1 00:00:29,563 --> 00:00:31,363 Umaga na sa gubat. 2 00:00:32,563 --> 00:00:35,163 At para sa tropa ng mga chimpanzee na ito, 3 00:00:35,243 --> 00:00:37,083 oras nang bumangon 4 00:00:37,163 --> 00:00:39,043 at kumilos. 5 00:00:46,003 --> 00:00:49,683 Pero kapag natutulog ka sa lunggang 40 metro ang taas, 6 00:00:51,123 --> 00:00:52,763 medyo mahirap 'yun. 7 00:01:12,923 --> 00:01:17,163 Ang uma-umagang ritwal na ito ay paulit-ulit nang ginagawa 8 00:01:18,603 --> 00:01:20,363 ng ilang henerasyon. 9 00:01:25,723 --> 00:01:30,283 Isang ritmong itinutulak ng isa sa mga pinakamahiwagang katangian ng universe. 10 00:01:38,203 --> 00:01:39,043 Ang oras. 11 00:01:41,963 --> 00:01:46,843 At napakahalaga ng papel ng oras para sa isang babaeng chimp. 12 00:01:49,363 --> 00:01:51,163 Si Celeste ay mahigit 30 taon na, 13 00:01:52,763 --> 00:01:55,123 at may tumatakbong orasan sa loob niya. 14 00:01:59,883 --> 00:02:03,883 Isang orasang itinakda 13.8 bilyong taon na ang nakalipas. 15 00:02:14,763 --> 00:02:17,123 Mula sa The Big Bang, nagkaroon ng mga atom… 16 00:02:20,083 --> 00:02:21,043 at enerhiya, 17 00:02:22,483 --> 00:02:25,843 na naglakbay na sa napakalaking kalawakan. 18 00:02:31,323 --> 00:02:32,803 At ang mga sangkap na ito 19 00:02:34,083 --> 00:02:35,763 ay bumubuo na ngayon… 20 00:02:38,563 --> 00:02:40,763 ng bagong buhay. 21 00:02:44,643 --> 00:02:48,803 Sa sinapupunan ni Celeste, may nabubuong maliit na chimpanzee. 22 00:02:53,003 --> 00:02:56,763 May 150 araw pa bago lumabas ang sanggol na ito. 23 00:03:00,003 --> 00:03:01,643 'Yun ang oras na kailangan. 24 00:03:04,363 --> 00:03:06,163 At kung walang oras, 25 00:03:06,243 --> 00:03:09,483 walang maisisilang sa mundo natin. 26 00:03:12,763 --> 00:03:14,963 Mula sa pinakabatang chimpanzee… 27 00:03:16,963 --> 00:03:19,123 hanggang sa pinakalumang black hole. 28 00:03:23,723 --> 00:03:27,323 Pero paano ba nagsimula ang oras? 29 00:03:29,283 --> 00:03:32,723 Magkakapareho ba ang oras na nararanasan ng lahat ng bagay? 30 00:03:35,043 --> 00:03:38,483 At hihinto kaya sa pagtakbo ang orasan ng ating universe? 31 00:04:09,483 --> 00:04:13,443 Ang simula ng araw ng isang chimp ay tulad ng simula ng araw nating lahat. 32 00:04:16,323 --> 00:04:17,243 Agahan. 33 00:04:23,723 --> 00:04:27,403 Mahalaga ito kapag kumakain ka para sa dalawa. 34 00:04:35,843 --> 00:04:38,803 May karanasan na bilang ina si Celeste. 35 00:04:42,163 --> 00:04:46,603 Ang panganay niyang si Apollo ang dominanteng lalaki ng tropa. 36 00:04:48,843 --> 00:04:52,003 At medyo mabagal siyang kumilos sa umaga. 37 00:04:59,163 --> 00:05:01,803 Bawat chimp ay magkaiba ang edad. 38 00:05:04,683 --> 00:05:07,003 Bawat isa ay naiiba ang katangian. 39 00:05:09,763 --> 00:05:13,163 Pero lahat sila ay mga nilalang na may routine. 40 00:05:17,563 --> 00:05:21,963 Ang mga buhay nila ay pinamamahalaan ng pagtakbo ng oras. 41 00:05:24,563 --> 00:05:25,883 Hindi natin ito nakikita. 42 00:05:28,083 --> 00:05:29,083 O naririnig. 43 00:05:30,803 --> 00:05:33,443 Hindi rin natin kayang baguhin. 44 00:05:34,283 --> 00:05:38,723 Pero ang bawat tibok ng puso, bawat desisyon at kilos, 45 00:05:39,603 --> 00:05:41,083 at bawat hindi pagkilos 46 00:05:42,763 --> 00:05:45,843 ay resulta ng patuloy na pagtakbo ng oras. 47 00:05:47,203 --> 00:05:50,443 Pwede itong dumaan nang mabilis o mabagal. 48 00:05:52,043 --> 00:05:54,083 Pero paabante lang ang oras. 49 00:05:55,363 --> 00:05:57,243 Nabubuo, 50 00:05:58,483 --> 00:06:00,963 tumatanda, at namamatay ang mga bituin. 