1 00:00:14,123 --> 00:00:18,683 ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:25,363 --> 00:00:27,963 Sa buhay ng bawat nilalang sa Earth… 3 00:00:31,403 --> 00:00:32,283 ay umaalingawngaw… 4 00:00:35,163 --> 00:00:38,923 ang mga pangyayaring napakatagal nang naganap. 5 00:00:43,723 --> 00:00:45,643 Mga pangyayaring walang katumbas ang laki… 6 00:00:47,963 --> 00:00:49,323 at may marahas na kagandahang… 7 00:00:51,483 --> 00:00:54,283 nag-uugnay sa lahat ng buhay na nilalang, 8 00:00:56,643 --> 00:00:58,803 ng kanilang bawat aksyon at desisyon, 9 00:00:59,483 --> 00:01:00,963 ng bawat tibok ng kanilang puso, 10 00:01:02,963 --> 00:01:05,763 sa pinakamalaking kwento sa lahat. 11 00:01:07,803 --> 00:01:12,443 Ito ay kwentong nabuo sa loob ng 13.8 bilyong taon 12 00:01:14,723 --> 00:01:17,203 na naging saksi sa bilyun-bilyong bituin 13 00:01:18,283 --> 00:01:20,083 at bilyun-bilyong daigdig… 14 00:01:22,283 --> 00:01:25,483 na nabuhay at namatay… 15 00:01:27,963 --> 00:01:31,003 para mabuo ang nag-iisang planetang alam nating 16 00:01:32,243 --> 00:01:34,923 tahanan ng buhay. 17 00:01:39,243 --> 00:01:41,203 Mula sa stardust na bumuo sa atin… 18 00:01:43,483 --> 00:01:46,683 hanggang sa mga cosmic na sangkap na bumubuhay sa atin… 19 00:01:52,923 --> 00:01:56,443 at sa starlight na nagpapatakbo ng lahat ng ito, 20 00:01:58,003 --> 00:02:00,403 ito ang kwento 21 00:02:01,723 --> 00:02:03,403 ng ating universe. 22 00:02:39,603 --> 00:02:40,843 Silangang Africa. 23 00:02:46,203 --> 00:02:50,923 Dito matatagpuan ang pinakamahalagang koneksyon ng buhay sa universe. 24 00:02:54,763 --> 00:02:57,323 Ganu'n din ang espesyal na predator… 25 00:03:00,443 --> 00:03:02,683 na nagngangalang Wa Chini. 26 00:03:06,043 --> 00:03:10,203 Ang buhay ng isang cheetah ay walang-katapusang paghahanap ng pagkain. 27 00:03:12,363 --> 00:03:13,723 Ng mahalagang enerhiya. 28 00:03:16,163 --> 00:03:19,323 At isa ito sa mga pinakamahihirap na lugar sa Earth 29 00:03:19,403 --> 00:03:21,403 para mahanap 'yun ng predator. 30 00:03:31,043 --> 00:03:34,283 Halos itaboy ng napakainit na araw ang lahat 31 00:03:34,363 --> 00:03:36,643 sa tuyo at mapanglaw na parang na ito. 32 00:03:42,843 --> 00:03:46,883 Sinumang nilalang na mananatili rito ay mahihirapang mabuhay. 33 00:03:51,523 --> 00:03:53,643 Ang tanging pokus ni Wa Chini, 34 00:03:57,403 --> 00:03:59,443 ang tanging nagtutulak sa kanya, 35 00:04:03,043 --> 00:04:04,123 ay ang kagutuman. 36 00:04:07,843 --> 00:04:10,843 Ang simple at pangunahing damdaming ito 37 00:04:10,923 --> 00:04:14,603 ay nagmumula sa malalim na ugnayan niya sa kanyang kapaligiran 38 00:04:15,563 --> 00:04:18,723 na lumalampas pa sa Serengeti, 39 00:04:19,323 --> 00:04:20,883 sa ating planeta, 40 00:04:22,043 --> 00:04:23,723 patungo sa mismong universe. 41 00:04:29,763 --> 00:04:31,843 Bawat selyula sa katawan ni Wa Chini… 42 00:04:34,203 --> 00:04:36,843 ay nauugnay sa sinaunang daloy ng enerhiya… 43 00:04:39,963 --> 00:04:44,283 na nagkokonekta sa buhay niya sa ubod ng isang bituin. 44 00:04:49,883 --> 00:04:53,683 Ang daloy na ito ay umaabot sa malalayong parte ng kalawakan… 45 00:04:58,283 --> 00:05:02,203 at nagmula pa noong 13.8 bilyong taon ang nakalipas. 46 00:05:13,243 --> 00:05:15,563 Sinaunang enerhiya na umiral 47 00:05:15,643 --> 00:05:18,323 sa umpisa ng ating universe 48 00:05:20,163 --> 00:05:21,683 ang nagpapatakbo sa lahat. 