1 00:00:14,203 --> 00:00:15,163 Pagsapit ng gabi… 2 00:00:15,243 --> 00:00:17,763 ISANG DOCUMENTARY SERIES NG NETFLIX 3 00:00:19,283 --> 00:00:22,923 …nabubunyag ang koneksyon ng ating planeta sa universe. 4 00:00:28,203 --> 00:00:29,603 Isang bulalakaw. 5 00:00:31,243 --> 00:00:34,523 Isang sinaunang bato mula sa kasuluk-sulukan ng kalawakan… 6 00:00:38,723 --> 00:00:40,083 na malalaglag sa Earth. 7 00:00:50,363 --> 00:00:54,923 Laman nito ang mga elementong kemikal na bumuo sa ating universe. 8 00:01:10,523 --> 00:01:12,363 Sa loob ng maraming henerasyon, 9 00:01:13,043 --> 00:01:16,203 nagpagala-gala ang mga pagong sa karagatan, 10 00:01:16,803 --> 00:01:20,523 habang nag-iipon ng mga elemento ng kalawakan mula sa kinakain nila. 11 00:01:24,203 --> 00:01:27,163 Katulad ng ginawa nila sa loob ng daan-daang milyong taon, 12 00:01:33,923 --> 00:01:35,603 bawat bagong henerasyon 13 00:01:37,563 --> 00:01:40,403 ay nire-recycle ang parehong stardust na ito… 14 00:01:43,363 --> 00:01:45,243 para malikha ang susunod. 15 00:01:53,843 --> 00:01:55,443 Isinilang sa Big Bang 16 00:01:56,883 --> 00:01:59,443 at binuo sa puso ng mga bituin, 17 00:02:01,683 --> 00:02:05,643 90 elementong kemikal ang lumikha ng lahat ng bagay. 18 00:02:08,163 --> 00:02:10,723 Walang-katapusang nire-recycle at binabago 19 00:02:11,723 --> 00:02:15,203 sa buong kasaysayan ng universe. 20 00:02:18,283 --> 00:02:19,523 At ngayon, 21 00:02:21,683 --> 00:02:23,603 gamit ang parehong mga elemento, 22 00:02:24,803 --> 00:02:27,763 bawat bagong pagong ay nagsisimula ng bagong buhay… 23 00:02:34,003 --> 00:02:37,643 na sumasalamin sa buhay ng mga bituin. 24 00:03:18,443 --> 00:03:21,003 Sa Great Barrier Reef ng Australia, 25 00:03:28,723 --> 00:03:31,163 may nangyaring mahiwaga. 26 00:03:37,923 --> 00:03:40,483 Pagkatapos ng 50 araw sa ilalim ng buhangin, 27 00:03:41,523 --> 00:03:44,243 lumikha ng buhay ang mga elementong kemikal 28 00:03:44,763 --> 00:03:46,803 mula sa kalawakan. 29 00:03:49,323 --> 00:03:52,643 Nagsasama-sama para mabuo ang susunod na henerasyon 30 00:03:53,443 --> 00:03:55,443 ng mga pagong. 31 00:04:18,443 --> 00:04:22,923 Naubos na ng mga itlog ang kanilang suplay ng mga elementong nagbibigay-buhay. 32 00:04:39,803 --> 00:04:42,403 At ngayon, makakatikim na ng hangin 33 00:04:42,483 --> 00:04:45,203 ang mga sanggol na pagong. 34 00:04:59,123 --> 00:05:03,083 At habang nagkakandarapang makarating sa tubig ang mga kapatid niya, 35 00:05:08,643 --> 00:05:09,843 isang munting babae… 36 00:05:12,603 --> 00:05:14,443 ang huling ipapanganak. 37 00:05:20,163 --> 00:05:22,203 Upang tumanda at lumaki, 38 00:05:23,923 --> 00:05:27,763 kailangan niyang umani ng mga elementong kemikal mula sa dagat. 39 00:05:36,843 --> 00:05:38,443 Mapanganib na paglalakbay ito… 40 00:05:41,163 --> 00:05:43,323 at bawat sulok, may pagtataksil. 41 00:05:50,443 --> 00:05:52,203 Pero para sa maliliit na pagong, 42 00:05:53,243 --> 00:05:56,403 hindi mapigilang tumugon sa tawag ng karagatan. 43 00:06:09,883 --> 00:06:11,243 Mula sa pugad ng 100, 44 00:06:12,363 --> 00:06:14,923 minsan, iisa lang ang nabubuhay. 