamit sa lagusan nang ilang siglo, 107 00:08:29,523 --> 00:08:33,323 pero ang gusto kong malaman ay kung sinong nagsimula nito. 108 00:08:34,483 --> 00:08:36,403 Gaano katagal na iyon? 109 00:08:38,443 --> 00:08:43,722 Ilang dekada nang iniimbestigahan ni Hüsam Süleymangil ang site na ito, 110 00:08:43,803 --> 00:08:46,443 sinusubukang alamin ang pinagmulan nito. 111 00:08:47,763 --> 00:08:53,763 Naguguluhan ako pag tinitingnan ko ang Derinkuyu at pasikut-sikot nito. 112 00:08:53,843 --> 00:08:57,723 Kailan tingin mo nagsimula ang proyektong ito? 113 00:08:57,803 --> 00:08:59,723 May magkakaibang teorya roon… 114 00:08:59,803 --> 00:09:00,643 HÜSAM SÜLEYMANGIL HISTORYADOR 115 00:09:00,723 --> 00:09:02,803 at wala ni isa ang napatunayan. 116 00:09:02,883 --> 00:09:03,723 Tama. 117 00:09:03,803 --> 00:09:05,843 Walang mahanap na impormasyon. 118 00:09:05,923 --> 00:09:09,963 Wala silang mahanap na organic material para gamitin sa carbon date. 119 00:09:10,043 --> 00:09:11,523 Meron bang carbon dates? 120 00:09:11,603 --> 00:09:13,803 Ang alam ko, walang carbon dating. 121 00:09:13,883 --> 00:09:14,723 Nakakamangha. 122 00:09:14,803 --> 00:09:17,283 Kaya malaking misteryo pa rin ang date. 123 00:09:21,443 --> 00:09:23,443 May sarili akong mga teorya, 124 00:09:23,523 --> 00:09:25,203 pero may sinabi si Hüsam 125 00:09:25,283 --> 00:09:29,043 base sa pinakamatandang kultura na ginamit sa mga kuwebang ito. 126 00:09:29,843 --> 00:09:32,083 Ang malapit na teorya, ayon sa isip ko, 127 00:09:32,163 --> 00:09:35,403 ay mga ika-8 siglo BC. 128 00:09:37,243 --> 00:09:39,203 Noon, ang bahagong ito ng mundo 129 00:09:39,283 --> 00:09:42,323 ay puno ng mga taong tinatawag na mga Phrygian, 130 00:09:43,443 --> 00:09:47,083 na binabantaan ng isa pang emperyo, ang mga Assyrian. 131 00:09:49,043 --> 00:09:53,003 Alam nating may malaking hukbo ng Assyrian mula hilagang-silangan. 132 00:09:55,283 --> 00:09:59,163 Tiyak na takot na takot ang mga Phrygian sa pasugod na hukbo. 133 00:10:02,203 --> 00:10:05,283 Kilala ang mga Assyrian sa pagbalat sa mga bilanggo, 134 00:10:05,843 --> 00:10:09,683 tinutuhog sila at sinusunog nang buhay ang mga bata. 135 00:10:12,843 --> 00:10:14,363 Ayon sa huling talaan, 136 00:10:14,443 --> 00:10:18,043 nang magmartsa ang mga Assyrian laban sa mga tao rito, 137 00:10:18,683 --> 00:10:22,323 nagulat sila sa kakaibang taktika ng mga dumedepensa. 138 00:10:27,963 --> 00:10:31,283 Nilalabanan ng mga Phrygian ang hukbo ng mga Assyrian 139 00:10:31,363 --> 00:10:32,883 tulad ng mga gerilya, 140 00:10:32,963 --> 00:10:35,483 sinusugod ang hukbo sa di inaasahang lugar. 141 00:10:35,563 --> 00:10:37,043 Kapag sinugod sila, 142 00:10:37,123 --> 00:10:39,723 ginagamit nila ang mga ito bilang taguan. 143 00:10:42,643 --> 00:10:45,443 Isa iyong time-honored strategy sa digmaan. 