1 00:00:17,603 --> 00:00:22,003 ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:27,043 --> 00:00:29,043 Ang pinakahilaga ng ating planeta 3 00:00:30,683 --> 00:00:32,843 ay isang lupain ng sukdulan. 4 00:00:37,923 --> 00:00:39,483 Kapag dumarating ang taglamig… 5 00:00:43,203 --> 00:00:46,203 pinababagsak ng hanging Arctic ang temperatura. 6 00:00:49,843 --> 00:00:54,123 Kahit ang matibay na Alaskan Brown Bear ay kailangang maghanap ng kanlungan. 7 00:01:02,563 --> 00:01:05,203 Dahil hindi nila kaya ang yelo, 8 00:01:07,083 --> 00:01:10,323 napipilitan silang sumuong sa dagdag na paglalakbay. 9 00:01:15,083 --> 00:01:19,163 Habang natatapat ang North Pole sa kadiliman at pagyeyelo ng taglamig, 10 00:01:24,043 --> 00:01:28,723 magsisimulang umakyat ang mga oso sa mga bundok… 11 00:01:33,003 --> 00:01:35,443 para kumanlong sa mga kweba o lungga 12 00:01:36,643 --> 00:01:38,763 na hinukay sa matatarik na dalisdis. 13 00:01:41,683 --> 00:01:43,483 Na ilang daang metro ang taas. 14 00:02:12,723 --> 00:02:14,923 Ang mga osong nakatira sa dulo ng mundo 15 00:02:16,803 --> 00:02:20,923 ay kailangang humarap sa malalaking hamon ng bawat panahon. 16 00:02:23,963 --> 00:02:24,843 Para magawa ito, 17 00:02:26,363 --> 00:02:30,283 umaasa sila sa napakaespesyal na koneksyon sa universe 18 00:02:31,283 --> 00:02:34,723 dahil nakatatak sa bayolohiya ng oso 19 00:02:34,803 --> 00:02:36,883 ang bawat kritikal na sandali 20 00:02:38,443 --> 00:02:41,403 ng apat at kalahating bilyong taong kasaysayan ng Earth. 21 00:02:45,083 --> 00:02:49,803 Mga pangyayaring walang kasinlaki at mapangwasak 22 00:02:51,523 --> 00:02:56,443 na lumikha ng mundong walang katulad sa ating universe. 23 00:03:33,363 --> 00:03:36,523 Ito si Luna, anim na taong babae. 24 00:03:41,523 --> 00:03:43,923 Narating niya na ang ligtas na lungga, 25 00:03:46,843 --> 00:03:50,403 at ito ang magiging tahanan niya sa susunod na anim na buwan. 26 00:03:58,003 --> 00:03:59,483 Isang maginhawang espasyo 27 00:04:00,603 --> 00:04:04,443 para palipasin ang taglamig nang nagha-hibernate. 28 00:04:22,683 --> 00:04:24,563 Habang umiiksi ang araw, 29 00:04:27,243 --> 00:04:30,163 nagre-react ang kanyang katawan sa ritmo ng ating planeta. 30 00:04:36,403 --> 00:04:38,523 Bumabagal ang tibok ng puso niya… 31 00:04:48,323 --> 00:04:50,323 tungo sa walong tibok kada minuto. 32 00:05:04,923 --> 00:05:06,683 Habang nagiging komportable siya, 33 00:05:08,643 --> 00:05:11,123 bumabagsak ang temperatura ng katawan niya. 34 00:05:30,843 --> 00:05:33,003 At makakatulog siya nang mahimbing, 35 00:05:34,643 --> 00:05:36,123 na puno ng panaginip. 36 00:05:52,323 --> 00:05:56,803 Ang makapangyarihang koneksyon sa pagitan ng oso at universe… 37 00:05:59,923 --> 00:06:03,843 ang nagtutulak sa kanyang palampasin ang taglamig sa ilalim ng lupa. 38 00:06:08,003 --> 00:06:12,123 Maligaya't walang kamuwang-muwang sa mahabang paglalakbay na darating. 