1 00:00:06,083 --> 00:00:08,963 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,523 --> 00:00:18,043 Sa mga lugar sa mundo, nakita namin ang pinaniniwalaan kong 3 00:00:18,123 --> 00:00:21,203 mga bakas ng daliri ng nawawalang sibilisasyon 4 00:00:22,403 --> 00:00:24,443 na mula pa sa huling Ice Age. 5 00:00:25,323 --> 00:00:26,803 Ang huling misteryo ay 6 00:00:26,883 --> 00:00:29,483 anong nangyari sa maunlad na sibilisasyon? 7 00:00:30,923 --> 00:00:34,803 May mga bakas sa pinagmulan ng mga alamat ng sinaunang kultura, 8 00:00:35,403 --> 00:00:38,563 dahil karamihan ay nagsasabi ng parehong kuwento. 9 00:00:40,723 --> 00:00:42,563 Ayos sa mga alamat na ito, 10 00:00:42,643 --> 00:00:44,083 noong unang panahon, 11 00:00:44,163 --> 00:00:47,723 ang sangkatauhan ay kabahagi ang Mundo sa mas maunlad na lipunan, 12 00:00:49,523 --> 00:00:54,203 iyon man ay Atlantean, o mga higante, o mga diyos sa Mundo. 13 00:00:55,643 --> 00:00:58,883 Nang nagkaroon ng nakakakilabot na pandaigdigang sakuna, 14 00:00:59,563 --> 00:01:00,963 isang malaking pagbaha, 15 00:01:02,483 --> 00:01:06,203 iilan lamang ang napiling naligtas upang mapunan muli ang Mundo. 16 00:01:06,923 --> 00:01:10,083 Na kalaunan ay binisita ng iba pang mga nakaligtas, 17 00:01:10,803 --> 00:01:15,163 mga misteryosong dakilang guro, na kadalasang dumarating sa dagat, 18 00:01:15,243 --> 00:01:18,723 para tumulong sa pagsilang muli ng sangkatauhan 19 00:01:19,443 --> 00:01:21,843 at sibilisasyon na alam natin ngayon. 20 00:01:24,923 --> 00:01:26,443 Kinumpirma ng agham 21 00:01:26,523 --> 00:01:29,723 na ang gano'ng serye ng mga kaganapang apocalyptic 22 00:01:29,803 --> 00:01:34,803 ay nangyari sa katapusan ng Ice Age, mga 12,800 na taon ang nakalipas… 23 00:01:37,003 --> 00:01:41,083 isang kapanahunan na kilala ng mga heologo bilang ang Younger Dryas. 24 00:01:48,323 --> 00:01:49,963 Sa kasunod lamang nito, 25 00:01:50,043 --> 00:01:54,523 nagsimula ang ating mga ninuno na magtanim at mag-alaga ng hayop, 26 00:01:55,083 --> 00:01:56,323 gumawa ng mga lipunan 27 00:01:56,403 --> 00:01:59,083 at magtayo ng malaking megalitikong istruktura 28 00:01:59,803 --> 00:02:01,683 na nakahanay sa mga bituin. 29 00:02:04,683 --> 00:02:05,843 Pero bakit? 30 00:02:07,203 --> 00:02:11,803 Ito ay misteryo na ang mga kilalang arkeologo ay walang tunay na paliwanag, 31 00:02:11,883 --> 00:02:13,923 maliban sa "iyon ang nangyari." 32 00:02:15,323 --> 00:02:17,723 Pero ako'y may radikal na ibang mungkahi. 33 00:02:18,403 --> 00:02:21,003 Tanungin ang sarili kung 'yon ang kasaysayan? 34 00:02:23,163 --> 00:02:24,803 O matagal na bago iyon? 35 00:02:37,403 --> 00:02:42,723 KALAMIDAD AT MULING PAGBANGON 36 00:02:45,123 --> 00:02:46,363 Posible 37 00:02:46,443 --> 00:02:50,483 na ang mga bakas ng nawawalang maunlad na sibilisasyong hinahanap ko 38 00:02:51,123 --> 00:02:55,043 ay natangay ng mga sakuna ng Younger Dryas. 39 00:02:55,803 --> 00:02:59,563 Pero ang ebidensyang heolohikal ng apocalyptic na sandaling iyon 40 00:02:59,643 --> 00:03:00,803 ay mayroon pa rin. 41 00:03:02,043 --> 00:03:03,163 At naniniwala ako. 42 00:03:05,203 --> 00:03:08,323 Dito, sa hilagang-kanluran ng Amerika, 43 00:03:08,883 --> 00:03:13,403 sa parte ng silangan ng Washington na kilala bilang Channeled Scablands. 44 00:03:19,123 --> 00:03:22,403 Ito ay natatanging apocalyptic na tanawin, 45 00:03:22,483 --> 00:03:26,603 isang kamangha-manghang lugar na sumasaklaw ng 2,000 milyang kuwadrado. 46 00:03:29,123 --> 00:03:34,003 Ang mga tanawing ito ay ebidensiya ng isang malaking 47 00:03:34,083 --> 00:03:37,043 halos hindi mailarawan na sakuna. 48 00:03:42,683 --> 00:03:45,763 Lugar na matagal nang pinapamangha ang mga heologo, 49 00:03:46,923 --> 00:03:49,123 na may malalaking galos sa bato, 50 00:03:49,723 --> 00:03:54,923 malalaking lubak, at kahanga-hangang mga talon. 51 00:03:58,283 --> 00:04:02,203 Lahat ng ito ay nagsama-sama para magmukhang hindi makamundo. 52 00:04:02,283 --> 00:04:03,763 Hindi sa mundong ito. 53 00:04:05,483 --> 00:04:07,483 Ang fossilized na talon na ito, 54 00:04:08,723 --> 00:04:10,963 na pinangalanang Dry Falls, 55 00:04:11,043 --> 00:04:14,763 ay mataas ang antas sa mga natural na kababalaghan ng Channeled Scablands, 56 00:04:15,843 --> 00:04:17,203 at kahit sa mundo. 57 00:04:19,123 --> 00:04:22,923 Ito ay napakalaki na halos imposibleng maunawaan ang sukat nito. 58 00:04:25,963 --> 00:04:30,083 Ang Falls ay isang seksyon lang ng napakalawak na bangin 59 00:04:30,163 --> 00:04:33,243 na lumabas sa lupa, daan-daang talampakan ang lalim, 60 00:04:33,323 --> 00:04:36,603 50 milya ang haba, at halos tatlong milya ang lapad, 61 00:04:37,603 --> 00:04:38,643 na Grand Coulee. 