1 00:00:11,203 --> 00:00:14,963 ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:17,683 --> 00:00:18,963 Ang universe 3 00:00:20,203 --> 00:00:22,043 ang nagbigay sa ating planeta 4 00:00:22,123 --> 00:00:25,243 ng lahat ng kailangan para mabuo 5 00:00:26,283 --> 00:00:27,403 at yumabong ang buhay. 6 00:00:29,563 --> 00:00:31,483 Ang enerhiyang dumadaloy sa atin. 7 00:00:36,523 --> 00:00:38,563 Ang ritmong sinusunod natin araw-araw. 8 00:00:41,443 --> 00:00:43,923 Ang mga elementong bumubuo sa atin. 9 00:00:47,323 --> 00:00:50,003 Pero sa likod ng lahat ng hiwagang ito, 10 00:00:50,963 --> 00:00:52,883 may mahiwagang puwersang… 11 00:00:56,083 --> 00:00:58,563 dahilan kung bakit naging posible ang lahat ng ito. 12 00:01:01,083 --> 00:01:01,963 Ang gravity. 13 00:01:08,643 --> 00:01:11,363 Dahilan kung bakit nananatili sa puwesto ang lahat. 14 00:01:15,803 --> 00:01:17,603 Binubuo nito ang bawat bituin… 15 00:01:20,643 --> 00:01:22,483 at hinuhulma ang bawat planeta. 16 00:01:26,523 --> 00:01:28,643 At ginagabayan ang bawat buhay. 17 00:01:31,043 --> 00:01:33,723 Ito ang pinakamalakas na puwersa ng atraksyon. 18 00:01:35,523 --> 00:01:40,283 Napakatindi nito, na kaya nitong pagtagpuin ang dalawang kaluluwa… 19 00:01:42,723 --> 00:01:45,923 sa paghahanap nila ng perpektong kapares. 20 00:02:08,963 --> 00:02:13,323 PUWERSA NG ATRAKSYON 21 00:02:13,763 --> 00:02:15,403 Sa Southern Ocean, 22 00:02:15,483 --> 00:02:18,923 mahigit 2000 kilometro mula sa Antarctica… 23 00:02:21,723 --> 00:02:25,363 …ay matatagpuan ang mahanging isla ng South Georgia. 24 00:02:29,963 --> 00:02:31,483 Tahanan ng isang kolonya 25 00:02:32,883 --> 00:02:35,523 ng kalahating milyong king penguin. 26 00:02:44,123 --> 00:02:47,323 At importante ang araw na ito para sa dalawa sa kanila. 27 00:02:52,643 --> 00:02:53,843 Mga bagong magulang. 28 00:02:59,083 --> 00:03:00,723 Mahigit 50 araw na silang 29 00:03:03,443 --> 00:03:07,523 nagsasalitan sa pag-aalaga ng kanilang itlog… 30 00:03:10,963 --> 00:03:12,283 habang pinaiinitan ito. 31 00:03:14,963 --> 00:03:19,563 At ngayon, oras na para mapisa ang anak nilang lalaki. 32 00:03:30,843 --> 00:03:31,723 Little Rocky, 33 00:03:35,123 --> 00:03:37,003 welcome sa mundo. 34 00:03:44,963 --> 00:03:47,483 At sa kabilang parte ng isla, 35 00:03:48,363 --> 00:03:50,883 mapipisa na rin ang isa pang sisiw. 36 00:03:54,763 --> 00:03:55,923 Isang babae. 37 00:03:57,243 --> 00:03:58,163 Si Paloma. 38 00:04:04,963 --> 00:04:09,283 Hindi pa alam nina Rocky at Paloma, pero nakatadhana sila sa isa't isa. 39 00:04:20,843 --> 00:04:24,163 Isang puwersa ng atraksyong wala na sa kontrol nila 40 00:04:25,563 --> 00:04:27,523 ang magdadala sa kanila sa isa't isa. 41 00:04:35,963 --> 00:04:40,923 Hindi lamang pinananatili ng puwersang ito sina Rocky at Paloma na nakalapat sa lupa, 42 00:04:45,843 --> 00:04:49,123 pinananatili rin nito ang atmosphere na malapit sa planeta. 43 00:04:55,043 --> 00:04:57,123 Pinalilibot nito ang Earth sa Araw. 44 00:05:03,083 --> 00:05:04,363 Pinaiikot ang Araw 45 00:05:04,443 --> 00:05:08,123 sa gitna ng ating galaxy, 46 00:05:09,963 --> 00:05:14,243 at ang mga galaxy sa isa't isa 47 00:05:16,083 --> 00:05:18,323 sa pinakamalaking antas. 