45 00:06:18,723 --> 00:06:20,883 Minsan, wala. 46 00:07:13,603 --> 00:07:15,243 Pero sa kabila ng panganib, 47 00:07:17,283 --> 00:07:21,923 alam ng munting babae na kailangan niyang makarating sa tubig. 48 00:07:59,923 --> 00:08:01,363 Makakakita siya ng daanan… 49 00:08:04,723 --> 00:08:05,963 at susunggaban niya ito. 50 00:08:20,923 --> 00:08:21,843 Sa araw na ito, 51 00:08:24,443 --> 00:08:25,763 susuwertehin siya. 52 00:08:29,123 --> 00:08:30,843 Hindi siya titigil sa paglangoy 53 00:08:31,443 --> 00:08:34,443 hanggang makalayo na siya sa bahura. 54 00:08:47,163 --> 00:08:51,563 Ligtas na at malayo sa mga predator na nagtitipon sa mababaw na bahagi, 55 00:08:52,763 --> 00:08:55,963 mawawala na siya sa malalim at malawak na karagatan… 56 00:09:03,243 --> 00:09:07,643 upang ilaan ang kanyang kabataan sa pagkain ng mga atom. 57 00:09:14,283 --> 00:09:17,603 Mga atom, na nagmula pa 58 00:09:17,683 --> 00:09:20,963 sa umpisa ng buhay ng cosmos. 59 00:09:27,163 --> 00:09:30,083 Mula pa noong panahong 60 00:09:30,843 --> 00:09:32,843 sanggol pa ang ating universe. 61 00:09:48,043 --> 00:09:49,643 Sa isang iglap, 62 00:09:50,243 --> 00:09:53,083 ang wala ay naging lahat. 63 00:09:56,323 --> 00:09:59,843 Ipinanganak ang ating universe sa Big Bang. 64 00:10:07,443 --> 00:10:08,323 Noong una, 65 00:10:09,083 --> 00:10:11,483 mainit at mabigat na hamog lang ito. 66 00:10:19,123 --> 00:10:21,523 Pero habang patuloy itong lumalawak, 67 00:10:24,403 --> 00:10:26,203 nagsimulang lumamig ang hamog. 68 00:10:29,443 --> 00:10:32,403 At sa pinakamaliit na sukatang posible, 69 00:10:33,643 --> 00:10:36,083 may nangyaring nakakamangha. 70 00:10:42,043 --> 00:10:45,483 Nag-condense ang mga unang atom mula sa fog. 71 00:10:50,163 --> 00:10:52,443 Mga atom ng hydrogen. 72 00:10:56,083 --> 00:10:59,643 Ang pinakaunang elemento sa universe. 73 00:11:06,683 --> 00:11:07,843 At sa karagatan, 74 00:11:08,723 --> 00:11:11,963 hinahabol iyon ng mga batang pagong. 75 00:11:15,203 --> 00:11:17,523 Sa paglabas nila mula sa malalim 76 00:11:17,603 --> 00:11:20,283 upang maghanap sa mababaw na bahagi ng bahura. 77 00:11:24,963 --> 00:11:26,603 Ito si Stella. 78 00:11:27,803 --> 00:11:32,563 Isa sa masusuwerteng nakaalis sa dalampasigan, tungo sa karagatan. 79 00:11:41,523 --> 00:11:45,083 Mahigit 2,000 beses na ang timbang niya kaysa noong napisa siya 80 00:11:45,883 --> 00:11:47,163 at mabilis na lumalaki. 81 00:11:51,883 --> 00:11:55,483 Dahil sa pagkain ng mga nilalang na palutang-lutang sa ibabaw. 82 00:11:56,883 --> 00:11:59,923 Isang elemento ang higit na mas naani niya sa iba. 83 00:12:08,683 --> 00:12:09,523 Ang hydrogen. 84 00:12:12,603 --> 00:12:16,843 Binubuo nito ang mahigit kalahati ng lahat ng atom sa kinakain niya. 85 00:12:20,843 --> 00:12:24,523 At ito ang pinakamasagana sa lahat ng buhay na nilalang. 86 00:12:28,643 --> 00:12:32,243 Mula sa mga isda hanggang sa mga invertebrate. 87 00:12:39,003 --> 00:12:41,363 Mga anemone at koral. 