62 00:04:40,643 --> 00:04:43,923 Naniniwala ang mga heologo na lahat itong mga pormasyon 63 00:04:44,003 --> 00:04:45,443 ay ginawa ng pagbaha 64 00:04:46,003 --> 00:04:49,683 na naganap no'ng panahon ng huling Ice Age. 65 00:04:50,883 --> 00:04:55,083 Kung kailan at paano naganap ito, bagaman, ay nananatiling misteryo, 66 00:04:55,163 --> 00:04:59,003 isang naging kontrobersiya sa mga heologo nang ilang dekada na. 67 00:04:59,083 --> 00:05:01,403 Ano ba talaga ang nangyari rito? 68 00:05:02,883 --> 00:05:07,643 At maaari kayang kaugnay ito sa nangyari ro'n sa nawalang maunlad na sibilisasyon 69 00:05:07,723 --> 00:05:09,003 ng Ice Age? 70 00:05:12,523 --> 00:05:14,763 Para maunawaan ko ang lahat ng ito, 71 00:05:14,843 --> 00:05:17,763 ang heologo at manunulat na si Randall Carlson, 72 00:05:17,843 --> 00:05:21,363 na sinisiyasat ang Scablands nang ilang dekada na, 73 00:05:21,443 --> 00:05:26,083 ay sinamahan ako sa lugar ng Grand Coulee na kilala bilang Lenore Lake. 74 00:05:27,283 --> 00:05:30,363 Anumang dahilan, walang tanong sa isip ng sinuman… 75 00:05:30,483 --> 00:05:33,443 na ito ang resulta ng pagbaha 76 00:05:33,523 --> 00:05:35,723 sa sukat na halos hindi makuwenta. 77 00:05:35,803 --> 00:05:38,243 Una kong impresyon, tingin pa sa mapa, 78 00:05:38,323 --> 00:05:42,123 ay ito ang lugar na nawasak, nasira at napinsala. 79 00:05:42,203 --> 00:05:44,243 Anong kuwento nitong tanawin? 80 00:05:44,323 --> 00:05:46,603 Ngayon, karamihan sa tipikal na modelo, 81 00:05:46,683 --> 00:05:48,643 -ang pinagmulan ng tubig… -Oo. 82 00:05:48,723 --> 00:05:51,763 …na gumawa sa Scablands, ay ang Lake Missoula. 83 00:05:54,923 --> 00:05:56,723 Noong huling Ice Age, 84 00:05:56,803 --> 00:06:00,483 natakpan ng mga yelo ang hilagang bahagi ng North America, 85 00:06:00,563 --> 00:06:01,803 baybayin sa baybayin. 86 00:06:03,963 --> 00:06:09,203 Ilang milyong milya kuwadrado ng yelo, may sapat na tubig para punan ang karagatan. 87 00:06:11,883 --> 00:06:14,443 At sa timog na bahagi ng yelo, 88 00:06:14,523 --> 00:06:16,683 nabuo ang tubig-tabang na lawa. 89 00:06:18,523 --> 00:06:20,963 Isang glacial na lawa, ang Missoula, 90 00:06:21,043 --> 00:06:25,683 ay mayroong tubig na kasingdami ng pinagsamang lawa ng Erie at Ontario, 91 00:06:26,563 --> 00:06:29,923 nasasaklaw ang ngayon ay hilagang-kanlurang Montana. 92 00:06:33,123 --> 00:06:36,443 Ang kasalukuyang teorya ay naharangan ang Lake Missoula 93 00:06:36,523 --> 00:06:39,843 ng parang natural na dam ng yelo na nasira. 94 00:06:45,883 --> 00:06:46,963 Tanggalin ang dam, 95 00:06:47,043 --> 00:06:50,403 lahat ng tubig ay aagos dito sa kanluran tulad nito. 96 00:06:53,563 --> 00:06:56,483 At para maestima ang mga pinsalang ito sa tanawin, 97 00:06:57,083 --> 00:07:03,763 naisip ng mga heologo na ang dam ng yelo ay nabuo muli at nasira nang paulit-ulit, 98 00:07:03,843 --> 00:07:08,803 na nagsanhi ng dose-dosenang pagbaha sa ilang libong taon, 99 00:07:08,883 --> 00:07:13,003 unti-unting hinuhulma ang Scablands sa nakikita natin ngayon. 100 00:07:14,483 --> 00:07:16,323 Kaya lumabas sa Lake Missoula, 101 00:07:16,403 --> 00:07:19,243 at dahil di sapat ang pag-ubos ng Lake Missoula, 102 00:07:19,323 --> 00:07:21,643 nangailangan ng 80 o 90 na pag-ubos. 103 00:07:21,723 --> 00:07:22,803 Nakakatulong iyon. 104 00:07:25,163 --> 00:07:30,483 Iyon ay mausisang gawa-gawa na paliwanag para sa magandang tanawin. 105 00:07:33,123 --> 00:07:37,603 May malakas na tinatawag na "uniformitarian trend" sa heologo. 106 00:07:37,683 --> 00:07:40,923 Ayaw ng mga modernong heologo ang mga kataklismo. 107 00:07:41,003 --> 00:07:45,163 Mas gusto nila ang mahaba, mabagal, unti-unting paliwanag sa mga bagay, 108 00:07:45,243 --> 00:07:48,003 at gusto ang pananaw na ang mga bagay ngayon 109 00:07:48,083 --> 00:07:49,683 ay pareho sa nakaraan, 110 00:07:49,763 --> 00:07:52,683 kahit na para sa akin iyon ay walang kabuluhan. 111 00:07:54,083 --> 00:07:56,763 Naniniwala si Randall na ang katibayan dito 112 00:07:56,843 --> 00:08:00,123 ay nagpakita hindi ng mga siglo ng unti-unting pagbaha, 113 00:08:00,203 --> 00:08:06,603 pero ng isang malakihang malupit na delubyo na tumagal lang ng ilang linggo. 114 00:08:06,683 --> 00:08:09,003 -Hindi lang ito tubig, ano? -Hindi. 115 00:08:09,083 --> 00:08:11,123 -Oo. -Hanggang sa kayang makita, 116 00:08:11,843 --> 00:08:15,683 magiging malupit, kumukulo, magulong senaryo. 117 00:08:17,443 --> 00:08:20,083 Gumagalaw na tubig na barado ng libong yelo. 118 00:08:21,203 --> 00:08:24,043 Lahat ng nasa pagitan nitong talampas ay naalis. 