48 00:05:21,763 --> 00:05:25,723 Pinananatili ng gravity ang lahat ng parte ng ating universe na sama-sama, 49 00:05:26,643 --> 00:05:28,083 at iniuugnay ang lahat. 50 00:05:31,643 --> 00:05:34,003 Mula sa pinakamalayong bituin, 51 00:05:41,683 --> 00:05:43,643 hanggang sa pinakamaliit na penguin. 52 00:05:47,723 --> 00:05:52,443 Pero hindi iniisip nina Rocky at Paloma ang kanilang puwesto sa kalawakan, 53 00:05:56,483 --> 00:05:58,203 kundi ang kakainin lang nila. 54 00:06:04,003 --> 00:06:07,203 Nauubos ang lakas ng determinado nilang mga magulang… 55 00:06:09,883 --> 00:06:12,643 para lang mapakain ang 'di napapawing kagutuman nila. 56 00:06:21,003 --> 00:06:22,243 Ito ay walang kapalit 57 00:06:25,043 --> 00:06:27,083 at walang katapusang gawain. 58 00:06:42,683 --> 00:06:47,163 Ginagawa nila ang lahat para mapataba ang mga sisiw bago magtaglamig. 59 00:06:50,083 --> 00:06:53,163 Dahil habang lumalaki sina Rocky at Paloma, 60 00:06:55,243 --> 00:06:58,483 umiiksi naman ang mga araw. 61 00:07:04,323 --> 00:07:07,043 Nagiging bihira na ang pagkain. 62 00:07:11,923 --> 00:07:14,483 Kailangang umalis ng mga magulang nila sa isla… 63 00:07:18,363 --> 00:07:21,563 at maglakbay nang daan-daang kilometro papunta sa dagat 64 00:07:23,883 --> 00:07:25,163 para maghanap ng pagkain, 65 00:07:27,203 --> 00:07:29,523 at iiwan ang mahal nilang sisiw 66 00:07:30,043 --> 00:07:32,323 nang ilang buwan nang mag-isa. 67 00:07:43,483 --> 00:07:46,083 Walang sumasagot sa iyak ni Paloma… 68 00:07:48,243 --> 00:07:50,923 sa unang pinakamalungkot na gabi niya. 69 00:07:54,123 --> 00:07:57,243 Ang pinakamadilim na sandali sa buhay ng sisiw na penguin. 70 00:08:05,243 --> 00:08:09,723 Pero wala iyon kumpara sa pinakamadilim na sandali ng ating universe. 71 00:08:12,843 --> 00:08:15,603 Dahil matagal na panahon na bago pa nagkaroon ng Earth, 72 00:08:17,323 --> 00:08:18,443 Araw, 73 00:08:19,683 --> 00:08:20,923 o mga bituin, 74 00:08:25,563 --> 00:08:27,443 wala pang kahit anong liwanag. 75 00:08:30,283 --> 00:08:33,523 13.5 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS 76 00:08:37,243 --> 00:08:41,443 Ang universe ay isang madilim at sapot na gas lamang. 77 00:08:49,323 --> 00:08:53,323 Pero nagsimulang magmahika ang gravity. 78 00:08:56,643 --> 00:09:01,043 Mula sa gravity na ito, nabuo ang lahat ng bagay. 79 00:09:07,443 --> 00:09:09,563 Bahagi ng sapot na ito ang hihila… 80 00:09:12,043 --> 00:09:13,683 sa kumpul-kumpol na matter… 81 00:09:17,203 --> 00:09:19,683 na lumaki nang lumaki. 82 00:09:24,963 --> 00:09:29,883 Hanggang sa sobrang laki na, kaya nagbanggaan na ang mga ito, 83 00:09:32,043 --> 00:09:33,763 at sumabog para maging buhay… 84 00:09:38,723 --> 00:09:42,203 bilang mga pinakaunang bituin. 85 00:09:50,843 --> 00:09:52,403 Patuloy na gumana ang gravity, 86 00:09:52,923 --> 00:09:57,483 at inihulma ang sinaunang sapot patungo sa mas maraming bituin, 87 00:09:59,963 --> 00:10:02,043 hinila sila sa isa't isa 88 00:10:03,563 --> 00:10:06,323 at pinaikot para maging malalawak na galaxy. 