88 00:12:54,483 --> 00:12:58,603 Ang mga hydrogen atom na nabuo sa bukang-liwayway ng universe 89 00:12:59,563 --> 00:13:03,243 ay naipasa mula sa bituin tungo sa planeta, 90 00:13:04,363 --> 00:13:05,963 planeta tungo sa hayop, 91 00:13:08,363 --> 00:13:11,323 at mula sa hinahabol tungo sa nanghahabol. 92 00:13:22,123 --> 00:13:27,043 Ibig sabihin nito para kay Stella, puno ng panganib ang bahura. 93 00:13:30,923 --> 00:13:33,963 Naghahanap ang mga tiger shark, na gutom sa parehong atom, 94 00:13:34,043 --> 00:13:37,323 ng mga pagong sa buong buhay nila bilang nasa hustong gulang. 95 00:13:45,323 --> 00:13:48,603 Ang pangunahing depensa ni Stella ay ang kanyang baluti. 96 00:13:52,323 --> 00:13:55,323 Na may butong pinatigas ng calcium at phosphorus. 97 00:14:02,363 --> 00:14:05,483 Mga elementong nagmula pa sa isa pang mahalagang sandali… 98 00:14:09,443 --> 00:14:11,323 sa buhay ng ating universe. 99 00:14:13,083 --> 00:14:17,483 13.5 BILYONG TAON NA ANG NAKALIPAS 100 00:14:21,963 --> 00:14:25,723 Para noong unang 300 milyong taon matapos ang Big Bang, 101 00:14:28,123 --> 00:14:31,043 wala pang planeta at bituin. 102 00:14:34,123 --> 00:14:36,643 Ang madilim na yugto ng universe. 103 00:14:42,403 --> 00:14:44,163 Nakatago sa karimlan, 104 00:14:44,683 --> 00:14:48,643 sa malawak at sala-salabat na hydrogen gas sa kalawakan. 105 00:14:53,323 --> 00:14:55,603 Tapos, nakakamangha, 106 00:14:56,243 --> 00:14:59,043 dahil nahila nila ang isa't isa dahil sa gravity, 107 00:15:02,443 --> 00:15:04,563 at isinilang ang mga unang bituin. 108 00:15:11,163 --> 00:15:13,283 Ito ang bukang-liwayway ng kalawakan. 109 00:15:16,763 --> 00:15:20,923 Ang sandaling nabuksan ang ilaw. 110 00:15:28,043 --> 00:15:30,723 At sa kailaliman ng mga unang bituing iyon, 111 00:15:34,923 --> 00:15:37,203 nagsimula ang kahanga-hangang proseso. 112 00:15:43,243 --> 00:15:46,123 Napakatindi ng mga temperatura at presyur… 113 00:15:48,123 --> 00:15:50,403 kaya nalikha ang mga bagong elemento. 114 00:15:52,563 --> 00:15:56,443 Pinagsama ang mga atom ng hydrogen para malikha ang helium. 115 00:15:58,843 --> 00:16:01,923 Nang magsama sila, may enerhiyang inilabas. 116 00:16:04,563 --> 00:16:09,243 Lumikha iyon ng sunud-sunod na reaksyong nagbunga ng mas mabibigat na elemento. 117 00:16:12,363 --> 00:16:15,683 Kabilang iyong mahahalaga para sa buhay. 118 00:16:17,683 --> 00:16:21,403 Nagsama ang tatlong helium para malikha ang carbon. 119 00:16:26,843 --> 00:16:29,843 Ang elemento kung saan nakabatay ang lahat ng buhay. 120 00:16:31,803 --> 00:16:34,603 Nabuo ng carbon at helium ang oxygen. 121 00:16:36,163 --> 00:16:37,803 Ang hangin na nilalanghap natin. 122 00:16:39,723 --> 00:16:42,923 Nagkumbina ang mga atom ng oxygen para malikha ang phosphorus. 123 00:16:44,963 --> 00:16:47,203 Tapos ang silicon at calcium. 124 00:16:50,243 --> 00:16:53,283 Ang mga elementong bumubuo sa bawat buhay na nilalang 125 00:16:54,363 --> 00:16:58,843 ay nalikha sa puso ng mga naunang bituin. 