49 00:05:23,243 --> 00:05:24,523 Sa bawat planeta. 50 00:05:26,363 --> 00:05:27,323 Bawat bituin. 51 00:05:30,523 --> 00:05:31,443 Bawat buhay. 52 00:05:40,243 --> 00:05:42,723 Nangangaso si Wa Chini para sa enerhiya… 53 00:05:46,123 --> 00:05:47,683 hindi lang para sa sarili niya. 54 00:05:49,483 --> 00:05:52,363 Ina ng dalawang supling na limang buwang gulang, 55 00:05:53,843 --> 00:05:56,963 desperado na siyang pakainin ang nagugutom na pamilya. 56 00:06:04,443 --> 00:06:07,563 Tagtuyot ngayon, at bihira ang pagkain. 57 00:06:08,963 --> 00:06:12,043 Gayunpaman, nag-uumapaw ang enerhiya. 58 00:06:15,963 --> 00:06:17,923 Nagtatago lang ito't 'di makita. 59 00:06:21,323 --> 00:06:25,723 Ang pinakamalaki, pinakamaliwanag, at pinakamainit sa ating solar system. 60 00:06:28,283 --> 00:06:29,443 Ang araw. 61 00:06:41,283 --> 00:06:45,643 Sumasabog mula sa ibabaw nito ang malalaking ikid ng mainit na plasma. 62 00:06:52,003 --> 00:06:56,483 Naglalabas ang araw ng enerhiya ng apat at kalahating trilyong 63 00:06:56,563 --> 00:06:58,563 bombang nuklear kada segundo, 64 00:07:01,603 --> 00:07:04,843 at nagpapadala ng mas maraming power sa ating planeta kada oras 65 00:07:04,923 --> 00:07:08,003 kaysa sa ginagamit ng buong mundo sa isang taon. 66 00:07:12,563 --> 00:07:16,283 Pero kahit kamangha-mangha ang gahiganteng bola ng apoy na ito, 67 00:07:18,723 --> 00:07:21,563 hindi makakain ni Wa Chini ang sinag ng araw. 68 00:07:23,803 --> 00:07:26,363 Kumakain lang siya ng mga bagay na tumatakbo. 69 00:07:29,323 --> 00:07:30,563 Tulad ng gasela. 70 00:07:38,803 --> 00:07:41,283 Mahalagang kamoplahe ang kanyang 71 00:07:42,523 --> 00:07:44,803 batik-batik na balahibo sa pangangaso. 72 00:07:58,243 --> 00:07:59,883 Dahil kakaunti ang mapagtataguan, 73 00:08:01,163 --> 00:08:03,683 hindi siya pwedeng lumapit. 74 00:08:15,683 --> 00:08:18,963 Mabuti na lang, may diskarte si Wa Chini. 75 00:08:26,323 --> 00:08:29,843 Cheetah ang pinakamabilis na hayop sa balat ng lupa. 76 00:08:32,203 --> 00:08:35,523 Mula sa zero tungong 100 sa loob ng tatlong segundo, 77 00:08:37,483 --> 00:08:40,843 pero malapit at pumapangalawa ang mga gasela rito. 78 00:08:45,123 --> 00:08:47,683 Maraming enerhiya ang ginagamit ni Wa Chini… 79 00:09:00,003 --> 00:09:01,443 pero wala siyang makuha. 80 00:09:05,443 --> 00:09:09,483 Kayang mabuhay ng matandang cheetah nang isang linggong walang kinakain. 81 00:09:12,643 --> 00:09:17,163 Pero ang mga supling, hindi nila kaya ang lampas sa ilang araw. 82 00:09:24,123 --> 00:09:27,483 At lubhang nagugutom na 83 00:09:28,243 --> 00:09:29,563 ang dalawang 'to. 84 00:09:31,763 --> 00:09:36,283 24 NA ORAS MULA NANG HULING KUMAIN 85 00:09:37,883 --> 00:09:41,243 Talagang nakakaubos ng enerhiya ang pangangaso nang napakabilis. 86 00:09:43,243 --> 00:09:46,523 Sobrang baba na ng reserbang enerhiya ni Wa Chini. 87 00:09:50,723 --> 00:09:54,243 Ilang oras pa bago niya mabawi ang lakas para makapangaso ulit. 88 00:10:00,243 --> 00:10:04,043 Mauubusan na ng karga si Wa Chini at ang mga supling niya. 89 00:10:22,083 --> 00:10:25,643 Naglalaban ang mga hayop sa buong planeta sa parehong labanan 90 00:10:26,523 --> 00:10:28,043 sa pagitan ng pagkonsumo… 91 00:10:31,363 --> 00:10:32,843 at paggamit ng enerhiya. 92 00:10:38,203 --> 00:10:40,043 Anuman ang diskarte mo, 93 00:10:40,123 --> 00:10:41,403 mabilis man o mabagal, 94 00:10:47,123 --> 00:10:50,043 hindi garantisado ang susunod na kakainin mo. 95 00:10:59,323 --> 00:11:03,443 Lahat tayo ay kailangang malampasan ang gutom. 