39 00:06:17,203 --> 00:06:19,163 Dahil sa labas ng lungga, 40 00:06:22,523 --> 00:06:24,283 gumagalaw ang Earth. 41 00:06:34,323 --> 00:06:38,443 Araw-araw, umiikot ang planeta sa axis nito. 42 00:06:55,363 --> 00:07:00,123 Bawat buwan, nakukumpleto ng Buwan ang isang buong paglibot sa Earth. 43 00:07:07,083 --> 00:07:08,883 At sa paglipas ng mga buwan, 44 00:07:09,443 --> 00:07:13,363 nililibot naman ng Earth at Buwan ang Araw. 45 00:07:19,243 --> 00:07:21,363 Sa panahong matutulog siya… 46 00:07:22,363 --> 00:07:26,563 …maglalakbay si Luna nang 470 milyong kilometro. 47 00:07:33,003 --> 00:07:35,003 Isang epikong paglalakbay sa kalawakan 48 00:07:36,683 --> 00:07:39,123 na halos kalahati ng paglibot sa Araw. 49 00:07:47,603 --> 00:07:48,723 At ngayong taon, 50 00:07:49,603 --> 00:07:51,883 may mga bago siyang kasama. 51 00:07:55,603 --> 00:07:58,243 Habang pagising-gising, 52 00:07:59,563 --> 00:08:01,683 ipinanganak ni Luna… 53 00:08:04,083 --> 00:08:05,923 ang dalawang munting oso. 54 00:08:12,363 --> 00:08:16,523 Sususo at matutulog ang mga supling sa lungga hanggang sa tagsibol. 55 00:08:19,643 --> 00:08:21,443 Pero naaapektuhan na 56 00:08:23,363 --> 00:08:26,043 ang katawan ni Luna sa pagpapasuso sa dalawa. 57 00:08:33,163 --> 00:08:35,843 Kumukupis ang mga taba sa ilalim ng balat niya 58 00:08:37,483 --> 00:08:41,123 habang ginagamit ang naimbak na enerhiya sa paglikha ng gatas. 59 00:08:48,963 --> 00:08:51,363 Pagkalipas ng limang buwan sa ilalim ng lupa, 60 00:08:51,883 --> 00:08:55,443 mahigit sangkapat na ng timbang niya ang nawala kay Luna. 61 00:09:01,163 --> 00:09:04,483 At habang mas mababa pa sa zero ang temperatura sa labas, 62 00:09:06,603 --> 00:09:09,923 kailangan na ni Luna ang mabilis na pagdating ng tagsibol 63 00:09:10,683 --> 00:09:14,283 kung patuloy pa niyang pasususuhin ang mga bagong-silang niya. 64 00:09:22,123 --> 00:09:23,003 Mabuti na lang, 65 00:09:24,923 --> 00:09:26,403 may maganda sa Earth. 66 00:09:29,843 --> 00:09:31,563 Nakahilig ito sa isang panig. 67 00:09:35,963 --> 00:09:38,843 Kaya habang gumagalaw ito sa kalawakan, 68 00:09:39,763 --> 00:09:42,283 sa iba't ibang parte ng taon, 69 00:09:42,363 --> 00:09:45,683 humihilig papunta sa Araw ang iba't ibang parte ng planeta, 70 00:09:47,323 --> 00:09:49,683 na nagdudulot ng pagpapalit ng panahon. 71 00:10:00,403 --> 00:10:02,043 Ibig sabihin, sa Alaska, 72 00:10:03,243 --> 00:10:05,243 may mahalagang nangyayari. 73 00:10:12,923 --> 00:10:14,803 Sa paglipas ng bawat araw, 74 00:10:14,883 --> 00:10:17,043 mas tumitirik na ang araw. 75 00:10:20,883 --> 00:10:23,723 Binabago ng umiinit na sinag nito ang lupain. 76 00:10:34,123 --> 00:10:38,083 Kung kailan kailangang-kailangan ito ni Luna at ng mga supling niya. 77 00:10:42,563 --> 00:10:46,123 Made-detect ng nerve endings sa balat niya ang init ng araw. 78 00:10:53,923 --> 00:10:55,603 At habang humahaba ang mga araw, 79 00:11:01,163 --> 00:11:04,043 nadarama ng mga espesyal na selyula 80 00:11:05,523 --> 00:11:09,043 sa likod ng mata niya ang dagdag na liwanag. 