119 00:08:24,123 --> 00:08:25,283 Oo. 120 00:08:26,563 --> 00:08:30,363 Isang napakalaking di-maisip na malupit na pangyayari. 121 00:08:32,883 --> 00:08:34,323 Para bigyan ka ng ideya, 122 00:08:34,403 --> 00:08:38,243 kung kukunin ang bawat ilog sa Daigdig mula sa bawat kontinente, 123 00:08:38,323 --> 00:08:40,082 pagsasamahin lahat, 124 00:08:40,643 --> 00:08:43,123 mumultiplikahin pa sa di bababa sa sampu 125 00:08:43,202 --> 00:08:45,962 para makuha ang dami ng tubig na umaagos dito. 126 00:08:46,043 --> 00:08:48,842 Wow! Talagang nailalagay niyan sa perspektibo. 127 00:08:54,643 --> 00:08:57,723 Talagang nakakasindak na tanawin, 128 00:08:57,803 --> 00:09:00,523 na nagsasabi sa 'kin ng sinaunang sakuna. 129 00:09:01,923 --> 00:09:05,843 Isang sakuna sa sukat na halos imposible nang maisip ngayon. 130 00:09:09,803 --> 00:09:15,043 Noong Ice Age, ito ay isang lugar ng malambot na damuhan, 131 00:09:15,123 --> 00:09:18,803 na puno ng mga naglilibot na mga antelop at mga mastodon, 132 00:09:19,963 --> 00:09:22,643 hanggang sa dumating ang kalupitan. 133 00:09:29,563 --> 00:09:33,403 Naglabas ng napakalaking talon ang tubig-baha 134 00:09:33,483 --> 00:09:36,403 na puwedeng kasinglaki ng sampung Niagara Falls, 135 00:09:36,483 --> 00:09:39,963 dalawa't kalahating beses na mataas, pitong beses na mas malawak, 136 00:09:40,563 --> 00:09:43,443 at 3,000 beses na mas malakas. 137 00:09:47,683 --> 00:09:49,243 Gaano kabilis iyon? 138 00:09:49,323 --> 00:09:51,523 Tingin ko'y napakabilis nangyari. 139 00:09:51,603 --> 00:09:54,203 -Baka nalikha ng ilang linggo? -Oo. 140 00:09:58,683 --> 00:10:03,363 Ang pinakamalinaw na patunay ay narito, sa lugar na kung tawagin ay Wallula Gap, 141 00:10:04,723 --> 00:10:10,043 kung saan ang tubig-baha ay nakaukit ng malaking canyon, 1,200 talampakang lalim, 142 00:10:11,723 --> 00:10:15,363 iniwan itong mga napakalalaking mga bato… 143 00:10:17,763 --> 00:10:19,523 kilala bilang Twin Sisters. 144 00:10:21,043 --> 00:10:23,163 Pruweba ng bilis at bangis 145 00:10:24,203 --> 00:10:27,963 ng pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan ng tao. 146 00:10:32,883 --> 00:10:35,283 Ang pananaliksik ay nagpakitang ang pagbuo 147 00:10:35,363 --> 00:10:42,123 ay di lang milenyong gawa ng unti-unting pagguho, gaya ng sabi ng mga heologo. 148 00:10:44,603 --> 00:10:47,003 At no'ng matapos itong malaking delubyo, 149 00:10:47,603 --> 00:10:48,643 ang umuurong na tubig 150 00:10:48,723 --> 00:10:52,843 ay di lang nag-iwan ng mga tore ng mas matigas na bato. 151 00:10:54,323 --> 00:10:58,123 Sa malapit, sa lugar na kilala bilang Camas Prairie, 152 00:10:58,203 --> 00:11:01,123 ay ang malalaking paalon-alon sa tanawin. 153 00:11:02,843 --> 00:11:05,563 Sobrang ayos nila at perpektong nabuo, 154 00:11:05,643 --> 00:11:09,163 sinumang pupunta sa baybayin at makakita ang along nawawala 155 00:11:09,243 --> 00:11:13,723 ay makikita na ang umuurong na alon ay nag-iiwan ng paalon-alon sa buhangin, 156 00:11:13,803 --> 00:11:16,723 at ang paalon-alon ay kalahating pulgada ang taas 157 00:11:16,803 --> 00:11:18,243 at ilang talampakan ang haba. 158 00:11:18,323 --> 00:11:21,443 Ang mayroon sa Camas Prairie ay paalun-alon na current 159 00:11:21,523 --> 00:11:26,523 na nasa 30 hanggang 50 na talampakang taas at 300 na talampakang haba. 160 00:11:28,283 --> 00:11:31,723 Parehong kaganapan sila na sanhi ng pag-urong ng tubig. 161 00:11:31,803 --> 00:11:35,123 Pero ang paalon-alon sa tanawin ay malaking kaganapan, 162 00:11:35,203 --> 00:11:39,483 napakaraming tubig na dumaan sa tanawin at pagkatapos ay umatras. 163 00:11:40,923 --> 00:11:42,483 Tunay na sakuna. 164 00:11:42,563 --> 00:11:43,843 Sakuna, oo. 165 00:11:43,923 --> 00:11:48,003 Kung may nakaligtas dahil sa suwerte, 166 00:11:48,083 --> 00:11:49,763 makakalabas sila sa resulta 167 00:11:49,843 --> 00:11:52,443 na iniisip na ang buong mundo ay nasira na. 168 00:11:57,403 --> 00:12:02,923 Ang Scablands ay nagpapakita ng lahat ng senyales ng malaking, nangwawasak na baha 169 00:12:03,003 --> 00:12:05,003 na hindi nagtagal, 170 00:12:06,723 --> 00:12:09,923 katulad ng inilarawan sa mga kuwento sa buong mundo. 171 00:12:15,483 --> 00:12:21,403 At malabong lahat ng tubig ay mula sa Lake Missoula, gaya ng sabi ng mga heologo. 172 00:12:22,003 --> 00:12:23,403 Alisin mo ang dam ng yelo, 173 00:12:23,963 --> 00:12:27,043 aagos lahat ng tubig pakanluran gaya nito… 174 00:12:27,163 --> 00:12:30,483 …pero mahahanap natin sa timog na pader, 175 00:12:31,203 --> 00:12:33,443 may malaking deposito ng graba. 176 00:12:34,123 --> 00:12:35,723 Aagos patimog itong tubig. 