51 00:06:02,483 --> 00:06:05,443 Sa pagkamatay nila, sumusulpot ang mga bagong bituin. 52 00:06:05,523 --> 00:06:07,763 At mula sa bihirang iilan, 53 00:06:07,843 --> 00:06:11,643 isinisilang ang mga pinakamahiwagang bagay sa universe. 54 00:06:13,163 --> 00:06:14,363 Ang mga black hole. 55 00:06:22,083 --> 00:06:24,883 Oras ang cosmic conductor. 56 00:06:27,643 --> 00:06:30,563 Walang makakatakas dito. 57 00:06:44,723 --> 00:06:49,283 Kahit may mga device nang kayang sumubaybay at sumukat ng oras, 58 00:06:54,963 --> 00:06:56,443 walang ganito ang mga chimp. 59 00:07:04,323 --> 00:07:07,843 Ginagamit ng buong pamilya ni Celeste ang araw bilang gabay. 60 00:07:11,843 --> 00:07:14,803 Sumisikat at naglalakbay sa langit. 61 00:07:19,163 --> 00:07:20,403 Habang gumagalaw ito, 62 00:07:23,243 --> 00:07:24,123 gumagalaw din sila. 63 00:07:32,003 --> 00:07:35,643 Bihirang matulog ang mga chimp sa parehong pugad nang dalawang beses. 64 00:07:36,523 --> 00:07:39,243 Tuwing umaga, naghahanap sila ng bagong prutas. 65 00:07:41,683 --> 00:07:45,323 Naglalakbay sa loob ng kanilang teritoryo. 66 00:07:49,163 --> 00:07:52,363 Pero sa ngayon, ang pinakahinog na prutas… 67 00:07:54,883 --> 00:07:57,683 ay nasa kabilang panig ng isang parang. 68 00:08:02,523 --> 00:08:05,683 Mauuna sina Apollo at ang pinakamalalakas na miyembro ng tropa 69 00:08:07,203 --> 00:08:09,523 para tiyaking ligtas itong puntahan. 70 00:08:12,323 --> 00:08:13,483 Sa parang, 71 00:08:13,563 --> 00:08:17,283 bulnerable sila sa mga predator, mga karibal na chimp, 72 00:08:18,203 --> 00:08:20,123 at sa init ng sumisikat na araw. 73 00:08:24,203 --> 00:08:25,603 Kailangan nilang magmadali. 74 00:08:26,883 --> 00:08:28,803 Tumatakbo ang oras. 75 00:08:33,763 --> 00:08:36,963 Ang paglalakbay ng araw sa langit 76 00:08:37,043 --> 00:08:39,643 ang batayang yunit ng oras ng mga chimp. 77 00:08:43,723 --> 00:08:47,883 Mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, at hanggang bukang-liwayway ulit. 78 00:08:49,563 --> 00:08:51,283 Isang araw na may 24 na oras. 79 00:08:54,243 --> 00:08:57,443 Pero ang isang araw ay hindi talaga sukatan ng oras. 80 00:08:59,203 --> 00:09:02,243 Sukatan iyon ng paggalaw. 81 00:09:08,683 --> 00:09:11,523 Habang umiikot ang ating planeta sa axis nito, 82 00:09:11,603 --> 00:09:14,203 gumagalaw ang gubat sa kalawakan 83 00:09:14,723 --> 00:09:18,283 sa bilis na 1,600 kilometro kada oras. 84 00:09:20,403 --> 00:09:25,363 Tumatagal nang 24 na oras bago makaisang ikot ang Earth. 85 00:09:28,323 --> 00:09:32,043 Na nagbibigay sa mga chimp ng 24 na oras ng paggalaw. 86 00:09:33,163 --> 00:09:36,923 Labindalawang may araw, labindalawang madilim. 87 00:09:38,603 --> 00:09:41,723 Paulit-ulit. 88 00:09:46,843 --> 00:09:49,123 Itinatakda ng 'di nababagong 89 00:09:49,803 --> 00:09:52,283 ikot ng planeta ang master clock ng Earth. 90 00:09:55,083 --> 00:09:57,643 At ito ang maaasahang timekeeper ng mga chimp. 91 00:10:02,523 --> 00:10:05,483 Pero ang mahalagang siklong ito na binabalewala natin… 92 00:10:07,363 --> 00:10:08,883 ay hindi unibersal. 93 00:10:15,883 --> 00:10:18,523 Kapag umalis ka sa tinitirhan mong planeta, 94 00:10:20,323 --> 00:10:23,003 hindi na naaangkop ang araw na may 24 na oras. 95 00:10:28,003 --> 00:10:29,883 Pinakamalapit sa araw… 96 00:10:32,123 --> 00:10:33,563 ang planetang Mercury. 