1
00:01:23,835 --> 00:01:26,879
Ilang araw na ang nagdaan
matapos ang laban sa mga taga-kanluran.
2
00:01:29,507 --> 00:01:32,009
At may sugat pa rin si Jackson.
3
00:01:36,180 --> 00:01:38,933
Pero hindi nagpapakita
ng kahinaan ang alpha.
4
00:01:58,911 --> 00:02:01,164
{\an8}Hinuhusgahan ang lakas ni Jackson.
5
00:02:08,212 --> 00:02:09,213
Para sa alpha,
6
00:02:09,714 --> 00:02:12,800
ang pisikal na kahinaan
ay politikal na kahinaan din.
7
00:02:15,678 --> 00:02:18,014
Pati ang malapit na kaalyado ni Jackson
8
00:02:19,098 --> 00:02:20,308
ay mukhang lumalayo.
9
00:02:33,696 --> 00:02:37,575
Sina Abrams at Wilson
ay nakakaamoy ng oportunidad.
10
00:03:08,272 --> 00:03:09,815
{\an8}Sa paglipas ng bawat araw,
11
00:03:11,192 --> 00:03:13,945
mas nakapagsasarili ang sanggol
ni Christine.
12
00:03:25,539 --> 00:03:29,752
Malakas na siya at maliksi
para makaakyat mag-isa sa tuktok ng puno.
13
00:03:35,549 --> 00:03:37,677
At tila nagpapakitang-gilas siya.
14
00:04:14,547 --> 00:04:15,589
Kahanga-hanga.
15
00:04:24,515 --> 00:04:28,644
Kapag mas malayo siya sa ina niya,
mas posible siyang mapasok sa gusot.
16
00:04:30,146 --> 00:04:31,981
At magulo ang panahon ngayon.
17
00:04:58,299 --> 00:05:00,676
Kumikilos na sina Abrams at Wilson.
18
00:05:52,353 --> 00:05:54,814
Napatakbo si Jackson
19
00:05:56,315 --> 00:05:57,942
habang kita ng buong grupo.
20
00:06:10,246 --> 00:06:11,455
{\an8}Sa tulong ni Wilson,
21
00:06:12,164 --> 00:06:14,417
{\an8}malaking dagok ang nagawa ni Abrams.
22
00:06:33,686 --> 00:06:36,730
At sa kagubatan, may pakpak ang balita.
23
00:07:05,759 --> 00:07:09,346
Alam ng mga taga-kanluran ang taranta
at kalituhan 'pag naririnig nila.
24
00:07:12,683 --> 00:07:15,728
Nakakaamoy sila ng kahinaan
sa sentro ng Ngogo.
25
00:07:44,256 --> 00:07:46,258
Kailangang magdesisyon ni Abrams.
26
00:08:28,717 --> 00:08:30,678
Natalo niya nang isang beses si Jackson,
27
00:08:31,178 --> 00:08:32,513
pero may kabayaran.
28
00:08:42,773 --> 00:08:44,733
At hindi pa tapos ang trabaho.
29
00:08:52,074 --> 00:08:54,118
Hindi iisang atake lang
30
00:08:54,618 --> 00:08:56,954
ang magpapatalsik sa alpha
na gaya ni Jackson.
31
00:09:45,002 --> 00:09:47,338
Mapanganib ang kompetisyon sa pamumuno...
32
00:09:53,677 --> 00:09:55,888
para sa alpha at para sa naghahamon.
33
00:09:57,598 --> 00:10:00,142
At nasa panig ni Abrams ang oras.
34
00:10:18,077 --> 00:10:20,746
Kaya nagpasiya siyang
makipagbati kay Jackson.
35
00:10:30,714 --> 00:10:31,924
Wala munang labanan.
36
00:10:38,931 --> 00:10:39,932
Sa ngayon.
37
00:11:06,583 --> 00:11:09,044
Pansamantalang nanumbalik ang kapayapaan.
38
00:11:16,969 --> 00:11:20,514
Kaya maaaring magsama-sama
at mag-relax ang grupo sa sentro.