89 00:10:13,843 --> 00:10:14,763 Mula sa wala, 90 00:10:15,723 --> 00:10:19,443 nagbuo ang gravity ng buong universe ng posibilidad 91 00:10:22,803 --> 00:10:25,843 na kumikinang pa rin sa madilim na gabi. 92 00:10:35,843 --> 00:10:40,523 Pero hindi mapapainit ng liwanag ng malalayong bituin ang mga sisiw. 93 00:10:43,723 --> 00:10:45,323 Dahil nasa dagat ang mga magulang, 94 00:10:46,203 --> 00:10:49,163 pumapayat na sina Rocky at Paloma, 95 00:10:50,603 --> 00:10:53,843 at higit na nagiging bulnerable. 96 00:11:10,443 --> 00:11:13,003 Ang tanging kanlungan ng mga sisiw mula sa lamig 97 00:11:13,523 --> 00:11:14,883 ay ang balahibo nila 98 00:11:16,563 --> 00:11:17,483 at ang isa't isa. 99 00:11:19,643 --> 00:11:21,883 Nakasalalay ang buhay nila 100 00:11:21,963 --> 00:11:25,363 sa tumpak at eleganteng sayaw ng isang bituin 101 00:11:26,363 --> 00:11:27,483 at isang planeta, 102 00:11:29,363 --> 00:11:34,123 na iniutos ng gravity apat at kalahating bilyong taon na ang nakalilipas. 103 00:11:43,843 --> 00:11:47,763 Mula sa tirang alikabok at gas ng pagkakabuo ng Araw, 104 00:11:51,283 --> 00:11:54,203 hinila ng gravity ang maliliit na piraso ng bato. 105 00:12:01,923 --> 00:12:05,363 Hinulma ang mga ito bilang planeta sa loob ng mahabang panahon. 106 00:12:15,963 --> 00:12:19,323 Ibang-iba pa iyon sa tahanang alam natin ngayon, 107 00:12:21,763 --> 00:12:24,723 pero naroon ang lahat ng potensyal para magkabuhay. 108 00:12:28,083 --> 00:12:31,843 Pinaliliguan ng liwanag ng bagong Araw. 109 00:12:36,563 --> 00:12:41,443 Ang parehong Araw ay sumisikat ngayon, bilyong taon na ang nakalipas. 110 00:12:45,683 --> 00:12:49,123 Sinesenyasan ang mga magulang nina Rocky at Paloma 111 00:12:50,003 --> 00:12:52,603 na oras nang bumalik sa South Georgia… 112 00:12:57,003 --> 00:13:01,123 habang puno ng isda ang kanilang mga tiyan. 113 00:13:08,643 --> 00:13:11,083 Habang pinaiinit ng araw ang dalampasigan, 114 00:13:11,163 --> 00:13:14,563 magiging kanlungan ulit ang isla. 115 00:13:19,643 --> 00:13:22,923 Madali lang makarating sa dalampasigan. 116 00:13:25,363 --> 00:13:28,523 Kailangan nang hanapin ng mga magulang ni Rocky 117 00:13:29,283 --> 00:13:31,803 ang anak nila sa gitna ng ibu-libong iba pa. 118 00:13:42,563 --> 00:13:43,483 Sa dalampasigan, 119 00:13:43,563 --> 00:13:47,563 maririnig ng mga magulang ni Paloma ang iyak niya 120 00:13:48,643 --> 00:13:50,763 at mabilis siyang mahahanap. 121 00:13:58,283 --> 00:14:01,363 At sa wakas, narinig na rin ng mga magulang ni Rocky 122 00:14:01,883 --> 00:14:03,483 ang 'di maitatangging iyak… 123 00:14:05,643 --> 00:14:07,123 ng anak nila. 124 00:14:13,523 --> 00:14:17,883 Ang iyak niya ay may kakaibang tunog na makikilala lang ng mga magulang niya. 125 00:14:21,723 --> 00:14:23,243 Buo na ulit ang pamilya. 126 00:14:25,283 --> 00:14:27,283 At mabubusog na 127 00:14:28,323 --> 00:14:30,243 ang dalawang sisiw, sa wakas. 128 00:14:36,483 --> 00:14:40,203 Mula sa mga unang bituin hanggang sa pagsilang ng ating galaxy, 129 00:14:40,283 --> 00:14:42,083 Araw, at planeta, 130 00:14:43,523 --> 00:14:46,763 binigyang-daan ng gravity ang buhay. 