144 00:10:47,883 --> 00:10:51,363 Ang mga katulad na lagusan ay hinukay ng Viet Cong. 145 00:10:52,723 --> 00:10:54,923 At gano'n din ang ginawa ng Afghans 146 00:10:55,443 --> 00:10:59,243 para magtago sa mas malakas na Soviet at umaatakeng Amerikano. 147 00:11:01,963 --> 00:11:03,523 Itong opisyal na posisyon, 148 00:11:03,603 --> 00:11:07,443 na hinukay ng Phrygian ang lagusan bilang lihim na base militar, 149 00:11:08,123 --> 00:11:11,963 ay sinusuportahan ng mas matalinong features ng lugar na ito… 150 00:11:14,123 --> 00:11:17,563 malalaking bilog na bato na maaaring pagulungin, 151 00:11:17,643 --> 00:11:19,163 sinasarhan ang daanan. 152 00:11:22,203 --> 00:11:26,003 Ang mga pintong ito ay umaabot hanggang limang talampakan 153 00:11:26,683 --> 00:11:28,243 at kalahating tonelada. 154 00:11:32,523 --> 00:11:35,603 Sa loob nito ay may butas. 155 00:11:36,563 --> 00:11:41,443 Maglagay ng mas maliit na pansarang bato bilang hawakan at maisasara mo ang pinto, 156 00:11:42,403 --> 00:11:46,083 gumagawa ng makinis, di natitinag na harang sa mga nasa labas. 157 00:11:54,603 --> 00:11:58,403 Pero ginawa nga kaya ng mga Phrygian ang mga pintong ito, 158 00:11:59,683 --> 00:12:01,603 o naroon na iyon una pa lang? 159 00:12:03,563 --> 00:12:05,923 Inukit sila sa parehong siniksik na abo 160 00:12:06,003 --> 00:12:07,683 gaya sa fairy chimneys. 161 00:12:11,643 --> 00:12:16,763 Parehong malambot na bato na dahilan kaya nahukay ang lugar na ito. 162 00:12:18,923 --> 00:12:22,763 Tunay nga silang naisasarang pinto, pinaghihiwalay ang mga lebel, 163 00:12:22,843 --> 00:12:26,403 na kailangan ng sopistikadong paggawa para sumakto iyon. 164 00:12:26,483 --> 00:12:28,123 Pero malambot ang bato 165 00:12:28,203 --> 00:12:31,203 at ang mga umaatakeng armado ng sledgehammer at pait 166 00:12:31,283 --> 00:12:33,163 ay maaaring makapasok agad, 167 00:12:33,243 --> 00:12:37,443 kaya wala ring silbi ang pagsisikap nilang gawin ang megaliths na ito. 168 00:12:37,523 --> 00:12:41,523 Iniisip ko na kung talaga bang ginawa sila para harangan ang mga tao. 169 00:12:44,283 --> 00:12:48,123 Para sa 'kin, hindi sila pangdepensa 170 00:12:48,203 --> 00:12:51,643 at mas lamang na paraan para magkaroon sila ng privacy, 171 00:12:53,243 --> 00:12:55,243 o pigilan ang pagkalat ng apoy. 172 00:12:57,603 --> 00:13:02,123 Kahit pa orihinal na ginawa sila para sa mga militar, 173 00:13:02,203 --> 00:13:04,043 bakit dito huhukayin? 174 00:13:06,043 --> 00:13:07,883 Walang dapat depensahan. 175 00:13:09,683 --> 00:13:11,603 Walang mga tirahan 176 00:13:12,283 --> 00:13:16,723 sa ibabaw ng Derinkuyu hanggang 1830. 177 00:13:21,563 --> 00:13:26,123 Ang paniniwalang dito nagtatago ang mga tao mula sa mga umaatake 178 00:13:26,203 --> 00:13:27,883 ay hindi ko maintindihan. 179 00:13:27,963 --> 00:13:30,603 Kapag pumasok sa teritoryo ang kalaban, 180 00:13:30,683 --> 00:13:33,443 naroon sila para kunin, ariin at tirahan iyon. 181 00:13:33,523 --> 00:13:37,323 Haharangan lang nila ang pasukan at hintayin kang mamatay. 