39
00:11:40,617 --> 00:11:41,535
Para kay Gus,
40
00:11:43,203 --> 00:11:44,413
bumubuti ang buhay.
41
00:11:49,418 --> 00:11:53,380
Mas madalas na niyang kasama
si Christine at ang pamilya niya.
42
00:12:09,646 --> 00:12:11,690
Komportable si Christine kay Gus,
43
00:12:12,191 --> 00:12:15,194
pero nakatuon sa iba
ang kanyang atensiyon.
44
00:12:36,882 --> 00:12:39,635
Si Gus ay binatilyong
mababa pa ang ranggo.
45
00:12:40,719 --> 00:12:45,557
Samantalang si Peterson, ganap nang lalaki
na may mataas na katayuan.
46
00:13:39,111 --> 00:13:41,154
Nagbabago ang mga chimp habang tumatanda.
47
00:13:41,738 --> 00:13:44,449
Pero di nawawala
ang hilig nila sa paglalaro.
48
00:13:48,829 --> 00:13:51,248
O pangangailangang maging malapit
sa isa't isa.
49
00:14:22,362 --> 00:14:23,989
Dahil tigil ang labanan,
50
00:14:23,989 --> 00:14:26,617
may oras si Jackson para mapag-isa
51
00:14:26,617 --> 00:14:28,410
at magpalakas.
52
00:14:31,580 --> 00:14:34,082
Nasa gilid siya ng grupo para magpahinga.
53
00:15:53,704 --> 00:15:58,083
Halos walang tsansa
na lilinisan din ni Jackson si Gus.
54
00:16:09,553 --> 00:16:13,015
Gayunpaman, ang anumang pagkakataong
makihalubilo sa alpha
55
00:16:13,765 --> 00:16:14,766
ay progreso.
56
00:16:31,491 --> 00:16:32,951
May paparating na unos.
57
00:16:37,706 --> 00:16:40,959
At pabalik si Jackson
sa grupo para palipasin ito.
58
00:17:51,196 --> 00:17:53,990
Mas mapanganib ang gubat
kapag malakas ang ulan.
59
00:17:57,160 --> 00:17:59,121
Mahirap makita ang paparating.
60
00:19:41,181 --> 00:19:42,515
Ang mga taga-kanluran.
61
00:20:12,295 --> 00:20:14,381
Malapit na sina Rollins at Damien.
62
00:20:25,809 --> 00:20:29,521
Pero sa pagkakataong ito,
si Richmond ang namumuno sa pagsugod.
63
00:21:03,013 --> 00:21:05,140
Kalat-kalat ang mga chimp sa sentro...
64
00:21:08,893 --> 00:21:11,896
at naiwang mag-isa si Jackson.
65
00:22:00,111 --> 00:22:02,989
Lamang kaysa kay Jackson
ang mga taga-kanluran.
66
00:22:04,532 --> 00:22:05,867
At napapaligiran siya.
67
00:23:21,526 --> 00:23:24,529
Narinig ng ibang lalaki sa sentro
ang mga daing ni Jackson.
68
00:23:26,030 --> 00:23:27,365
Papunta na sila.
69
00:23:39,377 --> 00:23:41,796
Dinaganan ni Richmond si Jackson sa lupa.
70
00:24:08,615 --> 00:24:12,660
Naitaboy ang mga taga-kanluran,
pero sa kaguluhan,
71
00:24:13,286 --> 00:24:14,621
nawala si Jackson.
72
00:24:53,910 --> 00:24:55,870
Nakatakas si Jackson.
73
00:24:58,081 --> 00:24:59,707
Pero malala ang sugat niya.
74
00:25:11,553 --> 00:25:12,804
Alpha pa rin siya,
75
00:25:16,015 --> 00:25:17,016
at kahit ngayon,
76
00:25:17,892 --> 00:25:20,395
di siya makapagpakita
ng kahinaan sa grupo.