97 00:10:35,203 --> 00:10:39,043 Kumpara sa atin, parang kuhol ang bilis ng ikot nito. 98 00:10:41,043 --> 00:10:44,243 ARAW NA MAY 1408 ORAS 99 00:10:44,563 --> 00:10:47,123 Mas mabagal pa ang ikot 100 00:10:47,843 --> 00:10:49,643 ng kapitbahay nating Venus. 101 00:10:51,443 --> 00:10:54,243 Mas matagal itong umikot sa axis nito 102 00:10:55,603 --> 00:10:57,803 kaysa lumibot ito sa araw. 103 00:11:00,963 --> 00:11:06,083 Kaya mas matagal ang araw kaysa sa taon sa Venus. 104 00:11:09,723 --> 00:11:12,683 Magkaiba ang haba ng araw sa bawat planeta. 105 00:11:15,923 --> 00:11:19,603 MARS ARAW NA MAY 25 ORAS 106 00:11:21,563 --> 00:11:25,723 SATURN ARAW NA MAY 11 ORAS 107 00:11:27,203 --> 00:11:30,643 NEPTUNE ARAW NA MAY 17 ORAS 108 00:11:32,363 --> 00:11:36,083 Kabilang ang mga planeta sa labas ng ating solar system. 109 00:11:40,403 --> 00:11:42,483 Animnapu't tatlong light years mula rito, 110 00:11:43,563 --> 00:11:45,003 ay ang Beta Pictoris B, 111 00:11:46,403 --> 00:11:48,683 na lumilibot sa isang batang bituin. 112 00:11:52,563 --> 00:11:55,283 Napakabilis nitong umiikot. 113 00:11:58,763 --> 00:12:01,043 Nakaumbok ito sa gilid. 114 00:12:04,763 --> 00:12:08,123 Ito ang pinakamabilis na umiikot na mundong alam natin. 115 00:12:10,243 --> 00:12:13,163 Dito, walong oras lang ang isang araw. 116 00:12:13,243 --> 00:12:17,203 ARAW NA MAY 8 ORAS 117 00:12:18,523 --> 00:12:23,163 May sariling bilis ang pag-ikot ng bawat planeta sa ating universe. 118 00:12:26,403 --> 00:12:27,803 Bilyun-bilyong mundo. 119 00:12:28,923 --> 00:12:30,723 Bawat isa, may sariling orasan 120 00:12:31,803 --> 00:12:33,843 na tumatakbo sa iba't ibang ritmo. 121 00:12:35,403 --> 00:12:37,883 Pero lahat ay umaabante 122 00:12:38,403 --> 00:12:40,843 sa unibersal na cosmic timeline. 123 00:12:58,603 --> 00:12:59,683 Sa Earth, 124 00:13:00,683 --> 00:13:03,163 ngayong halos tirik na ang araw, 125 00:13:05,123 --> 00:13:07,603 alam na ng mga chimp kung anong oras na. 126 00:13:17,203 --> 00:13:18,683 Oras na para mananghalian. 127 00:13:31,203 --> 00:13:35,803 At naisakto ang tagal ng pagtawid nila sa Savannah. 128 00:13:42,723 --> 00:13:44,443 Natumbok nila ang jackpot. 129 00:13:51,803 --> 00:13:54,723 Ilang linggo lang na makakain ang matatamis 130 00:13:56,443 --> 00:13:58,603 na berry ng African grape tree. 131 00:14:05,123 --> 00:14:08,643 Isang pambihirang regalo ng gubat. 132 00:14:12,723 --> 00:14:16,323 Kung saan ang kalagitnaan ng araw ay napakaproduktibong oras. 133 00:14:20,883 --> 00:14:24,683 Abala sa pang-araw-araw na gawain ang iba't ibang hayop. 134 00:14:30,043 --> 00:14:32,923 At iba't iba ang karanasan ng bawat isa sa oras. 135 00:14:37,163 --> 00:14:40,843 Para sa maliliit na nilalang na mabilis at maiksi ang buhay, 136 00:14:45,643 --> 00:14:49,003 parang habambuhay na ang tanghalian. 137 00:14:54,723 --> 00:14:57,643 Para sa mas mababagal at mas matagal mabuhay na nilalang, 138 00:14:58,163 --> 00:15:01,323 napakabilis ng isang oras. 139 00:15:08,363 --> 00:15:11,403 Pero nakatira ka man sa mabilis 140 00:15:12,403 --> 00:15:14,163 o mabagal na buhay, 141 00:15:16,003 --> 00:15:21,003 lahat ng buhay sa gubat ay kailangang sumunod sa araw na may 24 na oras. 142 00:15:23,763 --> 00:15:25,963 At habang umiikot ang mundo, 143 00:15:29,443 --> 00:15:31,603 dumaraan ang mga araw na iyon. 144 00:15:33,643 --> 00:15:37,763 Dinidiktahan ang buhay ng bawat chimpanzee. 145 00:15:41,483 --> 00:15:42,803 May isa sa partikular. 