182 00:13:38,203 --> 00:13:41,203 Kaya walang silbi ang ideyang iyon. 183 00:13:42,323 --> 00:13:45,563 Tingin ko, sumobra ang mga iskolar 184 00:13:45,643 --> 00:13:47,603 sa pagsasabing sa 8-siglo BC ito 185 00:13:47,683 --> 00:13:50,843 dahil iyon ang pinakaunang date na ginamit iyon. 186 00:13:50,923 --> 00:13:51,883 Tama. 187 00:13:51,963 --> 00:13:54,843 Pero di natin alam kung noon nga sila ginawa. 188 00:13:54,923 --> 00:13:56,843 Siguro, gawa na iyon. 189 00:13:56,923 --> 00:13:58,723 Posible, pero misteryo pa rin. 190 00:13:58,803 --> 00:14:00,803 -Iyon ang kapani-paniwala, -Oo. 191 00:14:00,883 --> 00:14:02,723 di ang nag-iisang teorya. 192 00:14:07,643 --> 00:14:09,563 Ang petsa ng siyudad na ito 193 00:14:09,643 --> 00:14:13,523 ay di tiyak gaya ng pagbibigay ng petsa sa arkeolohiya. 194 00:14:15,363 --> 00:14:19,523 Lahat ng prinisintang petsa ay mula sa paggamit ng estruktura. 195 00:14:19,603 --> 00:14:21,763 Di dahil ngayon ay may bahay ako 196 00:14:21,843 --> 00:14:24,163 ay ginawa agad iyon bago ako lumipat. 197 00:14:32,363 --> 00:14:36,563 Dahil doon ay nagduda ako sa opisyal na petsa ng mga lagusang ito. 198 00:14:37,723 --> 00:14:39,163 Mas matanda kaya sila, 199 00:14:39,963 --> 00:14:43,363 mas matanda, kaysa sa sinasabi sa tinanggap na teorya? 200 00:14:45,363 --> 00:14:50,443 At ang dahilan ba ng paggawa rito ay hindi pagtago sa nananakop na hukbo 201 00:14:51,963 --> 00:14:53,963 kundi pagtatago sa ibang bagay? 202 00:14:56,323 --> 00:15:00,363 Karamihan sa makalumang palapag, ang mga pinakamalapit sa ibabaw, 203 00:15:00,443 --> 00:15:03,283 tila hindi dinesenyo ang mga silid sa pagdepensa 204 00:15:03,363 --> 00:15:04,643 kundi pang-araw-araw. 205 00:15:08,283 --> 00:15:14,363 Ang mga siyudad sa ilalim ay ginawa upang matirhan ng mga tao. 206 00:15:14,443 --> 00:15:17,843 Sa madaling salita, para sa pang-araw-araw na pamumuhay. 207 00:15:19,083 --> 00:15:21,683 At para dito, narito lahat ng mapagkukunan. 208 00:15:23,203 --> 00:15:28,083 Mula sa kusina, pantry hanggang sa silid-tulugan. 209 00:15:30,683 --> 00:15:34,043 May mga bahaging alam nating magagamit para sa pagluluto 210 00:15:34,123 --> 00:15:36,763 at gumawa sila ng maliliit na tsimenea. 211 00:15:37,803 --> 00:15:41,243 Sa pasukan, may mga silid na pinangalanang kuwadra. 212 00:15:41,883 --> 00:15:45,563 Ang mga hayop ang pinakamahalagang pag-aari ng mga taong iyon. 213 00:15:48,643 --> 00:15:51,683 Isang bahagi ang tinukoy bilang antigong winery 214 00:15:52,363 --> 00:15:53,803 sa pagdurog ng ubas. 215 00:15:55,883 --> 00:15:58,723 Nababagay ngang taguan ng wine ang mga lagusan. 216 00:15:59,643 --> 00:16:01,523 Komportable ang temperatura, 217 00:16:01,603 --> 00:16:04,883 kahit gaano pa kainit o kalamig sa ibabaw. 218 00:16:06,203 --> 00:16:08,603 Matagal magiging sariwa ang pagkain dito. 219 00:16:10,963 --> 00:16:16,723 Malinaw na ginawa ang Derinkuyu para gamitin ng nakararami. 220 00:16:17,643 --> 00:16:18,843 Taguan sa ilalim. 