81 00:11:14,723 --> 00:11:17,003 Ang mga lihim na mensaheng ito, 82 00:11:17,083 --> 00:11:19,523 na direktang mula sa pinakamalapit na bituin, 83 00:11:22,443 --> 00:11:26,323 ang nagsasabi kay Luna na oras nang gumising mula sa hibernation. 84 00:11:40,763 --> 00:11:45,203 Habang inihuhudyat nila ang marahang pagpapalit ng panahon ng ating planeta. 85 00:11:54,363 --> 00:11:56,043 Pero sa solar system, 86 00:11:58,243 --> 00:12:00,363 ang mga panahong katulad ng sa Earth 87 00:12:01,923 --> 00:12:03,243 ay hindi karaniwan. 88 00:12:09,683 --> 00:12:12,643 Ang pinakamalapit nating kapitbahay, ang Venus, 89 00:12:14,963 --> 00:12:16,723 ay mas malapit sa Araw 90 00:12:17,683 --> 00:12:20,403 at higit na mas mainit kaysa sa Earth. 91 00:12:25,203 --> 00:12:28,163 At dahil hindi nakahilig ang planeta, 92 00:12:29,003 --> 00:12:31,123 halos wala na itong panahon. 93 00:12:35,523 --> 00:12:39,443 Buong taon, nananatiling sobrang init ng temperatura. 94 00:12:44,323 --> 00:12:45,603 Mas malayo pa, 95 00:12:46,123 --> 00:12:47,523 at lampas sa Earth, 96 00:12:49,643 --> 00:12:50,963 ang Mars. 97 00:12:52,923 --> 00:12:56,163 Ang orbit nito ay nagdudulot ng pag-iiba-iba ng layo nito 98 00:12:56,243 --> 00:12:58,483 sa Araw buong taon. 99 00:13:00,203 --> 00:13:02,443 Kaya, mas matindi ang mga panahon 100 00:13:03,643 --> 00:13:06,483 sa Mars kaysa sa atin. 101 00:13:09,243 --> 00:13:13,923 Kapag taglamig, mahigit sangkapat ng atmosphere ng planeta ay nagyeyelo. 102 00:13:15,923 --> 00:13:17,083 Samantalang sa tag-init, 103 00:13:18,163 --> 00:13:20,483 kapag mas malapit sa Araw ang Mars, 104 00:13:21,283 --> 00:13:24,323 ang matinding init ay lumilikha ng dust storms 105 00:13:24,403 --> 00:13:29,323 na sobrang lakas, na lumalamon sa buong planeta. 106 00:13:33,403 --> 00:13:34,843 Pero lampas sa Mars. 107 00:13:36,523 --> 00:13:37,723 Lampas sa Jupiter. 108 00:13:41,123 --> 00:13:42,043 At Saturn. 109 00:13:48,123 --> 00:13:51,043 Tatlong bilyong kilometro mula sa Araw, 110 00:13:52,643 --> 00:13:57,243 nasa Uranus ang pinakamatitinding panahon sa buong solar system. 111 00:13:59,883 --> 00:14:03,283 Umiikot nang patagilid ang planetang ito. 112 00:14:04,323 --> 00:14:06,283 Kaya habang naglilibot ito, 113 00:14:06,363 --> 00:14:08,523 nakaharap ang tag-init sa Araw, 114 00:14:12,123 --> 00:14:17,123 samantalang hindi sisikatan ng araw ang taglamig nang 42 taon. 115 00:14:29,443 --> 00:14:32,843 Earth lamang ang may mga panahon, 116 00:14:34,483 --> 00:14:37,483 na kahit sa sukdulan ng ating planeta, 117 00:14:38,243 --> 00:14:40,563 ay nagpapahintulot na umiral ang buhay. 