131 00:14:53,843 --> 00:14:56,163 Pero para marating ng Earth ang kalagayan ngayon, 132 00:14:57,883 --> 00:15:01,483 kailangang magpadala ng gravity ng kaunting kaguluhan sa atin. 133 00:15:07,363 --> 00:15:10,723 Nang magkagulo ang ebolusyon. 134 00:15:20,243 --> 00:15:22,043 Ilang buwan na ang lumipas. 135 00:15:23,723 --> 00:15:25,843 Doble na ang laki ni Rocky 136 00:15:28,043 --> 00:15:29,563 at handa na siyang magmahal. 137 00:15:30,963 --> 00:15:33,723 Pero hindi pa siya pwedeng mag-asawa 138 00:15:35,763 --> 00:15:39,123 hangga't 'di pa matipuno at gwapo. 139 00:15:43,363 --> 00:15:45,643 Una, bagong damit. 140 00:15:50,723 --> 00:15:53,843 Papalitan ang pambata at malambot niyang balahibo 141 00:15:55,923 --> 00:15:58,683 ng makintab at 'di natatagusan ng tubig na balot. 142 00:16:00,963 --> 00:16:02,923 Handa na siyang lumangoy. 143 00:16:16,203 --> 00:16:18,003 Sa kabilang dulo ng dalampasigan, 144 00:16:19,803 --> 00:16:21,843 handa na rin si Paloma. 145 00:16:31,603 --> 00:16:34,843 Dahil buong buhay na nasa lupa, 146 00:16:36,123 --> 00:16:38,523 pareho silang matatakot. 147 00:16:42,963 --> 00:16:45,163 Akala ni Rocky ay lumalangoy na siya, 148 00:16:49,043 --> 00:16:51,803 pero si Paloma, talagang lumalangoy. 149 00:17:03,523 --> 00:17:07,523 Sa wakas, napagtanto ni Rocky na kailangang lumubog sa tubig. 150 00:17:12,723 --> 00:17:16,403 Mawawala ang mga batang ibon na ito sa susunod na dalawang taon… 151 00:17:19,003 --> 00:17:21,643 at magkahiwalay na maglalakbay. 152 00:17:26,603 --> 00:17:29,403 Maraming kayamanang naghihintay sa kanila sa dagat, 153 00:17:32,363 --> 00:17:33,443 salamat sa gravity… 154 00:17:36,403 --> 00:17:38,403 at sa pinakamalapit na kapitbahay. 155 00:17:43,963 --> 00:17:48,123 4.4 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS 156 00:17:49,523 --> 00:17:51,803 'Di nagtagal matapos mabuo ang ating planeta, 157 00:17:55,163 --> 00:17:57,683 nabangga ito sa isa pang batang mundo. 158 00:18:13,403 --> 00:18:15,243 At mula sa mga lumilibot na mga labi, 159 00:18:21,003 --> 00:18:24,363 nabuo ng gravity ang kasama ng Earth sa paglalakbay… 160 00:18:29,043 --> 00:18:29,883 ang Buwan. 161 00:18:36,723 --> 00:18:40,283 Dahil sa banggaan, napatagilid ang Earth… 162 00:18:42,163 --> 00:18:44,203 at ginulo ito, 163 00:18:46,083 --> 00:18:49,043 palutang-lutang at umiikot nang walang kapararakan. 164 00:18:52,323 --> 00:18:54,483 Pero paglipas ng bilyun-bilyong taon, 165 00:18:54,563 --> 00:18:58,363 pinakalma ng hila ng gravity ng Buwan ang Earth. 166 00:18:59,683 --> 00:19:01,803 Lumutang papalayo ang Buwan. 167 00:19:02,963 --> 00:19:05,043 Bumagal ang pag-ikot ng Earth, 168 00:19:07,443 --> 00:19:10,443 na nagtransporma sa kwento ng Earth. 169 00:19:15,243 --> 00:19:19,363 Dahil mas mahaba ang araw 'pag mas mabagal ang ikot, 170 00:19:22,043 --> 00:19:25,363 mas maraming oras ang tuluy-tuloy 171 00:19:25,443 --> 00:19:28,363 na pagpasok ng sikat ng araw sa dagat… 172 00:19:40,163 --> 00:19:41,843 na lumikha ng kondisyon 173 00:19:42,363 --> 00:19:45,123 para sa unang buhay. 174 00:19:52,043 --> 00:19:56,203 Ang unang hakbang sa liko't ikot ng buhay sa ilalim ng dagat 175 00:19:57,043 --> 00:19:59,363 na lumaki nang lumaki. 176 00:20:05,403 --> 00:20:10,203 Kalaunan, napuno ang karagatan ng 'di masusukat na hiwaga. 