146 00:15:50,003 --> 00:15:51,963 Ngayong 15 linggo pa lang, 147 00:15:52,923 --> 00:15:57,003 ang katawan ng sanggol na ito ay magkakasya sa kamay ng kanyang ina. 148 00:16:00,603 --> 00:16:02,483 Para ganap itong mabuo, 149 00:16:02,563 --> 00:16:06,243 kailangang maganap ang isang serye ng pangyayaring sakto ang tiyempo. 150 00:16:08,203 --> 00:16:10,403 Sa susunod na 130 araw, 151 00:16:11,163 --> 00:16:15,523 bawat minuto, bawat nanosegundo ay napakahalaga. 152 00:16:24,283 --> 00:16:26,963 Napakabilis at tumpak 153 00:16:27,043 --> 00:16:30,163 na mahahati at dadami ang mga selyula. 154 00:16:34,243 --> 00:16:35,243 Sa ngayon, 155 00:16:36,203 --> 00:16:38,683 dumarami ang mga brain cell 156 00:16:38,763 --> 00:16:41,483 sa bilis na nasa 15 milyon kada oras. 157 00:16:51,803 --> 00:16:54,843 Lahat tayo, mula sa pinakauna nating sandali, 158 00:16:55,843 --> 00:17:00,203 ay may malalim na bayolohikal na relasyon sa oras. 159 00:17:17,403 --> 00:17:19,563 Habang kumukupas ang liwanag ng araw, 160 00:17:21,803 --> 00:17:24,323 likas na nagpapalit ng gear ang mga chimp. 161 00:17:27,883 --> 00:17:29,123 Tungo sa panggabi. 162 00:17:39,163 --> 00:17:41,963 Tinatawagan na ng pugad ang buong tropa. 163 00:17:44,443 --> 00:17:47,883 Oras nang maghanap ng ligtas na lugar na pagpapalipasan ng gabi. 164 00:18:01,443 --> 00:18:05,603 Kailangang malambot pero matatag ang higaan nila. 165 00:18:12,243 --> 00:18:14,683 Pwede ring masarap. 166 00:18:18,923 --> 00:18:21,843 Ang ritmo ng bawat araw sa gubat 167 00:18:21,923 --> 00:18:25,403 ay itinatakda ng posisyon ng araw sa langit. 168 00:18:34,603 --> 00:18:37,083 Pero ang likas na pandama ng chimp sa oras 169 00:18:38,243 --> 00:18:40,963 ay nagmumula sa loob nila. 170 00:18:49,723 --> 00:18:53,723 May bayolohikal na orasan sa utak nila. 171 00:18:56,603 --> 00:18:59,563 Nagsisilbing pendulum ang tumpok-tumpok na neuron… 172 00:19:01,883 --> 00:19:06,443 na kontrolado ng genes na nabubuhay at namamatay. 173 00:19:08,563 --> 00:19:13,003 At siklong umuulit kada 24 na oras. 174 00:19:16,283 --> 00:19:21,203 Ang clock genes na ito ay lumilikha ng circadian rhythm sa katawan 175 00:19:22,123 --> 00:19:25,083 na lumalakas at humihina 176 00:19:25,163 --> 00:19:28,243 kasabay ng pag-ikot ng ating planeta. 177 00:19:30,643 --> 00:19:32,323 Kinokontrol ang mga hormone, 178 00:19:36,563 --> 00:19:37,483 tibok ng puso, 179 00:19:38,843 --> 00:19:40,683 at antas ng enerhiya. 180 00:19:46,243 --> 00:19:50,803 At ngayon, nagpapadala na ang body clock ng mga chimp ng mensaheng, 181 00:19:52,203 --> 00:19:54,763 "Oras na para antukin." 182 00:19:58,003 --> 00:19:59,923 Pero hindi lahat, magagawa 'yun. 183 00:20:14,363 --> 00:20:17,283 Nabubuo pa lang ang utak ng sanggol ni Celeste. 184 00:20:20,683 --> 00:20:23,163 Dahil wala pang sariling internal na orasan, 185 00:20:23,683 --> 00:20:27,283 nakaasa ito sa hormones ng ina nito para makasabay rito. 186 00:20:29,643 --> 00:20:33,403 Pero hindi palaging nakukuha ng sanggol ang abiso. 187 00:20:37,523 --> 00:20:39,163 Pasalamat si Celeste, 188 00:20:39,243 --> 00:20:41,603 dahil lumalaki pa ang sanggol, 189 00:20:41,683 --> 00:20:44,563 nakakatulog din ito kalaunan. 190 00:20:59,643 --> 00:21:03,563 Habang natutulog ang mga chimp sa itaas ng puno, 191 00:21:07,323 --> 00:21:10,723 nagigising pa lang ang ibang nakatira sa gubat. 192 00:21:22,763 --> 00:21:25,443 Tumatakbo ang mga body clock 193 00:21:25,523 --> 00:21:29,803 sa mga selyula ng mga halaman at hayop sa buong gubat. 