118 00:14:54,563 --> 00:14:56,163 Sa pagdating ng tagsibol, 119 00:14:57,323 --> 00:14:59,763 lalabas na sa lungga ang pamilya ni Luna. 120 00:15:06,323 --> 00:15:11,043 Mararanasan na ng mga supling ang init ng araw, sa unang pagkakataon. 121 00:15:35,923 --> 00:15:40,403 Pero ang pagpapalit ng panahon ay nangangahulugang maglalakbay sila. 122 00:15:48,323 --> 00:15:50,243 Dahil para makahanap ng pagkain, 123 00:15:50,883 --> 00:15:52,923 kailangan silang dalhin ni Luna sa ibaba 124 00:15:54,803 --> 00:15:56,803 sa kabilang panig ng bundok. 125 00:16:13,763 --> 00:16:16,283 Mahirap akyatin 'yun, para sa mga munting paa. 126 00:16:23,883 --> 00:16:26,763 Sa daan-daang metro ng yelo at batong daraanan. 127 00:17:21,083 --> 00:17:25,323 Kapag nasa tuktok na sila, tapos na ang pinakamahirap na bahagi. 128 00:17:36,803 --> 00:17:39,963 Pero hindi pa garantisadong mabubuhay sila. 129 00:17:43,603 --> 00:17:45,963 Para mabuhay sa nalalabing parte ng taon, 130 00:17:47,283 --> 00:17:52,043 aasa ang pamilya sa likas na pang-unawa ni Luna 131 00:17:53,243 --> 00:17:54,683 sa mga darating na panahon. 132 00:17:58,963 --> 00:18:00,323 Ang bawat isa… 133 00:18:02,683 --> 00:18:05,963 ay resulta ng taunang paglalakbay ng Earth sa kalawakan. 134 00:18:12,483 --> 00:18:13,963 Paglalakbay na nagsimula… 135 00:18:15,963 --> 00:18:18,403 bago pa umiral ang Earth. 136 00:18:24,643 --> 00:18:30,763 SOLAR SYSTEM 4.6 NA BILYONG TAON ANG NAKALIPAS 137 00:18:33,683 --> 00:18:36,603 Isang yugto kung kailan 138 00:18:37,443 --> 00:18:40,163 higit lang nang kaunti sa abo ang ating solar system. 139 00:18:43,163 --> 00:18:47,643 Wala pang Araw, planeta, at buwan. 140 00:18:50,403 --> 00:18:53,963 Isang ulap lang ng gas at alikabok. 141 00:19:07,363 --> 00:19:11,003 Tapos, sa malayong solar system, 142 00:19:13,443 --> 00:19:14,963 may sumabog na bituin. 143 00:19:16,963 --> 00:19:21,843 Isang supernova na nagpadala ng shock wave sa buong kalawakan. 144 00:19:41,323 --> 00:19:46,323 Pagtama nito, napabagsak ng shockwave ang ulap sa sarili nito. 145 00:19:51,603 --> 00:19:53,443 At nagsimula itong umikot. 146 00:20:00,483 --> 00:20:02,923 Habang pabilis nang pabilis ang pag-ikot, 147 00:20:04,083 --> 00:20:08,123 lumapad ang ulap tungo sa isang disc. 148 00:20:10,243 --> 00:20:13,243 Isang maelstrom ng gas at bato. 149 00:20:16,643 --> 00:20:19,443 Sa gitna, sa ilalim ng matinding presyur, 150 00:20:23,083 --> 00:20:24,523 isinilang ang Araw. 151 00:20:28,123 --> 00:20:31,883 Samantalang sa may labas, nagbanggaan ang mga bato, 152 00:20:34,123 --> 00:20:36,483 at nagsimulang lumaki ang planeta natin. 153 00:20:41,123 --> 00:20:43,523 Hanggang pagkalipas ng 20 milyong taon, 154 00:20:44,923 --> 00:20:46,803 ganap nang nabuo ang Earth. 155 00:20:49,403 --> 00:20:53,003 Nililibot pa rin ang Araw katulad ng ulap kung saan ito nagmula. 156 00:20:58,963 --> 00:21:02,323 Naglilibot nang isang beses kada 365 araw. 157 00:21:05,563 --> 00:21:07,723 Doon nakabatay ang isang taon sa Earth. 