177 00:20:24,603 --> 00:20:28,043 Mga hiwagang nagbibigay na ngayon ng mayamang ecosystem 178 00:20:29,043 --> 00:20:31,563 para sa dalawang gutom na gutom na penguin, 179 00:20:35,163 --> 00:20:39,323 na daan-daang kilometro ang pagitan sa karagatan. 180 00:20:44,083 --> 00:20:47,443 Narating na ni Paloma ang polar front… 181 00:20:52,283 --> 00:20:56,563 kung saan nagtatagpo ang Southern Ocean at ang mas mainit ng tubig ng Atlantic, 182 00:20:56,643 --> 00:20:59,643 Pacific, at Indian Ocean. 183 00:21:04,523 --> 00:21:08,203 Dito, umaangat ang nutrisyon mula sa ibaba, 184 00:21:09,363 --> 00:21:11,763 na sumusuporta sa libu-libong species. 185 00:21:17,043 --> 00:21:19,323 Kabilang ang lanternfish, 186 00:21:19,843 --> 00:21:22,123 na paborito ng king penguin. 187 00:21:27,203 --> 00:21:29,083 Naninirahan sila sa malalim na parte. 188 00:21:32,803 --> 00:21:35,083 Pero hindi problema 'yun para kay Paloma. 189 00:21:36,603 --> 00:21:40,443 Kaya niyang mangisda kahit hanggang 300 metro sa ilalim ng dagat. 190 00:22:02,883 --> 00:22:06,883 Natatangi ang kakayahang sumisid at mangisda ng mga penguin. 191 00:22:10,203 --> 00:22:14,363 Pero para maunawaan kung paano nagsimula ang likas na kakayahang ito, 192 00:22:16,323 --> 00:22:21,123 kailangang malaman kung ano ang ginagawa ng gravity nitong 66 na milyong taon. 193 00:22:31,723 --> 00:22:35,403 Sa malamig at malayong bahagi ng ating solar system, 194 00:22:36,083 --> 00:22:39,843 milyun-milyong tipak ng yelo at bato ang lumilibot sa Araw. 195 00:22:42,923 --> 00:22:45,883 Madalas, hindi nagkakaproblema ang mga asteroid na ito. 196 00:22:54,323 --> 00:22:56,843 Pero minsan, nagkakaproblema rin. 197 00:23:00,763 --> 00:23:03,603 Sa panlabas na rehiyon ng asteroid belt, 198 00:23:04,883 --> 00:23:08,643 isang partikular na bato, na sampung kilometro ang lapad, 199 00:23:09,403 --> 00:23:12,723 ang pinainit ng Araw nang mahigit sanlibong taon. 200 00:23:16,923 --> 00:23:18,203 At paunti-unti, 201 00:23:19,083 --> 00:23:22,043 binago ng pagpapainit ang ruta 202 00:23:22,563 --> 00:23:25,243 ng asteroid na tinawag na Chicxulub. 203 00:23:28,163 --> 00:23:29,683 Hanggang sa mahila ito 204 00:23:32,043 --> 00:23:33,883 ng gravity tungo sa Araw… 205 00:23:38,083 --> 00:23:41,363 at dinala ito sa landas para bumangga sa Earth. 206 00:23:48,203 --> 00:23:51,643 Sa bilis na 72 libong kilometro kada oras. 207 00:24:00,563 --> 00:24:04,883 Nagbunga ang banggaan ng napakainit na alon ng plasma, 208 00:24:08,403 --> 00:24:12,403 na naging sanhi ng malalaking sunog at pagkawasak sa buong planeta, 209 00:24:15,203 --> 00:24:16,843 at naharangan ang Araw. 210 00:24:19,563 --> 00:24:23,123 Tatlong sangkapat ng species sa Earth ang nalipol. 211 00:24:25,723 --> 00:24:28,243 Masamang balita iyon para sa mga dinosaur. 212 00:24:30,243 --> 00:24:33,883 Pero magandang balita para sa king penguin. 213 00:24:39,883 --> 00:24:41,603 Dahil mas maliit at mas magaan, 214 00:24:42,123 --> 00:24:44,763 nabuhay ang mga ibon sa kabila ng banggaan. 215 00:24:46,963 --> 00:24:50,323 Lumipad sila at nagparami. 