96 00:11:04,843 --> 00:11:08,683 30 ORAS MULA NANG HULING KUMAIN 97 00:11:12,643 --> 00:11:15,243 Ngayong nakabawi na siya mula sa huling pangangaso, 98 00:11:15,963 --> 00:11:18,803 naghahanap si Wa Chini ng susunod na oportunidad. 99 00:11:22,963 --> 00:11:24,923 Kagaya ng lahat ng inang cheetah, 100 00:11:26,083 --> 00:11:27,963 mag-isa siyang magulang. 101 00:11:31,723 --> 00:11:33,883 Para mapakain nang maayos ang mga anak niya, 102 00:11:34,443 --> 00:11:36,603 kailangan niyang makapatay araw-araw. 103 00:11:38,283 --> 00:11:40,963 Pero napakatagal niya bago makabawi 104 00:11:42,283 --> 00:11:44,123 at lumulubog na ang araw. 105 00:11:53,763 --> 00:11:55,443 Habang pumupusyaw ang liwanag, 106 00:11:56,523 --> 00:11:59,043 ganundin ang pag-asang makakain ang pamilyang ito. 107 00:12:05,923 --> 00:12:07,403 Habang umiikot ang Earth, 108 00:12:10,003 --> 00:12:12,763 ang Serengeti ay tumatalikod sa araw 109 00:12:13,883 --> 00:12:15,403 at humaharap sa dilim. 110 00:12:21,563 --> 00:12:24,963 Ito'y makapangyarihang paalala ng koneksyon ng buhay sa araw. 111 00:12:29,243 --> 00:12:32,883 Ang ating kwento ay kwento ng araw. 112 00:12:35,203 --> 00:12:36,603 Noong unang panahon… 113 00:12:39,803 --> 00:12:44,483 mas malamig at madilim pa ang ating solar system sa kasalukuyan. 114 00:12:52,723 --> 00:12:56,843 4.6 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS 115 00:12:56,923 --> 00:13:00,323 Pero iyon ang perpektong kondisyon 116 00:13:00,403 --> 00:13:02,003 para maisilang ang isang bituin. 117 00:13:05,243 --> 00:13:07,803 Sa temperaturang halos absolutong zero, 118 00:13:08,683 --> 00:13:12,003 sumipsip ang force of gravity ng alikabok at gas… 119 00:13:14,283 --> 00:13:16,243 at lumikha ng malaking ulap. 120 00:13:22,923 --> 00:13:24,763 Bumagsak ang ulap papaloob, 121 00:13:24,843 --> 00:13:28,443 at nadurog ang sarili nito tungo sa nagliliyab na mainit na bola ng gas. 122 00:13:32,283 --> 00:13:33,643 Isang protostar. 123 00:13:40,923 --> 00:13:45,203 Tulad ni Wa Chini, ang bagong bituing ito ay gutom na gutom. 124 00:13:48,043 --> 00:13:51,363 Humila ito ng napakaraming gas hanggang may pumulandit 125 00:13:52,403 --> 00:13:54,803 na mainit na bagay mula sa poles nito, 126 00:13:56,323 --> 00:13:59,003 na umabot nang ilang light years sa kalawakan. 127 00:14:02,323 --> 00:14:05,403 Patuloy na lumaki ang sanggol na bituin 128 00:14:06,243 --> 00:14:08,523 nang 30 milyong taon. 129 00:14:19,483 --> 00:14:20,723 Hanggang sa wakas, 130 00:14:21,923 --> 00:14:26,243 sumapat na ang init nito para mag-isang lumikha ng sariling power. 131 00:14:29,403 --> 00:14:30,363 Ang ating araw. 132 00:14:33,323 --> 00:14:37,203 Ang gintong silahis nito ay 4.6 na bilyong taon nang 133 00:14:39,243 --> 00:14:41,683 maliwanag at tuluy-tuloy na kumikinang. 134 00:14:47,443 --> 00:14:52,003 Isang bituin lang ito sa isang galaxy ng bilyun-bilyon. 135 00:14:57,403 --> 00:15:00,803 Pero ito ang pinakaespesyal. 136 00:15:03,163 --> 00:15:06,123 Dahil ito ang naghahatid ng init at liwanag… 137 00:15:08,483 --> 00:15:10,683 sa nakakamangha at buhay na planeta. 138 00:15:16,043 --> 00:15:20,963 42 ORAS MULA NANG HULING KUMAIN 139 00:15:23,723 --> 00:15:27,963 Bawat buhay na nilalang sa Serengeti ay nakaasa sa araw para sa enerhiya. 