158 00:21:14,283 --> 00:21:16,723 Pero sa puntong ito ng kwento ng planeta, 159 00:21:17,803 --> 00:21:19,923 ito ay taon na wala pang mga panahon. 160 00:21:24,123 --> 00:21:26,763 Dahil ang kaguluhang lumikha sa kanila… 161 00:21:29,243 --> 00:21:31,123 ay paparating pa lang. 162 00:21:41,603 --> 00:21:45,403 Sa Alaska, ang tingkad ng tagsibol 163 00:21:46,643 --> 00:21:49,763 ay nagbigay-daan sa nakakatamad na mga araw ng tag-init. 164 00:22:01,523 --> 00:22:03,923 Limang buwan na ang mga supling ngayon. 165 00:22:06,643 --> 00:22:08,163 At nag-aaral pa rin sila… 166 00:22:10,443 --> 00:22:11,883 kung paanong maging oso. 167 00:22:25,043 --> 00:22:27,123 Dahil mabilis silang lumalaki, 168 00:22:28,083 --> 00:22:30,003 palaging gutom ang mga supling. 169 00:22:36,563 --> 00:22:38,843 At bagama't mukhang maganda, 170 00:22:41,083 --> 00:22:44,523 mahirap ang panahon ng tag-init sa Alaska. 171 00:22:54,723 --> 00:22:57,563 Dahil walang disenteng makakain sa parang, 172 00:22:58,083 --> 00:23:00,323 kailangang magtiis ng mga oso sa damo. 173 00:23:11,283 --> 00:23:16,283 Ibig sabihin, aasa pa rin ang mga supling sa gatas ng kanilang ina 174 00:23:16,363 --> 00:23:18,083 para sa karamihan ng pagkain nila. 175 00:23:35,563 --> 00:23:39,843 Pero hindi pa kumakain nang maayos si Luna mula noong nag-hibernate siya, 176 00:23:41,603 --> 00:23:44,083 kaya malapit na siyang maubusan. 177 00:23:53,123 --> 00:23:56,083 Pero sa malapit, sa kalawakan, 178 00:23:57,563 --> 00:23:59,203 parating na ang tulong. 179 00:24:05,923 --> 00:24:10,443 Dahil ngayon, may palaging kasama ang ating planeta. 180 00:24:13,043 --> 00:24:14,083 Ang Buwan. 181 00:24:16,363 --> 00:24:18,323 Hindi makaalis sa paglibot nito sa Earth, 182 00:24:19,763 --> 00:24:22,643 siya ang pinakamalapit nating kapitbahay sa kalawakan. 183 00:24:23,963 --> 00:24:27,403 Ang pinakamalaki at pinakamaliwanag na bagay sa langit tuwing gabi. 184 00:24:32,163 --> 00:24:35,563 At dahil napakalaki at napakalapit ng Buwan, 185 00:24:37,803 --> 00:24:40,603 naglalabas ito ng malakas na gravitational pull. 186 00:24:47,923 --> 00:24:51,523 Sapat ang lakas para maapektuhan ang mundo natin. 187 00:24:56,123 --> 00:24:59,203 Inaangat nito ang dagat mula sa ibabaw ng planeta… 188 00:25:07,563 --> 00:25:09,723 kaya tumataas ang tubig ng Earth. 189 00:25:16,003 --> 00:25:18,723 At sa ilang araw ng kabilugan at bagong Buwan, 190 00:25:20,843 --> 00:25:25,443 inilantad ng pinakamababang tubig ang isang bagong lupain. 191 00:25:29,803 --> 00:25:33,283 Ilang metro ng maputik na lupa ang makikita mula sa dalampasigan. 192 00:25:39,163 --> 00:25:42,843 Kaya maaabot ng mga gutom na oso ang nakabaong kayamanan. 193 00:25:50,603 --> 00:25:54,523 Na sakto ang tiyempo para kay Luna at sa pamilya niya. 194 00:26:02,523 --> 00:26:04,323 Pero mainam na hayaan 195 00:26:05,443 --> 00:26:08,163 ang matatanda sa paghahanap sa putikan. 