194 00:21:38,363 --> 00:21:41,203 Nag-evolve ang mga clock gene 195 00:21:41,283 --> 00:21:43,563 2,500,000,000 taon na ang nakalipas 196 00:21:43,643 --> 00:21:45,643 sa mga unang buhay na selyula. 197 00:21:48,123 --> 00:21:52,923 Nagkabentahe ang mga nakakahula sa pagliwanag at pagdilim ng isang araw. 198 00:21:56,203 --> 00:21:58,003 At habang nagbabago ang buhay, 199 00:21:59,283 --> 00:22:01,883 sumasabay ito sa paggalaw ng Earth. 200 00:22:02,923 --> 00:22:04,723 Kaya ngayon, 201 00:22:04,803 --> 00:22:09,443 umiiral ang mga orasang ito sa halos lahat ng nilalang sa Earth. 202 00:22:13,683 --> 00:22:16,483 Kahit mas gusto ng ilang nilalang ang araw at ang iba ay gabi, 203 00:22:22,363 --> 00:22:26,003 lahat ng buhay ay umiindak sa iisang tugtugin. 204 00:22:29,043 --> 00:22:31,003 Salamat sa mga selyular na orasan 205 00:22:31,083 --> 00:22:32,683 na tumatakbo 206 00:22:33,923 --> 00:22:36,243 habang umiikot ang ating Earth. 207 00:22:53,043 --> 00:22:55,523 Habang nagiging alaala na lang ang kahapon, 208 00:22:58,083 --> 00:23:00,523 nagsisimula ang panibagong araw sa gubat. 209 00:23:09,603 --> 00:23:11,043 Isang bagong siklo, 210 00:23:12,803 --> 00:23:17,203 pero wala talagang orasan ang pwedeng i-reset. 211 00:23:24,763 --> 00:23:29,283 At may mga banayad na palatandaan ng dahilan nito sa buong gubat. 212 00:23:32,483 --> 00:23:35,843 Walang nananatiling pareho 213 00:23:36,363 --> 00:23:38,083 sa bawat araw. 214 00:23:42,243 --> 00:23:44,683 Lalo na si Apollo, 215 00:23:45,763 --> 00:23:49,203 na tila masama ang gising. 216 00:23:57,643 --> 00:23:59,363 Kapag pangit ang mood niya, 217 00:24:03,243 --> 00:24:07,883 kailangan siyang iwasan ng ibang kagrupo niya. 218 00:24:26,763 --> 00:24:30,123 Pero kalaunan ay makakahanap siya ng target ng galit niya. 219 00:24:40,723 --> 00:24:43,563 Nakakita ang ilang kabataang chimp ng pulot para sa agahan. 220 00:24:56,723 --> 00:25:00,283 At nakalimutan nilang imbitahan si Apollo. 221 00:25:14,683 --> 00:25:19,363 Matututunan mo kalaunan na hindi pwedeng galitin ang dominanteng lalaki. 222 00:25:26,923 --> 00:25:28,443 Nakagat siya. 223 00:25:32,323 --> 00:25:34,843 Mabuti at hindi malala. 224 00:25:43,243 --> 00:25:46,483 Maghihilom din ang sugat na ito kapag inalagaan. 225 00:25:49,403 --> 00:25:53,083 Pero nag-iiwan ang mga sugat ng mga peklat 226 00:25:54,203 --> 00:25:56,163 na nakaukit na sa katawan ng mga chimp. 227 00:25:57,443 --> 00:25:59,683 Mga permanenteng marka ng nakaraan 228 00:26:00,203 --> 00:26:03,603 na nagbubunyag ng katotohanan tungkol sa oras. 229 00:26:07,323 --> 00:26:08,603 May direksyon ito. 230 00:26:10,683 --> 00:26:13,043 Hindi ka pwedeng bumalik, 231 00:26:15,203 --> 00:26:17,363 ang pwede lang ay umabante tungo sa hinaharap. 232 00:26:21,443 --> 00:26:22,963 Ito ang arrow ng oras, 233 00:26:24,243 --> 00:26:27,883 at nag-iiwan ito ng peklat sa lahat ng bagay 234 00:26:28,563 --> 00:26:29,523 sa buong Earth… 235 00:26:31,283 --> 00:26:32,203 at lampas pa. 236 00:26:41,203 --> 00:26:42,963 Ang ating buwan ay markado 237 00:26:43,043 --> 00:26:46,563 ng mga peklat na nagkukwento ng nakaraan. 238 00:26:56,523 --> 00:26:58,003 Ganundin ang mga planeta. 239 00:27:01,723 --> 00:27:05,443 Saksi ang kanilang ibabaw sa pambobomba 240 00:27:05,523 --> 00:27:08,683 ng mga asteroid at comet. 241 00:27:15,083 --> 00:27:19,323 Pero marahil ang pinakanakakamanghang impact crater sa ating solar system 242 00:27:20,723 --> 00:27:23,123 ay nasa buwan ng Saturn. 