77
00:25:28,611 --> 00:25:30,697
Kaya pumasok siya sa gubat
78
00:25:32,240 --> 00:25:33,241
nang mag-isa.
79
00:27:00,203 --> 00:27:04,374
Karamihan sa mga taga-sentro,
hindi alam ang nangyari noong may unos.
80
00:27:10,672 --> 00:27:12,548
Kahit 'yung mga naroon
81
00:27:13,508 --> 00:27:16,302
ay di pa nakikita si Jackson
mula nang nahiwalay siya.
82
00:27:26,104 --> 00:27:27,980
Kaya patuloy lang ang buhay.
83
00:27:36,239 --> 00:27:38,825
Pero tila hindi mapakali si Peterson.
84
00:28:07,854 --> 00:28:09,814
Papalayo siya sa grupo...
85
00:28:14,110 --> 00:28:15,653
at papasok sa gubat.
86
00:29:08,039 --> 00:29:10,583
Matagal napag-isa si Jackson.
87
00:29:17,799 --> 00:29:20,051
At hindi bumubuti ang mga sugat niya.
88
00:31:21,088 --> 00:31:22,882
Nanghihina si Jackson.
89
00:31:34,894 --> 00:31:36,979
Pero hindi na siya nag-iisa.
90
00:32:51,721 --> 00:32:53,431
Ang pagpanaw ni Jackson
91
00:32:53,431 --> 00:32:55,975
ay pagtatapos ng isang yugto sa Ngogo.
92
00:33:02,815 --> 00:33:06,193
Sa loob ng 32 taon,
nanirahan siya rito sa kagubatan,
93
00:33:06,944 --> 00:33:08,654
at ganap siyang nabuhay.
94
00:33:11,198 --> 00:33:14,994
Nakaangat siya sa tuktok
ng pinakamalaking grupo ng chimp.
95
00:33:17,121 --> 00:33:20,082
At nanatili siya roon nang anim na taon.
96
00:33:24,628 --> 00:33:27,339
Pero nagkaroon siya ng maraming kaaway.
97
00:33:28,507 --> 00:33:30,843
At buhay niya ang naging kabayaran.
98
00:33:40,186 --> 00:33:43,814
Pero hindi laging sa kamatayan
natatapos ang kuwento ng chimp.
99
00:33:48,903 --> 00:33:51,822
{\an8}Parte ng dahilan
kaya inilaban ni Jackson na maging alpha
100
00:33:52,406 --> 00:33:54,700
{\an8}ay para magpatuloy ang kanyang lahi.
101
00:33:57,036 --> 00:33:58,996
{\an8}Naging napakamatagumpay niya.
102
00:34:03,709 --> 00:34:06,462
May naiwan siyang walong anak.
103
00:34:09,548 --> 00:34:12,802
At kapapanganak pa lang ni Bartoli
ng sanggol na lalaki.
104
00:34:14,887 --> 00:34:16,680
Maaaring pansiyam siya ni Jackson.
105
00:34:22,895 --> 00:34:24,188
Habang lumalaki sila,
106
00:34:24,188 --> 00:34:27,149
nabubuhay, at nagkakaroon
ng sariling anak,
107
00:34:29,110 --> 00:34:33,155
masisiguro nila na ramdam pa rin
ang presensiya ni Jackson sa Ngogo...
108
00:34:35,407 --> 00:34:37,118
kahit matagal na siyang wala.
109
00:35:02,852 --> 00:35:04,145
Sa nakaraang taon,
110
00:35:04,145 --> 00:35:06,647
nagbago ang lahat sa Ngogo.
111
00:35:15,948 --> 00:35:19,994
Naging mahirap pero matagumpay ang taon
para sa mga taga-kanluran.
112
00:35:33,007 --> 00:35:35,759
Nagawa nina Rollins at Damien
ang trabaho nila.
113
00:35:37,136 --> 00:35:40,097
Nakatulong sila sa pagkamit
ng bagong teritoryo...
114
00:35:42,808 --> 00:35:45,269
at lumalaki pa ang grupo sa kanluran.