177 00:12:35,803 --> 00:12:38,203 At diyan maghihiwalay mula sa daluyan. 178 00:12:38,283 --> 00:12:41,923 Makikita mo ang pinagmulan ng baha sa yelo, di sa lawang ito. 179 00:12:42,003 --> 00:12:43,003 Tama. 180 00:12:43,083 --> 00:12:45,203 Inaamin na ngayon at kinikilala 181 00:12:45,283 --> 00:12:47,963 na, baka may iba pang lawa dito sa taas. 182 00:12:48,043 --> 00:12:51,843 At ang dapat talaga nating gawin ay tumingin sa hilaga. 183 00:12:51,923 --> 00:12:53,643 -Para tingnan ang tuktok. -Oo. 184 00:12:53,723 --> 00:12:55,803 Para balikan ang teorya ng daluyan, 185 00:12:55,883 --> 00:12:58,923 inilagay ang mga baha sa tiyak na takdang panahon, 186 00:12:59,003 --> 00:13:02,283 sa 18,000 hanggang 15,500-taong haba ng pagitan. 187 00:13:02,363 --> 00:13:06,043 Oo. Tingin ko dapat nating suriing mabuti ang ilang mga petsa. 188 00:13:06,123 --> 00:13:08,043 Dahil wala akong maisip sa panahong iyon 189 00:13:08,123 --> 00:13:10,003 magbibigay ng matinding enerhiya 190 00:13:10,083 --> 00:13:11,683 para ilabas ang ganitong tubig. 191 00:13:13,083 --> 00:13:17,083 Ang dapat mangyari ngayon ay buuin ang mga piraso ng palaisipan… 192 00:13:17,163 --> 00:13:19,203 -Oo. -…para makuha ang buo, 193 00:13:19,283 --> 00:13:20,723 maliwanag na kabuuan. 194 00:13:24,123 --> 00:13:28,483 Iyong mas malaking kabuuan na hinahanap ni Randall ay baka pausbong na. 195 00:13:30,203 --> 00:13:32,963 Sa halip na patuloy na tukuyin ang Scablands 196 00:13:33,043 --> 00:13:35,523 bilang nakakalitong panrehiyong pangyayari 197 00:13:35,603 --> 00:13:38,443 na walang maliwanag na panlabas na sanhi, 198 00:13:38,523 --> 00:13:41,563 nilalagay ng argumento ni Randall ang tanawing ito 199 00:13:41,643 --> 00:13:45,483 sa konteksto ng mas malawak, talagang pandaigdigang pagkawasak 200 00:13:45,563 --> 00:13:47,923 na naganap sa dulo ng huling Ice Age. 201 00:13:50,363 --> 00:13:54,963 Hindi 18,000, o 15,500 taong nakalipas… 202 00:13:56,563 --> 00:13:59,323 …pero nasa 12,800 taong nakalipas… 203 00:14:01,003 --> 00:14:03,003 …sa simula ng Younger Dryas. 204 00:14:05,763 --> 00:14:09,243 Maaari bang ang pagkawasak na makikita sa Scablands 205 00:14:09,323 --> 00:14:12,403 ay naging bahagi no'ng mas malaking sinaunang sakuna 206 00:14:12,483 --> 00:14:16,803 na suspetsa ko'y bumura ng isang buong maunlad na sibilisasyon? 207 00:14:21,683 --> 00:14:24,083 Isa pang tanawin ng sinaunang Amerika 208 00:14:24,163 --> 00:14:26,203 ang maaaring may huling bakas. 209 00:14:29,443 --> 00:14:30,963 1,200 milya sa timog, 210 00:14:31,603 --> 00:14:35,163 sa tuyong disyerto sa hangganan ng US-Mexico, 211 00:14:36,723 --> 00:14:39,363 sa lugar na tinatawag na Murray Springs. 212 00:14:44,883 --> 00:14:49,003 Si Allen West ay miyembro ng isang grupo ng mga mananaliksik 213 00:14:49,083 --> 00:14:52,603 na pinahanga ang komunidad ng agham noong 2007, 214 00:14:52,683 --> 00:14:57,203 sa paglalathala ng papel tungkol sa pambihirang natuklasan dito, 215 00:14:58,123 --> 00:15:03,803 sa lugar na may nakalantad na lupa na may bagay na kilala bilang "black mat." 216 00:15:04,523 --> 00:15:06,563 Itong black mat na makikita rito… 217 00:15:06,643 --> 00:15:07,483 ALLEN WEST MANANALIKSIK, KASANGGUNI SA GEOSCIENCE 218 00:15:07,563 --> 00:15:09,603 -Oo. -…kinakatawan ang pagkalipol. 219 00:15:09,683 --> 00:15:15,483 Sa ilalim niyan, may mga buto ng mamot, may mga buto ng Amerikanong kabayo, 220 00:15:15,563 --> 00:15:20,243 Amerikanong kamel, mga lobo, at pusang saber-toothed. 221 00:15:20,323 --> 00:15:25,803 At sa ngayon, wala sa mga iyon ang nahanap sa itaas ng patong na iyan. 222 00:15:26,603 --> 00:15:29,043 Karagdagan sa pagkalipol ng megafauna, 223 00:15:29,123 --> 00:15:31,283 mayroon ding pagkalipol ng mga tao. 224 00:15:31,363 --> 00:15:35,363 Iniisip namin na baka nasa 50 hanggang 60% ng mga tao 225 00:15:35,443 --> 00:15:38,523 sa buong hilagang hating-globo ay namatay noon. 226 00:15:38,603 --> 00:15:41,803 Tama. Napakadramatikong bilang niyan. 227 00:15:41,883 --> 00:15:44,363 Alam naming may nangyari, di alam kung ano. 228 00:15:44,443 --> 00:15:46,483 Naharap kayo sa misteryo… 229 00:15:46,563 --> 00:15:48,883 -Oo. -…na ginusto n'yong magsiyasat. 230 00:15:50,803 --> 00:15:54,963 Noong unang nadiskubre at sinuri ang black mat no'ng 1960s, 231 00:15:56,003 --> 00:16:00,483 natukoy ng mga siyentipiko ang edad nitong nasa 12,800 taong nakalipas, 232 00:16:00,563 --> 00:16:03,843 ang eksaktong sandali na simula ng Younger Dryas. 233 00:16:06,123 --> 00:16:07,803 Kaya ako narito. 