221 00:16:22,843 --> 00:16:24,563 Isipin lahat ng halimbawang 222 00:16:24,643 --> 00:16:28,483 gumawa ang mga tao ng malawak na tirahan sa ilalim ng lupa. 223 00:16:29,283 --> 00:16:31,643 Cheyenne Mountain Complex sa Colorado. 224 00:16:34,123 --> 00:16:38,283 Ang mga lagusan ng Dixia Cheng ay hinukay sa ilalim ng Beijing. 225 00:16:39,723 --> 00:16:43,563 Presidential Emergency Operations Center sa White House. 226 00:16:45,123 --> 00:16:48,643 Wala sa mga ito ang itinayo para dumepensa sa mga mananakop. 227 00:16:49,963 --> 00:16:52,163 Ginawa iyon para maging taguan, 228 00:16:52,243 --> 00:16:55,843 para magligtas ng buhay kung may banta sa ibabaw. 229 00:16:58,043 --> 00:17:00,843 Tingin ko, iyon ang nangyayari… 230 00:17:04,083 --> 00:17:05,323 sa Derinkuyu. 231 00:17:07,803 --> 00:17:11,362 Pero naniniwala rin akong matagal nang ginawa itong bunker 232 00:17:11,443 --> 00:17:13,963 kaysa sa pinaniniwalaan ng mga arkeologo. 233 00:17:15,642 --> 00:17:17,443 May ebidensiyang nagsasabing 234 00:17:17,523 --> 00:17:20,803 meron nang Derinkuyu noong Ice Age. 235 00:17:25,362 --> 00:17:29,402 Mula iyon sa mga halatang markang iniwan ng mga palakol 236 00:17:29,483 --> 00:17:31,083 sa mga pader ng Derinkuyu. 237 00:17:32,803 --> 00:17:35,163 Isang milya lang sa labas ng Derinkuyu, 238 00:17:35,243 --> 00:17:38,723 ang mga arkeologong Turkish na ginagalugad ang ilog 239 00:17:38,803 --> 00:17:41,603 ay nakakita ng ilang palakol at batong gamit 240 00:17:42,203 --> 00:17:46,643 na mula sa 9,500 BC, 241 00:17:47,843 --> 00:17:49,443 ang katapusan ng Ice Age. 242 00:17:50,243 --> 00:17:51,563 Ang parehong mga gamit 243 00:17:51,643 --> 00:17:55,603 na humulma sa pinakamababaw at pinakamatandang silid ng Derinkuyu. 244 00:17:59,243 --> 00:18:02,963 Isipin mo ang semi-subterranean chamber sa Karahan Tepe. 245 00:18:03,043 --> 00:18:05,363 wala pang 300 milya mula rito, 246 00:18:06,083 --> 00:18:08,123 na may mga posteng nahahawig 247 00:18:08,203 --> 00:18:11,363 sa natural na fairy chimney ng Cappadocia. 248 00:18:14,203 --> 00:18:15,483 Dahil walang umaapela 249 00:18:15,563 --> 00:18:18,843 ang mga ito'y inukit sa pagtatapos ng Ice Age, 250 00:18:20,803 --> 00:18:22,443 posibleng ang Derinkuyu 251 00:18:22,523 --> 00:18:24,963 ay ginawa sa panahong iyon din. 252 00:18:30,003 --> 00:18:33,123 Habang nilalantad ng Derinkuyu ang lalim at kabuuan, 253 00:18:33,203 --> 00:18:37,443 mahirap di pansinin ang lawak ng lugar 254 00:18:38,603 --> 00:18:43,083 at ang napakalaking effort na ibinuhos sa paghuhukay nito. 255 00:18:45,643 --> 00:18:48,843 Ang mas nakakamangha pa sa pagbuo nito 256 00:18:49,563 --> 00:18:53,123 ay di lang ito ang tanging siyudad sa ilalim ng Cappadocia. 257 00:18:58,243 --> 00:19:01,083 Noong 2013, natuklasan ng mga construction worker 258 00:19:01,163 --> 00:19:03,443 ang maraming lagusan sa Nevsehir, 259 00:19:05,403 --> 00:19:07,043 17 milya ang layo. 260 00:19:08,083 --> 00:19:11,923 Ang nahanap nila ay siyudad sa ilalim na mas malaki sa Derinkuyu. 