126 00:17:31,043 --> 00:17:32,003 Para kay Stella, 127 00:17:33,203 --> 00:17:35,083 napakahalaga ng ibang elemento 128 00:17:38,643 --> 00:17:41,483 na maglalakbay siya nang malayo para lang mahanap ito. 129 00:17:49,123 --> 00:17:51,563 300 KILOMETRO MULA SA TAHANAN 130 00:17:51,643 --> 00:17:56,043 Ang mainit at mababaw na tubig sa pagitan ng Australia't Papua New Guinea 131 00:17:57,403 --> 00:17:59,883 ay paraiso ng matitingkad na damong-dagat. 132 00:18:04,243 --> 00:18:06,723 Ang mga kaparangan ng karagatan. 133 00:18:16,163 --> 00:18:18,763 Naglakbay si Stella papunta rito 134 00:18:19,603 --> 00:18:22,083 para makuha ang mahikal na sangkap nito. 135 00:18:32,603 --> 00:18:34,043 Habang tumutubo, 136 00:18:34,123 --> 00:18:37,443 sumisipsip ang damong-dagat ng mga elemento mula sa kalawakan 137 00:18:37,963 --> 00:18:40,723 na nakarating sa pinakaibaba ng dagat. 138 00:18:43,923 --> 00:18:48,083 Lumalagong damo na mayaman sa calcium at phosphorus 139 00:18:49,803 --> 00:18:53,323 ang nagbibigay kay Stella ng mga mineral na kailangan niya 140 00:18:55,123 --> 00:18:58,363 upang mabuo at mapanatili ang proteksyon niyang shell. 141 00:19:01,923 --> 00:19:06,043 Pinatitigas ang baluti niya para sa mga darating na pagsubok. 142 00:19:14,443 --> 00:19:17,003 Ilalaan ni Stella ang kanyang pagkadalaga 143 00:19:17,723 --> 00:19:19,243 sa paghahanap sa karagatan 144 00:19:20,963 --> 00:19:24,283 ng mga atom na isinilang sa mga bituin. 145 00:19:33,283 --> 00:19:35,643 Ang paglalakbay niya tungo sa hustong gulang… 146 00:19:37,363 --> 00:19:40,843 ay kapantay ng kwento ng ating universe. 147 00:19:45,283 --> 00:19:48,363 Dahil tatlong bilyong taon pagkatapos ng Big Bang, 148 00:19:53,923 --> 00:19:56,723 patapos na rin ang kabataan ng universe. 149 00:20:02,683 --> 00:20:06,603 Papasok na ito sa napakaaktibong yugto 150 00:20:06,683 --> 00:20:08,683 ng pagbubuo ng mga bituin. 151 00:20:12,243 --> 00:20:13,283 Habang lumalaki, 152 00:20:14,003 --> 00:20:17,323 nahila ang mga bituin papunta sa malalawak na kalawakan. 153 00:20:20,123 --> 00:20:21,843 Katulad ng ating Milky Way. 154 00:20:25,043 --> 00:20:27,083 At sa loob ng mga kalawakang iyon, 155 00:20:28,203 --> 00:20:30,883 ang mga elementong kemikal na nilikha ng bawat bituin, 156 00:20:34,563 --> 00:20:36,083 ay natransporma 157 00:20:37,363 --> 00:20:40,763 tungo sa mga planeta at buwan. 158 00:20:49,963 --> 00:20:51,963 Pagkalipas ng bilyun-bilyong taon, 159 00:20:53,363 --> 00:20:55,603 nag-mature ang mga elementong kemikal 160 00:20:56,763 --> 00:20:59,163 tungo sa Earth na kilala natin ngayon. 161 00:21:09,403 --> 00:21:13,363 2000 KILOMETRO MULA SA TAHANAN 162 00:21:23,123 --> 00:21:25,843 Nasa hustong gulang na rin si Stella. 163 00:21:29,923 --> 00:21:31,803 Mahigit isang metro na ang haba, 164 00:21:32,323 --> 00:21:35,643 may makapal siyang shell na balot sa lumot. 165 00:21:39,283 --> 00:21:42,443 Mainam na kamoplahe para makaraan sa mga bahura. 166 00:21:46,643 --> 00:21:49,163 Iisa na sila ngayon ng karagatan. 167 00:21:55,843 --> 00:21:57,523 Mga atom mula sa mga bituin… 168 00:21:59,363 --> 00:22:02,643 na tumpak na iniakma sa buhay sa dagat. 169 00:22:11,043 --> 00:22:13,523 Isang halimbawa lang ito ng buhay sa Earth… 170 00:22:15,323 --> 00:22:18,363 na natatanging inihulma mula sa kalawakan. 