140 00:15:29,843 --> 00:15:34,123 Nasaid na ang mga supling ni Wa Chini, lampas na sa pagiging gutom. 141 00:15:35,203 --> 00:15:37,323 Kailangan na nilang makakain. 142 00:15:39,043 --> 00:15:41,603 Pero pagmamahal at pag-aaruga lang 143 00:15:42,403 --> 00:15:44,403 ang kayang ibigay ni Wa Chini. 144 00:15:45,843 --> 00:15:47,563 Sa tuyong lupaing ito, 145 00:15:48,083 --> 00:15:52,483 nagbibigay at kumukuha ang ating araw. 146 00:15:53,683 --> 00:15:57,163 Ang matinding enerhiya nito ang kailangan para mabuhay. 147 00:15:58,363 --> 00:16:02,323 Pero may kapangyarihan din itong makasira. 148 00:16:06,643 --> 00:16:09,203 Hindi talaga madaling mabuhay 149 00:16:09,283 --> 00:16:12,363 na malapit sa higanteng nuclear reactor. 150 00:16:21,323 --> 00:16:24,203 Para maunawaan ang pinagmumulan ng napakatinding init na ito, 151 00:16:25,403 --> 00:16:28,083 sisilipin natin ang impyerno… 152 00:16:37,283 --> 00:16:40,563 sa ilalim ng panlabas na layer ng kumukulong mainit na plasma… 153 00:16:46,003 --> 00:16:50,163 pababa nang 650 libong kilometro… 154 00:16:54,963 --> 00:16:57,163 papunta sa ubod ng ating araw. 155 00:17:00,883 --> 00:17:04,883 Ang puso ng ating bituin ay maaaring mukhang kalmado, 156 00:17:07,083 --> 00:17:10,923 pero sa antas ng atomo, napakagulo nito. 157 00:17:14,403 --> 00:17:18,323 Ito ang pinakamainit na bahagi ng ating solar system. 158 00:17:21,043 --> 00:17:24,483 Umaabot nang 15 milyong Celsius ang temperatura rito… 159 00:17:27,683 --> 00:17:32,243 na lumilikha ng kondisyon para sa pangyayaring imposible sa ibang lugar. 160 00:17:36,643 --> 00:17:39,643 Ang mga atomo ay mabilis na nagbabanggaan at nagkakaisa. 161 00:17:45,203 --> 00:17:47,163 Na naglalabas ng purong enerhiya. 162 00:17:54,803 --> 00:17:59,083 Ang prosesong ito ay tinatawag na nuclear fusion 163 00:17:59,923 --> 00:18:02,363 at siyang nagpapaliwanag sa araw. 164 00:18:06,523 --> 00:18:11,163 Sa katunayan, 'yun ang nagpapaliwanag sa lahat ng bituin sa ating universe. 165 00:18:15,763 --> 00:18:20,363 Ang enerhiyang ito na inilalabas ng mga bituin ay mula pa noong unang panahon… 166 00:18:25,523 --> 00:18:27,803 noong wala pang matter, 167 00:18:27,883 --> 00:18:32,123 at ang tanging umiiral sa buong universe ay enerhiya. 168 00:18:35,163 --> 00:18:39,043 At bawat piraso noon ay umiiral pa rin sa ating universe ngayon. 169 00:18:46,643 --> 00:18:48,603 Sa paglubog ng araw sa Serengeti, 170 00:18:49,923 --> 00:18:53,323 makakarating ang enerhiyang dumadaloy na nang 13.8 bilyong taon 171 00:18:55,123 --> 00:18:58,283 kina Wa Chini at sa mga supling niya 172 00:18:59,083 --> 00:19:03,283 at magpapatuloy ang paglalakbay nito sa kanilang kapaligiran. 173 00:19:04,923 --> 00:19:08,123 Hindi ito nalilikha o nasisira. 174 00:19:09,043 --> 00:19:12,883 Walang katapusan lang ang pagbabago ng anyo nito. 175 00:19:14,283 --> 00:19:18,883 Pero maaakses lamang ito ni Wa Chini at ng mga supling niya sa isang anyo… 176 00:19:23,603 --> 00:19:24,763 sa karne. 177 00:19:33,843 --> 00:19:36,443 At napakarami ng karibal na predator dito… 178 00:19:39,243 --> 00:19:43,523 na hindi lang pagkain ang pwedeng agawin, kundi pati ang mga supling niya. 179 00:19:58,123 --> 00:20:00,003 Kapag 'di pa sila nakakain, 180 00:20:01,043 --> 00:20:02,523 mamamatay pa rin sila. 181 00:20:23,523 --> 00:20:27,043 Kaunting merienda lang ito, pero matapos ang dalawang araw na 'di kumakain, 182 00:20:27,123 --> 00:20:28,803 nailigtas na nito ang buhay nila. 183 00:20:32,523 --> 00:20:35,883 Pero mahigit 10% ng napapatay ng mga cheetah ay inaagaw. 