196 00:26:17,123 --> 00:26:21,723 Mas mahusay nang 2,000 beses ang pang-amoy ni Luna kaysa sa atin. 197 00:26:24,523 --> 00:26:27,323 Sakto para sa paghahanap ng masasarap na morsel. 198 00:26:31,243 --> 00:26:33,203 Mga kabibeng malambot ang shell. 199 00:26:53,723 --> 00:26:56,243 Napakahusay niyang sikwatin ang mga ito, 200 00:26:57,443 --> 00:27:00,243 na kaya niyang umubos ng halos isa kada minuto. 201 00:27:20,483 --> 00:27:24,443 Mainam nang pandagdag ang mga kabibe sa kakaunti niyang nakakain sa tag-init. 202 00:27:31,763 --> 00:27:34,843 Mahalagang enerhiya na maipapasa niya sa mga supling. 203 00:27:39,843 --> 00:27:43,403 Ang mga regalong ito, na inihatid sa kanya ng Buwan, 204 00:27:43,923 --> 00:27:46,803 ay tutulong kay Luna na buhayin ang pamilya niya sa tag-init. 205 00:27:49,923 --> 00:27:52,523 Pero ang relasyon ng oso sa Buwan… 206 00:27:56,003 --> 00:27:58,483 ay mas malalim pa. 207 00:28:03,283 --> 00:28:06,003 Dahil noong nabuo ang Buwan 208 00:28:06,803 --> 00:28:08,763 ay nagkaroon ng mga panahon ang Earth. 209 00:28:11,243 --> 00:28:13,843 SOLAR SYSTEM 4.4 NA BILYONG TAON NA ANG NAKALIPAS 210 00:28:13,923 --> 00:28:16,083 Hindi nagtagal matapos itong mabuo, 211 00:28:17,003 --> 00:28:18,803 nagkaroon ng kasama ang ating planeta. 212 00:28:31,043 --> 00:28:32,843 Pero hindi 'yun ang Buwan. 213 00:28:34,963 --> 00:28:39,123 Ibang planeta iyon na nabuo sa landas ng paglilibot ng Earth. 214 00:28:44,563 --> 00:28:46,923 Isang kapatid na tinawag na Theia. 215 00:28:48,723 --> 00:28:50,843 Halos kasinlaki iyon ng Mars. 216 00:28:53,523 --> 00:28:56,723 Isang malaking bola ng bato at lava. 217 00:28:59,483 --> 00:29:01,243 Sa panahon ng kabataan nila, 218 00:29:03,083 --> 00:29:05,163 nagkasundo ang Earth at Theia. 219 00:29:11,363 --> 00:29:16,323 Hanggang magkaroon ng pagbabago sa gravity ng batang solar system… 220 00:29:19,723 --> 00:29:23,443 at nailagay ang dalawang planeta sa landas para magbanggaan. 221 00:29:28,923 --> 00:29:30,083 Sa sandaling ito, 222 00:29:32,083 --> 00:29:35,083 nanganib ang kinabukasan ng Earth. 223 00:29:54,043 --> 00:29:56,083 Nabura ang Theia… 224 00:29:59,523 --> 00:30:02,443 nang wasakin ng banggaan ang parehong daigdig. 225 00:30:29,163 --> 00:30:31,683 Sa maiksing sandali sa panahon ng kalawakan, 226 00:30:34,603 --> 00:30:37,043 nagkaroon ng dalawang buwan ang planeta natin. 227 00:30:46,403 --> 00:30:49,283 Pero pinabagsak 228 00:30:49,363 --> 00:30:53,043 ng gravity ang isa para lamunin ng Earth. 229 00:31:06,763 --> 00:31:09,923 Kaya iisa na lang ang buwan natin ngayon. 230 00:31:17,083 --> 00:31:21,243 At binago ng banggaan ang ating planeta magpakailanman. 231 00:31:28,323 --> 00:31:30,763 Dahil sa lakas ng pagtama, napahilig ito, 232 00:31:31,643 --> 00:31:35,083 kaya ngayon ay umiikot ito nang nakahilig nang 23 degrees. 