243 00:27:24,523 --> 00:27:25,523 Ang Mimas. 244 00:27:27,923 --> 00:27:32,603 Ang Herschel crater ay may lapad na 130 kilometro. 245 00:27:38,323 --> 00:27:41,003 Anumang lumikha ng napakalaking peklat na ito… 246 00:27:43,043 --> 00:27:46,323 ay marahil muntik nang durugin ang buwan na ito. 247 00:28:04,043 --> 00:28:06,123 Mabuti at nakaligtas pa ang Mimas. 248 00:28:07,883 --> 00:28:10,603 Pero hindi na mababawi ang ganitong pangyayari. 249 00:28:15,363 --> 00:28:19,403 At pinag-iiba nila ang nakaraan sa kasalukuyan. 250 00:28:22,203 --> 00:28:24,643 Ang mga impact crater ay mga timestamp 251 00:28:26,403 --> 00:28:28,883 na nagmamarka ng natatanging sandali sa kasaysayan. 252 00:28:28,963 --> 00:28:32,923 21 LIBONG TAONG GULANG 253 00:28:37,443 --> 00:28:40,403 Hindi na natin mababalikan ang sandaling nalikha sila. 254 00:28:40,483 --> 00:28:43,923 50 LIBONG TAONG GULANG 255 00:28:44,523 --> 00:28:47,683 Pero maipagdurugtong natin ang mga bakas ng nakaraan 256 00:28:49,123 --> 00:28:51,523 at makakagawa ng landas para mabalikan ang nakaraan. 257 00:28:51,603 --> 00:28:53,723 142 MILYONG TAONG GULANG 258 00:28:56,683 --> 00:28:58,043 Bago pa ang mga crater. 259 00:28:59,683 --> 00:29:01,123 Bago pa ang mga planeta. 260 00:29:01,883 --> 00:29:03,123 Bago pa ang mga bituin. 261 00:29:05,043 --> 00:29:07,323 Papunta sa panahong wala pang oras. 262 00:29:11,043 --> 00:29:14,363 13.8 BILYONG TAONG GULANG 263 00:29:14,443 --> 00:29:17,443 May simula ang ating universe. 264 00:29:21,883 --> 00:29:25,003 Isang napakalakas na big bang… 265 00:29:27,403 --> 00:29:30,003 na lumikha ng espasyong may tatlong dimensyon 266 00:29:31,323 --> 00:29:32,603 at oras. 267 00:29:36,923 --> 00:29:40,283 Pero hindi magkahiwalay ang espasyo at oras. 268 00:29:42,003 --> 00:29:44,883 Nakahabi ang oras sa mga hibla ng universe. 269 00:29:49,043 --> 00:29:53,723 Nakatali sa espasyo bilang ikaapat na dimensyon ng ating universe. 270 00:29:56,523 --> 00:29:59,763 Itinakda ng Big Bang ang pagtakbo ng orasan ng universe. 271 00:30:02,683 --> 00:30:05,323 At pinaandar ang lahat tungo sa hinaharap. 272 00:30:09,163 --> 00:30:13,083 Nilikha nito ang arrow ng oras. 273 00:30:18,683 --> 00:30:22,003 Mula sa mga pinakaunang sandali ng ating universe… 274 00:30:32,403 --> 00:30:34,683 Itinutulak tayong lahat sa hinaharap, 275 00:30:35,763 --> 00:30:38,243 at itinutulak ang lahat na tumubo, 276 00:30:39,683 --> 00:30:40,523 tumanda, 277 00:30:42,483 --> 00:30:43,443 at magbago. 278 00:30:45,603 --> 00:30:49,163 Mula sa pagkabata tungo sa pagtanda, 279 00:30:50,443 --> 00:30:54,123 nilalakbay natin ang buhay sa parehong direksyon. 280 00:30:55,683 --> 00:30:58,363 Tumatanda araw-araw. 281 00:31:00,003 --> 00:31:02,843 At kasabay ng pag-edad ang karunungan 282 00:31:04,243 --> 00:31:07,683 habang napapalitan ng karanasan ang pagkainosente ng kabataan. 283 00:31:13,163 --> 00:31:17,563 Dinadala tayo ng arrow ng oras sa iba't ibang yugto ng buhay. 284 00:31:21,923 --> 00:31:23,123 Hinuhulma tayo nito. 285 00:31:25,803 --> 00:31:27,483 Itinatakda kung sino tayo. 286 00:31:31,043 --> 00:31:32,723 Mula sa mga unang sandali natin, 287 00:31:34,723 --> 00:31:35,843 patungo sa huli. 288 00:31:41,923 --> 00:31:45,003 Bihirang mabuhay nang lampas sa edad na 40 ang mga chimp. 289 00:31:49,243 --> 00:31:50,883 Walang imortal. 290 00:31:58,523 --> 00:32:03,283 Lahat ng umiiral sa ating universe ay may takdang itatagal ng buhay. 