184 00:20:40,323 --> 00:20:44,283 Kailangang ipaglaban ni Wa Chini ang bawat piraso ng enerhiyang makukuha… 185 00:20:47,883 --> 00:20:49,923 dahil kapag kakaunti ang enerhiya, 186 00:20:50,763 --> 00:20:53,243 mas matindi ang kumpetisyon. 187 00:20:57,123 --> 00:21:01,363 Ang paghihirap ni Wa Chini para mabuhay at buhayin ang pamilya niya ay mauulit 188 00:21:01,443 --> 00:21:03,483 araw-araw, 189 00:21:06,083 --> 00:21:07,883 buwan-buwan. 190 00:21:17,923 --> 00:21:20,963 Bawat pagkain ay ipaglalaban. 191 00:21:27,363 --> 00:21:30,763 Sa labanan sa pagitan ng paggamit at pagtatamo ng enerhiya, 192 00:21:32,603 --> 00:21:35,123 halos sapat lang ang nakukuha ni Wa Chini. 193 00:21:40,443 --> 00:21:42,683 Ang tagtuyot sa Serengeti 194 00:21:43,243 --> 00:21:45,683 ay katumbas ng tuluy-tuloy na taggutom. 195 00:21:52,083 --> 00:21:53,923 Pero malapit na itong magbago. 196 00:21:55,603 --> 00:21:57,323 Nahila na ng araw ang lahat 197 00:21:57,403 --> 00:22:00,363 ng halumigmig papunta sa langit. 198 00:22:05,123 --> 00:22:06,603 At anuman ang umakyat 199 00:22:07,923 --> 00:22:11,163 ay babagsak din kalaunan. 200 00:22:14,723 --> 00:22:17,483 Uulanin ang buong kaparangan 201 00:22:18,403 --> 00:22:20,923 at tatapusin ang tagtuyot. 202 00:22:26,683 --> 00:22:28,403 Habang nawawala ang mga ulap, 203 00:22:30,003 --> 00:22:31,923 magkakaroon ng kaunting pag-asa. 204 00:22:44,163 --> 00:22:47,443 Hindi mapapakain ng iisang damo ang pamilya ni Wa Chini, 205 00:22:49,963 --> 00:22:54,643 pero sa kaloob-looban ng mga selyula nito ay naroon ang sagot sa kagutuman nila. 206 00:23:06,563 --> 00:23:09,123 Dito, may nakatagong mundo. 207 00:23:15,043 --> 00:23:18,323 Ang mga microscopic na stack na tinatawag na grana 208 00:23:18,843 --> 00:23:20,843 ay nabibilad sa init ng araw. 209 00:23:32,843 --> 00:23:37,643 Nababalutan ang ibabaw nito ng gubat ng maliliit na protinang umaani ng liwanag 210 00:23:38,923 --> 00:23:42,763 na kumukuha ng enerhiya mula sa pinakamalapit na bituin sa atin. 211 00:23:47,843 --> 00:23:50,803 Puno ang mga ito ng berdeng pigment na chlorophyll, 212 00:23:52,443 --> 00:23:55,083 na sumisipsip ng sinag ng araw. 213 00:24:00,043 --> 00:24:02,283 Sa mahika ng photosynthesis, 214 00:24:12,683 --> 00:24:15,243 humahalo ang tubig sa carbon dioxide, 215 00:24:18,363 --> 00:24:21,403 at nagiging asukal ang mga sinag ng araw. 216 00:24:38,483 --> 00:24:43,203 Sa loob lang ng ilang araw, ang dating tuyong parang ay naging berde na. 217 00:24:51,523 --> 00:24:55,603 Bilyun-bilyong damo na ang nagbibilad sa tuluy-tuloy na sikat ng araw. 218 00:25:00,523 --> 00:25:05,003 At naitatanim sa kalupaan ang enerhiya ng universe. 219 00:25:10,443 --> 00:25:11,803 Isa lang ang problema. 220 00:25:14,523 --> 00:25:17,043 Hindi kumakain ng damo ang mga cheetah. 221 00:25:22,963 --> 00:25:25,843 Pero sa malayong kakahuyan sa hilaga, 222 00:25:27,123 --> 00:25:31,123 may mga hayop na kumakain ng damo. 223 00:25:34,123 --> 00:25:36,123 Daan-daang libo sila. 224 00:25:38,923 --> 00:25:40,163 Mga wildebeest. 