234 00:16:09,323 --> 00:16:12,123 Baka makatulong ang black mat sa paglutas 235 00:16:12,203 --> 00:16:16,723 di lang sa misteryong nagpasimula no'ng kataklismong panahon sa una pa lang, 236 00:16:18,443 --> 00:16:23,443 pati na rin ang kung anuman ang puwedeng nagpakawala ng napakalaking baha… 237 00:16:27,323 --> 00:16:29,523 na naglikha sa Scablands. 238 00:16:31,003 --> 00:16:32,563 Bilang bahagi ng pananaliksik, 239 00:16:32,643 --> 00:16:36,803 nagsagawa sila Allen ng mabusising kemikal na pagsusuri ng black mat. 240 00:16:38,723 --> 00:16:42,243 Kaya pumunta kayo rito at sinimulang siyasatin ang mat. 241 00:16:42,883 --> 00:16:46,163 Ang nahanap namin ay tinunaw na salaming bilog-bilog. 242 00:16:46,763 --> 00:16:51,123 Ito ang unang tanda na may kaganapang naganap sa mataas ang temperatura. 243 00:16:52,483 --> 00:16:54,163 Pero di namin alam kung ano. 244 00:16:55,523 --> 00:16:58,923 Ang temperaturang sapat para tunawin ang lupa, 245 00:16:59,003 --> 00:17:00,203 iyon ba? 246 00:17:00,283 --> 00:17:02,083 Sapat para tumunaw ng kotse 247 00:17:02,163 --> 00:17:04,723 na naging tunaw na metal sa paradahan. 248 00:17:04,803 --> 00:17:05,643 Wow. Tama. 249 00:17:05,723 --> 00:17:07,123 Ano pang nakita rito? 250 00:17:07,203 --> 00:17:10,362 May mataas na bilang ng platinum at ng iridium. 251 00:17:10,443 --> 00:17:13,043 Makakahanap ba ng platinum at iridium dito? 252 00:17:13,122 --> 00:17:14,803 Hindi, di namin inaasahan. 253 00:17:15,642 --> 00:17:18,443 Di madalas makita iyon sa planetang ito. 254 00:17:19,402 --> 00:17:22,563 May isang bagay lang sa daigdig ang makakagawa no'n, 255 00:17:22,642 --> 00:17:25,083 at iyon ay uri ng kosmikong pagtama. 256 00:17:25,723 --> 00:17:28,362 Bagay na asteroid o piraso ng kometang 257 00:17:28,443 --> 00:17:31,243 pumapasok sa atmospera at sumasabog sa ere 258 00:17:31,323 --> 00:17:32,963 o tumatama sa lupa? 259 00:17:33,043 --> 00:17:33,883 Tama iyan, oo. 260 00:17:35,963 --> 00:17:38,843 Isang kometa, isang mamamatay-lahi. 261 00:17:40,643 --> 00:17:43,483 Maipapaliwanag ba niyan ang sakunang kataklismo 262 00:17:43,563 --> 00:17:46,123 na naganap sa dulo ng Younger Dryas? 263 00:17:46,923 --> 00:17:50,363 Nangyari iyon noon sa mga dinosaur. 264 00:17:54,603 --> 00:17:57,803 Walang kumontra na ito'y kosmikong tama, asteroid o kometa, 265 00:17:57,883 --> 00:18:01,523 na nagsanhi sa pagkamatay ng mga dinosaur 66 milyong taon na. 266 00:18:03,243 --> 00:18:05,763 Nag-iwan iyon ng ibang patong sa mundong 267 00:18:05,843 --> 00:18:08,203 makikita pa rin sa ilang lugar ngayon, 268 00:18:08,283 --> 00:18:11,603 at isang kaparehong patong ang nakita sa Murray Springs. 269 00:18:14,923 --> 00:18:16,403 Nang ang grupo ni Allen 270 00:18:16,483 --> 00:18:20,323 ay napagtanto ang mga implikasyon ng black mat sa Murray Springs, 271 00:18:21,123 --> 00:18:24,883 naglunsad sila ng maingat, pangmatagalang imbestigasyon 272 00:18:25,763 --> 00:18:28,043 para malaman kung nagpakita sa ibang lugar. 273 00:18:29,843 --> 00:18:32,963 At nagpakita nga, sa buong mundo. 274 00:18:37,283 --> 00:18:41,403 Ngayon, nahanap ang mga lugar ng black mat sa North America, 275 00:18:41,483 --> 00:18:44,763 mula California hanggang Michigan hanggang New Jersey, 276 00:18:44,843 --> 00:18:49,083 at mula Belgium sa hilagang Europa hanggang Syria sa Middle East. 277 00:18:50,563 --> 00:18:53,483 Maraming potensiyal na lugar ng pinagtamaan iyon, 278 00:18:53,563 --> 00:18:58,483 lahat ay nasa parehong panahon, nasa 12,800 taong nakalipas. 279 00:19:01,323 --> 00:19:04,683 Napagtanto naming ito'y tila uri ng malaking kaganapan. 280 00:19:04,763 --> 00:19:09,083 Naging malinaw sa amin ang kabuuang isang sakuna ang nangyari. 281 00:19:11,483 --> 00:19:16,363 Pero kung may pagtama ng kometa, nasaan ang nabutas na tinamaan? 282 00:19:18,043 --> 00:19:20,203 Palagay ko, nakita natin ang sagot 283 00:19:22,923 --> 00:19:24,603 sa may Scablands. 284 00:19:26,883 --> 00:19:29,963 Kung ang unang pagtama sa simula ng Younger Dryas 285 00:19:30,043 --> 00:19:31,803 ay sa tuktok ng yelo, 286 00:19:31,883 --> 00:19:35,363 pagkatunaw ng yelo, walang butas na makikita. 287 00:19:37,083 --> 00:19:39,083 Masusuportahan nito ang teorya ni Randall 288 00:19:39,163 --> 00:19:43,803 na ang biglaang sakuna ng pagbaha na responsable sa Scablands 289 00:19:43,883 --> 00:19:48,243 ay di nagmula sa lawa pero mula mismo sa tuktok ng yelo. 290 00:19:50,283 --> 00:19:54,563 Talagang hihilingin na muling isulat ang kasaysayan na alam natin. 291 00:19:54,643 --> 00:19:55,483 Oo. 292 00:19:57,443 --> 00:20:00,723 Pero, ang isang pagtama lang ay di makakagawa 293 00:20:00,803 --> 00:20:04,563 ng lahat ng lugar ng black mat na naimapa ng grupo ni Allen. 