115
00:35:52,359 --> 00:35:54,445
Isinilang na ang sanggol ni Carson.
116
00:35:55,154 --> 00:35:57,239
At kailangan niyang maghinay-hinay,
117
00:35:57,740 --> 00:35:58,949
sa ngayon.
118
00:36:01,785 --> 00:36:02,828
At si Bergl...
119
00:36:05,748 --> 00:36:09,251
ay gumagawa ng kontribusyon
sa paglago ng populasyon.
120
00:36:20,137 --> 00:36:23,807
Maging si Garbo ay hindi na rin tatagal
nang maraming taon.
121
00:36:27,102 --> 00:36:29,772
At ngayong patapos
na ang mahabang buhay niya,
122
00:36:30,314 --> 00:36:32,399
mukhang tiyak na
ang pagpapatuloy ng lahi niya.
123
00:36:36,946 --> 00:36:39,615
Alpha pa rin
ang anak niyang si Hutcherson...
124
00:36:42,660 --> 00:36:47,915
at kapatid niyang si Richmond ang may gawa
sa pagkamatay ng kalabang si Jackson.
125
00:36:53,837 --> 00:36:55,798
Pero kahit umuunlad ang grupo,
126
00:36:56,298 --> 00:37:00,678
panahon lang ang makapagsasabi
kung totoong pagkapanalo ang nakamit nila.
127
00:37:04,556 --> 00:37:06,183
Ngayong wala na si Jackson,
128
00:37:06,183 --> 00:37:08,978
may aangat na bagong alpha
sa grupo sa sentro.
129
00:37:10,896 --> 00:37:13,857
At isang alpha
na walang takot sa mga taga-kanluran
130
00:37:14,525 --> 00:37:17,695
ang maaaring bumago
sa balanse ng kapangyarihan sa Ngogo.
131
00:37:25,661 --> 00:37:26,870
Anuman ang mangyari,
132
00:37:27,538 --> 00:37:29,915
may isang chimp na hindi makikita iyon.
133
00:37:33,836 --> 00:37:35,421
{\an8}Lumalaki na si Joya.
134
00:37:41,218 --> 00:37:43,220
At dapat lumisan na siya sa Ngogo.
135
00:37:54,606 --> 00:37:58,319
Ganito naghahalo at nananatiling malusog
ang mga lipunan ng chimp.
136
00:38:05,743 --> 00:38:08,162
Lumilipat ng grupo ang mga batang babae
137
00:38:09,580 --> 00:38:11,415
para bumuo ng sariling pamilya.
138
00:38:17,212 --> 00:38:21,467
Iiwan ni Joya
lahat ng alam at kilala niya.
139
00:38:28,766 --> 00:38:30,726
Pero sa isang lugar sa kagubatan,
140
00:38:31,352 --> 00:38:35,147
makakahanap siya ng bagong grupo
kung saan bubuo siya ng buhay.
141
00:38:56,835 --> 00:39:00,214
Nawalan ng alpha ang sentro ng Ngogo.
142
00:39:06,678 --> 00:39:09,807
At kailangang masanay ang grupo
na wala si Jackson.
143
00:39:17,773 --> 00:39:20,025
Kay Miles, maaaring pagreretiro ito.
144
00:39:21,819 --> 00:39:23,779
Ilang taon na siyang lumalaban.
145
00:39:25,906 --> 00:39:28,075
Kaya tama lang
na magkaroon siya ng kapayapaan.
146
00:39:34,915 --> 00:39:38,085
Maaaring ito na ang simula
ng panahon ni Abrams.
147
00:39:39,670 --> 00:39:41,380
Bagama't wala pang katiyakan.
148
00:39:44,091 --> 00:39:46,885
Sa Ngogo, walang tigil ang politika.
149
00:39:48,053 --> 00:39:50,681
Ang mga kaalyado
ay maaaring maging kalaban
150
00:39:51,890 --> 00:39:53,517
kapag may oportunidad.