225 00:25:43,163 --> 00:25:46,163 Malalapad ang bibig, pleksible ang labi, 226 00:25:46,803 --> 00:25:48,363 at apat ang stomach nila 227 00:25:49,083 --> 00:25:51,963 na angkop para kumain ng damo. 228 00:26:01,123 --> 00:26:03,923 Palaging kumikilos ang malalaking kawan na ito 229 00:26:05,843 --> 00:26:07,683 sa paghahanap ng sariwang damo. 230 00:26:11,043 --> 00:26:14,123 Para mahanap ang damo, sinusundan nila ang ulan. 231 00:26:17,843 --> 00:26:19,683 Katulad nating lahat, sila ay 232 00:26:21,283 --> 00:26:22,363 itinutulak ng gutom. 233 00:26:32,043 --> 00:26:34,763 Pero kung may isang patakaran man sa Serengeti, 234 00:26:36,243 --> 00:26:39,123 iyon ay hindi madaling makakuha ng pagkain. 235 00:26:48,043 --> 00:26:49,523 Ang Ilog Mara. 236 00:26:52,163 --> 00:26:55,203 Tahanan ng ilan sa pinakamalalaking buwaya sa mundo. 237 00:26:59,123 --> 00:27:00,883 Malaking balakid ito 238 00:27:00,963 --> 00:27:04,123 sa paghahanap ng wildebeest ng mahalagang enerhiya. 239 00:27:16,203 --> 00:27:17,683 Sa Timog, 240 00:27:17,763 --> 00:27:22,443 inilalaan ni Wa Chini ang bawat sandali sa paghahanap ng makakain. 241 00:27:33,043 --> 00:27:36,043 Pagkatapos ng anim na buwang pagtitiis sa kakaunting makakain, 242 00:27:37,723 --> 00:27:40,203 lumaki na ang isa sa mga supling niya. 243 00:27:47,763 --> 00:27:50,803 At natututo na ring mangaso. 244 00:27:57,043 --> 00:28:01,243 Pero hindi na makita ang isa pang supling. 245 00:28:07,443 --> 00:28:10,843 Limang porsyento lang ng mga supling na cheetah ang tumatanda. 246 00:28:13,723 --> 00:28:17,643 Karamihan ay nakakain ng mga gutom na leon at hyena. 247 00:28:25,243 --> 00:28:28,923 Hindi pa rin garantisado ang kinabukasan ng supling na ito. 248 00:28:32,923 --> 00:28:36,043 Kahit nakakatakam at napakalapit na ng enerhiya. 249 00:28:42,443 --> 00:28:44,683 Ang mga wildebeest naman, na nakatipon 250 00:28:45,283 --> 00:28:48,203 sa tabing-ilog ng Mara, ay wala nang magawa kundi umabante. 251 00:28:52,123 --> 00:28:55,203 Pero kailangang may mauna. 252 00:29:34,923 --> 00:29:37,123 Isa't kalahating milyong wildebeest 253 00:29:38,083 --> 00:29:40,603 ang naglalakbay nang ganito taun-taon. 254 00:29:44,323 --> 00:29:48,603 At dito, ang labanan sa pagitan ng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya… 255 00:29:50,723 --> 00:29:52,723 ay mangyayari nang malawakan. 256 00:30:08,163 --> 00:30:10,283 Para sa mga masuwerteng nakakatawid, 257 00:30:12,443 --> 00:30:14,043 simula pa lang ito. 258 00:30:23,243 --> 00:30:26,283 Kailangan naman nilang maglakbay nang daan-daang kilometro, 259 00:30:27,843 --> 00:30:28,843 araw-gabi, 260 00:30:30,083 --> 00:30:31,763 nang mahigit dalawang buwan… 261 00:30:34,243 --> 00:30:36,323 para makarating sa madamong parang. 262 00:30:48,643 --> 00:30:52,443 Masugid na inaabangan ni Wa Chini ang pagdating ng wildebeest, 263 00:30:53,963 --> 00:30:58,123 pero may isa pang migration na nangyayari, na kritikal 264 00:30:58,203 --> 00:31:00,643 sa pagkabuhay ng parehong hayop. 265 00:31:03,883 --> 00:31:08,403 Ito ang paglalakbay sa 'di maipaliwanag na layo at panahon. 266 00:31:11,683 --> 00:31:12,763 At kung wala ito, 267 00:31:13,283 --> 00:31:17,083 magugutom ang bawat nilalang sa Serengeti. 268 00:31:24,243 --> 00:31:26,243 Sa ubod ng ating araw, 269 00:31:26,323 --> 00:31:28,763 nagbabangaan at nagkakaisa ang mga atomo, 270 00:31:29,403 --> 00:31:34,403 at inilalabas at pumupulandit ang mga photon. 271 00:31:38,843 --> 00:31:41,443 Ang maliliit na pakete ng liwanag na ito 272 00:31:42,203 --> 00:31:44,043 ay walang mass 273 00:31:44,123 --> 00:31:46,123 at naglalakbay na kasimbilis ng liwanag. 