261 00:19:14,843 --> 00:19:17,883 Mula noon, marami pang gaya noon ang natuklasan. 262 00:19:21,083 --> 00:19:23,763 Ang nakakamangha pa rito sa Cappadocia… 263 00:19:24,763 --> 00:19:28,923 natuklasan ng mga arkeologo ang 36 na ganoon pang mga siyudad. 264 00:19:32,603 --> 00:19:35,123 Kung bibilangin ang dalawang palapag lang, 265 00:19:35,643 --> 00:19:37,803 lalaki pa ang bilang sa 200. 266 00:19:43,243 --> 00:19:47,203 Isa sa mga siyudad na mga ito ay limang milya ang layo sa Derinkuyu, 267 00:19:47,283 --> 00:19:49,443 at may nakamamanghang sikreto. 268 00:19:51,283 --> 00:19:54,043 Ang mga lagusan sa Kaymakli ay may 8 palapag 269 00:19:54,123 --> 00:19:56,883 at mas malawak pa sa Derinkuyu. 270 00:19:58,963 --> 00:20:02,683 Base sa bilang ng mga silid na inukit sa mga pader, 271 00:20:02,763 --> 00:20:08,243 iniisip ng mga arkeologo na ang bunker ay kayang magkanlong ng 3,500 katao. 272 00:20:12,643 --> 00:20:18,363 Pero ang pinakanakamamanghang bahagi ng Kaymakli ay makikita sa ikatlong palapag. 273 00:20:22,963 --> 00:20:26,363 Ang lagusan sa ilalim ay napakalayo ng nararating. 274 00:20:32,243 --> 00:20:33,883 Hindi iyon madaanan ngayon, 275 00:20:33,963 --> 00:20:39,043 pero ang lagusang ito ay sinasabing nagdurugtong sa Kaymakli at Derinkuyu. 276 00:20:41,323 --> 00:20:43,883 Isang diretsong daanang umaabot ng 5 milya. 277 00:20:48,843 --> 00:20:51,323 Ang totoo, kinumpirma ng mga arkeologo 278 00:20:51,403 --> 00:20:55,443 na anim sa mga tirahan sa ilalim ng Cappadocia 279 00:20:55,523 --> 00:20:59,083 ay konektado sa isa't isa ng mga kaparehong daanan. 280 00:21:00,803 --> 00:21:03,963 Ang tingin ko, binabago nito ang lahat. 281 00:21:05,243 --> 00:21:09,603 Ang mga labyrinth na ito sa ilalim ay di lang magkakahiwalay na tirahan. 282 00:21:09,683 --> 00:21:12,763 Bahagi sila ng malaki at pangmalawakang proyektong 283 00:21:12,843 --> 00:21:16,603 sangkot ang ilang dosenang pang kaparehong lugar na nakakalat. 284 00:21:17,683 --> 00:21:21,443 Tanging grupo lang na may layunin ang gagawa ng ganoong trabaho. 285 00:21:23,803 --> 00:21:27,083 Anong klaseng banta ang napakalubha 286 00:21:27,163 --> 00:21:30,283 na mapipilitan ang napakaraming tao, 287 00:21:30,363 --> 00:21:35,243 maaaring daang libo, na umukit ng panibagong buhay sa ilalim ng lupa? 288 00:21:36,243 --> 00:21:39,283 Malamang may paliwanag kung bakit ginawa ang mga ito 289 00:21:39,363 --> 00:21:43,163 na mas kapani-paniwala kaysa sa pagtatago mula sa mga mananakop. 290 00:21:46,203 --> 00:21:50,203 Maaaring nakatago ang sagot sa pinakamatandang alamat ng rehiyon, 291 00:21:51,363 --> 00:21:55,683 na naganap, ilang libong taon na ang nakararaan sa mga Zoroastrian. 292 00:21:59,043 --> 00:22:02,643 Ito ay ilan sa mga tanyag na mga dervish sa Cappadocia. 293 00:22:07,323 --> 00:22:10,403 Masugid na tagasunod ng relihiyong Sufism. 