171 00:22:35,763 --> 00:22:39,123 Handa na si Stella para sa susunod na yugto ng buhay niya. 172 00:22:43,723 --> 00:22:47,043 Dahil magiging ina na siya. 173 00:22:50,243 --> 00:22:51,363 Sa loob ng katawan niya, 174 00:22:54,003 --> 00:22:56,523 dala-dala niya ang tumpok ng 100 itlog. 175 00:22:58,323 --> 00:23:01,323 Ang una sa maraming mararanasan niya sa buong buhay niya. 176 00:23:03,723 --> 00:23:07,683 Ang sarili niyang importanteng karga ng stardust. 177 00:23:15,803 --> 00:23:17,163 Sa buong bahura, 178 00:23:18,403 --> 00:23:20,843 nabubuo bilang bagong buhay ang mga atom. 179 00:23:25,523 --> 00:23:30,203 Nililikha ang isa sa pinakamayayamang ecosystem sa Earth. 180 00:23:35,963 --> 00:23:37,683 Pero ang ating planeta… 181 00:23:41,363 --> 00:23:42,443 ay isang outlier. 182 00:23:45,003 --> 00:23:47,163 Sa iba pang bahagi ng solar system, 183 00:23:47,243 --> 00:23:49,203 ang parehong mga elemento 184 00:23:49,283 --> 00:23:54,043 ay lumikha ng mga daigdig na hindi kasing-angkop sa buhay. 185 00:23:59,963 --> 00:24:01,363 Pinakamalapit sa araw, 186 00:24:02,123 --> 00:24:05,043 ang Mercury ay planetang mayaman sa carbon. 187 00:24:07,923 --> 00:24:09,923 Pero sa halip na lumikha ng buhay… 188 00:24:11,603 --> 00:24:14,123 …ang carbon ay nasusunog hanggang sa ubod nito. 189 00:24:16,203 --> 00:24:19,963 Sa isang mundong sinusunog ng starlight. 190 00:24:22,563 --> 00:24:26,483 Samantala, sa pinakamalalayong bahagi ng solar system, 191 00:24:26,563 --> 00:24:28,603 ang nagyeyelong temperatura ng Neptune 192 00:24:29,523 --> 00:24:33,883 ay nagdudulot ng pamumuo ng mga ulap ng methane mula sa carbon at hydrogen. 193 00:24:36,723 --> 00:24:40,923 Ang nakakasakal na gas na nagbibigay ng kulay asul nito. 194 00:24:46,683 --> 00:24:48,003 At kahit sa Mars, 195 00:24:49,203 --> 00:24:52,283 isang planetang may mga sangkap na katulad ng sa Earth, 196 00:24:54,363 --> 00:24:57,043 ang kakulangan sa atmosphere na mayaman sa oxygen 197 00:24:57,563 --> 00:25:00,923 ay nangangahulugang walang mabubuhay rito. 198 00:25:07,843 --> 00:25:12,123 Sa Earth lamang may mainam na kondisyon. 199 00:25:18,363 --> 00:25:19,363 Pero kahit dito, 200 00:25:20,163 --> 00:25:22,643 matindi ang kumpetisyon para sa mga elemento. 201 00:25:24,243 --> 00:25:25,083 At ang panganib… 202 00:25:27,603 --> 00:25:29,163 ay 'di kailanman nalalayo. 203 00:25:44,923 --> 00:25:47,843 Mabuti na lang at eksperto na si Stella sa tagu-taguan. 204 00:26:29,963 --> 00:26:31,683 Bagama't ligtas pa sa ngayon, 205 00:26:34,363 --> 00:26:37,603 kahaharapin ni Stella ang pinakamalaking hamon ng buhay. 206 00:26:39,563 --> 00:26:42,323 Ang bumalik sa Great Barrier Reef, 207 00:26:43,963 --> 00:26:45,883 at sa isla ng kapanganakan niya, 208 00:26:49,523 --> 00:26:51,923 upang mangitlog sa buhangin. 209 00:26:58,923 --> 00:27:01,723 Pero ang buong buhay na palaboy-laboy sa karagatan 210 00:27:02,243 --> 00:27:05,643 ay nangangahulugang 2,000 kilometro na ang layo niya. 211 00:27:09,883 --> 00:27:11,563 Ang pag-uwi ni Stella 212 00:27:12,203 --> 00:27:14,803 ay isa sa mga hiwaga ng mundo ng kalikasan. 