274 00:31:47,843 --> 00:31:51,123 Pero sa loob ng napakasiksik na ubod, 275 00:31:51,203 --> 00:31:55,123 ang mga ito ay pinipigilan, sinisipsip, ikinakalat. 276 00:31:58,243 --> 00:32:00,963 Ang biyaheng dapat dalawang segundo lang 277 00:32:02,203 --> 00:32:04,003 ay umaabot ng milyong taon. 278 00:32:11,003 --> 00:32:15,123 Nakakalula at napakahirap ng proseso para makalabas sa araw. 279 00:32:20,043 --> 00:32:23,443 Pero unti-unting umaangat ang mga photon 280 00:32:25,243 --> 00:32:27,723 pataas, lampas sa mga layer ng araw 281 00:32:29,683 --> 00:32:31,923 papunta sa napakainit nitong ibabaw, 282 00:32:34,523 --> 00:32:37,243 kung saan mapapakawalan na ang mga ito. 283 00:32:40,723 --> 00:32:43,403 Kumakalat sila sa lahat ng direksyon… 284 00:32:45,683 --> 00:32:46,923 bilang starlight. 285 00:32:53,763 --> 00:32:57,243 Naglalakbay nang 150 milyong kilometro 286 00:32:57,323 --> 00:32:59,843 sa loob lamang ng mahigit walong minuto. 287 00:33:04,923 --> 00:33:06,683 Dumarating sa tamang oras… 288 00:33:09,203 --> 00:33:12,803 para tagpuin ang wildebeest sa pagtatapos ng paglalakbay nila. 289 00:33:16,443 --> 00:33:19,483 Bawat damo ay sumisipsip 290 00:33:19,563 --> 00:33:22,803 ng sampung kwadrilyong photon kada segundo, 291 00:33:27,923 --> 00:33:29,963 para makakuha ng sapat na enerhiya 292 00:33:31,243 --> 00:33:33,403 para mapakain ang mga kawan. 293 00:33:43,763 --> 00:33:44,683 Mula sa bituin… 294 00:33:47,643 --> 00:33:48,603 patungo sa damo… 295 00:33:52,323 --> 00:33:53,643 patungo sa wildebeest, 296 00:33:59,763 --> 00:34:03,083 binibigyan sila ng sikat ng araw ng kapangyarihang gumalaw… 297 00:34:04,683 --> 00:34:05,523 lumaki… 298 00:34:07,803 --> 00:34:08,923 at magparami. 299 00:34:17,203 --> 00:34:20,243 At habang mas matagal silang kumakain sa parang, 300 00:34:21,083 --> 00:34:24,163 mas matagal silang magiging available para makain. 301 00:34:39,923 --> 00:34:44,723 Sa wakas, may masustansya, masarap, 302 00:34:45,243 --> 00:34:47,643 at maraming enerhiya na sa malapit. 303 00:34:55,843 --> 00:34:58,203 Pero dahil tatlong milyong mata ang nakabantay, 304 00:35:01,843 --> 00:35:03,923 kailangang kumilos nang mabilis ni Wa Chini. 305 00:35:06,603 --> 00:35:09,363 Mabuti na lang at isa siyang cheetah. 306 00:35:59,283 --> 00:36:03,123 Sa wakas, makakakain na si Wa Chini ng starlight. 307 00:36:26,083 --> 00:36:27,523 Sa bawat kagat, 308 00:36:27,603 --> 00:36:30,883 pumapasok ang mga protina at taba na siksk ng cosmic na enerhiya 309 00:36:31,803 --> 00:36:33,723 sa daluyan ng dugo ni Wa Chini. 310 00:36:39,883 --> 00:36:44,403 Ang huling desintasyon nito ay ang cellular power plants ng katawan niya. 311 00:36:45,563 --> 00:36:46,763 Ang mitochondria. 312 00:36:49,123 --> 00:36:52,763 Kung saan nagaganap ang huling transpormasyon. 313 00:37:00,883 --> 00:37:04,683 Sa loob ng bawat mitochondrion ay may sumasabog na lupain. 314 00:37:08,763 --> 00:37:13,043 Napakaraming umaalon na membrane na may kumplikadong chemistry. 315 00:37:15,123 --> 00:37:19,403 Dito nagre-react ang pagkaing puno ng enerhiya sa oxygen 316 00:37:20,203 --> 00:37:22,283 at sa wakas ay napaghihiwa-hiwalay… 317 00:37:28,723 --> 00:37:30,963 at direktang inilalabas ang enerhiya ng universe 318 00:37:31,483 --> 00:37:34,243 sa mga selyula ni Wa Chini. 319 00:37:38,483 --> 00:37:41,203 Pinatatakbo ang bawat aksyon at pag-iisip. 