294 00:22:14,763 --> 00:22:18,363 Isa sa ilang natitira sa sinaunang kultura ng Zoroastrianism. 295 00:22:20,843 --> 00:22:25,243 Ang sinaunang propeta ng Persia, si Zoroaster, ay natuklasan ang sinasabing 296 00:22:25,323 --> 00:22:28,643 pinakamatandang relihiyong patuloy pa rin. 297 00:22:32,123 --> 00:22:37,043 Ang sagradong mga salita nito ay tumutukoy sa siyudad sa ilalim gaya ng Derinkuyu, 298 00:22:37,123 --> 00:22:41,323 eksaktong sinasabi kung bakit iyon ginawa at sinong gumawa. 299 00:22:41,843 --> 00:22:46,683 Winika ni Zoroaster ang ukol sa unang hari at nakatuklas ng sibilisasyon, 300 00:22:46,763 --> 00:22:48,123 isang lalaki, si Yima. 301 00:22:54,043 --> 00:22:57,043 Isang araw, habang nasa tabi ng ilog si Yima, 302 00:22:57,123 --> 00:23:01,763 ang diyos na si Ahura Mazda ay nagpakita sa kanya dala ang isang babala. 303 00:23:02,843 --> 00:23:06,123 Di tungkol sa baha, ngunit sa nakamamatay na taglamig. 304 00:23:07,363 --> 00:23:12,203 At sinabi niyang magtayo ng vara, isang napakalaking kanlungan sa ilalim. 305 00:23:14,083 --> 00:23:17,963 Isasama niya ang pinakamahusay na lalaki at babae, at mga hayop, 306 00:23:18,043 --> 00:23:19,323 dalawa kada uri. 307 00:23:20,363 --> 00:23:23,643 Dapat itago ni Yima ang buto ng bawa't puno at prutas, 308 00:23:23,723 --> 00:23:27,883 gumagawa ng di nauubos na suplay hanggang matapos ang taglamig. 309 00:23:28,763 --> 00:23:31,723 At sinasabi rin ng sagradong mga salita 310 00:23:31,803 --> 00:23:37,123 na ang simula ng nakamamatay na taglamig ay ibabalita ng serpiyente sa langit. 311 00:23:40,603 --> 00:23:42,763 Ang sinasabing maalamat na vara 312 00:23:42,843 --> 00:23:46,803 ay tila mga siyudad sa ilalim na nakita natin dito sa Cappadocia. 313 00:23:47,843 --> 00:23:50,843 Pero ayaw kilalanin ng mga historyador iyon. 314 00:23:51,963 --> 00:23:54,483 Ang alamat ni Yima ay isa lang sa alamat 315 00:23:54,563 --> 00:23:56,923 na iniisip na hindi mahalaga, 316 00:23:57,003 --> 00:24:00,603 gayunman, sinasabi nito ang pagdating ng matinding taglamig. 317 00:24:03,363 --> 00:24:05,523 At kinumpirma ng mga geologist 318 00:24:05,603 --> 00:24:09,563 na may panahon ng malalaking pagbaha sa panahon ng Younger Dryas, 319 00:24:09,643 --> 00:24:12,123 nahahawig sa mga inilarawan sa mga alamat, 320 00:24:13,203 --> 00:24:17,283 pero kalaunan ay sinabi nilang bumagsak ang temperatura sa mundo. 321 00:24:18,563 --> 00:24:20,283 Nakamamatay na taglamig nga. 322 00:24:21,843 --> 00:24:26,043 At nariyan pa ang detalyeng nagkukonekta sa simula ng taglamig 323 00:24:26,123 --> 00:24:29,043 sa pagdating ng isang malaking ahas mula sa langit 324 00:24:30,523 --> 00:24:34,563 gaya ng mga ahas na nakita natin sa alamat ng mga sinaunang Aztec, 325 00:24:36,043 --> 00:24:37,603 o ng Iroquois. 326 00:24:37,683 --> 00:24:40,643 Palaging idinidikit ang serpiyente sa mga sakuna. 327 00:24:46,163 --> 00:24:48,963 Naaalala ko rin ang mga poste sa Göbekli Tepe 328 00:24:49,043 --> 00:24:54,283 na puno ng inukit na mga ahas na tila bumabagsak mula sa kalangitan. 