213 00:27:21,443 --> 00:27:22,803 Sa kailaliman ng Earth, 214 00:27:23,643 --> 00:27:26,763 lumilikha ang ubod ng ating planeta ng magnetic field… 215 00:27:28,883 --> 00:27:33,843 na nagbibigay ng natatanging magnetic signature sa bawat lugar dito. 216 00:27:37,603 --> 00:27:39,163 Nang mapisa siya, 217 00:27:39,243 --> 00:27:43,563 naitatak sa utak ni Stella ang signature ng kanyang isla. 218 00:27:46,243 --> 00:27:48,243 At para makabalik siya, 219 00:27:48,323 --> 00:27:51,643 aasa siya sa isa na namang elementong kemikal. 220 00:27:53,803 --> 00:27:56,923 Iyong nag-uugnay sa kanya sa ubod ng planeta. 221 00:28:00,443 --> 00:28:05,123 Isang elementong nalilikha lang kapag namamatay ang mga bituin. 222 00:28:10,723 --> 00:28:12,763 Sa malapit na bahagi ng kalawakan, 223 00:28:13,763 --> 00:28:16,123 dalawa't kalahating milyon na ang nakalipas, 224 00:28:16,763 --> 00:28:20,763 isang dramatikong pagbabago ang nangyari sa ubod ng higanteng bituin. 225 00:28:25,323 --> 00:28:29,403 Buong buhay nito, pinagana ito ng nuclear fusion. 226 00:28:35,923 --> 00:28:37,243 Ang enerhiyang inilabas 227 00:28:39,083 --> 00:28:41,883 ay lumilikha ng mas mabibigat na elemento. 228 00:28:45,243 --> 00:28:47,803 Hanggang maging napakainit na ng ubod, 229 00:28:48,683 --> 00:28:49,923 at nagsimula itong lumikha 230 00:28:51,683 --> 00:28:52,523 ng iron. 231 00:28:55,403 --> 00:28:58,243 Na nagdulot ng pundamental na pagbabago. 232 00:29:03,123 --> 00:29:06,083 Dahil ang paglikha ng iron ay hindi naglalabas ng enerhiya. 233 00:29:08,163 --> 00:29:09,203 Nilalamon nito iyon. 234 00:29:15,923 --> 00:29:18,523 Habang paparami ang nalilikhang bakal na ito, 235 00:29:19,283 --> 00:29:22,803 kumalat ito sa ubod na parang sakit. 236 00:29:27,203 --> 00:29:29,203 Habang kinakain ang init ng bituin. 237 00:29:33,923 --> 00:29:34,923 Inuubos ito. 238 00:29:46,323 --> 00:29:48,803 Nang wala nang init na magpapanatili nito. 239 00:29:52,883 --> 00:29:54,443 Mula sa sandaling ito, 240 00:29:57,523 --> 00:29:59,723 nakatadhana nang mamatay ang bituin. 241 00:30:11,643 --> 00:30:16,243 Ang resultang pagsabog ay kasinliwanag ng 10 bilyong araw. 242 00:30:22,043 --> 00:30:27,043 Isang supernova na nagpatalsik ng mga alikabok na mayaman sa iron. 243 00:30:35,163 --> 00:30:38,163 Na nakarating sa ating planeta. 244 00:30:43,203 --> 00:30:44,323 At hanggang ngayon, 245 00:30:45,323 --> 00:30:50,323 100 toneladang stardust ang pumapasok sa atmosphere ng Earth araw-araw. 246 00:30:53,123 --> 00:30:56,843 Ang ilan ay tira-tira mula sa pagkakabuo ng solar system. 247 00:31:00,643 --> 00:31:04,523 Ang ilan ay napadpad dito mula sa malalayong supernova. 248 00:31:08,443 --> 00:31:09,923 Isang direktang ugnayan 249 00:31:10,003 --> 00:31:13,683 sa pagitan ng ating planeta at mga bituin. 250 00:31:19,723 --> 00:31:22,003 At ang iron sa alikabok na ito 251 00:31:22,563 --> 00:31:25,443 ang nagpapahintulot kay Stella na makauwi. 