294 00:20:06,443 --> 00:20:09,003 Humantong ito sa ideyang nakakagulat. 295 00:20:09,083 --> 00:20:13,523 Baka hindi isang kosmikong pagtama ang nag-iwan ng bakas sa buong mundo, 296 00:20:13,603 --> 00:20:14,843 pero marami. 297 00:20:14,923 --> 00:20:18,643 Maikling matinding bagyo ng kosmiko na nakatagpo ng Daigdig. 298 00:20:18,723 --> 00:20:21,843 Tinawag nilang ang teorya ng pagtama ng Younger Dryas. 299 00:20:24,163 --> 00:20:26,923 'Wag isiping ang Daigdig ay natamaan ng kometa, 300 00:20:27,003 --> 00:20:29,963 sa halip ay natamaan ng libo-libong mga piraso. 301 00:20:30,043 --> 00:20:32,963 Isipin na 12,800 taong nakalipas, 302 00:20:33,043 --> 00:20:37,083 ang Daigdig ay dumaan sa debris trail ng isang higanteng kometa. 303 00:20:43,603 --> 00:20:46,963 Iyon ay parang libo-libong bombang atomika na sumasabog. 304 00:20:48,243 --> 00:20:53,363 Sa ilang oras lang, isang nakakagulantang na pangyayari, 305 00:20:55,283 --> 00:21:00,203 naglalabas ng singaw ng tubig at ulap ng alikabok na tumakip sa langit, 306 00:21:00,963 --> 00:21:03,403 na nagpababa ng temperatura. 307 00:21:04,843 --> 00:21:07,963 Isiping naninirahan sa Miami at nagsasaya ka sa tabing-dagat, 308 00:21:09,003 --> 00:21:12,123 at biglang naging Anchorage, Alaska ang klima. 309 00:21:13,323 --> 00:21:17,003 -Nang magdamag lang, talaga. Oo. -Oo, sa loob ng ilang buwan. 310 00:21:21,043 --> 00:21:21,963 ANG PAGDATING NG KOMETA AY NAGSANHI NG PAGKALIPOL 311 00:21:22,043 --> 00:21:23,643 No'ng sina Allen 312 00:21:23,723 --> 00:21:26,443 sa kilala ngayon na Comet Research Group, 313 00:21:26,523 --> 00:21:27,883 ay nilathala ang natuklasan, 314 00:21:27,963 --> 00:21:31,443 tulad ng inaasahan, sila ay kinutya at nilibak. 315 00:21:31,523 --> 00:21:32,483 DEBATE NG MINI-ICE AGE GINULAT ANG MUNDO NG HEOLOHIYA 316 00:21:33,283 --> 00:21:36,723 Ang mga siyentipiko'y tinuruan na mangutya ng mga bagay. 317 00:21:36,803 --> 00:21:39,323 Mabuting mag-alinlangan, mangutya'y hindi. 318 00:21:41,043 --> 00:21:43,603 Ang nakakabahala pa sa kanilang natuklasan 319 00:21:43,683 --> 00:21:47,003 ay ang pinagmulan ng cometary debris na iyon. 320 00:21:48,163 --> 00:21:50,003 Ang Taurid meteor stream, 321 00:21:51,963 --> 00:21:55,763 parte sa langit na dinadaanan ng Daigdig dalawang beses kada taon 322 00:21:55,843 --> 00:21:58,163 sa huling bahagi ng Hunyo at Oktubre. 323 00:21:59,123 --> 00:22:02,243 Tinatayang maaaring mayroong 200 bagay 324 00:22:02,323 --> 00:22:04,163 na isang kilometro ang diameter 325 00:22:04,243 --> 00:22:06,603 na umiikot sa Taurid meteor stream. 326 00:22:11,963 --> 00:22:13,163 Ang ebidensiya 327 00:22:13,243 --> 00:22:15,403 ng mga siyentipiko ng Comet Research Group 328 00:22:15,483 --> 00:22:22,243 ay di bababa sa malaking pandaigdigang kataklismo mga 12,800 taong nakalipas, 329 00:22:22,323 --> 00:22:25,763 sakunang sapat ang laki para maalis ang lahat ng bakas 330 00:22:25,843 --> 00:22:28,443 ng maunlad na sibilisasyon ng Ice Age, 331 00:22:28,523 --> 00:22:30,563 at maipaliwanag agad 332 00:22:30,643 --> 00:22:33,843 ang misteryong iniimbestigahan ko sa loob ng 30 taon. 333 00:22:36,283 --> 00:22:40,283 Baka ito ang dahilan kaya ang sinaunang sibilisasyong lumitaw pagkatapos 334 00:22:40,363 --> 00:22:44,403 ay sobrang siyentipikong nakatuon sa kalangitan. 335 00:22:45,403 --> 00:22:48,123 Ito ay lugar na dapat pagtuunan ng pansin 336 00:22:48,203 --> 00:22:50,483 dahil may bagay na mapanganib sa taas 337 00:22:50,563 --> 00:22:52,363 at tumatapos ng sibilisasyon. 338 00:22:55,843 --> 00:22:58,843 Sa Göbekli Tepe sa Turkey, nakita natin 339 00:22:58,923 --> 00:23:03,883 kung paano inalala ng mga sinauna ang sakuna na ito sa bato. 340 00:23:03,963 --> 00:23:08,563 Nagtala ng mga konstelasyon sa kalangitan noong panahong iyon sa Pillar 43. 341 00:23:09,763 --> 00:23:12,723 Pero maaaring may isa pang mensahe ang mga haligi 342 00:23:13,443 --> 00:23:16,123 na gustong ipakita ni Dr. Martin Sweatman, 343 00:23:16,203 --> 00:23:19,043 isang bagay na pinaniniwalaan niyang isang tala 344 00:23:19,123 --> 00:23:23,563 ng kung kailan at mula saan dumating ang ulan ng bulalakaw. 345 00:23:25,883 --> 00:23:28,283 Ang mayroon dito, may mga ahas… 346 00:23:28,363 --> 00:23:29,483 DR. MARTIN SWEATMAN UNIBERSIDAD NG EDINBURGH 347 00:23:29,563 --> 00:23:32,523 …na nagmula sa katawan at mga binti ng soro. 348 00:23:33,483 --> 00:23:35,923 At kung magpapatuloy sa kabila ng haligi, 349 00:23:36,003 --> 00:23:39,763 at muli, mayroong mga ahas na nagmula sa mga ibong ito. 350 00:23:40,483 --> 00:23:45,483 Ang sinaunang kultura ay nakita ang mga bulalakaw bilang ahas ng langit. 