233 00:31:41,003 --> 00:31:43,803 Kaya habang nililibot nito ang araw, 234 00:31:45,643 --> 00:31:47,123 at paisa-isang hemisphere 235 00:31:47,763 --> 00:31:51,683 ang nakaanggulo sa Araw, 236 00:31:55,043 --> 00:31:57,923 nagkaroon ng iba't ibang panahon ang Earth. 237 00:32:19,643 --> 00:32:22,123 Ngayong malapit nang matapos ang tag-init, 238 00:32:22,723 --> 00:32:25,243 senyales ang mas mahahabang gabi 239 00:32:25,323 --> 00:32:28,523 na malapit nang dumating ang marahas na taglamig ng Alaska. 240 00:32:32,603 --> 00:32:35,243 Pitong buwan na ang mga supling. 241 00:32:41,163 --> 00:32:45,683 At alam ni Luna na para mabuhay sila sa mahabang tulog nila sa taglamig, 242 00:32:46,403 --> 00:32:49,443 kailangan nilang mag-ipon ng reserbang taba. 243 00:33:06,043 --> 00:33:08,283 Pero palaging pinaaalala ng Buwan… 244 00:33:12,963 --> 00:33:14,523 na parating na ang tulong. 245 00:33:19,843 --> 00:33:23,003 Isang libong kilometro mula sa dalampasigan ng Alaska, 246 00:33:25,003 --> 00:33:28,563 isa pang nilalang ang tumutugma sa ritmo ng panahon sa Earth. 247 00:33:32,243 --> 00:33:34,003 Ang sockeye salmon. 248 00:33:36,803 --> 00:33:39,723 Matapos ang dalawang taong pagala-gala sa Dagat Pasipiko, 249 00:33:42,803 --> 00:33:44,163 nasa hustong gulang na sila. 250 00:33:46,123 --> 00:33:48,483 At ngayon, ang pagbabago sa haba ng araw 251 00:33:49,803 --> 00:33:52,803 ay nag-uudyok ng paglalabas ng hormones sa kanilang dugo. 252 00:33:56,283 --> 00:33:59,363 Mga kemikal na senyales na nagpapabago ng kanilang asal. 253 00:34:08,123 --> 00:34:11,403 Tinatawagan silang mag-breed 254 00:34:11,483 --> 00:34:13,803 sa mga ilog kung saan sila ipinanganak. 255 00:34:34,323 --> 00:34:36,123 Pagod at gutom na si Luna, 256 00:34:37,163 --> 00:34:41,643 pero dinadala niya pa rin ang kanyang mga supling sa tabing-ilog. 257 00:34:54,123 --> 00:34:59,043 Dahil pakiramdam niya, may mangyayaring mahiwaga. 258 00:35:04,123 --> 00:35:09,003 Ngayong araw na ito, ang kakaibang orasan ng mga panahon 259 00:35:09,083 --> 00:35:12,443 ay maghahatid ng mahalagang ikinabubuhay ng mga oso. 260 00:35:33,563 --> 00:35:37,723 Umabot na ang Earth sa posisyong naikot na nito ang Araw. 261 00:35:41,763 --> 00:35:44,283 At ngayon, patataasin ng Buwan ang tubig. 262 00:35:50,043 --> 00:35:51,763 Ibibigay nito ang huling udyok 263 00:35:52,363 --> 00:35:55,283 para dalhin ang mga salmon sa ilog. 264 00:36:40,563 --> 00:36:45,563 Sa wakas, nakatikim na ng salmon ang mga supling. 265 00:36:51,203 --> 00:36:55,003 Bagama't hindi sasapat ang isang isda para sa pangangailangan nila sa taglamig, 266 00:36:55,963 --> 00:36:58,883 ito ang unang totoong kain ng mga supling 267 00:36:59,403 --> 00:37:01,483 sa loob ng halos walong buwan. 268 00:37:18,083 --> 00:37:21,923 Nakahinga si Luna sa pagdating ng unang salmon. 