151
00:40:08,407 --> 00:40:10,451
Mahirap ang taon para kay Gus.
152
00:40:12,119 --> 00:40:13,662
Pero hindi siya sumusuko.
153
00:40:20,210 --> 00:40:23,714
At sa wakas,
nililinisan na siya ng ibang mga lalaki.
154
00:40:34,224 --> 00:40:37,060
Wala na sa pinakaibaba si Gus.
155
00:40:52,868 --> 00:40:56,121
Sa kabila ng kaguluhan
at panganib noong nakaraang taon,
156
00:40:57,456 --> 00:41:00,667
nakaabot na sa unang kaarawan
ang sanggol ni Christine...
157
00:41:03,295 --> 00:41:04,713
at may pangalan na siya.
158
00:41:08,425 --> 00:41:09,426
{\an8}Isobel.
159
00:41:12,554 --> 00:41:14,723
Bahagi na ng lipunan si Isobel.
160
00:41:18,852 --> 00:41:21,688
At ang buhay niya,
anuman ang nakalaan sa kanya,
161
00:41:22,731 --> 00:41:24,358
ay magiging maliit na parte
162
00:41:25,943 --> 00:41:27,361
ng mas malaking kuwento.
163
00:42:04,147 --> 00:42:08,652
Ang mga chimp at mga ninuno nila
ay nakatira na sa mga kagubatan ng Africa
164
00:42:08,652 --> 00:42:10,153
nang milyong taon.
165
00:42:15,784 --> 00:42:17,286
At sa panahong iyon,
166
00:42:17,286 --> 00:42:19,705
nangyayari na ang mga ganitong kuwento.
167
00:42:23,041 --> 00:42:24,126
Taon-taon.
168
00:42:28,046 --> 00:42:29,298
At sa bawat
169
00:42:30,882 --> 00:42:32,009
salinlahi.
170
00:42:43,061 --> 00:42:44,146
Mga pagkakaibigan.
171
00:42:48,400 --> 00:42:49,401
Mga tunggalian.
172
00:42:52,237 --> 00:42:53,280
Mga pag-aasam.
173
00:42:56,116 --> 00:42:57,117
At mga takot.
174
00:43:03,790 --> 00:43:05,792
Bilang pinakamalapit nilang kamag-anak,
175
00:43:06,543 --> 00:43:08,295
ano ang ibig sabihin nito sa atin?
176
00:43:14,092 --> 00:43:15,093
Sino ba tayo?
177
00:43:18,930 --> 00:43:21,016
Paano tayo naging ganito?
178
00:43:26,563 --> 00:43:28,940
Makapagbibigay ng ideya ang mga chimp.
179
00:43:32,653 --> 00:43:37,115
Madalas, nakikita natin sa kanila
ang pinakamabuti at pinakamasama sa atin.
180
00:43:42,120 --> 00:43:44,831
Kung lubos nating maiintindihan
ang mundo nila,
181
00:43:46,875 --> 00:43:49,294
baka mas maunawaan natin itong atin.
182
00:43:52,798 --> 00:43:56,843
Tila lagi silang may bago
at kamangha-manghang naipapakita sa atin.
183
00:44:01,098 --> 00:44:03,141
Nawa'y magtagal pa.
184
00:44:15,445 --> 00:44:18,365
NANGANGANIB NA MAUBOS ANG MGA CHIMPANZEE
- SA NGOGO AT SA AFRICA
185
00:44:18,365 --> 00:44:21,493
NABABAWASAN SILA DAHIL SA PAGKAWALA
NG TIRAHAN, PANGANGASO, AT SAKIT
186
00:44:21,493 --> 00:44:26,164
NAKADEPENDE ANG KINABUKASAN NILA
SA SANGKATAUHAN
187
00:44:26,748 --> 00:44:31,336
PAG-ALALA KAY SEBASTIÁN RAMÍREZ AMAYA
188
00:44:59,114 --> 00:45:02,117
Tagapagsalin ng Subtitle:
Moonnette Maranan