291 00:32:08,723 --> 00:32:12,003 Marahil kabilang mismo ang universe. 292 00:32:19,643 --> 00:32:23,483 Ngayon, puno ng mga bituin ang kalawakan. 293 00:32:27,323 --> 00:32:30,923 Pero 95% ng mga bituing iiral 294 00:32:31,523 --> 00:32:33,523 ay naisilang na. 295 00:32:38,763 --> 00:32:41,443 Kaya habang naglalakbay ang universe patungo sa hinaharap, 296 00:32:42,843 --> 00:32:47,723 paisa-isang mamamatay ang mga bituin, 297 00:32:50,363 --> 00:32:55,243 at iiwanan ang universe para sa padilim nang padilim na hinaharap 298 00:32:56,923 --> 00:32:58,723 na tatagal nang ilang trilyon, 299 00:32:59,443 --> 00:33:02,963 o libong bilyong taon. 300 00:33:09,443 --> 00:33:11,683 Ang edad ng starlight 301 00:33:11,763 --> 00:33:16,323 ay susundan ng madilim na yugto ng mga black hole. 302 00:33:22,963 --> 00:33:27,883 Kinakain ng mga halimaw na ito ang labi ng patay na bituin at planeta. 303 00:33:29,603 --> 00:33:31,083 Sa proseso, 304 00:33:31,163 --> 00:33:34,003 sinusugatan ng lumalakas na gravity nila 305 00:33:34,083 --> 00:33:36,403 ang pinakahibla ng universe. 306 00:33:43,123 --> 00:33:46,443 Sinisira ang espasyo at oras. 307 00:33:48,803 --> 00:33:53,123 Ang dulo ng isang black hole, na tinatawag na Event Horizon, 308 00:33:54,283 --> 00:33:57,443 ay isang rehiyon kung saan napakalakas ng gravity, 309 00:33:58,283 --> 00:34:00,763 at pinababagal nito ang oras, 310 00:34:01,563 --> 00:34:03,843 sa puntong halos matigil ito. 311 00:34:09,003 --> 00:34:12,723 Pero kahit ang mga black hole ay 'di matatakasan ang pagtakbo ng oras. 312 00:34:15,083 --> 00:34:16,963 Sa malayong hinaharap, 313 00:34:21,123 --> 00:34:24,403 kapag wala nang bituin o planetang makakain, 314 00:34:25,963 --> 00:34:27,643 magugutom na sila. 315 00:34:32,843 --> 00:34:34,043 At dahan-dahan, 316 00:34:36,723 --> 00:34:37,963 napakarahan, 317 00:34:39,763 --> 00:34:40,883 liliit sila. 318 00:34:46,403 --> 00:34:48,043 Kapag namatay sila, 319 00:34:48,123 --> 00:34:50,883 walang nakakaalam kung ano'ng susunod na mangyayari. 320 00:34:52,963 --> 00:34:57,923 Pero maaaring iyon na ang katapusan ng ating universe. 321 00:35:07,443 --> 00:35:11,763 Dito sa Earth, walang makakapagpabagal sa takbo ng oras. 322 00:35:16,043 --> 00:35:20,323 At malapit na ang katapusan ng isa sa mga tita ni Celeste. 323 00:35:24,323 --> 00:35:28,083 Lalayo siya sa grupo, at pupunta sa gubat nang mag-isa. 324 00:35:35,843 --> 00:35:37,883 Maraming taon na siyang nabuhay. 325 00:35:41,763 --> 00:35:44,243 Pero ito na ang magiging huling araw niya. 326 00:36:03,803 --> 00:36:06,563 Habang patuloy na umiikot ang mundo, 327 00:36:07,963 --> 00:36:11,083 hindi na gagalaw ang kanyang katawan. 328 00:36:23,363 --> 00:36:26,443 Pero hindi lang tayo dinadala ng oras tungo sa katapusan. 329 00:36:30,403 --> 00:36:32,443 Lumilikha rin ito ng mga simula. 330 00:36:37,323 --> 00:36:41,323 Habang nagiging linggo ang mga araw, at nagiging buwan ang mga linggo, 331 00:36:42,603 --> 00:36:45,763 may malalaking pagbabago para sa isang espesyal na chimpanzee. 332 00:36:59,643 --> 00:37:01,523 Mag-hello kayo kay Cosmo. 333 00:37:06,603 --> 00:37:09,003 Buo na ang kanyang utak at mga biyas. 334 00:37:10,763 --> 00:37:13,443 At handa nang makakita ang kanyang mga mata. 335 00:37:21,923 --> 00:37:25,163 Imposibleng malaman ang eksaktong oras ng paglabas niya. 336 00:37:26,603 --> 00:37:29,443 Pero pwede na siyang ipanganak anumang araw. 337 00:37:36,043 --> 00:37:38,803 Walong buwan na siyang nasa sinapupunan. 