351 00:23:45,563 --> 00:23:48,123 Walang seryosong pagtatalo tungkol diyan. 352 00:23:48,203 --> 00:23:52,203 Maaaring masabi na mga bulalakaw na mula sa mga konstelasyon… 353 00:23:52,283 --> 00:23:53,123 Oo. 354 00:23:53,203 --> 00:23:55,883 …mataas na nakabaluktot na mga ibon ay Pisces. 355 00:23:55,963 --> 00:23:56,803 Tama. 356 00:23:56,883 --> 00:23:59,643 At dito mayroong konstelasyon na Aquarius, 357 00:23:59,723 --> 00:24:01,883 iniisip naming 'yon ang sa soro. 358 00:24:01,963 --> 00:24:04,323 Noong binuo ang Göbekli Tepe, 359 00:24:04,403 --> 00:24:09,523 ito ang mga konstelasyon kung saan nagmula ang Taurid meteor stream. 360 00:24:10,323 --> 00:24:11,443 Sinasabi nilang 361 00:24:11,523 --> 00:24:15,163 ang Taurid meteor stream ay lumalabas mula sa Aquarius 362 00:24:15,243 --> 00:24:17,483 at pagkatapos mula sa Pisces, 363 00:24:17,563 --> 00:24:20,443 at nagaganap iyon sa loob ng ilang linggo. 364 00:24:21,363 --> 00:24:25,403 Tala ng bagyo ng mga piraso ng kometa na nagtagal nang ilang linggo. 365 00:24:27,643 --> 00:24:31,283 Iyon ang panahon na akma sa lahat ng katibayan sa kataklismo 366 00:24:31,363 --> 00:24:33,883 na tumama sa Daigdig 12,800 taon ang nakalipas, 367 00:24:34,523 --> 00:24:39,043 kasali ang matinding pagbaha na sumira sa Washington Scablands. 368 00:24:40,923 --> 00:24:43,923 At baka mayroong higit pa sa tiyak na pagkakaayos 369 00:24:44,003 --> 00:24:47,683 ng Araw at mga konstelasyong nakasaad sa Pillar 43. 370 00:24:49,003 --> 00:24:51,283 Nagaganap iyon sa isang solstice, 371 00:24:51,363 --> 00:24:56,003 dalawang beses lang sa isang ikot na mababa sa 26,000 na taon, 372 00:24:56,083 --> 00:24:58,643 bawat balik ay tumatagal ng halos isang siglo. 373 00:25:00,523 --> 00:25:01,723 Napansin kong kakaiba… 374 00:25:01,803 --> 00:25:02,963 GÖBEKLI TEPE - MGA TEMPLONG NAGSASABI NG SINAUNANG KOSMIKONG HEOGRAPIYA 375 00:25:03,043 --> 00:25:05,283 …sabi ni archaeoastronomer Paul Burley, 376 00:25:05,363 --> 00:25:08,043 na ang eksakto na parehong pagkakaayos 377 00:25:08,123 --> 00:25:10,683 na nakita sa solstice mga 12,800 taong nakalipas… 378 00:25:10,763 --> 00:25:11,723 ang mga tagatayo ng Göbekli Tepe ay nagtayo ng templo 379 00:25:11,803 --> 00:25:13,043 na tila ipinapakita ang panahon 11,600 taon sa hinaharap 380 00:25:13,123 --> 00:25:13,963 nangyayari na ngayon! 381 00:25:14,043 --> 00:25:18,003 …ay nagbalik na sa kalangitan ngayon, sa taglamig na solstice. 382 00:25:20,523 --> 00:25:23,483 Maaari kayang ang paglalarawan ng Pillar 43 ay mensahe 383 00:25:23,563 --> 00:25:27,803 na ginawa ng mga dalubhasang astronomo ng nawalang sibilisasyon? 384 00:25:29,803 --> 00:25:33,723 Isang babala sa hinaharap, sa atin, 385 00:25:34,483 --> 00:25:36,963 na may balik ang anumang aksiyon? 386 00:25:38,723 --> 00:25:43,643 Na kapag nagawa muli ng Araw at mga bituin itong pagkakaayos sa solstice, 387 00:25:43,723 --> 00:25:47,283 isang sakuna ng mga serpyente sa himpapawid ay mauulit? 388 00:25:51,483 --> 00:25:52,803 Kaya bigyang-pansin. 389 00:25:54,523 --> 00:25:57,443 Ang paniwala ay dapat magpahinto sa atin at mag-isip. 390 00:25:58,723 --> 00:26:01,283 Ayoko maging propeta ng lagim at katapusan, 391 00:26:01,363 --> 00:26:04,243 pero nanganganib na ba tayo sa Taurid meteor stream? 392 00:26:04,323 --> 00:26:06,283 Panganib ito sa mga ninuno natin. 393 00:26:06,363 --> 00:26:09,043 Nagsanhi ng kataklismo 12,800 taon ang nakalipas. 394 00:26:09,123 --> 00:26:10,243 Mauulit ba iyon? 395 00:26:10,323 --> 00:26:11,923 Talagang nanganganib tayo. 396 00:26:13,123 --> 00:26:16,363 Sa katunayan, ang mga kalkulasyon ng mga astronomo 397 00:26:16,443 --> 00:26:19,043 ay nasa panahon tayo ng panganib ngayon 398 00:26:19,123 --> 00:26:23,803 kung saan ang makapal na bahagi ng Taurids ay maaaring tatama sa Daigdig. 399 00:26:26,443 --> 00:26:30,883 Parami nang parami ang mga siyentipiko na naniniwala sa teoryang Younger Dryas… 400 00:26:35,323 --> 00:26:40,163 at itong bumibilis na interes ay di na limitado sa mga siyentipiko. 401 00:26:44,203 --> 00:26:48,123 Kung may tumama nga sa Daigdig mga 12,000 taong nakalipas, 402 00:26:48,203 --> 00:26:51,083 at na-reset ang sibilisasyon, interesanteng teorya iyan. 403 00:26:51,163 --> 00:26:54,003 Pero tingin ko'y magandang talakayin ang teorya, 404 00:26:54,803 --> 00:27:00,083 pakiramdam ko lang ay maraming emosyon ang kaakibat ng mga teorya mo, 405 00:27:00,163 --> 00:27:02,843 at maraming emosyon sa oposisyon. 406 00:27:02,923 --> 00:27:06,563 Paano pinapawalang-saysay ng mainstream na arkeolohiya ito? 407 00:27:06,643 --> 00:27:08,763 Ano ang mga karaniwang argumento? 