252 00:31:33,563 --> 00:31:35,443 Dahil sa kailaliman ng utak niya… 253 00:31:38,323 --> 00:31:40,403 pinaniniwalaang naglalaman ang mga selyula 254 00:31:40,483 --> 00:31:43,723 ng mga kristal ng magnetite. 255 00:31:44,563 --> 00:31:48,803 Isang mineral na mayaman sa iron na humahanay sa magnetic field ng Earth. 256 00:31:52,803 --> 00:31:53,723 Isang compass, 257 00:31:55,603 --> 00:31:57,883 na nagtuturo sa kanya sa tamang direksyon. 258 00:32:05,483 --> 00:32:07,563 Na nagpapahintulot kay Stella na mahanap 259 00:32:07,643 --> 00:32:11,763 ang magnetic fingerprint ng tahanan niya. 260 00:32:19,523 --> 00:32:22,723 Kaya isang elementong nabuo sa isang supernova… 261 00:32:30,403 --> 00:32:34,323 ang gagabay sa kanya sa maraming kilometro ng madilim na karagatan. 262 00:32:48,643 --> 00:32:49,963 Pabalik sa isla… 263 00:32:53,843 --> 00:32:55,523 kung saan siya ipinanganak. 264 00:33:08,163 --> 00:33:12,083 Pero may iba pang nilalang na may magnetic na kakayahang umuwi. 265 00:33:14,723 --> 00:33:16,523 Meron din ang mga pating. 266 00:33:19,643 --> 00:33:22,403 At dinadala rin sila nito pabalik sa parehong isla. 267 00:33:26,603 --> 00:33:28,963 Dahil sa loob ng ilang buwan kada taon, 268 00:33:29,043 --> 00:33:32,643 libu-libong babaeng pagong ang pumupunta rito para mangitlog. 269 00:33:34,643 --> 00:33:37,323 Ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga pagong 270 00:33:38,003 --> 00:33:39,963 sa alinmang parte ng planeta. 271 00:33:45,643 --> 00:33:50,363 At habang lumalapit sila sa dalampasigan, nagsisimula ang kainan. 272 00:34:03,843 --> 00:34:06,203 Dapat hintayin ni Stella ang tamang sandali… 273 00:34:08,883 --> 00:34:10,203 para makahanap ng daanan 274 00:34:12,203 --> 00:34:14,123 at iwasang mapaslang. 275 00:34:32,123 --> 00:34:34,083 Kapag nakalampas na ang panganib, 276 00:34:37,483 --> 00:34:39,603 lalangoy na siya papunta sa dalampasigan. 277 00:34:52,323 --> 00:34:54,363 Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, 278 00:34:57,123 --> 00:34:59,283 lalabas na si Stella sa buhangin 279 00:35:00,883 --> 00:35:03,563 na huling nadampian niya bilang bagong pisa. 280 00:35:28,083 --> 00:35:30,963 Ang mga elementong buong buhay niyang kinokolekta… 281 00:35:36,643 --> 00:35:38,603 ay ligtas nang naihatid sa buhangin. 282 00:35:45,283 --> 00:35:47,003 Kumpleto na ang misyon ni Stella, 283 00:35:47,563 --> 00:35:49,283 at babalik siya sa karagatan… 284 00:35:52,923 --> 00:35:56,643 upang mag-ipon na ulit ng stardust. 285 00:36:00,523 --> 00:36:01,843 At ang siklo ng buhay niya… 286 00:36:03,683 --> 00:36:06,563 ay sasabay sa pinakamalaking siklo. 287 00:36:08,483 --> 00:36:11,963 Ang buhay at kamatayan ng mga bituin. 288 00:36:22,523 --> 00:36:25,643 Dahil sa malayong parte ng kalawakan, 289 00:36:27,043 --> 00:36:29,723 ang mga abo ng 'di mabibilang na supernova 290 00:36:29,803 --> 00:36:34,523 ay nagsama-sama upang bumuo ng higanteng nebula. 291 00:36:41,323 --> 00:36:44,523 Isang ulap ng stardust na ilampung light-year ang layo. 292 00:36:48,163 --> 00:36:52,643 At nakabaon doon ang mga lugar kung saan nagsisimulang mabuo 293 00:36:53,883 --> 00:36:55,443 ang susunod na mga bituin. 