216 00:24:53,683 --> 00:24:55,683 Dahil wala nang malalaking kakain sa kanila, 217 00:24:58,403 --> 00:25:01,163 dumami ang isda sa dagat. 218 00:25:05,243 --> 00:25:09,163 Naging ekspertong maninisid ang mga ninuno ng Penguin. 219 00:25:11,003 --> 00:25:12,283 Mas malalim 220 00:25:13,403 --> 00:25:15,203 at mas matagal nang sumisisid 221 00:25:16,763 --> 00:25:19,163 hanggang, sa huli, nawalan na sila 222 00:25:19,243 --> 00:25:22,643 ng kakayahang lumipad. 223 00:25:28,923 --> 00:25:31,003 Mula sa paglipad sa langit… 224 00:25:34,923 --> 00:25:37,043 hanggang sa paglipad sa karagatan. 225 00:25:42,723 --> 00:25:45,163 Mahahalagang pag-akma 226 00:25:45,243 --> 00:25:48,843 na napakinabangan nina Rocky at Paloma. 227 00:25:53,843 --> 00:25:56,363 Mas malusog at mas malakas na, 228 00:25:56,443 --> 00:25:59,803 at handa na silang bumalik sa kanilang tahanang dalampasigan 229 00:25:59,883 --> 00:26:01,323 upang maghanap ng kapares. 230 00:26:05,243 --> 00:26:07,523 Pero maaantala ang kanilang pag-uwi… 231 00:26:15,843 --> 00:26:16,923 dahil sa mga orca. 232 00:26:18,323 --> 00:26:21,123 Ang nag-iisang balyenang kumakain ng mga penguin. 233 00:26:25,203 --> 00:26:27,923 Bibilisan ni Paloma ang paglangoy niya. 234 00:26:32,923 --> 00:26:35,443 Magpapaligsahan na sila. 235 00:26:41,083 --> 00:26:42,643 Mabilis ang mga orca. 236 00:26:47,963 --> 00:26:50,523 Pero likas na mabilis ang mga king penguin. 237 00:27:12,843 --> 00:27:16,043 Masyadong mabilis si Paloma para sa humahabol sa kanya. 238 00:27:19,963 --> 00:27:24,323 Pero nagtago si Rocky sa mga gubat ng halamang dagat. 239 00:27:38,723 --> 00:27:42,243 At hindi umaalis ang gutom na Orca. 240 00:28:00,043 --> 00:28:01,723 Makakakita ng tsansa si Rocky. 241 00:28:06,323 --> 00:28:08,043 At tatalilis papunta sa dalampasigan. 242 00:28:11,803 --> 00:28:14,323 Marunong na talaga siyang lumangoy. 243 00:28:20,043 --> 00:28:23,603 Dalawang taong pagala-gala sa dagat. 244 00:28:24,323 --> 00:28:27,443 Para lang sa tsansang makasali sa lotto. 245 00:28:29,163 --> 00:28:31,443 Ang paghahanap ng pag-ibig. 246 00:28:34,363 --> 00:28:38,803 Hinulma ng gravity ang Araw, Earth, at Buwan, 247 00:28:41,443 --> 00:28:44,563 at lumikha ng matatag na tahanan para sa buhay sa planeta 248 00:28:45,243 --> 00:28:48,523 at dinala sa iba't ibang direksyon ang ebolusyon. 249 00:28:56,723 --> 00:29:00,723 Pero kailangan pa ng tugtugin nina Rocky at Paloma ang isa pang parte, 250 00:29:03,243 --> 00:29:04,643 na nilikha ng gravity 251 00:29:06,283 --> 00:29:08,483 sa nagbabagang puso ng Araw. 252 00:29:12,083 --> 00:29:12,963 Ang liwanag. 253 00:29:17,283 --> 00:29:19,603 Lumiliwanag lamang ang ating bituin dahil 254 00:29:19,683 --> 00:29:23,723 sa ubod nito ay nagaganap ang matinding labanan. 255 00:29:28,083 --> 00:29:29,803 Humihila ang gravity papasok… 256 00:29:31,763 --> 00:29:35,243 samantalang lumalabas naman ang matinding presyur. 257 00:29:41,843 --> 00:29:43,643 Ang digmaan ng gravity na ito… 258 00:29:48,523 --> 00:29:51,683 ay nagdudulot ng pagbabanggaan at pagkukumbina ng mga atom. 259 00:29:58,043 --> 00:30:00,443 Na naglalabas ng maliliit na enerhiya 260 00:30:02,283 --> 00:30:05,123 sa anyo ng mga photon. 