408 00:27:09,403 --> 00:27:12,603 Ang karaniwan ay, "Mga arkeologo kami at mas may alam." 409 00:27:12,683 --> 00:27:15,443 Mula sa awtoridad iyon, "Tanggapin ang sistema namin." 410 00:27:15,523 --> 00:27:18,243 "Kami ang gumawa ng lahat at ganito ito." 411 00:27:18,323 --> 00:27:24,083 Kakaiba na ang tao ay tatanggapin lang at pag-uusapan ang tungkol sa isang naratibo. 412 00:27:24,163 --> 00:27:27,323 Ang naratibong sinabi nila nang matagal na panahon na… 413 00:27:27,403 --> 00:27:28,243 Oo. 414 00:27:28,323 --> 00:27:29,803 …at ayaw nilang makontra. 415 00:27:30,603 --> 00:27:33,243 Baka dahilan ay binabantaan nito ang paniwala 416 00:27:33,323 --> 00:27:36,923 na tayo ang tuktok at tugatog ng buong kuwento ng tao. 417 00:27:37,003 --> 00:27:40,203 Baka ang paniwala sa nawalang sibilisasyon sa nakaraan 418 00:27:40,283 --> 00:27:42,123 ay may di kaaya-ayang tanong 419 00:27:42,203 --> 00:27:44,443 na baka tayo ay mawalang sibilisasyon din. 420 00:27:48,923 --> 00:27:53,443 Kung haharapin natin ang malawakang kataklismong pandaigdig 421 00:27:53,523 --> 00:27:55,243 na kauri ng naganap, 422 00:27:55,323 --> 00:27:58,083 na alam na nating naganap sa dulo ng huling Ice Age, 423 00:27:58,163 --> 00:28:02,163 tingin ko ang sibilisasyon natin ay talagang hindi makakaligtas. 424 00:28:05,923 --> 00:28:11,083 Kaya hindi mahirap isipin na ang mas naunang maunlad na sibilisasyon 425 00:28:11,163 --> 00:28:12,563 ay maaaring nalipol, 426 00:28:13,083 --> 00:28:15,003 nabura sa memorya 427 00:28:15,083 --> 00:28:18,603 noong sinaunang sakuna 12,800 taon ang nakalipas. 428 00:28:22,163 --> 00:28:25,603 Pagkatapos ng mga kosmikong pagtama sa mga tuktok ng yelo, 429 00:28:25,683 --> 00:28:30,203 tumaas ang lebel ng dagat, nilamon lahat ng mga mababa na baybaying lupa 430 00:28:30,283 --> 00:28:33,243 na maaaring tinirhan ng isang maunlad na kultura. 431 00:28:35,483 --> 00:28:37,363 Mga lugar tulad ng Sundaland… 432 00:28:38,883 --> 00:28:42,163 …ang peninsulang Maltese, o Grand Bahama Banks. 433 00:28:45,003 --> 00:28:46,723 Baka sa Indonesia… 434 00:28:46,923 --> 00:28:49,683 …umatras pa-bundok ang mga nakaligtas, 435 00:28:49,763 --> 00:28:53,803 nag-iwan ng mga palatandaan ng kanilang sopistikadong arkitektura. 436 00:28:55,083 --> 00:28:57,243 Ang ilang nakaligtas sa Turkey… 437 00:28:57,363 --> 00:29:00,803 …ay nagpasyang sumilong sa ilalim ng lupa 438 00:29:00,883 --> 00:29:02,723 sakaling may mga bulalakaw pa. 439 00:29:03,883 --> 00:29:05,643 Sa Mediterranean, sa Malta… 440 00:29:06,643 --> 00:29:08,283 …baka nagtayo sila ng mga templo 441 00:29:08,363 --> 00:29:11,563 na nakahanay sa pinakamaningning na bituin sa gabi… 442 00:29:12,043 --> 00:29:15,603 …natatakot na hudyatan nito ang sunod na kometa. 443 00:29:16,923 --> 00:29:18,123 Naglayag sila… 444 00:29:19,123 --> 00:29:21,803 …ipinapamana ang heograpikong kaalaman nila. 445 00:29:23,483 --> 00:29:26,523 Naitala ang paglitaw nila sa mga sinaunang tradisyon, 446 00:29:26,603 --> 00:29:28,963 naiukit pa sa bato. 447 00:29:30,283 --> 00:29:35,203 Ginabayan nila ang di gaanong maunlad na kulturang gunitain ang nangyari 448 00:29:35,283 --> 00:29:36,563 sa mga monumento 449 00:29:36,643 --> 00:29:39,963 na nagtataglay ng tiyak, matutukoy na pagkakahanay, 450 00:29:41,883 --> 00:29:46,483 at mga megalitikong bantayog na may petsa, nilibing bilang time capsule. 451 00:29:52,323 --> 00:29:58,043 At ang mga sinaunang ito'y tinulungan ang sangkatauhang magsimulang muli. 452 00:30:01,923 --> 00:30:04,643 Sa mga pakikipagsapalaran ko ilang dekada na, 453 00:30:04,723 --> 00:30:09,163 natutunan kong galangin ang dunong at, oo, ang agham ng mga sinauna. 454 00:30:10,523 --> 00:30:12,643 Naunawaan nila ang banta ng kalangitan, 455 00:30:12,723 --> 00:30:16,403 at pinanatiling nakatuon ang atensiyon sa kosmos, 456 00:30:16,483 --> 00:30:20,043 at sa ilang nakakamatay na interaksyon nito sa Daigdig. 457 00:30:21,763 --> 00:30:24,323 Ang kuwento nila at monumentong istruktura, 458 00:30:24,403 --> 00:30:27,683 na maingat na hinanay sa mga bituin at sa Araw, 459 00:30:27,763 --> 00:30:29,523 ay naging saksi sa pagkahumaling 460 00:30:30,723 --> 00:30:33,883 at gunitain ang mga teribleng kaganapan sa Ice Age 461 00:30:33,963 --> 00:30:38,843 na binago ang istorya ng tao, at nagsilang ng modernong mundo. 462 00:30:42,083 --> 00:30:47,963 Marahil ang ating maunlad na sibilisasyon ay dapat makinig sa mga babala nila, 463 00:30:48,843 --> 00:30:52,523 sa takot na ang sarili nating istorya ay matapos sa parehong paraan. 464 00:31:21,643 --> 00:31:26,643 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Merry Kristine Ferrer