294 00:37:06,843 --> 00:37:08,443 Na tinatawag na proplyds. 295 00:37:10,443 --> 00:37:12,923 Para silang malalaking itlog sa kalawakan. 296 00:37:15,043 --> 00:37:17,723 Ang bawat isa ay mas malaki sa ating solar system. 297 00:37:23,763 --> 00:37:26,683 Sa loob ng kanilang shell ng ionized gas, 298 00:37:28,603 --> 00:37:31,523 humihila ng stardust ang puwersa ng gravity. 299 00:37:38,923 --> 00:37:42,443 At ang stardust sa loob ng mga itlog ni Stella… 300 00:37:45,483 --> 00:37:47,603 ay nagkakahugis na rin. 301 00:37:56,243 --> 00:37:58,243 Habang natatransporma 302 00:37:59,203 --> 00:38:01,763 ang mga elementong naipon niya… 303 00:38:08,323 --> 00:38:11,843 tungo sa bagay na nagmumukha nang maliit na nilalang. 304 00:38:24,323 --> 00:38:25,683 At sa loob ng proplyd, 305 00:38:27,883 --> 00:38:30,283 ang mga gas tulad ng hydrogen at helium… 306 00:38:33,163 --> 00:38:35,723 ay kinakain ng isang embryonic na bituin. 307 00:38:44,923 --> 00:38:46,723 At ang dating embryo… 308 00:38:49,123 --> 00:38:51,123 ay maliit na pagong na ngayon 309 00:38:55,243 --> 00:38:58,923 na may shell, flippers, at tuka. 310 00:39:02,923 --> 00:39:04,723 Mga elementong muling binuo… 311 00:39:08,123 --> 00:39:10,323 para sa buhay sa karagatan. 312 00:39:15,203 --> 00:39:16,163 Sa proplyd, 313 00:39:17,043 --> 00:39:20,243 malapit na ring mabuo ang bagong bituin. 314 00:39:21,523 --> 00:39:24,843 Muling isinilang mula sa abo ng nagdaang henerasyon, 315 00:39:26,163 --> 00:39:30,043 nagbubunyag ang liwanag nito ng pamilya ng mga lumalaking planeta. 316 00:39:34,243 --> 00:39:35,363 Mga bagong daigdig. 317 00:39:36,283 --> 00:39:40,323 Marahil ay mga bagong posibilidad para sa buhay. 318 00:39:48,323 --> 00:39:49,963 At sa ilalim ng buhangin, 319 00:39:51,283 --> 00:39:52,803 ay may parehong stardust. 320 00:39:54,123 --> 00:39:58,843 Na ipinasa ng maraming henerasyon ng mga bituin at pagong… 321 00:40:00,923 --> 00:40:03,243 at magsisimula na ulit ng paglalakbay. 322 00:40:08,203 --> 00:40:09,603 Ang bawat bagong buhay 323 00:40:11,123 --> 00:40:15,443 ay direktang nakaugnay sa pinagmulan ng Universe. 324 00:40:20,883 --> 00:40:22,323 Bawat bagong kwento 325 00:40:23,283 --> 00:40:26,603 ay magsisimula sa pagtatapos ng huli. 326 00:40:34,923 --> 00:40:38,923 Kaya, ang kwento ng ating universe ay nagpapatuloy 327 00:40:40,803 --> 00:40:43,163 sa pinakamahalagang kayamanan ng Earth, 328 00:40:46,323 --> 00:40:47,163 ang tubig. 329 00:40:49,483 --> 00:40:52,843 At isang pamilya ng mga elepanteng may delikadong misyon na humanap nito. 330 00:40:57,043 --> 00:40:59,403 Ang bawat parte ng kanilang paglalakbay ay espesyal 331 00:41:01,723 --> 00:41:06,483 kagaya ng paglalakbay ng tubig sa kalawakan tungo sa ating planeta. 332 00:41:10,683 --> 00:41:13,883 Pero bakit Earth lang ang daigdig sa solar system 333 00:41:14,883 --> 00:41:17,283 na binabalot ng likidong tubig sa ibabaw? 334 00:41:18,643 --> 00:41:22,003 At bakit mahalaga ito para mabuhay? 335 00:42:06,843 --> 00:42:11,843 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Ivee Jade Tanedo