329 00:24:55,203 --> 00:24:59,003 O ng mga ahas na inukit sa malaking templo ng Malta sa Ġgantija. 330 00:24:59,963 --> 00:25:02,003 O Serpent Mound sa North America. 331 00:25:02,923 --> 00:25:07,443 Siyempre, di kinukonekta ng mga arkeologo ang mga simbolong ito at tradisyon 332 00:25:07,523 --> 00:25:10,363 mula sa magkabilang panig ng mundo sa isa't isa… 333 00:25:10,923 --> 00:25:12,963 lalo sa isang pangyayari. 334 00:25:13,843 --> 00:25:18,043 Nakita na natin ang pagkakaiba at wala dapat pagkakapareho na estruktura 335 00:25:18,123 --> 00:25:19,523 sa buong mundo 336 00:25:19,603 --> 00:25:23,723 ay tila nakinabang sa pamana ng sinaunang kaalaman. 337 00:25:24,083 --> 00:25:26,603 Pamanang di alam saan nagmula. 338 00:25:27,803 --> 00:25:30,963 Ang nakakagulat na implikasyon ay noong Ice Age, 339 00:25:31,043 --> 00:25:35,083 isang makabagong sibilisasyon, na kumalat sa mundo ang impluwensiya, 340 00:25:35,163 --> 00:25:39,603 ang namuhay kasama ng mga mangangasong alam din nating buhay noon. 341 00:25:40,403 --> 00:25:42,563 Isang sibilisasyong winasak 342 00:25:42,643 --> 00:25:45,563 ng isang misteryosong sakuna ng Younger Dryas. 343 00:25:47,523 --> 00:25:52,043 Maaari kayang ang mga tinukoy na ahas ay bahagi ng pamanang iyon? 344 00:25:52,963 --> 00:25:56,363 Isang babalang iniwan ng mga nabuhay. 345 00:26:04,203 --> 00:26:11,083 Para sa 'kin, ang pinatutunguhan noon ay, tayong mga tao ay mabilis makalimot. 346 00:26:12,723 --> 00:26:15,523 Hindi na maalala ang mga sakunang naganap 347 00:26:15,603 --> 00:26:17,563 sa pagtatapos ng huling Ice Age, 348 00:26:17,643 --> 00:26:21,723 na nalimutan natin ang mahalagang kabanata ng sarili nating kuwento. 349 00:26:23,043 --> 00:26:28,243 At maaaring malaking problema iyon dahil karamihan sa mga alamat na ito, 350 00:26:28,323 --> 00:26:32,803 isang kuwento tungkol kay Yima ang nagtapos sa babala mula sa mga diyos 351 00:26:32,883 --> 00:26:36,803 na isang araw, babalik ang kaparehong sakuna. 352 00:26:39,163 --> 00:26:40,123 Maaari kaya? 353 00:26:41,843 --> 00:26:46,763 Sa mahabang panahon, nanatiling misteryo kung ano ang pinagmulan ng mga pagbaha, 354 00:26:46,843 --> 00:26:50,203 sunog at pagbagsak ng temperatura noong Younger Dryas, 355 00:26:51,123 --> 00:26:55,163 pero pinakikita ng bagong heolohikal na ebidensiya ang posibilidad. 356 00:26:56,483 --> 00:26:58,803 Ebidensiyang malinaw pa rin ngayon 357 00:26:58,883 --> 00:27:01,883 sa may ukang lupain ng prehistoric America, 358 00:27:01,963 --> 00:27:03,483 kung saan ako patungo. 359 00:27:04,483 --> 00:27:08,363 Nahihimok na akong ang pinagmulan ng simbulo ng serpiyente 360 00:27:08,443 --> 00:27:11,203 ay may kinalaman sa mga ahas sa langit 361 00:27:11,283 --> 00:27:12,883 na tinatawag nating kometa. 362 00:27:41,643 --> 00:27:46,643 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Reyselle Revita