261 00:30:12,363 --> 00:30:16,043 Na hindi lamang nagpapaulan sa Earth ng enerhiyang nakabubuhay, 262 00:30:18,283 --> 00:30:22,323 kundi pinaliliguan din ito ng liwanag. 263 00:30:26,963 --> 00:30:30,003 Liwanag na naglalaman ng sarili nitong hiwaga. 264 00:30:33,043 --> 00:30:35,843 Dahil sa bawat sikat ng araw 265 00:30:36,963 --> 00:30:38,083 ay may bahaghari. 266 00:30:41,443 --> 00:30:44,203 Bawat photon ay may kakaibang wavelength 267 00:30:45,483 --> 00:30:48,643 at nakikihalubilo sa mga bagay na bumubuo sa mundo natin 268 00:30:49,163 --> 00:30:50,483 sa iba't ibang paraan. 269 00:31:01,923 --> 00:31:04,683 Ang ibang wavelength ay nasisipsip. 270 00:31:06,203 --> 00:31:08,723 Ang iba ay napapatalsik. 271 00:31:12,803 --> 00:31:14,563 Naitatakda ang kulay na nakikita natin 272 00:31:14,643 --> 00:31:17,923 batay sa kung paano tumatama ito sa mata. 273 00:31:22,443 --> 00:31:24,883 At ang kakayahang makakita ng kulay 274 00:31:25,723 --> 00:31:29,723 ay may mahalagang papel sa paghahanap ng kapares ng penguin. 275 00:31:39,243 --> 00:31:43,523 Dahil sa ilang taon ng paglangoy, naging matipuno at malakas na si Rocky. 276 00:31:48,163 --> 00:31:51,443 Mga katangiang kailangang ipakita para makaakit ng kapares. 277 00:31:58,243 --> 00:32:01,243 Dahil sa kulay na nai-synthesize niya, 278 00:32:02,403 --> 00:32:04,963 naging matingkad na dilaw ang balahibo niya, 279 00:32:07,043 --> 00:32:09,523 na sakto para sa pagpapakita ng tikas 280 00:32:11,403 --> 00:32:12,723 at upang maakit 281 00:32:12,803 --> 00:32:16,723 ang paningin ng isang ibon sa kawang ito… 282 00:32:22,563 --> 00:32:25,643 na siya lamang ang nakikita. 283 00:32:29,843 --> 00:32:30,683 Si Paloma. 284 00:32:44,563 --> 00:32:48,723 Nagre-reflect ang starlight sa retina sa likod ng mata ni Paloma. 285 00:32:55,043 --> 00:32:57,643 Dito, dine-decode 286 00:32:57,723 --> 00:33:00,563 ng milyun-milyong cone cell ang bawat wavelength, 287 00:33:07,043 --> 00:33:09,523 para makilala ni Paloma 288 00:33:10,043 --> 00:33:12,043 ang iba't ibang kulay. 289 00:33:16,523 --> 00:33:17,883 Sa isang iglap, 290 00:33:18,403 --> 00:33:22,643 hindi lamang nakikita ng lovebirds na ito ang kanilang mundo 291 00:33:23,683 --> 00:33:26,323 kundi nauunawaan din nila ito 292 00:33:27,843 --> 00:33:30,323 at nahahanap ang kanilang soulmate. 293 00:33:36,883 --> 00:33:40,883 Ang ligawan ay magiging maingat na sayaw. 294 00:33:43,723 --> 00:33:46,963 Ipapakita ng bawat isa ang matitingkad na dilaw na balahibo… 295 00:33:50,963 --> 00:33:52,323 para hanggaan ng isa pa. 296 00:34:03,643 --> 00:34:07,123 Susubukan ng ibang manliligaw, pero 'di sila magtatagumpay. 297 00:34:12,643 --> 00:34:14,403 Dahil hindi lang dilaw na balahibo 298 00:34:16,603 --> 00:34:18,403 ang armas ni Rocky. 299 00:34:22,283 --> 00:34:23,563 Sa pag-iling, 300 00:34:26,323 --> 00:34:28,523 nagbibigay siya ng sikretong mensahe… 301 00:34:30,723 --> 00:34:32,723 gamit ang ultraviolet light. 302 00:34:35,163 --> 00:34:37,283 Tumatama ang sikat ng Araw sa tuka niya 303 00:34:39,043 --> 00:34:40,763 at pinatatalbog ito. 304 00:34:47,243 --> 00:34:49,403 At salamat sa dagdag na cone cell, 305 00:34:51,803 --> 00:34:56,683 nakakakita ang mga mata nina Rocky at Paloma ng kulay na 'di natin nakikita. 