269 00:37:24,763 --> 00:37:26,643 Dahil ayon sa karanasan niya, 270 00:37:27,763 --> 00:37:31,243 hindi magtatagal, mas marami pang isda ang darating. 271 00:37:50,763 --> 00:37:52,763 Habang mas umiiksi ang araw, 272 00:37:54,443 --> 00:37:58,323 ang parehong hormones na nagtulak sa salmon na maglakbay 273 00:37:59,243 --> 00:38:01,563 ang magiging dahilan ng pagbabago nila. 274 00:38:09,003 --> 00:38:10,843 Mag-iiba ang hugis ng ulo niya. 275 00:38:13,043 --> 00:38:15,723 At mamumula ang mga katawan. 276 00:38:19,083 --> 00:38:21,003 Milyun-milyon 277 00:38:21,523 --> 00:38:25,963 ang aakyat sa ilog, papunta sa lugar ng pangitlugan nila. 278 00:38:36,163 --> 00:38:40,443 At makukumpleto na ang kwento ng oso. 279 00:38:49,163 --> 00:38:52,563 Isang kwentong kasingtanda ng planeta. 280 00:39:02,723 --> 00:39:04,323 Ang pagkakabuo ng Earth, 281 00:39:09,803 --> 00:39:12,083 ang banggaang lumikha sa Buwan, 282 00:39:15,043 --> 00:39:18,883 at ang natatanging relasyon ng planeta natin sa buwan at bituin nito… 283 00:39:25,443 --> 00:39:28,683 ay nagsama-sama para lumikha 284 00:39:28,763 --> 00:39:31,443 ng mundong walang katulad sa universe. 285 00:39:33,963 --> 00:39:35,643 Isang Goldilocks na planeta. 286 00:39:38,643 --> 00:39:42,723 Ang tanging lugar na alam nating sakto para sa buhay. 287 00:40:04,363 --> 00:40:05,403 At para ka Luna, 288 00:40:06,043 --> 00:40:09,363 ang apat at kalahating bilyong taong kasaysayan ng kalawakan 289 00:40:10,963 --> 00:40:14,043 ay humantong sa sandaling ito. 290 00:40:21,803 --> 00:40:24,123 Ang taunang pagsasama 291 00:40:24,203 --> 00:40:27,203 ng salmon at oso. 292 00:40:38,203 --> 00:40:40,443 At ang bihirang oportunidad 293 00:40:42,203 --> 00:40:43,483 na pakainin ang pamilya. 294 00:40:51,163 --> 00:40:55,123 Nakuha na ni Luna at ng mga supling niya ang kakailanganin nila sa taglamig. 295 00:40:57,443 --> 00:41:02,003 At bagama't sa huli, hindi tiyak ang hinaharap nila sa nagbabagong planeta, 296 00:41:03,363 --> 00:41:06,523 sa taong ito, bubuhayin sila ng salmon… 297 00:41:10,443 --> 00:41:12,403 habang nagpapatuloy ang ating planeta 298 00:41:12,483 --> 00:41:16,563 sa walang katapusang paglilibot sa Araw. 299 00:41:26,683 --> 00:41:29,763 Susunod sa kwento ng ating universe, 300 00:41:31,203 --> 00:41:34,763 ang lagalag sa karagatan na may life cycle na nagbubunyag 301 00:41:35,443 --> 00:41:39,363 kung paano nalikha ang lahat ng bagay sa universe. 302 00:41:41,163 --> 00:41:43,443 Dahil sa bawat itlog ng pagong 303 00:41:44,323 --> 00:41:46,763 ay may mga atom mula sa Big Bang… 304 00:41:49,043 --> 00:41:52,603 na nabuo habang namamatay ang mga bituin. 305 00:41:56,203 --> 00:41:59,043 Pero paano nalilikha ang mga bituin at planeta? 306 00:42:00,883 --> 00:42:03,523 At paano nagkakaroon ng buhay 307 00:42:04,843 --> 00:42:06,963 ang parehong mga sangkap? 308 00:42:56,483 --> 00:43:01,443 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Ivee Jade Tanedo