320 00:37:41,963 --> 00:37:43,683 Ang bawat kilos. 321 00:37:51,203 --> 00:37:54,243 Kumpleto na ang paglalakbay mula sa bituin papunta sa selyula. 322 00:37:59,043 --> 00:38:01,483 Ang enerhiyang minsang nagpaliwanag sa universe 323 00:38:02,603 --> 00:38:06,043 ay nagbibigay na kina Wa Chini at sa supling niya ng buhay. 324 00:38:18,963 --> 00:38:20,243 Sa panahon ng tagsibol, 325 00:38:21,203 --> 00:38:22,923 alaala na lang ang kagutuman. 326 00:38:32,923 --> 00:38:36,963 Patuloy na natatransporma ang enerhiya sa buong Serengeti. 327 00:38:41,363 --> 00:38:44,003 Ipinapasa sa pagitan ng mga buhay. 328 00:38:45,683 --> 00:38:47,923 Pinalulusog ang buong ecosystem. 329 00:38:51,443 --> 00:38:54,363 Ang araw ang pinakamalaking tagapagbigay. 330 00:38:55,643 --> 00:38:58,203 Lahat ng bagay ay kumakain ng starlight. 331 00:39:03,723 --> 00:39:07,363 Ang problema, walang makain ang araw. 332 00:39:10,963 --> 00:39:12,963 At sa loob ng limang bilyong taon, 333 00:39:13,683 --> 00:39:15,523 mauubusan na ito ng panggatong. 334 00:39:19,883 --> 00:39:21,603 At sa pagbagsak ng ubod nito, 335 00:39:22,563 --> 00:39:24,043 lalaki ang araw… 336 00:39:26,723 --> 00:39:28,283 at magiging red giant… 337 00:39:31,563 --> 00:39:36,523 at lalamunin ang planetang Mercury at Venus. 338 00:39:41,843 --> 00:39:44,123 Habang lumalaki ito papalapit sa Earth, 339 00:39:44,763 --> 00:39:48,123 babasagin ng matinding gravity ang ating buwan. 340 00:40:02,323 --> 00:40:05,643 Mag-iiwan ito ng ring ng mga bato ng buwan sa palibot ng Earth. 341 00:40:10,523 --> 00:40:13,603 Hindi pa alam ang kahahantungan ng planeta natin. 342 00:40:18,483 --> 00:40:21,763 Pero magkakaroon ng huling pagsikat ng araw… 343 00:40:25,683 --> 00:40:28,643 bago sumabog ang panlabas na layer ng ating bituin, 344 00:40:30,363 --> 00:40:32,403 at hihinga ito sa huling pagkakataon. 345 00:40:40,083 --> 00:40:43,883 Ang tanging matitira ay isang mapusyaw na baga. 346 00:40:45,003 --> 00:40:46,603 Isang white dwarf, 347 00:40:46,683 --> 00:40:48,643 na halos kasinlaki lang ng Earth, 348 00:40:49,323 --> 00:40:52,163 at napapalibutan ng maliwanag na ulap. 349 00:40:55,443 --> 00:40:57,243 Isang parola para sa universe. 350 00:40:58,163 --> 00:41:00,323 Nandito tayo noon. 351 00:41:04,403 --> 00:41:05,523 Pero sa ngayon, 352 00:41:06,403 --> 00:41:09,603 patuloy na sumisikat ang ating bituin… 353 00:41:13,003 --> 00:41:16,243 at magpapatuloy ito nang ilang bilyong taon. 354 00:41:17,243 --> 00:41:18,643 Ang enerhiya nito 355 00:41:19,163 --> 00:41:22,203 ay mahalagang puwersa ng lahat ng buhay. 356 00:41:30,243 --> 00:41:32,283 Susunod sa kwento ng ating universe, 357 00:41:33,923 --> 00:41:35,683 ikaw man ay naglalagablab na bituin, 358 00:41:38,123 --> 00:41:39,803 o malaking black hole, 359 00:41:40,963 --> 00:41:44,003 o chimpanzee na natututo pa lang sa buhay, 360 00:41:44,083 --> 00:41:46,323 kailangan ng oras ng lahat ng bagay. 361 00:41:48,123 --> 00:41:51,963 Pero ano ba talaga ang alam mo tungkol sa mahiwagang dimensyong ito? 362 00:41:53,243 --> 00:41:55,443 Bakit may nakaraan, 363 00:41:56,163 --> 00:41:58,763 kasalukuyan, at hinaharap ang lahat? 364 00:41:59,523 --> 00:42:00,843 At nandito pa rin kaya tayo 365 00:42:03,563 --> 00:42:04,683 kung walang oras? 366 00:42:36,923 --> 00:42:40,643 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Ivee Jade Tanedo