306 00:34:58,283 --> 00:35:02,163 Mahuhulog ang loob ni Paloma dahil sa UV signals na ito. 307 00:35:04,083 --> 00:35:05,923 Sila ang itinadhana sa isa't isa. 308 00:35:12,883 --> 00:35:16,043 Mahirap magpalaki ng sisiw na penguin 309 00:35:17,923 --> 00:35:21,523 at kailangang maayos ang kalusugan ng parehong magulang. 310 00:35:26,363 --> 00:35:29,803 Ang matitingkad na dilaw na balahibo at makintab na tuka 311 00:35:29,883 --> 00:35:32,843 ay katibayan ng lakas at kakayahan, 312 00:35:34,363 --> 00:35:38,083 na mahahalagang katangian pagdating sa pagpapalaki ng pamilya. 313 00:35:41,403 --> 00:35:44,163 Mula sa libu-libong iba pang ibon, 314 00:35:45,043 --> 00:35:46,883 natagpuan nina Rocky at Paloma… 315 00:35:49,683 --> 00:35:51,323 ang isa't isa. 316 00:36:00,923 --> 00:36:03,643 Mula sa pinakaunang maliliit na alon sa sapot ng kalawakan… 317 00:36:09,603 --> 00:36:11,323 hanggang sa pagkasilang ng ating Araw, 318 00:36:13,723 --> 00:36:14,603 planeta, 319 00:36:15,883 --> 00:36:16,763 at Buwan, 320 00:36:21,723 --> 00:36:25,043 sa mga banggaang nagtakda ng kasaysayan ng Earth 321 00:36:27,843 --> 00:36:30,323 hanggang sa puwersang nagpapagana sa Araw, 322 00:36:31,163 --> 00:36:33,603 at nagbibigay ng kulay sa mundo, 323 00:36:35,323 --> 00:36:40,323 may kinalaman ang gravity sa lahat ng ito. 324 00:36:44,243 --> 00:36:48,723 At ginagabayan ang dalawang penguin na ito hanggang sa espesyal na sandali nila… 325 00:36:51,963 --> 00:36:54,123 sa espesyal na islang ito. 326 00:36:58,283 --> 00:37:00,163 Kung saan 'di magtatagal 327 00:37:00,243 --> 00:37:03,603 ay may espesyal na bagay na darating. 328 00:37:04,843 --> 00:37:09,803 Magiging magulang na rin sina Rocky at Paloma. 329 00:37:13,723 --> 00:37:15,483 Dala ang panibagong buhay, 330 00:37:16,203 --> 00:37:19,123 at maaaring panibagong pag-ibig pa, 331 00:37:21,923 --> 00:37:25,763 kung saan ang gravity, katulad ng dati, ang magtatakda ng landas. 332 00:37:33,923 --> 00:37:35,483 Sa buong Earth, 333 00:37:36,483 --> 00:37:38,963 kumikinang ang buhay sa iba't ibang paraan. 334 00:38:04,563 --> 00:38:08,163 Umabot ng 13.8 bilyong taon 335 00:38:08,243 --> 00:38:10,923 bago marating ang sandaling ito 336 00:38:11,003 --> 00:38:13,723 sa oras at kalawakan. 337 00:38:22,563 --> 00:38:25,763 Bawat hayop na gawa sa mga bituin, 338 00:38:27,763 --> 00:38:29,843 sumasabay sa planeta, 339 00:38:31,483 --> 00:38:34,763 at pinananatili ng mga regalo mula sa kalawakan 340 00:38:34,843 --> 00:38:38,443 na nagkataon lang na nakarating dito. 341 00:38:52,363 --> 00:38:55,163 Ang lahat ng ito ay pinananatili ng pinakamataas 342 00:38:56,083 --> 00:38:59,003 at pinakaunang puwersa ng atraksyon. 343 00:39:07,363 --> 00:39:09,563 Ang kwento ng ating universe 344 00:39:09,643 --> 00:39:14,483 ay kwento kung paano nakarating ang buhay sa planetang ito… 345 00:39:17,923 --> 00:39:19,643 na tinatawag nating tahanan. 346 00:39:23,123 --> 00:39:27,283 Isang kwentong isinusulat pa rin hanggang ngayon. 347 00:39:57,763 --> 00:40:02,763 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Ivee Tanedo