338 00:37:40,283 --> 00:37:43,523 Pero matagal nang nagsimula ang paglalakbay niya. 339 00:37:46,043 --> 00:37:50,643 Nagmula sa mga namamatay na bituin ang mga elementong bumuo sa kanya. 340 00:37:52,563 --> 00:37:54,803 Ang tubig na dumadaloy sa katawan niya 341 00:37:56,723 --> 00:37:58,723 ay mula sa malalayong mundo. 342 00:38:00,443 --> 00:38:03,043 Ang enerhiyang nagpapatakbo sa kanya 343 00:38:05,363 --> 00:38:07,083 ay mula sa puso ng ating araw. 344 00:38:09,763 --> 00:38:13,083 Pero merong pinakamahiwagang sangkap. 345 00:38:13,763 --> 00:38:18,243 Iyong nagsimulang tumakbo 13.8 bilyong taon na ang nakalipas. 346 00:38:22,323 --> 00:38:26,843 Na nagdala sa lahat ng iba pang sangkap sa sandaling ito. 347 00:38:30,163 --> 00:38:31,283 Sa lugar na ito. 348 00:38:34,003 --> 00:38:35,243 Sa planetang ito. 349 00:38:44,763 --> 00:38:47,963 Muli na namang sumikat ang araw, umaga na naman. 350 00:38:53,283 --> 00:38:57,563 At napakaespesyal ng araw na ito. 351 00:39:08,163 --> 00:39:10,563 Welcome sa Earth, Cosmo. 352 00:39:15,483 --> 00:39:19,003 Hindi na mauulit ang espesyal na sandaling ito para kay Celeste. 353 00:39:19,523 --> 00:39:22,803 Pero kakasimula pa lang ng paglalakbay ni Cosmo. 354 00:39:26,043 --> 00:39:28,323 At tatagal nang halos tatlong buwan 355 00:39:28,403 --> 00:39:32,083 bago makasabay ang katawan niya sa ritmo ng planeta, 356 00:39:33,883 --> 00:39:36,443 isang taon bago siya makapagkomunika, 357 00:39:38,123 --> 00:39:42,723 at marahil 15 taon bago siya maging nasa hustong gulang. 358 00:39:45,803 --> 00:39:47,563 Marami pang darating. 359 00:39:56,363 --> 00:39:57,643 Tulad ni Cosmo, 360 00:39:58,363 --> 00:40:01,403 sanggol pa lang ang ating universe, 361 00:40:02,443 --> 00:40:06,683 at nasa umpisa pa lang ng walang kasinghabang buhay. 362 00:40:08,723 --> 00:40:11,963 Nabubuhay tayo sa yugto ng starlight. 363 00:40:14,243 --> 00:40:19,203 Isang sandali kung saan pinupuno ng oras ang universe ng kagandahan… 364 00:40:22,483 --> 00:40:23,443 at pagkamangha. 365 00:40:32,403 --> 00:40:34,563 Pero maiksing panahon lang ito 366 00:40:35,483 --> 00:40:38,643 na hindi na mauulit sa kasaysayan ng ating universe. 367 00:40:45,363 --> 00:40:47,803 Walang makakapagpabagal sa takbo ng oras, 368 00:40:49,123 --> 00:40:50,203 'di dapat ito subukan. 369 00:40:55,323 --> 00:40:56,963 Dahil kung walang oras, 370 00:40:58,163 --> 00:40:59,523 walang ngayon. 371 00:41:06,763 --> 00:41:08,323 Walang sandaling may araw. 372 00:41:17,243 --> 00:41:18,363 Walang sandali, period. 373 00:41:24,643 --> 00:41:25,763 Kung walang oras, 374 00:41:27,803 --> 00:41:29,203 walang buhay. 375 00:41:41,643 --> 00:41:44,163 Susunod sa kwento ng ating universe, 376 00:41:45,843 --> 00:41:47,483 ang mga panahon sa Earth. 377 00:41:49,003 --> 00:41:51,803 Tulad ng inang oso na nagpapalaki ng anak, 378 00:41:53,163 --> 00:41:56,723 nararanasan nating lahat ang taun-taong transpormasyon ng ating planeta. 379 00:41:59,803 --> 00:42:02,483 Pero ano ang lumikha sa mga panahon ng Earth? 380 00:42:05,803 --> 00:42:08,963 Ano ang koneksyon ng mga ito sa pagkakabuo ng ating buwan? 381 00:42:09,923 --> 00:42:12,203 At bakit ang planeta lang natin 382 00:42:12,883 --> 00:42:15,723 ang may kalagayang sakto para sa buhay? 383 00:42:48,523 --> 00:42:52,243 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Ivee Jade Tanedo